You are on page 1of 2

Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata, at National Artist for Literature.

Isa siya sa kinikilalang


dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa,
at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-
asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas.Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa
pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932,
sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng
kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Noong 1938,
ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang
kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center
of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng
Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng
Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na
pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal. Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong
Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations
(CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947. Ang kamalayang pampulitika ng
manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa kanilang binuong “Workers Institute” na
pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon, Impormasyon at Panana-liksik. Dahil sa kanyang pagiging
aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at
ikinulong si Ka Amado Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak
(bail), at noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala. Mula 1958 hanggang 1961,
nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula. Noong 1965,
dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at nalathala ang
kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso Journalism Award. Noong
1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa
International War Crimes Tribunal sa London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang
na ang kanyang bansa ay isang “war criminal” sa Biyetnam. Noong 1967, tumakbo siyang
konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang muli at naging editor ng Ang Masa. Si Ka
Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang
karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas. Ilan sa
kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod; Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan), Luha ng
Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal), Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970, Magkabilang
Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda, Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento, at
Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal).

You might also like