You are on page 1of 4

KA AMADO V.

HERNANDEZ
Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata,
at National Artist for Literature

“Sa aking piita’y hindi pumupurol ang lumang panulat, / bawa’t isang titik, may tunog
ng punlo at talim ng tabak.” — Amado V. Hernandez, “Bartolina”

Sinaliksik at sinulat ni Gregorio V. Bituin Jr.

ISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista,
makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela
Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas.

Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa
larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na
“Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon
de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala sa pang-araw-araw niyang
kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado
naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit
isang buwan ang kanilang makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”.
Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro
Agoncillo na siyang editor nito.

Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang kanyang
narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang kanyang
nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center of the
Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng
Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng
Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na
pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.

Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong
1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng
CLO noong 1947.

Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa
Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram Gomtawco Sawmill, Republic
Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas muli ang mga mang-gagawa
sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon
Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna-unahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang
kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito
inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay
“Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang
38,000 manggagawa.
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa kanilang
binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon, Impormasyon at
Panana-liksik.

Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero


26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado. Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp
Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo) bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto
1951 sa salang “rebellion complexed with other crimes”. Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka
Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng
kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa
kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang “Isang Dipang Langit”.

Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at noong Mayo
31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala.

Mula 1958 hanggang 1961, nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga
isinulat na dula.

Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at


nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso
Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa
Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London kung saan
ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang “war criminal” sa
Biyetnam.

Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang muli at naging
editor ng Ang Masa.

Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa
kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng
Pilipinas.

Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito:


1. Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan)
2. Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal)
3. Isang Dipang Langit (Koleksyon ng Tula)
4. Luha ng Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal)
5. Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970
6. Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento
7. Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda
LUHA NG BUWAYA
Tauhan:
y

B
andong Cruz ² Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- gurong i
sang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila
y

D
on Severo at
D
oña Leona Grande ² Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-
abuso sakanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silan
gdalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet.
y

D
islaw ² Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ngmga
magsasaka. Siya ang karibal ni
B
andong sa magandang dalagang si Pina

y
Pina ² Ang dalagang iniibig pareho nina
B
andong at
D
islaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at AlingSabel.

Andres ² Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangansiyan
g magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya.
y

Tasyo ² Siya ang hinirang na pinuno ng unyon

You might also like