You are on page 1of 2

Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan.

Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril. Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at supling nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si Honorata "Atang" de la Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman" na napabilang din sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakamit ang titulong batsilyer sa sining. Mga Parangal Tumanggap ng tinatayang 20 gawad at parangal si Hernandez noong bago sumiklab ang digmaan, at kabilang dito ang "Ang Makata ng Ilaw at Panitik" (1925) na sumungkit ng dalawang medalyang ginto para sa maikling kuwento. Nagwagi rin siya ng Republic Cultural Heritage Award para sa "'Isang Daang Langit" (1962); Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1958, 1961); Hagdan sa Bahaghari (1959); National Press Club Journalism Award (19631965); Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa pamahalaang lokal ng Maynila (1964); Balagtas Memorial Award mula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1969); Gawad Tanglaw ng Lahi mula sa Ateneo de Manila University (1970). Iginawad nang postumo sa kaniya ang pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1970. Pagsusulat at Paninindigan Nagsimula bilang peryodista, at pagkaraan ay naging editor, si Hernandez sa mga pahayagang gaya ng Watawat, Pagkakaisa, Makabayan, Sampaguita, at Mabuhay Extra. Sumapi siya sa Akademya ng Wikang Tagalog at Manila Press Club noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at naging tiktik para isulong ang paghihimagsik. Nahirang siyang konsehal noong 1945, at nahalal noong 1947. Nakilahok siya sa kilusang manggagawa noong dekada 19401950, at kinatawan ang mga mamamahayag sa Congress of Labor Relations (CLO). Noong 1947, nahalal siyang pangulo ng CLO ngunit nabilanggo naman siya noong 1951 dahil sa paratang na pagiging subersibo. Pinalaya siya noong 1956, at napawalang sala nang ganap noong 1964. Muling pumalaot sa peryodismo si Hernandez, at naging kolumnista sa Taliba noong 19621967, at editor ng Ang Masa. Nahalal si Hernandez na ikalawang pangulo ng Aklatang Bayan, ang pinakamalaking samahan ng mga manunulat na itinatag noong bago magkadigma; at pagkaraan ay sumapi sa Ilaw at Panitik na samahan ng mga kabataang makata at mangangatha. Nakipagbalagtasan siya sa pahayagan at kinalaban ang tarikang si Jose Corazon de Jesus.

Si Lope K. Santos ay isa sa mga dakilang manunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista, makata, abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila. Si Santos ay isinilang sa Pasig, dating sakop ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo 1963. Si Santos ay supling nina Ladislao Santos na tubong Pasig at Victoria Canseco na tubong San Mateo, Rizal. Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K. Santos kay Simeona Salazar na nagbigay sa kaniya ng limang supling. Nag-aral si L.K. Santos sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho, at nakamit ang Batsiler sa Sining sa Colegio Filipino. Karera sa politika Nahalal at nagsilbing gobernador si Santos sa lalawigan ng Rizal noong 19101913 at sa Nueva Vizcaya noong 19181920. Nahalal siyang senador noong 1921 at naging direktor ng Institute of National Language [Kawanihan ng Wikang Pambansa] noong 19411945. Kasama siyang pundador ng Congreso Obrero de Filipinas at naging pangulo ng Unin del Trabajo de Filipinos. Bilang mambabatas, siya ang kumatha ng batas hinggil sa Araw ni Bonifacio upang pagpugayan ang dakilang Tagalog na naghasik ng himagsikan laban sa mga mananakop na Kastila. Sinikap din niyang pagbuklurin ang mga tribung minorya nang mabawasan ang karahasang laganap noon. Mga Akda Kabilang sa mga akda ni Santos ang Ang Pangginggera at Banaag at Sikat na pawang inilathalang muli ng Unibersidad ng Pilipinas Press para sa bagong henerasyon ng mambabasa. Ang kaniyang mga tula, nobela, kuwento, sanaysay, at kritika ay lumabas din sa mga pahayagan at magasing pinamatnugutan niya, gaya ng Muling Pagsilang, Ang Mithi, Lipang Kalabaw, at Sampaguita. Naging manunulat si L.K. Santos sa Renacimiento Filipino na pumalit sa dating El Renacimiento na wikang Espanyol ang ginagamit. Ang kaniyang Balarila ng Wikang Pambansa, na kauna-unahang aklat hinggil sa wikang Tagalog na sinulat ng isang manunulat na Tagalog, ay naging sanggunian ng mga pag-aaral at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

You might also like