You are on page 1of 8

Si Dr.

Jos Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda[1] (Ika-19 ng Hunyo 1861Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. Mga nilalaman [itago]

1 Edukasyon ni Rizal 2 Mga Akda 3 Buhay Pag-ibig 4 Mga Pamanang-lahi

5 Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir 6 Ugnay panlabas

[baguhin] Edukasyon ni Rizal Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalawang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student), Tribune, Decurion, Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech, naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nagaral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila. [baguhin] Mga Akda Mga Nobela ni Jose Rizal

Noli Me Tangere El filibusterismo Makamisa

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga

paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896. Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp. Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel. [baguhin] Buhay Pag-ibig Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-apat na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan. [baguhin] Mga Pamanang-lahi Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Ang kanilang mga mithiin: 1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya; 2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento); 3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon; 4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;

5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig. [baguhin] Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir

Pagbaril kay Jos Rizal sa Bagumbayan. Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nagaalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan. Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan. Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...) Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di

mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."

Pagsilang ng Pambansang Bayani Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor (siruhano sa mata), makata, mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan . Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:"Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon." Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay San Jose. Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.

Mga Magulang ni Rizal Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang Calamba ay nasa lalawigan ng Laguna. Si Jose Rizal ang ika-pito sa labing isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan, Laguna, noong Mayo 11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na "Huwarang Ama".

Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahangahanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mnahusay mag Espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.

Ang Kwento ng Gamugamo Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA". Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit hindi niy ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito. "Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?". Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis. Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata. Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin.

You might also like