You are on page 1of 66

José Rizal

Pilipinong manunulat, doktor at


dalubwika na itinuturing pambansang
bayani ng Pilipinas

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y


Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong
bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong panahon ng pananakop
ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at itinala
bilang isa sa mga pambansang bayani
ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.[2]
José Rizal

Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani


ng Pilipinas.

Ibang pangalan: José Rizal

Kapanganakan: 19 Hunyo 1861

Lugar ng kapanganakan: Calamba,


Laguna

Kamatayan: 30 Disyembre 1896


(edad 35)
Lugar ng kamatayan: Bagumbayan
(Luneta ngayon),
Maynila, Pilipinas

Pangunahing organisasyon: Kilusang


Propaganda,
La Liga
Filipina

Pangunahing monumento: Liwasang Rizal

Ito ang artikulo patungkol sa bayaning


Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa
kanya, silipin ang Jose Rizal
(pelikula). Para sa ibang gamit ng
Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw).
Ipinanganak si Rizal sa isang
mayamang angkan sa Calamba, Laguna
at ikapito siya sa labing-isang anak ng
mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora
Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de
Manila, at nakakuha ng diploma sa
Batsilyer ng Sining at nag-aral ng
medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Universidad
Central de Madrid sa Madrid, Espanya,
at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina,
na nagbigay sa kanya ng karapatan na
magpraktis ng pagmemedisina. Nag-
aral din siya sa Pamantasan ng Paris at
Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa


medisina ay mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay
makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay
ang nobela na Noli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3]
Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa
ng dalawampu't dalawang
wika.[note 2][note 3][4][5]

Itinatag ni José Rizal ang La Liga


Filipina, na samahan na naging daan sa
pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan
ni Andrés Bonifacio,[note 4] na isang lihim
na samahan na nagpasimula ng
Himagsikang Pilipino laban sa Espanya
na naging saligan ng Unang Republika
ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Isa siyang tagapagtaguyod ng
pagkakaroon ng sariling pamahalaan ng
Pilipinas sa mapayapang paraan, sa
halip na isang marahas na pag-aalsa na
susuporta lamang sa karahasan bilang
huling paraan.[7] Naniniwala si Rizal na
ang tanging katuwiran sa pagpapalaya
sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng
sariling pamahalaan ay ang pagbabalik
ng karangalan ng mga
mamamayan,[note 5] at winika niya "Bakit
kalayaan, kung ang mga alipin ngayon
ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8]
Ang pangkahalatang napagsang-
ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni
Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang
nagtulak upang magsimula ang
Himagsikang Pilipino.

Ang Bahay ni Rizal sa Calamba,Laguna


Ang pamilya ni José Rizal

Si Francisco Rizal Mercado (1818–1897)

Anak si Rizal nina Francisco Rizal


Mercado (1818–1897)[9] at Teodora
Morales Alonzo y Quintos (1827-1911;
na ang pamilya nila ay pinalitan ang
kanilang apelyido bilang "Realonda"),[10]
na parehong masaganang magsasaka
na pinagkalooban ng upa sa isang
hacienda at kaakibat nitong palayan ng
mga Dominikano. Ikapito sa labing-
isang magkakapatid si Rizal: sina
Saturnina (Neneng) (1850–1913),
Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa)
(1852–1939), Olympia (1855–1887),
Lucia (1857–1919), María (Biang)
(1859–1945), José Protasio (1861–
1896), Concepción (Concha) (1862–
1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945),
Trinidad (Trining) (1868–1951) at
Soledad (Choleng) (1870–1929).

Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak


ni Domingo Lam-co Quanzhou noong
kalagitnaan ng ika-17 dantaon.[11]
Napangasawa ni Lam-co si Inez de la
Rosa, na isang Sangley ng Luzon.[12]

Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. José Rizal

Mayroon ding lahing Kastila at Hapones


si José Rizal. Ang kanyang lolo na ama
ni Teodora ay kalahating Kastila at isang
inhinyero na ang ngalan ay Lorenzo
Alberto Alonzo.[13] Ang kanyang lolo sa
talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua,
na inanak ng isang Hapones.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang


unang guro at nagturo sa kaniya ng
abakada noong siya ay tatlong taon pa
lamang. Noong siya naman ay
tumuntong ng siyam na taon ay
ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang
mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni
Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang
nakalipas, pinayuhan niya ang mga
magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa
Maynila. Noong nagsimula siyang mag-
aral sa Ateneo Municipal de Manila,
inalis niya ang tatlong huling pangalan
na bumubuo sa kaniyang buong
pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid
na si Paciano Rizal at ng pamilyang
Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang
pangalan ay naging "Jose Protasio
Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni
Rizal na nagmistula siyang "hindi
lehitimong anak".[14] Ginawa ang
pagbabagong ito upang mas malayang
makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang
kaniyang koneksyon sa kaniyang
kapatid na minsan nang nagkaroon ng
ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata
ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng
mga hindi pa naririnig na mga kaisipang
pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang
pantao na kinagagalit ng
pamahalaan.[note 6][note 7] Sa kabila ng
pagbabago sa kaniyang pangalan,
naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa
mga patimpalak sa pagtutula, kung
saan humanga ang kaniyang mga guro
sa wikang Kastila at iba pang mga
banyagang wika, at kinalaunan, sa
pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal
sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol
sa sinaunang lipunang Pilipino.

Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang
unang paaralan sa Maynila na
pinasukan niya noong ikadalawampu ng
Enero 1872. Sa pananatili niya sa
paaralang ito ay natanggap niya ang
lahat ng mga pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng aklat.
Sa paaralan ding ito niya natanggap ang
kaniyang Batsilyer sa Sining na may
notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha


ng Pilosopiya at Panitikan sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Sa
Ateneo, kasabay niyang kinuha ang
agham ng Pagsasaka. Pagkaraan,
kinuha niya ang kursong panggagamot
sa Santo Tomas pagkatapos mabatid
na ang kaniyang ina ay tinubuan ng
katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang
dahil sa hindi na niya matanggap ang
tagibang at mapansuring pakikitungo ng
mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya.
Doo'y pumasok siya sa Universidad
Central de Madrid, kung saan, sa
ikalawang taon ay natapos niya ang
karerang Medisina, bilang
"sobresaliente" (napakahusay). Nang
sumunod na taon, nakamit niya ang
titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay
siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa
sa paggamot ng sakit sa mata sa isang
klinika roon. Pagkatapos ay tumungo
siya sa Heidelberg, Alemanya, kung
saan nakatamo pa siya ng isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng


Medisina, siya ay nag-aral ng wikang
Ingles, bilang karagdagan sa mga
wikang kaniya nang nalalaman gaya ng
Pranses. Dalubwika si Rizal na
nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino,
Inggles, Pranses, Aleman, Griyego,
Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges,
Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at
iba pang mga katutubong wika ng
Pilipinas.
Personal na Buhay
Marahil ang buhay ni Rizal ang
pinakadokumentado sa mga Pilipinong
nabuhay noong ika-19 siglo dahil sa
maraming mga talang isinulat niya at
ukol sa kaniya.[16] Halos bawat detalye
sa kaniyang buhay ay naitala, dahil sa
kaniyang regular na tagasulat ng
kaniyang talaarawan at dahil din sa
kaniyang pagiging manunulat, at ang
karamihan sa mga materyales na ito ay
nananatili pa rin. Naging mahirap sa
mga biograpo ang pagsasalin ng mga
likha niya dahil sa ugali ni Rizal na
pagpapalit ng wika.
Kabilang sa mga nilalalaman ng mga
tala ni Rizal ang pananaw ng isang
Asyano na nakarating sa Kanluran sa
unang pagkakataon. Kabilang dito ang
kaniyang mga lakbayin sa Europa,
Hapon at Estados Unidos, at maging sa
kaniyang pananatili sa Hong Kong.

Matapos siyang makapagtapos mula sa


Ateneo Municipal de Manila, bumisita si
Rizal at ang isang kaibigang si Mariano
Katigbak upang bisitahin ang lola ni
Rizal sa ina na naninirahan sa Tondo,
Maynila. Isinama ni Mariano ang
kaniyang kapatid na si Segunda
Katigbak, na isang 14-taong
Batangueña mula Lipa, Batangas.
Karamihan sa mga panauhin ng lola ni
Rizal ay mga mag-aaral sa kolehiyo, at
alam nila na magaling sa pagpipinta si
Rizal. Pinakiusapan siya na gumawa
siya ng larawan ni Segunda. Bagaman
tumanggi si Rizal noong una, ginawan
din niya ng guhit si Segunda. Sa
kasamaang palad, may kasintahan na si
Katigbak na ang pangalan ay Manuel
Luz.[17]

Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo


1892, nanirahan si Rizal at kaniyang
mga pamilya sa Blng 2 ng Rednaxela
Terrace, sa isla ng Hong Kong.
Nangupahan si Rizal sa 5 kalye
D'Aguilar, Distritong Central, Isla ng
Hong Kong bilang kaniyang klinika sa
mata mula 2 ng hapon hanggang 6 ng
gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi
nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang
mga pagkahanga na kung saan siyam
ang nakilala. Sila ay sina Gertrue
Beckett, na taga Londres, Nelly
Boustead na nagmula sa pamilyang
mangangalakal galing Inglatera at
Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-
Sei-san) na kabilang sa lahi ng
maharlikang Hapon, ang kaniyang
naunang mga pagkakaibigang sina
Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela,
at ang kaniyang panliligaw sa kaniyang
malayong pinsan na si Leonor Rivera,
na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon
sa karakter na Maria Clara sa Noli Me
Tangere.

Leonor Rivera

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor


Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating
kagaya ng “If Dreams Must Die” at
“The Love of Leonor Rivera” ni
Severino Montana. Kung saan kapwa
nagpapakita ng imahe ng isang
dalagitang umiibig sa bata nitong puso,
isang kolehiyala na naihahalintulad kay
Maria Clara, at isang walang-hanggang
pag-ibig ni Rizal.

Sinasabing inspirasyon ni Rizal si


Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan
na Maria Clara sa Noli me Tangere at El
FIlibusterismo.[18] Unang nagkita si Rizal
at Rivera sa Maynila noong 14 taong
gulang pa lang si Rivera. Noong
lumuwas si Rizal sa Europa nong 3
Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang
pa lamang. Nagsimula ang kanilang
pagtatalastasan noong nag-iwan si
Rizal ng tula para kay Rivera na
namamaalam.[19]
Nananatiling nakatuon si Rizal sa
kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa
kaniyang pakikipagtalastasan kay
Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni
Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng
kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat
ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27
Hunyo 1884, binanggit si Rivera bilang
"katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak
si Rivera bilang lubhang apektado sa
paglisan ni Rizal, na palaging maysakit
dahil sa insomnia.

Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong


5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at
kaniyang pamilya sa Dagupan,
Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng
kaniyang amang si Francisco Mercado
na makipagkita kay Rivera upang
huwag mailagay ang pamilyang Rivera
sa panganib, dahil sa mga araw na iyon
binansagan na si Rizal ng pamahalaang
Kastila bilang filibustero o
mapanghimagsik[19] dahil sa kaniyang
nobelang Noli Me Tangere. Nais
pakasalan ni Rizal si Rivera habang
siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa
lubusang katapatan ni Rivera. Muli,
pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama
bago ang kaniyang muling paglisan sa
Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang
pagkikita. Noong 1888, hindi na
pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay
Rivera ng isang taon, sa kabila ng
patuloy na pagpapadala ni Rizal ng
liham sa kaniya. Ang dahilan ng
pananahimik ni Rivera ay dahil sa
kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang
Ingles na nagngangalang Henry
Kipping, isang inhenyero sa daangbakal
na nabighani kay Rivera at mas
sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.[19][20]
Lubusang nasaktan si Rizal noong
nabalitaan niyang nagpakasal na si
Rivera kay Kipping.

Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang


halos lahat ng mga bagay na binigay
niya, kabilang ang mga guhit sa mga
piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay
na ito ay mga ohales at panyo na may
guhit at sulatin na binigay sa mga
Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din
sa pamilyang Rizal.

Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay


ang anak ng isang liberal na Kastila na
si Pedro Ortiga y Perez; at maging si Dr.
Reinhold Rost ng Museong Britanya
kung saan siya naging regular na
panauhin sa kaniyang tahanan habang
siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni
Morga sa Londres, kung saan
binansagan siya bilang "hiyas ng isang
tao".[16][note 8]

Josephine Bracken

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay


may dalawang babae na kapwa
nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito
ay ang kanyang ina at si Josephine
Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay
isang mapagmahal at mapag-kalingang
ina, na nagpakita ng mga katangian ng
isang huwarang inang Pilipino. Isang
parokyano ng Kristiyanismo, para sa
kanya ay isang pagtalikod o kasalanan
sa paniniwala ang pag-aaral ng
siyensiya at pag-ibig kay Josephine
Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera


kay Maria Clara, si Josephine Bracken
naman ay kay Salome. Si Salome ang
karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na
hindi isinama sa publikasyon kaya iilan
lamang ang nakakikilala. Si Salome ay
ang iniibig ni Elias, isang babaeng
kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa
pagsasalita, pagkilos at pananaw sa
sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay
isang senaryong kakikitaan ng lubusang
pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang
mga sulatin ni Jose Garcia Villa.
Maihahalintulad din si Josephine
Bracken kina Magdalene, Mata Hari,
Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at
Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan


upang makita ang liberalismo ni Rizal ng
ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang
naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang
ina tungkol sa pagsasama nila ni
Josephine Bracken kahit na walang
basbas ng simbahan. Bukod sa
pagiging liberal taglay din ni Josephine
Bracken ang mga kaugalian kagaya ng
pagiging matatag at may buong-loob
sa pakikipaglaban ng kanyang mga
pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine


Bracken ay maihahalintulad kina
Gabriela Silang at Joan of Arc sa
kanyang walang hanggang pakikibaka
sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si
Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite
noong 29 Disyembre. Kasama niyang
dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal
at iba pang kabilang sa pamilya Rizal.
Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin
matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa
Tejeros kung saan naging nurse at
inspirasyon siya sa mga may sugat at
iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay
makikita ang partisipasyon ni Josephine
sa “Battles of Silang” st “Battle of
Dasmariñas” noong 27 Pebrero.
Makikita ang lubhang katatagan ni
Josephine Bracken sa Rebolusyon,
nang panahon kung kailan dadakipin na
siya ng mga Espanyol. Kung saan
naglakad siyang dumudugo ang mga
paa mula sa Maragondon hanggang
Laguna hanggang makarating siya sa
daungan papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking
bahagi ng kasasayan ng Pilipinas
hanggang sa kanyang kamatayan
noong taong 1902 sa sakit na
tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob
na pakikibahagi sa Rebolusyon at
patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa
kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa
kanya noong una ay sadyang kahanga-
hangang kaugaliang napatunayan ni
Josephine Bracken sa loob ng
mahabang panahon.

Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay


Josephine Bracken isang babaeng
Irlandes mula Hong Kong, noong
sinamahan niya ang kaniyang bulag na
amang si George Taufer upang ipasuri
ang kaniyang mga mata kay Rizal.[21]
Matapos ang ilang mga pagbisita,
nakipag-ibigan si Rizal at Bracken sa
isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit
dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa
kaniyang mga sinulat at pananaw
pampulitika, tumanggi ang lokal na kura
na si Padre Obach na ikasal sila liban na
lang kung makakakuha si Rizal ng
pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu.
Hindi sila makapagkasal sa simbahan
dahil tumangging bumalik si Rizal sa
Katolisismo.[22]
Matapos samahan ang kaniyang ama
sa Maynila upang bumalik sa Hong
Kong, at bago siya bumalik sa Dapitan
upang tumira kay Rizal, pinakilala ni
Josephine ang kaniyang sarili sa
pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi
ng ina ni Rizal na magdaos sila ng
kasalang sibil, upang hindi mabagabag
ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang
politikal na pananaw upang makakuha
ng pahintulot mula sa isang Obispo.[23]
Naikasal si Rizal at Josephine sa
pamamagitan ng kasalang sibil sa
Talisay sa Dapitan. Sinasabing
nagkaroon sila ng isang anak na
nagngangalang Francisco, na namatay
din agad pagkasilang.[24]

Sa Bruselas at Espanya (1890-


1892)
Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris
patungong Bruselas habang
naghahanda sa paglilimbag ng kaniyang
mga anotasyon ng Sucesos de las Islas
Filipinas ni Antonio de Morga.
Nanirahan siya sa isang pangupahang
bahay ng magkapatid na Jacoby, sina
Catherina at Suzanna, na mayroong
pamangking nagngangalang Suzanna
("Thil") na may edad 16. Ayon sa
historyador na si Gregorio F. Zaide,
umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45
taong gulang, ngunit naniniwala ang
Belgang si Pros Slachmuylders na
umibig si Rizal sa 17 taong gulang na
pamangking si Suzanna Thil.[25] Nakita
niya ang mga talang nagbibigay linaw
sa kanilang mga pangalan at edad.

Saglit lang nanirahan si Rizal sa


Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas
siya patungong Madrid. Binigyan niya si
Suzanna ng isang kahon ng tsokolate.
Lumiham si Suzanna kay Rizal sa
wikang Pranses, na sinasabing hindi
siya kumuha ng ni isang piraso ng
tsokolate, at halos mapudpod na ang
kaniyang sapatos sa pagbabalik-
panaog sa hulugan ng sulat upang
tignan kung may liham galing sa kaniya,
at hinihintay ang kaniyang muling
pagbabalik.[25] Noong 2007, nilalakad
na ng pangkat ni Slachmuylder na
lagyan ng makasaysayang tanda upang
magbigay-pugay sa pananatili ni Rizal
sa nasabing tahanan.[25]

Nagbago ang mga nilalaman ng mga


sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang
obra, ang "Noli Me Tangere", na
nilimbag sa Berlin noong 1887, at "El
Filibusterismo", na nilimbag sa Ghent
noong 1891. Para magkaroon ng pondo
upang mailimbag ang huli ay nangutang
si Rizal sa kaniyang mga kaibigan.
Maraming mga Kastila at mga
edukadong Pilipino ang nagalit sa
kaniyang mga sinulat dahil sa mga
simbolismong pinapakita dito. Kritikal
ang mga nobelang ito sa mga prayleng
Kastila at sa kapangyarihan ng
simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni
Rizal na si Ferdinand Blumentritt, na
isang propesor at historyador, ang mga
karakter sa mga nobelang ito ay hango
sa totoong buhay at ang bawat mga
pangyayari dito ay maaaring mangyari
sa anumang araw sa Pilipinas.[26]
Bagaman si Blumentritt ay apo ng
Ingat-yaman ng Imperyo sa Vienna at
matibay na tagapagtanggol ng
pananampalatayang Katoliko, sinulat pa
rin niya ang panimulang salita ng El
Filibusterismo matapos niyang isalin
ang Noli Me Tangere sa wikang
Aleman. Gaya ng binabala ni
Blumentritt, naging dahilan ang mga
nobelang ito upang usigin si Rizal bilang
tagapanimula ng himagsikan.
Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at
tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang
mga nobela ang nagbigay inspirasyon
sa mga Pilipino upang maglunsad ng
Himagsikang Pilipino noong 1896.
Bilang pinuno ng kilusang propaganda
ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si
Rizal ng mga sanaysay, tula at editoryal
sa pahayagang La Solidaridad sa
Barcelona, kung saan ginamit niya ang
sagisag-panulat na "Dimasalang". Ang
karaniwang tema ng kaniyang mga likha
ay sumesentro sa liberal at
progresibong kaisipan ng karapatang
pang-indibidwal at kalayaan, lalu na
para sa mga mamamayang Pilipino.
Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang
mga kasapi ng kilusan, na ang Pilipinas
ay humaharap sa, ayon sa mismong
salita ni Rizal, na "Goliath na may
dalawang mukha"—mga tiwaling prayle
at masamang pamahalaan. Paulit-ulit
na kaniyang binabanggit sa kaniyang
komentaryo ang mga adyenda gaya ng
mga sumusunod:[note 9]

Na ang Pilipinas ay gawing probinsya


ng Espanya
May pagkakatawan sa Cortes
Mga Pilipinong pari sa halip na mga
prayleng Kastila
Kalayaan sa pagtitipon at pananalita
Pantay-pantay na karapatan sa ilalim
na batas sa pagitan ng mga Pilipino at
Kastila
Tumutol ang mga mananakop sa
Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi
rin ito inendorso ng ilang mga
intelektwal na Kastila tulad nina
Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba
pa.

GUmanti si Wenceslao Retana, isang


politikal na komentador sa Espanya, sa
pamamagitan ng pagsulat ng artikulo sa
La Epoca, isang pahayagan sa Madrid,
na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento niya
ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni
Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba
dahil sa hindi pagbabayad ng upa. Nag-
ugat ang insidenteng ito mula sa
pagkakakulong sa ina ni Rizal na si
Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa
bintang na pagtangkang paglason sa
kaniyang hipag. Dahil sa
pakikisabwatan ng mga prayle ay
kinulong siya ng wala man lang
paglilitis. Pinaglakad din siya ng
sampung milya (16 km) mula Calamba.
Pinalaya din siya matapos ang dalawa
at kalahating taong pakikipag-apela sa
Kataas-taasang Hukuman.[27] Noong
1887, sumulat ng petisyon si Rizal sa
ngalan ng mga nangungupahan sa
Calamba, at noong taon ding iyon ay
hinimok sila na magsalita laban sa
tangka ng mga prayle na taasan ang
upa. Humantong ito sa paglilitis na
nauwi sa pagpapalayas ng mga
Dominiko sa mga nangungupahan mula
sa kanilang mga tahanan, kabilang dito
ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni
Heneral Valeriano Weyler ang paggiba
sa mga gusali ng sakahan.

Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si


Rizal ng kinatawan upang hamunin si
Retana sa duwelo. Humingi ng tawad si
Retana sa publiko at kinalauna'y naging
isa sa mga pinakamalaking tagahanga
ni Rizal, na sumulat din ng isa sa
pinakamahalagang talambuhay ni Rizal,
ang Vida y Escritos del Jose Rizal (Mga
buhay at kasulatan ni Jose Rizal).[28]

Pagbabalik sa Pilipinas (1892-


1896)

Pagpapatapon sa Dapitan

Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo


ni Rizal ang isang samahang La Liga
Filipina. Isinusulong ng samahang ito
ang pagkakaroon ng reporma sa
pamamagitan ng legal na pamamaraan,
ngunit ito'y binuwag ng gobernador. Sa
mga panahong iyon, tinuturing na siya
bilang kalaban ng estado ng
pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang
mga nobela.

Nasangkot si Rizal sa mga gawaing


rebelyon at noong Hulyo 1892 ay
pinatapon siya sa Dapitan sa probinsya
ng Zamboanga.[29] Habang nasa
Dapitan ay nagtayo siya ng isang
paaralan, ospital at isang sistema ng
suplay ng tubig, at nagturo din ng
pagsasaka.

Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa


mga batang lalaki. Sa paaralang ito,
wikang Kastila ang ginagamit sa
pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles
bilang wikang banyaga. Ang layunin ng
paaralang ito ay upang turuan ang mga
mag-aaral ng pagiging maparaan sa
buhay. Ang ilan sa mga mag-aaral ay
naging matagumpay bilang mga
magsasaka at tapat na opisyal ng
pamahalaan. Isang Muslim ang naging
datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay
naging gobernador ng Zamboanga.

Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita


na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa
pamumuno ni Padre Sanchez, na dati
niyang guro, ngunit nauwi ito sa
kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre
Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.
Naging tagapamagitan ang kaniyang
matalik na kaibigang si Ferdinand
Blumentritt sa kaniyang mga kaibigan
sa Europa, at patuloy ang kaniyang
pakikipagtalastasan sa kanila na siyang
patuloy na nagpapadala ng mga liham
na nakasulat sa mga wikang Olandes,
Pranses, Aleman at Ingles na lumito sa
mga sensura, kaya naantala ang
kanilang mga pagpapadala. Sa
pananatili ni Rizal sa Dapitan sa loob ng
apat na taon ay umti-unti ding
umusbong ang Rebolusyong Pilipino na
kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya.
Bagaman tutol siya sa himagsikan,
ginawa siyang pandangal na pangulo ng
mga kasapi ng Katipunan at ginamit din
ang kaniyang pangalan bilang sigaw sa
digmaan, pakikipag-isa at kalayaan.[30]

Pagbaril sa Bagumbayan

Isang litrato ng pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan.

Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay


isang hanay ng mga Pilipinong kasapi
ng Hukbong Kastila, habang isa pang
hanay ng mga Kastilang kasapi ng
Hukbong Kastila ang nakahanda upang
barilin ang sinuman sa kanila na
susuway.[31] Kinunan ng manggagamot
ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at
ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento
ang mga Kastilang hukbo noong
nagsimula na silang sumigaw ng "Viva"
at iba pang mga katagang pabor sa
Kastila kasama ang mga manonood na
karamihan ay mga Peninsulares at mga
Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling
salita ay isa sa mga huling salita ni
Jesucristo: "Consummatum est"—
natapos na.[4][32][note 10]
Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco
sa Maynila ng wala man lang tanda sa
libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na
si Narcisa ang lahat ng maaaring
libingan at natagpuan ang bagong
baong lupa sa isang libingan na may
mga bantay sa tarangkahan. Sa
kaniyang paniwala na maaaring ito nga
ang pinaglibingan, at wala pang ibang
mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa
taga-ingat upang lagyan ng tanda ang
nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni
Rizal na pabaliktad.

Nakatago naman sa lampara ang


kaniyang tulang Mi ultimo adios na
pinaniniwalaang sinulat ilang araw bago
ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa
kaniyang pamilya kasama ang ilan
niyang mga natirang pag-aari, kabilang
na ang kaniyang mga huling liham at
huling habilin.[33]:91 Sa kanilang
pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang
kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles
na mayroong isang bagay sa loob ng
lamparang binigay ni Pardo de Taveras
na ibabalik din pagkabitay, upang
bigyang diin ang kalahagahan ng tula.
Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan
din ang aking sapatos", kung saan isa
pang bagay ang nakasuksok. Noong
hinukay ang kaniyang labi noong
Agosto 1898, sa panahon na ng
pananakop ng mga Amerikano,
nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at
nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga
banal', at anuman ang nakasiksik sa
kaniyang sapatos ay nalusaw.[27]

Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya


ay kaniyang isinulat: "Turingan ang
may-edad nating magulang kagaya ng
gusto niyong maturingan... Mahalin
silang lubos sa aking alaala... 30
Disyembre, 1896."[16] Nagbigay siya ng
habilin sa kaniyang pamilya ukol sa
kaniyang libing: "Ilibing ninyo ako sa
lupa. Maglagay ng bato at krus sa
ibabaw. Pangalan ko, petsa ng
kapanganakan ko at kamatayan ko.
Wala nang iba. Kung nais niyong
bakuran ang aking libingan maaari
niyong gawin. Walang paggunita."[34]

Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt:


"Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako;
ngunit ako ay inosente sa krimen ng
paghihimagsik. Mamamatay ako ng
may tahimik na konsiyensiya."[16]
Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang
rebolusyonaryong Pilipino na namatay
dahil sa kaniyang mga gawa bilang
manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na
pagsuway ay matagumpay niyang
natibag ang moral na pamumuno ng
Espanya. Nagbigay din siya ng isang
aklat sa isang matalik at minamahal na
kaibigan. Noong natanggap ito ni
Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.

Mga Katha
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang
dalawang nobela, ang Noli Me Tangere,
na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886)
sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El
Filibusterismo, na nilathala sa Gante,
Belgica (1891); pinahiram siya ni
Valentin Ventura ng 300 piso sa
pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
Naglalaman ang mga ito ng mga
paglalarawan at pagpuna sa mga
nagaganap na pangyayari sa lipunang
Pilipino ng mga panahong iyon. Ang
mga aklat na ito ay halaw at hango sa
Don Quixote ni Miguel Cervantes,
manunulat na Espanyol. Ang mga ito
ang naging daan upang magising ang
puso't diwa ng mga Pilipino.

Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay
isang Pilipinong repormista para sa
isang lipunang malaya at hindi isang
rebolusyonaryong naghahangad ng
kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng
Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng
mga Pilipino sa Barcelona, Espanya,
nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La
Solidaridad.

Ang kanilang mga mithiin:

1. na ang Pilipinas ay maging


bahaging-lalawigan ng Espanya;
2. na magkaroon ng mga kinatawan
sa Batasan ng Espanya
(Parlyamento);
3. na magkaroon ng mga
namumunong paring Pilipino o
magkaroon ng sekularisasyon;
4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at
pamamahayag;
5. pantay na karapatan sa harap ng
batas, maging Pilipino man o
Kastila.

Hindi matanggap ng mga


maykapangyarihang opisyal ang mga
pagbabagong iyon, sapagkat
nangangahulugan ng pagkawala ng
pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa
pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa
Espanya, pinaratangan siya ng
paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag
ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon
sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,
Zamboanga del Norte/Zamboanga
noong 1892. Doon, nagtayo siya ng
isang paaralang pambata, at isang
pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin
siya ng isang pambayang sistema ng
padaloy-tubig.

Tingnan din
Mga lugar sa Pilipinas na may
pangalang Rizal
Kilalanin ang Pambansang Bayani na
si Jose Rizal (https://mgabayani.ph/kil
alanin-ang-bayani-na-si-jose-rizal/)
Naka-arkibo (https://web.archive.or
g/web/20190626071108/https://mgab
ayani.ph/kilalanin-ang-bayani-na-si-j
ose-rizal/) 2019-06-26 sa Wayback
Machine.
22. Fadul 2008, p.21.
23. Craig 1914, p.215
24. Fadul 2008, p. 38.
25. Cuizon, Ahmed (2008-06-21). "Rizal’s
affair with 'la petite Suzanne'" (http://gl
obalnation.inquirer.net/cebudailynews/
news/view/20080621-143971/Rizals-aff
air-with-la-petite-Suzanne) Naka-
arkibo (https://web.archive.org/web/20
140226044021/http://globalnation.inquir
er.net/cebudailynews/news/view/2008
0621-143971/Rizals-affair-with-la-petit
e-Suzanne) 2014-02-26 sa Wayback
Machine., Inquirer/Cebu Daily,
Retrieved on 2012-09-20.
30. "Archive copy" (https://web.archive.or
g/web/20150328220920/http://definitel
yfilipino.com/blog/2012/07/29/rizalismo
-isang-sanaysay/) . Tinago mula sa
orihinal (http://definitelyfilipino.com/blo
g/2012/07/29/rizalismo-isang-sanaysa
y/) noong 2015-03-28. Nakuha noong
2014-10-25.
31. Russell, Charles Edward; Rodriguez,
Eulogio Balan (1923). The hero of the
Filipinos: the story of José Rizal, poet,
patriot and martyr (http://books.google.
com/books?id=BgsvAAAAIAAJ) . The
Century co. pa. 308.
32. Austin Coates, Rizal: Philippine
Nationalist and Martyr (London: Oxford
University Press, 1968) ISBN 0-19-
581519-X
33. Alvarez, S.V., 1992, Recalling the
Revolution, Madison: Center for
Southeast Asia Studies, University of
Wisconsin-Madison, ISBN 1-881261-
05-0
34. "Letters Between Rizal and his Family,
#223" (http://joserizal.info/Writings/Lett
ers/Family/1896-f-letters.htm) Naka-
arkibo (https://web.archive.org/web/20
111006155045/http://joserizal.info/Writin
gs/Letters/Family/1896-f-letters.htm)
2011-10-06 sa Wayback Machine.. The
Life and Writings of José Rizal.
Retrieved on 2012-09-29

Ugnay panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa
José Rizal ang Wikimedia Commons.
Rizal the OFW (http://www.inq7.net/g
lobalnation/col_gln/2005/jan10.htm) ,
artikulo tungkol kay Rizal sa INQ7
Rizal's official web pages (http://ww
w.joserizal.ph/)
prof. Ferdinand Blumentritt's web
pages, Rizal's friend (http://www.univi
e.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi.htm)
+ Lea-Katharina Steller: Ferdinand
Blumentritt (http://www.blumentritt.u
ni.hu/)
The knights of Jose Rizal, Order (htt
p://www.knightsofrizal.org)

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=José_Rizal&oldid=2018367"

Huling pagbabago: 18:34, 9 Mayo 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng
CC BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like