Professional Documents
Culture Documents
as
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na
samahan na naging daan sa pagkabuo
Pangunahing organisasyo Kilusang Propaganda, La Liga ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés
Bonifacio,[note 4] na isang lihim na samahan na
n: Filipina nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa
Espanya na naging saligan ng Unang Republika
ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Isa
Pangunahing monumento: Liwasang Rizal siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng
sariling pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang
paraan, sa halip na isang marahas na pag-aalsa na susuporta lamang sa karahasan bilang
huling paraan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at
pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga
mamamayan,[note 5] at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging
maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay
ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na pinasukan niya noong
ikadalawampu ng Enero 1872. Sa pananatili niya sa paaralang ito ay natanggap niya ang lahat
ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito
niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya
ang kursong panggagamot sa Santo Tomas pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay
tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang
at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya
sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang
taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang
sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at
nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay
tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa siya ng isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Dalubwika si Rizal na
nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Por
tuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Personal na Buhay
Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19
siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya.[16] Halos bawat detalye sa
kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at
dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at ang karamihan sa mga materyales na ito ay
nananatili pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng mga likha niya dahil sa
ugali ni Rizal na pagpapalit ng wika.
Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating
sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa,
Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.
Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang
isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa
Tondo, Maynila. Isinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, na isang
14-taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga
mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na
gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya
ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay
Manuel Luz.[17]
Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa
Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar,
Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon
hanggang 6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang
kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na
taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at
Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang
kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang
kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan
ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere.
Leonor Rivera
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya
ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan
kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang
kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni
Rizal.
Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara
sa Noli me Tangere at El FIlibusterismo.[18] Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14
taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera
ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si
Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.[19]
Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang
pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila
ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884,
binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang
apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.
Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang
pamilya sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco
Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib,
dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o
mapanghimagsik[19] dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si
Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli,
pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit
hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay
Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang
dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na
nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas
sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.[19][20] Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang
nagpakasal na si Rivera kay Kipping.
Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang
mga guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na
may guhit at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang
Rizal.
Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga
y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na
panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres,
kung saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".[16][note 8]
Josephine Bracken
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng
mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo
ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang
huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o
kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay
Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon
kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan
ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at
Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga
sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata
Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga
kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni
Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni
Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa
pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan
of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa
pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29
Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni
Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa
mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni
Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang
lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin
na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa
Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa
kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na
pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala
ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni
Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong
Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang
kaniyang mga mata kay Rizal.[21] Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at
Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa
kaniyang mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na
ikasal sila liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu.
Hindi sila makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo.[22]
Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya
bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa
pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil,
upang hindi mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang
makakuha ng pahintulot mula sa isang Obispo.[23] Naikasal si Rizal at Josephine sa
pamamagitan ng kasalang sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak
na nagngangalang Francisco, na namatay din agad pagkasilang.[24]
Mga Katha
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag
sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala
sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng
El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap
na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at
hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging
daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.
Mga Pamanang-lahi
Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang
malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng
Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng
ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Ang kanilang mga mithiin:
Tingnan din
Mga lugar sa Pilipinas na may pangalang Rizal
Kilalanin ang Pambansang Bayani na si Jose Rizal Naka-arkibo 2019-06-26 sa Wayback
Machine.
Mga sanggunian
Mga Tala
1. ↑ Ang nobela niyang Noli ay sa kauna-unahang nobela sa Asya na isinulat sa labas ng bansang
Hapon at Tsina at isa sa mga unang nobelang laban sa rebelyong anti-kolonyal. Basahin ang: [1].
2. ↑ Mahusay siya sa mga Kastila, Pranses, Latin, Griyego, Aleman, Portuges, Italyano, Ingles,
Olandes at Hapon. Gumawa rin si Rizal ng mga pagsasalin mula sa wikang Arabe, Suwesya,
Ruso, Tsino, Griyego, Ebre at Sanskrit. Sinalin niya ang tula ni Schiller sa Tagalog. Maliban dito
may kaalaman din siya sa wikang Malay, Chavacano, Cebuano, Ilokano at Subanun.
3. ↑ In his essay, "Reflections of a Filipino", (La Solidaridad, c.1888), he wrote: "Man is multiplied by
the number of languages he possesses and speaks."
4. ↑ Kasapi si Bonifacio ng La Liga Filipina. Matapos ang paghuli at pagpapatapon kay Rizal,
nabuwag ang samahan at nahati ang pangkat sa dalawa; ang higit na radikal na pangkat ay
nabuo bilang Katipunan, ang mga militante ng himagsikan.[6]
5. ↑ Sa anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las islas Filipinas (1609) ni Morga, kung saan niya
kinopya mula sa Museong Britanya at nilimbag, tinawagan niya ng pansin ang pinaglumaan nang
aklat, at binigyang patotoo sa malago nang kabihasnan ng Pilipinas bago pa man dumating ang
mga Kastila. Sa kaniyang sanaysay na "The Indolence of the Filipino" (Sa Kabatuganan ng mga
Pilipino), binanggit ni Rizal na walang halos nagawa ang tatlong daantaon ng pamumuno ng mga
Kastila upang isulong ang kaniyang kababayan; at sa halip hinila nila ito ng paurong. Ang
kawalan ng moral na pantulong, kawalan ng materyal na panghimok, ang pag-alis ng moral, na
hindi dapat humihiwalay ang indio mula sa kaniyang kalabaw, ang walang hanggang digmaan,
ang kawalan ng pambansang damdamin, ang pamimirata ng mga Intsik -- lahat ng ito, ayon kay
Rizal, ang tumulong sa mga mananakop na magtagumpay upang ilagay ang mga indio sa 'hanay
ng mga halimaw'.(Read English translation by Charles Derbyshire at Project Gutenberg.)
6. ↑ Noong bininyagan si Jose, naisulat sa mga talaan ang kaniyang mga magulang bilang sina
Francisco Rizal Mercado at Teodora Realonda."José Rizal’s Lineage"
7. ↑ Sa edadn na 8 (noong 1869) naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na mayroong tema
ng pagmamahal sa sariling wika.[15]
8. ↑ Si Dr. Reinhold Rost ay tagapamahala ng Tanggapang Indyano ng Museong Britanya at
kilalang pilologo noong ika-19 siglo.
9. ↑ In his letter "Manifesto to Certain Filipinos" (Manila, 1896), he states: Reforms, if they are to
bear fruit, must come from above; for reforms that come from below are upheavals both violent
and transitory.(Epistolario Rizalino, op cit)
10. ↑ Kahit sa mga prominenteng mga Kastila, sinasabing kalapastanganan ang ginawang paglilitis
kay Rizal. Matapos ang kaniyang pagbitay, isang pilosopo na nagngangalang Miguel de
Unamuno ang kumilala kay Rizal bilang isang "Kastila": "malalim at kilalang Kastila, mas Kastila
pa kaysa mga abang taong iyon - patawarin nawa sila ng Panginoon, dahil hindi nila nalalaman
ang kanilang mga ginagawa - mga abang taong iyan, na sa ibabaw ng kaniyang mainit pang
katawan ay bumato palangit na may pag-insulto ng isang pangungusong na sigaw: 'Viva
Espana!'" Epilogo ni Miguel de Unamuno sa Visa y Escritos del Dr. Jose Rizal ni Wenceslao
Retana. (Retana, op.cit.)
Sanggunian
1. ↑ José Rizal; José Rizal National Centennial Commission (1961). El filibusterismo (sa Kastila).
Linkgua digital. pp. 9. ISBN 978-84-9953-093-2.
2. ↑ "Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical
Figures" (PDF). Reference and Research Bureau Legislative Research Service, House of
Congress. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2011-06-04. Nakuha noong 8
Setyembre 2009.
3. ↑ Noli Me Tángere, isinalin ni Soledad Locsin (Manila: Ateneo de Manila, 1996) ISBN 971-569-
188-9.
4. ↑ Umakyat patungo:4.0 4.1 Frank Laubach, Rizal: Man and Martyr (Manila: Community Publishers, 1936)
5. ↑ Witmer, Christoper (2001-06-02). "Noli Me Tangere (Touch Me Not)". LewRockwell.com.
Retrieved on 2012-09-29.
6. ↑ [2]. Nakuha 10 Enero 2007.
7. ↑ Trillana III, Dr. Pablo S. "2 historical events led to birth of modern RP". Philippine Daily Inquirer.
Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-01-20. Nakuha noong 11 Hunyo 2007.
8. ↑ José Rizal (2007). The Reign of Greed. Echo Library. pp. 231. ISBN 978-1-4068-3936-4.
9. ↑ National Historical Institute "...added “Rizal” to the family surname..." Naka-arkibo 2009-07-01
sa Wayback Machine.Padron:Registration required
10. ↑ National Historical Institute "...Francisco Engracio Mercado added “Rizal” to the family
surname..." Naka-arkibo 2009-07-01 sa Wayback Machine.Padron:Registration required
11. ↑ Rizal's rags-to-riches ancestor from South China Naka-arkibo 2013-10-02 sa Wayback
Machine.. Nakuha 18 Pebrero 2007.
12. ↑ Craig 1914, pg. 31.
13. ↑ F. Zaide, Gregorio (1957). José Rizal: life, works, and writings. Villanueva. p. 5.
14. ↑ Vicente L. Rafael On Rizal's El Filibusterismo, University of Washington, Dept. of History
15. ↑ Montemayor, Teofilo H. (2004). "Jose Rizal: A Biographical Sketch". José Rizal University.
Retrieved 2007-01-10.
16. ↑ Umakyat patungo:16.0 16.1 16.2 16.3 Kalaw, Teodoro."Epistolario Rizalino: 4 volumes, 1400 letters to and from
Rizal". Bureau of Printing, Manila.
17. ↑ Zaide, Gregorio (1957). Rizal's Life, Works and Writings. Manila, Philippines: Villanueva Book
Store. pp. 43–44.
18. ↑ Martinez-Clemente, Jo (200-06-20) Keeping up with legacy of Rizal’s ‘true love’ Inquirer Central
Luzon at inquirer.net. Retrieved on 2011-12-03.
19. ↑ Umakyat patungo:19.0 19.1 19.2 Leonor Rivera, José Rizal University, joserizal.ph
20. ↑ Coates, Austin. "Leonor Rivera", Rizal: Philippine Nationalist and Martyr, Oxford University
Press (Hong Kong), pages 52–54, 60, 84, 124, 134–136, 143, 169, 185–188, and 258.
21. ↑ Fadul 2008, p. 17.
22. ↑ Fadul 2008, p.21.
23. ↑ Craig 1914, p.215
24. ↑ Fadul 2008, p. 38.
25. ↑ Umakyat patungo:25.0 25.1 25.2 Cuizon, Ahmed (2008-06-21). "Rizal’s affair with 'la petite Suzanne'" Naka-
arkibo 2014-02-26 sa Wayback Machine., Inquirer/Cebu Daily, Retrieved on 2012-09-20.
26. ↑ Harry Sichrovsky (1987). Ferdinand Blumentritt: an Austrian life for the Philippines : The Story
of José Rizal's Closest Friend and Companion. p. 39. ISBN 978-971-13-6024-5.[patay na link]
27. ↑ Umakyat patungo:27.0 27.1 Austin Craig, Lineage, Life and Labors of Rizal. Google Books. Retrieved on
2007-01-10.
28. ↑ Retana, Wenceslao. Vida y Escritos del José Rizal. Libreria General de Victoriano Suarez,
Madrid 1907.
29. ↑ "Appendix II: Decree Banishing Rizal. Governor-General Eulogio Despujol, Manila, July 7,
1892." Naka-arkibo July 1, 2009[Date mismatch], sa Wayback Machine. In Miscellaneous
Correspondence of Dr. José Rizal / translated by Encarnacion Alzona. (Manila: National Historical
Institute.)
30. ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-03-28. Nakuha noong 2014-10-25.
31. ↑ Russell, Charles Edward; Rodriguez, Eulogio Balan (1923). The hero of the Filipinos: the story
of José Rizal, poet, patriot and martyr. The Century co. p. 308.
32. ↑ Austin Coates, Rizal: Philippine Nationalist and Martyr (London: Oxford University Press,
1968) ISBN 0-19-581519-X
33. ↑ Alvarez, S.V., 1992, Recalling the Revolution, Madison: Center for Southeast Asia Studies,
University of Wisconsin-Madison, ISBN 1-881261-05-0
34. ↑ "Letters Between Rizal and his Family, #223" Naka-arkibo 2011-10-06 sa Wayback Machine..
The Life and Writings of José Rizal. Retrieved on 2012-09-29vv