You are on page 1of 2

Buhay ni Rizal

pagkapanganak - kamatayan

Ang mga Rizal ay pinaniniwalaang isa sa mga


pinakamalaking pamilya sa kanilang panahon. Ayon
pa rito, ang ninunong tatay ng pamilya ay buong
Tsinong dugo mula sa Amoy, China, at kinasal sa
kalahating Tsina. Dagdag pa nila, sila ay may
dugong Hapon, Espanyol, Malay, at Negrito bukod
sa dugong Tsino.

Pagkabata
Pinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,
at namatay noong Disyembre 30, 1896 ang ating
pambansang bayaning si Jose Protasio Rizal
Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang si
Jose Rizal.

Bata pa lamang ay hindi biniyayaan sa lakas ng


pangangatawan si Rizal. Imbis, matalas ang kanyang isipan at
madalas siya'y nagmamatyag sa mga tao sa simbahan, ngunit
hindi siya relihiyoso. Natuto siyang magsulat sa edad na tatlo
at pinilit pa niya ang nakatatandang kapatid na babaeng
basahin sa kanya ang mga leksyon sa eskwelahan.

Paglaki
Siya ay naimpluwensyahan ng pinakabata niyang titong si Jose na
mag-aral, samantalang siya naman ay pinag-ensayo ng kanyang tito
Manuel para lumaki ang kanyang katawan.
Siya ay unang tinuruan ng kanyang ina sa kanyang tahanan at
pinagpatuloy naman niya ang kanyang pag-aaral sa Laguna.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral mula sa Ateneo de Manila noong Marso
23, 1876 sa Batsilyer sa Agham. Pinagpatuloy naman niya ang pag-aaral
sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid at
napagsabay na matapos ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto
rin siyang magbasa at magsulat ng samu't saring wika katulad na
lamang ng Latin at Griyego, at tinapos naman niya ang masteral sa
Paris, France at Heidelberg, Germany.

Impluwensiya
Sinulat niya ang nobela niyang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na siyang tungkol sa pang-aabuso ng mga
prayle sa mga Pilipino, at ang kurapsyon ng pamamahala ng
mga Kastila. Siya rin ay naggawa ng samahang "La
Liga Filipina" para pagka-isahin ang mga Pilipino at
mapaunlad ang kalakalan, agrikultura at industriya.
Siya nama'y nakulong sa Fort Santiago at
pinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Sa
Dapitan, siya'y nanggamot ng mga may sakit at
hinikayat ang mga mamamayang magbukas ng
paaralan, at siya ay nagturo roon.

Nalalabing mga Araw


Noong Nobyembre 3, 1896, siya ay ibinalik sa Pilipinas at
pinakulong muli sa Fort Santiago. Nahatulan siya noong Disyembre 26, 1896 ng kamatayan
dahil siya ay pinaniwalaang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago siya
mamatay, sinulat niya ang Mi Ultimo Adios bilang kasulatan para sa susunod na henerasyon
para maging makabayan.
Disyembre 30, 1896, siya ay binaril sa Bagumbayan at doon na hinatulan ng kamatayan.
Kinilala si Jose Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas at
unang nasyonalistang Asyani. Pinakita niya sa mga mata ng mga
Pilipino ang opresyon na siyang ginagawa ng mga Kastila sa
mga kababayan niya. Siya ang tumulong sa pagbukas ng
mata ng mga Pilipino para makuha ang
demokratikong karapatan ng mga Pilipino.

You might also like