You are on page 1of 1

Si Dr.

José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isang Pilipinong bayani at isa sa
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila.

PAMILYA AT BUHAY NI RIZAL:

 Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna at namatay noong Diyembre
30, 1896 sa Parke ng Rizal (Bagumbayan), Maynila.
 Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado (Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandra II) at Teodora Alonso (Teodora Morales Alonzo Realonda de
Rizal y Quintos).
EDUKASYON:

• Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos


Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang
medisina at pilosopia noong 1885.
• Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin at Greko.
At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

MGA AKDA NI DR. JOSE P. RIZAL


Ang unang bahagi ng nobelang Noli Me Tangere ay kanyang naisulat sa Madrid, Espanya.
Habang ang mga sumunod na bahagi ay ipinagpatuloy niya sa Paris, France. Ito'y kanyang
tuluyang natapos sa Berlin, Germany noong 1884.
MAHAHALAGANG PANGYAYARI:

• Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na "La Liga Filipina." Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
• Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa
Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
• Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
• Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
• Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging Makabayan .
KAMATAYAN NI JOSE RIZAL:
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

You might also like