You are on page 1of 20

Si Dr.

José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ang aming napili sapagkat isa siya ay

kinikilala bilang ating pamabansang bayani at marami siyang naiambag o naibahagi sa ating

mga Pilipino upang malabanan natin ang mga Espanyol sa pamamagitan lamang ng kanyang

pagsulat.

DR. JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19

Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at

isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa

Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang

kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa

mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga

Pambansang Bayani.

Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-

isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales

Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng

diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa

Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,

Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na

magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng

Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at

pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa
ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal,

na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan

na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang

Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio

Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa

mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na susuportahan lamang ang

karahasan bilang huling opsyon. Naniniwala si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya

sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng

mga mamamayan, at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging

maniniil ng hinaharap?" Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni

Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

ANG PAMILYA NI JOSÉ RIZAL

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) at Teodora Morales Alonzo y Quintos

(1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na

parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat

nitong palayan ng mga Dominikano. Ikapito sa labing-isang magkakapatid si Rizal: sina Saturnina

(Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–

1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción

(Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at

Soledad (Choleng) (1870–1929).


Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-

17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, na isang Sangley ng Luzon.

Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo na ama ni Teodora ay

kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo

sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na inanak ng isang Hapones.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay

tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon ay ipinadala siya sa

Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan

ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong

nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan

na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at

ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil

dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". Ginawa ang

pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang

koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula

pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang

pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng

pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa

pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga

banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng

mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.


Si Francisco Rizal Mercado (1818–1897) Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. José Rizal

PAG-AARAL

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na pinasukan niya noong

ikadalawampu ng Enero 1872. Sa pananatili niya sa paaralang ito ay natanggap niya ang lahat

ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya

natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang

pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo

Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya

ang kursong panggagamot sa Santo Tomas pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan

ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at

mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa

Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon

ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod

na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at


nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo

siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa siya ng isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang

karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Dalubwika si Rizal na

nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon,

Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng

Pilipinas.

PERSONAL NA BUHAY

Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19

siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya. Halos bawat detalye sa

kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at dahil

din sa kaniyang pagiging manunulat, at ang karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili pa

rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng mga likha niya dahil sa ugali ni Rizal na

pagpapalit ng wika.

Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating

sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa, Hapon

at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.

Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang

isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa

Tondo, Maynila. Isinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, na isang 14-
taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga

mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na

gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya

ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay

Manuel Luz.

Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa

Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar,

Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon hanggang

6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang mga

pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na taga Londres,

Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at Iberia, Seiko Usui

(na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang kaniyang naunang

mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang kaniyang panliligaw sa

kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa

karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere.

Leonor Rivera
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni

Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The

Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa

nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata

nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria

Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa

kaniyang tauhan na Maria Clara sa Noli me Tangere at El

FIlibusterismo. Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si

Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang pa

lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula para kay Rivera

na namamaalam.

Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang

pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila

ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884,

binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang

apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.

Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya

sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na

makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga

araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o mapanghimagsik

dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera habang siya'y

nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang

ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang pagkikita. Noong
1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy

na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa

kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero

sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera. Lubusang

nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.

Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang mga

guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na may guhit

at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang Rizal.

Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga

y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na

panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres,

kung saan binansagan siya bilang "hiyas ng isang tao".

JOSEPHINE BRACKEN
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na

kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina

at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang

mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga

katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng

Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa

paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine

Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si

Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere

na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni

Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa

sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa

pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine

Bracken kina Magdalene, Mata Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga

kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni

Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni

Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa

pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan

of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa

pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29

Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa
pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine

sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may

sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa

“Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan

ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga

Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang

Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang

kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi

sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa

kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken

sa loob ng mahabang panahon.

Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong

Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang

kaniyang mga mata kay Rizal. Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at

Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa kaniyang

mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na ikasal sila

liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu. Hindi sila

makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo.

Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya

bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa pamilya

ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil, upang hindi

mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang makakuha ng
pahintulot mula sa isang Obispo. Naikasal si Rizal at Josephine sa pamamagitan ng kasalang

sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang

Francisco, na namatay din agad pagkasilang.

SA BRUSELAS AT ESPANYA (1890-1892)

Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang naghahanda sa paglilimbag

ng kaniyang mga anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Nanirahan

siya sa isang pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na

mayroong pamangking nagngangalang Suzanna ("Thil") na may edad 16. Ayon sa historyador

na si Gregorio F. Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala

ang Belgang si Pros Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong gulang na pamangking si

Suzanna Thil. Nakita niya ang mga talang nagbibigay linaw sa kanilang mga pangalan at edad.

Saglit lang nanirahan si Rizal sa Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas siya patungong Madrid.

Binigyan niya si Suzanna ng isang kahon ng tsokolate. Lumiham si Suzanna kay Rizal sa wikang

Pranses, na sinasabing hindi siya kumuha ng ni isang piraso ng tsokolate, at halos mapudpod na

ang kaniyang sapatos sa pagbabalik-panaog sa hulugan ng sulat upang tignan kung may liham

galing sa kaniya, at hinihintay ang kaniyang muling pagbabalik. Noong 2007, nilalakad na ng

pangkat ni Slachmuylder na lagyan ng makasaysayang tanda upang magbigay-pugay sa

pananatili ni Rizal sa nasabing tahanan.

Nagbago ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang obra, ang "Noli Me

Tangere", na nilimbag sa Berlin noong 1887, at "El Filibusterismo", na nilimbag sa Ghent noong

1891. Para magkaroon ng pondo upang mailimbag ang huli ay nangutang si Rizal sa kaniyang

mga kaibigan. Maraming mga Kastila at mga edukadong Pilipino ang nagalit sa kaniyang mga

sinulat dahil sa mga simbolismong pinapakita dito. Kritikal ang mga nobelang ito sa mga prayleng
Kastila at sa kapangyarihan ng simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni Rizal na si Ferdinand

Blumentritt, na isang propesor at historyador, ang mga karakter sa mga nobelang ito ay hango

sa totoong buhay at ang bawat mga pangyayari dito ay maaaring mangyari sa anumang araw sa

Pilipinas.

Bagaman si Blumentritt ay apo ng Ingat-yaman ng Imperyo sa Vienna at matibay na

tagapagtanggol ng pananampalatayang Katoliko, sinulat pa rin niya ang panimulang salita ng El

Filibusterismo matapos niyang isalin ang Noli Me Tangere sa wikang Aleman. Gaya ng binabala

ni Blumentritt, naging dahilan ang mga nobelang ito upang usigin si Rizal bilang tagapanimula ng

himagsikan. Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang mga

nobela ang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maglunsad ng Himagsikang Pilipino

noong 1896.

Bilang pinuno ng kilusang propaganda ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si Rizal ng mga

sanaysay, tula at editoryal sa pahayagang La Solidaridad sa Barcelona, kung saan ginamit niya

ang sagisag-panulat na "Dimasalang". Ang karaniwang tema ng kaniyang mga likha ay

sumesentro sa liberal at progresibong kaisipan ng karapatang pang-indibidwal at kalayaan, lalu

na para sa mga mamamayang Pilipino. Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang mga kasapi ng

kilusan, na ang Pilipinas ay humaharap sa, ayon sa mismong salita ni Rizal, na "Goliath na may

dalawang mukha"—mga tiwaling prayle at masamang pamahalaan. Paulit-ulit na kaniyang

binabanggit sa kaniyang komentaryo ang mga adyenda gaya ng mga sumusunod:

 Na ang Pilipinas ay gawing probinsya ng Espanya

 May pagkakatawan sa Cortes

 Mga Pilipinong pari sa halip na mga prayleng Kastila

 Kalayaan sa pagtitipon at pananalita


 Pantay-pantay na karapatan sa ilalim na batas sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila

Tumutol ang mga mananakop sa Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi rin ito inendorso ng ilang

mga intelektwal na Kastila tulad nina Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba pa.

Gumanti si Wenceslao Retana, isang politikal na komentador sa Espanya, sa pamamagitan ng

pagsulat ng artikulo sa La Epoca, isang pahayagan sa Madrid, na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento

niya ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba dahil sa

hindi pagbabayad ng upa. Nag-ugat ang insidenteng ito mula sa pagkakakulong sa ina ni Rizal

na si Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa bintang na pagtangkang paglason sa kaniyang

hipag. Dahil sa pakikisabwatan ng mga prayle ay kinulong siya ng wala man lang paglilitis.

Pinaglakad din siya ng sampung milya (16 km) mula Calamba. Pinalaya din siya matapos ang

dalawa at kalahating taong pakikipag-apela sa Kataas-taasang Hukuman. Noong 1887, sumulat

ng petisyon si Rizal sa ngalan ng mga nangungupahan sa Calamba, at noong taon ding iyon ay

hinimok sila na magsalita laban sa tangka ng mga prayle na taasan ang upa. Humantong ito sa

paglilitis na nauwi sa pagpapalayas ng mga Dominiko sa mga nangungupahan mula sa kanilang

mga tahanan, kabilang dito ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni Heneral Valeriano Weyler ang

paggiba sa mga gusali ng sakahan.

Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si Rizal ng kinatawan upang hamunin si Retana sa duwelo.

Humingi ng tawad si Retana sa publiko at kinalauna'y naging isa sa mga pinakamalaking

tagahanga ni Rizal, na sumulat din ng isa sa pinakamahalagang talambuhay ni Rizal, ang Vida y

Escritos del Jose Rizal (Mga buhay at kasulatan ni Jose Rizal).

PAGBABALIK SA PILIPINAS (1892-1896)


Pagpapatapon sa Dapitan

Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga Filipina. Isinusulong

ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit

ito'y binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado

ng pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.

Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay pinatapon siya sa Dapitan

sa probinsya ng Zamboanga. Habang nasa Dapitan ay nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at

isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo din ng pagsasaka.

Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa mga batang lalaki. Sa paaralang ito, wikang Kastila ang

ginagamit sa pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles bilang wikang banyaga. Ang layunin ng

paaralang ito ay upang turuan ang mga mag-aaral ng pagiging maparaan sa buhay. Ang ilan sa

mga mag-aaral ay naging matagumpay bilang mga magsasaka at tapat na opisyal ng

pamahalaan. Isang Muslim ang naging datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay naging gobernador

ng Zamboanga.

Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa pamumuno ni

Padre Sanchez, na dati niyang guro, ngunit nauwi ito sa kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre

Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.

Naging tagapamagitan ang kaniyang matalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt sa kaniyang

mga kaibigan sa Europa, at patuloy ang kaniyang pakikipagtalastasan sa kanila na siyang patuloy

na nagpapadala ng mga liham na nakasulat sa mga wikang Olandes, Pranses, Aleman at Ingles

na lumito sa mga sensura, kaya naantala ang kanilang mga pagpapadala. Sa pananatili ni Rizal

sa Dapitan sa loob ng apat na taon ay umti-unti ding umusbong ang Rebolusyong Pilipino na

kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya. Bagaman tutol siya sa himagsikan, ginawa siyang


pandangal na pangulo ng mga kasapi ng Katipunan at ginamit din ang kaniyang pangalan bilang

sigaw sa digmaan, pakikipag-isa at kalayaan.

PAGBARIL SA BAGUMBAYAN

Isang litrato ng pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan.

Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila,

habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang

barilin ang sinuman sa kanila na susuway. Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang

pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula

na silang sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga

manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling

salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"—natapos na.

Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot

ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong

baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na

maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa

taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na

pabaliktad.
Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat

ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan

niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin. Sa

kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na

mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din

pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan

din ang aking sapatos", kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang

labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya

isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang

sapatos ay nalusaw.

Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: "Turingan ang may-edad nating

magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30

Disyembre, 1896." Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing: "Ilibing

ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan

ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong

gawin. Walang paggunita."

Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: "Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay

inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na konsiyensiya."[16]

Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang

mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang

natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa isang matalik

at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.


MGA KATHA

Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa

Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa

Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El

Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na

pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango

sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan

upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

MGA AKDANG SINULAT NI RIZAL

 Sa aking mga Kabata (kapwa bata) – sinulat noong ika-8 taong gulang.

 Mi Primera Inpiracion/ and Una Kong Salamisim – unang sinulat sa Ateneo inihandog sa

kaarawan ng ina

 La Tragedia de San Eustaquio (Ang Kasawian ni Sa Eustaquio) – dula-tulang nakasulat

sa Italyano na isinatuluyang Kastila. Ito ang pinakamahabang tulang sinulat ni Rizal

 Memorias De Un Estudiante de Manila (1878) – aklat (kwaderno) kung saan tinipon ni Rizal

ang alaala ng kanyang pinagdaanang buhay gamit ang sigasig na P. Jacinto (sa katapusan,

pinirma rin ang pangalan)

 A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino) – nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan

ng mga Pilipino at humihiling sa mga kabataan na tumuklas ng kabantugan para sa bayan.

Inilahok sa timpalak-pampanitikan ni Liceo Artistico Literario de Manila, kapisanan ng

magiliwin sa sining. Nagwagi ng unang gantimpala at tumanggap ng pluming pilak.

 Abdel Azis y Mahoma (1879) – tulang binigkas ni Manuel Fernandez (Atenista) noong

bisperas ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Imaculada Concepcion – patron ng Ateneo

 A Filipinas (Sa Pilipinas) [1880] – tulanginihandog sa samahan ng mga esultor


 Junto Al Pasig (Sa baybay ng Pasig) (Dis., 1880) – dulang itinanghal ng Academy of

Spanish Literature bilang handog sa taunang selebrasyon ng patrona ng Ateneo

 Concejo delos Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) – dulang inilahok at nagwagi sa

timpalak ng Artistic Literary Lyceum bilang paggunita sa ika-264 anibersaryo ng pagkamatay

ni Cervantes (sumulat ng Don Quixote)

 Al MRP Pablo Roman, Rector del Ateneo en sur Dias (kaarawan) – tulang naglalaman ng

malabis niyang pagglang at paghangad sa pari na naging napakabuti sa kanya.

 El Amor Patrio – tulang sinulat sa 2 wika sa Barcelona upang bigyang-daan ang kanyang

kasabikan sa sariling bayan gamit ang ngalang Laong-Laan

 Me Piden Versos (Pinatutula Ako <kasamahan>) – tulang nagpapahayag ng masidhing

pananabik ni Rizal sa kanyang bayan. Nailathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso

31,1889

 A Los Flores Heidelberg- tulang nagpapahiwatig ng pananabik sa sariling bayan

 William Tell (Fredrick Von Schiller) – isinalin sa Tagalog upang malaman ng Pilipino ang

kasaysayan ng kampyon ng kalayaan ng Swisa na nagpapakita ng pagtutol sa paniniil,

panatismo at pang-aapi

 Specimens of Tagal Folklore- artikulong ipinagkaloob kay Dr. Rost, patnugot ng Trubner’s

Record kung saan ito nalathala

 La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Pari Rodriguez) – sinulat bilang sagot sa

sinulat ni P. Rodriguez (ang mga babasa ng nobela ni Rizal ay magkakasala) na nilimbag sa

isang maliit na librito gamit ang ngalang Dimasalang.

 Ingratitudes/Kawalang Utang na Loob

 Sin Nombre/Walang Pangalan

 Diferencias/Mga pagkakaiba

 Mas Sobre el Asunto de Negros/Tungkol sa Usapin ng Negros


 Sa mga Kababaihang Taga-Malolos – sinulat bilang tugon sa kahilingan ni M.H. Del Pilar

na sulatan niya ang mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang mahigpit na pagnanasang

makapagpatayo ng isang paaralang magtuturo sa kanila ng wikang Kastila sa kabila ng

pagtutol ni P. Felipe Garcia

 Noli Me Tangere at El Filibusterismo – nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng

Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para

sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan upang mawakasan ang mapaniil na paghahari ng

Kastila sa Pilipinas.

 Por Telefono/Sa pamamagitan ng Telepono - dalawang paring naguusap tungkol sa plano

sa Pilipinas na gamit ang telepono

 Ang mga Magsasakang Pilipino- palakasin ang loob – Hacienda de Calamba

 La Verdad Para Todos/Katotohanan Para sa Lahat

 Verdades Nuevas/Mga Bagong Katotohanan

 Una Profanacion/Isang Kalapastangan – bilang handog kay Mariano Hewosa dahil hindi

siya binigyan ng Katolikong libing

 Filipinas Dentro de Cien Años/Ang Pilipinas Makalipas ang Isang Siglo – sanaysay- ang

Pilipinas pagkalipas ng 100 taon ay lalaya galing sa US dahil sila’ay makapangyarihan

 Sobre La Nueva Ortografia dela Lengua Tagala/Tungkol sa mga Bagong Ortgograpiya

ng Wikang Tagalog – diksyonaryong may isang alpabeto

 Cosas de Filipinas/Mga Bagay tungkol sa Pilipinas

 Una Esperanza/Pag-asa

 Sobre La Indolencia de los Filipinos/Tungkol sa Kawalang sipag ng mga Pilipino –

paratang ng mga kastila – “di tamad ‘pag binigyan ng pagkakataon”

 Mi Ultimo Adios/Huling Paalam- huling tulang sinulat ni Rizal sa nagsasaad ng kanyang

marubdob na pag-ibig sa bayan at kapwa


MGA PAMANANG-LAHI

Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang

malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng

Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng

ambag-sulatin sa La Solidaridad.

Ang kanilang mga mithiin:

1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;

2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);

3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;

4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;

5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat

nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa

Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La

Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del

Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang

pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

SANGGUNIAN

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal

 https://fuckyeahpepe.tumblr.com/post/197222017/akda-ni-rizal

You might also like