You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA S.S.


Lungsod ng Cabanatuan
XX

SINUMPAANG SALAYSAY
Ako, MARIO C. ESTEBAN, may asawa, pilipino, Pastor ng United Methodist Church,
nakatira sa No.7 San Joaquin, Maria Aurora, Aurora, at nagtuturo ng Christian/Character
Education sa Wesleyan University ay kusang loob na nagsasalaysay gaya ng mga sumusunod;

1)Noon pong March 15, 2013, ika- 3 :30 ng hapon bago ang Thanksgiving and Recognition day
ng CAS sa loob ng maingay na gymn. Akoy nakaupo sa pinakalikod at nagbubulay-bulay sa aking
sermon na Do Good, Do no harm, Stay in love with God habang hinihintay ang
Congresswoman na 2nd Speaker, Sa di kalayuan nakaupo ang isa kong kaibigan. Nilapitan ako ni
Jerardine hinahanap niya sa akin si Jaymark (ang bunso kong anak) at sinisingil niya ako ng
bayad para sa research nila sa Pilipino at kung hindi ay aalisin ang anak ko sa listahan ng grupo.

2)Una naming pagkikita hindi ko siya kilala, Di ko rin siya studyante nilapitan niya ako nag-iisa at
sinisingil. Kung hindi raw magbabayad ay aalisin nila sa group research ang anak ko. Sabi ko
hwag naman ninyong alisin si JayMark sa grupo kung may maitutulong ako sabihin mo lang
pero yong aalisin ninyo ang anak sa listahan gaano kasakit sa isang magulang na kagaya ko
maKonsensya naman kayo. Idinagdag ko pa di mo ba alam na guro din ako sa CAS,
ambassador for peace, at spiritual adviser. Sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko
sabay abot ng pera (P500) sa maayos na paraan pero ayaw niyang tangapin.

3)Sinisingil niya ako kaya nagbabayad ako, Sabi niya (Jerardine) PASENSIYA NA PO SIR HINDI
KO MATATANGAP YAN DAHIL (P 66.00) ANG CONTRIBUTION NAMIN SI JAYMARK NALANG PO
ANG MAGBIGAY SA AKIN. At SORRY DIN PO SIR KUNG SUMAMA ANG LOOB NINYO SA AKIN
DAHIL TINANGGAL NAMIN NUNG UMPISA SA GROUP YUNG ANAK NIYO DAHIL HINDI PO NIYA
PAGPAPARTICIPATE. Dahil walang barya sabi ko si JayMark nalang magbibigay sayo ng
kontribusyon nya. Nagsorry siya at maayos ang lahat ng kamiy magkahiwalay at sa isipan koy
nagkaunawaan kami sa kabila ng maingay sa loob ng gym.

4)Nalulungkot po ako, Hindi ko ginusto na makasakit ng damdamin ng aking kapwa at lubos


kung naauunawaan na bilang magulang ang kapakanan ng anak ang ating iniiisip. Para sa akin
ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ang maluwat at tamang paggabay po sana sa ating anak
ang ibigay upang siyay maging tapat at responsibleng lider ng kinabukasan. Tungkulin din po
naming gabayan sila sa kanilang salita,ugali at pakikisama sa kapwa , pangaralan at
protektahan sa landas ng katotohanan at kabanalan. Ang nais ng lahat ng magulang ay
mapanuto(mapabuti) ang kanilang mga anak.

5) Hindi ko siya (Jerardine) pinagalitan, tinakot, inabuso o inaapi dahil ipinahayag ko lamang
ang aking damdamin bilang isang magulang, guro at pastor. Ikinalulungkot ko ang panyayaring
ito, at bilang magulang din sanay maaunawaan nila ako. Dalangin kong ang kapayapaan at pag-
ibig ng Panginoon Jesu-Cristo ang suma-aming lahat.

Sa katunayan ng lahat ng ito ay lumagda sa ibaba nito, ngayong ika-_____ ng Abril 2013,
dito sa lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija.

PASTOR MARIO C. ESTEBAN


Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN , SA HARAP KO NGAYONG ____ Abril, 2013, dito sa


Lungsod ng Cabanatuan . Pinatutunayan ko na personal kong sinuri buhat sa nagsalaysalay ang
mga bagay na nakasaad sa itass nito at ako ay lubos na naniniwala na ang nasabing salaysay ay
kaniyang nauunawaan ang nilalaman nito.

You might also like