You are on page 1of 3

JUDICIAL AFFIDAVIT OF JAIME CABALLERO

The testimony of the witness in this affidavit was conducted and


supervised by the undersigned counsel in his law office located at Subia Bldg.
J. Lucban St. Daet, Camarines Norte. The questions and answers are both in
Tagalog, the language known to the witness.

The testimony of the witness is being offered to prove the following:

 That the witness is a barangay tanod of Barangay San Roque,


Mercedes, Camarines Norte;
 He will prove that the Abarca family is claiming ownership and
exercising control over the contested property and that they are
preventing the entry, survey, and fencing of the property;
 The witness will also identify pertinent documents and will testify
on other relevant matters.

START OF DIRECT EXAMINATION

1. TANONG: Nauunawaan mo ba na maari kang makasuhan kung ikaw


ay magsisinungaling sa mga isasagot mo sa akin ngayon?
SAGOT: Opo.

2. TANONG: Sabihin mo ang iyong pangalan, edad, at iba pang personal


na pagkakakilanlan.
SAGOT: Ako po si Jaime Caballero, nasa wastong gulang, Pilipino,
nakatira sa Mercedes, Camarines Norte at barangay tanod ng
Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

3. TANONG: Sa anong wika nais mo na ikaw ay tanungin at magbigay ng


kasagutan sa bawat tanong?
SAGOT: Sa Tagalog po.

4. TANONG: Ano ang kaugnayan mo, kung meron man, sa kasong ito?
SAGOT: Kasama po ako noong pumunta sa lupa at pinigilan ng
pamilya Abarca na pumasok at magbakod sa lupa ang mga
tao ni Angela Pamela Villafuerte. Humingi po kasi ng tulong
sa barangay ang pamilya Villafuerte kaugnay ng away nila sa
lupa ng pamilyang Abarca.

5. TANONG: Paano mo nakilala si Angela Pamela Villafuerte?


SAGOT: Dahil ang pamilya Villafuerte po ay matagal nang may-ari ng
lupa sa San Roque.

6. TANONG: Ano ang nalalaman mo sa away nila sa lupa?


SAGOT: Alam ko po na inaangkin ng pamilya Abarca ang isang
bahagi ng dating lupa ng pamilya Villafuerte na naibenta nila
kay Fernando Balane. Alam ko po na pinipigilan ng pamilya
Abarca ang pagpasok, pagsurvey, at pagpapabakod sa
nasabing lupa at pinagbabantaan pa nila ang pamilya
Villafuerte.

7. TANONG: Sino-sino ang mga miyembro ng pamilya Abarca na


tinutukoy mo?
SAGOT: Sina Susan, Salvador, Amada, Gerald, Daisy at Josefina
Abarca. Magkakasabwat po sila.

8. TANONG: Saan matatagpuan ang lupang pinag-aawayan ng pamilya


Villafuerte at pamilya Abarca?
SAGOT: Dito po sa Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

9. TANONG: Ipapakita ko sa iyo itong larawan ng lupa, ano ang masasabi


mo rito?
SAGOT: Yan na po yung bahagi ng lupa na inaangkin ng pamilya
Abarca.

MANIFESTATION
We pray your honor that the photographs be marked as our Exhibit
_____.

10. TANONG: Paano mo nasabi na ito nga yung bahagi ng lupa na


inaangkin ng pamilya Abarca?
SAGOT: Kasi napuntahan ko po mismo yang lupa noong sumama ako
sa pagbabakod sana ng lupa. Pinagbawalan po ng pamilya
Abarca ang pagpasok at pagbabakod diyan dahil diumano ay
sa kanila yan.

11. TANONG: Sa iyong pagkakaalam, kanino ang lupa na inaangkin ng


pamilya Abarca?
SAGOT: Ang alam ko po bago nila ito naibenta ay sa pamilya
Villafuerte talaga iyon dahil may titulo sila ng lupa habang
ang pamilya Abarca ay wala namang titulo.

12. TANONG: May iba ka pa bang nais sabihin?


SAGOT: Wala na po sa ngayon, kung meron man sa korte na lang po.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito


ngayong ika-_____________ sa Daet, Camarines Norte.

JAIME CABALLERO
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME this, __________________, at


Daet, Camarines Norte. Affiant exhibited competent evidence of identity.

Doc No. ______


Page No. ______
Book No. ______
Series of 2022
ATTESTATION

I, Ronbert A. Ramos, of legal age, married, with office address at Ground


Floor, Subia Building, J. Lukban St., Daet, Camarines Norte, under oath state
the I personally conducted the examination of the above-named witness. I
faithfully recorded the questions I asked the witness and the corresponding
answers he gave me. Neither I nor any other person then present coached the
witness regarding his answers;

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this


_______________ at Daet, Camarines Norte.

ATTY. RONBERT A. RAMOS

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME this, __________________, at


Daet, Camarines Norte. Affiant is personally known to me and exhibited his IBP
ID with Roll No. 71268.

Doc No. ______


Page No. ______
Book No. ______
Series of 2022

You might also like