You are on page 1of 5

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LALAWIGAN NG LAGUNA ) S. S.

SINUMPAANG SALAYSAY
Ako, si MARITESS CRUZ JOSON, legal na asawa ni IVAN
JEROME JOSON, 28 taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa
Barangay Lapnit, San Ildefonso, Bulacan, na matapos na
makapanumpa sa ilalim ng batas ay malaya at kusang loob na
nagpapahayag ng mga sumusunod:

1. Na, ako ay legal na asawa ni IVAN JEROME JOSON,


rehistradong ay-ari ng mga sasakyan na mailalarawan ng gaya
ng sumusunod, kalakip ang kopya ng Vehicle Sales Invoice
bilang Annex A:
MY FILE NO. : - ENGINE NO. :
MAKE : KIA CHASSIS NO. :
SERIES : PICANTO YEAR MODEL :
BODY TYPE : PLATE NO./STICKER :
COLOR:
2. Na, noong buwan ng Setyembre 2016, nabalitaan ko mula sa
aking asawa na ang dati niyang kaklase na si LORENA S.
ADRIANO ay nagpapasok ng mga sasakyan sa rent-a-car
business sa LAGUNA. Mula sa ibang bansa, nag-chat ang
aking asawa kay LORENA ADRIANO upang tanungin ang
detalye ng rentahan. Personal ko ding kinausap si LORENA
ADRIANO upang linawan ang rent-a-car business;

3. Na, ang nasabing rent-a-car business, ayon kay LORENA


ADRIANO, ay pagmamay ari ng isang RAFAELA
ANUNCIACION na may tanggapan sa San Pedro, Laguna;

4. Na, ayon kay LORENA ADRIANO, ang sasakyan ay


rerentahan ng mga kompanya upang maging kanilang service
at ng mga turistang nagbabakasyon;

5. Na, ayon pa rin kay LORENA ADRIANO, ang magiging bayad


ng renta ay DALAWAMPUNG LIBONG PISO (P20,000.00)
kada buwan;

6. Na, dahil sa magandang kondisyon ng rentahan, ako ay


nakumbinsi at kusang-loob na isama sa rent-a-car business
ang aking sasakyan;

7. Na, noong Nobyembre 2016, nagdesisyon ako na ipasok sa


nabanggit na rent-a-car business ang aking sasakyan;

1 | Page
8. Mayroon kaming kontrata kay RAFAELA ANUNCIACION na
ipaparenta lamang ang aming sasakyan;

9. Na, ako ay binigyan ng Special Power of Attorney ng aking


asawa na si IVAN JEROME JOSON na pumirma sa kontrata,
kalakip ang kopya bilang Annex B;

10. Na, ang nagmaneho ng aking sasakyan papunta sa Laguna ay


ang aking ama;

11. Na, makalipas ang labinlimang (15) araw mula ng madala sa


opisina ni RAFAELA M. ANUNCIACION ang sasakyan, ako ay
nakatanggap ng isang buwang renta sa pamamagitan ng cash
na di-umano ay galing kay RAFAELA ANUNCIACION;

12. Na, ang nasabing kasunduan ng rentahan ng aking sasakyan


ay tatagal ng labindalawang (12) buwan;

13. Na, habang ang aming mga sasakyan ay nakapasok sa rent-a-


car business ni RAFAELA ANUNCIACION ay hindi ko
kailanman nabisita;

14. Na, ang huling bayad sa akin ay noong DISYEMBRE 2016;

15. Na, nitong Pebrero 2017, tinawagan ako ni LORENA


ADRIANO na kasama ang aking sasakyan sa rent-a-
car/sangla scam na di-umano ay pinamumunuan ni RAFAELA
ANUNCIACION;

16. Na, pumunta kami sa Laguna para hanapin ang aming


sasakyan at nalaman ko mula sa ibang ahente na ang aking
sasakyan ay nasa posesyon ni ARNOLD DE VEGA na nakatira
sa Pooc 2, Silang, Cavite;

17. Na, pinuntahan ko si ARNOLD DE VEGA at duon ay nakita ko


ang aking sasakyan ngunit ayaw ibigay sa akin. Kailangan ko
daw ibigay muna sa kanya ang kalahati ng inilabas niyang pera
sa pagkakasanla sa kanya ni RAFAELA ANUNCIACION;

18. Na, nalaman ko mula sa taong kasalukuyang may posesyon ng


aking sasakyan na KIA PICANTO na isinangla ng ISANG
DAAN AT LIMAMPUNG PISO (P150,000.00) at kanilang
ginagamit;

19. Na, sinabi sa akin ni ARNOLD DE VEGA na sila ay may


abogado na at hinihintay ang desisyon ng abogado patungkol
sa aking sasakyan;

2 | Page
20. Na, hindi ko nakuha ang aking sasakyan na nasa posesyon ni
ARNOLD DE VEGA;

21. Na, hindi ko pinahintulutan na isangla ang aking sasakyan;

22. Na, sina RAFAELA ANUNCIACION, ARNOLD DE VEGA ay


aking inirereklamo ng paglabag sa batas at dapat managot sa
kasong ESTAFA (Art. 315, par. 2 (a), Revised Penal Code)
dahil sa mga sumusunod na dahilan:

a. Ako ay niloko;

b. Ang alam namin ng ahente na si LORENA ADRIANO ay


ang transaksyon ay para sa upa ng sasakyan o rent-a-
car;

c. Nang dahil sa panloloko ay wala sa posesyon ko ang


aming sasakyan;

20. Na, dahil sa pagpapanggap ni RAFAELA ANUNCIACION na


siya ay may lehitimong negosyo na rent-a-car business, ako ay
naloko na naging dahilan upang mapunta ang aking sasakyan
sa posesyon ni ARNOLD DE VEGA;

21. Na, dahil sa panlolokong nangyari, ako ay napagkaitan na


magamit ang aking sasakyan;

22. Na, sina RAFAELA ANUNCIACION at ARNOLD DE VEGA ay


aking inirereklamo ng paglabag sa batas at dapat managot sa
kasong ANTI-CARNAPPING (R.A. No. 6539) dahil sa mga
sumusunod na dahilan:

a. Ang aking sasakyan ay nasa posesyon ng ibang tao, na


si ARNOLD DE VEGA na hindi naman sila ang
rehistradong may-ari at walang legal na dokumentong
naglilipat ng karapatan o walang legal na dahilan;

b. Ang aking pahintulot na iparenta ang aking sasakyan ay


dahil sa paloloko lamang ni RAFAELA ANUNCIACION sa
pamamagitan ng paggamit sa ahenteng si LORENA
ADRIANO;

c. Ang pagkuha o pagsasanla ng aking sasakyan kay


ARNOLD DE VEGA ay hindi ko pinahintulutan, sapagkat
ang aking pahintulot ay patungkol lamang sa pagpapaupa
ng aking sasakyan, na may kaugnayan sa ginawang
pangloloko at pakikipagsabwatan kay RAFAELA
ANUNCIACION; at
3 | Page
d. Dahil sa pananatili ni ARNOLD DE VEGA ng posesyon
sa aking sasakyan, ang nabanggit ay pinaniniwalaang
nagkaroon ng interes sa aking sasakyan sa aking
kapahamakan.

23. Na, sina RAFAELA ANUNCIACION,at ARNOLD DE VEGA ay


aking inirereklamo ng paglabag sa batas at dapat managot sa
kasong ANTI-FENCING (P.D. 1612) dahil sa mga sumusunod
na dahilan:

a. Ako ay may reklamo sa tanggapan ng Pambansang


Pulisya, kalakip ang kopya bilang Annex D, na ang
aking sasakyan ay nawawala;

b. Si ARNOLD DE VEGA ay kasalukuyang may kontrol at


posesyon ng sasakyan;

c. Si ARNOLD DE VEGA ay may alam na ang sasakyan ay


nawawala at ebidensya sa ginawang panloloko ni
RAFAELA M. ANUNCIACION;

d. Dahil sa pananatili ni ARNOLD DE VEGA ng posesyon


sa aking sasakyan, ang mga nabanggit ay
pinaniniwalaang nagkaroon ng interes sa aking sasakyan
sa aking kapahamakan.

24. Na, ang nabanggit na sasakyan ay naipundar naming mag-


asawa habang kami ay kasal. Kung kayat ako, bilang
lehitimong asawa ni IVAN JOSON, ay may karapatan sa
nabanggit na sasakyan;

25. Na, ginawa ko ang salaysay na ito bilang patotohanan ang mga
nangyari na may kaugnayan sa aking sasakyan na nailarawan
sa itaas, upang sampahan ng reklamong ESTAFA (Art. 315,
Revised Penal Code) at/o paglabag ng batas na ANTI-
FENCING (P.D. 1612) at/o ANTI-CARNAPPING (R.A. No.
6539) sina RAFAELA ANUNCIACION at ARNOLD DE VEGA,
na kasalukuyang may hawak ng aking sasakyan, at GRAVE
COERCION (Art. 286, Revised Penal Code) laban kay
ARNOLD DE VEGA at sa anumang legal na maaaring
paggamitan;

Bilang patunay ay ang paglagda ko ngayong ika-___ ng


Marso, 2017 sa Laguna.

MARITESS CRUZ JOSON


4 | Page
Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika--___ ng


Marso, 2017 sa Laguna, bilang patunay ng pagkakakilanlan ay ang
kanyang ______________________na may numerong
_________________na iginawad ng _____________________.

ADMINISTERING OFFICER

5 | Page

You might also like