You are on page 1of 1

PAGPAPALAYA, KUSANG PAGTALIKOD

AT PAGWAWALANG-BISA SA MGA KARAPATAN

AKO, si BIENVENIDO DELA CRUZ, SR., ___ taong gulang, at nakatira sa Brgy.
Tacras, Narra, Palawan, pagkatapos makapanumpa ng sang-ayon sa batas, AY
NAGSASAAD NA:

1. Ako ay kusang loob na gumawa ng isang Sinumpaang Salaysay na notaryado


noong 12 Marso 2015 ni Atty. Arabella Llacuna Maladaga bilang Doc. No. 224, Page No.
46, Book No. XXVI, Series of 2015, kung saan pinatunayan kong tanging si dating
Congressman Alfredo Abueg, Jr. ang may-ari, nangalaga, at nagpalagay ng bantay at bahay
sa Isla Capayas sa Brgy. Tabud, Bataraza, Palawan, sa matagal nang panahon;

2. Nais ko rin patunayan na ako ay hindi nag-aangkin ng pagmamay-ari sa, o


kinikilala bilang may-ari ng, Isla Capayas, at wala rin sa aming pamilyang Dela Cruz, o
pamilya ng nasirang Brgy. Capt Attam Jamdon o Perry Jamdon, ang nag-aangkin dito;

3. Ako ay sumusumpa na wala akong anumang habol o hahabulin kay Alfredo


Abueg, Jr., sa kanyang mga tagapagmana, paglilipatan ng karapatan, o representatibo,
tungkol sa anumang interes, karapatan, o pagmamay-ari ng Isla Capayas o anumang
pananim o istrukturang matatagpuan dito, at kung anuman ang aking maaaring mahiling na
interes o karapatan sa nasasaad, ito ay aking pinagpapalaya, tinatalikuran, pinawawalang
bahala, at ibinibigay nang kusang loob kay Alfredo Abueg, Jr., kapalit ng sapat at ganap na
konsiderasyon na malapitang ugnayan at pagkakaibigan ng aming mga pamilya;

4. Bilang pagpapatunay sa Pagpapalaya, Kusang Pagtalikod At


Pagwawalang-Bisa Sa Mga Karapatan na ito, ako ay nangangakong magbabayad pinsala
kay Alfredo Abueg, Jr., sa kanyang mga tagapagmana, paglilipatan ng karapatan, o
representatibo, sa anumang pag-urong o di-pagpapatotoo na gagawin ko o ng aking mga
tagapagmana, paglilipatan ng karapatan, o representatibo, sa anumang mga bagay na
nakasaad dito;

5. AKING BINASA AT NAINTINDIHAN nang lubos ang nilalaman ng


dokumentong ito at aking pinipirmahan ito nang kusang-loob at walang pumipilit.

SA PAGSAKSI NA ITO, ako ay pumipirma ngayong ____________ sa


________________________.

BIENVENIDO DELA CRUZ, SR.

SINUMPAAN SA HARAP KO ngayong ika-____________ SA ______________,


at ipinakita ni Bienvenido Dela Cruz, Sr. ang kanyang _________________ na
ipinagkaloob noong ____________, bilang patunay ng pagkakakilanlan.

Doc. No.____;
Page No. ___;
Book No. ___;
Series of 2019

You might also like