You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

PROVINCE OF NUEVA VIZCAYA) S.S.


MUNICIPALITY OF BAYOMBONG)
SINUMPAANG SALAYSAY
Ako si, DOMINADOR VALDEZ, nasa tamang edad, Filipino, at
kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya,
pagkatapos manumpa ng naayon sa batas ay malayang nagsasabi at
nagsasalaysay ng buong katotohanan ng mga sumusunod:
1. Kilala ko si Esteban M. Tucay at kanyang asawa na si Lourdes A.
Tucay na naninirahan sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya
gayundin si Lina Sagun na naninirahan naman sa Banganan,
Aritao, Nueva Vizcaya;
2. Kilala ko rin si Purita Paringit-Justiniano na naninirahan sa
Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya;
3. Kilala ko si Lina Sagun dahil madalas niya akong tinatawag upang
magtrabaho sa bukid na kanyang sinasaka na umano ay pag-aari
raw ng kanyang kapatid na si Esteban Tucay ngunit aking napagalaman na ito pala ay pag-aari ni Bienvenida P. Abordo at ang
kasalukuyang administrador nito ay si Purita Paringit-Justiniano;
4. Sa loob ng halos tatlong taon na ako ay nakikitrabaho sa bukid ni
Lina Sagun ay ni minsan ay hindi ko nakita na nagpunta roon ang
mag-asawang Esteban at Lourdes Tucay sapagkat si Lina Sagun
ang lagi kong nakikita roon na nagpapatrabaho at nagbabantay sa
bukid;
5. Sa pagtratrabaho sa bukid ako ang nag-aararo sa bukid para sa
pagpupununlaan, nagtatanim ng punla, nag-aalaga sa punla, nagaabono, nagpapatubig, at nag-aalaga hanggang sa ito ay pwede ng
anihin,
6. Na panghuli, ang lahat ng nabanggit sa itaas ay pawang
katotohanan lamang at walang sinumang namilit sa akin para
ihayag ang mga bagay na ito.
BILANG PATUNAY, ako ay lalagda sa salaysay na ito ngayong ika-26
ng Agosto 2016 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
DOMINADOR VALDEZ
Affiant
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 26th day of August 2016
at Bayombong, Nueva Vizcaya, affiant exhibited to me his CTC No.
11968866.

ARMI LIZA M. MATEO


Notary Public until Dec. 31, 2017
Commission No. 21-15
PTR No. NV 1738322; 01/04/16
IBP No. 1028801; 01/18/16
Roll No. 63696
MCLE No. (EXEMPT-MCLE GOV. BOARD NO. 1,S2008)

You might also like