You are on page 1of 3

Sanhi at Bunga ng Paggamit ng Iba't-ibang Teknolohiya sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Ika-apat na

Antas ng Rizal Region National High School

I.

Suliranin at Kaligiran nito

A. Rasyunal
Ang pag-aaral ay isang responsibilidad ng bawat mag-aaral upang magkaroon pa ng sapat na kaalaman
hindi lamang sa turo ng mga magulang kundi pati sa iba't ibang aralin na natututunan sa paaralan. Ito ang
nagiging dahilan upang makamit pa natin ang ating mga pangarap sa buhay upang magkaroon ng magandang
kinabukasan ngunit tila hindi na ito binibigyang pansin ng iba. Dahil nga ba sa daynamikong pagbabago ng
teknolohiya at industriya na nakakaapekto sa atin araw-araw?
Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya mas lalo pang napapadali at napapalawak ang ating
kaalaman. Malaki ang tulong nito sa mga nag-oopisina , sa mga mag-aaral at sa iba pang klase ng trabaho o
gawain. Ngunit sa kabilang banda nagkakaroon din ito ng epekto sa ating moral na kaanyuan.
Ang Rizal Region Natoonal High School ay isang pampublikong paaralan na matatagpuan sa Rizal Alicia
Isabela kung saan napapalibutan ng computer shop. Mahigit limang-daang estudyante ang namamasukan dito
na galing pa sa iba't-ibang barangay ng Alicia.
Ang karamihan ng mag-aaral dito ay nalulong na sa paggamit ng makabagong teknolohiya na kanilang
ikinagagalak araw-araw. Lingid sa kanilang kaalaman ay meron itong sanhi at bunga. Sa pamamagitan ng
pananaliksik na ito , susubuking suriin ang mga sanhi at bunga ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pagaaral.
B. Paglalahad ng Suliranin
Binibigyang tuon ng pananaliksik na ito na alamin ang sanhi at bunga ng paggamit ng iba't-ibang
teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal Region National High school.
Ang mga sumusunod na tiyak na katanungan ay sisikaping bigyan ng kasagutan:
1. Ang mga sanhi ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas
ng Rizal Region National High school.
2. Ang mga positibong bunga ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ikaapat ng antas ng Rizal Region National High school.
3. Ang mga negatibong bunga ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ikaapat na antas ng Rizal Region National Highschool.
4. Ang mga mungkahing solusyon ng mga guro o ng mga estudyante upang maiwasan ang mga negatibong
bunga ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal
Region National High school.

C. Layunin ng Pag-aaral
Nilalayon ng pag-aaral ang mga sumusunod:
1. Masuri ang mga sanhi ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na
antas ng Rizal Region National High school.
2. Masuri ang mga positibong bunga ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng
ika-apat na antas ng Rizal Region National High school.
3. Masuri ang mga negatibong bunga ng paggamit sa iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng
ika-apat na antas ng Rizal Region National High school.
4. Masuri ang mga posibleng solusyon kung paano iwasan ang ga negatibong bunga ng paggamit ng iba't-ibang
teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal Region National Highschool.
D. Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay nakapagbibigay ng dagdag na impormasyon upang malaman ang sanhi at bunga
ng paggamit ng iba't-ibang teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal Region
National Highschool.
Importante ito upang maging maayos at epektibo ang paggamit ng mga Makabagong Teknolohiya sa
kanilang pag-aaral.
E. Saklaw at Delimitasyong Pag-aaral
Ang riserts na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam o pagsuri sa sanhi at bunga ng paggamit ng iba't-ibang
teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal Region National High school.
Isasagawa ito sa mga mga-aaral ng ika-apay na antas ng Rizal Region National High school.
F. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Ang ilang mga salitang ginamit ay binigyang sepiniayon upang lalong maunawaan ang riserts na ito.
Teknolohiya- sangay ng siyensya na tumutukoy sa mga bagay na ginagamitan ng disenyo sa
pamamaraan ng iba't-ibang aparato o mga makina sa maproduktibong paraan.
Daynamiko-nangingibabaw
Sanhi- dahilan o ugat ng isang particular na pangyayari
Bunga -epekto ng isang gawain

II.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

A. Mga Kaugnay na Pag-aaral


Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga sosyal na pakikipagkomunikasyon ay
nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho at madali itong
nakikipagkomunikasyon sa ibang tao.
Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbago, maging ang paraan
na din ng pakikipagkomunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay nakakayanan ng gumamit nito,
sapagkat sadyang madali itong gamitin.
Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sa kanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay mas higit na
ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin.
Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas magiging pakipakinabang, at ayon sa
kanya na ito ay lubos na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at
makipagkomunikasyon.
B. Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe
upang makagawa ng isang komunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

III. Metodo at Pamamaraan


A. Disenyong Pananaliksik
Upang lalong masuri at makilala ang mga mag-aaral ng Rizal Region National High school gagamitin
ang pamaraang deskriptiv.
B.

Paglikom ng Datos
Ang paggawa ng talatanungan ang gagamitin sa riserts na ito. Sa pamamagitan niyo ay mas
mapapadali o mapapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon na tungkol sa paggamit ng iba't-ibang teknolohiya
sa pag-aaral ng mga estudyante ng ika-apat na antas ng Rizal Region National High school.

You might also like