You are on page 1of 2

Lahat na nang meron ako binigay ko na sa kanya.

Kahit anong gusto niyay binigay


ko.Siya na nga naging mundo ko,kulang pa ba? himutok ng isang ex-girlfriend.

Pagdating sa pag-ibig,pare-pareho ang mga babae.Lahat ay ginagawa kahit


ito man ay mali.Maling-mali.

Karaniwan sa mga babae na kung maaari ay walang oras na hindi kasama


ang boyfriend.Parang nakadikit,hindi maihiwalay.Iyon daw kasi an paraan para
maipadama kung gaano ito kamahal sa bawat sandali.

Di pa makuntento kaya mayat mayay magti-text,panay ang tawag.Gustong


iparamdam sa BF umano, na lagi itong naaalala, nagmamalasakit.Kahit ang totooy
inaalam kung nasaan ito, ano ang ginagawa, sa medaling salita mino-monitor.

Isang sabi lang ng BF ay walang hindi nasusunod.Handang gawin ang lahat


na itinawag kahit nanginginaig pa.

Natural,may mga barkaa ang BF.Kaibigan.Kailanagang makipaglapit,maging


malapit sa mga ito.Ituring na close-friend din.Sanayin ang sariling kasa-kasama.

Ano nga ba ang paboriong sports ng BF? Baskeball. Na halos lahat ng bagay
ay alam nila tungkol dito. Boksing? Na kahit ayaw mang Makita ng basagan ng
mukha ay kailangang tiisin

Maging sa pagkain, kailangang gawin ding paborito ang gusto ng BF.Palitang


ang hilig,pati ang panlasa.

Kahit anong sabihin niyay sinunod ko.

Ayaw ng BF sa lagging nakamake-up? Edi huwag.Maging natural ang mukha


kahit magmukhang losyang.

Tanda ng pagiging tunay na babae ang naka-palda? Iwasan ang mag-


jeans,kahit ito naman ang mas komportable sayo.

Maganda ang mahaba ang buhok? Magpahaba.Huwag pansinin ang


uso,huwag sumunod sa uso,maging pansinin ang kakaiba.Kahit magmukhang Maria
Clara.

Pinapansin ang malutong na pagtawa,malakas ang halakhak? E di


pigilan.Magpakahinhin,kahit hirap na hirap.

Ano pa?

Siya na nga naging buhay ko.-dahil lahat nalang sa BF ay


ginawa,nakipagsabayan,ginaya.Kung maaariy pati interes,ugali,ambisyon at
pangarap sa buhay.
Kulang pa ba? Hindi.Sobra-sobra pa nga.Pero kulang man o sobra,parehong
mali.Ang pagbo-boyfriend ay hindi singkahulugan ng pagtulad sa boyfriend.Na kung
sino ito,ano ito ay ganoon din ang girlfriend.Hindi kasama sa isang relasyon na kung
ano ang isa ay dapat baguhin at tumulad sa kapareha.

Doon mali ang maraming babae.Sa kagustuhang maging kagaya ng


boyfriend.Samantalang bawat indibidwal ay may kakayahan na hindi kaya ng
iba.Bagay na kaya nga napansin o nagustuhan ng isang boyfriend.

Ang puntoy kailangang panatilihin ng babae kung anong meron siya.Sabi nga
nila,maging pino lang kung saan magaspang.Magtuwid kung saan alam ang
mali.Magbago kung dapat bang gumawa ng pagbabago.

Sabi nga nila,pinakamahalaga sa sinuman,babae o lalaki,ang pagkakaroon ng


control sa lalaki.Ikaw mismo ang dapat masunod sa lahat ng nais at gusto mo.Totoo
mang nagsasaalang-alang sa iba,lalo na sa pagbo-boyfrieng-girlfriend,sa sarili parin
ang pagpapasiya.

Kung kailangang taggihan ang boyfriend,bakit hindi?

Kung gustong bigyan ng oras ang sarili,walang dahilang hindi gawin ang
pagtanggi sa BF.

May bukod na sarili ang bawat tao na kanya lang.

You might also like