You are on page 1of 2

Ang mga Babae. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng mga babae eh.

. Yung tipong may mag-like lang ng Primary Photo nila, feeling nila ang ganda na nila. Yung tipong i-recognize lang siyang Girlfriend ng taong mahal niya sa mga kaibigan at pamilya niya. Yung tipong ngitian lang sila ng crush nila, kala nila sila na. Yung tipong may magpahalaga lang sa kanila, feeling nila perfect na sila. Yung pakiramdam na sabihan sila ng taong mahal nila ng I love you sa tapat ng maraming tao. Yung sabihan lang sila ng Mahal na Mahal kita, pero sabihan mo yan ng Mahal Kita, medyo magtatampo pa yan, kasi gusto nila Mahal na Mahal dapat. (Demanding :D). Pinahahalagahan nila lahat ng FIRST. First kiss, First holding hands atbp. Kaya nga mahilig sila sa SLUM BOOK di ba? Pati kung sila ba yung First girlfriend ng boyfriend nila, first kiss, first holding hands as in LAHAT NG FIRST. Madalas maarte, emotera, tamang-hinala, sabi nga kasi ng iba, once daw na kinutuban ang mga babae, 85% nito ay totoo. Gusto nila yung lalaking halos ibigay na yung buong-buhay nito sa kanya, yung mapagmahal sa pamilya, yung lalaking kahit na maangas pagdating sa girlfriend niya yun parin ang boss niya, yung lalaking hindi magagalit kasi galit yung girlfriend niya, yung lalaking pag-alam na galit na yung girlfriend niya, sasabihan niya lang ng I love you niya pawi na. Yung lalaking kahit gaano ka-busy, may oras parin para tawagan o i-text yung girlfriend niya. Yung lalaking kahit hindi madalas na magbigay ng mga materyal na bagay, pinapakita parin niya na mahal niya yung girlfriend niya. Yung lalaking isang load alert lang ni GF, lo-loadan agad nya, maka-text lang nya. Haaay ang mga babae talaga. Pero ano pa nga ba ang mga lalaki kung walang babae di ba? :) Well, kung madalas kayong mag-away o awayin ng girlfriend niyo, wag kayong magagalit. (Tsk) Parang mga magulang lang natin yan eh, kaya nila tayo pinapagalitan at pinapalo, kasi gusto nilang matuwid ang mga pagkakamali natin, kasi MAHAL nila tayo^.^ Did you get my point? Oo, selosa ang mga babae, ayaw nilang may ka-text, ka-phone call, ka-chat, ka-wall-to-wall o ano pa man ang boyfriend nila, kasi nga di ba way din yon para ma-fall ka sa iba. San ba kayo nag-umpisa? Di ba sa ganoong paraan din di ba? Madalas pag-galit ang mga babae, bigla na lang hindi mag-rereply, kulang na lang gawing diary yung Facebook account nila kaka-post ng mga heart-breaking quotes eh. Kesyo ang tunay na nagmamahal daw ay ganito, ganyan. Na mapaglaro daw ang tadhana. Haaaay! Madalas din pag matumal ang babae, galit yan. Sabi nga nila, Silence is the girls loudest cry. Kaya ganon. Gustong gusto nila yung MP3 nila puno ng love songs, fan ng mga love story sa t.v. or movies. Mahilig sa pocket book, fan ng KathNiel, Kimerald, John Llyod-Bea, at lalo na ang Shes Dating the Gangster ng Wattpad. *Evil laugh* Yung babaeng, bigyan o bilhan mo lang ng candy, maski balot itatago pa yan. As in tago talaga. Yung babaeng masaya na magkaroon lang sila ng picture ng boyfriend niya, kahit blurred pa, ipa-primary pa nya pa yan. Yung babaeng interesado sa pagkatao mo, yung babaeng kahit gaano ka-kalat kumain walang pakialam, yung babaeng minsan lang magsabi ng I love you pero galing sa kaibuturan at kalaliman ng puso nila, yung bukam-bibig yung pangalan ng crush o boyfriend nila, yung babaeng iyakin, hindi maarte, hindi kill joy, marunong maki-sakay sa trip (good things syempre), yung babaeng kahit sya yung bossing, marunong parin sumunod at makinig sa boyfriend nya. Yung hindi magsho-short ng short na nga shorts pa, kasi magagalit si kasintahan nya, yung ang cute-cute ng pagiging tamad, yung babaeng kahit 3:00 am na, go padin sa text. Yung babaeng ipinapatong yung cell phone sa mukha niya, para kapag nagreply yung boyfriend o crush niya, kita agad niya. Yung kahit inlove hindi padin

pinapabayaan yung pamilya at pag-aaral niya. Yung babaeng kahit ilang beses paiyakin at saktan handa paring magbigay ng another chance, yung malakas yung fighting spirit sa relasyon niyo. Yung kahit 3x a day kayo kung mag-away, di magbabago pagmamahal niya sayo, yung babaeng may sariling motto na, Okay lang na ako yung maloko, wag lang ako yung manloko.

You might also like