You are on page 1of 1

Kapag yung boyfriend mo ganito

Pinagyayabang ka. Matik na yun na pinagmamalaki ka niya sa iba. Yung kulang na lang ipagsigawan sa
buong mundo na, Hoy kayo! Girlfriend ko tong magandang to!

Pagiging gentleman. Makikita mo yan kapag kakain kayo sa labas. Hihilain niya yung upuan para sayo.
Ganun din kapag sa pagsakay ng jeep, O babe, una ka. Pati na rin sa pagbaba sa jeep, mauuna siya at
aalalayan ka niyang bumaba.

Yung nililibre ka. Minsan, dumating sa punto nating mga girlfriend yung nahihiya na tayo sa kanya dahil
baka maubos pera niya kakalibre sayo, gayong alam naman niyang may pera ka. May mga lalaki kasing
ayaw pag-gastusin ang girlfriend nila.

Di siya sumasabay sa init ng ulo mo. Yung tipong alam niyang wala ka sa mood, susuyuin ka niya at
papatawanin hanggang mawala yang init ng ulo mo. Yung iintindihin ka kapag meron ka.

Kapag pinakilala ka niya sa mga kamag-anak niya. The best na feeling to sa mga girlfriend dahil dito mo
malalan na talagang mahal ka niya.
Palagi kang pinapakilig. Yung kahit alam mong lumang banat na, basta pag siya ang bumanat, hindi mo
mapigilang mapa-ngiti at kumilig.

Stick-to-one. Hindi siya nagpapatukso sa mga babaeng kung sino-sinong lumalapit sa kanya. Dahil para
sakanya, marami mang ibang babae ang makita niya, ang puso niya sayo pa din. Yung tipong suplada
siya sa ibang girls, pero sayo, napakalambing niya.

Kinikilala yung mga taong malalapit sayo. Mga kaibigan mo, mga kaklase mo.
Di sumusuko. May mga bagay o problema din kasi yung pagdadaan. Pero imbes na iwan ka niya, hindi
siya nagsasawang umiisip ng paraan para magka-ayos kayo. Para sa kanya, mas importane ka kaysa sa
pinag-aawayan niyo.

Kapag ma-effort siya. Ito ang pinaka-gusto ng mga babae sa isang lalaki. Ito din yung dahilan kung bakit
tumatagal ang isang relasyon eh. Effort kung bakit mas minamahal ka niya.

Kapag kaibigan mo din siya. Wala ng tatalo pa sa lalaking ipinaparamdam sayo na hindi mo lang siya
boyfriend, kundi bestfriend na rin.


tumblr

You might also like