You are on page 1of 7

Kaibigan

Rachelle Pamatmat
"Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagilagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na
walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka
nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di
mapantayan kahit langit."
Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi
masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming
nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas
ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong
nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko
lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan
ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi
ba ko importante? Sa palagay ko ngay hindi pero nagpapasalamat ako at
may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay
mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon.Pero ano ba ang
pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?
Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan.
Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigankapag
nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit
kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo
sya.
Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigankapag
bumagsak ka tatawanan ka pa.
Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibiganhanggang
umpisa lang.
Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit
kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba,
pero kapag kayong dalawa na lang, Bahala ka na.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag
nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik.
Angkaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.
Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan.
Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na.
Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.
Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may
mali ka walang iyang pakialam.
Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan.
Angkaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.

Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan.


Angkaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.
Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamt sa
kanila.

ALUMPATI: KAIBIGAN
Kaibigan
BAKIT NGA BA TAYO MAY TINATAWAG NA KAIBIGAN?
Kaibigan, dito natin lalo nakilala ang ating sarili.
Sa kanila tayo nakakapag labas ng sama ng luob
Sa kanila tayo nagiging komportable.
Sinasabi ang sikreto na hindi natin masabi
sa ating mga
Kapamilya,kapuso kapatid .
Kaibigan, sila ang una nating nilalapitan
Pag may problema lalong lalo na sa
PAG-IBIG.
Kaibigan ay parang NANAY kung mag advise
Tatay magsaway, parang kapatid kung
Magpatawad at higit sa lahat parang
Boyfriend kung mag mahal.
Tunay na kaibigan ay napaka hirap hanapin
Para kang lulusong sa tubig dagat hindi mo
Alam kung gaano kalalim, itataya mo ang buhay
Mo para sa tinatawag na tiwala sa sarili
Kaya ang pag mamahal sa kaibigan ay
Parang pinaka importanteng bagay sayo
Kaibigan ay di ka iiwan, ngunit sila
Ay nadagdagan.
IKAW PARA SAYO ANO ANG KAIBIGAN?.
KAIBIGAN:talumpati mula kay Maribel O.Pancho
Mahalaga pa ba ang magkaroon ng kaibigan?
Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang
kaibigan.Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkakasama kaming lahat
sa mabuti man o masama.
Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong
lungkot sa kanilang mga damdamin.Hindi ka nila pababayaan kahit na
maraming pagsubok ang iyong hinaharap,nandyan sila upang ako'y
damayan.Sa kabila man ng mga pagsubok nito,nakikita ko na hindi nila ako
iniwan.Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema,yung
matatawag mong "TUNAY NA KAIBIGAN".
Marami ngayon sa kabataan ang problemado sa pag-aaral,pamilya at
pera.Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalin sa
magandang gawa para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng
bagay.Sana nandyan pa rin sila sa kasiyahan,kalungkutan,iyakan at
kahirapan man patuloy na nagmamahal sa mga pinagsamahan.
KAIBIGAN - Talumpati ko

Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na No


man is an island. Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang
kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo.
Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang
kaibigan? Oo, mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba
ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya
mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa
pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan
naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin.
Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan
kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila Tell me who your friends are, and I
tell you who you are. Kung titingnan natin ang ganitong pananaw,
masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon ng kaibigan.
Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa ating buhay.
Maraming pagkakaibigan ang nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong
panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit gaano man ito
kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan
ng pinagsamahan ay mananatiling nakaukit sa ating mga pusot isipan. Ang
pagkakaibigan ay hindi lamang nandyan, upang magbigay ng kaligayahan,
ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap ng hamon at
pagsubok ng ating buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede
mong maramdaman kahit kalian. Parang ibon na mahirap pakawalan. At
parang isang agos na kay hirap pigilan. Ang pagkakaibigan ay hindi
inaasahan itoy kusang dumadating at minsan ay nawawala. Dapat
pahalagahan upang di mawala. Kailangan ng pasensya at tiwala sa isat isa.
Minsan kailangan mong magparaya at intindihin.
Lahat ng tao pwede mong tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabe
mong tunay.
Sino ba? O ano ba ang isang tunay na kaibigan?
Sila ba yung kasama mo sa inuman? Pag liban sa klase? Pag gagala? Ang
tunay na kaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon,
maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at
magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay. Mahirap
makanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mag tunay na
mananatili sa iyo. Ang tunay na kaibigan ay magtatayo sa iyo sa araw na
bumagsak ka at magsisilbi mong inspirasyon sa pag papatuloy sa buhay.
Malaking bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan,
sino bang ayaw?

Para sa akin ang isang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon nang


iyong kaligayahan at higit sa lahat sa iyong pangangailangan. Hinding hindi
ako iiwan sa panahong pakiramdam ko mag-isa ako sa mundo. Hindi ako
ipagpapalit kahit kanino. Masasabe kong hindi man ako kaswerte sa
buhay pag-ibig, napaka-swerte ko naman sa mga kaibigan ko. :)
SALAMAT!

Journal sa Filipino
Posted on March 8, 2012

Sa klase namin sa Filipino, kinakailangan naming gumawa ng journal tungkol sa


aming mga natututunan sa klase. Noong unang sabihin ito ni Ginoong Samar,
hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangan gumawa ng mga ganito. Ang
malala pa, kapag hindi namin ito nagawa, wala kaming grado sa pakihahalubilo
sa klase. Hindi ko talaga naintindihan kung bakit ganito hanggang sa nakausap
ko ang aking block mate na galing sa Cebu.
Isang beses, napag-usapan namin kung ano talaga ang dahilan kung bakit
kailangan pa ng mga journal sa klase ng Filipino. Noong una, puro masasama
lang ang aking mga nasasabi tungkol sa mga journal na ito. Hassle naman to
bro! o Grabe di ko talaga gets kung bakit pa kailangan to ehh. Pero ito ay
tumigil nang sinabi ng aking block mate ang kaniyang naramdaman tungkol sa
mga journal na ito. Ang sabi niya ay Yeah it is a hassle but its helping me too
cause now I can express myself not only in English and Cebuano but also in
Filipino. I admit Im really bad when it comes to Filipino because we dont use
Filipino in Cebu, but because of this thing, Im able to at least try to use the
language and learn it.
Nang marinig ko ito, akoy nabigla. Puro na lamang masasama ang aking mga
nasabi at hindi ko nakita ang malaking dahilan kung bakit kinakailangan naming
gumawa ng journal. Biglang nag-iba na lang ang aking tingin sa journal na ito.
Napansin ko na rin kung bakit kailangan naming gumawa ng journal.
Para sa akin, ang mga journal na ito ay para maintindihan namin kung ano ang
aming natututunan sa klase ng Filipino. Sa mga journal na ito, kailangan naming
magbahagi ng aming natutunan sa klase at kung paano namin ito maibabahagi
sa aming mga buhay. Tulad nga ng aking block mate na sa journal ay natutunan
niyang mas gamitin ang salitang Pilipino para maibahagi ang kaniyang sarili.
Pinapagawa kami ni Ginoong Samar ng mga journal hindi para pahirapan kami
ngunit para malaman niya kung naiintindihan nga ba namin ang kaniyang mga

tinuturo. Ngunit hindi ito tumitigil sa pagka-intindi lamang. Sa journal din,


malalaman namin ang puwede naming gawin sa aming mga natutunan sa klase
ng Filipino. Ang ibig sabihin nito ay malalaman namin kung paano namin
maibabahagi sa aming kapwa ang mga natutunan namin sa klase.
Para sa akin, ito na ngayon ang ibig sabihin ng paggawa ng journal. Hindi na
siya hassle kung hindi, siya na ngayon ay isang pagsasanay.

You might also like