You are on page 1of 1

Ang aking Repleksyon

Madaming bagay akong natutunan sa asignaturang Filipino 10. Akala ko simple lang ang Filipino ngunit
di pala iyon totoo. Nalaman ko sa sarili ko na di purket ako’y isang Pilipino madali na ang Filipino, ngunit
mali pala ako. May madaming teknikal na pamamaraan din pala ang pagsulat at pagbasa ng tekstong
Filipino.

Nalaman ko kung paano sumulat ng tama na naaayon sa mga basehan at panuntunan sa pagsulat.
Nalaman ko din na may ibat-ibang uri pala ng teksto. Nagkaroon na din ako ng mga ideya kung paano ba
nabuo ang isang librong Filipino. Di biro ang pagsulat nito at pati na rin ng pagbasa. Tulad ng Ingles
madaming pamamaraan ang dapat linangin. Magagamit ko ang mga kasanayang aking natutunan sa
asignaturang ito sa panahong kung kailan ko ito dapat gamitin tulad ng thesis at ibang pang gawain na
may kinalaman sa pagsulat. Nakakalito kung iisipin ngunit kung lilinangin maigi ay madali mo itong
mauunawaan. Di ko sukat akalain na ang pagsulat at pagbasay may teorya din. Ang
pakikipagkomunikasyon dito ang siyang mamamayagpag sapagkat pawang ikaw ay nakikipag-usap
lamang sa iyong mga kapwa. Ito’y sa paraang pasulat lamang.

Ang mga bagay na ito’y di madami at di rin kakaunti ngunit malaking halaga ito sa pang araw-araw na
pamumuhay at maging sa pakikipagkapwa. Ang kaalaman kong aking nakalap sa asignaturang Filipino ay
patuloy ko paring pagyayamanin kasabay ng natitira kong tatlong taon sa pag-aaral sa kolehiyo. Sa oras
nga na ito at sa panahong ito’y iyong mabasa ay naiaaplay ko din at ninyo rin ang mga teknikal na
pamamaraan sa pagbasa’t pagsulat. Ang mga kaalamang ito ay di na mawawaglit sa aking isip at patuloy
pading mananatili pati na rin sa pagtatrabaho sapagkat ang pagbasa’tpagsulat ay di nawawala sa araw
araw na pamumuhay. Di ko na ito pahahabain sapagkat ang mensahe na ito’y walang ligoy at naaayon sa
regulasyon at panuntunan ng pagsulat. Sa ngayon ay nagagamit parin talaga natin ang pagsulat at
pagbasa, ito’y mananatili kasabay ng paglipas ng panahon. Ito ang aking repleksyon sa “Filipino 10”.

You might also like