Professional Documents
Culture Documents
Lunes
Martes
Ipinagpatuloy naming ang talakayan namin sa Practical Research II habang nag wasto
kami ng aming ikalawang pagsusulit sa Basic Calculus. Sa apatnapu na aytem, dalawampu’t
siyam ang aking nakuha, nalulungkot ako sapagkat pakiramdam ko ito ay mababa ngunit iniisip
ko na lang na hindi ko naman ito lubusan na magagamit kung larangan ng medisina ang
tatahakin ko sa hinaharap at maaari pa naman akong makabawi sa mga susunod na kuwarter o
pagsusulit. Bukod pa rito, tinalakay naming ang iba’t ibang chemical substances sa aming
asignaturang General Chemistry I. Ipinagpatuloy naman namin ang aming takalayan sa
asignaturang General Physics I ukol sa vectors.
Miyerkules
Bagong paksa o aralin ang tinalakay namin sa aming General Chemistry I. Nagkaroon
naman kami ng isang maikling pagsusulit sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang.
Nagkaroon naman kami ng saglit na pagtalakay ukol sa philosophy sa aming huling asignatura.
Dahil maaga kaming natapos sa talakayan, nabigyan din kami ng oportunidad na makauwi ng
maaga.