You are on page 1of 16

Talumpating Binigkas Ng Bb. Pilar J.

Lázaro Hipolito Sa Look Ng Bagumbayan, Alang-


alang Sa Ika-Sampung Taon Ng Pagkakabaril Sa Ating Bayani

Bayan kong pinakaiirog: Ang unang pinasasalubungan ng maligayang pagbati at pagpipitagan,


sampu ng lahat ng mga napipisan, lalong lalo na ang mga ginoong bumubuo ng pagpapaunlak sa
karangalan ng dakilang Rizal na kasalukuyang ipinagdidiwang ng kapuluang Filipinas, kayo’y
hinahandugan ngayon ng di-mabilang na pasasalamat, sanhi ng pagkatanim sa kaibuturan ng
puso ng araw na itong di ko rin nililimot.

Bagaman kulang pa sa tapat na kagulangan ang kutad na pag-iisip sa tungkuling ngayo’y


ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan kahit anong hirap, makatupad lamang sa adhika ng mga
kapatid sa mabigat na pasaning ako’y maging isa sa magpapaunlak, sa pamamagitan ng bigkas,
gayon sa pamimintuho sa Bayan kong kinamulatan.

Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai-ipon na ang
macatataroc ng̃ lalim ng̃ aking pagcapahat, ng̃uni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa
pintuan ng̃ calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa ng̃ tunay na damdamin at
sumasampalataya sa hiduang aral ng̃ mg̃a nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago’y
caaway ng̃ cagaling̃an, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa ng̃ mg̃a cahirapan, cundi
bagcus namamalagtas sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nang̃imi sa
camatayan macapagbucás sa tulóg na loob ng̃ canyang cababayan, at naging mananacop ng̃
Filipinas sa paghahayin ng̃ buhay ng̃ icatutubós sa tanán, ng̃uni, ¡anong hapding salang̃in! ¡anong
pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán ng̃ canyang
mg̃a talinghaga.

¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang
nacapanghihilacbot na usapan ng̃ mg̃a lahing Lacandula rin, upang mang̃akilalang sila’y dapat
pacasumpain, na anila’y: Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat ng̃ caguluhan at
cahirapang tinatangkilic ng̃ayon ng̃ Bayan, mg̃a pang̃ung̃usap na di napag labanan ng̃ puso cong
iwi at naramdamang lumuha ng̃ dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: bakit hindi mang̃atal
at mapipi ang cumacatal ng̃ walang catotohanan; datapua’t ng̃ macapaghunos dili sa paglalatang
ng̃ galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang
mahalagang bigcas ng̃ Póong si Jesús, ng̃ napapaco sa Cruz ng̃ casalanan: Dios co sila’y
patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa (Palacpacan).

Talastas ng̃ lahat ang Bayan sinilang̃an ng̃ ating ipinag-gagalac ng̃ayon, iyang dacong sinisicatan
ng̃ maliwanag na araw, na pinamumutictican ng̃ mg̃a bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa
Calamba, niyong ika labing siyam ng̃ Junio ng̃ taong isang libo, walong daa’t anim na pu’t isa, sa
macatuid, ganap na apat na pu’t limang taon limang buan at labing isang araw ng̃ayon, at buhat
naman ng̃ gupuin ang canyang iniing̃atang buhay ng̃ mg̃a lihim na caaway, ay sampung taon
ng̃ayon walang culang.

Bakibaki-in mg̃a napipisang caguinoohan cung anong tabác ng̃ mapanglupig ang lumagpac sa
ulo ng̃ mg̃a Bayaning nagsipagnasang humawi ng̃ mg̃a calihimang mapagparusa, panaho’y
tumatacas at tumatacbong matulin ng̃ wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang pag-
aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya’y hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa
bagsic ng̃ paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, ng̃uni hindi kinilalang utang
na loob ng̃ mg̃a sumasamba sa capangyarihan ng̃ mg̃a mapagbalat cayóng wari ay catulong
bago’y tunay na calaban.

Bahagya pang tumutuntong sa guhit ng̃ pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal ng̃


nacahahang̃ang catalasan ng̃ pagiisip, caya’t minarapat ng̃ magagandang pusong canyáng
magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas ng̃ catalinuhan,
at sa catotohana’y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha ng̃
melodramang tula, na pinamagatan ng̃: Junto al Pasig, at saca isinunod ang A la Juventud
Filipina, El consejo de los Dioses at iba pang nacalulugod.

Tayo naman, lalo na cayong mg̃a cabinataang dumog sa pag-aaral, cunang halimbaua ang
canyang mg̃a pagsisicap. Si Rizal, hindi dito lamang sa Filipinas tinuclas ang caaya-ayang
carunung̃an, cundi naglacbay sa España, niyong taong isang libo, walong daa’t walong pu’t
dalaua, sa pang-ulong bayan nito, sa Paris, sa Bruselas sa Berlin, sa Londres, sa Gante at sa mg̃a
pang̃ulong Ciudad ng̃ Rhin at doon natutuhan ang ucol sa pangagamot, «Filologia», «Etnologia»,
«Filosofía» at «Letras».

Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, ng̃uni agad hinarang ng̃ mg̃a
malicmatang mapagpahirap, sapagca’t hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at
lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan ng̃ Filipinas, gayon man, hindi tumudla ng̃
macamandag, at sucat ng̃ tinugon ang pang̃ung̃usap nila ng̃ papaganito: «Na ang lahat ng̃ mg̃a
lahi ng̃ tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang mg̃a anyo, ng̃uni alinsunod sa Psicologia, ang
maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa ng̃
caramdaman, nagcacawang̃is ang mg̃a umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc ng̃ puso,
ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan ng̃ pagsasaysay ó pag-gawa.»

«Na walang napagkikilala ang mg̃a Antropologo cundi ang mg̃a lahi; na ang napagmamalas
lamang ng̃ mg̃a mapagmasid ng̃ mg̃a pamumuhay ng̃ bawa’t nación, ay ang pagcacaiba’t iba ng̃
calagayan, ng̃ mayama’t mahirap, ng̃ mahal at timawa. Na sa mg̃a nayong lalong mg̃a paham ng̃
Francia at Alemania, ang lalong marami sa mg̃a nananahan doo’y casing pantay rin ng̃ calagayan
ng̃ pag-iisip ng̃ mg̃a tagalog, at ang culay ng̃ balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang
caibhan lamang.»

«Na ang pag-iisip ay tulad sa mg̃a cayamanan at cung may mg̃a naciong mayaman at mahirap, ay
may mg̃a tao ring mahirap at mayaman: Cung may nagbabalac na taong siya’y ipinang̃anac na
pagdaca’y mayaman, ang gayong tao’y namamali, sapagca’t siya’y sumilang ng̃ hubad na
cawang̃is ng̃ alipin at iba’t iba pang lubhang mahahalaga, (Noli me tangere dahong icapito).»

Pinag-inutan din niyang sinulat ang Noli me tangere na naghahayag ng̃ sari-saring halimbawa, na
isinawicang frances ng̃ taong isang libo, walong daa’t walong pu’t siyam ng̃ mang̃ang̃alacal na
capisanan ni Stock, gayon din ang isinulat ni Dr. Morga na canyang dinagdagán ng̃ mg̃a
paliwanag ng̃ siya’y macapangaling sa Japón at Norte America na nanahan sa Londres. Sa
Madrid ay nagbukas ng̃ isang pahayagan ng̃ taong isang libo walong daa’t siyam na pu at
pinamagatang Solidaridad, pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang mg̃a catulong sa
pagsulat ay sina guinoong Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Dominador Gomez at iba
pa.

Dito’y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagcat
tumanghal ang canyang pang̃alan sa pamamag-itan ng̃ pakikibaca sa mg̃a calapastang̃anang
cumacalat sa mg̃a paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay ng̃ hindi sa sakit cundi sa
bilis ng̃ punlong pamatay ¡Oh catiwalian ng̃ panahon! Bahagya pang umuusbong ang larawan
iguinuguhit sa dulo ng̃ mg̃a sandata ay isinabog na ang apoy ng̃ capahamacan ng̃ isang
namamahalang nacuha sa kintab ng̃ cayamanan, dinaig ng̃ capangyarihan at nagwasac ng̃
mahusay na pananangkilic.

¿Natupad caya ang nais na hadlang̃an ang bawa’t tung̃o ni Rizal? ¡ah! hindi ng̃a at lalong
nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi ng̃ namumuksa, sumulac ang dugo at mandi’y iniukit sa pitac
ng̃ dibdib, caya’t hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na
pinananangnan ang sulsol at hicayat ng̃ ilang malabis nating kinapopootan.

Sa guitna ng̃ di maulatang pagpipighatí at pakikipanayam cay Simoun, ay nagsalita nitong


sumusunod.

«Isang Dios ang nagpaparusa sa caculang̃an ng̃ pananampalataya sa pagcagumon sa masamang


hilig, sa casalatán natin ng̃ dalisay na pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalás nating
pagpapaunlac sa mg̃a cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa mg̃a duc-ha, carapat dapat ng̃a,
lubha ng̃ang carapat dapat na ating tiisin ang bung̃a ng̃ ating mg̃a cagagawan at tiisin naman ng̃
ating mg̃a anac, iyan ng̃a ang Dios ng̃ kalayaan, guinoong Simoun na siyang sa ati’y pumipilit na
ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay cabigatan sa atin. Hindi ko
sinasabing ating paghanapin sa patalim ng̃ sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca’t hindi
cailang̃an ang espada sa icagagalíng ng̃ Bayan, datapwa’t tutuclasin natin ang cagaling̃ang iyan
sa pamamag-itan ng̃ carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan ng̃ isang
tao, sa pag-sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang
cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng na ang Bayan sa
gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya’y nagbibigay ng̃ sandata at nabubulíd ang
mg̃a nagpapasamba, nabubual ang mg̃a tampalasan, catulad ng̃ pagcalansag ng̃ mg̃a bahay
bahayang baraja. Tayo rin ang may gawa ng̃ ating mg̃a pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang
sino man cundi liniling̃ap at pinababayaang tayo’y apihin ng̃ calupitan, sapagca’t cung makita
sana niyang tayo’y nahahandang makitungali at magtiis ng̃ cahirapan dahil sa pagsasangalang ng̃
ating catuiran, maniuala cayong ang di dumiding̃ig na iyan ang siyang una unang magcacaloob
ng̃ calayaan, datapwa’t samantalang hindi tinataglay ng̃ Bayang Filipinas ang casucatang lacás
ng̃ loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang
magtamó ng̃ catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan ng̃ canyang
sariling dugó; hangang ating nakikitang ang mg̃a cababayan nati’y sa sariling calooba’y
nagdaramdam ng̃ hiya at diniring̃ig ang atung̃al ng̃ tinig ng̃ masamang budhi na nagng̃ing̃itng̃it at
tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang
pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating mg̃a carugo sa tacsil na asal na
walang ini-ibig cundi ang sariling cagaling̃an; ¿bakit sila’y bibigyang calayaan? Na sa sa camay
man at wala ng̃ iba, sila’y magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa sa dati. ¿Anong
cabuluhan ng̃ «Independencia» cung ang mg̃a busabos ng̃ayon ay siyang kinabucasa’y
magmamalupit? At walang salang sila’y mananampalasan ng̃a, sapagca’t umiibig sa
catampalasanan ang sa catampalasana’y sumusunod Guinoong Simoun, samantalang hindi
nahahanda ang ating Bayan, hangang tumutung̃o sa pakikihamoc ang ating mg̃a cababayan dahil
lamang sa sila’y dinaya ó ipinagsumulong, na walang maliwanag na pagcakilala ng̃ canilang
dapat na gawin, ay malulugso ang lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa ng̃a namang
mawacsi, sapagca’t…. ¿ano’t ibibigay ang panali ó pangapos sa nang̃ing̃ibig sa canya, cundi din
lamang tunay na sinisinta? (Noli me tangere, mg̃a dahong 13,14 at 15.)

Ating panimbulanan ang canyang mg̃a sinabi, patuluyang sampalatayanan na siyang


macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling pacaisipn ang mg̃a macabubuhay na
pananalita na dapat itanim cailan man ng̃ mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa
sarili:

¿Taglay na baga natin ang kinacailang̃ang tapang ng̃ loob, upang biglang pacaualan ang
pinagtitipunan ng̃ bucal at minimithi?

¿Kupás na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi na nacatutulong sa


pagtatangol ng̃ carang̃alan ay nacabibigat pa sa pagdamay sa mg̃a mapagparusa ng̃ paglibac at
pag-oyam sa ibinabang̃ong catuiran?

¿Nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni Iscariote at ni Galalon na nagpahamac sa cabalat sa
pamag-itan ng̃ carimarimarim na paglililo?

¿Pusó caya’y tumitiboc ng̃ naaayos at di napapatlang̃an sumandasandali ng̃ mg̃a ibang
damdamin?

¿Ang caual caya ni Cain na pumatay ng̃ lamán ng̃ caniyang lamán at dugo ng̃ caniyang dugo sa
udyoc ng̃ mapang̃anib na pananaghili, ay wala na caya rito?

¿May pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ó ginhawa tayo
mamahay?

¿Hindi na caya naghahari sa calooban ng̃ marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling
lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan
ng̃ lupang kinakitaan ng̃ unang liwanag?

¿Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang mg̃a nagsisi-irog sa caalipnan, caya sa caalipna’y
nagsisisuco?

¿May dugo pa cayang may dung̃is na catacsilan sa ating mg̃a calahi?

¡Ah! ang canilang loob ay hindi matuturing̃an hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung
aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa
mabunying Rizal, may mang̃ilan ng̃ilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na
hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ¡oh cay saclap na matalos! Sayang ang
bayang humahanap ng̃ icalalaya cung sa bawa’t pulutong ay may nasising̃it na palamara.
(Palacpacan).

¿Hindi dapat pagtachan, sapagca’t ang dakilang Jesús ay Dios ng̃ humirang ng̃ labing dalawa
lamang na caniyang cacasamahin ay may nalahog na isang Judas, ¿gasino pa cayang hindi
magcaroon ng̃ libo libo at lacsa lacsang namamayan?

Tacpan ang paning̃in sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang camay, lalong cahiduaan at
cung susian ang bibig sa paglalathala sa harap ng̃ may capangyarihan ng̃ ating lubos na
cabihasnan at carapatán, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan, sapagca’t ang
dilang nacacabit sa ng̃alang̃ala ay tanda ng̃ pagcapahamac, pagca-alipusta sa pagcalubog ng̃
bayan, at cung walát na ang Bayan ay lansag-lansag na rin ang namamayan (Masigabong
palacpacan).

Hwag nawang magcaganito, ng̃uni ang sagabal ng̃ mg̃a mapagpiguil ang siyang
nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa’t maguing bucal ng̃ loob ¡oh! sayang na buhay
cung magcacaganitong mang̃ing̃ilabot sa bantang sinung̃aling, at cung tunay na namamayang
may wagás na pag-ibig sa Bayang pinagcautang̃an ng̃ unang liwanag, ay macapag-wiwicang
«minsan acong nabuhay ay «minsan naman acong mamatay sa harap ng̃ Bayan.» (Palacpacan.)

Ng̃ayo’y araw na calumbay-lumbay, araw na ipinagsaya ng̃ mg̃a humatol na Ulupong at ang
araw ding ito nang taóng isang libo, walong daa’t siyam na pu’t anim at sa bagong pamimitac, sa
casilang̃anan ng̃ Astrong tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang Bagumbayang itong ating
kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa carang̃alan, pagcat pinatay ang
isang Rizal, hindi magtatagal at may sisipot pang dalawa, tatlo ó daan mang caloobang Rizal.—
(Palacpacan at bravo.)

Natulad ng̃a ang umagang iyon sa culung̃an ng̃ mababang̃is na hayop na may mabibisang
camandag ang look na itong ng̃ayo’y tanda rin ng̃ ating pagaalaala sa canya, siya’y naliliguid ng̃
mg̃a artillerong buhat sa cuta ng̃ Santiago na inihatid dito, upang tuparin ang mg̃a maling
cahiling̃an at cahatulan, at pinanood ng̃ mg̃a nag-gagandahang babaye na ang suot ay catulad ang
mg̃a pananamit ng̃ mg̃a salaula ng̃ unang panahon sa Roma sa isang pagpipista sa Coliseo.
(Palakpakan).

¡Oh lalong calupitan! sa biglang putoc ng̃ mg̃a baril na pamatay ay sinabayan pa ng̃ hiyawang
viva at bravo ng̃ mg̃a caharap doon, ng̃ lumagpac na ang catawan ng̃ Bayani, at siya na yatang
pinacadasal binyagang ipinailanglang sa lang̃it.

Nasunod ang pita, ng̃uni lalong ginhawa ng̃ matapos, sapagcat unti unti ng̃ sumilang ang
maliwanag na tala ng̃ caginhawahan, siyang pagcahawi ng̃ pinid na itinabing sa ating mg̃a mata
at pagcawaldas ng̃ tanicalang iginapos.

Ang panglao ng̃ umaga ng̃ taong iyon ay naging liwanag na mistula sa ng̃ayon, at cung ang
canyang mg̃a gawang magaling ay na sa sa puso nating lahat, asahang ang pagtatagumpay, hindi
maglalaon at atin, atin, atin, atin. (Palacpacan).
Si Rizal ang nag-ulat ng̃ mg̃a catotohanan, si Rizal ang humarap sa lalong pinacapang-ulo ng̃
capuluan, si Rizal ang di nang̃iming maghayag ng̃ canyang damdamin, si Rizal ang nagpakilala
ng̃ matuwid na niyuyurakan at siya rin, si Rizal, si Rizal ang ng̃ayo’y nacacaharap, iyang
kinainguitan ng̃ mg̃a manlulupig.

Hwag magugulantang mg̃a capatid na nakikinig, dagdagan ang ating pagsisigla sa taón taón
yayamang ang Norte América ma’y nalulugod din cung pinupuri ang bayaning nagligtas sa
Bayan, sapagca’t silá ma’y nagcaroon ng̃ isang Washington na ipinagdidiwang: ang culang
lamang sa atin ay ang magcaroon naman ng̃ isang araw na caparis ng̃ canilang icaapat ng̃ Julio.
¡Oh cailan ca pa darating! (Palacpacan).

Nakilala na ninyo ang mg̃a catamisan ng̃ isang biyaya, caya huag magpabaya, papag-ibayuhin
ang galac, huag ibaon sa limot ang caniyang mg̃a habilin, siya’y huag hiualayan ng̃ papuri,
yayamang ang dakilang Rizal na anac ng̃ Filipinas ang naguagayuay sa himpapawid ng̃ ating
caligayahan.

Dalang̃inan siya, pacamahalin, sambahin ang mg̃a aral, masdan ang muchang iyan ni Rizal,
iyang larawang Washington natin na tumuclas ng̃ sarisaring hiwaga na nacacubli sa mata ng̃
madla, na ng̃ayo’y hindi caila at kilala ng̃ calahatan.

Sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: «¡Mabuhay ang Filipinas!» ¡Mabuhay ang Norte
América! ¡Mabuhay ang habilin ni Rizal!

Nasabi ko na.

Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas 
Sa Pambansang Kongreso sa Wika

[Inihayag sa Leong Hall, Ateneo de Manila University, noong ika-19 ng Agosto 2013]

Tagapangulong Virgilio S. Almario; Father Jett Villarin; mga kinatawan ng Kalupunan ng Komisyoner ng
Komisyon sa Wikang Filipino; mga kasaping akademiya at mga non-government organization—na hindi pa na-
translate—na narito; mga kawani ng pamahalaan; mga kagalang-galang na panauhin; mga minamahal ko pong
kababayan:

Magandang umaga po muli sa inyong lahat.

Isa sa mga tanong na bumagabag sa dating Pangulong Manuel Quezon noong panahon ng
Commonwealth ay ito: Oras na magbalik sa Estados Unidos ang mga Amerikano, at makamit ng
Pilipinas ang kalayaan, at wala na muling paghuhugutan ng dahilan ang mga Pilipino para
lumaban at magkaisa para sa iisang layunin, ano pa ang magbubuklod sa ating bansa? Ang sagot
dito: isang wikang pambansa. Sa halip na magkanya-kanya bilang Tagalog, o Bisaya, o Cebuano,
o Ilokano, o Kapampangan, kikilalanin sila—kikilalanin tayo—sa ilalim ng iisang pangalan:
Pilipino. At gaano man karami ang ating isla, pagbubuklurin tayo ng isang tinig, ng isang wika:
Filipino.

Mula sa proklamasyon nito bilang wikang pambansa noong 1937, wala pa ho ako noon,
[laughter] ewan ko lang si Father Jett dahil lamang siya sa akin ng kaunti, [laughter] dumaan sa
mabagal at masalimuot na yugto ang Filipino bilang wikang may kakayahang pagkaisahin ang
bansa. Hindi ba’t dati, meron lamang tayong “Linggo ng Wika?” Bagaman buong buwan na ng
Agosto kung ipagdiwang ang ating sariling wika ngayon, naniniwala pa rin akong dapat ay araw-
araw na kinikilala’t pinapahalagahan ang ating pong sariling salita. Marahil, kung wala pa ang
mga gurong tulad ni Ginang Escasa, na talagang hinasa kami sa silid-aralan sa wastong paggamit
ng Filipino, malamang ay kanina pa ako natitisod sa maraming salita, at hindi na ninyo ako
inimbita sa pagtitipong ito. Ang nakakabahala, sa halip na pagmulan ng kolektibong dangal,
nagiging bukal pa ng alitan ang wikang Filipino. Personal ko itong nasaksihan noong bagong
halal pa lamang akong kongresista.

Syempre ho, ‘pag nag-umpisa ang Kongreso, mag-oorganisa kayo. Habang nag-oorganisa kayo,
e ‘di wala pang trabaho ang mga komite dahil binubuo nga.

So isang araw, tumayo ang kinatawan ng Quezon City, o isa sa mga kinatawan ng Lungsod
Quezon at nagtalumpati sa wikang Filipino. Tumayo ang kinatawan ng Davao del Sur noong
panahon na iyon at itinanong kung bakit nagsalita ng Tagalog ang kinatawan ng Quezon City.
Sagot po ng kinatawan ng Quezon City, “Ayan po ay opisyal nating lengguwahe.” Ang sagot sa
kanya, “Pakibasa nga ‘yong parte ng Konstitusyon na nagsabi na ang Tagalog ay Filipino.” At
pagkatapos po no’n ay nag-Bisaya na ang ating butihing kasamahan galing ng Davao del Sur.
Pagkatapos po no’n, eh sumagot na rin ho ang presiding officer, Deputy Speaker galing Palawan,
sinagot ‘yong dalawang kinatawan sa wikang Ilokano. Kaya po ‘yong stenographer nagtataas ng
kamay at sinabing, “Suko na ako, hindi ko na alam kung ano ang susundan dito!” [Laughter]

Alam ho ninyo, dalawang linggo pong debate kung ano ang Filipino. Ang napala namin, habang
ino-organisa ang Kongreso. At habang sila’y nagdedebate, sabi ko, “Napakabigat naman ng
talakayan nating ito!” Napakaraming inakyat-baba kong dike para lang magkaroon ng
pribilehyong magkaroon  ng debateng tila walang saysay.

Sa unang tingin, nakakatawa nga ho ang kwentong ito. Subalit kung susuriin, ganito mismo ang
kasalukuyang konteksto ng pulitika ng wika sa Pilipinas ngayon. Ang isang bagay na dapat ay
nagbubuklod sa atin, nagiging mitsa pa ng di-pagkakasunduan. Ang wikang dapat ay bumubuo at
tumatahi sa libu-libo nating mga kapuluan, ay siya pang pumupunit sa mga prinsipyong
naghuhulma sa ating kasaysayan.

Kaya naman isang malaking hakbang ang pagtitipong ito sa pagpapayabong ng ating wikang
pambansa. Nananalig akong sa pagtutulungan ng mga kalahok na sektor, maitutulay ng Unang
Pambansang Kongreso sa Wika ang ilang mga hamon at suliraning pangwika na matagal nang
nabalewala sa ating lipunan, at magsimulang maitaas ang antas ng pakikilahok at diskurso ukol
dito. Nagpapasalamat ako sa kasalukuyang pamunuan ng komisyon sa Wikang Filipino, sa
inisyatibang likumin ang mga kaisipan at opinyon ng mga eksperto sa pagtitipong ito, gayundin
sa masigasig na pagpapatupad ng mandato ng komisyon. Nananalig akong magiging mabunga
ang Unang Pambansang Kongreso sa Wika, at magagamit tungo sa paghubog ng mas
progresibong lipunan ang anumang resulta ng inyong talakayan.

Kahit sa munting paraan, kompiyansa ako sa naiaambag ng ating administrasyon sa


pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang pambansa. Bilang Pangulo, tungkulin kong ibalik ang
tiwala at kompiyansa ng mga Pilipino sa mga institusyong pampamahalaan. Samakatuwid, tinig
nila tayo. Mangyayari lamang ito kung naiintindihan at nakikita nilang hinihimok natin silang
makilahok sa paghubog ng pamahalaang tunay na mula sa kanila, at kumikilos para sa kanila.
Kaya naman bago pa man ako mahalal, napagpasyahan kong gamitin ang Filipino sa aking mga
talumpati—hindi bilang gimik o propaganda— kundi dahil ito ang tunay na tinig ng ating mga
kababayan. [Applause] Humaharap po ako sa kanila bilang kolektibong boses ng mga Pilipino,
kaya’t obligasyon kong magsalita sa wikang komportable sila, at naiintindihan nila.

Alam po n’yo, naalala ko tuloy: Noong ako po’y unang tumatakbo bilang kongresista, may mga
lumapit po sa akin at sabi bilib na bilib raw ho sila sa aking ama. Napakagaling raw hong
magsalita. Para raw machine gun. May nagsabi pa ho yatang masinggan [machine gun].
[Laughter] Tapos, ako naman po’y siyempre nagalak, at tinanong ko po’y ano ho ba ang naalala
nila sa mga binigkas na salita ng aking ama. Sabi nila, “Medyo matagal na ‘yon eh pero
magaling siyang magsalita.” [Laughter] So, “Thank you na rin ho,” sabi ko.

Noong ako naman po ‘yong unang na-interview, noong bago nga tayong halal, isang beses, isang
kapitan namin sa Tarlac, nagsabi sa akin, “Sir, napanood ko kayo sa telebisyon. Kagaling n’yong
magsalita!” Tapos sabi ko, “Ano ba ‘yong pinakamagandang nasabi ko?” “Sir, magaling kayong
magsalita talaga pero English ‘yong sinasabi n’yo, hindi ko masyadong naintindihan pero
damang-dama ko magaling kayo talaga.” [Laughter]

Sa madaling salita, magsasalita ka, baka matuwa sa’yo, baka ma-impress sa’yo—sabi ng mga
Amerikano—pero wala naman naintindihan. Wala naman atang pag-uugnayan na nangyari doon,
o pagkakaunawaan o pagkakaintindihan. Kaya mabuti yata ay maintindihan ng nakakarami ng
ating sinasabi, o kung hindi, nag-aksaya lang tayo ng hangin.

Hindi ko kailangang magtunog marunong o magmukhang matalino sa pakikipagdiyalogo gamit


ang mga banyagang wika. Ayokong iligaw ang aking kapwa, o pabanguhin ang aking mga
nagagawa, sa paggamit ng mabubulaklak na salita. Trabaho kong iulat sa kanila kung ano ang
totoo, sa paraang simple at pinakanauunawaan ng madla. Higit sa lahat, Filipino ang gamit ko sa
tuwing kaharap ang aking mga Boss, dahil alam kong ito ang wikang pinakamalapit sa kanilang
puso.

Simple lamang ang punto ko: Huwag nating hayaang maikahon tayo sa pagtatagisang-dila.
Pagkakaisa ang bukal kung bakit mayroon tayong pambansang wika, kaya’t dapat nating
timbangin kung paanong magagamit ang husay at talino ng mga eksperto’t dalubhasa sa
paghahatid ng positibismo’t pag-asa sa ating kapwa. Pagkatapos ng debate’t talakayan, matuto
tayong maging mahinahon, magkasundo’t magtagpo sa gitna, at paglabas ng kumperensyang ito,
ay humakbang pasulong tungo sa direksyong makabubuti sa ating pambansang wika. Imbes na
mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang
pagkakaunawaan at pusong makabayan. May tungkulin tayong palaganapin ang isang kulturang
may malalim na pagkakaintindihan sa isa’t isa, gamit ang isang wikang pinagbubuklod at
pinapatibay ang buong bansa.

Ulitin ko po: Wika, dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.

Magandang araw po. Maraming salamat sa inyong lahat.

ANG UNANG PAHINA

Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang araw araw
na pakikipag ugnayan at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi
lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y panlahat.
Kagaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling
Wikay ay Higit Pang Mabaho sa Malansang Isda.” Ang wikang ito ng ating
pambansang bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana
tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika—ang Wikang Filipino. Ang
paalalang ito ng ating bayani ay hindi dapat kalimutan sapagkat an gating
wika’y huwad din sa iba at dapat ipagmalaki. 

Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na


henerasyon. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat
natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong puso sapagkat parti ito
ng ating nakaraan—na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng
Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito
ay dapat nating ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang
pamana ng mga bansang sumakop sa atin noong una.

Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga
dayuhan na nag ambag upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na
lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila sinakop ang Pilipinas ay
nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago
paman dumating angt mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin an gating
ugnayan sa kanila lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika.

Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika.
Ipagmalaki, pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa n gating
pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na siyang alam na wika’y
taas noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga
obra kahit saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang
pagsalin ng mga obra ng dayuhang manunulat sa ating wika. 
"Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ang pilipinasng
sariling wika, isang wikang nakabatay sa mga katutubo. Nagmula ang karamihan ng mga suliranino
pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa.
Angpagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay
dahilsa isang kahinaan--ang kakulangan ng isnag tunay na pambansand kamalayan. Hindi
maaaringmagkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Nauunawaan kolamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo
ang akingAma. Siya, siya ang Pangulo ng Pilipinas; ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga
Pilipino.Ngunit kapag kami'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang ating mga kapwa
mamamayan,kailangan pa naming ng tagapagsalin upang magkaintindihan. Nakakahiya, hindi ba?
Parang asongnamumuno sa samahan ng mga pusa. Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo ng Ingles sa
mgapaaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon
upangmagkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano
angwikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Halata ba?
Pero, kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang
katutubongwikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog
angginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang
ibangkatutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat."

Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!


Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang
binabago, may nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo
ata ay nakalilimot ng lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s
chocolate, nakalimutan na ang Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na
ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at
kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi na marunong mag
Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang
dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag
Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin
mag ingles.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler, Quezon
sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si
Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng
Kautusang pang edukasyon Blg 7.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat
ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaý isang tunay na
Pilipino.
Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang
Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng
Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino,
kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa
Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging
tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

Wika ( Talumpati)

“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang
ating tanging tanikala.”
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang
ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon
pang pambansang wika…ang Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating
bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng
kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa
pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating
edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang
banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang
malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka-
Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa
panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang-
aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga
manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang
pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng
mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan
ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito
tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran,
kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo
nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang
pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat?
Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala
lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang
wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag-
ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao
sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating
maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating
bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa
pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan… at nakikipag ugnayan sa mundo
sapamamagitan ng wika. Sa mga hurado at as mga naririto ngayon, ngalan ko’y___________ At hiling
ko’y making

kayo sa mga sasabihin ko.Sa pag unlad ng mundo, marapat lamang na pahalagahan ang mga humubog
sa mga bagay bagay sa

paligid. Sa ating uri… mga tao… mahalaga ang paghubog ng wika sa kasalukuyan at sa nakaraang
tinatawag na

kasaysayan.Filipino. Ang wikang dumann at humulma sa sa

napakahabang panahon…

ang pagkakakilanlan natingmga Pinoy. Ang wikang nagsimula lang sa alpabeto nating mga ninuno na
tinatawag na Alibata. Konting simbolo,isa nang salita upang ipangalan sa isang di kilalang bagay.
Nadagdagan ang karunungan nang dumating angmga Intsik, Arabo, Malayo at Indones para
makipagkalakalan. Sa sistemang ito, nabuo ang mga unang batas-pantao, nabuo ang mga unang piyesa
sa mga orasyon at dasal, nabuo ang tinatawag na sanduguan, at nabuo
ang mga unang pamayanan…

tanda ng sinaunang pagkakaisa at lakas ng ating pagkapilipino. Dahil sapagkakintindihan bunga ng isang
wika, nabuo ang lakas na lumalabas sa panahon ng pangangayaw upangipaglaban ang banwang
pinakamamahal.Filipino! Ang wikang dumaan sa matinding pagbabago. Sa pagsakop ng mga Kastila,
natabunan ang atingwikang pambansa. Ngunit dumating sa punto na nasakal ng husto ang ating mga
ninuno sa pamahalaang kastila.Sa pamamgitan ng mga nobela, pahayagan, at mga tula sila unang
naghimagsik. At ang wikang gamit? Filipinolang naman

na noo’y nasa tagalong ang tawag! At uulitin ko… dahil sa pagkakaintindihan bunga ng iisang wika,

lumabas ang isa pang lakas nating mga pinoy.. lakas na ipagtanggol ang inang bayan laban sa mga
nangangahasna umangkin dito at upang makamit ang tinatawag na KALAYAAN!Filipino! Ang wikang
hinirang na pambansang wika ng Pilipinas. Noong panahon ng Commonwealth, sakapangyarihan ni
Pangulong Manuel Quezon noong 1937 at sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 itinatag angTagalog
bilang wikang pambansa ng Pilipinas at noong 1959 nagpalabas si Kalihim Jose Romero ng Kagawaran
ngEdukasyon ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.
Simula noonay hindi nalang puro Viva! Yahoo! at Hooray! Kundi MABUHAY!Filipno! Ang wikang saksi sa
matinding pagbabago sa lipunan. Tunay nga na ang ating wikang pambansa

ang makapagpapatatag ng pamahalan at pagkakaisa ng bansa… isang patunay ang mga naganap sa
panahon

ni Panguong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng martial law. Muli ko pong uulitin. Dahil sa
pagkakaintindihan,lumabas ang isa pang lakas nat

ing mga Pilipino… lakas na magsama sama

upang pabagsakin ang isang mapaniilna pinuno upang makamit ang tinatawag ngayong Demokrasya sa
mapayapang paraan. At ang sanhi? Angpanawagan ng mga tao sa radyo, telebisyon at pahayagan na ang
wikang gamit? Wikang Filipino!Filipno! Ang wikang nagbigay daan upang magtulungan tayong mga Pinoy
anuman ang danasin. Mula sagalit ng bulkang Pinatubo hanggang sa pagtama nina Ondoy at Sendong sa
ating bansa,nananatilig nakatindigtayong mga Pilipino. Masyado man akong makulit ngunit uulitin ko pa
rin. Nang dahil sa pagkakaintindihan bungang ating wika ay lumitaw ang isa pa nating lakas bilang mga
pinoy.. lakas na magtulungan upang maka ahon saanumang kalamidad sa pamamagitan ng tinatawag na
BAYANIHAN!Mahalaga ang wika sa mundo. Ito ang batayang sangkap sa pagkakaunawaan na siyang
bubuo sapagkakaisa tungo sa pambansang kaunlaran. Ang wikang Filipino? Ang wikang identidad nating
mga Pilipino sa

mundo. Gaya nga ng sinabi ng Gat. Jose Rizal, ang wika ay siyang pag iisip ng bayan… kung ang bayan ay

walang sariling wika, maituturing itong baya

ng walang lakas at pag iisip. Ay nawa’y ating isaisip na ang tatag ng

wikang Filipino, ay laks ng ating pagka Pilipino!

Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan… at nakikipag ugnayan sa mundo sa
pamamagitan ng wika. At ang wikang gamit ko ay ang wikang Filipino! Sa mga hurado at sa mga naririto
ngayon,isang mapagpalang araw sa inyong lahat!

#nawa’y manalo!

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap…
Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…
Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?…
Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Talumpati tungkol sa wikaWika, isang salita, na malaki ang naibabahagi sa atin. Ang wika, para sa akin,
ay isa sa pinakamaganda na regalong ibinigay sa atin ng panginoon. Isa ito sa mga aspeto ng pagunlad
ngsangkatauhan, sa pang-sarili man o sa pang-lipunan. Kung wala ang wika, mananatili
tayongnakasadlak sa dilim at walang kaunawaan sa mga bagay na ating nararanasan, nakakasalamuha,at
nasusubaybayan. Dahil sa wika, nagkakaroon ng kaunawaan at kapayapaan sa ating mundo.Para sa akin,
malaki ang naitutulong ng wika. Sa komunikayson, ang wika angnagsisilbing daan para mailabas ng isang
indibidwal ang kanilang mga saloobin atnararamdaman tungkol sa mga bagay bagay. Tinutulungan din
tayo ng wika para masanay atmatuto ng iba¶t ibang bagay. Sa pamamagitan ng komunikasyon, ang
isang indibidwal aynatututo, nakakaunawa, at nakikipagkapwa sa mga bagay sa ating kapaligiran. Kung
hindi dahilsa komunikasyon, ay baka wala na tayong naiisip at natututunan o kaya naman ay wala nang
pagkakaintindihan sa bawat nilalang.Ang lengwahe ng tao ay isa din sa mga aspeto ng wika na
tumutulong sa ating pagunlad.Ang iba¶t ibang lengwahe sa mundo ay isang paraan para mas lalo pang
magkaintindihan ang bawat isa. Bagama¶t may iba ibang lengwahe at dayalekto sa ating mundo,
masnagkakaintindihan ang mga tao sa isang komunidad. Ang bawat lengwahe o dayalekto sa isanglugar
ay isang repleksyon ng kulturang nakakabit sa isang lugar. Mas napapadali ang pagkakaintindihan ng tao
sa isang lugar dahil sa mga salitang kanilang ginagamit upangipahayag ang kanilang saloobin. Mayroong
mga salita na naangkop lamang sa isang lugar atkahit ano pa mang lengwahe o dayalekto ito. Ito ay
nanggaling sa wika.Minsan, naiisip ko, Paano kung walang wika sa ating mundo. Paano na
magkakaunawaanang mga tao? Paano natin maipapahayag an gating nais sabihin kung walang paraan
para ito ayating mailabas Pano uunlad an ating pagkatao kung walang komunikasyong namamagitan sa
bawat isa? Mukhang napakahirap kung ang bawat tao ay hindi nagkakaintindihan. Kapag ang taoay hindi
nakakapagsalita, parang may kulang sa ating buhay. Subukan niyong wag magsalita sa buong isang araw,
diba¶t parang imposibleng gawin ito. Paano malalaman ng ating kausap angating nais sabihin? Pano nila
tayo maiintindihan. Mabuti na lang at merong komunikasyon nanagaganap sa bawat tao.Ang
pagmamahal ng ating sariling wika ay nawawala na sa ating mga Pilipino. Imbis nagamitin natin an gating
sariling wika, ginagamit parin natin ang wika ng mga banyaga. Madalasnatin hinahalo ang wika natin sa
wika ng iba. Merong nagtataglish, merong gumagamit ngstraight english. Naisip ko lang, pwede naman
natin gamitin ang sariling wika sa araw-araw na paguusap, bakit hindi natin ito gawin? Sabi nga ni
Manuel L. Quezon,

Hindi ko nais na Kastila

Wikang Pambansa sa Makabagong Panahon

(Isinulat ni Kevin James Umali)

Gaano ba kahalaga ang isang wika? Wikang Filipino, ikaw ba’y mahalagasa bawat Pilipino?Mga
magigiting na Pilipino, pinakamamahal naming guro, mga kaklase, atmga kapwa kong tagapagsalita,
magandang hapon sa inyong lahat.Sabi nga n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang
hindimarunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.Maaaring gasgas na
ang kasabihang ito pero ang tanong isinasagawa ba natinito? Dito natin makikita kung paano pinaglaban
at pinahalagahan ng ating mgabayani ang ating pambansang wika. Bilang mga Pilipino, dapat lamang
natinitong palawakin at ipagtibay sapagkat ito ang isang simbolo ng ating pagka-Pilipino sa buong
mundo. Kaya Wikang Filipino’y dapat lamang pakamahalin.Ikaw? Mahal mo ba ang ating wika?
Samakuwid, tunay nga na may laman ang sinabi ni Mr. Wittgeinstein na“The limits of my language are
the limits of my universe.” Tulad niya, ako aynaniniwala na maliit ang mundo ko kapag limitado ang
aking kakayahan sapaggamit sa aking wika. Ang pagpapahayag ng ating mga kaisipan ay batay sasaklaw
ng ating kaalaman sa lenggwahe. Ang saklaw ng ating kaalaman ay angsiyang humuhugis naman sa ating
mundo. Pinauunlad ng tao ang wika at angwika rin naman ang nagpapaunlad sa tao. Nabubuhay tayo sa
wika at ang wikaay nabubuhay sa atin. Kung wala tayo, walang wika. Kung walang wika, walangbuhay.Sa
kasalukuyang panahon, ang Wikang Filipino ay napakahalaga sapakikipag-ugnayan natin sa iba’t ibang
tao. Subalit dapat din tayong maging

Wikang Pambansa sa Makabagong Panahon

(Isinulat ni Kevin James Umali)

Gaano ba kahalaga ang isang wika? Wikang Filipino, ikaw ba’y mahalagasa bawat Pilipino?Mga
magigiting na Pilipino, pinakamamahal naming guro, mga kaklase, atmga kapwa kong tagapagsalita,
magandang hapon sa inyong lahat.Sabi nga n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang
hindimarunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.Maaaring gasgas na
ang kasabihang ito pero ang tanong isinasagawa ba natinito? Dito natin makikita kung paano pinaglaban
at pinahalagahan ng ating mgabayani ang ating pambansang wika. Bilang mga Pilipino, dapat lamang
natinitong palawakin at ipagtibay sapagkat ito ang isang simbolo ng ating pagka-Pilipino sa buong
mundo. Kaya Wikang Filipino’y dapat lamang pakamahalin.Ikaw? Mahal mo ba ang ating wika?
Samakuwid, tunay nga na may laman ang sinabi ni Mr. Wittgeinstein na“The limits of my language are
the limits of my universe.” Tulad niya, ako aynaniniwala na maliit ang mundo ko kapag limitado ang
aking kakayahan sapaggamit sa aking wika. Ang pagpapahayag ng ating mga kaisipan ay batay sasaklaw
ng ating kaalaman sa lenggwahe. Ang saklaw ng ating kaalaman ay angsiyang humuhugis naman sa ating
mundo. Pinauunlad ng tao ang wika at angwika rin naman ang nagpapaunlad sa tao. Nabubuhay tayo sa
wika at ang wikaay nabubuhay sa atin. Kung wala tayo, walang wika. Kung walang wika, walangbuhay.Sa
kasalukuyang panahon, ang Wikang Filipino ay napakahalaga sapakikipag-ugnayan natin sa iba’t ibang
tao. Subalit dapat din tayong maging

Tatag ng Wika ng Filipino Lakas ng Pagka-Pilipino

You might also like