You are on page 1of 1

Ano ang mga bagay na sumisimbolo sa iyo??

Kadalasan madali nating makilala ang buong pagkatao ng ibang tao ngunit pagdating sa
ating sarili ay wala tayong kaalaman. Sadyang napakahirap kilalanin ng ating mga sarili kahit
sinong tao ay nakararanas nito, ang matagpuan ang personalidad at pagkatao ng kanilang sarili.
Nangyayari ito sapagkat ang tao ay kinikilala ang kaniyang sarili nang may pasinungalingan,
kailangan kasi nito na matanggap at makilala nito ng buo ang kanyang sarili. Mga ugali na itong
napapakita sa iyong kapwa at ang buhay na iyong ginagalawan. Halimbawa nito ay may isang
tao na mahilig na magsinungaling at higit pa roon ay masama ang kanyang pakikisama sa
kanyang kapwa ngunit hindi niya ito matanggap na ito talaga ang kanyang personalidad at pag-
uugali kaya walang puwang sa taong iyon ang magbago.

Pare-parehas lang tayong lahat na tao na nagiisip at kumikilos. Gayunpaman, iba-iba ang
mga bagay, ideya o kaisipan ang sumasagi sa ating isip, mga uri ng pamumuhay at persepsiyon
sa ating paligid at kapwa. Samakatuwid, mahalaga sa atin ang kilalanin ng lubos ang ating
personalidad at pagkatao. Sa pamamagitan nito, nabibigyan natin ng puna at aral ang ating mga
kamalian, matutunan din natin ang mga bagay at ideya na ating nadiskubre sa ating sarili. Higit
pa rito, mahalaga na magkaroon ng matagal na pagkilala at pagsusuri sa mga natataglay na
kakayahan, personalidad at pagkatao.

Sa maraming taon ng aking buhay, marami ng pangyayari at pagsubok ang dumating


dahil dito nahuhurma ang aking kakayahan, personalidad at pagkatao. Dahil din dito nagkaroon
ako ng pagkakaunawa at pagtanto ukol sa aking sarili. Sa mga realisasyon na iyon, ano ang mga
bagay na sumsimbolo sa akin? Ang mga bagay na sumsimbolo sa akin ay ang kawayan. Marami
nang mga tao ang humahalintulad sa tanim na ito ngunit sa pangkalahatan kwento ng aking
buhay naitutulad ng katangian ng kawayan ang aking katangian. Ano baa ng kawayan? Ano ang
mga katangian nito?

You might also like