You are on page 1of 6

Judith A.

Cruz BSED Filipino

ABNKKBSNPLAko ( Aba, nakakabasa na pala ako)

Para sa lahat ng ating mga guro sa buhay...


Ang buhay ng isang mag-aaral, ilang taon ba ang bibilangin
kung tayo ay makapagtatapos ng pag-aaral?
Mayroon akong sariling kapakahulugan sa "ABNKKBSNPL"
"Aking saloobin batay sa napanood kong pelikulang bumuo sa
aking isipan at kaalaman."
Wika
Ang Pelikulang Aba, nakakabasa na pala ako na isinulat ng isang
batikang manunulat sa panitikan ay si Bob Ong. Ginampan ito
nina Jericho Rosales bilang Roberto Ong, Andi Eigenman bilang
Special Someone, Vandolph
bilang Ulo, Meg Imperial
bilang Portia at iba pa.
Ipinakita ang pamumuhay ng
isang mag-aaral paano
nagsimula bumasa gamit ang
ABAKADA natuto at marunong
ng bumasa ng mga salita. "Natuto magbasa at mabibinyagan
bilang literate" isa sa makrong kasanayan ang pagbabasa na
kailangang mahasa at matutunan ng mga mag-aaral.
Ang paggamit ng wika ng mga tagapagganap ay batay sa
edad noong Elementarya sila ipinagdala ng bagay ang mga bata
ang naidala ni Roberto ay Laruan at dahil dito nakuha, pinatayo
at pinalo siya sa harap ng kanyang kamag-aral sa paggamit ng
wika mainam na iangkop natin ang paggamit ng wika batay sa
edad at tagapakinig nang si Roberto ay nakatungtong na sa
Seknondarya natuto ng sumulat, sumulat ng isang liham sa
kanyang iniibig, kung marunong kang bumasa marunong ka ring
sumulat. Ang Sekondarya ang pinakamasaya nariyan ang iba't
ibang ganap sa paaralan dito tayo natutong umibig, at ang
pagiging kolehiyo sumubok sa iba't ibang Unibersidad si
Roberto at ang ninanais niyang kurso ay may kinalaman sa
Computer, siya ay nahirapan at ilang beses nagpalit ng kurso at
paaralan. Hindi siya tumigil sa pangarap ng kanyang ina na
makapagtapos at sa isang Vocational School doon niya nakita
ang totoong kasiyahan.
Ang wika na ginamit sa pelikula ay madaling maintindihan
naipabatid nito ang dapat matutunan ng manonood ang wika
ay isang kasangkapan at paraan sa pagkatuto. Ang paggawa sa
pelikula ay malikhain kahit na pa sa 1980's ang pangyayaring ito
madaling naipasok ang kanilang paraan sa pagpapabigay ng aral
na ang sikulo sa buhay ay nababatay rin sa paggamit natin ng
wika. Ang paggamit ng wika sa pagtuturo ay pormal.
Lipunan
Si Roberto ay isang guro, hindi man niya pinangarap sa umpisa
sa pagpili ng kurso ang isa sa unang hakbang sa pag-abot ng
pangarap.
Si Roberto noong siya ay isang mag-aaral, naipakita ang iba't
ibang klase ng guro, paaralan, kaibigan at pagsubok. Naranasan
niyang maging Teacher's pet and enemy. Ang pagpapakita ng
paggalang sa isang guro ay ating nakita sa pelikula.
Si Roberto bilang siya ay isang guro, ito ay nangyayari sa
totoong buhay. Isang baguhang guro na kung saan hindi
pinaniniwalaan ng mga mag-aaral malalaman at malalaman ng
mga mag-aaral batay sa iyong pagkilos at pananalita ang wikang
ginagamit ay
pormal bilang siya
ay isang guro.
Ang antas ng
wika ay makikita sa
pelikula paano ito
nagamit at
naipakita sa
pelikula.
Sumasalamin ito sa isyu ng mga mag-aaral at sistema ng
edukasyon noon na nangyayari pa rin bagamat iba man ang
kaparaanan ng pag-aaral ngayon ang ating mga guro ang ating
tunay na bayani. Ang pagkakaroon ng kwela o pagpapatawa ay
nagkakaroon ng interes sa panonood.
Kultura
Ito ay tungkol sa karanasan ng isang tipikal na mag-aaral na
maaaring maiugnay ng bawat Pilipino. Ang pelikula na ito ay
nagpapakita ng nararanasan ang kulturang at katangian ng
Pilipino. Ang kanilang karanasan bilang isang mag-aaral noong
panohon ng dekada otsenta ang pananamit, gawi kung paano
ang pamumuhay, at ang mga nakasayan nilang buhay.
Ang buhay noong panahon ng 1980 ay kakaiba sa pamumuhay
natin ngayon dito kilala ang Martial Law Musika ni Michael
Jackson Rubics cube. Sa loob ng paaralan dito natin natutunan
ang iba't ibang klase ng laro kung tayo ay nabubugnot SOS, Spin
a win, Spirit of the pen, Flames at iba pa na naipasa sa
panahong kasalukuyan.
Iba't ibang klase ng guro sa loob ng paaralan nariyan ang
mabait na handang tumulong at unawain tayo. Nariyan si
"Teacher Tigang" strikto ngunit mahusay, Nariyan ang
baguhang guro. Ating respetuhin ang pagkakaiba-iba ng ating
mga guro atin silang pahalagahan at bigyan ng respeto sila ang
ating pangalawang magulang.
Sa loob ng paaralan...
Si Roberto bilang isang mag-aaral, naranasan niyang mapalo at
mapahiya sa kanyang mga kamag-aral, umuwi ng gabi,
tinulungan ng guro, nautusan ng guro, nagmaadali sa paggawa
ng proyekto, itinapon ang kuwaderno, sumayaw sa JS Prom,
umibig, nasaktan, bumagsak, nagpalit ng kurso at sa huli
nakapagtapos ito ang nangyayari sa atin bilang isang mag-aaral.
Si Roberto bilang isang isang guro, sa pagiging baguhang guro
narito ang kaba hindi maiiwasan ang mapahiya kung kaya't
nagawang pagtawanan at bastusin si Roberto ng kanyang mga
mag-aaral. Nakakitaan ng kagalingan sa pagtuturo at sa huli siya
ay naging isang permanenteng guro.

You might also like