Professional Documents
Culture Documents
10533
May 15, 2013
S. No. 3286
H. No. 6643
Republika ng Pilipinas
Kongreso ng Pilipinas
Kalakhang Maynila
Ikalabinlimang Kongreso
SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. – Ang Batas na ito ang ay kikilalanin bilang “Batas sa
Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013.”
Gayundin, ipinapahayag dito ang polisiya ng Estado na ang bawat nagtapos sa batayang
edukasyon ay magiging indibidwal na may-kapangyarihan na natuto, sa pamamagitan ng isang
programa na nakaugat sa maiinam na prinsipyong pampagkatuto at nakatuon sa kahusayan, ng
mga batayan ng pagkatuto sa buong buhay, ng kakayahan na maghanapbuhay at maging
produktibo, ng kakayahang makipamuhay sa isang mabungang pakikipag-ugnayan sa mga
komunidad na lokal at pandaigdig, ng kakayahan na makilahok sa isang nakapagsasarili,
malikhain, at mapanuring pag-iisip, at ng kakayahan at pagkukusang baguhin ang iba at ang
sarili.
Para sa layuning ito, lilikha ang Estado ng isang gumaganang sistema ng batayang edukasyon na
huhubog ng mga mamamayang produktibo at responsable at may taglay na mga kasanayang
esensiyal, mga kakayahan at halagahang para sa pagkatutong panghabambuhay at empleo.
Upang makamit ito, kinakailangan itong gawin ng Estado:
(a) Bigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na makatanggap ng mabuting edukasyon sang-
ayon sa pamantayang pandaigdig na batay sa isang kurikulum na may mainam na pedagohiya na
katapat ng mga pamantayan sa ibang bansa;
(b) Palawakin ang mga layunin ng edukasyon sa mataas na paaralan para sa paghahanda sa
kolehiyo, mga oportunidad ng karerang bokasyonal at teknikal, gayundin sa mga malikhaing
sining, palakasan, at empleong pang-entrepreneur sa isang kaligirang mabilisang nagbabago at
tumataas ang antas ng pagiging globalisado; at
SEK. 3. Batayang Edukasyon. – Ang batayang edukasyon ay nilalayong tugunan ang mga
pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang
pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at
mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral
na out-of-school at sa mga may espesyal na pangangailangan.
Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong elementarya, ang pagtuturo, mga
materyal sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral.
Magbubuo ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng isang programa sa transisyong pang-inang
wika mula Baitang 4 hanggang Baitang 6 upang dahan-dahang maipakilala ang Filipino at Ingles
bilang mga wika ng pagtuturo hanggang sa ang dalawang (2) wikang ito ang maging mga
pangunahing wika ng pagtuturo sa antas sekondarya.
Para sa mga layunin ng Batas na ito, ang inang wika o unang wika (LI) ay tutukoy sa wika o mga
wika na unang natutuhan ng isang bata, kung saan siya nakauugnay, at kinikilala bilang isang
katutubong wikang ginagamit niya sang-ayon sa iba, na siyang pinakaalam niya, o
pinakaginagamit. Kasama rito ang Filipinong sign language [wikang de-senyas] na ginagamit ng
mga indibidwal na may kaugnay na kapansanan. Ang rehiyonal o katutubong wika ay tutukoy sa
tradisyonal na uri ng pagsasalita o uri ng Filipinong wikang de-senyas na naroon sa isang
rehiyon, lunan, o lugar.
Upang makamit ang isang mabisang kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon, magsasagawa
ng mga konsultasyon ang DepEd sa iba pang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan at iba
pang mga stakeholder gaya ng, bagaman hindi limitado sa, Kagawaran ng Paggawa at Empleo
(DOLE), Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga samahan ng mga paaralang
pribado at publiko, mga pambansang organisasyon ng mga mag-aaral, mga pambansang
organisasyon ng mga guro, mga samahan ng mga magulang at guro at mga samahang
pangkalakalan sa mga bagay na makaaapekto sa mga naturang sangkot na stakeholder.
(g) Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang
pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at
(h) Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin
pa ito ng mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na kontekstong pang-edukasyon at
panlipunan. Ang produksiyon at paggawa ng mga lokal na materyales sa pagtuturo ay
hihikayatin at ang pagtanggap sa mga materyales na ito ay nakasalalay sa mga panrehiyon at
pandibisyong yunit sa edukasyon.
(b) Pagsasanay ng mga Bagong Guro. – Ang mga bagong nagsipagtapos sa kasalukuyang
kurikulum ng Edukasyong Pangguro ay sasailalim sa dagdag na pagsasanay, kapag natanggap na
sila sa trabaho, upang maingat ang kanilang mga kasanayan sa mga pamantayang pangnilalaman
ng bagong kurikulum. Maliban dito, titiyakin ng CHED, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd at mga
may-kaugnayang stakeholder, na ang mga kurikulum ng Edukasyong Pangguro na ibinibigay sa
mga Institusyon ng Edukasyong Pangguro (mga TEI) ay nakatutugon sa kinakailangang kalidad
ng mga pamantayan para sa mga bagong guro. Ang mga samahang may kaukulang pagkilala na
gumaganap bilang mga TEI, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd, CHED, at iba pang mga may-
kaugnayang stakeholder, ang titiyak na ang kurikulum ng mga organisasyon ito ay nakatutugon
sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga gurong sinanay.
(c) Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan. — Ang mga superintendénte, mga prinsipal, mga
tagapag-ugnay ng aralin, at iba pang mga pinuno ng mga paaralang pampagtuturo ay sasailalim
din sa mga palihan at pagsasanay upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang
mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad.
Mula rito, ang mga naturang programang para sa pagpapaunlad na propesyonal ay pasisimulan at
isasagawa nang regular sa kabuuan ng taong pampaaralan upang matiyak ang palagiang
pagpapataas ng mga kasanayan ng guro.
(a) Mga nagtapos ng agham, matematika, estadistika, inhinyeriya, musika, at iba pang kursong
may kakulangan sa mga kalipikadong aplikante sa Pagsusulit na Panlisensiya sa mga Guro
(LET) upang magturo sa kanilang araling espesyalisasyon sa edukasyong elementarya at
sekundarya. Ang mga kalipikadong aplikante sa LET ay binubuo rin ng mga nagsipagtapos na
tinanggap ng mga foundation na may kaukulang pagkilala para sa kanilang kadalubhasaan sa
sektor ng edukasyon at natapos nang katanggap-tanggap ang mga kahingiang itinalaga ng mga
samahang ito: Basta at, Na naipasa nila ang LET sa loob ng limang (5) taon matapos ang petsa
ng pagtanggap sa kanila: Basta at, gayundin, Na kung ang mga naturang nagsipagtapos ay
handang magturo nang part-time, hindi na hihilingin ang mga probisyon ng LET;
(d) Maaaring tumanggap ang DepEd at mga pribadong institusyong pang-edukasyon ng mga
practitioner, na dalubhasa sa mga natatanging araling inihahadog sa Kurikulum ng Batayang
Edukasyon, upang magturo sa antas sekundarya; Basta at, Na magtutro sila nang part-time
lamang. Para rito, titiyakin ng DepEd, sa pakikipag-ugnayan ng mga angkop na ahensiyang
pampamahalaan, ang mga pamantayan ng kinakailangang kalipikasyon sa pagtanggap sa mga
dalubhasang ito.
Gagamitin ng DepEd ang mga serbisyo ng mga institusyon ng pribadong edukasyon at mga
paaralang di-DepEd na nag-aalok na senior high school sa pamamagitan ng mga programa sa
ilalim ng Batas Republika Blg. 8545, at iba pang pagsasaayos na pampananalapi na binuo ng
DepEd at ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) batay sa mga prinsipyo ng tambalang
publiko-pribado.
SEK. 12. Mga Probisyong Pantransisyon. –– Magbubuo ang DepEd, CHED, at TESDA ng mga
angkop na estratehiya at mekanismong kinakailangan upang matiyak ang maayos na transisyon
mula sa kasalukuyang sampung (10) taong siklo sa batayang edukasyon patungo sa pinabuting
siklo ng batayang edukasyon (K hanggang 12). Maaaring saklawin ng mga estratehiya ang mga
pagbabago sa pisikal na imprastruktura, paggawa, mga usaping pang-organisasyon at pang-
estruktura, mga huwarang pantawid mula sa mga kakayahan sa baitang 10 at mga kailangan sa
pagpasok sa bagong mga kurikulum na tersiyaryo, at pag-uugnayan ng pamahalaan at iba pang
mga entidad. Ang pagmomodelo para sa senior high school ay maaaring ipatupad sa piling mga
paaralan upang gagarin ang proseso ng transisyon at magbigay ng mga kongkretong datos para
sa planong transisyon.
Bubuuin ang Komite sa Oversight ng tiglimang (5) kasapi mula sa Senado at mula sa Mababang
Kapulungan, kasama na ang mga Tagapangulo ng mga Komite sa Edukasyon, Mga Sining at
Kultura, at Pananalapi ng parehong Kapulungan. Ang bubuo sa Komite ng bawat Kapulungan ay
kinakailangang may dalawa man lamang oposisyon o kasaping nasa minorya.
Kailangang isama ng DepEd sa ulat pang-midterm ang mga sumusunod na susing panukat sa
akses sa at kalidad ng batayang edukasyon: (a) antas ng pakikilahok; (b) antas ng pananatili; (c)
mga resulta ng Pambansang Pagsusulit na Pangkakayahan; (d) antas ng pagtatapos; (e)
kapakanan ng mga guro at mga profile sa pagsasanay; (f) kasapatan ng mga kahingian sa
pagpopondo; at (g) iba pang pasilidad sa pag-aaral, kasama na ang, bagaman hindi limitado sa,
mga laboratoryo para sa computer at agham, mga silid-aklatan at aklatang hub, at palakasan,
musika, at mga sining.
SEK. 18. Takda sa Pagbawi. – Mga probisyong may kaugnayan sa Batas Pambansa Blg. 232 o
“Batas Edukasyon ng 1982,” Batas Republika Blg. 9155 o “Batas sa Pamamahala ng Batayang
Edukasyon ng 2001,” Bastas Republika Blg. 9258, Batas Republika Blg. 7836, at lahat ng iba
pang mga batas, mga dekreto, at mga kautusang tagapagpatupad at mga tuntunin at mga
regulasyon na kasalungan o hindi sang-ayon sa mga tuntunin ng Batas na ito ay binabawi rito o
binabago nang naaayon dito.
SEK. 19. Pagkakaroon ng Bisà. – Magkakaroon ng bisà ang Batas na ito nang labinlimang (15)
matapos ang pagkakalathalà nito sa Official Gazette o sa dalawang (2) pahayagang may
malawak na sirkulasyon.
Pinagtibay,
Ang Batas na ito na konsolidasyon ng Panukalang Batas ng Senado Blg. 3286 at Panukalang
Batas ng Mababang Kapulungan Blg. 6643t ay naipasá sa wakas ng Mababang Kapulungan at ng
Senado noong Enero 30, 2013.