You are on page 1of 50

PAGTUTURO NG FILIPINO

CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

(4:00 n.h.- 5:30 n.h.)

I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang


mga sumusunod na layunin:

 Naisa-isa ang kahalagahan ng pagpalano para sa mabisang


pagtuturo.
 Naihahambing ang mga teorya at simulain sa pagpaplano ng
pagtuturo.
 Nakabubuo ng isang mabuting banghay-aralin batay sa mga bahagi,
pamantayan, salik at uri nito.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Ang Pagpaplano sa Mabisang Pagtuturo
b. Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Cellphone
c. Sanggunian:

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto


sa Filipino: Ikalawang Edisyon. Mutya Publishing House, 165-175, 188-
190.

1
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
-Bago magsimula ang lahat, sino sa inyo ang
maaaring manguna sa ating panalangin?
Maari mo bang pangunahan, Joy? Joy: Tayo’y manalangin, sa ngalan ng
Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo…Amen

-Maraming salamat, Joy

2. Pagbati sa klase Mga mag-aaral: Magandang hapon po,


-Magandang hapon sa lahat. Bb. Kristine. Ikinagagalak namin ang muli
nating pagkikita!

-Kumusta kayo mga estudyante ko? Mga mag-aaral: Mabuti na man po,
maam.

3. Pagtatala ng liban sa klase


(attendance)
-Bago tayo magsimula ng ating atendans, (Isa-isang nagbukas ng camera at
mangyaring pakibuksan ang inyong mga tumugon ang mga mag-aaral sa
camera at banggitin ninyo ang “Narito po” pagtatala para sa atendans.)
kapag tinawag ang inyong mga pangalan.

B. Pagganyak

2
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Para sa ating Pagganyak, mag faflash ako ng


mga pahayag sa screen na makakasalubong
natin sa ating talakayan ngayong hapon.

Ang inyo lamang gawin ay punan ang patlang


ng mga akmang titik upang mabuo ang
hinihinging salita. Ang inyong sagot ay ilalagay
niyo sa message rito sa ating Gmeet. Ang
unang makakuha ng tamang sagot ay may
kaakibat na puntos.

Pakitaas ng mga kamay dito sa Gmeet kung


handa na ba ang lahat.

Magaling…
Magsimula na tayo.

Ang unang pahayag ay, maaaring tanawin


bilang iskrip sa pagtuturo ng mga guro.
 Ang unang nakapagbigay ng tamang
sagot ay si Ginoong Jasper, ito ay
Banghay Aralin. Magaling !
Next, ito ay tumutukoy sa mga gawain na
nagbibigay direksyon sa pagbubuo ng
ugnayan ng mga gawaing pang mag-aaral at
Gawain ng guro.
 Ayun, tama si Bb. Riza, ang sagot ay
Pagpaplano. Magaling binibini.

3
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Ikatlo, Isang yugto sa pagkatuto kung saan


ang mga Gawain ay mahusay na pinag aayaw-
ayaw sa paglinang ng isang tiyak na layunin.
 Ang sagot ay Aralin o Liksyon. Tama
ka Bb. Krizza.
Sunod, sa ganitong anyo ng banghay,
nakatala pati ang tanong ng guro at ang
inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral.
 Magaling Bb. Yvon, nakuha mo ang
tumpak na sagot, ito ay ang Masusing
Banghay-Aralin.
Last, bahagi ng isang banghay-aralin na kung
saan nakasaad ang mga dapat matamo ng
klase matapos ang isang pagtalakay sa paksa.
 Ang tamang sagot ay Layunin. Ang
unang nakasagot ay si Bb. Emie.
Magaling!

Ngayon, inaasahan kong handa na kayo sa


ating talakayan ngayong hapon.

C. Pagpapayaman ng Paksa
Sino- sino sa inyo ang nakaranas na ng Mga Mag-aaral: (Sabay-sabay sa
Pagpaplano? pagsasalita) Ako po Binibini.

Ohh hinay- hinay lang tayo. Mahina ang


kalaban.

Ano naman ang ginawa mong pagpaplano G. Jeason: Pagpaplano po sa aming


Jeason? pagligo sa dagat kasama ang mga

4
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

kaibigan Binibini. Ngunit hanggang plano


lang po iyon.

Sino pa ang makapagbahagi sa inyo ng Noli Marc: Ako po Binibini. Nagplano po


ginawang pagpaplano? kaming mag cutting class pero hindi po
natuloy.

Nakakatuwa naman ang inyong mga


pagpaplano.

Ngayon, dadako na tayo sa ating unang


paksang tatalakayin, “Ang Pagpaplano Para
sa Mabisang Pagtuturo”.

Bb. Mary Ann, maaari mo bang basahin ang


nakikita mo sa screen?
Mary Ann: Opo Binibini.
“Ang mga pagpaplano o
paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon
ng katauhan at istilo ng isang guro.”
Maaari mo bang ibahagi ang nahinuha mo sa
pangungusap na iyan? Mary Ann: Sa pagkakaintindi ko po
Binibini, ang pagpaplano raw po ay
karugtong na ng pagkatao ng isang guro.
Sa pagpaplano rin po makikita ang
gagawing istilo ng guro sa kanyang
pagtuturo.
Mahusay Bb. Mary Ann. Maraming salamat.
Magbigay ka ng number mula 1-42. Mary Ann: 22 po Binibini.

5
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Bb. Jenesel, pakibasa ang nakasulat sa


screen. Jenesel: Mahalaga ang pagpaplano at
dapat na isinasagawa ito ng lahat ng
guro. Bago pumasok sa klasrum ang
isang guro, taglay na niya ang mga ideya
kung paano tuturuan ang kanyang klase.
Kaya lang, ang proseso ng pagpaplano
at pagbabalak ng mga gawain sa
pagtuturo ay nagkakaiba-iba ayon sa
oryentasyon at paniniwala ng isang guro.
Bawat guro ay may sariling paniniwala
kung paano ang mabisa at epektibong
pagbabahagi ng pagkatuto.
Sa pahayag na ito, matutunghayan natin ang
iba’t ibang pamamaraan ng mga guro sa
kanilang pagpaplano, may mga gurong
nagpaplano ng komprehensibo na nakatala
ang kanilang mga gawain mula sa
pinakamalaki hanggang sa kaliit-liitang
detalye. Mayroon ding mga guro na balangkas
lamang ng gawain ang inilalahad. Ang iba
namang mga pagpaplano ay nasa isipan
lamang ng guro at malamang na ito’y hindi
maisasagawa dahil sa maraming
pangyayaring maaaring maganap sa
pagkaklase.

Makatutulong nang malaki para sa isang


epektibong pagkaklase ang mahusay na

6
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

pagpaplano. Maaaring kontrahin ang


katotohanang ito lalo na ng mga gurong
matagal na sa pagtuturo. Ang isyu lang naman
kasi ay hindi tungkol sa kung kailangan ba
ang pagpaplano kundi kung paano ang
pagpaplano.

Sunod, Bb. Jenesel magbigay ka ng number


mula 1-10. Jenesel: 7 po Binibini

Bb. Clarisse? Maaari mo bang basahin ang


nakasulat sa slide? Clarisse: Sige po Binibini.
Sa malawakang pagpapakahulugan, ang
pagpaplano ay tumutukoy sa mga
gawain na nagbibigay direksyon sa
pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing
pang mag aaral at gawain ng guro (Clark
Maraming salamat Bb. Clarisse. at Yinger, 1980).
Ang depinisiyon nina Clark at Yinger ay
kumikilala sa pagkakaiba-iba ng personalidad
at istilo ng mga guro; pormal na kung saan
may masusing pagpaplano para sa mga
gurong sensitibo sa pangangailangan ng mga
mag-aaral at impormal na proseso naman
para sa iba.

Sa anumang pagpaplanong isasagawa,


kailangang bigyang-pansin ang sumusunod:
1) ang mga layunin ng liksyon, 2) ang
pamaraan at pagkakasunud-sunod ng mga

7
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

teknik o istratehiya, at 3) pag-alam sa


kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo
ng mga lilinanging mga layunin. Ang tatlong
aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga
layunin.

Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang


bahagi ng mga pagpaplanong isinasagawa ng
guro para sa isang pagtuturo bagama't
maaaring hindi nabibigyan ng magkakatulad
na atensyon o importansya ang bawat isa.

Ang pang-araw-araw na banghay aralin na


ginagawa ng guro bilang paghahanda sa
pagtuturo ay naaayon sa kanyang intwisyon at
mga desisyong rasyunal tungkol sa mag-aaral,
sa nilalaman at mga kasanayang lilinangin, at
mga paraan at mga istratehiyang gagamitin sa
pagtuturo.

Nasusundan niyo pa ba ako mga estudyante


ko?
Mga mag-aaral: (binuksan ang mga
mikropono)
Maaaring magtaas ng kamay kung sino man Opo Binibini.
sa inyo ang may katanungan.

Wala? Sige, inaasahan kong naiintindihan


niyo ang ating diskusyon.

8
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Ngayon, dadako naman tayo sa mga dapat


isaalang-alang ng guro sa pagpaplano.

Ang isang guro ay nagpaplano upang


makontrol niya ang maaaring kalalabasan ng
pagkatuto. Magagawa niya ito sa
pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakaiimpluwensya sa pagkatuto sa mga tiyak
na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan ng
isang guro na-

Bb. Clarisse, magbigay ka ng number mula 11-


20.

Bb. Emie? Nakabalik ka na ba?


Clarrise: 18 po Binibini.
Maaari mo bang basahin ang nasa screen. At
maglahad ka ng iyong pag-unawa sa
babasahin.
Emie: Opo Binibini.

Emie: Gamitin ang kanyang kaalaman


sa:
 kalikasan ng wika;
 pagkatuto ng wika;
 paano natutuhan ang wika;

9
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

 mga salik sa epektibong


pagkatuto; mga sagabal sa
pagkatuto;
 mga kagamitan sa pagtuturo; at
 mga dulog, pamaraan at teknik.

Sa pagkakaintindi ko po, kinakailangan


daw na taglay ng guro ang kaalaman sa
Napakahusay Binibini, tama ang iyong tinuran. mga inilahad dahil ito po ay mga salik na
Bilang guro, kinakailangang taglay mo na ang nakatutulong sa mga mag-aaral na
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga matuto ng madali.
sumusunod. Mapapabilis at masisigurado ng
guro ang pagkatuto ng kaniyang mga mag-
aaral sa pamamagitan ng mga inilahad na mga
salik.

Sunod ay Pagtiyak o pagbuo ng desisyon


tungkol sa:
 ano ang dapat matutuhan;
 gaano ang maaaring matutuhan sa
isang tiyak na panahon;
 pag-aayaw-ayaw ng mga episodo sa
pagtuturo;
 anong gawain at materyales ang
gagamitin at kung saang episodo;
 paano masusubaybayan ang pagkatuto
at paano makapagbibigay ng pidbak; at
 paano tatayain at pahahalagahan ang
pagkatuto.

10
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Naintindihan niyo ba mga estudyante ko? May


mga katanungan ba? Maaari kayong magtaas
ng kamay dito sa Gmeet.

Yes Bb. Jessa, nagtaas ka ng kamay?

Jessa: Opo Binibini, tanong lang po.


Kailangan po ba talagang gumawa ng
pagpaplano ang guro? Sa tingin ko po
Magandang katanungan Binibini. Ang sagot ko kasi hindi lahat ng guro ay gumagawa ng
diyan ay, Oo naman. Kailangan talaga ng mga pagpaplano.
guro ang gumawa ng pagpaplano ng sa gayon
masusunod nila ang daloy ng talakayan, hindi
sila maliligaw ng landas. Batay nga sa sinabi
ko kanina, may iba’t ibang pamamaraan ang
mga guro sa kanilang pagpaplano. Kung
napapansin mo man na walang pagpaplanong
ginawa ang iyong guro, maaaring nakatatak
na sa kaniyang isipan ang kanyang kailangang
gawin sa pagtuturo.

Nasagot ko ba ang iyong katanungan Binibini?

Gising pa ba ang lahat? Jessa: Opo Binibini, maraming salamat


po.

Salamat naman kung ganun.

11
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Ngayon, magpatuloy tayo. Mga Mag-aaral: Opo Binibini, gising na


gising
Atin namang tatalakayin ang Mga
Pananaliksik at Ilang Batayang Teoretikal sa
Pagpaplano.

Unang-una sa lahat, dapat na tanawing


pansamantala lamang ang mga paglalahat sa
mga pag-aaral na babanggitin dito subalit
kakikitaan ang mga ito ng ilang kabatiran na
mahalaga para sa paghahanda ng mga guro
sa elementarya at sekundarya ng mga yunit at
pang-araw-araw na banghay-aralin.

Bb. Jessa, magbigay ng number mula 21-30.

Bb. Joy Marie? Maaari mo bang basahin ang


unang pahayag?
Jessa: 28 po.
Opo Binibini, naririnig ka
Joy Marie: Hello po? Naririnig po ba
ako?

Joy Marie: Karamihan sa mga guro ay


hindi matapat na sumusunod sa
Maraming salamat. Nasabi ko na ito kanina paglalapat ng mga simulaing natutuhan
kung natatandaan niyo pa. nila sa mga ekspertong edukador hinggil
sa pagpaplanong pampagtuturo. Clark
Next. at Yinger (1979)

12
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Ayon naman kina Peterson, Marx at Clark


(1978) na mas unang binigyang-pansin ng
mga guro sa pagpaplano ang nilalaman at
mga istratehiya sa pagtuturo bago ang mga
layunin.

Sa kanilang pag-aaral, makikita na mas


naglalaan ng mahabang oras sa pag-iisip ang
maraming guro kung paano ilalagay sa isang
konteksto ang pagtuturo at pagkatuto kaysa sa
mga layunin at ebalwasyon.

Sunod.
Bb. Joy Marie, magbigay ka ng number mula
31-42.

Bb. Herlene? Naririto ka ba?


Ayy wala yata si B. Herlene. Bb. Joy,
magbigay ka pa ng number. Joy Marie: 42 po Binibini.

Bb. Princess?

Maaari mo bang basahin ang pahayag nina


Levin at Long? Joy Marie: 33 po Binibini.

Princess: Naririto po ako Binibini.

Maraming salamat. Princess: Opo.

13
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Dito sa pag-aaral nina Levin at Long, Natuklasan nila na maganda ang


pinatunayan na ang pagsasabi ng mga layunin kalalabasan ng pagkatuto kung may
sa mga mag-aaral ay magbibigay ng direksyon kabatiran ang mga mag-aaral hinggil
at seguridad sa kanilang pagkatuto. mga tiyak na layunin na lilinangin.

Sunod.
Bb. Princess, number mula 1-10.

Bb. Miles? Maaari mo bang basahin ang nasa


slide?

Princess: 5 po Binibini.

Miles: Opo Binibini.


Humigit-kumulang 12 oras sa loob ng
Maraming salamat. isang linggo ang ginugugol ng mga guro
Ang pagpaplano nga ay tunay na kailangan. sa pagpaplanong pampagtuturo. Ang
Ang inihandang banghay-aralin ay isang maliit proseso sa pagpaplano ay karaniwang
na bahagi lamang ng kabuuang plano sa nagsisimula sa isang ideya at unti unti
pagtuturo. May mga pagkakataong mabago itong nagkakahugis sa pamamagitan ng
ang ginawang plano kapag nagtuturo na ang patuloy na modipikasyon at elaborasyon.
isang guro.

Sunod,
Ayon naman kay Earle (1992), Bumubuo ang
maraming guro ng mga imahen o senaryo sa
proseso ng kanilang kabuuang plano sa
pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng
guro.

14
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Lumilikha sila ng paglalarawan sa kanilang isip


o diwa kung ano ang maaaring anyo ng liksyon
at paano ito epektibong mailalahad sa klase.
Samakatuwid, higit na nagaganap ang
pagpaplanong pampagtuturo sa isipan kaysa
sa papel para sa maraming guro.

Nasusundan pa ba ako?

Maraming salamat.

Ang susunod naman ay Mas komprehensibo


ang pananaw ng mga bihasang guro sa mga Mga Mag-aaral: Opo Binibini.
mag-aaral at sa mga kaalamang kanilang
itinuturo. Ang mga baguhan nama'y nakatutok
sa pagtatamo ng layunin sa halip na isaalang-
alang ang dating alam ng mga mag-aaral at
iuugnay ang mga ito sa bagong kaalaman. Ito
ay ayon kay Westerman (1991).

Naintindihan niyo naman siguro ano?

Natuklasan naman ni Tyson (1991) na


nagagawa ng mga sanay na guro na
mapagtagni-tagni ang mahahalaga at
mahihirap na bahagi ng isang paksang-aralin Mga Mag-aaral: Opo
kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin.
Bibihirang nagagawa ito ng mga baguhang
guro.

15
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Tinitiyak din ng mga sanay na guro kung


naunawaan ng mga mag-aaral ang mga
kasanayang nilinang sa halip na ipalagay na
lamang na natutuhan ang mga ito gaya nang
nasa isipan ng maraming bago pa lamang
nagtuturo.

Ayy totoo ba Binibining Miles? Sang-ayon na


sang-ayon ka sa pahayag ni Tyson.

Last ay, sinabi ni Cooper (1990) na ang Miles: Totoo po iyan Binibini.
epektibong guro ay iyong nagagawang
maihatid sa mga mag-aaral ang mga
inaasahang bunga ng pagkatuto.

Mag rebyu nga tayo kung totoo bang


nasusundan niyo ko sa aking talakay. Ang
makakasagot ay bibigyan ko ng 10 puntos.
Pindutin niyo lamang ang “raise hand” na
nandiyan sa inyong Gmeet.

Magsimula na tayo, kaninong pag-aaral ang


nagsasaad na bumubuo ang mga guro ng
imahen sa proseso ng kanilang plano sa
pagtuturo?

Yes Bb. Kathlene.

Magaling Kathlene, may 10 puntos ka.

16
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Sunod.
Sino ang mga nakatuklas na humigit- Kathlene: Ito po ay mula sa pag-aaral ni
kumulang 12 oras sa loob ng isang linggo ang Earle (1992) Binibini.
ginugugol ng mga guro sa pagpaplanong
pampagtuturo.

Yes Bb. Amor

Next, natuklasan naman nila na mas unang


binigyang-pansin ng mga guro sa pagpaplano
ang nilalaman at mga istratehiya sa pagtuturo Amor: Sina Clark at Yinger po Binibini
bago ang mga layunin. noong taong 1980

Yes Bb. Sheena.

Maraming salamat at nakinig kayo nang


mabuti sa ating diskusyon. Sheena: Sina Peterson, Marx at Clark
(1978) po Binibini.
Batay sa mga pananaliksik na inilahad
at mga desisyong binubuo sa pagtiyak ng
maaaring sa pagkaklase, mahirap isipin na
magagawa ng isang epektibong guro sa klase
nang walang malinaw na pagpaplano at
desisyon hinggil sa mga layunin, metodo,
istratehiya at ebalwasyon sa isasagawang
pagtuturo.

17
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Natapos na natin talakayin ang tungkol sa


pagpaplano. Ngayon ay dumako na tayo sa
panibagong tatalakayin hinggil sa aralin o
leksyon. Ngunit bago yan, tatanungin ko muna
kayo kung ano sa tingin nyo ang ating unang
ginagawa kapag tatangkain nating magturo ng
isang tapik o aralin, base doon sa napag-
aralan niyo noong nakaraang pagtalakay? (Nagtaas ng kamay ang isa sa mga
mag-aaral.
-Yes, Bb. Kristine? Kristine: Nagpaplano po ma’am.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)
-Maraming salamat.

-Tama, ang una nating ginagawa ay


nagpaplano. Kapag tatangkain nating
magturo ng isang aralin ay syempre,
nagpaplano muna tayo. Tama ang iyong
sagot. Mahusay, Bb. Kristine!

-Ang pagpaplano ng aralin ay...

Ang Pagpaplano ng Aralin

o Ang pagtuklas kung paano ang


mabisang pagpaplano ng isang aralin
ay isang habambuhay na proseso. Ito
ay isang sining na masasabing ang
kadalubhasaan ay natatamo lamang

18
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

pagkatapos ng maraming taong


pagsasanay.

-Tungo sa mabisang pagtuturo ay mabisang Mga mag-aaral: Opo, ma’am


pagpaplano, hindi ba?

-Sinasabi rito na ang pagpaplano ng isang


aralin ay pang-habambuhay na proseso,
maaari ko bang malaman ang inyong
hinuha tungkol sa pahayag na ito?

-Sino ang maaaring makapagbigay ng (Tahimik lamang ang mga mag-aaral)


kaniyang hinuha?

-Wala? Okay, Bb. Kristine magbigay ka nga Kristine: Number 7 po, ma’am.
ng number from 1-10.

-Okay, si Bb. Mary Ann ang number 7. Mary Ann: Magandang hapon po,
ma’am.

-Okay, magandang hapon. Mary Ann sa Sa palagay ko po kung bakit pan-


iyong palagay, bakit kaya isang pang- habambuhay na proseso ang
habambuhay na proseso ang pagpaplano pagpaplano ng isang aralin ay dahil
ng isang aralin? bilang mga guro, kinakailangan ng
masusing pagpaplano upang matiyak na
ma-achieve ang pagkatuto ng mga mag-
aaral po.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)
-Maraming salamat. Mahusay, Bb. Mary
Ann.

19
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Bilang mga guro, kinakailangan natin pag-


aralan kung ano ang mga paktor na
mapapadali ang pagkatuto ng mga bata. So
sa pagpaplano ng isang aralin, dapat nating
maisaalang-alang ang mga proseso kung
saan matitiyak natin ang angkop na
pagkatuto ng mga bata. Ang pagpaplano ng
isang aralin ay tuloy-tuloy at hindi
nagtatapos.

-Next!

o Ang mga ibinabahagi rito’y ang


pagsisimula lamang ng mga proseso
sa pagpaplano. Sisikapin din na
tingnan ang mga isyu na dapat
isaalang-alang sa pagpaplano ng
aralin, bakit mahalaga ang mga
isyung ito, at paano nito
naapektuhan ang pananagumpay o
pagkabigo ng isang aralin.

-Sa pagpaplano, bilang mga nagpaplano


tayo para sa ituturong aralin, nararapat
maisaalang-alang ang mga isyu o mga
problema na maaaring makaapekto.
Maaaring ito ba ay patungkol sa behavior ng
bata o ano man. Upang matiyak na
matutuhan talaga ng bata ang isang aralin,

20
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

sikapin natin bilang mga guro na


maipaliwanag nang maayos ang aralin at
ma-address natin kung ano ang mga
kakulangan at kung ano pa ang pwede i-
improve.
Mga mag-aaral: Opo, ma’am.

-Naunawaan ba?

-Okay, sige. Tapos na tayo sa pagpaplano,


ngayon ay dumako na tayo sa aralin o
liksyon.

-Maaari n’yo bang basahin ang nasa screen Ang Aralin o Leksyon

 Ang aralin/liksyon ay isang yugto


sa pagkatuto kung saan ang mga
gawain ay mahusay na pinag-
aayaw-ayaw sa paglinang ng
isang tiyak na layunin.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)
-Maraming salamat.

Ang Aralin o Leksyon ay...

Ang Aralin o Leksyon

 Ang aralin/liksyon ay isang yugto sa


pagkatuto kung saan ang mga gawain
ay mahusay na pinag-aayaw-ayaw sa
paglinang ng isang tiyak na layunin.

21
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Ito iyong mga itinuturo sa klase kung saan


nililinang ng mga guro ang mga layuning
nakaangkop sa aralin sa pamamagitan ng
mga gawaing makatutulong sa tiyak na
pagkatuto ng mga bata.
 Ang isang liksyon ay binubuo ng iba’t
ibang yugto – may simula, gitna, at
katapusan.

-Nakasusunod ba ang lahat sa akin?

-Mabuti naman. May mga katanungan ba? Mga estudyante: Opo, ma’am.

Kung wala na ay proceed na tayo.


Mga estudyante: Wala na po, ma’am.

-Sunod na tatalakayin natin ay ang


Banghay-Aralin. Pamilyar ba kayo sa
banghay-aralin? Nandyan ka ba, Bb. Mary
Ann?
Mary Ann: Narito po, ma’am
-Okay, magbigay ka nga ng number from 1-
10.

Mary Ann: Number 10 po, ma’am


-Ang number 10 ay si G. Jeason. Jeason?
Nandyan ka ba?

Jeason: Narito po, ma’am.

22
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Okay, maaari mo bang ibahagi ang iyong


sariling pagpapakahulugan tungkol sa
Sa tingin ko po ma’am, ang banghay-
banghay aralin?
aralin ay balangkas ng mga hakbang na
sunod-suod na isinasagawa sa klase.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)

-Mahusay, Jeason. Maraming salamat.

-Ang banghay-aralin ay...

Ang Banghay Aralin

Ang banghay-aralin ay isang balangkas ng


mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at
mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa
sa pagsasakatuparan ng layunin at
ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga.

-Sa banghay-aralin, dito na nakapaloob ang


plano ng isang guro, ang lahat ng hakbang
na sunod-sunod na isinasagawa ng isang
guro sa pagtuturo ng isang aralin. Nagsisilbi
itong parang iskrip na sinusunod sa
pagtuturo ng isang paksa para sa isang tiyak
na panahon.
Mga mag-aaral: Opo ma’am, narito po.
-Andyan pa ba kayo? Naiintindihan niyo ba
ang banghy-aralin?

23
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Okay, sige. Mamaya ay ipapakita sa inyo ang


ilang halimbawa ng banghay-aralin upang mas
lalo pa ninyong maintindihan. Proceed tayo.

Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.


I. Mga Layunin (ito iyong mga
inaasahang bunga o inaasahang
matutuhan ng bata pagkatapos
maituro ang mga aralin)
II. Paksang Aralin (ito ay ang mga
pag-aaralan o tatalakaying tapik sa
klase)
III. Pamaraan (Dito nakapaloob ang
sunod-sunod na pagsasagawa ng
mga hakbang sa paglalahad ng
aralin)
IV. Takdang-Aralin (Ang mga gawaing
ibibigay ng guro sa mga bata upang
matiyak ang pagkatuto sa aralin)

Mga mag-aaral: Opo,ma’am.


-Nakasusunod ba ang lahat sa akin?

-Mabuti naman kung ganoon. Proceed tayo


sa Kahalagahan ng Pagpaplano ng Aralin
Lahat: Tama lang po, ma’am.
(Banghay-aralin). Masyado ba akong
mabilis?

-Okay sige. G. Johnny, maaari mo bang


basahin ang nasa unang bilang? Johnny: Okay po, ma’am.

24
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Kahalagahan ng Pagpaplano ng
Aralin (Banghay-aralin)

1. Sa pagpaplano ng aralin,
nabibigyan ng pagkakataon ang
guro na pagtimbang-timbangin
ang mga bagay na kaugnay ng
aralin upang makapamili siyang
mabuti ng mga gawaing angkop
ilapat sa bawat episodo ng
pagkatuto bago ito ilahad sa
klase.

Okay, Maraming salamat.


Ang guro ang siyang gumagawa ng mga
hakbangin upang maituro ang mga aralin sa
mga mag-aaral. Mahalaga na makapagplano
muna nang mabuti ang guro upang matiyak na
angkop ang mga gawaing ilalapat sa pagtuturo
ng isang aralin. Dahil, kung halimbawa ang
iyong aralin ay tungkol sa maikling kwento
tapos pagagawain mo ang mga bata ng isang
tula hindi mo inorganisa muna at hindi ka
nagplano. Hindi ba’t parang hindi sya angkop?
So kailangan planuhin muna at magkaroon ka
ng oras na makapamili ng angkop na mga
gawain upang maging maayos ang pagkatuto
ng mga bata.

25
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

2. May dalawang dimensyon ang mga


gawain ng guro sa pagbabanghay ng
aralin: a) mga gawain na isinasagawa
bago pa man simulan ang pagtuturo,
(so ito iyong pagbabanghay-aralin
ng guro. Pagbubuo at pagpaplano
kung saan inilalagay ng guro sa
banghay-aralin ang pagkakasunod-
sunod ng mga gagawin sa pagtuturo sa
klase) at b) mga gawaing sa loob
lamang ng klasrum maisasagawa. (Ito
iyong aktwal na nagtuturo ang guro
kung saan tinatalakay na ang mga
aralin. Paglalapat na ito ng mga
gawain na nasa banghay-aralin ng
guro.) Magsisilbing parang isang mapa
ang banghay na siyang tutuntunin ng
guro sa pagtuturo. (Gaya ng nasabi sa
depinisyon ng banghay-aralin, ito
ang siyang magsisilbing iskrip na
siyang susundin ng mga guro, ito
ang magsisilbing gabay sa
pagtuturo.) Kung mabubuo ng maayos
ang banghay bago ang aktwal na
pagtuturo, ang bibigyang atensyon na
lamang ng guro ay ang mga bagay na

26
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

kailangan niyang gawin habang


nagaganap ang pagtuturo at pagkatuto.

3. Nagagawang maihanda ng guro ang


kakailanganing software at hardware
sa pagtuturo kung mas maagang
mabubuo ang banghay aralin.
(Sa pagpaplano, nagagawang maihanda ng
mga guro ahead ang mga kakailanganing
kagamitan sa pagtuturo.)

-Ano-ano pa ba ang mga kagamitan na mostly


Lahat: (Isa-isang sasagot)
ginagamit ng mga guro sa klase?
Laptop po!
Projector! Marami pang iba.

-Next tayo sa ikaapat na kahalagahan. Bb.


Jessa: Opo, ma’am.
Jessa, maaari mo bang basahin?
(Binasa ang nasa screen)

4. Ang banghay aralin ay


magsisilbing isang talaan ng mga
natapos na gawain. Ito’y maaaring
sangguniin ng guro sa mga
darating na araw upang
makakuha siya ng mga
impormasyon hinggil sa kung
anong mga gawain ang mabisa o

27
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

‘di mabisa sa pagkatuto ng mga


batang kanyang tuturuan.
-Okay, maraming salamat.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)

Ang mga nagawang mga banghay-aralin ay


maaaring magamit pa sa mga susunod. Ang
mga guro ay hindi na mahihirapan sa pag
come-up ng mga gawain dahil maaari namang
sanguniin nito ang mga natapos na mga
banghay-aralin. Dahil dito, mas magiging
mabisa ang pagkatuto ng mga bata.

Bb. Jessa, ano ang pinaka-paborito mong


Jessa: Number 8 po ma’am.
numero?

-Okay, ang number 8 ay si Bb. Yzelle. Bb.


Yzelle, nandyan ka ba? Yzelle: Opo, ma’am.

-Okay sige, maaari mo bang basahin at


ipaliwanag ang ikalimang kahalagahan ng
Yzelle: Okay po, ma’am.
pagpaplano?

5. Ang pagbuo ng isang malinaw na


desisyon ay isang mahalagang
batayan sa pagpaplano.
Kailangan sa pagpaplano ang
pinakamataas na lebel ng pagbuo
ng desisyon.
-Okay, maraming salamat.
(Ini-off na ang kaniyang microphone)
Sa lahat ng nabanggit na kahalagahan, ang
pinaka-highlight talaga is ang desisyon. Sa
pagpaplano, ang nabubuong mga desisyon ng

28
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

guro ang pinaka-importante sapagkat sa mga


desisyong iyon ibinabase ang kahusayan ng
iyong plano sa banghay-aralin. Laman nito
ang mga ituturo sa mga mag-aaral, kung
kaya’t marapat lamang na magkaroon ng
mataas na lebel ng pagbuo ng desisyon dahil
kaakibat nito ang kabuuang epekto o outcome
sa pagkatuto ng mga bata.

Kung ang pagpaplano ay hindi naging


epektibo, malamang na hindi ito
binigyan ng seryosong atensyon. Ang
“pagwawalang-bahala” na binigyang-
pansin ni Silberman (1970, p. 10) at
sinang-ayunan ni Goodland (1983) ay
bunga ng kawalan ng malasakit ng mga
guro sa pagpaplano. Sa tuwing bubuo
o magbabalak ang gurong
magbanghay-aralin, dapat niyang pag-
isipang mabuti ang sumusunod na mga
tanong:
(Narito ang mga tanong na dapat pag-
isipang mabuti o isaaalang-alang ng mga
guro sa papgpaplano)

a. Anong konsepto, tapik o kasanayan


ang mahalagang matutuhan ng mga
mag-aaral sa tiyak na oras sa isang
pagkaklase? (titiyaking mabuti ng

29
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

guro ang angkop na mga tapik o


konsepto na ituturo sa klase)

b. Dahil sa binuong silabus, batayang


aklat o dating-gawi, possible bang
ipagpatuloy na lamang sa susunod
na yunit ang aralin na wala man
lamang pagsasaalang-alang kung
ito nga ang pinakaangkop na
talakayin? (titiyakin rin na i-check
ng guro ang mga aralin, kung ano
ang angkop na talakayin dahil
baka ang ituturo pala ay walang
kaugnayan doon sa target na
dapat mapag-aralan ng mga
bata.)

c. May sapat bang kahandaan ang


mga mag-aaral para sa pagtatamo
ng mga layunin para sa isang
partikular na yunit o liksyon?
(titiyakin rin na ang mga layunin
ay kaya sa kahandaan ng mga
mag-aaral na tiyak na matatamo
talaga nila ang pagkatuto na hindi
sila parang nahihirapan.
Syempre, angkop lamang para sa
kanila.)

30
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

d. Magbubunga kaya ng mataas na


antas ng kawilihan ang mga tapik o
yunit? (Titiyakin rin na maging
kawili-wili ang pagtuturo ng aralin
at makuha ang atensyon ng mga-
mag-aaral upang ang lahat ay
mag-participate sa klase.)

e. Anong mga estratehiya ang


gagamitin sa pagtuturo ng tapik o
yunit? (titiyakin rin na magkaroon
ng mabisang estratehiya sa
pagtuturo upang mas lalong
maging mahusay ang talakayan.)

f. Anong mga teknik ang maaaring


gamitin sa pagtataya, pormal o di-
pormal man, sa mga pagsisikap at
pagtatamo ng kaalaman ng mga
mag-aaral? (Dapat na maisaalang-
alang na magkaroon ng
mabisang teknik sa pagbuo ng
mga pagtataya ang isang guro
dahil ang kabisaan ng pagkatuto
ay maaaring maobserbahan sa
mga makukuhang marka ng mga
mag-aaral.)

-Natapos na natin talakayin ang pagpaplano


ng aralin, ang aralin o leksyon, ang banghay-

31
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

aralin at kahalagahan ng aralin (banghay-


aralin). Nasundan nyo ba at naintindihan nyo Lahat: Opo, maam
ba ng mabuti ang lahat ng tinalakay ko?
Lahat: Wala na po, maam
-Wala na bang tanong?

-Kung gayon, proceed na tayo sa susunod na


tapik.

-----------------------
Ngayon dumako naman tayo sa mga salik na
isinaalang-alang sa pagbabanghay-aralin.
Gaano nga ba kahalaga ang pagkonsidera sa
mga bagay na nakaapekto sa pagbuo ng isang
mahusay na banghay-aralin? Para sa inyo
bilang magiging guro balang-araw, bakit
kailangang pagtuonan ng pansin ang mga
bagay na nabanggit? Maaari ka bang
Kathlene: Napakahalagang pagtuonan
magbigay ng iyong ideya Bb. Kathlene?
ng pansin ang mga salik na
nagsasaalang-alang sa pagbuo ng isang
banghay- aralin sapagkat ito ang
pundasyon at nagsisilbing direksyon ng
isang guro upang maisakatuparan ang
mga ninanais matamo pagkatapos ng
isang aralin.

-Mahusay, Kathlene! Bigyan natin siya ng


masigabong palakpakan.

32
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Tayo’y magsisimula na, unang salik, Ang


mga panlahat na layunin at mga tiyak na
layunin na inaasahang matatamo. Sino ang
gustong magbasa ng nakasulat sa ppt? Okay, Yzelle: Okay po, sir… Alamin kung ano
Bb. Yzelle? ang panlahat na layuning itinakda parasa
aralin.Maaaring ito y hango sa PELC o
PSSLC na ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon. Pagkatapos, alamin din ang
mga kasanayang alam na o dapat pang
linangin upang maisakatuparan ang mga
layuning panlahat. Ang pumapailalim na
mga kasanayan ang dapat na maging
layunin ng bawat gawain sa liksyon o
aralin.

Ang PELC at PSSLC ay talaan ng


mga layuning lilinangin sa bawat aralin
sa Paaralang Elementarya at
Sekundarya. Ang PELC ay inihanda ng
Kawanihan Paaralang Elementarya,
samantalang ang PSSLC ay inihanda
naman ng Kawanihan ng Paaralang
Sekundarya.

Maraming salamat, Binibini!

- Ang ibig sabihin ng akronim ng PSSLC ay


Philippine Secondary Schools Learning
Competencies at ang PELC ay Philippine
Elementary Learning Competencies,

33
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

nakapaloob rito ang mahahalagang


competencies na dapat maituro ng isang guro.
Nakalahad din ang mga kagamitang panturo
na pwedeng gamitin sa partikular na aralin at
mga desired learning outcome. Sa ngayon,
maliban sa Curriculum Guide, gumagamit ng
Most Essential Learning Competencies
(MELC) ang mga guro sa kanilang pagtuturo
bilang basehan ng mga kompetensing dapat
matamo.

-Narito ang halimbawa:

Halimbawa : Sekundarya

Panlahat na Layunin

Nalilinang ang kakayahang maging mapanuri


sa mga ideya /kaisipang nakapaloob sa
binasa.

Mga Tiyak na Layunin

 Natutukoy ang mga pagpapahalaga o


mga patotoo sa buhay na nais ipaabot
ng may akda sa mga mambabasa.

 Naibibigay ang opinyon sa dapat na


maging wakas ng kwento.

 Naibibigay ang katwiran sa napiling


opsiyon sa mga alternatibong solusyon
sa suliranin inilalahad.

34
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Halimbawa:Elementarya

Panlahat na Layunin

Nagagamit ang mga salitang nagsasaad ng


kilos

Mga Tiyak na Layunin

 Nasasabi ang mga salitang nagsasaad


ng kilos sa tulong ng larawan/kilos.
 Natutukoy sa pangungusap ang mga
salitang nagsasabi ng kilos.
 Naibibigay ang salitang kilos na angkop
sa larawan/sitwasyon.

-Ikalawang salik, Katangian ng mga mag-


aaral, dapat isaalang-alang ang higit na
naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Alamin din ang kanilang interes at ang
antas ng kahusayan sa wikang pag-aaralan.
Ang mga impormasyong ito’y makatutulong sa
pagtiyak kung anong kagamitang panturo,
gawain, istilo sa pagkatuto at pamaraan at
teknik ang gagamitin sa pagtuturo.

-Ibig sabihin,kinakailangan ng guro na


malaman ang bawat bakgrawnd ng mag-aaral
hinggil sa kanyang pagkatuto. Maaring
magkaroon ng Diagnostic assessment upang
malaman ang mga kakayahan ng estudyante

35
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

at mabigyang ng angkop na gawain sa


proseso ng pagkatuto.

- Nasusundan at naiintindihan ba ninyo ang


ating talakayan?

Mga mag-aaral: Opo, sir.


-Okay tayo ay magpapatuloy

-Sino ang gustong magbasa sa pangatlong


salik? Nag-taas ata ng kamay si Bb. Mary
Ann? Binibini nandiyan ka ba?

-Sige nga basahin mo? Mary Ann: Narito po ako, sir.

Mary Ann: Dating kaalaman ng mga


mag-aaral. Kailangan ang tiyakang pag-
iisip at pagbabalak upang mabisang
magamit ng mga mag-aaral ang kanilang
Salamat, Mary ann. dating kaalaman. Tandaan na ang isang
liksyon ay may isang paksa o tapik.

-Halimbawa ng paksang tatalakayin, (e.g. Mga


Halaman), mga gawain (e.g. pagsasatao,
usapan) kaugnay na wika (e.g mga
pangngalan at pang-uri na may kaugnayan sa
mga hahagi ng mga halaman), isang genre

36
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

(e.g. kwento, tula, dayalog), at sitwasyon (e.g


paglalakbay sa isang botanical garden).

- Lahat ng bagong pagkatuto ay


kinakailangang mag-ugat sa dating alam ng
mga mag-aaral. Samakatuwid, bago gamitin
ng guro ang dating alam na ng isang mag-
aaral para sa isang pagtuturo kailangang
tiyakin niya kung ano na ang alam ng mag-
aaral sa paksang tatalakayin, ang wikang
gagamitin, ang mga uri ng gawain, at iba pa.

-Pang-apat na salik, Mga gawain sa


pagkatuto. Mag-isip ng mga gawaing tiyak na
kawiwilihan ng mga mag-aaral. Kung mga
kasanayang nililinang para sa isang aralin.
maaari, maglahad ng mga gawaing
magagamit ng mga mag-aaral sa paglalapat.

-Ibig sabihin, kinakailangang magkaroon ng


isang gawain na magiging tulay sa pagkatuto
ng isang mag-aaral mula sa araling
tinatalakay. Halimbawa, ang paksa ay
patungkol sa mga pangkat-etniko sa Pilipinas
ang gagawin ng guro ay magpapalaro ng
“Pinoy Henyo” para mahulaan ang mga
hinihinging sagot at masukat ang kaalaman ng
mag-aaral. Sa ganoong paraan, nakukuha

37
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

natin ang atensyon ng estudyante habang sila


ay natuto.

- Naintindihan ba mga estudyante ko? Maaari


kayong magtanong, huwag mag-atubiling
magtaas ng kamay?

Mga mag-aaral: Wala pa na man po


kaming katanungan, sir.
-Kung sa ganoon, dumako tayo sa panlima.
Mga kagamitang panturo. Pagkatapos
matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman
ng guro ang mga angkop na kagamitan
(awdyo-biswal) para sa bawat gawain at kung
paano ito lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

- Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang papel


na ginagampanan ng kagamitang panturo sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto? Bb.
Aubrey, may ideya ka bang gustong ibahagi?

Aubrey: Mahalaga ang papel ng


kagamitang panturo sa pagtuturo at
pagkatuto dahil mas napapatibay nito
ang pag-intindi sa mga aralin, nagiging
kaagapay o suporta sa guro upang
maihatid ang mga kaalaman tungkol sa
isang paksa.

38
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Sang-ayon ba kayo sa ideya ng inyong


kaklase?
Mga mag-aaral: Opo sir.

-Mahusay, Aubrey! Maraming salamat sa


pagbabahagi.

-Pang-anim, Wikang kailangan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ang pagtiyak
sa uri ng wikang gagamitin ay isinasagawa sa
dalawang yugto ng pagpaplano ng aralin.

Bago piliin ang mga gawain - Sa yugtong ito'y


isinasaalang-alang ang sumusunod:
 Magagawa ba ng mga gawain na
bigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na mapagsanayan ang uri ng
wikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang-diin sa
pagtuturo ng wika bago isagawa ang
gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?

Kapag napili at naisaayos na ang mga


kagamitan para sa mga itinakdang gawain
 May mga kayarian bang pangwika na
maaaring hindi binalak ang lumabas sa
pagtuturong isasagawa?
 Kung mayroon, makasasagabal ba ito
sa pagkatuto?

39
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

 Kung oo, paano mo ito lulutasin?


 Makabubuti ba kung ituturo muna ito sa
mga mag-aaral? Kung kinakailangang
gumawa ng modipikasyon sa mga
gawain? at iba.

-Sa pagsasagawa ng gawain, dapat munang


isipin ng guro ang wikang gagamitin. Kung ang
gawain ay para sa Filipinong asignatura
kailangang iangkop ang wika bilang midyum
ng instruksiyon at siguraduhing maintindihan
ng mga mag-aaral ito. Sa elementarya, may
pagkakataong gagamit ng bernakular na wika
upang maabsorb nang lubusan ng mag-aaral
ang paksang tinatalakay.

-Pampito, sino ang gustong magbasa ng nasa


PPT? Maaari mo bang basahin ginoong Noli
Marc?

Noli Marc: Oras o takdang panahon

Mahalaga ang oras o takdang panahon


ayon sa sumusunod na pananaw:

Kung kailan isasagawa ang liksyon ay


mahalaga dahil makaapekto ito sa
kalidad ng atensyong inaasahan mo sa
-Maraming salamat, Noli. iyong mag-aaral.

-Halimbawa: Ang isang aralin na kasabay ng


isang klase sa P.E. na nasa tapat ng iyong

40
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

klasrum ay hindi maaaring maging aralin sa


pakikinig. Hindi rin kasiya-siya sa mag-aaral
ang pag-aaral ng balarila bilang huling aralin
bago ang pag-uwi.

-Maaari mo bang ipagpatuloy ang pagbabasa,


Bb. Jenesel?

Jenesel: Kung gaanong oras/panahon


ang gugugulin ay kailangang isipan din
sa pagbabanghay ng aralin. Kung
walang pagsasaalang-alang sa tamang
oras, maaaring hindi maisasakatuparan
ang mga nililinang na layunin. Ang
tamang pagtatakda ng mga gawain ay
-Salamat, Bb. Jenesel! dapat ding isaalang-alang sa

-Halimbawa: Ang pagbibigay ng mga tanong pagpaplano.


bago ang pagbasa at pakikinig sa isang teksto
ay maaaring makatulong upang malinang sa
mga mag-aaral ang kasanayan sa paghula ng
mga pangyayari. O di kaya naman, ang
pagbibigay ng mga tanong pagkatapos
basahin ang teksto ay maaaring isagawa
upang malinang ang kasanayan sa pag-
unawang literal.

-Nakikinig pa rin ba kayo? Nababagot na


siguro iyong iba diyan?

41
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

Mga mag-aaral: Nakasusunod pa rin po


kami, sir.
-Bago tayo magpatuloy sa mga natitirang
salik, ibigay ninyo muna ang mga naunang
salik na binanggit. Ang makapagbibigay,
magkakaroon ng sampung puntos sa
recitation.

-Okay nagtaas ng kamay si Bb. Herlene.

Herlene: (1) Ang mga panlahat na


layunin at mga tiyak na layunin na
inaasahang matatamo, (2) Katangian ng
mga mag-aaral, (3) Dating kaalaman ng
mga mag-aaral, (4) Mga gawain sa
pagkatuto, (5) Mga kagamitang panturo,
(6) Wikang kailangan sa pagsasagawa
ng mga gawain at (7) Oras o takdang
panahon.

-Napakagaling, Bb. Herlene! May sampung


puntos ka!

-Pang-walo, Partisipasyong guro-mag-


aaral. Kailangang pag-isipan ding mabuti ng
guro sa yugto ng pagpaplano ng aralin ang
haba o tagal ng partisipasyon ng guro at mag-
aaral. Dapat niyang isaisip na ang
partisipasyon ng bawat kasangkot sa isang
pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum ay

42
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

naaayon sa uri ng liksyon at ng mga layuning


nililinang dito.

-Bilang pagpapaliwanag, mahalaga sa


pagpaplano ang pagkakaroon ng maayos na
partisipasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral
upang magkaroon nang banayad na proseso
ng pagtuturo at lubusang matuto ang
estudyante. Kinakailangang ikonsidera ang
liksyon kung naayon nga ba sa
pangangailangan na magkaroon ng
interaksyon sa pagitan ng guro-estudyante.
Halimbawa sa pagtuturo ng balarila ng wikang
Filipino kinakailangang pagtuunan ng pansin
ng guro ang mga integral na bahagi sa
paggabay sa mga mag-aaral.

-Sunod ang pansiyam, sino ang gustong


magbasa?

-Pakibasa, Bb. Emie Rose.

Emie Rose: Pagbabalanse sa


pagtatakda ng oras para sa mga
gawain. Upang maisagawa ito nang
maayos, kailangang tiyakin ng guro na
ang itinakdang oras para sa isang
gawain ay naaayon sa layuning nililinang
para sa gawain. Minsan, napahahaba
ang talakay sa isang yugto ng aralin at

43
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

naisasakripisyo tuloy ang dapat na


talakay sa isang mahalagang bahagi ng
aralin.
-Salamat, Emie Rose.

-Sa madaling sabi, kailangang matantiya ng


isang guro kung ilang minuto o oras matatapos
ang isang gawain sa pagtamo ng layunin ng
partikular na aralin na hindi na
nakokompromiso ang iba pang dapat
pagtuunan ng pansin.

-Panghuling salik ang Pagsusunud-sunod at


pag-aantas ng mga gawain. Ang pagsisimula
at pagtatapos ng isang aralin ay naaayon sa
kung ano ang ituturo, ang sariling pananaw ng
guro sa wika at kung paano ito natutuhan, at
ang paraang kanyang pinananaligan.

-Ano-ano kaya ang mga katanungang dapat


isaisip upang wastong napagsusunod at pag-
aantas ng gawain?

 Dapat bang magsimula muna ako sa


madadaling gawain bago magpatuloy
sa mga mas mahirap na gawain?
 Kailangan ko bang isaisip na ang mga
naunang gawain ay paghahanda para
sa mga sumusunod pang gawain?

44
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

 Kailangan bang ang mga gawain ay


ugnay-ugnay para sa isang
makabuluhang pagkatuto?
-Doon nagtatapos ang paglalahad ng mga
salik sa pagbabanghay-aralin. Tandaan ninyo
ang mga nabanggit upang kayo ay
makabubuo ng isang mabuting banghay-
aralin. (Walang sumagot)
-Naintindihan ba ninyo ang ating naging
talakayan?
-Bakit walang sumasagot? Pagod na siguro
kayo sa pakikinig? Sige, inhale
muna………exhale…..inhale….exhale…ayan
Mga mag-aaral: Game na!
siguro ay handa na kayo sa ating patuloy na
talakayan. Game na?

-May tatlong uri ng banghay aralin, una,


Masusing banghay ng pagtuturo- ito'y
ginagamit ng mga bagong guru at mga gurong
mag-aaral. Ginagamit din ito ng mga datihan
nang guro kapag naatasang magpakitang-
turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala
pati ang tanong ng guro at ang inaasahang
dapat na sagot ng mag-aaral.

(Pagpapakita ng pormat at halimbawa)

45
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Sino ang nais magbasa ng pangalawang uri Norhayna: Mala-masusing banghay-


ng banghay aralin? Pakibasa, binibining ito'y higit na maikli kaysa masusing
Norhayna. banghay ng pagtuturo. Sa halip na
mayroon pang bahagi ang Gawaing Guro
at Gawaing Mag-aaral binabanggit na
lamang nang sunud-sunod ang gagawin
ng guro sa klase

-Salamat, binibining Norhayna

-Narito ang pormat at halimbawa ng Mala-


masusing banghay.

-Pangatlo’t panghuli, Maikling banghay -ito'y


talagang maikli lamang. Sa banghay na ito,
sapat nang banggitin kung anong pamaraan
ang gagamitin ng guro o di kaya'y banggitin
ang sunud-sunod na hakbang sa maikling
pangungusap.

(Pagpapakita ng pormat at halimbawa)

At ngayon, natapos na nating talakayin ang


mga paksa mula sa pagpaplano ng pagtuturo,
aralin/liksyon, at pagbabanghay-aralin. Naisa-
isa na rin natin ang mga detalyeng nakapaloob
dito. Sino sa inyo ang may tanong hinggil sa

46
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

ating naging talakayan ngayong araw?


Maaaring pindutin ang raise-a-hand button sa
Google Meet na ito.

-Wala na sigurong mga katanungan at aking


inaaasahan na inyo itong naintindihan

D. Pagpapahalaga
-Natapos na natin ang pagpapaliwanag ng
kahalagahan ng pagpaplano para sa mabuting
pagtuturo. Natalakay na rin natin ang mga
teorya na kinaaangklahan nito. Nabusisi na rin
natin ang mga bahagi at uri ng banghay-aralin.
Naipaliwanag na rin ang mga kinakailangang
ikonsidera sa pagbabanghay-aralin. Ang
tanong, gaano kahalaga para sa inyo bilang
magiging guro na malaman ang paksang ito?
-Sige nga Bb. Krizza? Krizza: (sariling ideya)

-Maraming salamat, Krizza!

-Sunod na tanong,naniniwala ba kayong


maihahambing sa isang bala ng baril o
sandata ang isang banghay-aralin na dala-
dala ng isang guro? Bakit?

-May sagot ka yata Bb. Jelody? Jelody: (sariling ideya)

47
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

-Magaling, Bb. Jelody!

E. Pagsasanay
-Dahil wala ng mga katanungan, magkakaroon
tayo ng maikling pagsasanay. Magpa-flash ng
mga katanungan sa screen tungkol sa mga
natalakay na paksa, paunahan mag-type ng
sagot sa chat box ng Google Meet na ito.
Mayroong sampung katanungan na dapat
masagot, inaasahan ko ang inyong
partisipasyon may karampatang puntos na
ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng
tumpak na sagot.

(Flash ng mga tanong sa screen)

(Natapos na ang pagsasanay)

F. Ebalwasyon
-Kumuha ng kalahating pirasong papel (1/2),
isulat ang inyong pangalan, kurso, petsa at

48
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

seksyon. Ibigay ang mga hinihinging sagot sa


mga sumusunod na katanungan.

1-5 Mga bahagi ng Banghay-Aralin.


6-8 Mga uri ng Banghay-Aralin.
9-15 Magbigay ng dalawang salik mula sa
sampu na isinaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin. Ipaliwanag ang mga
ito batay sa inyong naintindihan.
16-20- Magbigay ng dalawang teorya mula
sa mga awtor o dalubhasa ukol sa
pagpaplano ng isang mabisang pagtuturo.
21-22 Ano ang Aralin/Liksyon?
23-25. Bakit mahalaga ang pagpaplano
bago ang isang aktwal na pagtuturo?

(Ipapasa ang papel sa guro matapos


masagutan ang mga tanong)

IV. Takdang- Aralin


Instruksiyon: Inaasahang makagagawa/makabubuo ng isang banghay-aralin ang
bawat mag-aaral.
 Pipili ng isang paksa sa asignaturang Filipino mula Grade 7-Grade 12 ang
bawat mag-aaral na gagawan ng Banghay-Aralin.
 Matapos makapili, inaasahang makapagsisimula na itong makagawa ng
Banghay-Aralin. Pumili lamang ng isang uri ng banghay-aralin na gagawan.
 Ipasa ito sa Google Drive na ibibigay ng guro sa takdang oras ng
pagpapasa.

49
PAGTUTURO NG FILIPINO
CSSH-ABFIL
BILANG PANGALAWANG WIKA

50

You might also like