You are on page 1of 8

Mapaglarawang Banghay Aralin sa Bahagi ng Pananalita

I. Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Domain Level Objective


Cognitive Knowledge and application/ Malaman at matukoy ang
Kaalaman at aplikasyon iba’t ibang uri at pananalita at
ang mga tugon nito.
Affective Analysis/ Pagsusuri Nakikibahagi sa diskusiyon
sa pagtalakay ng bawat uri
ng pananalita sa
pamamagitan ng
pagpapaliwanag ng maayos.
Psychomotor Skilled movements/ Nakapaglahad ng mga
Paggalaw ng kasanayan kaukulang halimbawa sa
bawat bahagi ng pananalita.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Bahagi ng pananalita

B. Uri ng Aralin: Development Lesson/ Debelopment na Aralin

Ang araling ito ay isang Development Lesson o Debelopment na Aralin para sa mga
mag-aaral sa baitang 7. Ito ay mahabang talakayan at masusing paglilinang sa paglahad ng
diskusiyon mula sa mga bahagi ng pananalita na ang mga sumusunod: Pangngalan,
Panghalip, Pandiwa, Pangatnig, Pang-ukol, Pang-uri at Pangawing na para sa mga mag-aaral
at mga aktibidad nito. Ang araling ito ay isang pag-unald na dapat matutunan ng mga mag-
aaral kung saan may isang bagong ideya na ilalahad at ibubuo mapatungkol sa Bahagi ng
pananalita. Isang bagong Konsepto na mailapat sa kanilang interes. Isang aralin na pagnilayin
ang kanilang kaalaman sa paraan ng pagbibigay ng bagong aspeto ng aralin at kasanayan sa
paggamit ng mga bahagi ng pananalita.

C. Buod ng paksa

May sampung Bahagi ng pananalita at ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito. Pag-
usapan natin kung ano ang sampung bahagi ng pananalita. Ang bahagi ng pananalita ay mga
salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salitang panlalaman upang makabuo ng pahayag
at pangungusap. Ang sumusnod ay ang siyam na bahagi ng pananalita:

Pangngalan, ito ay tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, pangyayari, o ideya.

1|P a g e
Panghalip, ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang
pangungusap o taludtud.

Pandiwa, salitang kilos na tumutukoy sa aksyon ng simuno ng pangungusap.

Pangatnig, ginagamit pangugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap.

Pang-ukol, mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o
pang-abay sa piang-uukulan nito.

Pang-angkop, mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas


madulas ang pagbasa nito.

Pang-uri, ma salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari o ideya.

Pang-abay, salitang nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.

Pangawing, nagpapakita ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

D. kagamitang Panturo:

Libro
Powerpoint Presentation
Flash cards
Mga printed na larawan
Stickers Stamp mark

Halimbawa:

1. Libro kung saan basehan ng guro sa pagtalakay sa aralin.

2|P a g e
2. Powerpoint presentation para sa diskusiyon

3. Flash cards para sa salita ng Bahagi ng pananalita

4. Mga larawan upang matukoy ng mga mag-aaral kung ano-ano ang bahagi ng pananalita

3|P a g e
5. Stickers Stamp mark, para sa mga mag-aaral na maaring makakuha ng tamang kasagutan
at sumagot.

E. Sangunian

Minnie Rose (2014). Mga bahagi ng pananalita, https://philnews.ph/2019/06/27/bahagi-ng-


pananalita-kahulugan-halimbawa-bawat-isa/?fbclid=IwAR0EZEYubDT2y-
gpQbqdjNJ_2GpQa37gu8vpnN1k-EyPZxUf2bpxT3ZRQqI

Alma, R. (2012). Conceptual approach,


https://www.google.com/search?q=apa+style+format&rlz=1C1KNTJ_enPH968PH968&sourc
e=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiU6KTJ-
MT3AhVnmlYBHd8oCxIQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=600&dpr=1#imgrc=c3s7tlLj7
cn25M

III. Pamamaraan

A. Pagganyak

Bago magsimula ang klase, ang guro ay maghanda para sa buong talakayan ito ay
ang manalangin, pagbati at pagtala ng liban sa klase. Ang aralin sa klase ay magsisimula sa
isang aktibiti patungkol sa bahagi ng pananalita. Ang aktibiting ito ay pangkatang gawain.

Sa aktibiti, ang guro ay magbibigay ng mga flash card bawat pangkat at ilalatag sa
pisara ang larawang nagpapakita ng mga bahagi ng pananalita. Tutukyin ng mga mag-aaral
kung alin sa mga litrato ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pangatnig, pang-ukol,
pang-angkop, pang-abay at pangawing gamit ang flash cards na ibibigay ng guro sa mga
mag-aaral, ito ay isang aktibidad upang makabahagi ng bagong ideya ang mga mag-aaral, sa
pamamgitan ng mga flash cards at mga litarato, mababatid ang sariling perspektibong
pananaw mula sa pinakitang larawan. Ang mag-aaral ay nahahati sa apat na pangkatan dahil
ito ay bilang sa isahang Row ng pagkakaupo ng mga mag-aaral, paramihan ng tamang sagot
may isang miyembro na magtataas ng flashcard para tukuyin ang larawan na nasa pisara na
ilalatag ng guro.

4|P a g e
Row 1 (Pangkat 1)

Row 2 (Pangkat 2)

Row 3 (Pangkat 3)

Row 4 (Pangkat 4)

B. Pagtatalakay

Pagkatapos ng pagganyak, ang mga kasagutan ng mga mag-aaral sa pangkatang


gawain ay hindi muna mamarkahan. Dito magaganap ang diskusiyon sa aralin kung saan ang
mga mag-aaral ay mababatid ang kanilang ginawang aktibidad sa pamamagitan ng pansarili
nilang ebalwasyon. Ang guro ay magsisimula na sa kaniyang talakayan mapatungkol sa
bahagi ng pananalita.

Ang guro ay magsimula na sa paraang ihahayag niya ang mga bahagi ng pananalita.
Bago siya niya simulant ang kaniyang talakayan tatanungin ng guro ang mga mag-
aaral.

Halimbawa:

“Sa ginawa ninyong aktibiti class, ano ang inyong mahihinuha?”

Pagkatapos ang guro ay mangsismula na sa talakayan sa pamamagitan ng paggamit


ng kagamitang panturo na power point presentation.

1. Pangngalan

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o


ideya.

Mga Halimbawa: G. Tom Cruz, San Juan Elementary School, Kaarawan , Silya , Aso

2. Panghalip

Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa


isang pangungusap o taludtud.

Mga Halimbawa: Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kami

3. Pandiwa

Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.

Mga Halimbawa: Kumakain , Naglaba ,Tumalon , Kumanta, Umalis

4. Pangatnig

Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap.

Mga Halimbawa: Ngunit , At Subalit , Kaya, Dahil

5|P a g e
5. Pang-ukol

Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan,


panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.

Mga Halimbawa: Para sa, Ayon kay, Para kay, Hingil Kay

6. Pang-angkop

Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita


upang mas madulas ang pagbasa nito.

Mga Halimbawa: na , ng

7. Pang-uri

Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook,
pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang.

Mga Halimbawa: Maganda, Mataas , Dilaw , Walo , Mapayap

8. Pang-abay

Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa


niya pang-abay.

Mga Halimbawa: Mabilis niyang kinuha, Agad na umalis , Pupunta sa ospital , Ayaw
siyang tantanan

9. Pangawing

Ang pangawing ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

Mga Halimbawa: Ako ay galing sa banyo.

10. Pandiwa

Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno


ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang
katumbas ng pandiwa ay verb.

Mga Halimbawa ng Pandiwa

lakad, kain, tulog, bigay, luto, upo, takbo, lagay, at lipat.

Sa pamamagitan ng diskusiyon ang guro din ay maaring tatanggap ng mga ideya ng mga
mag-aaral sa daloy ng talakayan.

Teaching Approach: Conceptual Approach

Ang Guro ay gumamit ng Conceptual approach sa Aralin. Ito ay pagpili at pagtukoy sa


nilalaman ng isang aralin na ituturo sa mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng malaki at
malaganap na mga ideya at impormasyon. Ang paggamit ng nilalaman bilang paraan ng pag
talakay sa mga mag-aaral sa aralin na tinuturo. Ang isang guro ay nakatuon sa mga konsepto
sa halip na mga indibidwal na katotohanan.

6|P a g e
Ang aralin na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral sa baitang 7 kaya ninanais na bigyan sila ng
sapat na impormasyon na maari nilang matutunan sa aralin na tinuturo. Kailangang mailapat
ng guro sa mga mag-aaral ang kaalaman na ninanais matutunan sa kasalukuyang kanilang
pinag-aralan.

Method: Paraan ng Pagtalakay (Discussion Method)

Ang metodong ginamit sa aralin na ito ay ang Discussion method. Ang pamamaraan ng
pagtatalakay ay iba't ibang mga forum para magkatuwang sa pagpapalitan ng mga ideya sa
pagitan ng isang guro at mga mag-aaral o sa mga mag-aaral para sa pagsulong ng kanilang
pagkatuto, pag-unawa o pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang natutunan.

Ang paggamit ng metodo na ito bilang pangunahing paraan ng pagtuturo ay nagbibigay-daan


sa mga mag-aaral upang pasiglahin ang kritikal na pag-iisip. Habang nagtatatag ang isang
Guro ng ugnayan sa mga mag-aaral, maaaring maipakita ng Guro na pinahahalagahan ang
kanilang mga kontribusyon na makapag-isip nang mas malalim at maipahayag ang kanilang
mga ideya nang mas malinaw.

Strategy:

•Pangkatang Gawain (Group Based Activity)

Ang Guro ay gumawa ng isang pangkatang gawain para sa mga mag-aaral sa pamamagitan
nito ang isang pangkatang gawain ay nagbibigay-daan sa mag-aaral na pagsama-samahin
ang kanilang mga ideya sa isang kolaboratib na gawa.

Sa pamamagitan ng pangkatan ang bawat grupo ng mga mag-aaral ay magbibigay isang


napag-usapang halimbawa ng isang bahagi ng pananlita at gawan ito ng isang sentence. At
ibahagi sa loob ng grupo ang nagawang pagkokonstruct ng sentense.

•Paglalahad ng angkop na pantulong sa Pagtuturo (Presenting Teaching Aids)

Ang stratehiya na ito ay makikita sa pangkalahatang bahagi ng pagtuturo ng Aralin.


PowerPoint presentation, Libro, Flash cards, mga printed na larawan at Stickers Stamp
mark. Tinutulungan nito ang mga mag-aaral na mapabuti ang mga kasanayan sa pag-unawa
sa pagtuturo ng Bahagi ng Pananalita. Ang paglalarawan ng mga konsepto at upang mapawi
ang pagkabagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa
isang bago at kapana-panabik na paraan sa pagtuturo.

C. Follow-Up

Bago ang lahat, magkakaroon muna tayo ng maikling pagsusuri batay sa inyong mga
natutunan sa tinalakay na aralin.

“Ito ay ginagamit panghalili sa pangalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang


pangungusap o taludtud? Anong uri ito ng pananalita?”

7|P a g e
“Kung sasabihin ko na “Para kay Cathelyn ang cake na iyon.” Anong bahagi
ng Pananalita ang nabanggit?”

“Magbigay ng halimbawa ng isang pangalan?”

“Ito ay mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook,


pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang.”

“Ano-ano ang mga uri ng Bahagi ng Pananalita?”

“Sa pangungusap na “Siya ay matangkad, anong bahagi ng pananalita ang


salitang matangkad?”

D. Paglalahat

Para sa nagawang pagganyak sa simulain ng talakayan sasagutin na sa loob ng klase


ang tamang sagot sa nagawang aktibiti. Alinsunod sa pagtawag ng guro ng isang mag-aaral
para magbigay ng kaniyang natutunan sa talakayan.

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan isa-isa na ididikta ng guro.

Halimbawa:

Mahalaga ba ang pangatnig sa pagbuo ng pangungusap at bakit? Kung gayon ay gumawa


kayo ng isang pangungusap gamit ang mga halimbawang naibigay sa ginawang diskusyon,
maari kayong pumili ng 3-5 lamang at pagkatapos ay ibahagi ito sa loob ng klase.

IV. Pagtataya

Batay sa naisagawang talakayan tungkol sa Bahagi ng Pananalita, Narito ang sampung (10)
katanungan tungkol sa Bahagi ng Pananalita.

1. Mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lunan at kaganapan.

a. pandiwa c. panghalip

b. pangngalan d. pang-angkop

2. Ito ay nagsasaad ng kilos o gawa.

a. pandiwa c. panghalip

b. pangngalan d. pang-angkop

3. “Si Anna ay maganda.” Mula sa pangungusap anong uri ng bahagi ng pananalita ang
maganda?

4. “Mahal ko si nanay at tatay” Ang “at” maituturing na anong bahagi ng panalita?

5. Magsulat ng isang halimbawa ng pandiwa sa pamamgitan ng isang pangungusap.

6-10. Mula sa aralin ilahad ang natutunan patungkol sa bahagi ng pananalita. Ano ang
kahalagahn ng bahagi ng pananalita sa pang araw-araw sa atin?

8|P a g e

You might also like