You are on page 1of 3

ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL

 Tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng


mga letra sa pagsusulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o pahayag.
INTONASYON
 Ayon kay Resoma (2002) ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
Ayon naman kina Otanes at Shacter (1992), ang bawat pich ay may tatlong natatanging pitch
level, ang mataas, katamtaman, at mababa.
Halimbawa: a. Nandito sya kanina?
b.Nandito sya kanina.
 Bukod dito, nag-iiba-iba ang intonasyon ng ispiker o tagapagsalita kapag nagpapahayag.
Ito ay sapagkat ang intonasyong ginagamit nya ay naaayon sa kanyang layunin at
damdamin.
Halimbawa: Dumating sila kanina.
Naku, may sunog!
 Ayon naman kay Gonzales (1992), ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na inuukol sa
pantig ng isang salita o pangungusap. Bawat tao’y may kani-kaniyang paraan ng
pagbikas ngunit may kinakailangang ding norm sa pagsasalita upang higit na maiparating
ang mesahe.

LEBEL NG PAGSASALITA
 Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyonng mga pangungusap, aabot ito sa
lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag
lamang.

HALIMBAWA:
ANG HINTO O JUNCTURE
 Ito ay ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng nais ipahiwatig o ipabatid sa kausap. Upang maipakita sa puntong ito ang
hinto o antala. Nagkakaroon ng hinto pagkatapos ng pangungusap upang maging
malinaw ang pagpapahayag ng kaisipang nais na iparating sa kausap o mambabasa.

Halimbawa:
1.Hindi siya si Carlos/
2.Hindi/ siya si Carlos/
3.Hindi siya/ si Carlos/

You might also like