You are on page 1of 10

ORTOGRAPIYANG FILIPINO:

ISANG PAG-AARAL
SA ISTANDARDISASYON NG WIKA

Teresita F. Fortunato

Tatlong salita ang hayaan ninyong bigyan ko muna ng depinisyon sa


pasimula ng lektyur na ito--- ortograpiya, Filipino. at istandardisasyon. Ortogra-
piya ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa
simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika.
Bawat wika ay may sariling sistema ng paglalapat ng simbolo/letraltitik/karakter sa
mga makahulugang tunog 0 ponema. Filipino ang wikang pambansa na nililinang
natin. Unang binanggit ang Filipino na wikang panlahat natin sa Konstitusyon ng
1973; pagkatapos ay sa Konstitusyon ng 1987. Ito ang national ling ua franca na
Pilipino ang nucleus. Istandardisasyon ang proseso ng pagiging magkakaanyo,
magkakahawig,o uniporme ng isang wika para sa higil na malawakang pagtanggap
at paggamit nilo.
Binabanggit ang salitang istandardisasyon sa pag-aaral ng language plan-
ning. Pangunahin sina Haugen, Jemudd, Rubin, Ferguson, at Fishman sa larangang
ito. Tingnan natin ang iskima nina Haugen al Ferguson sa pagpaplano ng wika.

(1) pagpili ng norm (2) istandardisasyon


(3) pagpapalaganap (4) pagpapaunlad/paglinang

Kung ilalagay natin ang paradigm na ito sa ating sitwasyon: ang napiling
norm ay ang Filipino---ito ang wikang sinisikap nating maging istandardisado na
ating pinalalaganap 0 nililinang. Ang gawain sa istandardisasyon ng wika ay nasa
poder ng isang tanggapang pampamahalaan 0 isang institusyong pangwika, ang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Ang tanggapang ito ay siyang magpapalaga-
nap ng mga nabuong istandard. Anu-anong komponem ng wika ang binibigyan ng
istandardisasyon? Gramatika, diksyunaryo, leksikon 0 talasalitaan, kasama na ang
panghihiram ng mga salita, ponolohiya 0 palalunugan, at ortograpiya.
Ang Filipino ay may tradisyon at kasaysayan ng istandardisasyon ng
kanyang ortograpiya. Tingnan natin kung paanong ang proseso ng istandardisasyon
sa pagbaybay sa ating wika ay naisakatuparan sa pagdaraan ng panahon.

You might also like