You are on page 1of 27

PANG-ABAY AT ANG

TATLONG URI NITO.

Ian B. Balcueva
PANALANGIN

• Sa Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng


Espiritu Santo. Amen.

Lider : Puruhin nawa ang ngalan ni


Jesus,
Lahat: Ngayon at magpakailan man.
Amen
PAGTSEK NG ATENDANS
PAGTSEK NG
ASAYMENT/
TAKDANG ARALIN
ALAM MO BA?

Ano ang bugtong?


- Ang bugtong ay isang pangungusap
na may nilulutas bilang palaisipan
ALAM MO BA?

Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang


Pilipino? Bakit?
- Dahil inilalarawan nito ang pag-
uugali, kaisipan, pang-araw- araw na
buhay at katutubong paligid ng mga
Pilipino.
ALAM MO BA?
1.Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: KASOY
2.Isang balong malalim puno ng patalim.
Sagot: BUNGANGA
3.Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad
ay patihaya.
Sagot: BANGKA
4. Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw.
Sagot: KAMPANA
5. Bituing buto’t balat kung pasko lamang kumukislap.
Sagot: PAROL
ALAM MO BA?

 Ang pang-abay ay ang bahagi ng


pananalita na nagbibigay katuringan o
naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o
maging sa kapwa nito pang-abay. Ito
ay tinatawag na adverb sa wikang
Ingles.
MAYROON DING:

• Estruktural na kahulugan: ang pang-


abay ay makikilala dahil kasama ito ng
isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-
abay na bumubuo ng parilala.
• Pansemantikang kahulugan: ito ay
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o
sa iba pang pang-abay.
HALIMBAWA

1. Ang manggang tinda ni Maria ay


masyadong maasim. ( Pang-uri)
2. Sadyang malusog ang kanyang
katawan. (Pang-uri)
HALIMBAWA

3. Dahan-dahan siyang pumanhik ng


hagdan. (Pandiwa)
4. Talagang mabagal umunlad ang
taong tamad. (Pang-abay)
Ang bahagi ng pananalita na ito ay may
maraming uri. Sa katunayan, mayroong iba’t
ibang uri ang pang-abay – pamanahon,
pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-
ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat,
panulad, at pamitagan. Ngunit atin lamang
tatalakayin ang unang tatlong uri nito.
URI NG PANG-ABAY
1. PANG-ABAY NA PAMARAAN

-- Naglalarawan kung PAANO naganap,


nagaganap o gaganapin ang kilos na ipinapahayag ng
pandiwa. Ginagamit ang panangdang “nang o na/ng.
Ito ay sumasagot sa tanong na “PAANO”.
HALIMBAWA

1. Magaling sumayaw ng Tinikling si Andrea.

 Ano ang inilalarawan ng salitang may


salungguhit?

-- Sumayaw

 Anong tanong ang sinasagot nito?

--Paano
HALIMBAWA

2. Niyakap ni Nanay ang aming bunso nang mahigpit.

Ano ang inilalarawan ng salitang mag


salungguhit?

-- Mahigpit.
URI NG PANG-ABAY
2. PANG-ABAY NA PAMANAHON

-Ay nagsasaad kung KAILAN naganap o


magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon
itong tatlong uri: may pananda, walang pananda
at nagsasaad ng dalas
HALIMBAWA

Ang buong pamilya ay nagsisimba


tuwing Linggo.

 Ano ang inilalarawan ng salitang may


salungguhit?
- Nagsisimba
 Anong tanong ang sinasagot nito?
- Kailan
URI NG PANG-ABAY NA PAMANAHON
MAY PANANDA

nang , sa, noon, kapag, tuwing, buhat, mula,


umpisa, hanggang.

HALIMBAWA:

1. Kailangan bang pumasok nang araw-araw?

2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak

3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.


URI NG PANG-ABAY NA PAMANAHO
WALANG PANANDA

--Kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas,


sandali, atb.

HALIMBAWA:

1. Manonood kami bukas ng pambansang


pagtanghal ng dulang Pilipino.

2. Ipinagdiriwang ngayon ang pagkapanalo ni


Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.
URI NG PANG-ABAY NA PAMANAHO
NAGSASAAD NG DALAS

--Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon atb.

HALIMBAWA:

1. Araw-araw ay pumupunta kami sa tabig ilog.

2. Nag-eehersisyo siya tuwing umaga upang


mapanatili ang kanyang kalusugan.

3. Taun-taon ay ipinagdiriwang ang araw ng pasko.


URI NG PANG-ABAY
3. PANG-ABAY NA PANLUNAN

- Ang pang-abay na panlunan ay naglalarawan sa


kung saan ginagawa ang kilos o pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay o kina.
Ito ay Sumasagot sa tanong na SAAN.
URI NG PANG-ABAY
3. PANG-ABAY NA PANLUNAN

- SA – ginagamit kapag ang kasunod na salita ay


pangngalang pambalana o panghalip.

- KAY/KINA – ginagamit kung ang kasunod


na salita ay pangngalang pantangi.
URI NG PANG-ABAY
3. PANG-ABAY NA PANLUNAN

HALIMBAWA:

1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda


sa kantina.

2. Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap


na puto.

3. Tumira siya sa gubat ng labimpitong tao.


PAGTATAYA
A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay bawat
pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.


2. Babalik na sila sa isang lingo.
3. Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.
4. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kaniyang mga
naging karanasan.
5. Tahimik naman akong nakinig sa kanyang mga
kuwento.
PAGTATAYA
• Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may
salungguhit ay pang-abay na pamaraan,
pamanahon, o panlunan.

___________ 6. Maagang pumasok si Noel.


___________ 7. Sinagot nang mabilis ni Angel ang
bugtong ng guro.
___________ 8. Tuwing hapon naglalaro ng bugtungan
ang mga magkakaibigan.
___________ 9. Dadalaw kami sa bahay ni Lola Nena.
___________ 10. Masayang nagbugtungan ang mga
magkakaklase
TAKDANG ARALIN

A. SALAYSAY

Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na


hindi malilimutan tulad ng pasko, pista, kaarawan, at iba pa.
Gumamit ng mga pang-abay sa pagsasalaysay. Isulat ito sa isang
buong papel.
B. PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Bumubo ng mga pangungusap na gumagamit ng Pang-abay
na Pamaraan, Pang-abay na Pamanahon, at Pang-abay na
Panlunan. Ang bawat uri ay limang halimbawa. Isulat ito sa
isang buong papel at ipasa sa inyong Guro.
MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like