You are on page 1of 18

Mga Bagong Kabataan

Sino ba ako?

Sino ba tayo?

Kabataan ba kamo?

Nakadapa’t nakahandusay

Hindi gumagalaw at bumabangon

Walang ginagawa, walang pakialam

Walang balak na tumayo at sumulong

Walang mata

Walang tenga

Walang tinig na lumalabas sa bibig

Walang paninindigan

Isang BASURA?

Basura sa BANSA!

Tinatapon, inaapaka, inaapi

Iyan ang basura

At ang kabataa’y busabos, nakayuko

Ang kabataa’y lumulubog, nang lumulubog

nang lumulubog

Natutulog? Natutulog?

Gisingin mo ang natutulog mong kaluluwa!

Pwede pang bumangon

Pwede pang lumaban

Pwede pang magbago

Katulad ng ating mga ninuno


Silang naniniwala sa ating kakayahan

Silang nagsabi na TAYO ang PAG-ASA

Pag-asa ng BANSANG PILIPINAS!

Wag nating wasakin ang kanilang paniniwala

Wang nating hayaang mapunta lang tayo sa wala

Wag nating sayangin ang mga buhay na inalay para sa ating bansa

At ang sinasabing basura?

Baguhin natin ang maling pananaw

Lahat tayo ay may iisang sigaw!

Nagbabaga, nag-aapoy, nag-liliyab

Iyan dapat tayo!

Puno ng pangarap

Nakatuon sa tagumpay

Iyang ang kabataan dito!

At sa ngayon, ikaw at ako

Sabay-saby tayo

Hinding-hindi titigil

Hinding-hindi susuko

Hanggang sa malaman ko kung sino ako

Hanggang sa magiging kagamit-gamit ako

Hanggang sa maiangat ko ang bayan ko

Alam mo na kung sino ka?

Alam mo na kung sino tayo?

Ako, sita at ikaw

Sabay nating isigaw kung sino tayo


Mga Bagong Kabataang Pilipino!

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAANAT PAGKAKAISANI PAT V. VILLAFUERTE

Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulayay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;mula sa


pagkakasilang patungo sa kamusmusanmaging sa paglaki hanggang sa kamatayan.Isa-isahin ang buhay
ng mga dakilang tao sa daigdig:ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,o ng mga guro, doktor,
abogado, mangingisda’tmagbubukidbawat isa, may mithiin, may pangarap na naismakamit:ang
mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langitat isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.Iisa ang
diwang kanilang pinapandayiisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukaliisa rin ang himig na kanilang
hinihiyaw:kami’y palayain o bayan kong minamahal.A, oo nga palabilanggo sila ng sariling bayan, may
piring ang matamay busal ang bibig, may gapos-tanikalaSila’y mga buhay ngunit di-humihingasila ang
larawan ng masang hinahamak, lumuluha,nagdurusa.Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa
bawathenerasyonmay palawakan ng isip, may palitan ng paniniwalamay tagisan ng matuwid,maging
ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkattayu-
tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamitwikang
Filipino !ikang maka-"iyos, makabayan,makatao.wikang naglalagos sa isipang makabansawikang
nanunuot sa damdaming makalupa.At,paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-
samangtinigbumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalithinihiling ay kalayaan katarungan
katarungan kalayaan Ah,hanggang kailan susukatin#hanggang kailan bubuhayin#hanggang kailan
maaangkin#$ayang mangusap, layang sumulatlayang mamuhay, layang manalig

layang humalakhak, layang maghimagsikmaghimagsik maghimagsik maghimagsik %asaysayan pala’y


mababago isang saglitsa dakong silangan . . . doon sa silanganang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat,
uminitnaantig ang diwang inaliping higittumibok ang pusong dating di-humihibiknagising ang ugat ng
hapong mga bisig.bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdigang mga pang-aaping sugat niyaring
dibdib.sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo,magkakapatidsama-samang gumising,
magkakapit-bisig, nag-alsa’ttumindig.lakas ng tao lakas ng bayan lakas ng daigdig laban sa tirano, sa
gahaman, sa mapanupil, samapanlupig.&angkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isakilala’t di-
kilala, kaaway at di-kaaway, mayama’tmahirap,matalino’t mangmang, aktibista’t militar.nagkaisang
ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.propesyonal at di-propesyonal, manggagawa,
kawani,guro,mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay,sundalo,pulis, drayber, pari, madre,
mangingisda’tmagbubukid.nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.Ang wikang ginamit# !ikang
Filipino wikang ginagamit sa lahat ng dakoma-'agalog, ma-(ebuano, ma-&angasinan, ma-Ilokano,ma-
%apampangan, ma-Ilonggo, ma-!aray, ma-Bikolanoma-)aranao, ma-'ausug, lahat ng ito’y Filipino wika
ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayowikang tagapagligtas ng digmaa’t gulowikang tagapagtanggol ng
lahat ng tao.

Ang bulaklákan ay tawag sa isang tradisyonal at masayáng sayaw at sa Ang sayaw na bulaklákan ay
nagmula sa Katagalugan at bahagi ng “Flóres de Máyo.” Sa ilang lugar, sa halip na “Santakrúsan” o
prusisyon, ay nagtatapos ang pagdiriwang sa isang kasayahan sa bahay ng hermana mayor. Sa
pagkakataóng ito sinasayaw ang bulaklakan. Ang mga dalagang kalahok sa sayaw ay may hawak na
balantok o girnalda na nahihiyasan ng mga dahon at bulaklak. Iginagapos ng alambre ang mga bulaklak
upang hindi malaglag sa balantok na yantok o kawayan hábang ikinukunday ng nagsasayaw.

Ang larong bulaklákan ay isang baryasyon sa “huwégo de prénda.” Mga binata’t dalaga ang karaniwang
kalahok. Tinawag itong “bulaklakan” dahil pangalan ng mga bulaklak ang ginagamit ng mga babaeng
kalahok sa laro.

Bulaklakan

On Aliwan

Ang bulaklakan ay tawag sa isang tradisyonal at masayang sayaw at sa isang matandang laro kapag
naglalamayan.

Ang sayaw na bulaklakan ay nagmula sa Katagalugan at bahagi ng Flores de Mayo.

Sa ilang lugar, sa halip na Santakrusan o prusisyon, ay nagtatapos ang pagdiriwang sa isang kasayahan sa
bahay ng hermana mayor. Sa pagkakataong ito sinasayaw ang bulaklakan.

Ang mga dalagang kalahok sa sayaw ay may hawak na balantok o girnalda na nahihiyasan ng mga dahon
at bulaklak. Iginagapos ng alambre ang mga bulaklak upang hindi malaglag sa balantok na yantok o
kawayan habang ikinukunday ng nagsasayaw.

Ang larong bulaklakan ay isang baryasyon sa huwego de prenda. Mga binata’t dalaga ang karaniwang
kalahok. Tinawag itong “bulaklakan” dahil pangalan ng mga bulaklak ang ginagamit ng mga babaeng
kalahok sa laro.

You might also like