You are on page 1of 4

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

MOTHER TONGUE 1
Unang Markahan, Linggo 5

Pangalan: _______________________________ Petsa_________


Baitang at Pangkat: ______________________
Pagbasa sa mga Salita mula Kaliwa Pakanan, mula Taas
Paibaba at Pahina sa Pahina

I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagsunod sa mga salita mula kaliwa pakanan, mula taas
paibaba at pahina sa pahina. MT1BPK-Id-f-2.1
II. Layunin
1. Nakasusunod sa pagbasa ng mga salita mula kaliwa pakanan.
2. Nakasusunod sa pagbasa ng mga salita mula taas paibaba.
3. Nakasusunod sa pagbasa ng mga salita pahina sa pahina.
III. Panimula

Ang mga salita ay maaaring basahin:


- mula kaliwa pakanan
- mula sa taas paibaba
- pahina sa pahina
IV. Mga Gawain
Gawain 1: Sa kalakip na sanayang papel, basahin ang mga salita mula kaliwa
pakanan, mula sa itaas paibaba at pahina sa pahina at bilugan ang salitang may
dalawang pantig.

1. salamin tutubi ubas

2. lapis babae pitaka

3. bubuyog ibon bulaklak

4. masaya sibuyas mani

5. suklay sapatos inahin

Gawain 2: Basahin ang mga salita mula sa kaliwa pakanan. Ikahon ang salitang
naiiba ang tunog sa unahan.

sako abaniko sili suman

tasa itlog isa isda

baso babae buto sitaw

maya misa araw maso

abo aasa mapa apa


Gawain 3: Basahin ang maikling kuwento. Sundan ang mga salita mula kaliwa
pakanan, mula sa itaas paibaba at pahina sa pahina gamit ang hintuturo.
Sa Kubo

Nakatira si Siso sa kubo


May buko sa tabi ng kubo
May aso sa tabi ng buko
Alaga ni Siso ang aso
Maya-maya ay dumating si Kiko
Sila ay naglaro kasama ang aso
Naglaro sina Siso, Kiko at ang aso
Sa labas ng kubo sa tabi ng buko.

Sagutin:
1. Sino ang nakatira sa kubo?
2. Ano ang nasa tabi ng kubo?
3. Ano ang nasa tabi ng buko?
4. Sino ang dumating?
5. Saan naglaro sina Siso, Kiko at ang aso?

V. Pampinid na Gawain
Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Sundan ang mga salita mula kaliwa
pakanan, mula sa itaas paibaba at pahina sa pahina gamit ang hintuturo.

(Paalala: Maaaring gabayan ng magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral sa


pagbabasa.)

Ang Lobo ni Nilo

Si Nilo ay isang mabait na bata. Kaya tuwang-


tuwa sa kanya ang mga magulang na sina Mang Lito
at Aling Lisa.
Nagsimba ang mag-anak isang Linggo.
Matapos ang misa nagmano si Nilo sa kanyang ama
at ina.

Sa labas ng simbahan, naroon


si Mang Karlo nagtitinda siya ng mga
makukulay na lobo.
“Nais ko po sanang bumili ng lobo”
ang wika ni Nilo. “Sige anak pumili ka
na ng ibig mo”, ang wika ni Aling Lisa.
“Gusto ko po ng kulay pula”, sabi ni Nilo.
Inabot ni Mang Karlo ang isang pulang
lobo kay Nilo.
Masayang-masaya si Nilo at umuwi na sila
kasama ang nabiling lobo.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ginawa ng mag-anak isang Linggo?

2. Ano ang ginawa ni Nilo pagkatapos ng misa?

3. Sino ang nagtitinda ng lobo?

4. Sino ang nais bumili ng lobo?

5. Ano ang kulay ng lobo?

You might also like