You are on page 1of 13

Gapio, Asa M.

BSED FILIPINO 2-A

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG WIKA (PABUOD)

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang kahulugan ng Ponolohiya at ang dalawang uri nito.
2. Naipapakita ang kawilihan sa pagbigkas ng mga ponema ayon sa punto at paraan
ng artikulasyon.
3. Naisasakatuparan ang pagbigkas ng mga salita gamit ang wastong ponema na
ginamit sa harap ng klase.

II. PAKSA: Ponolohiya


Sanggunian:
https://www.studocu.com/ph/document/aklan-catholic-college/elementary-
education/ponolohiya/34101853
https://www.studocu.com/ph/document/pangasinan-state-university/bsed-filipino/
ang-ponolohiya-o-palatunugan/38225266
https://www.tumblr.com/filipino101-blog/70079551264/punto-at-paraan-ng-
artikulasyon
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Digital Wheel Spinner

III. PAMARAAN

GAWAING-GURO GAWAING-BATA
A. Panimula A. Panimula
1. Balik-aral 1. Balik-aral

Noong nakaraang talakayan ay inilahad (nakikinig ang mga mag-aaral)


ko sa inyo ang pinagmulan at
kahalagahan ng wika. Ngayon ay
inaasahan kong masasagutan ninyo ang
inihanda kong mga katanungan tungkol
sa wika upang malaman ko kung
nakikinig nga ba kayo sa pagtatalakay
ko noong nakaraan. Maliwanag ba? Opo, Bb. Gapio!

Ano ang wika? Mga inaasahang sagot:


o Ang wika ay sinasalitang tunog na
ginagamit sa pang-araw-araw
upang magkaintindihan ang mga
tao.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

o Ito ay isang instrumento sa


pakikipagkomunikasyon.
o Ito ay isang lipon ng mga tunog at
simbolo upang maipahayag ang
opinyon o saloobin.
Ano ang kahalagahan ng wika sa
lipunan? Mga inaasahang sagot:
o Sumasalamin ito sa ating
pagkakakilanlan sa mundo at kung
sino tayo bilang mamamayan ng
sariling bansa.
o Ito ay ginagamit bilang paraan ng
pagbabahagi at makapagpahayag
ng mga bagay- bagay tungkol sa
sarili, sa kapaligiran at sa ibang tao.
o Sa eskwela, sa trabaho, o kahit sa
bahay, ang wika ay ginagamit upang
matuto, magturo, at magbahagi ng
karanasan.

Magaling! Ngayon, handa na ba kayo sa Handang-handa na po!


bagong paksa na ating tatalakayin
ngayong araw?

2. Pagganyak 2. Pagganyak

Sa digital wheel spinner na nakikita


ninyo sa harap ay may nakalagay na
mga ponemang patinig at katinig. Ang
makukuha ninyong letra ay ilalahad
ninyo ang tunog nito at magbibigay ng
isang salita na nagsisimula rito sa loob
ng tatlong bilang. Naiintindihan ba? Opo, Bb. Gapio!

Magaling. Ang pagkakasunod-sunod ay


nakabase sa apilyido. (Tumayo isa-isa ang mag-aaral base sa
pagkakasunod-sunod ng kanilang apilido
at inilahad ang tunog ng nakuhang letra at
nakapagbigay ng halimbawang salita.)
B. Paglalahad ng Aralin B. Paglalahad ng Aralin

Ang isinagawang aktibidad ay konektado sa


Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

bagong aralin natin na kung saan pinag-


aaralan ang mga tunog ng bawat letra at
ito ay tinatawag na PONOLOHIYA.

Maari mo bang basahin ang buong Ang ponolohiya ay pag-aaral sa mga


kahulugan ng Ponolohiya, Bb. Balasa? ponema (tunog), paghinto (juncture),
pagtaas-pagbaba ngtinig (pitch), diin at
pagpapahaba ng tunog
Maraming salamat Bb. Balasa. (prolonging/lengthening).

Ang Ponolohiya ay sangay ng lingguwistika


namaka-agham na pag -aaral ng mga tunog
o ponema ng isang wika, ang
pagkukumpara ng mga itosa mga tunog ng
iba pang wika at ang sistema ng paggamit
ng mga tunog na ito upang makabuong
yunit ng tunog na may kahulugan. At ayon
kay Ronda, et. Al (2009) ito ay komponent
nglinggwistikana tinatawag na
palatunugan.

Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral


sa espesipikong tinig at mga kombinasyon
nito nabumubuo sa mga salita ng isang
wika.

Mayroong apat na mahahalagang bahagi


sa bibig ng tao upang maibigkas ang mga
tunog. Ito ay ang:
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)

G. Ante, anong bahagi ng bibig ang nasa Ngipin at labi po.


unahan?

Magaling.

Ito naman ang mga prinsipal na sangkap


ng pananalita.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

(Ang guro ay ibinahagi ang mga sangkap


ng pananalita sa harap ng klase.)

Bb. Gonzales, ilan ang bahagi ng dila at


ano-ano ang mga ito?

Napakahusay!
Tatlo, ito ay ang harap, sentral at likod.
Ngayon ay tumungo naman tayo sa Punto
at Paraan ng Artikulasyon ng Ponemang
Katinig.

Naiintihan lang ba ang nakitang larawan?


Hindi po masyado, Bb.
Ang punto ng artikulasyon ay naglalarawan
kung saang bahagi ng ating bibig
nagaganap ang saglitang pagpigil o pag-
abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas
ng isang katinig. Ang bawat ponema ay
naaayon sa kanilang punto.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

Naiintindihan ba? Medyo po!


Oo po!
Hindi pa po.
Kung gayon ay bigkasin natin sabay-sabay
ang bawat ponema ayon sa punto nito.
Magsimula tayo sa Panlabi… (Ang mga mag-aaral ay binigkas ang mga
ponema ayon sa punto ng artikulasyon
nito. Sila’y nagsimula sa Panlabi at
nagtapos sa Glottal.)

Oh ngayon, maliwanang na ba? Oo po, Bb.


Ang galing!
Naiintindihan ko na!

Ngayon ay dumeritso na tayo sa Paraan ng


Artikulasyon. Ito’y naglalarawan at
nagpapakita kung papaanong ang mga
sangkap sa pagsasalita ay gumagana at
kung papaanong ang ating hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas
ng alinman sa mga ponemang katinig.

Gawin natin uli ang pagbigkas ng mga


ponema gamit ang paraan ng artikulasyon
nito. Ayos ba? Ayos, Bb.

(Ang mga mag-aaral ay binigkas ang mga


ponema ayon sa paraan ng artikulasyon
nito. Sila’y nagsimula sa Pasara at
nagtapos sa Maylapi.)

Ayan! Napakagaling naman!

Hindi naman magpapahuli ang Ponemang


Patinig ayon sa Posisyon at Bahagi ng Dila.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

Ngayon ay alam kong may ideya na kayo


kung pag-aaralan ang tsart na nasa harap.
Kaya tinanong ko si Bb. Gonzales kung ano
ang mga bahai ng dila dahil may kinalaman
iyon dito. At kagaya sa ponemang mga
katinig ay bibigkasin natin ang mga
ponemang katinig ayon sa posisyon at
bahagi ng sila na ginagamit.

Hand na ba kayo?

Handa na po!
(Ang mga mag-aaral ay binigkas ang mga
ponema ayon sa Bahagi at Posisyon ng
Dila.)

Ngunit hindi pa riyan nagtatapos dahil may


dalawang uri ng Ponema, ito ay ang
PONEMANG SEGMENTAL AT
SUPRASEGMENTAL.

Ponemang Segmental

Ito ay binubuo ng ponemang katinig at


patinig. Labing-lima ang orihinal na kasama
sa palabaybayan ngunit isinama ang impit
na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay
itinuturing na isang ponemang katinig dahil
napagbabago nito ang kahulugan ng isang
salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o
maragsa.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

Ano-ano ang mga ponemang katinig, Bb.


Labid?
Ito po ay ang p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k,
Mahusay! g, ng, h, at ? o glottal stop.

Ito ang mga halimbawa kapag gumamit


tayo ng glottal stop (?).

ba: tah - housedress


tub: boh – pipe
ba: ta? - child
tub: bo? – profit

G. Larego, basahin ng wasto ang mga


halimbawa.
(Binasa ang mga halimbawang mga
Maraming salamat G. Larego. salita.)

Sa ponemang patinig naman ay binubuo ng


limang ponema. Ibigay ang mga ito Bb.
Ravago.
Ito ang a, e, i, o at u.
Magaling!

May mga salitang nagkakapalit ang


ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/
at /e/ ngunit hindi nagbabago ang
kahulugan ng salita. Halimbawa:

babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

Basahin ang mga ito G. Ordanza.


(Binasa ang mga halimbawang mga
Maraming salamat sa pagbasa Ginoo. salita.)

Mayroon din namang mga salitang


itinuturing na hiwalay na ponema ang
/u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng
magkaibang kahulugan at hindi maaaring
pagpalitin.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa – mass

Maaari mo bang mabasa Bb. Relatos?

Mahusay at salamat sa pagbasa binibini. (Binasa ang mga halimbawang mga


salita.)

Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang


suprasegmental, - ay lakas, bigat o
bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa : sa salitang /kamay/, ang diin


ay nasa huling pantig na /may/ -ay isang
ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap
na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

May mga tanong ba bago ako tumungo sa


apat na ponemang suprasegmental?

Naiitindihan lang ba? Wala na po, Bb. Gapio.

Apat na Ponemang Suprasegmental Oo po, Bb.

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa


haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng
isang pantig. Maaaring gumamit ng
simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa
haba.

Halimbawa:
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

1. bu.kas - nangangahulugang susunod na


araw 2. bukas - hindi sarado

Ano kaya ang pagkakaiba ng dalawa? Sino


ang makakasagot?

Ikaw Bb. Panoncillo. Ako po!


Panoncillo po!
Ako, ako!

Aba! Napakahusay! Ang bu.kas ay nangangahulugang susunod


na araw at ang bukas ay hindi sarado.
2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa
pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig.
Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong
nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit,
sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na tono.Maaaring
gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2
sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

Sino kaya ang makakapagbasa ng mga


halimbawang salita ayon sa bilang ng tono?

Oh sige, ikaw Asis. Si Ortega po!


Si Asis po!

Magaling! (Binasa ang mga halimbawang mga


salita.)
3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa
pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa
sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.Maaring gumamit
ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na
pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

2. Hindi siya ang kababata ko.

Sa tingin nyo, mahalaga ba ang antala sa


pagsasalita?

Bakit? Opo!

Mga inaasahang sagot:


o Dahil ito ay tumutulong upang
maipahayag nang maayos at
malinaw ang ating mga saloobin,
kaisipan, at damdamin sa ating
kausap.
o Upang maintidihan nang malinaw
ang sinabi at maiwisan sa
Napakagaling naman! pagkakamali ng pag-intindi.

4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o


bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig
ay makakatulong sa pag unawa sa
kahalagahan ng mga salita. Maaring
gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin
ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang – natatangi

Basahin ang mga halimbawa ayon sa diin


nito, Bb. De Paz.

(Binasa ang mga halimbawang mga


salita.)

C. Paghahambing at Paghalaw C. Paghahambing at Paghalaw

Ang Ponolohiya ay parang isang puno na


maraming ugat at sa mga ugat na iyon ay
makikita natin ang dalawang artikulasyon,
ano ang mga iyon? Paraan at Punto ng Artikulasyon!

Tama!
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

Ano kaya ang pinagkaiba nilang dalawa sa Ang pinagkaiba nilang dalawa ay ang paraan ay
pagbigkas ng ponemang katinig? kung paano sinasalita ang ponema at ang
punto ay kung anong bahagi ng bibig ang
ginagamit sa pagsasalita ng ponema.
Tama at salamat sa malayang pagsagot Bb.
Gonzales.

Sa pagbigkas naman ng ponemang patinig,


mayroon tayong bahagi at posiyon ng dila.
Ano kaya ang kinalaman ng dalawa sa
pagsasalita ng ponema? Itaas lang ang
kamay ng sasagot. Sa aking palagay Bb. ay ang bahagi ay
naglalarawan kung ano ang bahaging
ginagamit upang mabigkas ang mga ponema at
sa posisyon naman ay kung saan ito nagaganap
Tamang tama, G. Davis! habang nagsasalita.

Sa itinalakay na Ponolohiya, ano ang


dalawang uri ng ponema? Tumaas ng
kamay ang sasagot. (Nagtaas ng mga kamay)

Ikaw Bb. Balasa. Ponemang Segmental at Ponemang


Suprasegmental.
Tama!

Ibigay ang kahulugan ng dalawa at kung Ponemang segmental ang tawag sa tunog ng
maaari ay ibigay din ang pagkakaiba nito. bawat titik (mga patinig at katinig)
sa buong salita at pagdudugtong nito. Ang
Ikaw, G. Ante. alpabetong Pilipino ay may 28 na letra ngunit 16
katinig (p, t, k, b, d, g, m, n, h, l, r, s, w, y, (?), ng)
at 5 patinig (a, e, i, o, u). At ang Ponemang
suprasegmental naman ay ang tawag sa paraan ng
pagbibigkas ng mga salita. Binabatay ito sa
tono o intonasyon, hinto o antala, haba, at diin.

Ponemang segmental ang tawag sa tunog ng


Napakagaling! Asahan mong may dagdag bawat titik (mga patinig at katinig)sa buong
puntos ka na lima sa susunod na salita at pagdudugtong nito. Ang alpabetong
pagsusulit. Pilipino ay may 28 na letra ngunit 16katinig (p,
t, k, b, d, g, m, n, h, l, r, s, w, y, (?), ng) at 5
patinig (a, e, i, o, u). At ang Ponemang
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

suprasegmental naman ay ang tawag sa


paraan ng pagbibigkas ng mga salita. Binabatay
ito satono o intonasyon, hinto o antala, haba,
at diin.

Maraming salamat, Bb. Gapio.


D. Paglalahat D. Paglalahat

Ayon sa ating pagtatalakay, ano ang


ponolohiya?

Maaari tumayo ang makakasagot. Ang ponolohiya ay isang pag-aaral ng mga


tunog ng mga letra o ponema. Dito pinag-
aaralan ang wastong pagbigkas ng mga salta
ayon sa diin, tono, antala, haba at iba pa na
makakatulong sa wastong paglalahad ng mga
salita.

Mahusay, Bb. Semillano!

Bakit kaya mahalaga ito sa ating pang-


araw-araw na buhay?

Sa uulitin, tumayo ang makakasagot. Mahalaga ang pag-aaral nito dahil naiwawasto
nito ang mga pagbigkas natin sa mga salita at
magigingt epektibo ang
pakikipagkomunikasyon sa kapwa.
Ang galling naman!

Mukhang naiintindihan niyo talaga ang


ating lesksyon ngayong araw kaya tignan
natin ang kakayahan niyo sa inihandang
pagsubok.

IV. PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at kung mali ay
salungguhitan ang salitang di-wasto at ITAMA ito. Sagutan ito sa sangkapat na papel.

______________ 1. Ang Baybayin ay sangay ng lingguwistika namaka-agham na pag


-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika
______________ 2. Mayroong apat na mahahalagang bahagi sa bibig ng tao upang
maibigkas ang mga tunog.
Gapio, Asa M.
BSED FILIPINO 2-A

______________ 3. May apat na bahagi ang dila.


______________ 4. Ang salitang BU:hay ay nagpapakahulugan na kapalaran ng tao.
______________ 5. Ang haba ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng
pantig.
______________ 6. Mahalaga ang antala sa pagsasalita.
______________ 7. Ang ngipin at labi ay nakikita sa likuran.
______________ 8. Ang paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung
saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglitang pagpigil o pag-
abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.

______________ 9. Ang punto ng artikulasyon ay naglalarawan at nagpapakita kung


papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang
ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga
ponemang katinig.
______________ 10. Ang mga ponemang patinig ay a, e, i, o ,u.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Punan ng wastong mga ponemang katinig na naaayon sa Punto at Paraan ng
Artikulasyon. Isulat ito sa isang buong papel.

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULASYON PANLAB PANGNGIPI PANGILAGI PALATAL VELA GLOTTAL
I N D R
PASARA
PAILONG
PASUTSOT
PAGILI
PAKATAL
MALAPATINIG

You might also like