You are on page 1of 1

Sitio Proper, Brgy, Victoria

Roxas, Oriental Mindoro

Pebrero 03, 2022

GNG. MELCHOR DELA FUENTE


Tagapangasiwa ng kompanya
Dela Fuente Farm Corporation
Brgy. Central, San Jose, Oriental Mindoro

Mahal na Gng. Melchor:

Nabasa ko po sa isang pahayag sa inyong website noong Pebrero 10, 2022 na nangangailangan
ng isang Licensed Agriculturist ang inyong kompanya. Naniniwala ako na ang mga katangian at
mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’t ako po’y nag-aaplay sa
naturang trabaho.

Nagtapos po ako ng kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Unibersidad ng Mindoro


noong taong 2019. Bagamat hindi pa ako gaanong nakapagtrabaho sa iba’t ibang kompanya, ang
aking kaalaman naman pagdating sa agrikultura ay masasabing sapat dahil patuloy akong
dumadalo sa mga seminar at sa katunayan ay nagkaroon agad ako ng lisensya bilang ganap na
Agriculturist sa loob lamang ng limang buwan pagkatapos kong magtapos.

Nakahanda akong lubusan na abutin ang anumang ekspektasyon ninyo sa akin at sa mga ninanais
ninyong pagbabago sa maidudulot ko sa inyong kompanya. Nawa’y isalang-alang ninyo ang
aking mga kwalipikasyon upang ako’y mabigyan ng pagkakataong maglingkod sa inyong
kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.

Maraming salamat!

Sumasainyo,

ALLIAH MENDOZA

Aplikante

You might also like