You are on page 1of 14

Minsa'y Isang Gamu-Gamo

Narrator: Kamusta? Tulad ka rin ba ni Corazon Dela Cruz at Bonifacio Cruz na


naghahangad na makalipad patungong America upang magtrabaho? at maging American
citizen kung papalarin? Sama sama nating tunghayan ang makaantig damdaming kwento
ng ating dalawang kababayan na minsan ay nangarap na doo'y makarating at maging
ganap na American citizen.

MAIN CHARACTERS:
• CARLITO: Nakababatang kapatid ni Corazon Dela Cruz na binaril ng sundalo (IAN)
• CORAZON DELA CRUZ: anak ni Chedeng, naghahangad na magtraining bilang nurse
sa America at maging mamamayan nito. (ALLIAH)
• INGKONG/LOLO ni Corazon at Carlito (
• BONIFACIO SANTOS o mas kilala bilang "Boni" : boyfriend ni Corazon, naghahangad
din na makarating sa America at mag-apply bilang US Navy. 9
• YOLANDA a.k.a. YOLLY: Nanay ni Boni na nakaranas ng pambabastos at pamamahiya
sa kamay ng isang merchandise control guard. (
• ESTER: Lola ni Boni / Nanay ni Yolanda
• BILL: Amerikanong kakilala ni Yolanda
• MERCHANDISE CONTROL GUARD (babae): laging nambibintang kay Yolanda na
nagnanakaw ng mga gamit sa PX store, siya rin ang labis na namahiya Kay Yolanda.

EXTRA CHARACTERS:
• 3 Bata na namumulot ng kalakal sa Crow Valley (wla silang sasabihin basta tatamaan
lang sila ng shrapnel bullet at mamatay)
• Mangingisda na binaril din ng Americano
• Mga batang maghahatid Kay Carlito matapos barilin ng sundalo.

Scene 1: May 3 Bata na namumulot ng kalakal sa Crop Valley at tatamaan ng shrapnel


bullet.
Narrator: Gabi na ng makauwi si Corazon galing Manila upang mag-asikaso ng kaniyang
passport papuntang America.

Scene 2: Nanood ng television si Carlito at Ang kaniyang Lolo samantalang si Chedeng ay


naghahanda ng hapunan. At madadatnan sila ni Corazon.

Corazon: (Papasok ng pinto, ngingiti sa kapatid at magmamano sa kaniyang Lolo) Mano


po Lolo.

Lolo: Kaawaan ka ng Diyos.

(Dederetso si Corazon sa kaniyang Nanay Chedeng na naghahanda ng hapunan. Biglang


tatawagin ni Lolo si Chedeng)

Lolo: Chedeng narinig mo ba ung balita doon sa tatlong bata na tinamaan ng shrapnel sa
Crop Valley?

Chedeng: Kasi naman sila alam nilang peligroso doon hindi sila maawat, ayan ang napala
nila.

(Biglang ibabaling ni Chedeng Ang atensiyon sa anak na si Corazon)

Chedeng: Oh kamusta Ang lakad mo anak?


Corazon: Nakuha ko na po ang passport ko. (Iaabot sa Ina Ang passport)

Chedeng:Carlito nakakita ka na ba ng passport?

(Lalapit si Carlito, upang tingnan ang passport)

Carlito: Ma, kilala ko po ung tatlong bata na iyon.


Corazon: Sinong tatlong bata?
Carlito: Ung tinamaan ng bomba tsaka alam ko kung saan sila pumupunta parang combat
daw dun eh, totoong Bomba Ang binabagsak ng mga eroplano. Ate, Ang sarap pala
manood dun!
Corazon at Chedeng: Huwag Kang pupunta doon.
Corazon: Bakit ba sila Ang hilig hilig mamulot doon?
Chedeng: Hanap Buhay. (Sabay kuha ng passport Kay Carlito) Akin na nga yan baka
madumihan pa.
Chedeng: Kailan pala ang interview mo sa consul? Pag-igihan mo ang sagot anak ha!
Corazon: Memoryado ko na po ang sasabihin ko inay. "I want to go to America because I
want to gain experience in modern nursing techniques."
Chedeng : Ano? (Sasawayin si Carlito na hinaan Ang tv ) Carlito, pakihinaan mo nga yang
tv Hindi kami magkarinigan ng ate mo.

(Hihinaan ni Carlito Ang volume ng TV ngunit muling lalaksan ng Lolo)

Corazon: Ma, Hindi maririnig ni Lolo kapag hininaan ung tv.


Chedeng: Ganun din naman, marinig niya o Hindi, hindi pa rin niya maintindihan kc
English.

(Lalapit si Corazon sa Lolo)

Corazon: INGKONG, hindi ba kau nagsasawa sa giyera?

INGKONG: Hindi. Eh bakit ako magsasawa, yan lng nagpapagunita sa akin ng aking
kabataan. Hindi ko iniisip Ang kamatayan maitakas ko lamang ang mga tao sa death
march. At nung tawirin ko Ang ilog papuntang Hagonoy samantalang nakatakip lamang
ng dahon ng saging Ang mga itinatakas ko, talagang hindi ko nakikilala Ang panganiv
noon.
Carlito: Dapat pala INGKONG bigyan kau ng medalya
INGKONG: Naku! Ay kung Nakita mo Ang labanan noon, nung panahon ng combat na
yaan batang Bata din ang mga sundalo noon. Ang mga sundalong nakaligtas sa bombahan
sa Bataan hindi naman nakaligtas sa disenteryo sa Capas.

Chedeng: Nga pala nagpunta si Boni dito kanina.


(Lalapit si Corazon sa Ina )
Corazon: Anong Sabi Inay? Na-approved na ba ung application niya?
Chedeng: Hindi pa, eh paano singhaba ng braso Ang pila ng mga applikante. Palibhasa
High school graduate lng hanggang US Navy lng ang pwede niyang applyan. Hindi pares
mo, nurse ka.
Corazon: Eh kc naman inay naulila sa ama si Boni kaya nahinto sa pag-aaral.
Chedeng: Eh bakit ako, parehas naman kami biyuda ng Ina ni Boni ah, kayo ni Carlito
nag-aral, ikaw nurse ka na.
Corazon: Ano daw ho Ang Sabi ng travel agent niya?
Chedeng: Hindi siya siguradong makakapunta sa States.

Narrator: Mababakas sa Mukha ni Corazon ang lungkot dahil tila hindi makakasunod sa
America si Boni batay sa turan ng kaniyang Ina.

Scene 3: [Sa tindahan nila Yolanda] Nagsasara ng tindahan si Boni, Si Yolly naman ay nag-
iinventory ng mga paninda at si Ester ay nagliligpit ng mga paninda.

Boni: Sigurado na akong makakapunta ng States, siguro after one month pagkaalis ni Cora

Ester: Mahirap talaga Ang maiwan. Ako lang eh, alam mo Yolly kahit pilit ko na ipikit Ang
aking mga mata ay talagang Hindi ako makatulog. Naaalala ko si Emilio eh.

Boni : kayo naman po kc eh, hindi pa kayo sumama

Ester: Aba ay papaano naman kc wla kaming pamasahe Sabi ng Emilio ko, ung ticket nga
niya sa eroplano eh pay later lng eh. Tsaka un bang tawag dun sa papel na para ka
makaalis .
Yolly: Ah, passport.
Ester: Hindi, ung isa dba dlawang papeles un ano, ung isa passport ung isa eh, un bang
pumipila ka sa embassy.
Yolly: Visa
Ester: Iyon nga ang Visa nga ni Emilio ko eh tourist visa eh
Boni: Ako rin nga eh sa State rin nga Ako mag-apply ng immigrant eh
Yolly: Paano kung hindi ka tanggapin? Eh di uuwi ka dito.
Boni: Ah hindi mangyayari un, Sabi nga ng travel agent ko marami na umalis dito na Ang
visa ay tourist, saka lng sila nag-apply pagdating doon ng immigrant
Yolly: Naku Boni tumigil ka illegal un, kapag nahuli ka madedeport ka.
Ester: Deport? Teka anong deport?
Yolly: Sapilitan Kang pauuwiin ng gobyerno, gobyerno pa ang magbibigay ng pamasahe eh
dba nakakahiya un?
Ester: Pauuwiin? Libre pasahe? Ay di bale ng madeport siya, hindi rin ako sanay na mag-
isa sa kulambo eh.
Yolly: Masasanay ka rin, bakit ako nung mamatay Ang ama ni Boni, kung anong ibigay ng
Dios pagtiisan.
Ester: Mabuti pa Boni samahan mo ako magsulat tau Kay Emilio.

NARRATOR: Isa sa pangarap ni Corazon ay ang maisama sa States Ang kaniyang


kapatid, ina at INGKONG. Kaya lagi niya itong bukang bibig sa kanila.

Scene 4: Kausap ni Corazon ang kaniyang kapatid na si Carlito at Ina nito.

Corazon: Tinanong ko sa travel agent ko kung paano ko kau makukuha ni Carlito, Sabi sa
akin kc daw Exchange Visitor's Program ako ay hindi pala pwede. Kailangan pala after
mainternship sa States uuwi ako rito.
Chedeng: Bakit Corazon, wla ka na bang balak na umuwi rito?
Corazon: Gusto ko sanang mag-permanent residence na ako para makakuha ng green
card. Kapag may green card na ako, mag-apply ako ng US citizen at nang makuha ko na
kau ni Carlito. (Sabay hawi ng buhok ni Carlito)
(Titingin si Carlito sa kaniyang Ina at bahagyang ngingiti)
Carlito: US citizen? ( Biglang babaling ng tingin Kay Corazon) Ikaw ate US citizen?
Corazon: Eh bakit nanlalaki Ang mata mo?
Carlito: Eh kc dba Ang US citizen kailangan maputi?
(Babatukan ni Corazon si Carlito, mangingiti naman Ang kaniyang Ina)
Corazon: Hmmmm...... Sige ka kapag nasa States na ako magsisisi ka.

Scene 5: Pag-uusapan pa rin nila Corazon Ang pagiging US citizen kasama Ang kaniyang
Lolo.

Corazon: INGKONG, kapag naging US citizen na ako makukuha ko na kau ng inay.


INGKONG: Sino Ang mag-American citizen, ikaw?
Corazon: Opo! Aba masarap yata sa States. Madali ka makaipon ng pera, magkakotse.
Ung mga kaibigan Kong nurse ay naku Ang gagara ng kotse nila. Ung kinikwento sa sulat
ung mga bahay nila wall to wall carpeting (with hand gesture).
At alam mo Carlito? (Hahawakan Ang kamay ni Carlito) ung mga tsokolate nila kasing
lapad ng papel ng grade 1. At ung mga mansanas nila nabubulok lamang sa refrigerator.
Chedeng: Samantalang dito sa atin, pasko lng makakaamoy ka ng mansanas. Sige anak!
mag-American citizen ka. Nang magsasawa naman itong kapatid mo ng mansanas.
INGKONG: Corazon, Corazon, yang iniisip mo ay pagkapawi ng ung pagka mamamayan.
Pag-uugaling Amerikano Ang pinapangarap mo?
Corazon: Pangarap ko lng naman na kumita ng dollars eh para guminhawa naman tau.
INGKONG: Hindi mo ba nakikita na yang pangarap mo ay pagkaduwahagi ng ating
bansa.
Chedeng: Eh tatang, opportunidad lng naman Ang habol ng apo nio eh, yang Nationalismo
masarap pakinggan pero hindi maaaring ibili ng ulam sa palengke yan.

(Habang nagpapaliwanag Ang kailang Lolo ay dahan dahang lumabas Ang dalawa)
INGKONG: Ewan ko, Ewan ko, si Andres Bonifacio at Jose Rizal ay nagpakamatay upang
tau ay lumaya. Ngaung tau ay Malaya gusto naman ninyong magpakaduwahagi at
pumares sa mga Amerikano?

(Tatayo si INGKONG at tutungo sa kinaroroonan ni Corazon at Carlito)

INGKONG: Hmmmm.... Mga batang ito, napakasakit ng gayang pangarap mo Corazon.


Hindi na pangarap yan! Bangungot! Kawawang Pilipinas!

(Sabay lakad papalayo ni INGKONG)

(Darating si Boni sa bahay nila Cora)

Boni: Mukhang bising busy ka ah!


Cora: Hay naku kanina pang umaga nakabantay na kami ng travel agent ko sa passport
division. Nakuha ko na ung passport ko!
Boni: Talagang hindi na mapigil Ang oag-alis mo ah (Magtitingan Ang dalawa )
Cora: Wla pa akong Visa
Boni Talagang iiwan mo na ako
Cora: Ito naman, bakit naman ganun ka magsalita? Hindi ba susunod ka sa akin?
Boni: Malabo pa ung application ko eh. Meron nga pala akong sasabihin sau.
Cora: Ano?
Boni: Gusto ko sana makasal tau bago ka umalis.
Cora: Boni ano ka ba? Ano ba ang ibig mong sabihin?
Boni: Ang ibig Kong sabihin baka Makalimutan mo na ako kapag may nakita ka ng
Amerikano.
Cora: Pambihira ka naman. Ay kung Amerikano lng ang hanap ko, bakit pa ako lalayo?
Eh Jan lng sa Clark o Olonggapo sangkatutak ng Amerikano Ang matitisod ko.
Hmmmm.... Ikaw nga Jan eh, baka di pa nga Ako naglalanding sa Amerika naglanding ka
na sa iba.
Boni: Ay yan Ang malabong mangyari. Kung sa malalandingan marami Jang
malalandingan kaya lng iisa Ang hinahabol ko eh, hindi ko pa nga mahabol habol.
Cora: Hmmm... Sabi mo lng yan, eh Jan nga sa PX store mo naglipanang hmmm... Ewan.
Boni: Ikaw ngang inaalala ko eh, baka kapag nakakita ka ng blue eyes, blonde hair tsaka
6footer eh Makalimutan mo ako.

(Tatayo si Corazon at itataas Ang kamay )

Cora: 6 Footer? Tama ka na nga jan. Si INGKONG nga lang sangkaterbang pabaon nun
sa akin. Alam mo ba kung anong sinasabi sa akin ni INGKONG?
Boni: Ano?
Cora: Eh di ung sinasabi ng katukayo mong si Andres Bonifacio. Ahmm.. paano nga ba
un... Ahmm...Aling pag-ibig pa kaya Ang hihigit tulad sa pag-ibig sa sariling lupa? Oh
kitam Memoryado ko na sa kakasermon sa akin. Ako raw ay pilipino at apo ni Andres
Bonifacio.
Boni: Ah hindi! Sabihin mo sa Lolo mo Hindi ka apo ni Bonifacio. Sabihin mo sa kanya
girlfriend ka ni Bonifacio.

Narrator: Kinabukasan, nagtungo si Corazon sa opisina ng kaniyang travel agent upang


asikasuhin ang ilang papeles at humingi din ng tulong para Kay Boni

Cora: Nga pala may problema ung kaibigan ko


Travel agent: Oo. Nurse din?
Cora: Hindi. May application sa US Navy
Travel agent: Approved na ba?
Cora: Sabi pero wla pang nangyayari eh. Maaari ko ba siyang isama dito?
Travel agent: Sure. Ano bang pangalan Nia?
Cora: Bonifacio Santos
Travel agent: Ah, di isama mo siya dito at nang makausap ko.
Cora : Ang pag -asa pa naman namin eh makakasunod siya sa akin sa States.
Travel agent: Ah Teka, ito bang si Bonifacio ay ano mo ba siya?
Cora: Kaibigan
Travel agent: Kaibigan? Meaning friend or kaibigang meaning.... ehem.. someone you love
and who loves you in return?
Cora: Pshhh... Huwag ka maingay

Narrator: Si Yolly na Ina ni Boni ay nagtatrabaho bilang sales clerk sa PX retail store.
Ngunit sa kaniyang paggawa tila laging nakatutok sa kaniya Ang mata ng isang
merchandise control guard.

Scene 6 : Pauwi na si Yolly, babatiin siya ni Bill sa gate ng base( isang Amerikano na tila
may gusto sa kanya) ngunit makikita siya ng merchandise control guard at manlilisik na
Ang mga mata nito habang pinagmamasdan si Yolly

Bill: Hi Yollanda
Yolly: Hi Bill
Bill: Going to town? Can I give you lift?
Yolly: Oh it's all right, I live nearby. Thanks

Narrator: Pauwi na galing sa pagpalaot Ang dlawang Mangingisda nang biglang barilin ng
isang Amerikano Ang Isa sa kanila.

Scene 7: Babarilin sa bangka Ang Isang Mangingisda.

Narrator: Ganun lng kadali para sa mga Amerikano na kumitil ng buhay ng mga Pilipino,
tila tautauhan lamang para sa kanila.

Narrator : Dahil sa kagustuhan ni Yolly na matulungan Ang kaniyang anak na si Boni na


makapunta sa States, humingi siya ng tulong sa isang Amerikano na tila may pagtingin sa
kaniya.
Scene 8: Namimili si Bill sa PX store na pinagtatrabahuhan ni Yolly. Lalapitan ito ni Yolly.

Yolly: Ahm.. Bill?


Bill: Hi! Yolanda
Yolanda: I wonder if you can help me
Bill : Sure. Anytime.
Yolanda: May I ask you a favor please?
Bill : Sure!

Scene 9: Hindi papalampasin ng Merchandise control guard si Yolly sa gate ng base.


Patatabihin siya sa gilid at kokomprontahin.

Merchandise control guard: Anong nakatago Jan sa bag mo?


Yolly: Nakatago? Eh di ung mga gamit ko, ano pa ba!
(Kukunin ng merchandise control guard Ang bag ni Yolly at bubuklatin Ang laman)
Yolly: Anong ibig sabihin nito?
Merchandise control guard: PX goods ito, mga US made, (bubuklatin Ang laman ng isang
papel) ambisyosa ka, gusto mo pang maging US Navy Ang anak mo. Ninakaw mo ito sa
commissary nuh? Dun ka nagtatrabaho?
Yolly: May PX store ako sa Dau
Merchandise control guard: Nag-iismuggle ka pa ng dollars.
Yolly: Pinalitan yan ng peso sa mga kaibigan Kong Amerikano kahit itanong mo sa kanila
sasamahan pa kita.
Merchandise control guard: Sumama ka sa akin! dito!

Narrator: Sari saring pambibintang Kay Yolly Ang ipinukol ng merchandise control guard.
Ngunit kahit anong paliwanag ni Yolly Hindi siya pinakikinggan nito. Kinapkapan siya sa
loob at sukdulang hubaran at kumpiskahin Ang kaniyang underwear. At ng nasa baba na
sila ng base ay tinawag pa ng merchandise control guard Ang pansin ng mga Amerikano
upang makita si Yolly. Labis na kahihiyan Ang tinamo ni Yolly matapos pagtawanan ng
mga Amerikano at bastusin ng isang Merchandise control guard. Kaya naman nang siya'y
umuwi ay hindi niya mapigilang itago Ang sakit na sinapit sa anak na si Boni.
Scene 10: Iiyak si Yolly sa harap ng anak na si Boni

Boni: Iiyak na lng kayo? Wla na bang ibang maaaring gawin kundi umiyak? (Tanong nito
sa Ina habang nakahawak sa balikat ng kniyang Ina)
Yolly: ( umiiyak na nagsasalita, habang pinapahid ng palad Ang nag-uunahang luha sa
kaniyang dalwang mata) Naiinis na nga Ako sa sarili ko eh, hindi ko mapigilan, paano?
Boni: Bakit kayo maiinis sa sarili ninyo? (Uupo sa tabi ng kaniyang Ina) Dapat mainis
kayo sa taong lumapastangan sa inyo eh.
Yolly: (Patuloy pa rin sa pag-iyak) Naiinis ako sa sarili ko dahil wla akong maggawa. Wla
akong maggawa kundi umiyak, kundi magwalang kibo.
Boni: (Uupo muli sa harap ng Ina, at nanggigigil na magsasalita, hahawakan Ang kamay
ng ina) meron, meron kayong maggagawa. Meron kayong dapat gawin.
Yolly: Ano?
Boni: Magprotesta kau. Malakas lng ang loob ng mga yan dahil mayroon silang patakaran
sa mga pinaghihinalaan nila. Sa ginawa nilang pambabastos sa inyo, magprotesta kau Inay.
(Tatanggalin ni Yolly Ang kamay sa pagkakapit ng anak)
Yolly: Kanino? Sa merchandise control guard? Di pati provost marshal office kakalabanin
ko? Hindi ko kayang lumaban dun. Tsaka ung kasalanan ng Isa hindi kasalanan ng lahat.
Aktibista ka ba? Magpoprotesta, gusto mong pumares sa mga estudyante dun sa Manila na
may dalang placards sa kalye at sisigaw ng Yankees go home? Eh parang sinakal mo na
Ang kabuhayan natin, alam mo namang doon nanggagaling Ang kabuhayan natin sa PX.
(Hahawakan Ang Mukha ng anak) at ikaw, paano Ang application mo sa US Navy? Paano
Ang pagpunta mo sa Amerika?
Boni: Hindi lng pagprotesta Ang dapat ninyong gawin, magdemanda kayo. Magdemanda
tau.

Narrator: Pumayag din si Yolly sa nais ng anak na si Boni, magdemanda sila laban sa
Merchandise control guard na lumapastangan sa kaniya. Ngunit pagkaraan ng ilang araw,
pinuntahan siya ng merchandise control guard sa kanilang tahanan kasama Ang dlawa
pang lalaki. Nagsaggawa ng raid at kinumpiska Ang lahat ng mga paninda nila dahil
Patuloy pa ring iginigiit na Ang mga paninda ni Yolanda ay ninakaw sa PX store. Kaya
naman agad silang nagtungo sa opisina ni Atty. Sunga ngunit ayon din kay Atty. Wla
talagang maggagawa laban sa kanila dahil wlang jurisdiction ang Pilipinas sa US bases.
Ibig sabihin wlang kapangyarihan Ang batas ng Pilipinas sa nasa loob ng bases. Kahit may
sapat na ebidensiya at nasa katuwiran pa, hindi sila maaaring usigin ng hukuman ng ating
bansa. Ang pagyayaring ito ay nagpabago ng kaisipan ni Boni, isina-isantabi na niya Ang
pangarap niya na maging US Navy pa.

Scene 11: Ililibing Ang tatlong bata na tinamaan ng shrapnel bullet sa Crow Valley

Narrator: Ang tatlong bata na tinamaan ng shrapnel bullet habang namumulot ng kalakal
sa Crow Valley ay ihahatid na sa knilang hantungan. Matagal bago sila mailibing sapagkat
una, wla namang pambayad agad sa punerarya Ang pamilyavng tatlong batang namatay.
Pangalawa, inimbistigahan pa ng mga poliysa at pangatlo pinakiusapan pa ang pamilya na
huwag ng magreklamo dahil Hindi, ay hindi na pahihintulutan pa sila na mangalakal sa
tambakan ng base na makakaapekto naman sa knilang kabuhayan.

Narrator: Papalapit na Ang araw ng paglipad ni Cora patungong States. Nakahanda na


Ang mga bagahe at abala sa paghahanda ang mga taga roon para sa kaniyang despidida.

(Nanonood si INGKONG sa pagkatay ng baboy, nakabuntot naman palagi si Carlito sa


kaniyang Lolo)

INGKONG: Lumayo ka nga sa akin akoy naiinitan.

(Magtutungo si Carlito sa nagbabalat ng saging upang tumulong ngunit pinagtutulakan


siya na tumulong)

(Makikitugtog sa nagpapatugtog ng gitara)

Lalaki : Ikaw na lng

(Iiling si Carlito. Tutungo na lamang sa kaniyang ate Cora upang tumulong sa pagliligpit
ng gamit ngunit ipagtutulakan din siya na tulungan na lamang Ang kaniyang Inay)

(Lalapit si Carlito sa Inay )


Carlito: Inay kakatayin na po ba ang manok?
Chedeng: Hindi pa mamaya pa

Narrator: Gustuhin man na makatulong ni Carlito sa mga Gawain, lagi naman siyang
pinagtutulakan. Kaya naman habang abala Ang marami, naisip niyang magpalipad na
lamang ng saranggola. Sumama siya sa ibang Bata at doon ay nagtungo sa lugar na kung
saan kabilin bilinan sa kaniya na huwag na huwag pupuntahan, Ang Crow Valley.

Scene 12: Habang nakatayo si Carlito, babarilin siya ng isang Amerikano at agad niya
itong ikamamatay.

Scene 13: Ihahatid si Carlito sa kanilang tahanan, wla ng buhay at naliligo sa sariling dugo.

Cora: Carlito, sinabi ko na sau na huwag kang pupunta doon ( Kakandungin Ang kapatid
habang umiiyak)

Scene 14: Nakaburol si Carlito, darating Ang dlawang Amerikano upang humigi ng tawad
sa nangyari.

(Lalapit Ang dlawang Amerikano Kay Cora na nakaupo malapit sa kabaong ni Carlito)

Amerikano: We're sorry ma'am, It was an accident. He was mistaken for a wild boar.

(Dahan dahang tatayo si Cora)


Cora: My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko'y tao Hindi baboy
damo! Siya'y tao! Ang kapatid ko'y tao Hindi baboy damo! Hindi baboy damo Ang kapatid
ko!
(Aalis Ang dalwang Amerikano, hahagulhol naman ng iyak si Cora. Lalapit si Boni para
yakapin si Cora)

Scene 15: Magkausap si Cora at Ang kaniyang Ina


Cora: Anong ikinatatakot ninyo Inay?
Chedeng: Kung itutuloy mo Ang pagdedemanda hindi ka na maaaring makaalis . Hindi ka
na nila papayagang makapunta sa States .
Cora : Hindi na ako tutuloy. Wla na akong interes sa pagpunta ng abroad. Ang tanging
interes ko lamang ay magbayad Ang gwardiyang bumaril Kay Carlito.
Chedeng: Humingi na sila ng paumanhin.
Cora: Ganun lng po ba Inay? Magsosorry sila, tapos na?
Chedeng: lalong lalaki Ang sunog Corazon
Cora : manonood na lamang ba tau sa ginagawang pagbaril ng mga gwardiyang
Amerikano sa mga Pilipino? Nang Hindi kasali si Carlito nanood lng ako. Pero ngaun, sila
lng po ba Ang tao? Anong tingin nila sa atin? Mga tau-tauhan?
Chedeng: Mapapares lng tau sa isang gami gamo. Gamo gamong lumundag sa apoy.
Cora: Opo Inay, gamo gamo lng tau, sila'y lawin. Pero dpat nilang malaman, kahit maliit
Ang gamo gamo Hindi takot sa apoy.
Chedeng: natatakot ako sa gagawin mo Corazon
Cora: Kelan pa tau magpapakilala? Hayaan ninyo Inay, mabuti na ring malaman ng mga
Amerikano, dito sa atin, minsa'y Isang gamo gamo Ang Hindi natakot sa lawin.

Narrator: Nagdemanda din si Corazon laban sa gwardiyang si Corporal James Smith


ngunit katulad ng nangyari sa reklamo nina Yolly, iisa pa rin Ang sagot ng Atty. Wlang
jurisdiction ang Philippine court. Babayaran lamang ng dollar Ang pamilya at tapos Ang
usapan. Samakatuwid, wla ring nanagot sa pagkamatay ni Carlito.

You might also like