You are on page 1of 6

SCRIPT:

Narrator: ang nobelang ito ay umiikot sa dalawang magkaibigan na sina nena at neneng na kung
saan nakasentro ito sa pagdurusa, at patuloy na pagsubok sa kanila ng kapalaran ng buhay. Sa
kabila ng lahat, may liwanag pa nga ba ang pagsikat ng araw?

(unang scene - nena at neneng nananahi)

neneng: umaawit habang nananahi

nena: (sandaling napatogil sa pananahi) , alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin lubos maisip kung bakit ko inibig si miguel?

neneng: hay nako, yan na naman tayo, pwede ba itigil na natin ang usapin tungkol sa miguel na yan?
sakit sa ulo lamang ang dala niyan! (pasigaw)

nena: nasayang lang ang buhay ko sa kaniya. hindi ko dapat inilaan ang aking oras at atensyon sa
taong walang ibang ginawa kundi ang uminom, maghanap ng away, mambabae, at magsugal.

neneng: buti na lamang at nahimasmasan ka noong isinumbong ko kay aling anday na


magkarelasyon kayo ni miguel, at hiniwalayan mo ang gunggong na iyon..

nena: nagsisisi pa rin ako sa mga oras na parang may poot ako saiyo sapagkat, ipinaalam mo ito
kay inang, ngunit tama ka. tama lang na iwan ko ang walang kwentang lalaki na iyon. Hindi ko
sasayangin ang buong buhay ko na nakatali sa kasal sa lalaking walang pangarap sa buhay.
naaalala ko pa rin nang malaman ko na may iba na siyang kinakasama, si chayong, ngunit naaawa
ako sa babae na iyon, nahulog siya sa isang patibong.

neneng: tunay na nakakaawa, naalala mo pa ba?

( FLASHBACK) ( next scene)

Miguel: ( naka tambay at nag iinom) (may nga kasamang babae)

nena: ( ibinato ang singsing) maghiway na tayo hindi ko na kaya ang iyong mga pinaparandam sa
akin, itigil na natin ito. nalaman ko na may kinakasama ka ng iba na babae at nililigawan mo pa
ito. ano bang tingin mo sa akin? isang laruan?

miguel: (walang imik at patuloy na umiinom)( TUMATAWA) kung yoon ang gusto mo, wala na
akong magagawa, umalis ka na, hindi na kita mapipigilan,

(habang paalis na si nena)

miguel: (pasigaw) hoy nena! tama ka! may iba na ako! at mas gusto ko siyang makasama kesa
sayo ,mas maganda at sexy, at higit sa lahat walang kaibigan na pakialamera at tiyahing akala
mo ay reyna ng sanlibutan! HAHAHAHA

(NAGTAWANAN? nena.. naglalakd palayo na umiiyak

(end of flashback)--

neneng: pasalamat tayo at nakulong na yon sa bilibid, sa dami ba naman ng mga kasalanan at
kasamaan non, tama lang iyon sa kaniya, balita ko ay doon na rin siya binawian ng buhay. maiba
nga, hindi pa tayo nakakakain ng tanghalian, itigil na muna natin ito at magpalamig.. tara na..

nena: mabuti pa nga. ( umalis)

(out of scene muna sina nena at neneng)

narrator: Ang babae sa likod ng paghihiwalay nina nena at miguel ay nangngangalang chayong,
isang dalaga na nakalaan ang pag-ibig para kay narciso.

(bago oala ay scene muna ni chayong at narciso)

narrator: Tahimik na nagbabasa ng mga librong siyensiya at kasaysayan si narciso sa ilalim ng


puno ng acacia, sa di kalayuan, hindi nito alam, pinagmamasdan siya ni chayong

( ang scene dito ay parang admiring from afar si chayong kay narciso) pero sa tuwing lumalapit na
si narciso kay chayong) ( lumalayo ito)

( binibigyan ng mga libro ni chayong si narciso at sabay sila nagbabasa nito)

miguel: chayong, sige na, minsan lang naman ito eh, tsaka ikaw lang ang aking iniibig, alam mo
naman iyan, pagbigyan mo na ako sa gusto ko.

chayong: ano ba miguel, pang ilang ulit ko na bang sasabihin sa iyo na kahit kapirasong pagtingin ay
wala akong maibibigay? , buo na ang loob ko na si narciso ang aking pakakasalan,

miguel: iniwan ko na para sa iyo si nena, pero nagmamatigas ka pa rin? bakit? may ipagmamalaki
ka na ba?

chayong: wala ng magandang idudulot ang usapan na ito, aalis na ako (paalis na)

miguel: ( hinawakan ang kamay ni chayong nang mahigpit)

chayong: bitawan mo ako miguel! nasasaktan ako! ano ba!


miguel: (mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak kay chayong)

narrator: sa lalim ng gabi, walang nakarinig sa sigaw, iyak at pagmamakaawa ng tulong ng


dalaga. mag- isa, takot, at tulala. Dahil sa pangyayari, nagdalang tao si chayong. Hindi niya gusto
na magkaroon ng isang anak mula sa taong kinapopootan niya, ngunit wala na siyang magawa. Si
chayong ay nawala sa kaniyang sarili, labis na nakaramdam ng pagkalungkot at pagkabalisa, hindi
alam ang gagawin. Sa kabila ng lahat ipinagpatuloy niya ang buhay, kahit hindi na ito masaya.
Ginawa niyang ninong si narciso ng kaniyang dinadala, ito na lamang ang naisip niyang paraan
upang magkaroon ng connection sa kaniyang naudlot na pag-ibig para kay narciso, hindi na
niyang muling kayang magmahal at magtiwala sa mga tao. isang araw na dinalaw ni narciso ang
kaniyang inaanak,nakabangga niya si neneng na maghahatid ng tahing damit para kay chayong.

(iaact lang yung ninanarrate)

ito ang simula ng pagiging magkasintahan ng dalawa, sa unang sulyap pa lang ni narciso sa mga
mata ni neneng, nahulog na ito dito.

narciso: ikaw at ikaw ang pipiliin ko sa araw araw,hindi ako magbabago aking mahal, ako'y saiyo,
pangako.

neneng: asahan mong ganoon rin ako, mahal. hindi ako gagawa ng mga bagay na magdudulot ng
gulo sa ating relasyon, ikaw lang ay sapat na para sa akin.

narrator: Sa kabilang dako, habang masaya si neneng sa kaniyang buhay pag-ibig, umuwi naman
si nena sa kaniyang sariling bayan dahil sa pagkamatay ng kaniyang amain, at dahil dito isang
pag-ibig pala muli ang magbubukas para kay nena...

( sa nayon) habang naglalakad lakad at nagmumuni-muni

nena: wala pa ring ipinagbago ang lugar na ito, tahimik at payapa pa rin, hindi tulad sa lungsod...

deogracias: nagkasalubong sila ni nena

deogracias: nena? ikaw na ba yan?

nena: sandali..uiii kamusta naaaa, ang tagal na natin hindi nakakapag-kwemtuhan, ang dami ng
nangyari

deogracias: marami na nga ang nangyari ngunit wala ka pa ring ipinagbago, buti't nakilala mo pa
ako!

nena: syempre naman bakit ko naman makakalimjtan ang aking kababata?


(habang naglakad palayo ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan pa rin)

deogracias: kamusta ka naman sa lungsod, hindo mo ba ako naiisip? hahahhaa biro lang

nena: paminsan minsan kapag gusto kong balikan ang mga alaala dito sa nayon, kahit na isa na
akong ulila, sa twing kasama kita noon ay hindi ko ramdam ang pag iisa, salamat.

deogracias: ano ka ba, wala yon. basta kung kailangan mo ng makakausap o kahit simpleng ka
kwentuhan nandito lamang ako parati para sayo. asahan mo iyan.

narrator: di nagtagal ay nagka-ibigan ang dalawa at nagpakasal. Inimbitahan ni nena si neneng at


narciso sa kanilang kasal. Sa kasalan ditk nakita ni isko si neneng na sa unang bungad pa lang ay
sumibol na ang pag-ibig nito patungo sa kaniya.

isko: (kinapitan ang kamay ni neneng) neneng, hayaan mo akong bigyan ka ng pagmamahal na para
sa iyo, lahat gagawin ko para lamang magustuhan mo ako, handa din akong maghintay kung yun
ang gusto mo, gusto ko lamang ipaalam sa iyo ang aking nararamdaman, spaagkat hindi ko na ito
kaya pang itago,

neneg: ngunit bawal ang oag ibig na ito, alam mo baman na meron na akong kasintahan at siya
lamang ang aking iniibig, hindi ko kayang masaktan ko si narciso dahil lamang sa iyo. patawad
ngunit hindi ito maaari.

narratior: Dumaan ang mga araw at panahon, ito na ang pinakahihintay ng lahat ang pag-iisang
dibdib nina neneng at narciso.

(act of kasal yoeeee))

narrator: hindi pa rin tumigil sa panunuyo si isko kay neneng kahit na ito ay kasal na, lumuluwas pa
rin ito galing maynila para lamang suyuin at ligawan si neneng, ito ay taliwas sa kaalaman ni
narciso. Habang pauwi ay nakita ni narciso na tumalon mula sa bintana si isko ng kanilang bahay,
at dito na nag-umpisa ang balakid sa kanilang pag-iibigan ni neneng

narciso: ano yong nakita ko? ha? kailan pa neneng?

neneng: nagkakamali ka ng pag unawa sa totoong nangyari narciso, hindi ko magagawang ikaw ay
lokohin,

narciso: pero ano yung nakita ko, isang lalaki na bilis bilis unalis ng ating tahanan? wala ka sa
aking binabanggit tungkol dito? sumagot ka

neneng: kung magpapaliwanag ba ako ay pakikinggan mo?

narciso: para ano pa! (kinuha ang mga gamit) paalis

neneng: saan ka pupunta, narciso! latawad ngunit hindj ko agad saiyo nasabi, ngunit walang
namamagitan sa amin ni isko, ikaw lamang ang aking minamahal

narciso: bitawan mo ako, kasinungalingan! aalis na ako, wag mo na akong hahanapin, ayaw ko ng
makarinig mg mga salita mula saiyo

(umalis padabog)

Narrator: Dinamdam ni neneng ang pag-iwan ng asawa, pumunta siya kina nena at sa likod ng
pag-aliw ng kaibigan ay.....

(malungkot si neneng ditk as in, tulala lang laging tulog tas hindi kumakain, walang ka energy
ergybdapat)

( laging bibigyan ng pagkain ni nena ngunit hindi kakainin, kinakausap rin ngunit sumasagot)

nena: NENENG!!! gumising ka! neneng! ano ba! wag mo nga ako binibiro! hindi magandang biro
to! neng, ano baa, hueag sa ganitong paraan, hueag mo akong iwanan, nenengggg (ginigusing,
ngunit wala na itoing buhay) ( iyak dapat dito si nena)

narrator: Hindi mapalagay si narciso kaya't bumalik ito sa tahanan, ngunit huli na ang lahat, nabatid
niyang yumao na si neneng dahil sa pagkasiphayo sa pag-ibig

nena: narciso, ito nga pala ang liham na ipinapaabot ni neneng kung sakaling bumalik ka,
matagal ka niyang hinintay....(paalis ng bahagya)

(biuksan ang sulat, )


sulat ni neneng lara kay narciso:

paalam, ngunit sa tingin ko ay ito na ang huli kong sasambitin ang iyong ngalan, patawad ngunit
napagod na akong maghintay sa taong hindi ko alam kung kailan pa babalik, kung babalikan ang
oras na iyon, ipipilit ko na ipagsigawan ang aking nararamdaman sa tuwing tayo ay magkasama,
mula sa iyong mga mata hanggang sa iyong malalalim na ngiti, babalikan ko ang panahon na kung
saan inuubos ang oras sa pagbabasa ng mga libro na tanging ikaw lamang ang nakakaintindi, ngunit
dahil sa iyo ay natuto ng napakaraming bagay na hindi lamang sa amga aklat matatagpuan, ikaw na
nagbigay ng bagong kulay sa aking mundo, simula ng ikaw ay dumating wala ng hiningi pang iba,
kung hahayaan ay uulitin ko ang bawat sandali na tayo ay magkasama, ngunit ngayon, dahil sinanay
mo ako sa iyong yakap at mainit na pagtanggap, nahihirapan akong kilalanin ang sarili sa aking pag
iisa. nakakatakot. nasanay ako sa payapa mong dala, hindi ako patahimikin ng aking isip kung
paano ko nais maayos ang ating relasyon, hayaan mo akong ihayag ang aking tunay na
damdamin,narciso, ikaw simula noon hanggang ngayon,sa tuwing malayo ka ay hangad ko lamang
ang iyong ligtas na pagbalik, walang sinoman ang makakapagpabago ng aking puso at isip, ikaw at
ikaw, patawad muli sa mga bagay na hindi ko nasabi, ito ang aking paliwanag, paalam.

narrator: nagmamadaling nanaog ng bahay si narciso upang magtungo sa libingan ni neneng lara
humingi ng tawad, sa kaniyang pagmamadi ay nadulas siya sa hagdan at sa pagkahulog ay
tumama ang kaniyang ulo bato upang maging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

back to the first scene

mabuti pa nga tara na

aling anday: nena! gising gising! binabangungott ka ata! gumising ka! nena:

indang? si neneng po?

aling inday: ano ba nenaaa, mag iisang taon ng latay si neneng

You might also like