You are on page 1of 837

GIRLFRIEND FOR HIRE. INTRO ^__^v Teka ahm ano. Paano ko ba sisimulan to? Sige, ganito na lang siguro..

Magpapakilala na lang muna ako huh?! Ang arte kasi, bakit kailangang may intro pang nalalaman tong author na to, pwede namang diretso na agad sa story line! -__- Hmp! Pero wala akong magagawa, kailangang sumunod at baka itsugi na nya agad ako dito sa story, tungkol pa naman sakin to. Pag natsugi ako, edi tapos narin ang kwento diba?! Parang tanga lang..hehe..Kaya eto na, sisimulan ko na, inip na kayo eh. . . Ako nga pala si Nami Shanaia San Jose. 17 years old, 1st year college student, SCHOLAR. Working student ako. Nakikitira lang ako sa auntie ko. Wala na kasi akong mga magulang. Well enough of that boring introduction about myself, masyado ng common tong ganito. Kaya pumunta na tayo sa interesting fact about me. . . Lahat na ata ng weird na trabaho napasukan ko na. Ewan ko ba kung bakit ang wiweird ng mga trabahong napasukan ko. O___O? Isipin niyo naman,

Naging taga alaga ako ng pusang may diabetes (SOSYAL NA PUSA NO?)

Naging taga tanggal ng pulgas ng aso ng kapitbahay namin (ANG DAMI KO NGANG KAGAT NUN!)

Naging mascot na sausage na nakatayo maghapon sa harapan ng isang restaurant na wala ng ginawa kung hindi sabihing Masarap ako, tikman niyo! (ah, ah! ayoko ng maalala na ginawa ko yan! Muntik na akong lapain ng aso dahil akala nga niya sausage ako! T.T)

Naging waitress din ako sa isang restaurant na ang mga waitress kailangan nakasuot ng ninja suit! (anu ba naman kasing trip ng mga restaurant ngayon?! Hindi ko talaga magets) at marami pang iba hindi ko na nga matandaan yung iba eh.. . . pero ang pinaka weird sa lahat ng napasukan kong trabaho . . ay ang trabaho ko ngayon.. Itong trabahong to ang pinaka, pinaka, pinaka, pinaka hindi ko ginusto sa lahat! Mas gusto ko pang maglinis ng tae ng aso o kaya naman tagakudkod ng libag ng taong grasa

sa kalye kesa gawin tong trabaho na ito..Kahit ano wag lang ito! Pero . . Wala na akong nagawa . . Sa huli, pumayag din ako . . pumayag akong . . . O__________O . . . kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! ni hindi ko maatim na sabihin! Sobrang hindi ko matanggap!

Pero eto na sasabihin ko na at baka mapatay niyo ako sa sobrang inis

Lunok laway. Takip tenga. Pumayag akong MAGING FAKE GIRLFRIEND NG PINAKA KINAIINISAN KONG LALAKI SA LAHAT NG MGA LALAKI SA BUONG MUNDO!

Oo..tama.. Pumayag akong magpanggap na mahal ko ang lalaking pinaka sinusumpa ko sa lahat. Paano ito nangyari? Paano ako napapayag ng lalaking yun na makisama sa katangahan niya? Anong mangyayari sa aming dalawa? Basahin niyo para malaman niyo ang sagot.

CHAPTER 1- Nami Shanaia San Jose call her NASH Nashs POV For your 1 million peso question NashAyon sa akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, ilan ang butas ng Bangka ni Crisostomo Ibarra ng lumubog ito?

a.1 b.2

c.3 d. WALA. Mabigat lang masyado si Ibarra.

huh?! Anu ba namang klaseng tanong yan?! Pati ba naman butas ng bangka ni Ibarra eh itatanong pa sa akin?! Eh hindi naman yun nakasulat sa libro ah?

Niloloko niyo ba ako?! Sabihin niyong nagloloko lang kayo..hindi naman talaga ayan yung 1 million peso question diba?! -pagtatanong ko sa host ng gameshow dahil talagang hindi ko lubos maisip na itatanong pa pati yun..baka naman nasa gag show lang ako o ano..

HahahahahahahahahahahahahahahahaHINDI.. -__- -host Posha! Tumawa pa ng parang walang bukas tapos hindi din naman pala ang sagot! Grrr! Pigilan niyo ko! Babanatan ko to!

Kailangan mong masagot yan Nash. Wala ka ng natitirang life lines. Pag hindi mo to nasagot ng tama, you go home with nothing Nash..so now whats your final answer?! -

pagtatanong nung hostahaaaaaay! Ah ah naman oh..uuwi ako ng wala man lang napala pag mali ang sagot ko? Kahit pamasahe man lang pauwi wala?! Grabe..hay..bahala na..

D. Yan ang sagot ko! -ewan ko ba, eh yun ang tinapatan nung nag eeni meeni maynimo ako eh! Is that your final answer Nash?! Final answer.. -cross fingers.. *____* tumama ka please..

For 1 million pesos Nash.. The correct answer is.. Ayan na, sasabihin na nya! Sana tama.. Sana tama.. Teka.. bakit ganun? Biglang umulan dito sa studio! *Tingin sa taas May bubong naman ah?! Eh bakit umuulan? Basang basa na tuloy ako! Waaaaaaaaaaah! Nagkakagulo na sa studio..may sumabog na kable! Pati yung host patakbo narin!

Teka! Saan kayo pupunta?! Pano na yung tamang sagot?! Hindi niyo pa sinasabi kung tama ako ah?! Pano na yung 1 million? pagtatanong ko dun sa host! Aba! sayang din eh.. Anu ka ba?! Malulunod tayo pag hindi tayo umalis dito! Kung gusto mong mamatay, wag mo akong idamay! Dyan ka na! Sungit naman nung host na yun! Anu bang sinasabi niyang malulunod? Hello? Ulan lang to? Kala mo naman tsunami.. Tumingin ako sa ibaba ko.. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! bakit ganun?! Ang taas na ng level ng tubig! Pataas ng pataas, malapit na ako sa may bubungan ng studio! Imposible! Bakit ganun?! Ulan lang naman to ah?! Ahuhu Ganito na lang ba ako mamamatay? Ni hindi pa ako yumayaman ah? Ramdam ko ng malulunod na ako, unti unti ng naaabot ng tubig yung mukha ko. Hindi pa naman ako marunong lumangoy! Siguro nga eto na ang katapusan ko.

Paalam 1 million koooo!! -ayun na lang ang nasabi ko at tuluyan na akong lumubog sa tubig, nawalan na ako ng malay..nagdilim na ang buong paligid. . . Mulat. Pikit. Mulat. Pikit. Mulat. Kurap kurap. . . Nakita ko si Katie. May hawak na balde, namatay din ba sya? Bakit may hawak syang balde? Siguro namatay to habang naliligo haha! KatieNalunod ka rin ba? Nasa langit na ba tayo?! -tanung ko sa kanya. Aray ko naman! Masakit aba!- Binato ba naman ako nung hawak niyang balde?! Ang init naman ng ulo neto! Parang nagtatanong lang eh..huhu..may bukol ata ako..sapul sa ulo eh! Katie talaga T.T Langit langit ka dyang sinasabi! Umagang umaga Nash binibwisit mo ako! Gusto mong ipatikim ko sayo ang impyerno?! Busit! Ang hirap mong gisingin! Inalog na kita! Nagtatalon na ako sa kama mo! Gumamit na ko ng microphone para sigawan ka! Wala paring epekto! Kung hindi pa kita binuhusan ng tubig, hindi ka pa magigising! galit na galit na tlga sya..umuusok na naman ang ilong eh! Nakakatakot tlga si Katie pag galit..T.T Ah..eh..hehe..so kaya pala ako basang-basa sa panaginip ko kasi binuhusan mo pala ako ng tubig! Hahaha..panaginip lang pala yun?! Katie naman! Napaka wrong timing mo talagang babae ka! Malalaman ko na yung tamang sagot eh. Mananalo na ako ng 1 million eh, alam

mo yun?! Huhu Hay nako Nash.. Tigilan mo na nga yang mga katangahan mo at maligo ka na! Maaga pa ang klase natin! Pag ako nalate dahil sayo nako! waaaaaaaah..nakaamba ng manununtok yung kamay niya! Ahuhu. Katie" (sweet pa ang boses ko dyan! :D ) Ano?!! - waaaaaah..galit parin sya! Kahit 5 minutes lang..tutulog ulit ako..Baka kasi manalo na ako ng 1 million dun sa panaginip ko, itutuloy ko lang huh?! Pag nanalo ako dun, babalatuhan kita! ^___^v nakapeace sign pa ako nyan..pero pag lingon ko kay Katie.. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! . . T____T Bakit may hawak na syang kutsilyo?! Tapos nakatutok pa sakin! Katie! San mo nakuha yan?! -nakuha ko pang itanong yun no?! eh kasi naman nasa kwarto kami tapos bigla syang may kutsilyo..katabi nya ba yun pagtulog? Waaaaah..weird nya talaga..nakakatakot.. Wala kang pakialam. Pag bilang ko ng lima at hindi ka pa naliligo Nash! Magdasal ka na! tutuluyan na kita! uwaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Wag Katie..maawa ka..wag..Eto na oh (tumayo na ako sa kama) Sabi ko nga maliligo na ako.. hehe.. Oh tingnan mo oh papunta na akong c.r." (nakaturo pa ako sa c.r. nun..sabay smile sa kanya..)

nakapause lang sya dun..hindi inaalis ang mata sakin..nakatutok parin yung kutsilyo! Bilis bilis akong pumasok sa c.r. Hay..Grabe talaga magalit si Katie.. Nakahinga ako ng maluwag nun..gising na gising talaga ako.

Si Katie, sya ay anak ng auntie ko. May kapatid sya si Stacy. Kung nakakatakot si Katie, nako walang wala sya kung ikukumpara kay Stacy, reyna ng kademonyohan yun! Sobrang init ng dugo nun sakin, buti na nga lang at magkasundo kami ni Katie. Oo, magkasundo kami ng lagay na yan! Ganyan kami maglambingan! Sweet no? hehe. Ang totoo nyan mabait naman si Katie eh. Wag mo lang talaga sya gagalitin, sobrang mainitin kasi ulo nyan. Nako, nakakatakot talagaa, pero dahil nga sa 3 years narin kaming magkasama, sya na halos ang best friend ko. Para na kaming magkapatid nyan. Magkasama kami ni Katie sa room nya. Imposible naman akong hayaan ng Stacy na yun na tumabi sa kanya no! Dito nga pala ako nakatira kila Auntie Melba simula nung 14 years old ako. Wala na kasi akong mga magulang. My parents got separated when I was only 13 years old. Kay dad ako nagstay since mas close ako kay dad at si mom naman, ayaw din naman nya akong isama sa kanya. Only child lang ako. Naalala ko nun kung paanong magmakaawa si dad nun kay mom na magstay. Halos lumuhod na si dad para lang wag umalis si mom pero, talaga atang walang puso si mom, umalis parin sya. Iniwan niya parin kami ni dad. Simula nunsi dad, naging sobrang malulungkutin na nya. Kung dati nakikipaglokohan pa sya sakin, pagkatapos nun, nakakulong na lang sya sa kwarto lage. Pag lumalabas sya,

pinipilit nyang maging malakas sa harapan ko peroalam ko naman kung gano sya nasasaktan ng mga oras na yon, at wala akong magawa. Isang taon ang nakalipas pero mukhang hindi parin matanggap ni dad na iniwan na kami ni mom. Nung araw ng anniversary nila ni mom, umalis si dad. Ayaw ko syang payagan pero aalis lang daw sya para makalimutan nya man lang na special ang araw na yun, wala rin akong nagawa. Pasado alas dose na, hinihintay ko si dad. Wala parin kasi sya, hanggang sa..ayun biglang may tumawag narin sa cellphone ko, number ni dad, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi kung anu ng nangyari sa kanya. Pero ng marinig ko ang nagsalita sa phone, parang gumuho ang mundo ko. Ibang tao ang tumawag sakin, gamit lang ang cellphone ni dad. Nasa hospital daw si dad, nag-aagaw buhay! Nagmaneho daw ito kahit sobrang lasing na at nabangga ang kotse nya ng isang truck! Hay, hindi ko alam ang gagawin ko nun, walang tigil sa pagtulo ang luha ko pero wala na akong maisip, ang gusto ko lang nun makapunta kay dad. Pag dating ko sa hospital, nakita ko si dad pero. Wala naHuli na pala ako. Kasi wala na syang buhay. Wala na si dad. Mag-isa na lang ako. At ang babaeng yun, ang magaling kong ina, ni hindi man lang nya nakuhang pumunta sa burol ni dad! Kaya namatay si dad dahil sa kanya! Kung hindi niya kami iniwan, edi sana, hindi naglasing si dad! Edi sana buhay pa sya ngayon. Edi sanahindi ako mag -isa.

Teka nga! Ayan tumutulo na naman tong luha ko, peste talaga. Bakit kasi napunta ang usapan dun! Tama na nga! Umagang-umaga puro drama! So ayun nga, si Auntie Melba na kapatid ni dad ang kumupkop sakin. Mabait naman si Auntie Melba, itinuring na nila akong pamilya ng asawa nyang si Tiyo Tony, pati si Katie, para na nya akong kapatid. Si Stacy, ayaw na nya talaga sakin nung una pa lang, ewan ko kung bakit. Scholar ako kaya naman nakakapag-aral ako sa school nila Katie. Working student ako, nakakahiya naman kasi kung pati baon ko sa eskwela eh iaasa ko pa kila Auntie Melba, kaya naman nagpasya akong magtrabaho kahit na bata pa ak Nash! Bilisan mo ngang maligo! Anu ba! Iiwan na kita dyan eh! Si Katie talaga! Hindi naman sya masyadong excited pumasok no?! Sa susunod na lang ulit ako magkukwento, baka patayin na ako ni Katie!

CHAPTER 2- MOST UNFORGETTABLE FIRST DAY OF SCHOOL Nashs POV Naglalakad na kami ni Katie ngayon papuntang schooll. Walking distance lang naman kasi kaya nilalakad na lang namin. Sayang naman kasi kung mamamasahe pa kami. Classmates kami ni Katie, pareho kaming HRM students (Sa mga hindi alam ang meaning ng HRM ayun po ay Hotel and Restaurant Management..hehe) 1st year kaming pareho. 1st day namin to as College students. Si Katie, dito na sya nag high school kaya alam na nya ang bawat lugar dito sa school, ako?! first time ko lang since sa public school na lang ako pinapasok nila Auntie nung namatay si

dad. Si Stacy naman, tourism student sya, 1st year din. Hay pasalamat na lang ako at hindi kami parehas ng course, kung hindi, nako! Gyera araw-araw!

Pagdating sa classroom . . Katok. Katok. Katok (nakasarado na kasi yung room. Nagsisimula ng magpakilala yung ibang studyante..ou 1st day kasi ng class diba kaya nasa get to know each other stage pa ang lahat..) Bumukas ang pinto.. Erm..are you in this class? Ito ba ung prof namin? Muka syang estudyante.. At in fairness, GWAPO. Kaya naman itong katabi ko, tutunawin na ata si sir sa pagtitig. kaya ayun, ako na lang ang sumagot. Yes sir..HRM 1-A sir. Im sorry we are late sir. It wont happen again sir! PROMISE nakataas pa ang kamay ko nun na parang magpapanatang makabayan.. -___- aw..kabado kasi ako..tapos puro sir na lang ako ng puro sir . hays nakakahiya tuloy..Feeling ko nagbblush na ako sa sobrang hiya! >__< Hahaha..masyado ka namang formal miss..hindi naman masyadong malayo ang edad mo sakin! Haha..ayos lang yun, napagdaanan ko rin yan..Normal lang sa studyante ang malate..ang cute mo! Haha" hindi naman sya masyadong masaya no? haha Cool tong teacher na to ah, mukhang magkakasundo naman kami.

Siniko ako bigla ni Katie! Etong babae talagang to napaka brutal eh no?! -____Selos ako! Ang cute mo daw! Waah Nash! Ang cool nyang teacher! Gaganahan na akong pumasok neto lage! -hays si Katie talaga, kung makakire din minsan eh! Katie! Wag ka nga masyado maingay! Baka marinig nya yang mga sinasabi mo! teacher parin natin yan, mahiya ka naman ng konti! Oh pasok na kayo. Give me your class cards and then occupy the seats at the back sabay nagsmile pa si sir, edi kayo na nga ang gwapo! Thank you sir ^_____^ - Katie Kung makangiti naman tong si Katie habang sinasabi yun akala mo wala ng bukas! Landi talaga nitong babaeng to. Ayun nagpakilala lang kami. 3 subjects ata yun na magkakasunod na puro ganun lang ang ginawa. Si Katie naman, wala ng bukang bibig kung hindi Ang gwapo talaga ni Steven! Sino si Steven? Si Steven lang naman yung teacher namin kanina! Si Sir Steven De la Torre. Steven na lang daw ang tawag niya kay sir, feel nya un eh. Walang galang tong babaeng to. Feeling nya kaedad nya si sir. Hay..as if naman may patutunguhan ang kagagahan niya! . . Papunta na kami ngaun ni Katie sa foodcourt para maglunch. May isang class pa kasi kami, tapos 4 pm pa yun. Nakakatamad, ang daming vacant. Hayyyyyyyyy, pag dating namin dun ang dameng studyante! Ang haba ng pila! Tingin dito..tingin doon..tingin dito.. tingin doon.. tingin ulit hanggang sa.. .

. XDDDDDD Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakita ko siya! Ou siya nga! Matagal ko na siyang hinahanap. Dito ko lang pala ulit sya makikita! Palapit na ako ng palapit sa lugar kung nasaan siya.. Dug dug. Dug dug. Hindi ko na napapansin ang ibang studyante sa harapan ko. Sya na lang ang nakikita ko. Eto na, Malapit na. Konting konti na lang MAHAHAWAKAN NARIN KITA! . . *Zooooooooooooom! Biglang may lalaking dumampot sa kanya! O____O ! (naguluhan ba kayo?! hehe. Hindi naman kasi tao ang tinutukoy ko dito eh. Ang sinasabi kong siya ay yung CHOCO-STRAWBERRY CAKE na nasa may counter.) Waaaaaaaaaaaaaah! Last slice na lang yun eh! Bihira pa naman ako makatsempo ng flavor na yun! Asar! Sino ba kasi tong lalaking to? Hindi naman siya nakapila kanina ah? Kasi si Katie naman ang kasunod ko! Aba! Teka! Patay to sakin! Hoy lalaki! -sabay duro ko sa kanya. Napatingin naman sya, pero nakatitig lang. Nakakaloko ah! Ang kapal naman ng mukha mo! Wala ka bang utak?! Para kang walang pinag-aralan! Basta

ka sumisingit sa pila! Tapos kinuha mo pa yung slice ng cake ko! Asar na asar talaga ako. Hindi na nga ako nakapag breakfast kanina, tapos aagawin pa sakin tong pinaka favorite kong pagkaen sa lahat?! Alam kong lunch na at iniisip niyo siguro na lunch?! cake?! pero bihira tong cake na to kaya nga ito parin ang kakainin ko at kahit medyo may kamahalan yun, bibilhin ko parin kahit kuripot ako! Ganun ko ito kagusto! Bwisit! Ngumiti sya bigla sa akin. Yung mga tao sa paligid talagang pinagtitinginan na kami! Napalakas ba ang sigaw ko?! Tapos yung ibang nasa palligid kong mga babae nagbubulungan pa. Pero hindi! Wala na akong pakialam! Basta bwisit na bwisit ako dito sa lalaking ito! Lumapit sya sa akin sabay hahaplosin sana yung buhok ko! Aba at mamanyakin pa ata ako! Tinabig ko nga yung kamay niya! Akala niya huh! Nagsalita sya, ang lapit nya sa akin! Hahahahaha bago ka dito no miss? hmmm..CAKE MO ba kamo? -eh bingi pala tong isang to eh! Gwapo na sana eh! Bingi nga lang! Ou cake ko! Babayaran ko na kasi dapat yan! Umepal ka lang! -sigaw ko! Hindi mo pa naman pala nababayaran eh" (sabay ngiti pa!) bwisit talaga! Kahit na! Ako kasi dapat ang una! Sumingit ka lang dyan sa pila! Akala mo kung sino ka ah! Kung umasta ka! Bakit ikaw ba ang may ari nitong school?!" -galit na galit na talaga ako nun Lumapit pa sya lalo sa akin! Ano bang problema nito?! Ngayon pati mukha nya malapit narin. Hinawakan niya ako sa may baba ko. Yung pwestong parang hahalikan, ganun! Tapos ngumiti na naman siya! >__<

Natulala ako nun! Pero hindi dahil sa ang ganda ng ngiti nya at ang gwapo niya nun, hindi! Panget sya! Panget! well, medyo gwapo, pero hindi! Panget siya! Unggoy! So ayun, tulala lang ako habang ang pwesto namin ganun parin. Tapos bigla syang bumunot sa bulsa niya, pero hindi parin inaalis ang titig nya sakin, hawak parin niya ako. Tiningnan ko kung anu yung dinukot niya! Aba baka mamaya saksakin niya ako! Oh hindi! Pero pag bunot niya, ang nakita ko ay . . PERA! Oo. 1 thousand yun. Pagkakuha niya nun, sabay abot ng pera sa counter! Nakatingin parin sakin, posisyon namin ganun parin at ako TULALA PARIN! Nakakainis! Anu bang nangyayari sakin?! Bakit hindi ako makagalaw?! Asar! Pano ba yan? Nabayaran ko na. So,that means AKIN na to diba?! Ahaha -sya Binitawan niya ako sabay kinagat yung cake. Nakatulala parin ako nun. Sumigaw sya sa counter, Keep the change! ! thousand yung binayad niya ah? Hindi na nya kukunin ung sukli? Ilang slice pa kasi ng cake, ay teka isang buong cake na ang pwedeng mabili nun eh! Lumakad na siya. Akala ko lalagpasan na nya na lang ako, pero.. Bigla siyang tumigil sa tapat ko, at may ibinulong sa akin.. .

. . O____O . . . O____O ! . . . Tinanong mo ako kanina kung ako ba ang may ari ng skul na ito diba? Well, hindi naman sa ako talaga ang mismong may ari, FAMILY ko lang naman. By the way, Im Bryle Caleb Stanford, in case you didnt know, wag mong kakalimutan huh?! -sabay ngiti ulit tapos nagpatuloy ng paglalakad. Ako naman, naiwan lang na nakatulala parin. Pinagmasdan ko sya habang lumalakad. Likod na lang niya ang kita ko, tapos bigla syang tumigil, tapos sumigaw. Ill make sure na hindi ito ang huli nating pagkikita Ms. Nami San Jose! Hindi ko makakalimutan tong araw na ito. . . Uwaaaaaah!

Natauhan ako bigla! Lunok laway.. BbbBryle Caleb Sss-STANFORD?! STANFORD?! STANFORD?! Eh diba STANFORD UNIVERSITY tong school na to?! Waaaaah! So sila nga ang may-ari?! Tapos Tapos alam niya ang pangalan ko! Waaah! Nakita niya siguro yung I.D. ko! At talagang tinandaan pa nya! Waaah! Paano na ako nito?! Inaway ko lang naman ang may ari ng skul kung saan hamak na SCHOLAR lang ako. Ano kayang gagawin niya sakin? Tatanggalin ang scholarship ko? Papatalsikin ako sa school? O kaya naman baka ipakidnap niya ako tapos ipabugbog at ipatapon na lang sa dagat! Waaaaah! Erase erase! Kung anu-anu kasing pinapanuod kong koreanovela kaya kung anu-anu na tong pumapasok sa isip ko! hays..Anu ba tong gulong pinasok ko? T___T *Umpog ulo. Umpog ulo. Hay! Bahala na! Wala naman akong ginawang mali eh!

Pero natatakot parin ako. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko pang yumaman! Marami pa akong pangarap! huhu..kaya hindi ako susuko! Tama! Hindi ako papatalo sayo! Lalabanan kita Bryle Caleb Stanford! Waaah! Help me Lord! *sign of the cross.. T____T

CHAPTER 3- MEET BRYLE CALEB STANFORD ;) Bryles POV (-_____-) zzzzzzZzzZ NP: PARTY ROCK by LMFAO . . O______O . . Anu ba naman?! Ang ingay nitong cellphone na to ah! hinagis ko yung cellphone, tumama sa pader, lasog lasog, wasak ang screen. *tulog ulit After 5 minutes . .

Young master..Young master.. Wala naman akong natatandaang nag-alarm tone ako ng young master, young master" ah? Guni-guni ko siguro. Hmmm..makatulog na nga ulit. YOUNG MASTERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR! ow sh*t! Anu ba yan?! Naka megaphone dapat?! Anu bang problema mo huh?! Natutulog yung tao diba? Sino bang boss dito huh? Sino sa tingin mo? Ako diba?! Kaya gigising ako kung kailan ko gusto! Panira ka ng tulog eh! Letche! Pag bilang ko ng lima at hindi ka pa nakakaalis dito sa kwarto ko, papalayasin kita dito at mawawalan ka ng trabaho! -sigaw ko Ayoko sa lahat, gigisingin ako pag ganitong kulang ako sa tulog! Nakakainis talaga. Umagang umaga badtrip tuloy -_____Y-y-young master, pero po ang sa-sa-sabi sakin ng lo-lo-lolo niyo, gisingin ko daw po kayo kahit anung mangyari! Napag utusan lang po ako young master, pa-pa-papatayin po ako ng lolo niyo pag hindi ko kayo nagising! Maaga pa po ang klase niyo diba?! Kaya gumising na po kayo young master. Y-y-y-y-Young master..k-kasi po, letche! Bakit ba ganan ka magsalita? Putol putol! Lalo mo kong binibwisit eh! Magsasalita lang ayaw pang ayusin! Wala akong pakialam kung inutusan ka nung matandang yun! Basta pag bilang kong lima at hindi ka pa nakakaalis dito sa kwarto ko, pasensyahan tayo! Isa..dalwa..tat- *Zoooooom..*kalabog ng pinto "Aalis ka din naman pala eh! Gusto pang tinatakot, leche! Makatulog na nga ulit .

. *Bam! Biglang bukas ng pinto! May sumipa. Hays, anu na naman ba yan?! Sabi ng tantanan niyo na ako eh! Sabi ng natutulog yung tao! Bakit ba hindi kayo makaintindi? *nakapikit ako habang sinasabi yan. Aba, eh sa antok na antok pa ako eh! Anu bang masama sa pagtulog? Bwisit tong mga to ah! *Kachik kachik (a/n : haha, sound effect yan ng pag kasa ng baril) Babangon ka diyan sa higaan mo o habang buhay na kitang patutulugin huh Bryle?! -sabay may nagpapaputok! Tumama dun sa lamp shade sa kwarto! O______________O Waaaaaaaaah! S-s-s-s-si lolo..(ay PSH, nahawa na ako dun sa isang katulong! ) Bakit may hawak na baril tong matandang to?! Tapos nagpaputok pa! Papatayin ata ako nito eh! Bumangon ako bigla. Aba, ikaw ba naman ang paputukan, tingnan natin kung hindi ka agad babangon mula sa pagkakahiga mo! Hoy tanda! Anu ba?! Papatayin mo ba ako?! Mang gigising ka lang kailangan pang may baril pang gamit?! Kung katulad mo Bryle ang gigisingin kahit kanyon pa handa kong gamitin! Napaka hirap mong gisinging leche ka! At pinagbantaan mo pa yung katulong! Aba, at sinumbong pa pala ako ng magaling na katulong na yun!! Nako, kung natandaan ko lang ang pagmumuka niya, patay talaga siya sa akin! Pasalamat siya at Waaaaaah! Bakit nakatutok na sakin yung baril?! Anu pang tinatanga-tanga mo dyan?! kumilos ka na! pag bilang ko ng lima at wala ka pa sa

c.r. papaputukan tlga kitang bata ka! Isa..dalwa..tat-- Mukhang alam niyo na kung saan ako nagmana no? Takot ko na lang sa baril =_____= Hays, yung matandang yun talaga. Hindi na ako manalo-nalo dun eh, kaya ayun..tumakbo na ako papuntang c.r. , at habang tumatakbo ako binulong ko.. Pasalamat kang matanda ka at may baril ka! *busheeng uwaaaaaaaaah! Nagpaputok na naman siya! Anung sinabi mo huh Bryle? takte, gaano ba katalas ang pandinig nito?! Bwisit! Muntik na ako dun ah! Ayoko pang mamatay. Huh? Ah eh..Wala po, sabi ko nga po maliligo na nga po ako eh LOLO -biglang naging magalang no? alam ko kasing titigil yang matandang yan pag nag PO na ako at tinawag ko na syang lolo =____= Good, pagkatapos mo apo, breakfast na tayo ni lolo huh?" sabay ang sweet nya naman bigla?! May split personality din tong matandang to eh! Hay..makaligo na nga, pag nalate ako sa school patay na naman ako sa matandang yan. Ako si Bryle Caleb Stanford. 17 years old. Business Management student. Gusto ko sana talaga maging motor cross racer eh, kaso wala naman pa lang course para dun. Kailan ko lang nalaman! =____= Kaya ito, ang matandang yun na lang ang pumili nitong course ko. Since siya naman ang may ari ng school, hindi na nahirapan pang ipasok ako dun. Kahit na ang sasama ng grades ko nung high school at puro bad ang feedbacks sakin, ang dami ko daw kasing mga

kalokohan =_____= Eh sa ang saya pagtripan ng mga teachers eh! Hindi ko naman sila sinasaktan ah? Pinaglalaruan ko lang sila! Dito ako nakatira sa bahay ng matandang ito, nasaan ang parents ko? Wellwala na akong magulang. Simula nung 3 years old ako ang matandang yun na ang nag-alaga sakin. Hindi ko na nga matandaan kung anu ang itsura ng mga magulang ko, sa pictures ko na lang sila nakita. Sabi nung matanda, my mom and dad left for their vacation in Hawaii. Kasama dapat ako nun kasi nga family trip dapat yun, pero nagkaron daw ako ng chicken pox a day before, kaya hindi ako nakasama. And then, ayun,nabalitaan, nagcrash ang private plane na sinakyan nila. Sabi ng mga tao sakin habang lumalaki ako, swerte daw ako kasi, hindi ako nakasama nung araw na yun. Hindi ako nakasamang mamatay ng mga magulang ko pero.. Iba ang nasa isip ko eh, ewan ko ba, pero minsan, iniisip ko..Sana nakasama na lang ako dun. Kasi kung namatay rin ako kasama sila, baka ngayon, sa kabilang buhay, baka sakaling naramdaman ko ang pakiramdam na mayroong magulang. Ang mahalin ng magulang, baka sakaling maramdaman ko yun dun. Teka! senti na masyado tong kwento ko ah! Takte naman oh! =____= Anu ba tong sinasabi ko? Epekto siguro to ng pagkakabaril nung matandang yun! Masyadong naalog ang utak ko. Mabilisan na ngang maligo =_____= *Kuha ng damit. Bihis. Ayos konti ng buhok. Pabango. Anu pa bang kulang?! Wala na.. -wala na naman diba?! pero bakit parang meron?

Lumabas ako ng kwarto. Naglalakad na ako sa may hallway ng bigla kong maalala, sh*t, nakalimutan ko yung cellphone ko! ( *Tingin tingin sa paligid ) damn! Bakit walang katulong! Wala tuloy mauutusan bumalik sa kwarto ko! Hays bakit kasi ang lawak nitong bahay na to! Ang haba pa tuloy ng lalakarin ko! =____= Bumalik ako sa kwarto ko, at pag dating ko dun.. Nakita ko yung cellphone ko, sira sira na. Ibinato ko nga pala yun kanina! Hays! Bibili na lang ako ng bago mamaya.. Litsi..bumalik ako para sa wala, so ayun lumabas na ulit ako =_____= Dumaan ako sa dining room namin. Magpapaalam na ako sa matandang yun, magagalit kasi yun pag hindi ako nagpaalam. Lo, alis na ako. Hindi na ako kakaen, malelate na ako eh. Bawal akong malate sa klase. May taga monitor ang matandang to sa school kung sakaling umabsent ako o malate. College na daw ako kaya hindi na pwedeng umasta ng katulad nung high school pa ako! Nakakainis no? at pag nalaman niyang may absents ako mas malupit pa dun sa kanina ang aabutin ko, pesteng matanda talaga. . . Young master sakay na po kayo.. Ang bagal kayang magmaneho ng isang to,malelate ako! Wag na. Ill use my motorcycle.. Pero sir ayaw ng lolo niyo na

Ayaw ni lolo na pagamitin ako ng motorcycle sa school kasi delikado daw..lahay! Basta! Kung hindi naman niya malalaman, ayos lang :P Subukan mong sabihin sa matandang yun na ginamit ko ang motor ko, patay ka sakin. O-opo sir.." takot naman sakin tong mga to eh! Dun lang talaga sa matandang yun ako hindi umuubra eh! =_______= . . Ayan nasa school na ako, umabot naman ako sa time! Sakto, hindi ako dedo dun sa matanda. Kaso bigla akong tinanong ni Tommy, best friend/ classmate ko.. . . O________O . . Nasaan yung gamit mo sa school Bryle? Bakit wala kang dalang bag? -tanong niya PSH! Sabi ko na eh! Parang may nakalimutan talaga ako! At peste yung bag ko pa! Hays! Kailangan ko pa tuloy itawag sa bahay na isunod sakin yung gamit ko. Malas na araw -____-

CHAPTER 4- Loading........Game of CAT and MOUSE

NASH's POV T_______T huhuhu . . O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! . . T_______T huhuhu . . O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! . . . T_______T hu--*poink! (BATOK) "Aray naman Katie! ah ah! Kanina ka pa ah! Nakakailan ka na sakin!" batukan ba naman ako bigla?! Naiyak na nga yung tao tapos babatukan pa? Ang bait tlgang friend nitong c katie! sobra! -_note: awas na kami nito (a/n : sa mga hindi taga San Pablo ang meaning po ng "AWAS" ay nakalabas na sa klase or

tapos na ang klase) Pagkatapos nung nangyari sa food court kanina, kinaladkad na lang ako ni katie palabas at nag sorry sa mga tao dun, ako? tulala parin nun. Pumasok kami sa last subject pero, wala naman akong naintindihan, lumilipad ang utak ko at ngayun nga, nandito na kami sa kwarto namin ni Katie. "Eh kasi naman Nash! Para kang tanga! Iiyak, sisigaw! Iiyak, sisigaw! . Aba! Mabuti sana kung ikaw lang dito sa kwarto no?! pero hindi eh! Hindi ako makapanuod ng ayos gawa mo! Para kang nanganganding pusa!" hmp! sungit naman neto! Tapos pusa daw?!! Ako?! Pusa?! Takte! Kahit aso nlng sana! Pero sa malanding pusa?! Hindiiiii! ayoko sa pusa! "Eeeeeeeeeeeeeeh! Katie! Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo yun! Kahit ikumpara mo na ako sa nauulol na aso, sa nangangating pulgas o kahit na sa tumatalong garapata, wag lang sa pusa! Kaya bawiin mo yung sinabi mo! bawiin mo! bawiin mo!" Inaalog ko na sya nan. "God! stop it! Stop it Nash or I swear I'll kill you! "-napatigil naman ako nun sa pag alog sa kanya "eh kasi Kat--" "heh! Tahimik! Ako muna huh Nash?! pwede?!" -hindi na ako pinatapos eh! anu pa nga bang magagawa ko? edi ayun..tumango nlng ako at nakinig =__= . . "*sigh Unang una Nash, shet naman! Hindi naman tungkol sa pusa ang issue dito eh! Ginawa ko lang yung comparison! Pangalawa, anu bang iniiyak-iyak mo dyan?! Eh ikaw tong

napakatapang at naghahamon agad ng away dahil sa isang cake? Nash isang cake? Handa kang makipagpatayan para sa isang CAKE?! PSH. Bobo ka tlga! At pag minamalas ka pa nga naman, makikipag-away ka na lang din kay BRYLE STANFORD PA! BRYLE S-T-A-N-F-O-RD" "eh hindi ko--" "hep hep! Sinabi ko bang magpaliwanag ka?!" -umiling lang ako.. eh kasi naman eh! hindi ko naman talaga alam eh! Malay ko ba diba?! Ay teka, baka mamaya mabasa na din nitong si Katie ang isip ko, pagalitan na naman ako nito! *mouth zip. Makikinig na lang ulit ako. "Hindi mo pa kilala ang lalaking yun Nash. Ou gwapo sya, mala anghel ang mukha, ngiting parang tinatangay ka sa langit, matang---ay teka! ahaha, crush ko kasi yun eh! haha. Pero kahit ganun yun nako, nakakatakot yun magalit. Wala syang sinasanto, kahit mga teachers nga hindi nakakaligtas sa mga kalokohan nun, ikaw pa kaya?! Alam mo, wala pang nang away sa kanya ng ganun at alam mo ba? wala pa yung kinakausap na babae sa school ng ganun kahaba ang sinabi. Kadalasan kasi, dadaanan ka lang niya. Kung sasagot minsan oo, hindi, *katahimikan lang. Swerte ka na kung magsalita yun sayo ng more than 3 words! Tapos nilapitan ka pa niya?! Wala pa syang ginagawan ng ganun kahit nung high school pa kami. Hay..hindi ko nga alam kung dapat akong mainggit sayo o maawa." "Oh tapos?!" -haha..gusto ko lang mang asar! masyado kasing high blood tong si Katie "aaaaaanoooooooong oh tapos ka dyan?!" takip mata.. . .

silip . . inaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Nanlilisik na yung mata nya! Wrong move Nash! Wrong move . . "he-he" -nag peace sign ako ^_^v Hinampas nya ng kamay niya ang muka niya, nababaliw na ata tong isang to! haha "Hay nako Nash! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Basta ang payo ko lang sayo, pagpasok natin bukas ihanda mo na ang sarili mo sa pwedeng mangyari. Maging attentive ka, magpakatatag ka. Andyan ka na eh, wala ka ng magagawa. Basta wag ka lang susuko. Si Bryle, pag nagsawa na sya sa target niya, tumitigil na sya. Ikaw na ang target niya simula bukas. Ipagdasal mo na lang na makahanap sya agad ng bagong target." owwwwwwwwwwwww...akalain mong concern din naman pala sakin tong lukang to! yakapin ko nga! "Touched naman ako dun Katie! Concern ka rin naman pala sakin! I love you talaga!" "Ee-eeeew! Nash! Bitawan mo na nga ako! Kilabutan ka naman! Nakakadiri eh!!" -sus! kunwari pa tong si Katie! If i know gusto niya rin yun! haha, pero ayun nga bumitaw na ako, baka nga kasi hindi na sya makahinga dahil sa higpit ng yakap ko :D "Pero Nash, ahm, promise mo, mag-iingat ka huh?! Promise mo kahit anung mangyari, hindi ka aalis sa school huh?!" -si Katie tlga oh!

hmmmm...Anu nga kayang mangyayari bukas? "Ou naman! promise! Ako pa?! Matapang ata to! ;) " -actually medyo kinakabahan ako sa mangyayari, natatakot din, pero bahala na! Nagpromise na ako eh at hindi ko ugaling sumira sa pangako. Basta hangga't kaya ko, lalabanan kita Bryle Stanford! ------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Dumating ako sa tambayan ng barkada at hindi ko parin mapigilang ngumiti. Naiisip ko parin kasi yung nangyari kanina sa foodcourt! hahahaha "Pare! Mukang masayang masaya ka yata ah? Kanina lang badtrip ka tapos ngayon naman hindi maalis-alis yang ngiti sa muka mo!!!!"- si Tommy yun haha Obvious ba ako masyado?! Nako Tommy kung nandun ka lang sana! "Baka naman in love ka na naman pare! kayo na ba ulit ni Eli-" "Hindi! Hindi ako in love! Don't you dare mention that name Steve! Hindi ba nag usap na tayong barkada tungkol dyan? ayoko ng marinig ang pangalang yun kahit kailan!" -____- ganda ganda ng mood ko, sisirain pa nitong si Steve! Pasalamat sya at masayang masaya ako ngayon,kung hindi! "So-sorry Bryle akala ko kasi.." "Steve naman kasi eh, ganda ganda na ng mood nung tao, panira ka lage!" sabat ni Tommy "eh kaya nga nagsosorry na diba?!" -sagot naman niya "Tama na nga! baka mag-away naman kayo dyan, sisirain niyo lang mood ko. Masaya ako kasi nakahanap na ako ng bagong target ;)" Excited na nga akong gawin yung plano ko bukas eh! ! :D

"Target?! sino na namang lalaki yan? anu na namang atraso sayo? o baka naman nagpagtripan mo lang ulit?" -Tanong naman ni Third "Hindi lalaki ;)" "Eh ano? bakla??" -sabay sabay pa silang tatlo nun, mga tanga talaga tong mga to! "Hindi no! Ano ba kayo? Babae, babae ang target ko ngayon." "Teka, babae? Akala ko ba hindi ka nananakit ng babae? Isa pa, wala namang babaeng kayang umaway sayo diba? Eh isang ngiti mo lang susunod na yung mga yun sayo eh. Kahit paghubarin mo pa sa harapan mo, susunod yung mga yun. Kaya bakit? sino yun? anong ginawa sayo?"- takang takang tanong ni Tommy, ang dameng tanong eh! haha "Hehe..iba tong isang to.." Tapos nun, kinwento ko na sa kanila yung nangyari sa foodcourt kanina. Excited na excited ang mga loko, gusto na daw nila makita yung babaeng nangahas na lumaban sakin. Kaya eto, todo research ang mga loko. Alam ko naman kasi yung buong pangalan nung babaeng yun eh tapos may access pa ako sa school records hehehe . . . Click. Click. Click.. Ayun, lumabas din. Nami Shanaia F. San Jose 17 years old

B-day: December 28 1993 bla bla bla.. . .

*SCROLL DOWN . . . Akalain mong HRM student yun?! Hospitality student sya? Eh mukhang pag may guest tas sya ang maghahandle baka matakot lang sa angas niya eh! Ni hindi nga ata marunong ngumiti yun! Tapos kung tama ang pagkakaalam ko, nagluluto rin sila?! haha. Parang hindi bagay sa kanya ang magluto, bigla ko tuloy syang naimagine na nakasuot ng apron.. . . "Oh hon, nakauwi ka na pala.." -pawis na pawis sya pero ang cute parin nya "Anu bang niluluto mo?" lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko sya habang nakatalikod,ang bango. . . .

"Ikaw! Ikaw ang lulutuin ko!!!!!!!!!!" uwaaaaaaaaaaaaaaaah! erase erase! anu ba naman kasing pumasok sa utak ko, nagdedaydream na naman ako! nakakatakot na nakakadiri! Haha hanggang sa imagination ko galit parin sya sakin! hanep! haha . . *SCROLL DOWN . . Aba at akalain mong ang tataas ng grades nya nung high school! May 97 sya at sa PHYSICS pa! Ang lowest grade niya 87 tapos sa P.E. pa! Physical Education! Eh dun nga lang ako mataas eh. . . *SCROLL DOWN . . Ohoi! *evil grin So scholar pala siya nitong school? tingnan mo nga naman! hahaha. Alam ko na talaga ang gagawin ko bukas!

Humanda ka Nami San Jose! Excited na kong makita kang umiyak ;) *poink! Aray! Nauntog ako. Bwisit! Nakalimutan ko nasa sasakyan na nga pala ako,napatayo naman ako sa sobrang excitement ! Panira tong bubong na to eh! Ang angas na eh! Nasira pa tuloy yung mood ! -______"Manong bukas na bukas din, sirain mo tong bubong nitong sasakyan na to ah! o kaya naman palitan mo na mismo tong sasakyan na to!" Nakakainis kasi tong bubong na to! Ang sakit huh! Alam na tatayo yung tao, ayaw umadjust! "Huh? ah eh sir bakit po?" -ay tanga, isa pa to eh pandagdag pa sa badtrip ko eh! "Wala kang pakialam! Basta bukas ayoko ng sumakay dito sa kotseng to! Palitan mo! kung hindi, ikaw ang papalitan ko!" "Oo-opo sir." Bwisit.. hays.. =__=

CHAPTER 5- FIRST MOVE ;) NASH's POV 6:30 AM.. ten ten ten ten tenten..ten ten tenten,,ten tenten tenten..(alarm tone yan ng cellphone ni Katie..) . .

. "NASH..gising na,,," . . "Nash..oi!" . . *buklat ng kumot! . .

"uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" -kung makasigaw naman tong si Katie.. =__= "Anu ba?! agang aga..gising na nga ako ah diba? bakit sinisigawan mo parin ako?" actually, hindi ako nakatulog magdamag eh..dilat ako mula ng humiga ako sa kama nung gabi hanggang ngayon.. "anung nangyari sayo Nash?! nakakatakot yang itsura mo! akala ko nasapian ka na! mukha kang multo! ang lalim ng eyebags mo! sobrang itim! tapos..tapos dilat na dilat ka pa! kyaaaaaa" aba at nanglait pa! ikaw kaya ang magdamag na gising, ewan ko na lang kung hindi maging ganito ang itsura mo! asar eh..-__-

"Hindi ako makatulog eh! huhu" pinipilit kong wag isipin ang mangyayari sakin pagpasok ko sa skul pero...kahit anung pilit ko..sumisingit parin yun eh!! yung tipong puro aso na yung naiisip ko tapos, imbis na yung aso ang sabihin "aw, aw" ang sinasabi.."patay ka bukas Nash!" PSH! pati yung mga garapata nung aso, nakikisabay pa! waaaaaaah..makakatulog ka ba nun? sabihin mo nga? huh? T____T "Akala ko ba matapang ka? may pasabi sabi ka pa dyan ng 'ako pa? matapang ata to!' tapos takot ka din naman pala!" -nang asar pa tong isang to eh no? "hi-hindi ako takot no! sinong may sabing takot ako? hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excitement sa gagawin kong pagpapahiya dun sa Bryle Stanford na yun! mwahaahha" -yan haha! ang galing mo magpalusot Nash! hanggang salita ka lang naman ata! ahay! bahala na tlga.. "Oo nlng.. ;)" itong babaeng to! kahapon lang alalang-alala sakin..ngayon naman parang dinidiscourage ako masyado! hays.. . . *gulp.. Nandito na kami sa harap ng gate ng school.. bakit ganun? parang naging horror house yung school sa paningin ko? hindi naman ako takot sa multo o sa aswang..pero bakit? bakit nanginginig ako ngayon? parang pakiramdam ko pag pumasok ako ngayon sa gate na yun..hindi na ako ulit makakalabas pa! waaaaaaaaah! .

. *poke *poke "Nash?! buhay ka pa? baka gusto mong gumalaw? gate lang yan oh? hindi ka mamamatay kung papasok ka.." huh? ah ou nga..sh*t..nawawala na naman ako sa sarili.. "Huh? ah eh kasi..wala ka bang napapansin Katie? parang may ginawa sila dun sa gate? para kasing may nagbago..kanina ko pa tinitingnan pero hindi ko tlga makita kung ano..sa tingin mo Katie?" "Katie?" -bakit hindi sya nasagot? pagtingin ko sa lugar kung nasaan si Katie.. -__. . ayun..nakapasok na pala sya sa gate! muntanga lang pala ako! bago ko pa naman maisip ung palusot ko! tsk.. . . . andito na kami sa first class namin..Personality Development..kay Sir Steven..kaya naman si Katie ang itsura? .

. ( kulang na lang lumuwa ang mata sa pagkakatitig kay sir! hay nako..wala na tlgang pag-asa tong isang to! haha nakakatawa eh! Si sir parang naiilang narin kay Katie, kasi pansin ko hindi makatingin si Sir sa side namin! haha.. "Sir, may tao po sa labas, hinahanap po ata kayo.." -sabi nung isa kong classmate na hindi ko pa alam ang pangalan! actually wala pa akong alam na name ng kahit isa sa mga classmates ko..I'm not good at remembering names kasi.. Lumabas si sir..may kinausap saglit..tapos pumasok naulit sa room..hmmm..anu kaya yun? "Ms. San Jose? who is Ms. Nami San Jose?!" . . O___O! . . <(@__@)>! eto na ba yun? *gulp. .masyado akong naaliw sa panonood sa kabaliwan ni Katie na nakalimutan ko ng may mangyayari pa nga pala sakin ngayong araw na to! Sh*t.. tinaas ko ang kamay ko.. "A-a-ako po yun sir! b-babakit po?" -tanong ko..kahit parang alam ko na kung bakit.. "Pinapatawag ka sa OSAS.."

( OSAS- short for Office of Student Academic Services) yep..yun nga po yun..dun pinapapunta ang mga studyanteng may problems na dapat harapin sa skul..or may something na dapat pag usapan sa grades, sa attitude..bla bla..ganun..basta..hays..mukang alam ko na tlga kung san to pupunta.. "Bakit daw po?" - tanung ko..gusto ko parin tlga malaman..kahit may idea na ako. "Hindi ko alam eh..basta ang sabi sakin, pinapatawag ka ng Dean..pumunta ka nlng miss..wag ka mag alala..excused ka sa subject ko.. :) " aw..hindi naman ako nag alala tungkol sa kung absent or excused ako eh..ang inaalala ko..eh kung anung mangyayari sakin ngayon.. "ah ok sige po..thank you sir.." -lumabas naman ako..lumilipad ang utak ko.. . . Lakad. Lakad. Lakad. May nakakabunggo na nga ako kasi parang wala ako sa matinong pagiisip..para akong zombie na kahit tinitira na ng mga snow peas eh patuloy parin sa paglalakad! ni hindi ko nga makuhang magsorry sa mga nabubunggo ko.. . . *gulp..eto na..nasa harap na ako ng pinto na may label na "OSAS" sa harapan nito.. . . Katok. Katok. Katok.

. . Walang nagbubukas ng pinto.. "Oh wala naman palang tao eh..makaalis na nga.." -tumalikod ako at palakad na para bumalik sa room pero.. "Hay..kailangan kong pumasok..para matapos na to..hindi ko rin naman to matatakasan" bigla kong naisip na hindi naman talaga solusyon sa problema ang takbuhan ito..isa pa ako ata si Nami Shanaia San Jose..kailan ba ako tumakbo sa problema? sa ipis pa siguro..pero sa problema? :) bahala na nga.. 1... . 2... . 3.. *Pihit ng doorknob..ohoi! bukas naman pala eh.. . . Pagbukas ko ng pinto.. . . >___<

. . *grip yung parang manununtok na kamay..ganun..(d ko kasi alam kung pano yun sasabihin! hehe) . . Natapunan lang naman ako ng isang balde ng malagkit na kulay yellow na substance..as in malagkit talaga..tapos..hindi lang yun..pagkatapos kong matapunan nun..lumakad ako ..hiyang hiya ako..pero lumakad parin ako na parang walang nangyari.. Lakad. Lakad. May sumalubong saking dalwang lalaki..may dala silang plastic eh..ewan ko lang kung anu ang laman.. at mukang mas mabuti na ngang hindi ko na alam.. Napatigil ako,,humarang kasi sila..

"Maligayang pagdating dito sa OSAS mam..!" -sabay pa sila sabay tapon sakin nung mga feathers ng manok na nandun pala sa supot na dala-dala nila.. PSH! edi ba natapunan ako nung malagkit na substance?! edi syempre digkitan sakin yung mga feathers ng manok na sinaboy sakin nung dalwang lalaking yun! asar! pero kailangan magpigil..nandito ako ngayon sa OSAS! tama..OSAS Nash..at dean ang makakaharap mo.. naglakad parin ako na parang wala lang sakin ang nangyari..sobrang nagpipigil ako ng galit!

naglalakad ako pero ang labo ng paningin ko..tapos habang palapit ako ng palapit sa desk nung dean..lumilinaw na yung nakikita ko.. una kong nakita yung dean..nakaupo sya dun sa may desk niya..teka..dean ba tlga to? mukhang studyante lang na nakasalamin eh?! pero sabagay..kung si Sir Steven nga napagkamalan kong studyante lang eh! hmm..mahilig ata tong skul na to sa mga batang staff ah! tapos..may isa pang lalaki..nakaupo sa harap nung desk..may dalawa kasing upuan dun eh..siguro para sakin yung isa .. Nakangisi yung lalaki! teka..parang alam ko na kung sino to! tama..sya nga. ang unggoy na yun! sabi ko na nga ba eh! "Ikaw?!!!!!" -galit kong sabi.. "Ako nga :) hehehe..Dean, ang sabi ko po sa inyo,isang babae ang umaway sakin..pero bakit po parang manok po ata tong nasa harapan ko ngayon? tingnan niyo oh may feathers sya! haha..bokbokbokbok.." (at nag act pa sya ng parang manok dun! kainis!) "Pffft..ha-ehem..maupo ka Ahm Ms. San Jose? teka bakit ganyan ang itsura mo?!" parang nagpipigil ng tawa yung dean! aba, at magkasabwat sila? akala mo hindi nila napansin nung natapunan ako sa may pinto at nung hinagisan ako nung dalwang lalaki dun ng balahibo ng manok ah!!! nagbubulagbulagan pa! leche tlga ah! "ah eh..meron lang po kasing WALANG MAGAWA dyan na nagtapon sakin ng kung ano..kaya iyon..nagkaganito yung itsura ko.." -malumanay parin ang boses ko nun..dean parin sya..ginagalang ko padin..kahit na inis na inis na ako...

" bleh :P" nakuha pa akong dilaan ng unggoy na yun! aba! hmmmmmmp! pasalamat siya nandito kami sa OSAS..kung hindi nako!! mapapatay ko tlga sya! alam ko naman na sya ang may kagagawan nito! "Ms. San Jose..nasabi sakin ni Mr. Stanford na inaway mo daw sya sa foodcourt dahil lang sa naunahan ka nya dun sa cake na bibilhin mo sana diba?" -Dean "Actually..hindi naman po talaga pang aaway yung ginwa ko..sya po ang mali..inunahan niya po ako sa pila..kaya ayun..nainis po ako at sinigawan ko sya.." yun naman tlga eh! wala akong ginawang masama! "Ms. San Jose..hindi ba scholar ka ng school na ito? ibig sabihin..ang school na ito ang nagpapaaral sa iyo..at sino ang may ari nitong skul?" parang lumagpas lang sa tenga niya yung mga paliwanag ko! kainis! alam ko naman kung anong gusto niyang ipamukha eh! grabe! naiinis na tlga ako!!! "Ahm..ang Stanford family po.." sagot ko -_-.. "Tama..at sino ang lalaking inaway mo?" -hindi ko nga sabi sya inaway eh! "yung unggoy!--este..si Bryle Stanford po.." "Bryle Stanford..apo ng may ari nitong skul na nagpapaaral sayo. Alam mo bang kung gugustuhin ni Mr. Stanford na sabihin to sa lolo nya, pwedeng mawala sayo ang scholarship mo? pero Ms. San Jose dahil nga sa mabait si Mr. Stanford..hindi na daw niya ito papaabutin pa sa lolo niya, kung...." "Luluhod ka at hihingi ng tawad sakin ;)" -sumabat bigla ang unggoy.. "Aha-ha! at ako pa ang hihingi ng tawad sayo? ikaw na nga tong sumingit sa pila! ako pa ang mali?" nakakainis na tlga sya!

"Ow..so ayaw mo? ikaw rin..mawawala ang scholarship mo, mapapatalsik ka pa sa skul, isang sorry lang namn ang hinihingi ko at kakalimutan ko na ang nangyari, mahirap ba yun? ;)" luluhod? hihingi ng tawad? hindi ko kaya yun! lalo na dito sa unggoy na to! pero..pano na ang mga pangarap ko? pag nawala tong scholarship ko..wala na lahat.. kahit sumubsob pa ko sa pagttrabaho..hindi parin sapat para makapag-aral ako..tapos..nangako pa ako kay Katie..sabi ko..hindi ko sya iiwan, hindi ako aalis dito sa school kahit anung mangyari... Isang luhod at sorry lang naman Nash eh..yun lang naman..wala namang ibang makakaalam . . Tumayo ako sa kinauupuan ko..at lumapit na dun sa unggoy, humarap ako sa kanya..pababa na yung tuhod ko..eto na..eto na... . . Nakangiti pa talaga sya! mukhang tuwang tuwa talaga sya! hays... . . "sorry............................." . .

"sorry dito sa gagawin ko!" at *boogsh! paluhod na ako pero bigla akong tumayo, bumwelo at saka sya sinuntok!! bwisit sya! nung kasing mga oras na luluhod na sana ako.. naalala ko yung sinabi sakin ni dad nung may nakaaway ako dati.. "Basta alam mong tama ka..alam mong wala kang ginawang mali..ipaglaban mo ang sarili mo! lumaban ka!"..at ayun nga ang ginawa ko.. . . may dugo yung labi nya..mukang malakas din pala ang suntok ko! unang beses ko tong makasuntok! pede na pala akong magboxing! hehe..ang sarap sa pakiramdam.. nakatingin lang sya sakin nun, pinupunasan yung dugo sa labi nya..yung dean naman, O______O <<<<<< nasa state of shock padin! kahit ako naman eh..nabigla din sa ginawa ko.. "Kanina ko pa gustong gawin yan!" sabi ko dun sa unggoy.. hindi naman sya sumagot..nakatulala lang din.. "At sa inyo naman po..ang alam ko po..mawawala lang ang scholarship ko kung magkakaron ako ng grade na mababa sa 83, o meron akong bad records..pero dahil nga start pa lang ng class..wala pa po akong grades..at sa tingin ko..hindi naman po counted yung pagsigaw ko sa lalaking to over a cake as a bad record diba? kasi hindi ko naman sya sinaktan physically! well, ngayun siguro..pero hindi ba masama rin yung pagtatapon ng malagkit na kung ano at pagsaboy ng balahibo ng manok sa isang tao na wala namang ginawa sayo? so I think we are even..tungkol naman sa pagpapaalis sa school..binasa ko na yung student handbook..at sa ginawa ko nun sa foodcourt..o yung ginawa ko ngayon..hindi pa sya counted sa expulsion..suspension siguro? pero hindi parin ata...kaya kung iiinsist niyo parin na tanggalin

ang scolarship ko..at patalsikin ako dito sa school...eh sa korte na lang po tayo magkita" ang tapang ko..pero kung kailangan pa tong dalhin sa court..lalaban ako,,kasi alam kong ako ang tama! . . *clap clap clap.. . . ?????? nasiraan na ata ng bait yung dean! pinalakpakan pa ako? "hahahahahaha..tama na! sorry Bryle..hindi ko na kaya.." -tinanggal niya yung glasses niya.. "Hahahahaha,,Miss, iba ka nga talaga. By the way, ako si Third..classmate lang ako ni Bryle. Hindi naman talaga ako dean eh..nahiram lang namin tong OSAS. Hindi ka naman talaga kayang patalsikin dito ni Bryle eh..o tanggalin ang scolarship mo, kasi pag sinabi yun ni Bryle sa lolo nya, baka sya pa ang parusahan nun! hahahahaha" talaga? ganun? nakahinga ako ng maluwag nun ah.. "Totoo ba yan?" baka kasi hindi eh,,mahirap na,, "Oo..kaya please, wag mo ng idaan to sa korte huh? sorry tlga..napakiusapan lang ako nitong si Bryle eh, diba Bryle?" *batok..binatukan sya nung unggoy..aba at natauhan din.. "Third ang daldal mo! ngayon alam na nya! at bakit nagsorry ka pa sa kanya?! tingnan mo

nga oh? sinuntok nya ako? papalampasin ko na lang ba to? hindi no!!" "Pare, isipin mo huh..pag nagreklamo siya sa korte, madadamay ang pangalan ng skul na to..at siguradong malalaman ng lolo mo. Malalaman din nya yung mga pinaggagagawa mo dito! yung ginawa mo ngayon! sayo din babalik yan pare! kaya wala tayong magagawa! " wahaha! tama! matalino din pala tong isang to ah.. :) "Leshe! hays..sige na nga..umalis ka ng babae ka!" kung makasigaw! hmp! aalis naman talaga ako kahit hindi nya pa sabihin! "Ou na! sungit!" at umalis na nga ako.. *plak..sarado ng pinto.. teka,, may nakalimutan pala akong gawin,, hehehe . . tok. tok. tok. pagbukas ng pinto..nakita ko si unggoy, nakasubsob sa desk habang si Third ba yun? tawa parin ng tawa.. "May nakalimutan lang akong gawin.." sabi ko.. "Oh anu?" tumunhay naman sya..bwisit na bwisit hahaha! ang saya,, "eto oh.." .

. bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh! :P sabay palo pa ako sa pwet ko nun at agad na sinarado yung pinto! hahaha.. tawa ako ng tawa nun habang nakasandal pa sa pinto... narinig ko sya..mukang nagwawala na dun..naghahagis ata ng kung anu-anu.. para kasing may nababasag! wahahaha..buti nga..pagkatapos ng ginawa mo sa uniform ko! pagkatapos mo akong puyatin sa pagiisip sa kakahantungan ko! ngayon patas na tayo! at ang pinaka maganda, alam kong pwede mong gawin sakin lahat pwera lang sa palayasin ako sa school at tanggalin ang scolarship ko!! wahahahahah.. Ang worst day na pinakakinatatakutan ko.. akalain mo bang magiging the BEST pala! at akalain mong pasasayahin ako ng ganito?! wahahahah..hays..pede na ata akong mamatay sa tuwa! haha..joke! wag naman! hehe..madame pa akong pangarap! . . wait.. ang lagkit na ng pakiramdam ko..lakad ako ng lakad dito.. excited na kasi akong magkwento kay Katie..Hindi ko namalayan na mukha nga pala akong basang manok ! (hindi naman pdeng basang sisiw kasi malaki ako masyado para maging sisiw! haha) pinagtitinginan tuloy ako..waaaaah..

CHAPTER 6- ROUND 2! ^__^v BRYLE'S POV "hahahahah pare! Grabe tlga, ahahahaha hindi ako maubusan ng tawa dun sa nangyari kanina eh! Iba tlga yung babaeng yun!" pang-aasar pa nitong si Third! =__= "Ou nga pare! laftrip! Akala ko susuko na eh, akala ko magsosori na tapos..*boogsh! Susuntukin ka pala! At malakas pang sumuntok! Dugo yang labi mo eh! wahahaha.." isa pa tong si TOMMY! Akala ko ba bestfriend ko sya? Pati ba naman sya?! "Ahahahaha sinabi niyo pa! Tapos akala ko tapos na yun, ayun pala may pahabol pa! Nakuha pang dilaan itong si Bryle! hahahahaha" at syempre dito pa ba ako makakaligtas kay Steve? eh lage naman akong binibwisit nito eh! (note: kung naguguluhan kayo kung pano nalaman nila Steve at Tommy yung nangyari, sila po yung dalwang lalaki na nagsaboy ng feathers ng manok kay NASH ) . . tugussssh! *hagis cellphone Shet, kakabili ko lang nun ah. Hays, mukhang kailangan ko na naman ng kapalit! Dapat kasi bumili na ako ng matibay-tibay na cellphone no? Lage na lang kasing wasak! Isang tapon ko pa lang sira na! Weak! -_"Hindi niyo ba tlga ako titigilan?! Oo na nga eh db?! Napahiya na nga ako dahil sa babaeng yun diba?! Kailangan pang ulit-ulitin?! Eh kung kayo kayang tatlo ang gawin kong target ngayon huh?! ano?!"

Nakakairita na kasi eh! Pagtulungan ba naman ako? Badtrip na nga yung tao eh! Hays..Bakit kasi tong mga to pa ang napili kong kaibiganin! Mga walang kwenta minsan eh! -_"Chill pare haha. Natawa lang talaga kami kasi naman, nakakatawa talaga." si Tommy yun.. Tiningnan ko sya ng masama.. "Pero pare, seryoso, iba tlga yung babaeng yun. Natutuwa ako sa kanya, sobrang tapang! Ok lang ba sayo kung ligawan ko sya?" huh? Tommy? liligawan yung babaeng yun? Kelan pa sya nawalan ng taste? "Gago! Eh baka under ka pa nung babaeng yun pag naging kayo. Ahaha, ay teka parang impossibleng maging kayo! Eh mukhang walang puso yun eh! Lage pang galit tapos nanununtok pa! Hindi ata tunay na babae yun eh!" "Malay mo naman pare! Ako na pala ang makakapagpalambot ng puso niya :)" -yak! hindi ba sya nandidiri sa mga pinagsasasabi niya? =____= "Heh! tigilan mo na nga yan Tommy! walang ligawang magaganap! Hindi pa ako tapos sa babaeng yun! Kailangan kong mag-isip pa ng plano. Kahit na ano! Gusto ko siyang makitang umiyak! Tama! hindi ko sya titigilan hangga't hindi ko nakikita kung paano sya umiyak!" Anu nga kayang makakapagpaiyak sa babaeng yun? Hindi ko naman sya pwedeng bugbugin! hmmm.. "Eh pare, anung gagawin mo? Hindi mo naman siya gagahasain diba?" tanong ni Third "Isa ka pa! Asa! Hindi ganun ang mga babaeng type ko! Kilabutan ka nga! Tsaka ako? manggagahasa? Eh mga babae nga ang naghuhubad sa harap ko!" "Ou nga naman Third. Ang layo kaya nung babaeng yun kay Eli--" eto na naman po si STEVE!

"Anong sabi mo?" galit kong sabi . Ang kulit din talaga nitong si Steve! "Wa-wawala hehe. Sabi ko, hindi naman talaga mga katulad ni Ms. Nami ang type mo hehe" Takot naman pala eh! Sabi ng ayoko ng marinig yung pangalan na yun eh..tss..ang kulit! "Sa tingin niyo san ba takot ang mga babae? Anu bang magpapaiyak sa kanila?" tanong ko "Expert ako dyan! Painlabin mo siya sayo, tapos iwan mo! ganun kasimple!" sabi ni Steve, babaero talaga neto. "Sa tingin mo Steve, mapapainlove ba agad ni Bryle si Ms. Nami eh kulang na nga lang isumpa nun si Bryle! I'm sure ilang milyong beses na nun pinatay si Bryle sa isip niya! haha" sabat ni Tommy Tama, iba yung babaeng yun. Galit na galit sya sakin, isa pa, iba sya sa ibang mga babae. Pero hindi eh, babae parin sya. Siguradong may kinatatakutan din yun. Hmm..Kailangan kong malaman kung anu yun! "Bahala na. Magtatry na lang muna ako sa ngayon ng kung anu-anu hanggang sa may maisip na akong pinakamabisang plano. Kung baga, iinisin ko lang muna sya hanggang sa malaman ko rin kung anung kinatatakutan niya.." Wala pa kasi talaga akong maisip na plano. Iba kasi yung babaeng yun eh, masyadong maangas. Nahihirapan tuloy ako mag-isip! Kaya sa ngayon, simpleng pang iinis nlng muna tapos sa huli, yung talagang makakapag paiyak na sa kanya! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Pagkatapos ng pangyayari sa OSAS, diba umuwi nga ako para magbihis ng panibagong

uniform? At nung paalis na ako ng bahay para bumalik sa school, nagtxt naman si Katie, wala na daw kaming klase. Pinauwi na daw sila kasi may meeting ang mga teachers! Nice -_- sana hindi na alng ako nagmadaling magpalit no? tss. Pero buti nlng at good mood ako. Pag dating ni Katie nun, ayun..kinwento ko kaagad sa kanya ang nangyari. "Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Nash! bilib na talaga ako sayo! haha. Pero sana naman Nash hindi mo na lang sya sa mukha sinuntok. Sayang kasi yung kagwapuhan nya eh you know?" etong si Katie talaga! Minsan hindi ko din magets eh no? Anu bang nagustuhan niya dun sa Bryle na yun?! bukod sa ang sama ng ugali, mukha pang unggoy! Kung makangisi, mukhang asong ulol! >,< "Alam mo, ok na sana eh Katie. Ang landi mo lang! Hindi ko naman talaga balak na suntukin sya no, ewan ko ba, sa sobrang galit at inis siguro kusa na lang kumilos yung kamao ko at tumama sa kanya! Pero wag ka mag-alala, tulad nga ng sabi ko, pumutok lang yung labi niya, bukod dun wala na. Happy?" "Talaga?! wee buti naman. " -kanino ba tlga to kampi?! "Pero sa tingin ko..hindi parin tapos sakin yung lalaking yun. Galit na galit sya kanina eh. Pero..Hindi na ako natatakot sa pede nyang gawin kasi nalaman kong hindi nya ako kayang patalsikin sa school at hindi rin nya kayang tanggalin ang scolarship ko. Ayun lang naman ang mahalaga sakin eh. Wala na akong pakialam sa mga gusto niyang gawin." "Ganun ba? Mabuti naman, akala ko kasi talaga aalis ka na ng school pagkatapos ng araw na to. Nag-alala talaga ako sayo Nash." Tapos niyakap niya ako kaya niyakap ko rin sya. Ang saya naman ng araw na to. Ang sweet ni Katie hehe .

. 9:00 Am Andito na kami sa school ni Katie at ang babaeng to, ayun, lungkot na lungkot. Tuwing Wednesday kasi, wala kaming class kay sir Steven. Si Katie talaga akala mo naman boyfriend niya si sir! haha . . P.E. class namin ngayon kaya naman kailangan naming magpalit ng damit na pang P.E. Hays.. I hate P.E.! Ayoko kasi ng SPORTS at pagsasayaw pati pagkanta, wala akong talent >,< Pumunta na ako sa locker ko nandun kasi yung pang P.E. ko eh. *insert susi.. *clank..bumukas na yung locker.. Teka, ako lang ba to, o parang may nakatingin tlga sakin? ewan ko ba. Lumingon ako sa paligid, wala namang nakatingin. Kung may tao man eh yung mga nagbubukas lang din ng locker nila. Kaya ayun hindi ko na lang inintindi. Binuksan ko na ang locker ko. . . *kurap kurap .

. daga?! may daga sa locker ko? teka, baka naman namamalik mata lang ako. Baka nga. *sinarado ko yung pinto ng locker "Namamalikta ka lang Nash. Pano naman magkakaron ng daga sa locker mo? eh nakalock naman yan, gutom ka lang siguro." sabi ko sa sarili ko haha..kinakausap ko sarili ko minsan ;) 1.... 2.... 3.... *bukas.. . . . O.O! "kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! meron nga. Merong daga sa locker ko! " huhu..oo..takot ako sa daga..at sa ipis..at sa gagamba..kung multo at mga aswang okay lang eh..wag lang yang mga yan! Narinig ako ni Katie na sumisigaw. Hindi naman sya takot sa daga kaya ayun, sya na ang nag alis. "Salamat Katie. Akala ko mamamatay na ako dun." "O.A. ka naman Nash! tapang tapang mo kay Bryle, tapos yan, daga lang mamamatay ka na?

abno ka tlga!" " 'Daga lang' ka jan?! hindi "lang" yun huh! nangangagat sila. Tapos nakakatakot pa ang itsura!" nakagat ako dati ng daga nung tumingin kami ni dad sa petshop dati,grabe dugo tlga yung daliri ko. Kaya simula nun takot na ko sa daga. "Hay nako Nash hindi na ako makikipagtalo sayo. Bilisan mo na lang dyan, kuhanin mo na ung P.E. uniform mo at magpalit ka na. Mataray c Mrs. Lavallier, teacher ko narin yun dati nung highscool ako" Kaya ayun kinuha ko na nga lang yung pang P.E. ko. Bilis bilis akong nagpalit kasi mataray daw talaga ang teacher namin sa P.E.1st meeting pa naman namin sa P.E ngayon. Ayoko na nga sa subject, ang taray pa ng teacher.tsk. . . Lakad.lakad.Lakad Papunta na akong gymnasium, dun kasi ang P.E. class namin. . . Teka..Napansin ko lang, pinagtitinginan ako nung mga studyante sa hallway tapos nagtatawanan sila. . . Huh???? tingin sa suot kong tshirt

hindi naman baliktad . . tingin sa jogging pants ko hindi naman baliktad . . butas lang yung likod, sa may pwetan . . teka! uwaaaaaaaaaaaaaah! Butas sa may pwetan! Dalawang square yun na parang tinapyas dun sa pwetan ng jogging pants ko! Maikli lang yung tshirt ko kaya kitang kita! Nakakahiya! "Ganyan na ba ang bagong style ng P.E. uniform ng schooll ngaun? hahaha. Nice" sabi nung isang lalaki! T.T nakakainis! Syempre tinakluban ko yung butas. Ang itsura ko ngayon, naglalakad ng nakahawak yung dalawang kamay ko sa pwetan ko! Ang panget tingnan. Para akong matandang nirarayuma! Pero mas panget naman kung hindi ko hahawakan! Eh naka underwear lang naman ako eh, walang shorts sa ilalim! T.T . .

Pagdating ko sa gym.. "O Nash, masakit ba yang pwet mo? Nadulas ka ba? " tanong ni Katie.. "Sana nga nadulas na lang ako.." hinigit ko si Katie sa sulok tapos pinakita ko yung butas ng jogging pants ko . . "Ahahahahaahahahahhaha anu ba naman yan Nash! ahahahaha" pinagtawanan pa ako?! *poink ..batukan ko nga! "Katie naman eh! ito na nga ang nangyari sakin tapos tawa ka pa dyan ng tawa! Nakakainis ka!" "Hahaha sorry na Nash. Nakakatawa naman kasi talaga hehe. Nako, edi hindi ka makakapasok?! Sige sasabihin ko na lang kay mam absent ka kasi nasira yung p.e. uniform mo. Sasabihin ko na lang na sumabit sa pinto ng locker mo! haha" "Anu pa nga ba? Isang absent pa lang naman eh. Sige salamat Katie.." Umalis na ako dun..ayoko rin naman ng P.E. hehe! Bwisit! Ang malas ko ngayon, may daga na nga sa locker..tapos nakita pa ng marami na butas yung P.E. uniform ko! Dagdag gastos padin to kasi kailangan ko pang ipapatch up..tsk. *boink May nabunggo ako. Nakatungo kasi ako habang naglalakad. Hawak ko na yung uniform ko ngayon. Magpapalit na kasi ako. Pagtingala ko..

. . -___________________Sabi ko na nga ba eh! Sya ang may gawa nung daga at nung pagsira ng jogging pants ko eh! Leshe! Kaharap ko na naman tong nakangising unggoy na to! Akala ko ba suplado to? Eh bakit lage na lang syang nakangiti sakin? May topak ba to? . . . "Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?" sabi niya tapos ngumiti Naka pamulsa pa! Feeling nya ang gwapo niya!! Bwisiiiiiiiiiiiiiiiiit! Bwisit kang unggoy ka! Nakakainis.

CHAPTER 6.5- STILL BRYLE'S TURN.. BRYLE'S POV Weee! Hahahahahahahaha! Ang saya saya ko! Ou..tama..Ako nga ang naglagay ng daga sa locker niya.. Try lang naman yun eh.. Based kasi dun sa naresearch ko (haha, naks! nagresearch tlga ako! ), most girls daw are afraid of rats.. Kahit nga yung ibang lalaki daw takot sa daga! So ayun, nakaisip na naman ako kung

paano ko SYA iinisin.. ;) Ou nga pala! May copy na ako ng sched ng babaeng yun! Hiningi ko sa classmates niya! haha Nag-effort tlga ako huh! Syempre :) Wednesday.. Nakita ko sa sched niya.. May P.E. sya,, at sa pagkakaalam ko, kailangan niya magpalit ng P.E. uniform na siguradong dun nya ilalagay sa LOCKER niya since may previous class pa sya before that. Kaya ayun, nabuo na talaga sa isip ko ang final evil plan, better sa una kong naisip. May duplicate key naman sa faculty ng mga keys ng locker ng mga students eh. Inalam ko ang locker number niya and yun! Napakadali kong nakuha ang duplicate key. Nilagay ko ang daga sa locker nya and syempre dahil nagsisigurado na ako, baka kasi mamaya hindi pala sya takot sa daga edi palpak na naman ako? =__= Kaya ayun, winalangya ko narin yung P.E. uniform niya! haha At ang maganda sa nangyari, natakot na sya sa daga, nag work out pa yung plano kong pagpapahiya sa kanya sa pamamagitan ng pag butas ko ng P.E. uniform nya! Haha Nakita ko syang nakahawak yung dalwang kamay niya sa pwet niya habang naglalakad! POTA sakit na ng tyan ko kakatawa nun. Sinundan ko sya hanggang dun sa gym hanggang sa makabalik sya sa may locker room nya para magpalit ng uniform nya. Tumakbo muna ako papunta dun sa may dressing room. Inintay na makuha nya yung skul uniform niya tapos lumakad ako pabalik sa direksyon nya para kunwari nagkasalubong lang kami. Nakatungo sya habang naglalakad! Tanga talaga! haha! Tapos yung kamay niya hawak yung uniform na nakataklob dun sa may pwet niya! haha

Sinadya kong dumaan kung saan mabubunggo niya ako. Napatingala naman sya sabay tingin sa akin haha. Ang pula niya. parang hiyang hiya na inis na inis! hahahaha. Ang sarap talaga pagmasdan ng mga expressions nya. Napapangiti ako ng hindi oras. . . At eto na nga kami ngayon.. "Natuwa ka ba sa ginawa ko?" pang-aasar ko pa! haha enjoy ako sobra! By now I'm sure naman na alam nyang ako ang may gawa nung nangyari sa kanya gusto ko lang ipamukha! haha "Sa tingin mo, natutuwa ba ako?!" -sya "Tatanungin ba naman kita kung kita kong natuwa ka? syempre hindi diba? Bakit ako ang tatanungin mo?! ako ba ikaw?!" ang sarap makipagsagutan sa babaeng to! "Ewan ko sayo! Dyan ka na nga! " Teka! Suko na agad sya?! Ang daya naman! Nagsisimula pa lang ako eh! Pero sabagay, baka nangangawit na sya kasi nasa may pwet niya yung mga kamay niya na may hawak na uniform eh at isa pa ang panget nga naman makipag away ng ganun ang posisyon! "Hahaha sige na nga, mukhang hirap na hirap ka na sa pagtatakip dyan sa YELLOW mong UNDERWEAR with matching ice cream prints pa! hahaha" Namula sya lalo pag sabi ko nun! haha "Ma-mamanyak ka! pasalamat ka at may hawak ako kung hindi may suntok ka na naman saking unggoy ka!" "Talaga?! sige aantayin ko yun! haha Isa pa..hindi pa naman ako tapos sayo eh! Ttigilan ba

naman agad kita?! Eh pinasasaya mo ako masyado eh! haha" May sunod pa akong gagawin sayo! Umpisa palang yan, gusto pa kitang makitang umiyak! "Gusto mo lang pala ng magpapasaya sayo, eh di sana naghanap ka na lang ng clown! Bwisit ka talagang unggoy ka! Akala mo natatakot ako sayo? Humanda ka sa ganti ko bwisit!" Sayang! Nakatalikod sya habang sinasabi yun eh naglakad na palayo sakin. Kaya ayun hindi ko na nakita yung naiiritang expression nya! Anyway, may bukas pa naman ;) hehehe -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "Bwisit! bwisit ka tlgang unggoy ka!" Nandito ako ngayon sa dressing room, sumisigaw habang nagbibihis. Wala akong pakialam kung may makarinig sakin! nakakainis lang kasi talaga sya! PakingSh*t. . . Pagkatapos kong maglabas ng galit ko dun, naglakad na ako pupunta ako sa foodcourt. Eh kasi parang gusto kong kumaen ng choco-strawberry cake! Pag kasi nabbwisit ako or masama ang loob ko kakaen lang kami nun ni dad sa malapit na cakeshop sa bahay namin dati tapos parang magic, masaya na ulit si Nash. Ang tagal ko ng naghahanap sa malalapit na cake shops sa bahay nila Katie kaso wala akong makitang ganun tapos dito lang pala meron! Naagaw nga lang sakin nung unggoy na yun nung Lunes! >,< Kahapon naman out of stock na daw nung nagtanong ako, hindi pa daw nila alam kung kailan magdedeliver. Kaya ayun, magbabakasakali ako ngayon kung nagdeliver na.

. . Lakad. Lakad. Lakad. "Sya yung babaeng butas ang jogging pants kanina diba?" narinig kong sabi nung isang babaeng mukang kuto dun sa katabi nyang mukang pulgas =___= grrr..Dapat pa ba talagang iparinig sakin? "Hahahaha Ou sya nga yun. Grabe, ang lakas din ng trip nun no?" dagdag pa nung isa "Baka may sira sa ulo!" tapos nagtawanan sila PSH Binilisan ko na lang ang lakad ko, baka kasi kung anu pang marinig ko dun at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pagdating ko sa foodcourt pumunta ako agad kay Aleng Trining (sya yung nakausap ko kahapon sa may counter yung napagtanungan ko dun sa cake. Mabait sya eh kaya medyo close na kami) Mukhang alam na niya kung ano ang sadya ko, kasi hindi pa ako nagtatanong, may sagot na sya! ayos eh no? "Nako Nash, bukas pa daw magdedeliver nung cake eh pero wag ka mag-alala 15 boxes naman yung dadating bukas. Ilang slices din yun diba? Siguradong hindi ka mauubusan pero para sure, ipagtitira na kita" "Waaaaaah! talaga po? sige po! Aasahan ko po yan bukas huh?! 8:00 am po ang class ko, what time po ba magdedeliver?" "pumunta ka dito ng 10:00.." tamang tama vacant kami nun!

"Sige po! maraming salamat Aling Trining! ^____^" So ayun ok na ako pagkatapos nung narinig ko. Babaw ng kaligayahan ko no? Eh ganun tlga eh! haha. Excited na tuloy akong pumasok bukas! Sa wakas! Matitikman ko na ulit yung paboritong cake namin ni dad! Sayang nga lang at hindi ko na sya makakasabay sa pagkaen nun.. :/ Ay leshe, ang weak ko tlga. Nangingilid na naman mga luha ko! Para naman akong tanga eh, malungkot tapos sasaya tapos malulungkot na naman! Hays, makauwi na nga lang. . . . 7:00 AM "Gooooooooooooooood morning Katie! ^_________^" *nagsign of the cross sya tapos.. "Oh Lord, naniniwala na po tlga ako sa milagro!" pang-aasar na sabi ni Katie. Gago tlga to. "Gaga! Parang naunahan lang kitang magising dyan!" "Yun na nga eh! Naunahan mo ako! Never pa yang nangyari ah! Pahirapan ka kung gisingin dati tapos ngayon aba at nakabihis ka na ng uniform mo. Anu bang nakaen mo ha Nash? Tapos super energetic mo pa." "Hehe ang itanong mo ay kung anung kakainin ko mamaya! Wee haha..Katie makakakaen narin ulit ako ng Choco-strawberry cake! weeeeeeee! :)" "Alam mo Nash para ka talagang bata kahit kailan!" :P binelatan ko lang siya! hehe. Super saya ko ngayon.

. . Nandito na kami sa school. 2 subjects kami ngayon sa umaga tapos 3 subjects sa hapon. Naglectures lang sa dalawang subjects and tentenenen! Pupunta na akong foodcourt! Weeeeeeee! Buti na lang medyo maaga kaming pinalabas! 9:30 plng pero pupunta na talaga ako dun! Kinaladkad ko na nga si Katie eh, pano kasi si Sir Steven yung teacher namin kanina kaya ayun, ang bagal umalis ng room! grabe talaga -_. . *dug dug..pagdating namin sa foodcourt . . XDDD Waaaaaaaaah! Yehey meron na nga! Weeeeeeee! Ilang boxes of cake pa ang nandun mukang kakadeliver lang kasi nasa box pa lahat eh! Wala pang nakadisplay na wala sa kahon! wee ang saya naman! Imposibleng maubusan pa ako nito! . . takbo.takbo.takbo.. papalapit na ako kay Aling Trining..

pero bakit parang nakasimagot ata sya?! Anung meron? Mukhang naluge! haha, pagod lang siguro. Ang mahalaga ay ang choco-strawberry cake ko! Lapit paand charan. Nandito na ako sa may counter. "Sorry Nash, pero wala na kaming stock ng cake.." Huh? anu daw?! eh anung tawag niya dun sa boxes ng cake na nasa harapan ko?! "Hahahaha Aling Trining naman! Ayan oh?! Ang dame dame pa! Akala niyo naman porket nasa box pa yung mga cake eh maloloko niyo na ako! Alam ko po ang itsura ng box ng cake na yan no! haha Aling Trining talaga!" "Nash, hindi mo kasi naiintindihan, pero kasi, alam kong sinabi ko sayong ipagtitira kita ng isang slice kaso may nagpareserve na kanina eh. Lahat ng boxes kinuha eh hindi naman pwedeng bumawas ako ng isang slice dun daba?" Damn! anu ba yan? parang nawalan ako bigla ng energy ko nun,, from ^_____________^v naging >>>>>>> =_______________= hays! Grabe naman kasi yung umorder na yun! 15 boxes ng cake? Eh kahit may pabirthday party sya eh labis na labis pa yun diba?! "Sino po ba yun? Ang dame naman ata! Anu yun, ipagbebenta niya rin? Grabe naman ata syang maaddict sa cake?" tanong ko . . "Hi !okay na ba yung order kong 15 boxes ng cake?! Kukuhanin ko na kasi, padala na lang dun sa kotse ko huh?!" Teka! Kilala ko yung boses na yun ah! Bakit nga ba hindi ko agad naisip?!

Tumingin sya sakin "Oh hi, ikaw ulit?! tingnan mo nga naman oh! Bibili ka ba ulit ng cake?! Sorry huh?! Hindi mo kasi sinabi sakin, nabili ko tuloy lahat! haha! Pero kung gusto mo talgaa, bibigyan kita. Humingi ka lang sakin :) and say PLEASE dapat naka smile huh?" Asar! Kunyari pa syang nagkataon lang ang lahat! If I know pinlano niya ang lahat ng to! "Heh! mas gugustuhin ko pang manigas sa gutom kaysa humingi sayong unggoy ka! Magsawa ka sa cake mo! bwisit!" Nakakainis na talaga sya! Sinira na nga nya ang araw ko kahapon, sinira na naman niya ngayon! Kainis! mamatay na sana sya! bwisit. Nagwalk out na ako dun sa foodcourt. Hays..Si Katie naman puro "Nash cake lang yun, sige na kumaen ka na..iba nlng bilhin mo huh? meron pa naman yun next time!" Next time? Kalan pa? Wh ang sabi ni Aling Trining 1 month pa ulit bago magdeliver nung ganung flavor! Nirequest lang daw yun nung unggoy na yun kaya ayun ang flavor na dineliver! Bwisit! Wala akong ganang kumaen! Tapos may next class pa. Hays super badtrip! Gaganti talaga ako sa Bryle na yun! swear! Ugh!

CHAPTER 7- HER turn :) BRYLE'S POV Sa tambayan ng barkada...

"Pare, anu yan? may balak ka na bang mag bussiness ng cake?!" tanong ni Tommy "Si Bryle magbbusiness? Anung alam nyan dun! haha " sabat naman ni Steve "Tae kayo! Ginamit ko yan sa plano ko kanina" bla bla, ayun kinwento ko na sa kanila yung nangyari kanina "Ang dame naman nito pare. Mauubos mo ba lahat to?" tanong ni Third "Sinong may sabing ako lang kakaen nito? Kaya ko nga nilagay dito, favorite ko yan pero ang dame masyado eh kaya tulungan niyo akong kainin." "Ayoko Bryle, nakakataba kaya ang sweets! Masisira ang katawan ko!" -Steve "Hindi ako mahilig sa cake." -Tommy "Ayoko ng strawberry -____-" -Third "Haay..Anu ba yan? Ang sarap kaya nito! Palibhasa mga wala kayong taste sa pagkaen! Ako na nga lang ang kakain nito." 3 boxes lang ang naubos ko. Umay na ko eh, pinalagay ko nlng yung remaining 11 boxes sa refrigerator namin. Titirahin ko na lang yun bawat araw. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Sa wakas! Friday na! Last day this week na makikita ko ang pagmumukha ng unggoy na yun! Grabe naman kasi, biruin niyo yun, 1st week of school walang palya, talagang lage kami nagkikita! Tapos kung anu-anu pang ginagawa niya sakin! Busit! Sana naman kahit ngayong araw lang, magpahinga naman siya no? Nakakapagod narin kasi! At hindi pa ako nakakarecover sa pagbili nya ng lahat ng cake kahapon! Ugh! Ang init tuloy ng ulo ko ngayon.

. . . Lunch Break na.. Nagklase lang kami 2 subjects kaninang umaga tapos 2 subjects din mamaya. Hindi ko kasabay si Katie maglalunch kasi may practice pa yung group nila para dun sa play sa English subject namin eh. Ang grup naman namin mamaya na daw awasan (uwian) magppraktis kaya ayun. Ou nga pala, student assistant na ako! Okay kasi yung sweldo eh, isa pa, kay Sir Steven lang naman akong assistant! haha! Kaya nga si Katie, inggit na inggit! Nagpaalam pa nga siya kay Auntie kung pwede rin syang mag student assistant pero ang sabi lang ni Auntie ay isang malaking.. "HINDI!" haha! Ang baba na nga daw ng mga grades ni Katie tapos magttrabaho pa. Kawawang Katie. Papunta ako ngayong fudcourt, maglulunch na kasi eh db? tapos.. Tama ba ang nakikita ko? Yung unggoy na yun, para siyang may pinagtataguan, pasilip silip kasi dun sa may entrance sa foodcourt. Lilingon lingon siya! haha! Akalain mo yun, may kinatatakutan din pala to. Hmmm. Lumapit ako dun sa may likod niya. Hindi niya ako napansin. "Haaaaay..Gutom na ako. Bakit kasi ayaw pang umalis ng mga balyenang to sa foodcourt! Hindi pa ako nagbebreakfast eh! Gutom na gutom na ako!" narinig kong sinabi niya..balyena?

. . Ow..I see! haha May nakita akong 5 na babae na ahm..matataba? As in, ang lalaki nila! Kaya nga alam kong sila ang tinutukoy nitong unggoy. Mukhang hinahanap nila tong unggoy na to! haha. Fans club niya siguro? . . . "Waaaaaaaaah! Kyaaaah! May ipis! May ipis!" sigaw ko Napatingin tuloy sakin lahat ng tao dun sa foodcourt pati narin yung pinagtataguan nitong si unggoy! eh diba nasa likod niya ako? so...... . . "Ayun si Prince Bryle! Waaaaaaaaaaaaah! Girls, tara! " sigaw nung isang mataba! Oo, sinadya ko yun para makita nila si unggoy! hahaha Ang unggoy.. Napatingin sya sakin.. "Sinadya mo yun no! wala namang ipis eh! " *evil glare sya "Hindi no. Nakaalis lang yung ipis kaya akala mo wala. Eh sa takot ako sa ipis tsaka malay ko pang nandyan ka pala haha. Ay teka, hindi pa ba oras para tumakbo ka?" sabay turo ko dun

sa limang matatabang babaeng natakbo na palapit sa kanya hahaha "Waaah! Humanda ka saking babae ka! Hindi pa tayo tapos!" sigaw niya habang natakbo! Hahaha sa laki ng katawan ng mga babaeng yun sigurado akong pag naabutan sya ng mga yun............hahaha. Luray luray sigurado ang damit nya tapos haha gang rape pa! Tapos wrestling! Kawawang unggoy! Sana maabutan siya nila! XD . . . Pagkatapos kong maglunch sa canteen since vacant ko pa naman pupunta ako ngayon ng faculty baka kasi may ipapagawa sakin si Sir Steven :) Lakd. Lakad. Lakad. May narinig akong natakbo sa may corridor. Tapos nakita ko yung unggoy, nagtatago dun sa may pader na malapit sa isang room hahaha. Nakakatawa siya, mukhang hindi parin sya tinitigilan nung mga babae! haha Tapos nakita ko yung limang babae, hingal na hingal narin sila. Ang itsura namin.. Ako nakaharap dun sa mga babae, nasa may kaliwa ko si unggoy. Hindi siya kita nung mga babae kasi may parang makapal na wall dun sa tabi ng room yung mukang post. (Ang hirap idecribe. Basta! Yung makakapagtago si Bryle..) "Miss nakita mo ba si Bryle dito?! Para kasing dito sya pumunta?" Tanong nila sakin hahahaha! Anu kayang sasabihin ko? Nandito lang sya sa tabi ko oh! lumapit lang kayo! wahaha

Medyo tumingin ako kunyari sa tabi-tabi. Nakitako yung unggoy, ang buka ng bibig nya ganito.. "Wag please. Wag mong sabihin na nandito ako" ahahahaha..Nagmamakaawa siya ngayon ? hmmm.........Anu kaya? Nagmamakaawa na siya eh, tapos hindi pa siya nakaen.. Lumapit ako dun sa mga babae,, Tapos bumalik ako kay unggoy.. "Oh ayan, wala na sila. Sabi ko dun ka sa kabila dumaan.." "Weh?! niloloko mo lang ako eh!" "Tingnan mo pa." Dahan dahan syang sumilip.. "Haaaaaaaaaay..salamat! Wala na sila! Akalain mo yun mabait ka rin pala! Thank you!" tapos niyakap niya ako! =___= eew "Eew kadiri. Sige mauna ka na sakin, baka isipin may relasyon tayo kung sabay tayong maglalakad." "Choosy ka pa. Ang dameng may gusto ng yakap ko no!" tapos lumakad na sya.. . . . "Waaaaaaaaaah! Walangya kang babae ka!" ahahahaha! laftrip shet!

Pag tapat niya kasi dun sa may room, lumabas yung limang babae! haha! Akala niya ang bait ko no? Ano ako tanga? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin?! Ililigtas ko siya?! ahahah. Tanga lang gagawa nun! Nung lumapit ako kanina dun sa mga babae, ganito ang nangyari.. *flashback Lapit.. "Andun si Bryle sa may pader.." "waaaaaaaaah---" "Shhhhhhhhh! teka teka, makinig muna kayo. Wag muna kayo sumugod.." pinigilan ko sila, patakbo na kasi agad! Buti nakinig. "Pag sumugod agad kayo, makakatakbo siya. Ganito ang gagawin natin, magtago kayo dyan sa loob ng room, sasabihin ko kay Bryle na wala na kayo. Lalabas siya sa pinagtataguan niya. Maghintay lang kayo. Ang unang dadaan dyan sa may room siguradong si Bryle! Kaya dun kayo biglang lumabas pag may narinig kayong naglalakad." "Ooooh..ok, sige" nakinig sila sakin END OF FLASHBACK . . at ayun nga po ang nagyari! wahahaha Kaya eto nahuli nila si Bryle. Mukhang nirerape na ata dun sa may room! Wahahaha! Naririnig ko pa syang sumisigaw nung dumaan ako dun sa room kung nasaan sila.

"Waah! Layuan niyo ako!"-siya "Papa Bryle akin na lang tong uniform mo!"-sila "Papa bryle, pakiss"-sila "Waaaaaaah! Ayoko! Tigilan niyo ako!"-sya "Bwisit kang babae ka! Niloko mo ako!" sya parin yun atalam kong para sakin yun..wahaha Hindi ko na lang pinansin. Nagtuloy tuloy ako sa faculty haha. Natatawa parin ako eh. Nakatakas kaya yun? . . . Pag dating ko sa faculty, sabi ni Sir Steven wala naman daw siyang ipapagawa. 1 hour break pa ako. Wala si Katie nagppractice parin. Ay teka! Naalala ko, anniversary kasi nila Auntie Melba kaya naman pinabaunan niya kami ni Katie ng slice ng cake! Makaen nga! teka san ko kaya to pedeng kainin? Lakad. Lakad. sa may study table.. "Ang dameng tao..wala ng mauupuan,," lakad.lakad. "Bawal naman sa library,," lakad. Lakad. "Rooftop? papunta sa rooftop tong hagdan na to? hindi pa ako nakakapunta dun ah. Mukhang

wala masyadong napapadpad dun kaya dun na lang ako!" Pumunta nga ako sa rooftop.. Naupo ako dun sa may sahig, nilabas si cake tapos nung isusubo ko na..... . . "Penge naman please. Gutom na gutom na ako.. T_____T" "Ahahaha, bakit ganan itsura mo? Mukha kang ginahasa!" "Tawa ka pa dyan! Ikaw ang may kasalanan nito! At anung mukhang ginahasa? Ginahasa talaga nila ako!" Pano ba naman kasi yung uniform niya sira-sira, yung buhok niya gulo-gulo tapos puro lipstick yung muka niya pati leeg! Ahahahahaha "hahahahahahahahaha" "Tama na! bwisit! Penge na lang ako niyang kinakain mo! Hindi pa ako naglalunch. 2:00 na tapos hindi padin ako nagbbreakfast.." Mukhang gutom na gutom na talaga sya..pagod na pagod pa.. "Ayoko nga! bumili ka nlng sa foodcourt!" "Sa itsura kong to? Pagtatawanan lang ako ng mga tao! Tsaka, nakatakas lang ako eh! Baka mamaya andyan na naman yung mga yun! Kaya magtatago muna ako dito! Pahingi na kasi!" "Gusto mo talaga? sige na nga oh.." nilapit ko sa kanya yung cake, ngumanga naman siya..sweet ko no? susubuan ko pa sya.. pero nung kakagatin na nya..

. . sabay iwas ko at subo sakin nung cake Kinaen ko ng buo yung isang slice! haha. Kasya naman sa bibig ko eh! Nagkakamuol ako. Nakanganga lang siya. Nakatulala sakin. nguya..nguya "adasjhjshfjk...........(*lunok) haha. Sorry hindi agad makapagsalita ng ayos. Ang sabi ko, sorry pero gutom din pala ako. Next time na lang siguro kita bibigyan! haha" tapos tumakbo ako palabas ng rooftop sa may hagdan, binelatan ko pa muna sya! ahahaha..Buti nga! Nakaganti rin! wahahaha "Bwisit ka! Patay ka sakin! Kung hindi lang ganito ang itsura ko! Patay ka talaga sakin! leche!" sigaw niya Haha! Sige lang magsisigaw ka lang dyan! wahaha. Ang mahalaga nakaganti ako sayong unggoy ka! Wahahaha! Galing mo talaga Nash! :D

CHAPTER 8- THE TOUGHEST GIRL..IS STILL A GIRL. NASH's POV "Nash, in love ka no?!" huwat? tanong ni katie! Anu ba yan? "Anu ba yang tanong mo Katie! Kadiri talaga to!" "Eh bakit kasi kanina ka pang naka smile dyan! Para kang may iniisip tas bigla kang

matatawa.." "Yung unggoy kasi eh.." "I knew it! Sabi ko na nga ba at in love ka na kay Bryle eh!" "Tanga! asa ka pa!" "Ms. San Jose and Ms. Del Prado! Leave the room now!" aw..Nakasigaw kami ni Katie eh nasa klase nga pala kami. Ouch..Napalabas pa tuloy! . . . Sa study table kami ngayon "Kaw kasi Katie eh!"-ako "Sumigaw ka rin naman!"-siya "Ikaw ang una"-ako "Ikaw ang sumunod!"-sya "Tanga ka kasi"-ako "Nahawa lang ako sayo!"-sya "Heh! Tama na nga! Anyway, wala na naman tayong magagawa. Hoy babae, hindi ako in love sa unggoy na yun no!" -ako "Sus, in denial pa!"-sya "Hindi nga kasi! Ang totoo nyan kaya ako nakangiti kanina tsaka kaya ako natatawa kasi.." bla bla labla.. kinwento ko yung nangyari kanina..yung paghabol nung mga babae kay

unggoy tsaka yung sa rooftop.. "Ahahaha..Ow, I see! Haha! Sorry naman! Pero friend, nakakainggit ka! Lage mong nakakasama si papa Bryle! Tapos nagkakausap pa kayo lage!" siraulo ba to? Anung nakakainggit dun? -_"Gusto mo ikaw na lang ako. Sige na palit na lang tayo Katie!" "Gaga! haha" . . . Pagkatapos ng 1 hour.. Pumasok kami sa last subject. Naglectures tapos awasan na. SiKatie nauna ng umuwi since nakapagpractice na sila.Bukas na ulit ang next practice nila since Saturday na naman. Ako, may practice kami ngayong awasan. Tapos hindi na ako uuwi kila Katie kasi magoovernyt kami dun sa isa kong classmate para dun gumawa ng props namin para sa play. Bongga kasi yung leader namin, ang dameng churva. Bawal sya ng Saturday ng hapon kaya kailangan maghapit ngayong araw. . . . 6:20 pm na natapos yung practice at ihing ihi na ako! Kaya sabi ko mauna na sila dun sa bahay nung leader namin. Alam ko na naman kasi yung adress nung leader namin eh,

malapit lang din sa school. Marami pa kasing gagawin kaya pinauna ko na sila dun para magsimula na gumawa ng props.. lakad. Lakad. Yes! Aabutin na kasi ako eh! Bilis bilis ako pumasok sa cubicle.. *flash.. *Labas ng cubicle. Ayos ng konti sa may salamin.. . . . . *boogsh Biglang may nagsarado ng pinto.. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Damn.. 3:00 na ako nakaalis dun sa rooftop. Para kasi sure na wala masyado makakakita sakin. Mahirap na. Bilis bilis ako pumunta kila Tommy.. . .

"Pare! Anung nangyari sayo? Bat ganan yung itsura mo?!" tanong ni Tommy "Pagkaen..pengeng pagkaen T.T" "Akala ko ba pupunta ka ng foodcourt para kumaen?! Ang tagal mo nga kala namin umuwi ka na.." sabi ni Third "Uwaaaaaaaaaaaaaah..pare, pinagsamantalahan nila ako. Na gang rape ako..T.T" "Swerte mo pare! Saan ka na gang rape? Pupunta rin ako dun!" gagong Stve na to! =__= "Tae, ang nang rape sakin yung mga balyena! Para akong niwrewrestling! shet!" "ahahahahahahahahahaha" sabay sabay pa sila! damn! "Sige tumawa lang kayo! bwisit" "Haha, kawawa ka naman pala talaga pare. Teka, pano ka nahuli ng mga yun? edi ba napagtataguan mo naman sila lage?" "Gawa nung pesteng babae! Niloko ako!" "Si Ms. Nami?" -Steve "Sino pa ba?! lecheng yun! Sabi wala na daw, akala ko pa naman may kabaitan syang taglay! Tapos niloko lang pala ako! Trap pala yun! Tapos nagkita kami sa rooftop, gutom na ako kaya humingi ako sa kanya ng pagkaen! Aba, akala ko bibigyan ako..Susubuan pa nga ako eh...tapos nung kakagatin ko na, inilayo! Sabay subo! Kinaen sa harap ko tapos tumakbo! haup!" "Hahaha! Ow shet pare! Imba! grabe! Idol ko na sya! Liligawan ko na talaga yun! Crush ko na sya" -Tommy "Hindi pwede!" "Wag mong sabihing in love ka sa kanya pare? Sige magpaparaya na lang ako.." -tommy

"Tanga! Asa! Ayoko lang na mapahamak ka! Walang puso yung babaeng yun!" "Lage mo kasing inaaway"-Tommy "heh! Tama na nga yan. Pagkaen! Pag bilang ko ng lima at wala pang pagkaen sa harap ko, ipapapatay ko kayo!" Takbuhan ang mga gago..takot din nman pala eh.. . . . Pagkatapos kong kumaen, diretso sa isang subject..tapos awas na.. Kaso, damn! May iniutos pa yung matandang yun sakin. 5 pm dapat awas ko pero 6:00 nasa skul parin ako. May pinapakuha kasi si Tanda na file na pinapatapos niya dun sa secretary! Pwede naman kasing mag utos na lang sya sa iba! Pero since nasa school na daw ako, ako na lang! PSH.. . . . 6:10pm..Nakuha ko na yung file..hay salamat! Palakad na ako sa may labasan..ng makita ko SIYA! Oo,,bilis bilis pumunta ng C.R,.! haha..ihing ihi na siguro! aba teka.. . . .

*boogsh.. sinarado ko yung pinto nung nag aayos sya sa may salamin! haha..makaganti naman ako para dun sa kanina! "Palabasin niyo ko! Buksan niyo to ano ba!!" sigaw niya Hindi na lang ako naimik haha. Natatawa ako. After ilang seconds... "Humanda ka sakin kung sino ka man pag nakalabas ako dito!" 5 times yan after ilan pang seconds.. "Leche! Hindi ka na nakakatawa! Buksan mo na ang pinto.." 3 times yan after ilang minuto . . . "Please.. Maawa ka na, palabasin mo na ako!" haha..lumambot din..Yan lang namn iniintay ko eh. Magmakaawa ka..tapang tapang kasi.. Paglapit ko sa may pinto para buksan,, *sob sob umiiyak sya? Nilapit ko ang tenga ko sa may pinto.. "Dad..nakakatakot mag-isa dad,,Bakit hindi ka nadating dad? Mag-isa na lang ako.. Nakakatakot dad..Bumalik ka na please. Bumalik ka please..Kahit ngayon lang,,dad"

shet! Naiyak nga sya! Hindi ko pa naman planong paiyakin siya eh! Next week pa sana! hehe. Pero naiyak siya! Gusto kong makita! Excited ako! Pero parang may iba..Nun kasing tinatwag niya ang dad niya parang nakarelate ako. Yung tipong takot na takot ka kasi mag isa ka. Wala kang kasama, tinatwag ko si mom at dad pero alam kong hindi na sila babalik. Ako na lang mag isa.. . . pag bukas ko ng pinto Nakasandal sya dun sa pader ng c.r. naka lupasay sa sahig..umiiyak siya,, . . shet! ang cute niya! bakit ganun? Tumingin sya sakin, nagpunas ng luha tapos.. . . "Walangya ka! Bwisit! Anu bang prob---" Tinakpan ko yung bibig niya. May dumaan kasi eh. Baka pag narinig sya at makita kami, sa itsura niya ngayon baka akalaing ginagahasa ko siya! Mahirap na! Patay ako dun sa matanda pag umabot to sa kanya, kaya binuhat ko sya sa may cubicle. "ashagagdggshsaj" takip ko parin yung bibig nya.. "Shhh..Wag ka ngang maingay.."

*footsteps..may pumasok . . pero lumabas din wooooooh..buti naman.. Palabas na kami ng cubicle ng biglang.. . . . *boogsh.. *sarado ng pinto..*patay ng ilaw.. shet! 7:00 na siguro! Pag kasi 7:00 na pinapatay na ng mga tauhan dito lahat ng ilaw tapos nilolock na lahat ng pinto ng rooms including mga c.r.! Damn! So wala kaming choice.. Nalock kami ng babaeng to! Sa c.r. pa! shet! Sira ang phone ko hindo pa ko nakakabili ulit. Siya kaya?! damn! sana meron. Sana ok ang cellphone niya! Wag naman sana kami matulad sa mga scenes na napapanuod ko sa t.v.! Ayokong matrap sa isang room kasama ang isang taong mabangis pa sa dragon! =___=.. (isang gabi lang naman Bryle eh?! ) heh! Bwisit na konsensya! Hindi ko sya matatagalan! Ito nga at kinagat pa nya ang kamay ko! Hindi lang sya dragon! Kalhating aso rin sya! Ang sakit

mangagat! "Aray masakit! wag! tama na..shet!" -ako "Dapat lang sayo yan! Walangya ka! kasalanan mo to pano na tayo ngayon?! " -sya DAMN!

CHAPTER 9- TIME OUT <3 NASH's POV I'm doomed! "Ikaw kasing unggoy ka! Kasalanan mo to eh! Pano na tayo ngayon!" huhu..Matatrap na nga lang sa c.r. pa and worst matatrap na nga lang sa c.r. eto pa ang kasama! Leche lang =__= "Bwisit ka! bwisit!"-ako parin "Waah! Gumawa ka ng paraan! Gumawa ka ng paraan! Ayokong makulong dito kasama mong unggoy ka!" -ako parin ulit "Ugh! Manahimik ka nga muna pwede? Paano ako makakapag isip ng ayos kung walang tigil yang bunganga mo sa kakasigaw?! Baka gusto mong mag isip din no? Kaysa inaaksaya mo ang oras sa kakaputak mo dyang tanga ka! Akala mo ba gusto kong matrap dito? at lalo na kasama mo?! Wala to sa plano ko! kaya manahimik ka muna at mag isip pwede?! Lecheng buhay naman to oh!" Nakakatakot sya in fairness.. "Sabi ko nga eh..sungit.."

. . silence . . "Sira ang cellphone ko. Kaya hindi ako makakatawag kay tanda para humingi ng tulong. I assume may cellphone ka. Ilabas mo nga.." - malumanay pagkakasabi nya nan, nakakapanibago "Ah eh..teka lang huh.." hinanap ko pa sa bag ko yung cp ko. Wala kasing ilaw kaya hindi ko agad makita. "Ang bagal mo naman! " "Teka lang huh! Bwisit na to! Akala mo pinapasweldo mo ako kung makautos ka dyan! Eto na oh!" Hinablot nya naman agad sakin yung cellphone ko. "Thank God! Hindi lobat! Tapos may signal din! Salamat talaga Lord. Hindi mangyayari yung napapanuod ko sa t.v.! Magsisimba na po talaga ako tuwing Linggo!" Wagas naman to makareact. Nakakapanibago talaga sya. May side pala syang ganito? nag dial sya gamit ang cp ko "Posha! t*ng in*! May signal nga..Hindi nga lobat..Wala ka namang loaad! Anu ba yan! Para san pa at nagcellphone ka?!" "Pakikinig ng radio?! hehe"

"Damn! Bwisit! o eto na nga! Wala naman ding pakinabang! tss" napapasuntok na sya sa sahig. Magkatabi kami syempre kaya alam ko at medyo kita ko gawa nung ilaw ng cellphone.. Sorry naman. Wala akong masyadong budget sa load eh. Ilang fishbol narin kasi ang mabibili ko dun sa perang ipanloload ko, sayang din.Haha. Taena..nakakatawa pa ako no? Ansaya kasi, naaasar na naman sya! wahaha Pero teka muna, so trapped na nga kami dito for the whole night?! *silence . . . "Ahm..Teka sa pagkakaalam ko may sumusundo sayo tuwing uwian diba? Yung mahabang kotse na black..Tapos ang driver ay yung mamang matanda. Baka hinahanap ka na nun kasi hindi ka pa napunta sa parking lot! tama!" Tuwing umaga kasi agaw pansin ang entrance netong unggoy na to eh. May tagabukas pa sya ng pinto tapos ang haaaaaaaabaaaaaaa nung kotse nya! kaya alam ko.. "Hindi din. Kasi naman sanay na yun sakin. Mag aantay siya ng one hour, pag hindi ako dumating, ibig sabihin it's either nakidnapp ako o dun ako nakitulog kila Tommy. Pag wala silang natanggap na tawag mula sa mga kidnapper hindi nila ako hahanapin kasi alam na nilang kila Tommy ako tutulog kaya ganun" Anu ba yan -___"Eh ikaw? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" -tanong niya "Hindi eh. Dapat kasi magoovernight ako ngayon sa bahay ng classmate ko. Kung hindi mo

lang nilock yung pinto nung c.r. siguro nandun na ako ngayon nagawa ng props tapos hindi tayo trapped dit--" "saahhdhafgahgsah" tinakpan na naman nya ang bibig ko! litsi to ah! "Ang ingay mo na naman! Paulit-ulit ka na eh! Kaya ayoko sa inyong mga babae nakakarindi kayo!" "Aray! Yan ka na naman eh!" -sigaw pa nya Kinagat ko na naman kasi sya! Bwisit kasi eh! "Buti nga sayo! Kanina mo pa tinatakpan ang bibig ko! Ang baho kaya ng kamay mo!" "Ang arte mo naman! Dapat nga matuwa ka at nahawakan ka ng isang katulad ko! Lahat ng babae dito sa school pinapangarap lang yun!" Ang hangin o? Lipad ako eh! "Paano kasi tanga sila." -ako "Wala ka lang taste"-sya "Hindi ka lang masarap!" -ako "Bakit natikman mo na ba ako?!" -sya . . Anu daw? Bakit ba napunta dun ang usapan?! "E--e-eeew huh! wa-wala akong balak na tikman ka. Itsura mo pa lang nasusuka na ako!" "Ganun?! sus! baka kainin mo ang sinabi mo huh!" "Kung ayaw mo akong tikman, gusto mo ako na lang ang tumikim sayo?!" lumapit sya sakin.

Naliwanagan yung mukha niya ng ilaw mula sa cellphone ko. Ngumiti pa sya..waaaaaah! Ang gwapo niya! este..nakakatakot sya! "Waaaaaah! Manyak! Manyak ka talaga! Lumayo ka nga sakin!" tinutulak ko na sya nyan. Ang bastos kasi eh! Kadiri! Kadiri tlga! "Hahahaha..as if naman gagawin ko yun sayo! Assuming ka eh! Wag ka mag-alala hindi kita type..hahaha" umalis nga sya sa tabi ko, dun pumunta sa may pinto. Dun sya sumandal. Ang position namin ngayon, magkaharap pero nasa magkabilang dulo ng c.r. . . . *tenenententen Sh*t! Namatay na ang cellphone ko! Madilim na tuloy! Yun na lang ang ilaw namin dito eh! Tapos hindi pa sya naimik! huhuhuhu! Tulog na ba sya?! Takot kasi ako mag-isa. Ayokong mag-isa pag madilim! Gusto ko may katabi ako! Hindi ko naman sya pwedeng tawagin! Pinaalis ko nga sya eh diba? Baka kung anu pang isipin nung unggoy na yun pag sinabi kong tabihan niya ulit ako! Pero nakakatakot talaga. Pag ganitong madilim at takot na takot ako lageng nadating si dad para tanggalin ang takot ko kaso ngayon kahit siguro gaano kalakas ang pagtawag ko sa kanya, hindi na niya ako maririnig, hindi na siya darating kasi wala na si dad. Wala na ang ang dad ko..patay na :( . .

. *sob sob sob Hindi ko na napigilan ang luha ko. Sobrang natatakot na kasi ako tapos naalala ko pa si dad. Ayoko man umiyak pero parang hindi na sinusunod ng mata ko ang utak ko. Tuloy parin sa pag agos ang mga luha sa mata ko. Ang hina ko talaga! Nakakainis! " *sob sob sob dad...dad..I miss you dad,, *sob sob sob .Natatakot ako dad" Hindi ko na talaga mapigilan ang pag iyak "Wag kang mag-alala. Nandito na ako. Hindi kita iiwan. Wag ka ng matakot.." "Dad?!" . . "Tae! Si Bryle to! Bobo mo talagang babae ka!" Yung unggoy? Kailan pa sya lumapit sa tabi ko?! Tapos yung mga sinabi pa niya..kapareho ng sinasabi sakin ni dad pag natatakot ako.. "Wag kang mag-alala..nandito na ako..hindi kita iiwan..wag ka ng matakot.." "Wag kang mag-alala..nandito na ako..hindi kita iiwan..wag ka ng matakot.." "Wag kang mag-alala..nandito na ako..hindi kita iiwan..wag ka ng matakot.." . . . *sob..sob..uwaaaaaaaaaaaaah

Lalong lumakas ang pag iyak ko! Naalala ko kasi talaga si dad. Yung mga sinabi nya kasi kanina, exact same words na sinasabi sakin ni dad pag natatakot ako! "Uy! uy! Sorry na! Ikaaw kasi eh! Tahan na. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka.." Nagsosorry sya? Ang lambing pa ng boses niya. Siya ba tlga yan?! o baka nagiilusyon lang ako? "Ui..Sorrry na..Wag ka ng umiyak.. Nandito na nga ako oh.." sabi pa nya tapos.. . . O_________O! Nanlaki ang mata ko. bigla niya kasing hinawakan ang kamay ko! Waaaaaaah..Ang init sa pakiramdam. Buti na lang madilim! Nagbblush na kasi ako! Sigurado! Ang init kasi ng pisngi ko eh! Anu bang nangyayari sakin?! Pero dapat galit ako diba? Dapat sapakin ko siya kasi hinawakan niya bigla yung kamay ko diba?! Diba dapat alisin ko na yung kamay niya?! pero bakit parang ayaw gumalaw ng katawan ko?! Bakit ang komportable ng pakiramdam ko? Parang yung takot ko at lungkot ko nawala lahat nung hinawakan niya ang kamay ko?! Bakit? Hindi ko maintindihan! ------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV No choice..trapped na tlga kami.. peste!

Kaya wala ng magagawa kung hindi maghintay ng umaga. Bubuksan din naman to ng 7:00 am kasi open naman tong schppl tuwing Saturday..para yun sa mga students na may make up class at sa mga players na may practice.. . . Umalis na ako sa tabi niya nung tinutulak niya ako. Wala na kasi akong lakas na makipagkulitan pa, pagod narin ako. Sumandal na lang ako dun sa may pinto. Magkaharap kami. Ilaw lang ng cellphone niya ang kita ko.. . . Anu ba yan, hindi siya naimik! Ayoko namang unang magsalita! Anu namang paguusapan naming dalawa diba?! . . Ilang minuto rin biglang narinig kong tumunog yung cellphone niya sabay nawala yung ilaw.. Lowbat na siguro. 2 bar na lang kasi yun kanina.. hayyy..Hindi naman ako makatulog. Ang tigas ng sahig! Ang lamig pa..darn it! . . tulog na kaya siya?! . .

*sob sob sob.. Huh?? Umiiyak na naman siya?! Takot ba siya talaga sya sa dilim?! haha para syang bata! Naalala ko tuloy bigla yung itsura nya kanina nung buksan ko yung pinto! Priceless! Ang cute niya nun! Ang sarap pagmasdan! Kahit buong araw ko atang titigan yung itsura nyang yun eh ayos lang! haha Ay teka! Anu ba tong pinagiiisip ko! Dala lang siguro ng pagod. Hay..Eh anu kayang gagawin ko? Lalapitan ko ba sya? nye? Kailan pa ba ako naging concern sa ibang tao? Anu naman kung umiiyak siya? Bahala sya sa buhay niya! Tapang tapang niya makipag away tapos takot naman pala sa dilim! . . "*sob sob sob dad...dad..I miss you dad,, *sob sob sob .Natatakot ako dad" Damn! Ayan na naman sya! Tinatawag na naman niya yung dad niya! haay. Pano ba to? Naaalala ko sarili ko sa kanya eh. Naramdaman ko narin kasi yan. Mukhang miss na miss na niya talaga ang dad niya, pero anong gagawin ko? Hindi ako marunong magcomfort ng tao! Lalo na isang babae! Tapos kaaway ko pa! . . Hindi ko namalayan naglalakad na pala ako. Parang yung paa ko kusa na lang gumalaw kahit walang utos mula sa utak ko.

at ayun..Nakita ko na lang ang sarili ko sa tabi nya at sinabing "Wag kang mag-alala. Nandito na ako. Hindi kita iiwan. Wag ka ng matakot.." ??? Did I just said that?! Sinabi ko ba tlga yun?! Aba, ewan. Basta na lang lumabas sa bibig ko yun eh! Hindi ko alam ang sasabihin! Basta that time, ewan, kahit na dapat pagtawanan ko siya kasi umiiyak siya..Iba eh, ang gusto ko bigla, tanggalin yung takot niya at patigilin yung pag iyak niya. WEIRD! Bakit ganito ako ngayon?! "Dad?!" ay tanga! gawin pa akong tatay! -__"Tae! si Bryle to! bobo mo tlgang babae ka!" *sob..sob.. What the? Lalo pang lumakas yung iyak niya! Anu bang ginawa ko? Dahil ba sa sinigawan ko sya?! Sya naman kasi eh! Dad daw! hala! Anu bang gagawin ko? Wala talaga akong alam sa ganito! Expert ako sa pagpapasama ng loob ng ibang tao pero sa pagpapagaan ng loob ng iba? Wala talaga akong alam! "Uy! uy! Sorry na! Ikaaw kasi eh,,Tahan na..Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka.." Nagsorry ako? talaga? Ako ba talaga to? Eh kasi naman nataranta na ako eh. Ganito kasi napapanuod ko sa t.v. eh. Pag may naiyak na anime na babae, nagsosorry na lang yung lalaki tapos pinatatahan. Malambing dapat yung boses tapos..... "Ui..sorrry na..Wag ka ng umiyak..Nandito na nga ako oh.." tapos sasabihin nung lalaki ganyan tapos..

. . anu nga bang ginawa nung lalaking anime dun sa napanuod ko?! teka -_______________O_____________O Niyakap nung lalaking anime yung babaeng anime! Ayoko hindi ko kaya yun! Isa pa baka bugbugin lang ako nito pag ginawa ko yun..kaya naman.. Hinawakan ko nlng ang kamay niya! Ewan.. Hindi ko alam kung mawawala ba yung takot niya o lalo lang sya matatakot sa ginawa ko! Hindi ko alam! Gagaan ba pakiramdam niya sa paghawak ko sa kamay niya? Baka naman bigla niya akong sampalin! Intayin ko na lang yung sampal. Kung anu anu kasing pumapasok sa utak ko eh! May pacomfort-comfort pa akong nalalaman! Bakit kasi biglang umandar ang konsensya ko! . . wait for it. wait for it.. .

. O________O? . . Walang sampal?! at hindi rin sya napalag? hinayaan lang niya akong hawakan yung kamay niya.. Siya ba tlga yan? Ang init ng kamay niya. Ramdam kong medyo nanginginig pa sya. Awkward nga eh. Hindi ko alam kung dapat ko na bang tanggalin yung paghawak ko, hindi ako sanay ng ganito eh! Pero bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko, biglang ang hirap huminga! Ang bilis bigla ng tibok ng puso ko tapos bakit ganun? parang kahit magdamag kong hawak ang kamay niya, ayos lang.. Bakit?! Kailan pa ako natutong maging concern sa iba? Kailan pa ako natuwa dahil napagaan ko ang loob ng isang tao? NGAYON LANG ata.. Pero bakit? and of all people, dito ko pa naramdaman ang pakiramdam na to sa babaeng to..Bakit? hindi ko tlga alam! Dala lang siguro ng pagod....SANA

CHAPTER 9.5 - PART 2 OF "TIME OUT" NASH's POV *woooooosh (sound effect ng hangin) .

. . Alam niyo yung AWKWARD? . . ETO yun oh! Hawak niya ang kamay ko! Ilang minuto narin siguro! Tapos walang nagsasalita sa amin at ang pagkakahawak pa niya, hindi lang basta hawak, alam niyo yung lovers hold? yung magkaintertwined ang fingers?! GANUN! >.< . . . "Ehem! eheeeeeem! ehem!" nagubo ubohan nlng ako, hindi ko kasi alam ang sasabihin eh "Sobra ka namang umubo! May tb ka na ata eh! Pacheck up ka na!" Anu ba yan? Hindi ba nya na gets? Ang ibig kong sabihin sa pag-ubo ko ay ganito: "bakit mo hinawakan ang kamay ko?" pero obviously hindi nga nya gets.. -_- pero atleast nagsalita narin sya! "Wa-wala akong tb! ahm..ano.." shet pano ba to?! "O?" ang tipid naman magsalita nito! "B-babakit.." -ako "Bakit ano?"-sya "B-bbakit mo..ahm"-ako

"Anu ba?! Kanina para kang may tb, ngayon naman parang may problema ka na sa pagsasalita! Anung sunod may cancer ka na?!" -sya "Gago! Gusto ko lang itanong kung bakit mo hinawakan ang kamay ko!" woosh..nasabi ko rin! . *silence . Ang tagal naman niya sumagot! "Ah..a-anu kasi.." -sya "Tingnan mo! Ikaw rin naman pala putol putol magsalita! Kung pagalitan mo ako dyan!" "Heh! pano nahawa na ako sayo!" "Gaya gaya ka lang sabihin mo!" "Bakit naman kita gagayahin?!" "Baka kasi..anla ewan! Basta!" "Wew..hays, ka-kaya ko hinawakan yung kamay mo, ka-kasi..takot ka diba? Umiiyak ka kasi, eh dun sa napanuod kong anime ganun yung ginawa nung lalaki eh para mawala yung takot nung babae at tumigil na sa pag-iyak. Hinawakan ko ang kamay mo para masigurado mong may kasama ka at hindi ka mag-isa" Anime? Nanonood din sya ng anime?! Wee! Sabi ni Katie bata lang daw nanonood ng anime! Ngayon may kasagpi na ako! May kapareho na akong nanonood parin ng anime! pero teka..tama ba yung narinig ko? concern sya sakin?! "Ga-ganun ba? pero bakit?" -ako

"A-anong bakit?!" "Eh kasi..Kung ibang tao pa siguro ang kasama ko ngayon, hindi ako magtataka kung ganyan ang gagawin, pero ikaw?! Ikaw na wala ng ginawa kung hindi pagtripan ako at sirain ang araw ko, ganyan ang gagawin?!" "Grabe ka naman! Oo loko-loko ako, pero..hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo no! Iisa pa, ang ingay mo! Hindi ako makatulog kasi ungol ka ng ungol! Kaya gusto kong patahanin ka, para din manahimik ka at makatulog ako!" So in the end, sarili lang din pala ang iniisip nya! Great! Maniniwala na sana akong medyo may puso siya eh kaso naudlot..tss "Ganun? Dahil sa maingay ako? ok.. Pero hindi ibig sabihin na hinayaan kitang hawakan ang kamay ko eh ok na tayo! Natatakot lang ako kaya kailangan ko talagang may kahawak at isa pa, hinding hindi ko makakalimutan ang pinaggagawa mo sakin! Yung pagbubuhos mo ng kung anu sakin sa OSAS, pagsira mo sa jogging pants ko, paglalagay ng daga sa locker ko at pagbili nung cake na gusto ko! Hindi talaga!" "Ako rin kaya no! Hindi ibig sabihin na hinawakan ko ang kamay mo eh hindi na kita pagttripan! Naiingayan lang talaga ako sayo! Hindi ko pa nalilimutan ang mga pagpapahiya mo sakin! Yung panloloko mo sakin na wala na yung mga balyena kaya na gang rape ako! Tapos yung sa rooftop, gutom na gutom na ako tapos hindi ka na naawa! Wala kang puso! !" "Lalo ka naman!"-ako "Ikaw kaya!"-sya "Ikaw"-ako "Hindi, ikaw"-sya

"Ikaw sabi!"-ako "Ikaw nga eh!"-sya hayy..tatahimik na nga lang ako..mukang hindi kami matatapos kung sasagot pa ako.. . . . *katahimikan na naman . . . "Ahm..tulog ka na ba?!" -sya yan "Hi-hindi pa, bakit?" -ako "Wa-wala.." -sya "Ok.." -ako "Ahm ano.." -sya "Hmm..?" -ako "Pwede bang kahit ngayon lang time out muna tayo?!" -sya "Huh? Anung time out?!" anu daw?! naguluhan ako "Ano kasi, hindi kasi tayo makapagusap ng hindi nagaaway! Pwede bang kahit ngayon lang, isipin mong hindi ako si Bryle na kinagagalitan mo tapos iisipin ko rin na hindi ikaw si Nami na kinabbwisitan ko. Kahit ngayon lang kalimutan muna natin na galit tayo sa isa't isa Nami."

*dug dug Tinawag niya ako sa pangalan ko?! Teka, bakit bumilis ang tibok ng puso ko?! tss.. Nabigla lang siguro ako. "Nami?! Nash nlng!" -ako "Bakit Nash?!" "Nami Shanaia..'Na' plus "sh" edi Nash!" "Ayoko nga, ang panget! Nami ang gusto ko!" "Eh pangalan ko yan eh! Kaya ako ang masusunod!" "Eh ako naman ang magsasabi ah! Kaya ako ang masusunod!" "Teka, kala ko ba hindi na muna tayo mag-aaway?!" -ako "Ikaw kasi eh!" "ikaw kaya!" "i--" hindi na nya ako pinatapos -_"Tama na nga! Yan na naman tayo sa ganyan eh! Basta kunwari hindi tayo magkakilala. Kalimutan mo muna ang away natin. Sa lunes na lang natin ituloy huh?!" "Sige na nga.." "Magkwento ka naman tungkol sayo.." -siya yan "Huh?! Bakit naman?!" "Bored na kasi ako eh, pampalipas ng oras habang naghihintay akong antokin." "Hmm,,anung gusto mong ikwento ko sayo?!" "Teka..ah alam ko na! Kanina mo pa kasi tinatawag ang dad mo eh. Tungkol na lang sa kanya

ang ikwento mo!" kay dad? "Eh..masyadong personal yun! Wag na lang!" "Yun na lang! Hindi mo naman ako kilala diba ?!" huh? ah ou nga pala. Kunwari hindi kami magkakilala. "Si-sige na nga, basta sa lunes kunwari hindi ito nangyari." "Ou ba.." ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Nagsimula na syang magkwento. Ganito pala ang boses niya pag mahinahon, ang sarap pakinggan. Hindi ako makapaniwalang naguusap kami ng matino ngayon. "Si dad? hmm....Mas close ako kay dad kesa kay mom. Si mom kasi strict, si dad parang bata, nakikipagkulitan sakin. Minsan nga pinagtutulungan namin si mom. Only child ako at daddy's girl talaga. Si mom kasi puro work kaya pag lalabas kami ni dad, madalas hindi kasama si mom. Pag malungkot ako, si Dad lage ang kadamay ko, pag may umaaway sakin sya ang tagapagtanggol ko, masipag siya magtrabaho, ok na ok sya pero..nung 13 years old ako, nagkahiwalay ang parents ko. Iniwan kami ni mom para sa ibang lalaki? Ewan ko ba kung bakit. Ang tanga ni mom kasi iba ang pinili nya kesa kay dad, napakaswerte nya nga kasi mahal na mahal siya ni dad. Na kahit na nalaman ni dad na may iba syang lalaki, imbis na pagbuhatan siya ni dad ng kamay si dad pa ang nagmakaawa na wag syang umalis! Pero umalis parin sya....tapos......." humigpit ang hawak niya nun sa kamay ko

"Isang taon makalipas nun, si dad naman ang nang-iwan sakin. Namatay si dad kasi nabangga ang kotse niya nung naglasing siya para makalimutan si mom nung anniversary

nila" naramdaman ko na lang may tumutulo na sa kamay ko, umiiyak na naman sya! Hinayaan ko na lang sya at hinigpitan ko na lang din ang hawak ko. "Tapos si mom..tss..Namatay si dad ng dahil sa kanya tapos ni hindi nya nagawang magpakita sa burol ni dad! WWala talaga syang puso! Galit ako sa kanya! Galit na galit! Kaya simula non, para sakin, patay narin sya." Ramdam ko ang lungkot at galit nya. Para sa isang babaeng ganito ang pinagdaanan, kahit umiiyak sya ngayon, masasabi kong ang tapang niya. Hindi kasi halatang ganito sya kalungkot kung titingnan mo sya sa school. "Anu ba yan?! umiiyak na naman ako! Ang hina ko talaga! Nakakainis!" sigaw tapos pinahidan niya ang luha niya "Hindi ka mahina! Ang tapang mo kaya! Ikaw ata ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko! Ikaw pa nga lang ang naglakas ng loob na umaway sakin eh! Tapos mahina ka pa niyan?!" "Hahaha..Ou nga no!" nye, kanina naiyak sya, ngayon natawa naman! May pagkaweird din talaga sya no! "Ikaw naman ang magkwento!" sabi nya "Eh anla, inaantok na ako! Tulog na lang tayo!" "Ang daya mo naman! Nagkwento ako sayo tapos ikaw hindi! Madaya!" "Eh inaantok na nga kasi ako!" "Sige na kahit konti lang!!" "AYAW" "Tsk! hays.." buti hindi na sya nagpumilit pa

Eh ayoko kasi talaga! Ayokong nagkkwento tungkol sa magulang ko nagiging weak ako ng hindi oras. tumahimik na sya at ako, natulog na lang . . . "Hindi ako makatulog!!" nagising naman ako dun! Akala ko tulog na siya? Himbing na ng tulog ko eh, tapos siya hindi pa pala sya nakakatulog! "Bakit?" -tanung ko "Madilim kasi eh. Hindi ako makatulog pag wala kahit konting ilaw!" "Anu ba yan! kaya mo yan! Wala tayong magagawa!" "Eh hindi nga eh!" "Tss..teka, eh pano pag nagbbrown out sa inyo? Wag mong sabihing hindi ka nakakatulog pag brown out!" "Eh may kandila naman!" "Ay ou nga no,," "Eh pero teka, naalala ko, para din makatulog ako, minsan, kinakantahan ako ni dad! Tama! kantahan mo na lang kaya ako!" "Anu ka sinuswerte?! Isa pa hindi ako marunong kumanta! Lalo ka lang mahihirapan matulog sa boses ko!" "Hays..gusto ko ng matulog.."

tsk..anu bang gagawin ko dito?! Ai teka! binitawan ko muna yung kamay niya "Bakit ka bumitaw? natatakot ako!" "Sandali, nandito parin naman ako sa tabi mo oh! May kukunin lang ako sa bag ko." "A-aanong ginagawa mo?" "Nasan ba yung tenga mo?! Kinakapa ko lang! Ilalagay ko kasi sayo tong headphones!" "Ah ganun ba? Akala ko mamanyakin mo na ako eh!" "Ang kapal mo naman!" "Ako na lang maglalagay" yung ipod ko yung maliit lang, yung walang screen, maliit lang sya kaya walang ilaw hinawakan ko na ulit yung kamay niya.. "Ho-hohoy! ako naman ang mamanyakin mo?!" tanong ko..nahawakan niya kasi yung mukha ko! hinahaplos haplos niya! Ang init at ang lambot ng kamay niya! Eto na naman yung pakiramdam na hindi ako makahinga! Ang bilis na naman ng tibok puso ko! tsk "Tae! kinakapa ko lang din yung tenga mo! Makinig ka rin! Share tayo, para mas madali ka makatulog!" "A-akin na nga! Ako na lang ang maglalagay! Baka kung anu pang mahawakan mo dyan eh." . . ilang minuto lang, lumuwag na yung kamay niya sa pagkakahawak sakin tapos biglang napahilig yung ulo niya sa balikat ko

"Tulog ka na?!" Wala ng nasagot. Tulog na nga siya! Buti naman! Pero bakit parang ako naman ang hindi makatulog?! Bigla kasing uminit yung pakiramdam ko! Ang lamig naman ng sahig ah? Malamig nga dito sa c.r. kung tutuusin eh, pero yung katawan ko parang ang init bigla na parang nilalamig din. Ang gulo no? ewan.. Now Playing: YOUR ARMS FEEL LIKE HOME Pakinggan niyo yung link sa tabi oh ------------>

"A-anu nga bang kanta to?! Hindi ko to tanda ah."

I THINK I WALKED TOO CLOSE TO LOVE AND NOW I'M FALLING IN I FELT SO MANY THINGS THIS WEARY SOUL CAN'T TAKE MAYBE YOU JUST CAUGHT ME BY SURPRISE THE FIRST TIME THAT I LOOKED INTO YOUR EYES..

Anu ba yan! Para akong nagawa ng music video neto eh! Bakit naaalala ko bigla nung una kaming magkita? Nung nilapit ko yung mukha ko sa kanya at tiningnan siya ng mata sa mata?! Masama na to! Kailangan ko ng mailipat yung kanta! Kaso hawak niya dun sa isa niyang kamay yung ipod eh! Mahirap kunin! Nakasandal siya sakin eh! Baka magising.

AND THERE'S A LIFE INSIDE OF ME THAT I CAN FEEL AGAIN ITS THE ONLY THING THAT TAKES ME WHERE I'VE NEVER BEEN I DON'T CARE IF I LOST EVERYTHING THAT I HAVE KNOWN IT DON'T MATTER WHERE I LAY MY HEAD TONIGHT YOUR ARMS FEEL LIKE HOME..FEEL LIKE HOME

*dug dug dug Eto na naman to! Bakit ba bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko! Ang hirap huminga eh! May sakit na ba ako sa puso? Bakit parang gusto ko siyang yakapin?! MALAMIG lang siguro! Tama! malamig lang kaya parang gusto ko ng mayayakap! pero hindi, hindi ko siya yayakipn. Ok ng lamigin ako.

THIS LIFE AIN'T THE FAIRY TALE WE THOUGHT IT WOULD BE BUT I CAN SEE YOUR SMILING FACE AS IT'S STARING BACK AT ME AND I KNOW WE BOTH SEE THIS CHANGES NOW I KNOW WE BOTH UNDERSTAND SOMEHOW

*dug dug dug shet! Anu bang problema ng puso ko ngayon? pabilis ng pabilis. Naalala ko yung mga away namin tapos naalala ko din nung nagkkwento siya, yung boses niya at yung posisyon namin ngayon. Akalain mong nagkasundo kami? Napapangiti tuloy

ako.

AND THERE'S A LIFE INSIDE OF ME THAT I CAN FEEL AGAIN ITS THE ONLY THING THAT TAKES ME WHERE I'VE NEVER BEEN I DON'T CARE IF I LOST EVERYTHING THAT I HAVE KNOWN IT DON'T MATTER WHERE I LAY MY HEAD TONIGHT YOUR ARMS FEEL LIKE HOME, THEY FEEL LIKE HOME TO ME..

Shet! Eto na naman yung chorus! Parang inuutusan akong yakapin sya! Hindi! Hindi ko sabi sya yayakipin! Pero malamig naman eh? Ayos lang siguro? Body heat transfer ang tawag dun diba? Siguro nilalamig na rin sya! Pareho naman kami magbebenefit eh! Ayos lang siguro kung yayakapin ko sya, ngayon lang naman eh. . . dahan-dahan kong ginalaw yung kaliwa kong braso . . yayakapin ko na sya . .

O_____O tapos biglang gumalaw yung kamay niyang hawak ko

Anu bang iniisip ko?! Epekto siguro to nung kanta! Nadala ako masyado! bwisit! Buti na lang hindi ko tinuloy yung pagyakap! Wag na lang . . "I love you.." nagsalita sya bigla I love you?! . . tapos NIYAKAP NIYA AKO! O___O

Shet! Nilalamig din ba sya?!

Hindi ako makagalaw..

Nagsalita na naman siya..

"I love you.."

"Huh?! Ang bilis naman ata! Galit ka sakin daba? tapos mahal mo na agad ako?"

hinigpitan pa niya yung yakap niya . . "I LOVE YOU DAD.." ah..gets..Nananaginip siguro,,akala niya siguro dad niya yung katabi niya ngayon..tss.

THERE'S A LIFE INSIDE OF ME THAT I CAN FEEL AGAIN

(they feel like home)

ITS THE ONLY THING THAT TAKES ME WHERE I'VE NEVER BEEN

(they feel like home)

I DON'T CARE IF I LOST EVERYTHING THAT I HAVE KNOWN

(they feel like home)

IT DON'T MATTER WHERE I LAY MY HEAD TONIGHT

YOUR ARMS FEEL LIKE HOME, FEEL LIKE HOME, THEY FEEL LIKE HOME..

Ewan ko ba..parang tamang tama yung kanta.

Ang sarap sa pakiramdam nung yakap niya, parang yung inggit na nararamdaman ko sa mga kaklase ko dati sa school nung bata pa ako pag sinusundo sila nung nanay nila, yung sama ng loob ko pag nakakakita ako ng mga taong buo ang pamilya, yung may tatay na nakikipaglaro ng basketball, may nanay na gagamot ng sugat mo. Lahat ng lungkot at pagkasabik, parang kinaen lahat nung yakap niya. Nawala lahat ng mabigat dito sa dibdib ko.

Alam kong hindi ako ang iniisip niya habang niyayakap niya ako. Alam kong yung dad niyapero.. masaya narin ako. Ang sarap sarap sa pakiramdam ng yakapin ng may kasamang pagmamahal.

Tapos bigla na lang NIYAKAP KO NARIN SYA.

Malamig nga kasi. Epekto lang to ng lamig. Napayakap narin ako kasi nilalamig lang akoat parang nilalamig din sya! Kaya walang halong kung anu man tong yakap ko! MALAMIG LANG PERIOD!

Hindi ko namalayan, nakatulog narin akong magkayakap kaming dalawa.

CHAPTER 10- THE MORNING AFTER NASH's POV O.-*kusot kusot ng mata *tingin sa paligid Hmmm..Madilim pa pala, so maaga pa pala. Wala namang pasok ngayon, Sabado, kaya makatulog na lang ulit! Hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Mr. Cottonbuds (si Mr. Cottonbuds yung life size teddy bear na bigay sakin ni dad nung 11th bday ko) . . . ? "Mr. Cottnonbuds, pumapayat ka ata?! tsaka parang medyo tumigas ka." nakapikit ako habang sinsabi yan, antok pa eh. Well as if naman sasagot sya daba? haha..stuff toy nga eh! Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko tapos nirub ko yung back nya, anlamig kasi eh! "Mr. Cottonbuds, nilabhan ka ba ni Auntie? para kasing nag iba yung amoy mo! Mabango ka parin pero iba talaga eh." inamoy amoy ko sya. Ang bango eh! Hindi naman ganito yung

amoy niya dati, mas mabango ngayon. "Hay nako Mr. Cottonbuds, ayaw mo naman sumagot eh! Matulog na nga lang tayo." "Sige tulog na lang tayo. " O__O?! Ay pusa! Sumagot nga?! Na-nagsalita sya? Stuff toy na nagsasalita?! "M-mr. Co-cottonbuds nagsasalita ka?! Na-nagbibiro lang naman ako eh." baka naman naghahallucinate lang ako! as if magsasalita ang teddy bear! haha "Matulog na lang kasi tayo! Ang ingay mo naman eh!" tapos humigpit yung yakap niya sakin "Waaaaaaaaaah!" tinulak ko siya! Nagsasalita at gumagalaw na stuff toy! Kailan pa natutong mag hug back ang teddy bear?! Kailan pa natutong magsalita ang teddy bear?! Creepy! Siguro sinapian sya ng kung anung spirit! Yung parang kay Chuckie, alam niyo yun? Hindi yung inumin na chuckie huh?! Yung nakakatakot na doll na sinapian ng kaluluwa ng isang murderer! Ganun! . . "Aray ko! Anu bang problema mo?! Ang sakit huh?! " waaaaaaaaah! Ayan na naman siya! Nagsalita na naman siya! Kung sino man tong kaluluwang sumapi kay mr. cottonbuds ko, hindi ako natatakot sa kanya! Layuan niya si Mr. Cottonbuds! Medyo maliwanag na ng konti kaya naaaninag ko na sya. Pumayat talaga si Mr. Cottonbuds! Siguro dahil dito sa masamang espirito na to! niform ko na parang cross yung daliri ng mga kamay ko, alam niyo na naman siguro ang itsura nun no?!

"Kung sino ka mang masamang espirito ka, lumayas ka sa katawan ng teddy bear ko! Hindi ako natatakot sayo! Our father who art in heaven holy be thy--" ayun nagdasal na ako, ganito kasi ginagawa nung mga pari na nageexorcist sa mga movies na napapanuod ko! tuloy parin ako sa pagdadasal.. palapit siya ng palapit sakin! gumagapang siya! uwaaa! Nilakasan ko pa ang pagdadasal ko! Tapos naririnig ko sya sinasabayan ako sa pagdadasal! Uwaaaaah! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi effective ang dasal ko! Ayan na sya! ayan na sya! Hahawakan na niya ako! pumikit na lang ako.. "Kyaaaaaaaah!" sigaw ko "Ahahahahahahahahaha..shet! hahahahahaha.. " huh? O.- >> bukas ng isang mata -.O >> bukas ng isa pang mata O_____O >>dilat Yung unggoy?! Ay posha! Aala nga pala ako sa kwarto namin ni Katie! Nasa c.r. pa nga pala ako kasama tong lalaking to! "Pwede ka ng tumigil sa kakatawa dyan. Huminga ka naman, aka mamatay ka eh -_-" sarcastic kong sabi. Aba, eh hindi na tumigil ng kakatawa! Nakaupo sya sa harapan ko tapos

nagpapapalo na sa sahig sa sobrang pagtawa! "Haha! eh kasi naman, may pa masama masamang espirito ka pang nalalaman dyan! Wahahaha! Tapos nakaform pa ng cross yang kamay mo haha! tapos..wahaha! Magdasal ba naman? Ano ka exorcist?! hahahahaha" -sya bwisit! "Heh! tumigil ka na nga! Susuntukin kita dyan eh! Bakit ba naman kasi nakayakap ka sakin?! Sabi ko na nga ba at manyak ka eh! Kunwari ka pang tatabihan ako kasi natatakot ako! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!" natahimik sya tapos napaiwas ng tingin sakin Teka, nasisinagan lang ba sya ng araw o talagang namumula yung pisngi niya?! "I-ikaw kaya ang unang yumakap sakin!" sa iba parin sya nakatingin habang sinasabi yun, problema neto?? "Anung ako?! Asa ka pa! Ang yabang mo! Wag mo nga akong lokohin! Tsaka tumingin ka nga sakin! Napaghahalatang nagsisinungaling ka kasi hindi ka makatingin!" at tumingin nga sya.. waaaaaaaaah! Sana pala hindi ko na lang sinabi yun! Ewan! Nakakailang eh. Talagang nakatingin siya sakin tapos nasisinagan sya nung araw na nagmumula sa may parang exhaust window na nandun sa may taas ng c.r. at walang biro, gwapo siya. Damn! Trip ko kasi yung mga magugulong buhok sa lalaki, ewan. Mga crush kong anime puro ganun eh! Amps eh ang gulo pa naman ng buhok niya ngayon! >.< "Hoy babae! Ikaw nga tong nang manyak sakin kagabi! Nag I love you ka pa nga tapos bigla

mo akong niyakap!" "I love you?! tas niyakap?! what the?" huh? teka..ting! alam ko na,, -_"Ah!!! Nanaginip nga pala ako kagabi! Napanaginipan ko si dad eh, medyo tanda ko nag I love you ako sa kanya tapos niyakap ko siya" aw...ako nga ata yung yumakap! akala ko siguro siya si dad "Kitams? Ako pa sisisihin mo dya! Alam ko namang sa dad mo ikaw nag I love you eh. Wag ka mag-alala. Sabi mo kasi I love youy dad, nabigla lang ako nung niyakap mo ako. Ah, eh.. Akala ko tuloy nilalamig ka, kasi nilalamig din ako eh. Tapos alam mo yun? Nilalamig ka, nilalamig ako so niyakap narin kita! Yun lang yun!" "Wooo! if i know gusto mo talaga akong yakapin!" lamig lamig effect ka pa dyan! tss "Baka ikaw! Ikaw una yumakap eh!" "Wala ako sa wisyo ko! pero ikaw? Gising ka diba? pero niyakap mo ako! Hindi ka naman nananaginip ah?! So ginusto mo yun! " "Sabi ng nilalamig nga lang ako eh! Ang kulit mo! " tapos sa iba na naman siya tumingin..weird.. "Ou na! niloloko lang naman kita..tss..haha.." Hindi na siya umimik pagtapos nun. Suplado! -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV

"Wooo..if i know gusto mo talaga akong yakapin!" baka nga Huh?! hindi! Malamig lang sabi! Bakit ba kasi nang aasar pa sya! "Baka ikaw! Ikaw una yumakap eh!" sigaw ko "Wala ako sa wisyo ko! pero ikaw? gising ka diba? pero niyakap mo ako! Hindi ka naman nananaginip ah?! so ginusto mo yun! " "Sabi ng nilalamig nga lang ako eh! ang kulit mo! " "Ou na, niloloko lang naman kita..tss..haha.."-sya bwisit! pang asar din talaga sya eh! nakakainis Hindi na lang tuloy ako umimik! Naiinis ako sa sarili ko, simula kasi nung nangyari kagabi, pag titingnan ko siya.. Naalala ko yung pagyakap niya sakin at pagyakap ko sa kanya! Tapos pag naalala ko yun, itong bwisit na puso ko bumibilis! tapos ang init ng mukha ko! amps! Bakit ba naiilang ako sa babaeng to pag sinasabi niya yung tungkol sa pagyakap ko sa kanya?! pero tama sya eh, sya wala sa wisyo nung niyakap niya ako, pero ako? Pwede ko namang tanggalin yung pagkakayakap niya, pwede ding hindi ko siya yakapin!! pero.. ah hindi! Eh sa nilalamig ako eh! Kahit sino pang babae ang katabi ko kagabi, ganun ang gagawin ko! Kasi malamig! hmp! . . . *shiiiiiiing..(*sound effect ng pagbukas ng pinto! haha, ah basta bumukas yung pinto! :P ) "Sir Bryle?! miss? anung ginagawa niyo rito?! wag niyo sabihing?!" Anu bang nasa isip ng mamang to?!

"Anung iniisip mo dyan huh?! Tae! nalock kami kagabi dito nung isang tauhan dito! Hindi ata napansin na may tao pa!" "Pe-pero ladies comfort room po ito sir. Maiintindihan ko po kung si mam ang matrap dito, pero bakit kasama kayo?! " ai PSH..Ou nga no? -_"Heh! masyado kang maraming tanong! Basta, walang ibang makakaalam nito huh! Lalo na kay lolo! Kunwari wala kang nakita! Kung hindi, papatayin kita!" *evil glare "O-opo sir Bryle.." "Halika na nga babae! Anu pang inuupo-upo mo dyan?! Lumabas na tayo!" at hinigit ko na si Nami palabas.. tss.. . . . "O bakit tumigil ka?!" tanong niya "Tatawag lang ako samin, papasundo ako." nandito kami sa may guardhouse sa may gate.. nakitawag ako since wala akong cellphone "Oh, edi bitawan mo na ako. Uuwi na ko samen. Malapit lang naman yung samin dito! Walking distance lang!" "Ayoko nga! dito ka muna. Ihahatid na lang kita sa inyo!" ewan ko ba, ayaw ko pang umalis sya "Kailan ka pa naging gentleman?!" "Sinong may sabing gentleman ako?! Sisiguraduhin ko lang na makakauwi ka sa inyo na walang mangyayari sayo kasi mahirap na no. Ako ang huling nakitang kasama mo tapos baka

mamaya makita ka na lang sa ilog na patay na, ako pa ang mapagbintangan!" "Hello? Umaga pa oh?! As if may mangyayari sakin ng gantong oras! Wag kang magalala, walang papatay sakin! OA mo!" hinihigit na niya yung kamay niya "Dito ka lang sabi eh!" hindi ko sya binibitawan "Bitawan mo ako sabi eh!" "Ayaw" naghihigitan lang kami nun.. "Bitawan mo ko sabi eh!" at binitawan ko na nga siya ..kaya ayun.. . . *splak planking siya sa sahig! kulit kasi eh! "Oi, tanga mo naman kasi eh! Yan tuloy..hahaha.." nakaupo ako nun sa harap niya, yung hindi nakalapat ang pwet sa sahig..alam niyo naman yun diba? yung mukang natae! (aw ansama ng term) Bumangon sya sa pagkakahiga tapos umupo din. Tapos tumingin sya sakin ng masama..ang itsura namin, para kaming parehong natae ng magkaharapan. (aw, ang panget na naman ng term! ang hirap kasi magdescribe!) tapos.. . .

What the? Nilundagan niya ako! Alam niyo yung parang lundag ng palaka?! ganun!! Kaya naman napataob kami nun pareho sa sahig! Pinagpapalo niya ako! Pagulong gulong kami dun sa sahig! Sinasalag ko lang yung palo niya, para kaming tanga! tapos napatigil kami nung.. napansin naming dumating na yung sundo ko, may narinig kasi kaming kotse.. Ang position namin.. Nasa ibabaw ako..syempre sya nasa ilalim! Anu ba kasing iniisip niya lundagan ba naman ako?! Nagkatinginan kaming dalawa, para na kaming maghahalikan and take note nasa may guardhouse kami. Sa may gate, nakatingin na samin yung guard (nawala sa isip ko yung guard..damn -_-) Buti na lang wala pang studyanteng napasok sa gate! Para akong naging bato nun, nanigas na lang ako at napako ang mata ko sa mata nya. tapos ngumiti sya sakin *dugdug Ang ganda pala niya pag nakangiti! . . tapos tinuhod niya ako! sakto sa tyan ko! Napatayo tuloy ako sa sakit! "Aray! napakabrutal mo talagang babae ka!" nakahawak pa ako nun sa tyan ko

"Buti nga sayo! Masakit yung pagkakalagpak ko sa sahig huh!" "Eh sabi mo kasi bitawan kita!" "Sumunod ka naman! Hindi mo ba naisip na lalagpak ako pag bigla mo akong binitawan!" "Eh sinunod lang naman kasi kita eh!" "Pag sinabi kong kumaen ka ng tae kakaen ka?" "Syempre hindi! Eh bakit ba nangwrewrestling ka dito sa may guardhouse?! Hindi ka na nahiya! Ang dume tuloy natin!" "Dapat lang sayo yan!" "Aba! at--" nakaakma na akong susugurin sya ng.. "Ehem! Sir Bryle!" ai ou nga pala, so kanina pa niya kaming pinagmamasdan? Great. Manong naman eh! -_"Ang tagal mo naman kasing dumating! Anu ba yan! papatanggal kita sa trabaho eh!" -sigaw ko sa driver namin "Ang sama mo talaga!" nakasabat naman ang babaeng to "Manahimik ka nga dyan at pumasok ka na lang sa kotse!" "Ayoko sabi! wag mo na lang ako ihatid!" "Eto na naman po tayo!" sabi ko tapos binuhat ko na lang sya papunta sa loob ng kotse Ang buhat ko sa kanya, hawak ko yung binti nya sa una. Yung ulo niya nasa may likod ko, kaya ayun pinagsusuntok ako sa likod. Bahala siya, ang kulit. Gusto ko ng umuwi eh. Bahala syang magsisigaw =___= Sumigaw ako dun sa guard bago ako pumasok sa sasakyan..

"Wala kang nakita huh! Kung hindi alam mo na!" "Opo sir!" at sinarado ko na yung pinto . . Sa loob ng kotse.. "Bwisit! Bakit mo ako binuhat?!" -sya "Ang bagal mo kasi sabi ng ihahatid na nga eh! Napaka kulit mo din!" "Eh kahit na dapat kasi--" "Shh! shhh! Pwede? Ingay ingay mo talaga.. Saan ba ang inyo dito?!" tas ayun sinabi niya yung address nila..papahatid din naman pala! pinahirapan pa ako! "Manong eddie sa *address nila* daw tayo.." "Opo sir.." . . tumigil na yung sasakyan "Dito ka na ba?!" -ako "Oo" lumabas na siya ng kotse "Hindi ka man lang ba magtthank you man lang?!" sabi ko, nakabukas pa naman yung pinto kaya rinig niya ako Itsura niya yung parang nag-iisip, nag isip pa talaga?

"Hindi" sabay sarado nung pinto! wala talagang puso yung isang yun! "hahahaha" -Driver ko "Tinatawanan mo ba ako manong? Gusto mong sisantihin kita?! " "Sorry po sir, hindi na po." tsk -___"Manong, pabukas nga ng radyo boring kasi eh.." "Sige po.."

THERE'S A LIFE INSIDE OF ME THAT I CAN FEEL AGAIN IT'S THE ONLY THING THAT TAKES ME WHERE I'VE NEVER BEEN I DON'T CARE IF I LOST EVERYTHING THAT I HAVE KNOWN IT DON'T MATTER WHERE I LAY MY HEAD TONIGHT YOUR ARMS FEEL LIKE HOME..FEEL LIKE HOME..

damn! of all songs? Eto na naman? Naalala ko na naman tuloy yung yakapan! amps! "Manong patayin mo na nga lang ulit!" "Sir bakit po? Ang ganda nga po nung kanta eh!" "Sino bang boss huh?!" "Kayo po, sabi ko nga po eh." tapos pinatay na niya yung radyo Napatingin ako sa likod ng sasakyan. Bakit ganun, namimiss ko ba sya?! Parang gusto kong bumalik dun sa bahay nila at isama na sya sa bahay namin. *inalog ko yung ulo ko

Bigla namang naimagine ko yung muka niyang nakangiti sakin kanina, aw,, shet! Anu bang nangyayari sakin?! *pinalopalo ko yung ulo ko "Sir ayos lang po ba kayo?!" "O-okey lang ako! Ah manong pag may babaeng hindi maalis sa isip mo, anu bang ibig sabihin nun?" "Haha..Sir, yung girlfriend niyo ba po kanina? Namimiss niyo na po agad no?!" "Huh?! Hi-hindi ko siya girlfriend! Tsaka ibang babae yung sinasabi ko!" "Ah ganun po ba Sir?! Kasi po kung tingnan niyo siya kanina, parang may iba eh.." iba? huh? anung iba? tss.. "Well sir, kung sino man po yung babaeng hindi maalis sa isip niyo. SPECIAL siya sa inyo sir.." "SPECIAL?!" "Opo, mahalaga siya sa inyo. Kasi kung pinipilit mo man siyang wag isipin pero patuloy parin siyang nasa isip mo, yung tipong pag pikit mo nakikita mo siya. Aba sir, may iba ng ibig sabihin yun. Kasi hindi na lang sa isip mo sya naroon, nasa puso niyo na siya sir. Kaya nga kahit yung utak mo ayaw na syang makita, nakikita mo parin sya dahil nga nasa puso mo na sya. May tendency sir na gusto mo na sya or pedeng in love ka na sa kanya!" "Huh? h-hindi yun! Anu bang mga kakornihan yang mga sinasabi mo manong! Wag na nga lang! tss.." in love in love na sinasabi niya! Asa! Asa talaga! . . .

Nandito na ako sa kwarto..namiss ko ang kama ko ah! Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto, parang ayokong kumilos. . . . gabi na.. Tutulog na ako! wee..malambot na ulit ang higaan ko.. 8:30 pm kanina pa ako nakahiga! Bakit hindi ako makatulog?! pabali- baliktad na ako eh! . 10:00pm Hindi pa rin ako makatulog!leshe! . 11:00pm Wala padin! Gusto ko ng matulog.. >___< . tapos 11:30 tumayo ako sa kama ko..maiihi kasi ako eh..pumunta akong c.r. .

. Aw..naalala ko yung kagabi. Parang nakita ko siya na nakasandal dun sa may pader ng c.r. nung magkatabi kami! Waaaaaaaaaah! Anu ba to?! Umihi ako Naghilamos narin ako! Hindi kasi mawala yung babaeng yun sa isip ko damn! pumunta na ako sa kama.. shet..naiwan ko palang bukas yung ilaw.. tatayo na naman ako? -_. . . tumayo ako..tapos Ewan..dinala ko yung unan ko sa c.r. Tapos sumandal ako dun sa pader, niyakap ko yung unan. Ginaya ko yung pwesto namin kagabi. At ayun, ewan ko kung bakit pero ang bilis kong nakatulog. Parang hinanap ng katawan ko yung matigas na sahig ng c.r.! Sana lang marunong ding yumakap tong unan ko tss.

CHAPTER 10.5- THE MORNING AFTER (Nash's SIDE) NASH's POV

Pagbaba ko ng kotse ni Bryle.. (yes naman oh! Bryle muna tawag ko sa kanya ngayong araw since medyo mabait naman sya ngayon, at inihatid ako) Sa totoo lang natuwa ako, kasi akalain mo yun, medyo may pagka gentleman side din pala siya? Pero konti lang huh! Sa totoo lang kaya ayaw kong magpahatid sa kanya kasi, mahiluhin ako sa mga sasakyan na may aircon! Kung yung iba pangarap na magkaron ng sariling kotse, ako? nah.. Hindi talaga. Mas gusto ko pang magkatricycle, jeep or syempre ang pangarap kong maidrive, motorcycle! Astig kasi..hehe Lakad. Lakad. Bubuksan ko pa lang ang pinto ng biglang may nagbukas na..sabay.. "kyaaaaaaaah!" si Katie..biglang sumigaw pagkakita sakin! rindi ako eh! problema neto? nakakatakot ba itsura ko?! "Hoi babae! " *sabay binatukan ko sya "Aray ko naman!" -sigaw nya "Kung makasigaw ka kasi dyan, daig mo pa ang nirerape ng limang tao eh!" "Grabe ka naman! hahaha. Eh kasi naman no, nakita kita!" "So? Anu kung nakita mo ako? Ganun mo ba ako namiss huh Katie? Ikaw talaga! o sige na i love you na! sinasagot na kita! tayo na!" "Gaga! (ako naman ang binatukan niya this time) . Hindi no! Eh kasi maaga ako nagising tas may narinig akong kotse na tumigil sa harap ng house natin! Edi syempre nacurious ang lola mo! Tapos pag tingin ko...kyaaaaah! kotse ng mga Stanford yun ah!" "Ah..yun lang naman pala! Akala ko pa naman namiss mo ko..tss..break na tayo! :P" "Haha! Adik ka talaga Nash! Ikwento mo na kasi! Anu ba nangyari huh?"

"Ah, Katie, pwede mamaya na? kaen muna tayo ng breakfast! Gutom na kasi ako!" "Hindi talaga pwedeng ngayon na?" "Gusto mong wag na akong magkwento?!" "Hindi-hindi..sabi ko nga eh..Ipagtitimpla pa nga kita ng hot chocolate eh!" "Suhol?! haha. Sige na, magkkwento ako mamaya..sa kwarto..ok?" "ok!" kung makangiti naman ang isang yun! anu bang meron? parang hinatid lang naman ako! tss..big deal -_. . "Nash, gutom na gutom ka ah? para kang hindi naghapunan! Hindi ka ba pinakaen ng classmate mo?!" tanong ni Auntie Melba..kasi nga ang alam nila nag overnyt ako sa bahay ng classmate ko kagabi (sabay sabay kasi kaming nakaen ngayon.., ako, si Katie at si Auntie melba..wala si Tito tony kasi may work..si Stacy..tulog pa ata..) Hay naku Auntie Melba kung alam niyo lang! "Ah eh, hehe pinakaen naman po. Kaso marami po kami diba? kaya medyo inuntian ko lang po yung kaen. Nakakahiya naman kasi." sinungaling ka Nash. Nasa c.r. ka kaya magdamag kasama yung gwapong nilalang! "Ah ok..kala ko hindi ka pinakaen eh. Hehe..sige kaen ka pa" "Nagovernyt daw sa classmates niya. Hinatid naman dito ni--" si Katie yung bumubulong, magkatabi kasi kami. Siniko ko siya! Baka marinig pa ni Auntie sabihin may bf na ako! oh no! "Anung sinasabi mo Katie?" aw, narinig ba ni Auntie melba?!

"Wa-wala po ma..hehe. Niloloko ko lang si Nash, sabi ko baka tumaba siya kasi ang takaw niya.." ang layo naman nun sa sinabi mo Katie..the best ka tlga! "Ah..ganun ba? ok.." andali naman maniwala netong si auntie eh! "Good morning Stacy! Kaen ka na anak!" sabi ni Auntie mMelba. Opo ang bruha, kakagising nga lang. "Pagkatapos niyo na lang, nakakawala kasi ng gana! " sabi nya tas lumakad papuntang salas. Problema nun? tapos yung pagkakasabi pa niya ng "nakakawala kasi ng gana" w/ matching tingin pa sakin..tss. Anu na naman bang ginawa ko sa kanya?! "Nako, si Stacy talaga. Bad mood na naman..pasensya na kayo." sabi ni Auntie Melba Kaya naman ganan si Stacy eh, sa totoo lang favorite siya ni auntie. Selos nga lage si Katie eh. Hays..lage na lang kasing kinukunsinti ni auntie si Stacy. "Sus, hindi siya dapat ganun sa harap ng pagkaen! Dapat pinagsasabihan niyo naman siya minsan ma! Sumusobra na yang si Stacy!" sabat ni Katie "Hayaan mo na lang ang kapatid mo Katie. Masama lang siguro ang gising.." at hindi na umimik si Katie. Mabaet na bata yan eh. Hindi naman siya nasagot sa magulang niya. --------------------------------------------------------------------------------------------STACY's POV *Teach me how to dougie..(cp ko yan nagriring) tss..tinatamad akong sagutin eh! Kaso ayaw naman tumigil sa pag tunog! Ang aga-aga! Sino ba to?! "Hello?! sino ba to?! aga-aga! natutulog pa yung tao!" sabi ko ng pagalit..bwisit kasi eh! aga aga! tss..

"Taray mo naman leader! haha..Sabi kasi ni Jen tawagan na daw kita para magising ka. Baka kasi late ka na naman daw dumating sa practice natin..9am tayo sharp diba?!" "Yang Jen talagang yan! hay nako..o eto na, sabihin mo gising na ako! 7:30 palang eh! agaaga naman!" "Relax leader..basta agahan mo huh..inga--" binabaan ko na siya ng phone..dami dami kasi sinasabi! nakakaasar lang! badtrip.. Matutulog pa ulit sana ako ng.. May narinig akong kotse at parang tumigil pa sa harap ng bahay namin. Since ang kwarto ko may bintana na nasa may harap na part ng bahay, tiningnan ko.. at hell! Gising na gising ako sa nakita ko! KOTSE lang naman ng mga STANFORD! Yung kotseng naghahatid sundo sa aking Bryle! hayy..crush na crush ko talaga siya. Simula nung highschool pa ako. Well sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya?! I mean, medyo masama ugali niya at may pagkaloko-loko and all pero..GWAPO siya..MAYAMAN..PANTASYA NG LAHAT ng babae sa school! at kung sino man ang magiging girlfriend nya, sure na kaiinggitan ng lahat ng babae sa school! waaaah! Tapos eto ang kotse niya, sa harap ng bahay namin. *dug dug. Siguradong nakasakay sya dun! Bakit kaya?! Magtatapat ba sya sakin? Napansin ba nya ang kagandahan ko? aayain niya akong makipagdate?! Biglang bumukas yung kotse.. eto na bababa na siya!!

teka! tama ba ang nakikita ko? yung NASH na yun?! si Nash?! bumaba sa kotse ni Bryle?! *kinusot kusot ko ang mata ko Totoo nga! si Nash yun! Tapos nakita ko si Bryle, may sinabi pa siya kay Nash eh..tas si Nash..nagpose pa na parang nagiisip..tapos sumigaw siya ng "HINDI" tapos dinilaan pa si Bryle sabay sarado ng pinto! CLOSE BA SILA?! Wala pa kasing babaeng sinakay si Bryle sa kotse nya! As in! Wala nga yung kinakausap na babae sa school eh! Kahit tingnan man lang! tapos.. etong Nash na to?! Bago lang sya sa school..Hindi siya dun nag high school..tapos..hinatid pa siya ni Bryle?! Tapos kung magusap sila akala mo matagal na silang magkakilala!! Anu ba kasing meron sya?! Bakit lahat na lang ng gusto ko sa kanya napupunta?! tss. Gusto niyo bang malaman kung bakit inis na inis ako sa kanya?! MARAMI AKONG DAHILAN! BIBIGYAN KO KAYO NG ILAN! >,< Simula nung dumating siya, ewan ko ba! Naiinis na ako sa kanya! Basta basta na lang kasi syang dito titira samin! Tapos, mas close pa sila ng kapatid ko kesa sakin! Tapos si pa, pag nakikita niya ang grades ko tapos grades ni Nash, nung highscool pa kami, lage na lang.. "Stacy, bakit hindi ka gumaya kay Nash?! working student pa yan oh..pero ang grades ang taas!" sa totoo lang wala naman akong bagsak eh, kaso matataas lang talaga ang grades niya! nakakainis!

Tapos one time nadatnan ni pa si Nash na naglilinis sa bahay..at ako, nanonood ng t.v. "Stacy, bakit hindi ka naman gumaya kay Nash, kahit papano tumulong ka naman sa mga gawaing bahay! Alam kong may katulong tayo, pero hindi naman pedeng si Yaya Sepa ang gumawa lahat. Kahit yung pagligpit man lang ng mga pinagkainan mo eh makatulong ka diba?! si Nash nagsasideline pa yan para magkabaon siya, pagod siya pero nakakatulong parin sa gawaing bahay!" eh kasi naman no, anung silbi ng katulong kung gagawa ako? Kaya nga sila binabayaran eh diba?! Anu ba kasing gusto niyang Nash na yan at naglilinis pa siya? Pero sabagay dapat lang naman yun eh, kasi NAKIKITIRA lang siya! tss..at marami pang pangyayari na lage akong nacocompare ni pa kay Nash..feeling ko nga naagaw na ng Nash na yun sakin si pa! parang sya na ang anak eh! God I hate her!! Ugh!... yan, naagaw na niya sakin si Katie tapos si pa naman! Si ma na lang ang hindi! Si ma na lang ang kakampi ko! At hindi pa nakuntento si Nash na yan sa pang aagaw sa mga taong mahal ko.. *flashback Isang beses, fiesta samin 3rd year high school ako, ung mga classmates ko pumunta samen, sa ibang school nun pumapasok si Nash kaya hindi nila sya kilala. Tuwang tuwa ako kasi for the first time, sumama sa lakad naming magkakaklase si Grant! Ang crush ko. Minsan lang kasing sumama tong si Grant! Napilit lang ng mga classmates ko. Hindi kami close kasi nahihiya ako sa kanya. Alam na ng lahat ng mga classmates ko na crush ko siya, siya nlng ang hindi! MANHID. Ayoko naman ako ang unang gumawa ng move kasi..duh? Ako ang babae diba?! Kaya wala akong magawa kung hindi magpacute at umasang mapapansin din niya tong nararamdaman ko. Kahit na mukhang paubos na ang

arrow ni Kupido kakapana sa kanya! >,< Inintroduce ko si Katie sa kanila, well pati si Nash, kasama siya ni Katie eh. Walang magagawa so ayun, nagandahan sila kay Nash pati kay Katie..pero mas talaga kay NASH. PSH lang.. tss.. at pati si Grant, sa tingin ko nagandahan siya kay Nash. Nag "Hi" kasi siya kay Nash tapos nagsmile pa! Alam niyo yun? ako classmate niya, antagal niyang nakakasama pero hindi pa siya nagsmile sakin ng ganun! Tapos kay Nash? and come to think of it. SUPLADO po si Grant. Hindi siya masyadong namamansin lalo na ng girls..tss..Kaya sabi ko na lang sana mali lang ako ng akala. Sana hindi niya gusto si Nash. . . . 9:00pm..may nareceive akong txt.. FROM: BFF JEN GIRL! KYAAAAAAAAAAH! HI-HININGI NI GRANT YUNG NUMBER MO SAKIN KANINA BAGO KAMI UMUWI! GOD! GIRL! BAKA ETO NA! BAKA LILIGAWAN KA NA NI GRANT! ANU NA? TINXT KA NA BA NIYA?! TToo ba yung tinxt ni Jen?! uwaaaaaaaaaaah! narinig niyo yun? Weeeeeeee! ang saya saya ko! nagsasayaw na nga ako sa kwarto at nagtatatalon sa kama ko dahil sa nabasa ko! so finally! gusto rin nya ako! kasi hiningi niya ang number ko! Maya maya..tumunog yung cp ko.. *dug dug sana si grant! sana si grant!

. . . wee! si Grant nga! FROM: GRANT HI STACY! SI GRANT TO! SALAMAT PALA DUN SA PAGKAEN KANINA HUH?! ANG SARAP. NABUSOG TLGA AKO! ALAM KO HINDI TAYO CLOSE..PERO..MAY ITATANONG SANA AKO SAYO..AHM..MEDYO NAHIHIYA KASI AKONG SABIHIN SAYO NG PERSONAL EH..KAYA NAMAN TINXT NLNG KITA..TXTBAK KA AGAD KUNG OK LANG MAGTANONG :) waaaaaaaaaaaaaah! ang lakas ng tibok ng puso ko! eto na ba yun?! itatanong ba niya kung pedeng manligaw?! uwaaaaa! eto na talaga! magpapakipot pa ba ako? sasagutin ko na ba agad? hay! ansaya..wait..replyan ko na pala.. TO: GRANT <3 YOU'RE WELCOME..WALANG ANUMAN YUN..PARA NAMANG DI TAYO CLASSMATES.. AHM, SIGE OKAY LANG..KAHIT ANUNG ITANONG MO SASAGUTIN KO..HEHE.. :) Oh my God! kinakabahan na ako sa reply niya! Eto na! eto na! tagal niya magreply huh?! nahihiya pa siguro! hehe yan na! tumunog na si CP! *KURAP KURAP FROM: GRANT <3 AHM....PEDE BANG..

. . AHM.. PEDE BANG MANLIGAW.. (manligaw daw! eto na tlga! di na to ilusyon!) (kaso meron pa palang kasunod yun..pagscroll down ko sa cp..) "PEDE BANG MANLIGAW.. DUN SA PINSAN MONG SI NASH?! HEHE..ALAM KO ANG BILIS PERO, MAY BF NA BA SYA? ANU BANG TYPE NIYA SA LALAKI? KWENTUHAN MO NAMAN AKO! TULUNGAN MO AKO STACY! PLEASE..NAKAKAHIYA MAN..WALA PA KASI AKONG EXPERIENCE SA PANLILIGAW! NALOVE AT FIRST SIGHT LANG AKO SA PINSAN MO! KAYA NGA KINAPALAN KO NA ANG MUKHA KO! :)" . . aray! masakit! Ansakit sakit! Parang binasag yung puso ko tapos pinagaapakan pa yung mga basag basag na parts! Shet lang..Okay pa sana kung ibang babae ang magustuhan niya eh! Bakit si Nash pa?! bakit?! Ugh! *END OF FLASHBACK at ayun nga po ang nangyari. Naagaw pa sakin ni Nash ang crush ko. Naagaw niya sa loob ng ilang segundo ang lalaking ilang taon kong gusto tss.. >,< Kaya nga badtrip na badtrip ako umagang umaga! Hindi ko talaga matanggap dahil ngayon..si Bryle naman ata ang aagawin nya! Lahat na lang ba sa kanya mapupunta?! Hindi ako papayag! Tapos pati si ma baka mamaya maagaw narin niya! Hindi na talaga! kaya may gagawin na ako! Ayoko ng maagawan pa! Sorry kang Nash ka pero masyado ka ng

maswerte! Time ko na para gumanti ;) ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Ayun pagkatapos kumaen naghugas ako ng pinggan. Nagvolunteer na ako kasi nakakahiya naman kay Yaya Sepa, madame kasi syang ginagawa. Sumunod na lang ako kay Katie sa kwarto niya pagkatapos. "Hoy, anu na Nash?! Bakit ka hinatid ni Bryle? Akala ko magoovernyt ka sa classmate mo? Eh hindi mo naman siya classmate eh? kayo na ba?" "Teka nga! Isa isa lang katie! Ganito kasi, kahapon, nag cr ako bago pumunta sa bahay ng classmate ko. Pinauna ko na sila kasi marami pang gagawin., eh etong si Bryle na gago, pinagtripan ako at nilock ako sa c.r.!" "Oh eh bakit hinatid ka pa nya?!" "Teka Katie! Hindi pa tapos eh diba?!" "Sabi ko nga! hehe..continue!" "Tas ayun..eh diba takot ako sa dilim pag mag-isa lang kaya napaiyak na lang ako. Medyo matagal din kasi bago niya binuksan! Naawa din ata.." "Tas ano? umamin na sayo? kayo na ganun?" "heh! Sabat ka ng sabat! hindi!" "Sorry..sabi ko nga eh. Hindi na ako iimik! Naeexcite kasi ako! wahaha.." "Edi ayun nga, sinigawan ko siya tapos biglang may paparating, tinakpan niya yung bibig ko. Nagtago kami sa may cubicle..then boom! Akala nung pumasok wala ng tao..at nasaraduhan kami!"

"Ow waaaaaaaaah! parang teleserye lang! Ay hehe, geh kwento ka na ulit..nyaha.." "Edi ayun, sira pala ang cp ng loko. Hindi naman daw sya hahanapin sa kanila, ako naman walang load kaya no choice. We stayed there the whole night!" "Kyaaaaaaaaaah! Kayo lang dalawa? Ma-may nangyari na ba sa inyo? I mean malamig..tas sa c.r. pa! tas si Bryle pa! yummy yun! Ginawa niyo na ba yung" *sabay nguso niya na nakaturo dun sa ano ko! dun sa ibaba ko! "Bastos ka Katie! Ikaw talaga! Hindi no! ai teka iihi lang ako.." kanina pa ako nagpipigil eh,, paglabas ko ng c.r...teka bakit tingin na tingin siya sa legs ko habang naglalakad ako? "Oi Katie! anung meron sa legs ko? Bakit ganyan mo na lang tignan?" "Ah eh kasi nabasa ko, pag nag anu na daw, yung pag first time kayung nag ano, masakit daw yun sa una eh. Kaya mahahalata mo daw sa lakad ng babae kung nag ano sila for the first time!" "Waaaah! Anu ka ba katie! sabi ng hindi eh!" pinagpapalo ko na sya! nakakailang naman kasi yung iniisip nya! eeew! "Haha..ou na, naniniwala ako sayo. Wala kasing nag iba sa lakad mo! sayang!" "Gaga ka talaga! Sayang ka dyan! Actually..nalaman ko gentleman din pala siya!" "Talga? bakit?" "Eh kasi..nung natatakot ako, umiiyak kasi ako nun eh. Kahit na inaaway ko sya nung una, tinabihan niya ako tapos..ah eh.." "Anu? bitin ka naman eh!" "Ano kasi..wag na lang!" "Eeeeeh! Nash naman eh!"

"Sya sya..a-ano..HINAWAKAN niya yung kamay ko!" shet namumula ata yung mukha ko nung sinabi ko yun! bakit? "Waaaaaaaaaaaaaah! Ikaw na! Ikaw na talaga! Ikaw na ang niholding hands ni papa Bryle ko! Inggit na talaga ako sayo!" "heh! Eh gi-ginawa lang naman niya yun para daw tumahimik na ako! Hindi daw kasi siya makatulog, a-tapos..kasi hindi ako makatulog, pinahiram pa niya ako nung ipod niya..share kami.." "Kyaaaaaaaaaaah! Ang sweet! so magkahawak kayo nun?" tumango lang ako "Waaaaaaaaaaaah! ah ah Nash! Papatayin na kita! inggit ako masyado!" "Papatayin mo ako? anla..hindi ko na lang sasabihin sayo yung sunod na nangyari kasi kung dyan pa lang papatayin mo na ako..eh pag sinabi ko pa to baka isumpa mo na ako!" "haha. Joke lang naman yun! Actually tuwa pa nga ako kung magiging kayo ni Bryle! wee..type ko din kasi mga kabarkada niya! Lalo na si Tommy! yung best friend niya!" "Landi mo teh! tss,,haha. Well..a-ano kasi, akatulog ako..tapos, nanaginip ako na niyakap ko si dad.. Eh ayun..si Bryle pala yung nayakap ko! tapos nagising ako magkayakap kami!" inaalog alog na ako ni Katie ngayon habang sumisigaw ! damn -_- nakakahilo "Nash ang swerte mo! huhu! ang swerte mo!" "heh! tama na nga! galit parin ako sa kanya no!" "Grabe ka naman!" "Eh basta magkaaway parin kami.."

"Hinatid ka na nga! May gusto na yun sayo!" "Asa. Hindi talaga. Asa pang maging kami. 1st bf ko? yun? Hindi pwede! Gusto katulad ni dad! Eh ang layo niya kaya kay dad!" although sa sinabi niya kagabi, talagang naalala ko sa kanya si dad, pero hindi padin! "Bahala ka, kung ayaw mo ako na lang!" "Ok..bahala ka!" "Sabi mo yan huh?" "Oo na" . . 10:00 pm nagising kami ni Katie "Katie! Nash! Stacy!" si auntie yun! bakit kaya?! bilis bilis kami bumaba ni Katie.. nasa baba kasi kwarto nila auntie,,,si tito Tony hindi pa nauwi, kadalasan kasi 12:00 na yun nakakauwi "Nawawala yung ipon kong pera sa bag ko..nandito pa yun kanina! Wala bang nakakakita sa inyo?! Stacy, Katie, baka naman kumupit kayo huh? 10 000 yun! Masyadong malaki! kaya ibalik niyo na!" "Hindi namin magagawa yun ma! Kung kailangan namin ng pera hihingi na lang kami diba?" sabi ni Katie

"Oo nga ma..teka..Bakit ba kami lang ni Katie ang pinagbibintangan niyo? si Nash pwede rin sya ang kumuha ah?!" "Hindi yun magagawa ni Nash! Magkasama kami sa kwarto" pagtatanggol ni Katie.. "Eh pano nung nagligpit siya ng kinainan kanina? diba? diba?" -stacy "Stacy, maghinay hinay ka sa pananalita mo! Mabait na bata si Nash..hindi niya magagawa yun!" -Katie "Auntie, hindi ko po talaga magagawa yun. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo.." mangiyak ngiyak na ako habang sinasabi yun..nasaktan kasi ako sa sinabi ni Stacy,,pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang kumuha..kaya kampante ako.. "Sige ma, edi halughugin niyo ang gamit naming tatlo! sigurado hindi pa nagagastos yun ng kumuha kasi wala pa namang nalabas ng bahay! " -Stacy "sige.." At ayun nagsimula na ang kalkalan. Basta malinis ang konsensya ko! tama! pero parang may masama akong pakiramdam dito! ewan ko kung bakit..

CHAPTER 11- BAD THINGS HAPPEN FOR A REASON NASH's POV Nagsimula ng magkalkal si auntie ng gamit.. Una kaming pumunta sa kwarto ni Stacy.. . .

Hanap sa drawers, sa ilalim ng higaan at mga unan. Sa mga bags at lahat ng posibleng pagtaguan pero wala eh. . . Naglalakad na kami ngayon papunta sa kwarto namin ni Katie. "Ma, baka naman may magnanakaw na nakapasok sa kwarto niyo?! Kailangan pa ba talagang halughugin yung kwarto namin?!" tanong ni Katie "Imposible, nakalock yung dalawang pinto ng bahay." sabi ni auntie "Baka naman ikaw ang kumuha Katie kaya ayaw mong papuntahin si ma sa kwarto niyo!" sabat naman nitong si Stacy "Heh! hindi ko ma--" -Katie "Tumigil na nga kayo dyan. Maghanap na lang tayo. Mag aaway na naman kayong dalawa dyan eh!" ayun nasigawan sila ni auntie. Ako naman tahimik lang. Pumasok na kami sa kwarto.. Hanap dito..Hanap dun.. Pero wala din silang makita.. "See? ma wala talaga dito!" sigaw ni Katie na pawis na pawis na sa kakahanap tapos biglang may nahulog na bag sa may pwesto ni Stacy AT BAG KO YUN.. pero kanina lang nasa may study table yun ah?! pano napapunta sa may kama?! Pinulot ni auntie yung bag ko.. Tapos.. Tumingin sya sakin..

"Auntie ano po? bakit p--" *sampal si-sinampal ako bigla ni auntie! ANG SAKIT! pero wala yung sakit sa panlabas eh..mas MASAKIT sa dibdib..sa PUSO.. Ngayon lang kasi ako napagbuhatan ni auntie ng kamay. Natulala tuloy ako. Hawak hawak ko lang yung pisngi ko. "Nash! Wala kang utang na loob! Tinuring ka namin na parang pamilya! Pinatuloy! Pinakaen! Binihisan! at mi-MINAHAL, tapos ganito ang igaganti mo samin? Sinira mo ang tiwala ko sayo Nash! Sinira mo! " napaupo na lang si auntie sa may kama, kita ko sa mata niya ang sobrang pagkadismaya.. "Pero ma, teka lang! Paano kung plano pala to ni Stacy?! Galit sya kay Nash! yung bag na yan kanina nasa study table pero ngay--" di na natapos ni Katie ang sasabihin niya (so napansin din pala niya?) "Manahimik ka Katie! talagang pagtatakpan mo yang si Nash huh?! at handa kang pagbintangan ang kapatid mo para lang mapagtakpan siya?! Tandaan mo, si Stacy ang kapatid mo! baka nakakalimutan mo!" "Pero Ma! kilala ko talaga si Nash! Hindi niya magagawa yang binibintang niyo!" -sagot pa ni Katie Ngayon lang sya sumagot kay auntie, ako pa ata ang dahilan kung bakit sila mag-aaway. Naiiyak na ako. "At sa tingin mo si Stacy magagawa yun? Anu bang pinakaen sayo ng Nash na yan at mas kinakampihan mo siya? Nakuha mo ng sumagot sakin ngayon! Sa kanya mo rin ba yan

natutunan?!" galit na si auntie..ngayon ko lang siya nakitang ganyan.. "Pero ma--" "Tama na Katie! Wa-wag ka ng makipag away pa sa mama mo para lang sakin. Aalis nlng ako para sa ikabubuti ng lahat.." napatungo ako pagkatapos sabihin yun, ayoko kasing makita pa ako ni Katie na umiiyak "Buti pa nga! sa lahat ng sinabi mo Nash, yan lang ang nagustuhan ko! :)" sabi ni Stacy Masama man magbintang pero sa tingin ko sya talaga ang may gawa nito. Anu ba kasing ginawa ko sa kanya?! hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.. humarap ako kay auntie.. "Auntie..Hindi po ibig sabihin ng pag alis ko eh inaamin ko ng ako ang nagnakaw ng pera niyo. Hindi ko po alam kung pano napunta yun sa bag ko. Auntie, para ko na po kayong ina, pamilya na ang turing ko sa inyo at malaki po ang utang na loob ko sa inyo. Pero kung hindi niyo ako magagawang paniwalaan, mas mabuti siguro na umalis na lang po ako. Ayoko naman po kasi na sa araw-araw na magkikita tayo, makikita ko lang sa mata niyo kung gaano ako kasama sa paningin niyo. Na araw araw mangangamba kayo na baka may nakawin pa ako, aalis ako auntie hindi dahil sa nahihiya ako sa ginawa ko, kasi wala naman po talaga akong ginawang masama. Aalis po ako para matahimik ang loob niyo, kasi mahal na mahal ko po kayo auntie." lumapit ako sa kanya, niyakap siya for the last time. Hindi ko na talaga

mapigilan ang luha ko. Ang sakit sakit.. Kasing sakit nung iniwan ako ni mom, para nadin kasi akong nawalan ulit ng nanay. Hindi nagsalita si auntie. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsimula ng mag impake ng mga gamit. Si auntie naman, lumabas na lang sa kwarto ng walang kaemo-emosyon ang mata niya. Si

Stacy naman lumabas na din pero bago siya lumabas..ngumiti pa siya ng nakakaloko sakin! Nakakainis talaga siya. Naiwan kami ni Katie sa kwarto.. . . "Nash..wag ka ng umalis. Hindi naman ako naniniwalang ikaw ang kumuha nung pera eh! Sigurado akong pakana yun ni Stacy! Kanina kasi napansin kong iba ang kinikilos niya! Tapos yun nga, nangyari to..tss.." -katie "Salamat sa tiwala mo Katie pero..wala tayong ebidensya, baka magkagalit pa kayo ni auntie dahil sakin.." "Pero Nash..san ka naman pupunta?!" tanong niya na kitang kita mo ang pag-aalala "Ako na ang bahala. Wag mo akong alalahanin! Si Nash to diba?! Matapang to diba?! Wala akong hindi malalampasan diba nga? Malakas ata to!" nakataas pa ang kamay ko nun na nakapose na parang pinapakita yung muscles..(alam niyo yung pose ng nagpapamacho effect? ganun!) tapos ngumiti pa ako sa kanya kahit na may tumutulong luha sa mata ko. Gusto ko kasing wag na syang mag alala kaya pinipilit kong magpakalas sa harap niya, kahit sa totoo lang pag tinitingnan ko siya.. para akong pinapatay.. . . . Pagkatapos kong mag impake ng mga gamit, lumakad na ako palabas ng kwarto ng hindi ako tumitingin kay Katie. Mahihrapan lang kasi akong umalis kung makikita ko pa siya.

pero si Katie..makulit talaga eh.. Niyakap niya ako bigla mula sa likod.. "Nash, *sniff wag ka ng umalis..*sniff PLEASE" iyak na iyak niyang sabi "Katie,.....(*sigh) lalo mo lang akong pinapahirapan sa ginagawa mo eh! Tsaka girl hindi bagay sayo ang umiiyak promise! Papanget ka niyan eh! wag ka ng umiyak huh?! bye..I love you Katie" tapos tinanggal ko na ang pagkakayakap niya sakin at tumakbo na ako palabas ng bahay.. . . . Tumatakbo ako ngayon palayo sa mga taong mahal na mahal ko. Bawat hakbang nagsasabi saking, mag-iisa na naman ako. Mag-isa na naman, sana nandito si dad :/ . . . Walang tigil sa pag agos ang luha ko, pero wala na akong pakialam. Takbo lang ako ng takbo kahit hindi ko alam kung san talaga ako pupunta. Tapos ayun, yung lungkot ko umabot narin ata hanggang sa langit, dinamayan narin ako ng langit eh. Bumuhos ang malakas na ulan tapos wala akong matutuluyan, wala narin akong pera 50 pesos na lang. Hayyy..hindi ko alam kung anung mangyayari sakin nito. 12:30 na ng madaling araw..at sobrang lamig..

----------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Sir Bryle! Sir Bryle! Nasaan kayo sir Bryle?!" tss..ang ingay naman ng katulong na to! wala pa akong isang oras na nakakatulog eh! Hindi ko na lang sya papansinin..balik sa pagtulog :) . . . *boogsh! bumukas ang pinto ng c.r. (diba nga sa c.r. ako natulog?!) "Sir bryle?!" gulat niyang tanong Grabe naman kung makatingin sakin to! Ngayon lang ba siya nakakita ng taong natutulog sa c.r. kahit na may kama naman to?! "O-oh..he-hello manang hehe." shet anu kayang iniisip na nito sakin? -_"Ba-bakit po dito kayo natulog sa c.r. ?" "A-anu kasi..ganan ang uso ngayon manang!" actually hindi ko rin alam eh kung bakit at anung pumasok sa utak ko at dito ko naisipang matulog.. -_"Ganun ba sir? ayos din ang trip ng mga kabataan ngayon ah?! ai..nako! pero sir, mamaya na po pala yan. Ang lolo niyo po kasi! " napatayo ako bigla "Anung nangyari kay lolo?" "Sinugod po siya sa hospital! Inatake po sa puso! Bigla nlng siyang humandusay sa work room nya!"

tss..Masyado na naman sigurong nagpagod ang matandang yun! Pang ilang beses na niya tong inatake ah?! Ang kulit din naman kasi eh! Sabi ng magpahinga naman kasi! pasaway! "A-anung sabi ng doctor? O-okay lang daw ba siya? Kamusta siya?!" "Wala pa pong natawag eh, pero sabi ko sa katulong na kasama sa hospital tumawag agad pag nagkaron sila ng information." "Ah ganun ba? sige manang, pupunta nlng ako dun sa hospital. Sa pinaka malapit na ospital diba? san ba yun?" "Alam na po ng driver.." "Ok tara na!" "Pero sir, nakapantulog pa po kayo.." napatingin ako sa suot ko.. aw! ou nga pala.. -_nakasando lang ako tapos nakapajama..tss..anla bahala na.. "Ok lang yan! tara na!" kumuha na lang ako ng jacket tapos umalis na kami . . Pag sakay ko ng kotse.. Ang lamig! shet.. Umuulan pa kasi eh! Walang talab yung jacket! Hayy.. anu na kayang nangyari sa matandang yun?! Sana ok lang siya.. wag naman pati sya kunin din sakin. . . Habang nasa byahe kami, may tumawag. Si manang ang sumagot, tapos..binaba din niya yung phone..

"Sir, ok na daw po ang lolo niyo. Napagod lang daw masyado, pahinga lang ang kelangan niya at ituloy ang pag inom ng mga gamot.." "Talaga manang?! Matandang yun tlga! Pinag-alala niya ako!" nakahinga ako ng maluwag "Sir, tama po ba ang narinig ko?! Nag-alala kayo?!" kakasabi ko nga lang diba?! -_umiwas ako ng tingin kay manang at tumingin na lang sa may bintana, nakakahiya kasing sabihin..hindi ako sanay.. "Kahit naman papano concern ako dun sa matand--" "Sir, bakit po kayo napatigl ng pagsasalita?!" "Manong Eddie, stop the car!" "Pero sir wala pa po tayo sa hos--" "I said stop the car NOW!" at biglang tumigil yung kotse.. ewan ko pero bilis bilis na lang akong bumaba ng sasakyan sumisigaw sila ng "Sir wala po kayong payong mababasa kayo!" pero wala akong pakialam Yung atensyon ko napako lang dun, dun sa isang babae. Parang may humihigit sakin papalapit sa kanya. Ewan. Nasa playground ako ngayon..takbo parin ng takbo palapit dun sa babae..at pag lapit ko.. yung babae?! Nakaupo sa swing. Dun sa isang swing eh yung maleta niya. Nakaupo lang siya dun, dinuduyan duyan yung swing.a Nkatulala siya sa kawalan! Hindi ba niya alam na naulan?! Ni

hindi niya napapansin na nasa harapan na niya ako! Anu bang katangahan na naman ang pumasok sa utak niya?! naglayas ba to?! Hayy..alam niyo na kung sino siya diba?! Si Nami..sino pa ba?! tama nga ang hinala ko. Ewan ko pero nung makita siya ng mata ko nung nasa kotse ako, may something sa part ko na naisip agad na siya yun! Ewan ko ba! hayyyy! Alam kong kakaiba ang takbo ng utak niya, pero sobra na ata to! Ang lakas kaya ng ulan at ang lamig! Hay! Tapos napansin kong umiiyak siya. Oo kahit umuulan, pansin ko yun. Ewan ko din kung bakit pero basta alam kong umiiyak siya. Bakit ba lage na lang siyang umiiyak sa harapan ko?! at bakit ba lumalambot tong puso ko pag siya na ang kaharap ko?! Bakit parang gusto ko siyang protektahan?! Bakit ganito na lang ako mag-alala sa kanya?! Hayyy..Nami! Mababaliw na ako sayo! Hindi ko talaga alam kung bakit ganito na lang ang epekto mo sakin!

CHAPTER 11.5- POURING LOVE UNDER THE POURING RAIN BRYLE's POV "A-a-anong ginagawa mo dito?!" siya yan! salamat at napansin na nya rin ako after ilang minutes! Akala ko kasi nanigas na siya sa lamig eh -_"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo! Ikaw ang anung ginagawa dit?! umuulan kaya!" "WALA KANG PAKIALAM!" umiwas siya ng tingin tapos nagpunas ng luha niya, as if naman matutuyo yun eh nauulanan siya! Bobo! tss.. tapos ang sungit pa! -_-

"Ikaw na nga tong--! hays..Sige na, mamaya na kita tatanungin. Umalis na muna tayo dito. Ang lakas ng ulan eh! Ang lamig!" "Ayoko! Umalis ka mag isa mo!" aba at talaga namang! Nakakainis na sya huh! Bakit ba napakasungit nya?! Sya na nga tong tinutulungan siya pa ang galit! Paksh*t lang! "Tara na kasi sabi!" Hinihila ko na sya nyan kaso yung dalawang kamay niya ayaw bumitaw sa pagkakahawak dun sa swing! leche! basang basa na kami eh! at kung tama ako, ala una na ng madaling araw! sobrang lameg! "Sabi ng ayoko eh! Bakit ba ang kulit mo?! Iwan mo na lang ako! Sanay na akong mag-isa!!" hayy.. Anu na naman bang tumatakbo sa utak niya?! Nakakabwisit na eh! Bahala na nga sya! Hindi ko alam kung bakit ko sya pinagttyagaan! Hindi naman ako ang magkakasakit eh! tss..Kung ayaw niya di wag niya! "Bahala ka nga dyan kung ayaw mo!" galit kong sabi at binitawan ko na siya tapos naglakad na ako paalis . . . T*ng *na!! Nagfflashback sakin yung itsura niya kanina sa swing habang naglalakad ako palayo! hayy! Napahilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko. Tapos.. . . .

Tumalikod ako at NAGLAKAD PABALIK SA KANYA.. . . . Ang tibay niya talaga eh! Talaga atang walang balak umalis dun! Lakas ng trip sa buhay!! Naman oh! . . . "Talagang hindi ka aalis dyan no?!" pagkatapos kong sabihin yun, tumingin lang sya sakin saglit tapos tumungo na ulit.. tss! Anu ba kasing problema niya?! hindi ko na alam kung anung gagawin ko sa kanya eh! . . "Ho-hoy! Para san to?!" Tinatanong niya ako kasi sinuot ko sa kanya yung suot kong jacket "Kung hindi kita mapapaalis dyan, siguro ok ng bigyan kita ng jacket diba? medyo basa narin yan pero atleast mababawasan yung lamig.." hoo! ang lamig tuloy! nakasando nga lang pala ako! "Pero, nakasando ka lang oh?! magkasakit ka pa! wag na lang oh!" huhubarin na niya sana yung jacket pero pinigilan ko siya.. "At sa tingin mo hindi ka magkakasakit? Hay nako..isuot mo na lang yan. Sige aalis na ako.." ang lamig kasi eh! Ayaw naman niya sumama sakin, siguro naman hindi na ako

makokonsensya kasi binigyan ko na nga sya ng jacket diba?! Kaya ayun, tumalikod na ako sa kanya tapos naglakad na pabalik ng kotse. . . . Haaaaaaaaaaay! Hindi ko talaga kayang iwan lang siya dun! Palapit na sana ako sa kotse pero.. TUMALIKOD NA NAMAN ako..at TUMAKBO PABALIK SA KANYA! Pesteng babae talaga yun! Bakit ba hindi ko siya mapabayaan?! . . Pag dating ko dun.. Nadatnan ko syang nakatungo parin.. pero this time halata ng nanginginig sya! tss. Pero ang tibay parin talaga ng potek, ayaw parin umalis! Papakamatay na ata to eh? patayin ko na kaya? =__= damn! Huminga muna ako tapos nagsalita..kasi naman no, hiningal ako sa pagtakbo -_"Hoy babae! Magpapakamatay ka ba talaga?!" napatingala sya dahil sa sigaw ko.. sa lakas ba naman nun eh, ewan ko na lang! "A-akala ko u-umalis ka na?! Bakit nandito ka na naman?!" "Wala kang pakialam! " ako naman ang nagsungit! haha ! kala mo huh! Tapos lumakad ako papunta dun sa swing na may nakapatong na maleta..

Kinalong ko yung maleta tapos... . . AKO ANG UMUPO SA SWING. "Hoy! anu bang ginagawa mo? Tumayo ka na nga dyan! Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo eh!" sigaw niya sakin "Alam mo naman pala eh! Nag aalala ka sakin pero sa sarili mo hindi?! tss..How dumb can you be?" "Eh bakit ba kasi pinapakialaman mo pa ako?! Hayy! Bahala ka nga dyan!" inalis na niya yung pagkakaharap sakin tapos tumingin na ulit sa kawalan! grabe! talagang wala syang balak umalis! Shet! Ang lamig lamig! Anu ba kasing pumasok sa utak ko at ginagawa ko to? Bakit ba ang lakas lakas nitong babaeng to sa konsensya ko?! shet lang huh! . . . ilang minuto rin..walang nakibo samin..sobrang tahimik.. Maririnig mo lang ay ang hangin at ang malakas na pagbuhos ng ulan tapos nakaupo lang kami dun..parang TANGA -_. .

. "Hindi ka ba talaga aalis dyan?! Ok lang ako sabi eh! Umuwi ka na kasi!" Finally! nagsalita din sya! Magyeyelo na ata ako dito sa lamig at sobrang katahimikan eh! "Ayoko! Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita kasama! Hindi kita iiwan dito ng mag-isa!" nagcross arms pa ako..amps, anu ba kasing nangyayari sakin?? Bakit nagmamatigas ako?! Malamig na Bryle! hayaan mo na yang babaeng yan! Pakialam mo ba sa kanya?! pero andito na ako eh.. bahala na.. "Hayy! mas makulit ka pa sakin eh! siya sige na nga! Tara na! Baka kung anu pang mangyari sayo dyan! Konsensya ko pa pag nagkataon!" Tumayo na siya..kaya tumayo narin ako.. binitbit ko yung maleta.. "Aalis din naman pala gusto pang nahihi--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang natumba!! Buti na lang at magkatabi lang kami! kaya naman nasambot ko siya! Nabitawan ko tuloy yung maleta.. Sobrang init niya!! Inaapoy na pala siya ng lagnat! Ang tanga talaga nitong babaeng to kahit kailan! Agad ko siyang binuhat. Wala na kasi siyang malay tapos tumakbo na ako papuntang kotse. . . "Sir!! Basang basa po kayo!! sino po siya?!" tanong ni manang.. "Wag ka na munang maraming tanong. Manong eddie, nakikita mo ba yung may swing sa may playground? naiwan ko kasi ang maleta nitong babaeng to dun eh! Pakikuha naman!" "Ah--si-sige po sir.." tapos umalis si Manong Eddie

"Sir, ang taas po ng lagnat niya! Girlfriend niyo po ba sya?! Bakit may maleta?! Nagtanan po kayo?!" "Hoy! hindi ko siya girlfriend! at lalong hindi kami nagtanan! Anu ba kayo manang! Schoolmate ko lang yan! Hindi ko nga alam kung bakit naglayas yan eh! Nakita ko na lang na nagpapaulan! Ayaw pa ngang umalis kaya natagalan ako! tsk.." dumating na si Manong Eddie..maluwag naman yung kotse kaya sa may unahang upuan ko na lang pinaupo si manang tapos hiniga ko na lang si Nami sa may hita ko. Ang init niya!! pero nanginginig ang katawan niya sa lamig, hinawakan ko na lang yung kamay niya. "Manang, tawagan mo si Dr. Guevarra (family doctor namin), sabihin mo pumunta sa bahay as soon as possible. Pag dating natin sa bahay pakibihisan na lang siya huh. Tapos ihiga niyo sa kwarto, dun sa tabi ng kwarto ko para madali kong mapuntahan." "Opo sir.." Haaaayyyyyyy! Nami naman eh! ano bang gagawin ko sayong babae ka? natataranta ako eh! Please naman gumaling ka! Aawayin pa kita remember?! Tama..yun lang yun..Ayoko lang mawala ka kasi ayokong mawalan ng paglilibangan! Paano na ako mag-eenjoy sa pagpasok? Eh ikaw ang pinakamasayang pagtripan eh! Hindi kumpleto ang araw ko pag wala ka. I mean syempre, wala akong aasarin! yun lang..

CHAPTER 12- I want you to be my.... What?! >,< BRYLE'S POV "Manang! Anu na?! Bakit wala parin si Dr. Guevarra?!" impatient kong pagtatanong kay manang

Hindi na kasi ako mapakali. Baka kung anung mangyari kay Nami! hep hep! Hindi ako nag-aalala huh! Gaya nga ng sabi ko, ayoko lang na mawalan ako ng laruan! so sarili ko lang ang iniisip ko at hindi siya! kuha niyo?! "Sir, kakatawag lang po niya. He's on his way na daw po. Medyo natagalan po kasi siya macontact since 2:00 pa lang po ng madaling araw, tulog pa po siya." "Anu ba namang doctor yan?! Dapat lage siyang handa! Pano pag ganitong may emergency?!" "Eh sir padating na po yun. Wag na po kayo masyado mag panic. Isa pa sir, magpalit muna po kayo ng damit niyo. Baka kayo naman po kasi ang magkasakit, basang-basa po kayo eh.." ay ou nga no?! nawala sa isip ko na basa ako! Pagkasabi lang ni manang nun atsaka lang ako nakaramdam ng lamig! "Oh sige manang, kayo na muna ang bahala kay Nami!" dali-dali akong nagpunta sa kwarto para magbihis . . . *shiiing Tapos na ako magbihis! :) bilis no?! tok.tok.tok. Nakasarado na kasi yung room kung nasaan si Nami. "Oh sir?! ang bilis niyo naman magbihis?! nagmadali kayo no?! ihhhh. Sir, mhal niyo talaga sya no? Hindi niyo maiwan eh!" gago tong katulong na to ah! kantsyawan pa daw ako?!

"Anung pinagsasasabi mo dyan huh?! Bakit naman ako magmamadali?! Hindi naman ako ganun kaconcern diyan no! Mabilis lang talaga akong magbihis! May pa mahal mahal ka pa dyang nalalaman!" "Talaga lang sir huh?! Eh bakit po baliktad yang pajama niyo?!" huh?! Napatingin ako sa pajama ko -_Ou nga no? nakalabas pa kasi yung dalawang bulsa! amps Hayy, Ou na! ou na! Nagmadali nga ako! Eh aba ewan ko, baka kasi kung anung mangyari-ai hindi pala! Malakas lang talaga energy ko ngayon kaya ang bilis ko kumilos. "Na-nagkataon lang talaga na hindi ko napansin na baliktad yung pa-pajama ko!" hindi ako aamin dito sa katulong na to! asa! asa talaga! "Ah ganun po ba?! eh sir yang suklay sa ulo niyo, wag niyong sabihin na hindi niyo rin napansin yan nung tumingin kayo sa salamin?!" huh?! kinapa ko yung ulo ko =___= PSH! naiwan ko pala yung suklay sa ulo ko! Pano kasi habang sinusuot ko yung pajama ko, yung isang kamay ko naman nagsusuklay ng buhok ko! at dahil medyo nahirapan akong isuot yung pajama gamit lang ang isang kamay, edi ayun, iniwan ko muna si suklay sa ulo ko para dalawang kamay ang magamit ko sa pagsusuot nung pajama. Sa pagmamadali ko, este sa antok ko pala, nakalimutan kong may suklay pa pala ako sa ulo ko nung pumunta ako dito sa may kwarto kung nasaan si Nami..-_damn! I feel like an idiot! "Tama ka na nga dyan sa kakapuna mo sa itsura ko! Sisisantihin kita eh!" -sigaw ko "Sir wag po! hindi na po..ahm, andito na nga po pala si Dr. Guevarra..kakadating lang niya.."

"Bakit hindi mo sinabi agad! Kung anu-anu pang katangahan mga sinasabi mo! tabi nga!" . . Pagpasok ko.. "Your girlfriend is fine..sobrang stressed lang siguro, pagod at pagkabasa niya sa ulan ang dahilan kung bakit sobrang taas ng lagnat niya. I gave her an injection already, the medicine will took effect after a couple of time. Kaya maghintay ka na lang huh?! Magigising din sya, just make sure na she'll sleep well tonight at magpahinga siya kinabukasan. Painumin niyo rin siya nitong mga gamot na iiwan ko huh?! and it'll be better kung makakakaen siya ng marami pag gising niya para bumalik yung lakas niya.." "W-wait doctor, ok i get it. Susundin ko lahat ng sinabi niyo pero lilinawin ko lang, she's not my girlfriend." Bakit ba lahat sila they think she's my girlfriend?! like hell! As if! Eh mas lalaki pa ata yan sakin! "Really?! oh well..I never saw you like this, yung tipong hindi ka na magkandaugaga sa kung anung gagawin mo, sabi pa nga ng katulong mo galit na galit ka na kasi wala pa ako. So if she's not your girlfriend then, I suppose she's somewhat special to you?!" "No-noooo! Not at all! Wag na nga po kayong makulit doc! Tapos na trabaho niyo! labas!" tss.. pinapainit nila ulo ko! wala na ngang masyadong tulog tapos bibwisitin pa nila ako! . . Lumapit ako kay Nami..

Tinitigan ko siya.. Ang amo ng mukha niya pag tulog. Sana lage na lang syang tulog no?! Ay wag pala! wala akong maaasar! boring. Tapos bigla siyang gumalaw.. pabaling baling yung ulo niya..nanaginip ba siya?! "Dad! mag-isa na lang ako! dad!" sigaw niya..dad na naman niya..hays.. "Natatakot ako dad, wag mo akong iwan please.." then may tumutulo ng luha sa mata niya.. Ayan na naman siya sa pag iyak niya, pati ba naman sa pagtulog?! Pupunasan ko sana yung mga luha niya pero.. SHE GRABBED MY HAND..kahit tulog siya.. "Dad..don't go..dito ka lang.." so napagkamalan na naman niya akong tatay this time?! =___= No choice, I stayed there. Hinayaan ko na lang syang hawakan yung kamay ko. At sa sobrang antok ko..nakatulog na ako. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV *mulat ng mata.. ang labo pa ng panigin ko.. palinaw ng palinaw hanggang sa may nakita akong tao sa tabi ng kama ko.. . . "Good morning mam! Buti nagising na po kayo!" yi may katulong?! sosyal! Nanalo ba ako sa lotto kagabi? kaya mayaman na ako ganun?! hehe. Pero hindi nga, kidding aside, sino to?!

hindi naman to si yaya Sepa..isa pa, hindi ito yung kwarto ko. "Ah, si-sino po kayo?!" tanong ko "Ah ako si Manang Biring, katulong ako nila sir Bryle--" "Te-teka, Bryle ba kamo?!" "Opo! Ang taas po kasi ng lagnat niyo kagabi, nagpaulan daw kayo sabi ni sir Bryle eh. Alalang alala nga po siya sa inyo!" wait..processing.. Ou nga pala, wala na nga pala akong tirahan. Umalis na nga pala ako kila Katie. Tumambay ako sa playground, nag paulan tapos..the last thing I remember eh nung papaalis kami ni Bryle.. Hayyy..akala ko panaginip lang lahat! Sana nga panaginip na lang, yung tipong pag gising ko nandun na ulit ako kila Katie at hindi galit sakin si auntie, kaso hindi eh. This is reality. "Ah manang, so nasan po si Bryle?!" "Ay Ms. Nami nasa hospital po kasi yung lolo ni sir Bryle. Dumalaw po muna siya pero babalik din po siya dito, don't worry. Pinagbilin naman po niya kayo samen, kami na po ang bahala sa inyo." tapos naglabasan pa yung ibang maids nung tinawag sila nitong si manang Biring.. uwaaah! Yung isang maid may dalang breakfast, yung isa may dalang gamot, yung isa naman may cold compress, yung isa yung pampalit na damit ata yun.. I mean, ang dame nila! "Pinagbilin po ni sir Bryle na pakainin kayo ng marami then pagkatapos niyo kumaen, painumin kayo ng gamot tapos punasan ng cold compress..then palitan kayo ng damit.. :)" "Ai teka manang, hindi niyo na po kailangan gawin to, sobra ko na nga po kayong naabala kagabi. Okay na po yun..aalis na po ak--"

"Pinapaabot po ni Sir Bryle, kung sakali daw po na maginsist kayong umalis eh ibigay ko daw po tong sulat na to sa inyo.." kinuha ko naman yung inabot nyang papel sulat?!

HOY BABAE! KUNG BINABASA MO TO NGAYON EH DI TAMA NGA AKO, MAGIINSIST KANG LUMAYAS! AALIS KA NA LANG BA NG HINDI MAN LANG NAGPAPASALAMAT SAKIN NG PERSONAL?! NI HINDI MO BA AKO HIHINTAYIN? HINDI MO TALAGA ALAM YUNG SALITANG THANK YOU NO?! SINISIPON AT INUUBO NA AKO DAHIL SA KATANGAHAN MO KAGABI AT IDAGDAG MO PA YUNG EYEBAGS KO KASI PINUYAT MO AKO. AALIS KA PARIN BA NG HINDI NAGPAPASALAMAT HUH?! --KUNG AALIS KA NG HINDI MO AKO HININTAY, PATAY KA SAKIN SA SCHOOL BUKAS. MAS GAGAWIN KONG MISERABLE ANG BUHAY MO! TANDAAN MO YAN! KAYA KUNG AYAW MONG GAWIN KO YUN, KUMAEN KA AT UMINOM NG GAMOT, HAYAAN MO YUNG MGA KATULONG AT HINTAYIN MO AKO HUH?! INTINDI MO?! p.s. SERYOSO AKO. KAYA WAG MO NA AKONG SUBUKAN!

Anu ba yan?! talagang napredict na niya na ganito ang gagawin ko? nangonsensya pa huh! Pero may point naman siya eh! pero teka, hindi ko naman sinabi sa kanya na samahan niya ako sa ulanan ah?! so kasalanan na niya yun! Tama, hindi ako dapat makonsensya! pero.. aaminin ko.. natouched talaga ako sa ginawa niya. Kahit papano nabawasan ang lungkot ko dahil sa kanya. Kung hindi lang talaga niya ako pinagbabantaan dito sa sulat niya sasabihin kong mabait na siya eh,,kaso..tss.. Hinayaan ko na nga lang yung mga katulong na gawin ang gusto nilang gawin..pwera lang

dun sa painumin ako ng gamot. Eh kasi, nakacapsule yung gamot. Eh alam niyo kasi hindi ako makainom ng tablet at capsule eh! Nakakahiya man aminin pero kailangan pang durugin yung tablet para mainom ko, tas pag capsule kailangan pang butasin para makuha yung powder sa loob. Eh ayun, nakakahiya naman dito sa mga katulong kung sasabihin ko yun, baka pagtawanan ako. Kaya kunwari ininom ko yung mga gamot pero sa totoo lang.. nilagay ko yun sa ilalim nung unan nung hindi sila nakatingin! haha . . . 1:00 pm.. Nakapag lunch na ako dito kila Bryle. Nakakahiya, dinala pa nga sa room ko yung lunch eh. Natapunan ako ng juice kaya naman kinailangan kong magpalit, pumunta akong c.r. . . Nga nga! Ang laki nung c.r. ! dalwang beses ng laki ng kwarto namin ni Katie! Ngayon ko lang nalibot yung room! at sa tingin ko yung room kung nasaan ako, kasing laki na ng bahay nila auntie! waaaaaaaaah! sila na talaga! Iniintay ko si manang para dalhin sakin yung pampalit. Nabasa kasi yung mga damit ko sa maleta kaya kailangan pang idryer bago ko magamit. Ang tagal naman ni manang.. .

After a few minutes.. . Bumukas na yung pinto..salamat nadyan na rin.. "Manang akin n--" "Kyaaaaaaaaaaaaaaah! manyak! manyak! Anong ginagawa mo dito?!" naka bra at panty nlng kasi ako tapos nakita ko si Bryle! "Manyak ka dyan! bahay ko to! Anung ginagawa ko dito? tanga ka? Kala ko kasi tumakas ka na kaya naisipan kong halughugin tong kwarto! malay ko bang nagbibihis ka!" "heh! andame mong sinasabi! lumabas ka na nga!!" nakatakip yung dalwang kamay ko nun isa sa bra ko at isa sa panty ko "Wag ka mag-alala hindi naman ako titingin" nakatakip yung kamay niya sa mata niya kaso may butas! nanttrip to eh! "Manyak ka! lumabas ka sabi!" apos hinagisan ko siya ng shampoo, ng sabon, lahat ng pwede kong madampot dun sa c.r.! kaya ayun bilis bilis syang lumabas "Haay..nakakainit talaga sya ng ulo.." napaupo na lang ako nun sa may bath tub habang sinasabi yun ng biglang . . "Last look! haha" bumukas yung pinto! siya na naman! Sumilip ang loko! Hindi ko nga pala nalock yung pinto! binato ko na naman sya kaso yung pinto nlng ang tinamaan! nasarado kasi nya agad! bwisiit!

Lumapit ako sa may pinto ilolock ko yung pinto eh.... Nung hahawakan ko na yung doorknob biglang gumalaw..tapos bumukas yung pinto..sh*t! Hindi ba talaga nya ako titigilan? susuntukin ko na sana siya ng-Nakita ko si manang pala yung nasa harap ng pinto! buti napigilan ko! Natulala tuloy si manang! "Ah hehe, sorry manang! Akala ko kayo si Bryle eh! ^___^v " nakakahiya! "..........." nakatingin lang sya sakin na nakatulala tapos iniabot yung pamalit! Bakit kasi hindi siya kumatok eh?! Natakot ko pa ata! . . Pagkatapos kong magpalit, edi syempre lumabas na ako.. Lakad. Lakad. Nakita ko si Bryle nakaupo sa may sofa.. Dinaanan ko lang siya.. pero nahawakan niya yung braso ko! tapos iniharap ako sa kanya.. "Hindi ka talaga marunong magpasalamat no?!" "Saan? sa pangmamanyak mo sakin kanina?!" "Sabi ng hindi ko sinadya yun eh!" "Hindi daw! nag 2nd look ka pa ngang haup ka!" "hahaha! Gusto lang kitang asarin! Wala namang masisilip sayo!"

"Heh! aalis na ako!" "Teka! Mag thank you ka muna!" "Haaaaayyyyy! Bakit ba napakahalaga sayo na magthank you ako?! Tsk! Sige na! Salamat sa kagabi! Sa pagpapatuloy mo sakin dito lahat lahat! Masaya ka na?!" "Nope! haha. Anu ka siniswerte?! Gusto lang kita marinig magpasalamat! Pero hindi kita papaalisin ng ganun lang! Anu yun tangahan?! " "So anu pang gusto mo?!" "Well.." t iningnan niya ako mula ulo hanggang paa! kyaaaaah! "Manyak! hindi ko ibibigay sayo ang katawan ko!" tapos pinagcross ko yung arms ko sa may chest ko ngumiti lang sya..tapos naglakd papalapit sakin! Lakad sya forward.. Lakad ako backward.. Lakad sya forward.. Lakad ako backward.. Lakad sya forward.. Lakad ako backward.. Lakad sya forward.. Lakad ako --- aw! wala na akong lalakadan patalikod! nacorner na niya ako sa may pader! kyaaaaaaah! Nilagay nya yung dalwang kamay nya sa may pader sa side ko..nicorner niya ako..

"Wa-wag! ayoko!" "Gusto ko eh..pano ba yan?!" tapos nilapit niya yung muka niya sa may tenga ko.. pumikit na lang ako nararamdaman ko yung hininga niya.. hahalikan niya ako! teka! eh bakit sa tenga?! (bakit nash san mo gusto?! -_-) eto na..nararamdaman ko na........ . . pero hindi niya ako hinalikan..may binulong lang siya.. . . . "In exchange for my help.. I WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND" Huh?! Tama ba ang rinig ko?! Girlfriend?! Sabi ko na nga ba at may kapalit ang pagtulong niya! Umasa pa akong mabait siya! Sabi ko na eh! Pero hindi ako papayag! Mag isa siya! Hindi niya akong magiging girlfriend! NEVER!

CHAPTER 12.5- HIS REASON. HER ANSWER.

BRYLE's POV "In exchange for my help.. I WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND" Sa mga nag-iisip na gusto ko na si Nami..NAGKAKAMALI kayo . Asa kayo! Actually it's more of "I NEED YOU TO BE MY GIRLFRIEND.." and not "I WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND" kasi hindi ko naman talaga gustong maging girlfriend ko sya. PROMISE ! KAILANGAN ko lang talaga! ganito kasi yung nangyari.. *FLASHBACK Pumunta ako sa hospital around 7 am para dalawin si tanda.. Tiningnan ko muna si Nami sa kwarto niya bago ako umalis, baka kasi gising na sya. Kaso hindi pa eh, ang himbing pa ng tulog. Kaya naman nag iwan na lang ako ng sulat dun kay manang Biring para pag gising niya, mabasa niya. Kasi kilala ko na yung babaeng yun, aalis sya agad ng hindi man lang ako iniintay! tss.. Binilin ko nlng sya sa mga katulong at agad ng umalis. . . . Pagpasok ko sa kwarto kung nasaan si tanda.. "Bryle! akala ko hindi ka na pupunta! nag-alala ka ba kay lolo?!" Gising na siya?! great! -_Para namang walang nangyari sa kanya..ang energetic pa oh? So much for my worrying -_-

"Ako? mag-aalala sa inyo? tss.. sinabi na kasi sa inyo na wag kayong magpagod, pero ang kulit kulit niyo! pasalamat kayo at hindi kayo natuluyan!!" "Ang sweet talaga ng apo ko. Halika nga, ikiss mo si lolo!" anung sweet dun?! nakakadiri talaga sya! "Tumigil ka ngang matanda ka! ayos ka na naman pala eh..so aalis na a--" papalabas na sana ulit ako sa pinto pero.. "Bryle teka! badtrip ka naman agad kay lolo. Umupo ka muna, may itatanong ako sayo.." by the sound of his voice.. I know this is something serious..tss..Anu na naman kaya yun?! so ayun..umupo ako dun sa may upuan malapit sa kama niya.. "Bryle..do you have a girlfriend?" seriously? Akala ko kung anu na! yun lang pala! Bakit bigla naman niyang natanong yan?! "Wala! Anu ba yang mga tanong niyo! Akala ko pa naman importante! hayy.. You are wasting my time! Aalis na talaga ako!" "Wait! importante to Bryle! I was thinking..ilang beses na akong inaatake sa puso, who knows kung sa susunod na atake eh mamatay ako." "Wag ka nga mag salita ng ganan! Mas malakas ka pa sa kalabaw no! Matagal ka pa!" "Well, the thing is, gusto ko lang makasigurado na magpapatuloy parin ang lahi nating mga Stanford. Alam mo naman, apat ang anak ko, tatlong babae tapos isang lalaki. Lhat sila may pamilya na. Ang dad mo lang ang lalaki kong anak and he is carrying Stanford's name kaso..you know naman what happened right? So sayo na lang nakasalalay ang paglaganap ng lahi natin apo! Since ikaw na lang ang lalaking nagdadala ng apelyidong Stanford sa ating lahi!"

"Ang haba naman ng speech mo! so what do you want?!" "Gusto kong masiguradong magkakaron ka ng asawa bago ako mamatay!" "What?! asawa?! eh wala pa nga akong girlfriend eh!" "Yun na nga eh! sa ugali mong yan, kahit mayaman ka, mahihirapan kang magkaron ng girlfriend! o baka naman..BADING ka?!" "What the hell?! bading ka dyan! tlgang wala pa akong nagugustuhan!" (well, dati meron..pero iniwan niya ako eh..) "Hindi pwede! hindi ako mapapalagay kung wala ka man lang girlfriend! So my decision is final! You will marry Ms. Marian Go!" "Noooooooooo! Ayoko sa kanya! Maganda siya pero mas masama pa ang ugali nya sakin! That girl is a bitch! Tapos atay na patay siya sakin! She'll do anything just to get me! Nakakasakal siya! Ayoko! Hindi ako magpapakasal sa kanya!" "Hindi valid yang reason mo Bryle! Natuturuan ang puso! You'll get used to it pag kinasal na kayo and then you will eventually learn to love her." "No! Ipagawa mo na lahat sakin wag lang ang pakasalan ang babaeng yun!" "Well then give me one good reason para hindi kita ipakasal sa kanya, yung valid Bryle at pag-iisipan ko.." Good reason? valid? Hindi pa ba valid yung ayoko sa kanya? yung tipong mas gusto ko pang maikasal sa aso kesa sa kanya?! haay! Anu bang sasabihin ko? teka..alam ko na ;) . .

"Actually....there's this girl that I met recently and before I knew it, I have fallen in love with her." YAK. Anu ba yung sinabi ko? =__= Ewan ko ba pero kanina bigla nlng nagflashback sakin yung pagtatanong sakin nung katulong at ni Dr. Guevarra kung girlfriend ko si Nami. So ayun bigla akong nakaisip ng solusyon, magpanggap na may mahal na akong iba. Kahit na wala naman talaga. "Pero sabi mo wala ka pang girlfriend!" "Mamaya, actually I am going to ask her to be my girlfriend! Kaya nga nagmamadali akong umalis!" tss..KASINUNGALINGAN. Hayy..ah bahala na. Kahit ano na lang basta wag lang makasal sa Marian na yun! Sasabihin ko na lang tinanong ko yung babae tapos binusted ako..easy :) "Ganun ba apo?! well..hmm..Ganito na lang, pag sinagot ka nyang babaeng mahal mo at tumagal kayo atleast hanggang sa buhay ako then hindi na kita ipapakasal kay Marian. So what do you think?!" aw! sasagutin?! eh wala naman tlga akong mahal eh! (well dati meron.. pero wala na ngayon..) "Sige! it's a deal!" Bahala na! Kahit ano basta wag akong makasal! Mamaya ko na iisipin kung anung gagawin ko. "Ok then,,umalis ka na at tanungin mo na yung babaeng mahal mo. Tomorrow pwede na akong lumabas, kung sinagot ka niya, I would like to meet her. Dalhin mo siya sa bahay bukas. Goodluck apo! :)"

ow shet! bukas na? Kailangan ko ng magkaron ng girlfriend bukas na bukas?! damn.. "Ok! sige alis na ako tanda!" Hayy..anu kayang gagawin ko?! Kilala ko ang matandang yun, seryoso sya! Pag wala akong nadalang girlfriend bukas, ipapakasal niya ako sa Marian Go na yun! tss.. So paglabas ko ng hospital,pumunta agad ako sa bahay nila Tommy. Kailangan ko ng advice nya. He always know what to do. Sana dis time matulungan niya parin ako. . . . "Bryle? bakit ka nandito? ang aga pa oh! 10 am palang. Usually kakagising mo lang pag ganitong oras ah?" nandito kami ngayon sa kwarto ni Tommy "Pare..tulungan mo ako hindi ko alam ang gagawin ko.. Kalangan ko ng girlfriend!" "Huh? hahaha..Anu ba naman yan Bryle? pinagttripan mo ba ako? Lahat ng babae sa schppl gustong maging girlfriend mo! Pero teka pare, why all of a sudden?" takang taka siya.. "Hayy..yung matanda kasi..inatake sa puso--" "Really? kamusta ang lolo mo? Namatay siya?" "No! anu ka ba..buhay pa nga eh! at pinahirapan pa niya lalo ang buhay ko. Pagkatapos niya kasing atakihin sa puso ayun, kung anu anu na ang naisip. Kesyo daw ako na lang ang makakapagpalaganap ng apelyidong Stanford. Kaya ayun, gusto niya daw masigurado na magkakaasawa ako kung sakaling mamamatay siya! Eh sabi ko wala pa akong girlfriend! Kaya naman gusto niya akong ifix marriage kay Marian Go!" "Marian Go? yung girl na patay na patay sayo? yung muntik ka ng halayin nung birthday party

mo?! wahaha! Maganda naman siya ah?" "Maganda nga, pero grabe siya! Hindi ganun ang mga gusto ko! siya yung tipo ng babae na handang ipagbili ang kaluluwa sa demonyo makuha lang ang gusto niya. Isa pa.. hindi pa nga kami, pero nakakasakal na siya. She's getting rid of all the girls na lumalapit sa akin. Pure evil sya! buti nga at pumunta na syang states eh! Natahimik ang buhay ko!" "Haha..Ou nga no..well so panu yun?" "Eh ayun..nagdahilan na lang ako kay tanda na meron na akong mahal. Sabi ko sa kanya ngayon ko tatanungin yung babae to be my girlfriend at sabi nung matanda pag sinagot ako, hindi niya ako ipapakasal! at gusto niyang ipakilala ko sa kanya bukas" "Oh edi madali lang yan pare! Kumuha ka ng isang babae sa school. Kahit sino papayag naman eh. Ask mo to be your girlfriend tapos pagtapos mo ipakilala sabihin mo sa lolo mo hindi nagwork out yung relationship, tapos ibreak mo narin yung babae..easy.." "Hindi din pare. Ang gusto nung matanda, magtagal kami nung babae. And ayokong kumuha ng babaeng may gusto sakin! Mahirap na! baka mamaya hindi na yun makipagbreak sakin kasi nga gusto ako! tapos, alam mo naman na I hate girls na patay na patay sakin diba?Hindi ko kayang makasama ang mga ganung babae ng matagal! Kahit nga isang minuto hindi! So how the hell will I have a girlfriend by tomorrow kung lahat halos ng babae sa school walang kwenta?!" "Wait pare, mali ako. May isang babae sa school na walang gusto sayo. Actually she HATES you pa nga diba?!" "Si Nami?! yeah she hates me. Sigurado ilang beses na akong pinatay ng babaeng yun sa utak niya! Malabo kong mapapayag yun! tsaka ang hirap nun pakisamahan! at ayoko sa kanya, hindi ganun kababa ang standards ko, asal kalye."

"Pero pare..magpapanggap lang naman siya eh. Magpapanggap lang kayong dalawa. Diba sabi mo you can't stand being together sa mga babaeng patay na patay sayo, well baka naman kaya mong magstay with a girl na gusto kang mamatay :) hehe" "Well..come to think of it.. To tell you the truth, I enjoy making fun of her! Kaya siguro pwede na sya.. at nasa bahay namin sya ngayon!" "What?! Bakit?!" "I found her last night. Naglayas ata. Eh inapoy ng lagnat eh, magpaulan ba naman?! Kaya ayun dinala ko muna sa bahay.." "Oh i see..well if that's the case, tinulungan mo siya diba?! Baka dahil sa pagtulong mo sa kanya eh maawa sayo at pumayag na magpanggap na girlfriend mo!" Sya? maaawa? Hindi ata marunong maawa yun eh! Ni hindi nga marunong magthank you! pero ittry ko na rin,,malay niyo naman diba?! "Hmmm..Knowing her, mahihirapan akong kumbinsihin siya. Pero..may plano na ako. She's my only hope, kaya gagawin ko lahat para mapapayag siya! Hindi pwedeng hindi!" "Well..goodluck with that Bryle! Iba ang isang yun! Mukhang mahihirapan ka nga!" "Masas matindi ako kesa sa kanya! May plano naman ako eh! sige aalis na ako!" "Geh bukas na lang ulit Bryle!" *END OF FLASHBACK . . So ayan..malinaw na? maniniwala na kayo na napilitan lang ako diba? Actually hindi ko naman intensyon na humingi ng kapalit sa pagtulong ko sa kanya eh. Ayos

na sakin na magthank you sya pero sorry na lang. Kailangan ko siyang gamitin eh. Sasamantalahin ko ng tinulungan ko siya at yung sitwasyon nya.. Haay, kaya sana pumayag to. Gagawin ko lahat! tss..Help me lord! desperado na ako! . . . at ngayon nga..eto kami.. "In exchange for my help.. I WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND" binulong ko yan sa kanya.. Akala niya pa nung una kung anung gagawin ko sa kanya..sarap niya kasing pagtripan! wahaha . after a few seconds.. . "G-girlfriend? sabi ko na nga ba at may gusto ka sakin eh! pero ayoko sayo! kaya mag move on ka na!" aba! move on daw?! kapal niya huh! feel na feel naman niya naman gusto ako sa kanya! asa! "Ang kapal mo naman! akala mo gusto din kita? Hindi kita type no! Hinding hindi ako magkakagusto sayo! Mas lalaki ka pa sakin! Ang sungit sungit mo pa!" "Ganun? eh tanga ka pala eh! So bakit mo ako niyayayang maging girlfriend mo?!" "Kasi kailangan! Magppretend ka lang naman eh! Akala mo totoo? Asa! Nagipit lang ako at ikaw lang ang pag-asa ko! Magpanggap kang girlfriend ko! Sige na!"

"At bakit ko naman gagawin yun?!" "Kasi kung hindi ka papayag, ipapakasal ako ng lolo ko dun sa demonyong babae!" "Oh eh okay naman pala eh. Bagay kayo. San kasal niyo sa impyerno?!" "Ugh! Anung okay dun? Hindi ka man lang ba naaawa sakin? Ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal! Pagkatapos kitang tulungan ganito ka?! Wala kang puso!" "Marami namang babae dyan ah? Bakit ako pa? Isa pa, hindi ko naman hiningi ang tulong mo ah? Kaya ko naman ang sarili ko! Ikaw lang ang mapilit!" "Hindi pwede yung ibang babae! Kailangan ko ikaw! Ikaw lang ang kaya kong tagalan! Ikaw lang hindi nanghaharass sakin! although madalas pinapasakit mo ang ulo ko. Pero atleast ikaw mapagttyagaan kesa sa kanila! Ikaw lang ang fit for the job!" "WALA AKONG PAKIALAM. Problema mo yan, aalis na ako." tss..PLAN A FAILED. MOVING to PLAN B! ------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "WALA AKONG PAKIALAM. Problema mo yan, aalis na ako."sabi ko sabay lakad na Bahala siya sa buhay niya! Bakit naman ako papayag sa gusto niya?! Sino ba siya?! Wala naman akong mapapala kung gagawin ko yun! LAKAD. LAKAD. . Nung malapit na ako sa pinto.. .

"At saan ka naman pupunta? Naglayas ka diba? tapos 50 pesos na lang ang pera mo. Kahit na scholar ka sa school, hindi ka parin makakapagtuloy ng pagaaral. Kasi magkano na lang ang renta ng apartment ngayon? Yun pang expenses sa food at kuryente pati tubig, allowance mo sa school pati narin yung mga miscellaneous na babayaran?! Siguradong hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral.. and according to my research, wala ka ng dad at ang kamag anak mo na lang na natitira is yung auntie mo at yung nanay mo na hindi mo alam kung nasaan. So pano ka ngayon?" Tama siya! Natigilan tuloy ako sa paglalakad. Paano na nga ako? 50 pesos, anung mararating nun?! Gusto kong makapagtapos ng pagaaral! Pero kahit magsideline ako ng part time jobs eh hindi padin pwede! Hanggang allowance lang yun! Hindi na ako pwedeng bumalik kila auntie.. Lalong hindi na ako aasa ng tulong mula sa nanay ko. Pano na nga ako nito?! I guess matitigil na nga lang ako sa pagaaral..BAHALA NA. Tinuloy ko na ulit ang paglalakad at kinuha ang maleta ko, papalabas na talaga ako ng pinto ng.. . . "I'll give you 5000 pesos as your weekly salary kung magpapanggap kang girlfriend ko. Well, consider this as a job offering, not bad right?!" Pwede na. Pero 5000?! kasya na ba yun? Tsaka worth it na ba yun para magpanggap ako? Hindi biro yung pinapagawa niya sakin..hmmm .

. "Anong akala mo sakin cheap?!" hindi ko ata kaya yun for 5000 pesos, pero weekly yun diba? bale 20 000 a month.. . . Lalakad na ulit sana ako palabas ng.. . . "I'll give you 10 000 pesos weekly salary, plus 1 condo unit sa condominium na pag-aari namin. Sayong sayo na yung condo unit kung tatagal ka ng atleast three months. All expenses mo from food to utilities katulad ng electricity at water, sakop na ng deal..bukod pa yung bonus pag maganda ang performance mo. So what do you think?! " Grabe! napanganga naman ako dun! Tinodo na talaga niya huh? Ang hirap tumanggi sa ganyang offer! Buhay na buhay na ako niyan! pero..Anu bang klaseng trabaho ang maging kunwaring girlfriend? is it even a job? . . . Humarap ako sa kanya..tapos.. NO..hindi ko kaya yung pinapagawa niya.. PERA o DIGNIDAD?

. . . DIGNIDAD! . . . . "Kailan ako magsisimula?!" PERA!..hindi ako mabubuhay ng dignidad! -_Tatanggapin ko na to kahit labag sa kalooban ko at wala akong idea kung anu tong napasukan ko. Basta ang mahalaga, matapos ko ang pag aaral ko at matupad ko ang mga pangarap ko, mga pangarap namin ni dad. Ngumiti siya tapos nagtatalon sa tuwa pagsabi ko nun. Siya ba talaga yan?! Para siyang bata na ibinili ng nanay niya ng laruan na gustong gusto niya. May ganito pala siyang side,, (ai teka, right time ba to para isipin pa yan?! -_-) kinakabahan ako sa mga mangyayari.. Tumigil na rin sya sa kakasigaw ng "YES!" at kakatalon.. Lumakad siya..papalapit siya sakin.. Tapos.. . .

. O////__//////O NIYAKAP NIYA AKO..then he whispered in my ear.. "You are hired then. Starting today, YOU ARE MY GIRLFRIEND. Well, a pretend girlfriend as we say it. Pero sa mata ng ibang tao, you are my girlfriend. Tayo lang ang makakaalam nito. Well, tayo at ang mga kabarkada ko. Hindi kasi ako makakapaglihim sa kanila. Kaya naman galingan mo huh?! Galingan mong maging girlfriend ko para hindi sayang yung ibabayad ko sayo." "Te-teka! umalis ka nga sa pagkakayakap mo sakin!" "Girlfriend na kita diba? Pinapractice lang kita! haha! Dapat masanay ka na, you know mas intimate pa dito ang gagawin natin soon." *evil grin What?! tapos lumapit pa siya sakin na parang mahahalikan na ako! waaah! "Anung pinagsasasabi mo dyan! Hi-hindi pwede! Ano ako pokpok? Hindi mo makukuha ang virginity ko!" nilayo na niya ulit ang mukha niya..waah..ang pula ko na ata! "hahaha! Anu ka ba?! wala akong balak na gawin yun! hahaha! Pero kung gusto mong gawin natin yun.." tapos nilapit na naman niya ang muka niya tapos hinawakan ako sa may baba "Heh! ayoko! ayoko! ayoko na ata! Magqquit na ako!" iniwas ko yung ulo ko para matanggal yung pagkakahawak niya sa baba ko "Anu ba hindi pa tayo nagsisimula eh! Wala ng bawian!" "Wh ikaw kasi! kung anu-anu yang ginagawa mo sakin!" "Haha! Sabi ng pinapractice lang kita! Haaaay, sige gagawa ako ngayon din ng kontrata. Para

hindi ka na pwedeng umayaw pa. Ididiscuss ko sayo ang mga terms of agreement natin huh, tapos papapirmahan ko sayo. Sa ngayon dito ka muna sa kwartong to at dito ka narin muna magsstay. Gusto ka mameet ni lolo bukas so pag-awas na lang natin kita dadalhin dun sa condo unit mo. Bibigyan narin kita ng advance pay na 10 000 para may magastos ka for the week. Bye bye then..see you later girlfriend ko :)" Kyaaah! Kailangan pa ba talagang ulitin yung GIRLFRIEND?! Waaaaaaaaah! Hindi ako makapaniwala! Anu ba tong pinasukan ko?! Pero wala ng atrasan to! Bahala na talaga! Bahala na! Trabaho lang naman to eh. Kya ko to! Go Nash! Kaya mo yan!

CHAPTER 13- FIRST DAY OF WORK NASH's POV < (--.--) > zzzZZZzZ.. . . . *boogsh! bumukas yung pinto O___O napabalikwas ako sa kama,, (nakatulog na kasi ako sa pagiisip ko kanina.. 7:00pm na pala) "Hindi ka ba marunong kumatok?!" tanong ko sa kanya "Bakit pa ako magsasayang ng lakas ko sa pagkatok kung pwede namang pumasok na lang

ako? Isa pa bahay ko naman to eh, kaya gagawin ko ang gusto kong gawin! " tss..spoiled brat! "Ou na..ou na.. Let's get this over and done with. Nasan na yung kontrata?!" irita kong sabi.. kulang kasi tulog ko kaya medyo moody ako.. "Oh eto na ho. English yan huh baka hindi mo magets. Gusto mong itranslate ko pa?" "Ang kapal mo! Anung akala mo sakin bobo? tss.." tas kinuha ko na yung papel kung san nakatype yung contract..oo typewritten pa talaga..halatang napaka tamad niya talaga.. -_-

NAMI AND BRYLE BOYFRIEND-GIRLFRIEND PRETEND RELATIONSHIP CONTRACT (may title pa tlga dapat? ayos din sya ah!) I NAMI SHANAIA SAN JOSE , 17 YEARS OF AGE, BORN ON DECEMBER 28 1993, AGREES TO DO THE FOLLOWING: (talagang alam niya kung ilang taon na ako pati birthday ko huh! sya na talaga!) 1. I WILL NOT ENTERTAIN ANY SUITORS AS LONG AS I HAVE THE JOB. I MUST MAINTAIN MY SINGLE STATUS AS LONG AS I AM WORKING OR ELSE THE CONTRACT WILL THEN BE TERMINATED AND I WILL BE AUTOMATICALLY REMOVED FROM WORK. "Ho-hoy! hindi naman ata tama yan! Ibig sabihin bawal akong magka love life ganun?! Ikaw lang talaga dapat ang lalaki sa life ko ganun?!" pagpprotesta ko Wh kasi naman anu yun? Wala na akong makikilalang ibang lalaki bukod sa kanya as long as nagtatrabaho ako sa kanya?! "Bobo ka talaga no? Syempre! Ano na lang ang iisipin ng ibang tao, may boyfriend ka tapos magpapaligaw ka? Tsaka kung in a relationship ka sa iba, kahit sabihin natin na tanggap niya

tong trabaho mo, magkakaron lang ng conflict kasi siguradong hindi niya mapipigilan ang sariling magselos! Lalaki din ako kaya alam ko yun!" "Sabagay, tama ka. Wala parin naman akong balak na magboyfriend eh, yung totoong boyfriend. Study muna, pero pwede naman akong makipagkaibigan sa lalaki right?!" "Pag-iisipan ko ;)" "Anung pag-iisi--" "Tama na yan. Punta na tayo sa number 2.. Hindi tayo matatapos niyan eh!" so binasa ko na yung number 2. 2. I PROMISE NOT TO TELL ANYONE ABOUT THIS CONTRACT. EVERYBODY EXCEPT FROM BRYLE'S CLOSEST FRIENDS TOMMY, STEVE AND THIRD SHOULDN'T KNOW THAT I AM ONLY PRETENDING TO BE BRYLE'S GIRLFRIEND. "Aba hindi naman ata fair yan! Bakit mga kaibigan mo lang ang dapat makaalam?! Paano si Katie?! best friend ko siya! Hindi ako makakapagtago ng kahit anu sa kanya!!" Eh kasi naman diba?! Bakit friends niya lang ang pwede? Paano naman yung sakin? Hindi ko kayang lokohin si Katie. Hayy, miss ko na tuloy siya :/ "Sigurado kang hindi niya ipagsasabi?" "Ou naman! Mapagkaktiwalaan si Katie!" "Siguraduhin mo yan huh! Basta responsibilidad mo yang kaibigan mo, kasi kung magsasalita siya, patay siya sakin!" "Ou na! Sige lets move to number 3.." 3. I WILL BE BRYLE'S GIRLFRIEND UNTIL HE HASN'T FOUND ANY ONE TO REPLACE ME.

"Huh? eh pano kung hindi ka na makahanap ng papalit sakin? Anu yun? Habang buhay mo na akong girlfriend?!" "Anung akala mo sakin? Gusto kita makasama habang buhay?! Hindi no! Mabilis lang sakin makahanap ng girlfriend no! Sa itsura kong to?! Hindi naman tatagal yun ng habang buhay. Siguro mga bago tayo gumraduate. Hindi ko rin masasabi..kaya indefinite ang end ng contract. Tsaka depende rin naman kung hanggang kailan ka tatagal." tss.. sabagay.. Siguro kung maka 1 year ako, malaki narin maiipon ko sa ipapasweldo niya sakin. Sana makahanap siya ng kapalit pag nakaipon na ako! hehe 4. I WILL LET BRYLE DO WHAT A BOYFRIEND DOES TO HIS GIRLFRIEND. "Waaaaaaaaaah! ayoko neto! ayoko neto! Manyak ka talaga! Ibahin mo yan!" "Anu ka ba? Meron bang magsyota na hindi naghoholding hands man lang? yakapan? akbay? at minsan kiss! Tanga mo talaga. Kasama yun sa act. Isipin mo na lang artista ka. Hindi ba yung mga artista kahit hindi naman nila mahal talaga yung kalovetam nila eh, nagpapahug sila, nagpapakiss, ganun. Hindi naman masama yun eh. It's part of the job. As long as walang malisya yun ok lang. Let's be professional okay? Swerte mo pa nga eh, pangarap lang yun ng ibang babae! tapos gagawin ko sayo at may bayad pa!"- eto na naman po si kayabangan -_"Yak! holding hands siguro okay pa, akbay pwede na. yakap? tss..pag kailangan lang talaga! tapos yung kiss, hangga't maari walang kiss! Kung magkakakiss man, sa cheeks lang! In case of emergency yung kiss sa labi pero hanggat maari wala sa lips! Wala talaga!" "Ang choosy mo talaga! Sige ganito na lang para hindi ka luge, may extra bayad yung kiss at yakap , pag yakap 500 pesos dagdag kung sa day ng work kinailangan kitang yakapin..1000

para sa kiss sa cheeks..5000 kung sakaling kailangan kong gawin yung alam mo na? Pero hanggat maari hindi ko rin naman yun gagawin no! Kaya wag ka narin umasa sa 5000!" "O sige na nga. Pwede na. Tabaho lang naman eh.." tss kiss? waaah! wala pa akong first kiss! ayokong siya ang maging first kiss ko! 5. LASTLY.. I PROMISE NOT TO FALL IN LOVE WITH BRYLE NO MATTER WHAT. OR ELSE THE CONTRACT WILL BE TERMINATED IMMEDIATELY IF BRYLE FINDS OUT. "Asa ka pa naman! pwede ng wala to sa contract eh! Kahit naman hindi pa yan nakalagay dito, hindi naman ako maiinlove sayo kahit anong mangyari! Baka nga sayo dapat iapply yang rule na yan eh! Baka ikaw pa ang mainlove sakin!" "Ang kapal mo din no?! Asa ka pa ding maiinlove ako sayo! Hindi mga katulad mo ang tipo ko! Kaya nga ikaw ang pinili ko kasi alam kong hindi ako maiinlove sayo! Purely trabaho lang. Alam ko din namang galit ka sakin pero nagsisigurado lang ako, mahirap na. Kaya don't give meaning sa lahat ng gagawin ko sayo in the process, always keep in mind na lahat ng gagawin ko o sasabihin ko, lahat kasinungalingan. Ginagawa ko lang yun dahil sa pagpapanggap, acting lang lahat, intindi?!" "Ikaw din no! wag mong iisiping may gusto na ako sayo kung sakaling may gawin akong sweet o ano, pagpapanggap lang yun! Sige..agree na ako. Wag kang mag alala, hindi ako maiinlove sayo..PROMISE. Walang personalan, trabaho lang." I BRYLE CALEB STANFORD PROMISE TO: PAY NAMI 10 000 WEEKLY FOR HER SERVICE . ONE CONDO UNIT IS ALSO GIVEN TO HER BUT SHE WILL ONLY OWN THE CONDO UNIT IF SHE MANAGES TO STAY FOR ATLEAST 3 MONTHS. "Ayun lang yung rules para sayo?! tapos sakin lima?!" -ako

"Sino bang boss?"-sya "Ikaw..tss.." "So pumirma ka na..nakapirma na ako kanina eh.." tapos nun..ayun na..pinirmahan ko na ang kontrata.. Wala ng atrasan to. Basta I will do my best. Kalangan kong tumagal for the sake of my dreams. Sana lang talaga makatagal ako. Haayyyy.. Paano ba magpanggap na mahal mo ang isang tao lalo na at ayaw na ayaw mo sa kanya?! "Eto oh copy mo ng kontrata..." iniabot niya sakin yung isa pang papel na hawak niya "Sa ngayon magpahinga ka na muna..ihanda mo ang sarili mo huh?! Sabay tayong papasok sa school bukas since parehong 7:00 am ang klase natin. Try to act like you are really my girlfriend. Kailangan maniwala ang lahat satin, tapos pag tapos ng klase natin ipapakilala kita kay lolo. Magppractice tayo bukas ng acting natin huh. Magaling ang matandang yun, baka mabuko tayo. Tapos ipapakita ko na sayo yung condo unit na lilipatan mo and pwede ka narin lumipat dun. So thats it, magpapadala na lang ako ng dinner sa kwarto mo. Pahinga ka,baka bumalik yung lagnat mo." "Oo na sige na dami ng nasabi eh.." pagkatapos kong sabihin yun lumabas na sya.. Paglabas niya.. . . "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko ata kaya!

waaaaaaaaaaaaaaaaah!" humiga ako sa kama at nagtakip na lang ng unan sa mukha ko Haaay! So simula bukas ang alam ng mga tao school girlfriend niya ako! damn! Nakakahiya pala.. Hindi ko alam kung makakaya ko. Ang dame pa namang may gusto kay Bryle! May fans club pa nga yun eh! Baka kung anung sabihin sakin, hindi pa naman ako kagandahan! Haaay! Siguradong magiging laman ako ng mga usapan! Ayoko pa naman ng ganun! Tapos yung lolo niya pa! tss. Iniisip ko pa lang, lolo ng masungit na unggoy, mag kasing ugali kaya sila? Waaaaah..makakaharap ko ang may ari ng school na nagpapaaral sakin! Kinakabahan na ako. Mukang hindi pa ata ako makakatulog! tss! Ang dameng dapat isipin! Dati sa t.v. ko lang napapanood yung mga ganito eh, tapos ngayon nangyayari na sakin? What the?? ------------------------------------------------------------------------------------------------KATIE's POV Haaaaaaay.. Anu na kayang nangyari kay Nash?! Okay lang kaya sya? Papasok pa kaya sya? Saan sya natulog? Pano na siya? Haaaaaaay.. Ang dameng tanong sa utak ko na alam kong si Nash lang ang makakasagot. Miss na miss ko na sya at sa pag-iisip ko, hindi ko na namalayan at nakatulog narin ako.. . . 6:00 am..

narinig ko na yung alarm ng cellphone ko.. "Nash..gumising ka na maag--" napatingin ako dun sa kama kung saan dating natutulog si Nash Bakante na nga pala yun ngayon. Si Mr. Cottonbuds na lang ni Nash ang nandun (kung matatandaan niyo, c Mr. Cottonbuds yung life size teddy bear ni NasH) Pano hindi yun nadala ni Nash kasi naman, ang laki masyado. Mahal na mahal pa naman yun ni Nash, bigay kasi yun ng daddy niya. Hinawakan ko yung pisngi ko..basa na pala. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tsk. Hindi ako sanay na wala si Nash. Makikita ko kaya siya sa school? Sana naman pumasok parin sya. . . . Nandito na ako ngayon sa room.. Tsk..ako pa lang ang tao. Napaaga pala ako ng punta. Pano kasi dati kung hindi kami sakto sa time ni Nash eh late kami! Pero ngayon..haaay...papasok ka kaya Nash?! Napatingin na lang ako sa may bintana. "Oh Ms. Del Prado, ang aga mo ata?! Tsaka bakit hindi mo kasama si Ms. San Jose?!" si Sir Steven! Ang aga niya naman..waaaaaaaaah..kami lang dalawa dito! Kung nandito si Nash maeexcite ako eh, kaso talagang distracted ako ngayon kasi gusto kong makita si Nash. Sorry sir Steven, next time na lang siguro..wala ako sa mood. (haha, may mood para lumandi? aba syempre! )

"Ah sir..mahabang kwento eh. Sir labas po muna ako huh, bibili lang po ako ng pagkaen sa fudcourt. Hindi pa po kasi ako nag aalmusal.." syempre hindi totoong bibili ako, aabangan ko lang si Nash sa may gate, gusto ko siyang makausap "Ah ganun ba? ok sige. Maaga pa naman eh..bilisan mo na lang.." "Sige po sir Steven.." . . Nandito narin ako sa wakas sa may gate. Buti na lang may bench dun kaya umupo na lang muna ako. Dadaan naman dito sigurado si Nash eh. . . 20 minutes na siguro kaso wala paring Nash na nadating.. . . Tapos may mga babaeng biglang nagkumpulan sa may unahan ko..great! Pano ko makikita ngayon si Nash?! Pero alam ko na kung bakit may mga babaeng nagkukumpulan sa harap ko. Normal scenario lang naman to eh. Syempre, dumating na si Bryle. Madami kasi talagang patay na patay sa kanya eh. Halos lahat nman ata dito sa school. Ako, crush ko lang siya pero hindi naman ako aabot sa point na aabangan ko pa talaga ang pag dating nya. Iba ang level nitong mga nasa harap ko. Kung baga ultimate fan sila, ako silent lang. Tsaka hindi lang si Bryle ang crush ko dito! Madame! hehe

Nakipagsiksikan narin ako dun sa mga babae pero hindi dahil sa sasama na ako sa kanila, baka kasi dumaan si Nash. Gusto ko siyang makita agad. Nakita ko narin si Bryle, bumaba na ng kotse. kaya tong mga katabi ko.. "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Hi Prince Bryle!" "Kyaaaaaaaaaaaaah! pansinin mo naman kami Prince Bryle.." "We love you Bryle...!!" Haaaaaaay..hopeless na talaga tong mga to. Rindi na ako sa sigaw nila pero si Bryle? Ayun parang walang naririnig. Hindi man lang makuhang tumingin, pero teka! Dapat by now nageexit na sya ah?! Bakit parang may iniintay pa siyang bumaba dun sa kotse?! "Hey Babe! Malelate na tayo sa klase. Bumaba ka na please. Wag ka na kasing mahiya. Ako na ang bahala sayo ;)" tama ba yung narinig ko? BABE?! So may girlfriend na si papa Bryle? Tapos nginitian pa tlga niya! Ang swerte naman ng babaeng yun! Talagang sabay pa silang pumasok! Tapos si Bryle inihaya pa niya yung kamay niya dun sa may pinto. Alam niyo yung porma ng prince na nagaaya magsayaw? parang ganun! Waaaaaaaaah! Ang sweet! Sya ba talaga yan? Tapos todo smile pa siya! Bihira kayang ngumiti yan sa harap ng maraming tao! Sino kaya yung babaeng yun?! . . Maya maya..ayan na. May humawak na sa kamay ni Bryle. May lumabas naring sapatos

mula dun sa kotse.. Te-teka..parang kilala ko yung sapatos na yun! pero hindi! impossible! . . at ang lumabas na babae.. Si Nash?! Sinampal-sampal ko yung mukha ko. Si Nash nga! so sila na ni Bryle?!!!!!! waaaaaaaaaah! Kalangan ko asyang makausap! Perro paano ako lalapit? Si Bryle yung kasama niya! Nakakahiya. Hindi lang ako ang gulat na gulat nung bumaba si Nash mula dun sa kotse. Syempre lalo na tong mga babae sa tabi ko. Meron pa ngang nahimatay eh tapos syempre umpisa na ang usapan. "Sila pala? diba siya yung babaeng nanigaw kay Bryle dun sa fudcourt? Eh kaya naman pala ang lakas ng loob na awayin si Bryle. May something pala sa kanila!" "Pero balita ko sya yung bagong target ni Bryle. Binutas pa nga daw ni Bryle yung P.E. uniform niya eh?! Kaya pano nangyari yun?!" "Baka nainlove na lang sa kanya si Bryle kasi sya lang yung nakapang away sa kanya. Alam mo yung parang mala Dao Mingsu at Sanchai ng Meteor Garden?!" "Ow..baka nga no?! Ang swerte naman niya!" "Sinabi mo pa! haay.." "Wag ka masyado madepress dyan..Hindi pa naman sila kasal.."

"Ou nga no! magbbreak din yan!" "Tama!" at sabay sabay pa tlga sila nyan Masyado pala akong nawili sa pakikinig sa kanila at hindi ko na napansing nakalakad na papalayo sila Nash at Bryle! Tumakbo ako para maabutan ko sila.. . . . Ngayon nandito ako sa hindi kalayuan sa may likod nila.. Grabe..magkaholding hands pa talaga sila. Syempre lahat ng studyante pati rin mga teachers eh napapatingin sa kanila. Wala pa kasing nakikitang girlfriend si Bryle na kasama niya in public. Wala nga siyang pinapansing babae dito sa skul eh, tapos may kaholding hands siya ngayon! Grabe! Hindi parin madigest ng utak ko na si Nash yung babaeng yun na nasa tabi ni Bryle! Eh halos isumpa ni Nash si Bryle eh! Papunta sila ngayon sa room namin.. Talagang hinatid pa siya ni Bryle! Sweet talaga! Waaah! Si Nash na talaga! Naririnig ko si Sir Steven nagaattendance na! Aw! Nakita ko si Bryle pumasok siya sa room kasama ni Nash.. 7:10 na pala..sumunod na lang ako sa kanila. Dumaan ako sa tabi at pumasok, para namang walang nakapansin ng pag pasok ko kasi lahat sila.. O______O >> ganan..puro tulala!

Pati nga si Sir Steven tulala eh! Sino ba naman ang hindi diba? "Sir, pagpasensyahan niyo na po kung late tong girlfriend ko. Medyo natraffic lang kasi kami kanina.."-Bryle Waaaaaah. Talagang pinagpapaalam pa siya ni Bryle! "Ah..O-ookay lang yun Mr. Stanford! Hindi ko alam na kayo pala ni Ms. San Jose!" "Oo nga sir..Kahapon lang po kasi naging kami.." "Ah ganun ba?! wow..tingnan mo nga naman.." "Ah sir sige, alis na ako late narin kasi ako eh! Sa third floor pa ang klase ko. Hinatid ko lang po si Nami dito.." (nasa 2nd floor kami ngayon) "Ah ok sige Bryle. Ako na ang bahala sa girlfriend mo.." "Sige sir thank you.." Tapos humarap siya kay Nash, magkahawak parin sila ng kamay. Si Nash pulang pula na, nakatungo lang siya na parang hiyang hiya. Tinaas ni Bryle yung ulo ni Nash, yung position na parang hahalikan! "Oh Babe, wag ka ng mahiya. Dapat masanay ka na, mamaya lang malalaman na ng lahat na girlfriend kita. Ako ang bahala sayo wag kang mag-alala huh?" *tapos ngumiti si Bryle! Waah! ang sweet! nakakainggit si Nash!

"O-okay si-sige..ahm..b..-b-b-b-babe.." parang hirap na hirap si Nash na sabihin yung babe ah! hindi pa siguro siya sanay..total first boyfriend naman nya si Bryle eh,,kaya siguro ganun.. Tapos nihug pa ni Bryle si Nash! Waaaaaaaaaah! sobrang sweet! Parang hindi siya si Bryle!

"Susunduin na lang kita mamayang lunch huh? May kopya naman ako ng sched mo kaya alam ko kung saan ka pupuntahan. Ingat Babe..see you na lang mamaya,, :)" Anu daw? may kopya ng sched? grabe, gwardyado pa! hatid sundo! waaah! Teka, pano ko makakausap si Nash? ah tama, may vacant naman kami mamaya before lunch.. Lumabas na si Bryle.. naupo si Nash sa upuan niya. Ang mga kaklase ko..mukang ngayon lang ata nakahinga lahat! "Waaaaaaaaaaaaah! Nash kayo pala ni Bryle?" "Nakakainggit ka Nash! Kailan ka pa niya niligawan?" "Ang swerte mo Nash!" Pinaligiran na si Nash ng mga babae.. tss.. si Nash hindi na malaman kung sinong unang sasagutin.. "Class please be quiet. Mamaya niyo na lang tanungin si Ms. San Jose huh? may klase pa tayo eh..ok?!" "Sorry Sir. Nash mamaya magkwento ka huh.." sabay sabay pa sila! asa naman tong mga to! pag awas na pag awas namin dito sosolohin ko talaga si Nash! Marami akong dapat itanong sa kanya! . .

"Class dismiss..you may all go now.." yung mga babae kong classmates karipas agad ng takbo sa upuan ni Nash! pinagkakaguluhan na siya! nako kawawa naman si Nash! kaya nakisingit na ako..

Tapos ayun..nahila ko si Nash papalayo tapos tumakbo kami.. . . . tumigil kami sa may c.r. nilock ko yung pinto.. Mahirap na.. siguradong hinahanap kami nung mga classmates naming babae. "*hingal Sa-sa-salamat talaga Katie! Akala ko mamatay na ako dun eh! hindi ako makahinga!" tapos bigla ko na lang niyakap si Nash. Namiss ko kasi siya talaga! "Ka-katie! Anu ba! Hindi na naman ako makahinga!" "Eh kasi Nash..namiss lang talaga kita.." naluluha pa ako nun..ewan masayang masaya ako at nandito na ulit sya sa harap ko.. *uwaaaaaaaaaah (nag iyak sya bigla ng malakas!) "Oi Nash! Tmahan ka na baka isipin inaway kita! Patay ako sa boyfriend mo!" "Namiss lang din kasi kita ng sobra Katie!" tapos siya naman ang yumakap sakin ngayon "Oi teka lang..bitaw muna Nash. Marami pa akong itatanong sayo eh.." "Ay hehe..sorry sige, gusto ko rin ikwento sayo ang mga nangyari eh.." "So saan ka nagstay nung umalis ka sa amin?!" "Ahm..ano pumunta muna ako nun sa playground tapos umupo ako sa swing.,." "Huh?! eh umuulan nun ah?!" "Ou nga..eh wala ako mapuntahan eh..dun kasi ako dinadala ni dad pag malungkot ako.."

"Tanga ka ba? nagpaulan ka?!" "Eh ou..tapos..nakita ako ni Bryle.." "Si Bryle? anung ginagwa niya dun?!" "Papunta kasi siya sa hospital kasi inatake sa puso yung lolo niya.." "Wow, tadhana nga naman! So nainlove ka na sa kanya nun?" "Hindi! Inapoy ako ng lagnat nun. Eh since si Bryle nag insist na hindi daw siya aalis kung hindi ako aalis dun, ayun napagpasyahan ko naring umalis kaso nawalan ako ng malay tapos pagkagising ko nandun na ako sa bahay nila Bryle.." "Waaaaaaaaaaaaah! malaki ba yung bahay nila?!" "Sobrang laki Katie! Kwarto pa lang kasing laki na ata ng bahay niyo!" "Waaaaah! Ang swerte mo girl! Gwapo na super yaman pa ng boyfriend mo! Teka pano ba naging kayo?! Akala ko galit ka sa kanya? tsaka pati siya. Bakit ang sweet niyo bigla?" Tapos kinwento na niya sakin yung mga nangyari. Na pretend lang ang lahat, yung tungkol dun sa kontrata, pinakita pa nga niya sakin yung kontrata eh. "Ah! so kaya naman pala! So parang trabaho lang yan?! Akala ko pa naman in love talaga siya sayo! Ang galing din umarte ng isang yun huh! Maniniwala talaga lahat sa kanya eh!" "Oo nga eh, pero katie promise mo walang makakaalam nito huh? Satin satin lang, basta pag may nagtanong, kami talaga ni Bryle. Mahal ko siya , mahal niya ako, yun lang sasabihin mo huh? May tiwala ako sayo." "Ou naman no! ako pa? Safe ang secrets mo sakin! Isa pa, kahit trabaho lang yan malay mo maging totoo in the future!" "Yak! Katie naman eh! Advance na naman yang utak mo!"

"Malay mo din! Parang koreanovela lang! Haha! Oi ipakilala mo ako dun sa best friend niyang si Tommy huh!" crush na crush ko kasi yun eh, mas crush ko pa siya kesa kay Bryle kasi ahm sa susunod ko na lang na mga chapter ikkwento..hehe..mahaba kasi masyado.. "Ikaw talagang babae ka ang landi mo din talaga eh! Pano na si Sir Steven?!" "Edi maglaban sila! haha" "Luka luka ka talaga kahit kelan!" "Haha. Osya tara na! Late na pala tayo sa klase! sh*t!" "Anla ou nga no!" Kaya ayun lumabas na kami sa c.r. at tumakbo para sa next subject namin.. . . . "The both of you, what are your names?! and why are you late?!" aw..terror tong teacher namin ngayon. Computer subject..patay kami ni Nash! "Ah mam kas---" natigilan ako kasi biglang tumunog yung speakers na nasa loob ng room Bawat room kasi dito sa school pati narin sa fudcourt, gym, library, at lahat ng facilities na may studyante may speakers na konektado dun sa audio visual room ng school, faculty lang at authorized personnels ang pedeng gumamit nun. Kasi para yun sa mga biglaang announcements na importante, kaya naman talagang titigil ang lahat pag tumunog yun. . .

STUDENTS NG STANFORD UNIVERSITY, THIS IS BRYLE CALEB STANFORD SPEAKING. KAYA LISTEN VERY WELL. SI MS. NAMI SHANAIA SAN JOSE BS HRM STUDENT NG CLASS 1-A AY GIRLFRIEND KO NA SIMULA NGAYON. ANG SINO MANG BABAENG MAGTANGKANG UMAWAY SA KANYA, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATULAN KAYO PAG NALAMAN KONG INAWAY NIYO SYA.......WAG NIYO SYANG HARASSIN KUNG HINDI MANANAGOT KAYONG LAHAT SAKIN! AYOKONG NAHIHIRAPAN ANG GIRLFRIEND KO. SA MGA LALAKI NAMAN, I DON'T WANNA SEE YOU ANYWHERE NEAR HER. ANG MAKITA KONG KAUSAP SI NAMI NA WALANG VALID NA REASON ALAM NIYO NA KUNG ANUNG MANGYAYARI SA INYO.. YUN LANG PO. TANDAAN NIYO YAN HUH.. YOU DON'T WANNA MESS WITH BRYLE CALEB STANFORD RIGHT?! HAHAHA.. SORRY FOR THE INTERRUPTION..CONTINUE YOUR CLASSES NOW. . . . OW AND I FORGOT.. BABE! NAMI! I LOVE YOU! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang possessive niya masyado! at sobrang caring nya! Talagang binantaan pa niya talaga lahat ng students na wag pahirapan si Nash! Nako! kung hindi ko lang talaga alam ang totoo! Kikiligin ako ng sobra sa ginawa ni Bryle! May I love you pa sa huli! Grabe! kahit pala hindi totoo, kinikilig ako ngayon! waaaaaaaaaaah! "What are you looking at class?! Diba may activity akong pinapasagutan?! " puro kasi sila nakatingin sa amin ni Nami "And the both of you, sino nga ulit kayo? Give me one good reason kung bakit kayo late or

else papalabasin ko kayo!" ang taray talaga netong teacher na to! "Ahm ako po si Katie May Del Prado.." "Ako naman po si..ahm..ako po si.." "Sino? sobra bang hirap sabihin ng pangalan mo?! Gusto mong palabasin na kita ng hindi nageexplain?!" "Nako wag po mam. Sorry po, ako po si Nami Shanaia San Jose.." pagkasabi nun ni Nash..biglang nanlaki yung mata nung teacher namin tas namutla..haha.. nakakatawa.. :P buti nga.. "Na-nami Shanaia San Jose..BS HRM section 1-A?!" gulat na gulat niyang tanong.. "O-opo mam.." . . . . "Nako Ms. San Jose pagpasensyahan mo na ako huh?! Hindi mo kasi sinabi agad, ikaw pala yung girlfriend ni Mr. Stanford. Ah eh..wag naman sana to makakarating sa kanya huh? You guys may sit down. Eto ang activity papers niyo, start answering na huh?!" Wahahaha! Para siyang leon kanina na mangangain tapos biglang naging napaka among pusa! Haha! Pati nga pala mga teachers takot din kay Bryle! Grabe! Ang swerte parin talaga ni Nash kahit hindi totoong sila ni Bryle! Nako, eto na ata ang pinaka magandang trabaho eh! Saan kaya ako pwedeng mag apply? Ok narin sakin ang ganito! haha

CHAPTER 13.2- FIRST DAY OF WORK (PART 2!) BRYLE's POV Kakadating ko lang sa classroom namin.. Bakit ang ingay dito sa room? Walang teacher? Nagmadali pa man din ako! "O Bryle! relax! haha..swerte mo..wala si Ms. Sanchez..masama daw ang pakiramdam eh! kaya wlaa tayong klase! tas double period pa! wee!" -Steve "Oh kamusta na kayo ng girlfriend mo?!" -Tommy "Ou nga..balita ko holding hands pa kayo ah!" -Third "Ang bilis ng balita huh?! haha..ok naman..nag eenjoy ako!" "In love ka na sa kanya pare?!" -Tommy "Ulol! Hindi! nakakatuwa siyang paglaruan. Hindi kasi sanay sa mga sweet na kilos yang si Nami! kaya ang reaction nya hindi maipinta! Haha nakakatawa! Ang sarap pagtripan!" "Ikaw talaga Bryle! Wala ka parin balak magpakabait sa kanya? kayo na diba?!" -Tommy "Hindi naman totoong kami eh. Kaya aasarin ko parin sya no! Natutuwa ako eh! Pero syempre in my own way, yung hindi halata ng ibang tao. Alam mo kasi, the more I push Nami to do sweet things to me, the more na naiirita sya! Kaya yun ang gagawin kong pang aasar! Hindi naman iisipin ng ibang tao na I am actually ruining her day! haha" "Kaw talaga Bryle! Mamaya matuluyan ka niyan sa kanya eh!"-Third "Asa! haha.." sus..ako maiinlove dun?! hahahaha.. (note: kinwento na ni Bryle sa kanila (Tommy, Steve, Third) kagabi na pumayag si Nash sa

deal nila..kaya naman alam na nila ang lahat..) So ayun nagkwentuhan lang kami about sa mga nangyari samin ni Nami this past few days. Tapos an idea came up in my mind. Kanina ko pa kasi iniisip kung pano mas mapapabilis yung pagspread ng balita na girlfriend ko si Nami dito sa school. Gusto ko lahat makaalam, para mas maganda ang acting, mas papaniwalaan ni tanda. "Pare, alis muna ako huh?!" sabi ko sa kanila "San ka pupunta?! sa girlfriend mo no?!" -Steve "Gago! hindi! basta just wait. May gagawin lang ako ;)" "Hayy nako Bryle mukhang may pinaplano ko na naman huh. Geh umalis ka na, para namang may magagawa kami.." -Tommy . . . Saan ako pumunta? sa AUDIOVISUAL room. Dun kasi connected lahat ng speakers sa lahat ng rooms and facilities ng school na may mga studyante! Faculty at authorized personnel lang ang pwedeng pumunta dun. Bawal ang students, but since I'm Bryle Caleb Stanford..alam niyo na siguro :) . . I started talking.. STUDENTS NG STANFORD UNIVERSITY..THIS IS BRYLE CALEB STANFORD SPEAKING.. KAYA LISTEN VERY WELL.. SI MS. NAMI SHANAIA SAN JOSE BS HRM

STUDENT NG CLASS 1-A AY GIRLFRIEND KO NA SIMULA NGAYON.. ANG SINO MANG BABAENG MAGTANGKANG UMAWAY SA KANYA, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATULAN KAYO PAG NALAMAN KONG INAWAY NIYO SYA.......WAG NIYO SYANG HARASSIN KUNG HINDI MANANAGOT KAYONG LAHAT SAKIN.. AYOKONG NAHIHIRAPAN ANG GIRLFRIEND KO.. Naalala ko kasi yung mga manga na nababasa ko, pag may popular na guy tas may girl syang nagustuhan, kadalasan yung mga may gusto dun sa guy inaaway yung babae. Eh ayoko namang awayin nila si Nami. Well alam ko namang kaya niyang labanan yung mga yun pero yun na nga eh. Knowing her, lalaban siya, magiging gulo to tapos matatanggal scholarship niya ayoko naman mangyari yun. Gusto ko pati, ako lang ang magpapaiyak sa kanya. Ayokong iiyak siya dahil sa iba. Ako lang ang may karapatan gumawa nun! haha SA MGA LALAKI NAMAN.. I DON'T WANNA SEE YOU ANYWHERE NEAR HER..ANG MAKITA KONG KAUSAP SI NAMI NA WALANG VALID NA REASON ALAM NIYO NA KUNG ANUNG MANGYAYARI SA INYO.. YUN LANG PO.. TANDAAN NIYO YAN HUH.. YOU DON'T WANNA MESS WITH BRYLE CALEB STANFORD RIGHT?! HAHAHA.. SORRY FOR THE INTERRUPTION..CONTINUE YOUR CLASSES NOW.. Kahapon tinatanong niya ako kung pwede man lang siya makipagkaibigan sa mga lalaki, well this is my answer! Ewan, pero ayoko nga no! Solo ko lang siya. Masyado syang nagdadala ng kasiyahan sa taong nakakasama niya, selfish ako eh.. Aokong shinashare ang bagay na nagbibigay sakin ng so much enjoyment! Basta ayoko! Akin lang siya! Pero hindi yun dahil sa gusto ko siya or what, I just don't share my toys w/ other people :P especially my favorite one. . .

. OW AND I FORGOT.. BABE! NAMI! I LOVE YOU! Oops! Masyado ako nag-enjoy eh, naisipan kong dagdagan niyan! Para lalo syang mahiya! haha! Iniimagine ko pa lang yung mukha niya pag narinig niya to! Haha! sobrang nakakatawa! ----------------------------------------------------------------------------NASH's POV Grabe! What just happened? Hindi na siya nakontento sa pagaannounce sa section ko na kami na, talagang ipinagsigawan pa niya sa buong school! Grabe! grabe talaga! Hiyang hiyang hiya na ako! waaaaaahh! Holding hands, sweet words, calling me 'babe', and him being oh so sweet to me, lahat yan nakakadiri! I can't stand those kinds of things! Nakakainis! Ganito pala yun? Haay! Unang araw pa lang pero parang gusto ko ng umayaw! tss,, But there's no turning back.. I must bear this punishment for the sake of my dreams! Magkakaron naman ako mamaya ng 10k! Wee! Tapos may condo unit pa ako! Tapos may extra pa palang 500! kasi niyakap niya ako kanina db? wee! Pero mukha namang may naitulong din na maganda maski papano yung pagaannounce niya kanina na girlfriend niya ako, despite the humiliation, nakaligtas naman kami ni Katie mula sa leon naming teacher! Ok din naman pala. Pagkatapos ng activity, pinalabas na kami. But unlike kanina na after ng class eh suguran sakin yung mga babae kong classmates, ngayon wala kahit isang nalapit, si Katie lang. Tapos

yung mga boys, parang iwas na iwas sakin! Kasi naman no, papalabas lang ako ng pinto, eh nagkataong may kasabay akog classmate ko na lalaki.. "Sige mauna ka na.." sabi ko, sabay kasi kami sa may pinto.. Nanlaki yung mata niya..tas nagtatakbo?.. great -_Kaya lumakad nlng kami ni Katie.. Haay..tapos sa daan? Lahat ng makakasalubong kong lalaki humahawan sa daan. As in ayaw nilang mapalapit man lang kahit konti sakin! Para akong may nakakahawang sakit na iniiwasan nilang madikitan! Yung mga babae naman, nakatingin lang sakin tapis magbubulungan! Nakakainis yung ganito! at kasalanan yun lahat ng unggoy na yun! Alam ko eto ang gusto niyang mangyari! Talagang hanggang ngayon tuloy parin sya sa pagsira ng araw ko! nakakainis! "O Nash, relax lang! umuusok na naman ilong mo dyan!" sabi sakin ni Katie "Eh kasi naman Katie lahat ng estudyante dito nilalayuan ako! Ganun ba sila katakot sa unggoy na yun? Kasalanan niya to eh! Ngayon mukhang wala na akong magiging kaibigan!" "Andito pa naman ako ah! Love parin kita! hehe..tsaka isa pa, wag ka na magalit kay papa Bryle.. Ang sweet nga niya eh!" "Anung sweet dun? tss.." "Yung fact na nag I love you sya tapos ayaw niyang may ibang lalaking lalapit sayo, tapos ayaw niyang awayin ka nung mga babaeng fans niya. Oh diba? diba? How sweet! nakakainggit nga eh!" anung nakakainggit dun? ang sama kaya sa pakiramdam na iniiwasan ka ng mga tao!

"Seryoso ka Katie? If i know plano niya to! Alam niyang maaasar ako kung lalayuan ako ng mga tao! Bwisit sya! Nakakainis!" "Hahaha..the more you hate the more you love Nash!" "heh!" pang-asar pa talaga to eh! Naglecture lang kami sa next class. Introduction to Hotel and restaurant management yun. Nakakabored nga eh, tapos wala pa ako sa mood. Badtrip ako eh..lectures..lectures..then ayun..labasan na! . . . sa may pinto.. "Waaaaaaaaaaaaaah! ang gwapo niya talaga! tiningnan niya ako bessy!" "Hoy ako ang tinignan niya!" "Kyaaaaaaaah! papa Bryle!" Haay.. -___Kaya naman pala ang tagal bago shumupi ng mga to sa may pinto, nandun pala yung unggoy. Litsi! Susunduin nga pala niya ako! Ayoko makita pagmumukha niya! Badtrip ako! Pero kailangan kong maging mabait, nasa rule yun eh. Gagantihan ko na lang siya pag kami na lang dalawa! humanda siya! "Hi Babe :) tara na?!" -sabi nya pagkakita nya sakin

"Hindi mo na ako kailangan sunduin, nakakahiya eh.." sabi ko sa kanya habang nakayuko..ayoko nga kasi makita pagmumuka niya..nabbwisit ako -_"Masanay ka na, I'm your boyfriend remember?" "Ou na..sige tara na.." "Ehem,,Nash.." -si Katie yan Napalingon kami pareho ni Bryle..tsk. Nakalimutan kong kasama ko pala si Katie. Lumapit ako sa kanya.. "Oh Katie? tara na!" "Eh, ok lang bang sumama ako sa inyo? Si Bryle yan!" bulong niya sakin.. "Anu ka ba? o anu kung si Bryle yan? Anung meron?" "Nakakahiya! tsaka baka ayaw niyang kasama ako.." "Anu ka ba Katie ayos lang yan..promise :)" "Hoy kayong dalawa dyan. Bilisan niyo nga tara na. Ikaw ah anu ngang pangalan mo?!" Bryle talking to Katie "Ah..K-Katie.." si Katie namumula "Ok..so ikaw pala si Katie..Alam mo yung secret namin db? I guess sinabi na sayo ni Nash.." Bryle "Ou..wag ka mag alala..Hindi ko sasabihin.." -Katie "Siguraduhin mo lang! kasi kung hindi, alam mo na ang mangyayari sayo!" "Bryle! anu ka ba! Tinatakot mo si KAtie eh!" sabat ko,,bigla kasing namutla si Katie.. "Ou na babe sorry na.. :)" eew..bakit bigla siyang naging sweet? kadiri -_-

"Ok lang ako Nash..Hehe. Kinausap niya ako! Kinausap niya ako Nash! Ang saya ko!" bulong sakin ni Katie (nye? so hindi sya natakot? natuwa pa siya? God!.) "Babe..tara na..gutom na ako.." "Ou na.." lumapit ako sa kanya, kasabay ko si Katie.. "Babe.." Paulit-ulit yung babe.. Naglalakad na kami ngayon, si Katie tahimik lang. Nakakapanibago, talagang nahihiya siya sa unggoy na to?! "O?" sagot ko sa kanya na hindi natingin "Tawagin mo naman akong babe pag sasagot ka sakin! Anu ba yan! dapat sweet ka sakin eh! Nasa rule yun!" tss.. "Ok..ok.. O bakit..BABE?!" tss..para sa 10k! kahit nakakadiri! -_"Hehe..yan..babe..holding hands tayo!" hahawakan niya sana yung kamay ko kaso iniwas ko "A-ayoko nga!" "Hoy! kasama yan sa deal! babawasan ko sweldo mo sige!" "Sabi ko nga eh. Hahawakan ko na kamay mo Babe eh.." tas hinawakan ko na ang kamay niya.. Ayun yung ngiti nya kulang na lang umabot hanggang tenga niya! tss! He's enjoying this so much! Alam niyang maaasar ako! tss..at wala akong magawa kung hindi sumunod..nakakainis.. . .

. pagdating namin sa fudcourt.. Syempre tinginan lahat ng studyante. Hindi na namin kinailangan pumila kasi alam niyo na siguro kung bakit.. "Manang isang beef and mushroom pizza. Isang slice ng mango cake, isang strawberry ice cream. Isang lasagna at isang iced tea" ang dame niyang inorder! kanya lang ba yun? pero gusto ko lahat yung inorder niya ah! pareho kami ng taste! bakit ganun?! "Babe ikaw anung gusto mo??!" "Ah ikaw ba magbabayad?!" binulong ko yun sa kanya, baka kasi mamaya..wala akong pera eh..hindi pa niya ako pinapasweldo.. "Babe naman..syempre..get everything you want.." "Everything?!" ayos! lafang to! hindi ako natanggi sa grasya! pagkakataon ko na to! "Ok! manang..isa ding beef and mushroom na pizza, isang chocolate cake, isang strawberry ice cream, isang carbonara, isang garlic bread at isang coke in can :)" "Ok po..ahm sir yun na po ba lahat? matanong ko lang sir may party kayo?!" tanong nung nasa counter.. "Wala po kaming party..masarap lang kumaen.! Hindi ba babe?!" "Ou nga! sobrang sarap! lafang na to!" "Yeah! pabilisan tayo makaubos mamaya!" "Sige ba!" wait, nagkasundo kami? for a second I actually enjoyed talking to him?! "Oh ikaw naman Katie anung sayo?!" tanong ko...nakalimutan ko na naman kasi si Katie..ayaw kasing umimik..

"Ah Nash..share na lang tayo. Nakakahiya eh.." "Anu ka ba! Samantalahin mo na ang grasya! Libre yan ni babe! diba babe?!" "Ou naman babe, basta kaibigan mo. Order ka na best friend ni Nami." "O-ok..ahm..isang carbonara and one apple juice.." -Katie "Yun lang?!" -ako "Ou..diet ako eh! tsaka isa pa..hindi naman ako kasing takaw niyo no. Akala mo may fiestahan kung bumili kayo!" -Katie.. "Kaw bahala,, " Ang dame naming dala..hehe..excited na akong kainin lahat ng niorder ko! :D Hindi kami dun sa fudcourt kakaen, sabi ni Bryle (kasi nilibre niya ako kaya hindi na ako ganun kainis sa kanya! haha kaya hindi na muna unggoy tawag ko) ipapakilala daw niya ako dun sa mga kabarkada niya eh. Kaya ayun papunta kami sa tambayan nila dito sa school. Tama, may sarili silang tambayan dito.. . . . Pag dating namin.. "Hi Ms. Nami..Nice to meet you!" tapos hinalikan niya ako sa kamay! waah! O////.////O "Steve! girlfriend ko yan!" so Steve pala pangalan nun, kakatakot siya huh "Haha! Possessive mo naman masyado! Hindi naman totoong kayo ah!" -teka tong Steve na to..sya yung nagsaboy sakin ng feathers dati sa OSAS ah!

"Heh! maghanap ka ng ibang babae!" -Bryle "Ok! ito na lang kasama ni Ms. Nami.." tapos lumapit siya kay Katie.. "Hi miss..what's your name?!" -Steve "Katie.." "Ang ganda naman ng name mo, kasing ganda mo.." bolero pa! tss.. hahalikan din sana niya ang kamay ni Katie ng.. "Hi seatmate :)" huh? kilala niya si Katie? May lumapit na isang lalaki na ahm, gwapo din pero mukang bad boy, gangster or watever. Teka..sya pala yung nagpanggap na dean nung pinatawag ako sa OSAS! Tanda niyo pa? yung nasa Chapter, hindi ko na tanda! Alam ko binaggit ni Bryle yung pangalan niya nun eh..anu nga ba? hmmm "Ikaw?!" -Katie habang nakatingin kay unknown bad boy looking guy "Ako nga.." -si unknown bad boy looking guy "Magkakilala kayo?!" tanong ko.. "Hindi!" -Katie "Oo!" - unknown bad boy looking guy sabay sila sumagot..Bakit ganun? magkaiba sila? Anu ba talaga?! "Third, siya yung seatmate na kinikwento m---" tinakpan niya yung bibig ni Steve.. Ayun Third! yun ang pangalan niya! "Nice seeing you again Ms. Nami :)" -sumulpot naman yung isang guy pa na nagsaboy din sakin ng feathers sa OSas dati! Tiningnan ko lang siya..

"Haha! I know masama pa ang impression mo sakin kasi sinabuyan kita ng feathers dati diba?!" buti alam niya -__"Sorry huh, sumunod lang naman ako kay Bryle eh. Ganito na lang..let's start new, I'm Tommy Michael Lopez..Tommy na lang for short :) Nice meeting you.." "Apology accepted. I'm Nami Shanaia San Jose, nice meeting you too.. :)" ewan ko, first meeting palang pero pakiramdam ko ang bait bait nya "Oi tama na nga kayo dyan! babe kaen na tayo :)" -Bryle "Wow, babe tawagan niyo? ang sweet!" -Steve "Nakakadiri nga eh -_-" sabat ko "Choosy talaga ng babe ko! Halika na nga kaen na tayo." "Wag mo na nga akong tawaging babe! Wala namang ibang tao dito eh!" "Eh sa gusto kitang tawaging babe eh! Wag ka ngang magreklamo pinapasweldo lang kita!" tss.. "Ou na..gawin mo na gusto mo, leche -__-" tapos umupo na ako dun sa may table kung nasaan yung mga pagkaen. Umupo narin sila Tommy, Steve, at Third..pati si Katie.. "Good dog.." tapos pinat niya ang ulo ko ng parang aso! PSH -__"Bwisit!" sinigaw ko na lang yun..nagsmirk lang sya! pang asar >,< "Ang sweet niyo talaga no? hahaha!" -Tommy AKO I BRYLE I THIRD

IIIIII LAMESA IIIIIIII TOMMY I KATIE I STEVE

Ganan yung pwesto namin.. "Hi miss, are you Nami's best friend?!" Tinanong ni Tommy si Katie..since magkatabi sila "Ah ou.." namumula si Katie! Crush niya nga pala si Tommy! wahaha.. natatawa tuloy ako.. "Oh Babe bakit natatawa ka dyan? nababaliw ka na ata eh! haha!" -Bryle "Wala kang pakialam!" sagot ko "Ang sungit naman nito!" -Bryle "Oi mamaya na nga kayo mag away dyan. Kumaen na muna tayo.." -Tommy "Third bakit hindi ka nagsasalita?!" tanong ni Steve "Kita mong nakaen eh diba?!" -Third "Nakaen o dahil nandito si seatmate mo dati na m--" naputol ng pagsasalita si Steve "Manahimik ka nga dyan Steve! Eh ayaw nga akong kausapin niyang babaeng yan. Hindi pa daw niya ako kilala, so hindi ko rin sya kilala!" sinabi nya nun yun ng nakatingin kay Katie.. si Katie naman tuloy lang sa pagkaen, parang walang narinig. Anu bang meron sa kanilang dalawa?! "Oi Bryle bakit hindi ka pa nakaen?" tanong ni Tommy Napatingin tuloy ako kay Bryle. Ang dame ng pagkaen niya pero wala pa siyang ginagalaw kahit isa dun..tinititigan lang niya..tanga talaga "Hoy bakit hindi ka pa nakaen?!" tanong ko sabay subo ng ice cream..(inulit ko lang pala yung tanong! haha) "Eh gusto ko subuan mo ako!" tapos nag pout sya! parang bata! "Hahaha..Bryle ako na lang magsusubo sayo oh..say ah.." sabat naman ni Steve

"Heh! Ayoko..gusto ko si babe ko..subuan mo na ako babe!" tss..anu bang kaartehan to? nakakadiri na talaga sya! "Ayoko nga! may kamay ka naman ah! Ikaw ang magsubo sa sarili mo!" " Girlfriend kita db? Gawain ng gf yan! dapat sinusubuan niya ang bf niya! Nasa rule yan ah! dapat gawin mo ang dapat ginagawa ng gf sa bf niya!" sigaw niya..tapos nag cross arms sabay pout! para syang makulit na bata! "Eh wala namang ibang tao dito ah!" "Eh sabi ng gusto ko eh! tinatamad ako magsubo!" "Edi wag kang kumaen!" "Edi wala ka din sweldo!" "Babe ..Say ah?" darn it..lage na lang nyang panakot yung sweldo! tapos ayun ngumanga siya..sinubuan ko nung cake..tapos ng lasagna tapos ng pizza at ng ice cream..sunod sunod..hahaha "adkalhflsahfjsaghg" *lunok..sabay inom ng ice tea.. "Walangya ka talagang babae ka! Eh kung nabulunan ako dun? papatayin mo ba ako?!" "Sabi mo subuan kita?! Ayaw mo nun sunod sunod pa! hahaha" "Patay ka sakin!!!" sigaw niya.. tapos tumakbo syempre ako! "Belat! hindi mo ako mahuhuli! :P " pang aasar ko pa..tapos nagtatakbo pa ako..siya naman tuloy ng paghabol.. ikot kami ng ikot sa may lamesa.. "Kayong dalawa para kayong bata!" -Tommy "Nakakahilo kayo anu ba! Tumigil nga kayo.." Third

"Titigil lang ako pag nakaganti na ako sa babaeng yan!" tinuro ako ni Bryle tapos hinagad na ulit..binelatan ko lang siya..haha.. "Asa ka pang mahuhuli mo ako!" -sigaw ko "Haay nako. Hayaan niyo na nga lang sila..kaen na lang tayo.." -Steve Kaya ayun..hindi nlng nila kami pinansin. Kahit nagpapaltukan na kami ni Bryle ng kung anu-anu.. haha Gulo namin no? pero nakakatuwa, naalala ko, ganito kami ni daddy dati, naghahabulan kami sa may lamesa..hahaha..Bakit kaya naaalala ko si dad sa kanya?! Natigilan ako nung maisip ko si Dad kaya naman nahuli niya ako! waaaaaaaaaah! "Hoy ibaba mo ako!" binuhat kasi niya ako eh..yung ulo ko nasa may likod niya..hawak niya yung binti ko sa harap! "Ayoko!" sigaw niya tapos inikot ikot nya pa ako! waaaaaaaaah! nakakahilo! "Hoy tama na! tama na! hilo na ako!" "Titigil lang ako kung ippromise mo na susubuan mo ako ng ayos!" "Ou na! Ou na! tigil mo lang yan!" tapos ayun tumigil na sya at iniupo na ulit ako sa may upuan ko.. Hilong hilo ako eh.. "Hahaha! Napagod ako dun ah! o tapos na kayong kumaen?!" -Bryle "Inuuna niyo pa kasi ang paglalaro. Siya sige doon muna kami sa may couch. Kikilalanin lang namin tong si Ms. Katie.." tapos inakbayan ni Tommy si Katie! haha!tuwang tuwa si best friend niyan! Tapos napansin ko si Third parang ang sama ng tingin? Anung meron?

Pinag gitnaan ni Steve at ni Tommy si Katie sa couch, si Third naupo lang dun sa may stool sa may bar.. (yung tambayan kasi nila Bryle sa school parang isang condo unit..may bar area, may living room, may kitchen..may billiard area..wala nga lang bedroom..) At eto naman ako, sinubuan ko na nga po si Bryle. Haay..tuwang tuwa naman siya! Bwisit! Alam ko namang ginagawa niya to para maasar ako! At tagumpay siya! Tapos ang pinakamasaklap eh wala akong magawa kung hindi sumunod sa kanya! bwisit! bwisit!

CHAPTER 13.5- FIRST DAY OF WORK (PART 3) BRYLE's POV Super enjoy talaga ako kaninang lunch!! Ang sarap kumaen pag may taga subo! Lalo na at si Nami pa ang tagasubo ko! Asar na asar na naman siya! and that fact makes this even more enjoyable :) . . . Pagkatapos ng lunch.. Umalis na kami nila Tommy sa tambayan, may klase pa kasi kami. SIla Nami mamaya pang 3 ang class.. Si Nami sasabay na sana sa amin, pupunta daw siya Kay sir Steven, student assistant pala siya nun! hindi ko alam! Pero sabi ko sa kanya wag na siyang pumunta! Hindi ko sya pagttrabahuhin dun no! Gusto ko ako lang ang pinagkakaabalahan niya! Akin lang ang

oras nya :P Isa pa may itsura yung teacher na yun tapos fresh graduate lang, mahirap na! Nung una ayaw pa ni Nami pumayag, pero sa huli wala narin syang nagawa..tinawagan ko na kasi si Sir Steven at sinabi sa kanyang hindi na magttrabaho si Nami bilang student assistant nya. . . . . 3pm.. Labasan na kami... kaso kelangan ko pa antayin si Nami. 4pm pa labas nun eh! "Hoy samahan niyo naman ako. Hihiintayin ko pa si Nami. Wag muna kayong umuwi.." sabi ko sa kanila pag labas namin ng room "May bago akong chicks eh pare, may date kami ngayon." -Steve..as usual may date na naman siya..Araw araw na lang eh -_"May sakit si mommy diba? alam mo naman yun Bryle, hindi iinom ng gamot kung hindi ako ang magpapainom sa kanya.." -Tommy.. Haay.. si mommy's boy..napakabait na anak naman kasi nitong isang to.. "Asa pang sasamahan kita! Mamaya isipin pa ng Katie na yun na inantay ko siya! Kung hindi niya ako kilala, hindi ko din sya kilala!!"- Third.. Galit na galit na naman to.. Haay..Anu nga bang meron sa kanila nung Katie na yun? Magkakilala sila? pano? tapos bakit parang galit sa kanya yung Katie? Eh ang dame nga ding naghahabol dyan kay Third eh..hmm..well its none of my business

. . Kaya nga yun..mag isa na lang ako. Saan kaya ako pupunta nito? eh start palang ngayon ng class nila Nami.1 hour pa ako mag aantay..tss . . .isip. isip. . . Ah! alam ko na! . . Lakad. Lakad. . . . Ayan! nandito na ako.. Room 134.. tama..eto na nga yun.. . .

"Erm..excuse me.." nagaattendance yung teacher eh "Si Bryle! waaaaaaah!" "Grabe pinuntahan pa talaga dito si Nash! nakakainggit!" "Ayus lang atleast nakikita natin sya ng malapitan!" Haaay..ayun kanya kanya na silang usap dun sa room..pumasok na lang ako.. . . "M-mr. S-stanford? What's the problem? m-may nagawa po ba ako?!" teacher yan huh.. takot sakin eh! napagtripan ko na ata to dati nung high school ako! haha "Mam, relax.. Wala po akong gagawin sa inyo. Gusto ko lang pong makiseat in sa class ng girlfriend ko.. :)" tama eto ang plano ko..maki seat in sa class ni Nami :) "Ah yun lang ba? O-okay Mr. Stanford..sit wherever you want :)" Tapos lumakad ako nun sa may tabi ng row kung nasaan si Nami.. 4 chairs sa isang row, yung nasa tabi nung isle eh isang lalaki, tapos si Nami, tapos dalawang babae.. Tinitigan ko lang ng masama yung lalaki, tapos ayun..automatic na umalis na sya sa upuan niya.. buti alam niya ang gagawin niya . "Hoy, pati ba naman sa klase ko susundan mo pa ako? Grabeng boyfriend ka naman!" bulong sakin ni Nami "Eh sa mag-isa lang ako eh. Umuwi na sila Tommy, kaya dito na lang ako pumunta.." "Pwede ka naman tumambay dun sa tambayan niyo ah.."

"Eh sa ayoko eh..bakit ba?!" "K." tapos tumingin na sya dun sa unahan,,tss,,suplada.. . . Nagsimula ng magturo yung teacher.. Business Math ang subject nila ngayon.. . . "Class, how can you understand what I'm teaching kung ang attention niyo nakafocus kay Mr. Stanford?! Sa whiteboard kayo tumingin para maintindihan niyo ang lesson!" pano naman kasi.. yung mga babae ang tingin ata sakin lecture! tss.. mabuti sana kung ganyan din si Nami eh...kaso hindi..mas interesado sya sa whiteboard kesa sakin! -_. . After mag lecture ng teacher, nagpasagot sya ng practice problems. Ang unang makasagot may plus points sa recitation, kaya naman tong si Nami serious na serious. Guluhin ko nga! haha "Hoy Nami.." *poke *poke..hindi man lang niya ako tiningnan? tuloy parin sa pagsubsob sa papel niya at pagpindot sa calculator. "Nami.." *poke.. wala padin.. "Naaaaaaaaaaaaamiiiiiiiiiiiiiiiii" wala padin talaga! *grab

kinuha ko nga yung papel na sinusulatan niya "Anu bang problema mong unggoy ka huh? Hindi mo ba naiintindihan na nagcocompute ako dito? huh? bwisit naman oh!" sa lakas ng sigaw ni Nami, pinagtitinginan na kami ng buong klase "Ah babe,," sabay senyas ko sa kanya na nakatingin sa samin lahat ng tao sa room., "Nako..babe sorry..Ikaw naman kasi eh, mamaya na tayo magkulitan huh? Sayong sayo naman ako mamaya eh, kaya wag na muna makulit huh?!" tapos pinisil nya yung pisngi ko! ang sakit.. pero buti na lang nagets niya yung gusto kong iparating..baka mamaya mabuko na nagkukunwari lang kami..kaya naman ayun, hinayaan ko na lang muna syang magcompute dun.. . . Grabe..halos lahat nung tanong si Nami ang nakasagot. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit sya naging scholar. Eh yung mga problem na sinasagutan nya ng 1 minute, aabutin na ata ako ng forever bago ko masagot! . . Pagkatapos ng klase..naglabasan na lahat.. Naiwan kami sa room, si Nami, yung babae nyang bestfriend at ako. Kasi nililigpit pa ni Nami yung mga scratch papers niya, pagkatapos nun..lumakad narin kami palabas.. .

. Habang naglalakad kami.. "Babe..ako na ang magdadala ng bag mo :)" sabay hawak ko sa bag niya.. Nakikita ko kasing ginagawa yun ng ibang lalaki sa girlfrend niya eh..try ko lang :) sa mga nakikita ko kasi ganito ang mangyayari.. "Babe, ako na magdadala ng bag mo :)" sasabihin nung lalaki "Thank you babe,,ang sweet talaga ng bf ko..kaya love na love kita eh.." tapos ayun maglalakad na sila ng magkaholding hands.. pero iba si Nami..abno sya -_. . Pagkatapos kong sabihin na ako na magdadala ng bag niya..ganito yung nangyari,, "Ayoko nga! kaya ko na to! wag ka ngang makialam!" sabay iwas niya sakin nung shoulderbag "Babe naman..Ako na nga kasi..nahihiya ka pa sakin.." tas kinukuha ko ulit "Eh ayoko nga sabi eh! Bakit ba ang kulit mo!" iniwas na naman niya, ang sungit naman nito! nagpapakasweet na nga ako! sya pa ang galit! "Ikaw na nga ang ipagdadala dyan ikaw pa ang galit!" "Oh edi sayo na! Masaya ka na?! Gusto mo lang ata yung bag ko kaya gusto mong dalhin. Bading.." sabay hagis sakin nung bag "Anung sabi mo?! hindi ako bading huh! Kung ayaw mo, di wag mo! " tapos ayun binigay ko

na ulit sa kanya.. "Kinuha mo tas ibabalik mo..iyo na!" ibinalik ulit niya sakin "Ayoko na wala na akong gana!" ibabalik ko na sana ulit yung bag ng biglang sumingit sa usapan yung Katie.. "Anu ba kayong dalawa? kanina nagaagawan kayo kung sinong magdadala nung bag, ngayon naman nagpapasahan kayo kung sino! haay..para talaga kayong mga bata Ikaw naman Nash, dapat nagthank you ka na lang, nagpapakasweet na nga yung bf mo, tinarayan mo pa. Hay nako..wala ka pa talagang alam.." -Katie..buti pa to eh hindi abno.. "Ganun ba yun? eh kasi akala ko pinapalabas niya na wala akong kayang gawin. Na mas malakas siya sakin kaya sya na ang magdadala nung bag ko. Oh kaya naman may gagawin syang masama sa bag ko.." tss..abno talaga sya..-_"Haay nako Nash.." -Katie "Oh sige na nga. Ako na ang mali. Sorry na babe! sige tara na ;)" tapos hinawakan niya ang kamay ko..teka..sya na ang humawak? *dug dug dug Ang bilis bigla ng tibok ng puso ko? Magkaholding hands din naman kami kanina ah? dahil ba yun sa this time sya na ang nagkusang humawak sakin?! "Oi namumula ka..may lagnat ka ba?!" tanong nya sabay hawak sa noo ko Te-teka! Bakit ang sweet niya bigla?! at bakit ako kinakabahan?! "Wa-wala akong lagnat!!" I'm running out of words and sa tingin ko sobrang pula ko na kaya kinaladkad ko na lang sya

. . "Bakit mo ako kinaladkad?! hindi man lang tuloy ako nakapag babye kay Katie!" nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan "Edi itxt mo na lang! Malelate na tayo sa pupuntahan natin eh!" bakit kasi bigla kang naging sweet? ang hirap tuloy magsalita! "Saan tayo pupunta?!" Waah..humarap sya sakin tapos ang lapit ng mukha niya habang tinatanong yun sakin..waaah! lalong bumilis yung puso ko! "Wa-wag ka ngang lumapit masyado sakin!" Bakit ganito? anu tong nararamdaman ko? "Ang arte mo naman! Lalapit pa ako pag hindi mo pa sinabi.,." tapos ayun..tinaas nya yung paa niya sa upuan, mahaba kasi yung upuan ng sasakyan.. muka sya ngayong nagapang! uwaaah! Palapit sya ng palapit..ako naman..isod ng isod..hanggang sa,, Waaah! nasa may bintana na ako..wala na akong iisudan.. anu bang problema ng puso ko ngayon? parang gustong lumundag palabas! "Lu-lumayo ka!!" sigaw ko sa kanya Imbis na lumayo..lumapit pa sya lalo sakin..tapos nilagay yung magkabila niyang kamay sa may bintana ng sasakyan kung saan ako nakasandal "Paano kung ayoko?!" tapos hinawakan niya pa yung neck tie ko! Ang lapit niya sakin! waaah! bakit ba ang kulit neto ngayon?! "Lu-lumayo ka na nga! sasabihin ko na sayo!!" namumula na ata ako ng sobra! ang init na ng

mukha ko eh! "Hahahaha..para ka ng kamatis! sobrang pula mo! hahahaha" tapos lumayo na siya sakin at umayos na ulit ng upo.. "Heh! mainit lang no!" "Mainit..eh ang lameg nga dito! May aircon kaya! sabihin mo may gusto ka na sakin!" "Hoy! assuming ka! hindi ki-kita gu-gusto!!! tumigil ka na nga!" "Si Bryle may gusto sakin..si Bryle may gusto sakin..hahaha" paulit-ulit lang sya ng ganun! nakakairita! "Heh! tumigil ka na nga sabi eh! pag hindi ka tumigil hahalikan kita!" "Sabi ko nga eh..titigil na ako,," tapos ayun nilabas na naman niya yung supot mula sa bag niya at inilagay na naman yun sa may ilong niya..abno talaga neto.. (a/n: hindi sila nakikita or naririnig nung driver kasi bukod sa nagddrive yung driver eh may harang yung frontseat at backseat nung sasakyan,, ^__^ pag may gustong sabihin yung driver may bubuksan pang lid para magkarinigan sila) . . Katahimikan. . . "Te-teka..san nga tayo pupunta?! hindi mo na pala nasagot!" bigla niyang natanong "Sa--" biglang nagsalita si Manong eddie

"Nandito na po tayo sir Bryle.." tapos binuksan na niya yung pinto "Oh ayan na ang sagot sa tanong mo,," -ako "Anu yan? mall? ! pero medyo maliit naman siya para maging mall.." pagtataka niya "Nandito tayo ngayon sa boutique shop na pag-aari ng designer ng mga damit ng mga Stanford.." "Talagang may designer pa kayo?!" "Ou..lahat ng damit namin tinatahi para lang samin..personalized..meron din namang tahi na pero yung mga nasa latest collections,," "Wow,,,kayo na talaga..ah eh bakit naman tayo pumunta dito? kukuha ka ng bagong damit?!" "Hindi lang ako..pati ikaw.." "Huh? pa-pati ako? ba-bakit?!" "Kasi nga ipapakilala kita kay lolo diba? para naman maging presentable ka" "Huh? nako okay na naman yung mga damit ko ah?! kahit wag na no.." "Nakita ko yung mga damit mo sa maleta mo. Wala kang taste sa fashion.." "Sinong walang taste?!!" "Puro rubber shoes, jeans at t-shirt lang yung mga damit mo! Underwear mo lang ang maganda! haha" "Waah! manyak ka talaga! pati yun tiningnan mo!" pinagpapalo niya ako "hahaha! Oy tama na nga,,tara na..pasok na tayo..Underwear girl..may polka dots pa! pero parang mas trip ko yung may ribbon!" "heh!" hahaha..sya naman ang namumula ngayon..nakakatawa..

. . "Welcome sir Bryle. I assume sya po yung girlfriend na sinasabi niyo?!" sabay point nung designer kay Nami..andito na kami sa loob nung shop.. "Yeah..ipapakilala ko siya kay lolo kaya naman ipili mo siya ng magandang damit huh?! Wala kasing taste yang babaeng yan. Kahit magreklamo siya ipasuot mo pa rin, paayusan na lang din ng konti huh?! 5 sets ng damit ang kukuhanin ko para sa kanya. Bahala ka na..may tiwala naman ako sayo eh." Tapos ayun..umalis na lang muna ako..iniwan ko si Nami sa kanya..at namili nlng ako ng isusuot ko.,. . . After mga isang oras din siguro..bihis na ako.. tapos lumabas na rin si Nami.. Simple lang ang ayos niya..pero tama nga ako..maayusan lang siya ng konti at madamitan ng ayos..maganda na siya. Muka siyang anghel sa suot niya, white dress and white boots..suits her well pero hindi ko sasabihin yun sa kanya.. "Nagmukha kang tao.." sabi ko "Bakit dati ba hindi?!" "Medy!" *poink..nabatukan na naman niya ako! kung hindi ka lang cute ngayon nako! Binayaran ko na yung designer., syempre hindi ko na pinaalam kay Nami yung presyo. Baka pag sinabi ko, sabihin niya iincash ko na lang yung damit. Mas mahal pa kasi yung napamili ko para sa kanya kesa dun sa sweldo niya..ssshhhh lang huh..

Tapos nun..we head back to the car.. Pupunta na kami sa bahay..sinabi ko na kay Nami ang gagawin namin..sana maging ok.. (A/N: YUNG SUOT PO NI NAMI AT BRYLE MAY PICTURE JAN SA TABI :) ) -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Haaay nako..nakakapagod talaga tong araw na to! Biruin niyo kung anu-anu na ang pinaggagawa sakin ng unggoy na yun! pagkatapos niya akong utusang subuan siya, ginulo niya naman ako sa klase! Muntik na akong hindi makasagot sa recitation! Tapos pinagbihis pa niya ako nitong damit na to! dress! what the?! ayokong magsuot ng dress! Limang dress ang pinasukat sakin nung designer kanina, yung isa pala palda at sleeveless na blue? pero hindi ko sila type lahat! Masyadong mukang babae! Nakakainis! pero wala akong magawa kasi yun daw ang utos nung unggoy.. bahala siya..siya naman ang magbabayad eh.. . . . Dumating na rin kami sa bahay nila Bryle.. "Manang nandyan na si lolo?!" tanong ni unggoy dun sa maid "O-opo sir..nasa work room po nya.." "Ah ok..sige pupunta na lang kami dun.." tapos ayun pumunta na nga kami kung nasaan yung lolo niya. Anu nga kayang ugali meron ang lolo ng unggoy na to? nakakatakot..kinakabahan

na ako,, . . "Wala siya dito?!" pagpasok kasi namin walang tao dun sa room tapos ayun ginamit ni unggoy yung telepono at tumawag.. "Manang, nasaan na si tanda? sabi niyo nandito?!" -Bryle sa phone "Ah ganun? lumabas lang? babalik din? huh? wala na naman syang secretary? kakahire lang niya nun ah? galit na galit? tss..Wala na talagang tumagal sa kanya eh! siya sige iintayin ko na lang dito.." waaaaaah.,..anu daw? galit na galit yung lolo niya? walang natagal na secretary? siguro nakakatakot talaga ang lolo niya! waah,.,kahit nga tong unggoy na to takot dun eh.. "Maghintay na lang tayo dito. Babalik din yun..ay teka c.r. lang ako Nami.." tapos ayun pumunta na sya sa c.r... may c.r. naman dun sa loob ng kwarto.. . . . Biglang bumukas yung pinto.. "Oh ikaw na ba yung--" "Ah ou ako po.." anu ba yan hindi ko na sya napatapos magsalita...kasi naman kinakabahan ako eh! tama, siya na siguro yung lolo ni unggoy.. "Parang ang bata mo naman ata.."

"ah eh...medyo mukang bata nga po ako..hehe.." hindi ko alam kung anung sasabihin eh,, natatakot ako.. "Kung ganun, simulan na natin ang pagsubok.." huh? pagsubok? Ah! siguro susubukin niya ako kung karapat dapat ako sa apo niya, pero anu naman kayang ipapagawa niya sakin?! *dug dug . . . "Ipagtimpla mo ako ng kape.." "Huh?! kape?!" "Ou! bilisan mo!" "ah--o-opo!" siguro gusto niya yung gf ng apo niya marunong sa bahay! nako gagalingan ko! parang yung pagtitimpla ko lang nung pinagtitimpla ko ang lolo ko, gustong gusto niya ang timpla ko ng kape.. :) ..haay,,sayang at patay na sya.. Ayun pumunta na ako dun sa may water dispenser..kumuha ng mainit na tubig tapos may mga condiments naman akong nakita eh..may timplahan talaga ng kape dun sa room na yun eh.. . . .

"Eto na po.." iniabot ko na sa kanya ang kape.. "hmmm..masarap! pwede! pwede ka!" wee? talaga?! ayos!!!! buti nasarapan siya sa timpla ko! "Talaga po? salamat! buti nagustuhan niyo.." "Pero teka may isa pang test.." "Isa pa pang test?!" tapos lumapit siya sakin..nandun kasi siya sa may desk table niya kanina.. nakatayo lang ako dun..pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa,, inikot ikot ako.. tapos.. . . . waaaaaaaaaaah! hinawakan niya ang puwet ko!!! "Pwede na! kahit wala kang hinaharap meron ka naman sa likuran! malaman!" waaaaaaah! maglolo nga sila ni unggoy! pareho silang manyak! waah! bakit kasi antagal mag c.r. nun! "Manyak ka!" tapos inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa pwet ko..pinilipit ko yun tapos sinubsob siya sa may desk niya,, "Manyak ka! hindi ako pumapatol sa matanda! Magaan ang loob ko sa matatanda, mataas ang respeto ko sa kanila pero kung mamanyakin niyo ako hindi ako papaya--" "Hoy Nami! Anung ginagawa mo?!" gulat na gulat na tanong ni Bryle

"Ki--la--la mo si-ya apo?!" "Ou..sya yung sinasabi ko sayong girlfrend ko!!" "Nami bitawan mo na nga ang lolo ko! Anu ka ba naman!" sigaw niya sakin..so binitawan ko na nga,, "Eh kasi hinawakan niya yung pwet ko eh!" "Hahaha..nako..akala ko ikaw yung bago kong secretary..hahaha.." secretary?! ako?! "Lo anu ba naman kayo! napaka manyak niyo talaga eh! pati ba naman girlfriend ko!" -Bryle "Eh akala ko nga sya yung bago kong secretary! haha..palaban pala yang girlfriend mo Bryle.. Alam ko na kung bakit sya ang napili mo..haha..sorry huh iha..hindi ko sinasadyang bastusin ka..akala ko kasi talaga secretary kita." ah..ganun pala..so that explains kung bakit nya ako pinagtimpla ng kape.. "Nako, sorry din po. Nabigla po kasi ako eh.." tss,,ngayon ko lang naisip..nakakahiya yung ginawa ko..baka tanggalan niya ako ng scholarship! "Bryle..pwede ko ba syang maging secretary?!" "Huh?! anu ka? gf ko nga sya eh! tapos gagawin mong secretary?! mukha mo!" -Bryle "Sige na Bryle, ang sarap kasi niyang magtimpla ng kape.." ang itsura nung lolo niya habang sinasabi yun parang bata na humihingi ng permission sa magulang niya.. Sino bang mas matanda dito?! "Ayoko nga sabi eh! humanap ka ng iba!!" "Hindi ka na talaga mapipilit?!" "Hindi nga! ang kulit mo!"

"Eeeeeh,,Bryle masarap yung kape niya! sige na sige na.." waaah,,,parang bata kung umasta yung lolo niya..nakakatawa sila..hinihila pa nung lolo ni Bryle yung damit ni Bryle..haha "Hindi sabi!" "Haaay,,nakakainis.." tapos nagpout yung lolo! ahahah! Akala ko talaga strict, nakakatakot at malahalimaw yung lolo ni Bryle pero hindi pala! Actually nakakatawa nga sya eh! haha "Wag po kayo mag-alala, pag bibisita ako sa inyo, ipagtitimpla ko po kayo ng kape lage. Gusto niyo samahan ko pa ng masahe eh?!" sabi ko..natutuwa ako sa kanya eh..magaan talaga ang loob ko sa matatanda.. Naalala ko sa kanya ang lolo ko, kaya ganito,,gusto ko siyang pagsilbihan katulad ng ginagawa ko kay lolo dati :) "Waaaaaaaaaah..napakabait na bata! talaga? talaga? ipagtitimpla mo si lolo? tapos may masahe pa?! waaaah..ang saya ko! buti nalang at ikaw ang minahal ng apo ko.." sabay hinawakan pa niya yung kamay ko..nagluluha na nga sya sa sobrang saya eh.. "Hoy tanda, bitawan mo na nga yung kamay ng girlfrend ko! sumosobra ka na eh!" -Bryle "To namang apo ko, selos agad kay lolo. Natuwa lang ako sa girlfriend mo. Magaling kang pumili huh! gusto ko siya!" talaga? gusto niya ako?! "Ou na..gusto mo siya..syempre magaling akong pumili no! pero bitawan mo na sya huh?! aalis na kami.." "Huh? aalis na agad kayo? Gusto ko pa siyang makasama Bryle..pleaase" "Ayaw..maglilipat pa kami eh..dun sa condo unit nya,," "Hindi na talaga pwede?! sige na.." pangungulit pa nung lolo niya.. "Hindi na nga pwede ang kulit mo!" tapos ayun nagpout na lang yung lolo niya pagsabi nya nun..haha.natatawa ako..akalain mong ganito ang lolo ng unggoy na to?!

"Nako lolo wag na po kayong malungkot, dadalaw na lang po ako dito next time pag free kami ni Bryle huh? ipagluluto ko pa po kayo!" "Talaga? waaah salamat talaga!" tapos niyakap niya ako..nakakatuwa,, "Hoy tanda! sumosobra ka na huh! bumitaw ka na!" tapos inilayo na siya ni Bryle sakin.. Tapos ayun lumabas na kami.. . . . "Gustong gusto ka nung matanda.." sabi ni Bryle "Ou nga eh..natutuwa ako sa kanya.." "Buti nalang at nagustuhan ka niya agad. Hindi na tayo masyadong ininterview.." "Ou nga eh..buti na nga lang...." "Alam mo, ang sweet mo sa kanya pero sakin hindi! Kayo na lang kaya ang magsama?!" "Eto naman! natutuwa lang ako sa lolo mo :)" "Bakit ka natutuwa sa kanya? tapos sakin hindi?!" "Cute kasi siya..ikaw hindi! :P" "Anung sabi mo?!" "Sabi ko panget ka!" "Aba at sinong panget?!" "Ikaw!!!"

"Ang mahuli sa sasakyan sya ang panget!" sigaw niya..kaya ayun, nagkarera kami papuntang sasakyan! haha.. Hingal na hingal kami pagdating sa sasakyan,,but it was fun. Para nga talaga kaming mga bata. Pero natutuwa ako, nasasakyan niya ang mga trip ko, pareho kami ng mga gustong pagkaen, its good to know na kahit papano may similarities din kami. Tsaka ang saya kasi ok ako sa lolo niya. Magkakaron na ulit ako ng lolo! Kaya masayang masaya ako! tapos ngayon pupunta pa kami sa condo unit na ibibigay niya sakin tapos ssweldo na ako! Okay din naman pala ang araw na to eh! Sobrang dameng nangyari pero sa huli..masaya ako :) \ Ok rin pala tong trabahong napasukan ko pero ayoko parin sa amo ko.

CHAPTER 13.9- AT THE CONDO UNIT NASH's POV Buti na lang at naging maayos ang pagtanggap sa akin ng lolo ni Bryle! Haha! Hanggang ngayon natatawa parin ako pag naaalala ko yung asta ng lolo niya, parang si Bryle pa ang matanda eh! hehe! cool! Sana katulad na lang niya si Bryle eh! Hayy,,gusto ko pa sana makasama ng mas matagal yung lolo ni Bryle kaso hinigit na agad ako ng unggoy na yun! Ni hindi man lang kami kumaen muna ng hapunan! Gutom na ako aba! -_. . .

At eto nga..nakasakay na naman kami sa kotse nila..Nakakahilo! huhu.. ilalagay ko na sana ulit yung supot sa may ilong ko ng.. "Akin na nga yan! Para kang tanga eh! Lage ka na lang may tangay na ganan pag nandito ka sa kotse! Abno!" kinuha sakin ni unggoy yung supot..huhu tapos pinunit niya pa! supot ng buhay ko! ahuhu! "Anu bang problema mo huh? Inggit ka ba sakin? Gumaya ka!" sigaw ko.. haay.. pansin ko hindi pwedeng hindi kami mag-aaway no? kahit sa napakaliit na bagay nagtatalo kami..tss "Gagaya ako sayo? at ano? magmumukha akong kasing tanga mo? Asa ka! anu ba kasing trip mo at may supot ka lage dyan?!" "Eh sa nahihilo ako pag airconditioned ang sasakyan eh!" "Airconditioned din naman ang rooms sa school ah?! Bakit dun hindi ka nahihilo?!" "Eh room naman yun eh! Hindi sasakyan!" "Airconditioned parin yun kaya pareho lang! tss..bobo amps" "Magkaiba yun! kasi naandar ang sasakyan! ang room hindi! kabobo..litsi -_-" "Heh! ikaw ang bobo! abno pa!" -siya "Mas bobo ka kaya!" -ako "Abno ka naman! " -siya "Panget ka naman! "-ako "Mukha ka namang paa!"-siya "Mukha ka namang kili-kili! "-ako "Mukha kang maitim na siko! "-siya

"Mukha kang--Haaaaaaaaaaay! tama na nga! sinasayang ko lang oras ko sayo!" "Lalo naman ako! Mahawa pa ako sa kaabnuan mo!" "Ahem..ah..sir..mam..kayo po ba talaga? I mean mahal niyo po ba talaga ang isa't isa?!" biglang singit nung driver.. Oops..Patay..napasobra ata kami.. nagkatinginan kami ni unggoy.. "Ah..hehe..Ou naman manong..tinatanong pa ba yan?! Mahal na mahal ko tong si babe ko! Mahal namin ang isa't isa..diba babe?!" w/ matching fake na ngiti pa sya.. "Ah..ou nga manong! ganito lang po talaga kami maglambingan!" tapos kinurot ko si unggoy sa pisngi..wahaha..sana masaktan siya dun! tawagin ba daw akong abno! >,< "Ah ganun po ba? hehe..hindi kasi halata pag nasa sasakyan kayo..lage kayong nag aaway eh..well siguro ganan talaga ang mga kabataan ngayon..hindi bale bagay naman po talaga kayo eh.." bagay kami?! ASA! -_. . Katahimikan . . Matagal pa ba ang byahe?! Nahihilo na ako @__@! Wala na akong supot! can't breathe! huhu . .

"Hoi Nami! Nagugutom na ako, saan mo gusto kumaen?! Kaen muna tayo bago tayo pumunta sa condo.." sabi ni Bryle..kaso hindi ako makasagot.. Pag bumuka ang bibig ko.. waahh! Kaya tumalikod na lang ako sa kanya.. "Nami! hoi! Humarap ka nga pag kinakausap kita!" Hinila niya ako paharap sa kanya.. "Hoi Nam--" . . *bwaaaaaaaaaaaaaaaak . . Hindi ko na kinaya..Hinigit pa niya ako eh! ayan tuloy..NASUKAHAN KO SIYA! >/////./////< "God! Anu ba naman Nami?! Kadiri eh! Bakit mo naman ako sinukahan! Nakakadiri eh!" nakakahiya..bago pa naman yung damit nya..tas halo-halo pa yung kinaen ko kanina... "Eh sa nahihilo na ako eh! Hindi ko na naman makokontrol yun!" "Shit naman oh! Nakakadiri ka talaga! damn!" nakatingala lang siya dun..ayaw niya makita yung suka ko..nakakadiri naman talaga eh..hindi ko siya masisisi..kaya tumahimik nalang ako,.. "Ah sir,,bibili pa po ba tayo ng pagkaen bago pumunta sa condo?!" tanong ni manong driver "Anu sa tingin mo?!" galit na sabi ni Bryle Yung driver natagalan bago sumagot..

. . "ah..eh..Opo?!" patanong na sagot nung driver (ang gulo ata, patanong tas sagot?! nyaha) "Tanga! syempre hindi! Dyosko naman! syempre didiretso na tayo sa condo! Haay...andameng tanga sa mundo!" aw..super badtrip na si unggoy..nadamay pa tuloy si manong driver sa galit ni unggoy... . . . ilang minuto lang.. Nandun na kami sa harap nung what I guess is yung condominium nila. Ang laki nung gate na pinasukan namin bago makarating dun! Grabe! ang laki at ang taas nung building! tancha ko mga 18 floors siguro yun.. Pinapasok naman agad kami nung bantay na guards,,tas may lumapit saming isang magandang babae,,sexy pero medyo katandaan na sa amin. "Welcome sir Bryle..ah sir anu pong nangya--" naputol yung pagsasalita niya..itatanong siguro niya kung bakit may suka yung damit ni Bryle.,.nakakahiya.. "Not a word! dalhin mo na lang kami dun sa condo unit.." mukhang super badtrip nga tlga sya.. . .

sumakay kami sa elevator.. . . 10TH floor.. *ting bumukas na yung elevator.. . . room 301..eto na siguro yung room ko.. . . Pagbukas ng pinto.. Wow! ang ganda.. Tumambad ay yung living room agad. Ang galing kasi lahat ng furnitures green tapos may mahabang hagdan na i guess papunta sa bedroom. Basta i'm stunned..dito na ba talaga ako titira simula ngayon?! weeeee! "Pasok muna..tsaka pakisara ng bibig mo..amoy suka pa eh.." tss..panira naman to ng moment! eh sa mapapanganga ka naman talaga eh! siguro sa kanyang mayaman normal na lang tong mga ganito..pero sakin waah! para na akong tumama sa lotto! Tas ayun pumasok na kami.. "Ah sir..sisimulan ko na po ba syang itour?!" tanong nung babae..

"Yeah..ikaw na muna bahala dyan at maglilinis lang ako ng sarili ko kasi SINUKAHAN ako ng isang ABNO dyan!" parinig pa! tss! tas ayun umakyat na siya dun sa taas.. Una akong pinunta nung babae dun sa kitchen, katabi lang siya nung living room eh..may papasukan ka lang na pinto.. Wow..green din yung motif nung kitchen. May dining area na good para sa dalawang tao, sa living room din kanina, meron din akong nakitang dining area eh. Ang galing..ang ganda.. wala akong masabi.. Next naman ayan na, pumunta na kami sa taas! wee! tumuloy kami dun sa bedroom ko.. Waaaaaaaaah! speechless lalo! ang laki nung kama ko! tas ang motif nung room syempre green din! may t.v. na kanina sa salas, meron din sa kwarto! Ang saya naman! tapos may study table pa! Ang lawak ng room ko! May maliit na porch pa nga sa may labas eh, tas may upuan at mataas na circular na table..ang sosyal. Tapos ayun..ok na..marami pang sinasabi yung babae kaso hindi ko na naiintindihan,,masyado akong naoverwhelm sa mga nakikita ko. Hindi ko na nga napansing lumabas na pala yung babae. Hindi na niya ako nitour dun sa c.r. kasi nga nandun si Bryle.. . . nilibot ko yung room..tumalon talon ako dun sa kama..ang lambot! :D tapos binuksan ko yung t.v.! flatscreen eh! tapos ang laki talaga! may speakers pa! ang sarap manuod.. tapos na yung pinapanuod kong anime..yung Hitman Reborn! alam niyo yun? tss..inaabangan ko pa naman yun! tss.. kaya ayun nilipat ko nlng..MYX..mahilig ako sa music eh..

Wee..ang saya nung tugtug..parang pamparty party.. Now Playing "RUN THE WORLD(GIRLS)" by Beyonce Girls, we run this mother (yeah) [4x]

(ang sarap tlga nito pakinggan! haha..nakakahatak sumayaw eh! napapakanta pa ako!) Who run the world? Girls (girls) (Tuwing mababanggit yung girls sumisigaw din ako haha)

Who run the world? Girls (girls) Who run the world? Girls (girls) Who run this mother? GirlsWho run this mother? Girls Who run this mother? GirlsWho run this mother? Girls Who run the world? Girls (girls)Who run the world? Girls (girls) Who run the world? Girls (girls)Who run the world? Girls (girls) (Tapos ayun, hindi ko na napigilan ang sarili ko! tumayo na ako sa kama..at nagsimulang magwala este magsayaw! muka akong nagwawala pero sayaw na ang tawag ko jan! hehe) Some of them men think they freak this like we doBut no they don'tMake your cheque come at they neckDisrespect us no they won't (todo kembot at yugyog tlga ako dun sa kama! w/ matching talikod pa nga ako habang nagsasayaw eh..)

Boy don't even try to touch this

Boy this beat is crazy This is how they made meHouston, Texas baby This goes out to all my girls that's in the club rocking the latest Who will buy it for themselves and get more money later I think I need a barberNone of these n***** can fade me I'm so good with thisI remind you I'm so hood with thisBoy I'm just playingCome here baby--

Tapos pagkatapos nun haharap na sana ako at magpopose na ng ending pose ko sa unahan,, . . . "Pffffffffffffffffffffft ....hahahahahahahaahhahahahahaha..Ang galing mong magsayaw Nami! may hidden talent ka pala huh! Who run the world girls! nyahaahahaah" Nakita ko lang naman SI BRYLE!!!!!!!!!!!!! UWAAAAAAAAAAAAAAAH! May hawak siyang CELLPHONE!!!! Nivideohan niya ako! kanina pa siguro niya ako pinapanuod! eh kasi nawala sa isip ko na nandito pa siya! waaaaaaaaaaah! waaaaaaaaaaaaaah! sobrang nakakahiya! "Saved! hahaha..sayang! Hindi ko navideohan ng may ending na pose! Nakakainis ka naman Nami eh! hahahaha! Pero the best talaga to, pag nalulungkot ako, papanuorin ko lang to tapos..hahahaha" -Bryle argggggggggh!

"Heh! Walangya ka talaga! burahin mo yan!!" tapos tumalon ako sa kanya mula dun sa kama..malapit lang naman kasi siya eh.. Ang position tuloy namin nasa ibabaw ako, nakahiga sya sa sahig tapos hawak ko yung magkabila niyang kamay tapos ang lapit ng mukha namin.. -----------------------------------------------------------------------------------------------MANONG DRIVER's POV Siguro nandito sa kwarto sila sir.. Magdadala kasi ako ng pagkaen na pinatake out ni sir. Hindi ko tuloy alam kung papasok ako. Tapos bigla kong narinig..si Sir Bryle yun! tapos si Ms. Nami! "Wag Nami! Ayoko!" "Hindi!!! sundin mo yung sinasabi ko!" "Wag Nami! Wag!" nakaawang naman yung pinto eh.. kaya sumilip na ako waaaaaaaaaah..si Ms. Nami..at si Sir Bryle!!!.. Nakita ko na nakadagan si Ms. Nami kay sir Bryle tapos si Sir Bryle walang pang itaas..tapos hawak pa ni Ms. Nami yung dalwa niyang kamay! Walang laban si boss! Akala ko mahinhin si Ms. Nami! Wild din pala siya! Nakaistorbo pa ako! hindi ko naman akalaing may balak na silang gumawa agad ng anak! Ang babata pa nila eh..kabataan nga naman.. ----------------------------------------------------------------------------------BACK TO NASH's POV (extra yung driver eh..)

"Wag Nami! Ayoko!" pinipilit kong kuhanin yung cellphone pero naiiwas niya parin "Hindi!!! sundin mo yung sinasabi ko!" sabi ng idelete niya eh! nakakainis! "Wag Nami! Wag!" iwas parin siya ng iwas.. Tapos biglang may napansin ako..natigilan ako sa pag agaw nung cellphone.. kasi naman.. . . O______O bakit ngayon ko lang napansin! *gulp o tukso..bakit ako lumapit sayooo!!! . . NAKATOWALYA lang siya!!!!!!!!!!! >///////.///////< waaaaaaaah! Nakapantalon naman siya pero hubad yung katawan niya! may nakasukbit lang na tuwalya! bakit hindi ko napansin agad! kyaaaaaaaaaaaa And worst..eto pa.. . . "Ah mam, sir..sorry po..Eto na po yung pagkaen niyo. Hindi ko po sinasadyang makita ang hindi ko dapat makita. Sa susunod po kasi magsarado kayo ng pinto pag gagawin niyo yang, alam niyo na..hehe. Sorry po talaga. Aalis na ako ituloy niyo na po ang ginagawa niyo!"

kyaaaaaaaaaaah! Nakita kami nung driver ni Bryle!!! nakabukas pala yung pinto at alam niyo naman yung itsura namin diba? nakatowel sya.. nasa ibabaw ako..nakadagan ako sa kanya..hawak ko yung magkabila nyang kamay.. In short mukang nirerape ko siya! Nagpatake out nga pala si Bryle ng pagkaen dun sa driver niya kanina! tapos pinadala na lang dito! Waaaaaaaaaaaaah! Mali ang iniisip niyo manong! mali! huhu! gusto kong sabihin yun kaso naisarado na ni manong yung pinto.. T____T huhu . . "Oh, wala kang balak umalis sa ibabaw ko?! gusto mong totohanin na natin to?!" -Bryle tapos hinaplos niya yung mukha ko! kyaaaaaaaaaaaaah! bigla tuloy akong napaalis sa pagkakadagan ko sa kanya.. "Ma-manyak ka talaga!!!" sigaw ko Pulang pula na ata ako..sa sobrang kahihiyan!! tapos pumunta na ako dun sa may kama ko..nagtaklob ako ng kumot.. "hahaha..ikaw nga tong mangrerape sa akin! Sinayawan mo ako tapos bigla mo akong nilundagan! rapist!" "Sinong rapist?! ikaw dyan! bakit kasi na-naka,," tinanggal ko yung pagkakataklob ko ng kumot.. tapos..aaaaaaaaaaah! nakita ko na naman yung hubad niyang katawan! I mean upperbody lang pero.. drool ka naman talaga eh! nakaka akit! may abs kasi! sa t.v. lang ako nakakakita ng abs eh! ganito pala sa personal ..Ay shet anu ba tong sinasabi ko! >///////.//////<

"Naka ano? haha..hindi ka makapagsalita no? Sige ayos lang.. pagsawaan mo ang katawan ko hanggang gusto mo! Sige lang Nami! Gusto mo hubadin ko pa tong pantalon ko para mas masarapan ang pagtitig mo eh!" tatanggalin na niya sana yung pantalon niya kyaaaaah.. "Bastos! bastos!" ayun hinagisan ko siya ng unan.. "Hahaha..tama na..as if naman maghuhubad talaga ako.." pagsasalag niya dun sa mga unan.. "Eh magbihis ka na kasi!" sigaw ko "Sus..kunyari ka pa..Eh ni hindi ka man lang nga nagtakip ng mata mo! So gusto mo rin makita! haha!" ou nga no? bakit nga ba hindi ako nagtatakip ng mata? gusto ko nga ba? waaaah! hindi! Kaya ayun nagtakip ako ng mata.. "Tae late reaction ka naman eh. Kung kailan ko sinabi tsaka ka nagtakip dyan! haha! Nakakatawa ka talaga!" "Heh! manahimik ka na nga at magbihis ka na lang!" nakatakip parin ako ng mata nun..aba eh nakaharap parin sakin..pero sa totoo lang..kita ko parin naman eh! may butas yung kamay ko eh aba! hindi ko na kasalanan! nyahaha "Pano ako magbibihis? Eh wala pa akong dalang pang itaas na pamalit? Pinapatuyo ko pa yung damit ko eh. Nandun sa salas nakatapat sa electricfan.." aw..pano ba to? Sige ok lang na hubad ka na--eh hindi! Anu ba naman nangyayari sakin! waaah..dalagang filipina Nash..dalagang filipina.. "E-edi ano..ah,,(nakita ko yung maleta ko..) ..ayun.,.kumuha ka nlng muna ng tshirt ko! ayun

na muna isuot mo!" "Huh? eh ang liit naman kaya ng tshirt mo sakin!" "Basta! pumili ka na lang ng pinakamalaki! Isa pa magkakasakit ka nyan kung nakahubad ka lang!" pati ako magkakasakit sayo! magkakasala pa ako sa Diyos! kaya magbihis ka na.. >,< "Oh sige na nga.." tapos tumalikod na sya at pumunta dun sa maleta..at..ahm..kyaaaaa.. ang sexy nung likod niya! ewan ko pero mas naatract ako nung likod niya! waaaaaah! hindi ko na to kaya.. "Hoi bilisan mo naman dyan!" nang aakit pa to eh! huhu "Ou na..eh sa wala akong mapili..sige ok na siguro to.." kinuha niya yung tshirt ko na may spongebob na print na color yellow..tapos sinuot niya.. . . . "Pfffffffffffft..kyahahahahahahahahahaha" hindi ko na mapigilan..nakakatawa naman kasi siya.. "Oh bakit?! anung nakakatawa?! buti nga sinuot ko pa tong damit mo! tss..pambabaeng damet..hindi ko akalaing magsusuot ako ng damet ng babae" "Sorry..hindi na nga ako tatawa SEXY!" "Talaga! sexy ako! Mas sexy pa ako sa yo oh!" tapos nagpose pa siya na parang rarampa haha Ang nakakatawa sa itsura niya, labas yung pusod niya! sexy! haha! Eh kasi nga diba maikli sa kanya yung damit ko! wahahaah..tapos nagmodel pa siya ng ganun..

"hahahahahahahahahahaha" hindi ako maubusan ng tawa..tapos lalo pa siyang nagmodel model.. "hahahahaha.." natatawa narin siya sa ginagawa niya, may salamin kasi dun sa may tabi ng kama kaya kita niya yung sarili niya. I can't believe na we're laughing together at I can't believe na may ganito syang side. "Tama na nga yan! tara na kumaen na tayo! gutom na ko Nami.." kaya ayun pumunta na siya dun sa may pinto kung saan iniwan ni manong driver yung pagkaen namin Nakaupo parin ako sa kama, dinala lang ni Bryle yung pagkaen sa kama ko.. "Sa kitchen na lang tayo kumaen.." sabi ko.. "Ayoko, dito na lang. Magkukumot ako, nilalamig yung tyan ko. Ang ikli kasi nitong tshirt mo.." tapos nakisalo siya dun sa kumot ko "Ho-hoy! anu ba! umalis ka nga dito! Ang panget tingnan!" eh kasi naman diba? magkatabi kami sa isang kama?! "Grabe ka naman! Wala naman akong ginagawa sayo. Hindi naman ako nakahubad, manunuod lang ako ng t.v. habang kumakaen oh?! Tsaka ang lawak ng kama mo, umisod ka na lang kung naiilang ka.." ai ou nga no? Bakit hindi ko naisip umusod? tsk..so ayun umusod ako . after a few minutes.. . "Hindi ka ba uuwi?" sabi ko "Pinapauwi mo na ako huh! Wag ka mag-alala! Papasundo ako no. Akala mo naman tutulog

ako dito. Kakaen lang ako..tapos aalis narin ho ako. Aala mo naman ikaw na may ari neto,,tss..aalis ako kung kelan ko gusto." Kaya ayun..dun na kami kumaen sa kama.. Buti na lang at magkasundo kami nito pagdating sa pagkaen. Ang sarap nung pinaorder niya eh, spare ribs at java rice..tapos may pizza pa! tapos coke! hehe..at may chips pa! Pagtapos namin tirahin yung rice at spare ribs, pinatay ni Bryle yung ilaw. Bale little na lighting lang na lang ang meron dun sa room, alam niyo yung parang sine?! ganun.. ang galing eh..remote controlled yung ilaw.. :D pantamad talaga,,bagay sakin hehe.. Para kaming nanunuod ng sine ni Bryle nun. Nasa gitna namin yung pizza at chips tapos parehas kami nakasuot sa kumot..at ang pinapanuod namin?! BEN 10..tama! haha.. mahilig ako sa cartoons at anime..at gladly..mahilig din pala sya dun.. nagakakasundo kami..ang galing.. . . . 11 pm na siguro.. Antok na ko..Pero kasi Phineas and Ferb pa ang palabas dun sa t.v. ..Yep tapos na yung Ben 10.. . . Maya maya..naramdaman ko na lang si Bryle. nakadantay na yung ulo niya sa balikat ko. Kailan pa to nakalapit sakin?! at dahil sa kanina ko parin pinipigilan ang antok ko,

ayun..bumigay narin ang mata ko..napahilig na lang din ako kay Bryle..

CHAPTER 14- Being with YOU is...FUN <3 BRYLE's POV "And once again ,the day is saved thanks to..The Powerpuff Girls!" huh?! powerpuff girls?! damn -_- so nananaginip na ako tungkol sa powerpuff girls?! so gay! . . *mulat ng mata *kurap kurap Bukas pala yung t.v. , Powerpuff girls yung palabas..tss.. Inalis ko yung pagkakahilig ng ulo ko kay Nami. Ang sakit ng leeg ko..tsk. Kung bakit ba naman kasi nakatulog ako ng ganun ang pwesto. At ito namang si abno ayun nakigaya din pala ng pwesto sakin, nakatulog kami habang nanonood ng t.v. Napansin ko naiwan pa pala naming makalat yung bed, nasa gitna pa namin yung mga balat ng chips at yung box ng pizza -_- , buti hindi kami nilanggam. Bumangon na ako dun sa kama. Binuksan ko na yung ilaw para hanapin yung cellphone ko. Ayun nasa may study table. 5:00 Am plng pala?! Ang aga ko naman nagising! Makatulog kaya ulit?! Bumalik ako dun sa kama.. Ai tae. Hindi na ako makakatulog neto, puro balat ng chips sa kama, tapos tong katabi ko

nahagok! Anu ba naman yan?! Tapos ang panget pa ng tayo niya, nakasandal sa may kama. Ngawit na siguro to.. kawawa naman. Kaya ayun dahil sa ako ay mabait, (wee, wag na kayo kumontra) niligpit ko na yung kalat namin ni Nami tapos inayos ko narin yung pagkakahiga niya. Naupo ako dun sa may side ng kama. Napatitig ako kay Nami. Ang cute niya talaga pag natutulog, yun nga lang nahagok siya! hahaha! parang baboy eh! Tapos naalala ko na naman yung kagabi! Ahaha! Binuksan ko yung cellphone ko, pinanuod ko ulit yung video nyang nasayaw. "Hahahahahahahahaha..shet! hahahahahahaha" grabe natatawa parin talaga ako! Haha! The best talaga! hoo! "Wag ka ngang maingay!!" sigaw nya *boogsh sabay salpak niya ng unan sa mukha ko! at sa lakas nahulog tuloy ako sa kama! tss "Hoy Nami anu bang prob--" sinasabi ko yun habang natayo sa pagkakahulog, pero tulog pala siya? anu yun nagsasalita habang tulog? tapos namamalo ng unan kahit tulog?! ibang klase _Natawa na lang tuloy ako.. . . Pumunta akong c.r. tapos tumawag na ako dun sa driver namin para sunduin ako. Pagharap ko sa salamin.. Woah nakalimutan ko, mukhang ewan nga pala yung damit ko. Hahaha! Mukhang tanga yung

itsura ko eh. Labas pa ang pusod ko..naknang! Kaya ayun hinubad ko na yung suot kong tshirt. Humarap na ako dun sa bowl at umihi (hindi ko na idedetalye..alangan namang sabihin ko pang binuksan ko yung zipper ko..tapos inilabas yung ---haha..wag na..censored) *sssssssssssssssss ayan naihi na ako.. Matiwasay lang akong umiihi ng "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"biglang may sumigaw tapos.. *splak tinamaan ako bigla ng tsinelas.. "Ho-hoy! Anu ka ba?! itaas mo nga yang pantalon mo bilis!" Aw si Nami yun!! Anu ba yan! Hindi ko nailock yung pinto, kaya ayun..bilis bilis kong tinago ang dapat itago at tinaas na yung pantalon ko. Buti na lang at nakatalikod ako sa pinto kaya hindi niya nakita yung anu ko. "Bakit ka ba namamaltok ng tsinelas dyan?!" humarap ako sa kanya "Eh bakit kasi naihi ka dyan?! tapos nakahubad ka na naman!" pulang pula na siya "C.r. to diba?! tanga talaga neto! Haay..kaw dyan ang papasok ng hindi man lang inaalam kung may tao sa c.r. tas bigla ka dyng mamamaltok ng tsinelas! Problema mong tanga ka?! Ikaw kaya paltukin ko dyan?! Masakit huh!" "Heh! kasalanan mo yun! Bakit kasi hindi ka naglolock! Eh di sana hindi ako nakapasok!" "Eh kung kumatok ka kaya muna no? tanga eh!" "Heh! maghugas ka na nga muna ng kamay mo tapos lumabas ka na!"

"Sus! Ou na..gusto mo rin naman yung nakita mo, in denial ka pa." sinasabi ko yun habang naghuhugas ng kamay ko "Anung gusto ang pinagsasasabi mo?! Hindi ko gusto yung nakita ko no!" "Ah so hindi ka pa kuntento dun, gusto mo bang makita yung alam mo na.." sinasabi ko yun sa kanya habang papalapit ako sa kanya tapos akma kong bubuksan yung zipper ko "Kyaaaaaaaaah! bastos ka talaga!!!" *splank..sapol na naman ako nung tsinelas niya, sa mukha pa huh! Goma pa naman yun..masakit! "Aray! anu ba! nakakadalawa ka na huh!" sigaw ko sa kanya "Ikaw eh, buti nga sayo!" "Aba sumosobra ka na!!" tapos ayun hinabol ko na siya..hanggang salas naghabulan kami.. . . "Hoy wag kang lalapit sakin! Magbihis ka muna pervert!" sigaw niya sakin Nandun kami sa magkabilang part ng sofa, naghahabulan nga kasi kami. "Sinong manyak?! Ikaw na nga tong namasok sakin sa c.r.! Nirape mo pa ako kahapon pagkatapos mo akong sayawan!" "Hoy ang kapal mo! rape ka dyan! Wag mo na ngang ipaalala sakin yung pagsasayaw ko! bwisit! ai teka, ung video! burahin mo yun!" "Anung video?! eto?!" tapos pinakita ko sa kanya yung cellphone ko.. ahaha "Waaaaaaaaaaah! burahin mo sabi yan!" tinatangka nyang kuhanin sakin yung cellphone pero naiiwas ko

Kung kanina ako ang humahabol sa kanya, ako naman ang hinahabol niya ngayon. "Hindi mo to makukuha sakin :P" pang aasar ko pa "Makukuha ko yan! bwisit!" patuloy kami sa paghahabulan nun, maabutan na ata ako *takbo takbo takbo nasa likuran ko na siya..malapit na niya akong maabutan.. . . . *boogsh Nadapa siya! at syempre damay din ako, sobrang lapit niya sakin eh. Kaya ayun nakadapa ako tapos siya nakadapa sakin, magkapatong kami! (sorry for the term) Bumukas yung pinto.. Nasa tapat kami ng pinto.. "Sir Bry---..waaaah! Naku sorry po, hindi pa po pala kayo tapos hanggang ngayon. Grabe huh?! ang tibay niyo, tapos sa living room niyo pa talaga ginagawa yang alam niyo na.. Sorry sa istorbo, tawagin niyo na lang po ako kung aalis na tayo. Dun lang po ako sa baba." sabay sarado niya nung pinto. Yung driver ko yun, yung susundo sakin. "Manong! Manong! Mali ang iniisip niyo! huhu" nakaupo na ngayon niyan si Nami sa sahig habang sinasabi yan. Syempre umalis na sa pagkakadapa niya sakin, ako umupo narin. "Ahahahahahaha" natawa na lang ako, yung itsura kasi ni Nami akala mo lugeng luge "Nakakatawa ka pa dyan! Kasalanan mo to eh! bwisit ka talaga!" tapos pinagpapalo niya

ako..nakakarami na to ah! "Sinong tangang lampang nadapa satin? parang ikaw ata! Ako pa sisisihin mo! Hindi ko na kasalanan kung tanga ka! Haaay..umagang umagang tanga ang makakasama mo..tss" "Heh! lumayas ka na nga rito! Bwisit!" kinuha niya yung damit kong naiwan ko sa salas, yung pinatuyo ko dun sa may electricfan "Hoy hindi mo man lang ba ako ipagluluto ng breakfast?!" "Wala! breakfast mo mukha mo! Lumayas ka ditong manyak ka!!" galit na galit na sya, grabe ang lakas nya. Natutulak na niya ako palabas nung pinto. "Grabe ka naman! Ang rude mo! Pagkatapos mo akong manyakin!" kalahati ng katawan ko nasa may labas ng pinto, lakas tumulak nito! "Ako pa ang nangmanyak sayo! Ikaw nga tong lageng naghuhubad diyan! Akala mo naman yummy yang katawan mo! Lumayas ka dito!!" tulak parin siya ng tulak "Gusto mo naman ang katawan ko ah! Hindi ka na nga nagsawa sa pagtitig! Nakakatrauma kang babae ka, minolestya mo ako!" "Hindi kita nirape!!" *boogsh Ayun..nagtagumpay siya sa pagtulak sakin sa pinto, sabay sarado niya. . . "Hoy Nam--" "Ah sir..bakit po kayo nakahubad?!" nakita ako nung isang maintenance na babae dun "Ah anu kas--" sabay bumukas yung pinto sa kwarto ni Nami tapos tinapon niya sa mukha ko

yung damit kong pang itaas "Ngayon alam mo na. Pagkatapos akong gahasain ng babaeng yun, itatapon niya na lang ako ng parang basahan..tss" pagkasabi ko nun, hindi nakapagsalita yung babae. Lumakad na lang sya.. Haha! anu na kayang iniisip nun?! Bwisit na Nami yun, pinalayas na lang ako..tss! . . . Nandito na ako ngayon sa kwarto ko.. 6:30 Am na..7:00 am ang pasok ko! aw..30 minutes na lang..teka! Tiningnan ko yung sched ni Nami, good , 7:00 am din pala ang pasok niya ngayon. Nagshower lang ako..tapos ayun nagbihis na ng uniform.. . . Pagdaan ko sa dining area, "Hoy apo! kumaen ka muna.." si tanda "Malelate na ako, hindi na ako kakaen, geh alis na ako.." "Teka Bryle, apo..ah anu..wala ka bang sasabihin kay lolo?" teka nakakaloko ang ngiti nto ah. Bakit kaya?! "Wala naman. Anu ka ba?! Aalis na ako! Susunduin ko pa si Nami! sabay kaming papasok!" "Ang sweet niyo naman, so anu na nga apo, kamusta yung kagabi? Sabi ni Manong Eddie, nakita daw niya kayong ginagawa na yung..alam mo na. Ang bilis mo talaga apo! Manang

mana sa lolo! Buntis na ba?!" "Huh?! Anu bang pinagsasasabi niyo?! anung buntis?! Walang nangyari samin ni Nami no!!" tss..chismosong driver na yun.. "Sus.. Nahiya ka pa sakin apo. Eh hanggang umaga nga daw ginagawa niyo yun! ihhhh! Bryle sabihin mo na kasi kay lolo. Babae ba o lalaki ang magiging apo ko?!" "Heh! Mali yung nakita ni Manong Eddie! Naghahabulan lang kami ni Nami, nadapa siya kaya ayun. Tsaka, anu ba naman?! kung sakali mang ginawa namin yun ni Nami, malalaman ba niya agad kung buntis siya? tapos anung babae o lalaki?! Anu ba naman! Hindi naman agad malalaman yun eh! Haynako! inaaksaya mo talaga oras ko, aalis na ako." "Ihhhhh..Bryle so may nangyari nga?!" "Wala nga! ang kulit mo!" "Masarap ba apo?!" "Wala nga sabing nagyari!" tss, problema netong matandang to?! Malelate na ako neto eh! Kaya ayun umalis na ako, hindi ako titigilan ng matandang yun eh. "Apo balitaan mo ako kung babae o lalaki!!! Excited na si lolo!!" narinig ko pang sinigaw niya yun. Haay..abnormal na matanda..masyadong advance ang utak. . . "Sir hindi po kayo sasakay?!" "Hindi manong..gagamitin ko tong motorcycle ko.Susunduin ko pa si Nami eh. Baka masuka na naman kung sa kotse sasakay. Pag nagtanong si tanda, sabihin mo na lang request ni Nami na magmotor ako huh, papayag naman yun...."

. . 6:50 Am.. Nakarating na ako sa may condominium. Malapit lang naman sa school yung condo eh. Siguro mga 15 minutes drive, kaya siguro aabot pa kami ni Nami. Aakyat na sana ako nun ng makita ko si Nami na papalabas na rin.. "Hoy! sabay ka na sakin!" hinalbot ko yung kamay niya, tuloy tuloy kasi siya sa paglalakad..bilis bilis.. "Ayoko! manyak!" tapos inapakan niya yung paa ko! kaya ayun nabitawan ko siya at nagtatalon ako sa sakit "Hoy babae ka! Ikaw na nga ang susunduin ikaw pa ang may ganang manapak ng paa?!" "Belat!" aba at talaga naman tong!! Sumakay na ako dun sa motor ko, binagal ko lang ang takbo ko. "Teka nakamotor ka?! asan yung kotse?!" tanung niya tinigil ko yung motor sa tapat niya "May nakikita kang kotse?! tss. Nagmotor na nga ako para sayo, kasi nahihilo ka sa kotse diba?! tapos tinapakan mo naman ako..tss!" "Eh kasi nakakainis ka eh! Tapos akala ko sa kotse na naman ako sasakay, kaya ayun. Sige pasakay na, naalala ko, wala din pala akong pamasahe! Hindi mo pa ako pinapasweldo!" Ou nga no?! dala ko na yung 10 000 kahapon eh, nakalimutan ko lang ibigay. "Tingnan mo! Wala ka pa palang pamasahe! Ayoko na, inayawan mo na ako eh. Maglakad ka

dyan.." inistart ko na yung motor "Bryle naman eh!" hinigit niya yung polo ko "Magplease ka muna.." sabi ko "Tss, haaay..kung hindi ko lang talaga gusto makasakay ulit ng motor.. tss... Ok.. Please?!" "Eh ayoko ng ganan, napipilitan na please. Gusto ko malambing." "Argh! malelate na tayo! leche!" "Eh di wag, aalis na ako. Bahala ka dyan.." "te-teka! .....*gulp.. PLEASE.." (ang amo ng boses niya dyan! akalain mo yun?!) "Good dog Nami! ahahaha..sige sakay ka na.." "Wee! makakasakay na ulit ako sa motor!" Grabe tuwang tuwa talaga siya. Kumikinang kinang pa yung mata niya tapos nagtatalon pa siya. Ganun ba siya kasabik sumakay sa motor?! haha! Iba talaga to, yung ibang babae tuwang tuwa kung sa kotse sasakay, pero siya? Eh magugulo nga yung buhok niya sa motor eh pero tuwang tuwa siya. Kakaiba ka talaga Nami :) . . Pagdating namin dun sa parking lot ng school.. "Ah ah naman..nandito na agad tayo?! Ikot muna tayo Bryle, gusto ko pa sumakay.." haha!para syang bata. Akalain mong ganito siya?! "Nami malelate na kaya tayo!" "Haay..tss..Sige na nga, natuwa kasi ako masyado kasi nakasakay na ulit ako sa motor.

Simula kasi ng mamatay si dad, hindi na ulit ako nakasakay ng motor eh." ah..so kaya pala. Rding a motorcycle is something na ginagawa nila nung dad niya. "Ah eh, ahm kung gusto mo sabay na lang tayo umuwi, sakay ka ulit.." "Talaga? talaga?!" tuwang tuwa na naman yung expression niya "Ou nga..ang kulit!" "Wee! I love you na! I love you na!" tapos nihug niya ako?! tapos anu daw? I love you?! O///////.///////O aw..ang init na naman ng mukha ko! "Ho-hoy! tama na nga! Minamanyak mo na naman ako huh! Ikaw ang yumakap sakin kaya hindi ako magbabayad huh?! " (diba 500 pesos ang katumbas kung yayakapin ko siya nasa rule yun) grabe to..pinapabilis na naman ang puso ko ng hindi oras eh!! "Minamanyak ka dyan?! natuwa lang ako no! Feeling mo naman,,tss. Sige alis na ko." "Sabay na tayo, girlfriend kita dito remember?!" "Ay ou nga pala no. Ok tara na babe ;)" wow good mood siya ngayon ah "Ok tara na babe :)" hinawakan ko yung kamay niya.. hindi na siya naghesitate?! Tuwang tuwa kasi siya eh, she kept on whispering na excited na syang matapos ang classes para makasakay na siya ng motor. Haaha..para talagang bata. -------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Ang saya naman! Nawala ang pagkabadtrip ko sa nangyari kanina kasi nakasakay na ulit ako ng motor. Namiss ko talagang sumakay dun! I miss dad too..

Start pa lang ng first class ko, pero pag uwi na agad ang nasa isip ko..haha.. Wala na akong maintindihan sa sinasabi samin ni sir, excited na talaga akong umuwi. Kaso 4 subjects pa, 2 sa umaga tas 2 sa hapon..4pm pa awas ko..tss.. Natapos na din yung first subject, 2 hours yun. 9:00Am na.. Next subject naman..haay..gusto ko ng umuwi eh! Ayun lecture lang ng lecture si Sir..tapos..biglang tumunog yung speakers na nasa room..meaning may important announcement. . . "Students of Stanford University, we are cutting off the classes now. Magkakaron kasi ng fogging dito sa school, papausukan ang bawat area ng school para maiwasan ang pagdami ng lamok. Although hindi naman papausukan ang mga rooms but syempre paglabas niyo diba?! It will be harmful to your health, kaya ayun, we request the students na umuwi na kayo now. Wala na munang klase. Sorry kung ngayon lang nag announce kasi ngayon daw available ang magfofogging eh, kakatawag lang ng management..so that's all..go home safely.." . . "So guys I guess kailangan natin sumunod. Read niyo nlng yung hand outs na binigay ko ngayon. Ididiscuss ko nlng yan sa Thursday..ok class gooddbye," tas ayun lumabas na si sir, pati kami.

habang nalabas.. "Yehey! walang pasok! ayos! gala tayo?!" "Ansaya naman, tara san tayo punta?!" "Inom tayo guys.." "Gala tayo sa mall..shopping.." Ayun kanya kanya ng plano yung mga studyante.. Inantay ko na lang si Katie sa labas ng pinto.. "Nash! ang saya walang pasok!" "Ou nga eh! wee! gala tayo Katie!" "Nako Nash may sakit si mama eh." "May sakit si auntie?!" "Ou may lagnat siya, eh wala naman siya kasama sa bahay, kaya ayun." haay..gusto ko pumunta kila Katie at alagaan si auntie kaso hindi naman pwede.. "Haay..kung peede lang sana akong pumunta." "Ou nga eh Nash, pero wag ka ng malungkot, one day malalaman din ni mama ang totoo.. Makakapunta ka ulit samin." "Sana nga.." sana talaga..miss ko na si auntie eh..haay.. "Oy maiba nga muna tayo, kamusta naman yung pagpapakilala ni Bryle sayo sa lolo niya?!" "Nako Katie--ay teka Katie may natawag sa cp ko.." ou biglang tumunog yung cellphone ko . pagsagot ko..

. Guess who? si Bryle.. BRYLE: Hoy babae! wala ng pasok ah? tara sabay ka na sakin.. AKO: Eh magkausap pa kami ni Katie..Nagkkwentuhan pa kami.. BRYLE: Tanga ka talaga no? pinapaalis na ang mga students diba?! haay nako.. AKO: Ay ou nga no, ok sige.. Ay Bryle teka, yung sweldo ko! BRYLE: Ou na..ibibigay ko sayo. Wag kang atat, sige kita nlng tayo sa parking lot. AKO: Ok. BRYLE: Wala man lang I LOVE YOU?! AKO: WALA. BRYLE: Grabe anu ba naman yan! Kasama yan sa rule! Nasa school k-AKO: I LOVE YOU! masaya ka na?! BRYLE: Wee! Anu Tommy narinig niyo yun? Akin na ang 1000 niyo. Talo kayo sa pustahan! Narinig ko nlng yung ibang boses..sila Tommy yun.. "Ang daya mo naman Bryle eh!" "Tss kala ko d sya maga I loveyou! takte 1000 din yun!" "Kayo kasi eh wala kayong tiwala sakin,,haha" AKO: Hoi pinagpustahan niyo pa pala ako?! Grabe ka huh! BRYLE: Haha! Walang magawa eh. Sige bye Nami..love you too! haha

*END CALL "Mga bwisit na yun! pagpustahan ba naman kung mag iiloveyou ako?!" "Hahaha! Nakakatawa talaga sila. Nag I loveyou ka naman eh! ihhhhh Nash,,in love ka na kay papa Bryle?!" "Tae! yak! Hindi no! mangungulit lang kasi siya kaya ayun,,sinabi ko na!" "Ou na lang. O siya sige, tsaka mo na lang ako kwentuhan, uwi na ako." "Ok sige Katie." Ayun naghiwalay na kami ni Katie..pupunta pa kasi ako sa parking lot eh.. . . "Ang tagal mo naman. Anu ba yan? =___=" nakita ko na si Bryle..inip na inip na siguro "Eh kasi--" "Wag ka na magpaliwanag..tara na." "Ok.." hindi na ako nakipag away. Gusto ko narin kasi sumakay sa motor eh! weeeeeee . . . Nandito na kami sa harap ng condominium.. "Ok thanks Bryle. Akin na yung sweldo ko.." "Hindi man lang ba tayo tataas?! "

"Wag na no..kung anu na naman gawin mo." "Sus, ikaw ang rapist!" "Ang kapal mo ikaw nga dyan--" "Eto na naman tayo. Oh eto na nga." tapos iniabot na niya sakin yung pera..woah! ang kapal.. puro 1000 at 100 bills yun.. "Andito narin yung 500 na extra para dun sa yakap?!" "Grabe huh? talagang walang makakalampas sayo no?! oh eto.." sabay abot sakin nung 500 Aalis na sana siya ng maalala kong wala pa pala akong kagamit gamit sa condo ko. I mean may furnitures pero wala pa dun yung mga plates, baso ganun. Wala pa din akong mga pagkaen tapos wala pa din akong mga sanitary na gamit, as in wala pa talaga. Kailangan ko magshopping! "Teka Bryle! ahm gusto mong tumaas?!" "Huh? tingnan mo to, akala ko ba ayaw mo?!" "Eh naalala ko, wala pa akong gamit sa condo. Magshoshopping ako!" "So?" "Samahan mo ako! Shopping tayo! total may sasakyan ka naman!" "Ah ganun? gagawin mo pa akong service! ayoko nga!" "Sige na! ililibre kita!" "Anung akala mo sakin? Eh ako nga ang nagpasweldo sayo no!" ai ou nga no..kaso ang hirap naman kung mag isa lang ako..isip..isip "Ipagluluto kita. Tama! pagkatapos natin sa mall, ipagluluto kita. Dito ka na kumaen ng lunch

sa condo." napansin kong nag iba yung expression niya "Talaga? ipagluluto mo ako? as in? yung lutong bahay?" "Ou nga, ipagluluto kita!" "Masarap naman kaya?!" "Hrm ako no..nagluluto kami.." "Siguraduhin mo lang huh. Kung hindi nako! Sige na, sasamahan na kita. Pero magpapalit muna ako ng damit huh?! Papadala ako ng damit ko dito kay Manong Eddie." "Ok sige, papalit lang din ako. Manuod ka na lang muna ng t.v. sa salas" "Bakit sa salas pa? gusto ko sa kwarto mo.." "Ayoko nga no! Mabuti na ang sigurado.." "Grabe ka naman..ok sige..siya tara na sa taas.." Kaya nga ayun. Pupunta kami ni Bryle ngayon sa shopping mall. Excited na akong magshopping! Pero first time ko tong magshoshopping na lalaki ang kasama, I mean si dad dati kaso lalaking kaedad ko? Tapos si Bryle pa? Eh ang arte nun eh! Anla bahala siya! Pumayag na siya eh! hehe.. wee..shopping mall here we come!

CHAPTER 14.5- Being with YOU is...FUN NASH's POV Nakasakay kami ngayon ni Bryle sa elevator papunta sa condo unit ko.. (Naks 'condo unit ko' na talaga! as if naman akin na talaga! haha)

"Nami.." si Bryle yan, syempre sya yan, kami lang tao dito sa elevator eh "O?" "Anong lulutuin mo mamaya? baboy, baka, manok o isda?!" haha! akala ko naman kung anu ng itatanong niya, yun lang pala. Excited much sa pagluluto ko para sa kanya mamaya eh! Ipagluluto ko siya kapalit nung pagsama niya sakin sa mall diba?! "Hmm..palaka!" "Huh? eh wala naman sa choices yun ah! palaka? Ayoko nun Nami! ayoko nun!" "Kung ayaw mo edi wag kang kumaen!" "Sadya! Eh di bababa na lang ako at uuwi! Hindi na kita sasamahan! Palaka pala huh?!" "Anla anla. Bryle joke lang yun, eto naman. Hindi ka na mabiro eh.." "Ikaw eh! tinatanong ng maayos, ayaw sasagot ng ayos!" "Ou na! ako na ang mali. Manok ang kakainin natin mamaya." "Manok? talaga? Anung luto?!" teka bakit ba sya excited na excited? Akala mo naman hindi sya pinapakaen sa bahay nila eh sa pagkakaalam ko may personal chef sila! "Anung luto?! Hmm..teka.. Hindi natin lulutuin! Kakainin natin ng buhay!" "Waaaaaah! Ayoko na nga Nami! Hindi na talaga kita sasamahan!" ahahaha! Sarap netong pagtripan! Pipindutin na sana niya yung button sa elevator na pambaba sa ground floor eh, pinigilan ko. Seryoso much talaga neto. "Oi oi, joke lang ulit! haha! Eto naman, adobo..magluluto ako ng adobong manok!" favorite ko kasi yan eh!

"Kaw kasi. Lakas ng trip mo tss! adobo?! anu yun?!" what? hindi niya alam yung adobo?! tao ba sya? ganito ba sya kabobo?! "Adobo lang hindi mo pa alam?! bobo talaga" "Itatanong ko ba kung alam ko? king inamels ang slow!" "Heh! kesa naman sayo adobo lang hindi pa alam!" "Eh kesa naman sayo walang common sense! Ay teka, baka hindi mo alam ang common sense huh. Slow mo kasi.." "Ay ou, common sense? Anu yun nakakaen ba yun?!" sarcastic kong sagot "Try mong kainin.." "Sige yun na lang lutuin natin mamaya!" "Nami naman eh! tama na nga. Anu nga kasi yung adobo?!" "Manok na pinaliguan ng toyo na may suka na may asukal na may paminta..basta ganun.." "Ah...hmm..ayun pala yun. Excited na kong makatikim ng adobo!! wee! Galingan mong magluto huh Nami! Galingan mo!" ahahaha! para syang bata..tong isang to talaga hindi mo mawari eh.. *Ting Nandito narin kami sa 10th floor. Ang galing wala man lang sumakay sa elevator simula kanina..konti lang ba tao dito? Paglabas namin sa elevator, biglang umupo si Bryle..bakit? O__O? "Hoy, anu naman yang trip mo?! Tatae ka ba dyan sa hallway? Malapit na yung condo ko, dun ka na tumae.." muhka kasi syang natae! haha

"Tanga! sumakay ka sakin ang ibig sabihin niyan! Bubuhatin kita! Backride!" "Huh?! bakit?!" "Wag ka ng maraming tanong! bilis! Masaya to! Bored na kasi ako eh..walang magawa! Bilis na! Ayaw mo nun hindi ka na maglalakad!" backride? talaga? Anu namang hangin ang nalanghap neto? pero tama sya! Hindi na ako maglalakad! tsaka..miss ko ng mag backride! Si dad kasi nung medyo bata pa ako lage akong nagbbackride sa kanya.. bakit ba lage ko nlng naaalala si dad sa mga actions niya?! "Ok sige!!" ayun sumakay ako sa kanya.. may 6 condo units kaming dadaanan bago makapunta dun sa condo ko...ganito kasi yun CONDO I CONDO I CONDO I NASH's CONDO --------HALLWAY-----------------CONDO I CONDO I CONDO I CONDO Ganan yung set up.. Pagsakay ko kay Bryle.. "Nami! kumapit kang mabuti huh! tatakbo tayo! iriring natin yung mga doorbell tapos tatakbo tayo!!" sabi ni Bryle..haha..lakas ng trip..pero gusto ko yung idea niya! kaya makikisama ako! wahaha "Ok..sige! ready na ako.." "Gooooooooo!" ayun tumakbo na si Bryle, pazigzag yung takbo niya. Pasan niya ako, siya yung tagatakbo, ako yung tagapindot ng doorbell! ahaha! Ang saya! "Wee! ahahaha! Go go Bryle bilisan mo! Baka magsilabasan na sila!"

Tas ayun nakarating na kami sa may pinto nung condo ko tapos natanaw namin yung isang babae dun sa tapat nung isang condo, mga 2 condo units away sa condo ko. nagsisisigaw siya.. matandang babae na.. mukhang mataray.. Ibinaba na ako ni Bryle.. "Anung sinasabi nun Bryle?!" "Ewan ko..yaan mo syang magsisigaw! Ahaha..as if may magagawa siya! Kami kaya ang may ari neto!" "Ou nga no! haha..apir!" ayun nag apir kami..tapos tumingin kami dun sa babaeng naninigaw samin..sabay.. "Bleh :P" sabay naming binelatan yung babae tapos bilis bilis na pumasok sa pinto! . . "Hahahaahhahahahahahahaha.." -Bryle "hahahahahahahahah! The best talaga yun Bryle!" -ako Nasa sofa kami sa may living room ngayon. Halos magkanda hulog na kami nun sa sofa sa sobrang pagtawa. "Grabe! ahahahahah! Gawin ulit natin yun Nami!" "Hahaha! sige! sa ibang floor naman tayo!" "Hahaha..sige sa susunod! wahaha!" "Akalain mo yun?! Masaya ka rin naman palang kasama kahit papano." what? sinabi ko ba talaga yun?!

"Huh? masaya kang kasama ako?!" "Ah--sinabi ko ba yun?! wala akong sinasabi. Sabi ko ang saya lang sumakay sa likod mo." anu ba yan? namumula na ata ako! Hindi ko sinabing masaya syang kasama! Hindi!!! Kahit oo -__"Weh?! sinabi mo yun eh! Masaya kang kasama ako! ihhh Nami!' "Heh! Wala akong sinasabi! Dyan ka na nga lang muna! Magpapalit na ako ng damit!" umalis ako sa pagkakaupo ko dun sa sofa at umakyat na. Bilis bilis ako sa pag akyat, eh kasi, namumula na ata talaga ako. "Nami huh! Wag kang maiinlove sakin! Ahahaha!" sinigaw niya yun habang natakbo ako sa hagdan "Hindi ako maiinlove say--!!!" sinigaw ko yun habang natakbo..tapos.. *boogsh splank.. Natalapid ako dun sa isang step ng stair, buti na lang malapit na dun sa platform. "Ahahaha! kitams, pati yung hagdan kumokontra sa sinasabi mo! Ahaha! Pigilan mo sarili mo! Wag kang maiinlove! Mawawalan ka ng trabaho!!" sigaw nya Kapal! As if may gusto ako sa kanya! NEVER!! Pinagtawanan pa ako! Masakit kaya yung pagkakabagsak ko! "Heh! bahala ka sa buhay mo! letche!" ayun bilis bilis akong pumunta na dun sa kwarto ko..huhu..Ang sakit eh..Bwisit siya..binabawi ko ng masaya syang kasama! Walang awa! Imbis na tanungin kung ok ako! . .

"Ok na ako..Ikaw ba dumating na yung pamalit mo?!" nasa sala ako ngayon, dun kasi siya naghihintay "Yep..magpapalit na ak--.." "Oh bakit natigilan ka?!" "Ikaw ba talaga yan?!" "Tanga ka ba?!" "Bagay pala sayo ang nakadress! tsaka medyo kulot na buhok. Ihhh nagpapaganda ka sakin no?! nagkulot ka pa!" (NOTE: Nasa tabi yung pic ni Nami..yan yung itsura niya ngayon..) "Tanga! nagdress lang ako, kasi..kasi sayang naman kung hindi ko isusuot tong binili mo no!! tapos kaya nakulot yung buhok ko kasi nakabraid yung buhok ko kanina diba?!" (yep i forgot to mention, nakabraids ako kanina..natripan ko lang..) "Ay ou nga no? haha. Hindi ko masyadong napansin." "Pano tanga ka.." "Sus..gusto mo namang mapansin ko." "Asa. I don't care kung mapansin mo yun oh hindi!" "Sus in denial!" "In denial your face! magbihis ka na nga lang dun sa taas!" "Sama ka?! bilis!" "Bakit ako sasama? tanga ka ba?!" "Sus, kunwari ka pa. Alam ko naman kasing sisilipan mo ako habang nagbibihis. Kaya naman

naisip ko, bakit pa kita papahirapang manilip, kung pwede namang panuorin mo ako ng harapan! haha" "Bastos! Sinong may sabi sayong sisilipan kita?! kapal mo!" pinagpapalo ko siya! ang kapal eh! "Bahala ka..haha..sayang din yung offer ko..kaw rin!" "Heh! Wala akong pakialam sa offer mo bwisit!" "Hahaha,,ou na." ayun nagbihis narin siya..napakawalangya niya talaga!!! tsk.. . . . Nasa mall na kami.. "Nami, anu-anu bang bibilhin mo? May listahan ka na ba?!" "Wala akong listahan.." "You mean hindi mo alam ang bibilhin mo?!" "Ganun na nga! Ang galing mo huh! in fairness nagkakautak ka na Bryle!" "Heh! Eh pano mo malalaman kung anu-anu ang mga kailangan mo? Tanga neto!" "Eh di kung anung makita kong kailangan ko bibilhin ko!" "So magiikot talaga tayo dito sa mall?!" "Yep! Ang galing mo na talaga Bryle! Improving ka!" "Heh! Bilisan mo na nga lang ng makakaen na ako ng adobo!" "Ou na..sige tara dito.." dinala ko sya sa department store

Balak kong bumili ng gamit sa pagluluto. Kawali, sianse, knives..ganun. May rice cooker na naman dun sa condo eh, kaya yung lutuan nlng ng ulam ang pproblemahin ko. . . "Ang tagal mo naman pumili! pare pareho lang naman na kutsilyo yan eh! Kumuha ka na lang! Pare pareho lang din naman yang mga kawali. Anu ba yan?! Ang tagal mo naman masyado!" -siya yan Kanina pa kasi ako namimili dun sa mga kawali tsaka sa mga kutsilyo. Syempre tinitingnan ko maige kung alin ang mas maganda ang quality. Kaso ang hirap pumili, yung gusto ko kasi yung medyo mas mahal pero nakakahinayang sa pera. "Heh! wag ka na nga masyado maingay dyan! Lalo akong hindi makakapili sayo eh." "Tss..akin na nga.." kinuha niya yung isang kawaling nasa kamay ko pati narin yung knives.. tapos dinala na niya sa counter.. "Hoy! hindi pa ako nakakapili dun eh!" "Hindi tayo matatapos kung hihintayin kita! tss.." "Bwisit! ako ang magbabayad niyan ah! Hindi naman ikaw!" "Tss..wala ka ng magagawa. Nasa counter na.. :P" tss..hindi man lang tuloy ako nakapili..hays.. Ayun mukang ok na naman yung napamili kong gamit sa pagluluto. May chopping board na, knife, spatula, sandok, pan, bla bla. Ok na siguro yun, sana wala na akong nakalimutan. "Oh san na naman tayo pupunta?!" -sya na naman Anu ba yan? kanina pa sya nagrereklamo huh! nakakainis namang kasama to!

"Sumunod ka na nga lang!" "Ginagawa mo na nga akong taga dala, ang taray mo pa! tss.." "Ipagluluto naman kita ah! May kapalit naman yan,,tss..reklamador.." San nga ba ako pupunta? Anu pa nga bang dapat kong bilhin? Nakaka out of focus kasi tong isang to eh. Puro reklamo! sisipain ko na to eh! Napadaan kami dun sa cosmetics section, yung section para sa mga make up. Hmm.. ako? hindi naman talaga ako into make up pero may naisip ako..haha! "Bryle, tara dito.." "What?! bibili ka ng make up? Kailan ka pa natutong mag make up?! tss..hindi bagay sayo!" "Hindi mo pa naman nakikita kontra ka na agad dyan! Syempre pag may biglaan tayong lakad, tsaka pag magkikita ulit kami ng lolo mo. Gusto ko naman kahit papano maayos ang itsura ko para hindi mo na ako kailangang paayusan pa diba? Ako na ang magaayos sa sarili ko.." haha..kasinungalingan yan..gusto lang kitang pagtripan Bryle! wahaha "Ok sige, bilisan mo lang huh. Dun muna ako sa may watch section.." aalis na sana sya pero pinigilan ko "Hoy teka, kailangan ko ng opinion mo kung alin ang mas bagay sakin since lalaki ka.." "Tss,,sige na nga.." Ayun una naming pinuntahan yung section ng eyeliner. "Miss wanna try? may iba ibang colors pa yan.." sabi nung saleslady "Sige, try mo sakin yung black miss.." kaya ayun nilagyan na niya ako ng eyeliner.. ang cute! "Ok na po ba mam?!"

"Yep, kaso parang gusto ko din yung green, kaso ayoko munang tanggalin tong black para macompare ko. Ay teka! miss siya nlng ang lagyan mo ng green!" tinuro ko si Bryle "Anung ako?! nasisiraan ka na ba Nami?! There's no way in the world na magpapalagay ako niyan!" "Eh sige na Bryle! para macompare ko! Sige ka hindi na ako magluluto!" "Psh..haay! para sa adobo! sige na miss lagyan mo na, pero wag mong kakapalan huh! kundi patay ka sakin!" "Ah o-okay po sir.." tas ayun nilagyan na nung saleslady si Bryle wahaha "Pffft...hahahahahaaha! bagay Bryle! Ang ganda ng mata mo!" sabi ko "Heh! mukha akong ewan eh! green pa! psh!" naka cross arms pa siya nan "Ah miss, sige magtatry muna kami ng iba huh?! babalik nalang ako if ever." "Anu? hindi ka pa pipili? Eh para san pa at pinalagyan mo ako nito?!" -Bryle "Gusto ko lang ng libreng pa eyeliner! Ayaw mo nun, parehas tayong maganda!" "Heh! ugok ka! gago! tatanggalin ko na to!!" papahidin na niya sana yung eyeliner pero bigla kong hinawakan yung kamay niya, yung isang kamay niya may bitbit na mga pinamili namin kaya hindi din nya magagamit! ahahaha "Teka dun tayo Bryle!" kinaladkad ko naman siya dun sa blush on section "Anu? blush on naman?!" "Ayaw mo nun libreng make up! haha! pagbigyan mo na ako.." "Tss...bahala ka na nga.." hindi ko padin binibitawan yung kamay niya para hindi niya mapunasan yung eyeliner haha! Kaso binaba niya yung mga pinamili para yung isang kamay niya ang ipang punas! hindi pwede!

"Hoy Bryle! wag mong bitawan yang mga pinamili natin! baka may makakuha!" "haay! Psh tlga!" ahaha! sumunod naman siya, ayos! "Ah miss, wanna try.." -salelady "Yeah miss I want this shade,," pinalagay ko yung medyo light lang na pink, nacucutan din ako sa blush on..ang cute! hehe..(babae parin naman kasi ako no! XD ) Ayun nilgyan na ako nung babae, ang cute nung blush on! parang gusto kong bilhin! "Ah miss, teka parang type ko rin tong isang shade, testing mo nga sa kanya para makita ko kung alin ang mas ok!" syempre I'm pertaining to Bryle again! nyahaha "Wtf? Nami! pinalagyan mo na nga ako ng eyeliner, blush on naman?! anu ka ba!" nagaalpas na siya ng pagkakahawak sa kamay ko pero di ko binibitawan "Bryle..ADOBO!" haha..pang black mail ko yan! Mukha kasing gustong gusto niyang matikman yun! "Psh..haay! pero pagkatapos buburahin ko narin huh! dammit!" ayun nagpalagay siya! good dog!! wee "Bryle! mas maganda ka sakin nakakainis!" haha! Ang cute niya, parang gusto ko siyang lagyan ng hairclip! ahaha.. "Heh! tumigil ka nga dyan! Kung anu anung ginagawa mo sakin!" hindi ko na lang siya pinansin "Miss sige kukuhanin ko tong blush on na ginamit mo sakin!!" nacutan ako kaya bibilhin ko.. yun na naman tlga ang intended kong bilhin na shade eh, gusto ko lang pagtripan si Bryle kaya kunyari undecided pa ako! wahaha Pagkatapos kong bayaran..

Kinaladkad ko naman siya sa lipstick section.. "Hoy Nami, wag mong sabihing--" "Tama ka nga! yaan mo na Bryle, macocomplete na oh! eyeliner check! blush on check! lipstick na lang! last na yan! pasalamat ka nga ayoko ng eyeshadow eh! wahaha" "Dammit! That's it! I'm out of here!!" nako napuno na ata Iniwan na niya yung bitbit niya tas tumalikod na at naglakad.. "Adobo! Ayoko na hindi na ako magluluto ng adobo!" natigil sya sa paglalakad nung sabihin ko yun "PSH Nami! last na talaga to huh! As in!" Haha! Papayag din naman pala..tss..haha Kaya ayun sabay kaming nagpalipstick ni Bryle. Tuwang tuwa sa kanya yung saleslady.. "Wow sister ang ganda mo.." Sabi nung saleslady kay Bryle. Akala siguro bading..ahaha "Anung sabi mo?!" -Bryle "Ah, eheheh..ahm miss sige aalis na kami. Titingin muna kami sa iba.." yung itsura kasi ng mata ni Bryle..mukang inis na inis na siya, baka kung anu pang gawin neto..maeskandalo pa kami. . . . "Sayang..ang gwapo nung guy..kaso bading.." "Sana lalaki na lang siya no?!" ahaha! may dalawang babaeng medyo malapit samin na naguusap ng ganyan! wahahaha

"Sinong bading huh?!"-Bryle Aw..natakot yung mga babae sa sinabing yun ni Bryle. Yung itsura niya kasi parang papatay ng tao.. "Tama na nga yan Bryle! tara na!" hinigit ko na siya "Kasalanan mo to eh! pinagtitinginan na tuloy ako! leche ka Nami!" ahaha Naglalakad kami ngayon papunta ng c.r. huhugasan daw kasi niya yung mukha niya.. "Ahahaha! Ang ganda mo nga Bryle eh! Ayaw mo nun, hindi ka lang sa school sikat! pati dito! wahaha" "Ewan ko sayo bwisit!" sigaw niya..at ayun dirediretso na siya sa c.r. haha..laftrip!

CHAPTER 14.7- Being with YOU is...FUN BRYLE's POV Takteng Nami yan! Argh! Pag pasok ko sa c.r. syempre as expected, pinagtitinginan ako ng ibang lalaki dun...busit! pero inignore ko na lang at tuloy sa paghugas ng mukha ko..tss.. badtrip eh -_. . Paglabas ko ng c.r. nakita ko na si Nami naghihintay dun sa labas. Dinaanan ko lang siya, kunwari hindi ko siya nakita. .

. Lakad. Lakad. . . "Bryle!" siya yan..eskandalosa..sumigaw ba daw sa mall..tss..bahala ka dyan -_Tuloy parin ako sa paglalakad.. . . "Bryle anu ba!" tumakbo siguro siya kaya nasa harapan ko na sya ngayon.. nakaharang sa daan ko..alam niyo yung parang makikipagpatintero.. "Miss bakit mo ba ako hinaharang huh?! hindi kita kilala kaya stay out of my way!" "Anung hindi kilala?! Eh nasayo nga yung mga pinamili ko oh!" ayaw parin niya akong padaanin "Ah eto lang ba ang gusto mo? oh sige sayo na.." inabot ko sa kanya lahat ng bitbit ko.. kaya ayun nakadaan na ako.. Lakad lang ako ng lakad.. "Bryle..hoy..Bryle.." nasa likod ko siya..at nasunod talaga huh.. "Oh anu ba? stop stalking me will you?!" "Hindi mo ako stalker! ah ah! eto naman..peace na tayo oh..ipagluluto kita ng adobo...sige na!" Ow nakalimutan ko yung tungkol sa adobo! Gusto kong matikman yun! Matagal ko ng

gustong makatikim ng lutong bahay, yung pagkaen na niluto para lang sayo, yung parang luto ng nanay. I always wondered kung anu bang lasa nun. Naiinggit kasi ako dati dun sa mga classmates kong may binalot na luto ng nanay nila..tss.. "Haay..mukhang hindi mo talaga ako titigilan no? sige, papatawarin na kita kung ililibre mo muna ako ng merienda. Medyo gutom na kasi ako eh, pero ipagluluto mo pa rin ako ng adobo!" "Ipagluluto na nga kita, bakit kailangan pa kitang ilibre ng merienda?!" "Ayaw mo?! ok. Madali akong kausap." tapos ayun naglakad na ulit ako "Teka! sige na nga! Medyo gutom narin naman ako eh. Sige tara dito." Sumakay kami sa escalator.. "Hoy, saan mo ba ako balak ikaen?! Eh nasa baba yung maraming restaurants eh!" "Basta, masarap dito. Mas marami pa tayong makakaen pero mura." "Ang cheap mo talaga!" "Buti nga ililibre ka pa eh! tss" . . "What?! dito lang tayo sa foodcourt?! Nami naman!" "Ayaw pa?! Wag ka nga munang umangal dyan. Umupo ka na lang, tapos ako na ang bibili ng mga kakainin natin. Pag hindi ka nasarapan, eh di sige umalis ka pero tikman mo muna yung mga bibilhin ko." ewan ko ba pero napapayag niya akong umupo dun..tss.. Maya maya dumating na siya. May dalang pizza pero pizzang hindi ko alam ang brand, hindi kilala eh, pang mahirap tss. Ang cheap talaga neto..

"Yan lang?! mabubusog ba ako nyan?!" sabi ko sa kanya "Sinabi kong tapos na?! Maghintay ka! hiwa-hiwalay kasi yung bibilhan ko no!" tapos umalis na siya at pumunta naman dun sa isang stall "Oh eto pa.." dumating siya na may dalang parang potato chips nasa stick, sobrang haba tapos may cheese flavoring. Ewan ko kung anung tawag dun. "Anu yan?!" "Basta pagkaen yan..pero wag ka munang kumaen..may bibilhin pa ako.." tapos umalis na naman siya "Eto tikman mo to..masarap din to.." may dala na naman siyang unknown na pagkaen, pano ko ba idedescribe?! para siyang noodles na may sabaw tapos may toppings pa eh, mga panda heads na nasa stick tas may crab meat pa..ewan ang weird.. "Nakakaen ba to?!" "Ou naman no! masarap yan promise!" "Pag ako nalason nito.." "Arte mo! baka pag natikman mo yan, nako.." tapos paalis na naman siya "Teka san ka pa pupunta?" "Last na lang to..hehe..wait ka lang.." . . "Oh eto oh.." dumating na din siya, inabot niya sakin yung isang ice cram na hawak niya. Ang laki nung cone nung ice cream, lungad ata ako nito eh! Strawberry flavor yung sakin, chocolate siguro yung kanya..

"Grabe, hindi ka gutom no Nami?!" "Hahaha! Eh gusto ko kasi ipatikim sayo yung mga favorites ko. Napansin ko kasing pareho tayo ng taste pag dating sa mga pagkaen." *dila siya sa ice cream "Anung pareho tayo ng taste?! hindi ako cheap tulad ng tastebuds mo!" *dila ko sa ice cream "Sus, arte mo. Masarap yung ice cream diba?! Gusto ko yang flavor na yan kaso gusto ko din to. Kaya binili ko na lang pareho. Kung nasarapan ka ngayon dyan, eh di cheap din ho ang tastebuds mo!" "Hindi ako nasarapan." "Hindi daw pero tuloy ka naman sa pagkaen ng ice cream." ou nga no? masarap naman kasi talaga eh "Nami tingnan mo yun oh" may tinuro ako sa kanya na nasa likuran niya, kaya napalingon siya Tapos pag harap niya.. *ploink "Anu ba Bryle ang lagkit! Ang bastos nito!" haha! pagharap niya kasi sapul sa may pisngi niya yung ice cream ko "Hahahahahaha" tawa lang ako ng tawa, ang amos niya eh "Bryle, tingnan mo yun oh.." siya naman ang may tinuro ngayon, ginaya lang niya ako eh! Gagantihan siguro ako, para namang mafafall ako in the same trick no..asa.. "Ayoko ngang tumingin, gagawin mo lang sakin yung ginawa ko say--" *ploink "Ahahaha! sabi ko na eh, hindi ka lilingon! pero sino bang may sabing kailangan mo pang

lumingon para malagyan kita ng ice cram sa mukha? Pwede namang directly diba?!" matalinong bata to huh! basta na lang niya sinalpak yung ice cream niya sa mukha ko..ang amos tuloy namin pareho Sabay kaming nag punas ng mukha. Medyo nalasahan ko nga yung ice cream niya, parang mas masarap yung kanya. "Nami, parang mas masarap yung ice cream mo kesa dun sakin..ang daya.." "Parang mas masarap nga yung sayo eh!" "Patikim nga nung sayo" -ako "Oh.." tapos tinikman ko yung ice cream niya, mas gusto ko na yung kanya! "Ako naman, patikim nung sayo.." -Nami "Oh.." "Mas gusto ko pala yang na sayo Bryle.." "Mas gusto ko rin yang na sayo eh.." "Palit tayo?!" huh?! hindi siya nandidiri? I mean nadilaan ko na yun at lahat ah? Iba talaga tong babaeng to. "Sige ba!" "Hahaha! para tayong ewan no? nagpalit ba daw ng ice cream." -Nami "Kaw eh..mali kang pumili ng flavor." "Masarap kasi pareho..hirap pumili." "Ou nga eh..parang gusto ko pa ulit niyang strawberry Nami, penge nga.." "Ako din parang gusto ko ulit niyang chocolate.."

"Hon, tingnan mo yung dalawa oh, ang sweet. Nagsusubuan pa ng ice cream parang nung kinasal lang tayo no hon?! " "Tama hon, parang nung dati lang." Natigilan kami ni Nami nung marinig namin yung dalawang matandang malapit sa may table namin.. Napaalis tuloy kami ni Nami sa pwesto namin..nagsusubuan na pala kami ng ice cream! takte O////////.///////O -siya O////////./////////O-ako

Hindi tuloy kami makatingin sa isa't isa, anu ba yan! bakit ganito?! "Ah..ubos na yung ice cream ko! Ikaw ba?!" after ilang minutes ng silence, nagsalita na rin ako.. awkward eh.. "Ah..ako rin..kaen naman tayo ng pizza! masarap yan Bryle!" Ayun kaen naman kami ng pizza.. Tapos last slice na lang, nagkasabay pa kami sa pagkuha. Ang sarap nung pizza, akalain mo yun? tama nga ata siya..parehas kami ng taste pag dating sa pagkaen.. "Hoy ako ang nauna dito!"-ako "Anung ikaw ang nauna?! eh kitang kita naman na hawak natin pareho!" -siya "Oh edi bato-bato pik tayo..ang manalo kanya yung pizza.." -ako "Ok sige.." kaya ayun bumitaw na kami pareho sa pizza "Bato- bato p--" *grab "Ahahaha! tanga ka ba? bulok ako sa bato-bato pik, pumayag lang ako para bumitaw

ka..ahaha! uto uto!" -Nami *sabay kagat dun sa pizza.. dinaya niya ako! "Madaya ka Nami!" "Ahahaha! wala ka kasing utak!" "Penge!wag mong ubusin!" "Ayoko nga! kanina sabi mo ang cheap ko tapos,,haha,,bahala ka jan!" ayun lalo niya pang binilisan yung pagkaen sa pizza! tss.. "Ayaw mo akong bigyan huh?! sige akin na lang lahat to!" kinuha ko yung potato chips na naka tusok sa stick.. Masarap ah?! parang kaya kong ubusin lahat! "Hoy! ang daya mo! Ako ang bumili niyan! Bigyan mo naman ako!" pinipilit niyang abutin yung potato chips, magkatapat kasi ang upo namin "Ayoko! pagkatapos mo akong ubusan nung pizza!" "Bryle naman eh! wala to! madame naman yan eh!" "Ayoko!" Nag pout lang siya dun, ako tuloy sa pagkaen. Nakakatawa itsura niya eh, parang batang awa..wahaha "Oh eto na nga, nakakaawa ka naman.." tapos biglang nag light up yung mata niya pagsabi ko nun Sabay kinuha niya sakin yung potato chips.. "Iisang piraso na lang to ah?!" -sya "Buti nga tiniran pa kita eh!" "Selfish! tss"

"Mabait pa kaya ako ng lagay na yan! at least pinatikim kita!" "Eh ako naman ang bumili eh!" "Edi kung ayaw mo sige kakainin ko na yang isang piraso!" kukunin ko na sana "Heh! ok na to..ang sarap!" kinaen na din niya yung isang piraso, kakainin din naman pala andame pang reklamo! Now we are down to the last course namin, yung noodles na may panda and crab meet na topping.. "Nami, anung tawag dito?!" "Pagkaen..tss.bobo.." "Heh! I mean anung specific na name neto.." "Shabu-shabu" "Huh?! you mean--" "Tanga! hindi drugs yan or whatever, food yan sa Japan ata. Parang ramen, yang toppings na panda lasang siomai, crab meat syempre lasang crab, masarap ang sabaw niyan promise!" "Eh pano makakaen yung sabaw kung chopsticks to?!" "Eh di higupin mo, parang pag nainom ng tsaa yung mga Japanese..ganun.." "Ah gets.." kaya ayun sinunod ko yung sinabi niya "Waaaaaaaaaaaaah! ang init! ang init!" sigaw ko, napaso yung dila ko! "Ahahahaha! syempre hihipan mo muna! ahahahaha!" "Hindi mo naman sinabi agad Nami eh!" "Common sense na lang yun Bryle! Haha! "

Ayun kaen lang kami nun. Masarap nga. Tama siya, pinakamasarap na noodles na ata to.. tsk, bakit ba ngayon ko lang natikman tong mga pagkaen na to? ang sasarap eh. "Bryle, tingnan mo yun oh ang galing.." may tinuro si Nami sa may bandang likod ko kaya naman naplingon ako "Wala naman a--teka asan na yung last na crab meat ko dito?! meron pa to kanina ah!" "jahdakadkfjhasjkhf" "Anu? bakit di mo maibuka ang bibig mo? Kinaen mo no Nami! Ang dugas mo talaga!" "Hahaha! Uto-uto ka kasi lage! bitin pa kasi ako dun sa akin, kaya natempt akong kuhanin yung sayo! wahahaha.." "Ikaw talaga!" "Oi Bryle, paunahan tayong makaubos ng sabaw!" "Sige ba!" "1,2,3..Higop!!" ayun sabay kaming humigop nung sabaw! pabilisan.. Sabay lang kaming naglapag nung lalagyan sa mesa.. sabay.. "Buuuuuurp!" sabay pa kaming dumighal "Ahahaahhahaha..sabay pa tayong dumighal..ang galing!" -Nami "Ahahahaha..ou nga, pero mas malakas yung sayo Nami! Kababae mong tao!" "Hoi anu ka yung sayo kaya! haha! "Yung sayo no!" "Yung sayo!"

"Sayo!" Ayun hanggang sa escalator nagtatalo kami kung sino ang mas malakas ang dighal! haha.. . . Papunta na kami ngayon sa grocery store.Hinabilin muna namin ni Nami yung bitbit namin sa counter tas yun maggrocery na kami. Ako yung taga tulak ng push cart,siya yung taga kuha ng mga bibilhin. Kung anu-anu yung mga pinagbibili niya. Puro noodles tsaka mga canned goods tapos mga chips. May binili pa nga syang stik-o daw ang tawag dun, parang mga wafer sticks. Bumili narin siya ng shampoo, sabon, blabla.. basta marami syang pinamili..puro pagkaen..may chuckie pa nga eh, para tlgang bata! haha.. Ayun natapos narin sya ng pagbili.. . . "Oh Nami, uuwi na ba tayo?!" "Wait, may nakalimutan lang akong bilhin." "Anu yun?!" Hindi na siya umimik tapos pumunta na lang kami dun sa may unahan ng department store, dun sa may mga tindang chocolates. Tapos may binili sya, Choco baby daw ang tawag dun, tapos isa pang chocolate na triangle shape na maliliit tas choco-strawberry ang flavor. Dalawa ang binili nya nun. "Oh para sayo. Salamat sa pagsama sakin..sjksjjkjaadsdf..ko" inabot niya sakin yung

chocolate na choco strawberry..nasa box yun eh. Hindi ko pa mabuksan, parang masarap, choco strawberry eh.. Parang ayokong kainin to. Binigay niya to sakin out of the blue eh, akalain mo yun? Pero teka, anu yung huli nyang sinabi? Hindi ko masyadong narinig eh, anla ewan! Ang babaw ko ba? Bakit parang sobrang saya ko na dahil lang sa simpleng pagbigay niya sakin ng chocolate?! Ewan ko..pero dati naman, kahit bigyan ako ng kotse, ng laptop, ng psp, hindi ako ganito kasaya, parang wala lang sakin. Pero ngayon chocolate lang? 33 pesos na chocolate!!..(nakita ko sa tag price eh) bakit parang sobrang napasaya na ako?! Ang weird. -----------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "Oh para sayo..salamat sa pagsama sakin..sjksjjkjaadsdf..ko" Ang gusto kong sabihin dun.. "Oh para sayo..salamat sa pagsama sakin..sobrang napasaya mo ako.." yan yun..pero hininaan ko lang dun sa part na sobrang napasaya niya ako..nakakahiya eh Kaya ko siya naisipang ibili ng chocolate, gusto ko siyang pasalamatan with all my heart. Sobrang saya ko kasi dahil sa kanya. I've never been this happy since dad died, ngayon na lang ulit. Thanks to him, parang nawala yung sakit dito sa puso ko. Even for a while, nakalimutan kong mag-isa na lang ako. Pag dating sa chocolate na yun, selfish ako. Kahit si Katie hindi ko binibigyan nun pag nabili ako. Kahit si dad hindi ko binigyan nun eh, binibigay ko lang talaga yun pag sobrang natuwa ako, yung as in sobra mo akong napasaya. Hindi naman alam yun ni Bryle kaya shhhhh lang kayo huh! secret lang natin to.

Ewan pero I'm starting not to hate him. Is this a good or a bad thing? anla ewan! Although nakakainis parin sya pag minsan. . . . Nandito na kami sa condo. Tahimik, ewan walang nagsasalita sa amin eh.. 1:20 na..late na para sa lunch..pero magluluto parin ako..promise ko yun eh. "Bryle, dyan ka na lang muna sa salas. Aayusin ko lang tong mga pinamili natin tapos magluluto na ako." "Ok :)" sumagot siya ng hindi man lang natingin sakin, nakangiti syang pinagmamasdan yung chocolate na binigay ko sa kanya..haha..nakakatawa siya Sinimulan ko ng magluto. Nakasalang narin yung bigas sa rice cooker.. "Nami!" "Ay aso-" "Hindi ako aso! anu ka ba naman -___-" -Bryle naghuhugas ako ng manok tas bigla ba naman akong sundutin sa tagiliran "Eh bakit ka kasi nanunundot dyan?!" "Gusto ko lang, bakit?! " "Bahala ka nga." "Wow ang galing ganyan pala mag gayat." "Anu ba naman yan?! yan lang magaling na?! iba talaga pag walang alam!"

"Anung walang alam?! Hindi ko pa lang nattry yan kasi, ah anu, may cook naman kami sa bahay eh kaya I don't bother. Pero ngayong pinapanuod kita, parang masaya pala magluto.." "Gusto mong makatulong?!" "Sige! anung gagawin ko?" "Mag gayat ka ng bawang at sibuyas.." "Huh? ah..eh..sige..pero pano ba yun?!" haha! mangmang to..wala talagang alam.. "Ganito lang huh, babalatan mo muna yung sibuyas, ganun din sa bawang tapos icut mo na..ganyan lang.." nidemo ko sa kanya yung gagawin "Ah ok..madali lang naman pala eh!" kaya ayun sinimulan na niyang mag gayat Ako naman yung manok ang hinihiwa ko..tapos hinahanda na ko rin yung ibang ingredients. "Aray!" nagitla ako kay Bryle, bigla siyang sumigaw, nahiwa niya yung kamay niya "Nako Bryle, ang eng-eng mo naman eh! Madali pala huh?! pero nahiwa ka naman." "Eh nakatingin kasi ako say--ah eh kasi dumulas yung kutsilyo eh! Kasalanan nung kutsilyo!" "Sisihin pa daw ang kutsilyo..hays..halika na muna dito.." dinala ko siya dun sa may lamesa "San ka pupunta Nami?!" "Kukuha ako ng first aid kit.. Dyan ka lang.." . . Pagbalik ko.. "Nami, anu yan? Wag mo akong lagyan niyan! masakit yan!" ahahaha..takot siya sa alcohol? parang bata

"Tae, ang laki mo na Bryle takot ka pa sa alcohol.." "Eh masakit yan eh..wag na!" "Halika nga dito, baka mainfect pa yang sugat mo.." dinala ko naman siya sa may lababo "Aray masakit! wag mo naman kahawakan!" hinuhugasan ko yung kamay niyang nahiwa, hindi nga siya natingin eh ahaha "Ahahaha! para kang bata. Oh sige ayos na..lalagyan ko nlng ng betadine.." "Wag na! lagyan mo nlng ng band aid! Ayoko nung betadine.." "Bryle naman eh! hindi masakit ang betadine! promise!" "Pag masakit Nami huh, patay ka sakin.." Ahaha! Hindi parin sya natingin nung pinapahidan ko ng betadine.. "Oh ayan tapos na.." "Talaga? ang galing..hindi nga masakit!" "Sabi ko naman sayo eh.." "Eh teka Nami, edi hindi na ako makakapag gayat..tsk.." "Ayos lang yun, madali lang naman tong gawin eh. Manuod ka nlng huh?!" "Sige na nga.." at talagang pinapanuod niya talaga ako.. . . "Wow Nami! ang bango na niyang niluluto mo! Nakakagutom na!" "Gusto mong tikman kung okay na sayo yung lasa?!" hinaya ko sa kanya yung sandok ko na may laman na konting sabaw

*sip "Okay Nami! ang sarap! Ganito pala ang lasa ng adobo! Ang sarap talaga! Favorite ko nato simula ngayon!" haha..nakakatuwa naman siya..ang saya nasarapan siya sa luto ko..akala ko kasi manlalait na naman siya eh.. . . Yun tapos narin akong magluto..okay narin yung kanin..si Bryle andun na sa may lamesa.. Maghahain na ako.. . . O_____O ! Ang tanga ko! antanga ko! . . "Oh Nami bakit mo inuuntog yang sarili mo sa pader?!" tanong ni Bryle "Eh kasi, nakalimutan kong bumili ng pinggan! baso! tinidor! at kutsara!" antanga ko! sabi ko na nga ba at may nakalimutan ako eh! "Antanga mo! pano na tayo kakain nyan?!" -Bryle "Eh di dyan na tayo kumaen sa kawali. Ihalo na lang natin yung kanin sa adobo tapos eto na lang sandok ang gawin nating kutsara! halinhinan tayo!" Wala ng choice, ganun na nga lang. Ganan din naman talaga gagawin ko kung mag isa lang

ako eh..para tipid sa hugasin. "Seryoso ka? hindi ba nakakadiri?!" "Anung nakakadiri? ganun din naman yun eh! tara! Hindi na masarap pag lumamig yan.." "Sige na nga..ai teka, wala ka bang inumin dyan?!" "Bumili akong softdrinks kaso yung malaki..1.5" "Ayus na yun kaso wala ka nga palang baso.." "Edi tunggain na lang natin sa bote! Mas masarap ngang uminom ng softdrinks pag nasa bote!" "Tss..bobo kasi. Walang pinggan, walang baso..tss..pero sige na nga..sa salas nlng tayo kumaen! nood tayong cartoons!" "Sige!" . . Kumakaen kami sa salas. Nasa lap ni Bryle yung kawali na may pinaghalong kanin at adobo. May plastic sa tabihan para tapunan ng buto. Ako ang may hawak nung softdrinks. Nakakatawa kami eh, halinhinan kami sa pagsubo gamit pa namin ay yung sandok! Tapos pati sa pag inom ng softdrinks, straight mula sa malaking bote. Nakakatuwa siya, nung una ayaw niya pero nung nagtagal ok narin sa kanya. Akalain mong ang isang mayamang katulad niya eh papayag na kumaen ng ganito?! at mukhang masayang masaya pa siya. Ewan ko, pero bigla na lang parang ayaw maalis ng mata ko sa kanya. Bawat galaw niya bigla na lang sinusundan ng mata ko. Kung dati naiirita ako pag nakikita ko siya, ngayon parang ayos lang, kahit siya na lang ang makita ko.

Waaaaaaaaah! Anu bang nangyayari sakin?! Buti na lang hindi niya nahahalatang nakatingin ako sa kanya. Sa t.v. lang siya nakatingin eh kaya wag muna kayong maingay dyan huh. Tititigan ko lang siya, kahit konting oras lang.

CHAPTER 14.9 - Being with YOU is...FUN BRYLE's POV Ang sarap talaga nung adobo ni Nami! Ang dame kong nakaen. Pinakamasarap na kaen ko na ata to sa lahat! Mas masarap pala kumaen ng may kasalo, parang blessing in disguise pa nga yung pagkabobo ni Nami eh! I mean mas masaya na nakalimutan niyang bumili ng plato at baso, para share kami.. (ai tae, anu ba tong mga pinagsasasabi ko -_-) Tuloy lang ako sa pagsubo kahit ang mata ko ay naka titig sa t.v. , ang ganda kasi ng palabas.. Hitman reborn! "Nami painom ng softrdrinks.." sinasabi ko yun habang nakatingin parin sa t.v. "Ah e-eto oh.." teka "eto oh" daw ang sabi niya pero wala naman akong nararamdaman na may inaabot siya sakin.. kaya napatingin tuloy ako sa pwesto niya.. tapos O///////./////O . . Anu ba yan?! Saktong pagharap ko sa kanya, siya nakaharap din sakin! Eye to eye lang kami! Sobrang lapit pa man din!

Walang nakurap sa amin. Ang init na ng pakiramdam ko! pero bakit hindi ko maialis yung tingin ko sa kanya?! Kelangan kong kumilos! Sobrang init na ng pakiramdam ko, pero bakit ayaw gumalaw ng katawan ko? at siya rin bakit ganito siya? anu bang nagyayari samin?! Hinawakan ko yung may baba niya, automatic na gumalaw yung kamay ko.. Anung gagawin ko? Pumikit siya bigla.. Teka..gagawin na ba namin yung..? Dahan dahan kong nilapit yung mukha ko sa kanya.. Konting konti na lang lalapit na yung labi ko sa kanya.. 1... . 2... . . *dug dug lalapat na ang labi ko sa kanya ng mapansin kong-"Nami, anu ba yan, may amos ka pa oh!" napansing kong may kanin pa sa tabi ng labi niya Waaaaaaaaah! Kung hindi ko napansin yun, talaga bang hahalikan ko na siya?! Hindi! hindi! Siguro kaya nag automatic yung kamay ko eh kasi nga pupunasan ko yung amos

niya! Tsaka kaya ko lang nilapit yung mukha ko..kasi..kasi..anu akala ko napuwing siya! tama! kasi pumikit siya eh! Akala ko napuwing siya! tama! ganun lang yun.. Biglang minulat na niya yung mata niya.. "Ay ou nga no? May amos nga. sa-salamat Bryle! " tapos naglayo kami ng tingin Ang pula niya! Ako rin ata! Napansin ko habang sinasabi niya yun, yung kamay niya nakastretch parin na inaabot sakin yung softdrinks. Eh kaya naman pala hindi ko makapa kanina eh! Lampas kasi sa kamay ko yung bote, hindi siguro siya nakatingin ..te-teka, wag mong sabihing nakatitig na siya sakin bago pa ako napatingin sa kanya?! Hindi impossible! siguro sa t.v. lang din siya napatingin kaya napalampas yung pag abot niya..para namang tititgan ako ni Nami. Anu ba tong iniisip ko?! "Ah Nami, baka gusto mo ng ibaba yung softdrinks. Hindi ba nangangawit yang kamay mo?!" hanggang ngayon kasi parang inaabot niya parin sakin yung softdrinks..although sa ibang side siya nakatingin..nakalimutan sigurong may hawak siyang softdrinks! natatawa tuloy ako "Ah-ahahaha..ou nga no?! antanga ko naman. Ah eh..sige dadalhin ko na tong kinainan natin sa kitchen.." tapos tumayo na siya sa sofa Woooosh, nakahinga ako dun ah..ewan pero nung hindi pa siya naalis parang hindi ako makahinga! "Nami, wala bang dessert?!" "Ah ou, dessert! sige, may naalala akong masarap na dessert!" tapos ayun dirediretso na siya sa kitchen.. .

. . "Oh eto na." may dala siyang can ng coffemate "Dessert ang tawag mo dyan? eh creamer yan eh!" ang bobo talaga ng isang to "Hoy dessert yan para sakin no! Masarap kaya! Madalas akong mamapak niyan pagtapos kumaen! try mo lang!" "Bakit naman yan pa?! Nami naman eh! Andame mong biniling chocolate ah? May anu nga bang tawag dun, ah tama! may stik-o ka ah?! yun na lang!" "Ayoko nga! akin lang yun no! Merienda ko yun!" "Ang selfish mo naman!" "Selfish pa ako eh binibigyan na nga kita nitong coffeemate!" "Eh hindi naman dessert yan eh!" "Dessert sabi to! oh tikman mo!" bigla niyang sinalpak sakin yung sandok na may coffeemate masarap nga!! "Anu? masarap no?!" Nag nod lang ako.. "Sabi ko na sayo eh!" "Ayos ah! penge pa nga!" ayun sumubo pa ulit ako Yung coffeemate naman ang pinagfiestahan namin. Pero tinago na rin niya agad kahit gusto ko pa..wala na daw siyang gagamitin sa kape. Akalain mo yun, coffeemate? masarap palang dessert yun!

. . "Nami antagal mo naman maghugas dyan, ang ganda ng palabas, Phineas and Ferb! tara bilis!" kanina pa kasi siya dun sa kitchen eh "Eh andame ko pa kasing niligpit tapos ang tagal pa matanggal ng uling dito sa kawali.. Tsaka yung mga stains..tsk.." "Tulungan nga kita! ako na dito sa sandok!" parang ang sarap maglandi ng sabon eh! haha Sinuot ko yung gloves at sinimulan ng hugasan yung sandok Magkatabi kami ngayon sa may lababo.. Aw..naalala ko na naman yung kanina. Ganito rin kami kalapit..waaah! ang init na naman! "Hoy Bryle, parang ang layo ata ng iniisip mo dyan?" winagayway niya yung kamay niya sa may mata ko "Aray napasukan yung mata ko ng sabon Nami!" naupo ako dun sa may table "Huh? nako sorry..patingin.." tapos nung titingnan na niya "Got you!" hahaha! pinunasan ko siya ng sabon sa mukha! arte ko lang namn yung kanina eh, hindi naman talaga ako napasukan ng sabon sa mata "Napakawalangya mo atlaga!! paganti!" tapos pinunasan din niya ako! ang kulit "Aba naganti ka huh!" pupunasan ko na sana ulit siya pero tumakbo siya nagiinikot kami dun sa table sa may kitchen.. Nauubusan na kami pareho ng sabon sa kamay kaya nagpaunahan kaming makapunta sa

lababo para kumuha ng sabon. Magkasalubong kami..uunahan ko siya!! Tapos O_____O! . . Nadulas siya! Medyo basa pala dun sa may lababo.Buti nahawakan ko siya. Ang posisyon namin.. O/////.////O Parang magsasayaw, hawak ko sya sa bewang tas medyo nakabend siya, nakahawak naman siya sa balikat ko, magkatinginan na naman kami! "Ma-magiingat ka naman kasi!" bigla ko na siyang binitawan, baka kasi mangyari na naman yung kanina, baka muntik ko na naman siyang--ayoko ng maalala. "Ah..sa-salamat.." sabi nya "Sige punta na ako sa salas.." Hinubad ko na yung gloves, naghugas ng kamay at umalis na Hindi ko na kasi kaya! Sobrang init na ng pakiramdam ko pag malapit ako sa kanya! Baka kung anu pang magawa ko! mahirap na! ----------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Waaaaaaah! Andito ako ngayon sa kwarto, nagsisisgaw ako. Eh kasi naman, anu bang nangyari sakin kanina sa salas?! Muntik na kaming maghalikan! Anu bang pumasok sa utak ko at bigla

akong napapikit nung nagkatinginan kami?! Waaaaaaaaaah! Tapos kanina naman dun pa sa kitchen! Nung nadulas ako! anu ba yun?! Waaaaaaaaaaaaah! nakakailang! Umarte na nga lang ako na parang hindi ako apektado, pero apektado tlga ako! Ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko ng ganito! Pero hindi! wala lang to! nabigla lang ako! tama! kaya ko lang din siya tinitigan nung nasa sofa kasi,,ahm,,kasi natuwa lang talaga ako sa kanya! Yun lang yun! tapos bumilis lang yung puso ko ngayon kasi, kasi nabigla ako kasi nadulas ako! yun lang! Haaay, sana nga yun lang yun. . . . 3:00pm na pala..napatagal ba ako?! Bumaba na ako sa salas.. Nadatnan ko siya na nasa sofa..nanunuod parin ata ng t.v. "Hoy Bryle anung pinapanuo--" Natigilan ako..tulog siya, nakatulog na..sobrang pagod siguro.. Ngayon ko lang napagmasadan ng ayos ang mukha niya, ang amo ng mukha niya pag tulog. Gwapo nga siya, tama pala sila. Bakit ngayon ko lang napagtanto?! Talaga bang siya yung Bryle na kinaiinisan ko? Parang ang layo-layo na niya sa Bryle na gusto kong patayin dati. Yung Bryle na wala ng ginawa kung hindi sirain ang araw ko. Kung dati gusto ko siyang patayin, bakit ngayon parang gusto ko na siyang alagaan?! haaay! anu

na bang nangyayari sakin?! Sinampal sampal ko ang sarili ko.. Tapos napansin kong nilalamig siya?! umuulan pala sa labas..nakita ko sa bintana. Naka aircon pa kami..ayoko namang gisingin siya..teka.. Pumunta ako sa kwarto sa taas..tapos kinuha ko yung kumot..tapos kinumutan ko siya.. Nilipat ko yung t.v. sa myx..gusto kong makinig ng music eh..

NOW PLAYING: STAY CLOSE DON'T GO

Nasa kalagitnaan na yung song nung mapalipat ako sa myx..

AND DON'T YOU KNOW MY IS HEART PUMPIN OH IT'S PUTTING UP A FIGHT AND I'VE GOT THIS FELING THAT EVRYTHING'S ALRIGHT

ang bilis ng tibok ng puso ko..pero ang warm ng pakiramdam..ngayon ko lang to naramdaman..

DON'T YOU SEE, I'M NOT THE ONLY ONE FOR YOU BUT YOU'RE THE ONLY ONE FOR ME,,

umupo lang ako dun..pinagmasdan ko lang siya habang natutulog..

IF YOU LEAVE ME TONIGHT , I'LL WAKE UP ALONE DON'T TELL ME I WILL MAKE IT ON MY OWN

Tapos..ewan..bigla na lang akong lumapit sa kanya..

DON'T LEAVE ME TONIGHT THIS HEART OF STONE WILL SING TILL IT DIES IF YOU LEAVE ME TONIGHT... DON'T LEAVE ME TONIGHT

Hindi ko alam kung epekto ba to nung kanta o anu.. I just found myself whispering to him, the words I never thought I would say.... . . . "Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung wala ka, please wag mo kong iiwan." tapos ewan..bigla ko na lang siyang hinalikan..sa noo (kala niyo kung saan no? that's a thank you kiss! para sa lahat ng ginawa niya para sakin) tapos pumunta na ako sa taas..

----------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung wala ka, please wag mo kong iiwan." Tama ba yung narinig ko? sinabi niya ba talaga yun?! Wpekto lang ba tlga yun ng kanta oh anu?! Tapos.. I felt her lips..on my forehead.. what was that for?! Tapos umalis na siya.. Anu bang nagyari? si Nami ba talaga yun? oh baka nasapian siya ng kung anu?! Ang totoo kasi niyan..Hindi naman tlga ako tulog eh, nagpanggap lang akong tulog nung mapansin kong pababa si Nami ng hagdan..kaya ayun..tama, gising ako the whole time. "Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung wala ka, please wag mo kong iiwan." "Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung wala ka, please wag mo kong iiwan." "Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung wala ka, please wag mo kong iiwan." Hindi na maalis sa isip ko yung sinabi niyang yun! Siya ba talaga yan huh? siya ba talaga?! ang bilis ng tibok ng puso ko! naknang! Pero kung sinabi man niya talaga yun, ewan ko..pero kahit ako rin naman eh..surprisingly, parang hindi ko narin alam kung kaya ko pa siyang iwan...waaaaaaaah! oh hindi! hindi! Anu ba to?! erase! erase! epekto lang to ng kanta! Tama! Syempre kaya ko syang iwan kahit kailan ko gustuhin! kontrata lang to! pero sa ngayon.. I want to be with her..even just a little longer..

CHAPTER 15- One Rainy Day NASH's POV *mulat.. *kurap kurap nakatulog pala ako?! Teka wait anung oras na?! Kinuha ko yung cellphone kong nakapatong sa may side table na malapit sa kama.. 7:00 pm na pala! ang tagal kong nakatulog! teka, andyan pa ba si Bryle?! bakit may kumot na ako?! eh nasa kanya to kanina ah?! Gagong yun! umalis na? ni hindi man lang nagpaalam?! ai teka, anu bang pake ko kung hindi siya nagpaalam? eh wala naman talagang manners yun eh! tss -_Pumunta ako sa c.r. iihi ako eh Pagharap ko sa salamin.. "Anu to?!" may nakita kasi akong sticky note na nakadikit sa forehead ko Inalis ko syempre..at sino ba namang maglalagay nun? syempre si Bryle..tss Binasa ko yung nakasulat,, NAMI! HOY NAMI KA, NAPAKAHIRAP MONG GISINGIN! WALANJO TO, TULO PA ANG LAWAY EH! ALAM MO BANG KANINA PA KITA INAALOG? KASO WALANG EFFECT..TSS..NAKAKAINIS KA! -_- KAYA KUNG BINABASA MO TO NGAYON, EDI SYEMPRE GISING KA NA.. HINDI NA AKO NAGPAALAM SAYO KASI NGA TULOG

KA..BWISIT NA TO..TINULUGAN AKO EH! O SYA, KITA NA LANG TAYO BUKAS SA SCHOOL.. PAPASUNDO NA LANG KITA KAY MANONG EDDIE KAYA MAGHINTAY KA DYAN HUH! KOTSE YUN, WAG KANG SUSUKA HUH?! GEH..

p.s. HINDI KITA IIWAN, WAG KANG MAG-ALALA! NYAHAHAHAHA ;) Whaaaaaaaaaaaaaaaat?! Anung sabi niya dun sa huling part?! wat the? Wag mong sabihing narinig niya yun?! wag mong sabihing! waaaaaaaaaaaaah! oh hindi! hindi! Bakit ko ba kasi sinabi yun?! tapos..yung yung..kiss sa forehead! Wag mong sabihing alam din niya yun?! Anu ba kasing nangyayari sakin ngayong araw na to?! May iba talaga! waah.. I'm doomed. I hate this feeling..this feeling..kung anu man ito, sana mawala na to soon -_- Baka ito pa ang maging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho! . . . 7:00 AM *RIIIIIIIIIIIING *RIIIIIIIIIING *RIIIIIIIIIIIING Anu ba yan? ang ingay naman ng phone ko! peste! natutulog yung tao eh! -_*RIIIIIIIIIIIING *RIIIIIIIIIING *RIIIIIIIIIIIING Ugh! Ayaw talagang tumigil tss..kulang na nga yung tulog ng tao dahil sa kakaisip sa bwisit na Bryle na yun!!!! tas ganito pa..ahuhu! *RIIIIIIIIIIIING *RIIIIIIIIIING *RIIIIIIII-- tss.. sagutin ko na nga..

"Oh hello?" wala kong ganang sagot.. "hello" "sino to?!" "Grabe ka ako kilala ko yung boses mo sa phone ikaw hindi kilala ang boses ko..walang kwentang girlfriend!!" *dug dug Waaaaah?! wat was that? Bakit bumilis ang puso ko bigla nung nalaman kong si Bryle yung tumawag? e dati pa naman ako tinatawagan niyan eh! Bakit biglang ganito? Naiilang akong sumagot pero parang natutuwa at the same time. His voice sounds like music in my ears. Hindi! wala lang to. Effect lang ng pagkapuyat, grabei tong isang to simula sa panaginip hanggang sa pag gising ko hindi ako tinantanan -_"Hoy Nami! bakit hindi ka nasagot?! wag mong sabihing tinulugan mo ako! gago ka gumising ka na! 7:00 na, 8:00 pa ang pasok mo ah!!!" grabe namang manigaw to! ansakit sa tenga..tsk..eh sa nadidistract ako eh! ikaw din naman ang may kasalanan! bakit mo pinabibilis ang tibok ng puso kong peste ka! -_"Gising ako! nakakatamad ka lang kausapin..tss..sige maliligo na ako..bye.." "Oi Nam--" end call ko na nga I can't take this anymore parang ayoko muna syang kausapin. Naalala ko lang yung kahihiyang ginawa ko kagabi. Isa pa, sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Ang ewan..hindi ko maintindihan..may sakit na ba ako sa puso?! wag naman sana.. . .

Pagkatapos kong maligo at magbihis..kinuha ko na yung bag ko.. 7:30 palang pero aalis na ako, tatakasan ko yung driver ni Bryle! eh ayoko sumakay sa kotse eh! ayoko talaga! belat siya . . Nakasakay na ako ngayon sa jeep, isang sakay lang naman kasi papunta sa skul.. Pero 7:45 am na, wala parin ako sa school. Medyo malapit na naman ako, medyo kaya ng lakarin kaso naulan eh, kaya hindi ako makababa sa jeep..tsk.. Traffic kasi eh..may nagbanggaan daw..amps..baka malate pa ako.. . . 7:50 am..waaaah..10 minutes nlng..tsk..malelate ako! Hindi pwede!! "Manong bababa na po ako!" sinigaw ko dun sa driver nung jeep at bumaba na ako..eh kesa naman malate ako..may payong naman ako eh..isa pa di naman ganun kalakas yung ulan eh.. Kaya ayun.. *takbo *takbo *tak-Napatigil ako..Nakita ko kasi yung isang batang pulubi na natakbo din sa ulanan....wala siyang payong! may hawak lang siyang karton..nakakaawa,,we are heading on opposite directions kaya naman hindi ko siya maisusukob..pero hindi ko naman maatim na mabasa siya ng sobra,, kaya naman hinabol ko siya.. Sa wakas naabutan ko din..

"Ah bata, sayo na lang tong payong ko oh.." "Pero ate mababasa ka po..ayos lang po ako.." "Hindi..baka magkasakit ka. Okay lang talaga. Malapit na naman yung school ko dito eh.. eh ikaw? wala kang masisilungan diba? maghahanap ka pa..kaya kuhanin mo na tong payong huh?! sige na" "Si-sige na nga po ate..salamat po talaga :)" Pagkabigay ko nung payong ayun todo takbo na ako..malayo layo pa ng konti ang tatakbuhin ko..aw, basang basa na ako neto for sure! bahala na..atleast natulungan ko yung bata :) *takbo *tak-*beep *beep Biglang may kotseng tumigil sa tabi ko..napatigil tuloy ako Bumukas yung pinto.. "Ms. Nami! pumasok ka na bilis!" ah si Tommy to ah! "Pero basa ak--" "Pumasok ka na lang! magkakasakit ka niyan eh.." kaya ayun pumasok na ako sa kotse nya..dun ako nakaupo sa unahan katabi niya..nakakahiya naman..basa ako eh..mababasa yung upuan ng kotse niya.. "Sorry huh..nakakahiya naman..mababasa pa tong upuan ng sasakyan mo. Malapit na naman eh..dapat hindi mo na ako sinakay." nahihiya kasi talaga ako "Anu ka ba?! Inintindi mo pa talaga yang upuan ng sasakyan ko..eh ikaw nga dyan ang basang basa sa ulan. Buti na lang nakita kita..grabe ka..magtatakbo ba naman sa ulanan.." "Eh kas--"

"Alam ko..nakita kaya kita. Binigay mo yung payong mo dun sa batang pulubi. Aalam mo iba ka talaga, tama si Bryle. Inuna mo pa yung bata kesa sa sarili mo eh..hay nako..sa ginagawa mong yan lalo mo akong hinihigit pahulog sayo eh..konti na lang aagawin na kita kay Bryle eh.." "Huh?! a-anong sabi mo?!" "Hahaha..joke lang..eto naman..oh andito na tayo.." buti na lang joke lang..ang itsura kasi niya parang seryoso..kinabahan naman ako..hindi siya pwedeng magkagusto sakin..type siya ni Katie no! walang talo-talo! Bumaba kami sa may parking lot.. *riing riiing.. aw..si Bryle na naman -_"Oh bakit ayaw mong sagutin?!" tanong ni Tommy "Si Bryle to eh..sesermonan lang ako neto..tinakasan ko kasi yung driver niya.." "Hahaha..kaya naman pala eh. Ang alam ko nga kasi ipapasundo ka ni Bryle eh." "Teka Tommy, 7 am ang pasok niyo ah?!" "Absent ako ng first subject..tinanghale ako ng gising eh..hehe" *riing riing "Hay, hindi ako titigilan neto. Sige wait lang sasagutin ko lang.." ayun sinagot ko na yung phone.. AKO: O ANU NA NAMAN?! BRYLE: ANUNG ANU NA NAMAN HUH?! TUMAWAG SAKIN SI MANONG! TINAKASAN MO

DAW SIYA! ANU NA NAMAN BANG KATANGAHAN ANG PUMASOK SA UTAK MO?! AKO: EH SA AYOKO SA KOTSE EH! WALA KA NG PAKIALAM!! BRYLE: ABNO KA TALAGA! AKO: EH SA AYOKO SA KOTSE EH! BRYLE: TAPOS NAGTXT SAKIN SI TOMMY, ANU NAMANG KATANGAHAN MO AT NAGTATATAKBO KA SA ULANAN?! HAAAY..BOBO KA TALAGA KAHIT KELAN!! AKO: HEH! MALELATE NA AKO SA KLASE KO..SIGE BABYE NA..WALA KANG KWENTANG KAUSAP! BRYLE: HOY TEKA LAN-pinatay ko na si phone..tss..wala din namang mangyayari,,,sesermonan lang niya ako ng sesermonan..tss. Bakit ba siya tawag ng tawag?! Ngayon pang ayaw ko muna siyang makausap! Naalala ko lang kasi ang mga di dapat maalala pag nakakausap ko siya. Ayoko nga din siyang makita kung pwede eh! hindi ko kasi ata kayang humarap sa kanya! "Hahaha..grabe, binababaan mo lang ng phone si Bryle? hahaha..ibang klase ka talaga Ms. Nami" "Ms. Nami?! masyado ka namang pormal..Nash na lang ang itawag mo sakin.." "Nash?! eh bakit Nami ang tawag sayo ni Bryle?" "Kasi tanga yun. Ayaw pumayag na Nash..Nami daw gusto niya..edi hayaan..wala din naman akong magagawa.." "Hahaha.,,ok,,sige..Nash :)" ibang iba talaga tong si Tommy kay Bryle, lage syang nakangiti tapos ewan parang ang bait niya. Mukang ok naman siya para kay Katie..hehehe..boto ako! XD

"Oh sige pupunta na ako sa room ko huh?! salamat huh Tommy.." "Wala yun..ai teka, isuot mo na tong jacket ko. Basang basa ka eh..nilalamig ka na siguro.." tapos sinuot niya sakin yung jacket niya..muka pa namang mamahalin..nakakahiya.. "Nako wag na..baka lamigin ka pa. Isa pa mababasa lang din to..wag na" huhubadin ko na sana kaso pinigilan niya ako.. "Anu ka ba?! ayan ka naman eh. Anu naman kung mabasa yung jacket ko? anu naman kung lamigin ako?! ang mahalaga eh hindi ka malamigan. Baka magkasakit ka pa niyan eh..oh sige tara na..since wala kang payong..ihahatid na lang kita dun sa building niyo.." "Teka, wag na..ok lang ako..masyado na kitang inaabala.." "Anu ka ba?! friends na tayo right?! isa pa..vacant kami ngayon..10 am pa klase namin..sa tambayan lang din naman ako pupunta eh..kaya ayos lang talaga.." "Oh sige na nga..salamat Tommy :)" ang gentleman talaga netong isang to..kung si Bryle to,,nako..sasamahan nga ako kaso puro sermon naman at sigaw ang aabutin ko.. -_. . "Tommy thanks..sige, sa 2nd floor pa ang room ko eh. Hanggang dito na lang. Punta ka na sa tambayan niyo.." "Sure ka?!" "Oo..baka kasi kung anu pang isipin pag nakitang hinatid mo ako hanggang room. Alam mo na..girlfriend ako ni Bryle dito.." "Ai ou nga pala no..tss,,sige..bye Nash :)" "Oi teka, itong jacket mo!"

"Sayo na nga muna..basang basa ka pa eh..geh bye.." "Ok sige..bye! thanks ulit Tommy!" He smiled and then waved me goodbye. Ang bait niya talaga, gentleman tas gwapo..bagay sila ni Katie..botong boto na talaga ako :) . . *hingal hingal nagtatakbo kasi ako sa hagdan..malelate na ako eh! gustuhin ko man sumakay sa elevator eh siksikan na masyado -_- kaya ayun.. . . *lakad lakad.. . . O______O . . "Hoi babae ka! Dalwang beses mo na akong binabaan ng telepono ah! problema mo huh?!" si Bryle?! anu namang ginagawa niya dito?! nakatayo sya dun sa may pinto ng classroom..sarado na yung room eh! meaning nagsstart ng ang class! patay ako neto! "Eh sa wala kang kwentang kausap eh!"

"Aba at ako pa?! pinasundo na nga kita ah?! tapos tinakasan mo pa yung driver ko! pinili mo pang magpakabasa sa ulan?! anu na naman bang pumasok sa utak mo?! tatanga tanga talaga to!" haay eto na naman po kami -_"Eh sa traffic eh..bumaba ako ng jeep kasi ayokong malate..tas naulan pa.." "Eh bakit ka nga basa?!" "Eh naulan nga diba?! bobo..amps" "I mean, wala ka bang payong?!" "Wala.." "Wala daw! sinungaling! sabi ko na nga ba at magsisinungaling ka eh! binigay mo yung payong mo sa isang pulubi sabi ni Tommy! takte,,anu ka ba naman?! wala ka ba talagang utak?!" tss nakarating na pala agad sa kanya -_"Eh sa naawa ako dun sa pulubi eh. Bata pa sya..mabilis siyang magkakasakit kung magpapaulan siya.." "At ikaw?! hindi ka magkakasakit?! ang hilig mo din magpaulan no?! haay..lage na lang bang iba ang iisipin mo bago ang sarili mo?!" "Eh sa naawa nga ako eh! pakiala--" Natigilan ako..eh kasi naman..akala ko babatukan na niya ako dahil sa ginawa ko pero..iba yung ginawa niya.. . . O//////.//////O yung kamay niyang inalis niya sa bulsa niya na akala kong ipang babatok niya sakin,, Ayun..may hawak na panyo, panyong IPINUPUNAS NIYA NGAYON SA BASA KONG BUHOK

AT MUKHA.. "Haay..wag ka ng makipagtalo. Nami naman eh, pag nagkasakit ka, sinong mag aalaga sayo?! mag-isa ka lang sa bahay mo ah. Haay..bobo talaga neto eh.." -pinagmamasdan ko yung mukha niya habang sinasabi niya yun, seryoso yung mukha niya. Ngayon ko lang nakita yung expression na yun sa mukha niya, hindi siya galit, yung expression niya parang katulad nung expression ni dad pag nag alala sakin seryoso pero puno ng pag-aalala..nag-aalala siya sakin?! "Hoy, bakit ganan ka makatingin sakin?!" aw..napansin pala niyang nakatingin ako sa kanya.. "Eh ka--kasi ku-kung magsalita ka..akala mo tatay kita! ta-tapos may pu-punas effect ka pang nalalaman dyan" napatungo na lang ako habang sinasabi yun..eh kasi naman..namumula na ata ako.. Bkit ba kasi ako ganito ngayon towards him?! why?! His slightest touch, even just the sight of him makes my heart thump..bakit?! -_"Heh! dapat nga mag thank you ka na lang at pinupunasan ka pa! tss..abno..sige ikaw na nga lang ang magpunas sa sarili mo!" sabay hagis niya sakin nung panyo! bwisit na to ah! "Tss..k..geh umalis ka na nga dyan sa may pinto..late na ako kasi hahara hara ka dyan!" "Aba, ako pa ang may kasalanan ng pagkalate mo?! sige pumasok ka na! Walang utang na loob na babae! Ikaw na nga tong inaalala, ikaw pa ang masungit! bahala ka sa buhay mo!!" Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at dinaanan ko na lang siya. Wala din namang sense kung makikipagtalo pa ako. Bukod sa malelate na ako eh wala na akong lakas para makipagtalo pa. Iba na kasi tong nararamdaman ko, sobrang bilis ng puso ko..naiinis ako na parang natutuwa. Ewan! "Hoy bakit mo ako hinigit?!" eh kasi pag daan ko hinigit niya ako eh! problema ba neto?! hindi

ba niya maintindihang ayoko muna siyang makita?! nanghihina ako, anu ba?! -_"Hubadin mo nga yang jacket ni Tommy!" alam niyang jacket ni Tommy to?! "Bakit ko naman huhubadin?! hindi naman to sayo ah?!" "Basta hubadin mo sabi!" "Eh ayoko nga eh!" pilit niyang hinuhubad sakin yung jacket "Hubadin mo sabi!" at ayun, nahubad niya rin sakin..ang lakas eh! problema ba niya?! "Bakit mo ba hinubad?! hindi naman sayo yan eh! malamig kay--" natigil na naman ako ng pagsasalita dahil sa sunod niyang ginawa,, O//////.///////O Hinubad niya yung suot niyang jacket.. Tapos.. SINUOT NIYA SAKIN!! >////////.///////< Bakit ganun?! nung si Tommy ang nagsuot ng jacket sakin, hindi naman ganito ang pakiramdam ko ah?! sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko..sobrang bilis na parang ang sakit na pero ang sarap sa pakiramdam..ewan ko pero ang init..parang nawala bigla yung lameg.. "Gusto ko jacket ko ang isusuot mo. Jacket ko lang intindi?! Ako lang ang poprotekta sayo, ako lang dapat Nami. Selfish ako eh kaya sorry ka na lang.." waaa? p-protekta daw?! aanung ibig niyang sabihin?! "Ahm anu yan?!" bigla kasi siyang may inihayang P.E. uniform..kanya ata yun eh..may pangalan kasi niya.. "Engot ka ba?! edi P.E. uniform ko!"

"Oh? anung gagawin ko dyan?!" "Tss..bobo talaga! haay! edi isuot mo! diba may P.E. ka ngayon?! sinira ko yung jogging pants mo diba?! kaya eto muna gamitin mo habang hindi pa nadating yung pang P.E. na inorder ko para sayo.." "Teka bakit ang bait mo ata ngayon?! mamamatay ka na ba huh Bryle?! may sakit ka ba?! wag mong sabihing may cancer ka?!" *boink binatukan niya ako! brutal neto! kanina lang ang bait niya tapos..tss "Tanga..mamatay ka dyan! hindi ako mabait! naaawa lang ako sayo kasi bobo ka! tss..dyan ka na nga.." Ayun hinagis na niya lang sakin yung P.E. uniform niya..at lumakad na palayo.. Naiwan lang ako dung nakatulala..pinagmamasdan ang likod niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko.. Bakit ang bait niya ngayon?! Bakit siya nag-aalala sakin?! Akala ko pinuntahan niya ako para lang pagalitan ako pero it turns out na gusto niya lang malaman kung ok ako. He even thought about the P.E.uniform thing. Si Bryle ba talaga yun?! siya ba talaga?! Kung siya yan, sana naman wag na siyang maging ganan! Wag na siyang maging mabait at wag na siyang maging concern sakin! Sana awayin na lang niya ako ulit at sirain yung araw ko! Kasi pag nagpatuloy siya niyan.. pag nagpatuloy siya..Baka mawalan ako ng trabaho. Baka mabreak ko yung rule..yung rule na akala ko hindi na kailangang isali. Waaaaaaaaah! pero hindi naman ako matutuluyan diba?! tss.. Parang eto lang? Eh anu kung bumait siya ng konti?! masungit parin naman siya ah?! wala

parin naman siyang modo ah?! hindi parin naman siya gentleman ah?! Tama, wala lang to..hindi ako matutuluyan.. Hindi siya yung tipo ng lalaking magugustuhan ko. Impossibleng mainlove ako sa kanya! Impossible! Although something inside of me seems to contradict myself.. . . . Haaaaaaaay sa wakas uwian narin.. Lumipas ang mga subjects na wala akong naiintindihan. Masama kasi ang pakiramdam ko. Nahihilo na ewan, napagod pa ako sa P.E. kanina.. Ang init ng katawan ko tapos nagluluha na ata yung mata ko. Idagdag mo pa yung frustration ko dahil sa pesteng Bryle na yun! Wala tuloy akong naintindihan ngayong araw tapos absent pa si Katie kaya wala akong kasama..haaay,,malas -_. . *riiiiiiiiing *riiiiiiiiiiing Si Bryle na naman?! waaaaaaah..tama na naman! Hindi ko na nga malaman kung anu tong nararamdaman ko eh, pwede bang tigilan mo muna ako?! Ang sama na ng pakiramdam ko oh?! literally, nanghihina na talaga ako.. "Oh? anu na naman?! yung jacket mo ba? bukas ko na lang ibabalik! pauwi na ako eh,," "Hindi yung jacket ang inaalala ko..naulan ah?! may klase pa ako eh kaya hindi kita maiihatid,,pero pinapunta ko na si Manong Eddie..andun na sa parking lot..Nami sumabay ka

na dun huh..pag tumakas ka patay ka sakin!" "Haaay..o sige na nga..sasakay na nga po ako.." "Sige..geh bye may klase na ako,," "Sige.." . . Kaya nga eto,,napasakay tuloy ako sa kotse,,lalong sumama yung pakiramdam ko eh! nahihilo na talaga ako! at ang init na ng pakiramdam ko! Pagtigil nung kotse sa may condominium.. "Mam, ok lang po ba kayo?! parang namumutla kayo eh?!" tanong sakin nung driver ni Bryle nung buksan niya yung pinto "Ok lang po ako manong..nahihilo lang po talaga ako sa kotse.." "Pero mam mainit po kayo ah.." bigla niya kasi akong hinawakan sa noo "Sinat lang po siguro..kaya ko na po ang sarili ko..ok lang..sige salamat,," "Nako sasabihin ko na lang po kay sir Bryle.." "Nako wag na po. Wag niyo na pong sabihin sa kanya..papagalitan lang ako nun eh..huh manong?!" "O-osige po..sabi niyo eh..geh bye mam.." . . Nakakahilo naman dito sa elevator..ang tagal pa bago makarating sa 10th floor! nanlalabo na

ang paningin ko eh! sobrang init! haaay.. *ting..sa wakas nakadating na din ako sa 10th floor.. . . *lakad lakad . . Parang hirap na hirap na ako sa paglalakad pa lang papunta sa room ko ah?! haay..hinang hina na talaga ako., . . Kinuha ko na yung susi sa bulsa ko para buksan na sana yung pinto ng condo. Nanginginig yung kamay ko! Nanlalabo pa ang paningin ko! Hindi ko maisuot yung susi sa pinto..umiikot na ang paningin ko.. . . Unti unti ng nanlalabo ang mata ko.. . . May narinig ako boses ng lalaki..May lumapit na lalaki sakin pero hindi ko na maaninag ang mukha. Lumabo na ng lumabo ang paningin ko.

Hanggang sa.. . . TULUYAN NA AKONG NAWALAN NG MALAY..

CHAPTER 15.5- One Rainy Day (part 2) NASH's POV Aray..ang sakit ng ulo ko.. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nakakasilaw yung ilaw! Malabo pa ang paningin ko..ang init ng pakiramdam ko. May napansin akong gumagalaw sa tabi ko. Parang figure ng isang lalaki.. Waaaaaaaaaaah! wag mong sabihing?! Papalapit na sakin yung lalaki. Hindi ko pa masyadong aninag ang mukha niya pero I'm sure na hindi siya si Bryle. Nagkunwari na lang akong tulog parin. Naramdaman kong tumuon siya sa kama. Wag mong sabihing gagahasain ako neto?! Pakiramdam ko lalapit na yung mukha niya sakin! . . *silip nakabukas lang ng konti yung mata ko..

Nakita ko yung mukha niya sa ibabaw ko, although medyo malabo parin. Magkatapat mukha namin, parang may ilalagay syang towel sa mukha ko! Anu yun? may pampatulog?! . . ilalagay na niya . . Konti pa.. sige lapit pa.. . . . *boogsh! "Aray miss! anu ka ba?! ang sakit!" sigaw nya habang hawak hawak yung noo nya ni head bat ko kasi siya! diba magkatapat yung mukha namin?! bumangon ako with full force para iuntog yung ulo ko sa ulo niya! nakatalikod siya ngayon sakin.. "Buti nga sayo! Anung gagawin mo sakin huh?! kinidnap mo ako tapos anu? gagahasain mo ako?!" tiningnan ko yung katawan ko na nasa ilalim ng kumot, may damit pa naman ako...woosh..buti na lang..hindi pa ako nagagahasa! buti na lang! Humarap na siya bigla sa akin.. Waaaaaah..teka, ang gwapo..promise..nakakatulala.

Pano ko ba idedescribe? maputim matangos ang ilong, parang may lahi, ang ganda ng mata, ng labi..ng katawan! lahat na! Tao ba siya?! mukha kasi siyang prince, mukhang supermodel, mukhang manikin, parang hindi totoo! As in, super gwapo! parang edited sa photoshop!..grabe! "Anu? sa itsura ko bang to sa tingin mo gagahasain kita?! huh?! Eh sa itsura mo ngayon parang ikaw ang may gustong gahasain ako eh! haha" bigla akong natauhan nung sinabi nya yan "Ang kapal mo naman!so kung hindi ka rapist, bakit ako nandito?! nasan ba ako?!" Lumapit siya bigla sakin! waaah! nakakasilaw na kagwapuhan! Umakto akong parang mangangarate! Eh kasi naman mamaya kahit gwapo to, baka manyak parin pala, mabuti ng sigurado. "Wait wait miss. Wala akong gagawin sayo. Haha! Hihipuin ko lang yung noo mo!" "At bakit mo hihipuin ah?! gusto mong masuntok?!" "Hahahaha.Nakakatawa ka. Titingnan ko lang kung may lagnat ka pa. Kaya ako nasa may ibabaw mo kanina kasi pupunasan kita ng malamig na tubig para bumaba yung lagnat mo!" huh?! pupunasan?! Ow..I remember. Masama ang pakiramdam ko kanina! Sobrang nahilo ako tapos..I collapsed. I remember seeing a guy na papalapit sakin, siguro siya yun! "Ah..eh teka bakit ako nandito? isa pa sino ka?!" naguguluhan parin ako pero this time binaba ko na yung pangkarate kong position "Nandito ka ngayon sa condo ko. Eh kasi kanina nung papasok ako ng condo, nakita kita. Pilit mong pinapasok yung susi dun sa pinto ng condo mo kaso hindi mo maipasok kasi nanginginig ka. That's why you caught my attention. Nilapitan kita so I could ask you what's

wrong with you but even before I could reach you, you fell on the floor. Wala ka ng malay, hindi ko alam kung anung gagawin ko sayo, naisip kong wala akong karapatang pumasok lang basta sa condo mo kaya naman naisipan kong dalhin ka na lang dito sa condo ko. You understand now right?! haha,,hindi ako rapist miss.." "Ah, eh..so..ga-ganun pala ang nangyari?! you were actually helping me?!" aray, tapos hineadbat ko pa sya! nakakahiya "Yeah" nag nod lang siya "Nako kuya sorry talaga! Sorry! Nakakahiya! Tinulungan mo lang pala ako tapos sinaktan pa kita! nakakahiya..sorry talaga sorry.." "Ahahaha, ok lang. You're funny, akala ko nga bugbugin mo na ako eh..haha. Pero wag mo na akong tawaging kuya, dyan tayo magkakagalit.." "Huh? eh anung itatawag ko sayo?!" "TJ, just call me TJ.." "Bakit TJ?" "Short for Tristan Jarred. I'm Tristan Jarred Silvero. Nice meeting you ahm, whats your name?!" "Ahm, Nami Shanaia San Jose, Nash na lang. Nice meeting you too..kahit na parang hindi nice ang paraan ng meeting natin, hehe..masakit pa ba ulo mo?!" "Medyo..haha. Ang lakas mo eh! May sakit ka pa niyang lagay na yan huh?!" "Ehehe akala ko kasi talaga rapist ka eh. Anyway so dito ka rin sa condominium na to?!" "Yeah, magkatapat tayo ng condo." "Ah ganun?! great..ahm kailangan ko ng umalis. Kukuhanin ko na tong mga gamit ko tapos

aalis na ako. Masyado na kitang naabala." "Wait! pinagluto na kita ng pagkaen. Isa pa kaya mo na ba ang sarili mo?! Medyo mainit ka pa eh.." "Nako wag na no. Nakakahiya na masyado. Ka-kaya ko ng tumayo, magkatapat lang naman ang condo natin. Kaya ko ng pumunta dun." "Pero pinagluto na kita, isa pa baka tumaas pa yang lagnat mo. Magpahinga ka na lang muna." "Wag na no. Alis na talaga ako. Sige bye. Thanks TJ!" dali-dali na akong umalis dun sa condo niya.. kahit na medyo masakit parin ang ulo ko. Nahihiya kasi ako. Pagkatapos ko siyang saktan, at abalahin, kakaen pa ako dun?! sobrang kapal ko na naman ata nun! . . . Pagpasok ko ng condo.. *groooooooooowl Aw..yung tyan ko nagwawala na. Eh kasi naman, hindi na nga ako nakapagbreakfast, hindi padin ako nakapag lunch kasi may tinapos pa akong project. 6:30 pm..haay..magluluto pa ako. Ang sama parin ng pakiramdam ko..hinang hina ako eh. Magluluto na lang ako ng hotdog.. Bubuksan ko na yung gasul.. *pihit

Ayaw bumukas, ang hina ko kasi. Hindi ko mabuksan! gutom na ako! T_T bumukas ka na! *pihit here *pihit there T__T ayaw talagang bumukas..huhu..kelangan ko ng kumaen! Aha! canned goods na lang uulamin kom yung corned beef pwede na namang hindi lutuin yun eh! Kinuha ko si corned beef.. Aray, hindi rin pala ako nakabili ng abrelata! Naman oh! Kabobohan ko talaga! huhu! gutom na ako eh! anu ba! huhu! dapat kasi tinanggap ko nlng yung offer ni Tj na dun ako kumaen eh! ah ah naman! mamamatay na ata ako sa sobrang gutom! T__T --------------------------------------------------------------------------------------------TJ's POV Nandito ako ngayon sa kitchen, nagluluto parin. Hahaha, naalala ko parin si Nash( if i remember it right..yun yung name niya..) Ayos din yung isang yun eh. Ang sakit nung pagkakauntog niya sa ulo ko ah! Ibang klase! may sakit na siya nun, pero haha..interesting.. Most girls, lumalambot na agad pag nakita ang mukha ko. Umaabot pa sa point na hinaharass nila ako, pero sya? Although nakita ko sa kanya that she's somewhat stunned by my looks, all of a sudden she acts normal. I don't know, but that thing about her makes me really want to know her better. Kamusta na kaya yun?! may lagnat pa siya eh. Basta na lang umalis eh. .

. . Tapos narin ako sa niluluto ko. Napadame tuloy, pang dalwang tao ang niluto ko eh..tsk. Sayang naman to.. *ding dong Narinig ko yung doorbell. Who could that be?! baka si Sophia na naman to! -_- Hindi na siya nagsawa eh, she's my ex na hindi makaget over sakin. Gabi-gabi niya akong pinupuntahan dito. . . Tiningnan ko muna yung butas sa pinto para makita ko kung sino. And guess who?! Hindi si Sophia! Si Nash! :) Bilis bilis kong binuksan yung pinto.. . . "Ah..anu kasi, nakakahiya man, pero pwede bang pakaen ako. Ah eh kasi hindi ko mabuksan yung gasul tapos wala naman akong pang bukas ng delata, mamamatay na ako sa gutom at sobrang hilo." nakatungo niyang sabi..haha..she's cute "Hahaha sabi ko naman kasi sayo eh dito ka na lang kumaen! Kanina ko pa nga din iniisip kung pano ko mauubos tong mga niluto ko eh! You're just in time! Sige tuloy ka!"

"Ok lang talaga?!" namumula pa siya..haha "Ou naman no..tara.." nagpunta kami sa kusina . . "Wow! Grabe ang galing mo naman magluto. Talagang may presentation pa, parang laboratory lang namin sa culinary eh.." manghang mangha siya dun sa food na nakahaen, may plating pa kasi eh. Kung hindi niyo naitatanong I'm a chef, nakaugalian ko na lang magserve ng food na may artistic style. "May culinary ka?!" tanung ko "Yep..Hrm student ako!" "Nice! ako chef ako!" "Kaya naman pala eh! ang galing mo! waaah! alam mo bang super idol ko ang mga chef?!" "Talaga?! so idol mo na ako?!" "Ou idol na kita! waaah. Pwede ko na bang tikman? pero parang nakakahinayang kainin..masyado kasing maganda.." "Hahaha anu ka ba? pagkaen yan no! kung hindi mo kakainin, edi sayang lang diba?! sige na kainin mo na.." "Hehe ou nga no?! Sige titikman ko na!" una niyang tinikman yung soup na ginawa ko, seafood yun O________O nanlaki yung mata niya Tapos bigla siyang naluha! Masama ba yung lasa?!

"Hoy Nash, bakit? masama ba ang lasa huh?! anu?!" . . "Ang sarap! grabe Tj ang sarap ng soup mo! sobrang sarap! naluluha ako sa sarap!" This is the first time na may gantong reaction akong natanggap mula sa tumikim ng mga niluluto ko. Maraming nakakaappreciate at nagppraise sa mga luto ko but not to the point na sisigaw tapos mangiyakngiyak na! haha..ang sarap sa pakiramdam! "Akala ko hindi masarap kaya naiiyak ka na eh, pinakaba mo ako." "Haha sorry huh?! nasarapan lang kasi talaga ako." "Kung ganun kumaen ka pa. Tikman mo naman yang chicken, masarap yan.." "Ou nga mukhang masarap. Sige titirahin ko na to!" at ayun kinamay na niya yung manok Haha nakakatuwa tong babaeng to. Kakaiba, I mean she's real. She's not perfect nor is she trying to be perfect. I think that's the best thing about her. Iba sa mga babaeng nakakasalamuha ko araw araw na wala ng ginawa kung hindi magpaganda sa harapan ko. "Anu masarap?!" "Hindi.." sabi nya "Huh?! aray..ganun b--" "Hahaha..hindi lang masarap! sobrang sarap!" "Ikaw talaga! kala ko tlga hindi ka nasarapan eh! " Ang kulit niya. I don't know kung bakit pero kahit na kakakilala ko palang sa kanya, I'm too comfortable being around her. "Oh wag ka namang tumingin lang dyan! kumaen ka rin no! Nakakailang kayang kumaen

kung may nakatitig sayo! Chef Tj ansarap mong magluto! The best! " "Masyado kasi akong natutuwang pagmasdan ka, busog na ako pagtingin pa lang sayo!" "Cheesy! haha! Hindi bagay sayo chef!" "Hindi ba? aw..epic fail!" "Ahaha! Gwapo ka na kasi. Hindi mo na kailangan ng mga cheesy lines, ngumiti ka lang ayos na eh." "Like this?!" tapos ngumiti ako. "Yeah, oh diba?! Yummy ka na! haha! pero mas masarap parin sayo tong mga pagkaen sa harap ko kaya sorry ka na lang chef!" "Ahahaha..ikaw talaga. Bakit ba chef ka ng chef?!" "Chef na lang itatawag ko sayo huh?! chef Tj!" "Nye..wag na.." "Eh sige na! sige na! please?! :)" "May magagawa pa ba ko? tss..sige na.." "Yehey! chef Tj! " sabay subo siya ng pagkaen, para siyang bata,,haha! Angbabaw ng kaligayahan. Kumaen lang kami dun..tapos usap usap.. "Ah chef pwede bang turuan mo akong magluto pag free ka?!" "Ou ba!" "Talaga?! sige huh sabi mo yan!" "Ou naman no. You are always welcome. Gusto mo nga dito ka na kumaen lage eh!"

"Hahaha nako sige ka, baka nga dito na ako kumaen lage!" "Ahahaha! baka naman maging baboy ka na nyan,," "Ayos lang busog naman" sabay *buuuuuuuuuurp!* dumighal sya "Ahahahahahahaha..hindi nga halatang busog ka!" "Ikaw kasi eh ang sarap mong magluto!" "Matakaw ka lang sabihin mo!" "Hindi ako matakaw! Masarap lang talaga kumaen! Pagkaen ang dapat sisihin!" "Pagkaen talaga ang sinisi..kakaiba ka talaga!" "Hehe! basta huh chef, tuturuan mo ako." "Ou nga ang kulit mo. Ai teka, para malaman mo kung kelan ako free at kung kelan ka din pwede, pwede makuha ang number mo?!" "Teka pagiisipan ko huh.." huh? Actually ngayon lang ako nanghingi ng number ng isang babae, wag mong sabihing marereject pa ako? . . "Kung ayaw mo ok la--" "Ahaha! Anu ka ba?! Niloloko lang kita! Seryoso ka naman masyado eh! Syempre naman ibibigay ko! Sino ba naman ako para tumanggi! Ako na nga tong nahingi ng favor eh!" woooh..buti nman Ayun..binigay na niya sakin yung number niya. Ang saya, ganito pala yun. Mukang tama nga

ang mga kabarkada ko. Now I understand kung bakit hirap na hirap silang kunin ang number ng taong gusto nila at kung bakit halos magtatalon na sila sa tuwa pag nakuha na nila yung number nung babae. In my case kasi hindi ko na kailangan hingin yung number ng babae eh, binibigay na nila sakin without me even asking for it. Alam kong mabilis to pero I really find this girl interesting. Eto ba yung love at first sight na sinasabi nila?! Although hindi pa naman to love, at hindi naman mukha nya yung nagustuhan ko. Her personality stole my heart away in seconds. Eto na nga siguro yun, sabi nila once tinamaan ka, malalaman mo na lang yun. Kasi literally, pakiramdam mo talaga may kung anung tumama sayo. At mukhang tinamaan na nga ata ako.. This instant, I think I found what I've been always searching for. Yung babaeng makakapagpatibok ng puso ko. Ang problema lang hindi ako marunong manligaw. Kailangan ko ng mag-aral manligaw! Its a good thing na I'll get to meet her after this. Tuturuan ko siyang magluto! Who would have thought na magagamit ko pala ang talent ko in my own benefit? . . Pagkatapos kong makuha ang number nya, she bid me goodbye. Hinatid ko na siya sa may pinto. Ayoko pa sana syang paalisin, gusto ko pa syang makasama at makausap ng mas matagal tsk. Malma na talaga ang tama ko kahit kakakilala lang namin? anu ba yan?! How could you be like this over a girl Tj? It's has only been a day, and now you're going crazy about her? What's wrong with me?

--------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV 6:00 pm.. Kakadating ko lang sa bahay. Nakakatamad. Ang lakas ng ulan. Sabi ni manong eddie nagpahatid naman daw sa kanya si Nami. Buti naman. Akala ko tatakasan na naman ni Nami yun eh. abaeng yun talaga, ang sakit sa ulo eh. Pagkatapos niya akong puyatin dahil dun sa sinabi nyang hindi mawala wala sa isip ko pati yung kiss sa forehead! Nagkaeyebags na nga ako kasi hindi ako makatulog dahil sa kaiisip dun tapos sinungitan lang ako?! Ilang beses akong binabaan ng telepono tapos inaway pa ako. Ibang klase talaga! Akala ko pa naman medyo nagugustuhan na nya ako! Tss. . . . 6:30pm.. Nandito na ako sa kwarto, hindi ako mapakali. Parang gusto kong kausapin si Nami. Nabanggit kasi sakin kanina ni Manong Eddie na parang masama daw yung pakiramdam ni Nami. Ayaw pa nga daw ipasabi sakin eh! Babaeng yun talaga! Eh kung may mangyari sa kanya? Teka, anu nga bang pake ko?! Nag-aalala ako?! ASA! Ganito lang ako, kasi syempre diba, gastos lang yun kung maoospital pa siya. Isa pa, pag nagkasakit siya, obligasyon ko pang alagaan siya kasi syempre magtataka si tanda kung hindi ko siya aalagaan. Kaya sarili ko lang parin ang iniisip ko athindi si Nami. Wala akong

pakialam kay Nami. Wala! . . . Hindi ko na talaga kaya! Tatawagan ko na si Nami! Pano kung mangyari na naman sa kanya yung last time na naulanan siya, yung nawalan siya ng malay. Pano na?! Kaya tinawagan ko na siya.. damn! patay yung cellphone niya! Nami! Anu ng nangyari sayo?! Hindi ako mapapalagay nito eh! . . . "Sir, saan po kayo pupunta? gabi na ah?! tapos umuulan pa. Ihahatid ko na lang kayo sir." "Pupuntahan ko si Nami. aka kung anu ng nangyari dun. Patay yung cellphone niya. Kung yang kotse ang gagamitin ko baka matagalan pa ako. Eto na lang motor. Wag mo na lang sasabihin kay lolo.." "Pero sir naulan.." "Mas mahalaga si Nami. aka kung anu ng nangyari dun. Kaya hayaan mo na lnag ako.." kaya ayun bilis bilis ako sumakay sa motor kahit naulan, wala akong pakialam..nakajacket naman ako eh..ok na to..I don't want to waste time.. .

. . Andito narin ako sa wakas sa condominium.. *ting as soon as bumukas na yung elevator tumakbo na agad ako papunta sa room ni Nami.. . . . At hindi pa man ako nakakapasok sa condo niya.. . . Nakita ko na siya, ok naman pala siya.. . . Ok na ok pa nga eh. Kakalabas lang niya mula sa condo na katapat nung condo niya, WITH ANOTHER MAN! dammit!! Bakit ganito?! I feel betrayed. Alam kong hindi totoong kami pero..I feel really betrayed! Parang gusto kong manuntok, parang gusto kong patayin yung lalaking kasama niya sa may pinto!! .

. Lumakad ako papalapit sa kanila, total nandito narin naman ako. . . "Bryle?! anung ginagawa mo dito? bakit basang basa ka?" gulat na gulat niyang tanong "Pumunta ako dito kasi akala ko kung anu ng nangyari sayo, pero mukang ayos ka naman eh. Nakuha mo pa ngang manlalaki. So much for getting wet in the rain para lang makita kung ok ka." "Bryle Stanford?!" umimik yung lalaking kasama ni Nami Ngayon ko lang napansin, kilala ko to eh. Ito yung taong kinaiinisan ko kasi lage na lang niya akong natatalo, pati ba naman kay Nami talo rin nya ako?! nakakabwisit! "Yeah..Tj right?!" "Buti tanda mo pa. Your grandfather gave me this condo since I'm his favorite chef. So you happen to know Nash?!" aba at nakiki nash na sya huh?! kailan pa sila naging close?! gagong to ah! . . *boogsh sinuntok ko sya "She's my girlfriend idiot! Tandaan mo yan! Talunin mo na ako sa ibang bagay pero sinasabi ko sayo hindi ako magpapatalo pag dating sa kanya. Akin lang si Nami! Akin lang siya!" tapos hinigit ko na si Nami, naiwan yung Tj dun na nakaupo sa sahig, napalakas ang suntok ko eh

dugo yung labi nya, buti nga. Ang tagal ko na syang gustong suntukin. Ang yabang! . . "Bryle! anu ba?! nasasaktan ako! Bakit ka ba galit na galit huh?!" -Nami "Bakit?! bakit Nami?! Alam mo bang halos lumipad na ako para lang makarating dito sa sobrang pag aalala sayo?! Nagpakabasa na ako sa ulan at lahat lahat, nagtatakbo para lang makarating dito, para siguraduhing ayos ka lang tapos madadatnan kitang kakalabas lang sa condo ng isang lalaki?! and worst dun pa sa Tj na yun! Nasa rule yan Nami ah! awal kang makipag relasyon sa iba! Ngayon tinatanong mo ako kung bakit ako galit?! huh?! bobo ka talaga!" "Wala akong ginagawang masama! Hindi ko binreak yung rule! Grabe ka naman, sinuntok mo pa yung tao! Masyado ka namang padalos dalos! Wala namang ginagawa sayo yung tao eh! Kung sakin ka galit, wag kang mandamay ng iba!" "Wow! wow Nami! at ipanagtatanggol mo pa siya! Ako pa ang mali?! Anu na bang meron kayo huh?! sabihin mo!" "Wala! wala sabi! Nakita lang niya ako kanina nung nawalan ako ng mal--" "Tama na. Wag ka ng magpaliwanag. Nakangiti ka pa sa kanya nung lumabas ka sa condo niya, yung tingin niya sayo, just by the look of it at with me seeing it in front of me, hindi ko na kailangan ng paliwanag mo..alam ko na.." "Pero Bry--" "Wag mo na muna akong kausapin Nami. Mainit ang ulo ko. Hindi ako nananakit ng babae kaya wag mo muna akong kausapin kasi baka masaktan kita."

"Bry--" "WAG MO MUNA SABI AKONG KAUSAPIN!!!" napasuntok na lang ako sa may pader Galit na galit ako. Gusto kong magwala. Wala na akong naiintindihan. Hindi ko alam kung anu to pero parang binibiyak yung puso ko. Wala na akong matinong maisip! Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Natakot siguro, ngayon lang ako nagkaganito sa harap niya eh. Iniwan ko na lang sya dun na nakatulala. Lumakad nlng ako palayo. Pupunta na lang ako sa tambayan namin nila Tommy, sa bar. Magpapakalasing, manununtok, magwawala, kahit anu,,basta gusto kong mailabas lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ilabas lahat!

CHAPTER 15.9- One Rainy Day (what happened after) NASH's POV Ba-bakit?! anu bang...anu bang nangyari?! Anu bang ginawa ko sa kanya?! Bakit galit na galit sya?! Ngayon ko lang sya nakitang ganun..NAKAKATAKOT. Haay...anu ba kasing ginawa ko?! Ang gulo naman kasi niya eh! Kinagalet na niya agad yung paglabas ko sa condo ni Tj?! Bakit?! Kung totoo ko syang boyfrend, maiintindihan ko pa eh, kaso hindi naman diba?! Imposible namang NAGSESELOS siya diba?! Impossible. Well then bakit?! haaaay! hindi ko na alam ang gagawin ko! . . "Nash!" natauhan ako bigla, nakalimutan ko si Tj! Nako isa pa tong problema eh..nakakahiya.. Hineadbat ko na nga siya kanina, nakikaen pa ako tapos, nasuntok pa siya ni Bryle! hanuba

naman!! "Ah nako Tj..pasensya na huh..masakit ba?!" tapos hinawakan ko yung may tabi ng labi nyang medyo nagdudugo parin..tss..Bryle na yun kasi, basta basta nlng nanununtok! kawawa naman tong si Tj! "No..ok lang Nash. Sanay na ako sa kanya. Mainit na talaga ulo nun sakin kahit nung highschool palang. Wala to, wag ka mag-alala.." "Pero--" "Ok nga lang! magpahinga ka na lang, may sinat ka pa." "Eh wala lang tong sinat na to tara sa condo ko..gagamutin ko yang sugat mo sa labi.." "Wag na..ok lang.." "Hindi ok. Hindi ako makakatulog pag hindi ko ginamot yan sige ka." "ahala ka nga. Pero teka hindi mo ba siya hahabulin? yung boyfrend mo?!" hahabulin ko si Bryle?! tss.. Eh wala naman ako kasalanan eh! sya ang makitid ang utak! Isa pa nakakatakot itsura nya,no way na hahabulin ko sya! bahala sya! "Hayaan mo na lang yun. Mainit pa ulo, paghinabol ko yun wala ding mangyayari." "Ganun ba?! ok..sabi mo eh.." "Sige tara na sa condo ko.." "ok.." Ayun pumasok na kami sa condo ko..Nandito kami ngayon sa kitchen.. Kumuha ako ng ice at binalot yun sa tela tapos pinupunas ko ngayon sa may labi niya.. .

. "Magkakilala kayo ni Bryle?!" tanong ko "Oo, galing kami sa parehong school. 1st year highschool si Bryle, 3rd year highschool ako.." "Sa Stanford University?! dun ka nag high school?!" "Yep.." "Eh san ka nag-aaral ngayon?!" "Graduate na ako.." "Huh?! parang ang bata mo naman ata?! bakit ang bilis?!" "Yeah i know..4th year college palang dapat ako ngayon but since accelerated ako..thats why.." "Wow, so hindi ka lang pala gwapo chef, matalino ka pa! grabe! ang swerte naman ng girlfriend mo!" "Wala akong girlfriend.." "Huh?! weh?! niloloko mo lang ako! Sa itsura mong yan..nako imposible.." "Wala nga..well nagkaron ako ng pailan ilan dati kaso, hindi rin nagtatagal lahat.." "Ganun?! sayang naman..bakit ganun?!" "I just haven't found her yet, the right girl for me. Ah wait, mali pala..I thought I just found her kaso taken na pala..kanina ko lang nalaman.." "Talaga?! aray naman. Nalaman mong taken na yung gusto mo kanina lang tapos nasuntok ka pa..tsk..sorry huh..dumagdag pa ako sa problema mo." "No..actually I'm glad we met. Isa pa, kahit naman nalaman kong taken na siya, hindi parin

naman ako susuko eh. Hindi pa naman sila kasal kaya baka may magagawa pa ako." "Haha. Ou nga no?! optimistic mo naman masyado! Sabagay magandang outlook yan sa buhay! Go lang, sa gwapo mong yan chef nako keribels mong maagaw yun no!" "Sa tingin mo?! pero hindi ba mali yung mang agaw?!" "Sa tingin ko lang huh, kung sakali mang maagaw mo yung babae, sa tingin ko hindi mo na kasalanan yun. Kasi kung mahal talaga nung babae yung boyfrend niya, hindi mo siya maaagaw. Kaya I think hindi naman masama yung plano mo, susuportahan kita chef!! agawin yang babaeng yan!" "You really think so?! susuportahan mo ako?! talaga?!" tapos super ngiti pa si chef! amps ang gwapo! magkakasala ako neto sa bf ko! ai teka, hindi naman ako magkakasala, as if naman kami talaga ni Bryle! -_-..masyado na ata akong nadadala sa pagpapanggap! "Ou naman! susuportahan kita all the way!" "Sinabi mo yan huh.." "Ou naman yes.." "Ayos, tumaas na ang confidence ko. Salamat Nash!" "No problem basta ikaw chef!" "Ow late na pala. I better get going." "Ai ou nga no?! ok..gud nyt chef.." "Gud nyt Nash." tapos ayun inihatid ko na sya sa may pinto . .

Ang gwapo tlga ni Chef! Anu kayang itsura nung babaeng gusto niya?! siguro diyosa yun. Sa gwapong yun ni chef diba?! Hmm..mas gwapo kaya yung bf nung babae kesa kay chef?! hmm.. well kung anu mang mangyari, basta susuportahan ko na lang si chef ! :) . . Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit, humiga na ako sa kama ko. Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko, pakiramdam ko makakapasok na naman ako bukas. Nagutom lang siguro ako kaya ako nawalan ng malay. . . 8:30 pm.. Hhindi ako makatulog! palipat lipat na nga ako ng pwesto eh pero hindi parin ako makatulog! Pano naman kasi, sa tuwing pipikit ako, yung itsura lang kanina ni Bryle ang nakikita ko. Anu yun?! nakokonsensya ako?! eh bakit naman ako makokonsensya?! eh wala naman akong ginawang masama ah?! sya tong padalosdalos! ni hindi man lang ako pinagpaliwanag! bahala siya sa buhay niya! asa pang mag sorry ako sa kanya! asa! . . 9:30pm.. Tss! ah ah naman! Hindi parin ako makatulog! Haay..ayaw akong tigilan ng konsensya ko eh. Basang basa siya kanina. To think na nagpakabasa siya sa ulanan para lang malaman kung ayos lang ako, mukang nag-alala talaga siya sakin. aka magkasakit yun. Haay..san kaya siya

pumunta?! Sana naman umuwi na siya, sana walang mangyaring masama sa kanya.. hindi ko alam ang gagawin ko pag napahamak siya ng dahil sakin..bobo pa naman yun! haaay.. anung gagawin ko?! . . 10:00pm.. Waaaah! grabe na to! Kanina pa ako nakahiga ah?! Nakaka 1000+ na akong tupa, wala paring epekto! Tawagan ko na kaya siya?! eh anu namang sasabihin ko?! isa pa hindi naman ako ang mali ah! pero pano pag nagkasakit siya?! teka pakialam ko naman kung magkasakit siya?! siya naman ang nagpakabasa sa ulan ah! siya naman ang nagkusa ah! pero he did that for me, nobody cared for me that much since dad died pero ..haaaaaaaaay!!! pride o konsensya?! waaaaaaaah! ang hirap naman! . . in the end.. hindi ko narin siya tinawagan.. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin. Kung may nangyari naman dun siguradong sasabihan agad ako nila Tommy. Isa pa masamang damo naman yun eh. Kakausapin ko na lang siya bukas. Pero kakausapin ko lang huh! Magpapaliwanag lang ako! Hindi ako magsosorry! Hindi talaga! ----------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV

"Akala ko ba pupunta si Bryle dito?! sabi niya magpapalit lang siya ng damit pag uwi natin diba?!" tanong sakin ni Steve, nasa bar kami ngayon.. "Pupunta na nga siya dapat..eh nagtxt sakin, may sakit ata si Nash..ayun pinuntahan.." "In love na ata si Byle dun huh?! pinuntahan talaga?!"- Third "Act lang siguro yun..syempre magtataka yung lolo niya kung hindi niya pupuntahan si Nash eh may sakit nga diba?!" "Sabagay. Hindi din naman kasi natin malaman kung naka move on na siya sa kanila ni Eli--" natigil si Steve pati pala kami ni Third at lahat ng nasa bar natigilan..may nagsusuntukan kasi sa tapat ng may entrance eh..at parang alam ko na kung sino yun.. . . . *boogsh! sinuntok ko yung isang lalaking susuntukin na sana si Bryle, nakatalikod si Bryle kasi may sinuntok pa siyang isa eh..kaya hindi niya nakita.. "Muntik ka na dun Bryle huh, mag thank you ka naman sakin.." "Bryle bakit basang basa ka?!" -Steve "Makikipagsuntukan ka ayaw mo kaming isasali..tss. Selfish, gusto ko pa naman ding makapagpractice sumuntok. Matagal tagal narin kasi akong hindi nakakasuntok..unfair -_-" Third Hindi sumagot si Bryle. Mukhang seryoso talaga sya. Kadalasan kasi kung trip lang niyang

makipagsuntukan pagkatapos nun magyayabang na yan kung ilan ang nasuntok niya eh. Kaso ngayon hindi, yung expression niya ngayon eh parang yung expression niya dati when he first got his heart broken. Pero, kanino naman siya broken?! Eh ang alam ko hindi na naman niya masyadong iniisip yung kanila ni....wag mong sabihing tama nga sila Third?! in love na ba siya kay.. *gulp.. Nash?! . . Naghawanan na yung mga tao sa paligid. Balik na ulit na parang walang nangyari. Yung mga kasuntukan ni Bryle kanina, napalabas. Amin kaya tong bar na to, syempre inutusan kong palabasin na yung mga yun. Kawawa lang kasi sila pag nanatili pa sila dito, baka kung anu pang magawa ni Bryle dun.. . . "Waiter isang case ng beer..tapos lahat ng pinaka nakakalasing niyong alak padala na lang dito sa table.." si Bryle yan Wat the? Hindi naman malakas uminom yan eh! Hindi nga yan makaubos ng isang beer kasi ayaw daw niya ng lasa tapos...anu bang nangyayari sa kanya?! "Bryle pare andame mo naman inorder, mauubos ba natin lahat yun?!" -Steve "Kung hindi niyo kaya, ako na lang uubos lahat..tss..laki ng problema mo!" -Bryle "Kailan ka pa naging malakas uminom huh?! wag mong sabihing heart broken ka na naman?!

ganan ka rin dati nung iniwan ka ni--" -Third *splank! Tinulak ni Bryle yung mesa at syempre naglalaglagan yung mga nakapatong dun. Iba siya ngayon, ayan na naman yung mga mata niyang yun. Kaparehas nga nung dati. "Wag mo na ngang banggitin yun Third! Napag usapan na natin yan ah! Hindi ako heart broken! Bakit naman ako magiging heart broken?! tss! dagdag ka pa sa init ng ulo ko eh! manahimik na lang kayo at uminom!"- Bryle . . Lumipat nlng kami ng table since makalat na dun sa pwesto namin.. Wala na munang umiimik.Hinayaan nlng muna namin si Bryle dun, nag inom na lang din kami. Pag nagtanong pa kami, pati kami bubugbugin niyan. Bakit kaya siya nagkaganito?! ewan ko lang..pero malakas ang pakiramdam kong konektado to kay Nash.. . . 11:45pm "Bryle..tama na yan! Tara na, ihahatid na kita pauwi.." hinihila ko na siya Bagsak na si Steve at Third pero siya inuubos parin yung natitirang alak. Hindi na nga lang ako masyadong uminom para may mag uuwi sa kanilang tatlo. "Uubushin ko lang to Tomme..hanukaba,,hik..huminom ka nga den..hik" haay..laseng na to..

"Hay nako..mukhang wala na akong magagawa, sige na nga.." uminom narin ako para maubos na agad yung alak..hindi kasi uuwi to kung hindi ubos yun..hay nako.. . . . "Yung Nami na yun! hik..nabbwisit ako sa Nami na yun!" bigla siyang nagsalita, Nami daw?! so tungkol nga talaga to kay Nash! "Bakit Bryle? anu ba talagang nangyari?!" "Ako..pumunta sa condo ni Nami. Nabasha pa ako hik..ng ulan..pero wala akong pake kasi hik..inaalala ko baka may nanyare na sa kanya..hik. kaso, ang nadatnan ko..hik..lumabas siya sa hik..condo ng ibang lalaki!" Huh? lumabas sa condo ng ibang lalaki?! si Nash?! pero sa tingin ko hindi naman siya ganung babae..kung totoo man yun, sigurado akong may dahilan si Nash.. "Bakit daw siya nandun? nakita ka ba nya?! anung sabi niya?!" "Nakita niya ako..hik..hindi ko na siya pinagpaliwanag. Kitang kita ko na naman eh..hik..kung pano siya ngumiti sa lalakeng yun..at kung pano sya tingnan nung lalaki..hik..taposh, ang mashama dun...yung lalake..si TJ Silvero pa! dammit!" tapos sumuntok sya nun sa table! Kaya naman pala galit na galit to lalo eh, si Tj pa pala. Inis na inis to dun eh. Si Tj kasi ang lageng nakakatalo sa kanya sa halos lahat ng bagay, mas mayaman lang sila Bryle pero kahit mismo sa mata ng lolo ni Bryle eh mas magaling si Tj kaya nga inis na inis si Bryle dun. "Pero Bryle, hindi naman totoong kayo ni Nash diba? pero kung umasta ka akala mo niloko ka talaga niya. Nagtataka lang ako, naiintindihan kong naiinis ka kay Tj, pero not to the point

na magkakaganyan ka. In love ka na ba kay Nash?!" *dug dug "Hahahahaha...in love? sa Nami na yun?! hahaha! nakakatawa ka Tommy! Hindi..hindi naman siguro..Ah eh sa basta na lang uminit yung ulo ko eh! siguro..umandar na naman yung pagkaselfish ko. Ewan ko ba Tommy pero..ayokong may ibang lalaking mapapalapit kay Nami. Ayokong may kaagaw ako sa atensyon niya, ayokong ngumingiti siya sa iba, ni ayokong tinitingnan siya ng iba! Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko maintindihan kung anung nangyayari sa akin, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang, pag dating kay Nami.. nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko, para bang yung utak ko ayaw ng sumunod sa gusto ko. Pag dating kay Nami para akong nabobobo. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang epekto sakin ng bwisit nababaeng yun! Hhindi ko tlga maintindihan! Sabihin mo ng! hindi naman ako in love sa kanya diba?! imposible naman kasi yun eh. Hindi naman ganun mga tipo kong babae diba? sakit lang siya sa ulo. Hindi nga marunong umastang babae yun eh! bobong Nami na yun! kaya paano naman ako maiinlove dun diba Tommy?!" "Hindi ko din alam Bryle..Hindi ko din alam.." Hindi ko alam ang isasagot eh sa totoo lang. Hearing what he just said, hindi ko din alam. Half of me hopes, sana nga hindi sya in love sa kanya, sana tama yung iniisip nya. But the other half of me suggests..that he is unconsciously in love with her. . . . Pag tingin ko kay Bryle, tulog na pala ang loko. Bumagsak narin sya sa wakas. Haay

nako..tatlo pa tong ihahatid ko sa bahay nila. Hindi pa ubos yung alak, sayang naman. Parang gusto ko rin naman biglang uminom. Kaya ayun, ako na ang tumapos sa mga natitirang alak.. Parang babagsak narin ata ako.. . . Nasabi ko na lang sa sarili ko..Sana hindi in love si Bryle kay Nash, sana hindi talaga. Kasi pag nagkataon.. . . . Pag nagkataon.. . . . My BEST FRIEND, . . . will SURELY BE.... .

. . . . MY RIVAL! Sinabi ko to kay Bryle kahit alam kong tulog siya.. "Best friend mo ako, kaya naiintindihan kong kailangan mo pa siya ngayon. Sayo muna siya hanggat kaya ko pang pigilin ang sarili ko. Hahayaan muna kitang marealize kung anu ba talaga yang nararamdaman mo, and if you decide na you will fight for her, then lets fight. May the best man win Bryle." After that..I fell asleep..

CHAPTER 16- SORRY: The Hardest word I couldn't say.. NASH's POV *riiiiiiiiiiiiiiiiing *riiiiiiiiiiiing Si Bryle yung tumatawag. . . Sinagot ko . .

"Hello Bryle?!" "Nami, I'm ending our contract..ayoko na.." Anu daw? Teka..bakit ang bilis naman?! Wag naman.. Wala pa akong ipon, kulang pa ang pera ko.. "Pero Bryle, bakit bigla bigla naman?! Bryle wag ganito.." "Dun ka na lang sa Tj mo! magsama kayo! Bye!" "Bry--" *toot toot pinatay na nya yung phone.. So wala na? yun na yun? tapos na kami?! iniwan na niya agad ako.. Please, kahit konti pang time, kahit konti lang! konti pa! please.. Gusto ko pa siyang makasama kahit konting oras pa, please.. . . . . *eeeeeeeeeeng! eeeeeeeeeeng! O_____O mulat alarm clock ko yun ah?! Waaaaaah! Panaginip lang pala! Akala ko totoo! Buti na lang hindi totoo! Grabe, ang bigat sa dibdib sobra! Ayoko pang mawalan ng trabaho, ayokong magkatotoo yung panaginip ko,

ayokong.. mawala siya sakin...hep hep! hindi dahil sa gusto ko siya huh? kasi anu..ahm..kasi..ahm..ayun! wala pa akong masyadong ipon! tama! kulang pa! tsaka gusto kong maka three months! para sakin na tong condo! yun lang ho! yun lang! Kinuha ko yung cp ko na nasa may side ng bed ko..6:30 am na pala..8 am ang pasok ko.. Imbang panaginip yun sobrang gising tuloy ako. Haaay..hindi ko na talaga pwedeng patagalin ang away namin ni Bryle. Lalamunin ko na at isasalaksak sa lalamunan ko ang mataas kong pride! Kahit na alam kong wala akong mali at kahit na para sakin ito ang pinakamahirap na sabihing salita, itatry ko parin sa abot ng makakaya ko..na sabihing.."SORRY" sa kanya. Bahala na. Basta ayokong mangyari yung sa panaginip..ayoko talaga. Anu kayang gagawin ko? pano ba magsorry? Haaay...ang sakit sa ulo neto! Ah teka, matawagan pala si Tommy.. Dinial ko na yung number ni Tommy. May number na ako nila Tommy, Steve at Third. Binigay sakin ni Bryle yun nung isang araw eh para daw kung sakaling may problema at wala siya, sila daw tatlo ang kontakin ko. *riiiing riiAng bilis naman niyang nasagot! "Hello Nash?" "Gud morning Tommy!" sigaw ko sa phone "Woaaaah! haha..energetic mo ah?! Ba-bakit ka na-napatawag Nash?!" bakit ganun? parang kinakabahan yung boses niya?! weird "Hehehe..ah anu kasi..ahm..tatanong ko lang..anung oras ba ang pasok niyo ngayon?! tsaka anung room niyo?!"

"Huh? bakit mo natanong?! " "Eh..anu kasi..ahm..anla nakakahiya.." hindi ko masabing dahil gusto kong magsorry kay Bryle.. "Eto naman..sige na sabihin mo na, hindi ko sasabihin yung room at time pag hindi mo sinabi kung bakit.." Haaaay..kelangan ko pa ba talagang sabihin?! naman oh! Pride Nash, pride! itapon mo yang pesteng pride na yan! "Anu kasi..anu..*hingang malalim.... pupunta ako sa room niyo at hihingi ng sorry kay Bryle!" woosh..nasabi ko rin..hindi naman ako namatay.. "Ah........ka-kaya pala..akala ko.. Ok, room 211 kami..sa 2nd floor ng CAS building.. 9 am pa class namin..sige galingan mo huh Nash! mainit ulo ni Bryle kagabi eh!" "Talaga? kamusta siya? wala bang nangyaring masama sa kanya? basang basa siya eh..so magkasama kayo? hindi ba siya nilagnat huh?!" "Teka teka Nash..grabe ang dame mong tanong eh.. Relax lang. Nagkainuman lang kami. Hinatid naman siya nung driver ko sa bahay nila, ayos lang yun. Grabe ka naman mag-alala. Ahm.. if you don't mind me asking..ahm..are you in love with him? I mean..'cause you sound like you are.." Anu? In love daw? asa! "Ako? in love?! Hindi huh! nag-aalala lang ako kasi bobo yun eh. Kasalanan ko pa pag nagkataon, makokonsensya ako pag may nangyari dun. Kaya naman ganito ako! pero hindi ako in love dun huh! hindi talaga!" "Buti naman.." huh? buti naman daw? bakit?! ang gulo ng sagot niya.. "Anung sabi mo?!"

"Wala........ah eh....sabi ko.. buti naman..buti naman at magsosorry ka..sana magkaayos na kayo.." ah..yun pala yun..naguluhan naman ako..haha "Hehe..kala ko kung anu. Sana nga..sana.. O sya Tommy maliligo na ako..8am ang pasok ko eh..buti vacant ako ng 9am, punta na lang ako. Salamat ng marami!" "Wala yun, basta ikaw Nash. Goodluck! bye!" "Bye Tommy!" Inend call ko na, maliligo pa ako. Haay...may naisip na akong gagawin. Sana umubra. Basta hindi ko siya titigilan hanggang hindi kami ayos. Sana masabi ko ng maayos ang salitang yun! Bakit kasi ang hirap sabihin?! lalo na at wala naman akong kasalanan! -_Bahala na! ----------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV *riiiiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiiiiiing Anu ba yan?! ang sakit pa ng ulo ko! Sino ba tong natawag na to?! Naknang! Tiningnan ko.. si Tommy pala.. Bakit ako disappointed? sinong iniisip kong tatawag?! Wala! Hindi ko siya iniisip! Bakit ko naman siya iisipin?! tss -_Sinagot ko na yung phone.. "Oh Tommy? napatawag ka? 7:00am palang ah? 9 am pa ang klase diba?!" "Sinisigurado ko lang na papasok ka.."

"Bakit?!" "Wala naman..haha" "Tss..panira ka ng tulog eh!" "Haha! Basta agahan mo huh?! May hang over ka pa ata eh.." "Tss..ou na..geh bye.." "Bye" Ayun binaba na niya yung phone. Problema nung isang yun? Anu naman sa kanya kung hindi ako papasok ngayon? Iba talaga trip ni Tommy kung minsan. Haay nako.. Tsk..makabangon na nga. Hindi narin ako makakatulog nito. Ang sakit pa ng ulo ko eh..tapos wala akong ganang kumaen. Tss...parang nakakatamad pumasok. Anu kayang gagawin ko sa Nami na yun?! Pag naiisip ko siya nabbwisit ako eh! Palayasin ko kaya yung Tj na yun sa condo namin?! Hindi ko pala kaya, hindi papayag si tanda..tss. Anu kaya?! basta paghihiwalayin ko sila! Hindi ko bibitawan si Nami ng ganun na lang..pero pahihirapan ko muna siya ngayon..makaganti lang. . . . 8:45am ako nakadating ng school. Maaga pa, sakto sa time ako nadating kadalasan, kaso ginising ako ni Tommy eh..edi ayun.. . .

*lakad lakad.. . . Wala sila sa may pinto?! Eh kadalasan nakatambay yung mga yun sa may pinto ng room pag wala pa ang teacher eh?! Sabi ni Tommy nasa school na daw sila. So nasaan sila?! nasa loob na?! himala.. . . "Tommy bakit nasa loo--" nakita ko nga sila Tommy sa loob, si Steve, Third nandun din, wala pang iba naming kaklase.. Pero meron pang isa, hindi naman namin kaklase pero nandun..trespasser! kaya natigilan ako.. "Anung ginagawa mo dito?! hindi mo naman klase to ah?! trespasser ka miss!" sigaw ko sa kanya. Oo kay Nami! "Hindi ba obvious? nagsusulat ako sa whiteboard.." sagot niya, tapos nagpatuloy na ulit ng pagsusulat.. Halos mapuno na niya yung white board ng mga sentences na paulit ulit. SORRY NA KAHIT HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO NAGKAMALI..SORRY NA BRYLE..KULANG PA BA?! SORRY NA KAHIT HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO NAGKAMALI..SORRY NA BRYLE..KULANG PA BA?! SORRY NA KAHIT HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO NAGKAMALI..SORRY NA BRYLE..KULANG PA BA?!

Ganyan ang nakasulat sa white board. Kanina pa siguro siya nagsusulat. Konti na lang kasi mapupuno na talaga eh ang laki pa naman nung white board. Aaminin ko, natuwa ako. Para kasi siyang elementary na naparusahan ng teacher sa hindi pag gawa ng assignment tapos inutusan ng teacher na magsulat ng sorry sa blackboard hanggang mapuno! Ganun itsura nya! hahaha Aw..nawawala ang badtrip ko! asar! hindi pwede! gusto ko pa syang pahirapan! kulang pa! :P . . Lumapit ako papunta dun sa kanya.. "Yan tapos ko na Bryle!" "So?! anung gagawin ko dyan?!" "Edi basahin mo! Anu ba naman?!" "Hindi ko mabasa. Ang panget ng sulat." "Anung panget?! nababasa naman yan ah! diba? diba Tommy? diba Steve? diba Third?!" haha tumingin pa siya kila Tommy..sinenyasan ko sila Tommy na humindi.. "Hindi nga mabasa Nash..sorry." ahahaha..sumagot si Tommy nyan! ang galing talaga ng best friend ko! "Ganun?! pati ba naman ikaw Tommy?! tss.." tapos sumimangot siya..ang sarap pagtripan! "So anu na?! burahin mo na yan miss, magtatime na kami. Dadating na yung teacher." "Ah ah naman! Ang sakit sa kamay isulat niyan tapos buburahin lang! Nakakainis!" haha.. namumula na siya sa galit..katawa talaga to.. "Eh sa hindi mabasa eh. Sabihin mo na lang kasi kung anung nakasulat." nyahaha..tingnan

natin kung masasabi mo yan.. "Ah,,eh anla.. Ang nakasulat dyan..ano..ano,,ah.." ahaha, sabi ko na eh! hindi niya kayang sabihin!! "Anu na? nagdadatingan na mga classmates ko oh!" sabay turo ko dun sa may pinto..nagdadatingan na nga mga kaklase ko..lalo siyang mahihiya..tingnan natin ngayon.. "Wa-wala! mamaya na lang! Sige buburahin ko na to! Mamaya na lang lunch! Mamaya ko nlng sasabihin!" Haha! I thought so. Mahirap para sa kanya ang magsorry. But actually just by seeing that she tries her best to say it, napapalambot na ako unti-unti. Pero..konti pa! ahaha..kulang padin! Pagkabura niya, ayun nagtatakbo na palabas. Ahahaha! Nakakatawa! Naniwala naman siyang hindi mabasa yung sinulat niya! Kahit kailan talaga bobo yun. "Bryle talaga nagsulat na nga yung tao. Kanina pa yun nagsusulat eh. Nagpaalam na nga sa teacher niya kung pwedeng advance sya palabasin tapos ginanun mo lang..tsk" -Steve "Nagalit pa tuloy sakin si Nash." -Tommy "Haha..astig bro..asarin mo pa.." -Third, eto lang ang nakagets sakin..pareho rin kami ng utak nitong si Third minsan eh! Mamayang lunch pala huh?! sige.. Excited na akong maglunch. Ayos..Medyo nababawasan ang sakit ng ulo ko, although masakit parin at para akong lalagnatin. Buti na lang talaga pumasok ako kahit masama ang pakiramdam ko. Titiisin ko na lang to. Ang saya kasi ng mga pangyayari kaya ayos lang :) ------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV

"Anu Nash, ok na kayo?!" tanung sakin ni Katie "Hindi! Nakakainis! Ang sakit ng kamay ko pagsusulat tapos hindi daw niya mabasa?! Bwisit! tapos sila Tommy pinagtulungan pa ako! Bwisit talaga! Ginawa ko na nga yun kahit wala akong kasalanan tapos ganun pa siya?! Nakakainis na talaga siya! Bahala siya sa buhay niya! ayoko na! Wala naman akong mali eh! tss" "Nako Nash, wag ganan. Tyagain mo na lang. Diba ikaw ang may sabi sakin, ayaw mong magkatotoo yung panaginip mo diba? Pag pinatagal mo yan, baka mamaya, maghanap na nga si Bryle ng iba. Sige ka..ikaw rin.." Haaaaaaaay..ou nga pala. Kaya ko ginagawa to dahil dun. Muntik ko ng makalimutan sa sobrang inis! tss. Sobra naman kasing pakipot nung isang yun eh. "Eh anung gagawin ko?!" "Mag explain ka lang.. Siguraduhin mong makikinig siya sayo. I'm sure pag narinig niya yung explanation mo, babalik na yung tiwala niya sayo. Maiintindihan na niya rin. Basta do everything para makausap siya.. Sabihin mo na ang dapat sabihin kahit mahirap." "Haaaaaay, sige na nga. Bahala na." pano ko ba sasabihin? ang hirap naman kasi! . . . After 1 subject at isang vacant hour, lunch na! Tinxt ko si Tommy, papunta na daw silang food court.. Kaya eto ako ngayon, nagaabang ng pagdating nila. .

. Maya maya..ayun nakita ko na sila! Madali lang naman makita eh. Tuminingin ka lang sa direksyon na tinitingnan ng lahat ng babae with matching sigaw pa, andun sila -_-. Anu ba yan, nakakahiya lalo. Pero sabi nga ni Katie, kung uunahin ko pride ko, baka magkatotoo yung panaginip! hindi pwede! ayoko! . kaya naman.. . "Hi Bryle ahmm.." kaharap ko na sila, tinginan sakin yung mga babae, aray ko po..nakakahiya..nasa gitna pa naman kami "Anu na?! diba ikaw yung babae kanina?! Sino ka ba huh? hindi kita kilala. Kaya bakit kanina mo pa ako sinusundan? Stalker ka ba?!" wat the? hindi daw niya ako kilala?! anu na naman ba to?! gano pa ba niya ako pahihirapan?! peste naman oh! Narinig ko yung mga babae sa paligid naguusap. Ang lakas huh! pinaparinig talgaa? -_girl 1: Akala ko ba sila? Bakit hindi na daw kilala ni Bryle? girl 2: Parang may kasalanan yung girl eh..baka LQ? girl 1: Sana hindi lang LQ! sana break na! girl 2: Hahaha..ou nga.. Sapakin ko tong mga to eh anu? Dagdag inis pa tong mga to eh! Hindi ko na lang sila pinansin. Tumingin na lang ako kay katie na nagsasabi sa akin na go! kaya..bahala na. "Ako si Nami Shanaia San Jose..girlfriend mo ako! girlfriend!" sinigaw ko yun sa kanya

"Ah..ganun ba? Sorry wala akong maalalang may girlfriend ako. Sabi kasi nila Tommy, nagka amnesia daw ako eh. Kaya hindi ko matandaan." "Anu yun ako lang hindi mo matandaan?!" "Ganun na nga..diba Tommy?!" "Ou nga Nash may amnesia siya, kahapon lang. Sorry pero nauntog si Bryle kahapon kay Steve..ayun..eh slight injury lang naman..kaya ikaw lang ang natanggal sa ala-ala niya.." Tommy "Hahahahaha" tawa pa si Third at si Steve Bwisit! pinagtutulungan nila ako huh?! bwisit! pati si Tommy! haay! best friend kasi ni Bryle eh! kainis! "Ah ganun ba?! Bryle..sige..may gagawin ako sayo para maalala mo.." lumapit ako sa kanya.. hinawakan siya sa may baba, nilapit ko ang mukha ko sa kanya..yung tipong magkakahalikan na kami.. Nakatulala lang sya..payag naman eh.. Kung ito ba ang makakapag paalala sayo eh..tingnan na lang natin.. 1... . . 2... . .

*boogsh! Hah! Akala niya hahalikan ko siya..pero hindi! Akala lang niya yun! Siniswerte na siya! Inuntog ko ulo ko sa kanya! Medyo masakit nga eh! "Aray! anu ba Nami! ang sakit huh!" sigaw nya habang hawak yung noo nya "Oh ayan, naalala mo na pangalan ko! Untog lang pala katapat ng amnesia mo eh!" "Huh? hindi! naalala ko lang pangalan mo pero hindi ko parin matandaan yung ibang details! Stalker parin kita! Lumayo ka sakin! Ayaw kitang kausapin! Ang sakit ng ulo ko dammit!" "Pero tek--" "Alisin niyo na yan sa harap ko Tommy! Kung hindi ipapahuli ko yan sa guard!" "Aba at sumosobra ka na huh ajfaskfhsakfhks" hindi na maintindihan yung last words ko kasi tinakpan na ni Katie yung bibig ko..tapos kinaladkad na nila ako paalis ng food court.. . . . "Akala ko ba magsosorry ka?! Eh sinaktan mo pa yung tao eh! Papatawarin ka nga ng lagay na yan Nash! tanga eh!" sigaw sakin ni Katie, nandito kaming dalawa ngayon sa study table "Eh sa nakakaasar na siya eh! Amnesia pang nalalaman! halata naman na nangttrip lang siya! He's enjoying this so much! Nabbwisit na ako!" "Pero Nash, sabi ng magtimpi ka diba?! Alam mo naman si Bryle, pag nagpatuloy ka sige. Alam mo naman ang mawawala sayo diba? Uunahin mo ba yang galit mo? Hahayaan mo bang matapos na ang contract niyo? pati pag-aaral at kinabukasan mo nakasalalay dito Nash..ikaw rin."

"Aw..tama ka nga. Hays..napuno na naman kasi ako eh..tsk. Sige last attempt, mamaya sa parking lot hihintayin ko siya. Atleast kakaunti ang tao. 4 ang labas nun eh sabi ni Tommy..sabay naman pala..kaya ok lang.." "Sasamahan pa kita?" "Wag na..umuna ka na lang..kaya ko na ng mag isa yun.." "Sure ka huh?!" "Oo promise!" "Sige goodluck bessy! Basta keep in mind yung consequences, keep in mind the reasons kung bakit mo ginagawa yun and before you know it..nasabi mo na sa kanya.." "Salamat Katie!" . . Yow! after ilang subjects, labasan na rin! Waaaaaah! kinakabahan na ako! Sana naman makaya ko na this time! Sana masabi ko na ng maayos this time! . . Nauna siguro ako sa kanya sa parking lot, wala pa sya eh. . . maya maya... ayan na siya..

papunta na sa kotse.. Kilala naman ako ni Manong eddie (driver nila Bryle), sabi ko sa loob muna siya ng kotse kakausapin ko lang si Bryle. Buti pumayag. . . pagkakita sakin ni Bryle.. Aba at tumalikod! pabalik na ulit sya sa pinaggalingan niya! Asar na to! . . *takbo takbo shet ang layo na! *takbo ng todo Naunahan ko sya! hinarangan ko nga.. "Hoy Bryle! kausapin mo na kasi ako ng maayos! magpapaliwanag ako!" "Heh! Stalker ka! Baka ihead bat mo na naman ako! Wag mo akong kausapin! Hindi kita kilala!" "Bryle naman eh!" "Padaanin mo nga ako!" "Ayoko!" "Ayaw mo huh?!" tapos ayun sabay takbo siya dun sa kotse! damn! hindi ko na siya mahahabol! medyo malayo yung parking! pagod na ako!

tapos umandar na yung kotse.. Anung gagawin ko? hindi pwede. Kelangan namin mag usap! Ayoko ng ganito! ayoko! isip Nash! isip! . . papalapit na sa akin yung kotse.. . . tumabi ako sa daan.. syempre..alangan namang magpabangga ako diba?! Wait..tama! All or nothing! Kung mamatay ako edi bahala na! Titigil yung kotse kung haharang ako! Bahala na kung mabangg basta gusto ko siya makausap! Gusto kong magpaliwanag, gusto kong bumalik na kami sa dati! . . ayan na..konting lapit pa.. konti pa.. . . 1 .

. 2 . . 3 Harang! *____* Nakapikit lang ako nun..parang medyo dumikit na nga sakin yung unahan nung kotse. Hindi ako makamulat ang lakas kasi nung busina tapos..ang liwanag. Natatakot akong imulat ang mata ko kasi baka pag mulat ko..nasa langit na ako! . . Narinig ko ang malakas na pagbukas at paglagapak ng pinto ng kotse.. -__O O__O__O! yehey! buhay pa ako! buhay pa ako! wahahaha! kaso.. *gulp mukang si Bryle..papatayin ata ako ni Bryle!

uwaaaaaaaaaaah! Ang tingin niya kasi parang basta! nakakatakot! waaaaaaaaaaaaah! Get ready Nash! Sisigawan ka nyan ng bongga! Tapos baka batukan ka pa! Super sermon to! Ayan na sya! Papalapit na! . . *takip tenga . . Huh?! Bakit..bakit walang sigaw? Walang batok o sapak?! sa halip.. I heard his softest voice.. "A-ayos ka lang ba Nami? may masakit ba sayo?!" huh? siya ba yan? imbis na sigawan ako..tinatanong niya kung ok ako? O///////.//////O! Im blushing! my heart is bursting! waaaaah! sabi ng wag siyang maging mabait eh! natatae tuloy ako sa kaba!

. . "A-ano..oo..ayos lang ako Bryle. Walang masakit sakin. Hindi naman ako nadali eh." grabe pag tingin ko sa kanya ng harapan, yung mukha niya parang alalang alala, yung tipong parang basta..ang hirap idescribe! at ang pula niya! na pawis na pawis! "Natakot ka ba huh Nami?!" ang lambing ng boses, parang hindi galing sa kanya. Malambing na parang takot na takot.. "Hindi..hi-hindi naman." *dug dug dug dug waaaaaaaaaaaah! Anhsakit ng dibdib ko! super! super bilis ng puso ko! sobrang init! parang maiiyak ako sa init! halo halo na ang nararamdaman ko! . . "Ako kasi..natakot ako. Natakot akong baka mawala ka na sakin. Akala komawawala ka na sakin. Takot na takot ako Nami." parang..bakit parang tumigil ang ikot ng mundo ko?! Wala akong makitang iba sa paligid ngayon. Wala akong marinig kahit ihip ng hangin. Boses niya lang ang naririnig ko. Paulit ulit sa isip ko ang mga huli niyang sinabi. Parang gusto kong maiyak..ewan..pero sobrang natuwa ako sa sinabi niya. and then .. . .

I felt his heart beating next to mine. Niyakap nya ako. Sobrang higpit. Hindi ako makagalaw! ni hindi nga ako makahinga eh! My heart beats so loud na sa tingin ko kaya na niyang marinig. Anu bang ginawa niya sa puso ko? what exactly is this I'm feeling?! Hindi ko alam. Basta..ang sarap sa pakiramdam. And for no particular reason..hindi ko na namalayan..nakangiti na pala ako. and then.. . . sa wakas . . nasabi ko narin . . The hardest word, I couldn't say . . suddenly . .

turned out to be pretty easy to say right now.. . . I said it! "I'm sorry.."Inasabi ko na rin! Yes! . . pero teka? bakit hindi siya naimik? . . wala man lang response? . . isa pa kanina pa siya nakayakap! . . tapos biglang nagloosen up yung kamay niya.. pero nakasandal parin siya sakin.. "Bryle?!" waaaaaah! pag tingin ko..

wala na pala siyang malay! sobrang init niya! may lagnat siya! Anu yun? so yung mga sinabi niya ba, nasabi lang ba niya yun kasi..kasi may lagnat siya?! ganun?! kasi inaapoy lang siya ng lagnat?! Peste! Akala ko pa naman kaya sya naging malambing at gentle kasi kahit papano nagugustuhan narin niya ako, kahit papano natakot talaga siyang mawala ako! Mukhang hindi naman pala. May lagnat lang pala! tss! tapos.. . . waaaaaaah! . . Wag mong sabihing wala na siyang malay nung sinabi kong sorry?! Waaaaaaaaaah! malas naman! malas! "Ms. Nami, tara ipasok na natin si sir sa kotse..tatawagin ko na yung doctor.." natauhan ako Ayun..kinuha na ni Manong si Bryle..papunta kami ngayon sa bahay nila..pupunta yung doctor dun.. . . Haaaaaaaay..bakit ganun? Kanina pa..pero, ang bilis parin ng tibok ng puso ko! bakit?! may sakit na nga ba talaga ako sa puso?! Irregular kasi ang heartbeat ko. Makapagpatingin sa

doctor nila Bryle.. para sigurado..iba na kasi to.

CHAPTER 17- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) > BRYLE's POV Ermm,a nsakit ng ulo ko ah?! *mulat.. Nasa kwarto na ako?! Wait..anu nga bang nangyari?! O___O! ow..I remember seeing Nami almost getting hit by my car! yeah! Actually muntik na akong atakihin sa puso nun! Hindi ko alam ang gagawin ko kung nabangga siya! Bobong babae talagang yun! papatayin ako sa takot eh! Ou, natakot talaga ako ng sobra nung mga oras na yun. Ang balak ko lang naman kasi talaga dadaanan ko siya tapos ipapabalik ko yung kotse at isasakay na siya tapos ok na kami. Kaso, akalain mo ba namang humarang bigla sa daan?! king inang babae talaga! Kaya naman sobra akong na relieve nung hindi siya nabangga. May nasabi pa nga akong hindi ko dapat sinabi..dammit! Bakit ba lumabas yun sa bibig ko?! bakit?! Am I really that afraid of losing her?! Why am I afraid in the first place?! sino ba sya para sakin?! Haaaaay,, nakakapagod isipin ang sagot sa mga tanong na yan..honestly kahit anung gawin ko, hindi ko mahanap ang sagot at ayoko ring mahanap ang sagot so I'll just let it be. Kung anu man tong nararamdaman ko, hahayaan ko na lang, hindi ko na aalamin. Natatakot ako

sa pwede kong malaman. Ayoko ng pakiramdam na to. Teka, speaking of Nami, nasaan na siya?! I remember hugging her then.. Teka! Niyakap ko sya?! Niyakap?! Wat the?! bakit?! Haaaaaaay! nakakahiya na ang mga pinag gagagawa ko! Siguro nahilo lang ako.. tama, masama na ang pakiramdam ko nun eh..siguro I hugged her para may sumuporta sakin! yeah...merely just because of that! It's not as if I really wanted to hug her right?! why would I?! . . I got up from bed..maiihi na ako eh.. . . *lakad..lak-Huh?! Anu yung something na nasa may paanan ng kama ko?! . . *balik.. "Ahahahahah! akala ko aso!" Nakakatawa naman kasi! nakita ko si Nami! Nakahiga sa sahig! takte! ahahaha! Ang sama pa ng pwesto! nakadapa! Tapos nakaside lang yung mukha! tae, tulo pa ang laway! Ang tanga

talaga neto! hooo! iba to! may sofa naman sa kwarto, pwede naman dun sya matulog ah?! bakit sa sahig pa?! wala pang unan! pagkatanga nga naman oo! ahahaha . . Umihi lang muna ako..ihing ihi na ako eh..pagkatapos maghugas ng dapat hugasan..bumalik na ulit ako.. . . Andito lang ako sa may sahig, nakaupo na parang natae, alam niyo yung ganung upo diba? pero hindi ako natae huh! pinagmamasdan ko lang si Nami! haha.. nakakatawa kasi! Ai teka, haha.. Kinuha ko yung cellphone ko..tapos, pinicturan ko siya! Haha! Mukha siyang ewan sa picture. Kitang kita na tulo laway! nyaha! Pang asar ko na naman to sa kanya! May video na ako ng nagsasayaw siya, ngayon naman picture ng tulog sa sahig tapos tulo ang laway! nayahahahahahah..laftrip! Pagkatapos ko siyang picturan, ayun wala na akong magawa..pinagmasdan ko lang siya.. Anu ba talaga siya para sakin?! Haaaay...anu nga ba? tss.. -_Napansin kong parang nilalamig siya. Nakaside view na ang higa niya ngayon. Gusto ko man siyang buhatin kaso, baka magising siya. Isa pa..nanghihina pa ako eh.. hindi ko pa siya kayang buhatin, tababoy pa naman to! .

. Kinuha ko na lang yung comforter ko.. inilalagay ko na yung comforter ng.. O____O nagising siya! "Bryle?!" "Hindi ako si Bryle..na-nananaginip ka lang!" "Gago! si Bryle ka eh!" tapos ayun bumangon na siya "Tss,," "Hehe..ayos ka na ba?! wala ka na bang lagnat?!" "Ewan ko..medyo mainit pa ako ng konti pero pwede na. Bakit ka dyan natulog sa sahig?! tanga neto!" "Pake mo ba?! eh sa hinihintay kitang magising eh.." "Pwede naman sa sofa ah?!" "Pake mo eh trip ko sa sahig!" "Engot ka!" "Hehe :D" "What's with that smile? gusto mong tinatawag na engot?! tanga! hindi compliment yun huh!" "Alam ko! tae! Natutuwa lang ako kasi naguusap na ulit tayo, kilala mo na ulit ako.." "Huh?! anu ka! hindi padin tayo bati no!" "Bryle naman eh! muntik na nga akong mabangga! tss.."

"Hindi ka pa nga nagsosorry sakin eh!" haha..kahit ang totoo..narinig ko naman yung sorry niya.. gusto ko lang ulitin niya.. "Nagsorry na ako eh! kasalanan mo na lang kung hindi mo narinig!" "Ganun? fine. So hindi tayo bati. Ayaw mo magsorry eh!" tapos tumalikod ako sa kanya "Ah ah naman! sige na nga! makinig kang mabuti huh! hindi ko na to uulitin! *hingang malalim..So--ahm..sh*t!" "Anu na?! minumura mo ba ako?!" "Tae! wait! tss..nasabi ko na kasi eh. Haay...anu ahm.. haaaay.. sige na..Sorry na Bryle.. sorry na kung anu man yung kinagalet mo. Sorry na talaga. Ayokong matapos na agad yung contract kaya sorry na..patawarin mo na ako." she said it? seriously?! nakaya niya?! "Good..but explain first. Bakit kasama mo yung Tj na yun?!" "Kasi po nawalan ako ng malay that day sa harap ng condo ko then he saw me. Dinala niya ako sa condo niya tapos ayun, when I woke up lumabas na ako..kaso nagutom ako eh.. eh wala akong lakas magluto ng pagkaen, kaya ayun nakikaen ako sa kanya!" "What the? ang kapal mo naman! nakikaen ka sa taong kakakilala mo palang?!" "Oo! eh bakit ba? eh kesa naman sa mamatay ako sa gutom no?!" "Patay gutom ka -_-" "Heh! tapos paglabas ko bigla kang sumulpot! tapos nag histerical ka na agad! Bakit ba galit na galit ka nun?! Anu ba talagang kinagalit mo?!" huh? anu, anu nga ba?! hindi ko din alam eh.. basta na lang eh.. "A-a-anu..ka-kasi,,ahm.." "Anu?! wag mong sabihing nagselos ka?! :D"

"Tanga! a-asa naman! Bakit ako magseselos?! Assuming ka huh! Kala mo naman tunay na girlfriend kita. Na-nagalit lang ako kasi.. syempre! binabayaran kita! tapos may rule sa contract na bawal kang makipagrelasyon o magpaligaw sa iba! kaya syempre, sayang yung binayad ko kung hindi ka sumusunod sa rule diba?! yun lang ang kinagalit ko no! hindi ako nagseselos! feeling mo naman!" "Tss..ok..sabi mo eh.." "Bakit parang hindi ka naniniwala?!" "Naniniwala ako! defensive ka naman masyado! tss.." *riiiiiiing riiiiiiiiiing.. tumunog yung cellphone ni Nami.. "Sino yan?!" tanong ko "Si chef.." "Sinong chef?!" "Si chef Tj!" "Tj na naman?! t*ng ina! wag mong sagutin!" "Akala ko ba hindi ka nagseselos? then why are you acting like that?!" "Hindi ako nagseselos! basta! ayaw kong kausapin mo yan!" "Nek nek mo! :P" tapos sinagot niya yung phone NAMI: HELLO CHE-kinuha ko bigla yung phone.. AKO: HOY TJ..BAKIT KA NATAWAG SA GIRLFRIEND KO?!

inaagaw sakin ni Nami yung phone niyan..pero nilalayo ko.. TJ: GIVE THE PHONE TO HER..IT'S NONE OF YOUR BUSINESS BRYLE! AKO: NONE OF MY BUSINESS?! MY GIRLFRIEND IS MY BUSINESS! IKAW ANG WALANG BUSINESS SA KANYA ULOL! TJ: TSS..WALA KA PARIN PINAGBAGO BRYLE..RELAX..MAY SASABIHIN LANG AKO SA KANYA.. JUST GIVE HER THE DAMN PHONE.. AKO: AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN?! TJ: WHY WOULDN'T YOU? BAKIT AYAW MONG MAKAUSAP KO SIYA? ARE YOU THAT THREATEND BY ME? NATATAKOT KA BANG MAKUHA KO SIYA SAYO AT MATALO NA NAMAN SAKIN?! HAHA AKO: ASA KA! I WILL NEVER LOOSE TO YOU THIS TIME! SUBUKAN MO LANG SIYANG AGAWIN MAKIKITA MO TALAGANG HAYO-"Akin na nga! hindi pala nagseselos huh?! kung umasta naman daig pa ang..haay!" naagaw sakin ni Nami bigla yung cellphone! asar! di pa ako tapos sa Tj na yun eh! NAMI: PASENSYA KA NA DUN SA BOBONG UMAGAW NUNG PHONE.. "Sinong bobo huh?!" gagong Nami na to! NAMI: OW..OK..SO YOU ARE FREE THIS SATURDAY?! TAMANG TAMA CHEF! MAGGROCERY AKO! "Nami anu yan huh?! wag mong sabihing may date kayo!" "Wala kaming date! pwede manahamik ka na nga muna!" tss..dammit -_NAMI: BEFORE LUNCH IS FINE..SIGE, MAMIMILI KA DIN? GOOD..SABAY NA LNG TAYO MAGGROCERY CHEF! PARA ALAM KO DIN ANG BIBILHING INGREDIENTS PARA SA

LULUTUIN NATIN! OK OK..11 AM IS FINE! DAANAN MO NA ANG AKO SA CONDO! OK..BYE CHEF! THANK YOU! Tapos ayun..binaba na niya yung phone! what was that?! bakit sya dadaanan ng bwisit na yun?! "Hoy Nami! anu yun huh?! bakit ka nya dadaanan sa condo mo?!" tanong ko "Pupunta kami sa mall sa Saturday..magogrocery kami.." "At bakit magkasama pa kayo? hindi ba pwedeng siya nlng ang bumili mag isa niya?!" "No! I need to be with him..tuturuan pa niya akong magluto!" "What the? saan ka niya tuturuan? sa condo mo? kayo lang dalawa?!" "Alangan namang tatlo?! haay..bobo -_-" "Heh! hindi ako papayag! kayo lang dalawa dun?! Hindi pwede! ayoko ding mamili ka ng kayo lang dalawa!" "Grabe ka naman! eh sa magpapaturo lang naman ako magluto! Its not as if we are dating! Wala kang karapatang pagbawalan ako! Wala akong nilalabag na rules! Kaya belat ka!" aba at! talaga namang! haaay! ayoko! hindi ako papayag na sila lang dalawa! hindi! "Dammit! tss..papayag ako..pero in one condition. Sasama ako sa inyo! Pupunta rin ako sa condo mo sa Sabado..sasama rin ako sa mall sa ayaw mo o sa gusto mo!" "Tss..sige ikaw bahala. Jealous possessive boyfriend!" "Anung sabi mo? Sinong jealous huh?! Sinong possesive?!" "Wala..kinakausap ko yung pader -_-" "Ah! basta wala ka ng magagawa!"

"Ok na nga eh diba?! wala na naman talaga akong magagawa pag dating sayo. Basta go there in time..11am aalis na kami ni Chef Tj..pag late ka..pasensyahan tayo!" "Asa ka pang malelate ako! " "Geh aalis na ako..gabi na eh..uuwi na ako sa condo.." "Dito ka na matulog!" "Ayoko nga! gahasain mo pa ako!" "Ang kapal mo naman!" "Haha..uuwi na ako. Gustong gusto mo ako makasama eh.haha..napaghahalata, in love ka na sakin no?!" Anu bang sinasabi nya? "Asa ka pa naman!" "Hahaha..siya ou na lang..alis na ako.." "Ipapahatid na kita kay Manong Eddie.." "Ok.." . . Hinatid ko na siya hanggang sa may labas ng bahay, bago siya sumakay ng sasakyan..sinigaw ko.. "Wag kang makikipagkita sa Tj na yun huh Nami! papatayin kita!" "Woooooh! malay mo pa!" tapos sinarado na niya yung pinto, gagong yun! basta! asa siya! hindi siya masosolo ng Tj na yun! hindi talaga! -----------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV Wala namang interesting na nangyari nung Friday. Ok na naman kami ni Bryle, ganun pa din, we fight over the littlest things. Asaran dito, asaran dun..tss..lage na lang niyang bukang bibig si Tj! Ako naman lalo kong inaasar! Lage niyang sinasabi wag daw akong makikipagkita dun at wag na daw akong kakaen sa condo ni Tj! ahahaha,,grabe talaga tong Bryle na to..kung makaasta akala mo naman kami talaga. Bakit kaya siya ganun?! tss..di ko magets..siguro he hate Tj that much.. mas gwapo kasi sa kanya si chef kaya siguro bitter! . . It's Saturday now..ngayon na yung day ng paggrocery namin ni chef at pagtuturo niya saking magluto! ayiie! excited na ako! kaso may kasama pa pala kaming pang gulo lang! haay.. . . 9:00am.. *ding dong Sino yun? ang aga naman ata?! Binuksan ko yung pinto.. . . "Good morning Nami! oh ayan, hindi ako late huh! Hindi niyo na ako maiiwanan! hahaha!" tss.. ang aga ng Bryle na to! talagang desidido siyang sumama! haynako.. "Tss..geh pumasok ka na.."

. . Nanood lang kami ng t.v. nun habang iniintay na dumating si chef.. . . maya maya.. . . *ding dong Tatayo na sana ako pero naunahan ako ni Bryle, agad na kumaripas ng takbo papunta dun sa may pinto..hanep talaga! . . "Ohoi..disappointed ka no?! Akala mo si Nami ang magbubukas ng pinto no?! ahaha,sorry ka na lang! :P" tss..parang bata si bryle na nang aasar eh.. dinaanan lang siya ni Tj.. "Good morning Nami.." "God morning chef Tj!" "Ang daya ata Nami ah! bakit nag good morning ka sa kanya?! sakin hindi! Ako ang boyfriend mo ah! mag good morning ka din sakin!" tapos nag cross arms pa siya! isip bata talaga tong si Bryle.. "O sya gudmorning din!"

"Hehe,,I love you!" -sya, wat the?! ".............." tinitigan ko lang siya..paano yung look niya parang nagaantay ng sagot..ayoko nga no..nakakahiya kay chef.. "Babe! anung sagot dun?!" -sya parin "Tanong ba yun?!" sarcastic kong sagot "Hahahahaha.." napatawa tuloy si Tj.. "Heh! wag ka ngang tumawa jan na Tj ka! Nami, anu nga kasi?! " haay nako, mukang di siya titigil hanggat hindi ako nasagot..isa pa baka makahalata si chef na hindi kami,mahirap na.. "Hehe..niloloko lang kita babe..ikaw naman..syempre I love you too :)" "Narinig mo yun huh Tj? narinig mo?! :P" hahaha..nakakatawa siya..parang bata talaga tong Bryle na to..kanina pa niya inaasar si chef eh..buti na lang at hindi nlng sya pinapansin ni chef.. . . "so lets go?!" pag aaya ni chef "Ok..tara na.." "Nami dala ko yung motor ko..sakin ka na sumabay.."-Bryle "Pero si chef, kasabay natin sya no." "Iwan mo na lang yan.." -Bryle "Bryle anu ka ba! kung ayaw mo isabay si chef, edi ikaw na lang mag-isa!" "Nami naman eh!"

"I have a car..kasya naman tayong tatlo dun." -Tj "Anung akala mo sakin walang kotse?! Hindi ko lang dinala yung kotse ko kasi nahihilo si Nami sa mga airconditioned na sasakyan! kaya hindi kami sasabay sayo!" -Bryle "Ganun ba? well no problem..nabubuksan yung roof ng kotse ko..pwedeng open air." -Tj "Yun naman pala Bryle eh! kung ayaw mo sumabay, bahala ka.." "Tss,,sige na nga..sa kanya na tayo sumakay..PSH -_-" -Bryle Hanggang sa pagsakay namin sa kotse naka simangot si Bryle..tss..haynako..isip bata much! . . . Nakarating narin kami sa mall.. "Anu bang una nating bibilhin chef?!" "Well, ako grocery lang naman ang bibilhin ko eh..mga pagkaen..ikaw ba? bukod sa grocery may bibilhin ka pa?!" -Tj "Yep..bibili ako ng kutsara, tinidor, plato, baso tsaka damit kong pantulog.." "Ah ok..so bumili muna tayo nung mga yun tapos ihuli na natin yung grocery.." -Tj "Ok sige." . . Pagkatapos namin bumili ng mga plato at baso..ayun pumunta naman kami sa department store..

"Hmmm...alin kaya ang maganda dito? yung dress o yung pajamas?!" tanong ko habang pinagpipilian yung dalawang pantulog "Mas bagay sayo yung dress Nash." -TJ "Hindi mahilig si Nami sa dress -_-..magiging uncomfortable lang para sa kanya..kaya mas ok yung pajamas." -Bryle "Ah mam, alin po ang bibilhin niyo?!" tanong nung sales lady "Ah..oh sige..ito na nga lang pajamas..uncomfortable nga pag dress." "Sabi ko sayo diba Tj?! 1 - 0! hahaha.." -Bryle Takte, may scoring talaga? imba trip netong si Bryle eh! Si chef parang medyo nababadtrip na..tsk..mukang inis talaga sila sa isa't isa Dapat ba talagang sa lahat ng bagay mag compete sila?! hay nako..pati ako ginawang competition eh! -_. . Pagkatapos namin bayaran yung pajamas..(na syempre si Bryle ang nagbayad..kaltas yun sa sweldo ko..pero ang alam ni Tj, libre ni Bryle..syempre, para kapani-paniwalang mag bf-gf kami..)naglakad lakad na muna kami sa mall.. nag gala lang kami..para last na pupuntahan namin is sa grocery store.. . . Napadaan kami sa Time Zone.. Waaaaah..gusto ko ulit maglaro dun! nakakamiss! last time na naglaro ako dun eh high

school pa kami ni Katie! "Gusto kong maglaro sa Time Zone! punta muna tayo dun!" sigaw ko sa kanila..tapos nagtatakbo na ako sa Time Zone..sumunod na lang sila.. . . Ayun naglaro ako ng Tekken, nung car racing.. Tapos si Bryle at si Tj..ayun, competition na naman..nandun sila sa pashootan ng bola..basketball.. . . Grabe, ang tindi ng labanan nung dalawa! Akalain mong ang taas na ng score nila! Nasa 500+ na sila pareho! dikit na dikit ang score! lalamang si Tj , mamaya si Bryle naman ang lamang! Pati nga yung ibang tao nakikinuod narin sa kanila kasi nga ang galing nila pareho, ilang bola lang ang nagmimintis..halos lahat shoot. . . . in the end . . ang panalo?!

. . . Si Tj! Ahahah..2 points lang ang lamang. Actually dapat tie sila kaso may dumaang bata sa may tabi ni Bryle, nadali siya, kaya ayun..sumablay Ahahaha.. grabe, hahabulin pa sana ni Bryle yung bata pero pinigilan ko na! pati ba naman bata papatulan?! -_"Pano ba yan Bryle.. 1-1" -Tj aba at talgang nagsscoring parin sila? pati tong si chef sineryoso na talaga yung labanan?! "Sus..kung hindi ako nadali nung bata, hindi dapat ako talo..tss...wag kang mayabang." -Bryle haay..nakakalokang kasama tong dalawang to! kulang na lang magbubugan eh! "Tama na nga yan! tara dun sa kuhanan ng stuff toys. Gusto kong makakuha! Itatry ko lang!" pumunta kami dun sa game na may catcher ng mga stuff toys, pag nakuha mo sayo na.. eh ang cute pa naman kasi Angry birds yung stuff toys..gusto kong makuha yung green na baboy! . . "Bakit ba ang bulok ko dito?! gusto ko yung baboy eh! naman oh! sampung points na ang nauubos ko dito! wala parin! kainis!" haaay,,,ang bulok ko talaga dito! "Nash, try ko kuhanin para sayo.. :) " -Tj At ayun..si Tj naman ang nagtry..

5 times na siya nagtry..kaso wala din eh..hindi din nya makuha. Magttry pa sana siya for the sixth time pero.. "Ako naman..ang bulok mo eh.." sumingit bigla si Bryle . . Unang try, muntik na niyang makuha! kaso nahulog eh! Napasuntok na nga siya dun sa glass nung catcher eh! nasita tuloy kami nung guard! Sabi ko umalis na lang kami..pero persistent si Bryle eh. Nagserious mode siya bigla. Desidido talagang makuha yung baboy na green. . . malapit na.. na grab na niya.. . . mailalagay na niya sa lagayan.. . . Yey! nakuha nga niya! ang galing! "Oh Nami! nakuha na!" -Bryle "Waaaaaaah! Bryle ang galing mo! thank you! yeeey!" nagtatalon na ako sa tuwa! napayakap

pa nga ako sa kanya eh "Pano ba yan Tj? 2-1 na ang score!" -Bryle Takte, akala ko pa naman he tried hard to get that para mapasaya ako..PSH,,competition parin lang pala nila yun! tss.. -_"Hehe..yan lang ba?" -Tj sinundan namin si Tj, pumunta siya dun sa counter na kuhanan ng mga prizes kasi bawat game na laruin mo merong katumbas na points yun..kung gano karami yung points, ganun kabongga yung prize.. . . Niswipe nung babae yung card na binigay ni Tj.. Tapos.. Wwaaaaaaaaah! kawaiii!! binigay nung babae yung malaking panda na stuff toy na nakadisplay sa may counter..50, 000 points yun ah! grabe! "Para sayo Nash!" tapos inabot niya sakin yung malaking panda na stuff toy! ang cute! uwaah! naalala ko tuloy si Mr. Cottonbuds! tss..naiwan ko nga pala yun kina Katie! ngayon may kapatid na siya! yehey! "Akin na lang talaga? waaaaaah! thanks chef Tj! thanks talaga!!" mangiyak ngiyak na ako sa sobrang saya! "Ou naman, madalas ako maglaro dito. And ayun, ang dame ko na palang points.. buti nasave ko..para sayo talaga yan,," -Tj "PSH!!!! -_-" narinig ko si Bryle..nandun din pala siya sa may counter..

Niswipe din nung babae yung card niya.. "Wat the? miss ito lang yun? " -Bryle, ahahahaha..may hawak siyang ballpens..colored ballpens na disney princess pa! nyahaha! nakakatawa! "O-opo sir eh..yan lang." takot na yung babae sa counter! kaya naman hinila ko na si Bryle "Nice Bryle..ballpens..hahaha.."-Tj "Heh! eh sa ang tagal ko ng di nakakapaglaro dito eh! tss" -Bryle "2-2 na ang score kung ganun?!" -Tj Uwaaaah! hindi na ba talaga sila titigil sa scoring na eto?! Haaaaaaaay! -_- parang mga bata eh! hindi ko alam na pati si Chef makikisakay pa sa trip ni Bryle. Haynako..hayaan ko na lang talaga tong dalawang to..magkakasundo pa kaya sila?! -_. . Pinuntahan naman namin yung picture booth, yung pipili ka ng background tapos magpipicture kayo ng ilang shots tapos automatic mapprint na yun as stickers! "Nami, bakit kasama pa siya?! tayo na lang dalawa!" -Bryle "Unfair naman yun no! remembrance to ng magkakasama tayo nila chef! wag ka ngang maarte dyan!" ayun hinigit ko na sila pareho sa loob . . Ang posisyon namin.. Nasa kanan ko si Bryle..Nasa kaliwa ko si Chef Tj,, in short nasa gitna nila ako..

Unang pose namin, nakatingin ako sa harap..silang dalawa nakatingin pareho sakin! haha.. parang tanga yung dalawa.. Next shot, nakasmile ako pero yung dalawa nagbebelatan! Ahaha,,para akong may kasamang dalawang bata! 3rd shot..ayun ok na..nakatingin na kaming tatlo sa picture, pero nagsusungayan pala yung dalawa! hay nako..pero ok na yun. Ang last shot ang the best! hahaha! . . kasi naman.. . . ahahahah! . . natatawa parin ako eh.. . . laftrip! .

. Hahalikan kasi sana ako ni Bryle sa pisngi.. pero.. Bumaba ako bigla.. kaya naman.. ang nakunan ng picture.. si Bryle.. nakakiss sa cheeks ni chef,, tapos si chef naman mukang gulat na gulat! ahahahahaha! Hagalpak ako ng tawa hanggang sa labas! Si Bryle naman asar na asar! Inaagaw pa nga sakin yung picture eh! Pupunitin daw niya! Ahahahaha! as if naman ibibigay ko sa kanya! ang ganda kayang remembrance nun! . . "Bryle, hindi mo sinasabi, kaya ka pala galit na galit sakin, may gusto ka pala sakin..haha" -Tj "Gago ka! asa ka! nakakadiri! Nahalikan kita! kadiri!" -Bryle "Ahahahaha...kadiri pa daw. Umamin ka na, makipagbreak ka na kay Nash tayo na lang dalawa!" -Tj "Magtigil ka nga! break break ka dyan! asa ka! basagin ko yang mukha mo eh!" -Bryle Hahahaha..nakakatawa yung dalawa eh. Ayun nagwwrestling na ata, susuntukin ni Bryle si Tj

pero makakaiwas si Tj, pipilipitin ni Tj yung braso ni Bryle pero matatanggal ni Bryle.. Nakakahiya eh..pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hanggang sa labas kasi ng Timezone nag aaway parin sila! Ako naman wala ng ginawa kung hindi sabihin sa mga taong makakasalubong namin "Hindi ko po sila kilala -_-" Kahit papano, enjoy din naman silang kasama. Malakas ang feeling ko, magkakasundo rin sila.. Sana nga magkasundo din sila.. :D Papunta na kami ngayon sa grocery store.. at hindi parin po tumitigil yung dalawa. Haynako.. hindi ko na lang pinansin..diretso na alng ako sa pagkuha ng pushcart. Hayaan na lang silang magpatayan..tss.. mga isip bata!

CHAPTER 17.5- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) > (part 2!) BRYLE's POV Damn! Hindi ko pa rin matanggap na nahalikan ko yung pesteng Tj na yun! bwisit! maliligo talaga ako ng ilang beses at magtutoothbrush ng maraming beses pag dating ko sa bahay mamaya! nakakadiri talaga! -_. . Natigil kami sa pagaaway ni Tj panget ng mapansin namin na wala na pala si Nami! pumasok na pala sa loob ng grocery store! PSH! Nagkatinginan kami bigla ni Tj.. tapos..

. . *takbo! Nag unahan kami...dapat mauna akong mahanap si Nami! tsk..san kaya yun?! . . *takbo takbo . . Nasan na kaya si Nami?! nakakahilo naman dito sa grocery store eh! andameng tao -_. . *takbo tak-Ayun! nakita ko narin si Nami! hindi ako pwedeng magkamali..bitbit pa kasi niya sa push cart yung malaking panget na panda na bigay nung panget na si Tj! . . *takbo tak-PSH..naunahan ako ng Tj na yun! Bago pa man ako makalapit kay Nami, humarang sya sa dadaanan ko na may tangay ding push cart! dammit.. "Pano ba yan Bryle, I found her first.. so 2-3 na?!" dammit! ang yabang niya! patay to sakin!

pangiti ngiti pa sya! sapakin ko yang pinagmamalaki niyang mukha eh! "Tss, nauna ka ngang mahanap siya..pero kaya mo ba to?!" kinuha ko yung kamay ni Nami.. nagholding hands kami.. "Wala ka nito oh. Dyan ka na lang makipag holding hands sa panda mo oh. Total bagay naman kayo, panda siya tapos ikaw mukang kawayan!" ipinakita ko pa sa kanya yung magkahawak naming kamay ni Nami..tapos inilagay ko sa pushcart niya yung pandang stuff toy na nasa push cart ni Nami..hahaha..belat siya.. "Bryle para kang bata. Bitawan mo nga ako..pano ako makakakuha ng bibilhin ko?!" -Nami "Eh di ako na lang magtutulak ng pushcart. Basta holding hands tayo kung hindi, hindi ko ibibigay sayo yung sweldo mo..sige ka.." binulong ko yun sa kanya "Dammit -_-" ahaha..wala din syang magagawa,,asa siya..nyahaha.. Ayun kuha lang kami ng kuha ng mga gustong bilhin ni Nami.. buti nananahimik na sa likod namin yung Tj na yun..wahaha.. . . "Chef, anu bang mga kailangan na ingredients sa lulutuin natin?! anu nga bang ituturo mo sakin?!" tanong ni Nami kay Tj.. "Ahm, tuturuan kita ng Chicken Cordon Malaysian style, with curried cream sauce.." -Tj "Chicken bla bla.,.pinahaba pa,,eh manok lang din naman yun..tss..mas masarap pa dun adobo ni Nami eh! -_-" sabat ko..tss.ang yabang yabang na niya porket chef lang siya "Wow, parang masarap yun. Sige ituro mo na lang sakin yung mga dapat bilhing ingredients.." -Nami

. . Nandito kami ngayon sa poultry section.. Naghihintay pa kami kasi pinapachop pa yung manok..breasts, atsaka yung pang chicken stock na cut kasi daw ang kailangan dun sa lulutuin ni Nami.. "Wait Bryle bitaw ka muna. Punta lang ako kay chef, itatanong ko pa kung anung kailangang ingredients para madali tayo. Dyan ka na lang muna..intayin mo yung manok." Tapos bumitaw na sakin si Nami "Pero Nam--" tss..nakatakbo na..hindi ko naman mahabol kasi nga gawa netong pesteng manok, ang dame kasing nabili..nakakaasar. ------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "Okay na ba? so wala na tayong kailangan?!" tanong ko kay chef pagkatapos kong kumuha ng bacon at cheese pati curry powder "Yep thats it..o nasan na yung boyfriend mong nakapulupot sayo?!" "Ahahaha..ayun, natagalan ata dun sa manok..hayaan mo siy--" "Oh bakit ka natigilan?!" "Eh kasi, ayun oh..sale yung favorite kong chocolate! Hershey's kisses! may promo pa ata! tara dun chef Tj!" ayun, kinaladkad ko na si chef tj dun sa may stall ng chocolates.. .

. . "Mam, may special offer po kami..tamang tama. If you buy 3 packs nitong chocolates meron kayong free na couple shirt, para mas sweet diba mam?! tamang tama sa inyo ng boyfriend mo. Ang gwapo pa naman ni sir oh mam..bagay na bagay po kayo." sabi nung saleslady ng chocolate.. ngeks, couple shirt pala ang free..akala ko naman katulad nung sa tender juicy hotdog dati, ang free ay corned beef -_- anu naman ang gagawin ko sa couple shirt?! -__"Talaga miss? sa tingin mo bagay kami?!" nabigla naman ako kay chef kasi bigla ba namang umakbay sakin?! "Oo naman po..bagay na bag--" "SINONG BAGAY HUH?" -Bryle kelan pa siya nakarating dito?! "Sila pong dalawa sir.." sagot nung saleslady "Eh girlfriend ko yan eh!" sigaw ni Bryle dun sa saleslady "Ah ganun po ba sir?! Nako sorry po hindi ko kasi alam.." takot na takot yung saleslady kay Bryle..tss..pinagtitinginan na kami ng mga tao -_"At ikaw Tj ka, alisin mo nga yang pagkakaakbay mo kay Nami! Sipain kita dyan eh! Nalingat lang ako ng konti kung anu-anu ng ginagawa mo sa girlfriend ko!" -Bryle Tapos inalis ni Bryle yung braso ni Chef na nakaakbay sakin..tapos siya naman ang umakbay.. "So ngayon miss..sinong mas bagay huh?! sabihin mo?! mas bagay kami diba? sumagot ka!" - Bryle tae sinisigawan na naman nya yung saleslady eh! nakakahiya na talaga siya!

"Ah..o-opo..ma-mas bagay nga po kayo. Ang g-gwapo niyo nga rin po sir eh.." mukha namang natakot lang yung saleslady sa kanya eh.. "Good..rinig mo yun Tj? mas bagay daw kami.." -Bryle Tiningnan niya ng mangaas si Tj tapos binelatan pa.. Ang kulit! tapos..umalis na lang si chef at pumunta na lang sa counter.. "So miss, kukuhanin ko yung 3 packs ng chocolate..so that means may free kaming couple shirt diba?!" -Bryle "O-opo sir..eto na po oh.." tapos binigay nung saleslady yung couple shirt.. "Bryle, ok na kahit wag na yung couple shirt..anu namang gagawin ko dyan?!" sabat ko.. "Tanga! edi syempre isusuot! Couple tayo ah?! isuot na natin to ngayon! Pagkatapos natin magbayad!" -Bryle Anu namang trip neto?! nakakadiri naman eh! biruin niyo, magsusuot kami nun ngayon sa mall?! eh ang nakalagay pa naman "I "Eh Bryle, ayoko nga..kung gusto mo sayo na lang!" tapos lumakad na ako at iniwan siya "Teka Nami! couple shirt nga eh! Alangan namang ako lang ang magsuot! sa ayaw at sa gusto mo isusuot mo to! tss,,sige ka, hindi kita papaswelduhin!" litsi! ayan na naman ang pang black mail nya eh! "Haaaaay! bwisit ka talaga! ou na! wala naman akong magagawa! basta yung sweldo ko huh!" tss.. kung wala lang tong kapalit na pera! haaay! >,< "Good..tama yan. Isuot mo to mamaya para hindi ka napagkakamalang girlfriend ng iba..tss" Bryle

. . So ayun, pagkatapos namin magbayad..wala na akong nagawa kung hindi isuot ang nakakadiring couple shirt na yun..amps..sinuot na nga din nya yung kanya.. Haaaay..nakakahiya kay chef eh -_Pano si Bryle ayun, nakaakbay pa sakin..tapos ngiting aso sya kay chef..nang aasar talaga! Anu bang problema neto?! as if naman may gusto sakin si Chef at magseselos si chef sa ginagawa niya?! haynako..kung alam lang niya na may ibang babaeng gusto si chef.. Gusto ko ngang mameet yung babaeng yun eh!..anu nga kayang itsura niya?! mabait kaya siya?! ^_^ sana . . . . . Nandito na kami sa condo ko ngayon.. inaayos ko yung mga pinamili ko habang iniintay si chef.. si Bryle naman andun sa salas, nanonood ng t.v. tss..walang balak umalis eh.. 2pm na kami nakadating sa condo..ang tagal pala namin sa mall! nalipasan na kami ng gutom eh . .

*dingdong Ayun si chef na yun..syempre si Bryle na ang nagbukas ng pinto.. . . Nasa kitchen ako..inihahanda ko na dun yung mga ingredients na kailangan sa lulutuin namin ni Chef.. . . "Oh Nami, lets start?!" pag aaya sakin ni chef..ang cute niya..naka apron siya! ahaha.. "Ang cute mo chef! bagay sayo ang naka apron!" "Talaga?! nako lage na lang pala akong mag aapron kung ganun!" -Tj "Naniwala ka naman kay Nami, eh wala namang taste yan -_-" -Bryle teng ene, singit na naman tong isang to eh..nandun sya sa may pinto ng kitchen.. "Bryle sinong walang taste?! porket hindi lang kita napupuri dyan! bumalik ka na nga lang sa salas at manuod ka nlng ng t.v.!" sigaw ko sa kanya "Ayoko nga! baka mamaya kung anu ng gawin sayo ng Tj na yan..dito lang ako..papanuorin ko lang kayo.." -Bryle "Haynako bahala ka dyan..mangangawit ka lang.." . . So ayun, nagsimula na kaming magluto ni chef..

Ang dameng ek ek nung recipe eh. Mag gagawa ka ng chicken stock na ihahalo mo pa sa kanin.. Tapos, yung manok, hihiwain mo sa gitna tapos sisingitan mo ng ham and cheese.. parang ang sarap nga eh..medyo matagal nga lang ang process..kasi dapat tama yung pagkakahiwa mo dun sa breasts,, Tinuruan pa nga ako ni chef Tj kung pano ang magandang paghiwa eh.. "Ganito lang yan Nash..ganito dapat ang paghawak mo sa kutsilyo" tapos hinawakan ni chef ang kamay ko tapos niguide niya ako kung paano.. "Hoy! anu yan huh?! Magtuturo ka lang maghiwa may kasama pang paghawak sa kamay ng girlfriend ko?! Alisin mo nga yang kamay mo!" si Bryle yan.. lumapit na siya bigla sa amin tapos tinanggal yung kamay ni chef sa pagkakahawak sa akin.. "Nagseselos ka ba huh Bryle? ay sya, hahawakan ko rin ang kamay mo, sabi ko naman kasi sayo, makipagbreak ka na kay Nami eh!"pang aasar ni Tj! "Gago ka! tigilan mo na nga ako huh! wala akong gusto sayo asa ka!" -Bryle "Wala daw eh hinalikan mo nga ako! ahaha" -Tj "Heh! aksidente lang yun! leche ka! wag mo na ngang ipaalala yun sakin! nakakadiri!" -Bryle at ayun..simula na naman po ang awayan nilang dalawa..magsusuntukan na naman! tss..pano kami matatapos magluto nito? gutom na ako !!! -_. . "Tumigil nga kayo! sasaksakin ko kayong dalawa dyan eh!" sigaw ko sa kanila habang nakatutok sa kanila yung kutsilyong hawak ko..

Natigil naman sila pareho.. "Ikaw Bryle, dun ka na nga muna sa salas..manuod ka nlng muna ng t.v. huh?! ikaw naman chef, tuturuan mo pa ako eh! hindi ko alam ang susunod na gagawin! mamaya na kayo magbugbugan pag natapos na tayo huh! gutom na kasi ako eh! huh?! kung ayaw niyong masaktan pareho!" sigaw ko pa sa kanila.. Ayun mukhang effective naman..nagbitaw na sila..pero bago lumabas si Bryle sa may pinto ng kitchen..binelatan pa muna niya si chef! haaay nako -_. . . "Hahahhahaha..grabe naman yung boyfriend mong yun Nash..masyadong possessive sayo eh,," -Tj "Ou nga eh..ang kulit talaga nun..haynako..pagpasensyahan mo na huh?! isip bata kasi eh.." "Hehe..sanay na ako dyan kay Bryle. Lage naman talagang ayaw magpatalo niyan sakin eh.." -Tj "Ah chef, kamusta na nga pala si right girl for you..anu na? may development na ba?!" "Actually, akala ko masosolo ko na siya..tuwang tuwa ako when I finally ask her to go shopping with me..pero ayun, kasama pala yung boyfriend..tapos, ang masama pa dun, ayaw talaga kaming bigyan ng time na kami lang dalawa..lageng nakabuntot yung boyfriend! nakakainis! panira ng diskarte!" -Tj "Ahahaha..nakakatawa naman..para palang si Bryle yung boyfriend nung girl no?!" tapos biglang natigilan si chef.. bakit kaya?!

. . "Chef?!" "Ah..hehe..you really don't get it, dont you?! Ahaha..ou nga parang si Bryle lang.. " ang gulo ni chef.. anu naman ang hindi ko gets?! -_-..haay.. ewan ko..basta ang weird niya..parang gusto niyang matawa na ewan.. . . "Oh Nash, sa tingin ko ok na tong sauce ng chicken, gusto mong tikman?!" tapos ayun inihaya na sakin ni chef yung spoon na may curry sauce..ang bango! hinipan pa nga niya para sakin eh.. "Say ah :)" Susubuan na ako ni chef ng "Ay sorry, nadale!" biglang nalaglag yung spoon kasi..sinadyang dinale ni Bryle si chef! haynako! sumosobra na talaga tong isang to! "Bryle naman eh! sinadya mo yun no?!" sigaw ko "Hindi ah..hehe..oh eto Nami, bagong kutsara..ipaghihihip na lang din kita.." tapos ayun kumuha din siya ng curry sauce..hinipan tapos.. "Say ah babe :)" -Bryle Syempre ngumanga naman ako..gusto ko na kasing matikman eh..ang bango kasi ng amoy.. nakakapaglaway! Isusubo ko na ng ..

PSH -_Nalaglag na naman yung kutsara! "Ai sorry Bryle huh..kukuha kasi ako ng plato..eh nakahara ka dyan! :P" -Tj Si chef naman ang tumabig kay Bryle! waaaaaaaaah! nakakaloko na talaga tong dalawang to! laway na laway na ako dun sa sauce eh! tapos ganito pa sila! "Sinadya mo yun eh! bwisit kang Tj ka!" -Bryle "Hindi ah..kagaya mo..hindi ko din sinasadya!" -Tj "Heh! sinady--" "STOOOOOOP IT! shet naman oh! dun na nga lang kayong dalawa sa salas! ako na lang muna dito! maghahaen lang ako! total luto na naman to eh! kung gusto niyong magpatayan, lumabas na lang muna kayo! gusto ko ng kumaen! kung ayaw niyo, wag niyo! bwisit! --_--" napuno na ako eh.. kanina pa kasi sila! para akong may kasamang mga kinder dito eh! ansakit lang sa ulo! mainitin pa naman ang ulo ko pag gutom ako! Natakot naman yung dalawa at umalis na nga.. Bago sila lumabas naririnig ko pa.. "Ikaw kasi" -Bryle "Anung ako? ikaw kaya ang una!" -Tj "Epal ka kasi!" -Bryle "Ikaw ang epal! panget!" -Tj "Mas gwapo ako sayo no!" -Bryle "Haha..you wish!" -Tj

"Sadya!" -Bryle Haaaaaaaaay..wala na talaga akong magagawa sa kanila.. -_. . . Pagkatapos kong maghaen ng pagkaen.. Pumunta na ako sa living room para tawagin na sila.. Grabe, si chef sa sahig nakaupo, nakasandal lang sa sofa?! si Bryle nakahiga sa sofa!.. isang sofa lang kasi ang nandun eh, sinakop lahat ni Bryle! haynako.. . . Pag lapit ko.. O____O? ahahahaha,, Tulog na pareho..hahaha, napagod din sila.. Kaya ayun..hindi ko na lang sila ginising..ako nlng muna ang kumaen mag isa. Nakakatawa yung itsura nung dalawa..ahahaha At dahil sa natripan ko..ayun.. Since nasa may ulunan ng sofa nakasandal si chef, ang ginawa ko, niside view ko si Bryle sa pagkakahiga tapos yung braso ni Bryle..iniakbay ko kay chef ! tapos pinicturan ko sila! Ahahahahaha! grabe! mas bagay pa silang dalawa kesa sakin eh! ahahahahahah! laftrip!

Excited na akong makita reaction ni Bryle pag pinakita ko sa kanya yung picture nila ni chef! ahaha! pati narin yung reaction nila pag nagising silang dalawa! bwahahaha!

CHAPTER 17.9- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) > (part 3!) NASH's POV Haaaaaay...ang tagal naman nilang magising! Nandito ako ngayon sa salas, nakaupo sa sahig. Paano nandun pa nga sila sa may sofa. Ahaha! Nakakatawa yung pwesto nila. Excited na talaga akong magising tong dalawang to! Laftrip to sigurado. . . So habang tulog parin sila, tamang upo lang ako sa sahig while eating stik-o habang nanonood ng Naruto Shipuuden! . . Napansin kong biglang gumalaw si Bryle.. "Nami, pahug naman. Nilalamig ako." -Bryle Ahahaha! nananaginip siya! Nagsasalita tulog! :D Lumapit ako sa may sofa.. "Nilalamig ka ba huh babe ko?! sige yakapin mo lang ako. Nandito lang ako sa tabi mo oh." sagot ko

"Ayos lang ba Nami? sige huh? sabi mo yan. Answeet talaga ng babe ko!" -Bryle Wahahahaha! takte! sumagot?! Nakapikit tapos nasagot?! wahahaha! Taena..mamamatay na ako kakatawa eh! Pano ba naman, pagkasabi niya nun, diba nakaakbay siya kay Tj?! yun ang last na pwesto niya?! Ngayon niyayakap na niya si Tj! ahahahahaha! siguro sa panaginip niya, akala niya, ako si Tj! Laftrip sh*t! . . Habang sarap na sarap si Bryle sa pagyakap kay Chef Tj.. Si chef naman ang biglang nagsalita.. "Nash?! teka wag masyadong mahigpit, nasasakal ako, pero sige yakapin mo pa ako :)" -Tj Bwahahahahahahaha! sobrang pigil na pigil na ako sa pagtawa! Eh kasi naman, akala ni Chef, yung yumayakap sa kanya (w/c is Bryle)..eh ako! wahahahaha! Nananaginip din! kaya ayun..hinahaplos haplos niya pa yung braso ni Bryle na nakayakap sa kanya! Bwahahahahaha! Ang hirap talaga magpigil ng tawa! Pinagmamasdan ko lang silang dalawa as if nanonood ako ng lovestory sa sine. With matching pagkagat pa nga ako sa stik-o eh! Kaso minsan masasamid na ako, kasi naman, nakakatawa talaga yung itsura nila! Wahaha! Pareho silang nakangiti pa! habang ang sweet sweet! xD .

. . "Bwahahahahahaha!" ayan hindi ko na napigilan ang sarili ko, napahagalpak na talaga ako ng tawa At sa lakas ng tawa ko.. O___O ---> Bryle O___- ----> Tj Nyahahah..sa wakas! nagising na din sila! Pareho silang nakadilat sa akin na nagtatawa parin sa harapan nila.Tapos.. Sila naman ang nagkatinginan.. Tapos syempre..ganito ang reaction nila.. "Uwaaaaaaaah! Bakit ka nakayap sakin huh Bryle?! sinasabi ko na nga ba eh!" -Tj sabay tulak kay Bryle at gumapang palayo sa sofa "Ho-hoy! ang kapal mo! nakakadiri! Bakit ka naman nakahawak sa braso ko?! feel na feel mo naman na nakayakap ako sayo! Baka ikaw ang naglagay ng braso ko sayo eh! Kadiri! shit! f*ck! shet lang talaga!shet!" ahahaha.. napabangon naman si Bryle "Ahahahahah, ang sweet niyong dalawa! grabe! nakakainggit! Selos ako!" bigla kong sabat "Hoy Nami ka! wag mong sabihing kanina mo pa kami pinapanuod?!" -Bryle "Medyo lang! kyahahaha! super sweet niyo nga eh. Naglips to lips pa nga kayo sa harap ko eh!" "Wtf?!" ahahaha, sabay pa sila!

"Nyahahaha. Joke lang! Hanggang yakapan lang kayo. Sa isipan ko lang kayo nagkahalikan." "Gago ka Nami patay ka sakin!" -Bryle "Wahahahahaha" tapos ayun nagtatakbo na ako . . . *hingal hingal "Bryle, tama na kasi. Ayoko na. Wag mo na akong habulin, nakakapagod. Ahahaha, isa pa ansakit na ng tyan ko kakatawa!" "Heh! hindi kita titigilan hangga't hindi kita nababatukan! Walangya ka! pinanuod mo pa kami!" -Bryle "Sige ka, pag hindi ka tumigil, ipapakita ko kila Tommy to!" tapos pinakita ko sa kanya yung picture nila kanina ni chef Tj sa phone ko na kinunan ko nung tulog sila! wahaha "F*ck! subukan mo lang talaga Nami! papatayin talaga kita!" ahahaha..kung makikita niyo lang ang expression nya..namumula na siya sa galit at hiya! "Eh wag mo na akong habulin, peace na. Hindi na kita lolokohin..haha..kumaen na lang kayo." "Tss, bwisit!!" ayun, umupo din naman siya sa may dinner table sa kitchen Sabay silang kumakaen ngayon ni chef Tj.. ganito ang itsura namin

TJ

-------mesa -------Bryle AKO

"Ehem..gusto niyo na ba akong umalis para naman makapag moment kayong dalawa?!" pang aasar kong sabi sa kanila "Damn Nami! hindi mo ba talaga ako titigilan?!" -Bryle napatayo na siya nyan sa pagkakaupo "Nash wag naman. Baka gahasain ako ni Bryle!" -Tj, nag acting pa si Chef na nakahawak sa may chest niya! wahaha! Pang asar din to! "Ahahahaha" tawa na lang ako "Bwisit kayong dalawa! I'm leaving now! nakakabadtrip! ayoko ng kumaen!" -Bryle, tapos naglakad na siya papalabas ng kitchen "PIKON!" sinigaw pa ni Tj bago makalabas si Bryle sa pinto ng kitchen "F*ck You!!" sigaw naman ni Bryle Ahahahaha..hanep..laftrip . . "Mukang nabadtrip talaga ang boyfrend mo Na--" natigil bigla si chef "Nakalimutan kitang Tj ka. Halika na, oras na rin para umalis ka. Asa ka pang masosolo mo si Nami!" si Bryle yan, bumalik siya at ayan..kinaladkad na palabas si chef!

Si chef naman habang kinakaladkad ni Bryle sumisigaw pa ng ganito.. "Kuya wag po! Nash Heeelp!" ahahaha Tapos ayun, naiwan nlng ako mag-isa dito sa condo. Ang kulit talaga nung dalwang yun. Hindi ko na nalaman ang nangyari sa kanila pagkatapos. . . . Pagkatapos kong magligpit ng mga pinagkainan namin at hugasan ang dapat hugasan. Ayun tamang nood na naman ako ng t.v. hahaha..badtrip pa kaya si Bryle?! Itxt ko nga.. TO: UNGGOY PANGET (tama, yan ang name niya sa contacts ko! ahaha, hindi naman niya alam eh! :P) HOY, BADTRIP KA PA BA? SORRY NA. PEACE NA TAYO! xD . . maya maya.. FROM: UNGGOY PANGET HEH! BWISIT KA! PEACE MO MUKHA MO! HINDI TAYO BATI! WALA KANG SWELDO! DI KO PA NAIBIBIGAY REMEMBER?! WAHAHAHAHA :p BUTI NGA! shet! ou nga no! hindi pa niya ako pinapasweldo! TO: UNGGOY PANGET OI BRYLE..SORRY NA KASI..BATI NA TAYO..PASWELDUHIN MO NA AKO PLEASE?!

SORRY NA..SORRY SORRY..SORRY NA BABE.. . . FROM: UNGGOY PANGET BLA BLA BLA.. WALA AKONG NARIRINIG.. :P . . TO: UNGGOY PANGET PANO MO NAMAN MARIRINIG EH TXT NGA?! . . FROM: UNGGOY PANGET ABA AT PINIPILOSOPO MO PA AKO HUH?! LECHE TO! WALA KA TALAGANG SWELDO! . . TO: UNGGOY PANGET OI JOKE LANG..ETO NAMAN MASYADO SERYOSO..PEACE NA KASI TAYO! T.T . .

. . ilang minutes at hours ang dumaan pero wala ng reply! kainis! ah ah naman! kailangan ko yung sweldo ko eh! T__T Haay, naasar ko nga siya, wala naman akong sweldo! Asar naman oh! Kukulitin ko na nga lang siya bukas! ----------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV 9:00 AM Wahahaha..bahala kang Nami ka..mangulit ka hanggang gusto mo.. Andito ako ngayon sa kwarto ko pinagmamasdan ang cellphone kong vibrate ng vibrate. Puro txt at misscalls yan ni Nami. Kala niya! pagkatapos niya akong pagtripan kahapon! maghirap siya ngayon! Tamang kaen lang ako ng breakfast, soundtrip sa computer.. . . 11:00 Am.. Haaaaaaay..bored na ako. Sumuko na rin si Nami sa pagtxt at pagtawag. Hmmm..anu kayang magawa?! Tinawagan ko si Tommy, aayain kong tumambay.. Kaso haay, kasama daw ng mommy nya pagshoshopping.

Si Steve naman..as usual..may date -_Si Third?! ASA pa ako dun! Mas gugustuhin pa nun matulog kesa samahan ako -____. . Boring! Haaaaaaaay..wala akong magawa! . . Aha! Pupunta na lang ako sa condo ni Nami. May dahilan namn ako eh! Ibibigay ko na yung sweldo niya, nakakaawa rin naman kasi. . . 1:00 pm na ako nakadating sa may condominium.. . . *ting Ayan na papunta na ako sa condo ni Nami.. Hindi na ako nagdoorbell. May duplicate key kaya ako ng condo ni Nami! Nakalimutan ko lang dalhin kahapon kaya kinailangan ko pa mag doorbell -_.

. Wala siya sa salas.. . . *lakad lakad . . Pumunta ako sa may kitchen.. . . Bubuksan ko na sana yung pinto ng.. . . "Of course you can kiss me!" narinig kong sigaw ni Nami..wat the?! "Ahahaha..you are so cute!" narinig ko pa..hindi ko muna binubuksan yung pinto Nakasandal ako ngayon sa may pinto, close enough to hear them.. "Do you love me Nami?!" may narinig akong boses pero ang weird, hindi kay Tj yun! so sino to?! "Of course I love you! why wouldn't I?" sumagot si Nami! wat the hell?! f*ck! so may karelasyon siya?! Pag wala ako nagkikita sila?! Before, it's Tj..now? sino na naman to?! dammit Nami!

pinapainit mo na naman ang ulo ko! Hindi ko na napigilan ang sarili ko after hearing them. Kusa ng gumalaw ang mga kamay ko. Bilis bilis kong binuksan ang pinto.. . . at pag bukas ko ng pinto.. . . I saw Nami..with erm...SOMEONE ELSE..shit! Tapos sinusubuan pa nga niya ng spaghetti eh! damn! -_Ako lang ang dapat niyang subuan ah?! ako lang! kaasar!

CHAPTER 18- NEWEST ADDITION TO HER ADMIRERS! XD BRYLE's POV "Bryle?! a-anung ginagawa mo dito?!" gulat na gulat na tanong sakin ng taksil na si Nami! "Sino na naman yang lalaking yan huh?!" nakapameyawang kong tanong sa harap niya "I'm her boyfriend idiot! -_- stupid ugly monkey!" sagot nung unanong lalaki! ou maliit eh! kutong lupa! pinagpalit ako ni Nami sa kutong lupa?! leche! "Hoy anung boyfriend ka niya?! ako ang boyfriend niya no! Get away from my girlfriend you stupid little brat!" "Is it true Nami?! is he really your boyfriend?!" aba at hindi ako pinansin? humarap siya kay

Nami na parang hindi ako naririnig! ma angas tong isang to ah! tirisin ko to eh! "Unfortunately, yes he is my boyfriend . -_-" sagot ni Nami tas nagpout pa siya! aba at! "Hoy anung unfortunately ka dyan huh Nami?!" sigaw ko "Don't you dare shout at her like that ugly monkey!" aba at naghahamon makipagsuntukan to?! eh hanggang bewang ko lang to eh! "What will you do? ang liit mo boy! You can't even punch my face because you are so little! You moron!" tapos nag cross arms ako at tiningnan din siya ng maangas! ang angas kasi masyado eh! He better know that he's no match for me. "It's true, I can't hit your face... *smirks..but I can hit these!" "Aray! shet! aray ko! anu ba?! Papatulan na talaga kita dyan eh!" mangiyangiyak na ako sa sakit.. eh pano..sinipa ng walangyang yun ang sensitive part ko sa baba! basag ata! huhu T__T "You deserve that ugly monkey! :P" tapos bumalik na ulit siya kay Nami "Anung sabi mo?! makakatikim ka talaga sakin!" nakahaya na akong suntukin siya ng . . *boogsh Pinalo ako ni Nami ng tsinelas sa pwet! "Nami anu bang problema mo? hayaan mo ngang bugbugin ko yan! pag ako nabaog, kasalanan niyang bubwit na yan!" pinipilit kong abutin yung bwisit na kutong lupa na yun kaso hinaharangan ako ni Nami "Ikaw ang anung problema mo?! Bryle napaka isip bata mo talaga!"-Nami

"Heh! wag mo ngang ipagtanggol yang kabet mong unano!" "Anung kabet Bryle?! bata yan! He's a 6 year old kid!" -Nami "So?! lalaki parin siya! Bakit mo siya hinahayaang humalik sayo huh?! ou even say na you love him!" sigaw ko sa kanya Napahilamos niya yung kamay niya sa mukha niya.. "Really Bryle?! pati bata pagseselosan mo?! grabe lang Bryle. You really are an idiot!" -Nami "Hindi ako nagseselos no! Asa ka pa! Eh kung hindi mo yan boyfriend, wag mong sabihing anak mo yan?!" *boogsh Pinalo na naman niya ako ng tsinelas sa pwet! "Nakakadalawa ka na huh Nami! " sigaw ko habang hawak parin yung pwet kong pinalo niya, sakit eh "Hindi ko siya anak! ganito ang nangyari! makinig ka huh!" kaya ayun hinayaan ko lang siyang magkwento --------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV *FLASHBACK Dammit! ayaw parin sumagot ng Bryle na yun! naiinis na ako! Arggg! Haay.. nakailang txts at miscalls na ako pero wala talaga! Haaay! Kaya ayun, I give up. Wala rin namang mangyayari eh. Dahil sa frustration ko, parang gusto kong magpalamig ng ulo ko. Kaya naman naisipan kong lumabas para bumili ng slurpee sa 7-11..

Lumabas ako ng condo ko.. Habang nilolock ko yung pinto, may narinig ako. Nakuha ang attention ko ng isang katulong, isang bata and isa pang babae na I guess nanay nung bata. They are two condo's away from me. Nagsisigawan sila eh, hindi ko tuloy alam kung dadaan ako. Bakit kasi sila sa hallway nagsisigawan?! . . *lakad lakad.. Lumapit ako ng konti.. Teka, kaya ko bang dumaan?! Dadaan na sana ako sa space na pwedeng daanan kaso..Humarang bigla yung bata eh. "Mommy, I don't want that ugly girl to be my girlfriend!" sigaw nung bata sa nanay niya "Drey, how many times will I have to tell you that your yayas are not your girlfriends! They are only the ones who take care of you!" sigaw naman nung babae "No! they are my girlfriends! I want Carla back already! She's beautiful and sexy! Not like this one! she's so ugly!" grabe, bata palang ganito na?! wat the heck? naaalala ko sa kanya si Bryle eh -_"Yaya Carla can't go back. She's pregnant Drey! Just go with your yaya Cecille. I have a meeting now! It's urgent Drey! I'll be late if you keep acting like this! I have no time to look for a new yaya right now!" "If you can't find me a new yaya, then I will not stay in the condo! I will go with you!" "No Drey! stay with your yaya!"

"No she's ugly! I don't like her!" "Drey!" tapos tumakbo yung bata papalapit sakin, nagtago siya sa likod ko "Miss, pasensya ka na sa batang yan. Nako nadadamay ka pa dito." lumapit sakin yung magandang babae na mukhang sosyalin na nanay netong batang nasa likod ko.. ( ang haba ng description ko! XD ) Marunong pala siyang magtagalog? eh bakit super english sila kanina?! nosebleed ako eh "Nako ayos lang po. Naiintindihan ko po, bata po siya eh." tapos humarap ako dun sa batang nagtatago sa likod ko "Drey, your name is Drey right?! Go with your yaya please. Your mommy is in a hurry, you know that right?!" umupo ako niyan para magkakitaan kami, nakaharap ako ngayon sa kanya "But..I dont like her. She's ugly. I don't want her to be my new girlfriend. But you, I like you! I will go with you instead! Be my new girlfriend!" waaaaah?! anu daw? tapos bigla niya akong niyakap! "Drey, stop it. She can't be your yaya." tapos hinihila na nung mommy niya si Drey.. "Nooooooo *sob *sob" nahila nung babae si Drey, naaawa naman ako sa itsura niya. Super cute pa naman niya.. I don't like seeing kids cry. Paalis na sana sila ng.. "Ah mam..if you don't mind, I live here also. My condo unit is just right there, Room 301. Ahm, he can stay with me there, kung okay lang sa inyo. otal wla naman po akong gagawin eh." "But miss, this kid is troublesome. Wouldn't he be a bother to you? Isa pa, baka dumating ako at around 7pm pa, baka mahirapan ka lang." sagot nung babae "Mommy please let me stay with her. Ipromise I will be a goodboy. I will be a good boyfriend

to her." sa cute ng itsura ng batang yun ngayon, wala sigurong kayang tumanggi sa kanya kaya naman.. "Haaaay..don't stare at me like that Drey. You know its mommy's weakness baby." "Please mommy..I want to be with her." "Haay, what else can I do right?! Okay okay..you can go with her. I'll just pick you up there when I come home." "Yes! I love you mommy! I love you!" tapos hinug niya yung mommy nya "I love you too baby." tapos kiniss na niya yung bata.. ang cute nilang mag ina Haay.. may naaalala tuloy ako..pero..no! she's different..hindi ganyan yung babaeng yun. "Okay miss, sorry for the bother huh? Can I get your contact number? I'll give you mine also in case mag ka emergency. Just call me if ever, I'll call you pag susunduin ko na siya. If you need help eto yung number ng room, just call yaya Cecile. She'll help you in case you need help." tapos ayun nag exchange na kami ng phone numbers "By the way I am Stella Rucafor." tapos inihaya niya yung kamay niya sakin, makikipag shake hands "I am Nami Shanaia San Jose." tapos inabot ko yung kamay niya at nagshake hands kami "Please take good care of my baby." "I will , don't worry :)" Pagkatapos nun nagmamadali ng umalis ang nanay niya. Drey happily came with me..hindi na ako bumili ng slurpee, pumunta na lang kami dito sa condo ko. *END OF FLASHBACK

"So Bryle gets mo na?!" "Tss..bobo ka talaga. Magvolunteer ba naman maging baby sitter?!" -Bryle "I'm not a baby! Ugly face! I'm her boyfriend!" -Drey "Sabi ng ako ang boyfriend ni Nami eh!" -Bryle "Then Nami, dump him! dump him and be my girlfriend. I'm more handsome than he is look!" tapos sinuot pa niya yung shades niya.. Ang gwapo nga niya talaga. Kung mas lumaki pa to, kung kaedad lang siya namin, mas gwapo talaga siya kay Bryle! ahaha "Anung dump him ka dyan?! sapakin kitang bata ka eh!" -Bryle, papatulan na naman niya yung bata "Bryle naman eh! stop it! bata yan. Eto naman, bakit ka ba pumunta dito?!" "Tss, I came here para ibigay yung sweldo mo kaso, mukang ayaw mo naman eh. Kaya aalis na ako." paalis na siya ng "Hep hep hep..wag ka munang umalis babe. Sabi ko nga eh, akin na muna ang sweldo ko." "Tingnan mo to basta pera. Haay..nagugutom ako..pakainin mo muna ako!" "Eh pero anu namang ipapakaen ko sayo?!" "Yan! gusto ko rin yung spaghetti na kinakaen ng batang yan! Mukhng masarap eh!" tapos tinuro niya yung curly spaghetti na kinakaen ni Drey "Di kita bibigyan nito no! In your dreams ugly monkey!" tapos inilayo ni Drey yung plato na may spaghetti "Aba at! madamot kang bata ka huh! Nami, iluto mo din ako nun! Gusto ko din nun!" tapos nag cross arms pa sya. Haay..para talaga siyang bata kahit kelan. "Eh pero instant spaghetti lang to."

"Ayos lang yan..makatikim naman ng pagkaen ng mahirap!" -Bryle "Anung sabi mo? mahirap pala huh! di wag ka ng kumaen!" "Joke lang. Iluto mo na ako sige na!" "Me too Nami..I want more spaghetti!" -Drey "Hoy anu kang bata ka?! kakakaen mo lang ah?!" -Bryle "It's none of your business ugly!" -Drey "Tumigil na nga kayo dyan. Ipagluluto ko kayo pareho. Kaso ang sikip na dito sa kitchen, dun na lang kayo sa salas habang nagluluto ako. Manood na lang kayo ng t.v. Dadalhin ko na lang dun pag luto na." "But Nami, I don't want to be with this ugly guy! " -Drey "Same here! as if I like to be with you! You idiot kid!" -Bryle "Ayaw niyo huh?! Sige..hindi na ako magluluto." "No..no. Isaid want to watch t.v. with hi.." -Drey "Yeah..sabi ko nga manonood na kami ng t.v. dun eh. Halika na nga kutong lupa!" tapos ayun binuhat na ni Bryle papuntang salas si Drey, nakakatuwa..para silang mag ama. . . . after ilang minutes ng pagluluto.. Pumunta na ako sa salas. Kanina ang ingay nung dalawang yun eh, naririnig ko pa sila na nagsisigawan and fighting over the remote pero biglang tumahimik? T.V na lang ang naririnig

ko eh. Nagkasundo rin siguro sila :) . . *lakad lakad . . "Oh eto na yung spaghet--" O____O! "Bryle! anu yan?! gago ka ba?!" sigaw ko Pano ba naman kasi, nakita ko si Drey nakatali yung kamay at paa na nakahiga sa sahig! May tali pang panyo sa bibig tapos pinagpapatungan pa siya ng paa ni Bryle! "Eh ang kulit kasi eh! sabi ng gusto ko sa Ben 10. Ang gusto daw niya Naruto shipuuden, tss,., eh bading naman si Sasuke! tss..mas astig kaya si Ben 10! Inaagaw niya yung remote, hindi ako makapanuod ng ayos. Kaya ayan ang nakuha niya!" -Bryle *boogsh hinagisan ko na naman siya ng tsinelas! sakto sa ulo! "Aray! ah ah naman! bakit ba ang hilig mong mamaltok ng tsi--" *boogsh hinagis ko pa sa kanya yung isa ko pang tsinelas "Tanga ka ba huh Bryle?! ginawa mong hostage yung bata eh! haaay!" sinasabi ko yun habang kinakalag yung tali sa paa at kamay ni Drey

"Ok ka lang ba huh Drey?!" "Yeah..I'm fine Nami! I will kill that stupid idiot! come here you! I will punch you in the face!" susugurin na sana ni Drey si Bryle buti nlng nasa gitna nila ako "Punch me in the face you say? then I'll kick your ass brat!" si Bryle naman ang lalapit kay Drey pero hinaharangan ko siya "Haaaaaaaay! tama na nga yan! kumaen na lang kayo netong niluto ko oh!" kinuha ko yung dalawang plate ng spaghetti na pinatong ko sa center table kanina Ayun kumaen naman sila.. . . "Nami, subuan mo ako :)" -Drey "Okay baby :)" susubuan ko na sana si Drey ng bigla akong pigilan ni Bryle "How come nung inask ka niyang subuan mo siya, payag ka agad? Bakit nung ako dati parang napipilitan ka lang?!" -Bryle "Bobo ka ba? eh syempre bata to no! Ikaw ang laki laki mo na magpapasubo ka pa!" haay.. grabe lang tong si Bryle eh, imba talaga sa kabobohan -_"Heh! eh boyfriend mo ako eh! Wala kang sweldo sige ka! subuan mo din ako!" tapos nagcross arms siya at pinatong yung kinakaen niya sa table "Subuan mo rin ako Nami, boyfriend mo din ako right? you'll dump him for me right?!" -Drey Kaya eto..halinhinan ko silang sinusubuan... Grabe, para akong may dalawang anak neto eh. Minsan magrereklamo si Bryle kasi daw makakadalwang subo ako kay Drey..haaay.. -_-

. . Pagkatapos namin kumaen.. Nanood lang kami ng t.v. This time hindi na sila nag aagawan sa remote.. type nila pareho yung palabas eh, Phineas and Ferb. . . Ayun palipat lipat lang ng channel.. Merienda here..merienda there.. Tapos nuod na ulit. . . 6:00 pm na pala.. Ang tagal namin nanood ng t.v.! Marathon kasi ng Phineas and Ferb kanina eh.. enjoy naman sila. Pagkatapos nun..nagprito lang ako ng hotdog at naglagay na ng rice sa rice cooker, dinner na eh! Trip naman nila yung ulam kaya ayun..enjoy naman sila sa pagkaen.. Buti nga hindi na sila nagpapasubo eh. Pero muntik na naman silang mag away kasi.. 4 na jumbo hotdogs yung pinrito ko, so syempre nung una tigiisa kami. Eh tatlo lang kami diba? Nagkataon na sabay naubos yung hotdog ni Drey at ni Bryle kaya naman..

"Back off ugly! This hotdog is mine!" -Drey, tusok tusok na niya yung hotdog ng tinidor "No! pano naman naging sayo yan eh sabay lang tayong tumusok ng tinidor?!" -Bryle Yep..pareho silang nakatusok dun sa hotdog..tapos nagpapatayan ng titig. Walang gustong magpaubaya! amps! -_Nakakaloka na talaga to. Kahapon, sila ni Tj, ngayon naman sila ni Drey. Malma na talaga si Bryle. Iniimagine ko pag nagkaananak to nako, kawawa magiging asawa niya. Imbis na magkaron ng asawa eh parang anak pa ata din si Bryle! -__"Kayong dalawa talaga! Wait nga, ganito na lang Malaki naman yang hotdog diba? hatiin na lang natin huh?! Ako na lang ang maghahati para fair." tapos ayun..tinanggal ko yung tinidor nilang nakatusok dun sa hotdog..hinati ko tapos inilagay sa mga plato nila.. Ayun ayos na ulit..balik na ulit sila sa pagkaen.. . . Pagkatapos namin kumaen.. Pinapunta ko nlng ulit sila sa salas kasi magliligpit ako ng mga pinagkainan namin. Bago sila lumabas sinigawan ko si Bryle.. "Bryle wag mo na ulit itatali si Drey huh! patay ka sakin!" "Ou na po!" At ayun nagtuloy tuloy na sila sa salas. Manonood na naman yun ng t.v. . .

Pagkatapos kong magligpit.. Pumunta na ako sa salas.. *lakad *lakad . . Tahimik na naman ata? tv na lang ulit ang naririnig ko. Nako baka tinali na naman ni Bryle si Drey! patay talaga siya sa akin! pagkakita ko sa kanila.. . . Napangiti naman ako.. Kasi si Drey, tulog.. Yep..tulog siya sa lap ni Bryle. Nakapatong yung ulo niya sa lap ni Bryle tapos si Bryle, hinihimas himas pa yung buhok ni Drey habang nanonood ng t.v. This time, mukha na talaga silang mag ama, nakakatuwa. . . *dingdong Bago pa man ako makalapit kila Bryle eh narinig ko na yung doorbell. Siguro ayun na yung mommy ni Drey. Agad ko namang binuksan yung pinto.

"Hi Nami, thank you for taking care of Drey..so where is he?!" pagtatanong niya sakin "Nandun po siya sa loob, nakatulog na eh." tapos tinuro ko sa kanya si Drey na nakahiga parin sa lap ni Bryle "Oh look at that, he looks like an angel. Wait Nami, who is that guy?!" tapos tinuro niya si Bryle "Oh, he is my boyfriend." "Bryle Caleb Stanford mam :)" sumagot naman si Bryle, nag hi pa nga eh "Stanford? you mean, the owner of this condominium?!" "Yes..our family basically own this." "Wow, that's great. Sorry kung naabala ng anak ko ang dapat sana eh alone time niyo." "Ahahaha..nako, ayos lang po yun, masaya naman po kasama si Drey eh. He's a sweet boy :)" sabi ko "Yeah..I know. It really kills me to leave him like this pero wala akong magagawa eh. Single mother ako. I need to work hard for him." so mag-isa lang pala niyang tinataguyod si Drey?! I can see it in her eyes, mahal na mahal niya si Drey. Did mom ever looked at me like that?! I guess not. ss. Bakit ko ba siya naiiisip? patay na siya para sakin! tss "Mam, ihahatid ko na po si Drey sa condo niyo." -Bryle likod niya.. . . . tapos isinakay na ni Bryle si Drey sa

Pag dating namin sa condo nila Drey ayun, pumasok kami hanggang sa kwarto niya. Nung ihihiga na siya ni Bryle sa kama.. Biglang gumalaw si Drey..Tapos niyakap niya si Bryle.. "I love you daddy. I miss you." pagkatapos niyang sabihin yun, he let go of Bryle at natulog na Si Bryle parang natulala pa sa nangyari.. Yung mommy ni Drey, napaiyak sa sinabing yun ni Drey. Mahirap naman kasi talagang maging single parent eh lalo na yung makita yung anak mo na hinahanap yung daddy niya. Now I know how hard it is for dad when mom left us. . . Nikiss ko na lang si Drey sa forehead bago ako umalis. I know how he feels. It's hard to have a broken family. Nalulungkot ako, kasi bata pa siya wala na siyang dad..haay.. Hindi ko na tinanong si Mrs. Rucafor about the details sa dad ni Drey. I respect her privacy naman eh, alam kong personal na yun. Sinabi ko na lang kay Mrs. Rucafor na pag weekdays, Drey can stay with me. Ewan ko, I want to take care of him. . . Naglalakad na kami ngayon papuntang elevator. Since paalis narin si Bryle..hinatid ko na siya. "That kid..he's really a pain in the ass pero astig siya. I like him..a little. Ehem, maybe we can go to an amusement park together sometime?" nabigla ako sa sinabing yun ni Bryle Talaga? nagaaya siyang pumunta dun with Drey?!

"Ikaw ba talaga yan huh Bryle?!" "Oo naman no! but don't think na ginagawa ko yun para mapasaya yung batang yun no! Gusto ko lang magpunta sa amusement park! Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dun eh." sinasabi niya yan habang sa iba nakatingin, iniiwasan niyang tumingin sakin The thing about Bryle is.. hindi niya gustong sabihing nag-aaalala siya although his actions clearly shows that he is. Natutuwa ako sa kanya ngayon, sobra. Alam ko naman kasing, gusto niyang mapasaya si Drey. Nung niyakap siya ni Drey kanina, alam kong naapektuhan siya kahit papano. Kasi yung mga mata niya, naging maamo, napansin ko yun. *ting Ayan na yung elevator.. "Nami oh, yung sweldo mo." tapos inabot na niya sakin yung pera, pero ewan, sobrang saya ko.. hindi dahil dun sa pera..but merely because ganyan siya..sa mga sinabi niya..natuwa talaga ako ng sobra.. "Thank you Bryle! so we'll go at the amusement park next Saturday huh?! Thank you talaga!" tapos ewan ko.. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yung ginawa ko.. . . Siguro out of too much happiness.. . . Siguro..

. . Kasi sobra akong natuwa sa kanya.. . . Siguro yun lang nga.. . . Nadala lang siguro ako ng emosyon ko.. . .

hay ewan! . . but I did it.. O/////./////O I.. . .

KISSED HIM . . Sa cheeks lang naman! kayo huh! Tapos nagtatakbo na ako! wahahaha. Hindi ko na nakita ang reaction niya. Basta pagkatapos ko siyang halikan, tumakbo na ako. Nakakahiya kasi.Pero napapangiti ako habang tumatakbo...sa hindi ko malamang dahilan. Kaso hindi ba nya ako tatanggalin sa trabaho dahil sa ginawa ko? Well it's not like I'm breaking any rules right? It's just a thank you kiss! A thank you kiss that's all.

CHAPTER 19- Making EXCUSES just TO BE WITH YOU <3 BRYLE's POV *ting Ayan na yung elevator.. "Nami oh, yung sweldo mo." tapos inabot ko na sakanya yung pera, buti naalala ko. Muntik ko na naman kasing makalimutan, na out of focus ako dahil dun sa unanong bata kanina eh.. "Thank you Bryle! so we'll go at the amusement park next Saturday huh?! Thank you talaga!" sobrang saya naman ata ni Nami?! para naman siyang hindi nakakapunta sa amusement par. . O____O .

. Ahm..a-anung gi-na-wa..ni-ya?! . . Ba-bakit..niya ako HINALIKAN?! . . sa pisngi lang pero.. BAKIT?! Hindi ko na siya natanong..Tumakbo bigla eh! Gago yun! manghahalik tapos tatakbuhan yung hinalikan niya! gagong yun ah! Hindi fair! gagantihan ko din sya! (ai PSH..anu ba tong sinasabi ko?! -_-) But seriously..Dati, she kissed me on my forehead, now on my cheeks?! What was that for?! I mean..whats the purpose for doing such things?! Haaay..hindi na naman niya ako papatulugin dahil sa ginawa niya eh! Dammit! "Ah sir sasakay po ba kayo or what?!" natauhan naman ako pagkarinig sa tanong nung babaeng nakasakay din sa elevator Hindi na ako sumagot..wala ako sa sarili ko para sumagot. Lumakad lang ako papasok ng elevator ng nakatulala parin habang hawak hawak ang pisngi kong hinalikan ni Nami. Pag kukurap ako..ang nakikita ko eh yung itsura niya kanina nung hinalikan niya ako pati yung

pagtakbo niya! "Peste ka Nami! anu bang ginagawa mo sakin?!" tapos inuntog ko ang ulo ko sa may pader nung elevator.. Natakot ko na ata yung kasama ko dun pero wala na akong pakialam. . . . Pagkauwi ko sa bahay, ayun syempre diretsong kwarto lang ako. Haaay, ang init talaga ng pakiramdam ko! Para naman kasing ngayon lang ako nahalikan ng babae eh?! eh hindi naman eh! kaya bakit ako ganito?! Pumunta akong c.r...balak kong magshower. Perro pag dating ko sa c.r. nung bubuksan ko na yung shower.. Bakit ganun?! parang ayokong basain yung part na kung saan ako hinalikan ni Nami?! Ewan ko kung anung nangyayari..basta..ayaw ko lang..tss... . . So ayun..nagshower ako pero hindi ko binabasa yung ulo ko. Eh sa ayaw ko eh! pakialam niyo?! . . Nung matutulog na ako, ewan ko ba kung anung pumapasok sa utak ko, nakasinghot ba ako

ng pentelpen o katol basta, ayokong lumapat sa unan yung pisngi kong hinalikan ni Nami. Ayoko lang! wag na kayong magtanong kung bakit kasi hindi ko rin alam ang sagot! Kaya I did try my best na matulog ng hindi naka side view! And after ilang hours.. Nakatulog naman ako. . . . 6:30 AM *Krriiiiiiiiiiiiiiing!(basta alarm clock ko yan!) Oh damn! ang aga nga pala ng pasok ko ngayon! So ayun, bilis bilis akong naligo.. Pagharap ko sa salamin.. PSH! Nagawa ko ngang makatulog ng nakatihaya para lang hindi madali yung part na hinalikan ni Nami! tapos naligo naman ako! great -_Ay teka, anu yun wala akong planong maligo?! anu na bang nangyayari sakin? Napapalo ko na lang yung kamay ko sa ulo ko. Susunduin ko dapat si Nami kaso nauna na pala siya sakin sa school.. . . . Fast forward..

Simula Monday hanggang ngayong Thursday na, wala na akong ginawa kung hindi tanungin si Nami kung bakit niya ako hinalikan sa pisngi nung gabing yun kaso magaling ang babaeng yun.. Sa twing ioopen ko sa kanya yung topic na yun, nagagawa niyang ibahin yung usapan at ako naman nadadala niya sa kagaguhan niya! amps.. Tulad na lang neto.. Lunch Break namin.. "Nami, bakit mo nga kasi ako hinalikan nung ga--" "Bryle, napanood mo ba yung bagong episode ng Hitman Reborn? yung naglalaban na si Byakuran tsaka si Tsuna? astig no?!" -Nami "Ou nga..grabe yon, astig. Ang lakas na niya kasi gawa nung si Ghost, nakuha niya lahat ng dying will flames ng mga vonggola bla blal bla.." ayun nag usap lang kami tungkol dun sa Hitman Reborn.. Hanggang sa magbell na.. Shet! Nakaalis na siya bago ko pa maalalang tinatanong ko nga pala siya dun sa paghalik niya sakin! Imbang babae yun! naisahan na naman ako! Tatanungin ko na lang siya mamaya pag uwi.. . . Uwian na. Nandito kami ngayon sa kotse ni Nami. Ayaw kasi ni tanda na gamitin ko yung motor. Naulan din kasi kaya si NAmi, may supot nlng syang dala..para di sya mahilo. "Nami, bakit mo nga kasi ako hinalik--"

"Bryle, naka tikim ka na ba ng stik -o?!" -Nami "Hindi pa nga eh, anu ba yun?!" "Eto oh..kain ka. Masarap to." tapos inilabas niya yung isang jar ng stik o daw yun at ayun first time kong makatikim nun! "Aba masarap nga ah! Nice ka huh!" No wonder isang jar siya kung bumili neto! ang sarap eh! Kumaen lang kami nun buong byahe.. "Bye Nami.." "Bye Bryle..kita na lang tayo bukas." Tapos sinarado na niya yung pinto ng kotse . . After ilang minutes.. "Takte! hindi na naman niya nasagot yung tanong ko! haaaaay -_-" Talagang ang galing niya. Napapaikot ako ng babaeng yun! hassle! mukhang hindi ko na talaga siya mapapasagot! kainis! -------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV Friday na! Kaso badtrip.. Wala parin development sa amin ni Nash. I mean, nagkakausap kami pero..wala parin syang clue na may gusto ako sa kanya. Hindi ko rin naman masabi kasi nga, syempre kailangan pa

siya ni Bryle. Pero minsan talaga gusto ko ng sabihin, lalo na pag nakikita ko siyang nakangiti sakin. Ang ganda kasi niya pag nakangiti. Haay..tapos ang ewan pa niya, niloloko pa niya ako dun sa best friend niyang si Katie. Tuwing itatry kong solohin siya habang may pinagkakaabalahan si Bryle eh bigla niyang ituturo si Katie at sasabihing kausapin ko naman daw kasi baka kung anung gawin dun ni Steve, at dahil sa mabait ako wala naman akong magawa. Edi sige, kausapin si Katie. Okay din naman kausap yun eh. Ang kaso nga lang, ang daya naman kasi! hindi fair! Si Bryle, halos araw-araw magkasama sila! Nasosolo pa ni Bryle si Nash! Nash is even Bryle's girfriend in school! Kaya gustuhin ko mang pumorma o gumawa na ng moves kay Nash eh wala, hindi pwede hangga't nasa school kami.. and to think na sa school ko lang nakakasama si Nash! Haaay.. may pag-asa pa kaya ako?! Nakakainis! wala akong magawa! . . . Ilang subjects ang dumaan pero wala akong naintindihan, frustrated padin ako. Lalo na nung nakita ko si Nash kaninang lunch. Hindi ko man lang siya nakausap kasi kinukulit siya ni Bryle about something kaya ayun, ang bilis nyang umalis -_- Ang bulok ko naman eh! kahit man lang maiparamdam ko sa kanyang gusto ko siya, hindi ko magawa! tss.. "Pare, ang lalim ata ng iniisip mo dyan." -Steve "Hmm...malalim ba? pare, may tanong ako." "Babae yan no?" -Steve

"Tama..teka..pano mo nalaman?!" "Sus, ako pa? pag dating sa babae..expert ako.. XD" -Steve "Pare, pano pag may gusto kang babae pero..hindi mo naman masabi sa kanya na gusto mo siya kasi..hindi mo pa kaya. Pero gusto mong maiparamdam sa kanya na gusto mo siya kahit hindi mo sabihin kaso, hindi mo naman magawa kasi hindi mo sya masolo. Hndi ka mabigyan ng pagkakataon na kayo lang, pano yun? " "Ahahaha Tommy! nagbibinata ka na talaga! I'm so happy for you! Hindi ka naman nagkamali na akong pag tanungan niyan! Ganito lang bro, kung ayaw ng pagkakataon na bigyan ka ng oras na kayo lang dalawa, might as well ikaw na mismo ang gumawa ng dahilan para magkasama kayo! Wag ka ng maghintay ng chance! Ikaw na mismo ang kumilos! Kung hihintayin mo pa ang tadhanang yan, walang mangyayari sayo bro! Kung kailangan kidnappin mo yung babae para masolo mo siya, edi gawin mo. Yun lang yun pare. Pag gusto..lageng may paraan :)" -Steve "Haha..mukhang expert na expert ka talaga huh?! Geh salamat Steve." . . Haay..kidnappin? hindi ko naman pwedeng kidnappin si Nash diba?! so anu kayang gagawin ko?! Hmmm.. *riiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing SI Bryle to ah?! bakit kaya siya napatawag?! BRYLE: TOMMY, PWEDE BANG PAHANAP SI NAMI?

AKO: HUH? BAKIT? AKALA KO BA SABAY KAYONG UUWI? BRYLE: AYUN NA NGA EH..KASI BIGLAAN, NGAYON NA PALA YUNG TRY OUTS PARA SA BASKETBALL..EH AYUN, NGAYON KO LANG NALAMAN,,SO HINDI KO MAIHAHATID SI NAMI.. AKO: BAKIT HINDI MO NA LANG SIYA TAWAGAN? BRYLE: TINAWAGAN KO NA SIYA KASO PATAY YUNG CELLPHONE EH. BAKA NALOWBAT,,SIGE NA PARE,,MAGUUMPISA NA YUNG TRY OUT EH..KAW NA BAHALA KAY NAMI HUH?! AKO: OK SIGE. *end call.. Eto na ba yun? Time na ba to para masolo ko si Nash? Pero..nasaan kaya siya?! Haay! ah basta! sabi nga ni Steve, walang mangyayari kung tutunganga lang ako! dapat may gawin ako! at may plano na akong naiiisip. . . Takbo dito.. Takbo dun.. Pumunta na nga ako sa parking lot kaso wala naman si Nash dun.. so bumalik na ulit ako sa may mga buildings.. Takbo pa dito..

Takbo dun.. Tak-Napatigil ako nung may napansin akong mga elementary students na nasa playground. Isang grupo yun ng mga bata eh, parang may pinagtutulungan silang isang bata.And poof,,bigla kong nakita si Nash. Papalapit siya dun sa batang pinagtutulungan nung ibang bata. Lumakad ako papalapit.. . "Anu ba kayo?! tama na nga! wag niyo syang pagtulungan! ang lalaki niyo ah! tapos mag isa lang siya!" si Nash yun..nakalapit na siya dun sa isang bata,,pinoprotektahan niya yung bata..nakaharang lang siya dun. "Ate, wag ka nlng makialam dito! hindi niya kami pinakopya sa test kanina kaya bagsak kaming lahat! madamot siya! kaya dapat lang sa kanyang mabugbog!" "Ou nga..umalis ka na dyan ate kung ayaw mong madamay dito!" Sigaw pa nung dalawaang bata, tatlong bata yun eh, siguro mga grade 2 pa lang tong mga to. "Heh! hindi ako aalis dito! hindi tama yang ginagawa niyo! kaya kayo bumagsak kasi hindi kayo nag-aaral! wag niyo syang sisihin! hindi ako papayag na saktan niyo siya! hindi ako pumapatol sa mga bata, kaya wag niyo na akong subukan!" sigaw pa ni Nash na ngayon eh talagang mas hinarangan pa niya yung bata Ang tapang talaga niya. That's the thing about her na nakakuha ng atensyon ko. From the moment I heard na inaway niya si Bryle hanggang nung makita ko mismo nung sinuntok niya si Bryle talagang napabilib niya ako. Hindi naman sa natutuwa akong inaaway niya ang best friend ko.. Napabilib lang ako sa tapang niya. I mean, she stands for what she believes in.

Pag alam niyang tama siya, handa siyang makipagpatayan para lang maipakitang tama siya. And you know what, I really like a girl who can stand up for herself , parang si mommy.. matapang. mommy's boy ako eh! hehe.. Tapos..nung isa pang araw na nakita ko siyang binigay yung payong niya dun sa batang pulubi. Mas inisip niya pa yung bata kesa sa sarili niya. Sobrang napahanga niya talaga ako dun! Iba siya sa lahat ng babae, sobrang simple..s, sobrang bait. and she's fun to be with. Sa mga kwento pa lang ni Bryle, hindi na ako magtataka kung bakit lageng nakangiti si Bryle tuwing mababanggit yung pangalan niya. Minsan nga naiinggit ako kay Bryle eh. Because he gets to be with her whenever he wants. Eh ako?! haay..but anyway..eto na ang chance ko! might as well make the most out of it! Natauhan naman ako ng marinig ko yung sigaw nung tatlong bata.. "Sinabi ng umalis ka na dyan eh!" sumigaw yung isang batang lalaki na i guess leader netong mga batang eto Kaya ayun..tinulak nung dalawang bata si Nash paalis dun sa batang hinaharangan niya, kaya napadapa siya sa damuhan. Tapos nung papaluin na nung leader nung mga bata yung batang pinoprotektahan ni Nash ng I guess raketa ng badminton, eh biglang bumangon si Nash sa pagkakadapa at agad na niyakap yung bata para protektahan ito. Nakapikit lang siya nun habang inaantay na mapukpok ng raketa. Hindi na siya nagdalwang isip..basta ang sa kanya lang eh maprotektahan yung bata. "Alam niyo bang masama yang ginagawa niyo? mananakit kayo ng babae? kahit mga bata pa kayo, hindi ko kayo mapapatawad pag sinaktan niyo siya!" sigaw ko habang hawak yung raketang ipampapalo sana nung isang bata kay Nash.. Syempre, alangan namang manuod lang ako diba?!

At dahil sa malaki naman akong lalaki..at sa lakas ng sigaw ko..ayun..nagtakbuhan nlng yung mga bata.. "Wa-wala na ba? anu asan na yung hampas? bakit hindi masakit? asan na?" pagtatanong ni Nash habang nakapikit at nakayakap parin dun sa bata "Wala na po ate, dumating po si Kuya, nag alisan na po sila." sagot nung batang yakap ni Nash "Hehe..ou nga no. Ayos ka lang ba huh bata?!" inaalala pa niya talaga yung bata? eh sya nga tong nasaktan at muntikan ng masaktan eh "Ayos lang ako ate,maraming salamat po!" tapos niyakap din nung bata si Nash,, "Walang anu man yun. Basta sa susunod na awayin ka nung mga yun, isumbong mo lang sila sakin..patay sila sakin!" nakangiti pa niyang sabi dun sa bata "Talaga po? thank you po talaga! tsaka kay kuyang pogi, thank you!" bigla namang napabitaw si Nash sa pagkakayakap dun sa bata at napatingin siya sakin "Tommy?" -Nash "Ou..haay..pasalamat ka dumating ako. Kung hindi baka nahampas ka na ng raketa." "Ou nga eh..hehe..salamat huh!" -Nash, pinagpagan niya yung damit niya, nadumihan kasi nung tinulak siya..buti wala siyang sugat.. "Wala yun..wala pa nga yung ginawa ko kumpara sa ginawa mong pagtatanggol diyan sa batang yan eh!" "Wala nga akong nagawa eh..hindi ko naman kasi kayang saktan yung mga bata kanina kaya hindi ko sila malabanan. Ang choice ko na lang eh to take the hit para maprotektahan tong batang to. Ayoko lang talagang may batang umiiyak..ai teka, bakit ka nga pala nandito?!" -

Nash "Hehe..pinahanap ka kasi sakin ni Bryle.." "Aray! baka galit na sakin yun! sabi ko magkita nlng kami sa parking lot! sabay kasi kaming uuwi!" "Yun na nga eh. Hindi makakasabay sayo si Bryle, may biglaan kasing try outs sa basketball eh..kaya ayun..sabi nya ako na lang daw ang maghatid sayo." "Nako ganun ba? hala, wag mo na akong ihatid! kaya ko ng umuwi mag-isa. Nakakahiya naman!" "Hinanap na nga kita eh, nagtatakbo na ako kung saan tapos tatanggihan mo lang akong ihatid ka?! tss..tampo na ako.." tapos tumalikod ako sa kanya, nagcross arms..nag acting na parang nagtatampo.. "Tommy naman oh! sige na nga ihatid mo na ako! tsk..peace na kasi tayo! sorry na :)" tapos nilapitan niya ako, iniharap sa kanya tapos nagsmile siya sakin! Wag ganan! parang gusto kitang halikan pag ganan ka! baka hindi ko mapigilan ang sarili ko! Nash! wag ganyan. "Ah..eh..a-ano..ah,,si-sige..ahm..ta-tayo na nga!" nabubulol ako! eh kasi naman! ang lapit niya! tapos nakangiti pa siya! saktong palubog pa naman yung araw,,ang ganda niya lalo! "Wait, magpapaalam lang ako dito sa bata.." tapos bumalik siya dun sa bata, kiniss siya nung bata sa cheeks tapos nagbbye na sakin at kay Nash "Swerte naman nun, nayakap mo na nga kanina may kiss pang kasunod! Sana bata na lang din ako!" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse ko "Hahaha! ikaw talaga Tommy! " tumawa lang siya, ang ganda niya pag tumatawa, lahat

naman ata ng anggulo eh..kahit nagagalit o nabbwisit o natatakot siya..lahat ng yun,,kahit saan, maganda parin siya..siya parin ang pinakamaganda sa paningin ko.. . . . Nakasakay na kami ngayon ni Nash sa kotse. Buti na lang at nabubuksan yung roof ng kotse ko..mahiluhin kasi sya sa kotse na airconditioned eh! buti nlng talaga! . . "Ah..eh Nash..ok lang ba sayo kung dumaan muna tayo sa mall?!" "Huh? ou naman..pero bakit biglaan naman ata?!" tanong niya "Eh kasi..may naalala akong dapat kong bilhin." kahit ang totoo, wala naman talaga akong bibilhin.. gusto ko lang talagang makasama siya ng mas matagal ng kami lang dalawa. hance ko na tong masolo siya eh, kaya ayos lang siguro kahit ngayon lang..magsinungaling ako sa kanya. "Ah ok..sige :)" buti pumayag siya, ang saya.. . . . Pag dating namin sa mall.. "Ah Tommy, anu bang bibilhin mo?!" aray..anung isasagot ko dito?

"Hindi ko din alam eh..nakalimutan ko." wala kasi akong maisip! antanga naman ng sagot ko! eh sa kinakabahan ako eh! "Huh? ahahaha..nakakatawa ka! pareho pala tayo! Minsan ganyan din ako eh! May bibilhin ako sa tindahan tapos pag tinanong na ako nung tindera, hindi ko na maalala! Ahaha! sige take your time..isipin mo lang!" akalain mo yun? tinawanan niya lang ako? akala ko maiinis siya eh.. Naglakad na lang kami tapos ewan ko napapangiti ako. Magkatabi kaming naglalakad ngayon, mababaw ba ako? pero ang saya ko na! pinagmamasdan ko siya habang tumitingin kami ng kung anu-anu sa mall. Tapos.. Napatingin siya sakin. Aw! eh nakatitig ako sa kanya eh! "Bakit ganyan ka makatingin Tommy? may dumi ba ako sa mukha?!" tapos pinapahidan pa niya ng kamay niya yung mukha niya! ahaha,,nakakatawa sya,.ang cute niya.. "Haay, wa-wala..ang sarap mo lang kasing tingnan." "Ahahaha, gumaganun ka rin naman huh! ikaw talaga Tommy! Ay wait naisip mo na ba kung anung bibilhin mo? kanina pa tayo naglalakad dito." "Huh? ah..eh..hindi pa eh.." "Huh? hindi parin? bakit ganun?!" "Isn't it obvious that I'm making excuses just to be with you?!" aw..nasabi ko ba yun? nabigla kasi ako eh..ewan ko ba..sa isip ko lang naman kasi dapat yun sasabihin eh..kaso lumabas sa bibig ko..

"Huh?! anung sabi mo?!" It's a good thing na biglang nagsalita yung promo girl dun sa isang store na nadaanan namin nung time na sinabi ko yun, buti na lang..nakakahiya kasi kung sakaling narinig niya "Wa-wala! sabi ko naalala ko na! tara dun!" tapos dinala ko na si Nash papunta dun sa folded and hung.. napansin ko kasing nakauniform pala kami Ang panget naman kung first date namin eh naka uniform kami! Oo, first date namin to para sakin! kahit di niya alam! ayos lang haha. Desperado na ba ako? . . . "Bagay ba?!" pinakita ko sa kanya yung poloshirt at pants na sinukat ko "Yep ang gwapo mo Tommy! " gwapo daw ako? marami ng nagsasabi sakin niyan pero bakit nung sa kanya nang galing parang gusto ko ng magtatalon sa tuwa at ipagsigawan sa lahat na sinabi niyang gwapo ako?! "Oh ikaw naman..isuot mo to." tapos inabot ko sa kanya yung blue na dress na pinili ko kanina "Huh? eh wala naman akong balak bumili ng damit eh Tommy!" "Libre ko to! anu ka ba!" "Huh? nako wag na no!" "Sige ka..magtatampo na naman ako niyan!" "Ok sige na nga!"

Kaya ayun..sinukat na niya.. Speechless..lalo siyang gumanda. Mas nagmukha siyang babae. Sabi ko na nga ba at bagay sa kanya yun eh.Hindi ko na pinaplastic yung suot namin..diretsong suot na kaagad pagkabayad. Tapos nun sa shoes area naman kami pumunta, bumili ako ng rubber shoes..ibinili ko naman siya ng doll shoes.. ayaw daw niya ng heels eh. Sabi niya nga siya na daw magbabayad..pero wala narin siyang nagawa..pagbabayarin ko ba naman siya sa date namin?! So ayan..ok na..bihis na bihis na kami..mukha na talaga tong date..^_^ Moving to the next step.. "Nash..gutom na ako. Kaen muna tayo bago umuwi." "Huh? o-ok..pero, siguradong hindi mo na naman ako pagbabayarin kaya sa mumurahin na lang tayo. Ang dame mo ng gastos eh! sige na! Gusto ko rin kasi nung pizza sa foodcourt! please :)" makakatanggi ba naman ako?! Kaya ayun..sa foodcourt nlng kami kumaen.. Habang iniintay yung pizza, nandito kami ngayon, nakaupo habang kumakaen ng ice cream.. Tapos biglang nagsalita si Nash.. "Tingnan mo yun oh..gusto mong gumawa tayo ng kwento sa kanila? para hindi tayo mainip.." may tinuro siyang isang couple na nasa table din, pareho pang naka red shirt.. "Huh?! ang gulo.." "Gagawa lang tayo ng story about sa kanila. Ganito..ako ang magsisimula, ang pangalan nung babae si Ana..yung lalaki si Bryan. Birthday nila pareho ngayon, ayan dugtungan mo

bilis!" ahaha.. dugtungangame pala to..nakakatuwa naman ang trip niya..oh sige.. "So ayun..birthday nga ni Ana at Bryan ngayon. Actually, silang dalawa, matagal na silang classmates, pero hindi sila naguusap ngayon lang." dagdag ko.. "Huh? ahaha..ang hirap naman dugsungan niyan! oh sige..edi ngayon nga lang sila nag usap kasi nga..napag alaman nilang ngayon pala pareho ang birthday nila tapos pareho pa silang nakapula.." ahaha..natatawa na ako sa takbo ng kwento naming to ni Nash..enjoy ako ng sobra.. "So ayun..dahil sa pareho silang nakapula..sabi nila..hey, bakit hindi tayo magcelebrate ng birthday together kasi pareho tayong nakapula?!" -Ako "Anung connect? ahaha anyway, ayun, so napagdesisyunan na nga nilang magcelebrate ng birthday nila ng saby kasi pareho silang nakapula. Actually hindi sila dapat dito kakaen, sa mamahaling restaurant dapat kaso nanakawan si boy..kaya ayun,,dito sila nag end up sa foodcourt.." -Nash "Pero blessing in disguise pala yung pagkakanakaw ng wallet nung guy kasi sabi sa kanya nung babae.."ayos lang yan,,mahal naman kita kahit wala ka pang pera.." tapos sabi nung guy.."talaga? matagal narin kitang mahal!" kaya ayun,,ngayon sila na!" -Ako "Ahahaha! The best! ang galing nating gumawa ng kwento! pwede na tayong writer sa wattpad!" tapos nag apir pa kami ni Nash Hindi ko namalayan ang oras..luto na pala yung pizza namin..napasarap kami sa pagkkwentuhan. Ang saya talaga niyang kasama. Lilipas na lang ang oras ng hindi mo namamalayan. .

. Pagkatapos namin kumaen, nagaaya na umuwi si Nash. Pero may plano pa ako eh.. Pano ba to,, "Ahm,,,Nash..ano kasi.." hindi ko masabi "Anu yun Tommy?!" "Eh kasi..anu..sasali kasi ako sa battle of the bands sa skul..eh..gusto kong malaman kung ok lang ba yung boses ko? tsaka kung bagay ba sa boses ko yung kakantahin ko. You see..ako kasi ang vocalist..kaso..wala pa akong confidence. Ahm..I guess kung malalaman ko yung comment mo about my singing, siguro way yun para maging confident ako..can you watch me sing?! ngayon na?!" Actually..hindi naman totoo yang dahilan kong yan eh..nagsinungaling na naman ako. Ang totoo niyan, gusto ko lang siyang kantahan talaga.. Alam kong gasgas na yung way ng panliligaw na yun, old fashioned na pero..I think it's very sweet at kung may kakantahan man ako.. gusto ko siya yun. "Are you kidding? syempre naman! ok na ok! kumakanta ka pala Tommy? Wow! ang saya ko! maririnig din kitang kumanta! wee! tara na! dun tayo sa fun house! kumanta ka dun!" tapos kinaladkad na nga niya ako Hindi ko akalaing magiging ganito sya kaexcited to hear me sing. . . Dumating na kami dun sa funhouse..

Meron kasi dung parang videoke..tapos may stage..para ka talagang magpeperform..kasi dun ka kakanta sa stage..pero videoke lang siya..tapos may upuan sa harapan..para sa mga manunuod.. Tamang tama..wala pang nakanta.. Naghulog na ako ng coin,, Si Nash umupo lang dun sa may harapan.Nakakailang nga eh, nakatingin siya sa akin. May ibang babae pang lumapit pero, si Nash lang ang nakikita ko..at hindi ako kinakabahan. I'll sing this song from my heart..this is my way..to tell her.. what I really feel.. how she makes me feel.. This song I'll be singing are the words I cant say to her directly. I hope that through this song.. These feelings I kept only in my heart can finally reach her heart. . . NOW PLAYING: YOU AND ME BY LIFEHOUSE Nagsimula na akong kumanta.. What day is it and in what month this clock never seemed so alive I can't keep up and I can't back down I've been losing so much time

Hindi ko alam kung kailan pa ako nahulog ng ganito sa kanya.. Pero hindi na mahalaga kung kailan pa.. Ang alam ko lang ngayon, wala ng atrasan. Wala na akong sasayanging oras. I just want to spend the rest of my precious time with her.

Cause it's you and me and all of the people with nothing to do nothing to lose and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Nakatayo lang ako ngayon..hawak ang michrophone..kumakanta.. Habang nakatitig lang kay Nash..

all of the things that I want to say just aren't coming out right I'm tripping inwards

you got my head spinning I don't know where to go from here

Napakamot naman ako bigla sa ulo ko atnapangiti rin,,nung kantahin ko yang line na yan.. Ewan ko ba..pero nabubulol talaga ako pag siya na ang kaharap ko. Ang dame kong gustong sabihin, pero pag kaharap ko na sya..wala na akong masabi. I'm running out of words.. although my feelings are overflowing.

cause it's you and me and all of the people with nothing to do nothing to prove and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Sinabi ko sa sarili ko dati, I will only sing this song to the girl who can take my breath away. To the girl who can stole my heart. I finally found her..she's here, standing in front of me., smiling back at me. Now, she's the only one I see..kahit na ang dame ng tao sa paligid namin ngayon.

there's something about you now

I can't quite figure out everything she does is beautiful everything she does is right

Now that I'm looking at her, it's as if she's the most beautiful thing I have ever seen in my life. Hindi ko alam kung kailan pa siya naging ganito kaganda sa paningin ko. Basta nalang, one day I woke up and boom.. It's like she's the most perfect thing in the world.

cause it's you and me and all of the people with nothing to do nothing to lose and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Bumaba ako sa stage., wireless naman yung michrophone eh.. Tapos kinantahan ko siya while holding her hands. Nabigla siya..but then..ngumiti lang siya sakin. Nagsisisigawan na nga yung ibang babae sa paligid eh but my heartbeat seemed to drown out the noise. My heart that beats only for her, right now seems to be the only thing I'm hearing .

you and me and all of the people with nothing to do nothing to prove and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Eye to eye lang kami ngayon. Siya na lang ang nakikita ko. Ang sarap ng pakiramdam ko! maramdaman sana niya.. maramdaman niya sana.. what day is it and in what month this clock never seemed so alive

Tapos may binunot ako sa likod ko.. "Rose?!" pagtatanong niya sakin "Aha..pero wag ka mag alala..alam kong hindi mo type ang flowers..haha.. so yang rose na yan..completely edible..chocolate yan! " "Wow! chocolate to?! thank you Tommy! Ang galing mong kumanta! sobra! Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal! Mukhang may iniisip ka habang kinakanta mo yan ah?!" tapos niyakap niya ako! so naramdaman niya? my feelings really did reach her?!

"Really? naramdaman mo?!" "Ou naman no! naramdaman ko ang love mo para dun sa babaeng yun! Kung sino man yun, ang swerte swerte niya! Nako pag kinanta mo yan sa kanya Tommy, ewan ko na lang pag hindi ka sinagot nun!" "So sinasagot mo na ako?!" Hinampas niya ako bigla.. "Ahahaha..loko loko ka talaga kahit kailan! Syempre hindi ako! yung babaeng iniisip mo habang kinakanta mo yan! Siya ang sasagot sayo! haynako! Tommy naman eh! kahit kailan talaga to! tawa naman ako eh!" She really doesn't have any idea does she? haay..but atleast naramdaman niya. Mali nga lang ang pagkakagets niya! ahaahah..nakakatawa talaga siya! Siguro hindi pa ito yung right time. Next time, sasabihin ko na talaga sa kanya directly para siguradong makukuha na niya. "Yeah..let's hope one day..sagutin niya nga ako.. " yun na lang ang sinabi ko then I grabbed her hand at dinala na siya sa kotse..gabi na eh. Satisfied naman ako sa nagawa ko. Nasolo ko rin siya, nakasama ko rin sya ng kami lang. Making excuses just to be with someone you like, isn't such a bad thing right?! but wether it's good or bad.. I don't care. Because I know, I will never regret doing this! Next time, pag pwede na, pag kaya ko na, mas aayusin ko pa. I will make sure that she will finally know my feelings, at sana pag nalaman niya..sana tanggapin niya.. sana lang talaga.

CHAPTER 20- AN ENCHANTED NIGHT AT ENCHANTED KINGDOM <3 NASH'S POV

Andito na ako sa condo ko, kakadating ko lang. Haay..Medyo napagod ako sa kakalakad namin kanina ni Tommy sa mall. Pero balewala yung pagod, ang saya naman kasi eh. Ang ganda talaga ng boses ni Tommy! Naisip ko, kung narinig din siya ni Katie na kumakanta at kung nakita lang ni Katie si Tommy habang kumakanta nako, sigurado lalo ng na in love dun si Katie! Sabi ko nga sana si Katie yung babaeng iniisip ni Tommy habang kinakanta yun. Kasi gusto ko talaga silang magkatuluyan. Panatag ako kung kay Tommy mapupunta ang best friend ko. Ahaha, ang ewan ko no? Ako daw ba ang mamili para sa bestfriend ko?! Well nasa sa kanya naman yun eh kung sino. Basta dadaan muna sakin ang sinumang lalaking magiging boyfriend niya! Wahaha . . Nanonood ako ng t.v. sa kwarto ko ng maalala kong Saturday na nga pala bukas! Ibig sabihin pupunta na kami sa amusement park! Hindi ko pa natatanong kay Bryle kung anung oras kami aalis! Isa pa sabi ko sa mommy ni Drey, magttxt na lang ako kung anung oras kami aalis nila Drey. Hinanap ko na yung cellphone ko sa bag ko. Pagkakita ko.. Aw..lowbat pala! -_Kaya ayun..sinalpakan ko na ng charger. Turned it on.. THEN.. BOOM!

Sabog ang INBOX ko! Puro TXTS AT MISCALLS ni Bryle! Patay ako neto! Biruin niyo naman..,,50+ TXTS? Tapos 100+ MISSCALLS?! Grabe siya huh! Binasa ko yung messages.. MESSAGE 1 HOY NAMI, BAKIT PATAY YUNG CELLPHONE MONG TANGA KA?! -_- KANINA PA KITA TINATAWAGAN! MESSAGE 2 NAMI! ANU? NAHANAP KA BA NI TOMMY? NAIHATID KA NA BA NIYA?! TINATAWAGAN KO SIYA PERO BAKIT NAKA OFF DIN YUNG CELLPHONE NIYA?! MESSAGE 3 NAMI! KANINA KA PA DAPAT NAKAUWI AH? BAKIT PATAY PADIN ANG CELLPHONE MO? WAG MONG SABIHING HINDI KA NAKAPAGCHARGE HUH! GAGO KA MAY CHARGER DYAN! MESSAGE 4 NAMI PATAY KA TLGA SAKIN! NAKAILANG TXTS AT TAWAG NA AKO SAYO HUH! ANU BANG PINAGKAKAABALAHA-*riiiiiiiiiing riiiing Nabitawan ko naman bigla yung cellphone ko kasi nabigla ako. Nagbabasa ako tapos biglang nag ring! Kinuha ko yung cellphone kong nahulog para tingnan kung sinong natawag. Sabi na nga ba eh! si Bryle! Aw, sasagutin ko ba? Haay..bahala na ngang masigawan. Kelangan ko din naman kasi siyang makausap para

malaman ko kung anung oras kami aalis bukas! Excited na akong pumunta sa amusement park! :D AKO: HELLO BRY-BRYLE: GAGO KA! ALAM MO BA KUNG NAKAILANG TXTS AT MISCALLS NA AKO SAYO SIMULA KANINA HUH? ALAM MO BA?! aw..rindi ako sa lakas ng sigaw niya! -_AKO: OU ALAM KO..50+ NA TXTS AT ERM..100+ NA MISC-BRYLE: HEH! PILOSOPO! ANG IBIG KONG SABIHIN DUN, ANU BANG KATANGAHAN MO AT KANINA PANG PATAY YANG CELLPHONE MO HUH? TAPOS HINAWAHAN MO PA SI TOMMY NG KATANGAHAN MO AT PATI CELLPHONE NIYA NAKAPATAY! BWISIT! AKO: ABA! EH SA NAKALIMUTAN KONG LOWBAT NGA PALA ANG CELLPHONE KO EH! NGAYON KO LANG NACHARGE! TSS.. PWEDENG MAGSORRY HUH? PWEDE?! BRYLE: AYOKO NG SORRY MONG BWISIT KA! IPAGLUTO MO AKONG ADOBO PARA MAPATAWAD KITA! GUSTO KO NG ADOBO BUKAS! AKO: TSS..MUKA KA NG PAGKAEN! BRYLE:HEH! GUSTO MONG HINDI NA ULIT KITA PANSININ HUH? GUSTO MO? AKO: SABI KO NA NGA PO EH..IPAGLULUTO NA KITA BUKAS NG ADOBO EH.. HEHE..EH ANUNG ORAS BA TAYO AALIS BUKAS? SAAN BA TAYO? STAR CITY O ENCHANTED KINGDOM?! BRYLE: YAN..GANYAN DAPAT..SIGURADUHIN MO LANG MAY ADOBO AKO BUKAS HUH! PAG WALA , HINDI TAYO TUTULOY! HMM..ANUNG ORAS? PUNTA AKO JAN NG MGA 10:00 AM! DAPAT BIHIS KA NA NUN HUH! ANG BAGAL MO PA MAN DING KUMILOS!

KAYA YUNG BATANG UNANO HUH, SABIHAN MO DIN BILISAN NIYANG KUMILOS! PAG LATE SIYA HINDI NA SIYA KASAMA! ENCHANTED KINGDOM TAYO! AKO: OU NA PO BOSS.. O SIYA..KITA NA LANG TAYO BUKAS HUH?! 10 AM..IPAGLULUTO KITA NG ADOBO..AT WAG MAGPAPALATE SI DREY..TANDA KO NA PO LAHAT..SIGE NA..IBABABA KO NA..ANSAKIT SA TENGA NG BOSES MO EH! PEDE NAMAN KASING HINDI SUMIGAW -_BRYLE: PAKIALAM MO BA EH GUSTO KONG SUMIGAW?! OW..TEKA..HINDI MO MAN LANG BA AKO TATANUNGIN KUNG KAMUSTA YUNG TRY OUT KO SA BASKETBALL?! AKO: BAKIT KO NAMAN TATANUNGIN? PAKIALAM KO SAYO?! BRYLE: LECHENG TO AH! TANUNGIN MO AKO BASTA! PAG HINDI MO AKO TINANONG, HINDI NA TAYO TULOY! haaay..anu ba siya? lakas ng trip eh! AKO: HAAY..O SIYA..KAMUSTA ANG TRY OUT MO BRYLE?! BRYLE: SYEMPRE TANGGAP AKO! TINATANONG PA BA YAN?! WAHAHAHA teng ene, ansarap iumpog neto sa pader eh! sabi tanungin ko siya tapos ang sagot sakin, tinatanong pa ba daw yun?! waaaaah! nakakatanga talaga tong kausap! AKO: OU NA NGA IKAW NA..SIGE BABBYE NA.. BRYLE: HINDI MO MAN LANG BA AKO ICCONGRATULATE?! AKO: HINDI -_BRYLE: ANUNG HINDI? HO NAMI WALANG-end call ko nga..tss..nakakainis lang siyang kausapin,,sayang sa oras..ang ganda pa naman ng pinapanuod ko..

Pinatay ko na rin muna ang cellphone ko kasi siguradong tatawag pa yun tss.. istorbo siya,, bahala siya! :P . . . 8:00 am *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing AKO: OH HELLO SINO TO? SIYA: HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN KUNG SINO YUNG NATAWAG? HAYNAKO tss..si Bryle pala.. AKO: BAKIT KA NAMAN NAPATAWAG?! BRYLE: SINISIGURADO KO LANG MAGIGISING KA NG MAAGA..TSAKA PARA SABIHIN SAYONG..WALANGYA KA! BAKIT MO AKO BINABAAN NG TELEPONO KAGABI!!! YUN LANG..GEH, BYE NA..IPAGLUTO MO NA AKO NG ADOBO! AKO: ANG LAKAS TLGA NG TR-*Toot toot Aba at ako naman ang binabaan ng phone?! tss.. So ayun..bumangon na nga po ako sa kama ko.. Diretsong c.r. para maligo,, Pagkatapos kong maligo.. edi syempre nagbihis! hehe..(corny ko -_-)

But seriously, pagkatapos nun..ayun..nagluto na ako ng adobo.. . . 9:30 am siguro ako natapos magluto.. Nandito ako ngayon sa kitchen at nilalagay sa tupperware yung adobo pati narin yung kanin, dadalhin kasi namin yun sa byahe db?! Nilalagay ko na yung kanin sa isang tupperware ng.. "Hoy! " "waaaaah!" napasigaw ako at naihagis yung hawak kong tupper kay Bryle Eh kasi naman, bigla bigla ba namang sumulpot tapos sundutin pa ako sa tagiliran! eh may kiliti ako dun eh! "Aray Nami! poblema mo?!" sigaw niya sakin habang hawak hawak yung mukha niyang tinamaan ng tupperware "Eh sorry..kaw kasi eh. Bigla bigla ka na lang nasulpot dyan, ginulat mo ako." "Tss, grabe kang magulat huh?! Nanghahagis ng tupperware! Eh pano kung kutsilyo pala hawak mo?! kung nagkataon siguro wasak na ang mukha ko kasi nahagisan ng kutsilyo, haynako.." "Sorry na nga eh..diba?!" "Ou na. Bilisan mo na lang dyan. Manonood na lang muna akong t.v. sa salas.." tapos lumakad na siya papunta sa salas Pagkatapos kong maisalin sa lagayan ang kanin at adobo ayun diretso na sila sa bag. I'm ready to go! wooooh! enchanted kingdom here we come! .

. "Bryle, tara na!" pag aaya ko "Eh yung unanong bata? iiwan na lang natin? wala pa siya eh." -Bryle Ou nga no? sinabihan ko na naman yung mommy ni Drey eh! asan na kaya yun?! *ding dong Ow..siguro eto na siya..hehe..ayos ang timing ah! Kaya ayun..binuksan ko na yung pinto.. Pag bukas ko.. Awwwe...ang kyut niya.. Naka leather jacket siyang black w/ shirt underneath tapos naka pants. Basta, pormang porma si Drey! at ang pinakanakakatuwa sa kanya may hawak siyang rose! nakaluhod siya sa harap ko..tapos inaabot sakin yung rose.. "Goodmorning Nami! I love you! please accept this rose :)" -Drey waaaaaaaaaaaah! kahit hindi ko trip ang mga bulaklak, super natutuwa ako! waah! answeet ng batang to! kung hindi lang to bata, sinagot ko na to eh! wahahaha Kinuha ko yung rose sa kanya..Tapos hinalikan ko siya sa cheeks.. "Thank you Drey baby..I love you too ^_^" sagot ko "Hoy kayong dalawa, tama na nga yang paglalandian niyo! tara ng umalis!" -Bryle Tapos hinigit na ako ni Bryle..hawak hawak ko naman si Drey.. . .

"Bago tong kotse mo?!" pagtatanong ko, kasi ang sasakyan namin eh kotse na parang kagaya nung kay chef Tj yung nabubuksan yung roof..eh alam ko, wala pa namang ganun si Bryle..isa pa halatang bago lang yun "Obvious ba? nagpabili ako niyan kay tanda. Naisip ko kasi, hindi pwedeng sa motor tayo sumakay na tatlo..kaya ayan.." -Bryle "Meaning nagpabili ka ng kotse dahil lang sa lakad natin ngayon?!" nanlalaki ang mata ko ngayon siya na! siya na talaga! "Oo..so? sumakay ka na lang! andame mong tanong dyan!" -Bryle "Tss..ok.." Sasakay na sana ako sa back seat katabi ni Drey ng.. "Hoy Nami, bakit sa unanong yan ka tatabi huh? dito ka sa unahan!" -Bryle "Tae ka ba? sa likod ako no! iiwan mo mag-isa yung bata sa likod? haay..ambobo eh!" sagot ko.. antanga talaga niya kahit kelan "Tss..fine..edi magsama kayo -_-" Wat the? haay..hayaan na nga lang yang Bryle na yan! Umaandar na naman ang pagkaisip bata. To think na natuwa pa naman ako sa kanya kasi sya tong nagpakana neto for Drey tapos ganito sya ngayon! tss.. . . After ilang hours siguro ng byahe.. Andito narin kami finally sa Enchanted Kingdom! Tuwang tuwa nga si Drey eh..hehe..pati pala

ako! wahaha.. 1:00 pm na.. "Tara na sa loob Bryle! wee!" -ako "Let's go already! I wanna see the dinosaur mascots! I wanna ride the airplane too! and the train!!" -Drey "Heh! mamaya tayo papasok! Kaen na muna tayo! Bawal magdala ng pagkaen sa loob kaya naman hindi maipapasok yang dala mong adobo dun Nami.." sagot ni Bryle Ai ou nga pala..bawal magdala ng pagkaen sa Enchanted.. "O sige na nga" sagot ko "Nami, let's eat later! lets go inside already!" hinihila na ako ni Drey "Hoy bubwit! kumaen ka muna! pag nag gala ka ng hindi pa nakaen edi mabilis kang mapapagod? Kung kakaen ka na ngayon edi tuloy tuloy ka na ng pagsakay mamaya diba?! kaya kumaen ka na." -Bryle

"Well..you have a point there ugly man, ok I' ll eat then." -Drey Akalain mong napapayag ni Bryle si Drey?! Kaya ayun..kumaen na lang muna kami sa kotse. "Wow Nami! your cooking is really great!" -Drey "Alam mo kasi Drey, bawat tao kasi, kahit hindi sila masyadong pinagpala, meron namang kahit isang bagay na kung saan dun sila magaling." -Bryle "Anung gusto mong palabasin huh Bryle? na sa pagluluto lang ako magaling?!" -ako "Wala akong sinasabing ganun. Ikaw dyan ang may sabi :)" -Bryle Asar siya! alam ko namang yun ang gusto niyang palabasin.

. . Pagkatapos namin kumaen..ayun, pumasok na kami! Ang binili ni Bryle para sa amin eh ride all you can bracelets! yey! Kaya ayun..syempre..sumakay na agad kami sa kauna-unahang ride na nakita namin pagpasok. Sa bump cars! Ahaha..ansaya..pinagtutulungan namin ni Drey si Bryle. Kinokorner namin si Bryle tapos babanggain namin. Wahaha.. Tapos pag may babanga naman saking ibang tao..sisigaw si Bryle.. "Hoy! wag niyo ngang banggain si Nami! masasaktan kayo sakin! ako lang ang babanga sa kanya!" haaynako..nakakahiya siya -_- kaya nga bump cars eh? haaay..vovo . . Pagkatapos namin sa bump cars.. Dun naman kami sumakay sa roller coaster na maliit lang, yung mukang roller skates. Syempre para pwedeng sumakay si Drey. May age limit kasi yung ibang rides eh, pati height requirement. "Hoy bata..ako ang katabi ni Nami! umalis ka dyan!" pagpapaalis ni Bryle kay Drey kasi kami ni Drey ang magkatabi sa roller skates "Bryle anu ka ba?! bata to eh. Syempre dapat may katabi siya. Kung gusto mo ng may katabi, eh di kung gusto mo ikaw na lang ang tumabi kay Drey! ako na lang ang walang katabi!" sabi

ko "PSH..ayoko ngang tabihan yan -_-" tapos ayun umupo na siya sa likod namin Haaay..ang isip bata parin niya..haha..kahit kailan talaga! . . Pagkatapos namin dun.. Next naman namin pinuntahan eh yung sa Boulderville. Eto na yung lugar kungg saan ang mga rides eh puro dinosaur themed, may mga mascot pa na dinosaurs kang madadaanan, ang cute. Nagpapicture nga kami katabi yung isang Green na dinosaur eh, kaso si Bryle naka simangot sa picture. Niloloko kasi siya ni Drey na kamukha nung dinosaur tapos sabi ko kamukha niya nga. Kaya ayun, tampo ang drama niya..tss,,wala na talaga siyang pag asa. . . So ayun, since puro pambatang rides lang naman dun sa boulderville eh pinanuod nlng namin ni Bryle si Drey habang sumasakay sa mga rides dun. Nung nandun kami at pinapanuod si Drey sa Air Pterodactyl ride, yung parang airplanes na ride na paikot ikot, napansin kong nawala si Bryle sa tabi ko. Kaya naman syempre hinanap ko siya. Hindi ko siya makita! Magpapanic na sana ako ng.. Ayun, nakita ko siyang paparating.. "Saan ka galing?!" tanong ko sa kanya

"Hinabol ko pa kasi yung nagtitinda ng bubbles eh. Bumili ako oh..ibinili ko rin kayo ni Drey." tapos inabot niya sakin yung dalwang bubbles.. sinabit ko saking leeg yung kay Drey "Hahaha..para kang bata Bryle.." sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang humihip sa stick na sinasawsaw dun sa bubble solution "Eh sa ang ganda ng bubbles eh. Kahit nung bata pa ako gusto ko na yan. Just by merely looking at them eh sumasaya na yung mga taong nakakakita sa kanila. Nakakalungkot nga lang isipin na ang mga bulang yun na nagdulot ng saya sa isang tao eh mawawala na lang sa isang iglap. Gusto mo mang magtagal yun eh wala ka namang magagawa kasi wala na eh." ewan ko ba pero parang lumungkot yung expression ng mukha niya dun "Pero diba..kahit naman nawala na at pumutok na yung mga bubbles, ok parin naman diba? kasi kahit isa o dalwang segundo lang sila nag exist sa mundo, sa ganung kaikling panahon eh nagawa nilang magpasaya ng tao. So diba, meaningful parin yung existence nila kahit maikli lang ang panahong nilagi nila sa mundo?" sagot ko "Ahahaha, anu na ba tong pinaguusapan natin Nami?! masyado ng seryoso. Maghihip ka na lang din bilis! paramihan tayo!" -Bryle Kaya ayun..nagparamihan nlng kami ng mapapalabas na bubbles.. . . *Lakad lakad Bumili si Bryle ng doughnuts kanina. Ayun ang kinakaen namin ngayon. Actually kanina pa siya bumibili ng kung anu-anu, ice cream, hotdog on stick at kung anu-anu pa. Ang takaw niya talaga! Kaya nga nagkakasundo kami eh! wahaha

. . Ngayon nandito naman kami sa midway boardwalk kung nasaan yung karamihan ng adult rides. At dahil sa kasama nga namin si Drey eh hindi kami makasakay kahit gusto namin, alangan namang iwan namin si Drey mag isa?! si Bryle nga nagmamaktol kasi.. "Hoy, sakay tayo sa dun sa Jungle at Jam!" -Bryle "Bawal dun si Drey!" -ako "Edi iwan siya dito!" -Bryle "Tae! hindi pwede no!"-ako "PSH -_-..wala ng nasakyang maganda!" -Bryle Kaya ayon po..nakasimangot siya habang naglalakad. Dito pala sa area na to ay merong mga bottle jogglers na clowns pati mga mimes.. So aliw na aliw kami ni Drey panunood. Si Bryle, pansin ko namang naaaliw siya. Nagssmile siya pag hindi ako nakatingin pero pag mamapatingin ako sa kanya, sisimangot bigla! ahaha.. parang bata talaga..tampururut..XD Tapos biglang may mime na lumapit sa akin. Kinuha nung mime yung kamay ko. Hahalikan na sana nung mime yung kamay ko ng.. "Subukan mong halikan ang kamay niya, suntok abot mo sakin!" sinasabi yan ni Bryle habang hawak hawak sa damit yung mime! Waaaah..natakot tuloy yung mime.. Humingi na nga lang ako ng pasensya eh..haay..si Bryle talaga..

. . Sumakay pa kami sa ibang rides katulad nung dun sa Swan Lake, pati sa Rio grande.. nakakatawa nga eh..si Bryle, basang basa pagbaba namin! ahaha.. Umupo muna kami sa may bench pagkatapos nun, nakakapagod narin kasi eh. "Whooa..anung ginagawa mo?!" gulat na gulat ako, eh kasi naman no..bigla ba naman naghubad si Bryle ng t-shirt sa harapan ko?! uwaaaah "Naghuhubad! tanga ka ba?!" -Bryle "Eh bakit dito pa?!" bakit sa harap ko pa? nang aakit ka ba?! "At saan mo gusto?! haynako, para namang ngayon mo lang ako nakitang nakahubad.." Bryle tapos nagsuot na siya ng pamalit niyang t-shirt, buti naman "What Nami?! You often see him naked?!" -Drey "Yes bubwit, nakita na niya akong nakahubad nung isang gabing magkasama kami sa condo. Tapos nung umiihi ako nasilipan din niya a--" tinakpan ko na yung bibig ni Bryle grabe! kung anu anung sinasabi dun sa bata! "Don't mind him Drey! he is talking nonsense!" tapos kinaladkad ko si Bryle sa isang sulok "Aray Nami! bakit mo ba ako pinapalo?!" pinaghahahampas ko kasi siya "Ikaw eh! kung anu anung sinasabi mo dun sa bata!" "Ahahaha! eh totoo naman lahat ng sinasabi ko sa kanya eh! Sawang sawa ka na naman talaga sa katawan ko diba?! ahaha" "Walangya ka talaga! walangya!" pinagpapalo ko pa sya lalo..tawa lang siya ng tawa.. -_-

. . Medyo madilim narin kaya naman binuksan na yung lights ng mga rides. Lalong gumanda yung paligid.. Next naming sinakyan eh yung Ferris Wheel.. "Nami, wag na tayo dyan, ayoko dyan." -Bryle "Bakit? takot ka no?!" pang aasar ko "Si-sinong takot huh?! asa ka huh! a-anu..a-ayaw ko lang ka-kasi,," ahaha,,so takot syang sumakay sa Ferris wheel?! wahaha "If he doesn't want..then we leave him here Nami..lets go already!" -Drey "Hoy! asa ka pang bubwit ka na masosolo mo si Nami huh! sasama ako!" -Bryle Kaya nga eto kami ngayon..nakasakay sa Ferris Wheel.. Si Bryle..nasa isang tabi lang. Halatang takot! aahaha Nagsimmula ng gumalaw yung Ferris Wheel. Si Bryle namumutla na! ahaha! Tapos inasar pa siya ni Drey, naglilikot si Drey kaya ayun, medyo gumagalaw yung sinasakyan namin. "Hoy bata ka! wag ka ngang malikot!" sigaw ni Bryle na nakakapit pa sa may upuan "Ahahaha! coward!" -Drey "Heh! pag nakababa tayo dito ng buhay, patay ka talaga saking bata ka!" -Bryle Ahaha! Takot na takot talaga siya. Hindi makagalaw dun sa kinauupuan eh. Tapos napansin

ko nasa may taas na pala kami. Ang ganda ng view. Kita mo yung buong Enchanted Kingdom. Ang dameng ilaw sa baba, ang ganda talaga. "Bryle..tumingin ka sa baba! ang ganda!" pag aaya ko "Ayoko nga! nakakalula!" -Bryle "Ahaha..anu ka ba! wag ka ng matakot! tingnan mo na kasi!!" tapos hinihila ko siya "Ayoko nga kasi Nami!!" -Bryle "Tss..sayang Bryle..ang ganda..tumingin ka na please. Hindi ka naman malalaglag eh, humawak ka lang sa kamay ko promise..hindi kita hahayaang malaglag." tapos inihaya ko sa kanya yung kamay ko "Talaga huh?! Si-sige na nga.." tapos humawak na siya sa kamay ko Ang lameg ng kamay niya. Medyo nanginginig pa nga eh. Natatawa tuloy ako. Hindi nagtagal, umiinit na yung kamay niya. Nakatingin narin siya sa baba. "Tama ka nga Nami! ang ganda! ang sarap tingnan!" sinasabi niya yan habang nakatingin parin sa view sa ibaba, ngumingiti na sya! ang gwapo niya.. "Ang sarap ngang tingnan." sagot ko habang sa kanya ako nakatingin Ngayon ko lang sya napagmasdan ng malapit na nakangiti. Naiilawan pa naman yung mukha niya. Hindi ko alam kung epekto lang ba yun ng ilaw o talagang nagliliwanag siya sa paningin ko. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Buti hindi niya napansin, pero sa kanya lang ako nakatitig hanggang sa bumaba kami. .

. Pagkatapos dun.. *Lakad lakad Tapos biglang tumigil sa paglalakad si Drey.. "Drey, what's the problem?!" nilapitan ko siya na ngayon eh nakaupo sa may kalsada "I'm tired Nami. I remember, daddy used to carry me on his back when we last went here. I really miss daddy. I miss riding on daddy's back. I miss him so much." tapos napansin kong tumutulo na yung luha niya Pinunasan ko naman yung luha niya. "Don't cry Drey. We are here for you.Bryle and me." pagcocomfort ko sa kanya Tapos nabigla ako kay Bryle.. Bigla siyang umupo ng nakatalikod kay Drey. "Wag ka na ngang magdrama dyan bubwit! Bilisan mo..sumakay ka na lang sa likod ko." Bryle "You ?! is it really ok?!" pagtatanong ni Drey na nagdadalwang isip pa kung sasakay siya kay Bryle "Sumakay ka na lang. Bilis, baka magbago pa ang isip ko." -Bryle Tapos ayun sumakay naman si Drey.. Tuwang tuwa si Drey.. Nakakatuwa silang dalawa.. Ayun lakad parin kami ng lakad. Tapos napansin kong nakatulog na si Drey habang

nakasakay kay Bryle. Kaya ayun sabi ko kay Bryle umupo na lang muna kami sa may bench. Ang ganda nga ng view eh, nasa harapan namin yung carousel. Ang ganda..punong puno ng ilaw. . . Nakahiga sa lap ko si Drey, habang yung paa niya nakapatong naman kay Bryle. Yakap yakap ni Drey yung wizard na stuff toy na binili namin kanina. Si Bryle, pinagmamasdan ko lang ngayon. Nakangiti lang siyang nakatingin sa carousel. Habang pinagmamasdan ko siya, nasabi ko na lang sa sarili ko, ibang iba na talaga tong Bryle na nasa harapan ko dun sa Bryle nung una kaming nagkakilala. Akala ko dati, hindi siya marunong tumawa, hindi siya marunong ngumiti. Akala ko dati, wala siyang puso. Sabi ko dati sana mawala nlng siya sa buhay ko! Pero habang pinagmamasdan ko ang Bryle na nasa harapan ko ngayon, narealize ko..Puro lang pala yun akala. Kasi ang Bryle na to sa harapan ko ngayon, siya ang may pinakamagandang tawa, pinakamagandang ngiti sa lahat. Ang Bryle na to merong puso at sobrang laki kahit hindi man niya ipakita. At kung dati sabi ko sana mawala na sya sa buhay ko ngayon parang hindi ko na ata kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko. waaaaaaaaaaah! haaay! anu ba to?! "Bryle, thank you.." pagkasabi ko nun, napatingin siya sakin "Para san?!" "Sa lahat lahat, para sa pagpapasaya kay Drey kahit hindi mo aminin, para sa pagtulong sakin pag kailangan ko, para sa pag-aalala sakin lage, para sa pag dating mo sa buhay ko,

thank you talaga." wala na akong kontrol sa mga sinasabi ko, basta nalang lumalabas ang mga salita sa bibig ko Nakatitig lang siya sakin.. Antagal sumagot.. Nabigla ko ata siya. "Ah..anu, ah..mamamatay ka na ba huh Nami?!" *boogsh binatukan ko nga! panira ng moment to eh! "Anung mamamatay?! gago ka! wag na nga! Wag mo ng intindihin yung mga sinabi ko! Wala yun! Wala! Binabawi ko na lahat!" tss..namumula na ata ako..nakakainis siya! seryoso na nga ako dito tapos siya..haaay..nakakainis talaga! Tapos ngumiti lang siya.. aba at! sapakin ko to eh! Nakakaloko t-Nabigla ako ng.. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.. "Thank you so much for coming into my life. Thank you for making me feel alive again. Thank you for giving me the reason to breathe again, thank you Nami." Waah?! a-anu daw? sa-sakanya ba nanggaling yang mga salitang yan?! may lagnat lang ba ulit sya? or what?! pero hindi naman siya sakin nakatingin nung sinasabi niya yun eh.. Pero..he said "Nami" ,,,eh ako lang naman ang Nami dito eh!! Pero..

Haaay! After that, wala ng umiimik.. Hawak niya parin ang kamay ko.Sabay lang namin pinapanuod ang carousel. Ang saya ko ngayon :) Habang nakaupo kami.. Biglang may dumaan na isang pamilya.. Isang tatay, isang nanay at isang batang babae, magkakahawak silang tatlo. Ang saya saya nila. Bigla tuloy akong may naalala.. Dito rin..sa lugar na to, naging kasing saya rin ako nung batang yun. Nakahawak ako kay daddy, nakahawak ako kay mommy. Sobrang saya kasi kumpleto kami. Masaya kaming naglalakad nun pauwi ng biglang, may naglabasang fireworks sa langit nun tapos masaya naming pinanuod. Ang sakit isipin, na yung magkabilang kamay kong yun na nakahawak sa kanila eh pareho nilang binitawan at hindi na ulit darating yung araw na makakapanuod ulit kami ng fireworks ng magkakasama.. Hindi na, kasi iniwan na nila ako. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Bryle's POV Matagal tagal naring walang umiimik sa amin ni Nami pagkatapos kong sabihin yung mga salitang hindi ko alam kung bakit ko na naman nasabi! Ugh! Eh since kasi nag thank you siya edi nag thank you rin tuloy ako! nahawa lang niya ako no! tss.. May dumaang pamilya sa harapan namin, sobrang saya nila, nakakainggit. Naalala ko, halos pareho kami ni Nami na walang magulang. So is she feeling the same feeling na naramdaman ko nung makita ko yung pamilyang yun?!

Napatingin tuloy ako kay Nami.. and then.. boom.. Umiiyak siya,, sabi ko na nga ba eh.. "Nami, bakit ka umiiyak?!" tanong ko "H-huh? hi-hindi ah! wa-wala to! napuwing lang ako!" halata namang nagsisinungaling siya eh "Sus, hindi daw.." Tapos nabigla ako kasi bigla siyang tumayo, ipinatong lang niya yung ulo ni Drey dun sa may stuff toy. Syempre sinundan ko siya. Nakatayo lang siya dun, nakatingala sa langit. "Pesteng luha! bakit ba kayo tumutulo?! asar naman eh!" narinig kong sinasabi niya, pinipilit niyang wag umiyak "Na--" natigil ako sa pagsasalita ng bigla akong makarinig ng mga paputok "Bryle! tingnan mo! ang ganda!" sabi sakin ni Nami habang tinuturo yung mga fireworks sa langit Kaya tumingin din ako..ang ganda nga. May contest nga pala sa Enchanted ngayon, Fireworks Wizardry. Kaya naman napuno ng fireworks ang langit, walang tigil. Napatingin ako kay Nami nung bigla siyang magsalita pero nakatingin parin siya sa langit. "Alam mo..at this place..dati, kasama ko sila daddy at mommy na panuorin ang mga fireworks. Naiisip ko, nakikita rin kaya ito ni daddy?! napapanuod rin kaya niya ito?! kasi kung

nasa langit siya, di syempre mas malapit siya diba?! mas nakikita niya siguro to. Sana, sana nakikita rin ni daddy yung nakikita ko ngayon. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi na ako makakapanuod ng fireworks na kasama siya, sila. Alam mo, kung alam ko lang na last time na yun na makakapanuod kami ng fireworks na buo kami sana, sana hindi ako natulog nung gabing yun. Sana nilabanan ko ang antok ko para mas matagal ko pa silang nakasamang manood. Kung alam ko lang sanang iiwan nila ako edi sana,,*sob *sob " sobrang lungkot ng mga mata niya, tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mukha niya Maganda siya, sobrang ganda, mas maganda pa sa mga fireworks sa taas ngayo sa totoo lang. Pero kahit anung ganda niya ngayon, ayaw ko na siyang makitang ganyan, ayaw ko na siyang makitang umiiyak. Kaya naman,, bigla ko siyang hinigit Tapos.. NIYAKAP ko siya.. ng sobrang higpit.. "B-bryle?! a-anu bang ginagawa mo?! hi-hindi ako makahinga." "Nami..hindi ko man maipapangako na hindi ka na ulit iiyak pero pinapangako ko na sa tuwing iiyak ka, andito lang ako. Nandito lang ako para samahan ka para pagkatapos mong maiiyak lahat lahat, pupunasan ko ang luha mo. Pagkatapos kong punasan, andito lang ako para pangitiin ka ulit pangako. Pero pangako mo sa akin Nami, sa akin ka lang iiyak, ako lang ang dapat magpasaya sayo, ipangako mo yun sakin Nami." Naramdaman kong lalo pa siyang umiyak.. Waah..bakit? may nasabi ba akong masama? anu? anu ng gagawin ko?!

"Pangako Bryle..pangako.." narinig kong sinabi niya tapos yumakap narin siya sakin "At Nami, kung iniwan ka man ng daddy mo o ng mommy mo, kung binitawan man nila ang mga kamay mo, ako Nami..pinapangako ko..I will never let go of this hand..never." Iniharap ko na siya sakin habang hawak ko ang kamay niya. Pinupunasan ko na ngayon ang luha niya. I don't know since when, but this feeling of wanting to protect her seems to grow bigger and bigger. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula at anu ba tong nararamdaman ko para sa kanya pero..itong babaeng to, sa tingin ko, ngayon, itong babaeng to, sya na ang PINAKA IMPORTANTENG BABAE sa buhay ko ngayon. Yun lang ang sigurado ako sa ngayon at gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya, para maprotektahan ang ngiting nagpakita sakin kung gano kaganda ang buhay. . . Nabigla kami ni Nami ng biglang may tumugtog sa harapan namin. 16th anniversary nga pala ngayon ng Enchanted Kingdom kaya may mga performers.. Kaya ayun, sakto, sa harapan namin biglang may tumugtog na banda.. NOW PLAYING : HERO by Enrique Iglesias (Whispered) Let me be your hero Would you dance if I asked you to dance?

Inihaya ko sa kanya yung kamay ko.. Yung parang pwesto ng mag-aayang sumayaw.. "Bryle anu yan?!" nakangiti nyang tanong sakin "Sabi nga nung kanta..would you dance if I ask you to dance daw. So will you dance with

me?!"

Would you run and never look back

"Ahahaha..loko-loko!" -Nami "Sa wakas tumawa ka narin!" -ako

Would you cry if you saw me crying

"Pasensya na kung napaka iyakin ko..tss.." -Nami "Ayos lang..basta promise mo sakin ka lang iiyak..kung hindi..papatayin kita!" -ako tapos pinunasan ko yung luha niya..may tumutulo parin kasi..

Would you save my soul tonight?

"So, may I have this dance?!" -ako "Anla, di ako marunong sumayaw!" -Nami "Ako rin naman eh! sige na! masaya to! tapakan tayo ng paa! haha" -ako

Would you tremble if I touched your lips?

"Ok sige na nga,walang sisihan huh.." -Nami

Would you laugh oh please tell me these Now would you die for the one you love? Hold me in your arms tonight?

So ayun, kumapit na sakin si Nami. Para kaming ewan dun, nagsslow dance as if kami lang ang tao dun. Natatapakan ko nga siya minsan, minsan siya naman ang makakatapak sakin.

I can be you hero baby I can kiss away the pain I will stand by you forever You can take my breath away

Ngayon ko lang narealize, ang galing. Saktong sakto yung kanta sa nararamdaman ko ngayon.. saktong sakto sa mga gusto kong sabihin.

Would you swear that you'll always be mine? Would you lie would you run and hide?

Am I in to deep? Have I lost my mind? I don't care you're here tonight Ewan ko kung anu ng nangyayari sakin, kung bakit ko naisipang isayaw siya. Siguro dahil gusto ko lang siyang ngumiti. Gusto ko siyang mapasaya kahit na magmukha akong tanga. I never cared for someone this much since El-- haaay! nasisiraan na ba ako? waaah! kinokontra ng utak ko ang puso ko! sabi ng hindi ko siya gusto eh! sabi ng hindi ako in love sa kanya eh! hindi naman diba?!

I can be you hero baby I can kiss away the pain I will stand by you forever You can take my breath away

Pag dating sa part na to, nakayakap na si Nami sakin habang sumasayaw . Ako rin nakayakap na sa kanya. -----( long instrumental )----

I just want to hold you I just want to hold you Am I in too deep?

Have I lost my mind? Well I don't care you're here tonight Ang sarap sa pakiramdam. Ang galing, pareho kaming hindi marunong magsayaw pero ngayon, sabay na kami. It's as if nadadala kami ng tugto. Ang sarap talaga ng pakiramdam hindi ko maidescribe. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya, sobrang bilis, kasabay nung sa akin.

I can be you hero baby I can kiss away the pain I will stand by you forever You can take my breath away

Tamang tama yung kanta. Kahit for just this night, I want to be a hero so that I could fly away with her. Fly her to different places and take away all the pain that she's feeling. I want to be strong so that I can protect her no matter what happens. This night, even just for this night.. I wish I can save her.

I can be you hero baby I can kiss away the pain I will stand by you forever You can take my breath away ...

When I was a KID..And every kid around me is dreaming of becoming a SUPERHERO.. I NEVER DREAMED OF BECOMING ONE.. But right now..that I'm already a GROWN UP and every GROWN UP around me dreams of having a car, a house or even their own family.. Im DREAMING of BECOMING A SUPERHERO.. Pathetic isn't it?! I don't know why.. But right now.. I want to be a HERO.. Even only just for this night, I want to be.. HER HERO.

You can take my breath my breath away I can be your hero ..

At ng matatapos na ang kanta, tumigil kami ni Nami. Nagkatinginan kami. I don't know kung if it's the magic of this place, Or is it the effect of the song.. Or is it plainly because I was really enchanted by her.. I dont know.. Time just stood still.. I am only looking at her eyes.. We are getting closer and closer.. .

. so close that I can feel her breathing . . she closed her eyes.. papalapit na ako sa kanya.. Hinawakan ko yung pisngi niya.. . . My lips.. Her lips.. . . almost touching . . eto na Lalapat na ang labi ko.. "Nami! Lets go home already I'm tired!" ay posha! nagitla naman ako dun! napatalon tuloy ako! tapos napayapos dun sa may poste na nasa tabi namin..

Hassle! bwisit na bubwit yun,, "Ahahahahaha..Bryle nakakatawa ka..ahahahaha...mukha kang unggoy na nakayakap sa poste!" -Nami Wth?! muntik na kaming maghalikan kanina tapos ngayon, pinagtatawanan niya ako?! tapos muka daw akong unggoy! bwisit na to ah! buti na lang talaga hindi ko siya nahalikan! Pangalawang beses na tong muntik kaming magkahalikan ah! "Heh! tara na nga! umuwi na tayo!" tapos binitbit ko na si kutong lupa Si Nami naman nakasunod lang. Hindi ako makatingin sa kanya! asar! Anu ba kasi yun?! anu bang gagawin ko?!! PSH! nakapagsayaw sayaw pa kasi! tss.. . . Sa kotse.. sa likod nakaupo si Nami.. Napatingin ako sa mirror ng sasakyan ko.. Tapos.. Nakita ko siyang nakatingin din! waaah! Our eyes met for a second.. Pero nag iwas lang kami agad pareho! AWKWARD! -_Tapos narinig kong nagsalita yung bubwit.. "Ahm..the two of you..when I woke up..before I came.. were you two, about to kiss?!"

*booogsh Bigla akong napapreno ng malakas pagkarinig nun. "Hi-hindi no! you're just dreaming Drey! wh-why would we kiss in the first place?!" -Nami "You are boyfriend and girlfriend right?!" -Drey "B-but that's not it. Hi-hindi talaga kami maghahalikan kanina! hindi talaga! " -Nami "Ah, eh..ou nga! Anu bang pinagsasasabi mong bata ka! bakit ko naman hahalikan yang babaeng yan!tss.." sagot ko "Ta-tama! as if naman hahalikan ko yang unggoy na yan!" -Nami Anung sabi niya? unggoy?! aba! "Sadya! as if naman gusto rin kitang halikan! eh tomboy ka naman ata!" ganti ko, tawagin ba naman akong unggoy! "Tss! same here! mas lalo naman ako! never! as in never in my dreams na gugustuhin kong halikan ka!" -Nami "Lalo naman ako no!" "If that's the case, then it's great! Because I want to be Nami's first kiss!" -Drey Tapos hinalikan nung kutong lupa si Nami sa lips! Mabilis lang naman! but still! wat the f! "Hoy walangya kang bata ka! bakit mo hinalikan ang girlfriend ko?!" susugurin ko na sana siya sa at pupunta ako sa likod ng kotse kaso pinipigilan ako ni Nami "Hayaan mo na! walang malisya yun Bryle! bata yan!" -Nami "Heh! papatayin ko talaga yang batang yan! tumabi ka jan Nami! bubugbugin ko yan!" "Bryle naman! magdrive ka na nga lang!!! gabi na eh! sabi ko sa mommy ni Drey pauwi na

tayo! nag aantay na yun!" -Nami "PSH -__-! pag ako talaga nagkaron ng chance, papatayin ko yang manyak na batang yan! Wag mong papalapitin yan sakin huh Nami! tatamaan talaga yan sakin!" "Bleahh :P .. you're too slow for an adult!!" aba at nang aasar pa to! sinong slow huh?! sasapakin ko na to eh! "Aba gusto mo talaga--" "Bryle!!!" aw..anlakas na ng sigaw ni Nami,,tss.. Kaya ayun nagdrive na lang ulit ako.. "Peste! bwisit! bwisit!" sinigaw ko na lang habang nagddrive Asar!! asar talaga! nakakabwisit! Naunahan pa ako ng isang bata?! natalo ako ng isang bata?! Pak Sh*t! PSH lang talaga!

CHAPTER 21- The REAL STORY behind THEM KATIE's POV Nanndito ako ngayon sa room ko. Haaaaaaaaay.. Hindi ako makatulog. Pakiramdam ko kasi ang sama sama ko. *pinalo palo ko ang ulo ko ng unan Haaay..tuwing pipikit ako, yun parin kasing imahe nila kaninang dalawa ang nakikita ko eh! At hindi maiwasan ng bwisit kong puso na masaktan! haaaaaay.. Tapos..nasasaktan na nga ako at the same time naiinis din ako! sobra akong naiinis! Bwisit na lalaki talagang yun! sa lahat kasi ng tao bakit siya pa?! bakit?! T__T huhu..hayop

siya! hayop! Hindi niyo ba ako magets?! Eto kasi yun eh.. Ganito yung nangyari.. *FLASHBACK FRIDAY Pauwi na sana ako sa bahay namin ng magtxt sakin si mommy. Dumaan daw ako sa mall kasi nasira daw yung sapatos ni Stacy eh walang gagamitin si Stacy pagpasok. Tinatamad naman daw pumunta ang isang yun sa mall kasi badtrip nga at nasira yung sapatos niya kanina. Since magkasize naman kami ng paa at medyo pareho kami ng taste eh ayun, napag utusan akong ako na lang ang bumili ng sapatos ni Stacy.. tss. Kahit kelan talaga yung babaeng yun, hassle eh. . . . Pagkadating ko sa mall, eh di ayun nagtingin tingin na ako ng mga sapatos. Sukat dito, sukat doon.. And after ilang hours din ng pag-iikot eh nakahanap na rin ako ng sapatos na sa tingin ko eh magugustuhan ni Stacy. Pagkatapos kong bayaran yun, naisipan kong maglibot muna sa mall kasi sayang din yung ipinunta ko eh. . . *lakad lakad

Teka, bakit parang may sumusunod sakin?! Tumingin ako sa likod ko. Wala naman. *lakad na ulit Pakiramdam ko meron talaga eh.. Kaya nagzizigzag ako ng daan. Kung san san ako pumupunta na hindi naman ako bigla tutuloy dun at liliwas ng daan. Tapos may napapansin ako, kahit saan ako pumunta lage akong may nakikitang mamang nakasaklob! pakiramdam ko sinusundan niya ako! Kaya syempre medyo nagpapanic na ako kasi baka mamaya, kung anung gawin sakin neto. Binilisan ko pa ang paglalakad pero sa tingin ko nakasunod parin siya! Waaaaaaaaaah! Kailangan kong makapunta sa lugar kung saan sobrang dame ng tao! para naman mawala ako sa paningin niya at makatakas ako! *lakad lak-Sakto! Napatingin ako sa Fun House, isang gamehouse. Napansin kong ang dameng tao dun eh. Kaya ayun bilis bilis akong pumasok. Napansin kong maraming taong nagkukumpulan dun sa may nagvivideoke. Teka, parang..familiar yung boses na yun..parang narinig ko na yun..

cause it's you and me and all of the people with nothing to do

nothing to lose and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

*dug dug Alam ko siya to, pero bakit naman siya kakanta dito?! Nakisingit ako dun sa mga tao para makita ko kung tama talaga yung hinala ko.

all of the things that I want to say just aren't coming out right I'm tripping inwards you got my head spinning I don't know where to go from here

At nung makarating na ako sa medyo dulo na, yung kita ko na yung stage.. O___O kyaaaaaaaaaaaaaaaah! Sabi ko na eh! si Tommy nga yung nakanta! Grabe! Ang gwapo talaga niya pag kumakanta! Nung high school kami, lage siyang nagpeperform, member siya ng band. Haay..nakakinlove ang boses niya! Haay..ang sarap siguro kung ako yung kinakantahan niya no?!

cause it's you and me and all of the people with nothing to do nothing to prove and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Napansin kong parang yung mata niya, sa isang pwesto lang nakatingin ngayon. Dati naman kasi pag kumakanta siya sa stage, naglilipat siya ng tingin eh. Pero ngayon, sa isang direksyon lang talaga nakatingin yung mata niya at parang may iba talaga sa kanya ngayon, parang ramdam na ramdam niya yung kinakanta niya. Tinrace ko kung saan siya nakatingin.

there's something about you now I can't quite figure out everything she does is beautiful everything she does is right

And then.. BOOM.. Nakita ko na kung sino ang tinitingnan niya.

Si NASH. Ewan ko ba, parang ang sama ko pero nakaramdam taalga ako ng sakit. Nagseselos ako sa best friend ko! nakakainis! Matagal ko ng napapansin na iba ang tingin ni Tommy kay Nash eh. Kung pano niya kausapin si Nash, ibang iba kesa sakin at sa iba. Si Tommy kasi, friendly siya masyado, gentleman, lahat nginingitian niya kaya mahirap malaman kung sino ba talagang gusto niya. Pro ewan ko ba, I think he's really different towards Nash. Pinipilit ko na nga lang paniwalain ang sarili ko na hindi niya gusto si Nash eh since pagmagkakasama naman kami madalas niya akong nilalapitan at inilalayo kay Steve. Ang assuming ko ba? kasi akala ko inilalayo niya ako kay Steve kasi nagseselos siya?! kasi gusto niya rin ako. Pero ngayon..

cause it's you and me and all of the people with nothing to do nothing to lose and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

Ngayong nakikita ko sila, kung pano niya tingnan si Nash ngayon. Yung tingin niya parang nagsasabing Nash is the most beautiful thing in the world. Nash is the only one he is seeing.

Bumaba pa si Tommy sa stage, kinuha yung kamay ni Nash. Hawak hawak niya yung kamay ni Nash habang kinakantahan ito.

you and me and all of the people with nothing to do nothing to prove and it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you

At si Nash, hindi naman siya nagalit sa ginawa ni Tommy parang hindi rin siya nailang. Ngumiti pa nga siya eh, tapos eye to eye pa sila. Grabe.. ang sakit talaga. Ang sakit pagmasdan ng taong mahal mo habang pinagmamasdan niya yung taong mahal niya :/

what day is it and in what month this clock never seemed so alive

Nung matapos yung kanta biglang may inilabas pa si Tommy na parang rose na chocolate pala kasi alam daw niyang ayaw ni Nash ng bulaklak! grabe, so talgang inalam niya yun?!

Tapos niyakap siya ni Nash. Yung expression ni Tommy habang yakap siya ni Nash, as in, kung makikita niyo lang parang maluha luha na siya sa saya. At ako naman parang maluluha narin, kaso hindi sa saya, sa lungkot. . . Hindi ko na kaya. Konti na lang tutulo na tong mga luha ko. Ayoko namang umiyak dun, isa pa baka makita ako nila Nash, nakakahiya. Kaya bilis bilis akong tumakbo palabas. Nakatungo lang akong natakbo, kasi natulo na yung mga luha ko eh. *takbo tak-*boogsh Napatunhay ako. "So-sorry! hi-hindi ko po kasi kayo nakita, sorry talaga." humingi ako ng pasensya dun sa lalaking nabunggo ko "Hindi natingin sa daan, haynako." "Ikaw?!" ngayon ko lang napansin kasi naka saklob siya eh, ang lalaking to sa harap ko ay ang nakakainis na bwisit na si Third! Bwisit! bakit ba pag brokenhearted ako, kailangan siya lage ang unang kong makikita?! haaaaaaaaay! "Tss, umiiyak ka na naman." "Wala kang pakialam! Kung gusto mo akong tawanan at sabihing buti nga sakin katulad nung dati, edi go! Wala na akong pakialam, kaya tumabi ka dyan at aalis na ak--" Natigil ako ng pagsasalita nung bigla niya akong hinawakan sa wrist ko at hinila!

. . "Hoy! san mo ba ako balak dalhin huh?! bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig., ni hindi niya ako tinitingnan, tuloy tuloy lang siya sa paghigit sakin. Anu bang balak niyang gawin?! "Bitawan mo nga ako sabi eh! Bitawan mo ako Third! pag hindi mo ako binitawan, sisigaw talaga ako dito!" pinipilit ko paring alisin ang pagkakahawak niya sakin kaso sobrang higpit eh! ang sakit na nga eh! kahit anung gawin ko motionless parin yung mukha niya at hindi parin talaga niya ako pinapansin! . . Nakarating na kami sa may parking lot.. "Tulong! tulong! kikidnappi--" bigla niyang tinakpan yung bibig ko tapos tinulak ako papasok sa kotse niya at wala naman akong nagawa . . "Hoy walangya ka! saan mo ako dadalhin huh?!" -ako "Ang ingay mo!" -siya, tapos napansin kong may kinukuha siya sa may lalagyan ng kotse niya "Hoy anung gagawin mo huh?! kidnapp ba to huh? anu? gagahasain mo ba ako?!" "Manahimik ka nga! " tapos tinalian niya yung kamay ko! waaah! pagkatapos nun nilock niya yung seatbelt ko! waaaaaaaaah!

"Badahdsashkhsfh" hindi na maintindihan ang sinasabi ko kasi bigla niyang tinalian ng panyo yung bibig ko! para na talaga akong hostage! . . Wala na akong nagawa kung hindi magsisipa duon sa kotse niya! Nagiiyak narin ako! kasi sobra akong naiinis sa kanya! anu ba kasing gagawin niya sakin?! leche sya! . . Tapos biglang tumigil yung sasakyan.. Teka..familiar tong lugar na to ah?! Dito kami madalas noon, sa ice cream shop na favorite ko. . . Bigla niya akong kinarga. Yung buhat na parang nagbubuhat ng baboy! nasa likod niya yung mukha ko! nakabaliktad ako! at wala akong magawa kasi nga nakatali ako! Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh! nakakahiya! Pumasok kami sa ice cream shop.. . . "Oh Third?! haha sino yan? bakit nakatali yan?!" si manong Henry yan, kilala na niya kami ni Third kasi suki kami dito

Tapos tumalikod siya para ipakita yung mukha ko kay manong Henry.. "Oh..si Katie pala! ahaha! Wala na talaga kayong pinagbago, hanggang ngayon para parin kayong aso't pusa." "Tss, kung hindi ko siya itatali, baka binugbog na ako niyan. Haynako! Manong Henry, same flavors katulad nung dati naming binibili." -Third "Ok." tapos inabot sa amin ni manong Henry yung dalawang avocado flavor na ice cream. Yep.. yan ang favorite kong flavor at gaya gaya tong Third na to! Tapos lumakad na si Third papalabas.. . . Nakarating kami ngayon sa playground na malapit sa ice cream shop, dito kami madalas naglalaro dati. Inupo niya ako dun sa isang swing pero hindi parin inaalis ang tali sakin. Humingi pa nga siya kanina ng tali kay manong Henry tapos pati paa ko eh tinaliaan niya! Inihaya niya sakin yung ice cream.. "Ai..tae..pano ka nga pala kakaen kung may panyo sa bibig mo?!" sabi nya tapos tinanggal niya yung panyo sa bibig ko "Bwisit ka! anu ba tong trip mo huh?! bakit mo ako tinaling walangya ka! alisin m--" Natigil ako sa pagsasalita kasi bigla niya akong sinubuan ng ice cream! (nasa cup po kasi yung ice cream na binili ni Third.) ansarap! namiss ko to.. ai teka! galit ako eh! hindi ako madadaan sa ice cream! "Hindi ba pag malungkot ka eto yung lage mong binibili?! sa twing papaiyakin kita, ibibili lang

kita nito tapos tatahan ka na, hindi ka na magsusumbong sa mommy mo." siya yan.. nagsasalita pero hindi sakin nakatingin "So?! anung connect nun sa pagtatali sakin at pagdadala sakin dito?!" sigaw ko sa kanya "Haay, kahit kelan talaga ang slow mo. Wala, bobo ka. Baka dinala kita all the way here kasi gusto ko lang bumili ng ice cream yun lang.... tss..walang utak." aba at! nakakainis na talaga siya huh! so trip niya lang? ganun?! eh bakit damay pa ako?! asong to! tss! kahit kailan talaga nakakainis siya! "Gusto mo lang palang bumili eh! bakit kailangan mo pa akong isama? makakakaen ka naman ng wala ako ah?!" -ako "Haay..PSH..naniwala ka naman sa dahilan ko! haay nako.." tapos sumbo na lang siya ng ice cream "Eh yun ang sabi mo eh! tanga ka ba?!" ang gulo niya talagang kausap! kahit kailan hindi ko talaga sya magets! "Tss..ayoko ng makipagtalo, susubuan na lang kita ng ice cream. Kaya wag ka ng umimik dyan." susubuan na niya ako ng ice cream "Ayoko" sabi tapos sinarado ko yung bibig ko "Ayaw mo huh?! sige, total nakatali ka.. ganito na lang ang gagawin ko.." tapos tumayo sya sa swing tapos "Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! wag! wag Third!" kasi naman, nilalapit niya sakin yung mukha niya! hahalikan ata ako! waaaaaaaaaah! Palapit siya ng palapit, ako naman liyad ng liyad! mahuhulog ako neto sa swing eh! hindi pa naman ako makakapit kasi nga nakatali yung kamay ko!

Liyad..liyad..li-*__* Magtataob na sana ako sa swing pero bigla niya akong hinawakan sa may llikod ko para saluhin ako. Eye to eye tuloy kami ngayon. Ang lapit ng mukha niya sakin! waaaaaaah! O//////./////O wtf?! bakit parang namumula ako?! "Tss..sa susunod kasi magingat ka naman, haynako.." bigla siyang umiwas ng tingin tapos inayos na ako sa pagkakaupo "Eh ikaw naman ang may kasalan--" natigil na nman ako kasi sinubuan na naman niya ako ng ice cream "Wag ka ng maingay huh?! Kumaen ka na lang ng ice cream. Natutunaw na kasi eh, sayang. Pag nagsalita ka ng kahit isang salita, sinasabi ko sayo Katie hahalikan talaga kita!" pagkasabi niya nun syempre hindi na nga ako nagsalita. Takot ko na lang mahalikan niya! eeeeew! first kiss ko siya?! asa! ayoko nga! Kaya ayun, andun lang kami sa may swing. Sinusubuan niya ako ng ice cream at walang umiimik. . . Pagkatapos namin ubusin yung ice cream.. Tinalian na naman niya ng panyo yung bibig ko..tapos.. Binuhat na naman niya ako! Pero pag dating sa kotse, kinalag na niya yung tali sa kamay at paa ko pati yung sa bibig ko.

"Hoy Third anu bang problema mo huh?! anung tr--" . . Naknang.. . . O//////////////.//////////////////////O >_____________________< . . Bigla niya akong HINALIKAN! mabilis lang pero! kyaaaaaaaaaaaaaah! so siya ang first kiss ko?! "Diba sabi ko sayo kanina, pag umimik ka hahalikan kita?! nakalimutan mo na kaagad. Haynako.." "Pero ak--" Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! T____T Hinalikan nya na naman ako! Hindi lang pala first kiss! SECOND KISS PA PALA!! waaaaaaaaaaah! ahuhuhuhu "Hindi ka talaga marunong makinig no?! Sige, isa pang imik mo, alam mo na ang mangyayari." Dammit! gusto ko siyang murahin! sigawan! at sabihing ibalik niya ang first kiss ko at second

kiss ko! kaso waaaaah,,shut up ako ngayon. Kasi baka magka third kiss pa! ayoko na! ahuhu Kaya ayun tahimik lang ako buong byahe, kahit na gusto ko ng magwala! Kainis talaga! . . . Tumigil na rin ang kotse.. Hindi na ako umimik. Bumaba na lang ako. "Babye Katie ^___^...ikamusta mo na lang ako kila Tita Melba." tapos sinarado na niya yung pinto.. Tapos humarurot na yung kotse niya. "Waaaaaaaaah! hayop ka talaga Third! haup ka!! Bwisit ka! bwisit ka! first kiss ko! huhu! haup ka talaga! Argh!!" sumabog na ang galit kong kanina ko pa gustong ilaba "Bwiiiiiiiiiiiiiisiiiiiiiiiiiit! huhuhu! hayop ka Third! galit na galit talaga ako sayo! galit na galit! Lalo ng lumaki ang galit ko sayo! Bwisit ka! hindi kita mapapatawad!" tapos hinagis ko pa yung sapatos ko as if matatamaan nun yung kotse niya! haays! eh sa galit ako eh! Ai teka, naalala ko.. nasaan na yung sapatos ni Stacy?! kyaaaaaaaaaaaah! naiwan ko pa pala sa kotse ng lalaking yun! asar! anu na lang sasabihin ko kay mommy?! *END OF FLASHBACK Ayun nga po ang nangyari. Sinabi ko na lang kay mommy na nagkita kami ni Third sa mall, hinatid niya ako kaya naiwan ko yung sapatos dun. You see, close naman sila ni Third eh. Close ang pamilya namin kaya ayos lang kay mommy. Syempre di ko na sinabi sa kanya yung buong kwento no..tss.

Kaya yun, nagdiretso na nga lang ako sa kwarto ko pagkatapos nun. Haaaaaaaaaaaaay..so ngayon gets niyo na?! kung kayo ako, makakatulog din ba kayo?! huhuhu.. Ang first kiss ko..ang second kiss ko! ahuhu Tapos, nakokonsensya pa ako kasi pinagseselosan ko si Nash! ayoko siyang pagselosan! ayoko! Pero nasasaktan talaga ako eh. Masakit talaga. Anu bang gagawin ko?! kung mahal ni Tommy si Nash at kung mahal din naman ni Nash si Tommy, magpapaubaya na lang ba ako?! Kaya ko ba? pero..mahal ko si Tommy eh...uwaaaaaaah! nakakaloko to! ang sakit sa ulo! Haay..naguguluhan ba kayo kung bakit ko nasabing mahal ko na si Tommy? Iniisip niyo siguro ang babaw ko, hindi kami ganun katagal magkakilala at magkaclose pero in love na agad ako? pero may dahilan naman kasi eh. May story behind kung bakit ako nafall sa kanya. At siguro gusto niyo ring malaman kung anu ba talagang meron samin ni Third?! kung bakit ako galit na galit sa kanya diba? gusto niyong malaman diba?! Kaso wala ako sa mood para magkwento ngayon eh. Siguro sa next chapter na lang. Iiyak lang muna ako at magiisip. Haay..hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

CHAPTER 21.5- The REAL STORY behind THEM (part 2) KATIE's POV Haaay.. Naiiyak ko na yata lahat ng luhang pwede kong iiyak tss. Kaso hindi parin ako makatulog kaya nanuod na lang muna ako ng t.v. Ang malas ko naman kasi ngayong araw na to eh. Broken hearted na nga, nawalan pa ng first at second kiss!

Pag naaala ko talaga ang pagmumukha ng hudas na Third na yun argh! gusto kong magwala! "Bwisit kang Third ka!" sigaw ko sa kwarto sabay hagis nung remote Tss, hassle! Nakakainit talaga ng dugo! Ngayon kailangan ko pa tuloy tumayo para kunin yung remote na naglanding dun sa may ilalim ng study table ko. . . *Lakad lakad papuntang study table *Yuko..abot si remote.. . . Nung kukuhanin ko na sana yung remote bigla akong may napansin. Isang box na pula na medyo magabok na. Teka, alam ko to eh. Anu nga bang laman nito?! Kinuha ko yung box, pinagpagan ito tapos binuksan ko. Pagbukas ko.. Awwe! yun pala yung collection ko ng mga memorable things ko. You see, nung medyo bata pa ako, sa twing may importanteng pangyayari nangongolekta ako ng mga bagay na nandun sa pinangyarihan nung event na yun. Nandun din sa box yung mga gamit ko na may sentimental value para sakin, tulad na lang nung key chain na napanalunan ko sa bunutan, yung tissue ng Yellow Cab na itinago ko bilang souvenir ng una naming pagkaen sa Yellow Cab nila daddy. At nakita ko rin dun.. yung diary ko! Waaaaaaaaah! andito lang pala yun eh! tagal ko na tong hinahanap! Binuksan ko yung diary ko. Wala lang, hindi ko na kasi tanda yung mga sinulat ko dito eh

since nagsimula ako magsulat sa diary na to eh nung grade 3 pa ako. Entry no. 6 Dear Diary.. Haaay.. start na ng school ngayon. Nakakainis, akala ko ngayong grade 3 eh hindi ko na makakaklase si Third! yun kasi ang hiniling ko nung birthday ko! kaso hindi naman natupad! bwisit! Tapos ang pinakamasama pa, seatmates kami! bwisit talaga! Naalala ko to. Eh kasi naman, first day yan ng school, akala ko talaga hindi ko na makikita si Third sa room! Akala ko sa wakas iba narin ang section nya since dumating na ang teacher namin nun. Kaso..late lang pala siya! Argh! kaya asar na asar ako! bwisit! impyerno na naman ang buhay ko! Lalo na at katabi ko pa siya! bwisit! Bakit impyerno?! Alam niyo bang the past 2 years ko sa school eh pinagttripan ako ni Third?! Kung anu anu ang ginagawa niya sakin! total bullying! Tinatago niya ang sapatos ko, tinatali yung bag ko sa upuan, sinasadya niyang magkalat sa room pag alam niyang isa ako sa mga cleaners at marami pang iba! Sa sobrang dami hindi ko na maalala! Kaya naman talagang ipinagdadasal ko na sana wag ko na siyang maging classmate! kaso waaah..fail -_Binuklat ko pa yung diary.. Entry No. 10 Dear Diary, Haaaaaaaay! bakit kasi best friend pa ni mommy yung mama ni Third?! isa pa, bakit ba sila lageng nasa bahay namin?! hindi na nga ako tinatantanan ni Third sa school tapos hanggang dito parin ba sa bahay namin kailangan nandito pa siya?! At ang masama

pa.. sa lahat naman ng posisyon na madadatnan niya ako..bakit natae pa?! waaaaaaaaaaaaah! T.T Uwaaaah! naalala ko to! Nasa bahay ako nun, natae ako sa c.r. Pag natae ako hindi ko sinasarado yung pinto kasi natatakot pa akong mag-isa sa c.r . Kaya ayun, todo ire ako nun sa bowl. Tapos..may narinig akong papalapit.. . . . *boogsh May tumulak sa pinto. Akala ko si Stacy lang, pero.. pagtunhay ko.. Waaaaaaaah! ang pesteng si Third pala! Nakatingin lang siya sakin nun.. "Anu ba yan, ang baho naman ng tae mo. Tapos..ang panget mo pang umire. Mukha kang tyanak! tsaka yung panty mo, ang panget ng design." pagkatapos niyang sabihin yun sabay lumabas na siya Uwaaaaaaaah! hiyang hiya ako nun! hindi nga ako nakapagsalita eh! Umiyak lang ako nun magdamag kay mommy kasi akala ko hindi na ako virgin! Paano akala ko pag nakita ng lalaki ang panty ng babae eh hindi na to virgin! pero pinaliwanag naman sakin ni mommy na hindi naman daw ganun yun.

Buklat pa ng diary.. Tapos nabigla ako..biglang may lumaglag na spoon ng ice cream..na may nakasulat..

-SORRY. Natatandaan ko, eto yung kutsara nung kauna-unahang ice cream na binili ni Third para sakin. Yung ice cream na lageng sold out at lage akong nauunahan ni Third na makabili. Nung araw na yun, sobrang lungkot ko. Kasi naman nakakuha ako ng zero sa exams namin sa History. Itinatago ko yung testpaper kasi nga ayaw kong ipakita kay mommy! Kaso naagaw sakin yun ni Third nung pauwi na kami. Malapit lang kasi ang bahay nila samin kaya kahit ayaw ko eh lage kaming sabay ni Third umuwi. Nung nakuha ni Third yung test paper kong zero ang score eh agad agad siyang tumakbo sa bahay namin at pinakita yung test paper ko kay mommy! Kaya ayun, pinalo ako nun ni mommy! Sobra ang iyak ko nun sa harap ni Third. Nakonsensya siguro siya sa ginawa niya kaya naman umalis na lang siya. Pagtapos nun, nagtatakbo ako sa park para bumili ng ice cream na favorite ko. Pag malungkot kasi ako, ice cream lang ang katapat. Kaso pag dating ko ,ubos na pala.. Pumunta na lang ako sa playground, umupo sa swing at dun nag iyak. Nakatungo ako nun, umiiyak tapos may biglang kumulbit sakin. Pag tunhay ko, nakita ko na lang eh yung likod nung batang lalaking tumatakbo. Alam kong si Third yun no! Tapos napatingin ako dun sa katabi kong swing na medyo nauga parin. May nakapatong na ice cream na nasa cup sa swing na yun tapos nung kinuha ko, yung spoon na kahoy.. may nakasulat dun na "SORRY". Kaya nga nung gabing yun..naisulat ko ang Entry 21 Dear Diary,

Akala ko sobrang sama ni Third. Akala ko hindi siya marunong magsorry, akala ko wala siyang konsensya pero kahit papano, meron din pala :) At simula nung araw na yun, medyo gumaan naman kahit konti ang nararamdaman kong galit kay Third. Kaso hindi parin siya nagbabago! Pinapaiyak niya parin ako! pero ang nagiba lang, sa twing paiiyakin niya ako eh ibibili niya ako ng ice cream at ayun ok na ulit ako, titigil na ako sa pag iyak.

Entry 45 Dear Diary, Pinaiyak na naman ako ni Third..huhuhu.. Nagpaganda pa naman ako ngayon, sabi kasi ni mommy pag nakita daw ni Third ang itsura ko ngayon siguradong hindi na niya ako aawayin! Pero hindi eh! ang sama sama niya! sabi niya hindi daw ako sexy! wala daw akong boobs! huhuhu! akala niya talaga! pag nagkameron na ako ng boobs nako! T.T Isa pa to, I think grade 5 na ako nito. Eto yung mga panahong sumali ako sa pageant ng school at si Third ang kapartner ko! tss.. kami ang panlaban ng section namin. Talagang inayusan ako ni mommy nun. Sabi ni mommy, pag nakita daw ako ni Third at nagandahan siya sakin hindi na daw ako aawayin ni Third. Kaya naman tuwang tuwa ako. Nakasuot ako nun ng genie costume, alam niyo yung costume ni Princess Jasmine sa Alladin?! ganun. Kaya feel na feel ko na ang ganda ko nun. Takbong takbo ako papunta kay Third nun pagkatapos ako maayusan ni mommy. Gusto ko na kasi makita ang reaction niya. "Third! okay ba?! huh?!" nakaharap ako sa kanya tapos nagpopopose pa ako Lumapit siya sakin tapos hinawakan ako sa may beywang ko. Nakatingin lang siya sakin.

"Teka Third anu bang gagawin mo?! bi-bitawan mo nga ako!" sigaw ko pero hindi niya ako binibitawan! mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa beywang ko at hinigit lalo palapit sa kanya! Akala ko nga nun hahalikan na niya ako kaso.. "Anu ba yan, ok na nga yung mukha mo, nagmukha ka na ngang tao.. kaso.. bakit ganun?! wala man lang laman tong dibdib mo?! wala man lang kahit konting umbok..tss.." tapos binatawan na niya ako at umalis na naman siya "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! bastos ka Third! bastos ka! gaya gaya ka kay Natsume!" kasi naman no, binuklat niya yung damit ko sa may dibdib tapos tiningnan niya! waaaaaaaaaah! parang nabasa ko na kasi sa anime yung scene na ganito sa Gakuen Alice!!! tama! Idol ata nito si Natsume eh mas gwapo nga lang sa kanya si Natsume! :P teka! hindi ito ang oras para pagpantasyahan ko si Natsume! dapat akong magluksa!! ahuhu.. nakita na niya ang panty kong nakababa nung tumatae ako! ngayon naman nakita na niya ang dede ko! kahit na sabihin pa nating wala pa yun at hindi pa developed pero waaaaaaah! grabe na talaga siya!!! At ayun nga po ang nangyari nun.. T.T

Entry 68 Dear Diary, Nakita ko na po ngayon ang prince charming ko! akalain mong pinsan pa siya ni

Third?! Ou! pinagtanggol niya ako kay Third! Binigay pa niya sakin yung panyo niya at pinunasan ang mga luha ko! ang gwapo gwapo niya! at ang bait bait pa! sobrang layo niya kay Third!! haaay..sa tingin ko crush ko na siya! sana magustuhan din niya ako kahit na mas matanda siya ng 1 year kesa sakin :)

Eto, grade 5 parin ako. Unang beses kong nameet ang ultimate crush kong si kuya Marky, pinsan ni Third! Siya ang kauna unahang nagtanggol sakin mula kay Third! Inaasar kasi ako nun ni Third. Hinahabol niya ako sa playground at bubuhusan ng pulbo. Nabuhusan ako ng pulbo nun ni Third kaya naman pinagtawanan ako ng mga classmates ko nun. Sobrang iyakin ako kaya naman napaiyak na lang ako. Tapos may biglang gwapong lalaking lumapit sakin atpinunasan niya yung luha ko. Pati narin yung pulbo sa mukha at ulo ko. Tapos pinagalitan niya si Third !wahaha! Tameme pala sa kanya si Third eh! Kaya simula nun sa twing aawayin ako ni Third, tatakbo lang ako kay Kuya Marky at isusumbong siya :D

Entry 102 Dear Diary, Haaay, medyo nakakamiss din pala si Third?! akalain mo yun?! hindi ko na kasi siya classmate ngayong highschool eh, magkaiba kami ng section! Although pareho parin kami ng school! pero minsan ko na lang siya makita! Hindi narin siya nakakapunta sa bahay namin, ewan ko dun. Ganun ba pag nagbibinata na?! ayaw na niyang makipaglaro ng playstation sakin?! tss! ai teka, bakit ko nga ba siya iniisip?! ang

mahalaga, nagdadalaga na ako! wee! mapapansin narin ako ni Kuya Marky! kanina nga lang nung nakita niya ako, sabi niya gumaganda daw ako!! waaaaaah! kaya nga sobrang saya ko eh!!

1st year highschool ako neto at tama..magkaiba na ang section namin ni Third. Medyo nabawasan narin ang mga araw na magkasama kami. Ang totoo niyan, namiss ko talaga siya niyan. Kahit na lage niya akong inaaway, naging fond narin ako sa kanya. Na parang hinahanap hanap ko yung pang aaway niya sakin. Haay,, at dyan din, tama yung unang araw na napansin ako ni Kuya Marky! tuwang tuwa talaga ako niyan! :D Since 1st year hanggang 2nd year, hindi ko kaklase si Third. Hindi narin siya napunta sa bahay namin at pag magkikita kami hindi naman kami nagpapansinan. Pano, bumarkada na siya dun sa mga ow so hot guys sa school. Para silang f4 ng meteor garden! mga ultimate heart throbs sa school! Hindi ko lang maintindihan kung pano siya nasali dun eh hindi naman siya gwapo! mas gwapo parin si Kuya Marky! <3

Entry 139 Dear Diary, Waaaaaaaaaaaaah! ewan ko kung matutuwa ba ako oh anu.. pero classmate ko na naman si Third! tapos seatmate ko na naman siya! at heto na naman po siya sa pang iinis sakin! grrr! Nalaman niyang crush ko si Kuya Marky nung chinekan niya yung notebook ko! may nakasulat kasing name ni Kuya Marky dun eh! He keep on insisting na sumuko na daw ako kasi never daw naman akong magugustuhan ni Kuya Marky! Grabe naman siya huh! Diyos ba siya?! malay pa niya diba?! basta hindi ako susuko kay Kuya Marky! :P

3rd year highschool na ako niyan. Nagpapalit kasi ng sections depende sa ranking ng grades kaya ayun, classmates na naman kami ni Third! Haynako.. wala na siyang ginawa kundi idiscourage ako kay Kuya Marky simula nung malaman niyang crush ko yun! Wala na talaga siyang magawang matino sa buhay niya! tss.. if I know selos lang siya! :P Nakakainis nga eh, lage niya ako nilalayo kay Kuya Marky sa tuwing magaattempt akong magconfess! PSH -_-

Entry 203 Dear Diary, Eto na yata ang pinakamalungkot kong gabi sa lahat. Sabi nila masaya daw ang j.s. prom. Akala ko rin masaya, pero bakit ganito?! Ang sakit sakit, sumobra na siya sa mga sinabi niya. Dapat talaga hindi na ako umasang kahit papano may halaga ako sa kanya kasi wala talaga! galit ako sa kanya! galit talaga! . . Buti nlng at may dumating na panibagong prince charming.. sinave niya ang puso ko mula sa pagkawasak :) kahit hindi ko kita ang mukha niya.. may idea na ako kung sino siya :)

Naalala ko tong gabing to. Sobrang nasaktan talaga ako ng gabing yan, my first heartbreak. Gusto niyong malaman ang buong storya?! dito narin masasagot ang mga tanong niyo, sa gabing yan malalaman niyo kung bakit ako galit na galit kay Third.

*FLASHBACK JS Prom na namin! Yey! 3rd Year Highschool ako nyan. Kapartner ko nga lang si Third -_Wala akong magagawa kasi yun ang gusto ni mommy eh! haynako! At ang pesteng Third na yun, ayaw pa akong paattendin ng prom?! Biruin niyo sabi niya, wag na daw ako pumunta kasi hindi naman daw ako bagay dun! Wala rin naman daw magsasayaw sakin! Sabi pa nga niya hindi niya ako papartneran eh! Tss..kala niya hindi na ako pupunta sa prom kasi wala akong partner?! Asa siya! Kahit hindi niya ako partneran, pupunta parin ako! Suot suot ko yung sexy black dress na binili sakin ni mommy. Pinaayusan din ako sa kaibigang bakla ni mommy at ng matapos.. Ang galing! tuwang tuwa ako! mukha talaga akong dalaga! Ang ganda ko! hehe.. haay.. siguro naman mapapansin na ako ni Kuya Marky diba?! . . Pagbaba ko sa hagdan.. "Oh bakit ka nandito? akala ko ba hindi ka pupunta?!" nakasimangot kong tanong kay Third na ngayon eh nasa harapan ko, nakatingin lang siya sakin "Tss..ang panget mo..feeling mo naman ang ganda mo ngayon." aba at nanlait pa?!tss "Heh! tara na nga! baka malate pa tayo.." "Teka isuot mo muna to.. mahal ang bili dyan ni mommy huh." tapos itinali niya sakin yung

corsage na orchid, tradition yun pag js prom.. yung kapartner na lalaki ang dapat bumili nun para sa kapartner niyang babae Actually, sa totoo lang habang pinagmamasdan ko siya nung kinakabit niya sakin yun narealize ko.. muka siyang prince! pero muka lang huh! Ang gwapo niya ngayon. Bagay sa kanya ang suot niya. "Hoy, bakit ganyan ka makatingin sakin?!" ai peste ! napansin niya ako! "Wa-wala! ang panget mo kasi!" "Sus, ang panget daw. If i know naggwapuhan ka sakin :D" tss.. gwapo nga..mayabang naman! .. . . . Pagkatapos nun.. ilang minuto lang since malapit naman ang skul sa bahay namin.. nakarating na kami sa venue.. . . Nakita ko kaagad si Kuya Marky! Ang gwapo niya! "Wow Katie! hindi kita nakilala! ang ganda mo talaga ngayon!" -Kuya Marky "T-talaga kuya?! maganda talaga ako?!" medyo nahihiya kong tanong.. "Ou naman! you're the prettiest girl I've seen so far :)" -Kuya Marky Touch naman ako dun! prettiest daw! waaaaaaaaah! Promise talaga, gayong gabi kahit pigilan man ako ni Third, magcoconfess na talaga ako kay Kuya Marky!! :D -_- .

. . After ilang achuchuchu sa program.. ayun.. Bigla ng nagsimulang kumanta yung banda. Nagsimula narin magsayaw yung mga studyante. Gusto ko sana si Kuya Marky ang maging first dance ko! Pupunta na sana ako sa kinauupuan ni Kuya Marky, ako na ang mag aaya! pakapalan na to. Kaso.. Biglang humarang si Third tapos.. hinigit niya ako! "Third anu ka ba! magsasayaw pa kami ni Kuya Marky!" pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sakin "Umalis na tayo dito Katie! inaantok na ako! ihahatid na kita sa inyo!" -Third "Umuwi ka mag-isa mo! gusto ko pang sumayaw! magtatapat pa ako kay Kuya Marky kaya hayaan mo na lang ako!" sigaw ko sa kanya tapos natanggal ko yung pagkakakapit niya sa akin Tumakbo ako sa table nila kuya Marky kaso wala na siya dun. Tapos nakita ko si Kuya Marky sa stage. Ou pumunta siya dun! Singer rin kasi siya ng banda! Siya na pala ang kakanta! Kaya naman ako.. Umupo lang ako..tapos pinakinggan siya. NOW PLAYING : FALL FOR YOU BY SECONDHAND SERENADE Best thing about tonights that were not fighting Could it be that we have been this way before I know you dont think that I am trying I know youre wearing thin down to the core..

Waaaaaah! ang gwapo ni Kuya Marky! Lalo akong naiinlove sa kanya niyan eh! Haaay..sana para sakin yung kanta, sana,,kung para sa-Nabigla ako ng bigla akong dinala ni Third sa dance floor. Sinasayaw niya ako ngayon.. "Teka ayaw kitang maging first dance! ayaw ko!" -ako Hindi siya umiimik. Hindi niya parin ako binibitawan, hindi naman ako makapalag. Ang higpit ng kapit niya!

But hold your breath Because tonight will be the night that i will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find Youre impossible to find

"Third anu ba! iharap mo man lang ako kay Kuya Marky no?! Hindi ko na nga siya first dance eh! Anu man lang ba yung makita ko siya habang kumakanta siya diba?!" sigaw ko sa kanya, kasi naman nakatalikod ako sa stage,, di ko tuloy makita si kuya Marky! T.T "Kyaaaaaaaaaaah! ang sweet!! grabe! bagay sila!" "Ou nga! waaaaaaah! ang swerte naman nung girl!"

Naririnig kong sabi nung mga katabing kong sumasayaw.. Natigil sila sa pagsasayaw.. anu bang nangyayari?!

This is not what I intended I always swore to you Id never fall apart You always thought that I was stronger I may have failed But I have loved you from the start

"Third! anu ba kasing nangyayari?! tumigil muna tayo sa pagsasayaw! gusto kong makita yung pinaguusapan nila! Third! tumigil muna tayo!" Gusto ko kasing makita kung bakit natigilan yung mga nagsasayaw. Nakatingin silang lahat sa may stage! pero hindi ko makita! gusto kong makita! "Wag na.. wag mo ng tingnan Katie..sakin ka na lang tumingin." -Third tapos niyakap niya lang ako ng mahigpit habang sinasayaw ako.. Hindi ko maintindihan! anu bang meron?! bakit parang kami na lang ang nagsasayaw?!

Oh, But hold your breath Because tonight will be the night that I will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day

I swear its true Because a girl like you is impossible to find Its impossible

"Third! bitawan mo na ako! tayo na lang ang nagsasayaw! Lahat ng tao parang may pinapanuod! ipakita mo na kasi sakin Third! " nagaalpas na ako sa yakap niya Pero hindi lang siya umiimik.. ayaw pa rin niya akong alpasan sa yakap niya.. Lalo pang humihigpit..

So breathe in so deep Breathe me in Im yours to keep And hold onto your words Cause talk is cheap And remember me tonight When youre asleep

Naiinis na talaga ako sa kanya! Ganyan ba sya kaselfish na ayaw niya man lang makita ko si Kuya Marky na kumakanta?! ayaw niyang malaman ko kung anung pinaguusapn sa unahan?! anu ba kasing problema niya! naiinis na ako! "Bitawan mo na kasi ako eh!" tapos tinulak ko siya At pag harap ko sa stage..

Ow..sana nga, sana hindi ko na nga lang tiningnan.

Because tonight will be the night that I will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find

Nakita ko si Kuya Marky.. Kinakantahan niya.. yung isang magandang babae. Hawak hawak niya yung kamay nung babae tapos bingyan niya pa ng boquet of roses. Ang sakit.. Ni hindi man lang ako nakapagtapat sa kanya. Ni hindi man lang niya nalaman tong nararamdaman ko. Tapos ngayon.. Haay..ang sakit talaga. Matagal ng pinapamukha sakin ni Third na wala akong pag asa kay Kuya Marky at nasasaktan ako tuwing ipapamukha niya yun. Pero mas masakit pala yung mismong si Kuya Marky ang magpamukha nun sakin, sobrang sakit. Pinagmamasdan ko lang sila..

Tonight will be the night that I will fall for you

Over again Dont make me change my mind

Natulo na ang luha ko pero nakatingin parin ako sa kanila. Tapos biglang lumapit sakin si Third.. Hinawakan niya yung tenga ko. Sinasabi niyang wag akong makinig, wag na akong makinig.

Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find Youre impossible to find

Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya at nung matanggal ko.. Tapos na yung kanta.. Pero may narinig parin ako.. "Jasmine.. I love you.. please be my girlfriend. Sa harap nilang lahat, gusto kong ipagsigawan.. Mahal na mahal kita Jasmine! Sana mahal mo rin ako." rinig na rinig ko ang mga salitang yun.. naka microphone ba naman eh "Of course! Ang tagal ko tong hinintay Mark. Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh! Who am I to reject you? I love you too! I want to be your girlfriend!" sagot nung Jasmine.. then they hugged.. Sobrang sakit..as in. Durog na durog yung puso ko, sana naman kasi.. medyo hininaan man

lang. Kaso hindi eh, ipagsigawan ba naman? Ang sakit, parang gusto kong mabingi ngayon! Kaso hindi.. rinig na rinig ko. Rnig na rinig ko kung pano pinagsigawan ng taong mahal ko kung gano niya kamahal yung taong mahal niya at wala akong nagawa kung hindi umiyak habang pinagmamasdan sila. Pero narealize ko.. hindi to tama! Hindi ako dapat umiyak sa harap ng maraming tao! Isa pa..dapat icongratulate ko si Kuya! tama! Kaya pinunasan ko yung luha ko, inayos ang sarili ko at pupunta sana sa kanila ng.. Bigla akong hinigit ni Third! Dinala niya ako sa may garden sa labas.. . . . "Anu ba? bakit mo ako dinala rito? icocongratulate ko pa si Kuya Marky! " sigaw ko sa kanya "Icocongratulate? gano ka ba katanga huh Katie?! dapat ngayon umiiyak ka! dapat ngayon tumatakbo ka na palayo sa kanila! tapos lalapit ka pa? tanga ka ba?! nakita mo na diba?! narinig mo na diba?! anu pa bang kailangan mo huh?!" "Ah..so disappointed ka kasi hindi ako naiyak. Kasi iniexpect mo magbbreakdown ako, maglulupasay..ganun ba?! well sorry ka! kasi hindi yun mangyayari!" "Hindi? ok.. sus.. pero panatag narin ako.. atleast ngayon diba susuko ka na?! Susuko ka narin sa katangahan mo. Matagal ko na kasing sinasabi sayo, wala kang pag-asa pero ayaw mong maniwala sakin. Tingnan mo ngayon, diba bagay sila? bagay na bagay silang dalawa! Eh kayo Katie? ngayon ba malinaw na sayo?! HINDI KAYO BAGAY. HINDI KAYO BAGAY

KATIE! WAG KA NGANG TANGA!" . . *sampal Sinampal ko siya. Sobra na siya! Akala ko pa naman kahit papano, kahit papano itatry niya akong icomfort diba? na kahit ngayon lang, hindi na muna niya ako aawayin kasi obvious naman na nasasaktan ako ng sobra diba? pero bakit ganan siya? tuwang tuwa ba talaga siya pag napapaiyak niya ako? Ngayon, wala na naman tigil sa pag-agos ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Third. Mas lalo ng bumigat yung dibdib ko, mas nadagdagan pa yung sakit. "Masaya ka na ba? pwede ka ng tumawa! panalo ka na! napaiyak mo na ako! Napamukha mo na saking ang tanga ko para umasa na kahit papano, may pag asa akong mahalin ng taong mahal ko! Panalo ka na Third! magsaya ka na! Palibhasa kasi hindi ka marunong magmahal!" sigaw ko Tapos tumakbo na ako nun palayo sa kanya.. Hindi ko alam kung san ako pupunta, basta kahit saan malayo sa kanya! galit na galit ako kay Third! galit na galit ako! Ni hindi man lang niya ako hinabol. Grabe talaga siya. Wala talaga syang puso . I hate him! I hate him so much! *END OF-Haaay..ayan..tumutulo na naman yung luha ko. Masakit parin pala hanggang ngayon. Hindi yung part na nabigo ako kay Kuya Marky kundi dahil binigo ako nung taong akala ko

dadamayan ako. Binigo ako nung taong inaasahan kong magpapatahan sakin. Binigo ako nung taong pinaka kailangan ko nun. Binigo ako ni Third. Haaaaaaay..bwisit na luha! Pinunasan ko na yung luha ko.. Ngayon alam niyo na kung bakit ako galit na galit kay Third?! kahit sino naman diba?! sino bang hindi magagalit sa ginawa niya? To think na itinuring ko na syang pinakamalapit kong kaibigan.

CHAPTER 21.9- The REAL STORY behind THEM (part 3) THIRD's POV Haaynako.. Mukhang sa ginawa kong yun lalo na siyang nagalit sakin eh. *sabay gulo ko ng buhok ko Tss, yae na nga. Wala narin naman eh. Bahala siya. Magalit na siya sakin hanggang gusto niya. Wala na akong pakialam. Eto na naman ako sa "WALA NA AKONG PAKIALAM" na yan. Ilang beses ko na bang nasabi yan?! Haay! Kaso pag nasa harapan ko na siya hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na makialam. Lalo na at pag nakikita ko siyang nasasaktan, katulad nlng kanina.. *FLASHBACK Pumunta ako sa mall pagkaawas (pagka tapos ng klase) ko from school. May bibilhin kasi akong materials para dun sa project namin..tss. Nakakatamad nga eh. Buti pa si Bryle, pa easy easy, pano may taga gawa siya ng project. Imba talaga yung isang yun. Pagkatapos kong mamili ng mga materials, napagisipan kong tumingin tingin muna sa mall.

Para kasing trip kong bumili ng bagong rubber shoes since medyo matagal na tong rubber shoes kong ito.. Tapos.. bigla kong nakita si Katie! Bakit kaya mag isa to sa mall?! Nakita ko may bitbit syang sapatos. Ow.. ok.. so yun pala.. phew.. kala ko may kadate eh. . . Sinundan ko siya. Wala lang, para masigurado kong uuwi na siya. Kaso.. Naglibot pa?! eh mag isa lang siya ah?! Gala talaga to kahit kelan! eh gabi na ah! pano kung pag uwi niya may masamang mangyari sa kanya?! kababaeng tao niya ang tapang niyang mag isa sa gabi! haay! kahit kelan talaga to! *lakad lakad Nakasunod lang ako sa kanya..Tapos bigla siyang tumalikod! Buti na lang nakapasok agad ako dun sa isang store. Ang lakas naman ng pakiramdam ng babaeng to! Saglit lang lumabas na din ako. Tanaw ko pa siya kaya naman binilisan ko at sinundan siya ulit.. Aba at ang kulit huh! pinapahirapan talaga ako?! alam na ba niyang ako yung sumusunod sa kanya?!

Eh nagzizigzag ba naman siya ng daan tapos kung san san siya pumupunta na hindi naman bigla tutuloy dun at liliwas ng daan, nakakainis! Para tuloy akong tanga dun! hindi ko alam kung san ako pupunta! Mukhang nakakatunog na talaga siyang may sumusunod sa kanya. Bnilisan niya pa ang paglalakad.. Syempre binilisan ko rin! . . Ambilis niya! Nawala tuloy siya sa paningin ko! tss.. . . Hinanap ko siya kung saan saan.. Pinasok ko isa isa ang mga stores na malapit dun sa area kung saan ko siya huling nakita.. . . Tapos napadaan ako sa fun house.. Pumasok ako.. Teka.. Si Tommy yun ah?! pati si Nash?! Bakit sila-Natigilan ako ng makita ko bigla si Katie. Bilis bilis siyang umalis sa kumpulan ng mga tao.

And I think umiiyak siya! Nakatungo ba naman maglakad?! Kaya naman dun ako pumwesto sa kung saan mababangga niya ako.. *boogsh yun..nabangga na nga niya ako.. Pagtunhay niya.. "So-sorry! hi-hindi ko po kasi kayo nakita, sorry talaga.." "Hindi natingin sa daan, haynako.." mukha kasing hindi niya pa napapansin na ako yung nasa harapan niya.. kasi kung napansin niya malamang sa hindi, imbis na magsorry eh tatarayan pa ako niyan! "Ikaw?!" "Tss, umiiyak ka na naman." gusto kong punasan ang mga luha niya pero alam kong hindi niya ako hahayaan.. pero anu namang gagawin ko?! pano ko mapapagaan ang loob niya?! hindi ko siya kayang iwan ng ganito. "Wala kang pakialam! Kung gusto mo akong tawanan at sabihing buti nga sakin katulad nung dati, edi go. Wala na akong pakialam, kaya tumabi ka dyan at aalis na ak--" Hindi ko na siya pinatapos ng pagsigaw sakin, hinawakan ko sya sa wrist at hinila. Medyo marahas man ang paraan ko pero eto na lang ang alam kong paraan eh. Alam ko namang sobra siyang galit sakin na hindi niya ako hahayaang pagaanin ang loob niya, pero kahit gano pa siya kagalit sakin hindi ko talaga siya kayang pabayaan. . .

"Hoy! san mo ba ako balak dalhin huh?! bitawan mo nga ako!" hindi ko na lang siya pinansin.. bahala siya.. . . "Bitawan mo nga ako sabi eh! Bitawan mo ako Third! pag hindi mo ako binitawan, sisigaw talaga ako dito!" Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa nakarating na kami sa may parking lot.. "Tulong! tulong! kikidnappi--" tinakpan ko ang bibig niya.. aba eh ang tanga talaga neto! mapagkakamalan pa akong kidnapper eh! haynako! kung hindi lang kita-- tss.. itinulak ko na nga lang siya sa loob ng kotse.. . . "Hoy walangya ka! saan mo ako dadalhin huh?!" sigaw parin siya ng sigaw! wala ng pinagbago eh! nakakarindi! anu bang dapat kong gawin dito?! hindi ko to maisasama sa matinong usapan eh! pwersahan talaga dapat! "Ang ingay mo!" tss! hindi ako makapag isip ng dapat gawin sa ingay niya eh! "Hoy anung gagawin mo huh?! kidnap ba to huh? anu? gagahasain mo ba ako?!" "Manahimik ka nga! " kaya ayun.. no choice.. kahit ayaw ko.. tinalian ko yung kamay niya.. nilock ang seatbelt niya para di siya makaalis.. "Badahdsashkhsfh" pati narin yung bibig niya tinalian ko na kasi siguradong mabibingi lang ako kung hindi ko gagawin yun .

. Nakadating narin kami.. Eto na lang ang naisip ko eh total nung bata pa kami ito na naman ang lage kong ginagawa para hindi na siya umiyak eh. Dito ko siya lage dinadala pagkatapos ko siyang paiyakin. . . Kinarga ko na siya, ambigat niya nga eh.. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Dire diretso ako sa ice cream shop. . . Kilala na ako dun pati si Katie.. Kaya nga hindi ko na kailangan magpaliwanag. Binigyan na lang ako basta ng ice cream tapos lumakad na ako palabas. . . Dito ko siya dinala sa playground na malapit sa ice cream shop. Dito kami madalas naglalaro dati. Inupo ko siya dun sa isang swing, imbis na tanggalan ko siya ng tali eh tinalian ko pa yung paa niya. Knowing her, hanggang ngayon eh against parin sya sa pagsama sakin kaya siguradong tatakas at tatakas siya. .

. Susubuan ko na sana siya ng ice cream ng maalala kong may panyo nga pala siya sa bibig.. Kaya ayun..tinanggal ko.. "Bwisit ka! anu ba tong trip mo huh! bakit mo ako tinaling wlangya ka! alisin m--" as expected pagtanggal ko eh magsisimula na naman siyang magpuputak dun at nakakairita talaga pag ganan siya kaya naman sinubuan ko na lang siya bigla ng ice cream "Hindi ba pag malungkot ka, eto yung lage mong binibili?! sa twing papaiyakin kita, ibibili lang kita nito tapos tatahan ka na hindi ka na magsusumbong sa mommy mo." yan na lang ang nasabi ko Siguro naman maiintindihan na niya na kaya ko siya dinala dito. Para hindi na siya umiyak, para tumahan na siya kasi ayokong nakikita siyang umiiyak pwera na lang kung ako ang nagpaiyak sa kanya. Kasi pag ako naman ang magpapaiyak sa kanya sinisigurado kong kaya ko siyang patahanin. Eh yung iba?! wala naman silang ginagawa para sa kanya diba?! pagkatapos nila siyang saktan, wala. Hahayaan lang nilang umiyak siya mag isa! at ayoko nun. "So?! anung connect nun sa pagtatali sakin at pagdadala sakin dito?!" tss.. hindi pala niya nagets?! -_"Haay, kahit kelan talaga ang slow mo.. wala.. bobo ka.. baka dinala kita all the way here kasi gusto ko lang bumili ng ice cream, yun lang.... tss..walang utak." ayoko ng magpaliwanag, nakakainis na talaga ang sobrang katangahan niya! "Gusto mo lang palang bumili eh! bakit kailangan mo pa akong isama? makakakaen ka naman ng wala ako ah?!" iba na talaga ang level ng isang to! grabe! hindi lang sa academics to bobo eh! PSH!

"Haay..PSH..naniwala ka naman sa dahilan ko..haay nako.." "Eh yun ang sabi mo eh! tanga ka ba?!" "Tss..ayoko ng makipagtalo..susubuan nlng kita ng ice cream..kaya wag ka ng umimik dyan." "Ayoko" sabi niya tapos sinarado niya yung bibig niya.. Asar na talaga ako dito huh! ako na nga tong !! haay! patay ka talaga sakin Katie! sinusubukan mo na naman ako huh?! tingnan natin ngayon.. "Ayaw mo huh?! sige.. total nakatali ka.. ganito na lang ang gagawin ko.." tapos tumayo ako sa swing tapos "kyaaaaaaaaaaaaaaaah! wag! wag Third!" Nilapit ko sa kanya yung mukha ko! Anu ka ngayon?! tameme ka! sabi ko na eh.. katulad parin siya nung dati.. Namiss kong tingnan siya ng ganito kalapit. Namiss ko talaga siya.. Lumapit pa ako ng lumapit.. . . Hindi ko napapansin.. mahuhulog na pala siya.. . . Magtataob na sana siya sa swing pero.. Buti na lang at nahawakan ko yung likod niya.. Eye to eye tuloy kami ngayon..

*dug dug dug dug What the? Bakit ba lage na lang sa kanya ka tumitibok ng ganyan?! bakit ba hanggang ngayon siya lang at siya parin ang nakakapagpabilis sayo?! Lecheng puso.. nakakainis. "Tss..sa susunod kasi magingat ka naman, haynako.." inalis ko na ang pagkakatingin sa kanya.. kasi.. kanina.. parang.. parang gusto ko na talaga siyang halikan! "Eh ikaw naman ang may kasalan--" haaaaay! sinubuan ko nlng siya ng ice cream.. "Wag ka na ngang maingay huh?! kumaen ka na lang ng ice cream. Natutunaw na kasi eh, sayang.. pag nagsalita ka ng kahit isang salita..sinasabi ko sayo Katie..hahalikan na talaga kita!" Ayoko munang pakinggan ang mga reklamo niya.. windang pa ako. Ang hirap huminga! ang hirap magpigil ng sarili! pag nagtuloy pa siya ng ganyan, baka hindi na ako makapagpigil! Kaya ayun..andun lang kami sa may swing..sinusubuan ko siya ng ice cream..walang umiimik.. . . Pagkatapos namin kumaen ng ice cream.. Dinala ko na siya sa kotse.. ihahatid ko na siya pauwi.. Tapos na ang parte ko.. Kahit na alam kong pagkatapos nito eh kagagalitan pa niya ako imbis na pasalamatan eh ayos lang. Atleast sa pagiisip niya kung gano niya ako kinamumuhian at sinusumpa eh dahil naman dun mababawasan yung sakit na nararamdaman niya. Dahil sa pagkabwisit niya sakin kahit papano hindi na niya maiisip yung nakita niya kanina. Kahit papano nabawasan ko yung lungkot niya, kahit konti lang. un lang naman ang mahalaga.

Pagtanggal ko ng tali niya sa paa, kamay at pati yung panyo sa bibig.. "Hoy Third anu bang problema mo huh?! anung tr--" eto na naman po siya! Pasensyahan tayo! sabi ng wag ka munang umimik eh! pero sa itsura mong yan ngayon.. sa lapit mo sakin.. ang hirap talagang pigilin.. total galit ka na lang rin naman sakin.. edi sasagarin ko na.. . . O)3 (O HINALIKAN ko siya! mabilis lang naman,, pero.. first kiss ko to huh! Qyos naman.. natupad ko narin ang isa sa mga pangarap ko simula nung bata plng ako, ang maging first kiss ni Katie :) wahaha XP "Diba sabi ko sayo kanina, pag umimik ka hahalikan kita?! Nakalimutan mo na kaagad haynako.." "Pero ak--" makulit talaga huh?! gusto pa ng isa?! Hinalikan ko na naman siya! Galit ka na naman sakin diba?! edi samantalahin ko na! isa pa.. mabuti na yan ng manahimik ka na rin.. baka hindi na kita iuwi niyan pag nag ingay ka pa Katie! "Hindi ka talaga marunong makinig no?! sige..isa pang imik mo..alam mo na ang mangyayari.." At as expected.. wala na siyang kaimik imik...kahit na halatang halata naman na inis na inis siya.. Napapangiti na lang ako.. ahaha.. as usual hindi parin talaga siya manalo nalo sakin sa

asaran. Wala parin talaga siyang magawa sakin, katulad ng dati. Haay.. kung sana nga lang katulad parin talaga kami ng dati kaso malabo na ata. . . Nakarating narin kami sa tapat ng bahay nila.. "Babye Katie ^___^...ikamusta mo nlng ako kila Tita Melba." tapos sinarado ko na yung pinto At pinaandar na ulit ang kotse ko.. Pagtingin ko sa side mirror ng kotse ko, nakita ko siyang nagwawala. Pinaghahagis pa nga yung sapatos niya eh! Haay,,mukhang nagalit ko na talaga siya ng sobra. Siguradong sa ginawang kong to, hinding hindi na niya talaga ako mapapatawad. Pero atleast diba ako ang first at second kiss niya! wala na siyang magagawa :P *ENd OF FLASHBACK Nakita niyo ba kung gano ako kahopeless pagdating sa kanya?! yan ba ang "WALA NA AKONG PAKIALAM" na sinasabi ko?! haaaaay! naiinis na talaga ako sa sarili ko.. Nyemas! Hanggang ngayon talaga siya parin. From the very first time I saw her, it has always been her. All this time, this feelings, it has always been for her. My heart.. she had it with her ever since the very first day we met. Yeah.. simula nung una ko siyang makita nung day na bumisita kami sa bahay nila, right then, alam ko..nagsimula ng tumibok ang puso ko para sa kanya. Naaalala ko pa.. *FLASHBACK

Grade 1 pa lang ako nun, isinama ako ni mama sa bahay ng best friend niya. Since walang may gustong makipaglaro sakin kasi nga mahilig akong mantrip, ayokong naiiwan mag isa sa bahay. Solong anak pa naman ako kaya ayun..sumama ako. Dalwa silang magkapatid. Yung Stacy at si Katie.. Si Stacy naglalaro nun ng barbie niya at mukhang masungit. Tinry kong pagtripan at imurder yung mga barbie niya nung nagmemerienda siya. At nung makita niya.. Ayon.. grabe pala yun.. amazona.. Talagang sinabunutan niya ako tapos pinagpapalo ako ng kung anu anu. Hindi umubra ang kapilyuhan ko sa kanya. Kaya naman syempre..move on ako sa sunod kong target. Si Katie na kasalukuyan akong pinagtatawan habang naglalaro siya ng playstation. Napansin ko lang..kababae niyang tao ang nilalaro eh Marvel vs. Fighter! haha Pinapanuod ko lang siya.. guguluhin ko sana siya sa paglalaro pero.. "Gusto mong maglaro?! laban tayo! wala pang nakakatalo sakin dito!" bigla niya akong inayang maglaban kami, nabigla ako nun kasi nga ngayon lang may nag aya sakin na makipaglaro.. "Oh sige ba! tatalunin kita!" Kaya ayun naglaban kami.. . . At ang panalo?! SIYA! Amps! asar na asar ako nun! Natalo ba naman ako ng isang babae?!

Pero at the same time, humanga rin ako sa kanya. Kasi syempre.. ang astig kaya, natalo niya ako sa bagay na magaling ako! favorite ko rin kayang laruin yun! Kaya nga simula nun crush ko na siya.. *END OF FLASHBACK Parang tanga lang no?! ang babaw ko! Eh bata pa naman ako niyan no! Pero sa tagal narin ng panahon na kasama ko siya, hindi ko na namamalayan na bawat araw she's giving me reason to fall in love with her. You see, kahit lage ko siyang pinagttripan, inaasar, kung anu-anung ginagawa ko sa kanya, ang totoo niyan, gusto ko lang naman kasi na mapansin niya ako eh. Gsto ko siyang makasama, gusto ko siyang makausap pero dahil nga may pagka anti social ako at hindi ako marunong makitungo ng ayos sa iba eh ang pang aasar na lang sa kanya ang alam kong paraan para naman kahit papano eh mapalapit ako sa kanya. At sa tingin ko.. effective naman yung ginagawa ko. Napapalapit ako sa kanya, yun nga lang.. inis na inis naman siya sakin! ahaha.. But oh well, ang mahalaga, mas napapansin niya ako kesa sa iba, yun lang naman ang gusto ko eh. Simula grade 1 hanggang grade 6 eh classmates kami at syempre hindi parin ako tumigil ng pang aasar sa kanya.. hehe. Pero alam niyo, paganda siya ng paganda sa paningin ko. Hindi ko lang magawang sabihin kasi.. basta.. ayoko nga.. hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Kaya naman nilalait ko na lang siya pero lahat naman kasi ng sinasabi ko kabaligtaran eh. Pero ang pinaka maganda dun, kahit na ganun ko siya itrato, kahit na lage siyang umiiyak dahil sakin, kahit na bwisit na bwisit siya sakin eh hindi siya katulad nung iba na lalayuan ako na ayaw akong makalaro at ayaw lumapit sakin. Actually, siya lang, siya lang ang nagtyaga sakin.

Pag pupunta ako sa bahay nila, makikipaglaro parin siya sakin ng playstation. Nakailang attempts na nga ako at kahit hanggang ngayon, never ko parin siyang natatalo! Haay, kung pwede nga lang bumalik kami sa ganun eh. Kung pwede nga lang makasama ko siya ulit ng ganun. Kung pwede ko lang siyang asarin ulit, paiyakin ulit tapos bigyan ng ice cream at then, bati na kami, kaso hindi eh. Mukhang nung gabing yun, napasobra na ata ako. Nung gabing yun.. nasagad ko na siguro talaga ang pasensya niya. Nung gabing yun.. yung iyak niya, hindi na kaya ng ice cream. Yung gabing yun, simula nung gabing yun.. nawala na siya sakin. Ang tanga ko naman kasi! Haaaaaay! *Ginulo ko na naman ang buhok ko Mababaliw na ata ako dito sa kaiisip sa babaeng yun eh! Makainom na nga lang.. "Waiter, isang case nga ng beer.." total nandito na lang din naman ako sa bar nila Tommy.. Kahit mag isa lang ako.. magiinom parin ako.. ayoko na munang mag isip.. mababaliw lang ako eh.. . . Pag dating nung beer..sinimulan ko ng mag inom.. At ewan ko kung nananadya ba ang tadhana pero ang kinanta nung live band sa unahan, eh eto pang kantang to.. Haay,,makainom na nga lang ng alak!

NOW PLAYING : FALL FOR YOU BY SECONDHAND SERENADE

Best thing about tonights that were not fighting Could it be that we have been this way before I know you dont think that I am trying I know youre wearing thin down to the core..

At ewan ko ba.. nung nagsimula na yung kanta.. Nung napatingin ako sa dance floor at pinapanuod yung mga taong nagsasayaw.. Parang nakikita ko yung itsura namin ni Katie nun.. Nung sinasayaw ko siya.. "Teka ayaw kitang maging first dance! ayaw ko!" yan yung sinabi niya sakin nun nung hinigit ko siya sa dance floor.. Hindi na nga lang ako umimik nun, alam ko naman kasing si Kuya Mark ang gusto niyang makasayaw nun..alam ko yun. Pero kahit na alam ko..at kahit na anung tulak niya sakin..hindi ko parin siya binibitawan.

But hold your breath Because tonight will be the night that i will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find Youre impossible to find

"Third anu ba! iharap mo man lang ako kay Kuya Marky no?! hindi ko na nga siya first dance eh! anu man lang ba yung makita ko siya habang kumakanta siya db?!" sinabi niya rin yan sakin.. kasi nakatalikod ang pwesto niya sa stage.. sinadya ko yun.. ayokong makita niya yung nasa unahan.. kahit sa paraang to..magalit man siya sakin.. ang mahalaga maiiwas ko siya sa sakit.. yun lang ang mahalaga sa ngayon.. Haay..hindi naman talaga ako selfish eh. Kung pwede nga lang kahit masakit sakin hahayaan kitang panuorin siyang kumanta eh. Hahayaan din kitang makasayaw siya. Handa naman talaga kitang bitawan Katie eh. Handa kitang bitawan kung sakaling handa niyang hawakan ang kamay mo eh kaso Katie.. matagal ko ng alam at matagal ko naring sinasabi sayo.. Hinding hindi niya hahawakan yang kamay mo.. kasi .. "Kyaaaaaaaaaaah! ang sweet!! grabe! bagay sila!" "Ou nga! waaaaaaah! ang swerte naman nung girl!" Eto na nga ba eh. Sigurado akong magwowonder na siya kung bakit ganun na lang ang reaction nung mga tao sa harapan. Kung bakit nagsitigilan yung mga taong katabi namin at lahat nagtinginan sa unahan. Haay.. Katie, ginawa ko na ang lahat para maiiwas ka dito, para hindi mo na makita to. Pero mapilit ka eh.. nakakainis.. anu pa bang pwede kong gawin para hindi ka masaktan?!

This is not what I intended I always swore to you Id never fall apart You always thought that I was stronger I may have failed But I have loved you from the start

"Third! anu ba kasing nangyayari?! tumigil muna tayo sa pagsasayaw! gusto kong makita yung pinaguusapan nila! Third! tumigil muna tayo!" Tinutulak na niya ako niyan.. Nagaalpas na siya.. Pero hindi.. kahit sa gantong paraan Katie.. hayaan mo lang ako.. Hayaan mong ako na lang masaktan para sayo.. "Wag na.. wag mo ng tingnan Katie..sakin ka nlng tumingin" yan lang ang nasabi ko sa kanya Kitang kita ko sa harap ko.. kitang kita ko ang bagay na alam kong pag nakita niya eh masasaktan siya ng sobra at nasasaktan din ako para sa kanya. Kung pwede nga lang ipagpilitan ko kay Kuya Mark na si Katie na lang ang mahalin niya eh, kung pwede lang talgaa ginawa ko na. Kaso hindi eh, hindi mo mapipilit ang puso mo na tumibok para sa isang tao kasi kusa na lang yun.. wala kang magagawa. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit habang sinasayaw siya.. Sobrang higpit ng yakap ko kasi nasasaktan ako para sa kanya. Ito na lang ang pwede kong gawin. Sana sa yakap ko mabawasan ang sakit, sana sa yakap kong to yung puso mo sakin na lang tumibok. Sana sakin na lang Katie para hindi ka masaktan.

Oh, But hold your breath Because tonight will be the night that I will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day I swear its true

Because a girl like you is impossible to find Its impossible

"Third! bitawan mo na ako! tayo na lang ang nagsasayaw! lahat ng tao parang may pinapanuod! ipakita mo na kasi sakin Third! " nagaalpas parin siya, hirap na hirap na ako.. anu bang dapat kong gawin?! pag binitawan ko siya.. masasaktan siya.. Pero kahit naman hindi ko siya bitawan ngayon, malalaman at malalaman niya parin naman diba?! Masasaktan at masasaktan parin naman siya diba?! argggg! nakakainis! wala akong kwenta! wala akong magawa para hindi siya masaktan! Hindi na lang ako umimik, lalo ko na lang hinigpitan ang yakap ko.. Gusto kong sabihin sa kanyang,, "KUNG HINDI KITA MAIIIWAS SA SAKIT, KUNG HINDI KO KAYANG WAG KANG MASAKTAN.. BASTA, HANGGA'T SA ABOT NG MAKAKAYA KO.. HANGGAT KAYA KO.. AAKUIN KO MUNA YUNG SAKIT NA DAPAT NARARAMDAMAN MO NA NGAYON. AKIN NA MUNA LAHAT NG PWEDE KONG MAKUHA PARA PAG DUMATING SAYO.. KAHIT MASAKTAN KA MAN.. KAHIT KONTI, NABAWASAN NAMAN DIBA?! MAY NAGAWA PARIN NAMAN AKO PARA SAYO DIBA?!"

So breathe in so deep Breathe me in Im yours to keep And hold onto your words Cause talk is cheap

And remember me tonight When youre asleep

"Bitawan mo na kasi ako eh!" tapos tinulak niya ako damn! ang plano ko bibitawan ko siya pagtapos na nung pagppropose ni Kuya Mark sa unahan eh! Kaso.. Wala na.. nakita na niya.. Wala na akong nagawa..

Because tonight will be the night that I will fall for you Over again Dont make me change my mind Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find

Pinagmasdan ko lang siya.. Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang mahal ko habang sobra siyang nasasaktan. Haay.. alam ko na kasing mangyayari to eh. Dapat bang sinabi ko na lang sa kanya?! kaso hindi rin naman siya makikinig eh. Ou, matagal ko ng alam na may mahal ng iba si Kuya Mark. Tinanong ko siya dati kung anu

ang tingin niya kay Katie pero ang sabi niya kapatid lang talaga ang tingin niya sa kanya. Alam ko dapat matuwa ako sa sinabi niyang yun, kaso hindi.. nalungkot ako para kay Katie. Kaya simula ng malaman ko yun ginawa ko na lahat para ipamukha kay Katie na wala siyang pag asa kay Kuya Mark. Ginawa ko na lahat para mailayo siya sa kanya. Believe me, ginawa ko na lahat para lang hindi siya masaktan. Sinabihan ko na siyang wag umattend ng prom pero ayaw niya. Hindi ko na siya papartneran kahit gusto ko talaga syang makapartener at maisayaw, para lang hindi siya umattend. Kaso waepek. Inaya ko na siyang umuwi nung nagsimula ng magsayawan kasi alam kong ganito ang plano ni Kuya Mark, sa gabing to niya tatanungin yung babaeng gusto niya para maging grilfriend niya..Kaya nga kunyari gusto ko ng umuwi.. kaso..mapilit si Katie. Ginawa ko na lahat pero hindi parin pala sapat yun para hindi siya masaktan. Naiinis ako sa sarili ko! sana may ginawa pa ako!

Tonight will be the night that I will fall for you Over again Dont make me change my mind

Tandang tanda ko pa yung itsura niya dyan. Hindi mawala sa isip ko yung itsura niya habang umiiyak. Kung pwede lang sanang ako na lang ang umiyak para sa kanya. Haay! nakakainis! wala akong kwenta! wala akong magawa! Hinawakan ko na lang yung tenga niya para hindi na niya marinig. Hindi ko na kayang makita

siyang ganito. Ayoko ng patagalin pa niya, ayoko ng patuloy nya pang saktan ang sarili niya.

Or I wont live to see another day I swear its true Because a girl like you is impossible to find Youre impossible to find

Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko pero ayokong tanggalin. Not until matapos ni Kuya Mark yung sasabihin niya. Not until matapos yung mga salitang alam kong wawasak lang sa puso ni Katie. Pero dahil sa pilit niya paring tinatanggal at dahil sa nanghihina narin ako dahil sa kalagayan niya ngayon sa harap ko, naisip ko.. siguro nga..tama na to.. wala na talaga akong magagawa para mailigtas siya.. "Jasmine.. I love you.. please be my girlfriend.. sa harap nilang lahat..gusto kong ipagsigawan.. Mahal na mahal kita Jasmine! sana mahal mo rin ako" rinig na rinig yun..naka microphone eh.. "Of course! Ang tagal ko tong Hinintay Mark.. Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh! who am I to reject you? I love you too! I want to be your girlfriend!" sagot nung Jasmine.. then they hugged.. Naisip ko, siguro okay narin yun. Okay narin siguro na marinig niya para sumuko narin siya, para hindi na siya umasa, para hindi na sya patuloy pang mahirapan at masaktan. Hahayaan ko na lang siyang umiyak. Basta nandito lang ako para patahanin siya, gagawin ko

lahat para mapasaya siya ulit. Pero nagulat ako ng bigla niyang punasan ang luha niya. Inayos ang sarili niya as if walang nangyari, as if ok na ulit siya kahit hindi. Maglalakad na sana siya.. Pupunta pa siya sa kanila? Anu bang pumasok sa isip niya?! magpapakamatay na ba talaga siya?! Lalapit pa siya sa bagay na nakakasakit sa kanya?! para ano?! para san Katie?! Ginawa ko lahat para iiwas ka sa bagay na yan.. tapos lalapitan mo lang?! nakakagago na! Kaya sa galit ko at inis.. Hinila ko na lang siya.. Hindi ko siya hahayaang magpakamatay.. Dinala ko sya sa may garden sa labas.. . . "Anu ba? bakit mo ako dinala rito? icocongratulate ko pa si Kuya Marky! " sigaw niya sakin tanga tlga! nakakainis na siya! kung okay lang sa kanyang nasasaktan ang sarili niya, sakin hindi! hindi ok sakin na masaktan siya! hindi! "Icocongratulate? gano ka ba katanga huh Katie?! dapat ngayon umiiyak ka! dapat ngayon tumatakbo ka na palayo sa kanila! tapos lalapit ka pa? tanga ka ba?! nakita mo na diba?! narinig mo na diba?! anu pa bang kailangan mo huh?!" "Ah..so disappointed ka kasi hindi ako naiyak..kasi iniexpect mo magbbreakdown ako..maglulupasay..ganun ba?! well sorry ka! kasi hindi yun mangyayari!" haay! eto na naman po tayo sa pag ka slow niya! she took what I said in the wrong way! Shet lang! pero dahil nandito narin naman ako, kung iiyak man siya.. gusto ko sakin na lang

siya umiyak.. total sa pagpapaiyak naman ako magaling.. edi gagawin ko na.. atleast may kasama siyang umiyak.. "Hindi? ok.. sus.. pero panatag narin ako.. atleast ngayon diba susuko ka na?! susuko ka narin sa katangahan mo. Matagal ko na kasing sinasabi sayo, wala kang pag-asa pero ayaw mong maniwala sakin. Tingnan mo ngayon.. diba bagay sila? bagay na bagay silang dalawa! Eh kayo Katie? ngayon ba malinaw na sayo?! HINDI KAYO BAGAY. HINDI KAYO BAGAY KATIE! WAG KA NGANG TANGA!" --HINDI KAYO BAGAY.. KASI TAYO ANG BAGAY haay.. kung nababasa mo lang ang isip ko..yan ang gusto kong sabih-. . *sampal Sinampal niya ako. Galit na galit na siya sakin alam ko. Napasobra na siguro ako sa mga sinabi ko pero..ayos lang. Ang mahalaga umiiyak na ulit siya. Nangyari ang gusto kong mangyari, ngayon nailalabas na niya yung mga nararamdaman niyang kanina niya pa pinipigilan. Sige Katie..ayos lang..ilabas mo sakin lahat ng galit at hinanakit mo.. tatanggapin ko lahat. Ngayon, wala na naman tigil sa pag-agos ang luha niya.. "Masaya ka na ba? pwede ka ng tumawa! panalo ka na! napaiyak mo na ako! napamukha mo na saking antanga ko para umasa na kahit papano, may pag asa akong mahalin ng taong mahal ko! panalo ka na Third! magsaya ka na! Palibhasa kasi hindi ka marunong magmahal!" Tapos tumakbo na siya palayo sakin..

Naiwan lang ako dung pinagmamasdan siyang palayo ng palayo mula sakin.. At nasabi ko na lng.. habang hawak hawak parin ang pisngi kong sinampal niya.. Ang mga salitang alam kong dapat sa kanya ko sinasabi pero hindi ko magawa.. "Hindi marunong magmahal?! Kung hindi ako marunong magmahal Katie, Bakit MAHAL KITA?!"

Pagkatapos mag flashback sa utak ko ng mga scene na yun.. pagtingin ko sa dance floor sa bar.. Nakikita ko parin kaming sumasayaw ni Katie.. Pero unti unti itong naglalaho.. Lasing na siguro ako.. "Mahal kita Katie! Mahal kita! Narinig mo?! Pakinggan mo naman ako! mahal kita!! mahal na mahal kita Katie!" sigaw ko habang nakatingin sa imahe naming dalawa hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko ---------------------------------------------------------------------------------------------KATIE's POV Sinarado ko na yung diary.. Haay.. nalungkot lang tuloy ako lalo! haynako! Ibinalik ko na yung diary ko dun sa red na box tapos.. may napansin ako. Nakita ko yung panyong checkered, napangiti tuloy ako. Kasi yung may ari ng panyong to.. sya, sya ang sumagip sakin nung gabing yun. *FLASHBACK Pagkatapos kong tumakbo mula kay Third, napunta ako sa isang pavillion dun sa may garden din. Medyo malayo to kaya walang tao pero may ilaw naman kahit papano. May malawak naman na espasyo eh kaya naupo ako dun sa may hagdan.

Ibinaon ko lang ang mukha ko sa mga tuhod ko. Nag iyak lang ako dun ng nag iyak. Tapos.. biglang umulan.. "Nakisabay pa sakin ang langit?! anu ba yan!?" pagsabi ko nun tumunhay ako para makita yung langit pero.. iba ang nakita ko.. hindi yung langit o yung mga bitwin. May nakita akong isang lalaki, nakamaskara siya. Basang basa nga siya sa ulan eh. Hindi ko nga pala nasabi, Masquerade ang theme ng js prom namin. Hinubad ko na yung sakin kanina kasi binabanas ako.. nung kotilyon lang naman sinuot yun eh. "Sino ka?!" pagtatanong ko Pero hindi siya sumasagot, umupo lang siya sa tabi ko tapos binigyan ako ng panyo.. Syempre pinunasan ko naman yung luha ko.. Tapos inilabas niya yung kamay niya na nakatago sa may coat niya kanina, para kasing may bagay siyang pinoprotektahan mula sa ulan. At ng makita ko kung anu.. "Ice cream?!" pagtatanong ko Hindi siya umiimik..bagkus eh tumango lang siya at inabot sakin yung ice cream.. "Ah pero bakit?! isa pa umuulan tapos ice cream?!" naguguluhan naman ako sa kanya "*ehem.." niclear niya muna yung throat niya.. tapos bigla ng nagsalita.. "Ah ano..ka-kasi..diba, malungkot ka?! Na-naisip kong sasaya ka pag binigyan kita niyan.." ewan ko kung matatawa ako o matotouch sa kanya eh, kasi yung boses niya dyan.. parang pinipilit niyang ibahin.. pinipilit niyang palagungin! haha.. pero bakit?! ayaw niya bang makilala ko kung sino siya?! "Pero..pano mo nalaman na ice cream ang makakapagpasaya sakin pag malungkot ako?!"

kasi naman diba?! si Third lang ang alam kong may alam na ice cream lang ang makakapagpatahan sakin.. pero.. hindi naman si Third to eh.. asa pang si Third to.. iba yung mask niya.. at iba din yung damit niya.. kaya sino to?! "Ah..eh ano..ma-may kaibigan kasi akong babae, pag malungkot siya bibigyan ko lang yun ng ice cream, sasaya na yun. Hindi na siya iiyak.. ka-kaya naisip ko baka ganun ka din.." nakatungo siya habang sinasabi yan.. ang weird niya talaga.. "Ow..ok..pero bakit ka napunta dito? sinundan mo ba ako?!" "H-huh?! hi-hindi no! a-anu..kasi ku-kumakaen ako ng ice cream kanina.. eh.. gusto kong mag gala at mapag isa.. ang ingay kasi sa loob.. sa paglalakad ko inabot ako ng ulan.. kaya ayun.. humanap ako ng masisilungan at nakita naman kita.." "Ah..so kaya naman pala..eh blessing in disguise naman pala ang ulan eh. Alam mo kung hindi ka dumating.. siguro umiiyak parin ak--" Natigil ako sa pagsasalita kasi bigla niya akong niyakap...ipinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya.. "A-anu..ba-bakit mo a-ako niyakap?!" tanong ko "A-h.. eh.. ka-kasi..anu ahm, nilalamig ako eh! kaya naisip ko baka nilalamig ka narin." Napangiti naman ako dun.. kunwari pa siya eh.. alam ko namang gusto niya lang pagaanin ang loob ko.. "Ah..tama ka..nilalamig nga ako.. salamat.." niyakap ko narin siya Gumaan talaga ang pakiramdam ko nun. Yung yakap na hinihintay ko mula kay Third, etong lalaking to ang nagbigay. Siya ang nagpagaan ng pakiramdam ko, yung bagay na inaasahan ko mula kay Third pero hindi niya ginawa.

Naluluha tuloy ako, mixed feelings. Basta parang pakiramdam ko, kilalang kilala ko na tong lalaking to, napaka komportable ng pakiramdam ko habang yakap yakap niya. At sabi nga nila.. Girls fall in love easily at their most vulnerable state. At ewan ko ba.. Pero at that moment..sa tingin ko.. Tumibok na agad ang puso ko para sa iba. Tumitibok na to ngayon para sa lalaking ito. Siguro nga pure infatuation lang talaga yung kay Kuya Marky..kasi naman bata pa ako diba? Eh itong nararamdaman ko ngayon? infatuation din kaya ito?! . . Mga ilang minuto rin.. Umalis na ako sa pagkakayakap niya..since tumila narin ang ulan. Sabi ko kailangan ko ng umuwi. Inihatid naman niya ako sa may labasan at ipinara na ng taxi. Pero bago ako umalis, naalala ko yung panyo niya.. "Oi yung panyo mo oh.." inaabot ko sa kanya yung panyo "Sayo na lang yan.." pagtanggi niya "Ah..eh..teka..may ice cream na ako, may yakap na, may panyo pa samantalang ako..wala man lang naibigay sayo.." tumingin tingin ako sa paligid kaso anliit naman ng dala kong bag..wala akong pedeng ibiga-Natigil ako nung mapansin ko yung corsage na orchid na sinuot sakin ni Third.. Mahalaga narin naman to sakin eh, kahit galit ako kay Third balak ko parin tong itago as remembrance pero..

"Sayo na lang to oh.. remembrance." tapos inabot ko na sa kanya yung corsage na orchid ko.. Hindi na siya nakapagsalita at umandar na yung kotse.. Pero habang nakatingin ako sa kanya napansin ko..familiar yung suot niya eh.. Yung coat na may rose sa may pocket sa harapan..kanino nga ba yun?! . . BOOM! alam ko na kung sino siya.. :) Si Tommy! hindi na ako magtataka. Gentleman talaga siya eh, gwapo pa..lahat na lahat na! Siya lang naman kasi ang may rose sa damit niya eh. Napansin ko siya kanina nung kasama siya ni Third! so sigurado akong siya talaga yun! ^__^ Si Tommy..ang bagong prince Charming ko! *END OF FLASHBACK At hanggang ngayon nga po, itong puso ko tumitibok parin para sa lalaking yun. Ewan ko nga kung bakit hindi man lang inaamin sakin si Tommy na siya yun eh. To think na nagkakasama naman kami. Pero siguro nga, since iniiba niya ang boses niya nun, ayaw niyang malaman ko. Well, hihintayin ko ang araw na sasabihin niya rin sakin yun.. maghihintay ako kahit gano katagal :) ----------------------------------------------------------------------------------------------------THIRD's POV

"Third anu ba yan.. buti na lang at dumaan ako sa bar kung hindi paano ka uuwi niyan huh?!" si Tommy yan..siguro?! hindi ko na mapansin eh..lasheng na ko eh.. "Tommy,?! Third?! anu ba yan anak! bakit naglasing ka na naman! haynako..sige Tommy, salamat sa paghahatid sa kanya..ako na ang bahala dito.." sabi ni mama kay Tommy tapos umalis na si Tommy.. Dinala na ako ni ma sa room ko.. "Ma naman eh..wag mo naman akong hubaran! para naman akong baby niyan eh! kaya ko ng magpalit ng mag isa!" pagtataboy ko kay mama.. bibihisan ba naman ako? anu ako bata? "Ah eh o sige..ikukuha na lang kita ng pamalit mo.." pupunta na siya sa damitan ko "Ako na ma! kaya ko na naman eh! lumabas na lang po kayo.." "Third naman eh..hayaan mo na ako.." "Ma naman eh! lumabas na po kayo sige na!" "Pero anak hayaan mo na kasi si mama! anu ba!" tapos tinulak ako ni mama sa kama "Dyan ka na lang.." sigaw niya . "Third, bakit may libro dito sa damitan mo?!" tapos may pinakita siya saking libro "Ma wag niyo ngang pakialaman yan! akin na yan!" lumapit ako sa kanya at pilit inaagaw yung book.. "Anung meron dito huh?! siguro may tinata--" Natigil siya ng biglang may lumaglag mula dun sa libro.. "Third! eto yung corsage na orchid na binili ko para kay Katie ah! wag mong sabihing hindi mo

binigay sa kanya?!" aw..paktay..tss.. "Binigay ko po!" "Eh bakit nandito?!" "Haaay..hindi niyo maiintindihan! lumabas na lang kayo!" tapos tinulak ko na siya palabas at sinarado yung pinto.. . . "Binigay ko sa kanya ma.. pero binigay niya ulit sakin.." nasabi ko na lang at tuluyan na akong sumalampak sa kama ko habang hawak hawak parin yung corsage na orchid..

CHAPTER 22- Can he resist his TEMPTATIONS?! XD NASH's POV Haynako.. what's up with him?! Parang kanina lang ang bait bait niya, ang sweet sweet niya tapos ngayon?! grabe! parang dahil lang sa isang kiss ni Drey eh bitter na bitter na siya?! Ang sarap niyang sapukin ng pabalik balik eh! argh! nakakabwisit din talaga siya!hay! hindi ko na talaga siya maintindihan! Bakit ako asar na asar?! well then take a look at this! ang sarap talagang patayin ng lalaking yun! *FLASHBACK Tumigil ang sasakyan sa tapat ng condominium..

. . *Silence Hindi siya umiimik.. Hindi rin ako makaimik.. Hindi siya nagalaw.. Ako rin hindi. Hindi man lang ba niya bubuhatin si Drey?! tulog na kasi eh. "Bryle, tulog na si Drey buhatin mo na lang ulit papunta dun sa condo unit nila." finally nakapagsalita din ako "At bakit ko bubuhatin yang manyak na unanong yan huh?! ikaw magbuhat kung gusto mo! PSH.. magsama kayo!" -Bryle "Hoy! grabe ka naman huh! hanggang ngayon ba yun parin ang kinabbwisit mo?! hindi mo ba talaga maintindihang wala naman malisya yun?! Bata siya Bryle! Bata! haaaay.. sa asta mo wala ka ring pinag iba sa kanya eh..para ka ding bata!" sigaw ko sa kanya "Para din akong bata?! ow...ok.. so kung para din naman pala akong bata.. eh di ok lang kung.." Bigla siyang pumunta sa backseat kung saan ako nakaupo.. tapos kumapit sa magkabilang part nung upuan. Kyaaaaaaaaaah! ang lapit na naman ng mukha niya! Napalunok na lang ako ng laway. "Ho-hoy Bryle! lumayas ka nga sa harapan ko! a-anung gagawin mo huh?!" "Diba sabi mo walang malisya ang paghalik sayo nung manyak na unano kasi bata siya.. tapos sabi mo para akong bata.. so.. wala ring malisya kung hahalik--"

*boogsh "Aray Nami! bakit mo naman ako sinipa! ang sakit eh! sa sikmura ko pa eh!" sigaw niya habang hawak hawak pa yung tyan niya na sinipa ko "Eh kasi ikaw eh! ang manyak manyak mo!" "Wow! ako manyak?! pero yung batang yan hindi?! grabe lang huh! sige na nga magsama na nga kayo niyan! wala na akong pakialam!" tapos bumalik na ulit siya sa driver's seat "Sungit!" -ako "Panget!"-siya "Unggoy!"-ako "Mukhang paa!" -siya "Selos!"-ako "Mukhang t-- teka! anung selos?! hindi ako nagseselos no! asa ka pa!" -siya "Tss.. eh bakit kung makaasta ka ganyan?! galit na galit ka kay Drey kasi hinalikan niya ako!" "Eh sa naiinis lang ako sa batang yan eh! napakamanyak! " "Sabi ng wala ngang malisya yun eh!" "Sabihin mo nagustuhan mo lang din yun!" "Heh! haaaaaay! bahala ka na nga dyan! you're too iritating!" "Same to you!" "Watever!" "Watever ka din! bumaba ka na nga!" "Talagang bababa ako kahit hindi mo pa sabihin!" tapos kinarga ko na si Drey at bumaba ng

kotse "Hindi ka man lang ba magtthank you?!" -sya "Thank you your face!" tapos sinarado ko ng malakas yung pinto..nakakainis na siya eh.. "PSH -__-" sabi lang nya tapos humarurot na yung kotse niya paalis.. *END OF FLASHBACK See?! hinayaan niya akong kargahin si Drey all the way sa 10th floor! uwaaaaaaaaah! at ang bigat ni Drey! hindi ko naman magising si Drey kasi mukhang himbing na himbing ang tulog! pesteng Bryle na yun! akala ko pa naman kahit konti eh nagiging gentleman na siya! Argh! I hate him! . . Pagdating ko sa harap ng condo unit nila Drey.. Nagdorrbell ako.. Bumukas naman agad yung pinto.. "Oh Nami! nako! mukha kang hirap na hirap ah! bakit naman ikaw ang nagbuhat kay Drey?! asan na yung boyfriend mo?!" tanong nung mommy ni Drey.. pano pawis na pawis na ako.. "Wala po pinatay ko na.." sagot "Huh?!" "Haha..joke lang po..anla eh bad mood po eh.. hayaan niyo na yun.. sige po ipasok na natin si Drey.." dadalhin ko na sana sa loob si Drey pero pinigilan ako ng mommy niya.. "Nako, ako na lang ang magdadala sa kanya sa loob. Sige na Nami ako na ang bahala sa

kanya..mukhang pagod na pagod ka na.." tapos kinuha na niya sakin si Drey.. binigay ko narin kasi nga pagod na talaga ako. . . . Nasa loob na ako ng condo unit ko ngayon. Pagkatapos kong magshower salampak nlng sa kama at manunuod ng t.v. Kumakaen ako ngayon ng ice cream. Ayoko pang matulog eh. Hindi pa ako inaantok. Naiinis parin ako sa Bryle na yun! tss.. May pasayaw sayaw pa siyang nalalaman, may pasabi sabi pa siya ng mga salitang yun tapos..haaaaaaaay! nakakainis! Muntik na akong maniwala na okay siya, muntik na akong maniwala sa kanya! Pero sa inasta niya?! haaaaay! hindi parin sya nagbabago. Nakakainis, to think na muntik na kaming mag-waaaaaaaaaaaah! ayoko ng isipin yun.. Pangalawang beses na yun! Kung hindi dumating si Drey, sigurado ako, natuluyan na yun! Bakit ko nga ba siya hahalikan?! haaaaay! eh kasi naman no. Sa effect nung kanta tapos.. sa itsura niya nung mga oras na yun, sa tunog ng boses niya, sa higpit ng yakap niya nung mga oras na yun, it felt like for a short period I have fallen for him.. But hell! hindi pala! Hinding hindi talaga ako maiinlove sa isang katulad niya! Being angry about such little things!! wat the hell?! Isa pa..Hindi naman niya ako gusto eh.. so hindi ko rin siya gusto!

Kung pano niya itanggi na maghahalikan dapat kami kanin, it's as if napakalaking pagkakamali para sa kanya kung nahalikan niya ako! Well, kung ganun, edi ganun din ako! Who would want to kiss him anyway! Haaaaaaay! *binaon ko na lang ang mukha ko sa mga unan Ayoko na siyang isipin nakakatanga lang. Siguro ako nga lang ang nag-iisip na kahit papano nagugustuhan narin niya ako. Siguro kaya niya lang nasabi yun nung mga oras na yun, kaya ganun na lang yung kinilos niya nun, merely because naaawa lang siya. Awa nga lang siguro yun. Asa pa naman talaga akong maiinlove siya sakin, isang malaking hindi. Te-teka! Bakit parang nakaramdam ako ng lungkot?! Bakit parang nalungkot ako while thinking that what he felt about me that time was just plain pity?! bakit?! Pag iniisip kong naaawa lang siya sakin bakit parang ang sakit?! bakit parang .. haaaaaaay! Hindi ko na talaga mainitindihan ang puso ko lately. Bakit ba si Bryle na lang ang lageng gumugulo sayo?! at bakit ba lageng ako lang ang naaapektuhan?! Bakit parang sa kanya wala lang?! Siguro nga kasi.. wala lang naman talaga ako para sa kanya. Haaaaaay.. sana wala na lang din siya para sakin kaso hindi. Hindi eh, I know deep inside me he's much much more than...haaaay..itutulog ko na lang to. Hindi ko na magets ang sarili ko. . . . "Hoy babae! gumising ka na nga! Nami! " sino naman to?! ang aga aga pa eh! wala naman

pasok ah?! "Hanuba?! ang aga aga pa! Lumayas ka nga kung sino ka man! Hindi ako sisimba, matutulog lang din naman ako sa simbahan." tapos ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa unan "Nami! gumising ka na sabi eh! Ang kulit mo naman eh! Anung maaga pa?! tae! alas dose na! tanghalian na!" tapos hinihigit niya ako "Haaaaaaaaaaay! naman oh! eto na! wag mo na akong higitin! nakakainis naman oh!" tapos bumangon na ako.. ginulo gulo ko pa yung buhok ko.. "Hahahaha! anu ba yan Nami! Mukha ka ng luka luka eh! Mahiya ka naman sakin! mag ayos ayos ka naman! may panis na laway ka pa sa pisngi eh!" luminaw na ang paningin ko ow.. so siya pala yan?! kagabi lang bwisit na bwisit siya.. tapos ngayon, kung makatawa! "Heh! kala mo naman ang gwapo mo! Wala kang pakialam kung ganto itsura ko! Bakit ka na naman ba nandito?!" tanong ko sa kanya habang nakaupo parin sa kama "Tss..pinapapunta ka kasi ni tanda sa bahay. Hindi ako titigilan nung matandang yun eh, kaya nandito ako para sunduin ka. Kaya bilisan mo na! " "Anung meron?! bakit ako pinapapunta?!" "Wala lang trip niya lang! Wag ka na ngang maraming tanong, maligo ka na at mag ayos!" "Tss.. ok... basta pumunta ka na lang sa salas. Dun ka na lang, baka silipan mo pa ako." "Tss..asa ka pa. Bilisan mo huh!" tapos lumabas na kami pareho sa kwarto.. ako pumunta sa c.r. siya naman pumunta na sa ibaba sa salas.. Mukhang balik na naman kami sa dati. Medyo awkward kasi kagabi. Siguro nga wala lang para sa kanya na muntik na kaming maghalikan. Siguro nga ako lang ang masyadong nag iisip ng kung anu.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Inaantok pa ako eh! Kung hindi lang ako kinulit nung matandang yun, hindi pa ako gigising eh! Pano, napuyat ako sa kakaisip sa nangyari samen nung gabing yun sa Enchanted Kingdom! Yung mga nasabi ko, yung mga ginawa ko.. Bakit ko ginawa yun?! Bakit ko nasabi ang mga yun?! at anu ba yung nararamdaman ko nung mga oras na yun?! Haaaaaaaay! Hindi mawala sa isip ko yung itsura niya nung muntik na kaming magkahalikan! Haaaaay..anu ba kasing nangyayari?! bakit ba ako nagkaganun?! Bakit kami nagkaganun?! Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na naawa lang ako sa kanya nung mga oras na umiiyak siya kaya naman ganun na lang ang ikinilos ko.. pero.. hindi eh.. Sa tingin ko hindi awa yung naramdaman ko, hindi talaga. Pero kung hindi awa yun, anu yun?! The feeling of wanting to protect her, the feeling of wanting be able to make her happy, the feeling of not wanting to let go of her, and the feeling of wanting to be so close to her up to the point that I almost actually touch her lips with mine..Anu bang tawag sa pakiramdam na yun?! Hindi ko maitatanggi.. that night.. I really did.. I really did want to kiss her. At nadisappoint talaga ako ng sobra dahil sa unanong yun! pero bakit ako nadisappoint?! damn! wala na talaga akong matinong maisip! Ganyan ang tumatakbo sa utak ko buong magdamag. Kaya no wonder na antagal ko bago nakatulog! tss! lage na lang akong napupuyat sa kaiisip sa babaeng yun! Pero naisip ko rin.. kung maiilang ako sa kanya, kung ipapahalata kong naaapektuhan ako, tapos siya mukha namang hindi naaapektuhan edi parang talo naman ata ako dun! Ako ang lalaki tapos para ako pa ang apektadong masyado! Hindi na no! Ayoko rin naman iopen up sa

kanya yun, kasi.. sabi nga niya ayaw naman niya ako halikan! pwes ayoko rin!! tss. Kung ayaw niya sakin, pwes mas lalong ayaw ko sa kanya! Kahit na mahalaga na siya sakin, hindi ko na lang yun ipapahalata. Kasi wala din naman eh, parang dehado naman ako kasi ako lang ata ang nagpapahalaga, siya, wala naman pakialam sakin..kaya wag na lang din.. tss Kaya nga eto, nakaya ko naman siyang kausapin ng normal ulit..as if walang nangyari.. pero inaamin ko.. iba ang tibok ng puso ko pag kaharap ko siya! hindi ko malaman kung bakit pero.. waaaaaaaaaah! hindi ko maalis ang tingin ko sa labi nya! damn! Nandito lang ako ngayon sa salas. Parang ayoko siyang makasama ngayong araw! iba tong nararamdaman ko! kaso, si tanda!! hays! Ang tagal naman ni Nami naiinip na ako.. Bubuksan ko na sana yung t.v. ng.. *ding dong Sino naman kaya to?! . . Binuksan ko yung pinto.. "Hey Na--wat?! bakit ka nandito?!" -sya "Bakit ako nandito?! ikaw ang bakit nandito Tj panget! " ou, yung panget na Tj na yun ang kaharap ko ngayon "Wala kang pakialam! asan si Nash huh?! tawagin mo nga!" -Tj "Kung makapag utos ka huh! Nasa c.r. siya! kaya lumayas ka na dyan! Aalis kami ni Nami

kaya wag ka ng umepal..tss" "Ah ganun ba?! Aayain ko pa naman sana siyang..tss, ok..next time na nga lang.. tss" tapos lumakad na siya paalis "Hoy aayaing ano huh?! Aayain mo siya makipagdate?! hoy! hindi yun mangyayari Tj ka! lubayan mo si Nami!" sigaw ko sa kanya "Tss.. wala ka sa pwesto para sabihin yan! Lulubayan ko lang siya kung sa kanya mismo manggagaling at hindi sayong unggoy ka..tss. Wag kang pakasigurado, boyfriend ka pa lang hindi pa asawa. Kaya payo ko sayo, ingatan mo siya. Kasi kung hindi..baka matalo ka na naman!" sinasabi niya yan habang nakatalikod "Asa ka pang matatalo ako!" sigaw ko tapos sinarado ko na yung pint Amps yung isang yun huh! Nakakainit ng dugo! Bakit nga ba dito pa ang napili kong condo ni Nami! tss.. delikado dito eh! ilipat ko kaya siya ng condo?! haynako.. Uupo na sana ako sa sofa at manunuod ng t.v. ng.. *dingdong Ang kulit tlga ng Tj na to huh! hindi makaintindi! PSH Binuksan ko yung pinto.. "Hoy Tj! sabi ng lubayan mo na si Na--" "My name is not Tj you idiot! where is Nami?!" kanina yung panget na si Tj.. ngayon naman tong manyak na unanong to naman! Bakit ba andameng lalaki nitong si Nami?! at nandito pa sa floor na to! nakakaasar huh! "She's not here..and I won't let you see her. So go back wherever you came from!" "What?! no! Get out of my way you ugly man!"

"Hindi ka makakadaan na unano ka! pagkatapos mong halikan si Nami! I wont let you get near her!" hinaharangan ko siya sa pinto "Get out my way already!!" "You wish!" "Get out of my way! I say!!" "MUK-HA M-MOOOOOOOOOOOOOOO!!!!" sigaw ko sa kanya..whaha..asa ka pang kutong lup-"Then take this!!" sigaw niya sabay *sipa "Aray! aray ko! walangya ka!" sinipa niya ako sa anu ko! waaaaaaaaah! bakit ba lage na lang dun?! pag ako nabaog talaga! Nakapasok tuloy siya.. "Hoy bata ka! andame mo na talagang atraso sakin! Patay ka sakin pag nahuli kita!" hinahabol ko siya kasi nagtatatakbo siya papunta sa taas...syempre sumunod ako.. . . *takbo takbo tak-"Kyaaaaaaaaaaaah! Bryle! anu ka ba! dun ka na lang sabi sa salas eh!" nakita ko si Nami.. kakalabas lang niya sa c.r. ta-ta-tapos... a-anu.. na-na-naka.. na-naka tuwalya lang! "Eh yung batang yan eh! hinahabol ko siya!" tapos tinuro ko yung Drey na yun na nagtatago sa likod ni Nami! nakahawak pa sa bewang ni Nami! patayin ko to eh!

"heh! pano tinakot mo na naman siguro! lumayas ka na nga! " "bleaah :P" binelatan naman ako nung unano! aba at! Susugurin ko na sana sya, pupunta na ako palapit kay Nami pero nadistract ako. Eh kasi..kita yung anu nya..anu..yung cleavage niya.. meron naman kahit papano..tapos tumutulo pa yung buhok niya..medyo basa basa siya.. tapos..ngayon ko lang napansin..ang kinis ng legs niya tapos "Hoy Bryle! napakamanyak mo! bakit ganan ka makatingin huh?!" bigla naman ako natauhan nung marinig ko si Nami "Eh ba-bakit ka kasi na-nakatuwalya lang! dapat sa c.r. ka nagbibihis! " shet.. tumalikod tuloy ako sa kanya.. may iba akong nararamdaman eh! ang init! bilang uminit! bukas ba yung aircon?! "Heh! eh sa nakalimutan ko yung damit ko sa kwarto eh!" "Pati bra at panty mo nakalimutan mo?!" "Oo--ay! tae! manyak ka talaga! lumayas ka na nga Bryle! hahagisan kita ng tsinelas!" yumuko pa siya para kuhanin yung tsinelas.. Waaaaah! maawa ka sakin Nami! ang init na! sobrang init na! hindi ko na kaya! "Hi-hindi na! aalis na nga ako! pero isasama ko tong kutong to!" tapos binuhat ko na yung bwisit na bata papuntang salas . . Umupo na lang kami sa sofa.. Nanuod nlng kami ng t.v.

Kinuha ko yung magazine na nasa may table at pinangpaypay ito sakin. "Ugly monkey..why are you like that?! it's not hot in here. Look, i'm wearing a jacket and you're not.. I'm not feeling hot..actually it's kinda cold in here.. so why are you like that?!" "Wala kang pakialam! eh sa binabanas ako eh!" tss..tanong pa eh.. malay ko din ba.. eh sa biglang uminit eh! . . "Oh Bryle ok na ako..alis na tayo.." -Nami "Si-sige.." "Teka Bryle, bakit parang ang pula mo?! may lagnat ka ba?!" lumapit sakin si Nami tapos hinawakan yung noo ko Waaaaaah! ewan ko pero lalong uminit! kinilabutan din ako! "Wa-wala! tara na nga!" lumakad nlng ako palabas at sumunod nlng sila ni Drey Shet anu ba tong nagyayari sakin?! konting hawak lang niya, iba na ang nararamdaman ko! hindi maganda to! . . Kami na lang ngayon ni Nami..andito na kami sa parking lot.. Owshet.. Nakamotor nga pala ako! so meaning ang lapit niya sakin! uwaaaaaah! . .

Sumakay na kami.. "Na-nami..a-ano..wag ka ngang yu-yumapos sakin! sa balikat ko ikaw kumapit!" eh kasi naman.. yumapos pa ba daw sakin?! lalo akong naiinitan! "Tss..ang arte mo naman.. eh dati naman pag nasakay ako dit--" "Basta sundin mo na lang ako!" "Tss..sungit..fine.." tapos sa balikat ko na nga lang siya kumapit . . Pagdating namin sa bahay.. dumiretso na kami sa may garden, nandun daw kasi si Tanda eh. "Nami! Waaaaaaaaaah! Namiss ka ni lolo! " haynako nakakahiya tong matandang to! pagkakitang pagkakita niya kay Nami..aba, ayun, nagtatakbo papunta samen! "Namiss ko rin po kayo!" sagot naman ni Nami "Buti na lang napapunta ka ni Bryle! tuwang tuwa talaga ako! uwaaaaah!" yayakapin na sana ni tanda si Nami pero syempre "Hoy tanda! lubayan mo nga tong girlfriend ko. Wag ka ng dumagdag pa sa mga nanlalandi sa kanya." tapos tinulak ko siya papalayo kay Nami "Hoy anung pinagsasasabi mong nanlalandi?!" -Nami "Tss..nagkaila pa..umupo ka na nga lang." sagot ko tapos umupo na kami sa may table May table kasi dun sa garden namin na pwedeng kainan, may pool din. Kaya ayun tamang kaen lang kami. "So Nami, kamusta naman kayo ni Bryle, wala pang nangyayari sa inyo?! ginawa niyo na ba

yung anu?!" -Tanda "Huh?! a-anu pong ibig niyong sabihin?!" -Nami "Nagse--" "Hoy tanda! wag ngang kung anu anu ang sinasabi mo sa girlfriend ko! hindi pa namin ginagawa yun! tss.." grabe siya! tama bang pag usapan yun?! "Hahaha..apo naman. Ang bagal mo naman eh! gusto ko na ng apo sa tuhod! sige na! gawa na kayo!" -tanda "Gago ka talaga! tss.." Si Nami naman hindi na umiimik..kaen lang siya ng kaen. Tss.. hindi ko parin maalis ang init ko sa katawan, ang init parin! . . So ayun usap usap lang kami dun tapos may pinadala si tanda sa mga katulong.. Wow! ang favorite kong leche flan! Tapos may strawberry juice ata yun tuwang tuwa si Nami dun sa juice..tss.. "Hoy Bryle! penge naman ako niyang leche flan!" -Nami "Ayoko nga! akin lang to no!" tss..favorite ko to eh! hindi ako mamimigay.. "Nako Nami, tikman mo na lang tong gelatin mas masarap to. Tapos ito pa oh masarap yang strawberry juice.." tapos inabutan ni tanda si Nami nung juice "Mmmm..ang sarap nga po nung juice! kaso, parang may ibang lasa..pero..okay lang! ansarap naman eh! penge pa po!" -Nami

Tapos ayun, binigyan pa siya ni Tanda. Ang dame na ngang naiinom ni Nami eh. Ako naman tuloy lang sa pagkaen nung leche flan. Teka..bakit parang inaantok ako?! parang umiikot ang paningin ko?! Lumalabo na sila sa paningin ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila. Anu bang nangyayari?! "Hoy tanda anung meron dito sa pinakaen mo sakin huh?! bakit gan--" Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko. Nawalan na ako ng malay..tuluyang nakatulog.. . . . . Ah, teka.. Sino to?! bakit may humahaplos sa mukha ko?! Yung daliri niya parang tinetrace yung mukha ko. Simula sa mata ko..sa ilong...sa labi.. hinahawakan niya. Ang lambot ng kamay niya pero sino to?! tsaka nasan ako?! . . -___O O___*kurap kurap Nakasideview kasi akong na kahiga sa kama at pagbukas ko ng mga mata ko..

Nakita ko sa harap ko..sobrang lapit niya..nakatagilid rin siya..tapos nakaharap sakin.. (see the pictures sa tabi..ganan itsura ni Nami at ni Bryle XD) ---------------> "Na-nami?!" ou..si Nami yun..pero parang may iba sa kanya "Ako nga..babe..hehe..antagal mo naman magishing. Kanina pa kita pinagmamasdan eh, ang gwapo mo talaga babe." waaaaah?! anung nagyari sa kanya?! bakit yung boses niya parang nang aakit! tapos hinahaplos niya pa yung pisngi ko! Waaaaaaah! Nami anu ba! "Na-nami! a-anu bang nangyayari sayo?! te-teka..nakainom ka ba?!" medyo amoy alak kasi siya "Huh?! bakit babe mabaho na ba ako huh?! hindi naman mabaho ang hininga ko ah..amuyin mo pa..tehehehe" tapos hinipan niya ako sa mukha! Waaaaaah! anu bang nangyayari! ang init! "Te-teka Nami! lasing ka eh!" babangon na sana ako "Where are you going?! wag mo akong iwan dito babe..mahiga ka na lang dito with me.." hinila niya ako..kaya napahiga ulit ako.. Magkaharap kami habang nakahiga, tapos.. "Na-nami! te-teka lang!=!" "Shhhh..I'll keep you warm don't worry. Just lie here with me." tapos niyakap niya ako! *dug dug Wtf?! anu ba to?! Nami! anu bang ginagawa mo! "Na-Nam--" tinutulak ko siya pero niyayakap niya lang ako

"Shhhhhhh.." nilagay niya pa yung isa niyang daliri sa may bibig niya.. tapos ngumiti siya ng parang nang aakit! teka! hindi lang parang! nakaakit talaga! Waaaaaaah! nanghihina na ako! hindi ako makagalaw sa posisyon ko! sobrang init! sobra! "Nami tek--" "I said quiet! " "Pero Na--" . . . I'm weak.. Ba-bakit?! bakit siya ganito?! O//////////////__________________////////O She's kissing me..Passionately.. At wag niyo akong sisisihin..kanina pa ako nagpipigil.. Pero hindi ko na napigilan this time.. and now I'm actually giving back her kiss! Oh tukso..bakit ka ganito?

CHAPTER 22.5- Can he resist his TEMPTATIONS?! XD (part 2) MR. BERNARD CHRIS STANFORD's POV (kyahahaha! POV yan ng lolo ni Bryle! )

"Eddie, Eddie, tingnan mo, ayos! Hindi ba sabi ko sayo uubra ang plano ko?! wahahahaha! naghahalikan na sila!" sabi ko kay Eddie, ang aming personal driver Nandito kami ngayon sa secret room ko. Alam niyo kung saan?! secret nga eh! May hidden camera sa room kung nasaan sila Bryle at Nami ngayon. Kaya naman, kitang kita ko sila! haha. Bawat sulok ng room may camera, kaya kahit san sila magpunta kita ko! Ayos ang plano ko no?! I know right?! "Talaga sir?! Ou nga po no! nako sir ang galing niyo talaga!" -Eddie "Ako pa?! buti na nga lang at wild pala yang girlfriend ng apo ko pagnalalasing! haha" tama, nilasing ko si Nami Eh kasi naman, antagal nilang dalawa. Parang ang stiff pa nila. Ni hindi man lang nga nagyayakapan! Anu ba naman yun?! Pag kinukumusta ko sila, lage daw nag aaway! Paano ako magkakaapo niyan?! Kaya no choice kundi gumawa na ako ng aksiyon! "Si Sir Bryle parang aayaw pa sana nung una pero ayan hindi rin nakapagpigil"-Eddie Halata ko naman kasing may iba ng kinikilos si Bryle. Isa pa, lalaki siya, alam kong hirap din siya magpigil. Para malaman niyo, nilagyan ko ng pampatulog yung leche flan! Favorite kasi niya yun kaya lam kong hindi siya mamimigay! Wahaha. Umaayon lahat sa plano ko! Nako, sana lalaki ang maging apo ko! anu kayang ipapangalan ko?! -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Nami tek--" "I said quiet! "

"Pero Na--" . . . waaaaaaaaaah I'm weak. Ba-bakit?! bakit siya ganito?! O////////__________________////////O She's kissing me..Passionately.. At wag niyo akong sisisihin, kanina pa ako nagpipigil pero hindi ko na napigilan this time. And now I'm actually giving back her kiss! Right now, we are still kissing. I'm feeling really hot. I could really taste her mouth. It tastes like strawberries! My favorite! She's caressing my hair while kissing me. Unti unti ko namang ginagalaw ang kamay ko. I'm caressing her back, down to her waist, to her legs. My hands are exploring all over her body. I'm now removing her dress. Itataas ko na.. . . "Hindi to tama!" napasigaw ko na lang tapos tinulak ko si Nami at agad akong tumayo ako sa kama Naalala ko kasi yung pangako ko sa kanya. I said I will protect her. Hindi pagpoprotekta tong

ginagawa ko ngayon! Kung sa sarili ko, hindi ko siya magawang maprotektahan, sa iba pa kaya?! Lasing si Nami! Hindi ko kayang pagsamatalahan si Nami! Hindi ko kaya! "Why?! You don't like my kiss baby?!" tumayo din siya sa kama at lalapit sakin "Nami! wag ka ngang lumapit sakin! dyan ka lang! Pag lumapit ka.." syempre nagsstep back ako palayo sa kanya Nginingitian lang niya ako. Naglalakad parin sya papalapit. "What?! what are you gonna do to me?!" *lakad parin siya ng lakad Oh no! anung gagawin ko?! bigla siyang tumigil.. Thank God! wala na kasi akong aatrasan kung nagkataon! "Bryle, ang init. Hindi ka ba naiinitan?! Binabanas na kasi ako eh. I wanna take my clothes off!" Wth?! Huhubarin na niya yung dress niya?! at sa harapan ko pa! Syempre tumakbo ako palapit sa kanya bago niya magawa yun! Anu ba naman to?! Hirap na hirap na nga ako magpigil dito eh! Nami naman! Makisama ka naman oh! T__T "Nami no! Wag ka ngang maghubad! Papaypayan na lang kita kung binabanas ka!" inalis ko yung kamay niyang nakahawak na sa laylayan ng dress niya "Hehe. Ok Bryle." sagot nya tapos inupo ko na lang siya dun sa may kama

. . Pumunta ako sa may pinto. Shet! nakalock! sabi ko na nga ba eh! Anu ba kasing pinaplano ng matandang yun?! Pag nakalabas talaga kami dit patay siya sakin! Bumalik na ako kay Nami. Tss. Anu bang gagawin ko dito?! Hindi ako pwedeng lumapit sa kanya! Nag iinit parin ako! Siguro iniisip niyo ang manyak ko no?! Pinipigilan ko na nga ang sarili ko oh! Pero lalaki parin naman ako no! "Nami, lasing ka! Matulog ka na lang! Ay teka hintayin mo pala ako dyan. Dyan lang." pumunta ako dun sa may mini bar (isang maliit na ref sa kwarto) "Oh ito. Uminom ka pala muna." may inabot ako sa kanyang bote ng mineral water "Hehe. Water?! what for?! ow..I see.." "Waaaaaaaah! anu ba?! antanga mo naman Nami! Bakit mo binuhos yung tubig sayo?!" Oo, pagkaabot ko sa kanya nung tubig, imbis na inumin niya, ibinuhos niya pa sa kanya! Takte! Basang basa tuloy yung damit niya! Pano na to?! "Hehe. Do I look good now that I'm wet?!" waaaaaaaaaaah! anu ba siya?! huhuhu Lord naman! Bakit niyo ba ako ginaganito?! "Shet! shet talaga! Dyan ka lang huh?! Wag kang aalis dyan. May titingnan lang ako." tss, I

can't barely look at her! Kaya tumalikod na ako! Bakat na yung bra niya kasi nga basa yung suot niya! O forgive me! Shet! pag nagtuloy pa to! hindi ko na talaga alam! Naglakad ako papunta dun sa mga cabinet. Baka may damit dun. Kaso.. Walang laman lahat! Anu ba naman yan?! Baka magkasakit siya! Aircon pa naman tas basa yung suot niya! Pano na to?! anung gagawin ko?! Isip Bryle! isip! Bumalik ako sa kanya. Hinubad ko yung suot kong tshirt. Hep hep! Wala akong gagawing masama sa kanya huh! Hinubad ko lang yun kasi yun na lang ang naisip ko. Isusuot ko na lang sa kanya tong t-shirt ko. Total mahaba naman to sa kanya, para narin niyang dress. Lumapit ako sa kanya na ngayon eh nakaupo parin sa kama. Nakangiti lang siya sakin. "Bryle..come here..stay with me." Lumapit ako sa kanya, pero para lang bihisan siya huh! Paglapit ko, nakatayo ako sa may tabi ng kama. Bigla niya akong niyapos! Sa beywang ko! "Bryle, lie here with me please! lets sleep together!" waaaaaaaaaaaah! anu ba sya?! "Nami wait! basa ka eh! Magbihis ka muna! oh!" tapos inabot ko sa kanya yung tshirt "What will I do with this?! Ikaw na lang ang magbihis sakin Bryle! tehehe" tapos tinaas niya yung dalawa niyang kamay, meaning nagpapahubad siya! Ow God! "No! Nami naman eh! Ikaw na ang magbihis! Tatalikod na lang ako para wala akong makita!"

tapos tumalikod na ako sa kanya . . . pagtapos ng ilang minutes rin "Nami, ano, tapos ka na ba?!" "Huh?! no. Natutuwa akong pagmasadan ang likod mo eh, hehe. Ansexy ng likod mo Bryle! pahawak naman oh! parang ansarap hawakan!" Wth?! hindi pa siya nakakapagbihis?! antagal kong naghihintay ah?! Napahilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko tapos lumapit ako sa kanya. Teka..eh anu naman ang gagawin ko?! Pag hinubadan ko siya, syempre makikita ko yung anu nya! Lalo na akong hindi nakapagpigil nun! Pero kung hindi ko siya huhubadan, magkakasakit siya! Takte! ansakit naman sa ulo oh! Teka.. Kinuha ko yung unan sa tabi ni Nami at tinanggal ko yung punda nun. Lumapit ako kay Nami. Kinuha ko sa kanya yung tshirt ko. Humarap ako kay Nami.. "Nami, bibihisan kita huh?! Sundin mo lang ang sasabihin ko sayo huh?!" "Owkei." Tinali ko sa may mata ko yung punda ng unan. Nakapiring na ako. Syempre wala na akong makita.

"Nami, nasan yung laylayan ng dress mo?! ilagay mo ang kamay ko dun." Tapos ayun, nahawakan ko na nga yung laylayan ng dress niya. *dug dug shet! anlakas ng tibok ng puso ko!!! Hindi ako makahinga! Nanginginig yung kamay ko! "Tumayo ka Nami." Tumayo naman siya.. Magkaharap kami.. Ang bilis lalo ng tibok ng puso ko. Sobrang init pa! Pinagpapawisan na nga ako eh! "Nami, itaas mo ang kamay mo huh?!" "Nakataas na!" Tapos nun itinaas ko narin yung dress niya all the way hanggang sa tingin ko eh mahubad ko na sa kanya. "Nami, ahm, nasan ang kamay mo ngayon?!" "Nakataas padin." "Ibaba mo na ang kamay mo tapos..See this Tshirt?! isuot mo yung ulo mo dito." inihaya ko sa kanya yung tshirt na nkaharap sa kanya yung suotan ng ulo nung tshirt (hirap magexplain! basta ganun na yun! yung maisusuot niya yung ulo niya!) "Ok! " Tapos naramdaman kong sinuot na niya, kinapa ko naman yung suotan ng kamay.. "Nami nasan ang kamay mo?! ihawak mo nga sa kamay ko." "Here"

Tapos hinawakan niya ang kamay ko. Shet, ang lamig ng kamay ko! pero yung kanya.. ang init! Pagkahawak ko sa kamay niya, isinuot ko na yun dun sa tshirt na hawak ko. "Nami yung isa naman." At ganun din ang ginawa ko dun sa isa. Hinawakan ko siya sa may tagiliran niya para kapain kung nasan yung tshirt, at nung makapa ko binaba ko na syempre yung tshirt! Woosh! tapos narin! ang hirap huh?! Tinanggal ko na yung piring ko. Haays,buti nabihisan ko siya! Wala akong nakita ha?! Hindi niyo lang alam kung gaano ako nahirapan dun! Knowing na nakahubad siya nun, hindi niyo lang alam kung anu ng nararamdaman ko. "Nami matulog ka na." "'Eh tabihan mo ako Bryle." "Hindi na, dun na lang ako sa sofa. Mahiga ka na huh?!" inihaga ko na siya sa kama Mukhang inaantok narin naman siya eh. Kinumutan ko lang siya tapos pumunta na ako sa may sofa. . . Uwaaaaaaaaaah! Bakit parang habang tumatagal lalong lumalamig?! To think na nakahubad ako ng pantaas ko! Maninigas na ako sa lamig nito eh! Parang tumataas ng tumaas yung degree ng lameg sa kwarto! Shet! sinasadya to nung matandang yun!

Siguro gusto niyang tumabi ako kay Nami sa kama! Hindi pwede! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko pag ganun. Pero anu naman ang gagawin ko?! Hindi ko naman pwedeng kuhanin yung kumot! Iisa lang yun eh! TT___________TT Anu ba?! anu bang gagawin ko?! Mahiga na lang dito sa sofa at manigas sa lamig?! o tumabi kay Nami at piliting pigilan ang sobrang init ng katawan ko?! Uwaaaah! Ang hirap naman eh! . . in the end . . Pinili ko na lang ang manigas sa sofa kesa naman kung anu ang magawa ko kay Nami. Nirerespeto ko sya. Ayokong gawan siya ng masama. Bahala na kung anung mangyari sakin. Bumaluktot na lang ako sa sofa. Yapos yapos ko yung tuhod ko. Nanginginig na ako! Parang palamig ng palamig! Hooo!! shet! Sana makalabas na talaga kami dito! . . .

Teka.. Bakit.. Bakit biglang uminit?! Napatunhay naman ako. May naglagay sakin ng kumot. "Nami?!" "Nilalamig ka na dyan eh. Ayaw mo akong tabihan sa kama kaya ako na lang ang tatabi sayo dito sa sofa! Kaya umisod ka na lang!" sabi nya habang nakangiti sa akin Napaupo ako bigla sa sofa tapos tumabi siya sakin. Nakabalot kami sa iisang kumot. Nakataas ang mga paa namin, nakapatong ang mukha namin sa tuhod namin. "Nami, ok lang naman ako dito eh. Mahihirapan ka lang eh, dun ka na lang sa kama." "Hindi. Hindi ako nahihirapan. Basta kasama kita, hindi ako mahihirapan. Ok lang sakin kahit saan,basta nasa tabi kita. Gusto ko.. sa tabi lang ako ni Bryle." tapos sinandal niya yung ulo niya sakin Buti na lang medyo kumalma na siya. Hindi na sya wild. Inakbayan ko na lang sya at hinawakan siya sa may ulo niya. Hinahaplos ko ang buhok niya para mas madali siyang makatulog. Mas ok na dito, kesa sa kama. Mukhang mapipigilan ko naman ang sarili ko kung dito kami. Mas ok narin siguro to. Ok lang na mangawit ako. Sa ngayon babantayan ko na lang siya habang natutulog since hindi pa ako makatulog. "Ako rin Nami wala akong pakialam kahit mahirapan pa ako. Basta nasa tabi kita, ok na ako." binulong ko sa kanya tapos..hinalikan ko siya..

sa NOO! kala niyo huh! "Goodnyt Nami. " sabi ko pa "Goodnyt din Bryle" nabigla ako, kasi akala ko tulog na siya pero sumagot siya! Tapos yumakap siya sakin. Ngayon..hindi na sobrang lameg. Hindi narin sobrang init. Tamang tama na lang. Ang sarap sa pakiramdam. Ang komportable, para akong nasa ulap. At hindi ko namalayan na habang tumatagal eh nakatulog narin ako. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------MR. BERNARD CHRIS STANFORD's POV (POV ulit ni lolo! wahaha) "Sir, pano po yan?! Mukhang naudlot ang plano niyo! Ang hina naman ni Sir Bryle oh! Sir wala po ba tayong gagawin?! Magpatugtog kaya tayo bigla ng Careless whisper?!" -Eddie "Hahaha! gago ka tlga Eddie! Wag na. Wala na tayong magagawa. Haaaaaay..mukhang hindi pa nga siguro ngayon ang tamang oras. Hayaan na lang natin sila ngayong gabi." nasabi ko na lang habang pinagmamasdan sila sa t.v. Matulog daw ba sa sofa?! haha. Nakakatawa tlga silang dalawa. Pero kahit na hindi nagtagumpay ang plano ko. Masaya parin naman ako kasi napatunayan ko kung gano kamahal ng apo ko ang babaeng yun. Nirerespeto niya talaga ang girlfriend niya, sigurado akong magtatagal sila. Ang babaeng yun, alam ko na ngayon na napakahalaga na niya para kay Bryle. Nabago niya si Bryle. Kung iba sigurong babae yun, siguro hindi na nagawang pigilan ng apo ko ang sarili niya. Nag piring pa si Bryle para lang di nya makita ang di nya dapat makita, na nakita ko naman. Wahaha.

Pero seryosong usapan na, ngayon kampante na ako. Darating din siguro yung oras na yun, hindi plng tlga siguro ngayon pero magkakaapo rin ako sa kanila. Ang mahalaga sigurado na ako ngayon na marunong na ulit magmahal ang apo ko. Sigurado na akong mahal niya na nga ang babaeng yun. Hindi na ako nagdududa ngayon.

CHAPTER 23- JEALOUS HEARTS. NASH's POV ( _ . _ ) Nakatungo.. ( -- . -- ) Tunhay.. (-- . O) Mulat isang mata.. *kurap kurap (O __ O)! Gising! Teka.. ah anu bang nangyari?! I remember drinking strawberry juice kasama yung lolo ni Bryle tsaka si Bryle..tapos..anu na nga bang nangyari?! "Aray ko naman! anu ba?!" sigaw ko eh kasi po, nakatulala ako tapos bigla ba naman akong nadali ng brasong nag uunat nitong katabi kong to! sakit eh! "Ow..sorry Nami! Gising ka na pala!" -Bryle Te-teka!! na-natulog kami dito?! as in?! kami lang dalawa?! wait.. *tingin sa suot ko.. Ba-bakit ganito ang suot ko?! bakit tshirt ni Bryle to?!

*tingin kay Bryle.. Ba-bakit wala siyang suot na tshirt?! (ai tae, malamang kasi nakasuot sakin diba?!) pero bakit parin?! wag mong sabihing! wag mong sabihing! "Kyaaaaaaaaaaah! A-anung ginawa mo saking lalaki ka huh?!" Tumayo ako bigla sa sofa tangay tangay yung kumot in a way na parang tinatakluban ko yung katawan ko nung kumot. "Ho-hoy Nami! mali ang iniisip mo! wa--" "Kyaaaaaaaaah! Walangya ka! Wag kang lalapit sakin! Kinuha mo ang pagkababae ko! huhuhu!" nagiiyak na ako niyan habang pinapaltok siya ng kung anu anung makuha ko sa tabi-tabi "Hoy! anung *whoa ..kinuha ang *whoa pagkababae *whoa! Wala akong ginawa sayo! Maniwa - *whoa ..maniwala ka! " (a/n: kaya whoa ng whoa si Bryle habang nagsasalita kasi nailag siya dyan sa mga binabato ni Nash) "Sadya naman! tatanggi ka pa! Bakit ko suot tong damit mo?! Nasan yung damit ko?! bakit ka nakahubad?! ahuhuhu" napatigil ako ng pagbabato sa kanya at napaupo na lang sa kama "Nam--" Lalapit na sana siya sakin "Dyan ka lang! ayoko munang lumapit ka sakin!! huhuhu. Wag mo akong hahawakan! huhuhu.Ni ayaw kitang makita! huhuhu. Pano mo nagawa to sakin Bryle?!" tumunhay ako at nakita ko siyang nakatingin sakin "Listen..makinig ka kasi muna please. Ano kas--"

Natigilan kami ni Bryle ng biglang bumukas yung pinto.. "Goodmorning mga apo! Kamusta ang gabi niyo?! Anu may na--" -lolo ni Bryle Natigil siya ng pagsasalita kasi bigla siyang sinugod ni Bryle tapos kinwelyohan.. "Ikaw matanda ka! Anu bang iniisip mo huh?!" -Bryle "Huh?! a-anu bang sinasabi mo apo?!" "Anung sinasabi ko?! Nilasing mo si Nami! Tapos nilagyan mo ng pampatulog yung pagkaen ko! Tapos kinulong mo kami dito!" "Teka Bryle wala akong ginagawang ganyan!" "Wag ka ng magkaila! Ikaw lang ang gagawa nun matandang mahilig!" Teka.. nilasing?! a-ako?! NALASING?! uwaaaaaaaaaaah! No! huhuhu. Nakakahiya! Kung nalasing nga ako... uwaaaaaaaaaaah! Alam niyo kasi, nung dati nung birthday ni Katie, nag inuman kami nila auntie eh. Legal naman kasi sa bahay lang naman, napainom ako nun eh..tapos.. ayun nalasing.. Kinabukasan pinakita sakin ni Katie yung video ko nung lasing ako! Waaaaaaaaaaaaaah! Masama akong malasing! Nagiging WILD lang naman ako! Hinalikan ko nga nun si Stacy eh! Kaya nga lalong nainis yun sakin! Kyaaaaaaah! Tapos naghuhubad pa ako! Pinpigilan na nga lang din ako ni Katie daw nun eh! Waaaaaaaaah! so alam ko na ngayon. Siguro nga nalasing ako tapos..tapos.. ganun na naman ang inasta ko?! Huhuhuhu! Nakakahiya! So totoo siguro ang sinabi ni Bryle, wala nga siguro siyang ginawa sakin! Tapos ganun na lang ang inasta ko sa kanya! Baka nga ako pa ang may ginawa sa kanya eh! ahuhu! Nakakahiya talaga!

"E-excuse me po! Ma-maaga pa po kasi ang pasok ko ngayon kaya aalis na po ako!" umakto ako na akong paalis..hindi ko na kayang magtagal dito! Nahihiya ako kay Bryle pati sa lolo ni Bryle! "Te-teka Nami! sabay na tayo!" bigla akong hinawakan ni Bryle sa braso Kyaaaaaah! hindi ko kayang humarap sa kanya! nahihiya talaga ako! "Bitawan mo ako Bryle..ok lang ako.." naglakad na ako "Hep hep! Nami, andyan na yung uniform mo! Pinadala ko na kay Eddie. Kinuha niya sa condo mo. Kaya dito ka na magbihis tapos sabay na kayong pumunta ni Bryle sa school huh.. ok?! pagkatapos niyong maligo at magbihis dumiretso na lang kayo sa kitchen. Kaen tayo ng breakfast huh?! bye bye then?!" tapos nagwave na ng goodbye yung lolo ni Bryle na dali daling tumakbo palabas ng kwarto pagkaabot sakin nung damit ko "Teka matanda ka! hindi pa tayo tapos eh! bwisit!" -Bryle Hindi parin ako makatingin sa kanya! kyaaaaaaaaaah! Kami na lang dalawa dito sa kwarto ngayon! hindi ko na to kinakaya! "Ah Nami a-ano--" lalapit palang sakin si Bryle pero hindi ko na siya pinatapos Hindi rin ako makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. Ayoko ng malaman pa ang mga ginawa ko. Ang mahalaga alam kong wala siyang ginawa sakin, sigurado ako dun. Alam mo naman kasi yun eh kung nagalaw ka. Isa pa hindi si Bryle yung tipong gagawan ako ng ganun. Kung sinabi niyang wala siyang ginawa, maniniwala ako..kaso..huhuhu! Ako ata ang may ginawa sa kanya! waaaaaah! "Sige na Bryle lumabas ka na. Maliligo na ako. Balik ka na sa kwarto mo. Kita na lang tayo sa kitchen." nakatungo pa ako habang sinasabi yan, pulang pula na kasi ako

Pag naiisip ko kung anu yung mga posible kong nagawa, it makes looking at him even harder! kyaaaah! "Pero Nam--" "Lumabas ka na sabi!" tapos tumakbo na ako papuntang c.r. . . . Sa dining area.. Walang umiimik. Hindi pa rin ako natingin kay Bryle. "Oh mga apo bakit antahimik niyo ata? LQ?!" -lolo ni Bryle "LQ ka dyan! kasalanan mo tong matanda ka! Anu ba kasing pakulo ang ginawa mo huh?! Papatayin na kita eh! Hindi ka na nakakatuwa huh!" -Bryle "Apo, wala nga sabing kinalaman si lolo dun. Hindi ko alam kung bakit ka nakatulog, siguro kasi puyat ka. Tapos, yung katulong, akala niya strawberry juice yung dinala niya, eh strawberry wine pala yun! Kaya ayun, nalasing itong si Nami. Pinipilit namin siyang matulog sa ibang kwarto pero sabi niya gusto niyang tumabi sa yo, kaya naisip ko wala namang masama kasi magnobya at nobyo naman kayo." pagpapaliwanag ng lolo ni Bryle So..a-ayun pala ang nangyari?! Ako ang naginsist na tumabi kay Bryle?! kyaaaaaaaaah! nakakahiya talaga ako! "Wag mo nga akong nilolokong matanda ka! Eh pano mo ipapaliwanag kung bakit nakalock yung pinto huh?!" -Bryle "Eh a-anu kasi a-anu..ah! Kasi akala nung isang katulong, since sa guest room kayo nandun,

akala niya walang tao dun kasi malimit naman nilolock yun eh! ka-kaya ayun! nalock kayo.." "Sinungaling ka! wag mo nga ak--" "Bryle, tama na nga yan. Tara na, malelate na tayo." tumayo na ako "Lolo, salamat po. Pasensya na po talaga sa nangyari. Sorry po. Sige po aalis na kami. Malelate na rin po kasi kami eh." pagpapaalam ko sa lolo ni Bryle Hindi ko na kasi matagalan na pinaguusapan pa nila yun. Baka iniisip ng lolo ni Bryle isa akong maduming babae! Baka ganun din si Bryle! waaaaaah! Antanga mo naman kasi Nash eh! ahuhu "Nami, teka lang intayin mo ako!" -Bryle Ang bilis ko kasing lumakad. Ayokong sabayan niya ako. Hindi ko siya kayang tingnan. Nahihiya ako. . . Mula sa kotse hanggang sa maghiwalay na kami papunta sa mga rooms namin hindi ko kinakausap si Bryle. Pag magpapaliwanag siya pinuputol ko nlng o kung hindi naman bibilisan ko ang paglalakad para maunahan siya. Kaya ayun, nakatakas naman ako sa kanya. Kaso hindi parin ako makaconcentrate! Wala na akong maisip kundi yung katangahan ko hanggang sa maglunch break.. TT____TT ---------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Damn! Nakakainis! Kanina pa niya ako iniiwasan! Ni ayaw niya man lang ako tingnan! Galit na galit ba siya talaga sakin?! Eh ayaw naman kasi niya muna akong pakinggan eh!

Nagconclude na agad siya! Hindi niya ba alam kung gano ako nahirapang pigilan ang sarili ko para sa kanya kagabi huh?! Tapos eto pa ang igaganti niya sakin?! Asar! Kasalanan to ng matandang yun eh! Alam kong pinlano niya talaga yun! Kaasar! Shet! anu ng gagawin ko?! ayoko ng iniiwasan ako ni Nami! Kailangan niya akong pakinggan sa ayaw o sa gusto niya! . . "Bryle..Bakit kanina pang anlalim ng iniisip mo dyan huh?!" -Tommy "Ah..wa-wala.." tss..si Nami kasi eh! "Wala daw..ako pa niloko mo Bryle, kilala kita!" -Tommy "Eh kasi anu..si Nami kasi..ayaw niya akong pansinin! Bwisit." "Ahaha..thought so. Anu na naman ba kasing ginawa mo?!"-Tommy "Ginalaw ko siya." "HUH?!" yung pagkaka huh ni Tommy dyan akala mo wala ng bukas Tinginan nga samen yung lahat ng nasa loob ng room kasi sa lakas ba naman ng boses niya tapos may nalalaman pa siyang paghampas sa desk ko tapos napatayo pa siya! Grabe naman to makapag react eh! "To-tommy! relax. I mean..akala niya ginalaw ko siya! Pero hindi ko siya talaga ginalaw promise! promise talaga!" "Promise talaga Bryle?! mamatay ka man huh?! huh?!" grabe nkakatakot ang itsura niya.. parang yung tingin sakin ni Tommy naghahamon ng away!

Bakit ganito na lang siya ngayon?! nakakapanibago. Badtrip ba siya?! masama ba ang gising niya?! anu?! "Ou nga Tommy. Kasi ganito yun..ka--" Natigilan ako kasi dumating na yung teacher..tss.. tutulog na lang ako.. haay.. "Psst..Bryle" -Tommy "Oh anu?!" "Ikkwento mo yun sakin mamaya huh! Magpaliwanag ka! tss, pag hindi.." -Tommy "Ou na! mamaya! tss" bakit ba siya curious na curious?! kelan pa siya naging tsismoso?! weirdo talaga nitong si Tommy pag minsan! haays. . . . . After ng 3 classes namin..yes..lunch narin.. Itong si Tommy, ewan ko ba dito pero grabe ang pagkakulit nitong isang to ngayon! Kada lilipat kami ng subject kanina tinatanong na ako about dun samin ni Nami. Eh sabi ko mamaya na kasi mahaba masyado eh ang ikli naman ng break ng paglipat sa rooms dire diretso kaya klase namin! Kaso nakailang paliwanag na ako ng ganun pero kada nga lilipat kami, magtatanong siya! haynako!! hindi ko na nga lang muna sinasagot! sabi ng mamaya na eh! sobrang kulit naman oh!

"Bryle! teka san ka pupunta?! magkkwento ka pa sakin!" hinahabol ako ni Tommy kasi bilis bilis ako ng paglalakad "Susunduin ko si Nami. Sabi ko sabay na kaming maglunch at mag usap kami kaso binabaan ako ng phone nung babaeng yun! Yung kay Third na cp na nga ang ginamit kong pantawag eh kasi pag ako hindi niya sinasagot! Kaso nabosesan agad ako! Kaya ayun! binabaan ako! Kaya iintayin ko siya makalabas ng room nila! Kakaladkarin ko yung babaeng yun! Maguusap kami sa ayaw niya o sa gusto niya! tss" kaya nga pagkaawas na pagkaawas ko eh bilis bilis na akong lumabas ng classroom buti na lang sa 2nd floor lang sila Nami ngyon..tiningnan ko sched niya eh.. . . . *hingal hingal Nandito na ako sa tapat ng room nila. Naglalabasan na yung mga nasa room. Hinahanap ko si Nami.. Ayun! nakita ko narin! "Oh Tommy! Hi! anung ginagawa niyo rito?!" nakita agad kami nung best friend ni Nami Napatingin tuloy si Nami sa amin. At pagkakitang pagkakita niya sakin.. *takbo!! yep..bilis bilis siyang tumakbo palayo! Shet ang bilis!

Hahabulin ko na nga sana kaso pinigilan ako ni Tommy. "Wag mo ng habulin. Hayaan mo na lang muna siya Bryle. Mamaya nlng pag awas. Ikwento mo muna sakin ang dapat ikwento." tapos ayun tinangay na nga ako ni Tommy papunta sa tambayan.. yung best friend naman ni Nami ayun, hinahanap ata si Nami..tss . . "So Bryle magsalita ka..anung ginawa mo kay Nash?!" -Steve "Tama..magpaliwanag ka!" -Tommy "Ang iingay niyo. Bakit ba sinama niyo pa ako dito?! tss..kakaen na lang ako." -Third Nasa isang table kami ngayon. Pinapalibutan ako ng tatlong to! Anu to interrogation?! para naman akong kriminal neto eh! "Haaaaaaaaay! ang kulit niyo naman eh! Ganito kasi yun, pumunta kami sa bahay namin kasi gusto ni Tanda makita si Nami. Ayun.. kumaen kami.. kaso.. yung matandang yun, sa tingin ko may nilagay siyang pampatulog dun sa pagkaen ko! tapos..ayun nawalan ako ng malay." "Huh?! oh?! anung meron dun?!" -Tommy "Teka lang huh?! pwedeng huminga Tommy?! atat ka eh! Tss..edi ayun nga.. pagkagising ko nasa isang kwarto na ako..pero hindi sa kwarto ko.. ibang kwarto..tapos.. pagmulat ko ng mata ko, katabi ko na si Na--" "What?! magkatabi kayo ni Nash?!" eto na naman po si Tommy sa pagpukpok sa mesa with matching pagtayo pa! haynako! Anu bang meron sa kanya?! "Oo! teka nga Tommy, bakit ba ganan ka na lang makapag react?!' -ako "Oo nga Tommy..bakit nga ba?! "-Steve

"Wag mong sabihing--"-- Third "Huh?! anu..eh kasi naman syempre mabait na babae si Nash. Isa pa kaibigan narin natin siya, syempre concern lang ako sa kanya. Alam niyo yun,ginagalang ko ang mga babae." Tommy "Tss..edi ikaw na nga ang gentle man Tommy! haha. Akala naman namin may gusto ka na kay Nash! haha" -Steve ".........wa- hi- hindi no! A-anu, ituloy mo na nga lang yung kwento mo Bryle!" -Tommy "Oh edi ayun nga..nakita ko si Nami kaso may iba sa kanya eh! yun pala lasing siya! nilasing siya nung matanda!" "Wha-- ah..hehe..sabi ko nga eh..tuloy mo na Bryle" magrereact na naman kasi agad tong si Tommy pero sinamaan ko na siya ng tingin..nakakainis kasi yung nagkkwento ka tas bigla kang mapapatigil kasi sobra kung magreact yung tao sa paligid mo..nakakainis lang -_"So ayun..lasing si Nami. Wala siya sa sarili niya. Syempre ako naman lalaki ako, lalaki rin naman kayo, alam niyo na ang nararamdaman ng isang lalaki pag may babae, kayo lang dalawa sa isang kwarto..nasa kama kayo..alam niyo na yun." "So anu nga Bryle?! may nangyari na nga ganun?!" this time nakatuon na si Tommy sa mesa at sobrang lapit ng mukha niya sakin! galit ba to oh anu?! (a/n :magkatapat kasi si Tommy at Bryle ng upo) "Teka! wala nga sabi eh! Nagawa ko namang pigilan ang sarili ko. Although muntik na siyang maghubad sa harap ko! Pero..teka huh! bago ka ulit magreact! Pinigilan ko siya huh! As in wala talaga akong nakita! Nabuhusan niya lang ng tubug yung damit niya kaya kinailangan ko siyang hubaran!" "Wth?! hinubaran mo siya Bryle?!" -Tommy

Nakaupo na si Tommy niyan pero pansin kong halos pisat na yung hawak niyang coke in can.. "Oo! pero teka muna Tommy! Wag ka munang magalit diyan! Wala akong nakita! Promise! nagpiring ako nung sinuot ko sa kanya yung tshirt ko! promise!" "Phew...yun lang talaga? wala na?!" -Tommy "Oo naman." "Wow Bryle pare! ikaw na! kung ako yun..nako! ahaha" -Steve "Igagaya mo pa ako sayo Steve." "So wala na nga talagang nangyari bukod dun Bryle?! sabihin mo!" -Tommy "Wala n-- ai teka.. naalala ko.. pero wag niyo na tong sasabihin kay Nami huh?! A-anu kasi.. Nag anu ahm..Naghalikan kami! Eh anu ka-kasi..bigla niya akong hinalikan! Edi syempre ako pinilit kong pigilan kaso wala akong nagawa! Mahina ako eh! Nahalikan na niya ako! so hinalikan ko narin siya! muntik ko na siyang gawan ng, pero napigilan k--" "Lalabas lang ako. Natapunan ako ng coke eh. C.r. muna ako dyan na muna kayo, kita na lang tayo sa sunod na klase." natigilan ako sa pagkkwento ng biglang tumayo si Tommy at sabihin yan Ewan ko kung ako lang ba to o iba talaga ang aura niya nung sinasabi niya yun. Kasi yung itsura ng mukha niya kanina parang sobrang seryoso na galit na hindi mo malaman basta. Tapos.. sabi niya, natapunan daw siya ng coke?! eh, kita ko, napisa niya kasi ng sobra yung can ng coke kaya ayun, lumabas yung laman. Tapos.. wala ba sya sa sarili niya?! bakit kailangan niya pang lumabas para mag c.r .?! to think na may c.r. naman sa loob ng tambayan?!

"Halaka Bryle..anung ginawa mo dun?!" -Steve "Huh?! ewan. Baka badtrip lang. Parang natapunan lang ng coke.. siguro masama ang gising." "Tss.. hindi mo parin gets Bryle?! hahaha.. bobo.. NAGSESELOS YUN!" -Third Si Tommy?! ang best friend ko?! Nagseselos?! HUH?! Ang gulo.. Teka.. Wag mong sabihing.. . . "Waaaaaaaaah! wag mong sabihing may gusto sakin si Tommy?! nabading na ba ang best friend ko sakin?! hindi niya matanggap na nagkahalikan kami ni Nami?! huh?! bading sya?! f*ck!" *boogsh "Aray ko naman!" binatukan kasi ako bigla ni Third "Hay Bryle..iba na ang kabobohan mo! hindi yun ang ibig kong sabihin! "-Third "Eh kung hindi ganun anu?!" tanong ko habang hinihimas parin yung part na binatukan ni Third "Tss..haha.. Bryle.. ang ibig sabihin ni Third,, NAGSESELOS SI TOMMY... KASI.. MAY GUSTO SIYA KAY NASH!!!" -Steve

Huh?! Teka.. SI..TOMMY?! MAY.. GUSTO?! KAY NA-NAMI?! Kailan pa?! isa pa.. bakit kay Nami pa?! Bakit si Nami?! pero..akala ko..nagbibiro lang siya nung sinabi niyang interesado siya kay Nami?! Teka.. anu nga bang pakialam ko?! Bakit parang ayoko nung nalaman ko?! tss.. Eh sa kawawa lang si Tommy dun sa babaeng yun eh! isa pa.. kahit best friend ko si Tommy.. Hahayaan ko ba siyang ligawan si Nami?! eh panu yung contract?! Hindi pwede! Sa ngayon, hindi muna pwede! kahit best friend ko siya hindi parin muna ako papayag! Kailangan ko pa si Nami! pero..ang selfish ko naman ata?! Pero selfish naman talaga ako ah?! Haaaaaaaaaay! ah basta, kakausapin ko na lang muna si Tommy tungkol dito. Hindi ko pa kayang ibigay sa kanya si Nami eh.. wag muna, tss,, haay! ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------KATIE's POV Haaaaaaay..kanina ko pa hinahanap si Nash eh! Saan na kaya yun nagsuot?! Kanina ko pa siya gusto kausapin kaso..wala naman siya sa sarili! Windang pa siya dun nga sa pagkalasing niya daw! Hiyang hiya siya kay Bryl tss.. Hihingi pa naman ako ng sorry sa kanya

kasi nga nakokonsensya ako kasi, pinagselosan ko siya! Isa pa.. napag isipan ko narin to eh.. pinag isipan ko talaga. Napagdesisyunan ko na tanungin si Nash. Kung mahal niya si Tommy, edi mag gigive way na lang ako. Total..tingin ko naman gusto siya ni Tommy. Pero pano yung contract nila ni Bryle?! Haaaaay..eh pero anu bang gagawin ko?! haaay..bakit kasi si Tommy pa? Wait..speaking of Tommy..sya ba yun?! Napadaan kasi ako sa isang bakanteng classroom sa may dulo na ng school. Napadpad ako dito sa paghahanap kay Nash eh, pero..akalain mong si Tommy pa ang makikita ko?! Pero..parang impossible kasing si Tommy yun eh.. Kasi..ang kilala kong Tommy.. Hindi gagawin tong nakikita ko. Nakakatakot tong taong to kung sino man to. Lumapit ako dun sa room para makita pa lalo pero.. Si Tommy nga yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Gulo gulo yung mga upuan sa room. Pinaghahagis kasi niya yung mga upuan eh! Pagkatapos niyang maihagis halos lahat ng upuan.. Pinagsususuntok naman niya ngayon yung blackboard! Buti na nga lang at wala naman ng nagkaklase dito tsaka bihira ang napapadpad na studyante dito kaya halos kami lang dalawa ang tao. Ako lang ang nakakakita sa kanya sa ganitong kalagayan.. "Nakakainis!!! nakakainis talaga! Ugh! wala akong magawa! Wala ako sa posisyon magalit! Wala ako sa posisyon magselos! pero..nagseselos ako!! F*ck! shit this!!! It sucks! haay..Nakakainis! "

Yan ang naririnig kong sinsigaw niya habang sinusuntok yung blackboard. I bet, it's about Nash. Magkasama sila ni Bryle kanina diba?! Maybe, nalaman narin ni Tommy yun ngang nangyari kila Bryle at Nash. Aray ko naman. Bakit ba ang saklap ng mga nangyayari sakin?! Tss to think na ako pa ang kailangang makarinig nun. Kailangan ako pa ang makarinig na nagseselos siya! Ako rin.. nagseselos! Patawarin mo ko Nash..pero nagseselos talaga ako. Mukhang mahal na mahal ka talaga ng lalaking mahal ko. Anu bang dapat kong gawin?! Tumakbo palayo?! magpretend na wala akong nakita?! Wait ! no! This is the least I could do.. Nung mga panahong umiiyak ako nun, diba siya yung dumating at pinatahan ako?! Siguro ngayon ganun din ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung pano pero.. gusto kong pagaanin ang loob niya. Katulad nung ginawa niya para sakin dati. Kaya naman, lumakad ako.. Pumasok ako sa room.. "TOMMY" tawag ko Napalingon naman siya sakin.

CHAPTER 23.5 - JEALOUS HEARTS. (part 2) TOMMY's POV "Lalabas lang ako, natapunan ako ng coke eh. C.r. lang ako dyan na muna kayo. Kita na lang

tayo sa sunod na klase." sabi ko kila Bryle at bilis bilis na akong umalis Paano, napisat ko na yung iniinom kong coke in can. Eh kasi kayo ba naman, marinig mong nakipaghalikan ang taong gusto mo sa iba?! Anu bang mararamdaman mo?! Haaay, pero hindi ko naman maivoice out sa kanila na nagseselos ako. Wala naman kasi akong karapatang magselos in the first place! Tapos..kailangan ko pang itanggi sa kanila na wala akong nararadaman para kay Nash! Bakit kasi ako pinanganak na mabait?! Gusto kong maging selfish! kaso..hindi ko kaya. . . *lakad lakad Naghahanap ako ng lugar dito kung saan bihira ang mga studyante. Gusto ko munang mapag isa. . . Nakahanap ako ng room na hindi masyadong ginagamit since lumang room na to at malayo sa ibang mga buildings. Pumasok ako dun sa room. Umupo ako sa table. Tapos paulit ulit lang sa utak ko yung fact na nahalikan ni Bryle si Nash. Damn! Lumapit ako sa mga upuan at nagsimulang ihagis ang mga ito. Ewan ko kung anung kinagagalit ko. Yung fact na nahalikan ni Bryle si Nash?! O yunbg katotohanang wala ako sa posisyon na maramdaman tong nararamdaman ko pero..eto nga.. NAGSESELOS AKO!

sobra! Ugh! haay. Hindi ako yung tipong magwawala pero..ewan ko.. gusto ko lang ilabas ngayon tong nararamdaman ko. Naaasar ako sa sarili ko at sa sitwasyon ko. Ipit na ipit ako eh, wala akong magawa! "Nakakainis! nakakainis talaga! Ugh! wala akong magawa! Wala ako sa posisyon magalit! Wala ako sa posisyon magselos! pero..NAGSESELOS AKO! F*ck! shit this! It sucks! haay..Nakakainis!! " sinisigaw ko habang pinagsususuntok yung blackboard Haaay..kung bakit kasi hindi ko kayang magpakaselfish! Hindi ko magawang ligawan si Nash kasi alam kong kasama yun sa contract nila ni Bryle. Isa pa..anu na lang ang iisipin ng mga studyante diba?! Malalaman lang nilang nagpapanggap lang sila Bryle. Kaya kahit pumayag si Bryle na ligawan ko si Nash, hindi ko parin magagawang ligawan siya. Kahit nga ang aminin kila Bryle na may nararamdaman ako para kay Nash hindi ko rin magawa! Kasi kilala ko si Bryle, magugulohan lang siya. Kailangan niya pa si Nash. Alam ko naman yung sitwasyon niya eh. Isa pa si Nash.. alam kong kailangan din niya si Bryle. Mahalaga sa kanya yung contract. Kasi para rin yun sa pangarap niya, para sa pag-aaral niya. Ayokong guluhin pa siya. With all of these, kung selfish lang talaga ako matagal ko ng niligawan si Nash. Kahit ngayon handa kong ipagsigawan sa lahat na mahal ko siya! kaso..hindi pwede...not now.. not here. Tuloy parin ako sa pagsuntok sa blackboard kahit na medyo masakit na sa kamay. Pero bigla akong natigilan.. "TOMMY" bigla akong may narinig na boses ng isang babae, tinawag niya yung pangalan ko Lumingon ako kung nasaan siya.. Si Katie?!

Anung ginagawa niya dito?! So nakita niya ba lahat?! It's a shame that she saw me in this state. The way that she looks at me now, she really looks kind of shocked. Well..who wouldn't?! I'm not like this, ngayon lang ata ako nagkaganito at sa harap niya pa. Lumakad siya palapit sakin. "No Katie..wag ka ng lumapit. Just..just leave me alone here. Ayokong makita mo akong ganito." nakatungo kong sabi sa kanya But instead of doing what I said wala, nilapitan niya parin ako. Tapos... Tumayo siya malapit sakin. *boogsh! Nabigla ako ng bigla niyang sinipa yung table na malapit sakin tapos nagsimula na rin siyang magtapon ng mga upuan. Nagwawala narin siya. "Pesteng buhay naman to oh! Nakakainis! Bakit ba lage na lang may mahal na iba yung mahal ko?! bwisit!" sinisigaw niya habang nagwawala Nakatingin lang ako sa kanya tapos tumigil siya at tumingin sakin. "Oh anu?! ikaw lang ba ang pwedeng magwala huh?! tara..samahan mo ako! Sabay nating ilabas ang galit natin sa mundo!" Nabigla ako sa sinabi niya pero ayun nga.. binato namin ang kung anung mahagip namin. Manira ng kung anu dun, sumipa ng kung anu-anu. Hanggang sa magsawa kami. Sigaw lang kami ng sigaw. Tapos sabay kaming pumunta sa may blackboard. Sinuntok ko yung blackboard. Sumuntok din siya.

"Aray..ouch..masakit pala yun..haha" sabi niya habang hawak hawak yung kamay niyang pinansuntok niya "Ikaw naman kasi eh..ginaya mo pa ako..yan tuloy. Akin na nga yang kamay mo." kinuha ko yung kamay niya tapos hinimas himas yun, pula eh. Masakit naman kasi talaga eh. Umupo kaming dalawa sa table.. "Masakit pa ba huh?!" tanong ko sa kanya habang hawak parin yung kamay niya "Ou, masakit." sagot niya "Huh?! nako kailangan ko p--" "Hindi yung kamay ko ang masakit sa ngayon.. dito.." sabi niya tapos tinuro niya yung dibdib niya "Dyan?!" "Oo..masakit ang puso ko.." tapos bigla na lang may tumulong luha sa mata niya Pupunasan ko na sana kaso naunahan niya akong magpunas.. "Anu ba yan?! pumasok ako rito para icomfort ka pero heto ako ngayon..parang ako naman ang icocomfort mo eh!" sinasabi niya habang pinupunasan yung luha niya "Icomfort?! ako?! pero..hindi na kailangan Katie. Ok na ako..nailabas ko na lahat." "Ganun ba? haay, it's about Nash right?! I mean kaya ka nagkaganyan?! You're jealous of Bryle and Nash am I right?!" "Te-teka..pano mo--" "I'm always watching you Tommy. Hindi mo lang ako napapansin kasi kay Nash ka lageng nakatingin. That's why I know na may nararamdaman ka para sa kanya. Because of that I'm really jealous of Nash." sinasabi niya habang sa kisame nakatingin at hindi sa akin

"Wait..you're jealous of Nash?! pero bakit?! I mean, magulo..you're best friends right?! isa pa..bakit ka magseselos?!" "Haha..I know..we're best friends and yet..I can't seem to be happy about the fact that you are in love with her. Especially the fact that she got you falling so hopelessly in love with her." "Bakit?!" "Because I like you Tommy. I don't know if this is love or whatever, what I'm saying is..I'm feeling something special for you." this time nakatingin na siya sakin Sa totoo lang..I felt a little happy after hearing that. I'm flattered kasi she feels that way for me but at the same time nalulungkot din kasi I know she's hurting because of me, and I can't do anything. Kasi si Nash talaga ang gusto ko. "But Katie I'm sorry I like N--" "Yeah yeah.. I know. Diba nga ang sabi ko alam ko?! I'm just letting you know how I feel about you. Hindi ko naman hinihingi that you love me back. But just in case na sumuko ka kay Nash or watever. I'm just here. I'll be waiting for you. At pag kailangan mo ako, kailangan mo ng malalabasan ng sama ng loob, nandito ako para sayo Tommy. Just like what you did for me." Huh? teka..naguluhan ako dun sa last sentence.. "Just like what you did for me.." Just what exactly did she mean by that?! I don't remember doing any big favor for her. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito kaseryoso. Naguguluhan talaga ako. "Anung ibig mong sabihin with 'just like what I did for you' anu bang nagawa ko para sayo?!" "Hahaha..Tommy naman. Hanggang ngayon ba itatago mo parin sakin?! That night..the

reason why I fell in love with you, nung umiiyak ako nung gabing yun..js prom natin..umuulan nun.. pero nicomfort mo ako. Ikaw ang nagpatahan sakin, diba nga?! binigyan mo pa nga akong ice cream eh. You even gave me this." tapos may inilabas siyang panyo sa bulsa niya tapos inabot niya sakin "Lage kong dala yan. See? May letter T pang nakaburda sa panyong to. So wag mo ng itanggi! Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ibalik sayo to hehe. Wag ka ng mag maang maangan, wag ka ng mahiya Tommy. Yung ginawa mo para sakin, I don't see any reason para itago mo yun. Cause just like what I said, I fell for you because of that." bigla siyang bumaba sa table "Wait Katie alam mo kas--" "Late na ako! Pano ba yan?! mauna na ako sayo huh Tommy?! Basta nandito lang ako para sayo. I'll wait for you. Alam kong si Nash ang mahal mo pero..hindi mo ako pwedeng pagbawalan na mahalin ka. bye bye then.." Bago pa man ako makapagsalita at magpaliwanag..nakatakbo na siya palayo.. tss.. Natatawa ako.. Nasabi ko na nga lang.. "Katie, I think you just confessed to the wrong guy! You're not in love with me..geez.. You're in love with Third!" Hahaha..that girl..she had mistaken me for Third. Hindi ba niya naisip na "T" can also stand for Third?! Eh lahat ng panyo ni Third meron nun eh! haha. I remember..yung js prom na sinasabi niya, yeah nung 3rd year kami. I remember bigla na

lang nakipagpalit sakin si Third ng coat. He even borrowed my mask tapos may tangay siyang ice cream at nagtatakbo palabas. I didn't know what happened with him that night, bigla syang nawala nun. So kaya pala! Ahaha. Ang tanga ng dalwang yun. Dapat ko bang sabihin to kay Katie?! Should I meddle with their affair?! Nah..mas ok siguro if they figure it out themselve. Diskarte na yun ni Third! May problema pa akong akin. Anu na nga bang gagawin ko?! tss. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------TJ's POV Kanina pa ako palabas labas ng condo ko. Just checking kung dumating na ba si Nash. Since she left with Bryle kahapon, hindi pa siya nabalik. I wonder what happened to her. . . I'm pacing back and forth sa labas ng condo ko when I saw Nash. Bilis bilis siyang naglalakad, with Bryle following behind her. "Nash what's the problem?!" Nabigla ako kasi tiningnan lang niya ako tapos bilis bilis ng pumasok sa condo niya at sinarado yung pinto. This is so not her! Anu kayang nangyari?! Maya-maya dumating na si Bryle..

"Nami wait! Pakinggan mo nman kasi ako!" sigaw niya "Nami open this door! Makinig ka muna sakin please! Kanina ko pa gustong magpaliwanag but you won't listen to me! Nami naman! wag ganito!" sigaw pa niya habang nagdodoorbell "Wait Bryle..anung ginawa mo kay Nash huh?! Nambabae ka?! niloko mo siya?! anu?!" hinawakan ko siya sa may kwelyo niya I don't know..I'm just pissed. Anu bang ginawa nito kay Nash?! Bakit ganun nlng si Nash kanina?! "What are you saying Tj ka?! anung nambabae?! What the hell! It's none of your business! So stay the hell out of here!" tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kanya tapos persistent parin siya sa pagpindot nung doorbell "Bryle! just what did you do to her?!" "I said stay out of this!" "Hindi mo ba naiintindihan na ayaw ka niyang kausapin?! Wag kang gumawa ng gulo dito!" pagpigil ko sa kanya na wala paring ginawa kundi pindutin yung doorbell "Kung ayaw mo akong gumawa ng gulo dito, wag ka ng makialam dito Silvero!" tinulak niya ako tapos may binunot siya mula sa bag niya Susi..so he has a duplicate key?! Nabuksan niya yung pinto pero bago pa siya makapasok.. Hinigit ko siya. "She doesn't want to talk to you! What part of it could you not understand Bryle?! " *boogsh sinuntok niya ako

"I said stay out of this Tj! Alin din ba dun ang mahirap intindihin?! Away namin to! wag ka ng ma--" *boogsh sinuntok ko rin sya..napalakas yung suntok ko kaya napaupo siya sa sahig.. "Pano ako hindi makikialam kung si Nash na ang pinaguusapan! Pag nalaman kong may ginawa kang masama kay N--" "Chef?! A-anung nangyayari?! Bakit dumudugo yung labi mo?!" nabigla ako ng makita ko si Nash sa may pinto..remember, nakabukas yung pinto diba?! "Teka..Bryle?! a-anung nangyari sayo Bryle?! okay ka lang ba?!" Bago pa man ako makapagsalita, tumakbo na agad si Nash papunta kay Bryle na nakaupo sa sahig. Alam kong wala ako sa posisyon pero..I really felt jealous. For the first time I was jealous. Ganito pala yun. Naisip ko..pareho kaming nasaktan ni Bryle pero her concern, her attention..lahat nakatuon lang kay Bryle. Kitang kita kung gaano siya nagaalala para sa kanya. Right there..napaisip ako. What would it feel like kung ako yun?! Kung sakin siya pumunta?! Haay..just for that moment I felt really jealous of Bryle. Just for that moment.. I wonder what it's like to be Bryle even just for this time only. "Ok lang ako Nami..just listen to me please.."-Bryle "Shhh..ok na..sige na pasok ka na lang. Lalagyan ko ng yelo yang labi mo..putok eh, tara na.." tinayo ni Nash si Bryle tapos pumasok na sila sa loob Naiwan na lang ako dung hawak parin yung labi kong nagdudugo.

"Sa dinami dami ng competitions na tinalo ko si Bryle.. bakit dito pa ata sa isang to niya ako matatalo?!" nasabi ko na lang..damn So this is how it feels like to be jealous of someone. Now I know why Bryle hates me so much tuwing natatalo ko siya. I know now how bad it feels. But still..the game isn't over. I still have no plans of giving up. I still won't lose to you that easily Bryle. Dehado lang ako ngayon. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Nandito kami ngayon ni Bryle sa salas..nakaupo sa sofa habang nilalagyan ko ng yelo yung labi nyang pumutok. Haaay..anu na naman bang pinag awayan nila ni Chef this time?! Hindi na talaga sila nagkasundo eh! Hindi ko man lang pala natanong si chef kung ayos lang siya. Eh kasi naman nung nakita ko si Bryle na nakaupo sa sahig at nagdudugo yung labi nag panic na ako. Si Bryle na lang ang napansin ko that time. Nawala sa isip ko si chef kahit kaharap ko lang siya. Nakakahiya tuloy. "Bryle naman kasi eh..anu na naman b--" natigil ako ng biglang hinawakan ni Bryle yung kamay kong may hawak na yelo, yung pinangpupunas ko sa labi niya *thump thump Just because of that..bumilis na ang tibok ng puso ko! What's wrong with me?! "Nami..listen..sorry..alam mo Nami..wala naman talaga akong ginawa sayo eh. Wala talagang

nangyari satin..promise..hindi ko mag--" "Shhhh..alam ko naman eh. If you said na wala kang ginawa, I'll believe you Bryle, kahit anung mangyari I'll believe you. Don't worry hindi ako galit sayo." "But then..bakit mo ako iniiwasan?! Bakit ayaw mo akong kausapin?!" "Nahihiya lang po kasi ako sa inyo..tss..alam ko kasing nagiging wild ako pag nalalasing ako. I really hate myself..baka kung anung pinaggagawa ko sa harapan mo." "Pfffffffffft,,hahaha..so thats it?! Nami naman eh! dapat sinabi mo na lang sakin! I thought nagalit ka na sakin eh! haaaaaays,,ikaw talaga! Wala kang dapat ikahiya! bobo! lasing ka..hindi mo kasalanan yun! Yung matandang yun ang dapat sisihin. Wala naman may gusto nun eh." "Pero kasi--" "Sshhhh..tama na..wag mo ng isipin yun. Kasi no matter how stupid you act in front of me, nothing will change on the way you are for me." Huh?! a-anu daw?! by the sound of that..does that mean..he like me?! gusto na nya rin ako?! "What exactly do you mean with that?!" Magkatinginan na kami ngayon. Napabitaw siya bigla dun sa kamay ko..tapos napaiwas siya ng tingin. "Ah anu ahmm..a-ang ibig kong sabihin dun, kahit anu pang katangahan ang gawin mo tanggap na kita. Nasanay na ako sa kabobohan mo!" *boogsh binatukan ko siya Asar! ayan na naman siya sa pagpapaniwala sakin na, haay..tapos babawiin nya bigla!

kaasar! pafall ka Bryle! pafall ka! at ako naman si tanga, haaaaaaay! no! hindi pwede! I need to stick with the contract! hindi ako pwedeng madala sa pagpapanggap! "Aray! bakit mo naman ako binatukan?!" "Eh ikaw eh! ang sama mo! akala ko pa naman!" "Akala mo anu?!" "Wala! tss! Lumayas ka na nga! Kumuha ka ng band aid dun sa cabinet ko sa c.r. tapos umalis ka na dito! nakakainis ka!" "Nami naman! akala ko ok na tayo?! Bakit biglang ang sungit mo na naman?!" "Heh! bwisit ka! umalis ka na lang pagkatapos mo. Punta na ako sa kwarto ko..nakakasakit ka ng ulo." "Nami naman! meron ka ba ngayon?!" "Heh! bastos ka! I hate you Bryle! tss" "Sungit! tss! menopause ka na yata eh!" "Heh! bwisit ka!" Tapos dali dali na akong umakyat sa kwarto ko..nagkulong. At siya?! umalis narin siguro..mabilis naman yung sumuko eh. Asar siya! asar talaga siya! nakakainis ka talaga kahit kelan Bryle!! Masyado na siguro akong nagpapaapekto sa bawat salita mo! Masyado akong nadadala. Sobra akong nadadala to the point na nakakalimutan kong nagpapanggap lang tayo. To the point na nakakalimutan kong nagpapanggap lang akong mahal kita. Kasi alam mo Bryle.. minsan, muntik ko na talagang paniwalaang totoong mahal kita.

Haaaaaaaaay! Bwisit! Gutom lang to! tama! gutom lang ako! Nadadala lang ako masyado! Kailangan ko pang maka 3 months para sakin na tong condo! Basta! hindi ako bibigay! Hindi talaga! Walang patutunguhan ang mahulog sa taong alam mong wala namang balak na saluhin ka. Kaya wag na lang. Sino bang tangang magpapatihulog kung ganun hindi ba?!

CHAPTER 24- TESTS THEY HAVE TO PASS -___NASH's POV "Aray Bryle..Ugh! Ansakit! Masakit Bryle..Ugh!" "Nami..tiisin mo lang. Masakit talaga syempre sa una, pero pag nagtagal..tingnan mo hindi na." "Ugh! eh masakit tlga eh. First time ko kasi to eh, huhu ugh! aray talaga Bryle!" "Nami tiisin mo lang sabi!" "Ughhh..aray!! huhuhu TT___TT Wala kaming ginagawang masama. Hindi namin ginagawa yung alam niyo na. Ganito kasi yun eh.. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Bryle. Kami lang dalawa. Pero teka! gaya nga ng sinabi ko..wala kaming ginagawang kung anu. Para sabihin ko sa inyo.. July na ngayon. Naka 1 month na ako sa trabaho kay Bryle! Di ko na nga namalayan eh, ang bilis talaga ng panahon. Anyway..kaya ako nandito kila Bryle ngayon kasi..

*FLASHBACK *riiiiiiiiiing *riiiiiiiiiiing Nandito ako sa kwarto ko ng marinig kong magring ang cellphone ko.. Sino kaya to?! Si Bryle?! Tingnan ko nga.. Huh?! Unregistered number. Sino to?! Sinagot ko nga. AKO: HELLO?! SINO T-SIYA: NAMI! APO KO! ANG GANDA NG BOSES MO SA TELEPONO! AKO: TE-TEKA PO SIN-SIYA: AKO TOOOOOOOOOO! YUNG LOLO NI BRYLE! HEHE. AKO: AH NA-NAKU PO..HELLO PO..AHM, BA-BAKIT PO KAYO NAPATAWAG?! LOLO NI BRYLE: EH KASI DIBA EXAMS NIYO NA BUKAS?! AKO: AH..O-OPO..BAKIT PO?! LOLO NI BRYLE: GUSTO KO SANANG PUMUNTA KA DITO SA BAHAY. SABAY NA KAYONG MAG ARAL NI BRYLE. BAKA SAKALING MAKINIG YUN SAYO. AYAW KASI NIYANG MAG ARAL EH. AKO: GANUN PO BA?! PER-LOLO NI BRYLE: SIGE NA HUH?! SIGE NA! MATUTUWA TLGA SI LOLO! NGA PALA, PINAPUNTA KO NA DYAN SI EDDIE. PADATING NA SIGURO YUN. DALA KA NA LANG NG

PANTULOG. SLEEP OVER KA NARIN SAMEN OK?! ASAHAN KO YAN APO! MISS KO NARIN ANG KAPE MO! IPAGTIMPLA MO SI LOLO MAMAYA HUH?! GEH BYE. AKO: PER-*TOOT TOOT *End of Flashback Dahil nga sa wala na akong nagawa kasi kahit naman hindi ako pumayag eh pinasundo na ako ng lolo ni Bryle, eh wala na akong nagawa kundi pumunta nga dito sa kanila. At kung nagtataka kayo kung bakit ako na "Aray Bryle..Ugh! ansakit! masakit Bryle..Ughh" Eh kasi po..sa pagmamadali ko kanina, hindi ko mahanap yung flat kong tsinelas. Kaya ayun..ang unang nakita ko eh yung high heels na binili sakin ni Bryle. Edi ayun na nga yung sinuot ko. Kaso..dahil hindi nga sanay ang noob na si ako, pagakyat ko ng hagdan kanina, last step na nga lang, natalapid pa ako! at ang sama ng pagkakatalapid ko! Kaya eto ako ngayon, hinihilot ni Bryle yung binti ko. "Tatanga tanga ka tapos iiyak iyak ka dyan, haynako!!" -Bryle "Eh sa hindi ko naman kasalanan yun eh! pesteng hagdan na yun!" "Sisihin daw ba ang hagdan?! tss. Bobo nga naman oh!" "Heh! huhuhu.." "Oh ayan, sa tingin ko ok na yan. Try mo ng ilakad." "Huh?! teka parang hindi na nga masakit ah?!" naglakad na ko "Anu?!"

"Yeeeeeeeeeeeeey! waaaaaaah! thank you Bryle! akala ko naman mapipilay na ako dun! akala ko magiging baldado na ako at kakailanganin ko na ng wheelchair! akala ko malu--" *boink "Bakit mo ako binatukan?!" sigaw ko sa kanya habang hawak parin yung batok ko "OA mo kasi..tss. Natapilok lang, akala mo, haynako! Teka..bakit ka nga ba nandito?!" Huh?! hindi niya ba alam?! "Pinapunta ako dito ng lolo mo." "HuH?! teka! baka may pinaplano na naman yung matan--" "Wala syang kung anung plano. Gusto niya lang na mag-aral tayo ng sabay. Pano kasi yung isang tao dyan, ayaw daw mag-aral..tss." "Mag-aral?! wa-wahahahahahaha!!! tanga ka ba?! Bakit naman ako mag-aaral?! Eh papasa naman ako kahit hindi ako mag-aral no! ahahaha." "Really?! so kuntento ka na sa pag asa lang sa lolo mo para makapasa?! what an idiot.. -__-" "Anung sabi mo?!" "Sabi ko bobo ka. Palaasa, tss.." "Hindi ako palaasa!" "Eh anung tawag sa ginagawa mo?!" "WALA KANG PAKIALAM!" sigaw nya tapos pumunta na siya sa may couch kung saan may flatscreen na t.v. parang may inaassemble sya dun na kung anu "Eh Bryle naman eh! mag-aral na kasi tayo!" "A-YO-KO!"

"GUS-TO-KO!" "Kung gusto mo..edi mag aral ka mag isa mo! tss.." "Bryle naman kasi eh! Umaasa sakin ang lolo mo na makakakuha ka ng magandang grades, ayoko syang biguin." "Tss, hayaan mo na yung matandang yun. Teka,halika dito bilis. Laro na lang tayo." Lumapit ako sa kanya.. "Anu ba yan?!" "Wii " "Huh?!" "VIDEO GAME! tss..noob!" "Heh!" "Pangya yang nakasalang na bala, golf..laban tayo! Pag nanalo ka, fine, mag-aaral ako. Pero pag natalo kita, hahayaan mo na akong gawin ang gusto kong gawin." "Teka! Eh hindi pa nga ako marunong nyan eh! Ang daya naman ata!" "Oh edi tuturuan muna kita! Halika dito bilis..hawakan mo to." Tapos may inabot sya sakin na parang remote control. Tapos dun sa t.v. may character dun, nakasideview, parang titira ng golf. Edi ayun..sabi ni Bryle gayahin ko daw yung pwesto nung character sa t.v.. edi ginaya ko nga. Ang galing! Nababano ako! Pag itataas ni Bryle yung kamay ko na may hawak na remote, tataas din yung kamay nung babaeng nasa t.v.! waaaaaah! ang galing! (o sige, ako na nga ang abno!)

Hinawakan ni Bryle ang braso ko, sa likod ko siya nakaposisyon. Te-teka.. a-ang lapit niya! pa-parang nakayakap siya sakin! Ta-tapos..yu-yung mukha niya at yung mukha ko..a-ang lapit! kyaaaaaaaaah! >////////////////////////// . /////////////////////< Ngayon ko lang napansin kasi masyado nga akong fascinated dun sa laro. "Nami! nakikinig ka ba sakin?! sabi ko pindutin mo yung 'A' button!" huh?! nabigla ako ng marinig kong sumigaw si Bryle "Ah eh..sa-sabi ko nga eh." kaya ayun..pinindot ko na nga "Wag mong bibitawan huh?! pag sinabi kong bitawan mo, tsaka mo lang bitawan." nakatingin ako sa kanya habang sinasabi niya yun, kitang kita ko ang makinis nyang mukha habang medyo namumula pa ito kasi pagod na siguro siya sa pagtuturo sakin. Tapos may tumutulo pang pawis sa mukha niya, ang HOT niya! este, ang HOT pala dito! "Nami..wag ka sakin tumingin! Balak mo ba akong tunawin?! Sa screen ka tumingin! tss! bobo naman oh!" Napaalis naman ako ng tingin kay Bryle ng sabihin niya yun, sungit!! Tss,, masama bang pagnasaan kit--wait! anu bang sinasabi ko?! Haay,,anu bang nangyayari sakin?! Tinaas ni Bryle yung braso kong hawak niya, yung parang pagtira pag nagogolf..ganun. "1,2, 3..." sigaw ni Bryle tapos nislide niya yung braso kong nakataas na as if may tinitira talaga kaming bola "Bitaw Nami!" sabi ni Bryle Kaya naman binitawan ko yung hawak kong parang remote, dahilan para tumalsik ito. "Kyaaaah! Bryle sorry!"

"Tanga! sabi ko diba yung 'A' button ang bibitawan mo! Hindi yung mismong remote! haynako!" napalagay na lang niya yung kamay niya sa may noo niya tapos pumunta sa lugar kung nasaan yung remote para kuhanin ito Tapos bumalik sya sakin. "Let's try again.." sabi niya sabay humawak na naman siya sakin, pumwesto na naman sa posisyong dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga at kung bakit nagwawala ang puso ko sa dibdib ko ngayon At after ilang trials pa.. Yey!!!!!! Marunong narin ako! Ang galing ko na nga agad eh! Wahahahaha! Ang tindi ng naging laban namin ni Bryle. 1 point lang ang lamang at ang panalo?! . . . AKO! Wahahaaha! Ang saya nga eh! Kakaturo pa lang sakin ni Bryle pero ako pa ang nanalo! Wahaha! "Tss, beginner's luck!" sabi niya habang nakaupo sa may sofa Umupo naman ako sa tabi niya at inakbayan siya. Gusto ko siyang asarin pa lalo! haha! Hindi niya matanggap na natalo siya ng isang baguhan! "Ayos lang yan pare! Wahaha! Better luck next time!"

"Tss. Ako naman ang nagturo sayo kaya wag ka ngang mayabang dyan. So anu na?!" "Anung anu na?!" "Mag-aaral na ba tayo?! " "Huh?!" "Haynako. Diba ayun ang deal natin?! Natalo ako kaya mag-aaral ako. Tss...nakalimutan pa nga eh." "Ah! hehe! ou nga no! Napasarap ako sa paglalaro eh! Tara sige aral na tayo! labas mo na yung mga notes mo para nam--" "Wala akong notes...natutulog lang ako sa klase.. -__-" "Huh?! eh anung pag-aaralan natin?!" "Yun na nga eh, that's exactly why I dont want to study in the first place." "Tss..what a pain in the ass." "Ikaw mukhang ass! :P" "Aba Bryle sumosobra ka na huh!" sasapakin ko na sya! "Hahaha..joke lang, masyado kang maganda parang maging ass." natigilan naman ako sa pagsapak sa kanya ng bigla niyang hawakan ang braso ko tapos..sinabi yan. Wa-wait..processing.. Did he just said na MAGANDA daw AKO?! MAGANDA DAW AKO?! >//////////////////.///////////////////////< Waaaaaaaaaaaaaah! namumula na ata ako! Ang init ng pisngi ko! Nakatingin lang kami sa isa't isa. "H-huh?!" yan lang ang nasabi ko, hindi ako makagalaw eh

"At syempre mas lalong joke lang yung huli kong sinabi! Wahahahahaha! Naniwala ka naman sakin..wahaha! " sabi nya tapos binitawan niya yung kamay ko at tumayo sa sofa "Hayop ka talaga Bryle! Hoy teka! san ka pupunta huh?! bwisit ka! hindi pa ako tapos sayo!" "Nagugutom na ako eh. Kukuha lang akong pagkaen, hintayin mo lang ako dyan. Gutom ka narin diba?!" "Me-medyo nga, si-sige..bilisan mo huh!" Tapos naglakad na siya palabas.. Gagong yun! Nakakaasar! Bwisiiiiiiiiiiit! Muntik na naman akong maniwala! To think na halos magtatalon na ako sa tuwa nung marinig kong lumabas sa bibig nya na MAGANDA ako tapos..Bwisiiiiiit! Biglang joke lang daw! JOKE! Asar! Nakakaasar talaga yung lalaking yun! . . Maya maya bumalik na si Bryle. Kasunod yung maid na may dalang hotdog sandwiches, chips, noodles, pizza, juice. Ang dameng pagkaen! Medyo nawala ang pagkabadtrip ko kay Bryle dahil sa pagkaen. Binabasa ko na ngayon ang mga notes ko. Habang kumakagat ng hotdog sandwich. Nakaupo kami ni Bryle sa sahig. Pinapanuod niya lang ako. Hindi siya nag aaral since wala naman siyang mapagaaralan..tss. Parang food trip lang ang dinayo ko dito ah? "Waaaaaaaaaaah! Bryle! hindi ako makapagconcentrate! Wag mo nga akong tingnan masyado!" tapos tinutulak ko yung mukha niya na nakatingin sa akin "Eh bakit ba?! Ikaw ba ang may mata huh?! Eh sa gusto kong pagmasdan ka eh!"

"At bakit mo naman ako gustong pagmasdan aber?!" tapos nilapit ko sa kanya yung mukha ko Napaiwas sya bigla ng tingin sakin.. "Ah--anu..kasi..ang panget mo! Ang panget mo kaya ganun!!" "Ah ganun?! eh bakit hindi mo na lang itry pagmasdan ang sarili mo sa salamin kung gusto mo lang din makakita ng panget huh?!" I'm really pissed of right now! bwisit na Bryle na to! "Nye?! eh sawa na ako sa mukha ko. Isa pa..panget?! This face?! you think panget to huh?! You think?! pagmasdan mo ngang maige!" then he grabbed my face with both hands, tapos.. hinarap niya ako sa kanya bale, nakaupo kami sa sahig..tapos magkaharap kami..tapos hawak niya yung mukha ko..I mean yung magkabilang pisngi ko..pisat na nga ata eh ! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! I was like.. O______O >____________< >///////////////////////////// . /////////////////////////< "Bi-bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya habang tinatry na alisin yung kamay niya sa mukha ko "Ayoko nga. Wahaha. Nakakatawa kaya yung itsura mo ngayon, ang pula mo Nami! Wahahaha!!" "Hi-hindi ako namumula!!" PSH ka Bryle! huhuhu "Hindi daw! wahaha. Bibitawan lang kita kung sasabihin mong naggwapuhan ka sakin. Kung

aaminin mo sakin na hindi ako panget, na gwapo ako. Sabihin mo lang yun Nami..bibitawan na kita." "AYOKO! In your face! Panget ka! Panget!! " kala mo huh! asa ka pa! kahit ang totoo gwapo ka naman talaga, since sabi mo panget ako..aba..litsi..eh di panget ka rin! "Ayaw mo huh?1 matigas ka..sige.. wahaha.." waaaaaaaaaaaah! lalo niya pang nilapit yung mukha ko sa mukha niya! waaaaaaaaah! waaaaaaaaaaaaaah! Tulungan niyo ako! ahuhuhu! "Bryle!" "Anu huh?! hindi mo parin sasabihin?! " "Hindi!" "Fine!" tapos nilapit niya pa ulit! waaaaaaaaaah! konting konti nlng magkakahalikan na kami! waaaaaaaaaaaaaah!! huhuhu "O-ok na! sige na! GWAPO ka na ! hindi ka panget! gwapo ka!! gwapo ka talaga Bryle!!" "Yan..sasabihin mo rin pala. Gusto mo pang tinatakot eh, haha.." Wooosh..buti na lang binitawan na niya ako. "Bwisit ka! Napilitan lang ako dun no!" "Kahit na! Basta sinabi mo na yun! wala ng bawian!! wahaha :P" "Heh! pinilit mo lang ako eh!" "Wala! wala na!! sinabi mo ng naggwapuhan ka sakin! Sinabi ni Nami na gwapo ako! woohooh!! si Nami naggwapuhan sakin! wahaha!!" pang aasar pa ng bwisit na to "Heeeeeeeh!! Fine! gwapo ka na! pero mas gwapo parin sayo si Chef Tj! mas gwapo rin sayo

si Tommy! :P" "Ah..ganun?! fine! Edi dun ka na lang sa Tj na yun! o kaya kay Tommy ka na lang! fine!" Nabigla ako kasi nag iba bigla yung expression niya pagkasabi ko nun, Napikon ko na ata.. patay.. Binuksan niya yung t.v. "Bryle..hoy..pikon naman neto oh. Pansinin mo naman ako oh." pinopoke ko siya Kaso waepek..nakatunganga lang sya sa t.v. "Bryle hoy! " sigaw ko "............." walang sagot, nilakasan niya lang lalo yung t.v.! asar! pikon much naman eh! "Bryle kasi! BRYLE! BRYLE! BRYYYYYYYYLE!" this time sinigawan ko na siya as in super lapit sa tenga! Pano anlakas lakas na nung t.v.! Ewan ko na lang pag hindi pa niya ako narinig "F*ck!! Nami! shit! anu ka ba?! Nabingi naman ako sayo eh! Ikaw kaya ang sigawan ko dyan sa tenga! damn!" finally umimik din sya,, minumura nga lang ako -__"Eh ikaw kasi eh! Ayaw mo akong pansinin! Isa pa..hinaan mo nga yang t.v.!" "PSH -__-" pinatay niya yung t.v. imbis na hinaan Humarap sya sakin. Tumingin siya bigla sakin ng seryoso. Te-teka.. "Nami..anong tingin mo kay Tj?! I mean, anung impression mo sa kanya?! " seryoso nyang tanong teka..seryoso sya?! anung meron?! "H-huh?! bakit bigla mong natanong?!"

"Wag mo akong sagutin ng isa pang tanong! Sagutin mo na lang yung tanong ko!" nakakatakot po siya, sinisigawan na naman ako Amps naman oh.. ok..seryoso tong isang to. Baka kung anu pang gawin sakin, gusto ko pang mabuhay.. T.T "A-anu..teka..panu ba to? ahm..si Chef Tj..gwapo..as in gwapo talaga siya. Nung una ko siyang makita akala ko edited siya sa photoshop. Tapos..idagdag mo pa yung fact na chef siya. Accelerated, matalino tapos ang sarap pang magluto. Si Chef, mabilis napalagay ang loob ko sa kanya, sobrang taas ng tingin ko sa kanya. I really admire Chef Tj." "Oh..ok.. so you admire him huh?! tss.. what about Tommy?!" seryoso parin ang mukha niya, medyo pissed nga lang ang aura niya kasi..syempre..mabanggit mo lang dyan ang name ni Tj nagsasalubong na ang kilay niyan eh, yun pa kayang purihin mo si Tj sa harap niya diba?! "Si To-tommy?! ah..anu..hmm..si Tommy..para sakin..he's perfect. Gwapo, gentleman, mabait, talented, sobrang ganda ng boses niya nung narinig ko siyang kumanta, he's caring, sweet, lageng iniisip ang mga tao sa paligid niya, lage pa siyang nakangiti, parang pagkasama mo siya lage kang masaya, nahahawa ka sa positive niyang aura. He's the kind of guy any girl will surely fall for. Kung baga, ideal prince charming. Sobrang swerte ng babaeng mamahalin niya. Kasi sa tingin ko..si Tommy yung tipo ng lalaking ang sarap mahalin at ang sarap magmahal. Kasi alam mong pag sinabi niyang mahal ka niya, mahal ka niya talaga. Kasi hindi siya marunong magsinungaling. Isa pa..tingnan mo pa lang sya, alam mong hindi siya nagsisinungaling. Kaya nga si Tommy.. alam mo Bryle, gustong gusto ko siya. Gustong gusto ko sya p--" "Ah ganun ba?! ok. So ngayon alam ko na. Ok.. I think heard enough. Thanks for answering Nami." then he smiled, but I think that smile, its a bitter one

Ewan ko..pero parang pilit na parang may mali sa ngiti niya. Emotionless pa yung mata niya, di ko mabasa kung anung bang tumatakbo sa utak niya ngayon. bakit kaya?! Tumayo siya at lumakad papalayo. "San ka pupunta Bryle?!" "Sa labas lang. Magpapahangin." sagot niya ng hindi man lang nalingon sakin at tuloy tuloy na lumabas ng pinto Tapos nun wala na akong narinig kundi ang lagabag ng pinto, sobrang lakas na halos mapatalon ako sa gulat. Anu bang meron sa kanya?! magtatanong tanong tapos biglang magwa-walk out?! May nasabi ba akong masama?! tss.. "Haaaaaaay! nakakainis ka Bryle! Daig mo pa ang babaeng nireregla Moody ka masyado tss.. Hindi mo pa ako pinatapos sa sasabihin ko! Sabi ko gustong gusto ko si Tommy! Gustong gusto ko siya para kay Katie! tss.. hindi pa yun tapos eh." sigaw ko as if naman maririnig niya kahit hindi Teka..bakit nga ba ako nagpapaliwanag dito?! As if naman yun ang kinagalit niya. NAGSELOS kay Tommy?! asa! Imposible. Kung ganun anu nga kayang nangyari sa kanya?! Haay, hindi ko talaga malaman kung anung tumatakbo sa utak niya. Haaaaaaaay..bahala siya. Babalik rin naman siguro yun. Wala naman akong ginawa eh. Sumagot lang naman ako..tsk.. "Eh sayo Bryle, kung anung tingin ko sayo, hindi mo man lang ba ako tatanungin?! Hindi ka ba interesadong malaman kung anung isasagot ko huh?!" nababaliw na ata ako sa pagrereview at kaiisip sa pagwawalk out ni Bryle na hanggang ngayon ay hindi padin nabalik,

kaya naman kinakausap ko na tong picture niya na nakadisplay sa kwarto niya "Anu Bryle?! hindi mo ba tatanungin huh?!" tss..nakangiti lang yung picture..ayaw sumagot! "Tsk.. Kasi Bryle kung tatanungin mo.. ganito ang magiging sagot ko.. *sigh " . . "Sa lahat ng lalaking kilala ko, sa kanilang lahat, sa hindi malamang dahilan Bryle.. ewan ko ba kung anung nakita ko sayo pero.. para sakin, SA KANILANG LAHAT BRYLE.. IKAW.. IKAW ANG PINAKAGUSTO KO." "Ugh!!" sigaw ko tapos binalik ko na lang yung picture sa lagayan nito at ginulo ko yung buhok ko "Tss.. Hindi ka rin naman interesadong malaman yun diba?! Anu nga bang pakialam mo?! tss. Kaya mas mabuti pang hindi ko na lang ipaalam yun sayo. Sayang lang ang laway ko." napabulong ko sa sarili ko tapos bumalik na ako sa pagtingin sa reviewers ko Mag-aaral na nga lang ulit ako. Kung anu anu na tong sinasabi ko. Makapag focus na lang sa pagrereview. At least itong reviewers may sense. Hindi katulad ng mga sinasabi ko.. tss. Haay.. pati ata ako badtrip narin. Si Bryle kasi! tss.. -__- Badtrip!

CHAPTER 24.5- TESTS THEY HAVE TO PASS -_____- (part 2!) BRYLE's POV "....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.." "....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.."

"....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gusto ko siya.." "....gustong gusto ko si Tommy..Gustong gus--" "Ou na nga eh diba?! narinig ko naman diba?! kailangan pang ulit-ulitin?!" Haay.. para akong tanga dito..sinisigawan ang konsensya ko. Pano..simula ng lumabas ako ng kwarto hanggang ngayon na nakahiga ako sa damuhan sa garden namin puro yang mga huling sinabi ni Nami ang paulit-ulit sa utak ko! Nakakainis! Anu bang problema ko?! Haaaaay..Ni hindi ko nga maintindihan kung anu ba tong nararamdaman ko! tsk. Basta na lang ako nag walk out ng hindi malinaw sakin ang dahilan kung bakit. Ewan ko.. basta na lang eh. Nung marinig ko yung mga salitang yun mula sa kanya.. hindi ba dapat matuwa ako kasi sinabi niya yung totoo sakin?! Kasi narinig ko yung sagot sa tanong ko. Nalaman ko ang kailangan kong malaman. Pero..bakit ganito?! It's as if nung narinig ko na yung mga salitang yun mula kay Nami.. parang suddenly gusto kong mabingi. Gusto kong huwag na lang makarinig. O di kaya sana nagsinungaling na lang siya sakin o sana hindi na lang siya sumagot. "Ugggggggggggh!" tsk. bakit ba ako nagkakaganito?! hay Nakokonsensya ba ako?! Kasi habang pinagmamasdan ko si Nami kanina habang sinasabi niyang gusto niya si Tommy, sobrang saya ng itsura ni Nami. And yet hindi ko magawang maging masaya. Diba dapat matuwa ako kasi gusto niya yung best friend ko.. tapos.. gusto rin sya ng best friend ko.. hindi ba ayos yun?! Oo, alam ko na. Gusto rin ni Tommy si Nami. At first nag doubt pa ako. Ayoko pang maniwala kila Third at Steve pero nung time na nag usap kami ni Tommy.. mukhang tama nga sila Third. *FLASHBACK

Nung araw na nagwalk out si Tommy.. nung gabi ding yun, pumunta ako sa bar nila. Nag aya lang ako mag inom. Gusto ko nga kasing malaman kung totoo ba yung sinasabi nila Third. So ayun.. nagiinom kami ngayon ni Tommy, KAMI LANG DALAWA. "Bryle..anung nakaen mo huh?! May problema ka na naman ba?! Hindi ka naman mahilig mag-inom ah?!" -Tommy "Bakit?! kelangan ba may problema ako para mag-inom ako?! tss" "Eh kasi..hindi ka naman mahilig uminom eh. Sumasama ka lang kadalasan samin nila Third sa inuman pero kumakaen ka lang o di kaya naman isang beer ka lang. Hindi mo pa nauubos tapos.. bigla kang mag aaya na mag inom?! Sa tingin mo hindi ako magtataka?!" -Tommy "Tsk.. -___-" "Anung klaseng sagot yan?! so may problema ka nga?!" -Tommy "Hindi naman sa problema..pero..anu may gusto lang akong malaman." "Huh?! anu naman yun?!" "Anu..ahm..tsk, pano ko ba to sasabihin?! haay!" uminom ako bigla ng alak..pampalakas ng loob..hindi kasi ako sanay magtanong ng mga ganitong bagay, tsk.. "Anu nga kasi yun Bryle?!" "Anu.." "Anu?! " "Ahm.." "BRYLE!" "Ou na nga..sige na, eto na, ano Tommy.. *gulp.. MAY GUSTO KA BA KAY NAMI?!"

*cough cough Nasamid ata si Tommy kasi nung sinabi ko yung tanong, umiinom siya eh, tapos ayun.. nasamid nga ata. *cough cough "Hoy Tommy ayos ka lang?! anu?!" "A-ayos lang ako. Nasamid lang..ah..anu nga ulit yung tanong mo?!" "Wat the hell?! kailangan ko pa ba talagang ulitin?! PSH -__-" "Kung ayaw mong ulitin edi ok lang. Hindi ko na lang din sasagutin." "Ho-hoy! hindi pwede, kailangan mong sumagot no. Ah.. ehem.. anu ang sabi ko.. Ma-may anu.. Ma-may gusto ka ba kay Nami?!" mga ilang minuto siyang nag pause siguro nun Akala ko hindi siya sasagot pero..Tiningnan niya ako bigla ng seryoso...tapos.. "Paano kung sabihin kong gusto ko nga si Nash. Anung mararamdaman mo Bryle?!" Huh?! a-anung mararamdaman ko?! "Bakit napunta yung tanong sakin?! Niloloko mo ba ako Tommy?!" "Gusto ko lang malaman. Bakit ba interesado kang malaman kung gusto ko nga si Nash?! Anu naman sayo Bryle?!" ah, teka, bakit nga ba?! "A-anu, kasi,,ah,,syempre anu..gusto ko lang malaman kung nagseselos ka nga ba samin ni Nami, syempre best friend kita, ayoko nam--" "Hahahaha, gago. Wag ka na ngang mag-isip masyado dyan, di bagay sayo. Niloloko lang

kita. Wala akong gusto kay Nash, hindi ako nagseselos." "Pero..bakit ka umalis kanina? nung after lunch, parang wala ka sa sarili mo." "Haha, yun ba?! anu, masama lang ang gising ko..kaya ganun. Tas natapunan pa ako ng coke kaya nabadtrip ako." "Yun lang talaga?! totoo ba yang sinasabi mo?!" "Ou naman, hindi ko-- wala akong,wala akong nararamdaman para kay Nash. Yun ang totoo." yan ang sinabi niya pero.. alam kong hindi totoo yun, nagsisinungaling sya. And yet kahit alam ko.. "Sabi mo eh." yan lang sinabi ko Tapos nag-inom na lang kami. *END OF FLASHBACK Ang daming nainom ni Tommy nung gabing yun, which is unusual. Kasi kahit nag iinom yun,, moderate lang. Isa pa, yung expression niya habang umiinom, nanginginig yung kamay niya. Yung mata niya parang andame niyang iniisip. Ganun ko ba siya napapahirapan?! Bakit kailangan niya pang magsinungaling?! Oo alam kong nagsisinungaling siya, sa lahat ng bagay, sa pagsisinungaling pinaka bulok si Tommy. Hindi sya makatingin sa mata ng kausap niya ng diretso pag nagsisinungaling siya. Kaya nga ngayon, pakiramdam ko ang sama ko. Lalo na ngayong nalaman ko na gusto rin siya ni Nami. Gusto nilang dalawa ang isa't isa. Pakiramdam ko tuloy, isa akong malaking hadlang kung bakit hindi sila maging masayang dalawa. Pakiramdam ko ngayon isa ako malaking kontrabida sa storya nilang dalawa. "Haaaaaaaaay.." napabuntong hininga na lang ako sabay pinatong ang braso ko sa may noo

ko.. nakatunganga lang ako sa langit, nakatulala sa kawalan.. Anu bang dapat kong gawin?! Hindi ako kasing bait ni Tommy pero hindi rin naman ako ganun kasama, lalo na at best friend ko ang involved. Si Tommy, kahit na anung problema ko, pag kailangan ko siya lage siyang nandyan. Kahit anung hirap kong pakisamahan, si Tommy, iniintindi parin ako. Kahit anung kalokohan pa ang gawin ko sasamahan ako ni Tommy. Lage siyang nandyan para saken. Kahit ako, walang magawang kahit anu para sa kanya, nandyan parin siya. So kung ito man lang?! kahit ito lang, ang hayaan siyang maging masaya kasama si Nami. Kahit ito man lang diba?! may magawa naman akong maganda para sa kanya. Ito na lang ang alam kong pwede kong gawin. Ang bitawan si Nami at ibigay siya kay Tommy.. and yet.. Bakit hirap na hirap akong gawin?! Parang hindi ko pa ata magagawa?! It's like.. hilingin na sakin lahat ni Tommy, kahit anu..basta wag lang to. HINGIN NIYA NA SAKIN LAHAT..WAG LANG SI NAMI. Pero bakit?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Dahil ba sa ipapakasal ako ni tanda sa iba pag tinapos ko ang contract namin ni Nami?! pero bakit parang hindi rin yun ang dahilan? Siguro isa na yun sa dahilan kung bakit hindi ko basta basta mabitawan si Nami pero.. pakiramdam ko hindi lang yun, meron pang mas malalim na dahilan. Hindi ko lang malaman kung anu. *wooooooooooooosh Biglang umihip ng malakas ang hangin. Takte ang lamig! Tsaka medyo nangangati na ako, parang nakagat ako ng langgam! tss. Kaya ayun, naputol saglit ang pag-iisip ko at naisipan ko ng tumayo. Kailangan ko narin sigurong bumalik sa kwarto. Medyo malalim na ang gabi tapos iniwanan ko pa mag isa dun si

Nami. Wala rin namang mangyayari kung tutunganga pa ako dito. Hindi ko parin malaman kung anung dapat kong gawin, naguguluhan parin ako. Dapat ko na nga bang bitawan si Nami?! Hayaan silang maging masayang dalwa ni Tommy?! o iisipin ko na lang ang sarili ko?! Magpakaselfish katulad ng parati kong ginagawa?! BITAWAN SIYA?! o LALO PANG HIGPITAN ANG KAPIT SA KANYA?! Anu bang dapat kong gawin?! Tsk, bakit kasi ang hirap?! haay. . . Pagpasok ko sa kwarto.. Nakita ko si Nami.. Hahaha, ewan ko..parang nawala bigla yung mga iniisip ko. Nakakatawa lang kasi talaga yung itsura niya. Nakatulog na sa pagrereview. Nakasubsob siya sa may lamesa sa kwarto ko, maliit na lamesa lang yun. Tapos sa sahig siya nakaupo, nakasideview siya. Nakanganga pa tapos yung kamay niya nakapasok pa dun sa loob nung nakabukas na potato chips..haha. Kakaen pa dapat siya kaso nakatulog?! Iba talaga tong babaeng to. Lumapit ako sa kanya, tinanggal ko yung kamay niya sa loob nung potato chips. Niligpit ko narin yung mga notes niya na nakakalat sa table, pati narin yung ibang pagkaen. Pagkatapos nun pumunta na ulit ako sa kanya para buhatin siya. Para talaga siyang bata. Lalo na ngayong natutulog siya. Medyo humihilik pa nga eh! Ahaha..

wala talagang manners tong babaeng to. Pero ang sarap niyang pagmasdan. Parang lahat ng worries ko, lahat ng iniisip ko, lahat ng pinoproblema ko, just by looking at her face, lahat lahat, parang nawawala. Ang gaan ng pakiramdam ko, sa hindi malamang dahilan. Tapos.. bigla kong nakita ang sarili ko.. may katapat kasi akong salamin. Noon ko lang narealize nung nakita ko ang mukha ko. Noon ko lang napansin, NAKANGITI PALA AKO. Oo, at yung ngiti ko..parang yung ngiti ko sa picture na pinakita sakin ni tanda. Yung ngiti ko nung mga panahong kasama ko pa sila Mommy at Daddy.. ganun. Hindi ko akalaing makakangiti pa pala ako ng katulad nun. Kasi kadalasan kapag ngumingiti ako.. parang may kulang lage. Yung mga mata ko iba, kadalasan halos walang emosyon. Pero ngayon,, bakit parang kitang kitang masaya aka? Kailan pa naging ganito kasaya ang pagtingin sa isang taong natutulog?! At kailan ko pa din naramdaman tong pakiramdam na to?! Ganito ba ako lage pag kasama ko si Nami?! Ngayon ko lang napagtanto. Pag kasama ko ang babaeng to, lahat ng mga bagay na hinahanap ko, ahat ng kakulangan na nararamdaman ko, nawawala sa isip ko. It's as if when I'm with her.. I feel.. COMPLETE.. tama..yun ang tamang salita sa nararamdaman ko pag kasama ko ang babaeng to. I'm completely happy when I'm with her. . . Teka.. So..ito ba yun?! the reason kung bakit hindi ko siya magawang bitawan?! Kung bakit hirap na hirap akong ibigay siya kahit sa mismong best friend ko?! Ito nga marahil yun..Wala na akong makitang iba pang dahilan.

Finally, nalaman ko narin ang sagot sa tanong ko. Bakit nga ba hindi ko agad nalaman?! Binuhat ko na si Nami. Dinala ko na siya sa kwartong katabi ng kwarto ko. Inihiga ko na siya sa kama. At habang inihihiga ko siya.. Binulong ko ito sa kanya. "Sorry Nami, pero..HINDI AKO SI TOMMY. HINDI KO KAYANG IPAUBAYA SA IBA, ANG KALIGAYAHAN KO." Tapos lumabas na ako at sinarado ang pinto. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Kanina ko pa inaantay si Bryle na bumalik! Aba at talagang walang balak ang isang yun?! kanina pa yun nasa labas eh! Tapos na akong magreview at lahat per-Nabigla ako kasi biglang gumalaw yung doorknob, takte si Bryle na yan! Waaaaaah, bakit ganito?! hinihintay ko siya kanina pero parang natatakot naman ako ngayon na makita siya! Baka kasi mamaya badtrip parin siya. Anung sasabihin ko?! Isa pa.. dahil dun sa pagkausap ko kanina dun sa picture niya, yung mga bagay na nasabi ko.. "Sa lahat ng lalaking kilala ko.. sa kanilang lahat.. sa hindi malamang dahilan.. Bryle.. Ewan ko ba kung anung nakita ko sayo pero.. para sakin, SA KANILANG LAHAT BRYLE.. IKAW.. IKAW ANG PINAKAGUSTO KO.. " Uwaaaaaaaaaaah! Kahit alam kong hindi ko naman sa kanya talaga sinabi yun but

still.,waaaaah.. Hindi ko siya kayang harapin pagkatapos ng mga sinabi kong yun! Pakiramdam ko mamumula lang ako..at maiisip ko lang paulit ulit yung mga sinabi ko.. kyaaaaaaaaaaah! Actually ngayon pa nga lang namumula na ata ako eh! >/////////// . /////////< Teka anung gagawin ko?! Papasok na siya sa kwarto! Napatingin ako sa potato chips.. Tama.. kakaen na lang ako ng potato chips. Kukuha na sana ako..pero naisip ko.. Kahit na kumakaen ako, hindi ko parin maiiwasan na mapatingin sa kanya, tsaka baka mamaya, makisalo siya sa pagkaen ko..o di kaya umupo sa tabi ko1 Uwaaaaaaaah! hindi ko yun kaya.. Kaya naman automatic.. Nung bumukas na yung pinto...Sumubsob na lang ako bigla sa table.. Sa sobrang taranta ko nga, hindi ko na natanggal yung kamay ko sa loob nung potato chips! Hindi na ako makagalaw, narinig ko na siyang papalapit. Nagpanggap akong tulog. Ramdam kong lumapit siya sakin. Tinanggal niya yung kamay kong nasa potato chips. Waaaaah..kabadong kabado ako. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi niya dapat malaman na gising ako! Matapos niyang tanggalin ang mga gamit sa paligid ko I think, bigla siyang lumapit sakin, ramdam ko eh. Tapos.. ewan, parang tumigil lang sya saglit dun! Waaaaaaaah...baka nagdududa na siya kung talagang tulog ako!! Hindiiiiiiii!

Kaya naman, naisip ko.. magfake ako ng hagok. Medyo narinig ko pa nga syang tumawa ng konti. Gagong to! Kung hindi lang ako nagpapanggap na tulog at kung hindi lang ako nahihiya sa kanya ngayon, nasapak ko na tong gagong to! Ganun ba ako nakakatawang tingnan pag natutulog?! tss. Maya maya.. Naramdaman ko na yung mga kamay niya. Binuhat niya ako.. Tapos.. lumakad siya..parang pumasok kami sa ibang kwarto. Inihiga ako sa kama. Waaaaaaaah! ang lapit niya masyado! Amoy na amoy ko nga siya! Tapos ang init pa sa pakiramdam! Waaaaaaaaaah! . . pero ang mga sumunod na nangyari.. Talagang hindi ko inaasahan.. . . Bigla siyang lumapit sa may tenga ko tapos..bumulong.. "Sorry Nami, pero..HINDI AKO SI TOMMY. HINDI KO KAYANG IPAUBAYA SA IBA, ANG KALIGAYAHAN KO." And then after that lumabas na siya at narinig ko ang pagsarado ng pinto. A-anu daw?! >///////// . ///////////< Uwaaaaaaaaaaah!

Naguluhan ako! Anung ibig niyang sabihin dun?! Anu?! Bakit napasali si Tommy?! at anung ibig sabihin ng "hindi ko kayang ipaubaya sa iba ang kaligayahan ko" Anung ibig sabihin nun?! anu bang kaligayahan niya?! Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin dun pero..bakit itong puso ko parang naintindihan?! Bakit parang may naramdaman akong kung anu, yung mga sinabi niya parang puno ng emosyon, naguumapaw sa emosyon na halos tumagos hanggang sa puso ko. Uwaaaaaaaaaaaaah! Hindi tuloy ako makatulog! Tapos parang nawala lahat ng pinag aralan ko! Uwaaaaaaaaaaaah!! Bryle ka! Kasalanan mo pag hindi ako nakapasa sa tests bukas! Mapapatay talaga kita! "Sorry Nami, pero..HINDI AKO SI TOMMY. HINDI KO KAYANG IPAUBAYA SA IBA, ANG KALIGAYAHAN KO." "Sorry Nami, pero..HINDI AKO SI TOMMY. HINDI KO KAYANG IPAUBAYA SA IBA, ANG KALIGAYAHAN KO." "Sorry Nami, pero..HINDI AKO SI TOMMY. HINDI KO KAYANG IPAUBAYA SA IBA, ANG KALIGAYAHAN KO." Huhuhuhuhuhu, anu bang ibig sabihin nun?! baka mamaya yan na lang ang maisagot ko sa tests! Pesteng Bryle!! peste! TT_________________TT

CHAPTER 24.7- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 3!)

BRYLE's POV Wooooooooooh... tapos narin ang first day ng exam. Buti na lang may multiple choice! haha. Sana tumama yung mga hula ko..tss. Papasa rin naman ako kahit di ako mag-aral! wahaha. Kamusta na kaya si Nami?! Parang wala yun sa sarili kanina eh. Para syang zombie, magandang zombie.. este..hindi pala. Anu ba yan. It's just that kanina hindi ko siya makausap ng ayos. Kanina nung almusal tangay tangay niya parin yung reviewer niya. Grabe..nakaen nagrereview! Tapos hanggang sa sasakyan, ewan ko ba kung iniiwasan niya akong tingnan pero kahit anung higit ko nung reviewer niya eh ayaw niya akong tingnan! Umiiwas lang ng umiiwas! Gagong babae talaga yun! Ganun ba sya talaga kaseryoso pag may exams?! Haay..boring tuloy. Hindi ko siya maasar. Hindi ako sanay ng walang kasigawan tuwing umaga. Haha..tama..tuwing umaga lage kaming nagaaway niyan eh. Sarap kasing asarin! wahaha. Patay yun sakin ngayon. Papunta na ako sa tambayan namin nila Third eh. Sabi ko dun na lang kami magkita ni Nami bago umuwi. Sa bahay kasi ulit sya uuwi. Request ni tanda eh. Magrereview daw ulit kami. As if nagrereview ako! wahaha. Nauna na sila Third sakin sa tambayan kasi antagal kong magsagot. Ang bagal ko manghula eh..tsk..di man lang ako hinintay ng mga yun. . . Pag dating ko sa tambayan..

. . *lingon lingon Ayun si Third.. Andun din si Steve.. Si Tommy wala kasi may practice pa yun ng music.. So nasan si Nami?! dapat nandito na yun kanina pa eh. Nakasalubong ko yung best friend ni Nami kanina eh. Pauwi na. So dapat andito na si Nami. "Hoy Bryle hinahanap mo si Nash no?!" -Steve "Ou pano mo nalaman?!" "Sino pa bang hahanapin mo?! tss -_-" -Third "Tsk..pinagtataguan siguro ako ng babaeng yun." "Bakit naman?! eh kadadaan niya nga lang dito. Sabi niya pasabi sayo paintay lang daw siya ng konti."- Steve "Bakit daw?!" "Ewan ko.. Pagdating niya dito nagulat na lang ako kasi imbis na ikaw ang hanapin eh si Tommy agad ang tinatanong. Nung sinabi ko kung nasaan si Tommy, ayun..agad lumabas tapos ayun pinasabi na nga lang na sabihin daw sayo na hintayin mo na lang sya dito." -Steve "Hindi sinabi kung bakit niya hinahanap si Tommy?!" "Hindi eh."- Steve "Tsk.. Gusto ni Tommy si Nash tapos itong si Nash imbis na hanapin ka, nagtatakbo papunta

kay Tommy. Teka..kung matatandaan ko, I saw them sa mall dati eh. Binigyan siya ng rose ni Tommy. I think kinantahan pa nga eh tapos magkayakap pa sila. Ngayon ko lang naalala. So is it possible na.. They are secretly in a relationship?! Nagselos si Tommy nung nalaman niyang hinalikan mo si Nash. Kaya etong si Nash, nagmamadaling tumakbo kay Tomm--" Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Third. Ewan ko.. basta basta na lang gusto kong makita si Nami, itanong sa kanya kung totoo bang sila na nga ni Tommy. Nililihim ba talaga nila sakin na sila na?! Anu para sa kontrata?! pero..sa tingin ko hindi naman magagawa yun sakin ni Nami. Nasa rule yun diba?! Bawal maging in a relationship. Isa pa diba dapat nasabi yun sakin ni Tommy nung nagkausap kami?! He even lied about having feelings for Nami. Pwede kayang pinoprotektahan niya si Nami?! Kaya niya hindi sinabi sakin, dahil..alam niyang bawal yun sa rule. And now they are secretly meeting behind my back?! My whole body is trembling. I don't know kung sa galit.. o sa takot. Galit, dahil hindi ko alam kung bakit, basta pakiramdam ko naloko ako..at takot, takot na baka mawala sakin ang taong iniingatan ko. Takot na mawala sakin si Nami. Nakakapagod tumakbo pero..ayaw tumigil ng paa ko. Basta ang sakin lang, hindi ako dapat mahuli. Kung nakatadhana man sila para sa isa't isa, handa kong kalabanin ang tadhana. Kung sila man ang bida ng storya, handa akong maging kontrabida. Basta ang mahalaga.. ang mahalaga.. hindi makuha sakin.. ang kaligayahan ko. Ganito ako kaselfish eh, wala kayong magagawa! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV

*piano playing "Tommy..una na kami huh?!" pagpapaalam sakin ni Ren kasamahan ko sa banda May practice kasi kami ngayon, para sa darating na Intramurals. Sasali kami sa battle of the bands. Nauna na silang umalis kasi ako medyo papractisin ko pa yung intermission number ko para naman sa isang event dito sa schoo Piano pa man din to, singing while playing piano. Mas sanay kasi ako sa guitar eh kaya kailangan ko pang masterin to. Yung song na napili kong kantahin kasi..piano ang kailangan. Kaya eto..todo practice. Maganda kasi talaga yung song eh.. Kasing ganda ni Na-"Nash?!" napatigil ako sa pagpipiano ng makita ko si Nash Totoo ba to oh naghahallucinate lang ako?! Masyado ko na siguro siyang iniisip kaya naman akala ko nandito siya, haha..tama. Bakit naman siya pupunta dito? Sinampal sampal ko yung mukha ko. Te-teka..bakit andito parin siya?! papalapit pa sakin. "Tommy!!" pati boses naririnig ko narin?! "Tommy hoy!" nyay..lumapit pa sakin! totoo ba talaga to?! "Huh?! ikaw ba yan Nash?! totoo ka ba talaga?! ikaw ba yan?!" hinawak hawakan ko pa yung mukha niya na nakatawa sakin "Hahaha..si Tommy talaga kahit kelan patawa. Oo naman no! ako to! Anung kala mo sakin multo?!" "Hi-hindi naman. Akala ko may anghel na sa harapan ko. Masyado ka kasing maganda para maging totoo."

"Hahaha..ang galing mong mambola." hindi ako makapaniwala.. so pumunta nga siya dito?! "Teka Nash bakit ka nandito?! Wala dito si Bryle." "Ikaw kaya ang pinunta ko dito, alam kong wala dito si Bryle." "Huh?! A-ako?! talaga?!" ewan ko pero napapangiti ako, ako daw ang pinunta niya dito?! hindi si Bryle! :) "Umm..hihingi sana ako ng favor. Kaso naabala ata kita sa pagppractice mo, mukha pa naman maganda yung tinutugtog mo." "Nako wala yun..anu bang favor?!" "Mamaya ko na sasabihin..pagtapos na lang. Parinig muna ako nung tinutugtog mo..sige na..parang maganda eh." ang..ganda niya talaga pag ngumingiti Kayo kaya ang ngitian ng anghel..makakatanggi ba kayo?! Isa pa..para naman talaga sa kanya tong kantang to eh. Sabi ko nga sana pag nagperform ako nito mapanuod niya. Hindi ko naman akalaing mabibigyan ako ng chance na mapapanuod na sa kanya, ganito pa kami kalapit. "O-ok..sige. May kasabay pa tong kanta, ipeperform ko to sa Freshmen night. Ikaw unang makakarinig nito, upo ka dali." kinuha ko yung isang malapit na silya at tinabi yun sakin "Owkei! Excited na ako! Namiss ko ang boses mo! yey! maririnig na ulit kitang kumanta!" tapos umupo na siya sa upuan katabi ko Wait, anu daw?! namiss niya ang boses ko?! >/////// . /////< takte, ambading.. bakit ang init bigla ng pisngi ko? Hindi ko pa man din matanggal ang tingin ko sa kanya! Ewan ang sarap niyang tingnan eh. "Tommy bakit?!" aw takte..ang lapit ng mukha niya sakin

Napaiwas tuloy ako bigla ng tingin, pinilit ko nlng tumingin sa piano. "Wa-wala..sige sisimulan ko na." napapangiti tuloy ako ng di oras NOW PLAYING: OUT OF MY LEAGUE *piano playing Nagsimula na akong kumanta.. at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.. It's her hair and her eyes today That just simply take me away And the feeling that I'm falling further in love Makes me shiver but in a good way All the times I have sat and stared As she thoughtfully thumbs through her hair And she purses her lips, bats her eyes and she plays, With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Nakatingin lang siya sakin, pinagmamasdan ako. Sa malapitan, promise.. mukha talaga siyang anghel. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.

'Cause I love her with all that I am And my voice shakes along with my hands Cause she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again

Hindi ko mapigilang ngumiti habang kumakanta. Tapos ang maganda pa dun.. nakangiti rin siya sakin. Pinakamaganda na ata to sa lahat ng ngiti niyang nakita ko. Akala ko kay Bryle lang siya ngumingiti ng ganito.

It's a masterful melody when she calls out my name to me As the world spins around her she laughs, Rolls her eyes and I feel like I'm falling But it's no surprise

Haha..naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Nung tinawag niya yung pangalan ko. Akala ko talaga hindi siya totoo. At nung tumawa siya, pakiramdam ko talagang lalo akong hinihigit pahulog sa kanya. Pero hindi na ako nagtataka. Kahit sino naman maiinlove sa anghel hindi ba?! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Nakarating narin ako sa music room kung nasaan si Tommy. At kung hindi ako nagkakamali..Si Tommy yung naririnig kong kumakanta. Bilis bilis akong lumakad papunta sa may pinto. Pero natigilan ako.. Hindi ko magawang humakbang papasok. Parang nawalan ako ng lakas..Dahil sa nakita ko..

'Cause I love her with all that I am And my voice shakes along with my hands

'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea But I'd rather be here than on land Yes she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again.

Nakita ko si Tommy..at si Nami. Magkatabi sila sa harap ng piano. Kinakantahan ni Tommy si Nami. Habang si Nami, nakangiti. Nakangiting pinagmamasdan si Tommy. At hindi lang yun basta ngiti. Hindi pa niya ako nangingitian ng ganun. Ewan ko ba kung ako lang to oh talagang nagliliwanag yung mga mata niya. At ang ganda ganda ng ngiti nya, ang aliwalas ng mukha niya. Mukha siyang anghel ngayon..sa totoo lang. Kitang kita mo sa mata nilang dalawa, merong iba. It's as if may ibang mundo silang dalawa ngayon. Kanila lang dalawa. Mundong hindi ko kayang pasukin. It's her hair and her eyes today That just simply take me away And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver, but in a good way All the times I have sat and stared As she thoughtfully thumbs through her hair As she purses her lips, bats her eyes And she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say Gusto ko ng umalis. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko kay Nami. Para bang nanakaw niya ang mata ko. Nanginginig na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko unti unti na talaga akong nanghihina. Hindi ko alam kung anung dapat kong gawin.

It's as if once na tinanggal ko ang mata ko sa kanya hindi ko na ulit siya makikita. Yung mukha niyang yun ngayon, yung ngiti niya, it's as if ito na huling beses na makikita ko yun. Kaya naman hanggat maaari, hanggat hindi pa ubos ang lakas ko, gusto ko sanang makita ang mukha niya kahit konting oras pa. 'Cause I love her with all that I am And my voice shakes along with my hands

Pero nagawa ko naring tanggalin ang pagkakatingin ko sa kanya.. sa kanila. Hindi ko na kaya.. wala na talaga akong lakas. Naglakad na lang ako papalayo. Para akong zombie ngayon.. Ewan ko..ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may nagsasabi saking.. "BUMALIK KA AT KUNIN SIYA" tapos.. meron ding nagsasabing.. "LUMAKAD KA NA LANG PALAYO..WALA NA SIYA." Nagkokontrahan sila sa loob ko.

'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea But I'd rather be here than on land

Rinig ko parin yung kanta habang naglalakad ako. At ewan ko ba, ang tanging nagfflashback lang sakin eh yung itsura ni Nami kanina. Hindi ko matanggal sa isip ko. At hindi ko rin matanggap na kailangan ko na syang isuko.Pero kasi..wala na akong magagawa eh. Talo ako.

Yes she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again *piano playing<<<<<<<<<<<<< *kablag Sinipa ko yung isang trash can na nadaanan ko. Tapos..napaupo na lang ako sa upuan sa may tabi dun. Medyo malapit parin sa music room. At ewan ko ba..paulit ulit sa utak ko yung huling line nung kanta.

Yes she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again

Yes she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again

Yes she's all that I see and she's all that I need And I'm out of my league once again

Paulit ulit yang mga linyang yan sa utak ko, habang nakaupo ako sa isang tabi at parang nawalan ng buhay. Kasabay nung kanta, nakikita ko siya. Wala na akong makita kung di siya lang. Nakikita ko lang ay si Nami, at dahil dun lalo akong nanghihina. PARA AKONG UNTI UNTING TINATANGGALAN NG BUHAY.

CHAPTER 24.9- TESTS THEY HAVE TO PASS -___- (part 4!) THIRD's POV "Hoy Third! Kailan ka pa naging chismoso huh?!" -Steve "Anu bang sinasabi mo dyan huh Steve?! " " Anu yung sinabi mo kay Bryle huh?! Bakit kailangan mo pang ikwento yung nakita mo? Kilala kita.. Ayaw mong mag meddle with other people's affairs. Kaya bakit sinabi mo pa yung mga nakita mo kay Bryle?! Bakit mo sinabing baka sila Nash na at si Tommy?! Eh alam naman natin ang totoong rason ni Nash kung bakit niya hinahanap si Tommy diba?! anung pinaplano mo huh Third?!" "Haha..relax lang Steve. Hindi ba ang sabi ni Nash wag sabihin kay Bryle kung bakit niya hinahanap si Tommy?! Tama naman ah? Hindi ko naman sinabi." "Pero ang tanong ko nga, kung magiimbento ka na lang din ng kwento, bakit yun pang si Tommy na at si Nash?! Bakit mo sinabi yun!" "Haha..simple lang. I'm just testing my hypothesis. Para akong may expertiment." "Huh?! hypothesis?! experiment?! Anu yan thesis?! subject?! Ang complicated naman ng sagot mo Third eh! linawin mo naman! Hindi maabot ng utak ko eh!" "Tsk..mag-aral ka naman kasi minsan Steve. Puro pambababae lang ang alam mo eh." "Nakakatamad kayang mag-aral..tsk. Sagutin mo na lang yung tanong ko." "Hays..ganito kasi yun. Ang hinala ko kasi.. Si Bryle.. in love na kay Nash." "Huh?! talaga?! Akala ko ba nagpapanggap lang sila?!" "Hinala ko pa nga lang eh diba?! Ewan ko.. hindi mo ba napapansin ang aura ni Bryle pag

kasama niya si Nash?! Kung hindi natin alam yung tungkol dun sa contract aakalain mong mahal talaga nila ang isa't isa. It's as if hindi na sila nagpipretend na dalawa. Andame ng nagbago kay Bryle simula ng dumating si Nash." "Teka..ou nga no? Madalas ng nakangiti si Bryle ngayon. Tsaka masyado silang malapit ni Nash. Atsaka tama ka..andame ng nagbago kay Bryle. Marunong na syang magalala para sa iba. Kung pano siya magalala para kay Nash iba talaga, tapos..hindi narin siya nambibiktima ng mga studyante dito. Hindi na siya nangttrip. Wala narin siyang mga pranks na ginagawa." "It's because ang attention niya, lahat nakatuon na lang kay Nash!" "Ganun ba yun?! Eh pano kung nag eenjoy lang talaga siyang kasama si Nash?! Hindi parin natin masasabi na in love na si Bryle kay Nash. After all hindi pa natin alam kung nakalimutan na nga niya si alam mo na kung sino." "Yun na nga eh..thats my point. Gusto kong maconfirm kung anu ba talagang nararamdaman ni Bryle para kay Nash. Gusto ko ring malaman kung naka move on na ba sya kay alam mo na. Kaya nga sinabi ko yung mga sinabi ko kanina. Intended yun para makita kung anung magiging reaction ni Bryle.. at ang response?! Positive! sa tingin ko in love nga siya!" "Pano mo naman nasabi?!" "Hay, Steve, ang hina talaga ng utak mo. Nakita mo naman yung reaction ni Bryle kanina diba?! ni hindi nga ako pinatapos sa pagsasalita. Nakita mo ba yung expression ng mukha niya?! Yung mga mata niya?! At yung mabilis niyang pag alis na kulang na lang eh lumipad para makarating agad kung nasaan sila Nash?! Nakita mo diba?!" "Ou..nakakatakot nga yung itsura niya eh. Parang manlalamon ng tao. Sobrang desperado ng itsura." "Exactly! Sa tingin mo ba magkakaganun siya kung wala siyang nararamdaman para kay

Nash?! Hindi diba?! Kung wala siyang nararamdaman kay Nash, wala lang dapat sa kanya yung mga sinabi ko, kasi hindi naman niya kailangang umaktong nagseselos siya sa harapan natin kasi alam naman natin yung totoo, alam natin yung tungkol sa contract. So he reacted based on what he really feels. Impulse na lang yun, na halatang mismong sya hindi niya ineexpect! Sa tingin ko nasa in denial stage pa si Bryle. Hindi niya pa maamin sa sarili niya ang totoo niyang nararamdaman kahit na meron na talaga." "Ow..ang galing mo Third ah! Nice ka huh?! so in love si Bryle kay Nash pero hindi pa niya matanggap. Tapos diba si Tommy in love din kay Nash?! teka..Third edi ibig sabihin nun--" "Tama..magkaribal ang magbest friend! haha..exciting to. Gusto kong malaman kung sinong mananalo." "Pero Third..naisip ko lang. Imbis na nanonood ka sa kung anung mangyayari sa love triangle nila Nash, Bryle at Tommy, bakit ayaw mo na lang asikasuhin ang love life mo?! Imbis na yung atensyon mong nilalaan sa love story ng iba eh tinutuon mo na lang sa love story mo diba?! Wala ka parin bang balak na gawin huh?! Hindi ka man lang ba magiisip ng plano kung pano kayo magkakabati?! Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin!" "Bakit ba napasali ang love life ko dito?! wala ka ng pakialam dun no!" "Torpe ka lang kasi sabihin mo!" "Anung torpe?! Eh kung ikaw kaya! Galit na galit sayo yung taong gusto mo, tapos magtatapat ka? anu ako tanga?! Edi syempre alam ko na ang sagot! Marereject lang ako!" "Tsk..kaya nga magpapaliwanag ka diba?! Sabihin mong ikaw yung nagcomfort sa kanya nung gabing yun! Ganun lang kasimple Third!" "Bakit ko naman sasabihin? Hindi naman sya nagtatanong! Wala namang ginawa yun kundi tarayan ako! Ni ayaw nga akong tingnan! Kausapin pa kaya?! tsk. I'm sure kahit na sabihin ko

pa., hndi rin siya maniniwala." "Wag ka agad magconclude Third. Itry mo muna. Parang sugal ang pag-ibig, pag tumaya ka pwede kang matalo o di kaya manalo. Kung manalo ka, edi swerte mo. Kung talo ka naman, edi tanggapin mo na lang. Pero Third ang nakakapanghinayang, eh yung panalo ka na sana kaso hindi ka naman tumaya. Kaya pag isipan mo Third. Nasa huli ang pagsisisi. Ikaw rin." "Tsk, andame mong alam Steve =____=" "Haha..syempre ak--" Natigilan kami ni Steve ng biglang bumukas yung pinto tapos lumagabag kasi ang lakas ng pagkakasarado. Dumaan si Bryle sa tabi namin ng hindi man lang tumitingin. Pumunta lang siya sa may bar area, nagbukas ng beer tapos umupo sa stool. Nilapitan namin siya.. "Bryle anung nangyari?! Nakita mo ba si Nash?!"-Steve Pero parang walang naririnig si Bryle. Lampas ang tingin niya samin ni Steve. As if wala kami sa harapan niya ngayon. Parang wala siya sa sarili niya. "Hoy Bryle!" winawagayway ko na yung kamay ko sa may mata niya kaso waepek parin! Nakatulala lang siya, tapos iinom lang ng beer. Haay..yan na naman siya sa ayaw makausap. Pag sobrang badtrip yan..ganyan yan. Kaya naman..minabuti na lang namin ni Steve na lumayo. Nagbilliards na lang kami. Hindi ko naman akalaing magkakaganito siya. Tama talaga ang hinala ko. In love talaga siya kay Nash. Pero anu kayang nakita niya?! Bakit siya nagkaganito?! Anu ba talagang nangyari?!

. . . Natigil kami ni Steve sa paglalaro ng biglang bumukas yung pinto. At ang pumasok?! Oh ow! patay tayo dyan.. Si Nash at si Tommy lang naman! Sabay pang pumasok! At nakangiti pang pumasok yung dalawa! Parang may pinag uusapan tapos nagtatawanan. Oh ow talaga! Tapos napatingin ako kay Bryle.. Nakatingin siya kila Tommy at Nash. Ang init ng atmosphere. Natigilan sila Tommy at Nash ng pagtatawanan at napatingin din sila kay Bryle. Uminom si Bryle ng beer. Inistraight na ata.. tapos.. Oh ow! Pinisak niya yung can ng beer..tapos hinagis! Nabigla kami, pati narin sila Nash. Pagkahagis ni Bryle ng can ng beer.. ang bilis ng pangyayari. Bigla siyang kumaripas papunta sa kung nasaan si Nash at si Tommy. "Bry--" magsasalita plng si Tommy pero hindi na siya pinatapos ni Bryle Parang walang naririnig si Bryle. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya, kay Nash lang siya nakatingin. As if wala sa tabi ni Nash si Tommy. Hindi narin nakapagsalita si Nash kasi bilis bilis na kinuha ni Bryle yung kamay ni Nash at kinaladkad na papalabas. Natahimik kami sa loob. Ang narinig nlng namin ang malakas na pagsarado ng pinto. Natigilan talaga kami. Hindi na namin sinundan sila Bryle. Walang mangyayaring maganda kung susundan namin

siya. Nakakatakot talaga ang itsura niya kanina. Kahit si Tommy halatang nabigla rin. Lumapit na lang kami kay Tommy na ngayon eh nakaupo sa bar stool. Kinausap namin siya para itanong kung anung nangyari pero ang sabi lang niya.. Wala din daw siyang alam. Hayaan na lang daw namin si Bryle. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Nung makita kong pumasok ng sabay si Nami at Tommy sa pinto at nagtatawanan pa, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bilis bilis kong ininom ang beer na hawak ko. Napisak ko na nga yung can ng beer sa sobrang galit na nararamdaman ko tapos naihagis ko pa. And out of impulse bilis bilis na lang akong pumunta kay Nami at kinaladkad sya. . . "Bryle! anung problema?! ang sakit ng kamay ko! Wag mo naman masyadong higpitan ang kapit!" sigaw ni Nami sakin habang naglalakad kami Hindi ko na lang pinansin. Wala ako sa mood magpaliwanag. Isa pa, indi ko rin kasi alam kung bakit ko to ginagawa. "Hoy Bryle!" Bilis bilis parin ako ng lakad na para bang wala akong naririnig kahit kanina pa sumisigaw si Nami. Ng makarating kami sa parking lot..Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko. (same na kotse na dala ko nung pumunta kaming Enchanted kingdom ni Nami, yung nabubuksan ang roof)

Pagkabukas ko ng pinto tinulak ko na lang si Nami sa front seat. Tapos bilis bilis akong pumasok narin sa kotse. "Bryle anu bang nangyayari sayo?! bakit ayaw mo akong kausapin?!" Tiningnan ko lang si Nami saglit tapos nilock ko yung seatbelt niya. Pinaandar ko na yung sasakyan. Ang bilis ng pagmamaneho ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta gusto ko sa lugar na walang tao. Isang lugar kung saan kami lang dalawa, dun ko gustong pumunta. Hindi na umiimik si Nami sa byahe. Nakatingin lang siya sakin. . . . Nakarating kami ni Nami sa isang private beach. Private beach to na pagaari namin. Dito ako madalas pumunta pag gusto kong mapag isa. Pagkapark ko ng sasakyan, bumaba na ako ng kotse. Pero si Nami nakaupo lang dun. "Hoy babae hindi ka ba bababa?!" "Nasan ba tayo Bryle?! Ayaw mo akong kausapin tapos kung saan saan mo pa ako dinadala. Hindi na kita maintindihan dyan." tapos nag cross arms pa siya, parang batang nagmamaktol Haaays.. Binuksan ko yung pinto sa may tabi niya. "Halika na nga." kinuha ko yung kamay niya at kinaladkad na naman siya . .

Nakarating kami sa may dalampasigan. Binitawan ko na yung kamay niya tapos umupo na lang ako sa may buhanginan. Maya maya umupo narin si Nami sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa dagat, pinagmamasdan ko lang ang papalubog na araw. At least medyo kumalma na ako. Hindi ko lang kasi talaga napigilan ang sarili ko nung makita ko sila kanina ni Tommy kaya nahigit ko siya bigla ng hindi man lang nag iisip. Hindi ko tuloy alam kung anu bang dapat kong sabihin sa kanya ngayon. "Bryle..anu ba talagang problema?! Sagutin mo naman ako oh. Naguguluhan na kasi ako sayo." biglang umimik si Nami Siguro dapat na nga akong sumagot. Binaling ko na ang tingin ko sa kanya. "Nami, bakit ayaw mo pang ipaalam sakin kung bakit mo hinahanap si Tommy kanina? Bakit kailangan mo pang ilihim sakin?!" Bakit nga ba kailangan mo pang itago na kayo na ni Tommy Nami?! Bakit ka nagsinungaling sakin?! "Sinabi sayo nila Third?! haay! Mga engot na yun talaga! Sabi ng wag sasabihin sayo eh! Haay.. hindi talaga mapakiusapan yung mga yun! Sabi ko wag ng ipaalam sayo kasi..anu..alam ko naman na hindi ka rin naman papayag. Hindi mo naman ako hahayaan sa gusto ko kung sakaling pinaalam ko sayo diba?! Siguradong hindi mo ako hahayaang pumunta kay Tommy. Kaya minabuti kong wag na langg ipaalam sayo." Aw.. so totoo nga talaga?! "*sigh Mukhang wala na nga akong magagawa. Kung talagang nagmamahalan kayo ni Tommy.. siguro dapat ko na lang tanggapin yun. Okay lang sakin kahit kayo na. Nami ididisregard ko na lang yung rule. Okay lang kahit in a relationship ka sa iba, basta Nami..

wag mo naman muna akong iwan oh? Bigyan mo muna ako ng oras para makapaghanda. Wag mo muna akong iwan please..wag mo muna akong iwan Na--" "Pfffffffffffft....ahahahahahahaha!. hahahahahaha! ahahaha!" huh?! bakit mamamatay na siya sa kakatawa?! baliw ba tong isang to?! Emo na nga ako dito oh! tapos pagtatawanan niya lang ako?! gago talaga tong isang to kahit kailan! "Hoy babae! anu bang tinatawatawa mo dyan?! Seryoso ako dito! Wag mo nga akong pagtawanan!" "Hahaha. Eh kasi naman Bryle..ahahaha. Anu bang mga pinagsasasabi mo?! Seryosong seryoso ka dyan! ahaha. Sino bang may sabi sayong kami na ni Tommy?! Anung nagmamahalan na sinasabi mo?! at saan mo ba nakuha na iiwan na kita?! Anu ako sira?! Kailangan ko pa kayang maka 3 months para sakin na yung condo no! Tapos kailangan ko pa ng sweldo! At kailan pa naging kami ni Tommy?! Bakit hindi ko alam?! Ahahahaha." huh?! anu daw?! teka..eh bakit ang sabi niya kanina..tsaka yung nakita ko kanina.. anu yun?! ang gulo.. "E diba kakasabi mo lang?! Ayaw mong ipaalam sakin na kayo na ni Tommy kasi hindi din naman ako papayag. Hindi kita hahayaang makipagkita kay Tommy kung sinabi mo sakin na kayo na nga diba?!" "Huh?! yun ba yung tinutukoy mo kanina?! Yun ba ang sinabi sayo nila Third?! ahahaha! Mga gagong yun! Sabi ko wag sabihin sayo yung dahilan ko, hindi nga sinabi.. iba namang kwento ang ginawa! haha! loko loko talaga yang mga kaibigan mo Bryle! Ikaw naman, paniwala agad! haynako!" "Huh?! eh pero pumunta ako kanina sa music room kung nasaan kayo ni Tommy. Kinakantahan ka pa niya diba?! Wag mong itatanggi yun! Sabihin mo nga sakin, kung hindi

totoong kayo nga ni Tommy, bakit mo siya pinuntahan?! Anu yun gusto mo lang makinig ng kanta niya?! Ang sweet niyo pang dalawa nung nakita ko kayo! Kahit sinong makakita sa inyo iisiping magkasintahan kayo!" "Huh?! so nakita mo yun?! pumunta ka pa talaga?!" "Oo! kaya wag ka ng magsinungaling sakin!" "Mali ka Bryle! Ou tama yung nakita mo..kinantahan nga ako ni Tommy. Pero hindi yun ang pinunta ko dun, alam mo kasi ganito yun.." at nagsimula ng magpaliwanag si Nami -----------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Pagkatapos kumanta ni Tommy.. *clap *clap *clap "Wowww!!! grabe! ang ganda talaga ng boses mo Tommy! Ikaw na talaga! Andameng maiinlove lalo sayo pag kinanta mo na yan sa Freshman night! Nakakainlove talaga ang boses mo grabe!" "Talaga?! pero boses ko lang ba ang nakaka in love?!" "Eto naman! hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Syempre package deal ka na no. Gentleman, gwapo, matalino, mabait, masarap kasama tapos ang ganda pa ng boses pag kumakanta. Kahit sino siguro maiinlove sayo, yun ang ibig kong sabihin." "Then why won't you fall in love with me?!" h-huh?! a-anu a-anu daw?! "Ha-hahaha..anu? " "I said..why won't you fall in love with me?! Diba sabi mo kahit sino maiinlove sakin. Ikaw ba hindi pwede?!"

"Huh?! eh anu..ang ibig kong sabihin..anu, hmm..anu ahm.." Anu bang sasabihin ko?! dahil gusto siya ni Katie?! pero hindi naman dapat sakin manggaling yun! si Katie ang dapat magsabi nun sa kanya.. Isa pa.. hindi lang yun. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na.. na anu.. na ahm.. gusto ko na si Bryle. Waaaaaaaah! hindi ko parin matanggap, pero yun talaga. Sa tingin ko talaga may gusto na ako kay Bryle. Pero ako lang ang dapat makaalam nito. Hindi dapat malaman ng kahit sino, lalong lalo na si Bryle. Kasi diba?! nasa rule yun. Once na malaman ni Bryle na nahuhulog na ako sa kanya, matatapos na ang contract, mawawalan ako ng sweldo. Since hindi pa ako nakaka 3 months, mawawala din sakin yung condo. At baka pati si Bryle tuluyan ng mawala sakin, since ang contract naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya nakakasama. Kaya hangga't hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, hangga't hindi ko pa kayang mag take ng risk na baka mawala ang mga yun sakin, wala munang dapat makaalam bukod sakin. "Hahaha..nag sspace out ka na Nash! Joke lang yun! masyado ka namang nag iisip dyan! tara na nga! Anu ba yung favor na hihingin mo?!" "Ai ou nga pala! nawala sa isip ko! ahm..anu kasi eh..ang totoo niyan kaya ako pumunta dito kasi..anu..Tommy..pwede bang..pwede bang humiram ng notes mo sa mga subject na ieexam niyo bukas nila Bryle?!" Ewan ko pero biglang nawala yung malaking ngiti ni Tommy.. anu bang sinabi ko? "Teka Tommy ayaw mo ba?! nako sorry.." Pagkasabi ko nun bigla siyang humarap sakin, tapos ngumiti na ulit?! "Hahaha..joke lang. Tinatakot lang kita. Oonaman no! yun lang naman pala! Akala ko kung anu na! teka..bakit mo naman hinihiram?!"

"Eh kasi..ipapaphotocopy ko sana. Kasi rereviewhin ko si Bryle mamaya. Sa kanila kasi ako tutulog. Gusto kasi ng lolo ni Bryle na mag-aral si Bryle kaya napakiusapan ako. Kaso si Bryle walang notes..kaya ayun, naisip kong manghiram sayo, okay lang ba?!" "Di para ka palang tutor?!" "Ganun na nga." "Ang swerte naman ni Bryle. Ang sarap sigurong mag aral kasama mo. Tutoran mo rin ako!" "Hahahaha..Tommy talaga!" "Hahaha..siya tara na..paphotocopy na tayo." "Sasamahan mo pa ako?! Pwede namang ako na lang. Mahihirapan ka pa sa paglalakad." "Anu ka ba?! okay lang yun no!" "Ok sabi mo eh! " Pagkatapos namin magpaphotocopy ni Tommy dumiretso na agad kami sa tambayan. Nagtatawanan kami dahil si Tommy kung anu anung pick up lines yung sinasabi habang naglalakad kami. Ginagaya niya si Boy pick up! ahaha. Si Tommy talaga kahit kailan. Pero pag pasok namin.. Natigilan kami ng makita namin si Bryle.. *END OF FLASHBACK "At alam mo na ang sunod na nangyari diba?! kinaladkad mo na ako bigla..tsk." "So..pinuntahan mo lang si Tommy para hiramin yung notes niya?!" "Oo! haha..kaya nga ayaw kong ipaalam sayo kasi baka pigilan mo lang ako. Kasi diba ayaw mong mag aral?! Edi pag sinabi ko, hindi mo ako hahayaang makipagkita kay Tommy! tsk.. yun ang ibig kong sabihin kanina! Hindi kami ni To--"

O______O Nanlaki ang mata ko. >//////////////////___/////////////////< *dug dug dug Natigil ako ng pagsasalita ng bigla na lang akong niyakap ni Bryle. Hindi tuloy ako makagalaw. "Buti naman kung ganun. Haaay.. akala ko talaga iiwanan mo na ako! Akala ko talaga mawawala ka na sakin. Ikaw talaga Nami." pagkasabi niya nun umalis na siya sa pagkakayakap sakin Nakatulala parin ako. Niyakap niya talaga ako?! at natakot talaga siya na baka mawala ako sa kanya?! Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti habang tinitingnan si Bryle. Hindi lang pala ako ang takot na mawala siya sakin, pati rin pala siya. *snap snap Natauhan ako ng bigla siyang nagsnap ng finger sa harap ko. "Hoy Nami! nakatulala ka na dyan! sabi ko tara na! Wwi na tayo! Excited na akong mag-aral!" a-anu daw?! excited siyang mag-aral?! at ang laki pa ng ngiti niya habang sinasabi yun ah! Anu bang nakaen neto?! nakakapanibago siya ngayon. "Kailan ka pa naging excited mag-aral?!" "Ngayon lang! hindi ba obvious?! haynako! bobo." "Aba at ang sungit mo na bigla huh>! parang kanina lang nagmamakaawa ka pa sakin. Nami wag mo muna akong iwan..wag mun-- kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Iniimitate ko pa yung pagmamakaawa sakin ni Bryle kanina para asarin siya kaso bigla ba naman akong

binuhat?! yung karga ng parang bagong kasal.. ganun! kyaaaaaaaaah! "Sabi ng bilisan mo. Ayaw mo pang tumayo dyan.. hahaha.. huli ka ngayon." "Hoy Bryle! Ibaba mo na nga ako! Nakakahiya naman eh!" nag-aalpas na ako "Ayaw ko nga. Baka pag binitawan kita iwan mo ako bigla." natigil naman ako sa pagwawala ng marinig ko yun >/////////////// . //////////////< pesteng Bryle na to! Namumula na tuloy ako! "Hindi kita iiwan wag kang mag-alala." sabi ko naman tapos tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya sakin. Tapos.. Waaaaaah! Walangyang Bryle na to! Bigla ba naman akong binagsak dun sa upuan ng kotse! "Ang bigat mo Nami! tsk! akala ko mamamatay na ako kanina! hahaha" "Hoy ang kapal mo naman! Mahina ka lang talaga sabihin mo!" "Try mo kayang buhatin ang sarili mo! Ang bigat kaya! Nabali ata yung braso ko oh, haha!" "Hmp! sino bang may sabi sayo na buhatin mo ako?!" "Wala.." "Yun naman pala eh!" "Hahaha..pero Nami..sinabi mo na yan huh?! Hindi mo muna ako iiwan." "Takot ka talagang mawala ako sayo no?!" "H-huh?! hi-hindi no! Hindi ako natatakot na mawala ka sakin!" "Tss..kakasabi mo lang kanina eh!"

"A-anu..hi-hindi ganun ang ibig kong sabihin dun! Magtigil ka nga!" hahaha nakakatawa siya.. umiiwas na naman siya ng tingin.. at parang namumula pa yung pisngi niya! ansarap talaga netong asarin "Eh anung ibig mong sabihin dun kung ganun?!" "Ah anu..syempre.. natatakot akong mawala ka sakin.. kasi anu.. kasi pag nawala ka sakin ipapakasal ako sa iba! Yung part na yun ang nakakatakot! yun lang! tsk.." aw.. ganun?! Bwisit na to ah! yun lang pala! kala ko pa naman..hays.. "Ah ganun?! ok.." "Eh ikaw..sabi mo hindi mo ako iiwan. Does that mean mahalaga na ako sayo?! kasi hindi mo ako maiwan eh.. ihhhhhh..Nami.." "A-anu ka! ang kapal ng mukha mo! A-anu..kaya ko lang nasabi yun..syempre kasi kailangan ko pa yung sweldo! Pati yung condo kailangan ko! Kaya kung tutuusin no choice lang ako! Yung sweldo at condo lang ang dahilan ko! At hindi ikaw! wag ka ngang assuming!" "Nagsalita ang hindi assuming! haha." "Hindi ako assuming no!" "Hindi daw! in denial ka!" "Ikaw ang in denial! haha" "Ikaw! " "Ikaw!" "Ikaw kaya!" "Ikaw sabi!"

At buong byahe nagtatalo lang kaming dalawa.. haynako.. kala ko pa naman nagiging sweet na ang bwisit na yun.. Wala parin palang pinagbago. . . . At ngayon nandito na kami sa kwarto ni Bryle. Pinagbasa ko na siya kanina. Accounting ang nirereview namin ngayon. May hawak akong hotdog sandwich. "Bryle..unang tanong..Enumerate the 3 types of businesses." "Ah..teka..wait..nabasa ko yan eh.. Manufacturing.. Merchandising at Service!" "Is that your final answer Mr. Bryle Caleb Stanford?" "Final answer.." "And your answer is..CORRECT!" "Yey! yey! sabi ko na eh! haha..oh akin na ang premyo ko!" "Tsk..nakatsamba ka dun huh!" "Hoy hindi tsamba yun! Nasa mood talaga ako mag-aral..kaya akin na Nami." "Oo na..oh say ah.." Tapos ngumanga na siya at pinakagat ko na siya dun sa hawak kong hotdog sandwich. Oo ganito ang deal namin ni Bryle. Pag tama yung sagot niya dun sa tanong ko, susubuan ko siya ng hotdog sandwich. Pag naman mali.. ako ang kakaen! haha. Lakas ng trip namin no?!

pero mas ok kasi to, mas namomotivate si Bryle na sumagot! . . Makalipas ang ilang pang oras.. "Eng eng..mali ang sagot mo Bryle! Corporation dapat ang sagot dun! hahaha!! akin ang last bite!" "Ang daya! tsk! hinirapan mo talaga yung tanong eh! tsk!" "Hahaha..wala kang magagawa." "Tsk -__-" Sinubo ko na yung hotdog sandwich. "Oh Bryle buksan mo naman yung chips. Humanities naman ang reviewhin natin." "Teka Nami.." nabigla ako kasi.. Magkaharap kaming dalawa na nakaupo sa sahig, asa gitna namin yung mga pagkaen..Tapos bigla siyang nag lean forward..tapos hinawakan niya yung may labi ko.. te-teka.. wag mong sabihing.. Pipikit na sana ako ng.. "Anu ba yan Nami?! Ang amos mo! haha!" bigla niya pinahidan yung mayonnaise na nasa may tabi ng labi ko kyaaaaaaaaaaaaaah! Anu bang iniisip ko?! ang assuming ko nga! kala ko.. waaaaaaah! anu ba tong isip ko! ang dumi! tsk..

"Ah..sa-salamat.." "Hahaha..wow..marunong ka ng mag thank you!" "Heh! tara na nga! buksan mo na yung chips tara ng magreview sa Humanities!" kinuha ko na yung reviewer sa humanities at tinaklob yun sa mukha ko, namumula na kasi ako.. anu ba yan! Ang awkward bigla ng feeling, hindi ako makatingin sa kanya.. tsk.. "Oh Nami anu na?! asan na yung tanong! ang bagal tsk!" "Eto na! eto na!" at ayun nagtanungan na lang kami ulit na dalawa Nakakawala naman ng concentration tong si Bryle.. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Hindi lang alam ni Nami kung gano ako kasaya ngayon. Gusto ko ngang magtatalon kanina at magsisigaw kung gano ako kasaya ng malaman kong hindi totoong sila ni Tommy at nung sabihin niyang hindi niya ako iiwan. Sobrang saya ko talaga. Pero ayoko namang ipahalata. Lolokohin lang ako ng Nami na yan no. Tsaka ang sabi naman niya kaya lang niya ako hindi iiwan dahil sa sweldo at sa condo..tsk. But anyway ang mahalaga hindi niya ako iiwan! Ok na sakin yun. . . Matapos namin magreview ni Nami sa Accounting at sa Humanities.. sa Philippine History naman kami nagreview. And since ubos na namin ang mga pagkaen, ayun.. napagtripan

naman naming magsulatan ng lipstick sa mukha. Hahaha.. andame na nga namen parehong sulat sa mukha. Si Nami may bigote, ako naman mukang clown.. haha. Nakakatawa nga yung itsura namin dun sa pictures. Yep.. natripan namin magpicture habang nagpapahinga kami sa pagrereview. Lumabas lang ako saglit para magpakuha ng hot chocolate kasi gusto raw ni Nami nun.. Kaso pag balik ko..ayun tulog na.. Malalim narin kasi ang gabi eh. Kaya ayun, bubuhatin ko na naman tuloy to. Pinunasan ko muna yung mukha niyang may mga lipstick tapos binuhat ko na siya papunta dun sa kwarto niya. Inihiga ko na siya sa kama. Ang himbing ng tulog.. haha.. nakakatawang pagmasdan. "Haaay.. buti na lang talaga hindi mo pa ako iiwan." sabi ko habang pinagmamasdan siya Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.. "I.. I love you.." a-anu daw?! napaharap ako sa kanya.. nakatalikod na kasi ako eh.. Nye..tulog?! ahaha.. akala ko naman.. Nananaginip na naman siguro. Tanda ko nangyari narin to eh, nung nastranded kami sa c.r. Nag I love you din siya bigla nun. Hahaha.. siguro nanaginip na naman siya tungkol sa daddy niya. Napangiti na lang ako at tumuloy na sa paglalakad. . . "Sir Bryle..anu pong ginagawa niyo jan sa may pinto ng kwarto ni Ms. Nami? Bakit nakatulala kayo?" h-huh?!

Bigla akong natauhan ng makita ko yung isang katulong sa harapan ko. Kanina pa ba ako nakasandal sa may pinto ng kwarto ni Nami?! "A-anu wala..a-alis na nga ako eh." bilis bilis na akong lumakad papasok ng kwarto ko Humiga ako sa kama.. "Tama ba yung narinig ko oh guni-guni ko lang?!" tanong ko sa sarili ko Alam niyo kasi..Bago pa man ako makalabas ng pinto ng kwarto ni Nami kanina...Bago sumarado yung pinto..May Narinig ako.. . . "I LOVE YOU..BRYLE." Medyo malabo yung pagkakarinig ko. Hindi ko masyadong narinig kasi nga nasa may pinto na ako at pasarado na yung pinto nung magsalita siya. Pero ang parinig ko talaga eh sinabi niya ang pangalan ko! Hindi! pero imposible yun. Guni-guni ko lang siguro. Tsk kung anu anu ng naiisip ko. Daddy niya ang sinasabihan niya ng I love you hindi ako. Tsk, nagiging assuming na nga ata ako.

CHAPTER 25- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY BRYLE's POV "Good morning apo." ang aga aga pa ah?! anu bang problema nitong matandang to?! "Oh bakit?! walang pasok ngayon ah?! Sabado! Hayaan mo naman akong matulog ng

mahaba. Napuyat ako sa pagrereview nung Thursday huh." kahit ang totoo hindi naman ako sa pagrereview napuyat talaga kundi sa kaiisip sa sinabi ni Nami.. tsk =___= "Yun na nga eh! Gusto lang kitang icongratulate apo! Napag alaman ko sa mga teachers mo na naipasa mo lahat ng exams na kinuha mo sa mga subjects nung day 2 ng exam. Although bagsak ka dun sa first day.. pero ok na yun! Ok talagang nagreview ka kasama ni Nami! congrats apo!" "Haaay..yan lang pala ang gusto niyong gawin eh. Pede namang mamaya na diba pag nagising ako?! Kailangan mo pa akong gisingin para dyan?! Imba ka talagang matanda ka..tsk" nagtaklob na ako ng unan, tutulog na ulit ako. Nakakabadtrip tong matandang to eh. "Teka apo! Hindi lang yan ang gusto kong sabihin!" hays..tinanggal niya yung unan na nakataklob sakin "Oh anu pa?!" "I love you!" anu daw? PSH! I love you?! Naalala ko na naman tuloy yung tungkol kay Nami! PSH na matandang to! "PSH! Lumayas ka na nga sa harapan kong matanda ka! nakakabwisit ka na huh!" tapos pinagbabato ko siya ng unan Sinasalag niya habang papalabas.. "Ang sungit naman ng apo ko! Anu bang masama sa I love you?!" "Kadiri kang matanda ka! Lumayas ka dito!" At ayun lumabas na siya.. Bwisit tlga yun! umagang umaga ang lakas ng trip! Hays. Hindi na tuloy ako makatulog. Nabalik na naman ako sa pagiisip kung totoo ba yung narinig

kong sinabi ni Nami! Haay! Bakit ba kasi hindi ko na lang siya tanungin diba?! Teka.. hindi nga pwede eh. Mamaya nagkamali lang ako ng rinig, lolokohin lang ako ng babaeng yun.. tsk. Anu na kayang ginagawa nun ngayon? Hindi kami nagkita nung day 2 ng exam kasi umuwi na siya agad pagkatapos ng exams niya. 2 subjects lang siya eh, ako apat.. tsk. Nakakamiss din naman.. Oh! teka anu ba tong sinasabi ko?! Bakit ko naman siya mamimiss?! . . . Maya maya bumangon narin ako.. nagugutom na ako eh. Pumunta ako sa dining room.. Tsk..andun pa yung matanda. "Apo..wala ka bang gagawin ngayon?!" "Wala naman..bakit?!" "Talaga lang huh?! wag mo ng ilihim sakin." "Anu bang sinasabi mong matanda ka huh?!" "Sabihin mo na sakin kung anung plano mo." "Plano?! para san?!" "Wag mo ng itanggi apo. Hindi ko naman sasabihin kay Nami." "Anu ba talagang pinagsasasabi mong matanda ka huh?!" "Hindi ba monthsary niyo na sa Lunes?!" huh?! anu daw?! monthsary?! "Teka..panu mo naman nalaman huh?!" eh ako nga hindi ko alam eh =____=

"Hindi ba nung mismong araw na naging kayo mo siya pinakilala sakin?! kaya naman alam ko. June 14 yun..at July 14 na sa Lunes kaya 1 month na kayo! Diba dapat icelebrate niyo yun diba?! diba?! so anu ngang plano mo para sa kanya?!" te-teka..wala sa isip ko yun ah Cinecelebrate pa ba talaga yun?! takte. Baka mahalata kami ng matandang to ah. Baka mabisto niya kami ni Nami.. tsk. Mukhang kailangan nga talaga naming icelebrate yun kung anu man yun. "Secret ko na lang yung plano ko." sabi ko na lang kahit ang totoo wala pa talaga akong naiisip. Anu bang dapat gawin pag ganun?! "Haay..ang daya mo talaga Bryle! Basta pupunta ako sa school niyo sa Lunes! Titingnan ko kung anung gagawin niyo!" what the hell? pupunta siya?! pano na to?! haay! Mukang dapat talagang may gawin ako..PSH. "Haay..bahala ka.." "Sabi mo yan huh! May naiisip din kasi akong gawing surprise para sa inyo!" "Anu na naman yang binabalak mong matanda ka huh?! Wag ka na ngang makialam. Parang mas excited ka pa sakin eh!" "Haha..syempre naman apo! Basta gandahan mo ang surprise mo kay Nami huh?! Kailan ka bibili ng regalo?!" "Huh?! " "Wag mong sabihing wala kang balak bumili ng regalo?!" Kailangan pa ba nun?! akala ko igreet lang siya tapos idate siya ok na. Kailangan pa palang magregalo?! hassle..andame namang Kailangan oh. "Sye-syempre meron na akong naiisip na regalo! bibilhin ko pa lang." waaaaaaah..anu bang

dapat kong iregalo kay Nami?! "Good kung ganun..bigyan mo ako ng picture ng date niyo huh?!" "At bakit ko naman gagawin yun?!" "Ilalagay ko sa scrapbook ko." "Anung scrapbook?! tanda tanda mo na may scrapbook ka pang nalalaman dyan!" "Ehh! basta! gusto kong gawan ng scrapbook ang moments niyong dalawa. Mula sa naging kayo hanggang kinasal..hanggang magkaanak." "Weirdo ka..alam mo yun?!" "Ahahaha..ikaw talaga Bryle." "Tss.." "Oh san ka pupunta?!" pano tumalikod na ako sa kanya "Aasikasuhin ko na yung gagawin ko para sa monthsary namin ni Nami." "Goodluck!" Ayun dumiretso na ako sa kwarto ko. Haaaaaaay..anu bang dapat kong gawin?! Teka..takte. Baka hindi din alam ni Nami na monthsary namin sa Lunes! Nako.. ang alam ko dapat magbigayan kami ng regalo! tsk. tawagan ko nga *rriiiiiing riiiiiiiiiing riiiiiiiiiing NAMI: OH HELLO BRYLE? AGA MONG TUMAWAG?! TULOG PA AKO EH..TSK AKO: HAAY TULOG MANTIKA KA TALAGA. HOY BABAE SA LUNES, BIGYAN MO AKO NG

REGALO. NAMI: AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN? ANUNG MERON? BIRTHDAY MO ? AKO: TAE! HINDI! MONTHSARY NATIN YUN! NAMI: MONTHSARY? TALAGA?! KAILANGAN PA BA YUN? PWEDE NAMANG BATIIN NALANG KITA.. TSK..GASTOS PA YUN EH. AKO: KURIPOT MO TALAGA! AH BASTA! KAILANGAN YUN! PUPUNTA SI TANDA SA LUNES..TITINGNAN NIYA TAYO...TAPOS KAILANGAN KO PANG MAGBIGAY NG PICTURES SA KANYA NG DATE NATIN..TSK NAMI: WHAAAAAAAAAT?! ANG LOLO MO? AKO: OU! KAYA KAILANGAN NATIN! BAKA MABUKO TAYO EH. NAMI: HAAY..O SIYA SIGE..PERO ANU NAMANG IREREGALO KO? AKO: EWAN KO..IKAW BA ANUNG DAPAT KONG IREGALO SAYO? NAMI: PERA NA LANG.. AKO: GAGO! HINDI PWEDE YUN. NAMI: PAGKAEN? AKO: NYE..DAPAT SWEET..ANU BANG BINIBIGAY NG BF SA GF NIYA? NAMI: EWAN KO..HAYS..BAHALA KA NA..BAHALA NA RIN AKO. AKO: HAAY..WALA KA TALAGANG KWENTA NAMI: IKAW DIN..ISTORBO KA SA TULOG! TSK AKO: BASTA SA LUNES HUH! WAG MONG KAKALIMUTAN.. NAMI: OU NA..

*END CALL haay.. anu na kayang gagawin ko?! Kaya eto ako ngayon..humihingi ng advice kay Google.. madameng options. Nanonood din ako ng videos sa youtube ng mga ways para magcelebrate ng monthsary. gusto kong ipakita kay tanda na talagang pinaghandaan ko to. Dapat mapaniwala ko siyang mahal na mahal ko si Nami. Kung hindi, baka makahalata siya samen. Haay..wala akong kaalam alam sa mga ganitong bagay eh. Bahala na. . . ~SUNDAY~ "Tanda..may kakilala kang teacher sa voice lesson?!" "Ou naman..bakit?" "Basta..kung sino man yun papuntahin mo agad dito. " "Ok sige.." . . Natawagan ko na si Tommy. Ok na yung set up sa school. Napabili ko narin ang dapat bilhin. Ok na siguro to..sana ok na tong plano kong to.. haay..bahala na.. Minsan ko lang to gagawin kaya siguro matatawag ng surprise to. Gusto ko rin namang gawing espesyal ang araw na yun kahit fake monthsary lang. Kahit sa paraang to lang mapasalamatan ko si Nami for coming into my life, sa pagttyaga niya sakin.

Akalain mong nakatagal siya ng isang bwan?! that is something to celebrate right?! Kaya kung baga, hindi talaga monthsary ang icecelebrate namin, ang icecelebrate namin ay ang 1 month ni Nami sa trabaho. Tama yun nga yun. Kaya walang malisya ang gagawin ko. Thank you lang to. Simpleng pagpapasalamat ng amo sa trabahador nya. Hindi pagtatapat ng nararamdaman, panliligaw or kung anu man. Thank you lang! yun lang to! haay..yun lang naman to diba?! ----------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV ~SUNDAY~ Anu bang ireregalo ko kay Bryle?! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Wala parin akong maisip.. >_____< Damet?! nyee..eh ang dami na nung damit. Isa pa hindi sweet pag damit. Haaaaaaay..anu ba dapat?! Isip isip.. Haay..wala akong maisip! kaasar! Tsk...makapanuod na nga lang muna ng t.v. Pagkabukas ko.. Wow..ang cute naman nung cupcakes na ginagawa..parang ang sarap pa. Siguradong pag binigyan ko ng ganun si Bryle matutuwa siy-Teka..aha! alam ko na! alam ko na ang ibibigay ko. Tama! Eto nga yun..kung isa akong girlfriend at kung magbibigay ako ng regalo sa taong mahal ko, pinakamagandang ibigay ang isang bagay na ako mismo ang gumawa at pinaghirapan ko. Ok! kailangan ko na lang bumili ng ingredients! Kaya ko to! paghihirapan ko talaga to! sana

talaga magustuhan ni Bryle! :) . . . ~MONDAY~ Eto na! oras na para pumunta sa school. Monthsary na namin. Haay..feeling ko naman talagang monthsary nga namin..eh fake naman.. tsk. Kinuha ko na yung box na pinaglalagyan ng regalo ko kay Bryle. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Sana magustuhan niya. Ang sabi naman niya kahit anu diba? Kaso..parang ang cheap naman nito. Lalo na kung sa isang mayamang katulad niya ibibigay. Kayang kaya niyang bumili nito eh. Bahala na talaga. . . Sumakay na ako ng jeep. Hindi kami sabay ni Bryle pumasok kahit na 7am pareho ang time namin. Kasabay niyang pumunta sa school ang lolo niya. 6 pa lang ata andun na sila. May pinagagawa daw sa kanya yung lolo niya.. kaya ayun. . . Pagdating ko sa school.. Teka..nakakapanibago..

Bakit walang masyadong studyante na naglalakad?! o kaya pakalat kalat?! asan na yung mga yun?! . . *lakad lakad Late na ata ako sa flag ceremony..tsk. Kaya bilis bilis ako para makarating sa field kung saan ginaganap ang flag ceremony. . . Teka.. bakit ganito ang ayos ng mga studyante? Bakit hindi sila nakahanay by year?! tsaka by section? Bakit nagkukumpulan sila sa may gitna?! sa may stage kung saan andun yung magsasalita?! Maya maya..biglang napunta sakin lahat yung paningin nung mga studyante tapos nagbulungan na sila. Then unti unti silang humawan sa dadaanan. Naglakad ako papalapit. At ng makapunta na ako sa malapit sa stage.. May nakita akong naka assemble dun na gamit ng pang banda. Maya maya isa-isa ng nagdatingan yung drummer, yung bass..Anung meron? may show ba?! bakit may band?! tska nasan yung vocalis-O________________O nanlaki ang mata ko te-teka.. Totoo ba tong nakikita ko o naghahallucinate lang ako?! o dahil ba to sa hindi ko pagkaen ng

almusal?! Kinusot kusot ko ang mata ko. Siya talaga. Sinampal sampal ko ang mukha ko..Kinurot kurot ko narin. Baka kasi nananaginip lang ako. "Babe..you're not dreaming.. I'm real." nagsalita si Bryle sa microphone tapos ngumiti pa ng sobrang laki..nakakasilaw..shet. Ang gwapo niya sa stage, bagay pa sa kanya ang may dalang gitara. Kakanta ba talaga siya?! Eh diba sabi niya wala naman siyang talent sa pagkanta?! Isa pa..hindi naman nakanta yan eh, tapos ngayon kakanta siya?! at sa harap pa ng maraming tao?! Hindi talaga ako makapaniwala. "This is my first time singing actually. First time and in front of so many people. But I'm doing this basically because I want to show the girl that gave me a lot of first times, how much she means to me. I want to tell not only her but to everyone how much I love her. That's why I want you all to watch and listen as I sing my feelings for her, to the girl who made me do things I never thought I will do.. To the girl that made things I never understood make sense.. To the girl who helped me found the love that is.. ONCE IN A LIFETIME.. and that girl is now standing right in front of me. Her name is Nami Shanaia San Jose .. in case you didn't know. " pagkasabi niya nun.. ngumiti pa siya ng ngiting kahit sino kikiligin.. kaya naman syempre.. sigawan na yung mga babaeng studyante sa tabi ko.. >///////////////// . ////////////////< Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Fake lang ba tlga to?! Bakit pakiramdam ko parang totoo?!

NOW PLAYING: ONCE IN A LIFETIME BY FREESTYLE >>>>> guitar playing <<<<<

Been thinkin bout ya baby And I don't know what to do All I think about is you Seems everything around me Things I've never understood They all make sense when I'm with you.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Lalo na at sakin lang siya nakatingin ngayon. Nagsisigawan na yung ibang mga studyante pero si Bryle lang ang naririnig ko. Eto ba ang walang talent sa pagkantang sinasabi niya?! Eh eto na ata ang pinakamagandang boses na narinig ko sa lahat.

Oh, I've heard it all before Finding so called love then you leave it behind But now I feel so sure

I listen to my heart this time So I lay it on the line

Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, naiisip ko.. sana.. sana totoo nlng ang lahat ng to.. sana hindi na lang to pagpapanggap..

I know that what I've found is once in a lifetime and I know there's no way out Coz it's once in a lifetime

Sana..sana totoo na lang lahat ng sinasabi niya dito sa kanta..

I've always been so lonely No one there for me to hold And every night was just so cold Oh don't get me wrong i've been around But i've resigned myself to thinking Mine is just another story often told

Sana kinakanta niya talaga to para sakin. Sana talagang ito na lang yung nararamdaman niya..

Sana hindi na lang fake ang lahat ng to..

Oh, I've heard it all before Finding so called love then you leave it behind But now I feel so sure I listen to my heart this time put my heart before my mind

Maya maya isa isang lumapit sakin yung mga studyante na may dalang white roses. Hindi ko mabilang sa dami. Grabe.. kung totoo lang sana ang lahat ng to..

I know that what I've found is once in a lifetime and I know there's no way out Coz it's once in a lifetime

Kung totoo lang sanang MAHAL NIYA AKO..

It's not like im runnin' outta time

I'm takin' everything in stride It's just i never thought i'd find What would make me change my mind

Bumaba siya sa stage.. Tapos.. Siya naman ang nagabot sakin ng last rose.. Nakatingin siya sa mga mata ko habang kinakantahan ako..

I know that what I've found is once in a lifetime , yeah and I know there's no way out Coz it's once in a lifetime Oooh..Ooohh.. Oooh.ho Oooh..Ooohh.. Oooh.ho

Ng matapos ang kanta..Bigla niya akong niyakap..sobrang higpit.. Napayakap na lang din ako sa kanya.. Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon. Ang ewan nga eh. Masaya ako.. dahil sa ginawa niya pero at the same time nalulungkot din. Kasi alam ko naman na tong kasiyahang to, hindi ko dapat maramdaman, kasi ang lahat ng to.. fake lang

lahat. Ang tagal naming magkayakap dun.. Tapos bigla siyang umimik sa microphone.. Hindi lang pala imik..Sumigaw pala.. " I LOVE YOU NAMI!" sigaw niya pagsigaw niya nun bigla na siyang bumitaw sa pagkakayakap tapos tumingin na sakin.. "I love you too Bryle.." sagot ko at bigla nlng may tumulong luha sa mata ko Kasi naman alam kong fake lang yung sinasabi niya. Hindi totoong mahal niya ako. Hindi totoo.. and yet yung sagot ko, yung sinabi ko.. totoo.. yun talaga ang nararamdaman ko....Ang unfair. Bakit kasi hindi ka na lang talaga maging akin?! Bakit kasi pagpapanggap lang to?! Bakit kasi hindi na lang totoo na mahal mo ako?! sana kasi Bryle totoo na lang.. edi sana ang saya saya ko na.. :/ "Oh bakit ka umiiyak Nami?!" pinunasan niya ang luha ko "Masaya lang ako" sagot ko sabay ngumiti ako Kahit fake na ngiti lang yun..

CHAPTER 25.5- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY (part2) TOMMY's POV So para dito pala yun?! Kaya pala bigla na lang tinanong sakin ni Bryle kagabi kung pwede ko bang kontakin yung mga kabandmates ko at pakiusapan silang tugtugin ang kantang to.. para

pala dito. Kailan pa siya nagkainteres kumanta?! Kahit ako nabigla sa ginawang ito ni Bryle. Panu pa kaya si Nash?! gaano kaya sya nasurpresa ni Bryle?! anu kayang nararamdaman niya ngayon?!

Oh, I've heard it all before Finding so called love then you leave it behind But now I feel so sure I listen to my heart this time put my heart before my mind

Maya maya isa isa ng lumapit yung mga studyante na may dalang white roses kay Nash at binigay ang mga ito sa kanya. 99 white roses yun in totality.. Mukhang sobrang nabigla talaga si Nash sa mga nangyayari ngayon. But at the same hindi mo maiaalis sa mukha niya na masaya siya sa mga nangyayari. Masaya siya..Masayang masaya. It's as if she's really in love with Bryle. It's as if totoong sila nga. Nagkukunwari lang ba siya for the sake of the contract?! Umaarte lang ba sya for the sake of their act?! Bakit pakiramdam ko hindi. Bakit parang hindi na sila nagpapanggap?!

I know that what I've found is once in a lifetime and I know there's no way out Coz it's once in a lifetime

"Grabe toy! Hanep! si Bryle ba talaga yan?! kailan pa natutong kumanta yan?!" -Steve "Baduy pa daw ang pagkanta hu?! Tapos ngayon kumakanta siya sa maraming tao.. haha.. aasarin ko yan mamaya!" -Third "Hahaha..ako din! ang sweet nung dalawa eh. Imba ang strategy ni Bryle boi! Ganyan ang mga da moves Third!" -Steve "Tigilan mo nga ako Steve, gagawin mo na namang tungkol sakin to eh."-Third "Hahaha.. sungit.."-Steve "Pakamatay ka na!"-Third "Eto na lang katabi ko oh. Tingnan mo yung mukha.. parang gustong magpakamatay oh." sabay turo ni Steve sakin Tiningnan ko lang ng masama si Steve.. tapos bumalik na ulit ako sa panunuod kila Bryle at Nash.

It's not like im runnin' outta time I'm takin' everything in stride It's just i never thought i'd find

What would make me change my mind

Bumaba si Bryle sa stage.. Tapos.. Siya naman ang nagabot kay Nash ng rose.. ang pang 100 na rose. Nakatingin siya sa mga mata ni Nash habang kinakantahan to. Ewan ko ba.. pero naiinis ako. Napapa close fist na lang ako. Naiinggit ako kay Bryle kasi kaya niyang gawin ang bagay na to sa harap ng maraming tao. Pwedeng pwede niyang ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal niya si Nash. Pero ako.. "Oi Tommy, bakit aalis ka na?! intayin na natin sila Bryle. Hindi pa tapos kumanta yung loko oh." -Steve "Hayaan mo na nga sya Steve.. magpakamatay pa yan bigla dito eh." -Third "Sabi ko nga eh..hehe..sige Tommy..walk out ka na ^__^" -Steve Tsk.. pang asar pa tong dalawang to eh.. Haaays..nagtuloy na ako sa paglalakad. Ayoko ng makinig.. Ayoko ng manuod. Masakit eh.. Sobra..

I know that what I've found is once in a lifetime , yeah and I know there's no way out

Coz it's once in a lifetime Oooh..Ooohh.. Oooh.ho Oooh..Ooohh.. Oooh.ho

Nasa hallway na ako, naglalakad parin papunta sa tambayan.. pero naririnig ko parin ang pagkanta ni Bryle. At hindi ko maiwasang makita sa isipan ko ang imahe nilang dalawa.. " I LOVE YOU NAMI !" Natigil ako sa paglalakad ng marinig kong sinigaw yan ni Bryl Naiinis ako ngayon sa totoo lang pero hindi kay Bryle. Kundi sa sarili ko. Dahil ang mga salitang nakayang ipagsigawan ni Bryle, yan naman ang mga salitang pilit kong sinisikreto kahit na yan ding mga salitang yan..ang pinaka gusto kong ipagsigawan sa buong mundo. Pero hindi pa pala yan ang pinakamasakit na parte.. . . "I love you too Bryle.." Yan ang sunod kong narinig. Mga salitang pilit na bumingi sa tenga ko. Mga salitang nagpatigil ng mundo ko. Mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya kaso sa iba niya nga lang sinabi. Mga salita ni Nash..na nangwasak ng tuluyan sa puso ko. "Arghhhhhhhhhhhhhhhhh!!" Napasuntok nlng ako sa may pader na nadaanan ko Pinagsusuntok ko yun ng pinagsusuntok. Masakit na nga ang mga kamay ko pero wala yung sakit na yun kung ikukumpara sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.. sobrang bigat.. sobra.

Susuntok pa sana ako ng isa ng biglang may humawak sa kamao ko. "Tama na Tommy.. Tama na.. " at pagharap ko nakita ko si Katie, may tumutulong luha sa mata niya Hindi ko na nagawang magsalita. Bigla nlng akong yumakap sa kanya. Ito ang unang beses na umiyak ako..dahil sa isang babae. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "I love you too Bryle.." sagot ni Nami, nabigla ako dahil biglang may tumulong luha sa mata niya teka bakit?! may nagawa ba akong mali?! may nasabi ba akong masama?! Naiyak na ba sya sa sobrang kahihiyan?! napasobra ba yung ginawa ko?! Anung gagawin ko?! "Oh bakit ka umiiyak Nami?!" tanung ko sabay pinunasan ko yung luha niya Peste naman oh, sabi ng ayokong nakikita siyang umiiyak eh.. tapos ako pa ata ang may gawa ngayon! "Masaya lang ako.." sagot nya sabay ngumiti Pero bakit ganun?! parang may iba sa ngiti niya.. parang hindi totoo.. bakit pakiramdam ko malungkot siya?! Hindi niya ba nagustuhan yung kinanta ko?! Pinag isipan ko pa naman mabuti yung kantang yun. Sabi kasi nung teacher sa voice lesson na pinadala ni Tanda.. mas magiging effective na ang pagkanta at mas mararamdaman ng

audience ang kinakanta ng isang tao kung nararamdaman din nung kumakanta yung kinakanta niya. Ang sabi sakin dapat daw yung kakantahin kong kanta eh yung kantang pag kinakanta ko, may tao akong naiisip at yung lines nung kanta, sumasang ayon sa nararamdaman ko. Kaya nga eto yung napili ko eh. Nung marinig ko tong kantang to, ewan ko ba.. bigla na lang pumasok si Nami sa utak ko. ONCE IN A LIFETIME.. para sakin kasi.. Tamang tama yung term na yun kay Nami. Kasi alam kong once in a lifetime lang ako makakakita ng babaeng katulad niya.. at yung lines nung kanta.. sa tingin ko sakto rin naman sa nararamdaman ko kahit papano. Pero kung sinunod ko naman yung turo sakin.. bakit kaya hindi parin masaya si Nami?! Akala ko pa naman mapapasaya ko siya.. EPIC FAIL pala.. *paaaaaaaak! Napatingin kaming lahat sa building sa likod ng stage.. bigla kasing may nagsabog ng confettis.. Sobrang dame.. Tapos kasabay nun biglang may lumadlad na tatlong banner mula sa 4th floor ng building hanggang 1st floor..Ganito ang itsura.. I H I............................I F I................................I M I I A I............................I I I.................................I O I I P I............................I R I................................I N I I P I............................I S I................................I X I I Y I............................I T I................................I A I .............................................................................I R I .............................................................................I I I

Ganyan yung itsura.. tapos sa tabi nung tatlong banner eh yung malaking t.v. na ginagamit tuwing may live concerts na gagawin or pag may nagpeperform sa stage pag may events sa school. Kung baga yun ay para may mas malaking view. Minsan ginagamit din yun para mag flash ng important announcements galing sa president ng school. Minsan lang yun bumubukas.. Kaya nabigla ang lahat ng bumukas yun ngayon.. at ang nakalagay?! "HAPPY FIRST MONTHSARY BRYLE AND NAMI!! HOPE YOU MAKE A BABY SOON! -LOVE YOUR LOLO: BERNARD CHRIS STANFORD ^_____^v " wtf ?!! "Nagustuhan niyo ba ang surprise ko sa inyo apo?!" nakangisi pang sabi sakin ni Tanda, kailan pa to nakalapit sa amin ni Nami?! "Anung nagustuhan?! anu bang katangahan yan huh?! nakakahiya ka talagang matanda ka alam mo yun?!" "Bakit?! anung mali sa ginawa ni lolo?! nag effort na nga akong magpagawa ng banner eh! tapos nagpagawa pa ako ng powerpoint para ilagay dyan sa bigscreen oh!" "Tae ka ba?! eh basahin mo nga yang nilagay mo! Anung Hope you make a baby soon?! anu ba naman yan! hanggang dito ba naman?! isa pa..school to..important announcements lang ang dapat ipinapalabas dyan! haynako naman!" "Anu bang masama dun?! Kj mo naman talaga Bryle oh! wahaha..basta, ako naman ang may

ari ng school..gagawin ko ang gusto kong gawin! wahaha! Isa pa tingnan mo okei lang naman kay Nami oh?! tingnan mo, nakatingin parin siya.." "Anung ok kay Nami?! baliw ka! Natulala na siya sa sobrang kahihiyan! waaaaaaah! anung ginawa mo kay Nami!!" Inaalog alog ko na si Nami kaso ayaw niyang magrespond! waaaaaaah! "Nami!! hoy Nami!!" "B-bryle..a-alisin.." "Huh?! anu Nami?!" "A-alisin.." "Anu?!" "IPAALIS MO YAN! kyaaaaaaaaaaah! ayoko niyan Bryle!!! waaaaaaaaaaaah!!! huhuhu! nakakahiya! wag mo ng ipaflash yan sa bigscreen! maawa ka naman oh! wahuhuhuhuhu!! waaaaah!" at ayun nagsimula ng magwala si Nami na parang bata dun.. "Nakita mo na ang ginawa mo?! alisin mo na kasi yan! panira ka ng diskarte eh!" sigaw ko kay Tanda.. Biglang tumungo si Tanda pagkasabi ko noon at nagsimula ng magdrama.. Tsk..lakas tama talaga neto.. Nakatungo siya habang nagsslow motion ng lakad paalis..habang nagsasalita ng ganito.. "*sniff.. Ginawa naman ni Lolo ang lahat para isurprise kayo.. *sniff *sniff.. gu-gusto ko lang namang mapasaya kayo eh.. *sniff *sniff.. wala naman akong intensyon na *sniff *sniff.. huhuhu.. ansama mo Bryle.."

Haaaaaaaay! "Ou na! ou na! thank you narin! Pwede mong iflash yan sa bigscreen pero hanggang lunch lang huh! tanggalin mo din yan agad!" Psh bakit ba hindi ko matiis tong matandang to! "Talaga?!" bigla syang tumunhay .. takte kanina lang kala mo namatayan to,,ngayon napaka energetic na naman,,haynako..siraulo talaga tong isang to.. "Oo na nga eh diba?!" "Ok lang kay Nami?!" Tumingin siya kay Nami.. Nag puppy eyes pa ang potek na matanda! nakakadiri eh! At syempre..isa pang mahina tong babaeng to.. "Si-sige na nga po!" "Yey! yey! I love you na talaga Nam--" "Hep hep hep! pwera yakap! wag ka nga! ako lang pwedeng yumakap kay Nami no!" pagtataboy ko kay tanda..dadambahin na naman niya si Nami at yayakapin eh.. tsk "Damot..tsk.. haha.. anyway..pumayag na kayo huh?! May idagdag pa ako dyan eh.. " "Huh?!" sabay pa kami ni Nami dyan "Panuorin niyo na lang oh.." sabay tinuro niya yung bigscreen Tumingin kaming dalwa ni Nami... . . O_______________O >________________<

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bwisit na matandang yun!! Pinapalabas ngayon yung slideshow ng mga pictures namin ni Nami. Yung pictures namin na kuha sa phone ko! takte! kaya pala parang may nakialam ng cellphone ko kagabi!! waaaaaaaaaaah! Kadiri talaga sya! tapos ang background music pang tumutunog eh "WALANG IBA" by Ezra band! PSH na matandang to!! waaaaaaaah! "Patay ka saking matan--teka asan na yun?!" pagtatanong ko kay Nami "Nagshupi na Bryle..ayun oh." tapos tinuro sakin ni Nami kung nasan si Tanda Pagtingin ko.. ^___^v nag peace sign pa sakin tapos umalis na! PSH!!!!!! Sobrang kahihiyan na to!! =_________= -----------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Para kaming Zombie ni Bryle na naglalakad ngayon papunta sa tambayan nila nila Third. Dineclare ng lolo niya na wala daw munang klase ng next period, kaya eto kami ngayon. Hiyang hiya kami ni Bryle. Kulang na lang magpakaen kami sa lupa sa sobrang kahihiyan. Ang lakas naman kasi ng trip ng lolo ni Bryle eh. Pinagppyestahan na tuloy ng mga studyante yung pics namin ni Bryle. Eh mukha pa naman kaming tanga dun.. =_____=. Wala kaming matinong pictures ni Bryle.. puro wacky... TT______TT "Oh bakit ganyan ang itsura niyong dalawa?!" -Steve

"Hahahaha.. imba talaga lolo mo Bryle..the best! " -Third "Heh! tigilan niyo nga ako! bwisit!" -Bryle "Relax lang pare..haha. Enjoy na lang kayo.. monthsary niyo eh.."- Steve "Psh! sinong makakapag enjoy kung alam mong pinagppyestahan ng mga studyante ang pictures niyo sa labas?! tapos may background music pa! PSH!" mukhang bwisit na bwisit na si Bryle.. pinagsisipa niya yung mga upuan "Ayaw mo nun?! romantic.. parang yung kanina lang. Hindi mo sinasabing may talent ka pala sa pagkanta! I know that what I've found is Once in a lif--" natigil si Steve ng pagkanta kasi sinamaan na siya ng tingin ni Bryle Kaya ayun..nagkaroon ng katahimikan. at dahil sa hindi ko na kinaya ang katahimikan.. Nagsalita na ako.. "Ah.. Bryle..anu.." "Anu?!" bwisit niyang sabi Ang init naman ng ulo neto oh.. ang sweet kanina tapos ganito ngayon.. Bipolar..tsk.. "Ah..kasi eto oh.. yung regalo ko.. hindi ko naibigay." tapos inabot ko sa kanya yung box na dala ko.. "Anu to?!" tanung niya sabay kuha sakin "Buksan mo na lang.." Pagbukas ni Bryle.. "Cupcakes?!"

"Oo.." "Ikaw ang gumawa?!" "Oo.." Tinitigan lang niya yung cupcakes.. Tae, ayaw ba niya?! nageexpect ba siya ng mas maganda?! Aw.. kumpara nga naman sa roses na binigay niya.. walang wala yung sakin! Tsk! antanga ko naman kasi eh! "Hoy Bryle.. ayaw mo ba?! Kung ayaw mo pwede ko namang ibigay kila Steve at Third eh. Picturan mo na lang yan para maipakita sa lolo mo kung gusto mo. Hindi mo naman kailangang kainin eh." "Oo nga pare..gutom narin kami eh..ibigay mo na lang samen kung ayaw mo." -Steve "Oo nga Bryle..mukhang masarap..penge nga." dadampot na sana si Third ng cupcake kaso biglang iniwas ni Bryle "Walang kakain nito! Anu kayo siniswerte?! wahaha! Mag girlfriend narin kasi kayo! Edi sana may gagawa rin sa inyo ng home made cupcakes! wahahaha! akin lang to mga ulol! wala akong balak kainin to!" "Eh Bryle ang damot mo! bubulukin mo ba yan?! kainin na natin!" pinipilit agawin ni Steve kay Bryle yung box ng cupcakes "Ayoko nga! bigay to sakin ni Nami eh! bawal!" "Penge sabi Bryle! Third hawakan mo bilis!"-Steve Tapos ayun pinagtutulungan na ni Third at Steve si Bryle kaso ayaw niya talagang mamigay. Hahahaha.. buti na lang pala nagustuhan naman pala niya. Ang ewan kasi ng reaksyon niya

eh. Titigan daw ba yung cupcakes?! haha. Hindi ko maiwasang mapangiti, knowing na kahit cupcakes lang yun eh ganito na nya kung ipagdamot. Meaning pinapahalagahan niya yun. . . "Aray ko..TT____TT" daing ni Steve habang nakaupo sa may table at hinihimas yung bukol niya sa ulo "Sabi ko naman kasi sayo Steve dapat bumili nlng tayo ng cupcakes..takte ang sakit ng likod ko.." -Third "Buti nga sa inyo..ayaw niyo pa akong tigilan huh?!" -Bryle Nakaupo na silang lahat sa table ngayon. Bugbog sarado yung dalawa kay Bryle eh..haha.. kawawa naman. "Teka Bryle..anung nagyari dyan sa daliri mo sa kamay?! bakit may band aid?!" ngayon ko lang napansin eh "E-eto? ah..wa-wala to! wag ka na ngang magtanong dyan!" sagot niya habang umiiwas ng tingin sakin Teka,,kung matatandaan ko.. yun ang gamit nyang kamay nung naggigitara siya. Teka..wag mong sabihing nasugatan siya sa sobrang pagppractice sa gitara?! "O Nami bakit ka nakangiti dyan? nababaliw ka na ba?!" nagtanong pa to.. kasalanan mo to eh.. knowing na nag effort ka..sino bang hindi mapapangiti diba?! Kahit na kanina nalulungkot ako kasi fake lang to lahat. But knowing na nag effort ka.. masaya na ako dun. "Wala..tsk..ai teka..nasan nga pala si Tommy?! bakit wala siya dito?!"

"Ewan ko din..nasan nga ba yun huh Steve?!" -Bryle "Hindi ko din alam eh...ikaw Third alam mo?!" -Steve Biglang nag iba yung aura ni Third. Aala ko magwawalk out na siya eh.. kasi tumalikod na siya samen.. Pero bigla siyang tumigil.. Huminga siya ng malalim tsaka sumagot.. "Andun sa labas.. kayakap ang babaeng mahal ko.." at tuloy tuloy ng lumakad paalis Anu daw?! kayakap ang babaeng mahal niya?! sinong mahal niya?! tsaka si Tommy?! may kayakap?! sino naman yun?! so that means magkaribal sila ni Third?! "Anung nangyari dun Steve?!" tanung ni Bryle "Ewan.. brokenhearted ata."-Steve "Hindi niyo ba susundan?!" tanung ko "Yaan mo na lang sya, malaki na yun. Isa pa may pupuntahan pa tayo Nami.." -Bryle "Huh?! saan?!" "Date.." "Huh?!" "We're going out on a date!" teka.. >////////////////// . /////////////////////< Date daw?! magdedate daw kami?! "Talaga Bryle?!"

"Yeah.. it's part of the act remember?!" Ow.. para parin pala sa pagppretend. Nawala sa isip ko yun ah. Akala ko he's really asking me to go out on a date. Pagpapanggap parin pala. "Sa-sabi ko nga Bryle. Para diba may klase pa tayo maya may--" "Alam na ni Tanda na hindi tayo papasok. Kaya tara na..bibili pa tayong damit..tsaka papaayusan pa kita." "Ok.." walang gana kong sagot tapos tumayo narin ako.. Kung hindi lang to fake, nagtatalon na ako sa saya at sobrang excitement. Haaaaaay.. pero walang patutunguhan kung magddrama ako dito. Might as well enjoy the night. Iisipin ko nlng totoong nagdedate kami. Atleast kahit para sakin lang. "Hoy teka, iiwan niyo ako dito?!" -Steve "Obvious ba?! alangan namang sumama ka samin?!" -Bryle "Sabi ko nga eh..tsk.. kainis naman tong mga to oh. Hanap na nga lang ako ng babae.. hays.." -Steve at ayun nga.. iniwan na namin si Steve.. Sumakay na ako sa kotse ni Bryle. Pupunta kami sa boutique shop na bilihan ng damit ng mga Stanford. Tapos papauyusan pa ako.. haay.. anu kayang mangyayari sa gabi namin?! Sana kasi totoo na lang date to eh. Haaaaay,, sana magkaron ng milagro o kaya sana may dumaang wishing star o may dumating na fairy godmother tapos magwiwish ako.. baka sakaling mahulog sakin si Bryle. :/

CHAPTER 25.9- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY(PART 3)

NASH's POV "Ayoko niyan masyadong daring. Lmigin pa si Nami mamaya. Pili ka pa ng iba." naknang! si Bryle yan! nakailang palit na ako ng damit huh! napaka choosy naman nito eh! Eto may inabot na namang dress sakin tong personal designer nila Bryle. Hays.. sana naman ok na to. Pagod na talaga akong magpapalit palit ng damit eh! Kanina pa kami dito, nagtagal lang dito sa damit ko. Si Bryle kanina pang nakapili ng para sa kanya eh. Pag hindi pa pumayag si Bryle dito sa dress na ito.. nako magwwalk out na talaga ako! >___< Isinuot ko na yung white dress na above the knee tapos medyo fit sa katawan ko. Hmm.. Sa lahat ng sinukat ko parang ito ang pinaka gusto ko.. simple lang pero elegant. Lumabas na ako ng fitting room para ipakita kay Bryle ang suot ko.. "Oh anu ok na ba?!" tanong ko Si Bryle ganito oh >>>> O____________O Wag mong sabihing ayaw na naman niya?! PSH! "Hoy Bryle! Wag mong sabihing ayaw mo na naman neto! Ugh! ayoko na talaga! Pagod na ak--" Magwawalk out na sana ako niyan kaso bigla akong nahawakan ni Bryle sa braso "Wait Nami! No! Hindi sa ayaw ko..It's just I'm...(*hingang malalim) stunned. The dress looks surprisingly perfect on you." >//////////////// _______ /////////////////< Eto na naman siya sa pagpapabilis bigla ng puso ko out of the blue! Kainis ka talaga Bryle! "Ehem" naalis ang tingin namin sa isa't isa ng biglang umepal este umubo yung bading na designer

"Sige ito na ang kukuhanin namin." sabi ni Bryle dun sa designer Ngayon naman nakasakay na ulit kami sa kotse papunta naman sa bilihan ng jewelries daw at heels.. Psh.. ayokong magsuot ng heels! Baka mabalian na naman ako eh! TT____TT . . "Bryle..ang taas naman neto eh! Ayoko neto!" pagrereklamo ko kay Bryle Eh sobrang taas naman kasi talaga nung heels eh! Maganda nga yung design may crystals pa nga eh.. Kaso sobrang taas talaga! 4 inches ata yun. Mataas na yun para sakin! 2 inches pa nga lang nagtataob na ako! At hindi lang yung heels ang mataas.. Sobrang taas din ng presyo! Mapapanganga ka talaga! Mas mataas pa sa sweldo ko eh! "Heh! susuotin mo yan! Wala kang magagawa! Masasanay ka rin dyan. Ilakad mo papunta sakin bilis." "Huh?! ala baka magtaob ako." "Nami naman oh.. bilis na.." "Per--" "Nami!" "Ou na! eto na nga eh!" nakakatakot talaga sya pag sumisigaw! PSH! pag ako nagtaob lang, humanda ka sakin Bryle! Kung hindi lang talaga kita-"MAHAL!" napasigaw ako nun ng bigla akong matalapid paglalakad, buti na lang malapit na ako kay Bryle kaya nasalo niya ako PSH naman oh! Naisigaw ko pa tuloy yung nasa isip ko! Para akong ewan! ang bobo ko talaga.

"Kelan pa naging MAHAL ang tawag mo sakin huh Nami?!" Nakangiting sabi ni Bryle habang hawak hawak pa ako sa beywang at ako naman ay nakahawak sa balikat niya >/////// _________ //////< waaaaaaaaaaah! Kailangan bang lage na lang niyang pabilisin tong puso ko?! kanina pa siya huh! "A-anu ka ba! Hi-hindi yun ang ibig kong sabihin! Asa ka pang tatawagin kitang mahal! A-anu ang ibig kong sabihin dun.. Ang MAHAL naman neto! Nakakapanghinayang kasi!" Pagkasabi ko nun, binitawan na niya ako.. "Tsk.. hindi naman ikaw ang magbabayad eh. Isa pa wala ka naring magagawa. Nabayaran ko na yan. Kaya sanayin mo na lang ang sarili mo..tara na nga." hinaya niya yung kamay niya sakin Binigyan ko naman siya ng look na "Anu yan?!" "Haay..hindi ka pa sanay diba?! Kaya humawak ka sakin. Baka mamaya matalapid ka na naman." Kaya ayun humawak nga ako sa kanya.. Waaaaaaaaaah! Nanginginig ako! Hindi dahil sa takot akong matalapid kundi dahil kinakabahan ako ng sobra kasi hawak niya ang kamay ko! Ewan ko ba, dati pa naman niyang hinahawakan ang kamay ko eh, at ng mga panahong yun naiirita ako pero ngayon.. iba na eh.. ibang iba na.. . . .

After ilang minutes.. sa isang beauty salon naman kami pumunta. Papaayusan na ako.. at take note, ang lolo ni Bryle pa ang personal na namili ng magaayos sakin. Sweet talaga ng lolo ni Bryle. Although may pagkaweird talaga yun. Hindi ko parin malimutan yung surprise niya samen kanina! grabe lang! Iniwan ako ni Bryle dito habang kung anu anu na ang ginagawa nila sa kuko, mukha at buhok ko.. Ang bilin daw kasi ng lolo ni Bryle dun sa mga mag aayos sakin, hindi muna ako dapat makita ni Bryle para daw may thrill. Kaya mauuna sa venue si Bryle, ihahatid nlng daw ako ni manong Eddie sa lugar kung saan magaganap ang date namin ni Bryle. Hindi ko nga alam kung saan eh.. Tsk Anu kayang magiging itsurahin ko?! Kung anu anu ng ginagawa nila sakin! Huhuhu.. wag naman sana akong magmukhang clown. Sana talagaa gumanda ako. Sana yung gandang makakapang akit kay Bryle para mahulog na siya sakin! Ai leshe! Anu ba to?! Bakit ang landi ko na ngayon?! -______- kasalanan to ni Bryle eh! Bakit ka kasi nakaka in love?! ----------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV PSH! Antagal naman ni Nami oh! Kanina pa akong nakaupo dito eh! Kung anu anu pa kasing pakulo ng matandang yun eh! Kung bakit pinagbawalan pa akong makita si Nami! DDapat nagsabay na lngg kaming pumunta dito eh! Haay.. baka mamaya kung anu ng ginawa ng mga yun sa kanya, mamaya hindi bagay yung make up.. o yung buhok.. patay talaga sila sakin pag hindi ko nagustu---------------O_______________________O Natigilan ako at nanlaki na lang yung mata ko.

Nagsimula ng tumugtog yung violinists.. sabi ko kasi pag dumating na si Nami.. Tumugtog na sila.. At saktong sakto.. Eto na nga si Nami, naglalakad na papunta sakin.. NOW PLAYING: WONDERFUL TONIGHT (a/n: ilalagay ko po yung lyrics nung kanta but in actual, violin lang tlga yung tumutunog huh.. walang nakanta jan,, para lang masundan niyo yung beat..) check out the video posted sa tabi.. ganyan yung tunog ng violin..

It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear. She'll put on her make-up and brushes her long blonde hair. And then she asks me, "Do I look all right?" And I say, "Yes, you look wonderful tonight."

Bigla na lang akong napatayo sa upuan ng makita ko si Nami. Sya ba talaga tong babaeng papalapit sakin ngayon?! Para kasing hindi sya totoo. Ang ganda ganda niya ngayon.. I am really surprised.

We go to a party and everyone turns to see This beautiful lady that's walking around with me. And then she asks me, "Do you feel all right?"

And I say, "Yes, I feel wonderful tonight."

Lumakad ako papalapit sa kanya. Parang may something na humihila sa mga paa ko papalapit sa kanya. At the same time I can't take my eyes of her. My eyes, it's as if they are glued to her. I feel wonderful because I see The love light in your eyes.

Nagkatagpo na kami sa gitna. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niyang naiilawan ng mga kandilang nakapaligid sa amin.

And the wonder of it all Is that you just don't realize how much I love you.

Nasa ilalim kami ng napakagandang langit, puno ng mga bituin, pero bakit hindi ko maappreciate ang ganda ng langit ngayon?! Walang wala kasi yun kung ikukumpara kay Nami ngayon.

It's time to go home now and I've got an aching head, So I give her the car keys and she helps me to bed.

"Bakit ganyan ka makatingin Bryle?! waaaah..sabi ko na nga ba eh. Mukha akong ewan no?!

sabi na eh! Mukha akong bakla no?!" biglang nagsalita si Nami tapos tinatakpan niya ngayon yung mukha niya "Ta-tanga! Alisin mo nga yang kamay mo! Hindi ka mukhang bading!" hinawakan ko yung dalawa niyang kamay na pinantataklob niya sa mukha niya "Talaga?! Hindi ka nagsisinungaling?!" aw.. bakit sobrang ganda niya ngayon?!

And then I tell her, as I turn out the light, I say, "My darling, you were wonderful tonight.

"Hindi ako nagsisinungaling.. You really look wonde--" Naputol ang sasabihin ko kasi may biglang umepal =__________= "Mam, sir.. dinner is ready.. baka gusto niyo munang umupo?! :)" PSH! anung ginagawa nito dito?! Yeah! Ang nasa harap ko lang naman ngayon ay ang panget na si TJ SILVERO! panira ng moment to eh! "Chef Tj?!" napaiwas ng tingin sakin si Nami at napatingin kay Tj bwisit! "Hi Nash.. :)" "EHEM! Parang kami ata ang nagdedate at hindi kayo." Sabi ko as I snatched Nami away from him "I know..relax Bryle.. I'm here to serve you.. I'm your personal chef for this night.. Lolo mo ang pumili sakin ^___^" "Tss.." yan na lang ang sinagot ko tapos umupo na kami ni Nami sa dining table

Ayos na eh.. Kung bakit dumating pa tong Tj na to! Ang ganda na sana ng gabi ko eh! . . After maiserve ang main course, dessert, appetizer.. "Baka gusto mo ng umalis Tj?!" -ako "Baka kasi may gusto pa kayong irequest.. alam niyo na.. :)" aba at talagang inaasar ako neto.. "Hmm..meron pa nga.. eto oh.. Kuhanan mo kami ng picture.." sabay inabot ko sa kanya yung cellphone ko.. Pumunta ako sa pwesto ni Nami..Hinigit ko siya patayo.. Tapos.. sakto . . Her LIPS.. MET MINE.. Mabilis lang.. Ang itsura ko at ni Nami.. O_____________________O >>>> ako >/////////////// ___________ //////////< >>>> NAMI

Actually kahit ako nabigla rin kasi hindi ko tlga intensyon na halikan siya..

Napalakas lang ang higit ko.. pero naisip ko.. hindi dapat mahalata ni Tj na nabigla ako. Kung hindi baka magduda sya sa amin ni Nami, baka makarating pa to kay lolo.. Kaya naman.. "Nakuhanan mo ba yun?! Make sure you got that o kailangan pa naming ulitin ulit sa harap mo? ;)" sabi ko kay Tj na nakatulala parin sa ginawa ko "Ah..No-no.. I.. got it.. I captured it.. perfectly.. here.. I guess my job is done here.. Enjoy the night both of you.." pagkaabot nya sakin nung cellphone ko, umalis na rin sya.. Hahaha! Buti nga sayong Tj ka! Tapos kay Nami naman ako humarap.. Tsk.. Hindi nya ako magawang tingnan.. Parang nasa state of shock parin sya! Takte.. teka..anung gagawin ko?? Ang awkward. *lingon lingon.. AHA! Nakita ko yung malaking white teddy bear na regalo ko para kay Nami. Nandun yun sa isang upuan malapit sa amin. Kinuha ko yun.. "Oh.." sabay abot ko kay Nami "Ah Bryle.. para sakin ba to?!" "Baka hindi.. baka sa hangin lang.. Bobo! =___=" "Tsk! Kung makabobo ka naman dyan huh! Kyaaaaaaaah! Ang cute niya! itatabi ko to sa kama ko! wee! thanks Bryle!" "Dapat lang na itabi mo yan sa kama. Ayoko ng makitang katabi mo yung panget na panda na

bigay sayo ng panget na Tj na yun! Itapon mo na yung pandang yun!" "Itapon?! wag naman no!" "Tsk.." "Hindi ko na itatabi sa kama pero hindi ko naman pwedeng itapon no." "Ilagay mo na lang sa c.r." "Anung sa c.r. ? tanga ka ba?!" "Edi sa aparador.. o kaya ilagay mo sa refrigerator.." "Bryle!" "Tsk.. ou na.. basta ayoko ng makitang katabi mo yun sa kama! Feeling ko si Tj ang katabi mo eh!" "Ou na! Eto na lang si-- ai teka.. anung pangalan neto Bryle?!" "Hmmm.. teka.. SHRYLE.." "SHRYLE?! anla! edi pang babae?! hindi pwede! lalaki siya!" "Hoy Nami! Hindi lalaki yang teddy bear na yan! Babae yan! Hindi ako papayag na may katabi kang lalaki sa kama mo kahit na teddy bear lang yun!" "Eeeh Bryle ayoko ng babaeng teddy bear!" "Heh! wala kang magagawa! ako ang bumili niyan! " "Eh ako na naman ang may ari eh!" "Basta! Hindi lalaki yang teddy bear na yan! Kung hindi kakatayin ko talaga yan!" "Kung ayaw mo ng lalaki.. pwedeng bading na lang?!" "=____="

"Ou na! babae na nga! Kainis naman to oh! Sige si SHRYLE na to! ^_____^" "Good.. sabihin mo sakin pag naging tomboy yan.. bubugbugin ko yan.." "Bryle naman eh.." "Haha..joke lang.. pano ko magagawa yun sa anak natin?!" "A-anak?! Hindi pwede! Virgin pa ako Bryle!" sabay pinagcross pa niya yung arms niya sa may chest niya "Kung ganun, edi anak ko na lang yan sa ibang babae.. mas gusto mo yun?" "H-huh?! hindi! sabi ko nga eh! Ampon natin sya." Parang abno lang ang usapan naming dalawa.. pero atleast mukhang naging warm na ulit ang atmosphere.. nakalimutan na niya yung nangyari samin kanina.. . . . Nagsslow dance kami ni Nami. Syempre para sa picture na ibibigay ko kay tanda. Kailangan naming magmukhang parang nagdedate talaga. Pero sa totoo lang.. habang nagsasayaw kami.. Nung ngumiti sakin si Nami habang magkatinginan kami.. May iba akong naramdaman.. May something dito sa dibdib ko. Parang biglang may nagbago kay Nami sa paningin ko. basta.. may iba akong nararamdaman sa tuwing titingnan ko siya ngayon. Bigla siyang nagsalita. "Ah..Bryle.." "Ba-bakit Nami?!" Nauutal na ako kasi hindi ko nga malaman kung bakit parang may iba sakin ngayon, may iba akong nararamdaman pag tinitingnan ko siya.. may iba sa puso ko..

"Kasi..anu..may gusto sana akong sabihin sayo.. " "A-anu naman yun?!" "Promise mo muna sakin na seseryosohin mo tong sasabihin ko. Hindi mo ako pagtatawanan o di kaya naman sana wag magbago ang pagtingin mo sakin. Sana pagkatapos kong sabihin to.. sana hindi ka mawala sakin." "Sige.. promise.. diba sabi ko naman sayo hindi kita iiwan?! " "(*hingang malalim)... Alam mo Bryle matagal ko na tong kinikimkim.. Ayoko pa sanang ipaalam sayo pero.. Hindi ko na kasi ata kaya.. kaya siguro dapat ko na ngang sabihin sayo. Bryle .. MA----" Naputol ang sasabihin ni Nami ng.. Potek! Kailangan bang lage nlng siyang umepal?! =___= Sapakin ko na to eh! "Ah pasensya na sa abala.. pero kasi.. may tawag kasi kayo galing sa lolo niyo eh." yan ang sabi ni Tj sabay abot sakin ng cellphone.. Potek.. anu na naman bang kailangan ng matandang to?! Kinuha ko na yung phone.. AKO: OH ANU? TANDA: BAKIT DI MO SINASAGOT YUNG PHONE MO? KAY TJ TULOY AKO TUMAWAG! AKO: NAGDEDATE NGA KAMI EH DIBA? ISTROBO KA NAMAN EH! TANDA: TSS..ANG SUNGIT MO TALAGA.. IREREMIND LANG SANA KITA DUN SA PICTURES.. TSAKA NAMISS LANG NI LOLO ANG BOSES MO! GUSTO KO LANG MA-*TOOT TOOT

Inend call ko na.. PSH! masisigawan ko lang yung matandang yun eh! iNabala niya ako dahil lang dun?! king ina mels talaga oh! Inabot ko na kay Tj yung cellphone tapos humarap na ulit ako kay Nami.. "Anu na nga ulit yung sinasabi mo? ituloy mo na.." "A-anu..wala..wala yun..wag mo na palang intindihin.." "Anung wala?! ituloy mo na! Nami hindi kita titigilan hangga't hindi mo tinutuloy..andun ka na eh diba? Bryle Ma-- anung sunod dun?! ituloy mo na bilis! Bilis!" "A-anu..ang sabi ko Bryle Ma-- anu.. ahm.." "Anu na?!" "Sabi ko.. Bryle Ma- MATATAE AKO! kaya umuwi na tayo!" pffft..Hindi.. hindi ako tatawa.. "Ahahahahahahahhahaha! sorry Nami huh! ahahaha! sabi ko hindi kita pagtatawanan, Hindi mag iiba ang tingin ko sayo.. pag sinabi mo sakin yung sasabihin mo.. kaso.. ahahahahaha.. Laftrip! shet! Ganda ganda mo ngayon tapos.. ahahaha!" "Bryle naman eh!" "Ahahahahahahahhahahahahaha! Sorry talaga! ahahaha! sya tara na nga.. baka dito ka magkalat eh! ahahahahaha" Kaya nga eto.. papunta na kami sa condominium.. Akala ko talaga kung anu na yung sasabihin niya sakin kanina. Seryosong seryoso kasi yung expression niya eh.. akala ko talaga may mahalaga na siyang aaminin.. tapos.. Ahahahaha! shet! pinapasakit talaga ng babaeng yun lage ang tyan ko kakatawa! hahaha

-------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Andito na ako sa condo ko. Hinatid lang ako ni Bryle tapos umalis narin sya. Pagod narin kasi sya eh.. Haaaaaay.. Muntik na ako kanina dun huh. Kung hindi lang naputol yung sasabihin ko kanina.. Siguro.. Siguro.. Siguro nasabi ko ng Mahal ko siya.. Waaaaaaaaaaaah! Buti na lang talaga at magaling akong magpalusot! Kahit na medyo nakakahiya yung naisip kong palusot! Kung nagkataon! hays! Muntik na talaga akong umamin! Nadala kasi ako masyado ng emosyon ko habang pinagmamasdan ko siya kanina. Habang tinitingnan ko siya para bang may nag udyok sakin na gustuhin na umamin na para maging totoo na lang lahat ng to. For a second nakalimutan kong pwedeng mawala sakin ang condo ko, ang sweldo ko, ang contract at si Bryle sa pag amin na gagawin ko. Buti na lang talaga at sa pagtawag nung lolo ni Bryle eh nakapag isip isip ako.. at naalala ko ang consequences na mangyayari kung sakaling umamin ako.. Buti na lang talaga! Haaaaaaay.. Nanndito ako ngayon sa c.r. sa harap ng salamin.. Anu kayang naramdaman ni Bryle nung nakita niya ako?! Nagandahan kaya siya sakin?! Kahit ba papano naapektuhan ko siya?!

Tapos napatingin ako sa labi ko..Hinawakan ko yun.. Anu kayang naramdaman niya nung nagkahalikan kami?! Anu nga kaya?! Wala lang ba talaga sa kanya yun?! o act parin lang yun para sa kanya?! Sana naman kahit konti may naramdaman siya diba?! Sana naman kahit papano maging memorable yun para sa kanya. Kasi ako.. hinding hindi ko na ata makakalimutan ang nangyaring yun. Kahit aksidente lang yun o parte lang ng pagpapanggap.. Isa pa dahil nahalikan niya ako, nakalagay sa rule yun diba?! meron akong 5000! wahaha! Nakachansing na nga ako.. may pera pa ako! ai tae! anu ba tong mga iniisip ko! Pansin ko nagiging mahalay at malandi na ang pagiisip ko! waaaaaaah! Oh hindi! Bryle Caleb Stanford bakit ganito ang epekto mo sakin?! Ang sama mo sa kalusugan eh! ----------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV *riiiiiiiiiiiiing riiiiiiiiiiing Pababa pa lang ako ng kotse ng biglang tumunog ang cellphone ko.. Pag tingin ko sa tumatawag.. Si Nami?! Teka..bakit kaya?! Bilis bilis kong sinagot yung phone.. AKO: HELLO NAM--

NAMI: WAAAAAH! BRYLE! TULUNGAN MO AKO! *SOB *SOB NATATAKOT AKO.. *SOB SOB AKO: TE-TEKA NAMI ANUNG NANG-NAMI: PAPALAPIT NA SIYA SAKIN BRYLE! TULUNGA-- WAAAAAAAAAH! WAG KANG LALAPIT! LUMAYO KA SAKIN! KYAAAAAAA-- (TAPOS MAY NAGKALAMPAGAN NA PARANG NAHULOG NA MGA GAMIT) *TOOT TOOT Anung nangyari kay Nami?! Bilis bilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Siguro nasa condo lang siya.. kakaalis ko pa lang dun eh.. Pero anu nga kayang nangyari sa kanya?! May nakapasok na magnanakaw?! Pero hindi eh! mataas ang level ng security dun! di basta basta mapapasok! Isa pa nakalock naman ang condo ni Nami.. Unless,, kilala ni Nami yung taong nanloob at pinatuloy niya ito.. teka..wag mong sabihing si Tj yun?! Hayop na Tj na yun! Papatayin ko talaga siya! Wag niyang subukang gawan ng masama si Nami! mapapatay ko talaga sya! Sana walang mangyaring masama kay Nami! Padating na ako Nami! Hindi ko hahayaang may mangyari sayo! Sobrang bilis na ng pagmamaneho ko.. pero wala na akong pakialam.. Kumontak narin ako ng mga pulis at sinabihan ko narin yung security sa condominium na

puntahan ang kwarto ni Nami.. Sana talaga walang mangyaring masama sa kanya. Kung hindi.. Makakapatay talaga ako ng tao.. sinasabi ko.. patawarin niyo ako pero..Hindi ko talaga alam kung anung magagawa ko kung sakaling may mangyari sa kanya.

CHAPTER 26- SLEEPLESS TONIGHT KATIE's POV Pagkatapos ng ilang minuto rin siguro yun na pagkakayakap sakin ni Tommy kanina, bigla na lang siyang bumitaw sakin. Lumakad sya papalayo ng hindi man lang tumitingin sakin. Siguro dahil ayaw niyang ipahalatang umiiyak siya. Tapos bigla siyang tumigil paglalakad.. Humarap siya bigla sakin ng siguro ay mapahidan na niya yung luha niya, tsaka sya ngumiti ng medyo pilit. Nagpasalamat siya sakin tapos nagpaalam na uuwi na daw siya. Gusto ko man na mas matagal ko pa syang samahan kaso, mukhang hindi ko talaga siya mapipigilan umalis eh. Isa pa mukhang kailangan niya rin mapag isa. Nag-aalala nga ako sa kanya eh. Buong araw lumilipad ang isip ko. Hindi ko mapigilang isipin kung kamusta na kaya si Tommy. Ako ang nasasaktan para sa kanya eh. Bakit hindi na langkasi ako eh?! Edi sana hindi siya nasasaktan.. pati ako.. edi sana pareho kaming masaya.. kaso..wala eh.. Si Nash talaga ang ma-"Hey you! Patingin ako ng schedule mo!" aray, patay ako neto.. eto lang naman yung president ng disciplinary committee.. >__< "Ah..a-ako po?!"

"Sino pa ba?! May katabi ka ba diyan?!" Lumingon ako sa magkabilang tabi ko.. mag isa lang akong nakaupo dito sa bench. Cutting ako eh.. patay! "Sa-sabi ko nga po eh." "Akin na yung schedule mo.." "Po?!" "Bingi ka ba?!" "Ah hindi po.. eto na nga po oh.." tapos inabot ko na sa kanya yung copy ng sched ko At pagtingin niya.. Eto na nga ba eh.. "Cutting classes huh?! 5 hours in detention. NOW!" aray.. nadetention pa nga oh! Ang lupet naman kasi ng school na to eh--wait ito lang palang disciplinary president na to. Ako lang ang natimingan niya ngayon! Eh ang dame ngang nagcucutting bukod sakin no! Tsk! Malas ko naman oh TT__TT . . Kaya eto nga po ako ngayon.. Tsk.. Mag-isa lang dito sa room na walang t.v. or anything, plain white room with chairs and a whiteboard. Nakakamatay ang katahimikan dito! Sana naman kasi may kasama man lang ako diba?! Wala na bang ibang pasaway pa dito bukod sakin?! . .

Maya-maya biglang may pinasok pang isang studyante sa room. At pag tingin ko.. >___________________< Pag ka nga naman minamalas ka! Sobra na to huh! "Oooh.. Look who's here.. *smirk.." sabi nya Nakakainis naman oh! Mas gusto ko pang mamatay nlng sa katahimikan kesa naman makasama tong lalaking to! Umupo siya sa upuan katabi nung upuan ko. At dahil sa malapit sya sakin, ngayon ko lang napansin..may pasa siya sa mukha, sa may labi niya.. tapos may cut din sa may kilay niya. "Third anung nangyari sayo?!" sabay hawak ko dun sa pasa niya.. ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng pag-aalala out of nowhere "Like you care. Wala ka namang pakialam sakin diba?!" tinabig niya yung kamay ko Peste to ah! Siya na nga tong! hay! "Bahala ka nga sa buhay mo kung ayaw mo!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat ng ibang upuan.. Naalibadbaran ako sa kanya! Sya pa ang may ganang magsungit ngayon?! Bahala siya! . . Dumaan ang mga oras na hindi kami nag iimikan. Nakakapanibago nga eh. Kasi dati naman kahit alam niyang galit ako sa kanya kinukulit parin niya ako, pero ngayon kahit tumingin sakin hindi niya magawa. .

. After 5 hours ng pagtunganga dun sa room, pwede na daw kaming lumabas. Bilis bilis akong lumabas, ginabi na kasi ako eh.. 6pm na!! Tapos ang alam sa bahay 4pm ang labas ko! Patay ako nito kay mommy! Hindi pa naman ako nakapagtxt kasi nga kinuha yung cellphone ko.. amps. Paglabas ko.. aw, umuulan..ang lakas! Wala paman din akong dalang payong! Tatakbo na sana ako sa ulanan ng biglang may humigit sakin pabalik.. "Tanga ka talaga no?! Magpapaulan ka?! eh kung magkasakit ka?!" nakita ko si Third sa tabi ko, may hawak na payong "Bitawan mo nga ako! Ayokong sumukob sayo no! mas gugustuhin ko pang magpakabasa sa ulan kesa makasama ka!" Bigla siyang napatungo pagkasabi ko nun.. "Alam ko.." yun lang ang sinabi niya tapos inabot niya bigla sakin yung payong at lumakad na paalis papunta sa ulanan Syempre hinabol ko naman siya no. Anu ba kasing iniisip nung isang yun?! "Hoy Third! anu ka ba?! Bakit mo binigay tong payong mo sakin?! Eh kung ikaw ang magkasakit huh?! Mas tanga ka pala eh!" sigaw ko sa kanya habang pinapayungan siya "At ako pa ang tanga?! Diba sabi mo ayaw mo akong makasama?! pwes ayan na. Ayos lang sakin yun. Wag ka lang magpakabasa." tapos lumakad na ulit sya papalayo! Tanga talaga to! "Third!" tumatakbo ako pero hindi ko siya maabutan kaya naman.. sinarado ko yung payong, folding pa naman yun.. Tapos..

*boogsh sapul sya sa likod nung hinagis ko yung payong "Aray! anu bang problema mo?!" sigaw niya tapos sinimot yung payong na binato ko sa kanya, binuksan niya yung payong tapos lumakad na pabalik sakin "Ikaw ang anung problema mo?! Bakit ba nagpapakabasa ka para sakin?!" "Magpayong ka na.. basa ka na oh, wag ka na ngang makulit Katie!" sabay abot niya sakin nung payong Sinarado ko ulit tapos binato ko na naman.. "Aray! " kinuha niya ulit yung payong and once again bumalik na naman siya sakin Para kaming tanga dun.. Basang basa na kaming pareho.. "Bakit hindi mo na lang ako hayaang mabasa?! Pabayaan mo na lang ako! pabayaan mo na lang ako katulad ng ginawa mo dati! " Iaabot na niya sana ulit sakin yung payong pero bigla siyang natigilan dahil sa mga sinabi ko.. Tapos.. Sinarado niya bigla yung payong..ngayon siya naman ang nagtapon nito. "Hayan! masaya ka na?! Pakabasa ka hanggang gusto mo!" "Third bakit ka ba ganyan?! wala ka namang pakialam sakin diba?! tapos ngayon kung umasta ka akala mo talagang inaalala mo ako! Naguguluhan na ako sayo! Hindi na talaga kita maintindihan!" "Bakit nga ba ako ganito Katie?! Bakit nga ba may pakialam parin ako sayo?! Bakit nga ba hindi na lang kita hayaang magisa?! Bakit?! Akala mo ba ikaw lang ang naguguluhan?! Hindi Katie! Kasi kahit ako.. hindi ko na din maintindihan ang sarili ko...." bigla syang tumungo.. huminga ng malalim.. at napansin kong napapa close fist sya, akala ko

susuntukin niya ako oh sasaktan Pero ang mga sunod kong narinig.. "Ang alam ko lang.. MAHAL KITA." sabi nya tapos naglakad na siya palayo Pero bigla syang tumigil.. nagsalita pero hindi parin humaharap sakin.. "Pero.. kung sasaya ka kung hindi na kita papakialaman, kung sasaya ka kung pababayaan na lang kita.. Kung yun ang ikasasaya mo Katie, Pipilitin ko.. Pipilitin kong mawala na lang sa buhay mo." At tuluyan na siyang lumakad papalayo sakin. . . Hanggang ngayong nasa kama na ako at nakahiga, hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Yung mga sinabi ni Third.. "Sinungaling ka! Sinungaling ka Third!" yan na lang ang paulit ulit kong sinasabi Gusto niya lang siguro akong guluhin kaya niya nasabi yun. Siguro nga. Nagsisinungaling lang siya! Pero bakit ako apektado?! haaaaaay.. Hindi ata ako makakatulog nito! -------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV *Hingal hingal.. Hinahabol ko pa ang hininga ko habang papasakay ako ng elevator.. Hindi ako mapakali.. Haay.. Kung kaya ko lang magteleport katulad ni Goku eh! .

. Pagkabukas ng pagkabukas ng elevator sa 10th floor tumakbo na agad ako. Nakita ko yung mga security guards na nasa harap ng room ni Nami. Hindi daw nila mapasok kasi nga naka lock.. wala naman silang susi. Kaya ayun bilis bilis kong kinuha yung duplicate key ko at agad na binuksan yung pinto. Pagka bukas ko agad akong kumaripas ng takbo papasok. Yung mga security guards naghiwa hiwalay na papunta sa iba't ibang parte ng bahay. Dun ako nagdiretso sa kusina kasi ayun ang pinakamalapit.. At hindi ako nagkamali.. nakita ko siya dun.. Nakaupo sa ibabaw ng table.. Tapos may mga basag na plato at baso sa paligid niya. Nakayupyop lang sya dun habang umiiyak.. Nanginginig pa. Napansin kong may dumudugo din sa may braso niya. Anu bang nangyari sa kanya?! Sinong may gawa nito?! . . Agad ko siyang nilapitan.. Napatunhay siya.. "Bryle?! Bryle!" sigaw nya tapos bigla niya akong niyakap "Nami sabihin mo sinong may gawa nito sayo?! Bakit ka may sugat?! " "*sob sob.. Yung magnanakaw na yun! huhuhu!" "Magnanakaw?! anung ninakaw niya sayo huh?!"

"Ulam." "Huh?! ulam lang?!" "Oo, anu pa bang gusto mo?!" "Antanga naman ng magnanakaw na yun. Magnanakaw na nga lang ulam pa.. =___=" "Teka Bryle anu yun?! Bakit parang may sirena na ng pulis sa labas?! Tsaka te-teka, bakit may mga security guards dito sa loob ng condo?!" "Huh?! pinatawag ko sila. Eh kasi diba nasa panganib ka?! Kaya nasan na yung gumawa niyan sayo?! Sabihin mo bilis at ipapahul--" "Ahahahahhahahahahahahahahahahahahahahah--aray!" naputol ang pagtawa ni Nami ng bigla ko siyang batukan "Hoy Nami nababaliw ka na ba?!" "Haha.. hindi pa pero malapit na..ahaha!" "Bakit ?! anu bang nakakatawa huh?!" "Eh kasi naman Bryle..haha! eh pusa lang naman yung sinasabi ko sayo eh! Takot kasi ako sa pusa! Pero hindi ko naman akalaing magpapatawag ka pa ng mga pulis! haha! Ang OA mo!" *boink (binatukan ko na naman siya) "Ako pa ang O.A.?! eh ikaw nga tong akala ko kung anu na ang nangyari tapos yun pala pusa lang!" "Anung pusa la--" "Ah sir so pusa lang po pala?! eh sana po animal catcher na lang po ang pinat--"

"Anung tingin mo sakin huh bobo?! Eh itong tangang babaeng to ang tatanga tanga eh! tss! magsilabas na nga kayo! sabihin niyo narin sa mga pulis false alarm lang! layas! pinapainit niyo ang ulo ko!" Kaya ayun lumayas na naman yung mga security. Kaya ngayon kami nlng ni Nami dito. Pag tingin ko sa kanya.. Napahilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko.. "Alam mo ba kung gano mo ako pinag alala huh Nami?!" "Oo. may pulis pa nga eh.. haha!" "At nakakatawa ka pa huh?! anu ba naman Nami! Pusa lang yun! Kailangan mo pa ba akong tawagan dahil lang sa pusa?!" "Anung "lang" ang sinasabi mo?! *sob sob.. I-ikaw kaya ang pagnakawan ng pusa ng.. *huk.. ulam! *huk.. ang mahal pamandin nung sausage na yun! 100+ ang isa.. *huk.. pero binili ko.. *huk kasi masarap yun eh! ta-tapos.. *uwaaaaaaah! Tapos! Tapos! waaaaaaah! nanakawin lang ng pusang yun! Nakita ko siyang kukuhanin yung sausage ko! kaya nga dinakma ko bigla yung sausage.. tapos umakyat ako dito sa table.. tapos *huk tinawagan kita.. akala ko aalis na yung pusa pero.. *uwaaaaaah! dinambahan niya ako tapos inaagaw niya sakin yung sausage! *sob sob.. ayokong ibigay, nakipag agawan pa ako pero.. *huk.. kinalmot niya ako! *uwaaaaah! tingan mo oh! tingan mo!" Pinapakita niya sakin yung kalmot sa braso niya na nagdudugo. Para siyang nagsusumbong na bata, ahaha. Ang ewan talaga neto. Walang kwenta yung iniiyak niya eh! hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mabwisit o matawa! potek.. hahahaha "Oh Bryle bakit namimilipit ka na dyan?!"

"Pfffffft..wa-wal--pfft..wala Na-mi!" "Hindi eh! anu nga kasi?! naaawa ka na sakin no?! eh kahit sino naman ang pagnakawan ng sausage ng isang walang awang pusa diba?! huhuhu! salamat sa pagdamay Bryle! buti naiintindihan mo ang nararamdam--" "pfffffffffft.. ahahahahahahahahahahahahahahhaha! hindi ko na talaga kaya! tama na Nami! ahahahahahha! ansakit na ng tyan ko! ahahahahhahahahah! ahahahahahhah!" "Aray! aray! aray!!" sumisigaw ako nyan kasi pinagpapalo niya ako nung tsinelas niya! anu bang problema neto?! eh sa nakakatawa naman kasi talaga siya eh! ahahaha! . . Pagkatapos namin ipagamot sa hospital yung kalmot niya eh nandito na ulit kami sa condo ni Nami. Since malapit naman yung hospital sa condominium, mabilis lang kami nakabalik. Nandito kami sa kwarto ni Nami. Hep hep hep.. nanonood lang kami ng Hitman Reborn huh! Tapos kumakaen siya nung maliliit na siopao daw yun na inisteam niya kanina.. ang bango nga eh.. nakakatakam! "Hoy Nami penge naman ako niyang siopao! ang dami naman niyan eh!'" "Ayoko nga! pagkatapos mo akong pagtawanan kanina! eh traumatic experience naman talaga yun eh!" "Hoy! nagpatawag na nga ako ng pulis para sa wala dahil sayo no! kaya bigyan mo na ako!" "Ayoko sabi eh! magluto ka ng sayo kung gusto mo!" "Ang swapang mo! 7 pieces yan Nami! grabe! mamigay ka naman!" "Ayoko!"

"Penge!" "Ayoko!" "Penge!" Tinataas niya yung plato ng siopao nilalayo niya sakin! Pinipilit ko namang abutin. Hanggang sa.. Nagtaob kami.. Nadaganan ko siya.. >/////////// ___ ////////////< .>>>> Nami O_______________O >>> ako At dahil sa awkward na.. Tumayo na ako bigla tapos kinuha ko yung plato mula sa kanya..Nakatulala kasi eh.. haha. . . "Hoy Bryle! mamigay ka! ako nagluto niyan!" "Say please muna!" "Ah ah naman eh!" "Walang please, walang siopao!" "Ah ah naman! tsk! bwisit ka! um!" sabay nilipat niya yung channel "Hoy! ibalik mo dun! ang ganda na nung scene eh!" "Walang please walang lipat!"

"Ah ah naman!" "wahahaha!" ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Tumalikod na lang siya sa tv at sinolo yung siopao! walangyang Bryle na to! "Bryle! hoy Bryle!" sinusundot ko siya sa tagiliran "Heh! ayoko! Hindi kita bibgyan ng siopao!" "Hindi naman ako hihingi eh! tingnan mo lang yung babae sa t.v. ang ganda niya!" "Weh?! niyayabang mo lang ako." "Promise.." "Anu namang pakialam ko sa babae?! tss.. mas masarap pa ang siopao kesa sa babae.. hindi ako mabubusog ng babae." "Tsk.. bahala ka nga.. ang ganda kasi talaga niya oh. Fashion designing lang ba talaga ang kinukuha niya?! pwede syang model eh! nakakatomboy!" "Abno ka talaga Nami.." "Crush ko na ata siya.. ang ganda niya talaga. " ganito kasi talaga ako eh.. nagkaka crush ako sa mga mgagandang babae.. Katulad ni Meagan Fox, crush na crush ko yun! HOST NUNG T.V. SHOW: Thanks Ms. Elida Leiber for a wonderful interview! "Wow! alam ko na ang pangalan niya Bryle Elida Lei--" Nabigla ako kasi, diba nakatalikod si Bryle kanina sa t.v. ?! ngayon nakaharap na siya! at

kulang nlng tunawin niya sa titig yung babae sa t.v. "Tingnan mo Bryle?! sabi ko na sayo maganda siya eh! Ikaw la--" "ilipat mo na yan Nami!" nabigla ako sa pag sigaw niya, iba to sa sigaw niya kesa kanina nung pinapalipat niya sakin yung t.v. Biglang nag iba yung expression niya, parang bigla siyang nagalit. Nabitawan niya nga yung plate ng siopao eh. "Ayok--" "Ilipat mo na sabi!!" "Per--" "Ilipat mo na sabi!!" Nakakatakot na siya! Kaya naman pinindot ko na yung remote kaso.. waaaaaaaaaaaaaaaaah! Bakit ayaw bigla gumana?! naubusan na siguro ng battery! waaaaaaaaaaah! "Nami!" "Bryle ayaw eh! ayaw nung remote! wala ng battery!" "Potek naman oh! akin na nga!" tapos siya naman ang nagpipindot nung remote.. akala siguro neto niloloko ko siya eh talaga nam-*booooooooooooooooooooogsh! Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng pagkakabasag nung t.v.

Yep.. nabasag yung screen ng t.v. dahil sa lakas ng pagkakabato ni Bryle ng remote dun. "Bryle anu bang prob--" natigil ako ng pagsasalita kasi bigla na lang syang tumayo sa kama "Uuwi na ako Nami.. wag kang mag-alala.. bukas na bukas din papalitan ko ng bago yang t.v. mo.." Tapos tuloy tuloy na siyang lumabas sa pinto.. . . Problema nun?! haaaaaay! napaka moody niya talaga minsan! Parang ayaw lang lumipat nung channel sisirain na niya yung t.v. ??! Pero.. parang hindi lang yun ang kinagalit niya eh. Parang sobrang lalim nung pinaghuhugutan nung galit na nakita ko sa mga mata niya kanina. Nanginginig na nga yung katawan niya sa galit eh.. tapos yung mga mata niya.. parang nawalan ng bigla ng emosyon.. para syang robot. Nakakatakot talaga si Bryle kanina. Haaaaaay.. anu ba talagang nangyari?! Hindi ko talaga maisip ang dahilan! Haaay! Hindi tuloy ako makatulog!

CHAPTER 27- LET'S TALK THIRD'S POV "Third! anak! anung nangyari sayo?! Bakit basang basa ka?! tsaka anu yan? Bakit nagkaganyan ang mukha mo?! bakit ka may pasa?! nakipag away ka ba?!" "Ma! ang dami niyo namang tanong! tsk.. wala to. Akyat na ako, magpapalit na ako ng damit."

"Pero Thir--" "Ma please..Just..just leave me for now.. please.." at pagkatapos kong sabihin yun hinayaan na lang nya ako.. nagdiretso nlng ako sa kwarto ko. . . Pagkatapos kong magshower at magpalit ng damit, humiga na lang ako sa kama pero hindi ako makatulog. Haay.. I can't believe na nasabi ko na sa kanya. Well balak ko narin naman sanang sabihin na sa kanya pero not this way.. haay.. Alam niyo kasi, pinlano ko na ang pag amin ko eh. I finally gathered the courage to tell her what I feel for her all this time.. kaso.. hindi ko pa man nasasabi sa kanya, sinupalpal na sakin yung sagot..tss *FLASHBACK "Grabe toy! Hanep! si Bryle ba talaga yan?! kailan pa natutong kumanta yan?!" -Steve "Baduy pa daw ang pagkanta huh..tapos ngayon kumakanta siya sa maraming tao.. haha.. aasarin ko yan mamaya!" "Hahaha..ako din! ang sweet nung dalawa eh. Imba ang strategy ni Bryle boy! ganyan ang mga da moves Third!" pang aasar na naman nitong si Steve sakin =__= tsk kung alam mo lang.. may plano na ako no! wahaha.. kaso kinakabahan parin ako.. anla bahala na.. "Tigilan mo nga ako Steve! Gagawin mo na namang tungkol sakin to eh." yan na lang ang sinagot ko. No way in the world na sasabihin ko sa kanyang balak ko ng magtapat, edi lalo lang ako niyang niloko.

"Hahaha.. sungit.."-Steve "Pakamatay ka na!" sigaw ko kay Steve, nakakainit tlga ng dugo to eh Ang hilig niyang mantrip! Pag ito talaga na inlove humanda sya sakin, ako naman ang manttrip sa kanya! Haay..nasan na kaya si Katie?! Kanina ko pa yun hinahanap eh?! Andame naman kasing tao! pano na yung plano ko?! "Eto na lang katabi ko oh. Tingnan mo yung mukha, parang gustong magpakamatay oh." sabay turo ni Steve kay Tommy na mukhang hindi nagugustuhan ang nakikita niya Kahit ako naman no, makita kong masaya ang mahal ko kasama ang taong mahal niya, siguro mas malala pa dyan ang magiging reaksyon ko. Tiningnan lang ni Tommy ng masa si Steve tapos bumalik na ulit sa panunuod kila Bryle at Nash. Magaling talagang magkontrol ng emosyon tong si Tommy. Alam kong masakit sa kanya yung nakikita niya tapos lolokohin pa sya nitong lokong si Steve.. kung ako yun nako, baka nabugbog ko na tong isang to. Pero hanggang kailan makakatagal tong si Tommy? Tanga rin eto at kalahati eh. Kung ako siya aalis na ako the moment na nagsimulang kumanta si Bryle.. tsk. . . At nung bumaba na si Bryle sa stage at lumapit kay Nash.. Sabi ko na eh. Kahit gano pa man kagaling magpigil ng emosyon tong si Tommy, sa ginagawa nila Bryle at Nash ngayon sa harapan niya, eh normal lang na gustuhin na niyang umalis at wag ng manood.

"Oi Tommy, bakit aalis ka na?! intayin na natin sila Bryle. Hindi pa tapos kumanta yung loko oh." sabi ng bobong si Steve na wala atang alam sa nararamdaman ng iba, ni hindi man lang inisip ang nararamdaman ni Tommy, bobo talaga to. Palibhasa hindi pa to naiilove eh, pag nainlove to ewan ko na lang talaga. "Hayaan mo na nga sya Steve.. magpakamatay pa yan bigla dito eh." "Sabi ko nga eh..hehe..sige Tommy..walk out ka na." -Steve Naglakad na nga papalayo si Tommy. . . Mayamaya sa di kalayuan bigla kong nakita si Katie. Teka san kaya to pupunta?! Wait parang may hinahabol siya?! Hala baka hindi ko na to makita! kailangan ko ng gawin ang plano ko. "Steve dyan ka muna.. iihi lang ako." "Anu ba naman yan! bilisan mo huh!"-steve "Okay.." bilis bilis na akong nagpunta dun sa may malapit na bush na pinagtaguan ko ng isang boquet ng yellow roses at yung necklace na gustong gustong mabili ni Katie nung high school pa kami Buong maghapon nung Sunday ako naglalabas pasok sa iba't ibang flower shops para maghanap ng yellow roses. Bakit kasi ang hirap humanap nun! PSH! Ito naman kasing si Katie eh, kung bakit sa dinami dami naman ng kulay ng rose, yung yellow pa ang nagustuhan! tsk.. 6 am ako nagstart maghanap ng flowershops na may yellow roses at mga 5 pm ako

nakahanap! tsk! Hindi pa ako nakaen ng kanin. Ang kinaen ko pa lang eh yung burger na binili ko malapit dun sa isang flowershop na napuntahan ko, sayang kasi ang oras ko kung kakaen pa ako ng kanin eh. Kung san san na ako nakaabot huh! Pinareserve ko na lang yung boquet of roses at sinabi kong dadaanan ko na lang at around 6:30 am ngayon ngang araw na to. Dinala ko rin yung necklace na pinagipunan ko pa talaga dati para sana sa birthday ni Katie nung 3rd year highschool kami kaso hindi ko na naibigay kasi.. alam niyo na naman ang nagyari diba?! nagalit na siya sakin. Ayaw na niya akong kausapin. Kaya nga ngayon, gusto ko ng ibigay yun sa kanya. . . Para akong ewan na tumatakbo sa hallway na may dalang boquet ng roses. Buti na lang at wala halos tao kasi nga puro nanonood kay Bryle at Nash. Kinakabahan ako pero ayos lang, kaya ko to. *takbo takbo takbo San na kaya yun?! nakita ko siyang papunta sa direksyong to eh.. . . *takbo takbo tak-Bumalik ako dun sa isang sulok na nalagpasan ko. Para kasing nahagip ng mata ko si Katie. At pag balik ko.. tama nga ako. Nandun nga si Katie. Pero hindi lang si Katie, nakita ko rin si Tommy. Ok sana kung coincidence lang at nagkita sila.. kung nag uusap lang sila..pero..

F*ck! Magkayakap eh! at si Katie pa ang yumakap! Ang saya no?! Napaka bait talaga ng tadhana sakin no?! Kung kailan ko naisipang magtapat na tsaka ko naman makikita to. Parang ipinamumukha sakin na wala na akong magagawa, na wag ko na lang ituloy kasi.. tingnan mo naman.. obvious na kung sinong gusto niya. Hindi ko pa man siya natatanong sinagot na niya ako. Ang galing no?! ang galing talaga! shit this! After seeing that f*cking damn scene, binitawan ko na lang yung roses na dala ko pati na yung necklace. What's the sense of giving them to her?! Hindi rin naman siya matutuwa. Siguro kung si Tommy pa ang magbigay nun sa kanya, ngingiti siya.. pero sakin?! tss. Who am I kidding?! Kahit anung gawin ko hindi niya ako mapapansin. Kahit na anu pang sabihin ko wala na rin. Huli na ang lahat. *END OF FLASHBACK Ang disaster ng pagkabasted ko no?! Ni hindi ko man lang nagawang magtapat! tss. I planned it for days kaso.. wala din eh. Mas nagwowork out talaga yung mga bagay na hindi pinagpplanuhan. Leche. At ito namang mga pasa ko?! Well I was pissed. I held everything I felt nung bumalik ako sa tambayan. I pretended to act normal.. but..this conversation just .. haay *FLASHBACK AGAIN "Wala..tsk..ai teka..nasan nga pala si Tommy?! bakit wala siya dito?!" -Nash "Ewan ko din. Nasan nga ba yun huh Steve?!" -Bryle "Hindi ko din alam eh. Ikaw Third alam mo?!" -Steve Alam mo yung feeling na pinipilit mong kalimutan yung mga nakita mo tapos bigla bigla namang may magpapaalala sayo?! eto yun eh! P*t@ng *n@ naman oh!

Tumalikod na lang ako sa kanila kasi ayokong sagutin. Pero bigla akong tumigil..merely because I'm pissed. Huminga ako ng malalim tsaka sumagot.. "Andun sa labas.. kayakap ang babaeng mahal ko." sabi ko tapos umalis na ako At saan ako pumunta after that?! Sa likod ng school naghanap ng mabubugbog. Yung pwede kong paglabasan ng galit ko. At ayun.. perfect.. may nakita akong tatlong studyante. Ibang course siguro yung mga yun tapos higher level pa.. ohoi challenging. "Bakit ansama mong makatingin huh?! Hindi ibig sabihin na kabarkada mo yung si Stanford eh takot na kami sayo! naghahamon ka ba ng away?!" sabay tulak sakin nung isang lalaki.. lumapit din sakin yung dalawa *boogsh Sinuntok ko yung lalaking tumulak sakin.. "Ok na ba yang sagot sa tanong mo?!" Pagkatapos kong sabihin yun, nagsuguran narin yung dalawa.. tatlo laban sa isa?! hmm..pero no match yung dalawa eh. Yung isang lalaki lang talaga ang nakasuntok sakin kaso napalo ako ng kahoy nung isa eh. Natigil kami sa pag aaway ng biglang dumating yung president ng disciplinary department. Nakatakbo yung tatlo. Ako hindi kasi medyo nahilo ako dun sa pagkakapalo sakin.Kaya ang ending ko ay sa detention. Which led me to confessing to Katie. Of all people naman kasi na makakasama sa detention sya pa. And to make matter worse and totally cliche, nilagyan niya pa ng ulan! Umulan pa!

Tapos nun nagtalo kami ni Katie over the stupid umbrella.. yown.. which led to a deeper conversation.. at..yown! natuluyan na. Umamin ako dahil narin sa nadala na ako ng sobrang emosyon. What a way to confess to a girl! Tapos pagkasabi ko pa nun sa kanya, ang reaction pa nya.. parang disgusted pa siya.. tss. Ang nice talaga ng tadhana sakin.. sobra.. tss. Then before I walked away, I promised her na pipilitin kong layuan siya. Na pipilitin kong mawala sa buhay niya. *END OF FLASHBACK But the hell! how am i gonna do that?! Ok sana kung hindi ko siya nakikita eh kaso kasama siya lage ni Nash sa tambayan! Arrghh! And just seeing her makes me want her more and more. The hell am I gonna do?! Paano ko siya kakalimutan kung siya lang ang laman ng puso't isip ko?! --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV Hindi ko magawang tumingin kay Katie ngayong nasa tambayan kami.. Bakit ba lage niya akong nakikita at my worst?! tss. Pero pansin ko hindi lang ako ang down na down ang aura ngayon. Pati si Third.. Which reminds me, hindi ko pa naibabalik sa kanya yung panyong akala ni Katie ay sa akin. Tsk.. kelan kaya marerealize ng dalwang to na mahal nila ang isa't isa?! tsk.. dagdag pa to sa problema ko eh. Pano naman sila magkakaron ng improvement kung mas lumala yung sitwasyon nila

ngayon?! Kasi kung dati nagpaparinigan silang dalawa.. ngayon?! Pag dating na pag dating ni Katie sa tambayan, si Third biglang aalis. Si Katie ni hindi magawang tingnan si Third. Haay.. ang sakit sa ulo. Ayoko namang makialam sa kanila. Gusto kong sila mismo ang makarealize ng feelings nila. Ayokong sabihin kay Third na siya ang mahal ni Katie kasi mas ok kung si Katie mismo ang magsasabi which is mahirap kasi akala ni Katie ako ang mahal niya.. which is actually Third. Gusto kong si Third ang magsabi kay Katie ng lahat. Gusto kong siya ang gumawa ng paraan para makuha si Katie kaya wala akong gagawin na kahit anu. Maybe I'll give Third a little push. Bahala na siya kung anung sunod niyang gagawin. Kasi may problema rin akong akin, I still won't give up on Nash.. and my decision is final. I'd do anything to win her heart. . . Umalis na si Katie kasi may class pa siya. Si Bryle at si Nash.. absent, well excused sila kasi ayun ang gusto ng lolo ni Bryle. Siya ang may ari ng schooll eh. Baka daw kasi pagod pa yung dalawa sa date nila. DATE tsk.. haay. Kailan kaya pwedeng ako naman?! What would it feel like to be Bryle just for one day?! tskk. Teka wag na nga muna akong mag isip. Si Third muna ang aasikasuhin ko. . . "Oh Tommy bakit?!" tanong ni Third paglapit ko sa kanya "Let's talk.."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------THIRD's POV "Para san?!" sagot ko "Sa inyo ni Katie." anu pa bang gusto niya ngayon? "Anung meron samin?! hindi ba kayo ang meron.. kami wala." "Third!" "Totoo naman ah?! Nakita ko kayo pare! Kahapon..niyakap ka niya. Ma- mahal ko siya pare.. pero.. ikaw ang mahal niya at hindi ako, yun yon, tapos." tumayo ako at kumuha ng beer Pero sumunod siya sakin at kumuha rin.. "Susuko ka na lang ganun?!" tanong niya habang nakaupo kami sa bar stool "Anung gusto mong gawin ko?! talo na ako eh. Ikaw ang mahal niya.. ikaw.. at kahit kailan hindi ako magiging ikaw." "Pero pano kung ikaw pala ang mahal niya at hindi ako?!" tss.. anu bang sinasabi niya? "Hahaha.. naglolokohan ba tayo dito?! Alam kong mahal mo si Nash Tommy pero wag mo naman sanang ipagpilitan sa iba ang pagmamahal ni Katie. Binibigay na sayo yung bagay na pinakagusto ko kaso tinatapon mo lang. " "Hindi sa ganun Third. I'm just trying to help you here. Inaalala ko nga si Katie eh. I don't want her to get hurt as much as I dont want you to get hurt too. Pero yung mga sagot sa tanong niyo, gusto ko kayo mismo ang makaalam. Ayokong ibigay sa inyo ang sagot." "nu bang sinasabi mo?! anung sagot?! ang gulo mo." "Basta ang masasabi ko lang Third, bago ka magdesisyon na pakawalan ang isang bagay.. siguraduhin mo munang makakaya mo pag nawala yun sayo. At bago ka sumuko siguraduhin

mo munang nagawa mo na ang lahat ng sa gayon wala kang pagsisisihan sa huli." "Pero ginawa ko na naman lahat ah?! I tried to explain pero bago pa man ako makapagsalita she's shutting me down. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko tatakpan na niya ang tenga niya. Papasok pa lanng ako sa pinto pagsasaraduhan na niya ako. Sa tingin mo may magagawa pa ako?! I have no choice but to let her go. Since yun din naman ang gusto niya." "Peste naman oh! Sinabi niya ba sayong i let go mo sya?! o ikaw lang ang nagsabi nun?! Sa tingin mo ba ginawa mo na ang lahat?! May magagawa ka pa Third! Explain no matter what happens, kahit ayaw niyang makinig.. just talk. Magsalita ka ng magsalita hanggang sa mapagod na siya sa pagtatakip ng tenga niya. Shout if possible! Force her to hear you out. Kung kinakailangan mong ulit ulitin sa kanya a million times, gawin mo, just to make her understand. Make her understand what you feel Third! at sinisigurado ko sayo siya mismo ang magbubukas ng pinto para sayo. May mga bagay lang kasi talagang kailangan mong ipaliwanag, kailangan mong sabihin, kailangan mong linawin bago maintindihan, para magkalinawan, para mawala ang pagkalito. Para lang yang pag merong isang word na hindi familiar sayo, kung hindi ipapaliwanag sayo ng dictionary o ng google ang meaning hindi mo magegets." "Tsk.. haay.. ang lalim naman ng paliwanag mo eh..tsk. " "Then I'll give you an example.." Tapos bigla syang may inilabas na panyo.. Teka.. familiar sakin yung panyong yun ah?! "See this Third?! ang panyong to, parang pagmamahal ni Katie. Akala niya sa akin, yun pala sayo." Tapos binigay niya sakin yung panyo..he tapped my shoulder tapos tumayo na sya.

At ngayon ko lang narealize, akin tong panyong to eh. Ito yung panyong binigay ko kay Katie nung umiiyak siya nung prom. Pero pano napunta yun kay Tommy?! "Ang panyong to, parang pagmamahal ni Katie. Akala niya sa akin, yun pala sayo." "Ang panyong to, parang pagmamahal ni Katie. Akala niya sa akin, yun pala sayo." "Ang panyong to, parang pagmamahal ni Katie. Akala niya sa akin, yun pala sayo." Anung ibig sabihin ni Tommy dun?! Ang pagmamahal ni Katie parang tong panyo?! So ang akala ni Katie, kay Tommy yung panyo imbis na sakin.. Te-teka! So that means ang akala din ni Katie, si Tommy yung lalaking nagcomfort sa kanya that night! Kasi nga diba I borrowed Tommy's mask pati narin yung coat niya. That's it! I never had the chance to tell her na ako yun. Paano kung she fell for that guy, yung guy na nagcomfort sa kanya? Which she had mistaken for Tommy. That explains why all of a sudden nagkagusto siya kay Tommy! But it's actually me! Ako dapat yun! Ako dapat yung mahal niya! Shit! Ang tanga ko! After all this time, kailangan ko lang pala talagang mag explain! Tss! Kaya ngayon, tama nga si Tommy. Kahit ilang million times ko pang ulit ulitin, kahit ilang beses ka pang hindi maniwala. I'll make you believe Katie. I'll make you believe that you are in love with me! Sorry pero nagbago na ang isip ko. Even if I die, I can't let you go.

CHAPTER 27. 5 - LET'S TALK (part 2)

NASH's POV "Urrm, ang lamig. Pahug nga Shryle." I murmured half asleep tapos kumapa ako sa tabihan ko to hug my teddy bear *hug Tapos.. biglang gumalaw yung teddy bear.. Niyapos din niya ako! Ang sarap.. ang init. . . Waaaaaaaah! teka.. parang nangyari narin to! At pag mulat ko ng mata ko.. O________________O ! "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! anung ginagawa mo dito?!" sigaw ko sabay sipa kay Bryle na tulog na tulog habang nakayakap sakin Nahulog siya sa kama at nauntog sa may table na pinagpapatungan nung lampshade. "Aray naman Nami! Tarantado ka talagang babae ka! Sipain daw ba naman ako?! natutulog yung tao eh!" daing nya habang tumatayo sa pagkakahulog at pumunta na ulit sa kama "A-anu ba kasing ginagawa mo dito sa kama ko?! tsaka ba-bakit katabi kita?!" "Relax Nami! Wala naman akong ginawa sayo oh! Nakahubad ba ako?! nakahubad ka ba?! wala naman nangyari eh. Kung maka react ka naman dyan! Badtrip ka eh! Tabi nga dyan! Matutulog pa ako!" humiga na siya ulit sa tabi ko at pumikit "Hoy Bryle kailan ka pa nandito?! Bakit dito ka nga natulog?!"

"Ugh! Diba sabi ko sayo papalitan ko yung t.v. mong nasira ko?! Maaga ko na pinadeliver yung t.v. pumunta ako dito ng mga 5am siguro tapos inassemble ko narin yung sound system. Whole package pa nga yan eh may kasama pang speakers.. tapos sinipa mo pa ako..ayos ka rin." Nabaling ang mga mata ko sa flatscreen super laking t.v. na nasa harapan ko.. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ! Para na akong nasa sinehan neto! Tapos may speakers pa sa tabi! Parang ansarap manuod ng movie! "Wow Bryle! akin na lang talaga to?! Akin na lang?!" "Gusto mo bayaran mo.. tsk." "Ang sungit naman neto! " tumayo na lang ako at binuksan na yung t.v. Ang sarap talaga manuod! wahaha. "Bryle! Hoy Bryle!" sigaw ko sa kanya habang nakaupo ako sa kama "Anu pa Nami?! patulugin mo na nga lang ako! tsk." "Haha! Bryle sa susunod freeng free ka ng sirain lahat ng gamit ko dito sa condo. Kahit yung ref ko, yung cabinet ko, kahit anu.. basta papalitan mo.. haha! The best kang magpalit eh! Kahit manira ka na ng kahit anu dito Bryle! Kahit now na! sige na! Sirain mo na ang mga gamit ko! ayos lang!" *boink (binato niya ako ng unan.. sapul ako sa mukha) "Siraulo ka talagang babae ka! tsk. Ang ingay mo naman! Ipagluto mo na lang ako ng almusal. Hindi pa ako nakaen simula kagabi eh. Tawagin mo na lang ako kapag luto na." At dahil sa good mood ako kasi ang ganda tlga nung t.v. eh nagluto na nga ako. Fried rice , bacon, ham at hotdog lang naman ang niluto ko eh.

Pero bigla kong naisip, hindi pa daw siya nakaen simula kagabi?! Bakit?! eh kilala ko yang si Bryle, hindi makakatagal yan ng ganun. Sa takaw niyan?! hindi siya kakaen ng hapunan?! Imposible. Unless katulad ko siya na pag masyadong frustrated nawawalan ng gana kumaen. Pero bakit naman siya frustrated?! Tungkol parin kaya yun sa kagabi?! dun sa babae sa t.v. ?! Anu ba talagang meron dun?! gusto ko siyang tanungin! gusto kong malaman! . . "Bryle! gising na! luto na yung pagkaen." sabi ko habang inaalog si Bryle "20 minutes pa pwede?!" "Bryle naman! lalameg yung pagkaen eh!" "Haays.. sige na nga!" bumangon na siya Nakakatawa itsura niya. Naka pajama pa?! tapos nakasando lang.. tapos gulo gulo ang buhok.. Wa-wait.. nagpunta siya dito ng ganun ang suot?! Tapos napansin ko parang puyat na puyat siya.. may eyebags siya! Tsaka, hindi si Bryle yung tipong gigising ng 5 am para lang mag deliver at mag assemble ng t.v. Pahirapan sa pag gising yang taong yan eh..Unless.. Hindi siya natulog magdamag?! Ugh! Ang dami ng tanong sa utak ko! .

. "Nami, bakit ang lalim ata ng iniisip mo dyan?! Ni hindi mo pa nagagalaw yung pagkaen mo oh." magkaharap kami ni Bryle ngayon, kumakaen ng almusal.. absent este excused naman kami sa skul kasi yun ang sabi ng lolo ni Bryle.. para daw makapagpahinga kami.. "Ah anu kasi Bryle.. iniisip ko lang.. bakit ka ba nagalit kagabi?!" susubo na sana siya pero bigla syang natigilan tapos ibinaba na niya yung spoon niya "Tina--Tinatanong pa ba yan?! nainis lang ako sayo no. Tsaka dun sa pesteng remote.. ayaw lumipat." Ewan ko ba pero pakiramdam ko nagsisinungaling siya. Hindi kasi siya makatingin ng diretso sakin. "Yun lang talaga?! pero parang hindi naman ata yun lang ang magiging dahilan kung bakit sinira mo na yung t.v.. Pakiramdam ko kasi sobrang galit na galit ka kagabi. Natakot nga ako sayo eh. Anu.. ang iniisip ko.. baka merong something dun sa babaeng nasa t.v. kahapon.. yung si El--" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Tumayo siya bigla sa upuan. "Ayoko na pala ng kanin. Meron ka bang tinapay dyan huh Nami?!" "Ah oo.. yun oh.. tapos may Chizwiz pa ata dyan." "Ok.. " pumunta na sya dun sa may tinapay at nagpalaman na Iniiba niya ang usapan eh. Umiiwas siya. So mukhang tungkol nga talaga to dun sa babae. Pero anung meron sa kanila?! Pagkatapos niyang magpalaman, dumiretso na sya dun sa salas at binuksan yung t.v. Sumunod naman ako pagkatapos kong ligpitin yung pinagkainan namin. Umupo ako sa tabi

nya. Gustong gusto ko siyang tanungin tungkol dun sa babae.. pero alam ko namang iiwas lang sya. Tsaka baka mamaya, masagad ko na naman siya at magalit na naman siya bigla. Eh mukhang medyo ayos na siya. Although may iba sa kanya ngayon, parang hindi sya makulit at bihira din siyang magsalita. Parang may pilit siyang iniiwasang maalala kaya naman nagpapaka busy siya. Makalipas ang ilang oras.. "Ah.. Bryle.. wala ka bang balak umuwi?!" "Wala.. tinatamad ako sa bahay eh.. dito muna ako maghapon." "Huh?! eh anu namang gagawin mo dito?!" "Manunuod ng t.v. kasama mo. Aasarin ka. Kakaen. " "Tsk." Haaay.. pano ko kaya siya mapapagsalita?! Pano ko siya magagawang magkwento sakin?! Haay.. nasstress ako dito kakaisip eh. Pumunta muna ako sa kusina kasi gusto daw ni Bryle ng merienda.. tsk. Ginawa na akong katulong nitong isang to. Kumuha ako ng chips at nagtimpla ng juice. Pero habang nagtitimpla ako ng juice.. napansin ko yung wine na nasa refrigerator. Bakit may wine dun? hindi sa nag iinom ako huh?! kasi may mga recipes sa cooking namin na kailangan ng wine.. kaya ayun. Yung natirang wine nakastore dito sa refrigerator ko para kung sakaling kailanganin ko ulit eh hindi na ako bibili. At shiiiiiiiing.. May binulong bigla ang masamang hangin sakin. Walang anu anu eh kinuha ko

yung wine at hinalo ito sa juice na tinitimpla ko. Since grapes naman ang flavor nung juice, hindi na siguro mahahalata ni Bryle kung dadamihan ko ng wine. Sabi ni Tommy bihirang uminom si Bryle.. kaya naman mabilis itong malasing. Patawarin ako ni Bryle.. pero if he doesn't want to talk then I'll make him talk. Sabi ng teacher namin, iba iba ang epekto ng alcohol sa tao. Merong tumatahimik, may nagiging wild (parang ako =__=) at meron ding dumadaldal (let's hope ganun si Bryle) . Bahala na.. parang hindi tama itong gagawin ko kay Bryle pero gusto ko talagang malaman kung bakit sya nagkakaganito. Baka sakaling matulungan ko siya. Kasi nag aalala talaga ako sa kanya. Naninibago ako sa kanya eh. Pagbalik ko sa living room.. "Nami antagal mo naman.. baka kung anu ng ginawa mo dyan sa pagkaen huh?! Mamaya balak mo na pala akong lasunin." "A-a-anu bang si-sinasabi mo huh Bryle?! kung ayaw mo edi wag na lang aki--" "Hehe.. joke lang Nami. Hindi na to mabiro.. tsk. Akin na nga yan." Sige lang Bryle.. kaen ka lang.. inom ka lang. Sorry.. sorry talaga. Hindi ko din alam kung bakit ko to ginagawa sayo. . . At dahil nga sa halos maubos na niya yung isang pitsel ng juice na may wine, ganito na si Bryle.. "Hahaha.. Nami alam mo *blala balaabaabla" wala na akong maintindihan sa sinasabi ni Bryle

Kung anu anu ng sinasabi niya.. napakadaldal! Wala na ngang sense minsan eh.. parang ganito.. "Alam mo ba Nami si Tommy napaka mommy's boy talaga nun. Shi Steve ashan si Steve?! nambabae shi shteve?! *hik.. haha.. si Third...Third, anung meron kay Third?! anu nga ba?! masarap ba ang hotcake?! parang gusto ko ng strawberry *bla bla bla" Ganyan lang naman ang sinasabi niya habang nakataas pa ang dalawang paa sa sofa. Lasing na nga to.. pero wag kayo huh. Hindi ko naman sya hahalayin or watever. Hindi ko siya pagsasamantalahan! Kahit na medyo nakakatempt kasi yung biceps ho, kitang kita kasi nakasando lang siya. Tapos namumula pa siya..tapos.. waaah! Tama na nga ito! Hindi naman panghahalay ang motive ko dito. "Bryle.. sino ba si Elida Leiber sa buhay mo?! sino ba sya?!" tanong ko, hindi ko akalain na sasagot agad sya "Si Elida ba Nami?! ( he smiled bitterly). ELida, hmm..she's my.. FIRST LOVE. (tumungo siya at sinapo ng palad niya ang noo niya habang nakatuon ang kamay niya sa mga tuhod niya) and she's also.. My FIRST HEARTBREAK.. hahahaha.. ( he laughed as if he is going insane) " Hindi ko maidescribe ang itsura ni Bryle habang nag sasalita siya. Ngingiti sya tapos biglang lulungkot yung mga mata niya. Nakakaawa na nakakatakot yung itsura niya. Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko. Kasi yan plng una niyang sinabi parang hindi ko na makayanang tanggapin. Para kasing sa tono ng pagsasalita niya, kung paano niya banggitin ang pangalang "ELIDA" pakiramdam ko mahal na mahal niya yung babaeng yun. He is in love with a girl I can't compare with at hindi ko maipagkakailang bagay na bagay sya kay Bryle. Kaya gaano pa kaya kasakit pag nalaman ko na lahat lahat?!

Alam kong ako tong naglagay ng sarili ko sa sitwasyong to pero bakit ngayon parang natatakot na akong marinig ang buong storya mula kay Bryle?! Natatakot akong malaman kung mahal niya parin yung babaeng yun. Pero kahit na ganun.. tanga ako eh. Eto parin ako.. nakikinig parin.. gusto paring malaman ang lahat..kahit sumasakit ang puso ko. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV Shino daw shi Elida tanung niya?! haha.. hahahaha.. gushto niyo ring malaman kung sino yung babaeng yun no?! hehehe. "Para sakin.. si Elida.. she's the most beautiful girl who ever existed in this damn planet. At least in my eyes that is." *FLASHBACK I was just 4 years old when I first saw her. Business partners ang family namin and when they are having a meeting, kasama si Elida sa bahay namin almost everytime. Suplado ako kahit nung bata plng ako. I just don't know how to get along w/ people. Specially those my age lalo na sa opposite sex. I can't get along with girls. They are so loud and noisy, and they are always harrasing me, clinging to me and saying stuffs I cannot understand. But when I saw Elida I think I just undergone.. what they call.. LOVE AT FIRST SIGHT. I was a kid back then. A STUPID, FOOLISH KID. I saw an angel in front of me and suddenly I felt like I was in heaven. This girl lighten up my world with her bright smile. Sya lang yung babaeng ngumiti sakin kahit

na ang sungit sungit ko. I called her ugly the first time we talked although I think she's pretty. Kasi hindi ako marunong mag compliment ng tao. Pero eto lang ang sinabi niya nun.. "Hahaha... You know, you'r the only one who thinks I'm ugly. Better check your eyesight.. or maybe you just need to have a closer look at me." then nilapit niya ang mukha niya sakin ng sobrang lapit And just then.. I felt something in my chest. I never know it was there before she came. Frankly saying, nalaman ko lang na may puso pala ako nung dumating sya sa buhay ko. The beating of my heart didn't seem to stop even after many years passed. Silang dalawa ni Tommy lang ang naging kaibigan ko hanggang mag elementary ako since sila Steve at Third nung high school ko lang naging kaibigan. Sila lang ang nakatagal sakin eh. Tuwing birthday ko sila lang ang umaattend, sila lang ang kalaro ko, sila lang. Pero para sakin ok na yun.. kasama ko si Elida eh. Lageng pumupunta si Elida sa bahay. Ok naman sa family nila na maging friends kami eh. At syempre.. pag lage mong nakakasama ang isang tao especially isa syang babae at crush mo siya, ipossibleng hindi lumalim yung nararamdaman mo para sa kanya. Niligawan ko si Elida nung first year high school kami. Since sa all girls school sya napasok, I have no choice but to wait outside the gate kada uwian nila. I bare standing there habang pinagtitinginan ng maiingay na mga babae. I hate every girl except her. Kahit na gustong gusto ko ng umalis, Ibare it everyday, just to see her.

At hindi nagtagal.. sinagot niya rin ako. Naging kami nung 3rd year high school ako, 4th year highschool naman si Elida. Ahead siya sakin ng isang taon. JS PROM nun, hindi ako umattend ng JS PROM namin kasi JS PROM din yun nila Elida eh. At since all girls school nga sila eh kailangan ng partner at syempre nagprisinta na akong maging partner ni Elida. And at that moment.. since it's Valentines Day.. perfect timing..Tandang tanda ko pa.. Dinala ko si Elida sa labas ng garden which she doesn't know na may table set up dun na para lang sa aming dalawa. Merong mga nagvviolin at piano.. playing " LUCKY I'M IN LOVE W/ MY BESTFRIEND" ang corny ko no?! ganan kasi daw pag in love eh.. nagiging corny..baduy.. =__= Hindi ko pala namention, she's my girl best friend. Lahat nakkwento ko sa kanya.. lahat lahat. Habang nagsasayaw kami, nakaapak sya sa mga paa ko since hindi sya marunong sumayaw. "Diba sabi mo sakin naghihintay ka ng signs para malaman mo kung he's the one?!" bigla kong sabi sa kanya "Huh?! nakikinig ka pala talaga nun?! sabi mo corny eh. Akala ko hindi ka interesado." "Haha.. anu nga ulit yung mga signs mo?!" "Hmm.. pag nag date kami at binigyan niya ako ng blue na roses." "Blue roses?! parang ganito?!" sabay abot ko sa kanya ng tatlong blue roses "Ah..anu.. pe-pero hindi lang naman yan yung sign no. Diba sabi ko sayo kailangan ding umulan?! eh pano uulan kung maraming stars sa la--" Natigil sya sa pagsasalita ng bigla kaming mabasa..

"Oh pano ba yan umuulan na?" Napapangiti nlng sya. "Haha.. andaya mo talaga Bryle! Artificial rain naman yan eh." sabay tingin niya dun sa mga tauhan namin na may hawak na hose para paulanan kami "Wala ka namang sinabi na hindi pwedeng artificial diba?!" "Hpy may last sign pa! pag hinalik!-- oh no Bryle.. no!..wag mong sabihi--" . . O) 3 ( O I kissed her.. mabilis lang... bata pa kami no.. :) "The last sign Elida.. remember?! pag hinalikan ka niya parang makakarinig ka ng sound ng malakas na bell..tama ba ako?" At pagkasabing pagkasabi ko nun.. biglang tumunog yung bell ng simbahan. "Pinlano mo to no Bryle?! ikaw talaga! Pero kaya nga signs eh! Si Lord ang dapat gumawa nun.. ang daya mo!" "Ang bagal kasi ni Lord eh. Kaya ako na ang gumawa ng paraan. I'm willing to do everything just to be "the one"..so please.. let me be the one Elida." "Tsk..haha..May magagawa pa ba ako?!" she said in her sweetest voice tapos ngumiti sya ng sobrang ganda "So sinasagot mo na ako?! girlfriend na kita?!" "Oo Bryle.. Girlfriend mo na ako!"

"Yes! Girlfriiend ko na si Elida! Girlfriend ko na si Elida!" tapos nagtatalon na ako nun at niyakap siya Sa sobrang saya ko, inigit ko siya pabalik dun sa venue at lahat nagulantang. Pumunta kaming dalawa sa stage na basang basa.. takang taka yung mga tao, natigil lahat sa pagsasayaw. At pag dating namin sa stage sinabi ko ito sa microphone.. "Girlfriend ko na si Ms. Elida Leiber. Girlfriend ko na siya!! Girlfriend ko na ang babaeng to!wooh!" tapos hinigit ko na siya palabas.. sunod ko siyang dinala sa bahay namin Pati mga katulong nabigla sakin kasi lahat ng makakasalubong ko.. sinasabihan ko ng.. "Girlfriend ko na siya! Girlfriend ko na si Elida." *END OF FLASHBACK ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "Yung gabing yun ang pinaka masayang gabi ng buhay ko. Pero hindi ko akalain na ang gabing yun ang magiging pinaka masakit sa lahat ngayon, kasi pag naaalala ko yun Nami.. imbis na mapangiti, nasasaktan ako. Masakit dito." sabi ni Bryle with his voice almost breaking Nanginginig sya habang nakatungo lang dun. Hindi ako makagalaw. Hanggang tingin lang ang kaya kong gawin ngayon. "Pagkatapos..anu ng nangyari Bryle?! bakit kayo nagkahiwalay?!" ewan parang maluluha na ako just by looking at him Hindi ko alam na Bryle had once loved that much. Akala ko kasi dati hindi sya marunong

magmahal. To think that he put a lot of effort to that girl, he must really love her so much. Naiinggit ako. "Bakit kami naghiwalay?! bakit Nami?! ahahha.. tss.. " ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV February naging kami.. and after February is March right?! At pag march.. anung meron?! Graduation diba?! at since fourth year na si Elida, graduating na sya. Lingid sa kaalaman ko, after graduation pupunta na siyang ibang bansa para dun mag aral. Dun daw kasi may magandang school for fashion designing. Nalaman ko lang na aalis sya one day before her flight. Kasi nung graduation party naman niya, wala siyang nababanggit sakin.So galit na galit ako sa kanya nun.. *FLASHBACK Sa galit ko.. Pinapili ko sya.. " So anung pipiliin mo Elida?! Your dream?! or Your love?!" "Bryle wag namang ganito.. alam mo namang mahalaga sakin ang pangarap ko." "At ako hindi mahalaga sayo ganun ba?!" "Bryle.. alam mo naman na mahalaga ka sakin.. mahal kita.. pero.. kailngan ko talagang umalis. Pwede parin naman tayo diba kahit malayo ako?!" |I'm making you chose here.. ako o ang pangarap mo." "Sorry Bryle pero, masasaktan ka lang sa sagot ko." "Fine then.. lets break up."

*END OF FLASHBACK Pero kung akala mo tapos na dun?! hindi pa. Oo nakipag break ako pero hindi ko kinaya. Hindi ko kinayang mawalan ng communication sa kanya. Kaya nman nakipagbati din ako agad pagkaalis niya. May constant communication parin kami..via internet and cellphone. Pero kahit ganun na lang kami at hindi kami nagkakasama, wala paring nagbago sa pagmamahal ko para sa kanya. She's my dream at kahit na nagawa niyang mas piliin ang pangarap niya kesa sakin inintindi ko na lang. Mahal ko siya eh.. Mahal na mahal. I love her that much that if I could give her the world, I will give it to her anytime. . . Months passed at dumating ang iniintay kong araw, SEPTEMBER 1, Elida's 18th birthday. Syempre hindi ko pwedeng palampasin yun. Kaya nga kahit na medyo masama ang panahon eh agad akong bumyahe papuntang Paris para personal syang igreet at para narin surpresahin sya. I had it all planned. Matagal kong pinagplanuhan yung surpresa ko. Pero ng makadating ako sa adress nila. Imbis na si Elida ang masurpresa ko. Ako ang nasurpresa.. Kasi pag pasok ko sa venue, habang dala dala ko pa yung banner na may nakasulat na "ELIDA I LOVE YOU" na may kasama pang banda na tumutugtog ng "MARRY YOUR DAUGHTER" w/ matching tshirt pa ako na may nakasulat na "MARRY ME or I WILL DIE".. Habang andun ako handang magmukhang tanga sa harap ng maraming tao which I don't usually do, habang andun ako handa ng ibigay sa kanya ang buong mundo, handa na siyang ayaing maging fiance ko tsaka ko naman maririnig na engaged na pala siya.

I have a ring with me. Inintay ko lang siyang maging 18 and then I'll make her mine. Hindi naman sa nagmamadali akong ikasal kami. I just want us to be engaged at pag handa na kami atsaka kami magpapakasal.. yun SANA ang balak ko.. yun ang pangarap ko. Pero malabo ng matupad ang pangarap kong yun. Kasi yung bride.. yung soon to be bride sana.. eh bride na ng iba.. haha. Nakakatawa.. nakakatawa talaga. F*ck! -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV "Hahaha.. I flew all the way to Paris just to witness the engagement of my girlfriend to some f*cking bastard I have never even seen before!" napatalon nlng ako ng bigla niya tabigin yung pitsel at yung mga basong nasa table sa harap namin "And you know what? Ang masakit pa dun, nung pumunta siya sakin at nilapitan ako.. I was expecting that this time "SHE WILL CHOOSE ME" pero anu lang ang sinabi niya?! hahaha! "I'm sorry" P*tang in@ng SORRY naman yan oh! kung isang sorry lang pala ang katapat ng lahat edi sana ok na agad ako! Sana hindi ako nasasaktan ng sobra! Sa lahat lahat ng ginawa ko para sa kanya at sa lahat lahat ng bagay na handa ko pang gawin.. haha.. tang ina! SORRY LANG DAW! sorry!! sorry! pesteng sorry yan!" Nagsimula ng magwala si Bryle. Hinagis na niya lahat ng pwede niyang maihagis. Yng vase na malapit samin, yung remote, yung plato. Tapos.. may pumapatak ng luha sa mata ni Bryle. Unang beses na makita kong umiiyak si Bryle.

Ang masungit at kinatatakutang si Bryle, umiiyak ngayon sa harapan ko na parang isang batang naagawan ng laruang gusto gusto niya. "Tama na Bryle.. Tama na.." hindi ko narin napigilan pa ang mga luha ko, kusa na lang din silang pumatak habang niyayakap ko si Bryle na nagpupumiglas parin Nagawa ko siyang maiupo muli sa sofa. Yakap yakap ko parin siya. "Ang sakit eh Nami. Alam mo yung pakiramdam na.. You are willing to give her the world.. pero ang sabi niya lang sayo.. "No thanks". You are ready to marry her.. pero ang sagot niya sayo.. "SORRY" .. "SORRY ikakasal na ako sa iba" hahaha.. hahahaha... P*tang in@n* SORRY! P*tan* in@ talaga!" Hinayaan ko na lang siyang sabihin at ilabas lahat ng nararamdaman niya.. lahat lahat. Hindi ko rin kasi alam ang dapat kong sabihin. "Siya ang nagturo sakin kung pano ngumiti, hindi ko alam na siya rin ang magtuturo sakin kung pano umiyak." "Simula nung mawala siya sakin, hindi ko na nagawang tumawa o ngumiti pa ulit. Ang tingin ko sa lahat lolokohin lang ako, iiwan lang ako, sasaktan lang ako. Lahat ng galit ko inilabas ko sa iba, ibinunton ko sa iba. Pero mukhang walang katapusan yung galit ko eh. Kasi kahit gano pa karaming galit ang ilabas ko, hindi parin sapat kasi masakit parin.. mabigat parin yung dibdib ko." "Buong buhay ko ganun na lang. Pinilit ko na lang wag magkaron ng pakialam sa iba. Pinilit kong kalimutang meron akong puso." "Tapos.. dumating yung isang basagulerang babae.. haha. Isang babaeng gumulo bigla sa mundo ko. Isang babaeng nagsabi sakin na hindi naman lahat ng tao sasaktan ako. Sabi niya sakin "Hoy gago! hindi naman lahat ng tao iiwan ka! Nanndito pa ako oh! " haha.. at hindi ko

namamalayan yung babaeng yun tinuturuan na pala akong ngumiti ulit araw araw. Na tuwing nakakasama ko pala yung babaeng yun hindi ko namamalayan tumatawa na pala ulit ako. Dahil sa babaeng yun nakaramdam ulit ako. Yung puso kong akala ko nawala na, naramdaman kong tumitibok na ulit. Nagawa niya yung patibukin ulit, dahil sa kanya parang nabuhay ulit ako." "At ikaw yun. Ang bobong babaeng yun. Ang tatanga tangang babaeng nagtyaga sa gagong katulad ko. Ikaw yun Nami. Simula ng dumating ka nabawasan yung sakit--hindi mali,parang nawala na yung sakit. Halos hindi ko na nga sya naiisip pag kasama kita eh. Hindi ko alam kung bakit pero ganun eh. Kaya wag mo akong iiwan katulad niya huh?! Hindi mo ako iiwan diba?!" talagang natigilan ako dahil sa mga sinabi niya, pero nagawa ko namang sumagot "Oo naman hindi kita iiwan. Kasi yung bobong babae.. hindi talaga kayang iwanan yung gagong lalaki lalo na't mahal niya to kasi nga bobo siya diba? *sniff. Kaya yung bobong babae.. gagawin niya lahat para mapasaya pa lalo yung gagong lalaki. Sabi niya gagawin niya pa ang lahat para tuluyan ng makalimutan nung gago yung Elida na yun. Gagawin niya ang lahat para dun sa gagong lalaki kasi mahal niya yung gagong yun eh *sniff. Mahal na mahal niya.. kaya nga..sana matutunan mo rin siyang mahalin balang araw. Pag-aaralan mo naman diba?" tumutulo pa ang luha ko habang sinasabi yan at halos mawalan na ako ng boses dahil sa paghikbi. Haay lasing naman siya eh. Malay niya pa sa mga sinasabi ko ?! para lang akong tanga dito. . . "*zZZZZZ... *hagok hagok" great,sabi ko na nga ba eh.. tinulugan ang speech ko Nakakainis talaga ang mga taong lasing! Haay.. nako panu to?! Anung gagawin ko dito?!

Halayin ko na kaya?! (leshe.. drama napunta sa kahalayan =__=) Eh kasi naman, masyado kaming madrama ni Bryle ngayon. Hindi ako sanay. Anu bang nangyayari samen! Haay.. basta.. Hinding hindi ko siya iiwan. Hinding hindi ako gagaya sa Elida na yun. Hindi niya alam kung anung pinakawalan niya. Hindi niya lang alam kung gaano siya kaswerte kay Bryle.

CHAPTER 28- OPERATION: WIN YOUR HEART. BRYLE's POV Aray ko. Bakit parang ang sakit ng ulo ko? Anu bang nangyari? Nanonood lang ako ng t.v. habang kumakaen diba? tapos anu na ngang nangyari? May nakapa akong kumot. Nakatulog pala ako sa sofa? Siguradong si Nami ang naglagay sakin nito.. pero nasan kaya siya? Bumangon ako. Teka.. parang may nag iba dito sa living room?! Ang tanda ko may vase dito sa table tapos, nasan na yung cover nung table? bakit wala ng table cloth?! Tsaka bakit basag yung salamin sa may mini drawer?! Bakit parang may natapon na something sa carpet? Anu ba talagang nangyari dito? "Nami! nasan ka?! sumagot ka Nami!" sigaw ko "Aray ko!" may narinig akong sigaw na sa tingin ko ay mula sa kusina Mabilis akong pumunta dun. Tapos nakita ko si Nami na nakaupo sa may sahig hawak hawak yung daliri niya habang nagdudugo yun. "Ang tanga mo talaga no?! =___=" sabi ko pagkalapit ko sa kanya sabay higit ko sa kamay

niya para makita yung sugat niya, maliit na cut lang naman pala, buti naman "Tsk.. kasalanan ko bang matalas yung bubog?" "Bakit kasi bare hands ang ginagamit mo pangkuha nung bubog?! dapat nag gloves ka man lang! tanga ka talaga!" "Ikaw dyan ang may kasalanan eh!" "Panung ako ang may kasalanan?! Eh kagigising ko lang! Tanga neto kahit kelan." "Kung hindi ka sumigaw, hindi ako magugulat. Kung hindi ako nagulat, hindi ako masusugatan nung bubog! Kaya all in all kasalanan mo!" "Hindi ko na kasalanan kung magugulatin ka!" "Ikaw ang may kasalanan kasi sumigaw ka!" "Kasalanan ng sumigaw ngayon?! =___=" "Ou kung makakagulat ka ng tao!" "Bobo ka lang sabihin mo." "Gagaya pa sayong tanga." "Nagsalita ang hindi tanga." "Kung makabobo ka Bryle akala mo matalino ka. Ambaba naman ng grades mo sa exam." "At least pasa! tsk!" "Haay! tama na nga! kung san pa mapunta tong pagtatalong to." -Nami "Sabi ko nga eh.. kukuha na akong band aid. Dyan ka lang." . .

"Tayo! anu bang tinitingin tingin mo sakin?! Bubuhatin pa kita papuntang lababo para hugasan yang sugat mo? =__=" sigaw ko kay Nami nung makuha ko yung band aid, aba eh nakatunganga lang sakin?! bobo amps! "Ang sungit naman neto.. tsk" tatayo din naman kung anu anu pang nirereklamo netong babaeng to Habang hinuhugasan ko yung daliri ni Nami na may sugat.. ewan ko ba.. pero iba yung tingin niya sakin.. basta may iba. Pagkatapos kong hugasan yung sugat niya syempre pinunasan ko ng towel.. tapos .. "Aray! grabe ka namang maglagay ng band aid huh!" pano basta ko pinagkit yung band aid sa sugat niya.. madiin pa ang pagkakadikit ko "Eh ikaw dyan Nami eh! Bakit kasi kanina ka pa tingin ng tingin sakin?! " "Huh?! hindi no." "Tsk.. tanggi pa. Ai teka.. matanong ko.. anu bang nangyari sa living room? Bakit sira yung ibang gamit?! may parang something pang natapon sa carpet." " Ah sa living room?! a-anu kasi ahm, anu" bakit parang nagpapanic si Nami?! anu ba talagang nangyari?! ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Aw! Paktay! anung dapat kong sabihin sa kanya?! anung dapat kong isagot?! Waaaaaaaah! Isip Nash! Isip! Kung sabihin ko kaya sa kanyang siya ang may gawa nun?! Na nanira na naman siya ng gamit ko dito para palitan niya ulit! Ayos yun!, ang gaganda lalo siguro ng magiging gamit ko!

Pero.. Kung sasabihin ko naman yun, itatanong niya kung bakit siya nanira ng gamit. Anung isasagot ko?! haay.. mabubuko lang niya ako! Baka malaman niyang nilasing ko siya! Na alam ko na yung tungkol kay Elida! Patay ako pag nagkataon.. Haay.. eh so anu nga talagan sasabihin ko?! "Hoy Nami! bakit hindi ka makasagot dyan huh?!" aw..kailangan ko na talagang magdahilan! " Ah anu kasi Bryle.. anu ahm.. " " Anu?! kanina ka pa dyan eh?! anu bang tinatago mo sakin?!" " Wa-wala! anu kasi..Lumindol kasi kanina." wala na akong maisip na palusot " Lumindol?! bakit hindi ko naramdaman?!" " Eh tulog ka eh.." " Hindi man lang ako nagising?!" " Malamang.. kaya nga hindi mo alam ang nangyari eh. Kung nagising ka di sana alam mo. Bobo talaga." " Sorry naman huh?! pwedeng magsorry Nami?!" "Akala ko ba ayaw mo ng SORRY?" napabulong ko bigla... kasi naalala ko nung nagwawala si Bryle eh.. "SORRY" yun ang salitang pinaka ayaw niya diba?! kasi dahil dun sa salitang yun, nawasak ang puso niya.. " Anung sabi mo Nami?! " " Wa-wala.. hehe.. tara kaen nlng tayo ng dinner. Anung gusto mong ulam?! gusto mong ipagluto naman kita ng afritada?!"

" Afritada?! anu yun?! mas masarap ba yun sa adobo mo?! " " Pareho lang silang masarap ng adobo." " Ow.. Sige! magluto ka na bilis! pero teka.. bakit ang bait mo ata?! Mamamatay ka na ba?! may cancer ka ba at may taning na ang buhay mo?! sinapian ka ba ni mama Marry?! nagkaron ba ng himala?!" *boink (binatukan ko si Bryle) " Ayoko na nga. Hindi na ako magluluto." " Nami naman!" " Say please muna Bryle!" " Ah ah naman to! bilis na Nami! gutom na ko eh!" " Hahahaha" Haay,, buti hindi na siya nagtanong. Nakalusot ako! Salamat Lord. Buti na lang wala syang natandaan na kahit anu mula dun sa nangyari kanina... kasi kung nagkataon.. baka nawalan na ako ng trabaho.. End of contract na siguro TT___TT Praise the Lord! wooh! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------The next Day.. TOMMY's POV "Pare anu may painom ka mamaya?!" -Steve "One to sawa ulit tayo?! game ako." -Third " Hoy Bryle sasama ka huh!" -Steve "Nagpaplano na agad kayo eh hindi pa naman sumasagot ng oo si Tommy... tsk" sagot ni

Bryle tapos bumalik na ulit sa paglalarong PSP As much as I want to celebrate with them.. There's someone I really wish to celeebrate this special day with.. pero.. panu naman?! pano ko siya aayain?! hays.. Maya maya dumating na sila Katie. Lunch na kasi eh kaya andito na sila sa tambayan. Nauna kami nila Bryle dito kasi vacant kami eh. . . " Happy Birthday Tommy!" nabigla naman ako ng biglang may tumambad sa harapan kong isang maliit na chocolate cake na may isang candle na nakatusok At ang may hawak nung cake.. Si Nash! "Si Katie ang nagbake niyan!" -Nash Ow.. akala ko ginawa niya para sakin.. siya lang pala ang naghawak.. tsk.. "Oh Tommy bakit?! ayaw mo ba ng chocolate cake?!" -Katie "Ah hindi Katie.. may naisip lang ako. Anyway thank you.. nag abala ka pa." "Wala yun.. kulang pa nga yan eh. Isa pa baka hindi masarap kaya pagtyagaan mo na lang." Katie "Kahit anu pang lasa neto kakainin ko parin.. thank you." "Ah ako.. Tommy.. sorry huh. Wala akong naihandang regalo. Eh kasi.. anu..hindi ko alam na bday mo pala ngayon. Nagtaka lang ako kasi dalawa yung cake na binebake ni Katie kanina sa baking class tapos tinanong ko siya kung bakit tsaka ko lang nalaman na bday mo pala. Eh nakaen ko na yung kalhati nung cake na ni bake ko, nakakahiya naman ibigay yung

kalhati kaya ahm--" -Nash "Ayos lang yun Nash anu ka ba?! Ok na sakin na binati mo ako." kahit na medyo masakit na hindi niya man lang alam na birthday ko, siguro kung si Bryle ako.. hay tama na nga.. hindi ako dapat mag isip ng ganito "Oh anu pang hinihintay mo Tommy?! Blow the candle na! ngawit na si Nash oh!" -Steve "Haha.. ou nga no." hinipan ko na yung candle "Anung winish mo?!" -Nash "Ikaw." "Huh?!" patay.. anu ba yung sinagot ko?! Bakit ba nawawalan ako ng kontrol sa sinasabi ko pag sya na ang kausap ko? "A- anu ang sabi ko.. Ikaw.. Ikaw talaga Nash! Hindi pwedeng sabihin yung wish kasi baka hindi matupad." " Ah.. hehe.. I see... ganun pala yun. Well sana matupad yun kung anu man yun." -Nash " *smirk.. Naniwala ka naman sa palusot ni Tommy" -Steve "Huh?! anu yun Steve?!" -Nash "Wala.. hehe.." sabay tingin sakin ni Steve ng nakakaloko.. napaka hilig tlgang mang asar nitong isang to "So kainin na natin tong cake." pag aaya ko Lahat sila nagsilapitan pwera lang kay Third.. "Oh Third ayaw mo ng cake?! akala ko gutom ka na?!" "Bakit ko kakainin ang pagkaen na hindi naman ginawa para sakin?!" yun lang ang sinagot

niya.. hay.. malma talaga tong si Third.. wag mong sabihing susuko parin sya kay Katie? "Tommy naman.. masakit na nga kay Third na makitang iginawa ka ng cake ni Katie, yun pa kayang kainin niya yung cake na yun.. nako baka--" "Baka anu huh Steve?!" natigil sa pagsasalita si Steve ng bigla siyang akbayan ni Third at ngumiti na ng parang aso si Third. Nako, pag ganyan na ang ngiti ni Third.. magdasal na kayo.. "Hehe.. wala.. sabi ko..hindi ka lang mahilig sa cake.. hehe.." -Steve . . Pagkatapos namin ubusin yung cake, lumabas na kami para pumunta sa klase namin. After 3 subjects eh dismissed narin kami from class.. Ganun rin sila Nash. Kaya naman sabay sabay kami ngayon papuntang parking lot. "Tara.. san niyo gustong kumaen?! sagot ko!" sabi ko habang naglalakad kami, I'm hoping sasama si Nash. This is the only way I could spend this day with her.. hindi ko man siya masolo atleast I can be with her diba?! "Nako Tommy.. may gagawin ako eh. Steve diba may lakad pa tayo?! may gagawin tayo mamaya diba?!" sagot ni Bryle sabay akbay kay Steve "Anung sinasabi mo Bryle wala naman tay--" nakita kong binigyan ni Bryle si Steve ng look na nagsasabing "Just say YES".. at dahil sa takot si Steve kay Bryle.. " Ah.. ou! ou nga pala! may gagawin nga pala kami ni Bryle! Kaya hindi kami makakasama Tommy!" sagot ni Steve na halata namang napipilitan lang.. halatang halata namang

nagsisinungaling sila eh =__= Anu bang pinaplano ni Bryle?! "Third di ba hindi ka rin makakasama?!" sabi naman ni Bryle kay Third at muli binigyan niya na naman si Third ng tingin na kami lang magbabarkada ang nagkakaintindihan.. "A- anu.. ta-tama. Hindi rin ako makakasama Tommy.. kasi anu ahm-- (nag pause si Third ng ilang segundo.. kahit kailan bulok tlga siya sa pag iisip ng palusot.. =__=) Kasi anu Tommy.. ahm.. MAY DATE KAMI NI KATIE!" sabay hawak ni Third sa kamay ni Katie Haha.. ayos din tong si Third eh. Mukhang nagets naman pala niya yung paliwanag ko. Sana maging ok na sila ni Katie. "Anung date ang sinasabi mo dyan huh Third ?! Kailan p--" hindi na nakatapos ng pagsasalita si Katie kasi binuhat na siya bigla ni Third.. haha.. nagwawala na nga si Katie pero sorry na lang sya.. mukhang this time, hindi na siya pakakawalan ni Third :) Nabigla naman ako ng biglang tinulak ni Bryle si Nash papunta sakin dahilan para medyo mapayapos siya sakin. "So-sorry Tommy" - Nash *dug dug dug Ambilis ng tibok ng puso ko. "Bryle anu bang problema mo?! bakit mo ako tinulak?!" sigaw ni Nash kay Bryle "Samahan mo si Tommy.." -Bryle "Huh?!" "Makakaya ba ng konsensya mong magcelebrate mag isa si Tommy ng birthday niya?!" -Bryle "Pero.. kami lang dalawa?!"-Nash

"Malamang.." -Bryle " Per--.." "Wala ng pero pero Nami! Sumama ka na lang! sige alis na kami ni Steve! kita na lang tayo bukas." sabi ni Bryle sabay lakad na papalayo samen habang kinakaladkad si Steve -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Sure ka Bryle?! ayos lang sayo?! anu bang iniisip mo?! sayang yung libre ni Tommy eh! kainis naman to oh!" -Steve "ililibre na kita ng kahit anung gusto mo kung ayun lang din ang inaalala mo. Basta hayaan mo na lang silang dalawa." "Talaga?! sige libre mo akong babae! wee! pero teka Bryle bakit?!" -Steve "Anung bakit?!" "Bkit mo sinadyang bigyan ng alone time yung dalawa?!" "Birthday gift." "Huh?" "Wala akong maisip na ibigay kay Tommy eh.. kaya yun na lang." "Pero Bry--" natigil kami ng pag uusap ni Steve ng biglang lumapit samen si Tommy.. Hinabol niya kami.. "Hindi ko alam kung anung tumatakbo sa isip mo Bryle pero.. thanks." -Tommy "Wag kang masyadong matuwa. Pinahiram ko lang siya, hindi ko siya binigay. Hiram lang, intindi?"

"Pano kung hindi ko na siya ibalik?" -Tommy "Kukuhanin ko siya ng pwersahan sayo." "Haha.. we'll see then.The fight begins now Bryle.. I'm making my first move." "What fight?!" " The fight to win her heart. Wag mong sabihing wala ka man lang balak lumaban?!" " Anu bang sinasabi mo Tommy?!" "I've given you enough time to realize your feelings Bryle. Kasalanan mo na lang kung hindi mo parin narerealize hanggang ngayon. Nasa sayo yun kung lalaban ka o hindi. Just to be fair kaya sinasabi ko na to sayo. Titira na ako ngayon. Nasa sayo kung titira ka pabalik. " "Ang gulo mo Tommy." "To make it simple, simula ngayong araw, hindi na ako magpaparaya. Hindi na ako magdedeny. Hindi ko na iisipin kung anung mararamdaman mo. Wala na akong pakialam. Basta gagawin ko lahat para maagaw sayo si Nash. Gagawin ko lahat para maunang makuha ang puso niya. So anu na Bryle, lalaban ka ba?" Lalaban?! para sa puso ni Nami?! Bakit?! Bakit ko kailangang lumaban?! Dapat ba akong lumaban?! Ibigay ko na lang kaya si Nami?! Hindi.. Ayoko..

Hindi ko kayang ibigay si Nami.. . . "Tinatanong pa ba yan?! Kailan ba nagpatalo si Bryle Stanford?!" "As expected. Good luck then! May the best man win Bryle?!" sabay abot sakin ni Tommy ng kamay niya na parang makikipag shake hands "Hindi ko kailangan ng goodluck mo kasi sigurado akong mananalo ako." then we shake hands..habang pareho kaming nakangiti..ewan ko ba pero.. parang ayoko talagang magpatalo.. wala sa plano ko yun.. kahit si Tommy pa tong kalaban ko.. "*smirk.. don't be so sure ;)" pagkasabi nun ni Tommy, umalis na siya.. . . "Bryle! anu yun?! makikipaglaban ka talaga kay Tommy?! pero magbest friend kayo!" -Steve "So?!" "So talagang in love ka nga kay nash?! Tama nga si Third?!" "In love?! anung in love ang sinasabi mo?! hindi ako in love sa babaeng yun no!" "Huh?! eh bakit ka makikipaglaban kay Tommy?!" " Ah.. anu.. bakit nga ba?! ah basta! Akin lang si Nami! Walang aagaw kay Nami! Pero hindi ako in love sa kanya! hindi!" " Tss.. in denial." " Anung sabi mo Steve?!"

"Wala.." "Tsk.. tara na nga.. may pupuntahan pa tayo." "Saan naman?!" "Mang sspy tayo sa kalaban." "Huh?!" "Susundan natin sila Nami." "Pero ang akala ko--" "Akala mo ba ipamimigay ko na lang sya ng ganun na lang?! Hindi ako mapapalagay ng may kasama siyang iba no! Baka malamangan ako ni Tommy.. mahirap na." " Tsk.. in love ka na nga.." "Hindi nga sabi eh!" "Eh anu ngang tawag mo dyan?!" "Wala! basta ayoko lang magpatalo!" " Wooh! in love ka!" "Hindi sabi eh!" "Oo na lang!" "Steve sabi ng hindi eh!" -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Anu kayang pinag uusapan nila dun?! hmm

Ang weird naman ng mga tao ngayon. Bakit kung kailan birthday ni Tommy tsaka sila may gagawin lahat?! kawawa naman si Tommy. Maya maya nakita ko na si Tommy na tumatakbo pabalik sakin.. " Sorry sa paghihintay.." " Ayos lang.. " " So tara na.. Mag date na tayo." " Huh?! date?!" " Yeah.. date.." " Ah..friendly date ang tawag dito diba?! hehe.. anu bang iniisip ko.. haha.." " Nope.. hindi to friendly date." huh?! anu daw?! ang gulo ni Tommy.. " Kung ganun anung tawag di--" >//////// ___ ///////< natigil ako sa pagsasalita ng biglang hawakan ni Tommy ang kamay ko all of a sudden.. waaaaaah.. bakit? "It's a casual date Nash.. between a boy and a girl.. " "E-eh?!" "Hindi ko hinahawakan ang kamay ng kaibigan ko lang. Kasi kamay lang ng taong mahal ko ang gusto kong hawakan." sabi ni Tommy sabay ngiti sakin Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.. "Jo-joke lang to diba Tommy?!" "Nope.. I'm not joking.. Truth is I like you Nash."

"E-eh?!" " Joke lang! haha!" woosh nakahinga naman ako dun " Ikaw tlga Tommy akala ko talagang sery--" "Joke lang na I like you.. Kasi ang totoo.. MAHAL KITA." ma- anu daw?! tama ba yung narinig ko?! Did he just confessed to me?! pe-pero bakit ako?! " Pero To--" " Shh.. wag ka munang sumagot.. hindi naman tanung yun eh.. Just let me love you.. okay?!" " Per--" "Shh.. hindi ako nagtatanong.. Simula ngayon, ako, si Tommy Michael Lopez ay official ng nanliligaw kay Nami Shanaia San Jose sa ayaw niya o sa gusto niya.. Kaya wala na syang magagawa." "Pero T-" "No more mister nice guy Nash. From now on, I'm willing to do desperate moves just to WIn your heart. Kaya ngayon, ako ang masusunod. Hayaan mo lang akong gawin ang gusto kong gawin. Walang tanong tanong. Walang kahit ano. Kahit ngayong araw lang Nash, just for this day, please.. Let me fall in love with you." "................................" SPEECHLESS ako.. as in.. Hindi talaga ako makaimik. Nanaginip lang ako diba?!

CHAPTER 28.5- OPERATION: WIN YOUR HEART (PART 2) TOMMY's POV Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi ang mga sinabi ko kay Nash sa totoo lang. Wala naman kasi talaga akong kaplano planong magtapat. Sabi ko kasi sa sarili ko, once na magkaron ulit ako ng opportunity na masolo si Nash tsaka ako magtatapat. Tapos eto na nga, dumating na yung opportunity na yun unexpectedly, kaya ginrab ko na yung chance. Hindi na umimik si Nash pagkatapos ng sinabi ko, parang nasa state of shock parin sya haha. Ang cute ng itsura niya ngayon. Ang pula ng pisngi niya.. ang sarap tingnan. Sumakay kami sa kotse ko.. " Ah Tommy para san tong saklob at shades?!" tanong ni Nash sakin " Mahirap na, baka may makakita satin, girlfriend ka ni Bryle dito sa school so dapat walang makaalam na ikaw ang kasama ko." " Ah.. o-ok.." sagot ni Nash sabay sinuot na niya yung saklob at shades Open air kasi yung kotse ko so kitang kita siya pag hindi niya sinuot yun. Ayoko namang magkaron pa ng issue so mas mabuti na yung ganito. . . Habang nagddrive ako, hindi ko binibitawan ang kamay ni Nash. Ang sarap sa pakiramdam eh. Ang saya saya ko. Ewan ko ba. "Ah Tommy saan tayo pupunta?!" "Secret na muna and wear this for the mean time." sabay inabot ko sa kanya yung headset

ng ipod ko "Isusuot ko?!" " Yep.. " "Pero bakit?" " Hindi ba sabi ko walang tanong tanong?! ako ang masusunod ngayon diba?!" " Sa-sabi ko nga.." then sinunod naman niya ako. Pinasuot ko sa kanya yung headphones para hindi niya marinig yung sinasabi ko sa phone, (note: naka headset ako nyan, baka magtaka kayo kung pano ako nakakapagdrive) since biglaan to, biglaan din ang plano ko. Kailangan ko ng icoordinate lahat para sa date namin. I have so many things inside my mind kung anung pwede naming gawin, hindi ako makapili kung anung dapat kong unahin pero basta, I'll do everything to win her heart.. EVERYTHING. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Nawawalan ako ng sasabihin kay Tommy. Totally awkward ang atmosphere. Eh kasi naman, hindi parin niya binabawi yung mga sinabi niya at hawak parin niya ang kamay ko. Waaaaaaaaaaaah! So mukhang totoo nga ang lahat ng to at hindi ako nananaginip?! Pero anu bang dapat kong gawin?! First time to na may manliligaw sakin officialy. Am I breaking the rule? pero anu namang magagawa ko, eh kahit tumanggi ako mukhang hindi makikinig si Tommy. Gosh.. anu ng gagawin mo Nash?! Ayokong paasahin si Tommy kasi alam ko naman na may nararamdaman na ako para kay Bryle. Pero hindi ko naman yun pwedeng sabihin kay Tommy kasi hindi pa ako handang

sabihin yun sa iba. Isa pa ayoko namang wasakin ang puso niya sa mismong birthday niya, parang ang sama ko naman ata nun. Eto na nga lang yung hiningi nung tao sakin diba?! Anu man lang yung pagbigyan ko siya ngayong araw na to diba?! Since mukhang pinamigay nlng din naman ako ni Bryle eh diba?! tsk. Mukhang wala din namang pakialam si Bryle kung sinong kasama ko. Sino nga lang naman ba ako?! kaya siguro dapat magpakasaya na nga lang din ako kasama si Tommy. Bahala na. . . Hindi ko marinig kung anung sinasabi ni Tommy pero kanina pa syang may kausap sa phone. Hindi ko naman matanggal yung headphones sa tenga ko kasi ang sabi ni Tommy isuot ko daw yun. So mukhang ayaw niya talagang iparinig sakin kung anu man yung pinag uusapan nila sa phone. Nakakaintriga naman.. saan kaya kami pupunta?! . . Maya-maya tumigil kami sa isang shop. Isa ata yung I think OTAKU SHOP?! yung tindahan ng mga stuffs na puro pang anime lovers! At dahil sa mahilig ako sa anime kaya medyo alam ko to! Kyaaaaaah! Pero anu kayang gagawin namin ni Tommy dito?! Bumaba kami ng kotse at pumasok na dun sa shop. Wow. As in kumikinang ang mga mata ko pagpasok namin dun. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat tumingin. May iba't ibang collectibles dun ng mga anime na gusto ko. Like isang bag na mukhang yung dala-dala ni Gaara ng Naruto, merong gloves ng X burner ni Tsuna ng Hitman Reborn. Yung Vonggola rings sa Hitman reborn din, may iba't ibang costumes din, yung costume ng akatsuki ng Naruto, pati forehead protector ng Konoha meron din! Tapos

may costume din ni Ichigo ng Bleach! Pati yung sword niya meron! waaaaaaaaaaaaaaah! Para na akong nasa heaven! "Good afternoon mam, goodafternoon sir." nagising lang ako sa pagpapantasya ng batiin kami nung salesman "Mukhang gustong gusto mo dito Nash." sabi ni Tommy sabay ngiti sakin.. ang gwapo ni Tommy.. "Hehe.. pwede ba akong tumingin tingin?!" " Oo naman.." Binitawan na ni Tommy ang kamay ko tapos nakipag usap na siya dun sa salesman habang ako naman ay naglibot libot sa buong shop. Waaaaaah! Naglalaway talaga ako sa mga nakikita ko. Napapanganga na lang talaga ako. Siguro kung kasama ko si Bryle matutuwa rin siya pag nakita niya to, adik pa naman yun kay Tsu-- teka! Bakit iniisip ko na naman si Bryle?! Si Tommy ang kasama ko ngayon! Si Tommy! Si Bryle pinamigay lang ako! Kaya wala munang Bryle ngayong araw! badtrip ako sa kanya! . . " Nash.. halika dito.." tawag ni Tommy kaya naman lumapit ako sa kanya " Bakit?! " " Isuot mo to.." tapos may inabot siya sakin na parang costume, isang moss green na uniform.. parang familiar sakin yung uniform.. tapos may inabot din siya sakin na parang eye patch.. at isang wig na maigsi na kulay violet.. Waaaaaaaaaah! teka.. parang alam ko na kung kaninong costume to!

Kay Chrome ng hitman reborn! kyaaaaaaaaah! (a/n: para sa mga hindi nanonood ng Hitman Reborn, sa mga hindi kilala si Chrome, search niyo nlng sa google "CHROME COSPLAY" para magka idea kayo kung anung itsura nung costume :) ) "Diba pangarap mong maging si Chrome?!" -Tommy "Pano mo nalaman?!" "Haha.. naikwento lang sakin ni Bryle yun. Eh adik din yun sa hitman reborn diba?! Ayun sabi niya nung isang beses nung nanonood kami ng hitman reborn pangarap mo daw maging si Chrome." " Nabanggit pa yun ni Bryle?! " "Oo..haha. Alam mo Nash, one of my deepest wish is to witness the dreams of my love coming true. So naisip ko bigla kung pangarap mong maging si Chrome then I want to see you be Chrome for this day." "T-thank you talaga Tommy!" yun na lang ang nasabi ko sa sobrang saya ko, tapos bilis bilis ko ng sinuot yung costume sa fitting room at pagsuot ko.. Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Hindi ako makapaniwala! parang ako na nga si Chrome! Sstig! Nakakatuwa! Lalo na nung sinuot ko yung violet na wig at yung eye patch! Waaaaaaah! Medyo nakakailang nga lang kasi memdy labas yung pusod nung costume but oh well, carry na yan! Tuwang tuwa talaga ako! Natupad na ang isa sa mga pangarap ko! Ako na si Chrome! Lumabas na ako pagkatapos para maipakita kay Tommy yung itsura ko pero paglabas ko..

>/////////////// _____ ///////////////< Nakita ko ang aking ultimate crush sa Hitman Reborn.. Si.. Si.. waaaaaaaaah! BYAKURAN! (a/n: para magka idea din kayo kung anung itsura ng costume ni Byakuran.. pasearch na lang sa google "BYAKURAN COSPLAY" ) " Tommy?! ikaw ba yan?!" Nashock ako ng paglapit ko kay Byakuran, narealize ko na si Tommy pala yun! Hindi ko agad napansin kasi nga white yung buhok niya tapos nagpalagay pa talaga sya nung parang tatoo ni Byakuran sa may mata. As in.. kamukha talaga siya ni Byakuran! Complete w/ accesories at costume! waaaaaaaah! " Yeah.. ayos ba?!" -Tommy " Ayos na ayos! waaaaaaaah!" "Haha.. nabanggit din ni Bryle na crush na crush mo daw si Byakuran ng hitman reborn. Natatawa nga ako nun kasi diba kontrabida si Byakuran?! pinag awayan niyo pa nga daw yun ni Bryle kasi bakit daw ang pangarap mong maka date eh yung kontrabida.. haha." -Tommy "Ah oo nga. Nalala ko yun. Nung sinabi ko kay Bryle na pangarap kong maka date si Byakuran aba binatukan ba naman ako! Dapat daw si Tsuna ang magustuhan ko! Eh sa ang gwapo naman talaga ni Byakuran! Pakialamerong Bryle na yun!" sabi ko sabay pout "Ang cute mo pag naka pout. Bagay sayo maging Chrome. Lalo akong naiinlove sayo.." a-

anu daw?! Pagkasabi nun ni Tommy.. tameme na naman ako. Bakit ba ganito sya?! Napaka straight forward niya.. >///// ___ ////< "Tara na Nash.." "Sa-saan?!" "Magdedate na kayo ni Byakuran.." "Lalabas tayo ng nakaganito?!" "Yep.. nabayaran ko na lahat ng suot natin so ok na tayong umalis." "Pero pagtitinginan tayo ng maraming tao!" "Ayos lang yun! mas exciting nga eh.. tara na!" at wala na nga akong nagawa, lumabas kami ni Tommy ng naka costume, magdedate talaga kami ng ganito ang suot?! Medyo kinakabahan ako kasi siguradong pagtitinginan kami ng mga tao pero at the same time waaaaaaah.. hindi ko maipaliwanag pero pag iniisip kong kadate ko si Byakuran.. waaaaah! natutuwa talaga ako. Dalawa na bale sa mga pangarap ko ang natutupad ko. Parang pwede na akong mamatay! *tears of joy -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Bryle bakit kailangan pa nating magsuot ng coat at ng shades?! para naman tayong ewan eh. Ang init init naka coat tayo, akala ko ba spy tayo?! eh pang detective tong costume na to eh!" -Steve " Eh sa tanga yung tauhan ni tanda eh. Sabi ko pang spy na costume yung bilhin, ganito ang

dinala. Pero ayos narin to mala Sherlack Holmes tayo." Nandito kami ngayon sa labas ng Otaku shop kung saan pumasok sila Nami. Palihim naming sinundan ang kotse nila Tommy kanina. Hmm..anu kayang plano ni Tommy?! Sabagay.. mahilig si Nami sa anime kaya mukhang matutuwa nga yung babaeng yun pag dito mo yun dinala.. matalino talaga si Tommy =__= "'Anu Bryle papasok na ba tayo?!" "Hindi.. mag intay na lang tayo sa paglabas nila." . . Maya maya.. may lumabas na sa shop. Nagpanggap kami ni Steve na tumatawag dun sa may pay phone malapit sa entrance para hindi kami mapansin. Spy nga kami eh.. =__= aAala ko sila Nami na.. pero dalawang cosplayers ang lumabas. Si Chrome at si Byakuran?! astig! Pero teka.. dun sila sumakay sa kotse ni Tommy. Wag mong sabihing sila yun?! At sa tingin ko.. sila nga! Siguradong tuwang tuwa si Nami. Pangarap nung makadate si Byakuran eh ambobo talaga nun, kontrabida ang crush?! Ang laking gwapo dun ni Tsuna! =__=. Tapos pangarap din nga pala nyang maging si Chrome. Eto ba ang plano ni Tommy?! tuparin ang pangarap ni Nami?! Naknang! Ang galing din talaga ng isang yun! Hindi ko naisip to ah.. tsk. "Bilis Steve! sakay! paalis na sila.." "Sila yun?!" "Oo.. kita mo ng dun sumakay sa kotse ni Tommy eh."

"Bakit ganun ang itsura nila.. spy din sila?!" "Tsk.. wag ka na ngang maraming tanong Steve!" Bilis bilis ko ng pinatakbo ang sasakyan. Hindi pwedeng mawala sa paningin ko sila Nami. Hindi ako pwedeng malamangan ni Tommy! PSH. Ako lang ang dapat makapag pangiti kay Nami! nakakainis! ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Hmm.. ewan ko kung guni guni ko lang yun pero si Sherlack Holmes ba yung nasa may payphone kanina?! hmmm.. ang weird naman nun.. namalikmata lang siguro ako. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang mapatitig kay Tommy. Eh kasi nga si Byakuran siya ngayon. Ang ultimate crush kong si Byakuran! waaaaaaah! "Baka matunaw na ako Nash.." sabi ni Tommy sabay ngiti.. Napaiwas naman tuloy ako bigla ng tingin sa kanya. "So-sorry.." "Haha..ayos lang. Sana pala lage na lang ganito ang itsura ko. Sana lage nlng akong si Byakuran para lage mo akong tingnan." At pagkasabi niya nun.. Tameme na naman ako. Si Tommy siya ngayon pero waaaaaaah.. namemesmerized talaga ako. Ngumingiti sakin si Byakuran. Ngumingiti si Byakuran! haay.. Naloloka na ako. Tumigil naman this time ang sasakyan sa isang park.. " Tara na.." -Tommy "Wag mong sabihing--ang daming tao Tommy! ayokong bumaba!"

"Sige na Nash.. birthday ko naman. Gusto mo din namang makipag date kay Byakuran diba?! wag mo na lang pansinin yung mga tao." At dahil sa nakonsensya naman ako kasi bday nga pala ni Tommy at gusto ko ring maka date si Byakuran..eh bumaba na nga ako ng kotse.. bahala na. As expected.. pagdating na pagdating namin sa park na ang daming tao, napatigil yung mga nagbabike, yung mga nakaen sa food stands napapatingin samin pati yung mga naka upo sa benches, halos lahat. Pero inakbayan lang ako ni Tommy at nagtuloy lang kami sa paglalakad.. *lakad lakad lak-"Kyaaaaaaaah! ate pwede papicture kasama niyo?!" may humarang sa amin na isang babaeng siguro nasa elementary siya..at ayun nagpapicture kasama namin.. " Kyaaaaah! Byakuran! papicture! Hindi ko alam na may cosplay event pala dito!" "Papicture din.." at ayun medyo nagkumpulan na yung ibang tao.. Medyo natagalan bago kami nakatakas ni Tommy. Paano kami nakatakas?! Ewan ko.. Lumipat bigla yung mga tao eh..Narinig kong sabi nung isa... "Kyaaaaah! ayun naman si Tsuna!" yan lang ang narinig ko So may naka cosplay costume din ng Tsuna dito?! Ang galing naman! Parang gusto ko rin makita pero masyado ng maraming tao. . . Nakarating kami ni Tommy sa isang part nung park kung saan may patag na ground at may

puno. May naka set up na dung blanket na nakalatag at mga pagkaen. Dun sa blanket may nakasabog na rose petals naka shape ng heart. " Pinlano mo to Tommy?!" " Yeah.." "Pero ikaw ang may birthday! bakit ako ang sinusurpresa mo?! Ni wala man lang nga akong regalo sayo eh.." "Sshhhh.. the mere fact na kasama kita ngayong birthday ko is the best gift na para sakin. So hayaan mo na lang ako Nash." kaya ayun wala na akong nagawa at umupo na lang Grabe.. bakit ba ang sweet sweet ni Tommy?! Si Bryle impossibleng maging ganito. Tsk Nash! si Bryle na naman ang iniisip mo! anu ba! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Pesteng mga tao yun! bago pa tayo makaalis!" pagrereklamo ko habang naglalakad kami ni Steve "Pano ba naman kasi.. akala nila may cosplay. Bakit ba nakigaya ka pa kila Nash?! May Tsuna effect ka pa dyan Bryle! Pati ako dinamay mo! Ginawa mo pa akong si Reborn =___=" -Steve "Eh bakit ba! Eh gusto ko ding maging si Tsuna eh! Ipapakita ko kay Nami na mas gwapo si Tsuna kesa kay Byakuran! papakita ko yun sa kanya! tsk.." "Haay, baliw ka na din talaga Bryle.." -Steve "Anung sabi mo Steve?! pasuin kita ng x burner ko eh.." "Wala.. tsk.."

"Haay.. nasan na kaya sila Nami! potek naman oh.." lakad lang kami ng lakad dito Nawala sila Nami sa paningin ko nung pagpyestahan kami ng mga tao eh. Kaya nga ngayon pag may lalapit samin at magpapapicture sinasamaan ko na ng tingin. Nakakabadtrip kasi eh! Baka kung san na dinala ni Tommy si Nami! asar. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV " Grabe ang sarap naman kumaen pag pagod.. haha.. nakakagutom" -Nash " Haha.. anhsaya nga eh.. Thank you Nash.." "Bakit ka nagtthank you?! ako nga ang dapat mag thank you eh. Tinupad mo na ang dalawa sa mga pangarap ko." "No.. Ikaw ang tumutupad sa mga pangarap ko." "Huh?! pano? eh wala nga akong nagawa para sayo." "Diba sabi ko sayo pangarap kong makitang natutupad ang pangarap ng babaeng mahal ko, at natupad ko na yun. Nakita ko ng matupad ang pangarap mo. Pangarap ko ring magcelebrate ng birthday ko kasama ang babaeng mahal ko and ayun na ang ginagawa ko ngayon. Pangarap ko ring gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa with the girl I love. Kaya ngayon tutuparin ko yun. Syempre kasama ka. You see Nash, kung wala ka, hindi matutupad ang mga pangarap ko. Your mere existence makes my dream come true." "Tommy..hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Pag nalaman to ni Bry--" "Bawal sa contract diba?! pero wag kang mag-alala, hindi naman kita liligawan sa school. Sa school kayo parin ni Bryle. Yung panliligaw ko is sa atin lang na nakakaalam about sa contract. Alam narin to ni Bryle."

"Alam ni Bryle?! tapos pumayag sya?!" ewan ko ba kung bakit pero mukhang disappointed si Nash "Oo. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Isa pa ding rason kung bakit ko naisipang mag costume tayo kasi baka mamaya may makakita satin na student sa school. Baka magkaron pa ng issue. I will court you Nash pero alam ko namang mahalaga sayo yung contract at kailangan mo yun and kailangan ka rin ni Bryle. Sa panliligaw ko hindi ko naman hinihiling na tapusin mo na yung kontrata. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Ang sakin lang Nash, hayaan mo lang akong mahalin ka. Wag ka munang sumagot. Bigyan mo naman muna ako ng oras para maiparamdam sayo na mahal kita. At kung pagkatapos nun wala ka paring maramdaman para sakin, tatanggapin ko na lang. Ang mahalaga nag try ako.. so.. ok na tayo?! liligawan na kita huh?!" Matagal nag pause si Nash.. Kinakabahan ako sa isasagot niya.. Well kahit naman ayaw niya, liligawan ko parin siya.. pero mas ok kung papayag siya diba?! "Si-sige na nga.. pero Tommy wag ka sanang mag expect huh. Ayokong umasa ka." "Yeah.. no expectations, just simply loving you." Hindi ko alam kung mananalo ako pero anung magagawa ko? Mahal ko si Nash eh.. siya lang wala ng iba. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na magpaligaw kay Tommy. Siguro dahil kahit naman siguro sumagot ako ng hindi wala din naman. Isa pa ang totoo.. siguro nadala na lang din ako

ng inis ko. Ewan ko ba.. nung nalaman kong alam ni Bryle ang tungkol sa panliligaw sakin ni Tommy at ok lang kay Bryle, parang nasaktan ako. Kasi mukhang wala talagang pakialam sakin si Bryle. Kasi diba kung may nararamdaman siya sakin kahit papano dapat hindi sya pumayag di ba?! Kaso hindi. Mukhang imposible ngang mahalin niya ako. Sino nga ba naman kasi ako kumpara kay Elida?! Hindi naman siguro masama kung bigyan ko ng chance yung taong nagmamahal sakin. Hindi yung nagpapakatanga ako sa taong hindi naman ako mahal. . . Pagkatapos namin kumaen ni Tommy niyaya niya naman akong magbike. "Pag nanalo ako, you're mine until midnight" -Tommy "Huh?!" "Sasamahan mo ako until midnight." "Eh pag ako ang nanalo?!" " ililibre kita ng ice cream.. yung 5 scoops.." at dahil sa hindi ako tumatanggi sa challenge at parang ansarap nga nung ice cream na yun.. "Sige deal,, race tayo!" "Ok, paunahan tayo makarating dun sa may fountain sa plaza." -Tommy Ayun.. nagrace na kami ni Tommy. Malawak naman kasi yung park eh. Pwede kang magrent ng bike. Ibabalik mo yun after 2 hours. Grabe.. ang bilis din mag bike ni Tommy! naman oh! gusto ko ng ice cream eh! .

. and in the end.. TT_________TT Talunan ako. Eh kasi naman no, mahirap magbike ng naka skirt. Sabihin na natin na nakashort naman ako pero may nanghaharang pa sakin minsan para magpapicture. Nilalampasan ko na nga lang yung iba eh kaso yung iba nahuhuli talaga ako.. tsk.. ice cream ko! Ang layo na nga ni Tommy sakin eh. Hindi ko na siya makita. Pag dating ko sa sinasabi ni Tommy na fountain. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita.. *lingon lingon Until.. Nakita ko rin siya pero this time, hindi na niya suot yung costume niya. Siya na talaga ngayon si Tommy. Bigla syang umakyat dun sa may part ng fountain na pwedeng tapakan. Malaki naman kasi yung fountain eh. Tumapak siya dun. May nag abot sa kanya ng gitara. Nakatalikod siya sakin. Parang may kung anu syang sinuot sa leeg niya..at pag harap niya.. Nag simula siyang tumugtog..habang may nakasabit na sign board sa leeg niya. O__________________________________O "PLEASE FALL IN LOVE WITH ME" yan ang nakasulat dun sa sign board Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil dun sa sign board ni Tommy. Speechless talaga

ako. Lalo na nung marinig ko yung boses niya.

NOW PLAYING: TRUE by RYAN CABRERA I won't talk I won't breathe I won't move till you finally see That you belong with me

As usual.. ang ganda talaga ng boses ni Tommy. At ewan ko ba.. parang naiiyak ako sa ginagawa niya. Bakit ba ganito na lang niya ako kamahal?! Bakit hindi lang kasi maging ganito si Bryle?! Ay mali.. bakit pala hindi na lang kasi si Tommy ang mahalin ko?!

You might think I don't look But deep inside the corner of my mind I'm attatched to you mmmm

I'm weak, it's true Cause I'm afraid to know the answer Do you want me too? Cause my heart keeps falling faster

Grabe ang dami ng tao sa paligid namin. Halos lahat ng tao dun sa may plaza parang

nakinuod na. May mga naririnig pa ako na.. "Waaaaaaah.. sana ako na lang yung girl." "Please fall in love with me daw. Kuya, pag hindi siya na in love sayo sakin ka na lang!" "Kyaaaaaaaah! sana ganan din maging boyfriend ko!" Yan ang sigaw nung mga babae. Siguro nga ang swerte ko kasi minahal ako ng isang katulad ni Tommy. Sana kasi mas una ko syang nakilala kesa kay Bryle. I've waited all my life to cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true This time sumasabay na sa chorus yung mga tao.. nakiki kanta na rin sila. You don't know what you do Everytime you walk into the room I'm afraid to move

I'm weak, it's true I'm just scared to know the ending Do you see me too? Do you even know you met me?

Bumaba na si Tommy at lumapit sakin. Lumuhod siya habang kinakantahan ako. Gusto ko na nga syang patayuin, nakakahiya. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Akala ko sa mga koreanovelas lang nangyayari yung mga ganitong cliche scenes pero pwede rin pala yun mangyari sakin. I've waited all my life to cross this line To the only thing thats true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true

I know when I go I'll be on my way to you The way that's true

I've waited all my life to cross this line To the only thing thats true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true

Pagkatapos kumanta ni Tommy.. nagpalakpakan yung mga tao. May sumisigaw ng

"KISS!" "Sagutin mo na sya!" Mga ganung tipo.. hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pero bigla na lang akong binuhat ni Tommy. Yung buhat na parang bagong kasal. Tapos umalis na kami palayo dun sa mga tao. "I win.. so you're mine until midnight." yun lang ang sabi niya habang buhat buhat niya ako Leaving me speechless and my heart thumping. Yeah.. surprisingly it's thumping. Habang tintingnan ko si Tommy lalong bumibilis. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV "Hoy Tsuna! panu ba yan? Imba moves ng kalaban! GG ka na boy!" -Steve "Sige mang asar ka pa! iddouble kill kita dyan Steve! tss.. parang yan lang. " "Anung parang yan lang?! ang hirap talunin niyan Bryle. " "Tsk.. akin parin si Nami. Ako ang may ari sa kanya. Habang may kontrata, akin lang sya. At hindi ako papatalo sa ganyan lang. Hindi talaga." kahit na inaamin ko, mukhang mahihirapan talaga akong talunin yun Maglagay ba naman ng signboard at kumanta sa harap ng sobrang dameng tao habang suot suot yun? Grabe lang si Tommy, mukhang talagang seryoso sya.. tsk. Saan naman kaya niya dadalhin si Nami ngayon?! hindi parin ba sya tapos?! "Bryle! gabi na oh. Hindi pa ba tayo uuwi?!" -Steve "Hindi pa.. tss. Once na matapos ang bday niya.. times up. Babawiin ko na kung anung akin." tapos bilis bilis na akong naglakad para sundan sila Tommy

Ewan ko ba pero nag iinit ang ulo ko. Parang pinagsisisihan kong hinayaan ko pa silang magsama na sila lang.. tss. Hassle naman oh. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! Parang all of a sudden gusto kong suntukin si Tommy! Bakit ganito?! ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------TOMMY's POV Nandito kami ngayon ni Nash habang nakahiga sa damuhan. Pinagmamasdan lang namin ang mga bituin sa langit. Sabi ko kasi gusto kong tapusin ang bday ko ng kasama siya.. so ayun. Marami na kaming napag usapan. Maraming bagay na akong nalaman sa kanya. Ang saya saya ko talaga ngayon. "Nash alam mo b--" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko ng pag tingin ko kay Nash, nakatulog na pala siya.. Nilagay ko sa kanya yung jacket ko. Tumagilid na lang ako ng higa para pagmasdan siya. Ganun lang ako. Nakatitig lang sa mukha niya habang inaantay matapos ang birthday ko. Baka nga pagalitan ako ni mommy kasi magdamag na akong hindi umuuwi. Baka sumama ang loob nun sakin kasi siya ang lage kong kasama pag bday ko. Pero maiintindihan niya naman siguro. Etong birthday na to, kahit ito ang pinaka simple, ito ang pinaka masaya sa lahat. Kasi kasama ko siya.. ang babaeng mahal ko. Masayang masaya na ako. Ang kulang na nga lang mahalin rin niya ako. " I love you " I whispered in her ear kahit na alam kong tulog siya Dahil sa medy napalapit ako masyado sa mukha niya..I suddenly got the urge to kiss her..

Masama ba tong gagawin ko?! Birthday ko naman eh.. pwede ba?! sa pisngi lang naman eh. 1 2 *boink hahalikan ko na sana yung pisngi ni Nami ng biglang may tumamang mansanas sa may mukha ko.... Saan naman nanggaling yung mansanas?! wala namang puno ng apple dito. Pagpulot ko dun sa mansanas.. may kagat?! Then biglang may lumapit samin. Si Tsuna ng hitman reborn?! pati si Reborn?! Nananaginip ba ako or what?! "Times up birthday boy.." nagsalita si Tsuna sabay pakita sakin nung cellphone niya na may nakalagay na oras 12:01 am.. at dahil dun sa cellphone tsaka ko lang nalaman na si Bryle pala siya.. "Tsk.. sinundan mo kami?!" "Napadaan lang ako no." -Bryle "Tama napadaan lang kami Tommy."-Steve "Napadaan sa dis oras ng gabi?! tss.. haha.." "Heh! basta..tapos na ang oras mo Tommy. Kukuhanin ko na kung anung akin." tapos binuhat na ni Bryle si Nash

"Hindi siya totoong sayo. Wala pang may ari sa kanya. I've done my part. Siguraduhin mong kaya mong tapatan yung ginawa ko. Marami pa akong plano Bryle." " As if papatalo ako kay Byakuran. Mas magaling parin si Tsuna.. tsk.. Happy birthday na lang Tommy." sabi ni Bryle tapos umalis na siya kasama si Steve Hays.. Si Bryle talaga. Mukhang hindi rin talaga papatalo.. tsk.. Napakamot na lang ako sa ulo habang pinagmamasdan siya palayo. Tinangay na si Nash.. tsk.. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV -.O O.O___O Nasaan ako?! Nasa condo na ako?! Nasan si Tommy?! panaginip lang ba lahat?! "Hoy sinong hinahanap mo?!" "Waaaaaaah!" napabangon ako kasi..nagulat ako.. biglang nasa may higaan ko si Tsuna! Bakit ko katabi si Tsuna sa kama?! Panaginip lang siguro to. Masyado na akong obsessed sa hitman reborn. Inuntog ko ang ulo ko dun sa may headboard ng kama. "Aray ko ansakit.. TT____TT" daing ko

"Malamang masakit yan Nami. Iuntog mo ba naman ang sarili mo. Bobo ka talaga." "B-bryle ikaw ba yan?! hindi ako nananaginip?!" "Gusto mo iuntog pa kita ng isa?!" "Hi-hindi na.. hehe.. te-teka. Anu bang ginagawa mo dito?! Nasan na si Tommy?!" "Tsk..tapos na ang birthday ni Tommy kaya akin ka na ulit. Kinuha ko lang kung anung akin. Anung akala mo ipapamigay lang kita ng ganun?! Akin ka lang! kuha mo?!" ewan ko ba.. binabantaan na niya ako at lahat pero natutuwa at napapangiti ako ng hindi oras dahil sa sinabi ni Bryle "Sabi ko nga eh diba?! tsk. Dito ka natulog para lang sabihin sakin yan?! Tsaka teka, bakit naka costume ka ng damit ni Tsuna?! May gloves ka pang nalalaman.. pati buhok huh? " sabay hawak ko sa buhok niya "Wag mong guluhin yung buhok! badtrip to oh. Ito pa nga ang gusto kong sabihin sayo..." umupo sya at humarap sa akin Tapos.. waaaaaah.. Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.. "Pagmasdan mong mabuti Nami.. Mas gwapo si Tsuna kaysa kay Byakuran hindi ba?!" Hindi na ako naka imik. Napatango nlng ako habang nakatulala parin. Ilapit ba naman ako ng sobrang lapit sa mukha niya?! >//////// ____ /////////< Tapos nun bigla na nya akong binitawan at tumayo na siya sa kama. "Hindi magpapatalo si Tsuna kay Byakuran. Tandaan mo yan Nami." pagkasabi niya nun lumabas na siya Anung ibig nyang sabihin dun?! Inantay niya talaga akong magising para lang makipagtalo sa

kin tungkol kay Tsuna at Byakuran?! Si Bryle talaga kahit kailan. Napahawak na lang ako sa dib dib ko sabay higa. Bakit ganun?! yun lang ang ginawa ni Bryle. Nilapit lang niya ang mukha niya sakin. Kinausap lang niya ako, ppero ganito na kabilis yung puso ko. Mas mabilis pa kaysa nung kinakantahan ako ni Tommy sa harap ng mga tao kanina. Bakit ganun?! Ang bias naman ng puso ko. May favoritism kang puso ka! nakakainis! Sa totoo lang, ngayon ko lang mas nagustuhan si Tsuna kesa kay Byakuran. Ngayon lang talaga.

CHAPTER 29- MEANWHILE.. (A/N: Sa mga nakakamiss na daw kay Nami at Bryle.. sorry, d kanila tong chapter na to.. wahaha.. wala akong pakialam kung namimiss niyo na sila.. ako ang author eh bakit ba?! (ahaha, nagtaray ba daw?) but seriously, break muna ulit tayo sa kanila.. give way for ThirTie love team (THIRD and KATIE) Mahal ko rin kasi sila so.. sila na muna.. ^_____^) KATIE's POV Anu na naman ba tong pinaplano ng Third na to?! Bakit ba ang hilig niyang kidnappin ako?! Akala ko ba hindi na niya ako papakialaman?! Akala ko hindi na kami magpapansinan?! Tapos ngayon may date daw kami?! DATE! Date na hindi naman ako pumayag! Peste! Ngayon pang bday ni Tommy! naman oh! Pero sabagay.. alam ko namang hindi ako ang gustong makasama ni Tommy eh. Sana lang mapasaya siya ni Nash. "Hoy Third! saan mo na naman ako dadalhin?!" sigaw ko kay Third pagkaupo niya sa driver's seat

"SA PUSO KO." a-anu daw?! "........................" "Ahahahaha! look at your face! Wahaha! Wala ka parin talagang pinagbago Katie. Ang bilis mo parin mag blush! wahaha!" ang saya naman ata nitong isang to ngayon?! parang nung huli kaming magkita emo to eh.. =___= "Heh! wala akong panahong makipaglokohan sayo Third! Palabasin mo na ko dito sa kotse! Wuwi na ko sa bahay!" bubuksan ko na sana yung pinto kaso hinawakan ako ni Third ng mahigpit sa braso ko.. PSH! "Walang uwi-uwi Katie. Hindi na kita pakakawalan. Kung ayaw mong mahalikan katulad nung dati, manahimik ka at sumunod sakin.. intindi?!" At dahil sa alam kong hindi siya nagbibiro, baka mamaya halikan na naman ako nito.. eh tumahimik na nga po ako. Haay.. kahit kailan talaga lage akong talo sa kanya. Nagagawa niya akong pasunurin lage! . . After ilang minutes ng byahe.. Tumigil ang sasakyan sa isang park.. Teka.. Eto yung park na madalas naming puntahan ni Third noon! Kada uwian namin from school dati, dadaan muna kami dito at maglalaro.. maghahabulan, kakaen at kung anu anu pa.. "Baba na .. ang bagal! =___=" hindi ko namalayan nakababa na pala si Third ng kotse tapos ay hinigit niya ako bigla palabas.. ang hilig talaga nitong mangaladkad! "Hoy Third, anu bang ginagawa natin dito?! Hindi nga sabi ako pumapayag na makipag date

sayo!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas ako sa kanya "Anu naman kung hindi ka pumapayag?! I'm not asking your permission, I'm forcing you. Sapilitan to, hindi ba obvious?! slow talaga neto.. =__=" "Diba sabi mo sakin pipilitin mong mawala na lang sa buhay ko? Diba pinangako mo yun?! anu ng nangyari dun sa mga sinabi mo huh?! bakit ganito ka ngayon?!" "Eh sa hindi ko pala kaya eh. Nagbago bigla isip ko.. so, sorry ka na lang." so ganun lang yun?! nagbago lang ang isip niya bigla?! akala ko pa naman talagang serious sya! Haup na Third na to! "Arggggggggg! bwisit ka talaga! Hindi ako papayag makipagdate sayo!" pagsigaw ko nun kinagat ko yung kamay niyang nakahawak sakin dahilan para mabitawan niya ako "Aray! ang brutal mo talaga kahit kelan Katie! Para tong aso eh! aray!" daing niya habang hinihipan yung kamay niyang kinagat ko.. ahaha.. Naalala ko tuloy bigla nung bata pa kami, madalas din ako nun kinakaladkad ni Third kasi ang bagal ko daw maglakad. Tapos dahil sa naiinis ako sa pagkaladkad niya sakin, madalas ko siyang nakakagat, at yung reaction niya ngayon, ganung ganun parin katulad nung dati. Nakakamiss din pala. Heh! anu ba tong sinasabi ko! erase! Galit ako sa kanya! Hindi ko siya namimiss! " Buti nga sayo! bbye to you!!! :PPPP" bineletan ko siya tapos nagtatakbo na ako pero natigil ako nung marinig kong sumigaw siya.. "Pag tinakbuhan mo ako Katie magpapakamatay ako!" Kaya naman napaharap ako sa kanya.. pati yung ibang tao dun sa park pinagtitinginan na kami! Waaaaah! Nakakahiya talaga tong si Third! Wala talaga syang utak!

"Anu bang sinasabi mo dyan huh Third! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" sabi ko pagkalapit ko kay Third "Mamili ka Katie, makikipag date ka sakin o magpapakamatay ako?" "Hahaha.. as if naman kaya mong magpakamatay Third.. haha" "Pano pag nakaya ko?!" "Haha.. magawa mo na lang." "Sabi mo eh.." tapos bigla siyang naglakad papunta dun sa malapit na fountain.. Waaaaaaaaaaaaaaaah.. Tapos pumunta siya dun sa loob nung fountain. Malaki kasi yun eh so makakapasok ka sa loob. Sinundan ko naman siya ta-tapos.. Waaaaaaaaaaaah! Dumapa siya dun sa fountain. Nakalublob yung buo niyang katawan sa tubig. "Hoy Third! Anu bang katangahan yan! Umahon ka na nga dyan!" sigaw ko kay Third Waaaaaaah! Ang dami ng tao sa paligid. "Third! hoy!" waaaaah! ayaw parin nyang umahon sa tubig! Anu ba to! baka mamaya mawalan na nga sya ng hininga! waaaaaah! "Third naman eh! hoy!" "Third!!!" Pumasok narin ako sa fountain para kuhanin si Third Grabe naman kasi yung mga tao sa paligid, mga walang kwenta! Mga nakatingin lang! hindi man lang ako tulungan no?!

Pagkabuhat ko kay Third.. Inihiga ko siya dun sa may pavement nung fountain, yung pwedeng upuan.. O_______________O TT___________________TT waaaaaaaaaaaaaaah! wala siyang malay! "Third! Third wag mo naman akong lokohin oh!" inaalog alog ko si Third pero ayaw niya parin magising! "Miss baka nakainom siya ng tubig.. i CPR mo kaya.." sabi nung isang manang "CPR?!" "Ou, mouth to mouth resucitation.." "Pe-pero.." "Kung ayaw mo ate ako na lang!" sigaw ni ate tapos lumapit si ate kay Third at akmang susubsob na sa labi ni Third pero.. ewan ko ba.. Bigla ko na lang tinulak si ate.. *tulak kay ate *Tingin sa nang aakit na labi ni Third.. *gulp as in?! gagawin ko tlga?! pe-pero..

waaaaaaaaaaaah! Baka kasi mamamatay si Third! hay! kakalimutan ko na nga muna tong pride ko.. ang mahalaga.. mabuhay si Third! . 1 . 2 . 3 . *Hihip sa bibig ni Th-Pero bago ko pa mabigyan ng hangin si Third, bigla niyang niyapos yung likod ko dahilan para talagang mapasubsob ako sa kanya ta-tapos.. waaaaaaaaah! Bigla siyang mumulat.. Sabay ngiti ng sobrang laki.. ^____________________^ ganyan. Gising pala ang walangya! Hinalikan niya lang ako! Tinulak ko siya.. "Walangya ka!" sigaw ko "Pfffffffft.. ahahahahaha! kahit kelan talaga ang tanga mo! Naniwala ka talagang pwede akong malunod sa fountain?! Ahahaha! Eh hanggang tuhod ko nga lang yung tubig oh! Ahahaha! Anu ba yan Katie! Kung magpapakamatay man ako, sa mas maganda ganda namang lugar di

b--aray ko! aray Katie! aray! aray! aray!" piningot ko yung tenga niya.. walangyang Third na to! "Ikaw talaga Third! bastos ka! Walangya ka! Walangya ka talaga!" pinagpapapalo ko na siya dun "*whoa teka Katie! haha! teka,,haha! malay ko bang iccpr mo nga talaga ako! ahaha! *whoa" "Mapapatay talaga kita Thi--" "(*whistle )Hoy kayong dalawa! bawal dyan! " Nabigla kami pareho ng marinig namin ang isang malakas na pito.. tapos naghawanan yung mga tao sa paligid.. at nakita namin ang isang security guard.. waaaaah.. patay kami ni Third! "Anu pang tinatanga tanga mo dyan Katie?! tara! takboooooooo!!" hinigit na ako ni Third at sabay kaming tumakbo . . *hingal hingal Buti na lang hindi kami nasundan nung guard! kala ko makukulong pa kami eh.. TT____TT Nakarating kami ni Third sa isang beach, may malapit kasing beach dito sa park na to. Marami kang dadaanan bago ka makarating. Madalas dito kami nagpupunta ni Third nung bata pa kami. "Kasalanan mo to eh! muntik pa tayong makulong!" sigaw ko kay Third "Anung ako?! eh kung hindi ka na nagpakipot at pumayag ka na lang makipag date sakin eh di sana hindi ko na kinailangang lumublob dun sa fountain!" "Tss.. eh kung hindi ka ba naman kasi tanga at kalahati eh! Hays! Basang basa na tuloy tayo!

patay ako kay mommy nito! " "Imbis na magreklamo ka dyan, mag isip ka na lang ng paraan diba?! basa na tayo eh. Wala ka ng magagawa. Ang ingay ingay mo.. tara dito." tapos hinigit niya ako papunta sa isang kubo "Hoy Third anung gagawin mo sakin huh?! gagahasain mo ko dyan?!" *boink (binatukan niya ako) "Ang dumi ng isip mo! Hindi ko magagawang gahasain ang babaeng mahal ko." e-eh? "Anung sabi m--" "Wala! bingi ka =___=. Sabi ko manghihiram muna tayo ng extrang damit sa mga nakatira dito sa kubong to. Baka magkakasakit tayo pag hindi tayo nagpalit." "Nakakahiya kaya! hindi naman nila tayo kilala!" "Uunahin mo payang hiya mo?! Katie naman! Diba ikaw narin ang nagsabi mapapagalitan ka ng mommy pag umuwi ka ng basa ang uniform mo?! Hihiramin lang naman natin yung damit eh habang pinapatuyo natin yung atin.. yun lang. " "Bahala ka nga.. wala naman akong magagawa sayo." at ayun nagsimula ng kumatok si Third sa kubo.. "Third?! ikaw ba yan?!" "A-aling Tina?!" si aling Tina?! dito parin pala sila nakatira Si aling Tina kasi yung nagtitinda ng inihaw na pusit na madalas naming binibili ni Third pag nagpupunta kami dito. Hindi ko akalaing makikita pa namin sya dito. Ang tagal narin kasi. "Si Katie ba yang kasama mo?!"

"O-opo.."-Third "sabi ko na nga ba at kayo din ang magkakatuluyan eh!" -Aling tina "Hindi po kami Aling Tina!" pagdedepensa ko "Huh per--" "Ang ibig niyang sabihin aling Tina, HINDI PA KAMI. Kasi nililigawan ko pa lang sya. -Third "Anung nililigawan?! kelan ka pa nanliligaw sakin?!" "Ngayon lang." "Anu bang sinasa--" "Te-teka! mamaya na kayo magligawan dyan. Pumasok muna kayo sa loob na dalawa. Bakit ba basang basa kayo?!" -Aling Tina Pag pasok namin sa loob kinwento na namin ang nangyari kay Aling Tina. Hays, buti na lang at nakita namin siya. Pinahiram niya ako ng damit niya. Si Third naman ang suot eh yung damit ng asawa ni Aling Tina. Hahaha! mukhang mangingisda si Third! Mangingisda kasi yung asawa ni Aling Tina eh. "Pfffffffffft.. haha! mukha kang mangingisda Third!" "Mukha ka namang nanay!" -Third " Mukha kayong mag asawa. -Aling Tina "Talaga Aling Tina?!" -Third "Malabo na mata niyo aling Tina. Hinding hindi ko papatulan yang si Third." "Sus, tanggi ka pa. In love ka kaya sakin." "Anung sinasabi mo?! si Tommy ang mahal ko no!"

"Akala mo lang si Tommy! pero ako ang mahal mo!" "Heh! ewan ko sayo Third! Aling Tina pwede po bang umidlip muna ako?!" "Oo naman Katie pero iiwan mo lang si Third?!" "Yaan niyo po siya dyan. Bwisit yan." "Wala parin talaga kayong pinagbagong dalawa.. haha." yun lang ang sinabi ni aling Tina at dinala na niya ako sa higaan nila Ang aga ko kasing nagising tapos puyat pa ako sa pag gawa ng project kaya inaantok na ako. At ilang saglit lang ng paghiga, nakaidlip narin ako. . . . -____O ermm.. parang may mabigat na nakadantay sakin,, O___ang bango.. *sniff sniff O_____________O "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" O_____________O >>>> Third "Bakit ka ba sumisigaw Katie?!" -Third "Anung ginawa mo sakin?! bakit katabi kita?!" "Eh sa inaantok din ako eh! iisa naman ang higaan nila kay--"

"Wag ka ng magpaliwanag! Manyak ka! Aalis na talaga ako dit--" magwawalk out na sana ako pero hindi ko pala kaya PSH =____= Anu na namang pakulo to?! Ngayon ko lang kasi napansin.. PSH talaga! Nakaposas yung isa kong kamay at yung isang kamay ni Third! In short nakaposas kaming dalawa! "Third!!!" sigaw ko ng sobrang lakas! "Te-teka Katie! hindi ako ang may gawa niyan!" "Tanggi ka pa Third!" "Promise Katie hindi talaga ako. Ngayon ko nga lang din napansin na nakaposas pala tayo." "Hindi ka nagsisinungaling?!" "Hindi talaga. Promise.." Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Third. Kilala ko na kasi siya eh. Pag nagsisinungaling siya o nanttrip, hindi niya mapipigilang mapatawa.. pero hindi siya napapatawa ngayon. Kaya mukhang talagang hindi nga sya ang may gawa nito. Kung ganun sino?! Nasan ang susi?! Waaaaaaaaaaaaaah! Hindi pwede! Hindi talaga to pwede! Ayokong magdamag na nakadikit kay Third! Anu na lang

ang sasabihin ko kila Mommy?! TT______________TT ang malas ko naman ngayong araw! "Hanapin natin yung susi Third! hanapin natin! uwaaaaaaaah!" "Oo na Katie! Wag ka naman masyadong sumigaw dyan! nakakabingi ka na eh! =___=" "Uwaaaaaaaaaaah! Third! uwaaaaaaaaah!" "PSH! Diyos ko, bakit ho ba itong babaeng to ang minahal ko?! Nakakatulig po siya, sobra =___=" -Third "Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! SUSI! UWAAAAAAAH!"

CHAPTER 29.5 - MEANWHILE.. (part 2 ) THIRD's POV "Bakit may sumisigaw?! anung nangyari sa inyo?!" tarantang sigaw ni Aling Tina na humahangos pag dating nya sa may pinto ng kwarto kung nasaan kami.. "Tss.. wala naman pong masamang nangyari samen aling Tina.. Relax lang po, baka tumaas ang presyon nyo eh.. May O.A. kasi dito yun lang." nakanang tinapa naman kasi tong mahal kong to eh.. Nakakabingi na ! "Anung walang masamang nangyari?! Hindi ba masama ang tawag mo dito huh?! Naka posas tayo oh! tapos sinong O.A. huh Third?! Hindi ako O.A. huh! masyado ka lang kasing insensitive kaya ang tingin mo sakin O.A. ako! hmp!"-Katie sabay irap sakin "Ou na po.. Ou na lang, Manahimik ka lang =___="

"Parang napipilitan ka lang ah Third!" "Napipilitan nga lang ako, hindi ba obvious?! Hays =___=" maganda nga slow naman.. pero maganda padin *_____* "Aba a--" "Te-teka mga bata! Bago kayo magpatayan dyan, gusto ko lang sabihin na mukhang alam ko kung sinong gumawa niyan sa inyo.." at pagsabing pagkasabi niyan ni Aling Tina, mabilis pa sa kidlat na kumaripas si Katie mula sa kama papunta kay Aling tina Nakaladkad na nga ako eh, remember na nakaposas ako sa kanya?! =___= "Parang walang nakaposas sayo no Katie?! Hindi masakit Katie, hindi. Hindi masakit yung braso ko oh." sarcastic kong sabi pero parang wala syang narinig! Sinong insensitive samen ngayon?! "Sino Aling Tina?! Sino ang nagposas samen?! sabihin niyo sakin!"- Katie habang inaalog ng wagas si Aling Tina "Katie! pano naman sasagot si Aling Tina eh grabe ka kung makaalog! Papapatayin mo yung tao eh!" at pagkasabi ko nun tumigil naman sya "Nako so-sorry po Aling Tina!"- Katie habang teary eyed na! wahaha.. napaka iyakin talaga neto.. "Ok lang.. basta wag mo na ulit yun gagawin huh?! baka atakihin na ko sa puso sa susunod eh.." -Aling Tina "Sorry po! sorry po talaga!"-Katie habang nakaluhod sa sahig na wariy sinasamba si Aling Tina Ahaha.. ulaga talaga tong babaeng to!

"Nako tumayo ka na dyan Katie! Anu ka ba?! Ok lang sabi sakin! Para namang iba pa kayo ni Third sakin eh, tayo na dyan!" "Salamat po aling Tina, so sino po ba ang nagposas samen?!" -Katie na nakatayo na Ang dumi ng tuhod nyaparang bata. Natatawa tuloy ako.. hahahaha "Hoy bakit ka natatawa dyan Third?! siguro ikaw no?!" kinwelyuhan niya ako Ang bargas talaga netong babaeng to. "Hindi nga sabi ako eh!" "Sinunga--" "Hindi nga talaga si Third Katie. Sa tingin ko yung anak kong si Dylan ang may kagagawan niyan!"-Aling Tina "Si Dylan?! yung baby dito dati?! 6 years na ang nakalipas nung huli kaming magpunta dito ah. So malaki na nga sya!" -Katie "Malamang Katie, alangang lumiit.. =___=" "Heh Third! Magsama nga kayo ni Vice ganda! " "Ayoko nga.. Ikaw gusto ko makasama." reaksyon nya pagsabi ko nun >///////// ____ ////////< Hahaha! priceless! "Uii.. kinikilig yan!" pang aasar ko sa kanya "Hindi ah! kadiri ka!" "Ihhhhh! haha!" "Eew! tigilan mo nga ako Third! Aling Tina back to the kwento panu niyo nasabing si Dylan

ang may gawa?!" inichapwera lang ako? "Eh kasi nga may pagka pilyo yung batang yun nako. Pangarap niyang maging pulis. Aba akalain mong ang hiniling niya samen na regalo nung birthday niya eh totoong baril daw?! Ayaw niya ng fake! Eh di syempre hindi namen pwedeng ibigay yun. Pero ayaw naman namin na malungkot sya sa birthday niya so ang naisip ng asawa ko bigyan na lang siya ng posas. Ayun natuwa naman si Dylan. Ewan ko nga kung saan nakuha ng asawa ko yung posas na yun eh. Tapos simula nun hindi na niya binibitawan yung posas. Ang hilig pa niyang mang posas ng iba! Kami nga ni Berting eh naiposas narin niya! Siguro habang nagluluto ako kanina ayun nakapuslit sya at napagtripan kayo." "Dylan! Dylan asan ka?! Halika dito kay Ate Katie, bibigyan kita ng candy at ng pera basta ib-" "Nako Katie wala dito si Dylan. Umalis siya kasama ng tatay niya papuntang laot." -Aling Tina "Huh?! Eh kaolan pa po sila babalik?!" -Katie "Siguro mga mamayang alas otso pa." at pagkasabi nun ni aling Tina.. alam na =____= "ANU?! WAAAAAAAH! MAPAPATAY AKO NI MOMMY! UWAAAAAAAH! HINDI TO PWEDE! UUW--" Ayun as expected nagwala na naman si Katie At kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko na talaga kaya. Nakakarindi na talaga sya. Isa pa nakakahiya kay Aling Tina. Kaya eto, tinakpan ko na lang ang bibig ni Katie. "Ah Aling Tina, kakausapin ko lang po sa labas tong babaeng to huh?!" kinaladkad ko na si Katie palabas sa kubo Diyos ko po! Bakit dito pa po ako tinamaan sa babaeng to?! Pano po pag naging mag asawa kami?! Lage na lang ganito?! Siguro sa inaraw araw ng buhay ko nun walang araw na hindi niya ako sisigawan! grabe lang.. =____=

Pero Lord, on second thought, ayos lang po pala kahit paulit-ulit pa akong mabingi dahil sa sigaw niya basta siguraduhin niyong siya po ang mapapangasawa ko huh?! Deal natin yan huh God?! Sakin na lang sya huh? Pag binigay niyo po sya sakin, promise magsisimba na po ako araw-araw! (ay teka, parang hindi ko po pala ata kaya yun..) Tuwing linggo na lang po pala.. hehe ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------KATIE's POV Bwisit na Third na to! Lage nlng akong kinakaladkad! "Bakit mo ako kinaladkad huh?! tsaka bakit kailangan mo pang takpan ang bibig ko?" sigaw ko kay Third pagbitaw niya sa bibig ko "Haaaaaaay! Hindi pa ba halata Katie?! Nakakarindi ka po! =___=" sabay takip niya sa tenga niya "Tanga mo rin no?! Nagtakip ka ng tenga, isang tenga lang naman ang tinakpan mo!.. eh di rinig mo din! " "Matatakpan ko po ba yung isa kong tenga eh nakaposas sa kamay mo yung isa kong kamay. Alangang paa ang ipantakip ko! Si tanga!" "Eh di sana hindi ka na nagtakip ng tenga mo in the first place kasi useless lang din diba?! sinong tanga satin ngayon?!" "Eh nakakarindi ka nga kasi eh!" "Eh wala nga ring mangyayari sa ginagawa mo kasi nga maririnig mo din!" "Eh subukan mo kayang manahimik?! haay!" in fairness may point sya dun ah

"Heh! Wala kang pakialam!" yan na lang lage ang nasasabi ko pag wala na akong mailaban sa kanya.. bakit ba kasi lage akong talo neto sa awayan?! tss "Tss.. bahala ka na nga dyan!" sabay talikod niya sakin! Ako dapat ang magsusungit ah! "Bahala ka din!" tumalikod din ako sa kanya . . . *silence . . *swoosh maririnig mo na lang ang mga alon sa dagat . . "Uwaaaaaaaaaaah! ayoko na! Third umuwi na tayo! Ipapatunaw ko na lang tong posas na to!" sabay higit ko kay Third pero pinipigilan niya ako "Anung ipapatunaw yung posas?! Hindi mo ba narinig na regalo pa yan ng tatay ni Dylan sa kanya?! tapos sisirain mo?!" "Sa-sabagay.." "Aala ko makikipagtalo ka p--" "Waaaaah! Hindi! hindi ko pala carry! Papalitan ko na lang tong posas basta kailangan ko ng umuwi! waaaah!" nagtatakbo na ako ng sobrang bilis papunta dun sa park kung nasan yung

kotse ni Third.. Wala ng nagawa si Third kundi tumakbo kasabay ko. . . . *hingal hingal Pag dating namin sa lugar kung saan nakapark yung kotse ni Third.. >__________< Shit!! May tumarantado pa sa gulong ng kotse ni Third! uwaaaaaaah! "Pinagod mo lang ako Katie.. Great =___=" "Ikaw lang ang napagod Third?! --ay teka may natawag! Si mommy! aw.. teka.. alam ko na! magpapasundo na lang pala ako!" Sinagot ko na yung phone.. AKO: HELLO M-Bago pa man ako matapos sa sasabihin ko eh naagaw sakin bigla ni Third yung cellphone ko. THIRD: HELLO TITA, SI THIRD PO ITO.. OPO KASAMA KO PO SI KATIE "Akin na yang cell--" inaagaw ko yung cp ko kay Third pero hindi ko maagaw! Tapos tinatakpan pa niya ang bibig ko! asar! Kailangan kong makausap si mommy! THIRD: AH SI KATIE PO? NASA KITCHEN PO NAMIN.. OPO NASA BAHAY PO NAMIN KAMI.. TINUTULUNGAN NIYA PONG MAGLUTO SI MAMA SA KITCHEN.. Anung nasa bahay kami?! anu bang sinasabi nitong si Third?! gustong gusto ko na siyang

sapakin pero ang lakas niya talaga. Hindi rin ako makapagsalita! Kanina ko pa tong namura kung nakakapagsalita lang ako! THIRD: AH TITA..SABI NI MAMA, NAMISS DAW NIYA SI KATIE KAYA BAKA DAW PO PWEDENG DITO NA LANG SYA MATULOG SA BAHAY NAMIN?! te-teka! anu ba to?! bakit ako matutulog sa kanila?! gusto ko ng umuwi! THIRD: MAY PASOK PO BUKAS?! WAG PO KAYONG MAG ALALA.. IHAHATID KO PO SIYA NG MAAGA PARA MAKAPASOK KAMI.. OO NAMAN PO TITA.. AKO NA PO ANG BAHALA KAY KATIE.. IKUKUMUSTA KO NA LANG PO KAYO KAY MAMA.. SIGE PO.. THANKS TITA.. tapos inend call na niya! at pagkatapos nun, hinagis niya sa sahig yung cp ko at pinagtatapakan! waaaaah! walangyang to! Hindi na ako pinakausap kay momm, kung anu anu pang kasinungalingan ang sinabi, tapos...nanira pa ng cellphone! bwisit! "Bakit mo ginawa yun? bakit mo sinira yung cp ko?!" sigaw ko sa kanya "Hays.. syempre para hindi ka na makatawag sa inyo.. =___=.. slow masyado.. tss" "Bakit ayaw mong makatawag ako samin? anu ka kidnapper?" "Kasi diba pag nakatawag ka sa inyo.. papasundo ka.. uuwi ka.. tapos yun hindi na kita makakasama ng matagal." "So?" "Hays! puro ka tanong! Lahat na lang ba dapat kong ipaliwanag sayo?! Basta MAHAL KITA end of conversation! Tara na! pwede?! =____=" lalakad na sana siya at hihilahin na ako pabalik sa kubo pero pinipigilan ko siya.. "Ayoko! Hindi ako sasama! Gusto ko ng umuwi! maninira ka ng cp! galit ako sayo!"

"Kung yung cp mo lang ang pinoproblema mo.. wag kang mag-alala! papaltan ko ng mas mahal!" tapos hinhigit na naman niya ako.. pero hindi parin ako nagpapahigit "Hindi yung cp ko ang problema ko! IKAW! Ayokong makasama ka!" hinihigit ko siya, papunta ako sa tabing kalsada para sumakay ng taxi or watver na masasakyan.. "KATIE!" Hinigit niya ako pabalik "AYOKO SABI SAYO!" sabay higit ko ng sobrang lakas na nadala ko narin sya Pero pagtakbo ko sa kalsada.. Hindi ko napansin na may padaan na motor..ang lapit na samen.. *_____________* Napapikit na lang ako sa sobrang takot.. pero pag mulat ko.. O___________O Yakap yakap pala ako ni Third. Nagdudugo yung may braso niya. Buti nga sa braso lang sya may sugat, pero kitamg kita mo sa mukha niya na nasaktan siya. Samatalang ako wala kahit konting galos. Paano halos balutin na niya ako ng katawan niya. Sinalo na niya lahat. "Third.. ok ka lang ba huh?! sobrang sakit ba?! anu?! punta tayong ospital?!" (bigla siyang ngumiti) "Nag-aalala ka na ulit sakin?! ok na ok ako kung ganun! wala tong sugat na to!" "Talaga huh?!" dinali ko yung sugat niya ""Aray! masakit! grabe naman to oh!" "Sabi mo hindi masakit eh!"

"Naniwala ka naman oh." "Nako ayos lang ba kayong dalawa?! tayo kaya sa hospital?" lumapit samin si kuyang driver nung motor "Nako hindi po..ayos lang po kami." tumayo na kami ni Third "Ayos lang kame pare. Pasalamat ka hindi mo siya nasagasaan kasi kung nagkataon, sasagasaan kita ng paulit ulit hanggang sa maging kasing flat ka ng kalsada." "Third!" "Ou na nga.. tss.. tinatakot ko lang naman." . . . Kaya nga eto, balik kami sa bahay ni Aling Tina. Nilagyan na niya ng gamot yung sugat ni Third. Medyo malaki rin pala. Kumakaen kami ngayon. Ang sarap ng ulam, sinigang na hipon! "Third bakit ayaw mo pang kumaen?! paborito mo to diba?!" tanong ko sa kanya "Pano ako kakaen?!" "Malamang susubo ka.. ngunguya ka.." "Haay..ang slow mo.. ewan ko sayo." "Haha.. Katie ang ibig sabihin ni Third subuan mo siya. Kasi yung isa niyang kamay nakaposas sayo. Yung free hand naman niya may injury, so hindi siya makakaen." -Aling Tina "E-eh?! pe-pero.. kayo na lang po aling Tina!"

"Anung si Aling Tina?! ikaw ang may kasalanan neto kaya ikaw dapat!" Naman eh! At dahil sa nakonsensya naman ako eh ang ending ko sinubuan ko na nga si Third. Tuwang tuwa naman ang haup. Hays.. sana lang dumating na sila Dylan. Susi! Ayoko ng maposas kay Third! . . . After ilang hours ng paghihintay.. dumating narin sila. Ang asawa ni Aling Tina at si Dylan! Ang pag asa ko! waaaah! "Ooooh..ang mga prisoners ko.. hehe.." -Dylan "Dylan anu na naman yan?!" -Mang Berting "Hehe.." "Third at Katie?! kayo na ba yan?!" sabay lapit samen ni Mang Berting "Opo..kami nga po.." -Third "Dylan, ibigay mo na yung susi..kawawa naman sila Katie oh!" -Aling Tina "Sige na nga po.. teka.. nako.. nasan yung susi?! Nawawala nanay!" "Huh?! baka naman nasa bulsa mo lang Dylan!" nakakadismaya naman.. naghintay kami para sa wala?! huhuhu.. meaning magdamag kaming ganito ni Third?! "Wala talaga." -Dylan "Nako pasensya na Katie at Third. Bukas na lang ng umaga pumunta tayo dun sa kakilala ko.

Maaalis niya yan sa inyo huh? kaso gabi na eh so pagtyagaan niyo na lang muna." sabi ni Mang Berting Kahit naman magwala ako eh wala narin. So hayaan na nga. Isang gabi lang naman eh! Tsk! . . Dahil sa isang kwarto lang ang tulugan nila Aling Tina, sa labas kami natulog ni Third. Tent naman to so para lang kaming nagcacamping. Hays.. hindi ako makatulog. "Naalala mo nung nagcamping tayo nila mama sa bundok? grade 4 tayo. " biglang umimik si Third.. akala ko tulog na siya.. "Oo naman no.. yung tinakot mo ako dun sa plastic na ahas! walangya ka!" "Hahaha! the best yun.. tapos napaihi ka pa! kaya ayun basa yung tent niyo.. kaya kinailangan niyo pang tumabi sakin ni Stacy.. hahaha.." "Haup ka kasi.. ang walangya mo." "Alam ko naman kasing ganun ang magiging resulta eh.." "Huh?!" "Gusto ko lang makatabi ka kaya ko ginawa yun." "Huh?! bata pa lang pala tayo manyak ka na! gago ka talaga Third!" "Hays.. ang slow mo. Hindi ako manyak! What I'm trying to say is, simula bata pa tayo.. Mahal na kita." *dugdugdugdug

Ba-bakit ganito?! bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko? "Wag ka ngang magloko! Eh nung bata pa tayo..wala ka ng ginawa kundi asarin ako at laiitin ako at paiyakin ako, nasan ang pagmamahal dun?! tss.. " "Yun lang kasi ang paraan ko para mapansin mo ako eh. Hindi kasi ako marunong magexpress ng feelings ko. But I never really wanted you to hate me." "Kung mahal mo ako.. bakit..... bakit nung gabing yun ang sakit ng mga sinabi mo sakin?! Bakit hindi mo ako sinundan?! Bakit pinabayaan mo lang ako?! Hinihintay kita Third. I was expecting na darating ka at pagagaanin ang loob ko nun, papatigilin ang pag-iyak ko pero.. walang Third na dumating eh. Nung panahong kailangang kailangan kita, wala ka. Kaya Third, pano ako maniniwalang mahal mo ako? Kasi kahit ilang beses mong ulitin sakin na mahal mo ako, hindi ko talaga magawang maniwala sayo. Kasi nagawa mo akong saktan ng ganun. Alam mo ba kung gano kasakit pag binigo ka ng taong pinaka inaasahan mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya, isumbat sa kanya, lahat ng mga bagay na kinikimkim ko sa sarili ko lumalabas ngayon lahat. Kaya nga ba takot akong makasama siya. Ngayon umiiyak na ako. Pinahidan niya ang luha ko. Madilim na pero aninag ko pa ang mukha niya na nasisinagan ng bwan. Kasing gwapo parin ng dati. Ngayon ko na lang ulit napagmasdan ang mukhang to. "Kaya nga gusto kong magsorry Katie. Matagal ko ng gustong magsorry pero sarado na ang isip mo. Ayaw mo ng makinig. Ni ayaw mo akong tingnan. Kaya nga ngayon, sana pakinggan mo naman ako oh. Sa lahat ng luhang iniyak mo dahil sakin, sa sakit naramdaman mo dahil sakin.. Sorry. Sorry Katie. Sorry kung duwag ako. Sorry kung hindi ko man naiparamdam sayo na mahal kita.. pero maniwala ka Katie. Mahal talaga kita. Mahal na mahal kita." and right then, I saw something fall from Third's eyes for the very first time. He is crying. Hindi ako

makapaniwala. Napaiyak na lang din ako. It's because ang tagal din naming hindi nakapag usap ng ganito kahaba, ganito kalapit, ganito kaseryoso. Tapos yung mga sinasabi pa niya, ewan, nakakalito. Hindi ko alam kung anu ng nararamdaman ko. Parang gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Ganito ko na pala kamiss si Third. "Pero Third.. Huli na ang lahat eh. Siguro kung noon pa.. pero.. may mahal na akong iba." "SI Tommy? o yung lalaking nakamaskara na nagbigay sayo ng panyo nung j.s. prom?!" "Huh?! eh iisa lang naman sila ah.." "No they are not." "Anu bang sinasabi mo Third?" "Hindi si Tommy yung nakamaskarang lalaki na yun." "Mali ka! si Tommy yun!" "Pano ka nakakasigurado?!" "Dahil sa damit nya." "Paano kung hiniram lang sa kanya yung damit?" "Yung panyo nya.. may letter T" "Si Tommy lang ba ang nagsisimula sa 'T' ang pangalan?!" "Diretsuhin mo nga ako! Anu bang gusto mong palabasin?!" "What if that man behind the mask was me?! will you fall in love with me then?!" "No.. no.. hindi yan totoo! Siguro naikwnto sayo yan ni Tommy but.. no..wag ganito Third.. pwede kitang patawarin but don't make up stories para lang mahalin kita."

"I'm not making up any story." "Matulog na lang tayo Third inaantok ka lang." "Pero Katie!" "..............................." Hindi na ako umimik. Hindi ko na siya pinansin. Nalilito na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na alam. Dapat ba akong maniwala? Paano kung nantitrip na naman siya?! Pero pano kung totoo nga? Bakit pakiramdam ko mahal ko siya? Bakit parang gusto kong maniwalang sya nga talaga yun? Akala ko ba si Tommy ang mahal ko? pero bakit ngayon.. haay! hindi ko na alam! Hindi ko na talaga alam! . . . Kinaumagahan.. O_________________O Huh? Nasaan si Third?! bakit wala na akong posas? Panaginip lang ba lahat?! Nasa kwarto ko na pala ako. Biglang pumasok si mommy.. "Oh buti gising ka na. May pasok ka pa.. maligo ka na.." "Opo ma.." "Katie.." "Po?" "Pinabibigay ni Third.." may inabot sya saking isang manila paper na nakatiklop tapos

lumabas na si mommy sa kwarto So hindi pala panaginip. Ni hindi man lang ako ginising ni Third?! Pagbukas ko ng manila paper.. Sobrang laki ng sulat huh?! adik talaga nun.. =___=

MAHAL KITA KATIE.. LAHAT NG SINABI KO KAGABI TOTOO. KUNG HINDI KA MAN NANINIWALA NGAYON NAIINTINDIHAN KO. PERO HINDI YUN DAHILAN PARA SUMUKO AKO. I'LL MAKE YOU BELIEVE THAT YOU'RE IN LOVE W/ ME. MANINIWALA KA SA AYAW AT SA GUSTO MO.. KAYA SORRY KA NA LANG :) . . . P.S. NASA AKIN NGA PALA YUNG SUSI. NAILAGLAG NI DYLAN SA KAMA. NAKUHA KO. HAHA. GUSTO MO NG SUSI DIBA? OH ETO SAYO NA LANG. tapos may nakadikit na susi dun.. Waaaaaaaah! kahit kailan talaga yung Third na yun! Wala na talaga syang pinagbago! Akala mo seryoso na! Nagagawa na niya akong mapaniwala tapos.. ugh! Pano niya ako mapapaniwala sa ginagawa niya? Eh niloko na naman niya ako eh! Sira talaga ang ulo nun! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya! Ang sakit niya sa ulo! "Bwisit ka Third!!" sigaw ko

CHAPTER 30- COUNTER ATTACK NASH's POV Tinanghale ako ng gising kaya absent ako.Puyat eh! Tapos hindi naman ako nakapag alarm. Pag alis kasi ni Bryle nakatulog ulit ako eh. Ang sarap kasi matulog. Si Bryle kaya?! Pumasok kaya yung lalaking yun?! hmm. Adik adik din yun kagabi eh. Wahaha! Nag ala Tsuna ba naman?! *napatingin ako sa salamin dun sa kwarto ko =____= Pinagtatawanan ko si Bryle eh ako nga pala nakasuot pa ng costume ni Chrome! Anu ba yan! Natanggal na yung wig eh. Mukha na akong ewan. Nagshower na lang ako. Pagkatapos nun, nagluto na ako ng almusal slash tanghalian ko. Sabay na ang breakfast at lunch ko since it's already 2pm. Masyado kasi akong napagod sa date namin ni Tommy eh. Ay! speaking of which, ewan ko ba pero parang kinakabahan akong makita si Tommy. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin! Tapos kailangan ko pa ding sabihin kay Katie ang lahat. Nawala kasi sa isip ko si Katie nung pumayag akong magpaligaw kay Tommy! Kasi naman eh! Nadala ako ng pagkainis ko kay Bryle.. tsaka isa pa, wala rin naman kasi akong choice eh. Hays..anu kayang magiging reaksyon ni Katie?! Haaaaaay.. umagang umaga problema agad ang iniisip ko! Anu ba yan! Makapag focus na

nga lang dun sa written report namin! Kailangan ko ng matapos yun. Pagkatapos kong kumaen since wala naman akong laptop para dun itype yung written report eh naisipan kong lumabas ng condo para maghanap ng computershop. I know meron namang computers na pwedeng irent dito sa condominium nila Bryle but hell, 20 pesos per minute?! waaaaah! ilang fishballs narin ang mabibili ko dun no! *lakad lakad lak-"Nash! saan ka pupunta?!" paglabas ko ng pinto nakita ko si Chef Tj na papasok palang sa condo niya "Ah magcocomputer lang ako sa labas Chef Tj, meron kasi akong kailangang tapusing written report.." "Bakit lalabas ka pa?!" "Wala kasi akong laptop eh.. tapos ang mahal naman ng rent dito.. hehe.. kuripot ako eh.." "Ganun ba?! wait, kung gusto mo laptop ko na lang ang gamitin mo." "Huh?! nako wag na Chef! Nakakahiya naman sayo.." "I insist.. isa pa wala naman akong gagawin today so baka matulungan pa kita sa written report mo.. about san ba yan?!" "Ah about different Asian Cuisines.." "Oh tamang tama! matutulungan talaga kita! tapos ipapatikim ko sayo yung bagong dish na naluto ko." "Nako sige na nga! May pagkaen pala eh! Hindi ako tumatanggi sa grasya Chef! haha! Siguraduhin mo lang na masarap yan huh!" "Makakalimutan mo si Bryle pag natikman mo yung luto ko."

"Hahaha.. si Bryle talaga dapat agad ang makalimutan no?! Hindi ba dapat pangalan ko muna ?!" "Si Bryle ang gusto kong makalimutan mo.. para ako na lang ang matandaan mo." e-eh? "Hahaha! si Chef talaga lage na lang bumabanat! Haha! Sabi ko naman kasi sayo hindi mo na kailangan mag cheesy lines eh.. gwapo ka na." "But I'm not saying chees-- nah forget it! tara na lang sa loob. Simulan na natin yang written report mo.." "Ok para makakaen narin ako ng luto mo! miss ko na yun eh!" "Yung luto ko lang ang miss mo?!" "Syempre pati ikaw!" "Yan! dapat ganyan!" "Hahaha.. si Chef talaga!" pumasok na nga kami sa loob ng condo ni Chef Tj -------------------------------------------------------------------------------------------------------------BRYLE's POV O_________O Mulat. *tingin sa orasan sa may table ko.. aw.. 3:00 pm na.. Hindi na pala ako nakapasok.. tsk. Pumasok kaya si Nami?! Nako baka mamaya gumagawa na naman ng moves si Tommy dun habang wala ako! Hindi pwede! Hindi pa nga ako nakakagawa ng counter attack eh! Wala pa akong maisip na pantapat! PSH =__= *lakad lakad

*bukas ng pinto sa work room ni tanda "Oh apo gising ka na pala. Puyat na puyat ka sa date niyo ni Nami ah. Kamusta? buntis na ba?!" -seriously?! napakamanyak talaga ng matandang to! "Umagang umaga yan na naman ang bukang bibig niyo! Anu bang buntis na naman?! Magtigil ka ngang matanda ka! Andumi talaga ng isip mo!" "Tsk.. ang bagal mo talaga Bryle. Kung si lolo yun nako bun--" "Heh! Tumigil ka na sabi! Hindi kita tinatanong! Isa pa, wag mo nga akong itulad sayong matanda ka! Nakakadiri ka! tss..." "Hays..ang sungit mo talaga. O bakit ka ba nandito?" "Sabihin mo dun sa mga katulong mo ipagluto ako ng pagkaen atsaka ibili mo ako ng bagong cellphone ngayon din." "Huh? bago na namang cellphone Bryle?! Naka ilang palit ka na ba ng cellphone?! kakabili mo lang nung isa ah?!" "Nabwisit kasi ako kagabi eh. Tatawagan ko dapat si Nami tapos biglang nalowbat yung peste, bastos na cellphone na yun! kaya ayun..tinapon ko nga sya sa labas ng kotse.. tss.. =___=" "Hayy.. hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayong bata ka! Sige magpapahaen na ako sa mga katulong, punta ka na sa dining room. Maya maya andyan narin yung cellphone mo." "Pakibilis huh?! tsaka pakitawagan na pala yung school, itanong mo kung pumasok si Nami.." "Bakit hindi na lang ikaw ang tumawag?!" "Wala nga akong cellphone diba?! anu ba yan.." "Tsk.. sige na.. wait.. *bla bla bla" ayun nakipagusap na si Tanda dun sa mga faculty sa

school.. English eh kaya hindi ko na masyadong idedetalye.. mahirap kaya =__= "Oh Bryle, hindi daw pumasok si Nami." hindi?! tinanghale din siguro ng gising.. haha! tamang tama! mapuntahan pala! "Ok sige.. pakibilis na lang nung cellphone ko huh?! pag wala yun dito within 30 minutes ipapatay mo yung delivery boy!" "Bakit ka ba nagmamadali?! absent ka na naman sa school ah?!" "Pupunta ako sa condo ni Nami." "Talaga?! talaga?! pa-pasama ako! miss ko na si Nami eh!!" "Anu bang sinasabi mo?! Hindi pwede!" "Ihhhhh! sige na Bryle!" "Heh! Hindi sabi pwede! ang kulit mo! =__=" "Hays.. T3T" "Wag ka ngang magpout! tanda tanda mo na may pagpout ka pang nalalaman dyan!! nakakadiri ka alam mo yun?! " "Tsk.. ayaw mo kasi akong isama..T3T" "Ewan ko sayo! para kang bata!" Sinarado ko na yung pinto. Nakakasuka ang pagmumukha ng matandang yun! Sino bang mas matanda samin?! Napaka isip bata eh! May sira na talaga ang utak nun.. hays.. =___=

Pagtapos kong kumaen.. Ayun dumating na naman yung cellphone. Buti at dumating sa oras kasi kung hindi... alam na

=__= Kaya eto, sasakay na ako ng motor.. pupunta na ako sa condo ni Nami. -----------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV *type type type ty-*ring ring ring Sino tong tumatawag?! Bakit unregistered number?! Baka lolo na naman to ni Bryle! *sagot ng phone.. AKO: HELLO.. SINO TO?! SIYA: SI BRYLE TO GAGO! AKO: SORRY NAMAN HUH?! MAY GAGO PA TALAGANG KASAMA EH TSS..BAKIT IBA ANG NUMBER MO?! BRYLE: WAG KA NA NGANG MARAMING TANONG! TSS AKO: SUNGIT.. OH BAKIT KA NAPATAWAG?! BRYLE: NASAAN KA NGAYON?! Paktay! nasaan daw ako ngayon?! Patay talaga! pag nalaman niyang nandito ako sa condo ni Chef.. mapapatay niya talaga ako! waaaaah! hindi pwede! isip Nash! anung sasabihin mo?! BRYLE: HOY ANU NA BABAE! ASAN KA NA NGA NGAYON?! AKO: HUH?! A-AKO? BRYLE: MALAMANG IKAW! MERON PA BANG IBA?! TAYO LANG ANG MAGKAUSAP DITO AH!

AKO: SA-SABI KO NGA! ETO NAMAN! BRYLE: BOBO TALAGA.. TSK.. SO NASAAN KA NA NGA NAMI?! AKO: AH.. ANU NASA.. NASA SCHOOL AKO! NASA SCHOOL! BRYLE: ANUNG NASA SCHOOL KA?! HOY! WAG MO NGA AKONG PINAGLOLOLOKONG BABAE KA HUH! PINATAWAG KO SI TANDA SA SCHOOL KANINA..ABSENT KA DAW! HOY NAMI MAGSABI KA NG TOTOO NASAN KA! aray ko po.. nakakatakot na po si Bryle! Natataranta na ako! hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo! lagot ako! BRYLE: NAMI!! AKO: ETO NA NGA! ETO NA! ANG TOTOO.. ANDITO AKO SA.. SA CONDO KO! BRYLE: ANUNG NASA CONDO MO?! EH ANDITO AKO NGAYON SA LOOB NG CONDO MO EH! PINAGLOLOLOKO MO BA TALAGA AKO?! aw! walang lusot! bakit ba sya nasa condo ko?! huhu TT_____TT AKO: SIGE NA NGA SASABIHIN KO NA... ANDITO AKO SA COMPUTERSHOP NAGTTY-"Nash luto na to.. tikman mo na.." bigla namang sumigaw si Chef sakin mula sa kusina! uwaaaaaah! BRYLE: HOY NAMI! SINO YUN?! SINO YUN HUH?! AKO: WA-WALA.. AN-ANU BANG SINASABI MO?! BRYLE: MAY NARINIG AKONG BOSES NG LALAKI! AKO: HUH?! EH SYEMPRE NASA COMP SHOP AKO.. YUN LANG YUNG MAY ARI NG COMP SH--

"Nash oh tikman mo na para malaman ko kung ok na.." waaaaaaaah! lumapit sakin si Chef Tj this time tas dala dala yung spoon para ipatikim sakin yung luto niya.. anlapit niya sa phone! rinig na rinig yun! waaaaaaaah! BRYLE: HOY NAMI! ANUNG PINAPATIKIM SAYO?! NASA COMPUTERSHOP KA MAY PINAPATIKIM?! NAMI! "Nash sino ba yan?!" pagtatanong ni Chef.. sinesenyasan ko naman sya ng sign na "shhhh..QUIET" "Si Bryle" bulong ko "Huh?!" hindi niya ako narinig "Wag ka na lang munang maingay Chef Tj--aw shet!" napalakas yung sabi ko nun.. so narinig yun sigurado ni Bryle.. waaaaaaaaaaaaaaah! Dahan dahan kong nilagay yung tenga ko sa phone.. tapos.. BRYLE: NAMI! ANUNG GINAGAWA MO KASAMA ANG CHEF TJ NA YAN?! HINDI BA SINABI KO NA SAYO NA WAG KA NG SASAMA DYAN? NAGSINUNGALING KA PA! ASAN KAYO! MAGPAKITA KA SAKIN NAMI! PATAY KA TALAGA SAKIN!!!!!!!!!! rindi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya.. grabe lang.. =__= Pinatay na niya yung phone.. maya-maya.... *ding dong ding dong ding dong ding dong Waaaaaaaaaah! wala ng tigil sa pagtunog yung doorbell! patay! siya na siguro yun.. Si Chef na sana ang magbubukas pero pinigilan ko siya.. sabi ko ako na lang. Eh kasi baka

masuntok pa siya ni Bryle, mainit pa naman ang ulo nun. *bukas ng pinto.. " ^_________^v hehe.. Hello Bryle.." -ako na naka peace sign at nakangiti ".............................." hindi sumasagot si Bryle.. Magkasalubong lang yung kilay niya habang nakatingin sakin.. waaaaaaaaaah! nakakatakot "Bryle.." "Ikaw talagang babae ka! Hindi ba sinabi ko sayong wag ka ng pupunta sa condo ng Tj na yan!! (sabay duro niya kay Chef na nasa likuran ko..Bumaling sya ng tingin kay Chef) at ikaw hoy panget na Silvero! Tantanan mo ang girlfriend ko huh! Girfriend ko to! Girlfriend ko! Akin! akin lang! intindi?! maghanap ka ng sayo!" hinigit na ako ni Bryle "Sorry Chef.." yun na lang ang nasabi ko habang kinakaladkad na ako ni Bryle papasok ng condo.. . . *blag Ang lakas ng pagkakasarado niya dun sa pinto na halos mapatalon na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong umimik. Naupo lang sya dun sa sofa. Sumunod naman ako. "B-bryle.. anu kasi ahm.. magpapaliwanag ako." "DAPAT LANG! Magpaliwanag ka ngayon din! at siguraduhin mong maganda yang paliwanag mo Nami! kung hindi nako! tss.." "A-anu kasi.. ka-kaya ko kasama si Tj kasi nga magttype ako ng written report ko eh wala naman akong laptop."

"Eh pota! Laptop lang pala eh! Ibibili kita kahit ilang libong laptop Nami basta wag ka lang sasama sa panget na Tj na yun!" "Hindi mo na ako kailangan ibili. Promise hindi na ako magsisinungaling sayo. Hinndi na talaga ako pupunta sa condo ni Chef. Pero pwede ba akong bumalik ngayon dun? titikman ko lang yung nilut--" *Gulp ansama na ng tingin ni Bryle.. "Nagjojoke lang naman ako eh.. hehe.. promise hindi na talaga ako pupunta dun.." Hindi niya ako pinansin, binuksan lang niya yung t.v. "Hoy Bryle..sorry na kasi. Hindi na talaga ako uulit.. please?! sorry na ui!" sinusundot ko yung tagiliran niya.. "................................" tumingin lang sya sakin saglit tapos bumalik na naman sya ng tingin sa t.v.! ah ah naman! eto na naman sya sa hindi mamansin eh! "Bryle! kausapin mo naman ako! Sorry na nga eh! Gagawin ko lahat ng gusto mo.. kahit ano.. patawarin mo lang ako.." "Kahit anu?!" aw.. parang hindi ko gusto yung ngiti nya pagsabi ko nn.. "*gulp.. parang ayoko na pala Bryle.." "Ah ganun ?! fine.." humarap na naman sya sa T.v. "Sige na nga! sige na nga!" "Good.. gusto ko ipagluto mo ako ng adobo." "Hindi ka na nagsawa dun." "Ayaw mo?!"

"Hindi.. sabi ko nga eh.. ipagluluto na kita." "Good" . . Pagkatapos kong magluto.. "Subuan mo ako.." "Huh?! eh kayang kaya mo naman yan eh!" "Ayaw mo?!" "Hindi.. gusto ko nga." PSH.. alila na naman ako neto! asar! "Painumin mo akong tubig." "Wha--sabi ko nga.,. inom na po master." tas pinainom ko na sya.. "Punasan mo ang labi ko, may amos." "Opo master =__=" "iayos mo ako ng upo.. tinatamad akong gumalaw.." =___= "Ou na po master.." "igalaw mo yung panga ko.. tinatamad akong ngumuya.." "What?! grabe naman ata yan?! baka gusto mong ako narin ang huminga para sayo?!" "Hindi.. parang ang mas gusto ko, wag kang huminga.. para wala akong kahati sa oxygen.. tama.. wag kang huminga.." Ayun buong araw niya akong inuutusan ng kung anu anung walang katuturang bagay. Katulad ng pag ipod ng sofa sa ibang pwesto tapos ang ending ipapalipat niya ulit dun sa

original na pwesto, mga ganung bagay. Hays.. =___=. Bakit ba ako nagtityaga sa ganito?! Ngayon pinagbubunot naman niya ako ng sahig. Eh potek, tiles tong sahig ng condo ko eh! ang lakas ng trip eh! "Kung hindi lang kita mahal dyan eh.." bulong ko "Anung sabi mo?!" "Wala..sabi ko ang pogi mo." "Yan..good." "Poging aso..." "Anu Nami?!" "Wala wala..tsk.." at nagbunot ng na lang ulit ako.. potek.. tiles na binubunot ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------The next day.. BRYLE's POV "Ang saya mo ata ngayon Bryle?!" -Steve "Ahaha. Eh kasi alam ko na kung anung ipangccounter attack ko kay Tommy." "Talaga?! may panlaban ka na dun?!" -Steve "Oo naman.. malupit to." Wahaha.. dahil sa pangyayari kahapon.. nakaisip na ako ng pwede kong gawin para wala ng makaagaw kay Nami sakin. "Anu yun?!"

"Secret.. basta, sinisigurado ko.. sa gagawin kong to, walang makakaagaw kay Nami mula sakin. As in kahit sino.. Hinding hindi maagaw ni Tommy sakin si Nami sa gagawin kong to. Although for the mean time lang pero ayos na siyang pang counter attack diba?!" "Malay ko, eh ayaw mo ngang sabihin sakin eh." "Hahaha.. basta.." Wahaha.. tingnan lang natin Tommy.. tingnan nlng natin kung makuha mo siya mula sakin ngayon. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------NASH's POV Lunch na! Yes! Nasabi ko na nga pala kay Katie yung tungkol kay Tommy at kinabigla ko yung reaction ni Katie. Parang ok na ok lang sa kanya. Sabi niya alam na naman daw niya matagal na na ako ang gusto ni Tommy eh, pero ewan ko ba.. parang may mali, kasi kahit konting trace ng lungkot na iniexpect ko.. wala. Para talagang ok na ok na sa kanya. I thought talagang tinamaan siya kay Tommy. Hmm..well I guess mabilis talagang maka move on tong babaeng to. Well that's a good thing.. nawalan ako ng ppproblemahin. Kaya good mood na good mood ako ngayon pagdating ko sa tambayan. "Hi Nash.." "He-hello Tommy.." ewan ko ba.. now I feel awkward pag nakikita ko si Tommy.. waaaah. .. ayoko nitong ganito.. "Tabi na tayo.." sabi niya kaya tumabi naman ako sa kanya Pero teka.. nasan si Bryle?!

"Nash ibinili na kita ng pagkaen oh.." Nasan na si Bryle?! "Nash?!" "Ah, hehe.. thank you Tommy.." Kakagat na sana ako dun sa cheesecake na bigay ni Tommy ng.. "Nami, para sayo.." Nagulat ako ng biglang may pinatong na box si Bryle sa table sa harap ko "Anu yan Bryle?!" "Buksan mo." At pag bukas ko.. Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! halos maluha luha na ako sa sobrang saya! ang paborito kong.. "CHOCO STRAWBERRY CAKE!! waaaaaaaaaaaaah! Thank you Bryle! Thank you! thank you!" halos masakal ko na si Bryle sa pagyakap habang tumatalon "Oh Nami kaen na tayo." sabi ni Bryle sabay kumuha ng upuan at inilagay yun sa gitna namin ni Tommy May binulong si Bryle kay Tommy eh. Hindi ko narinig.. bulong nga eh. Tapos nun.. kukuha na ako ng slice ng cake pero.. *grab Biglang hinawakan ni Bryle yung kamay ko at ipinatong pa to sa harap ng table sa may malapit pa kay Tommy. Grabe lang. Nahihiya ako kay Tommy. Anu na naman kayang trip ni Bryle?!

"Bryle hindi ako makakakaen kung hawak mo yang kamay ko." I mean pwede ko namang gamitin yung left hand ko kaso hindi ako sanay.. idagdag mo pa yung mabilis na pagtibok ng peste kong puso.. =___= ang hirap kumaen! "Edi.. susubuan na lang kita.. basta holding hands tayo.. Nasa rule yan." "Say ah Nami.." -Bryle "Bryle.." "Sige na.." "Hays.. sige na nga.." at ayun sinubuan na niya ako Ang weird ni Bryle ngayon, parang kahapon lang pinagtripan niya akong mabuti! Akala ko nga hanggang ngayon eh aalilain pa niya ako eh! Kasi sabi niya kahapon kulang pa daw yun.. tapos ngayon?! binili na niya ako ng favorite kong cake, sinusubuan niya pa ako! Hindi ko talaga sya magets. Pagtapos namin kumaen.. "Bryle bitawan mo na ako.. may class na ako." "Nami, ayaw maalis nung kamay ko eh." "Bryle!" "Nami, promise..ayaw talaga oh." binuka na niya yung kamay niya pero ayaw nga talagang matanggal nung kamay namin Parang idinikit ng..ow shet.. parang alam ko na! "BRYLE!!!!" sigaw ko ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BRYLE's POV Pagdating na pagdating ko sa tambayan... Tingnan mo nga naman..ang bilis talaga netong si Tommy! Nawala lang ako ng saglit umatake na agad! tsk! asa pang papatalo ako! NOW PROCEEDING TO PLAN MB! PLAN MB.. STEP 1: KUHANIN ANG ATENSYON NG BIKTIMA "Nami, para sayo.." sabay bagsak ko ng box sa harap ni Nami.. parte to ng counter attack plan ko.. "Anu yan Bryle?!" "Buksan mo.." At pag bukas niya,, As expected.. hahaha...halos maluha luha na sya sa sobrang saya! "CHOCO STRAWBERRY CAKE! waaaaaaaaaaaaah! Thank you Bryle! Thank you! thank you!" halos masakal na niya ako sa pagyakap Kilang kilala ko na talaga si Nami, napredict ko na na gagawin niya to. Ayos.. ok ang takbo ng plano.. 1 point! "Oh Nami kaen na tayo." sabi ko sabay kumuha ako ng upuan at inilagay yun sa gitna namin nila Tommy Tapos ibinulong ko to kay Tommy.. "*smirk.. Lesson number 1 Tommy, kung gusto mong mayakap ni Nami, bigyan mo sya ng pagkaen na gustong gusto niya.. Katulad nitong cake.. Hindi mo na kailangang kumanta pa sa harap ng maraming tao with matching signboard pa para mapasaya sya.. kasi mababaw lang ang kaligayahan ng babaeng to. Bigyan mo nga lang yan ng siopao tuwang tuwa na yan

eh. I guess hindi mo alam yun no?! " "Tss.." -Tommy Ramdam ko! I'm winning this! Lamang si Tommy sakin sa pagiging romantic at pagkakaron ng creative ideas pero mas kilala ko si Nami kesa sa kanya.. Mas nakakasama ko si Nami kesa sa kanya.. And that's my advantage.. :) PLAN MB.. STEP 2: HULIHIN ANG KAMAY NG BIKTIMA. PASIMPLE LANG.. WAG IPAHALATA ANG PLANO.. Kukuha na sana si Nami ng slice ng cake pero.. *grab bigla kong hinawakan ang kamay ni Nami.. PLAN MB.. STEP 3: PATAGALIN ANG PAGHAWAK.. GUMAWA NG PARAAN HANGGAT SA MAARI.. MAS MATAGAL, MAS MAGANDA woooooooooh.. PLAN MB ALMOST COMPLETE.. Kailangan ko na lang hawakan ng matagal ang kamay ni Nami..then boom! Fire in the hole! wahaha "Bryle hindi ako makakakaen kung hawak mo yang kamay ko." -Nami "Edi.. susubuan na lang kita.. basta holding hands tayo.. Nasa rule yan." konti pa..sige, mas matagal pa.. "Say ah Nami.." "Bryle.." "Sige na.."

"Hays.. sige na nga.." . . pagtapos namin kumaen.. "Bryle bitawan mo na ako.. may class na ako." -Nami "Nami, ayaw maalis nung kamay ko eh." PLAN MB COMPLETE!! "Bryle!" "Nami, promise..ayaw talaga oh." binuka ko na yung kamay ko pero ayaw nga talagang matanggal nung kamay namin. Malaman hindi yun matatanggal Kaya nga PLAN MB eh! PLAN MIGHTY BOND! Bwahahahaha! You see, bago ko pa hawakan ang kamay ni Nami nilagyan ko ng mighty bond yung kamay ko. "BRYLE!!!" sigaw niya AT PAG SUCCESSFUL ANG OPERATION..ORAS NA PARA: PAGTAWANAN ANG KALABAN! COUNTER TERRORIST WIN! :D "Ahahahaha! Ngayon Tommy, makukuha mo pa ba sya sakin ngayon?! I mean, literally, makukuha mo pa ba sya kung nakadikit ako sa kanya?! hahaha" "That's cheating!" -Tommy "No..It's playing SMART." "Tss." -Tommy

Ahaha! Yeah that's my plan. Naisip ko kasi kahapon, kung sana nakadikit na lang ako kay Nami edi sana walang makakaagaw sa kanya sakin. Hindi sya malalapitan ng pesteng Tj na yun o kung sino mang ponsyo pilato dyan and then boom.. sabi ko, bakit nga hindi diba?! "Bryle yan na yung counter attack mo?! mighty bond?! akala ko ba malupit?!" bulong sakin ni Steve "Malupit nga to ah! Tingnan mo, hindi ko na kailangang mag effort para hindi maagaw sakin si Nami.. haha. This way hindi magkakaron ng time si Tommy na makasama si Nami. Kahit konting oras wala.. haha. This is a good plan right?! At the same time may dahilan pa ako para hindi makaattend ng klase! tapos I'll be with Nami 24/7! :D" "Haay.. baliw ka talaga. =__=" -Steve "Anu bang baliw?! matalino lang sadya ako no." "Oo na lang." -Steve "Bryle! panu ako papasok neto?!"-Nami "Edi sasamahan kita sa klase mo!" "Argggh! anu na naman bang katangahan to?!" "Hahaha! ayos lang yan! Mabuti yan para hindi ka maagaw ng iba sakin!" "Tanga ka talaga! aaaaarg! ansakit mo sa ulo! pano ako magsusulat eh right handed ako?!" "Ipagsusulat kita." "Pano ako kakaen?!" "Susubuan kita." "Pano ako magccr?!"

"Huhubaran kit--waaaaah! hindi ko naisip yun! Pa-pano nga pala?!" "Tingnan mo! arrrrrrg!" "Na-nako, eh mamahaling mighty bond pa naman yan. Kailangan pa nung solution na binibili para matanggal incase mag skin contact. Bukas pa ang dating nung inorder kong solution na pang tanggal dyan eh. Galing pa kasi yan sa ibang bansa.. he-he..ahm..so, so-sorry Nami." "Bwisit ka talaga Bryle!!!!" Nakakabingi na po ang sigaw niya Ok na sana eh! bakit nga ba hindi ko naisip yung pag magccr?! Pano rin pala pag iihi ako?! edi kasama ko siya?! O__________O

You might also like