You are on page 1of 154

Seducing My Wife (R-18)

READING AGE 18+


Weng Cipriano
Romance
ABSTRACT
Nanganganib nang magsara ang Solace Advertising Agency na pag-aari ni Lala
Montealegre dahil halos iginupo na sa sakit na kanser ang ginang. Lala Montealegre
is the first wife of Don Leonardo, hiniwalayan nito ang asawa dahil sa pagiging
babaero nito. Ang Montealegre winery ay isa sa mga matatag na negosyo ng pamilya.
Pero dahil mas pinapaboran na ng Don ang pangalawa nitong pamilya ay tila
nanlilimos na sila sa posisyon sa kumpanya. Sa kagustuhang iligtas ni Brandon ang
kumpanya ng ina, napilitan siyang makipagkasundo sa ama para mabigyan siya ng
shares sa Montealegre Winery. His father's condition? Ang pakasalan niya ang anak
ng kasosyo nito na may-ari ng isa sa malaking chain ng hotels sa bansa. Zanya
Albano. A twenty-five-year old car racer who never had an intimate relationship
with a man - and never wanted to have one. Sa tingin niya'y lalaki pa sa kanya ito
kumilos. Brandon hated his father's manipulation. Bukod sa may long-time
relationship siya'y hindi niya gustong makasalamuha ang isang Albano matapos mabigo
sa pag-ibig ng kapatid niyang si Tristan kay Stacey na naging dahilan ng sandaling
depresyon nito. Albano women wasn't his cup of tea. Pero hindi maitatanggi ang
malakas na atraksyon ng isang Albano kapag nakaharap mo na at malapitan. Zanya's
scent is intoxicating, powerful and tickling his senses with sinful delight.
Paanong sa huli ay gusto niyang akitin ang asawa para ma-inlove sa kanya?

Chapter 1
"Hindi pa ba tapos si Papa sa meeting niya?" naiinip na tanong ni Brandon sa
sekretarya ng ama. Mahigit kalahating oras na siyang naghihintay sa opisina nito
pero nasa closed-door meeting daw ito ayon sa sekretarya. His father doesn't want
to be disturbed if he is in the conference room with his business associates. At
ang ipinunta niya dito ay mahalaga na hindi rin niya gustong ipagkausap sa ama sa
harap ng ibang tao.
"Do you want coffee, Brandon?" the secretary asked. Napatitig siya dito nang wala
sa oras habang nasa isip pa rin ang dinadalang suliranin. Marahan siyang umiling sa
sekretarya. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang malagkit nitong tingin bago ito
umalis sa harap niya.
Muli siyang umupo sa couch at isinandal ang likod. Bago pa siya tuluyang mawalan ng
pasensya sa pagkainip ay bumungad ang ama na hindi naman nagulat sa presensya niya.
"Good morning, Papa," mahina niyang bati sa ama at nagbigay ng pilit na ngiti.
Don Leonardo was a powerful man – in and out of business world. Sa kanilang limang
magkakapatid, wala ni isa man ang nagtatangka na magtaas ng boses dito. He was a
disciplinarian when they were growing up. Kapag sumasagot sila dito ay matinding
parusa ang tinatanggap nila. Hindi naman sa marahas na paraan, dahil kung hindi
sila grounded at ikukulong lang sa kwarto ay magtatrabaho sila sa kumpanya para
magkaroon ng pera pambayad sa eskwela o panluho sa sarili.
"What brings you here, Brandon?" tanong ng ama na pumutol sa naglakbay niyang diwa.
"I know this is surprise," panimula niya bago lumunok na tila may nagbara sa
lalamunan niya. "I came here to ask help."
Umupo ang Don sa executive chair nito na tila nahuhulaan na ang gusto niyang
sabihin. Gayunpaman ay hinayaan siya nitong magpatuloy.
"Kailangan ng kumpanya ng dagdag na kapital para hindi tuluyang magsara."
"If it is not making money then why don't you just close it?" kaswal na tanong ng
ama. Gustong maningkit ng mga mata niya sa inis pero kailangan niyang pigilan ang
sarili. He knows his father very well. Hindi ito makukuha sa santong paspasan.
"You know how Mama loved that company, Papa. Kung hindi naman siya nagkasakit ay
maayos pa niyang napapamahalaan iyon."
"But you have to be practical. Marami na ang advertising agency ngayon sa Pilipinas
na mas agresibo sa market."
"Please, Papa..." pakiusap pa rin niya. "This is our bread and butter. The company
was doing well bago nagkasakit si Mama. Nagamit lang ang pera sa pagpapagamot kaya
nag-suffer ang kumpanya. Mama did not ask anything from you."
Hindi na sumagot ang ama sa tila pangongonsensya niya. Lala Montealegre was Don's
first wife. Sila ni Tristan ang legal na anak. Pero dahil lapitin ang ama ng mga
socialite noong araw ay nakabuntis ito ng ibang babae. His mother filed an
annulment but it was not granted. Sa kabila niyon ay nakipaghiwalay pa rin ang ina
dito at pinalayas ang Don sa sarili nitong mansion. Sa huli ay pumayag ang ama sa
paghihiwalay at tuluyang kinasama ang babaeng nabuntis nito. Iniwan nito ang
mansion para sa kanilang mag-iina, at ang advertising agency na itinayo ng Mama
niya sa tulong ng pera ng ama. Their family also owned a distillery. Sila ang
nagmamay-ari sa isa sa matatag na distileriya sa Pilipinas, making his father a
famous businessman.
Noon ay malakas ang kita ng advertising agency ng ina. He was younger then. Pero
nang dapuan ng breast cancer ang ina limang taon na ang nakalilipas ay napilitan
siyang magtake-over. Wala siyang alam sa pagnenegosyo dahil nasa modeling ang
naging hilig niya. Muntik nang magsara ang agency noon kung hindi lang siya
nagpursige na ibangon iyon. He wanted to please his mother badly and to prove to
his father that he can be a good businessman too. Nang mapasabak siya sa pamamahala
ng agency ay namulat siya sa responsibilidad at na-pressure siya na laging
ikinukumpara sa ama. He did not want to fail. At nagtagumpay naman siya na
mapanatili itong nakatayo hanggang ngayon.
Pero ang pabalik-balik ng ina sa ospital ay nagpapahina sa pinansyal nilang estado.
Hindi gustong tumanggap ni Lala ng tulong mula sa Don. Three months ago, Lala went
into stem-cell transplant for the cure of her cancer. So far ay maganda naman ang
resulta niyon sa ina. Pero malaking gastusan ang kailangan nilang pagdaanan kaya't
nauubos ang pera ng kumpanya. And now, he needs his father's money again to save
it.
"Magkano ang nakuhang pera sa kumpanya para mapagamot si Lala? I can transfer to
your account now," mabilis namang sagot ng Don. "But I am telling you now, Brandon.
Study your financial reports very well. May nagsabi sa akin na sadyang mahina na
ang kita ng agency ngayon. Mag-isip ka ng ibang negosyo na mas magbibigay ng
financial stability."
"The agency is fine. Hindi namin 'yun isasara. Mama loves the company. Gustong
pamahalaan muli ni Mama ang agency kapag tuluyan na siyang gumaling."
"Kung gayon ay ibalik mo sa akin ang pera na ibibigay ko ngayon at ang ibinigay ko
nitong nakaraang buwan lang. We'll see kung totoo 'yang sinasabi mo na maayos naman
ang agency," tila naghahamon na wika ng Don. Gusto niyang magtaas ng boses pero
kailangan niyang pairalin ang diplomasya.
"Well, it might not be as successful as your company here." Inikot niya ang mata sa
magarang opisina ng Don. "Pero tulad ng sabi ko, mahal ni Mama ang agency. If it
can make her happy, I will never give it up."
"Then you pay me on installment basis. Magkano ang kailangan mo?"
Tumitig siya sa ama na nakatitig din sa kanya na tila siya isa lamang kasosyo sa
negosyo. Sa mga oras na iyon ay gumana ang kanyang pagiging panganay na anak. His
father owned billions. Karapatan niyang angkinin ang kalahati niyon bilang legal at
panganay na anak.
"I'll make a proposal," suhestiyon niya dito. "I will work for you, at ang income
ko as shareholder of this company ang ipambabayad ko sa nakuha ng agency sa 'yo.
How about that?"
"Since when did you get the interest working for me?" Kumunot ang noo ng ama
bagama’t may kislap sa mga mata. Noon pa man ay tumanggi na siyang magtrabaho sa
distilerya dahil dito din nagtatrabaho ang tatlo niyang kapatid sa labas na mas
pinapaboran ng ama ngayon. Hindi man niya aminin ay may panibugho siyang
nararamdaman.
"I will do everything to make my mother happy, Papa." Emosyonal niyang wika habang
nasa isip ang kalagayan ng ina. Sandaling tumahimik ang Don saka tila naging
emosyonal din ang itsura nito.
"You don't know how I wanted you to work here. Maswerte ang ina mo sa pagmamahal at
pagmamalasakit niyo sa kanya."
"We only have each other." Nagkibit balikat siya para alisin sa isip ang anumang
damdaming bumabalot sa dibdib niya. Since his parents got separated, he avoided
conversations like this. Kinailangan niyang maging matapang at matatag para sa ina
at kay Tristan.
"You also have me, don't ever forget that. I am your father and you will always be
my first born."
Iniwas niya ang mata sa ama para itago ang emosyon ngunit tumayo si Leonardo saka
siya niyakap sa hindi niya inaasahan. Tuluyan nang nagbara ang lalamunan niya nang
maramdaman ang sandaling yakap ng ama.
"Welcome to Montealegre Distilery Corp., my son," wika ng ama saka siya tinapik pa
sa likod. Marahan siyang tumango saka muling bumalik sa kinauupuan.
"I am expecting you to start on Monday, ipakikilala kita sa board at sa mga
empleyado dito. Sa Lunes din ang meeting ko sa isa sa pinakamalaking hotel chain sa
Pilipinas. I want you to meet them."
"Isn't it too soon?" mangha niyang tanong. Ni hindi pa niya nasasabi sa ina ang
desisyon niya.
"Tristan will be fine, he can handle the agency well. Maganda sa kanya ang trabaho
para ma-distract at hindi na bumalik ang depresyon – if it's really a depression.
He should learn how to handle brokenhearts."
Naningkit ang mga mata niya sa tila kaswal na pakikipag-usap nito sa kanya tungkol
sa pinagdaanan ni Tristan. Sa paghihiwalay ng mga magulang nila ay ang kapatid ang
higit na naapektuhan na noon ay nasa high school pa lamang. Labis nitong dinibdib
ang lahat. Siya'y kailangang maging matatag para umalalay sa ina at sa kapatid
noon.
"It seems that you know everything what was happening to all of us," pag-aanalisa
niya.
"Having separated to your mother doesn't end being a father to you and Tristan,
Brandon," mabilis namang sagot ng ama. "Bukod sa pagdamdam ni Tristan sa pagkabigo
sa pag-ibig, I heard your girlfriend refused your marriage proposal."
"Monique did not refuse my proposal, Papa," pagtatama niya. "We just posponed the
wedding until she finishes her contract in modeling."
Marahang tumango ang ama habang tila may naglalaro sa isip nito.
"Well, Stacey is married now. Tristan should've had moved on already. By the way,
come early on Monday. Bukod sa ipakikilala kita kay Ezekeil Albano, maganda rin na
makilala mo ang anak nilang babae. She will be there at the meeting," mataktika
nitong wika na ikinasingkit ng mata niya.

Chapter 2
"Do you have another card, ma'am?" tanong ng kahera ng isang sikat na coffeeshop
habang nagbabayad si Zanya sa counter. Napakunot noo siya at sandaling kinabahan.
"Please try again," utos niya sa kahera. Napilitan na rin ito pero muling inabot sa
kanya ang credit card.
"How much do I have to pay?" napahiya niyang tanong.
"Two thousand three hundred sixty, ma'am."
Dumukot siya ng tatlong libo sa wallet saka nagmadaling bumalik sa kinauupuan nang
nagrerebulosyon ang dibdib. Tinotoo ng Daddy niya ang banta nito na puputulin ang
anumang financial support nito sa kanya kapag hindi siya tumigil sa karera.
"Nakasimangot ka diyan?" tanong ni Trina nang mapansin ang inis sa mukha niya. Nasa
isang coffeeshop sila sa Roxas Blvd. dahil katatapos lang ng ensayo nila sa
racetrack. Si Trina ay isa sa kasama niya sa sports na 'yun na kaibigan din nila ni
Stacey. But her cousin now stopped joining after her serious accident six months
ago. Ngayon ay kasal na ito kay Marcus na dating namasukan sa pamilya nito couple
of years ago.
"My Dad cut my allowance!" pagalit niyang kwento.
"Ohhh... Desidido talaga siyang patigilin ka dito? Bakit hindi mo kasi pagbigyan
ang Daddy mo at magtrabaho ka sa kumpanya niyo? That way baka pagbigyan ka niyang
sumali pa din dito paminsan-minsan."
"No way!" matigas niyang sagot. Matapos i-serve sa mesa ng waiter ang coffee na
order niya, tumayo siya hawak ang kape at nagpaalam sa mga kaibigan na kasama nila
galing sa practice.
"Hey! Mamaya ka na umalis," pigil pa ng kaibigan sa kanya pero hindi siya
nagpapigil. Pagsakay niya sa kotse ay siya namang paglapit ni Harvey sa kanya na
pumigil sandali sa pag-alis niya sa parking lot ng coffeeshop. Nakatukod ang kamay
nito sa pinto ng kotse niya dahil ibinaba niya ang salamin.
"Why in a hurry?" nakakunot noo ito.
"I have to talk to my Dad."
"Stay a little longer. Kararating ko lang aalis ka naman na," tila may himig
pagtatampo nito. Harvey is Trina's sister, at alam niyang inabisuhan ito ng kapatid
na nandito pa siya. Harvey was persistently calling and seeing her lately. Madalas
din itong ireto ng kaibigan. But she's not interested into having a relationship.
"I'm sorry, Harvey. This is important," maagap niyang sagot para iwasan ito.
"Trina's still at the coffeeshop. Nandoon din sina Madeline." Ang tinutukoy niyang
huli ay ang babaeng may gusto kay Harvey na nanonood lagi sa practice nila at sa
kumpetisyon. Bata pa si Madeline at balak nitong sumali sa ganoong sports kaya
madalas din nilang kasama sa mga hangouts ng barkada.
"Madeline is too aggresive for me. Besides, she's too young, I don't want to be
accused of cradle snatching," natatawa nitong wika.
"But I'm old for you, tama lang ang age gap niyong dalawa. C'mon, I really have to
to. See you when I see you," wika niya nang walang katiyakan. Napapailing naman si
Harvey na inalis na ang kamay sa bintana ng kotse niya.
Paharurot naman siyang umalis sa parking lot ng coffeeshop gamit ang sports car na
binili niya kailan lang. Inabot lang ng kalahating oras ay narating niya na ang
opisina ng Daddy niya.
"I have a meeting in fifteen minutes, Zanya. What do you need?"
Matiim niyang tinitigan ang Daddy Ezekeil niya na ngayon lang niya kinakitaan ng
pagmamatigas mula nang magkaroon ng aksidente ang pinsan niya. Agad lumambot ang
mukha niya na kanina lang ay hindi maipinta.
"You really cut my allowance, Dad?"
"Yes. 'Yun lang ba ang ipinunta mo dito?"
"You know that I can finance myself," sagot niya na umupo sa couch para kumuha ng
lakas ng loob na komprontahin ang ama.
"Yes, I know that," mabilis na sagot ng ama. "Hindi lang pagputol sa allowance mo
ang ginawa ko. I also asked the organizer of that car racing event to kick you out
of the competition. Hindi mo alam ang takot na naramdaman ko nung nanganib ang
buhay ni Stacey."
"What?!" Napatayo siya sa kinauupuan sa ibinalitang iyon ng ama. "But what happened
with Stacey will not happen to me! Bakit ba lagi niyong ibinabalik ang pangyayaring
iyon?"
"Stop arguing with me, Zanya!" madiing wika rin ng ama. "Your mother and I talked
about this and she was happy with my decision."
Hindi niya napigilang mapaluha sa desisyong iyon ng ama.
"Bakit niyo kailangang pakialaman ang buhay ko?" halos paanas niyang tanong. "Sa
tingin niyo mapapapayag niyo akong magtrabaho sa kumpanya dahil sa ginawa niyo?
Never, Dad."
Napabuntunghininga ang Daddy niya bago tila nahahapo na sumandal sa swivel chair
nito. "Why are you so against in working in our company? Sa inyo mauuwi ang lahat
ng ito kapag nawala na kami ng Mommy mo."
"We have dependable employees. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga kayang buruhin
ang sarili ko sa opisina maghapon. I want my freedom as it is."
"And then what? You're twenty five, Zanya. You just can't stay carefree for the
rest of your life. Kung ayaw mong magtrabaho dito, then find another career. Be an
engineer, a doctor... huwag lang ang nakikipaghabulan sa kamatayan for God's sake!"
Ano nga ba ang gusto niya? She hated their company since she was a teenager.
Panahon iyon na nalaman nilang lahat na hindi anak ng Daddy niya ang Kuya Ethan
niya. Everyone's eyes were on her brother - trying to give everything to him just
to ease the feeling of being a bastard. Siya'y naiwan sa isang tabi na hindi na
nasusulyapan man lang noong mga panahon na iyon. Her brother at that time wants
also to prove something to their parents -- na deserving itong mamahala sa kumpanya
sa kabila nang hindi ito ang totoong anak ng Mommy at Daddy niya. In the end, they
were at each other's back. Siya'y pinapanood lang ang mga pangyayari.
Hanggang sa matanim sa isip niya na ang Kuya Ethan ang matalino at magaling sa
negosyo. They used to work in the company when they were younger. Pero madalas
palpak siya kahit man lang sa pag-type ng reports para sa monthly meeting ng board.
So, she stopped pretending that she belongs there. Nasa labas ng building na ito
ang mundo niya.
"You will start working with me starting tomorrow. May meeting ako with one of our
biggest supplier of wines next week. I also want you to meet his son, Tristan."
Napakunot noo na naman siya sa narinig. Hindi ma ba matapos-tapos ang pagmamanipula
ng Daddy niya sa buhay niya?
"That can't be serious, Dad. Tristan Montealegre is Stacey's ex-boyfriend and as
far as I'm concern, that guy has a depression!"
"Oh.. I didn't know that. But anyway, sasama ka pa rin sa akin sa Lunes sa
meeting."
"And if I dont?!" tila paghahamon niya sa ama.
"Then find another job that would sustain your way of living. Pero wala kang
sasalihang anumang kompetisyon, sinisiguro ko 'yan, Zanya. You can still live your
carefree life, but your allowance will still be cut."
Napapikit siya sa pag-uusap nilang mag-ama. Sa ilang taon niya sa karera ay nahanap
niya ang sariling tagumpay. Doon lang siya magaling. She can look for another job
from other companies, but what if she fails? Kaya ba ng ego niya na pagtawanan siya
ng ibang kumpanya na hindi siya marunong magtrabaho ng maayos? She's an Albano for
pete's sake! Lahat ng Tiyuhin niya at mga pinsan ay magaling sa pagpapatakbo ng
negosyo. Only her Uncle Zandro is a doctor, pero isa rin itong magaling sa
larangang pinili nito. While she was a failure in administrative job.
"I need an air," tila paalam niya sa ama saka tuloy-tuloy na lumabas ng opisina
nito. Sa parking lot ng Albano compound siya naglagi habang iniisip kung ano ang
buhay na dapat niyang tahakin. Sa tingin niya'y wala na rin siyang magagawa dahil
kinakain na siya ng insekyuridad. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang pinsan
na si Stacey.
"I'm sorry, Zan..." mahinang wika ng pinsan nang ikwento niy ang pag-uusap nilang
mag-ama. "I know it is hard to understand right now, pero kapakanan mo lang ang
iniisip ni Uncle."
"Oh, I hate my life now."
"Don't overreact, couz. Dadating ka naman talaga sa puntong kailangan mong ihinto
ang pakikipagkarera. You are not young anymore. You need to focus on the company.
Kailangan mo na ring magkaroong ng pamilya."
"Uggghh... Isa pa 'yan. Tinotoo ni Dad ang pakikipag-meeting sa Montealegre at
balak pa akong ipakilala sa ex-boyfriend mo."
Isang matunog na halakhak ang pinakawalan ni Stacey na lalo niyang ikinapikon.
"Well, kung si Tristan ang irereto ni Uncle sa 'yo, maswerte ka. He's the tamer
among the Montealegre brothers. His brother was a ruthless creature, pati na ang
tatlo pa na siyang namamahala sa winery ngayon. Beware of those men, women just
come and go."
"Ugghh... I'm so stressed right now."
"Alam naman natin kung bakit ginagawa ni Uncle 'yan sa 'yo. Find your own man, para
hindi ka na kung kani-kanino ireto."
Find my own man? Ano ba ang nagagawa ng lalaki na hindi niya kayang gawin? She's
even a martial arts expert.
Hanggang sa makarating siya sa bahay ay dala niya ang inis da dibdib na hindi niya
nagawang maghapunan. Bukas ay bago na ang buhay na tatahakin niya. She' starting to
hate her life!

Chapter 3
Nasa parking lot na si Brandon ng Albano Corp. pero hindi pa siya bumababa. Muli
siyang humigop ng kape sa papercup na hawak saka iginala ang mga mata. Albano is
definitely a multi-billionaire label, owning an airline company, chains of hotels
and casinos, and clubs. No wonder his father wants him or Tristan to marry one of
their princesses. Pero nabigo si Tristan na paibigin si Stacey nang tapusin ng huli
ang relasyon nito sa kapatid pagkatapos lang ng dalawang bwan. Then Stacey turned
her attention to a singer-ballader, and ended their affair again. Natatawa siya
kapag sinasabing sila ang papalit-palit ng babae na magkapatid. No one really knows
the whole story.
After that breakup incident, Tristan became distant and depression attacked him.
Bukod sa pagkabigo nito sa pag-ibig, bigo rin itong paluguran ang ama at
magtagumpay sa gusto niyong makapag-asawa ang isa sa kanila ng isang Albano noon pa
man.
Pero nagbago kagabi ang awra ng mukha ng kapatid nang sinabi niyang iiwan niya na
ang pamamahala ng agency dito dahil magiging empleyado na siya ng Montealegre
Distillery. Alam niyang bukod sa malaking responsibilidad na iniwan niya sa
kapatid, ang paglalapit nilang mag-ama ang talagang ikinatuwa nito. Sabik ito sa
atensyon ng ama mula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Huminga siya ng malalim bago nilagok ang natitirang laman ng papercup na hawak.
Sigurado siyang kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging Marketing Manager na
iniatang ng ama sa kanya, pero wala siyang balak sumunod sa kagustuhan nito na
ilapit ang sarili sa anak ni Ezekeil Albano. Bukod sa may girlfriend na siya, galit
siya sa mga ito matapos paglaruan lang ni Stacey si Tristan.
Bumaba siya sa sasakyan saka sinigurong naka-lock ang pinto ng halos bago pa na
BMW. Gusto niyang ipakita sa mga Albano na hindi siya pipitsuging negosyante --
kung sakali mang mapansin pa ang sasakyan niya roon. Dahil nang maglakad pa siya
palabas ng parking lot ay hindi lang iisa ang BMW na naroon. At higit sa lahat, ang
umagaw sa atensyon niya ay ang nag-iisang Silver Blue Audi R8 na ang halaga ay
katumbas na ng buong advertising agency ng ina.
Holy damn!
Iisa lang ang gumuhit sa isip niya sa nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Zanya Albano.
Stacey will not own a luxurious car like that. Sa kwento ng kapatid ay nasa pagta-
travel ang hilig nito. One definitely would not use a car in public that would put
you in danger and cause your life. Napakaraming naglipanang kidnapper ngayon sa
Pilipinas.
Hindi rin magiging pag-aari ng isa sa lalaking Albano ang sasakyang iyon dahil
bukod sa mga BMW na nasa VIP parking mayroon ding iba pang magagarang sasakyan
tulad ng Hummer, Porsche, at Mercedes-Benz.
Naiiling siyang tumuloy sa building na tila isang magarang five-star hotel. Ang
sabi ng Papa niya ay nasa opisina na ito ni Ezekeil. Itinanong niya sa receptionist
kung saan iyon. Tumawag muna ito sa intercom bago siya pinaakyat sa 18th floor at
sinabing maghintay sa conference room. Marami siyang nakasabay sa elevator pero
pagdating sa 16th floor ay naiwan na siyang mag-isa. Marahil ay para sa top
executives na lang ang ikalabing-anim na palapag hanggang sa kung saan man ang
hangganan niyon. Tiyak niyang may penthouse pa sa pinakatuktok niyon at helipad.
Lumabas siya sa elevator matapos bumukas iyon sa 18th Floor. May maliliit na
opisina na napapalibutan ng salaming dingding doon na sa tingin niya'y opisina ng
mga sekretarya. Lumabas ang isa nang makita siya at iginiya sa isang pinto na
siyang conference room. Naghintay siya doon ng limang minuto bago pumasok ang ama
at si Ezekeil Albano. Tumayo siya nang ipakilala ng ama dito at nakipagkamay.
Ezekeil is in his late forties maybe, but still handsome that could still charm
women. Bukod sa gandang lalaki nito ay ubod ng yaman. He wonders if he is also a
womanizer like his father. Men like him would attract women like flowers into bees.
"You've got a handsome son here, Leonardo," nakatawang wika ni Ezekeil habang
nakatitig sa kanya. "Talagang isinama mo siya para siguraduhing ma-aprobahan ang
proposal mo bilang maging exclusive supplier ng alak sa lahat ng hotel ng Albano."
"I will use all my 'assets', kumpadre," nakatawang wika rin ng ama niya na tila
ginawa siyang pamain kung ang basehan ay pag-uusap ng dalawa.
"Let's start our discussion then," sagot nito saka dinukot ang telepono sa bulsa at
tinawagan ang sekretarya. "Tell Zanya to come to the conference room," utos nito.
"Brandon will handle your account from now on, he will provide you the best wine
you could offer to your guests," panimula ng ama. Hindi naman sumagot si Ezekeil na
nilalaro ng kamay ang teleponong hawak na tila naiinip sa pagdating ni Zanya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa conference room bago bumukas iyon at tumambad
ang babaeng ikinabilis ng tibok ng dibdib niya nang tumama ang tingin nito sa
kanya.
Wait! Did he just hear his heart flutter?
"Good morning, Dad." Humalik ito sa ama bago umupo sa kanang bahagi ni Ezekeil na
katapat ng ama niya. He threw short glances at her who was no interest in meeting
his eyes again.
Alam niyang sumasabak ito sa sports activities kaya ikinagulat niya na makita ito
sa ganoong ayos. She has no trace of masculinity in her bones. She has a slender
body that could fit for a perfect fashion model. At kahit hubaran niya ito'y tiyak
niyang perpekto ang hubog ng katawan. He dismissed his thought immediately as his
groin started to ache. Damn!
"Meet my daughter, Zanya," wika ni Ezekeil na nakatulong para pairalin ang matinong
kaisipan. "She will be incharged in monitoring supplies in our hotels. You may
discuss with her your proposal and let's see if you could get the contract for
exclusivity right away," tila paghahamon nito. Tumayo silang mag-ama at
nakipagkamay dito. Umayos siya ng upo saka muling itinuon ang mata sa dalaga.
"Here's our proposal for Albano Hotels," panimula niya saka iniabot sa mag-ama ang
ginawa niyang proposal. Mula nang mag-usap silang mag-ama ay nag-research siya
tungkol sa magagandang klase ng alak sa merkado. "Besides our top of the line local
wines in our company, we are willing to import expensive and best-tasting wine from
France."
"What about the price of imported wines?" maagap na tanong ni Zanya na tila awit sa
pandinig niya. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang anumang atraksyong naiisip
niya sa babaeng kausap.
"We'll send you another proposal for imported wines once we finalized our contract
with Agriberia," mahinahon niyang sagot matapos tukuyin ang isa sa nangungunang
importer ng alak sa France.
"I hope you prepared your proposal complete, Mr. Montealegre. How can you get
exclusivity with us with incomplete data?"
Sandali siyang napipilan dahil sa pagiging pranka nito. Though she was right dahil
sa napakaiksing oras na mayroon siya para makausap ang supplier na sinasabi niya ay
hindi pa siya nakakapag-costing. Pero ang paghanga na kanina'y dala niya sa babaeng
Albano ay napalitan ng iritasyon matapos mapahiya.
"I did it on purpose so we can meet again, Miss Albano," sagot naman niya para
takpan ang pagkapahiya. "Since we both handle this account, then we can discuss
this again over dinner instead?"
"I don't do business meetings outside this building Mr. Montealegre," matatag
nitong sagot na saglit lang tumingin sa kanya bago ito bumaling sa ama nito. "May
iba pa bang pag-uusapan, Dad?"
"Well, kanina pa nasa opisina ko si Leonardo kaya't napag-usapan na namin kanina pa
ang ilan pang bagay para sa partnership ng Albano at Montealegre Distillery. More
than the wine distribution itself, why we are here is to talk about your engagement
that will be happening soon."
"What?!" halos sabay nilang usal ni Zanya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay
Ezekeil at sa sariling ama na tila kaswal lang ang reaksyon. Nang ilipat niya ang
tingin kay Zanya ay isang irap ang pinakawalan nito.
"You can't do this to me, Dad!" Mabilis itong tumayo at nilisan ang conference
room. Isang malalim na buntunghininga naman ang pinakawalan ni Ezekeil bago humarap
sa kanila.
"It's nice to meet you, Brandon," wika nito sa kanya bago muling nakipagkamay sa
kanilang dalawa saka tumayo. Napilitan siyang tanggapin ang pakikipagkamay nito sa
kabila nang nagrerebulosyong damdamin. Lumabas sila ng silid at hanggang makarating
sa parking lot ay wala silang pag-uusap na mag-ama. Pinaharurot niya ang kotse
palabas ng compound ng mga Albano para ilabas ang inis. Kung nag-iwan iyon ng
atensyon sa mga taong naroon ay wala siyang pakialam.
Hindi siya magpapatali sa isang Albano lalo at ipinahiya siyang sandali kanina sa
meeting. Stacey broke his brother's heart, while Zanya has an arrogant and
opinionated personality that irritates him. Being self-centered and egocentric run
in their blood.
Sa bagong opisina siya ng Montealegre Distillery nagtungo para kalmahin ang sarili.
Alam niyang susundan siya ng ama para ipagpatuloy ang pag-uusap sa kaninang
nabanggit na engagement nila ni Zanya. He has a girlfriend for pete's sake!
At kahit pa wala marahil ay hindi pa rin siya magpapakasal sa babaeng hindi niya
gusto at pinangarap na pakasalan. He will never associate himself with any of the
Albano women!

Chapter 4
Mahigit kalahating oras pa ang lumipas bago pumasok ang amang si Leonardo sa
opisinang itinalaga nito sa kanya. It was his grandfather's office when he was
still alive and managing the company. Higit iyong malaki kaysa sa opisina ng ama
ngayon at kung paano ito napaayos at malagyan ng modernong kagamitan sa loob lang
ng ilang araw ay hindi niya alam. Tila ba hinintay lang siyang dumating para
magkaroon ulit ng silbi ang silid na iyon na hindi ginalaw ng ama matapos mamatay
ng matandang Montealegre.
Hindi na kumatok si Leonardo nang pumasok sa opisina niya. Iniwas niya agad ang
mata habang ito'y nanatiling nakatayo sa gitna habang iniikot ang paningin sa
kabuuan ng silid.
"What was that?" pagalit niyang tanong. "Pinapunta mo ako sa opisina ng mga Albano
para ipahiya? Kung alam ko lang na 'yun ang plano mo'y hindi ako pumayag na
magtrabaho sa kumpanyang ito."
"This company is in financial crisis, Brandon."
Napalingon siya sa ama sa sinabi nito saka napakunot ang noo. "We are still the
leading brand when it comes to wine production, Papa," pagtatama niya para
pabulaanan ang sinabi nito. "Don't give me that bullshit para lang mapapayag ako na
magpakasal sa anak ni Albano."
"Noong una ay si Tristan ang binalak kong ipagkasundo dahil alam kong hindi kita
mapapasunod sa gusto ko. But Ezekeil refused after finding the truth about his
depression and failed relationship with his niece. Hindi ang katulad ni Tristan ang
kayang mapasunod ang anak niyang si Zanya. Then I told him your name and said that
he will make an invistigation about your background and personality first. At
kaninang umaga ay pumayag siyang ikaw ang mapangasawa ng anak niya, kapalit ng
kontratang magiging exclusive supplier ang Montealegre Distillery sa Albano Hotel
and Casino. Their advance payment will save the company to its nearly bancruptcy
status.
"Paanong napunta sa ganoong sitwasyon ang kumpanya?" nakakunot pa rin ang noo
niyang tanong. But he understands now his father's will to make negotiations with
Ezekeil Albano. Kahit siya man ay nasa ganoong kalagayan na gagawim ang lahat
maisalba lang ang kumpanya ng pamilya. Pero mahirap isipin na habangbuhay na
kalayaan ang kapalit ng pagsasalba ng buong distilerya.
"How about Alexis?" tanong pa niya na ang tinutukoy ay ang panganay nitong anak sa
pangalawang asawa. Alam niyang ang tatlong anak nito ay may kanya-kanyang posisyon
sa kumpanya matapos nilang tumanggi dati na dito magtrabaho. His mother was not
comfortable in having close relationship with his father's second family. Kaya't
nanatili lang silang sa advertising agency ng ina nagtrabaho noon.
"Alexis was one of the reasons this company is in crisis. I hate to say this, but
since they know they are my illegitimate children, Alexis and his brothers were not
as dedicated as I thought they were. May mga missing reports na hindi ko lang
maasikasong ipa-imbistiga dahil sa isa pang bagay na mas dapat kong asikasuhin."
"Another woman again?" sarkastiko niyang tanong. Napangiti din si Leonardo saka
tila nahahapo na umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya.
"Believe it or not, I stopped womanizing since your mother threw me out of the
house then asked for an annulment after. Napagtanto ko ang pagkakamali ko pero
hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon ng Mama mo. So, to answer your question,
it's not about another woman. I have a lung cancer and I am in and out of the
hospital overseas for almost a year."
Hindi siya nakapagsalita sa huling ipinagtapat ng ama. He was sure his father was
telling the truth. Sa ngayon, ang dalawang magulang niya ay may sakit na kanser at
pera ang sagot para parehong humaba ang buhay ng mga ito.
"You are my legal son," wika pa ng ama niya na pumutol sa panibagong emosyon na
bumalot sa kanya. "Sa 'yo ko gustong iwan ang kumpanya ng Papa na ibinilin niyang
palaguin ko para maabutan ng mga susunod na henerasyon ng Montealegre. Matagal ko
nang balak hingin ka sa Mama mo para ilipat dito pero tumanggi siya dahil ikaw lang
din ang inaasahan niya sa pagpapatakbo sa agency. Napilitan akong ipagkatiwala kay
Alexis ang pamamahala pero nabigo ako. I need you, son. Please save this company.
For you and for Tristan."
Tila biglang bumigat lalo ang pakiramdam niya sa pakiusap nito. Ngayon niya
naintindihan ang mabilis na pagpayag ng ina nang sabihin niyang iiwan niya ang
agency kay Tristan dahil dito na siya magtatrabaho. His mother did not even ask
why.
"Nabanggit mo din ba kay Mama ang... s-sakit mo?" Halos bumara pa sa lalamunan niya
ang tanong na iyon.
"Yes. We even laughed about it," nakatawang wika ng ama na tila ba simpleng sakit
lang ang kanser. "After all these years, we became friends again. Ang sakit naming
ito lang pala ang maglalapit muli sa aming dalawa ng Mama mo. Now that you're here,
I can attend my treatments to at least prolong my life."
"You're a tough man, Leonardo," pagbibigay niya ng lakas ng loob sa ama sa kabila
ng lungkot na bumabalot sa dibdib niya. "Not even this cancer can defeat you."
"But I am old and my days will be over soon, Brandon. I'd be happy to see you
managing this company that you will own soon. Ililipat ko agad sa pangalan mo ang
kumpanya at ipakikilala bilang bagong CEO."
"How sure are you that I will replace you as the CEO of this company?" nakangiti
niyang tanong sa kabila nang malapit nang kumislap ang luha sa gilid ng mga mata.
He misses his father so much and he loves to serve him to his golden days. If only
his mother tried to forgive him. But again, his mother suffered a lot too. At sa
panahong ito'y wala na ang lugar para magtanong ng 'what ifs'.
"Hindi mo ba gugustuhing manahin ang kumpanya ng Lolo mo? I remember your
grandfather told you that this company will be yours when you turn thirty years
old. It's two years overdue, son. Hindi sana umabot na kailangan mong pakasalan ang
isang Albano para manatili ang kumpanya sa maayos na estado kung dumating ka nang
mas maaga."
Yeah, he remembers that. Ang silid na ito mismo ang playground niya noong bata pa
siya dahil akay-akay siya ng Lolo niya madalas sa opisinang ito. Tristan was always
sick at that time, marahil ay dahil stressed ang ina nila noong ipinagbubuntis ito
dahil sa pagiging babaero ng ama. Ang Lolo din niya ang dahilan kung bakit matagal
pang nagsama ang mga magulang sa kabila ng kabi-kabilang away. But when his
grandfather died, Lala decided to finally set herself free from Leonardo. Na kahit
hindi na-grant ang annulment ng mga magulang, siniguro ng kanilang ina na hindi na
ito magkakaroon pa ng ugnayan sa asawa.
"But I am not like you who can marry a woman and desire another," pangangatwiran pa
rin niya. "Kung mayroon man akong natutunan sa pamilya natin ay ang pahalagahan ang
babaeng mapapangasawa ko at hindi mangangaliwa sa kahit anumang pagkakataon."
"That's what makes you an ideal man for Ezekeil's daughter. Alam kong hinalungkat
niyang lahat, pati kanunu-nunuan natin para lang alamin ang pagkatao mo. And I am
proud to what you have become, Brandon. Sa kabila nang wala ako sa tabi mo, lumaki
kang responsable at mabuting tao. You are even better than me in so many ways."
"You don't patronize your son and trade him after like a share of stocks in the
market," naiiling niyang wika. "Maraming banko ang magkakandarapa na magpautang sa
atin kung pinansyal lang naman ang problema ng kumpanya."
"Lubog na sa utang ang kumpanya, we can't affor another loan," naiiling na wika ng
ama. "Marrying Zanya Albano is the easiest way. At nang malaman ko na tumanggi ang
nobya mo na magpakasal sa 'yo, lalong nabuhay ang paghahangad ko na ipakasal ka sa
iba. I don't want to hear women turning you down. Walang babaeng tumatanggi sa
ating mga Montealegre, Brandon. Keep that in mind."
"Pero paano ko pa mapapanatili ang dignidad natin kung tila ibenenta mo ako sa mga
Albano? How much are they willing to pay me?"
"Si Ezekeil ang desperado na makahanap ng lalaking mapapangasawa ng anak niya,
Brandon. Huwag mong isipin na tayo lang ang may pangangailangan sa pagkakataong
ito. It's a win-win situation. You are a perfect husband to his daughter, I can
assure him that."
Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya. A perfect husband? Despite having
commitment with his girlfriend, he sometimes beds another woman he finds desirable
enough. Monique was fine with that. Ang katwiran nito'y hindi pa naman sila kasal
at may pangangailangan siya bilang isang lalaki. Monique spends time mostly in
Singapore and Paris for her international modeling career. Minsan ay limang beses
lang sila magkita sa isang taon.
"Ezekeil Albano wants to personally talk to you in his office," putol ng ama sa
paglalakbay ng isip niya. "He will be discussing the agreement with you and his
terms before he throws his millions away. Hindi na kita masasamahan dahil may
appointment ako sa oncologist ko mamayang ala una."
"I want to go with you, Papa. Makakapaghintay naman si Mr. Albano."
"Don't make him wait, Brandon," maagap na pigil ng ama ng tumayo siya at ligpitin
ang mga folders sa mesa. "Samahan mo ako sa ibang araw. I also want to play golf
with you one of these days." Kung luha ang kumikislap sa gilid ng mga mata ng ama
ay hindi niya tiyak dahil iniwas nito ang tingin sa kanya. Tumayo siya at dagli
itong niyakap.
"Bad days will be over, Papa," madamdaming bulong niya dito. Agad namang bumitiw
ang ama para putulin ang bigat ng emosyon nilang dalawa.

Chapter 5
Muli niyang ipinark ang sasakyan sa parking lot ng Albano Corp. pero sa
pagkakataong ito'y sa regular parking na lang. Iginiya siya ng isang empleyado sa
opisina mismo ni Ezekeil Albano. Pagpasok niya ay may isa pang lalaking naroon na
hindi nalalayo sa edad niya.
"He is my eldest son, Ethan," pakilala niya dito. "He's the CEO of Albano Hotels
now."
"Brandon Montealegre," pakilala niya sa sarili bagama't may panliliit siyang
nararamdaman. Mataas man ang pagpapahalaga niya sa sarili ay para siyang isang
lalaking ibinugaw ng ama dahil kailangan nila ng pinansiyal na tulong.
"Ethan was like you years ago," wika ni Ezekeil na marahil ay nababasa ang nasa
isip niya. "Ipinagkasundo ko rin sya sa isang kaibigan ng pamilya. Look at him now,
he's happily married."
Nakatingin lang si Ethan sa kanya na tila tanggap na nito na magiging asawa na siya
ng kapatid nito.
"Any tips how you did it, brother?" Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. Pare-pareho
silang nakatayo sa silid at si Ethan ay nakapamulsa ang kamay na kaswal lang ang
pagkakatitig sa kanya.
"Just love your wife," simple nitong sagot. "But it will not be easy for you. Women
love to be pampered with love and attention. But Zanya is one tough woman. At kung
hindi ka rin naman magaling sa martial arts, daanin mo na lang pilig ng ulo at
buntunghininga."
Bago pa siya maka-react ay nagpaalam na ito sa ama na aalis dahil may meeting pa
itong dadaluhan.
"Goodluck, brother." Tinapik siya nito sa balikat na ginantihan niya ng isang
tango. Kung bakit tila magaan ang pagtanggap nila sa kanya ay hindi niya masagot.
"Please sit down, Brandon." Mas utos iyon kaysa pakiusap sa pandinig niya.
"Ang inaasahan ko'y giyera ang susuungin ko kapag nalaman ng angkan niyo na
ipinagkasundo niyo lang ako kay Zanya bilang collateral sa ibibigay niyong pabor sa
distelirya. But Ethan welcomed me with open arms," biro niya sa kaharap. Ito man ay
napangiti sa sinabi niya.
"No need to do that. Kay Zanya pa lang mahihirapan ka na, hindi na namin gustong
dagdagan pa ang aalalahanin mo."
"Paano niyo siya napapayag sa gusto niyong ito?"
Napatitig si Ezekeil sa kanya bago nagsalita.
"Hindi ko pa siya nakukumbinsi, Brandon. It's your job to convince her to marry
you. Kapag nagawa mo 'yun, automatic na na sa inyo mapupunta ang exclusivity ng
pagsu-supply ng wines sa buong Albano Hotels, Casino, at Airlines."
Napakunot ang noo niya. So hindi pa pala cien por cientong sigurado ang
pagpapakasal nila. Maaari pa siyang umatras.
O gusto pa ba niyang umatras?
"She just insulted me in front of you in the conference room, Mr. Albano. Paano ko
siya makukumbinsi na magpakasal sa akin kung ako ang may kailangan sa kanya para
maisalba ang kumpanya ng Lolo ko? Do I need to hear another insult from her?"
"She hates working in my office," mabilis nitong sagot. "She loves outdoor
activities. Alam mong isa siyang sikat na car racer at scuba diver. 'Yun ang alam
niyang trabaho. Ipina-ban ko na siya sa lahat ng sports association sa bansa. Her
allowance was also cut days ago. Mayaman si Zanya; pero maluho din. Ikaw ang
magiging sagot sa problema niya. You will provide for her."
"Napakadali para sa isang Albano na lumapit sa ibang kumpanya. Tiyak gagawin siyang
manager sa isang kisap lang ng mata."
"Zanya has insecurities when it comes to handling businesses or doing
administrative jobs, Brandon. I learned that from one of her cousins. Kaya't mas
pinili niya ang makipagkarera na lang kay kamatayan dahil doon siya nagtatagumpay.
Kapag nakasal kayo, bibili ako ng shares sa kumpanya mo at kayong dalawa ang
mamamahala sa lahat. But you will never allow her to go back to car racing again.
It's an order."
"But you know that I have a girlfriend, don't you?"
"You know how to resolve thst problem, Brandon. Monique also has shares with men as
you have also shares with women kapag hindi kayo magkasama. It's fine with me as
long as hindi ka pa kasal. Pero wala sa aming mga Albano ang nangaliwa buhat nang
mag-asawa; hindi ko rin gugustuhin na may babaeng Albano na niloko ng asawa.
Bagama't ipinagkasundo kayong dalawa, inaasahan kong aayusin niyo ang pagsasama
niyo sa abot ng inyong makakaya."
Hindi siya nakasagot sa dami ng tanong na naglalaro sa isipan. Today was
unexpected. Tila sila nasa isang maze na may kailangan siyang tapusing misyon para
maging matagumpay ang laro.
"Why me?" sa huli ay lakas loob niyang tanong. Alam niyang isa sa dahilan ay ang
mahigpit na pangangailangan nila sa pera na tiniyak ng kaharap na hindi siya
tatanggi.
"Let's just say it's a father's instinct. Nakikita ko sa 'yo ang katangian ng isang
Albano. Zanya's temporary office is next to mine. We'll have a meeting again
tomorrow to finalize the contract of our agreement. Kung kinakailangan niyong
pumunta ni Zanya sa Paris para kausapin ang supplier ay magpo-provide ako ng
ticket."
"There's no need, Mr. Albano," mabilis naman niyang pagtanggi saka tumayo na. "I
can provide for my company's expenses."
Tumango lang si Ezekeil sa kanya bago siya tuluyang lumabas sa silid nito. Ang
kasunod na pinto ay kay Zanya. Pilit niyang alisin ang kaba bago siya kumatok.
Zanya is one tough woman...
Hindi siya magpapasindak dito. Pareho nilang kailangan ang isa't isa.
Bumukas ang pinto at bahagya lang itong nagulat. Mabilis itong bumalik sa kinuupuan
at ibinagsak doon ang katawan.
"I am not marrying you!" matigas nitong sabi habang pinaglalaruan ng kamay ang
ballpen na hawak. She was tensed.
"But you have to, am I right?" Nagpakawala siya ng matamis na ngiti ngunit irap ang
iginanti ni Zanya. Kung bakit naaliw siya sa reaksyon nito ay hindi niya alam. Tila
ito bata na inuutusan sa hindi nito gustong gawin.
"Over my dead body."
Over your beautiful and sexy body, aniya sa isip.
"Bakit hindi na lang natin sundin ang gusto ng mga magulang natin?"
"Para masagot na lahat ng problema niyo sa kumpanya? At my expense?!" pagalit
nitong wika. Kahit paano'y nainsulto siya.
"Look, alam mong kahit ako'y nagulat. But yes, it's an advantage for me to marry
you. Pero para sa kaalaman mo, may girlfriend akong naghihintay sa akin at kung
ibebenta ko ang kumpanya ko'y kikita pa rin naman ako. So don't insult me as if I
am desperate to marry you. Hindi ka hulog ng langit sa akin, Zanya," matigas niyang
sabi. Nakita naman niyang napasapo ito sa ulo.
"Kung hindi ako ang mapapangasawa mo, sa tingin mo ba'y titigil ang Daddy mo
ipakasal ka sa iba? No, sweetheart. So it's either sa akin ka makipagkasundo o
haharap ka na naman sa ibang lalaki na mapipili ng tatay mo."
"Oh I hate this life.." Yumuko ito sa mesa na tila batang iiyak. Naantig siya sa
itsura nitong walang kalaban-laban sa gusto ng ama. Sa loob pa lang ng ilang
minuto'y samu't saring damdamin na ang pinaparamdman nito sa kanya. Gusto niya
itong yakapin at ikulong sa bisig niya.
"I promise to make life easier for you," mahina niyang wika. "Pareho nating
kailangan ang isa't isa. Your father mentioned to me why I have to marry you. Lay
down your cards and we'll meet halfway."
Napansandal ito sa upuan at tumitig sa kanya. Siya'y nanatili lang na nakatayo.
"I want to get out of my father's life. I hate him. Kailan ako lilipat sa bahay
mo?"
Hindi niya inaasahan ang sinabi nito ngayon at lalong hindi niya inaasahan ang
galit at lungkot na nasa mga mata nito. He cleared his throat to release the
emotions that started to consume him. Ngayon niya napatunayan kung gaano kalakas
ang impluwensya ng isang Albano. Minuto lang niyang kasama si Zanya'y tila malalim
na ang damdaming naidulot nito sa kanya. Ilang lalaki na ba ang pinaiyak ng babaeng
ito?
"What's your name again?"
"Brandon."
"Where do you live?"
Napangiti siya saka lumapit dito at umupo sa gilid ng mesa nito na bahagyang
nagpaatras sa upuan ng dalaga.
"Quezon City. I live with my mother and Tristan, I know you know who he is. Pero
kung makakasal tayo'y lilipat tayo sa condo."
"Hindi na kailangan. If you have an extra room, that would be alright. Hindi naman
tayo magiging tunay na mag-asawa. May girlfriend ka, 'di ba?"
"Y-yes... But --"
"You don't have to leave her, kung okay lang sa kanya sa ganitong set-up, it's fine
with me. I need my father's money but I can't get it straight from him. Sa
pagkakaalam ko'y bibili siya ng shares sa kumpanya mo at ilalagay sa pangalan ko. I
will be the part-owner of your company. Kapag nangyari 'yun, wala nang kontrol ang
ama ko sa kahit anong gusto kong gawin sa buhay. We can file an annulment after and
you can marry again whoever you want to marry."
Walang itong emosyon sa mga sinabi nito. It was like a business proposal. Sa ngayon
ay tatanggapin niya ang mga suhestiyon nito. He needs her to trust him for now.
Kailangan muna niyang isipin ang kapakanan ng kumpanya at ang pagpapagamot ng ama
at ina na lumalaban sa kanser.
Saka na ang damdaming umuusbong sa dibdib niya.

Chapter 6
Sumandal muli si Zanya sa swivel chair pero inikot nang bahagya para hindi siya
nakaharap kay Brandon. His eyes were penetrating her soul. Sa unang pagkakataon sa
buhay niya'y nailang siya sa isang lalaki dahil lang sa mga titig nito. No other
made her feel this way before. Ni walang nagtangkang titigan s'ya nang matagal sa
takot na makarate n'ya. She's a martial expert and that made men scared about her.
She's beautiful. Wala naman sa pamilya nila ang hindi maganda o hindi gwapo. Her
cousin Stacey had several suitors that she envied when they were younger. Pero
siya'y hindi lapitin ng manliligaw. Laging nagiging biruan na dahil sa takot sa
kanya kaya hindi na lang lumalapit ang gustong makipagkaibigan. Hanggang nasanay na
siyang hindi tumatanggap ng imbitasyon sa mga dinner na galing sa ibang
kalalakihan. Pinanindigan niyang hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay.
She's a strong woman. She's tough. Walang nagagawa ang lalaki na hindi niya kayang
gawin.
"Kailan natin pag-uusapan ang kasal?" Naputol ang pag-iisip niya sa sinabi ni
Brandon. Napatitig siya dito pero agad ding binawi nang hindi niya kayang harapin
ang mga titig nito. He has dark expressive eyes. Minsan ay hinangaan niya ang mga
mata ng asawa ng pinsang niyang si Stacey na si Marcus. Tila ba iduduyan ka sa
alapaap kapag tinititigan. But Marcus never looked at her this way, and he never
brought unexplainable emotions. While Brandon' eyes could make her words falter and
her heart race faster.
"Hindi ko gustong maging fiesta ang kasal," walang emosyon niyang sagot sa binata.
"Which one is easier to annul? Church or Civil?"
"Parehong matatag ang kasal na sinabi mo, sweetheart," madiing wika ni Brandon na
lumapit sa mesa niya at isinandal ang dalawang kamay sa magkabilang armrest ng
swivel chair niya. She wasn't expecting it, at tila kakapusin siya ng hininga sa
pagkakalapit nilang dalawa. Gusto niyang umatras pero tila nahihipnotismo rin siya
sa presenya nito. Hindi niya maiwasang mapadapo ang tingin sa mabalahibo nitong
dibdib dahil sa ilang butones na nakabukas sa polo nito at kung bakit ay napalunok
siya. Brandon is definitely a hunk.
"I want a fake marriage..." Halos anas nang lumabas sa bibig niya ang sinabi. His
perfume is even powerful. Ang mga bisig nito sa magkabilang gilid niya'y tila gusto
niyang hawakan at ipalibot sa katawan niya.
"Your eyes speaks the contrary, babe. Which is which? At ano ba'ng inaayaw mo sa
kin?"
"It's not about you, Brandon." Pinatigas niya ang tinig para alisin ang
pagkapahiya. "You know that I don't intend to marry anyone. Hindi ko kailangan ng
lalaki sa buhay --"
"Why not?"
"May pagkakaiba ba kung mag-asawa ako o hindi?"
"Malaki ang pagkakaiba, babe. Gusto mong malaman?" nakangisi nitong wika na gusto
niyang mainis.
"Look, Brandon. Magpapakasal lang ako sa 'yo dahil gusto kong makaalis sa poder ng
tatay ko. And I know you're also doing this because you want my father's money.
Kaya't siguraduhin mo lang na ma-a-annul tayo pagkatapos."
"Una, hindi papayag ang ama mo na pekeng kasal lang ang mangyayari sa atin.
Pangalawa, anong grounds ng annulment ang gusto mong gawin nating rason? Mag-isip
ka na ngayon pa lang."
Itinulak niya ito sa dibdib para makawala siya sa titig nito at napilitan naman
itong tumayo. Tumayo siya sa kinauupuan at sumandal sa isang cabinet na kalapit ng
salaming dingding at doon tumanaw.
"Napakaraming dahilan," sagot niya.
"Like what? Lack of Parental Consent? Magulang nga natin ang may kagustuhan nito,
hindi ba? Insanity? Tinitiyak ko sa 'yo wala akong sakit sa pag-iisip."
"Unconsummated marriage," matatag niyang sagot. Napangiti si Brandon at dahan-
dahang lumapit sa kanya. Nakaramdam siyang muli ng pagkailang dahil ilang pulgada
lang ang layo ng binata sa kanya.
"Marami nang arranged marriage ang ginawang rason 'yan pero hindi naman
napanindigan."
Bago pa siya makapagsalitang muli ay yumuko na si Brandon at dumampi ang labi nito
sa kanya sa pagkabigla niya. Agad tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito para
itulak pero napigil din ng mga kamay nito ang kamay niya. His hands massages her
palms instead while his kisses went deeper. Hindi niya alam kung alin ang mali;
kung ang labi nitong nakalapat sa labi niya o ang kamay nitong lumipat na sa likod
niya -- pressing their bodies closer. Hindi rin niya alam kung paano tumugon. Hindi
rin niya maintindihan ang damdaming umaalipin sa kanya sa lalaking ni hindi pa
lumilipas ang bente kwatro oras mula nang una niyang makita. And this is her first
kiss!
"I heard Montealegre came here! ---"
Naputol ang anumang sasabihin ng kung sinong pumasok nang makita ang paghahalikan
nila ni Brandon. Yes - paghahalikan, dahil tumugon siya sa kung anong paraang
iniutos ng katawan. Kasabay ng pagpasok ng babae sa opisina niya'y siyang pagtulak
niya sa dibdib ni Brandon.
"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ni Stacey na siyang pumasok nang walang babala.
Bagama't humingi ng paumanhin ay pilyang nakangiti ito sa kanya na gusto niyang
lumubog sa kahihiyan.
"It's okay, I'm about to leave anyway. I'm Brandon Montealegre." Inilahad ng binata
ang kamay sa pinsan at nakipagkamay.
"It's nice to finally meet you. And I'm sorry to interrupt." Kumindat pa ito kay
Brandon na ikinairap niya sa pinsan.
"Aalis ka na, hindi ba?" Tanong niya kay Brandon para maputol na ang pag-uusap ng
dalawa.
"Of course. And sweetheart," nakangiting tunghay nitong muli sa mukha niya.
"Mukhang hindi uubra ang suhestyon mo kanina. Think of something else."
Gusto niyang batuhin ito ng stapler bago makalabas ng pinto si Brandon dahil sa
pagkapikon. Si Stacey naman ay humalakhak nang maiwan silang dalawa. Nakasimangot
pa rin siya dahil pa rin sa pagkapahiya.
"I'm really sorry, couz. Nasanay lang akong biglang-biglang pumapasok sa silid mo
sa bahay, akala ko'y pwede kahit dito."
"That was first and last, Stacey. Walang nakakatawa sa nadatnan mo, that should've
happened."
"But it did. When did you meet that Brandon guy?"
"This morning."
"This morning???? That was fast!"
"Pwede ba, Stacey, huwag kang magtawa d'yan! Why are you here anyway?"
"Because I heard you had a meeting with the Montealegres. Tama sila, he's
definitely an attractive and interesting creature!"
"Yun na lang siguro ang kunswelo ko. We're getting married according to Dad." Muli
siyang umupo sa swivel chair at muling bumalik sa isip ang paninipula ng ama sa
buhay niya.
"Ayokong ibase sa nakita ko kanina para sabihing tama ang desisyon ni Uncle para
ipakasal ka sa isang Montealegre. I don't know him and it would take time in
getting to know someone."
"Tell Dad about it and ask him to stop this non-sense. Hindi ko alam kung bakit
kailangan kong mag-asawa."
"I'm sorry again, alam kong sa akin nagsimula ang kagustuhan ni Uncle na lumagay ka
na rin sa tahimik. He was scared that one day he will see you fighting for your
life like the way I did. Kung sana'y huminto ka na lang sa karera at manatili na
lang sa opisina mo, baka magbago pa ang isip ni Uncle."
"This isn't me, Stacey. Hindi dito ang mundo ko. Hindi ako katulad niyo na magaling
sa mga bagay na nakasulat sa mga reports na 'yan!"
Unti-unti nang bumalong ang mga luha niya sa mata sa awa sa sarili. Ilang araw pa
lang siyang namamalagi sa opisina niya'y para na siyang nakakulong. She needs air
to breathe! Idagdag pa ang emosyong idinulot ni Brandon sa kanya kanina.
"Then accept that you will be married soon. If you need help in wedding
preparation, we are willing to extend extra hands."
"There's no need. Civil wedding lang pwede na, hindi ko gustong pagpyestahan ng mga
tao ang pagputol sa kalayaan ko. And I won't give Dad the pleasure to see me
defeated by his manipulations."
"Oh, couz... Hindi naman ganun ang Daddy mo. Bakit hindi niyo pag-usapang dalawa?"
"May karapatan ako sa shares ng kumpanya, hindi ba? Then why does he need to cut my
allowances? He purposely did it to throw me out of the house! Gusto niyang mawala
ako sa poder niya? Then I will not go home!"
"Our doors are open to welcome you."
"Ako na'ng bahala sa sarili ko. I can live on my own," matatag niyang wika matapos
kainin ng sama ng loob sa ama ang dibdib niya. "But I'm sorry if I can't let you
attend my wedding. It was against my will anayway. Gagamitin ko lang si Brandon
para makalayo sa anino ng pagiging Albano."
"I hope you change your mind, Zanya. Walang naaayos sa init ng ulo."
Hindi siya sumagot sa pinsan bagkus ay binuklat ang folder na nasa mesa at hinanap
ang telepono ni Brandon sa business card na nakakabit sa proposal para sa Albano
Hotels. Makalimang ring bago pa nasagot ng binata ang kabilang linya.
"I'm not going home today, can you reserve a hotel room for me? As your fiancee,
pananagutan mo na ako, hindi ba?"

Chapter 7
Napilitang ihinto ni Brandon ang sasakyan matapos tumawag ni Zanya na kailangan
nito ng matutuluyang hotel. Wala pang kalahating oras matapos niyang umalis sa
opisina nito. At dahil hindi niya napaghandaan na agad itong papayag sa suhestyon
niyang sundin ang kagustuhan ng mga magulang, ngayon ay natataranta siya.
Zanya Albano. Ang babaeng liligalig sa kanya sa isang kisap lang ng mata.
Ipinangako niya sa sarili na hindi siya magpapaalipin sa isang babaeng Albano, pero
ngayon ay gusto niyang sundin ang lahat ng gusto nito.
"Fuck!" galit na mura niya sa sarili. Wala nang balak umuwi ni Zanya sa bahay ng
mga magulang kaya't kailangan nitong tumira pansamantala sa isang hotel. Hindi niya
ito maiuuwi sa bahay ng Mommy niya dahil hindi pa naman sila kasal. At hindi niya
alam kung anong buhay ang dapat niyang ialay sa isang prinsesa na may gintong
kutsara sa bibig.
Tumawag siya sa Mandarin Hotel para humingi ng pabor sa isang kaibigan.
"I need a room, send the bill after," pakiusap niya kay Jelai na siyang manager ng
Hotel. Ang anak nito'y kasalukuyang nasa audition bilang candidate sa mga upcoming
projects nila, habang ang Mandarin Hotel ay kasalukuyan namang sinusuplayan ng alak
ng distilerya.
"Is Monique in the country now?" tanong ng kausap sa telepono. Isa pa 'yun sa
dumadagdag sa iniisip niya ngayon. He has a girlfriend but he's engaged to somebody
else. Hindi niya alam kung pagpapala ba ang sitwasyon niya ngayon o parusa.
"No, she's not. But this woman is special, please put her in one of your best
suite." Napapikit siya sa mga sinabi. Ang 'best suite' sa hotel na 'yun ay baka
umabot ng bente mil sa isang gabi lang.
"I'm intrigue, Brandon. Ngayon ka lang humingi ng ganyang pabor ngayon."
"She's the daughter of one of family's friend," simple niyang sagot.
"May we know her name?"
"Zanya. Zanya Albano."
"The daughter of Ezekeil? Di hamak na marami silang silid na higit na magaganda,
Brandon. Of course, hindi naman pahuhuli ang hotel namin. But why not stay in their
own hotel?"
"It's personal," naiinip niyang sagot dahil gusto niya nang ibaba ang telepono.
"And please make this confidential. Hindi ko gustong makarating sa media o
kaninuman dahil baka makaabot kay Monique."
"No problem, ako na'ng bahala," sagot naman ni Jelai na kahit hindi nito sabihin ay
nakangiting tiyak sa kabilang linya.
Tumitig siya sa kawalan pagkatapos. Malaking suliranin ang dala ng pagpapakasal
niya kay Zanya. He was already cheating on Monique after he kissed Zanya a while
ago, na kung bakit ay hindi niya alam. May mga babae naman talagang nakakaakit na
sa una pa lang na pagkikita, pero hindi niya maalalang naghangad siya agad na
mahalikan sinuman 'yun.
But Zanya's beauty was irresistible. Kung hindi biglang pumasok sa silid na iyon
ang pinsan nitong si Stacey ay hindi niya alam kung saan aabot ang halik na iyon.
Tinawagan niya ang ama ni Zanya at ipinaalam ang kagustuhan ng anak nito.
Napabuntunghninga si Ezekeil at alam niyang sumeryoso ang mukha nito hindi pa man
niya nakikita.
"I will pay for my daughter's expenses," wika nito sa kanya matapos ang mahabang
katahimikan.
"I still have money to pay for her expenses," matatag din niyang sagot. "Kailangan
na lang na mapirmahan na ang kontrata para makabangon nang muli ang distilerya."
"But this is unwanted expenses, Brandon," pigil naman ni Ezekeil sa desisyon niya.
"Ganyan kaluho ang anak ko kaya't hindi niya maiwan ang karera dahil kumikita siya
ng malaki. She will not receive allowance from me anymore and her income from the
company will not be released temporarily. Kailangan ko siyang mapilitang magtrabaho
kasama ng kapatid niya o makakatulong mo sa negosyo ng pamilya mo."
"We'll talk about this tomorrow. Kailangan kong bumalik sa opisina dahil nasa
doktor ang Papa."
"Thank you for showing concern for my daughter, Brandon. Ngayon pa lang ay alam ko
nang hindi ako nagkamali sa pagpili sa 'yo."
Hindi siya sumagot bagkus ay pinaandar na ang sasakyan. Nasa opisina pang tiyak si
Zanya dahil alas sais pa ito uuwi sabi ng ama nito. Kailangan niya munang
magtrabaho para kitain agad ang ipambabayad niya sa hotel.
Damn!
Imbes na makaahon siya sa pagkakalubog ng kumpanya sa utang, lalo yata siyang
ilulubog ni Zanya.
Pagdating niya sa opisina'y hindi rin naman siya agad nakapagtrabaho. He had a call
from Monique at masayang ibinalita nito kung paano siya nakapasa para dumalo sa
Paris Fashion Week. Hindi niya gustong sirain ang mood ng kasintahan dahil baka
umiyak ito nang wala sa oras at biglang umuwi. Kailangan nilang makasal ni Zanya
kung hindi ay hindi niya maisasalba ang kumpanya ng pamilya.
Muli niyang pinasadahan ang folder na nasa table niya. Sa ngayon ay sa kanya
ipinagkatiwala ng ama ang kumpanya na muntik nang mawala sa pamamahala ng kapatid
sa ama na si Alexis. Hindi pa sila nagkakaroon ng board meeting mula nang iupo siya
bilang acting CEO, pero tiyak niyang papaboran siya ng members of the board. At ang
nasa harap niya ngayon ay ang orihinal na kopya ng Articles and By Laws ng
Montealegre Distillery. Sila ni Tristan ang may shares doon dahil ginawa ito noong
buhay pa ang Lolo nila. Alexis and his other two brothers didn't have shares. Wala
silang karapatan sa kumpanya kung hindi mga tauhan lamang kung ang pagbabasehan ay
papel na hawak niya ngayon.
At kung mapapatunayan na malaki ang nakuha ni Alexis sa kumpanya, mapipilitan
siyang tanggalin ito.
Isang mahinang katok ang narinig niya sa pinto bago sumungaw ang sekretarya ng ama
na ngayon ay sekretarya na rin niya.
"Hi, nandito ka na pala ulit. Ipinahanda ito ng Papa mo." Iniabot nito ang folder
sa kanya saka nanatiling nakatayo sa harap ng mesa niya.
"Salamat, Maggie."
"May kailangan ka pa ba?"
"Wala na," sagot niya saka binuklat ang folder na iniabot ni Maggie. "Ikaw, may
kailangan ka pa?" tanong niya dito nang makitang hindi pa ito umaalis sa harap
niya.
"May plano ang marketing staff na mag-clubbing mamaya, baka gusto mong sumama,"
tanong naman nito. Sandali siyang natigilan dahil hindi niya alam kung paano
tatanggihan ang alok nito.
"May importante akong aasikasuhin mamaya," sagot niya matapos umiling. "Enjoy the
night and don't get drunk. Marami pa tayong trabaho bukas."
Napilitan namang ngumiti si Maggie bago lumabas sa silid niya. Muli niyang
pinasadahan ang report na ipinagawa raw ng ama. Iyon ang kasalukuyang imbentaryo ng
mga alak. Bukas rin darating ang external audit na kinuha niya para makuha ang
totoong kalagayang pinansyal ng kumpanya. Maraming napabayaan ang Papa niya mula
nang ipaubaya kay Alexis ang pamamahala. Marami siyang tatrabahuhin pero nawawala
siya sa konsentrasyon kapag sumasagi sa isip niya ang babaeng Albano.
Pagdating ng alas singko ay mabilis siyang umalis sa opisina at umuwi sandali sa
bahay ng ina. Lala was doing yoga kasama ng instructor nito. Tumuloy siya sa silid
at mabilis na nag-shower. Wala silang usapan ni Zanya pero gusto niyang sunduin ito
at ihatid sa hotel. Matapos makapagbihis ay saka niya ito tinawagan.
"I'm coming over to pick you up," matatag niyang wika nang sumagot si Zanya sa
tawag niya.
"I can manage to go alone, Brandon. Sabihin mo lang kung saang hotel ako pupunta."
It's Mandarin Hotel. Ibinilin ko na na bigyan ka ng magandang silid. Look for Jelai
if you need anything," wika niya nang may pagkadismaya.
"Thank you," mabilis na sagot ni Zanya bago niya narinig ang isang pagharurot ng
sasakyan. Nakadikit pa sa tainga niya ang telepono at naririnig niya ang tunog ng
gulong sa bawat pagtapak sa gasolina ni Zanya na hindi in-off ang telepono.
Napabuntunghininga siya saka ibinaba na ang telepono. Nagtungo siya sa bar sa isang
sulok ng bahay at nagsalin ng alak sa baso. Muking sumagi sa isip niya ang babaeng
pakakasalan at kung paano niya ito nagawang halikan kanina. Zanya is a martial arts
expert, a car racer and scuba diver; pero ang mala-porselana nitong balat ay
malambot at makinis gaya ng isang prinsesa.
"Napapadalas yata ang pag-inom mo," wika ng ina na bumungad mula sa likuran.
Napangiti naman siya at humalik sa pisngi nito. Matapos maging successful ang stem-
cell transplant nito ay bumuti ang kalagayan ng ina.
"Pampakalma lang, 'Ma."
"Nagkaroon kayo ng pagtatalo ng ama mo?"
"No. But guess what, he wanted me to marry Ezekeil Albano's daughter."
"My God, Brandon! That's not fair for you. I'll talk to your father. Gusto ko na
rin namang lumagay ka sa tahimik pero hindi sa ganitong paraan!"
"Relax, 'Ma," pigil naman niya sa galit nito. "I already accepted it because it
will save the company."
"Paano naging sagot sa problem n'yo ang pagpapakasal sa isang Albano? Are you this
desperate to risk your future?"
"Yes, 'Ma, I am desperate to save the company. Bukod kay Papa, sa amin ni Tristan
nakapangalan 'yun."
"At paano si Monique? I want her to be your wife. Bakit hindi kayong dalawa ang
lumutas sa problemang 'yan?"
Hindi siya sumagot. Monique never helped him in running the advertising agency, he
doesn't think she will help him now. At hindi lang basta-basta ang tulong na
kailangan ng distilerya dahil milyon ang kailangan nila.
"I don't think Monique will extend financial help. Hindi ko rin gustong isali siya
sa problemang wala naman siyang kinalaman."
"But the company will be yours, eventually. Walang masama kung ngayon pa lang ay
tulungan ka na niyang magpatakbo nito."
'But she's enjoying her life in Paris,' gusto niyang isatinig. Ni minsan ay hindi
nagtanong si Monique sa anumang problemang kinakaharap niya sa opisina.
"Hindi basta-basta ang mga Albano, Brandon. Stacey just dropped your brother like a
hot potato. Ano ba'ng pumasok sa utak ng Papa mo?"
"Relax," muli niyang awat sa ina. "Para sa ikapapanatag ng loob mo, Zanya and I
will ony have an arranged marriage. Pagkatapos ng ilang buwan, we'll set each other
free."
"Mas lalong hindi ako papayag Brandon. Marrying someone isn't a joke. Kahit anuman
ang nangyari sa amin ng Papa mo, gusto kong hindi kayo matulad sa amin ni Tristan.
Marriage is sacred. Hindi 'yan business agreement."
"So, what do you suggest?"
"Kung kinakailangan mo nang ibenta ang advertising agency para maisalba ang
distilerya, gawin mo," matatag na wika ng ina. "Hindi ako papayag na ibenta ka ng
tatay mo para pakasalan ang isang angkan na humihiga sa pera. Where's the dignity
of being a Montealegre? Ibenta mo ang kumpanya ko para magamit mo sa pagsalba sa
distilerya. Then ask Monique again to marry you."
Naiwan siyang nakatulala matapos iwanan ng ina na nagalit nang malaman ang
pagpapakasal niya kay Zanya. Suhestyon na ng Papa niya ang ibenta ang advertising
agency. Ngayon na nagbigay na ng basbas ang ina, bakit tila tutol ang damdamin
niya?
And why does he envision marrying Zanya instead of Monique?

Chapter 8
"You don't have to leave the house, una'y hindi pa naman kayo kasal ni Brandon,"
pakiusap ng inang si Hannah. Alas otso na siya umuwi ng bahay at ang pakay lang
niya'y ang kumuha ng gamit. Itinawag na sa kanya ni Brandon kung saan siya
mamamalagi ngayong gabi.
"This is what Dad wants. Hindi ko gustong maakusahang masamang anak."
"This is not what he meant. Gusto lang niyang tumigil ka na sa karera at mag-
concentrate sa kumpanya ng pamilya natin. Sa huli ay sa inyo pa rin naman mauuwi
ang lahat ng 'yan, hindi ba?"
Hindi nakaligtas sa kanya ang tinig ng ina na may halong paggaralgal. Sandali
siyang huminto sa ginagawa at bumaling dito. Kinain ng galit sa sarili ang dibdib
niya nang makitang pinipigil lang ni Hannah ang emosyon para hindi umiyak. Kabilin-
bilinan ng amang si Ezekeil na huwag nilang paiiyakin ang ina o bigyan ng sama ng
loob sa anumang pagkakataon. Mabilis niyang niyakap ito at nagpakawala ng luha na
hindi niya napigilan.
"I just need my time alone, 'Mom. Okay naman ako at okay rin naman kami ni Dad,"
wika niya sa ina para hindi ito mag-isip pa ng kung ano-ano.
"Sino ang makakasama mo sa hotel? At bakit hindi pa sa hotel natin kung gusto mo
lang naman mapag-isa? May penthouse ang Kuya Ethan mo sa Makati."
"I am engaged, 'Mom. Hayaan mo'ng mamroblema sa akin ang Montealegre na 'yun."
Ngumiti siyang pilit para bigyan ng assurance ang ina na maayos ang kalagayan niya
at na tanggap niya nang ikakasal na siya.
"I haven't met that Brandon guy. Kahit ako'y tutol sa kagustuhan ng ama mo. We will
talk when he comes home. Titiyakin kong hindi niya itutuloy ang pakikipagkasundo
kay Leonardo. Ipangako mo lang na hindi ka na sasali pa sa kahit anong car racing
competition."
Isinara niya ang sports bag na nasa ibabaw ng kama matapos maisuksok lahat ng gamit
na kailangan niya sa loob ng ilang araw. Gusto man niyang ikatuwa na maaaring
magbago pa ang isip ng ama kapag kinausap ito ng Mommy niya, hindi rin naman niya
gustong magtrabaho sa anumang sangay ng kumpanya nila. At tama si Brandon, sa huli
ay ipagkakasundo pa rin naman siya sa ibang lalaki kung hindi pa rin niya maisip
ang mag-asawa.
"Kung pagtatalunan n'yo ni Dad, huwag na lang, 'Mom. Nagkausap na kami ni Brandon
at may arrangement na kami."
"Paanong mabilis naman yata kayong nagkapalagayan ng loob?" nagtatakang tanong ng
ina.
"This is just a business proposal. Mas mahirap lang i-terminate ang contract, pero
magagawan pa rin naman ng paraan." Nagkibit balikat siya saka humalik kay Hannah
habang dala na ang malaking bag. "See you soon, 'Mom."
"Hindi ganyan kasimple ang pagpapakasal, Zanya!" malakas na boses na habol pa rin
ng ina sa kanya. Paglabas niya ng silid ay naroon naman ang Kuya Ethan niya.
"Where are you going?"
"Having a vacation at Mandarin Hotel." Kumindat s'ya sa kapatid at ngumiti sa gitna
ng nagrerebulusyon pa ring dibdib. She will not give her father the satisfaction to
see her defeated.
"Ano na namang kapritso ito, Zanya?"
"Gusto ko lang maranasan ni Brandon kung anong buhay ang naghihintay sa kanya kapag
pinakasalan niya ako," nakangiti niyang wika.
"At sinong magbabayad sa bill mo sa hotel? Brandon is having a financial problem,
dadagdagan mo pa?"
"So, saan mo gusto ako matulog ngayong gabi? Sa bahay nila?"
"You're unbelievable, Zanya," naiiling na wika ni Ethan.
"Goodnight , 'Mom," paalam niya sa ina bago tuluyang bumaba sa hagdan.
Hindi pa man siya nakakalabas ng pinto ay bumungad naman ang lalaking kauna-unahang
nakalapat sa mga labi niya. Agad niyang iniwas ang mukha dahil sa pagkapahiya sa
naisip.
"Good evening, Mrs. Albano, I am Brandon Montealegre." Inilahad nito ang kamay sa
Mommy Hannah niya.
"Hello, Brandon, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ng ina kay Brandon.
"I'm here to pick up Zanya and bring her to Mandarin Hotel."
"What?!"
"Mabuti nga, Brandon at nang mapatanag kami. Pero maaari ba kitang makausap
sandali?"
Inikot niya ang mata sa iritasyon. Bakit pa ito kakausapin ng Mommy n'ya? At bakit
ba ito biglang sumulpot dito?
Napilitan siyang umupo sa sofa at ibinagsak ang dalang sports bag habang nakasunod
ang tingin sa Mommy niya at kay Brandon na lumabas sa hardin.
----
"Hindi ako sang-ayon sa ginawang ito ni Ezekeil, Brandon. I still have to talk to
my husband about this."
"I understand, ma'am," wika ni Brandon nang niyaya siya ni Mrs. Albano sa hardin
para kausapin. Ang totoo'y hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ginusto pa
niyang ihatid si Zanya sa hotel gayung napakalayo ng Paranaque mula sa bahay nila
sa Quezon City.
"May girlfriend kang modelo, hindi ba?" Napatungo siya sa tanong ng ginang dahil sa
pagkapahiya. Hindi pa niya naaayos ang problema niya kay Monique pero ang lakas ng
loob niyang humarap sa buong angkan ng Albano.
"I'm sorry for that," paghingi niya ng paumanhin. "Hindi ko pa masabi sa kanya na
ikakasal na ako dahil may dadaluhan siyang importanteng event sa Paris. Hindi ko
gustong umuwi siya nang wala sa oras."
"Ibig mong sabihin makikipagkalas ka sa kanya?"
"That's the right thing to do. Zanya wants a civil wedding. Sa tingin ko'y buo na
rin ang loob niya sa gusto ng asawa n'yo," magalang niyang sagot. Gusto niyang
iparating sa ginang na tuloy ang kasal at hindi rin niya binanggit pa ang
kagustuhan ni Zanya na ma-annul din sila pagkatapos.
"Zanya doesn't want to be told what to do. Alam kong hindi lang siya basta-basta
magpapakasal sa 'yo."
"Huwag ho kayong mag-alala, tulad ng sabi ng anak niyong lalaki, Zanya is tough.
Hindi s'ya magpapa-agrabyado sa akin," nakangiti niyang wika.
"I am surprised she asks for your help. S'ya ang taong hindi gustong nakikisuyo sa
ibang tao."
"Hindi po lingid sa kaalaman n'yo kung bakit ko kailangang pakasalan ang anak n'yo.
But I want to assure you na hindi maagrabyado si Zanya. She will be staying at one
of the executive suite in Mandarin Hotel tonight, until when we haven't talked
about it. Imagine how much I have to spend just to make sure she's safe and well-
taken cared of."
"Hindi pa rin ako sang-ayon, Brandon. Ang pagpapakasal ay sagradong bagay. But
thank you for doing this for Zanya. Kapag hindi natoy ang kasunduan at nagawa kong
baguhin ang desisyon ng asawa ko'y ire-reimburse namin lahat sa 'yo ang mga
nagastos mo."
"There's no need, Mrs. Albano," matatag niyang wika bago tumayo nang mabigat ang
dibdib. Kung gaano sila kagustong ipagkasundo ng kanilang mga ama ay siya namang
parehong tutol ang kanilang mga ina. "Ihahatid ko muna si Zanya sa hotel. Kung
anuman ang napag-usapan n'yo ni Sir Ezekeil ay maluwag naming tatanggapin ng Papa."
Pumasok silang muli sa loob ng bahay at tinungo niya ang kinaroroonan ni Zanya na
bakas sa mukha ang pagkainip. Kinuha niya ang bag nito saka inilagay sa balikat.
Nagpaalam naman itong muli sa ina at kapatid bago sila lumabas at tinungo ang
garahe kung nasaan ang kotse nito.
"We'll not use your car, sweetheart. Takaw sa mata ang sasakyan mo."
"I can manage to go to the hotel by myself, hindi ko 'ko kailangang escort-an."
"Hindi mo gugustuhing makita ng Mommy mo kung paano kita buhatin papasok sa BMW ko.
I am warning you."
"At paano ako papasok sa opisina bukas kung hindi ko dala ang kotse ko?!"
"I'll pick you up. May meeting tayo bukas para sa formal agreement ng Montealegre
Distillery at Albano Hotels." Binuksan n'ya ang passenger's seat at napilitang
sumakay si Zanya roon. Inilagay naman n'ya sa backseat ang bag nito na bitbit niya.

Chapter 9
Nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse si Zanya nang sumakay si Brandon. She
was wearing maong shorts and a V-neck Hanes t-shirt. Gaano man kasimple ang ayos
nito ngayon ay tiyak n'yang sispulan ito ng kalalakihan kapag dumaan. She has the
most beautiful face he has ever seen, at kahit hindi hapit ang suot nitong damit ay
alam niyang perpekto ang hubog ng katawan nito -- filled at the right places.
"Naghapunan ka na ba?" masuyo niyang tanong.
"Wala akong ganang kumain."
"We'll have dinner at the hotel."
"Ang sabi ko'y wala akong ganang kumain. Bakit nga ba bigla ka na lang sumusulpot?"
May iritasyon sa tinig nito.
Ang totoo'y hindi niya mapigilan ang sarili sa kagustuhan itong makasamang muli.
Tila s'ya nahihipnotismo na lumapit kay Zanya sa kabila ng may girlfriend na s'ya.
He was like a young boy having his first crush. Kailangan n'yang aminin sa sarili
na nagkagusto s'ya sa isang Albano sa kabila ng matagal niya nang babala sa sarili
na huwag mahuhulog sa bitag ng mga ito. But Zanya's personality and beauty was too
strong that he can't keep himself away from. Na hindi siya matatahimik hangga't
hindi niya ito nakausap, samantalang si Monique na girlfriend niya'y hindi niya
pinagkaabalahang tawagan.
But Zanya wants a business agreement between them instead of marriage contract.
Kung didibdibin niya ang umuusbong na damdamin ay mabibigo lang siya. Malinaw na
walang balak si Zanya na maging panghabangbuhay ang magiging kasal nila.
"We need to talk." Nag-alis sya ng bara sa lalamunan para gawing pormal lang ang
pag-uusap. "Our mothers are against our marriage. Gusto kong masiguro na tuloy pa
rin ang kasal dahil nakasalalay doon ang pagsalba sa kumpanya."
"Yan ba ang ikinakatakot mo? Kung gusto mo'y bukas na bukas din ay makasal tayo.
Find a judge that can accomodate an urgent wedding. Gusto ko na ring matapos ang
lahat ng ito."
Walang anumang emosyon ang ibinabadya ng mukha nito. Gusto niyang matuwa dahil
malinaw na hindi na siya mamomroblema sa pinanyal na suliranin ng distilerya. Pero
hindi sana ganoon ang gusto niyang klase ng kasal na ialay kay Zanya. She deserves
the best -- a grand wedding. Pero kung magsalita ito'y parang kamatayan ang
kakaharapin.
"I'm sorry if it seems that only you can save the company."
"Tulad ng sinabi mo, hindi ako hulog ng langit sa 'yo."
"On the contrary, you are an angel sent from above."
Sandali lang siyang tiningnan ni Zanya bago pumikit dahil traffic sa EDSA. Alas
otso na halos ng gabi at sa tansya niya'y aabutin sila ng alas dyes bago
makarating.
Hinayaan niya itong umidlip habang siya'y tahimik lang na nagmamaneho. It was a
good feeling having her by his side. Na kahit hindi sila nag-uusap ay sapat nang
makita na si Zanya ang kasama niya sa kotse. It was a strange feeling -- something
that he hasn't felt for the longest time. At kung kaya niyang mapaibig si Zanya ay
hindi niya tatapusin ang kasal katulad ng gusto nito ngayon.
Tumunog amg telepono at nakitang si Monique ang tumatawag. Sa isang araw pa ang
schedule ng fashion show na sinalihan nito sa Paris. Pagkatapos ng show nito ay
kakausapin niya ang kasintahan para ipaalam ang pagpapakasal niya. Kailangan niya
nang kumalas sa relasyon nila dahil 'yun ang tama.
"Bakit hindi mo sagutin?" tanong ni Zanya nang patuloy sa pag-ring ang telepono.
Isinuksok niyang muli ang telepono sa bulsa saka nag-concentrate sa pagmamaneho.
"Sinabi ko naman sa 'yo hindi mo kailangang layuan ang girlfriend mo. Explain to
her the situation. Kung kinakailangan mong ipakausap sa 'kin para ako ang
magpaliwanag, I can do that."
"Hindi ko pa s'ya nakakausap tungkol dito. But if you're decided to push the
wedding tomorrow, I know a judge that can perform the ceremony. Kailangan nating
bumili ng singsing ngayon, may time pa naman."
"What for? Tama na ang paggastos mo, Brandon. We can have a fake wedding ring.
Marami niyan sa Quiapo."
"Okay," kibit balikat na wika niya. "Just give me your size and I will buy it
myself. Baka hindi rin natin abutan na bukas ang mall na malapit sa hotel,"
pagsang-ayon niya.
Muling pumikit si Zanya kaya't hinayaan niya itong matulog. May meeting sila bukas
para sa final proposal ng Montealegre Distillery at Albano Hotels. Sa hapon ay
pwede silang dumaan sa judge para maikasal at hindi na makakatutol pa ang mga ina
nila.
Tulad ng inaasahan ay alas dyes na sila nakarating sa hotel. Matapos niyang
makausap ang manager at makuha ang susi rito ay nagpahatid din siya ng pagkain para
makapaghapunan sila.
"Siniguro mo talagang papayag akong magpakasal sa 'yo, ha," nakangiting wika ni
Zanya matapos ma-survey ang kabuoan ng suite. Kahit s'ya ay nagulat sa gara ng
silid na ibinigay ng kaibigang manager.
"Hindi ko gustong mapahiya sa Daddy mo," sagot n'ya para itago ang katotohanang
s'ya ang may gusto na ibigay ang pinakamagandang silid sa hotel na 'yun.
"You're a good businessman. You know where to invest your money very well. Kung
makakasal tayo bukas, alam kong ipipilit ng tatay ko na sumama na sa 'yo," tila may
pait na sa tinig nito na tila ba kamatayan ang pagsama sa kanya. "Have you prepared
my room?"
Hindi pa n'ya naisip 'yun kanina dahil hindi n'ya akalaing bukas na bukas din ay
gugustuhin ng dalaga na makasal sila. May apat na silid naman sa bahay nila bukod
pa sa library at opisina ng ama noong nakatira pa ito sa kanila. Para sa kanya'y
malaki ang bahay ng mga magulang niya, pero ngayon ay duda s'ya kung ma-appreciate
ba 'yun ni Zanya gayong napakalaki at napaka-moderno ng bahay ng mga magulang nito
na lakas loob na pinuntahan n'ya kanina.
"I will have it prepared for you, my queen," kumindat siya dito pero wala namang
reaksyon si Zanya. She was starting to show cold treatment. Kahit ang mga mata
nito'y walang emosyon tuwing titingin sa kanya.
Dumating ang pagkain at hindi naman tumanggi si Zanya na sumalo siya dito. Kaunti
lang ang kinain nito saka tumayo at nagtungo sa balkonahe ng suite. Her eyes were
gloomy and he felt his chest tightened. Gusto niya itong yakapin at ikulong sa mga
bisig niya at tanggalin ang anumang lungkot na bumabalot sa pagkatao nito. But
knowing Zanya, she will push him away even before he could make one step closer.
Bakit ba siya kaagad naaapektuhan sa ibinabadya ng mga mata nito?
"Gabi na, Brandon. You need to go home. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan
akong ihanda para sa kasal bukas."
There. Ni hindi pa niya naihahakbang ang mga paa patungo sa balkonahe. Sinlamig ng
yelo ang tinig ni Zanya na hindi niya kayang tagalan. Nagpaalam siyang uuwi na para
iwan ito at hayaang mapag-isa. Bukas nito gustong makasal sila. Gusto niyang
ipangako dito na hindi na ito mag-iisa simula bukas. Kapag ikinasal sila'y
susubukan niyang maging maayos ang kanilang pagsasama.
----
Limang minuto nang nakaalis si Brandon pero nasa balkonahe pa rin si Zanya habang
nakatanaw sa matatayog na gusali. Malayo na ang buhay na gustong ibigay sa kanya ng
ama sa nakasanayan n'ya. Ang kunswelo na lang niya'y mabait si Brandon, taliwas sa
unang sinabi ng mga pinsan niya na matatapang ang mga Montealegre at walang
pakundangan sa damdamin ng mga babae. Brandon was the most gentleman and most
reasonable person she knew. Hindi niya alam kung dapat ba niya iyong ipagpasalamat
ngayon. Ang unang plano niya ay pumayag magpakasal dito para ipakita sa ama na mali
ito sa desisyon na ipagkasundo siya sa isang Montealegre. Pero paano kung wala
siyang makitang kapintasan kay Brandon? Na kung hindi lang sa kaalamang may
girlfriend itong tunay ay mahuhulog ang loob niya sa binata?
Pumasok siya sa silid at kumuha ng roba bago pumasok sa banyo at nagdesisyong
magbabad sa bathtub. Gusto niyang alisin sa isip si Brandon at ang matinding
atraksyong dulot nito sa kanya. But she failed. Dahil pagpikit niya'y ang mukha ni
Brandon ang nasa balintataw n'ya. She even memorized his lips curve into a smile or
the way he twists his lips in wonder. He can feel his rough hands holding hers when
they walked at the hotel parking, and the way he bowed his head to kiss her
passionately in her office. Gusto niyang murahin ang sarili dahil nadadala siya sa
kakaibang damdaming dulot ni Brandon sa pagkatao niya. These are all new to her. Sa
edad na bente singko ay ngayon lang niya naramdaman na gusto niya ang paghawak sa
kanya ng isang lalaki na tila siya pag-aari nito. Ngayon lang din siya nakaramdam
ng kirot sa dibdib sa kaalamang may ibang nagmamay-ari sa puso ni Brandon. She
wasn't that one who felt jealous if her parents favoured one of her siblings
instead of her. Mas gusto niyang mapag-isa, malayo sa atensyon ng mga magulang, at
may sariling mundo.
But Brandon made her feel all of those strange emotions that she wasn't aware of.
And she wasn't prepared. Hindi niya gustong maranasan na umibig sa unang
pagkakataon pagkatapos ay masasaktan lang sa huli dahil pansamantala lang naman ang
usapang kasal nila ni Brandon. Pagkatapos nitong maayos ang problema sa kumpanya
nito at siya'y makuha ang kalayaan mula sa mga magulang niya ay maghihiwalay din
sila sa huli. Then Brandon will be back to his girlfriend and she will live alone.
Hindi niya kailangang mahulog ang loob sa binata. Kailangan niyang idistansya ang
sarili habang kaya pa niyang kontrolin ang umuusbong na damdamin.
She won't allow herself to fall in love...

Chapter 10
Maagang bumangon si Brandon kinabukasan dahil sa samu't saring emosyon na nag-
uunahan. Face of Zanya registered in his mind early in the morning. Sa pag-uusap
nila kagabi ay tuloy ang kasal nila ngayong araw. Wala pa'ng nakakaalam kahit ang
mga ama nila na nagkasundo para sa kanilang dalawa.
Bumaba s'ya sa komedor at naabutang magluluto pa lang ng almusal ang ina kasama ang
isang katulong. May dalawang katulong lang sa bahay nila para sa paglalaba at
paglilinis ng bahay. Ang pagluluto ay hindi gustong ipaubaya ng ina sa iba kung
nasa bahay lang naman ito.
"It's too early, Brandon," sita ni Lala sa kanya nang makita s'yang dumeretso sa
kusina para magtimpla ng sariling kape.
Ang totoo'y hindi naman s'ya gaanong nakatulog. He may call it wedding jitters. O
baka sadyang inukopa lang talaga ni Zanya ang pag-iisip n'ya.
"I need to do a lot of things," patiuna n'yang wika. Hindi n'ya alam kung paano
sasabihin sa ina na mamaya na ang kasal nila ni Zanya sa kabila ng pagtutol nito.
"Your father comes to his office at nine. Ni halos alas singco y media pa lang."
"I will drop by at Judge Jimenez office, gusto ni Zanya na ngayong araw na idaos
ang kasal. And then I will buy a wedding ring and other stuff," lakas loob niyang
wika. Agad napalingon ang ina pero agad na rin niyang itinaas ang kamay para
pigilan ito sa anumang sasabihin.
"Zanya and I already agreed, 'Ma. Kailangan ko 'to para maisalba ang kumpanya. I
need to do this for Lolo and Papa and also for all the people who are working in
our company."
"At paano si Monique?" taas kilay pang tanong ng ina.
"We'll talk when she comes home. Hindi ko na s'ya mahihintay dahil walang
katiyakan kung kailan n'ya balak umuwi."
"Hindi pa rin ako sumasang-ayon, Brandon. Stacey Albano broke your brother's
heart, tapos magpapapasok tayo ng isang Albano sa pamilya?"
"Why not? Hindi ba't para ko na ring iginanti si Tristan sa pamilya nila?" biro
niya dito. Isang irap ang pinakawalan ng ina bago itinuloy ang pagluluto. Kahit
paano ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang hindi na sumalungat pa ang
ina. Itinuloy niya ang pagkakape pero hindi na niya hinintay na maluto ang
nakasalang na pagkain.
"Are we not invited on your wedding?" pahabol na tanong ni Lala nang palabas na
s'ya sa komedor. Natigil ang paghakbang niya at sandaling lumingon sa ina.
"This is rush and extraordinary wedding, 'Ma. Gusto ko munang pagbigyan si Zanya
sa gusto n'yang kami lang dalawa para mairaos lang ang kasal. I need to give her
what she wants so I can get my fair share in this marriage. Kapag totoong ikakasal
na 'ko, I'll make sure you'll be there."
"Civil wedding is legal and valid, Brandon, gusto ko lang ipaalala sa 'yo. Kung
iniisip mong madali kang makakawala sa isang Albano, nagkakamali ka. Natatakot ako
sa plano niyong ito ni Leonardo."
"There's nothing to worry 'Ma," nakangiti niyang wika. "Ako ang lalaki kaya't
hindi ako ang mawawalan." Hindi n'ya na hinintay pa ang ibang sasabihin ng ina at
tuloy tuloy siyang bumalik sa silid para maligo at magbihis. Bago mag alas sais y
media ay paalis na siya sa bahay.
"Mag-almusal ka muna bago ka pumasok sa opisina," pahabol ng ina na hinabol s'ya
palabas ng bahay. "I can't believe I cannot attend the wedding of my son. Ni
hindi ko pa nakikita ang babaeng 'yan sa personal."
Lumingon s'ya sa ina at napagtanto ang mga sinabi nito. He and Zanya may have an
arranged marriage, pero kung balak niya itong iuwi sa kanila, kailangan niyang
ipakilala ng maayos ang dalaga sa Mama niya at kay Tristan. And he needs
cooperation from his mother that she will treat Zanya well and welcome her in their
house.
"Okay, I will try to set a lunch with you two so you can get to know each other."
"Kung magsalita ka'y parang nagkakaigihan na kayo ng babaeng 'to. Huwag mong
sabihing pati ikaw ay mahuhumaling sa isang Albano?" mataktikang tanong ng ina.
Napabuntunghininga s'ya saka pilit na ngumiti.
"Zanya isn't like Stacey. I don't want to judge them just because things didn't go
well between Tristan and Stacey. And Zanya has nothing to do with it. But to tell
you the truth, may katarayan din ang isang 'to. What what do you expect? Kahit
s'ya ay walang magawa sa kagustuhan ng kanyang ama. I have to be kind to her,
otherwise ako rin ang mahihirapan."
Humalik s'ya sa ina saka muling nagpaalam. Kitang kita n'ya kung paano gustong
tumutol sa pagpapakasal niya kay Zanya.
"Prepare yourself to welcome your daughter-in-law," pakindat na wika niya kay Lala
saka binuksan ang backseat saka inilagay ang bag. "Pakisabi na rin na linisin ang
guestroom dahil dito na s'ya titira pagkatapos ng kasal."
Umirap muli ang ina bago pailing na tumalikod sa kanya. Napangiti naman s'ya nang
sumampa sa sasakyan at paandarin iyon.
Ipinagpasalamat n'yang hindi gaanong ma-traffic sa Makati kaya nakarating s'ya sa
hotel na tinutuluyan ni Zanya bago mag alas otso. Kumatok s'ya at naghintay
sandali bago bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng muling lumigalig sa kanya
matapos ang ilang taon. Tila ba bagong muli sa kanya ang ganitong damdamin.
"Good morning," matamis n'yang bati kay Zanya na halatang kaliligo lang dahil sa
basa nitong buhok na nakaladlad at hindi pa nasusuklay. Nang pumasok s'ya sa silid
ay sumiksik kaagad sa ilong niya ang mabangong amoy ng dalaga na pumupuno sa buong
suite na iyon. Hindi rin nakaligtas sa paningin n'ya ang robang suot nito na
bagama't makapal ay alam niyang wala itong damit panloob.
"Oh, shit," bulong niya sa sarili. Iniwas niya kaagad ang tingin kay Zanya na tila
wala sa loob nitong palakad-lakad pa sa buong silid.
"Alas onse pa ang meeting namin nila Dad, what are you doing here?" pormal nitong
sagot habang nag-aayos ng gamit.
"Pupuntahan ko sana ng maaga ang judge na kilala ko pero wala pa din sa opisina. I
haven't had my breakfast so I dropped by so we can have breakfast together,"
pagdadahilan n'ya. Ang totoo'y halos paliparin niya ang sasakyan maabutan lang si
Zanya na hindi pa nag-aalmusal.
"Saan ba ang judge na kilala mo?"
Hindi s'ya kaagad nakasagot. Nasa Quezon City din ang judge na tinutukoy n'ya at
magmumukha s'yang tanga kung mula sa Quezon City ay pupunta siya sa Makati para
puntahan ang judge na nasa Quezon City din. Bakit ba 'yun ang naisip n'yang
dahilan?
"I'm not sure," pag-iwas niyang sagot. "Tatawagan ko na lang mamaya. Mag-almusal
muna tayo."
"Magbibihis muna ako."
Dumeretso ito sa banyo dala ang damit na kinuha nito sa sports bag na dala. Habang
nasa banyo ito ay agad niyang tinawagan ang ama nito at sinabi ang plano nilang
pagpapakasal ngayong araw.
"I will talk to you in my office, Brandon," maikli nitong sagot matapos sandaling
matahimik sa kabilang linya na marahil ay nagulat sa sinabi niya. "I will ask my
secretary to prepare all the documents you need for the wedding. Pwede n'yong
ituloy ang kasal sa Civil ngayong araw, but I still expect a Church Wedding soon.
Tulad ng sinabi ko, I want you to work on this marriage regardless of how you two
met."
Gusto niyang sang-ayunan ang sinabi ni Ezekeil pero mabilis na rin nitong naibaba
ang telepono. Tila may humaplos sa dibdib niya na kasiyahan na may pag-asang
maayos ang pagsasama nila ni Zanya pagkatapos ng kasal. Malaking bagay na hindi
ang negosyo ang iniisip ng ama ng dalaga ang pagpapakasal nila kung hindi ang
magkaroon ang anak ng lalaking makakasama sa buhay. At gusto niyang ipagmalaki na
s'ya 'yun. Siya ang napili ni Ezekeil Albano para sa anak nito sa kabila ng
problema nilang pinansyal.
Lumabas si Zanya sa banyo nang nakabihis na at nakaayos na ang buhok. May manipis
na rin itong makeup sa mukha na lalong ikinatingkad ng ganda nito. Hindi niya yata
pagsasawaang titigan ito araw-araw. Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa
hamba ng pinto malapit sa balkonahe at nilapitan si Zanya.
"Are you ready?"
May isinisilid itong mga gamit sa bag nang lapitan niya ito. Nang maisara nito ang
zipper ay agad niyang kinuha mula sa kamay nito ang bag saka isinukbit sa balikat
niya. Pilit naman nitong kinukuha sa kanya pero hinawakan niya ang kamay nito sa
halip.
"Hindi ako tulad ng ibang babae na pabebe na kailangan pang may taga dala ng
gamit," pairap nitong wika.
"At hindi rin ako tulad ng ibang lalaki na mapapasunod mo sa gusto mo. Ako pa rin
ang lalaki sa ating dalawa, let me do my duties. Do you understand?"
"We are not a real couple, Brandon."
"Tell it to your father."
"Labas na si Dad sa usapan natin! Kaya ako pumayag na magpakasal sa 'yo dahil
gusto kong mawala sa poder ng tatay ko!"
"Then follow my rules," ngumiti siya ng matamis dito at inilapit ang mukha. "I am
more difficult than your father, sweetheart. Pero sisiguraduhin kong prinsesa ka
pa rin sa piling ko "
"Then the agreement is over!" Nagpumiglas ito sa pagkakahawak niya sa kamay nito
pero mabilis niya itong nakabig pabalik at naihapit sa katawan niya. Agad umakyat
ang init sa katawan niya nang madama ang katawan nito. Sa isang iglap ay inilapat
niya ang labi sa mga labi nito na ikinabiglang muli ni Zanya. He kissed her hard
and with full desire. Nang kakapusin na ito halos ng hininga sa halik niya ay
itinulak siya nitong pilit. Pareho silang naghahabol ng hininga pagkatapos.
"You will never turn your back on me, babe," pabulong niyang wika habang pinupuksa
sa isip ang pag-iinit ng pakiramdam. Hawak pa rin niya ang baywang at likod nito
at ayaw niyang bitawan. "Handa na ang dokumento para sa pagbili ng shares ng Daddy
mo sa distilerya. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tumalikod ka sa
usapan natin."
Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para magbanta ng ganoon kay
Zanya, pero mukhang effective naman dahil yumuko ito na tila natakot sa mga sinabi
niya. Hinila niyang muli ang kamay nito saka sila lumabas ng suite.

Chapter 11
Tahimik lang si Zanya hanggang sa makasakay sila sa kotse ni Brandon. Hindi n'ya
alam kung bakit niya kinakatakutan kapag nagtataas ng boses ang binata o kapag
nagagalit ito. She should be dominating him, not the other way around. Pero tila
tinototoo nito na hindi n'ya ito mapapasunod sa gusto n'ya. Gusto n'yang umatras
at bawiin ang pagpapakasal dito pero narinig n'yang kausap na nito ang judge na
pupuntahan nila mamayang hapon. She can't turn her back anymore.
"My mother wants to meet you at lunch time," wika nito pagkaraan ng ilang sandali.
Hindi rin n'ya alam kung ano ang dapat isagot. This is getting complicated than
she thought.
"Gusto ko lang linawin na hindi ito totoong kasal. At hindi tayo magiging totoong
mag-asawa," wika niya kay Brandon sa halip. "Take your share in this marriage and
I'll get mine."
"Gusto ko lang kayong pormal na ipakilala sa isa't isa, Zanya," matabang na rin
nitong sagot. "You will live in our house once we get married dahil hindi puwedeng
sa hotel ka titira. I can't afford to buy you a condo bukod pa sa hindi ko maiwan
sila Mama sa bahay dahil may breast cancer pa rin s'ya though she's getting better.
I hope you understand."
Marahan s'yang tumango. Hanggang sa makarating sila sa Albano Corp. ay hindi N
s'ya nagsalita. Agad siyang nagkulong sa opisina habang si Brandon ay tumuloy sa
opisina ng Daddy niya. Wala pa s'yang isang oras doon ay kumatok naman sa silid
n'ya ang Mommy Hannah n'ya.
"Nasa conference room na ang Daddy mo at si Brandon. Do you want to join them?"
"Ano ho ang ginagawa n'yo dito?" nagtataka n'yang tanong. Mula nang maging CEO ang
Kuya Ethan n'ya ay bihira na itong pumunta sa opisina dahil kailan lang ay mataas
ang blood pressure nito.
"Hindi ka sa bahay natulog kagabi, natural gusto kitang makita."
"Mom, hindi na 'ko bata. Itinataboy na nga ako ni Dad sa bahay 'di ba?"
"Who told you?" tila pagalit namang wika ng ina. "Hindi mo ba naiintindihan kung
bakit ginagawa sa 'yo ng Daddy mo 'to?"
"And I thought you were against it?"
"Yes. But you agreed to it, at imbes na iantala ang pakikipagkasundo ng Daddy mo
minadali mo pang lalo. So I came today to set up a meeting with his parents.
Hindi kami papayag ng Dad mo na wala kami sa kasal n'yo mamaya."
Napabuntunghininga naman s'ya sa sinabi ng Mommy n'ya. Kung ang Daddy n'ya ay kaya
n'yang pangatwiranan, hindi ang Mommy Hannah n'ya.
"This is a marriage for convenience, Mommy," wika pa rin n'ya. "Nothing is special
about it."
"Wedding is always special, regardless of how you and Brandon met. Sa nakita ko
kagabi nung sinundo ka n'ya ay may espesyal na namamagitan sa inyo."
"Oh, Mommy... I know you're always the idealistic and hopeless romantic. Pero alam
mo kung bakit kami magpapakasal."
"But I saw how he wants to make you comfortable despite your bratty behavior. Na
kahit nagkakainisan kayo sa sitwasyong kinalalagyan nyo'y naroon pa rin ang concern
n'ya sa 'yo sa lahat ng pagkakataon."
"Kung magsalita ka parang matagal na kaming magkasama. We've only met few days
ago, Mommy. Alam ko ding kaya n'ya ginagawa 'yun ay dahil natatakot s'yang umatras
ako," naiiling n'yang wika.
"Ikaw lang ang nag-iisip ng gan'on. Anyway, Brandon called her mother that we will
have lunch today. I really like his style. Kahit hindi s'ya lumaki nang may buong
pamilya ay maayos ang pagpapalaki ni Lala Montealegre sa kanya."
Napakunot ang noo n'ya sa sinabi ng ina dahil hindi n'ya alam ang family background
ni Brandon. But knowing her father, inalam nito ang kasuluk-sulukang pagkatao nito
at aprobado dito anuman ang nalaman.
Isang katok ang narinig n'ya saka naman lumitaw kaagad si Brandon na agad nginitian
ang Mommy Hannah n'ya.
"Nakausap mo na ba ang Mama mo? I'm excited to meet her."
"Dadating ho s'ya ng alas onse," sagot ni Brandon sa Mommy n'ya. "Aalis ho kami
sandali ni Zanya para bumili ng ilang gamit sa kasal mamaya."
Napakunot noo s'ya dahil wala naman silang usapan ni Brandon. Maluwang naman ang
pagkakangiti ng ina na lalo n'yang ikinaiinis. Parang s'ya lang ang talo sa
agreement na inilatag n'ya kay Brandon.
"S-saan tayo pupunta?"
"I'll buy you a wedding dress."
"Isa sa dahilan kaya hindi ko ginusto ang church wedding ay dahil ayokong magsuot
ng damit pangkasal. Tama na sa 'kin ang mga damit ko sa bahay."
"I am a sentimental guy. Minsan lang ako ikakasal. Hindi naman yata magandang
tingnan na naka-barong ako tapos naka-maong ka?"
"Why not?" pang-iinis n'ya. Nakita n'yang nakangiti ang ina at hindi n'ya gustong
makita nito na basta lang s'yang napapasunod ni Brandon. "Kung pipilitin mo akong
magsuot ng wedding dress, h'wag na lang natin ituloy ang kasal."
"Okay, fine," matamis na wika naman ni Brandon sa kanya na imbes na mainis ay
naaliw pa. "Regardless of what you wear, mahuhubad din naman 'yan sa honeymoon
natin mamaya." Kumindat pa ito na ikinaakyat ng lahat ng dugo n'ya sa ulo.
"Kung may lakad naman pala kayo, babalik na ako sa opisina ng Daddy mo," wika ng
ina na naaaliw rin sa nakikitang inis sa kanya. Isang makahulugang tingin pa ang
iniwan nito kay Brandon na alam niyang nakausap na nito kanina. Humalik sa pisngi
n'ya ang ina bago ito nagpaalam din kay Brandon saka lumabas ng silid.
"Talagang sa harap pa ng Mommy mo ako binastos?" galit n'yang wika.
"I told you, you don't want to argue with me. Nagdesisyon ang Daddy mo at Papa na
dadalo sila sa kasal natin mamaya as witnesses. Hindi ko gustong mapulaan ako ng
Daddy mo. He thought that I am a good investment, tapos hindi kita mabigyan ng
maayos na kasal?"
"Hindi ako nagsusuot ng bestida!"
Tiningnan s'ya nito mula ulo hanggang paa. Ipinagpasalamat n'yang naka-jeans s'ya
ngayon imbes na sheath dress. Pero akala n'ya ay nakaligtas na s'ya.
"You look lovely at your brother's wedding. Kung alam ko lang na ikaw ang
mapapangasawa ko, noon pa 'ko nagpakita sa tatay mo," tudyo nito sa kanya.
Kinalkal pa ba ni Brandon ang Instagram account n'ya?
"Okay, fine! But there will be no honeymoon! May usapan tayo na kailangan ko lang
makawala sa ama ko, pero huwag mong samantalahin ang sitwasyon ko! Huwag mo 'kong
sagarin dahil mas mawawalan ka kapag hindi natuloy ang kasal natin!" pagalit niyang
wika dito.
Nakita naman niyang tumahimik si Brandon saka marahang tumango. Ibinagsak n'ya ang
katawan sa swivel chair nang bumalik s'ya sa pagkakaupo. Si Brandon ay nakatayo
lang sa gilid ng mesa n'ya habang nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang dulo.
"Alas dose ang appointment ng parents ko sa parents mo," mahina nitong wika saka
umayos ng tayo. "Isasabay ko na lang ang Mama, babalik na lang muna ako sa opisina
ngayon," paalam nito saka lumakad palabas sa silid sa pagkabigla n'ya. Akala ba
n'ya ay may lakad sila?
Napahilamos si Zanya sa mukha nang ma-realize na nag-overreact s'ya dahil lang sa
bibili sila ng wedding dress n'ya. Tama naman ito dahil ang kasal ay isang pormal
na okasyon. Kung bakit tumaas ang dugo n'ya sa katawan ay hindi n'ya alam. But
now she felt the guilt of raising a voice at Brandon. Ang hindi n'ya maintindihan
ay kung bakit pinipilit n'yang huwag magpadaig dito, pero kapag sumusuko si Brandon
sa tapang niya'y nakukunsensiya naman s'ya.
At dahil iniwan na siya ni Brandon para bumalik sa opisina nito ay wala s'yang
nagawa kung hindi ang tawagan ang pinsan na si Stacey.
"S'an ba ang punta natin?" tanong ni Stacey pagpunta sa silid n'ya.
"I need to buy a simple white dress."
"I can't believe you're getting married today. Parang ang pagkakaalala ko, pinag-
uusapan pa lang natin ang mga Montealegre nung nasa ospital ako," gulat na tanong
ng pinsan sa kanya.
"I can't believe either..." mahina n'yang sagot. "Dad used your accident to
manipulate me."
"He has your best interest, couz. Malay mo maging matagumpay naman ang marriage
n'yo. That Brandon has guts, huh! At tama ang Mommy mo, there's an attraction
between you two that you can't deny."
"Attraction, my ass..."
Napapangiti si Stacey tuwing babaling sa kanya na lalo n'yang ikinakainis.
"Ano ba'ng nakakatawa?" iritable n'yang tanong.
"Naalala ko lang ang sarili ko sa 'yo."
"You were not set up into marriage, Stacey."
"Pero tulad mo'y todo tanggi ako sa damdamin ko kay Marcus dati. That even I
surrendered myself to him, hindi ko pa rin maamin na may damdamin ako sa kanya."
"Of course I don't have feelings for Brandon! I just met the guy and he has a
girlfriend, my goodness!"
Inilayo n'ya ang tingin kay Stacey dahil naiinis s'ya sa pambubuksa nito. Hindi
n'ya alam kung maniniwala ito na wala siyang atraksyong nararamdaman kay Brandon
gayung nahuli s'ya nitong kahalikan ang binata.
Nang marating nila ang shop ng pinagbilhan nito ng wedding gown ay ipinasukat sa
kanya ang isang white tulle elegant gown na naroon.
"Beautiful!" buong paghanga siyang tinitigan ng pinsan. "Lalong maaakit ang
Brandon na 'yun sa 'yo."
"He needs my father's money, hindi ko na s'ya kailangang akitin," pairap naman
niyang sagot.
"Zanya, kailan ka pa naging ganyan?" pagalit na wika naman ng pinsan. "Alam mong
hindi natin pinangangalandakan ang yaman ng pamilya sa ibang tao. And even if
your marriage is for convenience, alam mo kung bakit n'ya kailangang isakripisyo
ang kalayaan n'ya para pakasalan ka. His parents are both battling with cancer.
It's not easy to marry someone you barely know, alam mo 'yan."
Tila naman napahiya s'ya sa inasal niya ngayon dahil sa pangmamaliit niya kay
Brandon. Hindi na s'ya umimik hanggang makabalik sila sa kotse.
"Don't try to manipulate, Brandon," wika ni Stacey sa kanya matapos niyang
manahimik sa mahabang sandali. "Si Marcus ay hindi rin gan'on kayaman pero may
paninindigan at respeto sa kapwa. At kahit pa napilitan ka lang magpakasal,
makikitira ka sa bahay n'ya at makakasama mo s'ya araw-araw. Kailangan n'yong
respetuhin at pakibagayan ang isa't isa."
Marahan s'yang tumango dahil tama naman si Stacey, hindi nila kailangang maging
aso't pusa dahil pareho nilang kailangan ang isa't isa. And Brandon was actually a
nice guy. Pero tila may kung anong damdaming pinupukaw ito sa dibdib na hindi n'ya
kayang pakibagayan at pilit pinaglalabanan.

Chapter 12
"Brandon, where are you?" tanong ng ina sa telepono pagtawag niya. "Your father
called me that we are meeting Ezekeil and Hannah Albano at lunch."
"Yes, Ma," tamad n'yang sagot. "Gusto ni Hannah Albano na makilala ang pamilya
natin. They also plan to attend our civil wedding tonight."
"My God! Why didn't you tell me? Ni hindi ako nakapag-ayos. Wala akong maayos na
isusuot. Ezekeil and Hannah were one of the richest in the country," natataranta
nitong wika. Marahan s'yang natawa bagama't nag-aalala rin. Kung dadalo ang mga
magulang at ninais ng mga ito na magkamabutihan ang kanilang pamilya, baka umatras
si Zanya sa usapan nila. She wanted less complications.
"It's fine, 'Ma. Tayo lang naman ang nandun at hindi ito lalabas sa media. Hindi
ito magarbong okasyon."
"Kahit na. Ano na lang ang sasabihin ng mga biyenan mo kapag nakitang mga
pinaglumaan ang mga suot ko. Tatawagan ko ang kapatid mo at magpapasama ako sa
kakilala kong fashion designer. I still have two hours to prepare."
Nanatili s'yang nakatingin sa kawalan pagkatapos makausap ang ina. Lala was against
his marriage this morning; ayun dito ay mali ang makipagkasundo sa mga Albano
kapalit ang kalayaan niya. Pero ngayon ay natataranta ito gayung haharap lang naman
sa mag-asawang Albano. Surely, Albano has this power to dominate anyone. Na isang
salita ng mga ito ay maituturing na batas, at bawat paanyaya ay maituturing na
prebilehiyong hindi dapat tanggihan.
Nagbilin s'ya sa sekretarya ng ama ng mga gawain bago s'ya lumabas muli sa opisina
para maghanap ng maisusuot at pati na rin singsing na gagamitin sa kasal. Bago mag-
alas dose ay nakabalik na s'ya sa opisina ni Zanya.
Malungkot pa rin ang mukha nito nang puntahan n'ya ito sa silid na tila ba lamay
ang pupuntahan nito sa halip na kasal. Hindi n'ya gustong makita ng mga magulang
nito o magulang niya na ganito katutol ang kalooban nito sa pagpapakasal nila.
"Are you ready?" masuyo n'yang tanong saka ngumiti ng matamis.
"Sa kamatayan ko?" sarkastiko nitong wika saka umayos ng upo nang umupo s'ya sa
gilid ng mesa nito. Hindi n'ya maintindihan ang damdamin kung paanong napalagay na
ang loob n'ya na para bang matagal na silang magkakilala.
"Para mo na ring sinabing ako na ang pinakamasamang lalaki sa mundo. Ganoon ba ang
tingin mo sa 'kin?"
"It's not what I meant..."
"Thank you. Akala ko'y ganun na 'ko kawalang-halaga na tila ba isang pagkakamali
ang magpakasal sa 'kin. Did you know that my girlfriend turned down my proposal
months ago?"
Napatitig si Zanya sa kanya saka ito humingi ng paumanhin. "I'm sorry."
"It'a okay. Naiintindihan kita. Pero sana'y huwag mo akong tingnan bilang isang
kaaway. We can at least be friends, can't we?"
Marahan naman itong tumango at ngumiti nang bahagya. "Let's go. Naghihintay na sila
sa 'tin," yaya n'ya sa dalaga.
Pagdating nila sa Albano Hotel ay naroon na ang Mama at Papa n'ya ganun din si
Ezekeil at Hanna Albano. Malapad ang ngiti ng mga ito pagkakita sa kanila.
"Your daughter is very beautiful," papuri ni Lala kay Zanya na ikinatuwa n'ya. His
mother must've approved their marriage, kung ang pagbabasehan ay ang ngiti nito
ngayon.
"I can't believe she's all grown up," sagot naman ni Hannah. "Ang totoo'y mahirap
isipin na ikakasal na ang anak namin at bubuo na ng sariling pamilya."
"Pero kailangang tanggapin, hindi ba?" wika naman ni Leonardo. "Masaya ako na
makitang lalagay na sa tahimik ang panganay ko bago man lamang ako kuhanin ng
Maykapal."
"You're a tough man, Kumpadre. Mahihintay mo pa ang paglaki ng mga apo natin,"
nakatawang wika naman ni Ezekeil. "Ano nga pala ang balak n'yo pagkatapos ng kasal?
Saan kayo titira?"
"I can't leave my mother's house due to her condition," mabilis n'yang sagot saka
pinisil ang kamay ni Zanya nang balak nitong salungatin ang sinabi n'ya. "Kaya
napag-usapan namin ni Zanya na sa amin s'ya titira."
"Talaga palang hindi ka na sa amin uuwi," malungkot na wika naman ni Hannah. "You
can visit us from time to time, can't you?"
"Of course, Mommy" mahinang sagot ni Zanya kasabay ng isang pilit na ngiti.
Alas dos na halos natapos ang lunch nila dahil sa mahabang kwentuhan ng mga
magulang. Tila ba nagkasundo pa si Hannah at Lala kaya't ang kasal na naka-set nila
ngayong hapon ay masusundan pa ng church wedding anim na buwan mula ngayon. Halata
ang pagtutol ni Zanya sa lahat ng pag-uusap ni Hannah at Lala pero wala itong
magawa. Pagkalabas nila sa Albano Hotel ay umuusok na ang tainga ni Zanya sa
pagkainis.
"Paanong nangyari na dalawang beses pa tayong ikakasal?!" pagsisintir nito sa kanya
sa kotse matapos mapagplanuhan ng dalawang ina ang kasal nila sa simbahan. "I want
an annulment six months from now, not another wedding!"
"Relax. Six months is a long time, makakapag-isip pa tayo ng paraan kung paano
hindi matuloy ang kasal," pag-aalo niya sa dalaga. Pero sa kaibuturan ng puso n'ya
ay tutol sa gusto nitong paghihiwalay. Hindi n'ya gustong matapos ang pagsasama
nila dahil ang gusto niya'y paibigin ito. Kung paano n'ya gagawin ay hindi n'ya
alam.
"Sisiguraduhin mo lang, Brandon!"
Bumalik sila sa bahay ng mga magulang nito para kuhanin pa ang ilang gamit nito
para ilipat sa bahay nila. Inikot ni Zanya ang mata sa paligid na gusto n'yang
manliit dahil baka hindi ito ang bahay na gusto nitong uwian. Maayos naman at
moderno ang bahay nila, wala ito sa karangyaan ng mansyon ng mga Albano sa
Paranaque.
"Welcome to our humble home, Mrs. Montealegre." Kumindat s'ya dito para itago ang
hiya. "This wasn't as grand as your house, but I hope you'll still feel
comfortable."
"It's okay." Ngumiti naman ito sa kanya. Umakyat sila sa silid niya at doon n'ya
ipinalagay ang gamit nito.
"Is this your room?" Naningkit ang mga mata nito. "We can't stay in the same room.
Napag-usapan na natin 'yan."
"Relax," maagap n'yang wika. "May isa pang bakanteng silid dito. Kaya lang wala
iyong sariling bathroom kaya ito na lang ang silid na ipapagamit ko sa 'yo."
Nakahinga naman ito ng maluwag saka isinalansan ang gamit sa bakanteng walk-in
closet.
"Just tell me if you need anything."
"S-saan ka matutulog?" alanganin nitong tanong.
"Sa kabilang kwarto lang. We still share the same balcony. Iiwan muna kita baka
gusto mong magpahinga."
"Okay..."
Iniwan n'ya muna ito sa silid at nagtungo sa katabing silid na ipinaayos n'ya sa
katulong. Wala iyong sariling banyo dahil intensyon iyong gawing nursery ng ina
oras na magkaroon sila ng pamilya. He smiled at the thought. Hindi n'ya naisip 'yun
noong inalok n'ya ng kasal si Monique. Pero ngayon ay malabo rin ang pag-asang
magkakaanak sila ni Zanya kung ang lagi nitong iniisip ay ang hiwalayan s'ya
pagkatapos.
Sa silid ni Tristan s'ya tumuloy para maligo st maghanda para sa kasal nila ni
Zanya maya-maya lamang. He wore a fancy three-piece suit regardless of what Zanya
would want to wear at the wedding. Gusto n'yang maging maayos palagi sa paningin
nito.
Kumatok s'ya sa pinto sa may balkonahe matapos makapagbihis. Ikinagulat n'ya ang
simpleng wedding dress na suot ni Zanya pagbukas nito ng pinto. Ang inaasahan
niya'y magsusuot ito ng maong at t-shirt.
"Beautiful..." paanas niyang wika. Manipis lang amg makeup na inilagay nito sa
mukha pero lalong lumutang ang ganda nito. She has kissable lips; something you
would dream of kissing early in the morning and before you go to bed at night. At
minsan na n'yang nalasahan ang mga labing iyon -- but he can't get enough.
"You're overreacting, Brandon," wika ni Zanya na gumising sa diwa niyang naglakbay
kung saan. "Malapit lang ba ang opisina ng judge nito?"
Isinukbit n'ya sa baywang ang dalawang kamay para pigilan ang sarili na lapitan si
Zanya at ikulong sa mga bisig n'ya. Hindi n'ya gustong mahulog ang loob dito pero
malabo yatang mangyari lalo at kalapit lang ito ng silid n'ya.
"Twenty to thirty minutes drive," sagot niya na nakatitig pa rin sa dalaga.
"Then we'll be running late. Let's go," kaswal na wika nito. Sumunod s'ya nang
lumakad na ito palabas sa silid.
Kahit ang pabango nito ay nangingibabaw sa loob ng kotse n'ya. A feminine scent
that would torture him tonight in his dreams. Hindi n'ya alam ngayon kung pagpapala
pa ba ang pagpapakasal n'ya dito dahil sa tingin n'ya ay simula na ito ng isang
matinding laban. Ang laban niya para sa sariling damdamin.
Pagdating nila sa opisina ng judge ay halos kararating lang din ng mga magulang.
Halos mangiyak-ngiyak pa si Hannah at Lala pagkakita sa kanila. Humalik si Hannah
sa anak gayundin sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay sinimulan na ang
seremonyas ng kasal.
And then they came to his most-awaited moment in the wedding ceremony - a 'you may
now kiss the bride'. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha nito at inilapat
ang mga labi. It should be a brief kiss - an obligation for the sake of the
ceremony itself. Pero tila hindi n'ya gustong tapusin ang halik na 'yon na tinugon
ni Zanya sa paraang itinuturo n'ya. It felt heaven.
Nang magpalakpakan ang apat na naroon ay itinulak s'ya ni Zanya saka ngumiti nang
pilit. Lumapit din ang judge at nakipagkamay sa kanila. Isa-isa ring humalik ang
mga magulang sa kanila para ibigay ang kanilang pagbati.
"Welcome to the family, Brandon," wika sa kanya ng Mommy Hannah nito pagkalabas
nila sa opisina ng judge. "Inaasahan kong magiging maayos ang pagsasama n'yo. We
prepared a simple dinner in our house, para makilala mo rin ang lahat ng myembro ng
aming pamilya."
"Hindi na sana kayo nag-abala, Mommy. We just had lunch a while ago," tutol naman
ni Zanya.
"Kailangan natin i-celebrate ang kasal n'yo ni Brandon. Alam mong lahat ng okasyon
ay pinaghahandaan natin and we share it to the whole family, hindi ba?"
Walang nagawa si Zanya kung hindi ang sumimangot na lang hanggang sa marating nila
ang sasakyan.
"Pwede ka bang ngumiti madalas? Kasasabi lang ng Mommy mo na ayusin ko ang
pagsasama natin. Kung lagi mong ipapakita ang ganyang mood ipapahiya mo 'ko,
sweetheart," puna niya kay Zanya na ngayon ay asawa n'ya na.
"Huwag mo na lang akong pansinin, puwede ba?"
"You're too beautiful not to notice," pang-iinis naman n'ya. "Pero sayang ang ganda
mo dahil lagi ka lang nakasimangot. I'll make a deal. Sa tuwing sisimangot ka,
makakatikim ka ng halik sa 'kin."
Nanlaki ang mga mata nito na lalong nagbaga sa pagkakatingin sa kanya. "Hinintay mo
lang na makasal ako sa 'yo para masamantala ang sitwasyon natin, hindi ba?"
"I'm just making things easy for both of us. Ano ba ang masama sa pagngiti? Una,
pumayag kang makasal sa 'kin. What will you get for frowning and throwing sharp
glances at me? Hindi rin naman 'yan magagamit as grounds sa annulment."
"At sa tingin mo makakatulong ang halik mo?!" sarkastiko nitong sagot. Ngumiti
naman s'ya ng matamis saka inilapit ang mukha dito.
"My kisses are the sweetest, sweetheart. Nakakatunaw ng galit sa puso at
nakakapaglagay ng ngiti sa mga labi. 'Wanna try again?" tudyo n'ya.
Isang irap pa lalo ang ginawa nito kaya't mabilis n'yang hinawakan ang mukha nito
at mariing hinalikan. Mapilit siyang itinutulak ni Zanya pero kanina pa s'ya sabik
na mahalikan itong muli. Naging masuyo naman ang paghalik n'ya hanggang sa tumugon
ang asawa. Inilipat n'ya ang isang kamay sa dibdib nito na mabilis namang
ikinaalarma ni Zanya.
"S-stop..."
Habol n'ya ang hininga na ibinaling ang pansin sa manibela at pinaandar ang
sasakyan. Malapit nang kumawala ang pagtitimpi niya. Rumurupok ang paninindigan
n'ya kapag nahahalikan ito. Isa lang ang tiyak n'ya sa sarili ngayon.
Hindi s'ya papayag sa hiwalayang gusto nito pagkatapos.

Chapter 13
Tahimik na nakatanaw lang sa hardin si Zanya mula sa balkonahe ng kwarto n'ya. Alas
nueve na ng gabi pero nagkakasarapan pang magkwentuhan ang mga kalalakihan doon na
mga pinsan at kuya Ethan n'ya pati na rin si Brandon. Hindi s'ya makapaniwala na
ikinasal na s'ya kanina lang na singbilis ng kidlat - na s'ya rin ang may
kagagawan. Ang balak n'ya ay para makaiwas sa mga selebrasyong tulad nito dahil
hindi naman niya gusto ang pakikipagkasundo ng mga magulang sa pamilya ni Brandon.
Pero heto at nagkakasayahan pa ang lahat.
Ang isa sa ikinagugulat n'ya ay ang maayos na pagtanggap ng lahat kay Brandon.
Totoo namang wala din s'yang maipipintas sa lalaking pinakasalan kung hindi ang
paminsan-minsan nitong pang-iinis sa kanya. Tila mahihirapan s'yang tapusin ang
kasunduan nila kung ganito ito kalapit sa pamilya n'ya ngayon.
"Anong ginagawa mo dito gayung nasa hardin pa ang lahat ng bisita n'yo?" tanong ng
ina na hindi n'ya namalayang nakapasok sa silid n'ya.
"May kinuha lang akong iba pang gamit," pagdadahilan n'ya.
"Galing ka na dito kanina para kumuha ng gamit. Hindi mo na yata gustong bumalik
dito?" biro ni Hannah. "You are always welcome in this house, katulad ng palaging
pagbisita ng Kuya Ethan at Ate Marga mo."
"Of course, Mommy. Bukas nandito kaagad ako," biro rin n'ya.
"Hiling ko na maging maayos ang pagsasama n'yo ni Brandon. Bilib din ako sa pagpili
ng Daddy mo."
"Brandon has a girlfriend, Mom, at hanggang ngayon ay sila pa. I'm sure Dad knows
it but he used Brandon's situation to force him to marry me. Pero hindi pa rin 'yun
nababago ang katotohanang may ibang mahal 'yung tao."
"Iyan ba ang dahilan ng lungkot na nakikita ko sa mga mata mo?"
"Of course not! Malungkot ako dahil hindi na ako makakapagkarera at matatali na ako
sa maraming responsibilidad na gustong ipagawa ni Daddy."
"Take one problem at a time, anak. At kung karera lang ang pag-uusapan ay pabor ako
sa pagpapakasal mong ito at pagmamanipula ng Daddy mo sa 'yo. But I also want your
happiness. Sana'y matutunan n'yong mahalin ni Brandon ang isa't isa sa bawat araw
na magkasama kayo."
"My freedom is my happiness, Mom," sagot n'ya. Umiling si Hannah sa sinabi n'ya.
"Malalaman mo rin kung ano ang totoong magpapasaya sa 'yo. Akala mo ba hindi ko
alam na sa likod ng tagumpay mo sa pangangarera ay hindi ka pa rin kuntento? I am
your mother, Zanya Albano Montealegre."
"Mom..."
"In fairness, Montealegre suits your first name," tudyo nito saka pilyong ngumiti.
"Lala assured me that you're in good hands. Magpapakabait ka sa mga biyenan mo."
"Gusto niyo lang akong palayasin sa bahay na 'to eh!" pagmamaktol n'ya sa ina.
Hinila na s'ya nito labas ng silid para haraping muli ang mga bisita.
"Baka gusto nang umuwi ng bagong mag-asawa, sa ibang araw n'yo na ituloy ang
masarap n'yong kwentuhan," paalala ng Mommy niya.
"Saan ba ang honeymoon?" tanong ni Marga na ikinangiti ng lahat. Alam n'yang simula
na naman ng pang-iinis ng mga ito sa kanya.
"Let's go," yaya niya kay Brandon na agad namang ipinaikot ang isang braso sa
baywang n'ya. Gusto n'yang ilayo ang katawan pero hindi n'ya gustong mapahiya ito
sa harap ng pamilya n'ya.
"Nagyayaya na si Misis, kailangan na naming umalis."
Lumapit ang Kuya Ethan n'ya saka inabot ang isang sobre. "It's a trip to Paris with
Hotel accomodation. Nanggaling na kami ni Marga d'yan kasama si Jayzee at Anikka.
The place is best for honeymooners," pakindat na wika nito kay Brandon.
"Thank you, Kuya," isang pilit na ngiti ang pinakawalan n'ya saka hinila ang kamay
ni Brandon para umalis sa lugar na 'yun. Pero may mga pahabol pang bilin ang
kapatid at pinsan kaya nakahinto pa si Brandon sa kabila ng pagmamadali n'yang
lumayo doon.
"Hinay-hinay lang, Brandon, never been touch pa ang pinsan kong 'yan!" biro ni
Jayzee saka nagtawanan ang mga naroon.
"Will you stop?" mataray niyang baling sa Kuya Jayzee n'ya. "Hindi nakakatuwa."
"Magaling sa martial arts 'yan, ewan ko lang sa kama," biro naman ni Stacey saka
muling nagtawanan ang lahat. Kung tutuusin ay pare-pareho na silang may mga asawa
ngayon. Pero ikinapikon n'ya nang sumagot pa talaga si Brandon.
"Pagdating sa kama, kaming lalaki ang batas."
"Mukhang nakatikim na ng halik 'tong kapatid ko," naiiling na wika ni Ethan.
Pinatunog naman ng mga ito ang mga baso bilang request na mag-kiss silang muli ni
Brandon.
"Kiss! Kiss!" tudyo naman ng iba pa. Nakangiti naman si Brandon na humarap sa kanya
at akmang hahalikan siya. Pero dahil pikon na s'ya sa biruan ng mga ito ay mabilis
niyang itinaas ang kamay at binigyan ito ng mahinang sampal saka tumalikod at
iniwan ito sa gitna ng mga matang nakatingin sa kanila.
Mabilis naman itong sumunod sa kanya hanggang sa marating nila ang garahe kung saan
nakaparada ang sasakyan nito. Tahimik itong sumakay sasakyan at mabilis na nilisan
ang driveway. Hanggang marating nila ang EDSA ay wala itong imik.
Pinilit niyang umidlip sa byahe dahil kahit inabot sila ng gabi pauwi sa bahay nito
sa Quezon City ay traffic pa rin. Hindi n'ya alam kung ano ang dapat sabihin
pagkatapos nitong mapahiya sa mga pinsan at kapatid n'ya. Pero ang kaalamang galit
ito ay nagpapaligalig sa kanya.
"You went over the line..." halos pabulong niyang wika. Walang sagot si Brandon na
nakatuon pa rin ang mga mata sa daan. Ni hindi s'ya nito nilingon. Gusto n'yang
umiyak sa inis. Pumikit s'ya at isinandal ang likod sa sandalan ng kotse. Hanggang
sa makarating sila sa bahay ng mga ito ay hindi pa rin nagsasalita si Brandon.
Tulog na ang ina nito dahil halos alas onse na ng gabi. Bitbit ang bag ay tinungo
n'ya ang silid na ipinagamit sa kanya ni Bradon kanina. Hindi n'ya alam kung saan
tumuloy ang asawa dahil hindi ito sumunod sa kanya.
Mabigat ang loob na tinungo n'ya ang banyo para magbihis. Ipinangako n'ya sa sarili
na hindi sila magkakasundo at ipapakita n'ya sa ama na hindi magiging matagumpay
ang isang arranged marriage. Ngayon ay galit si Brandon sa kanya, pero bakit hindi
s'ya masaya? Na tila pa gusto niyang lapitan ito at humingi ng tawad.
At dahil hindi na talaga s'ya kinausap ni Brandon ay magdamag s'yang halos hindi
nakatulog. Naninibago din s'ya sa silid. Wala naman s'yang maipipintas dahil malaki
at maayos ang silid na ipinagamit sa kanya ni Brandon. May TV at cable na maaari
n'yang gamitin. Bago rin ang lahat ng twalya at robang naroon. Pero nakaramdam siya
ng pag-iisa.
Alas dos na yata ng madaling araw siya nakatulog. Alas sais nang katukin ng
katulong ang kwarto n'ya para kumain ng agahan. Alas syete y media na. Nang bumaba
s'ya sa komedor ay nakabihis na si Brandon at halos paubos na ang kape nito sa
tasa.
"Good morning," bati ni Lala na siyang naghahanda ng almusal doon. Ngumiti rin siya
at gumanti ng bati habang si Brandon ay tahimik lang na inuubos ang kape habang
hawak nito ang telepono.
"What's your plan for today?" pormal nitong tanong sa kanya makaraan ang ilang
sandali.
"I don't know...yet..." mahina n'yang sagot.
"Tinatanong ako ng Daddy mo kung saan kita gustong magtrabaho. You choose. Albano
Corp. o Montealegre Distillery?"
Hindi n'ya masagot. Dapat ay masaya s'ya sa paraan ng pakikipag-usap ni Brandon sa
kanya dahil tungkol lang naman sa negosyo ang lahat kaya sila pumayag pare-pareho
sa kasal nila. Pero nasasaktan s'ya na ni hindi s'ya nito magawang tingnan ngayon.
"Albano Corp..."
Hindi na muling sumagot si Brandon. Nang matapos itong magkape ay tumayo ito at
iniwan s'ya sa komedor. Halos hindi n'ya malunok ang kapeng iniabot sa kanya ng
katulong. Hindi na s'ya nag-almusal dahil wala naman s'yang kasabay kumain. Ang ina
ni Brandon ay bumalik sa silid nito matapos nitong magluto. Umakyat s'ya sa silid
saka muling pinaglandas ang mga luha.

Chapter 14
"Magkahiwalay ba kayo ng kwarto natulog?" tanong ng Mama ni Brandon nang puntahan
siya nito sa silid na katabi ng silid na ibinigay n'ya kay Zanya.
"C'mon, 'Ma, hindi naman kami totoong mag-asawa."
"Nasaksihan namin ang kasal n'yo kahapon, wala akong nakitang hindi legal sa
pagpapakasal n'yo."
Tumigil s'ya sandali sa pag-aayos ng gamit at tumingin sa ina. "I thought you were
against our marriage?"
"After meeting Zanya's parents, I realized that they're good people. At ipinangako
ko na tatratuhin natin ng maayos ang anak nila. Ano ang inasal mo kanina sa komedor
at tila iiyak si Zanya sa pakikipag-usap mo sa kanya?"
Napabuntunghininga s'ya saka ibinaling sa iba ang tingin. "I am teaching her a
lesson."
"Like what?"
"Like respecting me in front of other people. Hindi uubra sa 'kin na mas matapang
pa s'ya. I treated her well since we've met."
"Ganyan talaga ang pag-aasawa, ngayon n'yo pa lang makikilala ang ugali ng isa't
isa."
"Kaya nga ipinapakita ko na hindi ako basta-basta nagpapasindak. She will not win
over me."
"Masyado kayong ma-pride na mga lalaki," naiiling na wika ng ina. "Kausapin mo at
ihatid sa opisina. Do your duties as her husband."
Naiiling siya nang makaalis ang ina. Matapos maayos ang mga gamit ay lumabas s'ya
para puntahan si Zanya. Gusto n'yang sa distilerya ito magtrabaho pero hindi n'ya
gustong pilitin. Sa ngayon ay wala s'yang magagawa kung hindi ang ihatid-sundo ito
dahil hindi n'ya gustong bumalik ito sa dati nitong buhay dahil lang nakaalis na sa
poder ng tatay nito.
Kumatok s'ya sa pinto ng silid niya at agad namang nagbukas ang pinto. Nagulat ito
pagkakita sa kan'ya.
"I thought you left already."
"Hindi mo dala ang sasakyan mo dito. Hindi rin kita pwedeng ipasakay sa taxi dahil
magagalit ang Daddy mo. I'll take you to Albano Corp."
"Kukunin ko sa bahay ang kotse ko para hindi ka na maabala na ihatid-sundo ako."
"You will not park that expensive car here," matatag n'yang wika. "At hindi rin
kita papayagan na pumunta kung saan saan gamit ang kotse mo. Pananagutan ko lahat
nang pwedeng mangyari sa 'yo habang nasa poder kita."
"Hindi ba't napagkasunduan natin na hindi rin natin pakikialaman ang isa't isa?"
salubong ang kilay nitong wika sa kanya. Napakunot ang noo n'ya nang makitang
mapula ang mga mata nito.
"Did you cry?"
Iniwas nito ang tingin sa kanya habang naglalagay ng manipis na makeup. Gusto
n'yang lapitan ito at ikulong sa mga bisig niya, pero s'ya ang naglagay ng pader sa
pagitan nilang dalawa kanina sa komedor. Hindi n'ya gustong isipin nito na madali
s'yang bumigay kapag idinaan s'ya sa iyak.
"I'll wait for you downstairs. Huwag mo kong paghintayin ng matagal."
Habang naghihintay sa ibaba ay tumawag siya sa ama nito na si Ezekeil. "Ihahatid ko
si Zanya sa opisina n'ya, Dad. Puwede ba kitang makausap pagdating namin d'yan?"
"I will be at my office until eleven. Tamang-tama dahil pag-uusapan natin ang
pagbili ko ng shares sa kumpanya niyo na nakapangalan kay Zanya."
Wala pang sampung minuto ay natatanaw n'ya na ang asawa palapit sa kotse n'ya.
Binuksan n'ya ang passenger's seat at hinintay itong makasakay. Tahimik lang s'yang
pinaandar ang kotse at nagmaneho, hanggang makarating sila sa opisina ng Albano
Corp. ay hindi s'ya umimik.
Pagbaba n'ya ng kotse ay nakababa na rin agad si Zanya. Binilisan n'ya ang lakad
para abutin ito na tuloy-tuloy lumakad papunta sa building ng opisina nito.
Hinawakan n'ya ang kamay ng asawa nang abutan ito at hinigpitan pa ang hawak nang
tangkang bawiin ni Zanya ang kamay. Pagdating sa elevator ay nakapaikot naman ang
braso niya sa asawa na hindi ulit nakatanggi dahil marami silang kasabay.
Inihatid n'ya ito hanggang sa silid. Iginala n'ya ang mata sa opisina nito na may
nakasabit na mga photo frames; karamihan ay ang mga sinalihan nitong kompetisyon.
Umupo ito sa swivel chair at hinintay s'yang umalis.
"You may go now, Brandon," pagtataboy nito sa kanya.
"Bakit ka umiyak kanina?" tanong n'ya na lumakad patungo sa mesa nito at umupo sa
gilid niyon. Kahit ngayon ay malamlam ang mga mata nito na gusto niyang pawiin. But
knowing how tough she is, she will never tell him anything.
"Wala kang pakialam --"
"I am your husband now, Zanya Albano Montealegre," putol n'ya sa sasabihin nito.
Hinawakan n'ya ang baba nito saka mariing tinitigan. "Sasagutin mo ako ng maayos at
tatratuhin mo ako bilang asawa nang may galang. Hindi ko hahayaang maliitin mo ang
pagkalalaki ko. Do you understand?"
"N-nasasaktan ako..."
Alam n'yang marahas ang pagkakahawak niya sa baba nito at sinadya n'ya iyon.
"Give me a kiss," utos n'ya. Nagpumilit naman itong iiwas ang mukha pero hindi n'ya
hinayaan.
"Wala nang tao, Brandon, hindi natin kailangang magpanggap." Tumayo ito at sa may
cabinet sumandal at inilayo ang tingin sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit at
muling hinawakan ang mukha nito.
"Who says I need an audience when I kiss my wife?" Ibinaba n'ya ang mga labi sa
labi nito at mariing hinalikan. Ang kamay niyang nakahawak sa baba nito ay lumipat
sa batok ng asawa para lalong malaliman ang halik. Zanya responded hesitantly. Pero
nang gumapang ang isang kamay n'ya sa dibdib nito ay nagpakawala ito ng isang
ungol.
"B-brandon..."
"Tell me why did you cry..." paanas n'yang utos habang pinaglalandas ang mga halik
sa punongtainga at pisngi nito. Ang kamay niya'y nakapasok na sa ilalim ng blouse
nito at gumagawa na ng sariling paglalakbay. Alam n'yang mali ang ginagawa n'ya
dahil wala ito sa usapan nila. But he can't resist his urge not to touch her. Ang
kaalamang asawa n'ya ito ay nagpapakawala sa mga pagtitimpi n'ya.
"You were mad at me..." pag-amin nito. Napakunot ang noo n'ya sa narinig. Nang
titigan n'ya ito'y nakapikit ito at nakaawang pa ang mga labi dahil sa paglalaro
n'ya sa tuktok ng dibdib nito.
Oh, Lord! He could make love to her right here.
"Yes. At hindi mo gugustuhing ipahiya akong muli sa pamilya mo," bulong n'ya sa
tainga nito habang minamasahe ang magkabila nitong dibdib. "I was also mad at
myself for wanting you like this when I was supposed to control myself."
"B-randon..."
"Isang tawag mo pa sa pangalan ko ay hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Your
voice sounds inviting instead of protest."
Nagmulat ito ng mata at galit ang ipinakita nito. Mabilis nitong inilayo ang sarili
saka inayos ang blouse na nabuksan na ang mga butones niyon.
"Thank you for your insults. Pwede ka nang umalis."
"You want me as much as I want you, admit it, Zanya!"
"Para saan? Para patunayan ang sinabi mo kagabi sa pamilya ko na ikaw ang batas?!"
galit nitong wika.
"Yes, Zanya! Ako ang lalaki at ako ang masusunod."
"Hindi ako magpapauto s 'yo, Brandon. Get your share in this goddamn marriage so I
can set myself free."
"Free?" sarkastiko nitong wika. "I'm sorry, Mrs. Montealegre, pero hindi ka na
makakawala sa 'kin."
"Anong sinasabi mo? We will file an annulment kapag nakuha mo na ang pera ni Dad
para sa kumpanya mo!"
"Kumpanya natin." Diniinan n'ya ang huling salita. "Annulment...hmmm... on what
grounds again?"
"Non-consummation of marriage."
"I am not impotent, Zanya. Kaya kong patunayan sa korte 'yan."
"Pero hindi mo ako makukuha," sagot pa rin nito. "Kung sakali man ay dadaanin mo sa
dahas. Then I can sue you for marital rape."
"Are you sure about that?" isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan n'ya saka
muling lumapit. Nasukol si Zanya sa dingding kaya't itinukod n'ya ang dalawang
kamay para hindi ito makawala.
"Let me go!"
Ibinaba n'yang muli ang mga labi at hinalikan ito ng malalim. Hindi ito tumugon
pero pinagkiwal n'ya ang dila sa loob ng bibig nito kaya sa huli ay tumugon na ang
asawa. Muli n'yang dinama ang dibdib nito at mabilis na tinanggal ang butones ng
pang-itaas nitong damit. Gumapang ang halik n'ya sa leeg nito pababa hanggang
maipilit n'yang halikan pati ang tuktok ng dibdib nito. Zanya moaned in pleasure
when he pinched one nipple and sucked the other. Ang galit n'ya ay natunaw at
naging pagnanasa. Napapasabunot naman si Zanya sa buhok n'ya tuwing paiikutin niya
ang dila sa tuktok ng dibdib nito. Makaraan ng ilang minuto ay itinaas niya ang
mukha saka ito hinalikan sa labi habang ibinabalik niya sa ayos ang damit nito na
natanggal niya.
"Ihanda mo ang kama mamayang gabi, pagkatapos ay magkita tayo sa korte sa susunod,"
paghahamon niya bago lumabas nang mabilis sa silid nito bago pa siya tuluyang
mawala sa sarili.

Chapter 15
Tumuloy si Brandon sa conference room para pag-usapan ang partnership ng Albano
Hotels at Montealegre Distillery. Nakangiti ang biyenan nang makita siya at sa tabi
nito ay ang asawang si Hannah. Matapos magbigay ng pagbati ay pumormal siya dahil
sa kaba. Hindi pa rin maitatanggi na ang kaharap niya ngayon ay isa sa mataas na
tao sa lipunang ginagalawan niya. Zane and Ezekeil Albano were both tough on
business and feared by many.
"Darating ang abogado maya maya lamang para sa pagbili ng shares ni Zanya sa
kumpanya mo. Nalaman ko na pumasok siya sa opisina n'ya. Hindi mo ba s'ya kailangan
sa opisina mo?" tuloy-tuloy na wika ni Ezekeil.
"I gave her the freedom to choose between Albano Hotels and Montealegre Distillery.
Dito niya pinili na magtrabaho," sagot niya. "Tungkol naman sa pagbili niya ng
shares sa kumpanya namin, I'm sorry but I've changed my mind."
"What do you mean?"
"I still have resources for funding the company. Kakailanganin ko lang ng full
payment para sa isang taon na pagsu-supply ng distilerya sa lahat ng branch ng
Albano Hotels, then the company can manage not to shrink. Hindi ko gusto ang
kaisipan na mamaliitin ni Zanya ang pagkalalaki ko dahil pera niya ang umiikot sa
kumpanya."
"And what if I don't approve the advance payment?" paghahamon ni Ezekeil.
"Then I have to sell my mother's advertising company to whoever is interested. Kung
kinakailangan kong magbawas ng tauhan sa kumpanya para maisalba ang ilan ay gagawin
ko."
"That's not wise, Brandon, kung makakatulong naman ang asawa mo."
"I need her help in strengthening our marriage, not ruining it by putting a rope
around my neck, Dad."
"Naiintindihan ko ang gusto mong patunayan," sabat namang wika ni Hannah. "Gawin mo
kung ano sa tingin mo ang tama. Sa nakita ko kagabi ay hindi maayos ang relasyon
n'yo. Zanya is tough on the outside. Gusto kong ipa-realize mo sa kanya na masarap
ang magmahal at mahalin. She never had any relationship as far as I know. Kung
bakit ay hindi ko rin alam."
"Hey," saway ni Ezekeil sa asawa. "Their marriage came with a business agreement.
Napag-usapan na natin 'to dati pa, Brandon. You will provide for your wife and you
will still give her the luxurious life we give her. Paano mo magagawa 'yun kung
kailangan mong magtipid para sa kumpanya?"
"I'm sorry, Dad. Pero ako na ngayon ang may desisyon kung anong buhay ang dapat
kong ibigay sa anak niyo. Hindi ko gustong ultimo rosas na ibibigay ko ay pag-
iisipan niyang sa pera niya nanggaling. I want her to respect me as her husband."
Hindi nakasagot si Ezekeil sa nakita nitong determinasyon n'ya. Ipinatawag nito ang
sekretarya at ipinakuha ang kontrata ng Albano Hotel at Montealegre Distillery.
"Make a check voucher amounting to fifty million," utos nito sa sekretarya. "A one-
year supply of assorted wines for Albano Hotels. Make another ten million for the
supplies of alcoholic drinks for Zenclub Pasay and Paranaque Branch."
Nakahinga s'ya ng maluwag dahil sa halagang iyon ay hindi n'ya na kailangang ibenta
ang advertising agency ng ina. Kahit ang BMW ay hindi na magagalaw pa. Makaraan ang
limang minuto ng discussion nila sa mga plano niya sa kumpanya ay bumalik ang
sekretarya ng byenan saka iniabot ang dalawang cheke.
"Thank you for saving my parent's company," wika niya sa mag-asawa. "This saves my
marriage too."
"Hinay-hinay sa pagpapaiyak sa anak ko, Brandon," biro naman ni Ezekeil na may
himig pagbabanta. "Kapag bumalik sa bahay ko 'yan na umiiyak, hindi ko na 'yan
ibabalik sa bahay mo."
"Kung gayun ay asahan mong nakasunod ako dala ang mga gamit ko," ganti niyang biro
saka nagpaalam na babalik na sa opisina. "Dinala ko lang si Zanya dito ngayon para
kuhanin ang mga gamit niya. You have to hire someone to fill her position because I
am bringing her with me."
----
Natulala si Zanya nang makaalis si Brandon sa opisina n'ya. Hindi n'ya maintindihan
kung bakit n'ya hinahayaan na tratuhin s'ya nito ng ganun. Matapang s'yang babae,
pero bakit ngayon nanghihina s'ya tuwing lalapit ang lalaking pinakasalan? He could
melt her with his kisses, and he made her feel she could surrender herself anytime.
Gusto niya ang bawat dantay ng kamay nito sa katawan niya. At ngayon ay nasisindak
s'ya sa galit nito kapag may ginawa s'yang hindi nito nagugustuhan.
Kailangan ba niyang pagsisihang pinakasalan niya ito?
Sinikap niyang alisin sa isip ang asawa at hinarap ang papeles na nasa mesa niya.
Wala siyang maintindihan dahil hindi niya balak magtrabaho dito nang magdesisyon
siyang sumama kay Brandon. Ang balak niya ay manatili lang muna sa bahay nito
habang nag-iisip sa mga susunod niyang hakbang. Administrative job wasn't her idea
of a career. Matagal niya nang sinukuan ang trabahong ito. Pero nang pinapili siya
ni Brandon kanina ay wala siyang nagawa. Hindi rin naman niya gugustuhin na sa
kumpanya pa ng asawa mapahiya kapag may mga pagkakamali s'ya.
"Are you ready?"
Nagulat siya nang pumasok muli si Brandon sa opisina at umupo muli sa gilid ng mesa
niya. Kung kanina ay matigas ang anyo nito, ngayon ay tila nangungusap ang mga
mata. Iniwas niya ang tingin para hindi nito mabasa ang pagkailang niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"May sarili tayong kumpanya, my dear wife. Bakit kita hahayaang magtrabaho sa iba?"
"Hindi ito iba, Brandon. Pamilya ko ang nagmamay-ari ng kumpanya."
"Which is why you should come with me," naaaliw pa nitong wika. "Ayon sa batas,
kapag nag-asawa ka na iyon na ang pamilya mo. Pangalawa na lang ang mga magulang."
"But you let me choose this morning. Dito ko pinipiling magtrabaho."
"I asked you because I was waiting for you to chooose me. Akala ko ba'y tayong
dalawa ang magkasabwat against sa Daddy mo? Where's your loyalty, sweetheart?"
Inilapit nito ang mukha sa kanya at mabilis siyang lumayo. Pero dahil nawala ang
pagiging pormal ni Brandon ay gumaan ang pakiramdam niya. Gusto niyang maging
maayos ang samahan nila dahil sa bahay nito s'ya nakatira.
"Magpapaalam pa ako kay Dad."
"Pupunta tayong dalawa sa opisina niya. Tapos na ang meeting namin sa conference
kanina kasama ang Mommy mo."
''Bakit hindi ako kasama sa meeting?" naningkit ang mga mata niya. "I should know
all the agreements you have with my father."
"Too late, my wife. Bayad na ng tatay mo ang pagtira mo sa bahay habangbuhay."
"Ilang bilyon ang pinakawalan niya para ipamigay ako? And for your information, six
months lang ang usapan natin!"
Binitbit nito ang shoulder bag niya saka hinawakan ang kamay na tila bakal. "Kung
wala kang gamit na bibitbitin, tara na dahil maraming trabaho ang naghihintay sa
opisina."
"I need to talk to Dad!" pigil niya sa kamay nito. Pero hindi nakinig sa kanya si
Brandon kaya't halos kaladkarin na siya palabas ng opisina niya.
"Make sure to treat me nice in front of your father, Zanya!" bulong nito sa kanya
bago ito kumatok sa opisina ng Daddy niya. Binuksan niya ang pinto at nadatnan ang
Daddy at Mommy niya na nag-uusap. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya saka
humalik sa mga magulang. Dahil hindi binitawan ni Brandon ang kamay niya ay
nakasunod ito saan man siya magpunta.
"Paalis na ba kayo?" tanong ng Mommy Hannah niya kay Brandon.
"Yes, 'Ma. Maraming trabaho sa opisina dahil next week ay lilipad kami ng France ng
asawa ko para sa mga imported wines na kailangan naming angkatin."
Kumunot ang noo niya sa narinig dahil wala silang ganoong usapan. Matamis pa ang
ngiti ni Brandon nang salubungin nito ang tingin niya. Napilitan na siyang ngumiti
nang hapitin nito ang baywang niya.
"A-aalis na ho kami," mahina niyang paalam saka naunang naglakad palabas habang
nakasunod si Brandon. Hindi s'ya umimik hanggang sa makasakay sila sa kotse.
"Paanong naging kasama pa 'ko sa pagpunta mo sa France para sa imported wines mo?"
"We haven't spent our honeymoon. Sabi ko naman sa 'yo hindi ko gustong kakitaan ako
ng butas na hindi ako nagiging mabuting asawa sa 'yo."
"I don't need you husband duties, Brandon. Kalayaan ang gusto ko kaya ako
nagpakasal sa 'yo. Bakit parang mas lalo akong nalagyan ng tali sa leeg?"
"Dahil nagkamali ka ng lalaking pinakasalan," sagot nito at kinabig siya para
ilapit ang mukha nito sa kanya. "I am a possessive lover, my wife, hindi ka na
makakawala sa piling ko."
"We are not lovers ---"
Anuman ang sasabihin niya ay naputol na ng agresibo nitong halik na muling
nagpatunaw sa lahat ng pagmamatigas niya. And dila nito at ginagalugad ang bibig
niya at naghahanap ng katugon. Halos kakapusin siya ng hininga dahil hindi nito
gustong itigil ang halik. Pilit niya itong itinulak para habulin ang paghinga.
Minasahe nito ang batok niya habang magkadikit pa rin ang mga mukha nila.
"We are lovers. I will make love to you tonight," pangako nito bago hinarap ang
manibela at pinaandar ang kotse. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos at kung ano
ang dapat sabihin.
Kung ang halik pa lang nito mapupugto na ang hininga n'ya, paano pa kung aangkinin
siya ng tuluyan?
"Don't worry if you don't know how to do it. Leave it to me, baby," tudyo nito sa
kanya na nag-iwan ng mapang-akit na mga mata. Isang irap ang pinakawalan niya
habang ang dibdib ay puno na ng kaba.

Chapter 16
Tahimik lang na nagmamaneho si Brandon at si Zanya rin ay walang imik habang nasa
loob ng sasakyan. Naguguluhan s'ya kay Brandon dahil kaninang umaga lang ay pormal
ito kung kausapin s'ya, pero matapos nitong makipag-usap sa Daddy niya ay
namumulaklak naman ito kung makatitig sa kanya.
At naguguluhan din s'ya sa sarili. She used to control her life, pero ngayon ay
naging sunud-sunuran s'ya kay Brandon. Kahit ang mga magulang niya ay sumusunod sa
gusto nitong mangyari. Ang akala niyang kaya niyang kontrolin ito ay isang malaking
pagkakamali.
Isang oras mahigit nang marating nila ang Montefalco Distillery. May isang lumang
building ay may apat na palapag lang, habang ang katabi nitong building na mas bago
at moderno ay may sampung palapag. Nang maglakad sila ni Brandon patungo sa bagong
building ay hawak nito ang kamay niya.
Tuloy-tuloy sila sa ika-sampung palapag at binuksan ni Brandon ang isang malaking
silid. Dalawang table ang naroon. May pumpon ng bulaklak sa isang table na tinungo
ni Brandon saka iniabot sa kanya.
"Welcome to your new office, Mrs. Montealegre."
"May pabulaklak ka pa. Paano mo naman nalaman na papayag akong magtrabho dito? I
don't even want to work in my parent's company."
"This company belongs to my family. Ako ang panganay ni Papa kaya ako na ang
mamamahala nito ngayon. Bawat tagumpay at pagkalugi ng negosyo ng pamilya ko ay
responsibilidad ko na. I don't want to disappoint my parents. Gusto ko ring
patunayan sa pamilya mo na tama sila sa pagpili sa akin bilang mapapangasawa mo."
"You don't have to prove anything. Mas maganda nga na hindi maganda ang
kahihinatnan nito para mapabilis ang paghihiwalay natin, 'di ba?"
Lumalam ang mga mata nito saka lumayo ng bahagya sa kanya. Gusto niyang bawiin ang
sinabi niya pero kailangan niyang panindihan. She wasn't the same Zanya anymore.
She used to be strong and independent. Dati ay hindi naman importante sa kanya kung
gusto o hindi ng ibang tao ang ginagawa n'ya.
"Six months..." halos pabulong nitong wika habang pinaglalandas ang kamay sa
salaming mesa na naroon.
"Yes. I want an a-annulment after six months..." halos magbara ang lalamunan niya
sa sinabi. "Iyon naman ang napag-usapan natin dati."
"Then we have to work double-time," tila pagsang-ayon nito. "Pwede bang sa loob ng
anim na buwan na 'yun tulungan mo akong maiayos ang kumpanya? I need to save our
people. I need your help."
"Wala akong alam sa negosyong ito, Brandon. Kahit sa Albano Corp. ay nangangapa ako
sa gagawin."
"Just stay with me," mahina nitong sagot. "I just need you by my side."
Isang marahang tango ang ibinigay niya saka lumapit si Brandon at yumakap sa kanya.
Nang akala niya'y tapos na ang yakap nito dahil inilayo nito nang bahagya ang
katawan ay hinawakan nito ang mukha niya at siniil ng halik. Napahawak s'ya sa
baywang nito habang ninanamnam ang tamis ng mga labi nito. Six months. Then she'll
be free from Brandon.
"Let's start working." Inilayo niyang bahagya ang katawan nang matapos ang halik.
"Dito ba ako mag-oopisina mula ngayon?"
"Yes." Pumormal ito saka tinungo ang kabilang mesa. "Kukunin ko lang ang mga gamit
ko sa kabilang building dahil doon ako dati nag-opisina dati."
Tumango s'ya saka umupo sa swivel chair na tila nahapo. Nakalabas na sa silid si
Brandon pero nakatitig pa rin s'ya sa kawalan. Tila ba masakit sa kanya na makita
itong malamlam ang mga mata. Kahit naiinis siya sa pagiging arogante at dominante
ng asawa ay mas gugustihin niya ang ganoon. Hindi niya kayang tingnan itong
malungkot o may dinadalang mabigat sa dibdib.
Pumikit s'ya at pilit pinaglalabanan ang sariling damdamin. Hindi siya pwedeng
magkaroon ng anumang emosyon kay Brandon maliban sa inis at iritasyon. Hindi s'ya
dapat maawa.
At lalong hindi s'ya dapat ma-inlove.
----
"Buti at naisipan mong lumipat ng opisina."
Nagulat s'ya nang pumasok ang Papa niya sa silid. Kinuha lang n'ya ang iba pang
gamit sa opisina ng Lolo niya at ililipat sa bagong opisina nila ni Zanya. Hindi
niya gustong sa luma ito papasukin araw-araw na bukod sa salat sa modernong
kagamitan ay luma nang tingnan. Gagamitin na lang niya itong imbakan ng mga lumang
papeles.
"Zanya doesn't fit here."
"And I am glad she agreed to work with you."
Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa ama. Bumigat ang pakiramdam n'ya kanina
nang bigyan ng taning ni Zanya ang pagsasama nila. He had never been as happy as he
married his wife. Sa loob ng ilang taon ay sinikap niyang gampanan ang pagiging
isang anak. Ang Mommy niya at ang kapatid na si Tristan ang lagi niyang inuuna. He
had his shares with women, but only in bed. Kahit kay Monique na girlfriend niya ay
hindi siya nakaramdam ng ganito.
"Pasensya ka na, Brandon, kailangan mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan
para maisalba ang kumpanya. Pero sana'y matutunan niyong mahalin ni Zanya ang isa't
isa. Mas gusto ko s'ya para sa 'yo."
Isang makahulugang tingin ang ibinigay ng ama niya kasabay ng isang matamis na
ngiti. Kahit si Ezekeil at Hannah Albano ay suportado sa pagpapakasal nila ng anak
na si Zanya. Si Zanya na lang talaga ang kailangan n'yang kumbinsihin. Hindi s'ya
kailangang panghinaan ng loob.
Seducing his wife is the answer.
Bumalik s'ya sa opisina dala ang isang box na gamit mula sa dating opisina.
Naabutan niyang nakasandal ang likod ni Zanya sa swivel chair habang iniikot ang
upuan na tila inip na inip.
"I'm sorry that we have to stay here today instead of spending our honeymoon in
Paris."
Nagmulat ng mata si Zanya saka tumitig sa kanya habang inaayos niya ang gamit sa
mesa.
"How old are you?"
"Thirty two."
"Napakabata mo pa para maging ulyanin, Brandon."
"Anong nakalimutan ko? I can tell you now how many times I've kissed you. I can
even remember I told you I will make love to you tonight." Kumindat s'ya sa asawa
saka ito nilapitan. Isang irap ang pinakawalan nito at pinagkrus ang mga braso sa
dibdib. Pinigilan na lang niya na hapitin ito sa baywang at halikan dahil may
meeting silang dapat puntahan.
"May meeting ang board ngayon kasama si Papa. Ipapakilala kita bilang bagong VP for
Operations. Tinanggal ko na ang dating may hawak ng posisyon na 'yan dahil isa s'ya
sa dahilan kung bakit may problemang pinansyal ang kumpanya."
"Sino ang dating may hawak ng posisyon?"
"My younger step-brother. Tatlo silang nasa kumpanya ngayon pero si Alexis lang ang
tinanggal ko dahil wala akong makitang mali sa trabaho ng dalawa kong kapatid."
"You have a step-brother?"
"Yes. Matagal nang hiwalay ang Mama at Papa. My father was a womanizer when Tristan
and I were growing up."
"I'm sorry..."
"It's okay.". Ngumiti siya at yumuko nang bahagya saka sinuklay ang buhok ng asawa.
"That was out of my control. Pero ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako tutulad
sa tatay ko. I will never break my promise to my wife that I will remain faithful
to her for the rest of our lives."
"Sure." Pumormal ito saka tumayo at umiwas sa kanya. "What's your girlfriend's name
again?"
"Monique. Why?"
"Bakit s'ya tumangging magpakasal sa 'yo? If you don't mind me asking."
"Because she realized we're not meant for each other?" sagot niyang patanong. Hindi
n'ya naman ininda nag pag-reject ni Monique ng proposal niya. Mas ininda pa niya
nang itakda ni Zanya anim na buwan nilang pagsasama.
"You can marry her again after our annulment."
"Who says I am an filing an annulment?" nakangisi niyang wika. "Let's go, my wife,
naghihintay na sila Papa sa atin."
-----
Nasa conference room ang ilang supervisors ng distilerya matapos ang meeting nila
kanina kasama ang Papa ni Brandon at dalawa pang kapatid na si Aiden at Jameson.
Brandon introduced her as his wife sa lahat ng taong naroon. Nagbigay din ito ng
credit sa kanya na siya ang nagsalba sa nanganganib na pagsasara ng distilerya.
Ngayon ay dini-discuss naman nila ang direksyon mga plano ni Brandon para sa
kumpanya. He was speaking with power and detertimation. He reminds her of her
grandfather and Uncle Zane. Kapag nagsalita ay walang gustong sumalungat. Her
father was more democratic; he welcomes every ideas and compromises with people. Si
Brandon ay mayroon ng sariling direksyon at iyon ang masusunod. Hindi ito sumasabak
ng walang bala at hihinto sa gitna ng laban na tila talunan.
Alas dos na sila natapos sa meeting dahil sa dami ng problemang kinaharap ng
kumpanya. Sa conference room na rin kumain ang mga supervisor habang nagdi-discuss
si Brandon. Nang makabalik sila sa opisina ay agad siyang umupo sa mesa niya para
ipahinga ang likod.
"Baka nagugutom ka pa?" tanong sa kanya ni Brandon. Isang sandwich lang ang in-
order niya dahil busog pa naman siya kanina. Pero ngayon ay talagang kumakalam ang
sikmura n'ya.
"Oh, yes. I need a heavy meal."
"Sa labas na tayo kumain. Ibibilin ko kay Minda ang reports na kakailanganin natin
bukas in case na hindi tayo makabalik."
"Saan tayo pupunta? Kung maraming trabaho dito um-order na lang tayo, Brandon.
Sayang ang oras."
"Hindi natin uubusin ang maghapon sa opisina ngayong araw. Hindi kita gustong
mapagod, sasabak ka pa mamaya."
"Subukan mo lang, Brandon!" naiinis niyang wika nang mapagtanto ang ibig nitong
sabihin. "Sa presinto ang bagsak natin bukas at mapapaaga ang six months na binigay
ko!"
Isang halakhak ang ibinigay nito na lalo niyang ikinainis. Hinawakan nito ang kamay
niya saka niyaya palabas ng opisina. Sa isang fine-dining restaurant siya nito
dinala at habang kumakain ay panay ang tanong nito.
"How many boyfriends have you had?"
"Wala. Hindi ko kailangan ng lalaki para makumpleto ang pagkatao ko," matapang
niyang sagot. Hindi niya gustong pag-usapan ang personal niyang buhay pero alam
niyang mangungulit lang ito. At kahit paano ay ibinabahagi naman nito ang pagkatao
nito sa kanya. Being friends with her husband won't harm her anyway.
"Okay, let me rephase my question. Ilang lalaki na ang pinaiyak mo?"
"What made you think na nagpapaiyak ako ng lalaki?"
"Oh, c'mon. Ang ganyan kaganda ay iniiyakan ng lalaki. Tristan had an affair with
your cousin and I lost count how many times he cried."
"He did?"
"Yes, my wife. He suffered depression for quite a while."
"Are you serious?"
"Kaya huwag mo 'kong paiiyakin," biro nito. "We have a suicidal tendency."
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan," pairap nitong wika. "May idea na 'ko sa grounds
ng annulment natin."
"Hmmm... hindi na non-consummation of marriage?" tudyo nito nang nakangiti ang mga
mata. Pinamulahan siya ng mukha nang maalala na naman ang banta nito kanina na
aangkinin siya nito mamayang gabi.
"Una 'yun. Pangalawa ang psychological incapacity para solid ang grounds."
Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Brandon saka s'ya hinapit sa baywang.
Kung bakit kasi sa couch pa nito piniling umupo at nakatabi sa kanya imbes na
pandalawahang mesa lang. Sinamyo nito ang buhok niya na nag-iwan ng paru-paro sa
tyan niya. He's seducing her!
"So, I was your first kiss..." pang-iinis pa nito habang nasa baywang pa niya ang
kamay nito.
"So, ano ang rating ko? Mukhang hindi lang sampu na ang nahalikan mo," ganti niya.
"You have the sweetest lips I have ever tasted, my wife," bulong nito sa kanya saka
tila kaswal na nagsalita. "I tasted raspberry and mint. I can't wait to taste all
of you tonight."
Halos umakyat lahat ng dugo niya sa ulo sa paraan ng pagkakasabi nito at kung paano
siya nito tingnan. Seryoso ba si Brandon sa banta nito?
Paano ba tumanggi kung halik pa lang natutunaw na ang mga tuhod niya?

Chapter 17
Alam ni Zanya na pinagtatawanan ni Brandon ang mga reaksyon niya kaya s'ya lalong
naiinis. Nagugutom s'yang talaga pero hindi s'ya makapag-concentrate sa pagkain
dahil panay ang pang-aakit nito.
"What's your perfume?"
"Bakit na naman?" naiinis niyang tanong dahil nabitin na naman ang pagkain niya ng
baked scallops. Para silang bata na nagkukulitan sa restaurant.
"It was like wine. Nakakalasing." Sinamyo pa nito ang buhok niya na lalong
naglapit sa kanilang katawan. Gusto niyang umatras pero giniginaw siya sa lamig ng
aircon at nakakatulong ang katawan nito para hindi s'ya lamigin.
O dahil gusto niya ang pagkakadikit nilang tulad nito.
"Kumain ka na, Brandon, gutom lang 'yan."
"What's your favorite food?"
"Ano 'to slam book?" inis niyang tanong sa pagitan ng pagnguya. Si Brandon naman
ay kaswal lang sa pagsasalita.
"We have to get to know each other."
"Kahit ano kinakain ko. Favorite color? Midnight blue. Favorite sports? Car
racing. Ano pa ang gusto mong itanong?"
"Favorite position?" tanong nitong pabulong. Isang matalim na tingin ang
pinakawalan niya kay Brandon.
"Nang-iinis ka ba?"
"Napakadali mong inisin," natatawa nitong wika. Binilisan n'ya ang pagkain para
makabalik pa sila sa trabaho. Natatawa pa rin si Brandon sa reaksyon niya at tila
aliw na aliw din sa pagkain niya ng marami. Sa loob lang ng ilang araw mula nang
una silang magkakilala ay napalagay na ang loob niya kay Brandon. Siguro ay dahil
marami din naman siyang kaibigang lalaki at wala siyang nakikitang masama kung
maging magkaibigan sila. Magkasama sila sa iisang bahay at ngayon ay sa iisang
opisina na rin.
Pumayag naman si Brandon sa suhestyon niya na bumalik sila sa trabaho dahil tumawag
din ang isang supervisor at may iminungkahing problema. Pagbalik sa distilerya ay
pinaakyat siya ni Brandon sa opisina at ito lang muna ang nagtungo sa pabrika ng
alak. Inabala naman niya ang sarili sa pagbabasa ng mga reports at pinag-aralan
ang ilang folders na nasa mesa niya. Hindi niya maintindihan ang ilan kaya
ipinasya niyang hintayin na lang si Brandon. Ayaw niyang magkamali. Wala siya sa
kumpanya ng Daddy niya para pagtakpan siya nito oras na magkamali s'ya.
Halos isang oras na s'yang maghihintay nang tumunog ang telepono niya. Si Harvey
ang tumatawag at alam niyang mangungulit lang naman itong yayain siyang lumabas.
"Ilang araw na kitang hindi nakikita. Ang sabi ni Trina ay pinagbawalan ka na raw
sumali sa anumang kompetisyon?" tanong nito. Huminga siya nang malalim saka
inalala ang sports na matagal niyang naging career. She misses the race track.
Kung sana'y payagan lang siya ni Brandon kahit man lang paandarin ang sports car
niya. She was out of her comfort zone. Kaya madalas ay nadidiskaril ang mga
desisyon niya.
"Dad forbids me to join any competion, Harvey. Nakatali na rin ako sa opisina
dahil kailangan kong magtrabaho."
"We missed you already. Hindi kami sanay nang wala ka. Would you come with us
tonight? Magka-clubbing lang tayo, then we'll hang out at Trina's pad. It's her
birthday."
"Ohh.." Nawala sa isip niya ang birthday ng kaibigan.
"Hindi mo na kami pinapansin ngayon. I thought we're friends?"
"Oo naman, busy lang talaga ako."
"Susunduin kita, sa'n ka ba ngayon?" tanong ni Harvey. Anumang sagot niya ay
nabitin sa ere nang makitang pumasok si Brandon sa silid. Napakunot ang noo nito
nang makitang may kausap s'ya sa telepono.
"I h-have to go..." mahina niyang sagot. "I will call Trina later."
"Nasa Zenclub kami after six o'clock. Susunduin na lang kita sa opisina mo."
Gusto niyang ibaba ang telepono pero nagsasalita pa si Harvey at gusto niyang
tanggihan ang imbitasyon nito. Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakakaalam na
ikinasal na s'ya. Wala siya sa mood lumabas, pero ang presensya ni Brandon ang
nagpagulo sa mga dapat niyang sabihin kay Harvey.
"N-nasa Quezon City ako ngayon. Tatawagan ko na lang si Trina."
"Sino'ng kausap mo?" tanong ni Brandon na lumapit sa mesa niya at itinukod ang
dalawang kamay.
"A friend," tipid niyang sagot. "I have to go, Harvey, nandito na ang.. b-boss
ko..."
Ibinaba niya agad ang telepono at nakita niyang sumeryoso ang anyo nito.
"Boss, huh!" narinig niyang wika nito saka tinungo ang katabing mesa saka umupo at
hindi na umumik. Ang pagiging maharot nito kanina lang sa restaurant at napalitan
agad ng pagiging pormal dahil sa hindi niya ito ipinakilala bilang asawa.
Wala pang tatlong minuto ay muling tumunog ang telepono niya. Si Trina ang
tumatawag at alam niyang nagsabi na si Harvey na hindi siya dadalo sa kaarawan
nito. Hindi niya gustong sagutin pero hindi tumitigil ang kaibigan sa pagtawag.
"Zanyaaaa!" halos mabingi s'ya sa boses ni Trina sa telepono. "Kailan ka pa
tumangging daluhan ang celebration ko?"
"I'm sorry, marami lang talaga akong ginagawa sa opisina."
"Nasa opisina ka ba ng Dad mo? Ang lapit lang n'yan sa Zenclub!"
"No," mabilis n'yang sagot. "Nasa Quezon City ako ngayon at... hindi ko dala ang
kotse ko."
"No problem, ipasusundo kita kay Harvey. Send me your address. See you!"
"Trina!"
Hindi na s'ya pinakinggan ng kaibigan dahil ibinaba na nito ang telepono. Napamura
s'ya ng lihim dahil hindi n'ya alam kung paano tatanggi gayung alam niya kung gaano
kakulit si Trina, idagdag pa si Harvey na ipinipilit din ang panliligaw nito. At
dahil close din si Trina kay Stacey at sa Mommy niya, alam niyang aalamin ng
kaibigan ang kinaroroonan niya para ipasundo kay Harvey.
"Can I go at my friend's birthday party?" lakas-loob niyang tanong kay Brandon na
napatitig sa kanya at naghanap ng isasagot.
"I'm your boss, right?" Napatango s'ya ng bahagya dahil hindi niya mabasa kung ano
ang nasa isip ni Brandon. "Then you are free to leave after office hours."
Hindi na s'ya muling nilingon ni Brandon na abala sa mga papeles na naroon. Wala
s'yang alam gawin dahil hinihintay niya kanina pa ang asawa para ituro kung ano ang
magiging trabaho n'ya.
"A-ano ang maitutulong ko? May kailangan ba 'kong gawin?" muli niyang tanong.
Alas tres pa lang ng hapon at matagal-tagal pa s'yang tutunganga sa opisina kung
walang ipapagawa si Brandon sa kanya.
Tumayo naman ito at tinungo ang mesa n'ya. Ipinaliwanag nito ang mga folders doon
at ipinaliwanag ang bawat departamento ng kumpanya at pati na rin ang proseso ng
paggawa ng alak. Sa loob ng dalawang oras ay naging abala silang dalawa sa trabaho
at hindi niya namalayan ang oras kung hindi lang tumawag si Harvey na nasa gate na
ito ng Montealegre Distillery.
"What?!" nakakunot ang noong wika ni Brandon nang ipaliwanag niya ang sitwasyon.
"I will allow my wife to go to a birthday party with another man?!"
"Kapatid ni Trina si Harvey. Kaibigan ko naman yung tao," paliwanag niya para
payagan siyang umalis. "Kung dala ko ang kotse ko hindi naman ako ipasusundo ni
Trina."
"Do you really want to go?"
Tumango s'ya kahit hindi siya sigurado. Napahilamos ito sa mukha bago kinuha ang
susi ng kotse nito at iniabot sa kanya.
"Use my car," utos nito. "Anong oras ka uuwi?"
"Anong gagamitin mo?"
"Huwag mo 'kong intindihin dahil hindi ko papayagang sumakay ka sa kotse ng ibang
lalaki. I am your husband not your boss, dammit!"
Napilitan s'yang kuhanin ang susi para hindi na lang sila magtalo. Hindi naman ito
umimik pagkalabas n'ya sa silid na nakatalikod lang at nakatukod ang mga kamay sa
mesa. Mabigat ang paa niya na lumakad papunta sa parking lot ng distilerya.
Tinawagan niya si Harvey na palabas na s'ya sa gate at na mag-convoy na lang sila.
It was a strange feeling using her husband's car. There was a feeling of pride and
satisfaction -- na para bang kahit si Brandon ay pag-aari niya. At least napanatag
ang loob n'ya na kahit hindi niya kasama si Brandon sa party ay dala niya ang
sasakyan nito.
Tuwang-tuwa ang kaibigan nang makita s'ya sa Zenclub na dumating. Nagulat naman
s'ya nang madatnan si Stacey na naroon at Marga na halos kararating lang din.
"Tinawagan ako ni Brandon para samahan ka, loco," natatawang wika ni Stacey.
"Bantayan daw kita baka mapormahan ka ng ibang lalaki."
"Hmmm... sounds possessive..." tudyo naman ni Marga. "Gusto kong maniwala na may
gusto sa 'yo ang asawa mo."
"Tigilan n'yo nga ako," pairap n'yang wika. "Kumusta kayong dalawa?"
"Ikaw ang kukumustahin namin. Kumusta ang batas ni Brandon sa kama?"
Nagtawanan ang dalawa habang s'ya naman ang pikon na pikon. Idinaan niya sa inom
ang inis pero sa pangalawang baso n'ya ay pinigilan na siya ni Stacey.
"Huwag kang magpakalasing. Bilin ng asawa mo na limitahan ka sa pag-inom."
"Ihahatid ka rin namin ni Ethan mamaya sa bahay ng byenan mo," nakatawang wika din
ni Marga.
"I'm not a kid, Pete's sake! Limang taon na 'ko sa karerahan! Bakit ba kung
kailan ako tumanda saka ako naging puppet?"
"Ganyan talaga ang mga lalaki," sagot naman ni Stacey. "We might think they're
domineering and brute, but they're actually protective and loving."
"Wala naman akong balak makipagtalo kay Brandon dahil malinaw naman ang usapan
namin kung hanggang kailan lang kami magsasama," pagtatapat niya. "Sumusunod ako
sa gusto niya dahil sa kanila ako nakatira."
"Ano bang usapan n'yo? Na may sarili kang buhay at mayroon din s'ya, ganun ba?
Wala kayong pakialamanan?" tanong ni Marga. Nagkibit balikat lang s'ya.
"Sort of. At hangga't maaari, hanggang anim na buwan lang kami magsasama. We can
file annulment after or legal separation, babayaran n'ya ko gamit ang perang
ibinigay ni Dad sa kanya."
"Are you kidding? Kaya mo pinakasalan yung tao para magkapera ka dahil na-cut ni
Dad ang allowance mo?" gulat na sambit ni Marga. "You're impossible!"
"Bakit parang ang laki ng kasalanan ko? Ako ang agrabyado dito, di ba? Malaki ang
pakinabang n'ya sa pagpapakasal sa 'kin. Kinukuha ko lang ang parte ko."
"Ewan ko sa 'yo, Zanya. Bakit kasi hindi mo na lang subukang ayusin ang pagsasama
n'yo? He seems a nice guy," sulsol naman ni Stacey.
"Maayos ang pagsasama namin, may agreement kami kaya't susunod kami sa gusto ng
bawat isa hanggang sa matapos ang anim na buwan. Let's stop this topic. Nandito
ako para mag-enjoy."
Wala nang nagawa ang dalawa kung hindi ang umiling. Alas nueve nang dumating si
Ethan para ihatid s'ya sa bahay nila Brandon. At dahil panay pigil ng mga ito na
uminom s'ya kanina, naka-apat na shots lang yata s'ya ng tequila.
Pagdating sa bahay nila Brandon ay ang Mama nito ang nagbukas ng pinto.
Ipinakilala niya ang kapatid at asawa nito na si Marga.
"Wala pa si Brandon, pero baka parating na 'yun. Maraming trabaho sa opisina dahil
kailangan n'yang habulin ang trabahong matagal hindi naasikaso ng Papa niya."
Nakunsensya naman si Zanya dahil bukod sa hindi siya nakatulong kay Brandon sa
opisina ay gamit pa niya ang sasakyan ng asawa. Nagtungo s'ya sa silid matapos
magpaalam ng kapatid at hipag na uuwi na. Ang Mama ni Brandon ay nakasunod pala sa
kanya nang hindi niya napansin.
"Magkahiwalay pala kayo ng silid ni Brandon," mahina nitong wika na ikinalingon
n'ya.
"N-napag-usapan na ho namin ang... ganitong set-up," pag-amin niya. Mas mahirap
pala ipaliwanag ang sitwasyon sa mga magulang ni Brandon kaysa sa Mommy at Daddy
niya. Mas kaya rin niyang sumagot at mangatwiran.
"You were setup into marrying each other, but your marriage is legal. At sa tingin
ko'y hindi gugustuhin ng mga magulang mo na mauwi sa wala ang kasal n'yo ni
Brandon. This setup will not help you in any way."
"M-ma..."
"Nung una ay hindi ako pabor sa pagpapakasal niyo. I didn't like you for my son
because Tristan's heart was broken by your cousin. Hindi ko gustong parehong
dumanas ang dalawang anak ko ng pagkabigo sa isang Albano."
"I'm sorry for that." Lumunok siya nang bahagya sa kawalan ng isasagot. Kung
bakit may kirot din sa dibdib niya ang sinabi nito na hindi sya ang gusto nito para
sa anak ay hindi niya alam.
"My son is a good man, Zanya. He had enough sacrifices for me and Tristan, and now
for the company. Will you give your marriage a chance? Nakikita kong masaya s'ya
ngayon."
Mas lalo s'yang nawalan ng isasagot. Lala Montealegre has a breast cancer. Alam
niyang mas matanda ito sa ina niya nang ilang taon. But they both speak gentle and
with understanding.
Paano ba n'ya hihindian ito?
"S-si Brandon ho ang nagdesisyon na... lumipat ng silid," mahina n'yang sagot para
ipa-realize dito na wala s'yang kasalanan. Isang matamis na ngiti ang ibinigay
nito sa kanya.
"I'll tell him to transfer his pillows tonight."
Matagal na s'yang natulala sa naging pag-uusap nila ng ina ni Brandon. Nang isara
niya ang pinto ay agad s'yang nagtungo sa banyo para maligo nang mabilis.
Kalalabas pa lang niya ng banyo nang may kumatok sa pinto. Abot-abot ang kaba n'ya
sa kaisipang si Brandon ang nasa labas.
I'll make love to you tonight...
Pinilit niyang maging kaswal nang binuksan n'ya ang pinto at nabungaran nga si
Brandon na nakasandal sa hamba ng pinto.
"G-ginabi ka..."
"Maraming trabaho sa opisina. Anong sabi ni Mama na inilipat dito ang mga gamit
ko?"
"She... she..." Paano ba niya ipaliliwanag na nag-usap sila at nakiusap ito na
magsasama sila sa iisang silid? "Dito ka matutulog pero sa sahig ka at ako sa
kama," matigas niyang sabi.
"That's very unthoughtful, my dear wife, knowing that I let you use my car so you
attend a party with your friends," amused nitong wika saka lumakad papasok at ini-
lock ang pinto.
"Then let me bring my car so I don't need to borrow yours." Tinamisan niya ang
ngiti para mapapapayag ito. Lumakad ito palapit sa kanya habang s'ya ay paatras
hanggang sa masukol s'ya sa dinding.
"Nice try, babe..." paanas nitong wika. "But no." Isinuklay nito ang kamay sa
buhok niya at napalunok siya sa kaba.
"B-brandon..."
"I will tell you again, Zanya, I am your husband not your boss. Do you
understand?"
Magkadikit na ang mukha nila at hindi niya na mailayo ang katawan dahil sadyang
idinidikdik na ito ni Brandon. Hawak nito ang kamay niya at itinaas para lalong
hindi s'ya makapalag.
"Let me go, Brandon!" Pagalit niyang wika para panaigin ang matinong kaisipan.
Pero naging bingi ito at inilapat ang labi sa balikat niya sa isang banayad na
halik na nagbigay ng kiliti sa buo niyang katawan.
"Ihahanda ko na lang ang abogado ko bukas, my wife..." bulong nito saka sinakop na
ng buo ang kanyang mga labi.

Chapter 18
WARNING: SPG CONTENT. NOT SUITABLE FOR MINORS.
"Raspberry and wine..." bulong ni Brandon nang ilayo ang labi nito sa kanya
pagkatapos ng isang maiksing halik. Hindi n'ya kayang tingnan ito sa mata dahil
ayaw n'yang ipagkanulo ng sariling damdamin. She wants Brandon's kisses. Hindi n'ya
alam na pwedeng magkaroon ng ganoong damdamin sa lalaking ni halos kakikilala pa
lamang n'ya. Brandon makes her feel she's a woman -- submissive and vulnerable.
Ibinaba nito ang kamay niya at ipinaikot sa leeg nito bago itinaas ang mukha n'ya.
She'd wished she got herself drunk, para may dahilan s'yang lasing s'ya kaya siya
bumibigay sa pang-aakit nito. But knowing Brandon, alam niyang inalam nito kung
ilang shots lang ang ginawa niya sa party ni Trina kanina.
"You're so beautiful..." paanas nitong wika. Ang hininga nito'y dumadampi sa pisngi
niya na nagdudulot ng kilig sa puso niya. "I can stare at you the whole day."
"Matutulog ba tayo o magtititigan na lang?"
"Sino'ng matutulog?" pilyo nitong wika. "Nakalimutan mo na ba ang ipinangako ko?"
"Wala sa usapan natin 'to..."
Gumapang ang kamay nito patungo sa dibdib niya at pinisil ang umbok niyon. Iniyuko
n'ya ang ulo para itago ang kahihiyan. She loves what he was doing. Dalawang kamay
na ang dumadama sa dibdib niya pero hindi niya magawang pigilan ito sa kung anong
kadahilanan. Pero kailangan pa rin niyang subukang isalba ang sarili mula sa
kahihiyan.
"I am your wife," lakas loob niyang wika na sinalubong ang mga mata nito
pagkatapos. "Kaya may karapatan ka na bastusin ako, hindi ba?"
Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at nawala ang ngiti na kanina lang ay nariyan.
"Sa paanong paraan kita binabastos?" tila pagalit nitong wika. "I had never so
tender and careful with a woman in my whole life, Zanya. Sa 'yo lang. Itanong mo sa
mga nakasiping ko kung gaano ako ka-agresibo at kung gaano kabilis ko sila dinala
sa sukdulan. I am wild as a beast, and yet they didn't complain!"
"Kung ganun naman pala, bakit hindi ibang babae ang binabalingan mo? "
"Because I am a faithful husband," nakangisi nitong sabi. "Hindi ko rin gustong
maakusahan na hindi ako naging mabuting asawa."
"Hindi batayan ng pagiging mabuting asawa ang pagiging magaling sa kama, Brandon."
"Ano bang ipinaglalaban mo?" Naningkit ang mga mata nito sa iritasyon. Hindi s'ya
makasagot dahil nang ihiwalay nito ang katawan sa kanya ay nakaramdam siya ng
kawalan. Napapailing itong lumakad palayo at tinungo ang cabinet para kumuha ng
twalya roon. Nang pumasok ito sa banyo ay napaupo s'ya sa kama.
Ano nga ba ang pinaglalaban n'ya?
Sinamantala niya na wala si Brandon para humiga sa kama at matulog. Limang minuto
na yata ang nakakaraan pero gising na gising pa rin ang diwa n'ya. Ramdam pa rin
niya ang sarap ng dulot ng haplos ni Brandon sa dibdib niya. Pero parang may
kulang. Alam niyang higit pa roon ang kaya nitong iparamdam sa kanya.
"Huwag kang magkunwaring tulog," wika ni Brandon nang lumabas ito sa banyo at
nakita siyang nakahiga at nakapikit. May inihagis itong kung ano sa mukha niya kaya
napilitan siyang magmulat ng mata.
"Inihagis mo sa mukha ko ang brief mo?!" galit na galit niyang wika saka inihagis
ito pabalik kay Brandon. Nakatapis na lang ito ng twalya at nakaumbok ang
pagkalalaki nito na hindi nito pinagkaabalahang takpan. Naaamoy rin niya ang sabong
panligo na pumuno sa buong silid.
"Alam mo ba kung ilang babae ang naakit sa amoy na 'yan?" biro nito saka sumampa sa
kama habang pinupunasan pa rin ang basang buhok ng mas maliit na twalya.
"Bastos kang talaga!"
"I tried to treat you nice, pero inakusahan mo pa rin akong bastos. Bakit pa ako
magppanggap?"
"Sa sahig ka matutulog o ako ang lilipat sa sahig?"
"Basta sa kama ako matutulog. Bahala ka kung saan mo gusto."
Isang matalim na tingin ang ipinukol niya kay Brandon na tila kaswal lang na
paroo't parito sa silid. Umupo s'ya sa kama habang hinihintay kung saan ito hihiga.
"Hindi ka ba napapagod?" tanong nito.
"Saan?"
"Sa kade-deny mo d'yan sa feelings mo."
"Anong pinagsasabi mo?"
Nakangisi ito nang sumampa sa kama na agad niyang iniwas ang tingin. Akma siyang
tatayo para lumipat sa sahig nang mabilis itong pumigil sa kamay niya at inihiga
s'yang pilit.
"Let me go!"
"Akala mo ba tapos na tayo? Naligo lang ako, my wife." Dumagan ito sa kanya kaya't
hindi na siya makakilos. "I'm ready for you now..."
"Kung alam ko lang na ganito hindi na sana ako pumayag sa Mama mo na isang silid
ang tutulugan natin!"
"Kung alam mo lang na alin? Na bibigay ka sa mga halik ko?" tudyo nito.
"You're so egotistical!"
"Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo!"
"My father will hear all of this!"
"Sige! Isumbong mo sa tatay mo kung pa'no kita paliligayahin ngayong gabi."
"Brandon!"
Nasa leeg niya nang muli ang labi nito at nag-iiwan ng mapusok na halik. He wasn't
as tender as he was a while ago. Mas marahas ito ngayon at mas nagmamadali. Hawak
nito ang kamay niya kaya't napapikit na lang s'ya sa kiliting hatid ng mga labi
nito. Umakyat ang halik nito sa labi niya habang ang isa nitong kamay ay lumipat na
sa dibdib niya. Gusto pa rin niyang manlaban pero nararamdaman niya sa mga hita ang
matigas na bagay sa pagitan ng hita nito na ikinikiskis sa katawan niya.
Nang maramdaman niya ang mainit nitong kamay sa dibdib niya ay napagtanto niyang
nahubad na nito ang pajama top niya. Tuluyan na siyang nilamon ng pagnanasa dahil
sa dulot ng haplos at halik nito. Pababa na ang halik nito sa leeg at dibdib niya
at pinagsawa ang mga labi doon. Nakawala na ang dalawa niyang kamay pero wala na
siyang lakas para lumaban. Naubos na ang lahat ng pagtutol niya ng sensasyong dulot
nito. Nang bumaba ang kamay nito sa garter ng underwear niya ay natilihan s'ya.
Bago pa s'ya makaisip ng tama ay nakapasok na ang kamay nito sa pagkababae niya.
"B-brandon..."
"I am not your boss, Zanya..." bulong nito sa kanya habang itinataas baba ang
daliri sa pagkababae niya. "Sabihin mo kung sino ako..."
"Y-you're my..."
"I am your what?"
"Ohhh..."
Binilisan nito ang pagtaas-baba sa daliri na sinasabayan niya ng indayog ng
baywang. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin dahil sa kahihiyan. Hindi
niya gustong tapusin nito ang ginagawa at para na rin siyang kakapusin ng hininga.
"I am what, Zanya..." ulit nito
"Your husband... dammit!"
Hinubad nito ng tuluyan ang pang-ibaba niyang saplot at pinaglandas ang halik
pababa sa pusod niya. Nanlaki ang mga mata niya nang maintindihan ang balak nitong
gawin. Pinagparte nito ang hita niya pero pinigilan niya ito.
"Stop!"
Nakangisi itong inilapit ang mukha sa kanya. "Why?"
"A-anong gagawin mo?"
"Kakainin ka," mabilis nitong sagot.
"What?! No!"
Marahan itong natawa saka muling inilagay ang kamay sa pagitan ng hita niya. Kanina
pa umaakyat lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa kahihiyan pero ito'y pinagtatawanan
pa s'ya.
"Kinakain naman talaga 'yan," nakangiti nitong wika.
"No! Stop it!"
"Try it just once. Saka mo sabihin kung tama na."
"T-titigil ka pag sinabi ko?"
"Of course, my wife... Ten seconds... then tell me to stop..."
Napapikit s'ya nang muli nitong ibinaba ang mga labi sa pagkababae niya. Gumapang
muli ang sensasyon sa buong katawan niya nang galugarin ng dila nito at paglaruan
ang kuntil n'ya. Napasabunot siya sa buhok nito at hindi niya alam kung paano ang
tamang paghinga. Tila siya dinadala sa kung saan. Ang pagtutol niya'y lumipad na sa
hangin. Nang maramdaman niyang malapit na siya sa sukdulan ay umangat na si Brandon
at tinanggal ang twalya na nakabalot sa baywang nito.
"Lumagpas na ng sobra-sobra ang sampung segundo mo, asawa ko..." pilyong wika nito
saka muling inangkin ang mga labi niya. Ang dalawang kamay nito'y abala sa
pagmasahe sa dibdib niya at pinaglalaruan ang ibabaw niyon. Nalulunod na siya sa
sensasyon na hindi niya alam kung saan galing.
"I will try to ease the hurt," bulong nito sa kanya. "Tiisin mo lang ng sandali."
Bago pa niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin ay naramdaman niya na
ang pagpasok ng matigas nitong pagkalalaki sa pagitan ng mga hita niya. She cried
in pain. Hindi niya lubos maisip na pagkatapos ng sensasyong dulot nito kanina ay
may ganitong klase ng sakit.
"Get off me!"
"I told you to bear the pain!" Hinawakan nito ang dalawang kamay niya para hindi
siya makapalag. Napaluha siya nang tuluyan nitong maipasok ang pagkalalaki nito at
unti-unting gumalaw sa ibabaw niya. Unti-unti ring namang nawawala ang sakit at
pumapalit ang kakaiba ring sensasyon. Nawala na ang panlalaban niya dahil
napapalitan na iyon ng mahihinang ungol. Bumabang muli ang mga labi ni Brandon sa
dibdib niya at inangkin iyon na nakadagdag sa sarap na bumabalot sa katawan niya
ngayon.
"Ohhh..."
"Moan louder..." utos ni Brandon sa kanya saka bumibilis ang paggalaw sa ibabaw
niya. "Say my name, baby."
"Brandon..."
"Ohhh... you're so fucking tight..."
"Ohhh... please..."
"Yes, baby... I'm coming..."
Bumilis nang bumilis ang pagbayo nito sa kanya hanggang sa palagay niya ay hindi
niya na kakayanin. Nakikipagsabayan na siya sa galaw nito dahil may gusto siyang
maabot na hindi niya maintindihan. Makalipas pa ang ilang indayog ng kanilang
katawan ay pareho nilang naramdaman ang sukdulan. Napakapit siya at napayakap kay
Brandon nang mahigpit habang hinahayaang humupa ang damdamin. Maging si Brandon ay
nanatili sa ibabaw niya nang ilang segundo hanggang maging normal ang kanilang
paghinga. Nang ilapat nito ang likod sa kama ay hinapit naman ang baywang niya para
mayakap. Walang salitang namutawi sa kanila sa loob ng ilang sandali.
Nakatulog na si Brandon habang nakayakap sa kanya. She made love to her husband.
Ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang pagdampi ng mga labi nito sa buong katawan
niya na wala yatang parteng iniwan na hindi nahalikan. Hindi niya alam kung paano
ito haharapin bukas. Tumingala siya para titigan ang mukha nito na ngayon ay
masarap ang pagtulog. May humahaplos sa dibdib niya sa kaalamang asawa niya ang
katabi at nakayakap sa kanya.
Could she be falling in love with her husband? Ganoon lang ba kadali ang mahalin
ang isang taong halos kakikilala mo pa lang?
She never let anyone make her feel this way. Sa loob ng maraming taon ay nagawa
niyang ilayo ang sarili sa mga lalaking gustong makuha ang atensyon niya. Akala
niya ay sapat nang ipakita sa mga tao na matapang siya at kaya niyang mabuhay nang
walang lalaki sa buhay niya. At nang magdesisyon ang Daddy niya na ipakasal siya
kay Brandon, akala niya ay kaya niyang kontrolin ang sitwasyon. She was wrong.
Kahit ang sarili niya ngayon ay hindi niya kayang kontrolin. May damdamin siya
ngayong hindi niya kayang pangalanan.
Naghihilik na si Brandon sa mahimbing nitong pagkakatulog. Gusto niyang haplusin
ang mukha at damahin ang whiskers na dumadagdag sa personalidad nito. He was
undeniably handsome. Bukod sa pisikal nitong katangian, masarap itong magprotekta
ng babae. His domineering attitude makes her feel extra special. Ipinaparamdam nito
sa kanya na masarap ang maging isang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit ito
tinanggihang pakasalan ng girlfriend nito. At dahil hindi pa naman pormal na
hiwalay ang dalawa, anumang oras ay babalik ito at kukunin si Brandon sa kanya.
Kung legalities ang pag-uusapan, nasa kanya ang buong karapatan kay Brandon. Pero
sino ba ang nasa puso nito? Kung wala ang pera ng pamilya niya, gugustuhin pa rin
ba nitong pakasalan siya?

Chapter 19
WARNING: SPG CONTENT. NOT SUITABLE FOR MINORS
Alas singko ng madaling araw nang magising si Brandon na nangangawit ang braso.
Nakadagan ang ulo ni Zanya at nakayakap ang kamay nito sa baywang niya. Napangiti
siya hanggang tainga sa kaisipang bumigay ito sa pang-aakit niya na hindi niya
kailangang dumanas ng karahasan mula sa asawa. She was expert in martial arts he
didn't expect her to be submissive in bed.
Tinitigan niya si Zanya na mahimbing na natutulog. She was alluringly and
seductively beautiful lying in his bed. Kapag naalala niya ang pagtatalik kagabi
ay nag-iinit muli ang katawan niya. He had never tasted sex in three or four
months, pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit uhaw na uhaw siya sa
katawan ni Zanya ngayon. And they didn't have sex. He made love to his wife.
Nagtungo siya sa banyo para maghilamos. Gusto niyang gisingin si Zanya para
angkining muli pero masarap pa ang tulog nito. Nang lumabas naman siya mula sa
banyo ay nawala ang pagtitimpi niya nang bumaling pakabila si Zanya at tumambad sa
mata niya ang hubad nitong likod. Nasa sahig pa rin ang pajama nitong nahubad niya
kagabi. Nang sumampa siya sa kama ay hinawi niya ang buhok nitong tumakip sa mukha
at hinalikan ito sa pisngi.
Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa katawan nito at tumambad sa kanya ang
hubad nitong likod at kitang-kita ang kurba ng katawan nito. Pinagapang niya ang
isang kamay sa dibdib nito at dahan-dahang minasahe. Doon nagising si Zanya at
agad hinanap ang kumot na inilagay niya sa paanan nito.
"Stop it!" mabilis nitong taboy sa katawan niya nang tangka niya itong kukubabawan
ulit.
"Kagabi ko pa naririnig 'yang stop mo. Sa palagay mo ba'y papapigil ako?" amused
niyang wika. "Good morning, my wife... where's my kiss?"
"Kiss my ass!"
"Do you really mean it?" Pinamulahan ng mukha si Zanya nang mapagtanto na ang mura
nito'y kaya niyang gawing totoo. Itinaas niya ang hita nito sa balikat niya at
tangkang hahalikan ang pang-upo nito nang mabilis siya nitong naipahiga at ito ang
nakatayo nang singbilis ng kidlat. Nagulat s'ya sa kauna-unahang pagpapakita nito
ng technique sa martial arts. Pero nagbago ang anyo nito nang mapagtanto na
nakatitig siya sa hubad nitong katawan.
"Hindi ako mangingiming gamitin sa 'yo ang talento ko sa pagpapatumba ng lalaki,
Brandon." Bumaba ito sa kama at pinulot ang pajama sa sahig saka tumuloy sa banyo.
Nagtagal ito doon ng kinse minutos at naiinip na siyang kanina pa nakatayo sa may
hamba ng pinto ng banyo. Nagulat ito nang mabungaran siya na agad iniiwas ang mata
dahil hindi siya nag-abala man lang na magtapis ng twalya. He was naked and his
erection was too obvious.
"Gaano ka kalakas?" tanong niya na sumunod sa asawa sa cabinet na naghahanap ng
maisusuot.
"Hindi mo pa ba nakita kanina? Bumagsak ka na sa kama hindi ba?"
"Nabigla ako kaya ako bumagsak. Try me again."
"Huwag mo akong hamunin, Brandon."
"Kick my balls," hamon pa niya.
"What?!?"
"Kick my balls or lick it. Mamili ka."
"Bastos kang talaga!"
Nang tangkain nitong iigkas ang kamay sa kanya ay mabilis niya itong napigil at
naisandal ang likod nito sa walk-in closet. Ibinaba niya ang kamay nito sa
kahandaan niya na ikinalaki ng mata ni Zanya. Napangisi siya bago niya dinilaan
ang punungtainga nito.
"Gamitin mo ang lakas mo sa akin sa kama, hindi sa karahasan!" banta niya dito.
"Hindi ka mananalo sa 'kin dahil kayang-kaya kitang ibalibag sa kamang 'yan at
hahagkan mula ulo hanggang paa hanggang sa magsumamo ka sa akin na angkinin kita
pagkatapos."
"Ganyan kataas ang tingin mo sa sarili?"
"I based it on the first time I laid my lips on you, baby... kahit ngayon ay kaya
kong patunayan 'yan."
"Ano pa ba ang gusto mo?" naiinis nitong tanong na pilit tinanggal ang kamay sa
mahigpit niyang hawak. "Nakuha mo na ang pera ko, pati ang katawan ko. Ano pa ba
ang kulang?"
Hindi siya kaagad nakasagot. Nagsusumamo ang tinig nito na gusto niyang yakapin
ito ng mahigpit at aluhin. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay nito at nawala
na rin ang inis niya sa mukha. Bumaba ang labi niya sa labi nito at masidhing
hinagkan. She closed her eyes and responded immediately. Hinawakan ng isa niyang
kamay ang mukha nito at ang isang kamay ay pumulupot sa baywang nito.
"I want you to fall in love with me..." bulong niya saka muling inangkin ang mga
labi nito. Gumalugad ang dila niya sa bibig nito at tinuruan kung paano humalik ng
ganoon. Gumapang na ang mga kamay niya para hubarin ang roba nitong suot at
pinaglandas ang mga kamay sa dibdib at puson nito. Nawala na ang panlalaban ni
Zanya na tinanggap na ang sensasyong dulot ng halik at haplos niya.
"Are you ready to give in, my wife?" tudyo niya dito nang paglandasin ang kamay sa
pagkababae nito. Ramdam niya ang pangangailangan nito kung ang pagbabasehan ay ang
puting likidong nasa daliri niya ngayon. Isinubo niya iyon sa bibig sa pagkabigla
ni Zanya.
"You're dirty..."
"And you're delicious..."
Bumaba ang halik niya sa dibdib nito at pinaikot ang dila sa tuktok niyon.
Pinagsawa niya ang sarili sa paghalik at pagdama dito. He will never get tired of
kissing her. Kahit kanina pa umiigting ang pagkalalaki niya ay gusto niyang
masiyahan ito ng husto bago siya. Nang bumaba ang halik niya sa pagkababae nito ay
napaungol ito nang mahina. Itinuloy niya ang paggalugad gamit ang dila hanggang sa
tingin niya ay nanghihina na ang tuhod nito. Tumayo siya at itinapat ang mukha
dito at sinamantala ang pagkakataon na nilalamon ito ng sensasyon.
"Ako ang lalaki at ako ang masusunod..."
"Y-yes..."
"Good girl... then turn around..."
"Anong ---?"
"You'll like it, I promise..." Inikot niya ang katawan nito patalikod saka niya ito
niyakap at inilapat ang labi sa batok nito. Sinimulan niya itong hagkan sa pababa
sa likod habang bumababa rin ang hagod ng kamay niya sa harapang bahagi ng katawan
nito.
"Brandon..."
Muli siyang umangat at iniyakap ang dalawang braso at dinama ang dibdib nito habang
pinaglalandas ang mga labi sa leeg nito at punongtainga. Zanya lost the power to
resist. Napahigit ito ang hininga nang bumaba ang kamay niya sa pagkababae nito at
gumalugad doon. She was wet and that makes him hard. Ipinasok niya ang isang
daliri na nagpakawala ng ungol kay Zanya. Nakayakap siya sa asawa habang
pinagsasawa ang sarili sa paghalik at pagdama sa lahat ng maselang parte ng katawan
nito. His groin was aching in need. Ikinikiskis niya ang katigasan sa malambot
nitong pang-upo. Si Zanya ay hindi rin alam kung saan ibabaling ang ulo dahil sa
sensasyon. He grabbed her head and he let her face him for a crushing and savage
kiss. Tinanggap nito ang mapusok niyang halik habang patuloy siya sa pagpapaligaya
gamit ang mga kamay. Napakapit naman ang asawa sa leeg niya nang maramdamang
malapit na ito sa sukdulan. Pareho silang naghahabol ng paghinga. Nang hindi niya
na kayang pigilan ay ipinadapa niya si Zanya sa kama at itinaas ang ibabang bahagi
ng katawan nito.
He felt heaven when he took her in that position. Hindi niya napigilan ang pag-
ungol habang patuloy sa paggalaw sa likod nito. Zanya was moaning in pleasure and
pain. Ilang sandali pa ay naabot niyang muli ang dulo ng kaluwalhatian. He was
never satisfied in bed in his whole life, kahit kay Monique na marunong
makipagpaligsahan sa kama. Nanghihina ang tuhod na ibinagsak niya ang sarili sa
kama. Si Zanya naman ay tahimik lang na umayos nang pagkakadapa sa kama na alam
niyang iniiwasan nito ang bumaling sa kanya.
"Let's get some sleep..." bulong niya sa asawa.
"Tanghali na, Brandon, maraming trabaho sa opisina."
"Tinapos ko na lahat kaya ako ginabi kagabi."
Ibinaling ni Zanya ang tingin bagama't nakalapat pa rin ang ulo sa kama. "Plano mo
talaga ang lahat ng ito? Sinabihan mo ang Mama mo na kausapin ako para mapapayag na
dito ka matulog?" pag-aakusa nito.
"Una sa lahat, walang kinalaman si Mama sa ating dalawa. Kung ano ang napag-usapan
n'yo labas ako roon. Kaya ako kagabi ang trabaho ko dahil hindi ko gustong isipin
na nasa club ka kasama ang manliligaw mong ayaw kang tantanan!"
"I was with Stacey and Marga. Ikaw pa ang nagpapunta sa kanila dun!"
"That doesn't mean men won't come to you for a dance or to flirt with you. You were
in a club, dammit!" Iniunan niya ang mga braso saka tumitig sa kisame. "Sino ba
yung lalaking sumundo sa 'yo kahapon?"
"Harvey is Trina's brother. Isa si Trina sa pinakamalapit kong kaibigan mula nung
nagsimula ako sa pangangarera."
"May gusto ba sa 'yo ang Harvey na 'yun?"
"My god, Brandon, binasted ko na 'yun hindi pa tayo magkakilala!"
"Are you telling the truth?"
"Damn you!"
Isang mahinang tawa ang pinakawaln niya saka tumagilis at itinukod ang braso. "Kung
ako manliligaw sa 'yo, sasagutin mo ba 'ko?" curious niyang tanong.
"No."
"No joke?"
"Oo! Bakit ayaw mong maniwala na kaya kitang bastedin?" naghahamon nitong tanong.
"Hindi ba't kahit girlfriend mo tumangging pakasalan ka?"
Isang ngisi ang pinakawalan niya bago lumapit sa tainga nito. "Kung sa ibang
pagkakataon baka maniwala ako."
"Ang yabang mo!" Inihagis nito ang unan sa kanya nang tumayo siya para magtungo sa
banyo. Ang totoo'y may meeting siya ng alas dyes pero hindi niya gustong iwanan ang
asawa at mas gusto niyang tabihan na lang ito maghapon hanggang sa magsawa sila sa
isa't isa.
Tumapat siya sa dutsa at hinayaang tumulo ang tubig sa buo niyang katawan. Paano
nga ba kung magsawa si Zanya sa kanya? Paano ba niya mababali ang pangako nitong
anim na buwan lang sila magsasama? Kaya ba niyang paibigin ito gayung wala naman
siyang alam ialay kung hindi ang tapat na pagmamahal?
Was his love for her enough to make her stay?

Chapter 20
Nagising si Zanya na masakit ang katawan. Muli siyang napapikit nang maalala kung
ilang beses siyang inangkin ni Brandon at kung ilang beses din nitong ipina-realize
sa kanya na wala siyang kakayahang tumanggi sa gusto nito. She surrendered herself
completely. At ang mahirap pa ay umaayon pati ang puso niya.
Pinili niyang bumangon sa kabila nang pananakit ng katawan. Nahagip ng mata niya
ang food tray sa bedside table. May note pa at isang rosas na marahil ay pinitas sa
hardin.
'I'll be home by lunch, wifey - hubby'
Napangiti siya sa mensaheng nasa papel. Brandon claimed she is his wife and he is
her husband. Tinototoo na nito ang pagiging mag-asawa nila. Kung hanggang kailan ay
hindi niya alam.
Nagtungo siya sa banyo at nakita ang mga bakas ng halik ni Brandon sa katawan niya.
Hindi siya puwedeng lumabas dala ang mga bakas na 'yun kung ayaw niyang pagtawanan.
Hindi niya lubos maisip na ang babaeng katulad niya na ni walang karanasan kahit
isang halik ay bibigay nang ganoon kay Brandon.
Nagbabad siya sa bath tub ng kalahating oras habang inaalala kung paano siya
inangkin ni Brandon kagabi. His flexed muscles, broad shoulders and deep voice make
him strongly attractive. He even moves like a leopard-like grace. Wala yata itong
pisikal na katangian na hindi nito kayang ipagmalaki. At kung performance lang sa
kama ay siniguro nga nito na ito ang batas. He brought her to the edge of ecstasy
she couldn't believe exists.
Kinain n'ya ang almusal na nakahain saka nagbihis ng pambahay dahil wala siyang
balak umalis. Masakit pa ang katawan niya at puro kissmarks ang leeg niya.
Sinubukan niyang itago gamit ang concealer pero hindi kinaya. Nagpasya s'yang
manood na lang ng tv sa loob ng silid habang hinihintay si Brandon na makabalik.
Alas dose na pero wala pa rin si Brandon. Nang may kumatok sa pinto ay nagmadali
siyang buksan iyon sa pag-aakalang ang asawa ang nasa labas.
"Hi, I'm Tristan! Hindi pa tayo nagkakilala ng personal dahil abala ako sa agency
at sa condo ako minsan umuuwi. I'm your husband's brother."
"I remember you," mabilis din siyang ngumiti. Bukod sa naging ex-boyfriend ito ng
pinsan na si Stacey, madalas naman itong dumadalo sa mga company events sa Albano
Corp. pati na rin sa mga kompetisyon nila ni Stacey dati.
"Nasaan si Kuya? Hindi ka ba sumasama sa opisina ng distilerya?"
"I... I'm not feeling well..." nahihiya n'yang sagot. "Nasa opisina pa siguro s'ya
ngayon."
"Hmmm... It's lunch time, nasa komedor si Mama. Tara saluhan mo na lang kami kaysa
nagmumukmok ka diyan."
Ngumiti siya at sumunod nang igiya siya patungo sa komedor. Alam niyang naroon ang
mga mapanuring mga mata ng ilang katulong dahil sa hindi maitagong bakas sa leeg
niya pero matamis ang ngiti ng ina ni Brandon nang umupo siya sa pang-animang mesa.
"Kung may gusto kang ulam na i-request para sa hapunan sabihin mo lang sa 'kin. I
usually do the cooking, hangga't kaya ng schedule ko."
"I wish I could help," nahihiya n'yang sagot. Kahit lumaki sila sa sangkaterbang
katulong, tinuruan sila ng ina na matutong makisama sa ibang tao kapag nasa ibang
pamamahay. Ang Mommy Hannah niya ay lumaking salat sa materyal na bagay at hirap ng
buhay. Laging iyon ang pangaral nito sa kanilang lahat.
"Si Brandon na lang ang tulungan mo sa opisina. He needs all the help he can get.
Hindi madali ang magpatakbo nang may daan-daang empleyado at katunggali sa
pagpapatakbo ay mga kapatid sa labas."
"Bakit hindi ho kasama si Tristan sa nagtatrabaho sa distilerya?"
"Siya ang pumalit sa Solace Advertising Agency na dating pinamamahalaan ni Brandon.
Katulad ng distilerya, malapit na ring bumagsak 'yun. Brandon tried his best to
save the company, sa ngayon ay lumalaban pa naman. Katulong ko si Tristan ngayon
doon dahil hindi ko na kayang mag full-time."
"Hindi ho nabanggit sa akin ni Brandon 'yan."
"It's too much kung pati 'yun ay kailangan pang problemahin ni Brandon."
"But maybe we could help. May mga advertisement ang hotels at airlines na pwede
naming ilipat sa inyo like print ads, billboards..."
"Wow..." sabat naman ni Tristan. "You're heaven sent. Hindi naman tatanggihan ni
Mama 'yan, lalo na ngayon na ako na ang namamahala sa agency, I also need all the
help I can get," kumindat ito sa kanya at ngumiti ng matamis. "Napakaswerte ni Kuya
sa 'yo."
"I will talk to my brother and my cousin. Then you can send the proposal kapag nai-
set ko kayo ng meeting sa kanila."
"Maraming salamat, Zanya. Kung hindi naman namin makuha ang account, malaking bagay
na tinulungan mo kaming makapagpasa man lang ng proposal. Ang alam ko'y kaibigan
din ng pamilya niyo ang may hawak ng mga ads niyo at di hamak na malaking kumpanya
kung ikukumpara sa amin," nakangiti ring wika ni Lala.
"Pamilya na rin naman tayo ni Zanya ngayon, 'Ma," katwiran naman ni Tristan.
"Sigurado ako, bibigyan tayo ng kontrata ng Albano Corp."
"I will talk to my brother later," wika niya para bigyan ito ng kasiguraduhan. Sa
tinig ni Lala kanina ay hindi ito umaasa na makukuha ng mga ito ang account ng
Albano Corp. Kung tutuusin ay wala na siyang dapat pakialam dahil ang distilerya
lang ang pinag-usapan nila ni Brandon na tutulungan ng pamilya nilang maisalba.
Pero may kung ano sa puso niya na gusto niyang ibigay lahat ng tulong na kaya
niyang maibigay para sa pamilya ni Brandon. Ngayon siya nakaramdam na kailangan
siya at malaki ang halaga niya.
"Maraming salamat, anak," wika naman ni Lala na humaplos sa puso niya. "May yoga
class ako ng ala una. Maiiwan ko na kayo."
Natapos nila ni Tristan ang tanghalian pero wala pa rin si Brandon. Nang yayain
siya ni Tristan sa library para ipakita ang mga sample proposal ng advertisement
para sa ibang kumpanya ay nagpaunlak s'ya.
"I really need your help so we can get the account of Albano Corp." tila pakiusap
ni Tristan. "Gusto na ni Papa na i-give up namin ang agency pero hindi pumayag si
Kuya. Dito kami nabuhay ng ilang taon mula nang maghiwalay ang Mama't Papa."
"Do you mean, hindi kayo sinuportahan ng Papa niyo noon?"
"Mama refused to accept any financial help from Papa. Dahil sa pride siguro. Pero
nung nagkasakit na si Mama, lumapit na si Kuya kay Papa para maisalba ang agency.
Until now, the distillery is funding the agency."
"Sa tingin ko'y malapit naman si Brandon sa Papa niyo. Sila ang magkasama ngayon na
namamahala sa distilerya. Mabuti at maayos naman ang samahan niyo sa kabila ng
pagkakaroon ng Papa niyo ng ibang pamilya."
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Tristan. "Uhaw kami sa pagmamahal ni Papa.
Lumaki kami na laging nag-aaway ang mga magulang namin hanggang sa tuluyang
maghiwalay. Brandon became tough, siya ang umako sa responsibilidad ni Papa lalo
noong nagkasakit si Mama. Samantalang ako ay naging mahina, nakaasa lagi kay Kuya
at sa Mama. Sa aming dalawa ni Kuya, ako ang mas malapit kay Papa dahil pilit ko
siyang pinupuntahan noon kahit ayaw ni Mama."
"Kung ganun, bakit si Brandon ang pinamahala sa distilerya gayung hawak niya na ang
agency? At kung mas malapit ka sa Papa mo?"
"Well, there are hundreds of reasons. One; tulad ng sabi ko kanina, mahina ako.
Hindi ko kakayaning pamahalaan ang isang kumpanyang pabagsak na. Two; ang
distilerya ay itinayo ni Lolo, bilang panganay, siya ang nararapat na sumunod sa
yapak nila Papa. At ang pangatlo; alam kong dalawa kaming pinagpilian ng Daddy mo
para mapangasawa mo. He chose Kuya Brandon to be your husband at siya na ring
mamamahala sa distilerya dahil naglaan ng milyones ang Daddy mo na nakapangalan sa
'yo," nakangiti nitong wika.
"How did you know?"
"Dad told me. Hindi kasi niya alam kung mapapapayag niya si Kuya dahil may
girlfriend siya at that time."
"H-hindi pa alam ng girlfriend niya na kasal na ang Kuya mo sa akin.." mahina
niyang wika.
"Ows?" hindi naman makapaniwalang sambit ni Tristan. "Monique was busy chasing for
her dreams."
"Kung nagkataon pala, ikaw ang napangasawa ko. You're Stacey's ex-boyfriend right?"
"Yeah, I fell in love with your cousin once," natatawa nitong wika. "Pero
magkaibigan na kami ngayon. Kung sakaling ako ang napili ng Daddy mo, magugustuhan
mo ba ako?"
"I think you're a nice guy. Malayo kayo ng personalidad ng Kuya mo. Mas seryoso
siya at tila laging galit, while you're more friendly and easy to talk to."
"Kaya ba mas pinili mo siyang kasabay kumain?" galit ng baritonong boses na biglang
pumasok sa library. Napatayo siya sa kinauupuan pero hindi sa kanya nakatingin si
Brandon.
"Ako ang nagyaya sa kanya na saluhan kami sa tanghalian nang malaman ko sa katulong
na hindi mo siya kasamang umalis," pangangatwiran ni Tristan. Napadako ang tingin
ni Brandon sa mga nakalatag na proposal na nakakalat sa mesa.
"May problema ba sa agency?" Nakakunot ang noo nito nang magtanong.
"Ipinakita ko lang ang sample proposal natin sa ibang kumpanya. Tutulong daw siyang
makapasok tayo sa Albano Corp."
Naningkit ang mga mata ni Brandon nang tumingin sa kanya bago ito walang sabi-
sabing lumabas ng library. Kulang na lang ay masira ang pinto nang pabagsak nitong
isinara. Naghihimagsik naman ang dibdib niya sa inasal nito. Naabutan niya itong
nakatayo sa silid at nakatanaw sa balkonahe.
"Anong kinakagalit mo?" naiinis niyang tanong.
"Anong silbi ng note na 'yan?" Itinuro nito ang note na iniwan nito kanina kasama
ng isang rosas. "Sinong kasama kong manananghalian ngayon?"
"My god, Brandon! Alangan namang tanggihan ko ang imbitasyon ng kapatid mo? Alas
dose pasado na wala ka pa, ni wala kang pasabi kung anong oras ka babalik!"
"Kaya sa iba ka na lang sasama, ganun ba? At anong sinasabi ni Tristan na
tutulungan mo siya sa agency? Sa distilerya ka nagtatrabaho, in case you forgot!
Kaya kita iniwan kanina para makapagpahinga ka, hindi para gumawa ng ibang
trabaho!"
"Ganun ba?" Tinungo niya ang closet saka naglabas ng damit na maisusuot. Sa inis
niya ay naghubad siyang bigla at nagpalit ng suot sa harap nito. Wala pang dalawang
minuto ay nakadamit pang-opisina na s'ya.
"Papasok ka sa opisina dala ang mga bakas na 'yan?"
"I don't care what people say about me. Mas mahalaga na makapasok sa trabaho bago
pa ako masisante," dahilan niya. Nang kuhanin niya ang bag sa rack ay hinapit siya
ni Brandon pero pumalag siyang pilit.
"I'm sorry..."
"Ngayon mo sabihing hindi kita boss, Brandon!" Hindi siya nagpaawat sa inis. "You
dictate what you want me to do! Mas masahol ka pa sa tatay ko!"
"I'm sorry..." Niyakap siya nito pero pilit niya itong tinutulak. Nang makawala
siya sa mga yakap nito ay mabilis siyang nakalabas sa silid. Pero dahil wala siyang
kotseng magagamit ay napaiyak siya sa awa sa sarili.
Si Brandon ay kinain naman ng inis sa sarili sa inasal niya kanina sa asawa.
Napakabilis umakyat ng init sa ulo niya kanina dahil sa selos. Sa loob lang ng
isang oras na kausap nito si Tristan ay napalagay ang loob nito. Hindi rin niya
matanggap na kung papipiliin si Zanya kung sino sa kanila ni Tristan ang mas
gugustuhin nitong mapangasawa ay hindi siya ang pipiliin nito.
Mabigat ang loob na bumaba siya sa garahe at nadatnan si Zanya na nakatayo roon at
nakatanaw lang sa hardin. Hawak nito ang telepono na tila katatapos lang makipag-
usap kung kaninuman.
"Let's go. Kakain na lang ako sa labas."
"Tumawag na ako sa bahay na ihatid dito ang sasakyan ko. Hindi natin kailangang
magkasamang papasok sa opisina."
"I said I'm sorry. Nabigla lang ako kanina."
"Gusto kong linawin sa 'yo na may usapan tayo. Hindi ibig sabihin na nakuha mo na
ang perang kailangan mo sa kumpanya ay pag-aari mo na ako. Diktahan mo pa ako
minsan, Brandon, hindi mo na ako makikita dito sa bahay mo."
Wala siyang nagawa nang dumating ang sports car ni Zanya na agad nitong pinaharurot
palabas ng village. Napilitan siyang paandarin ang kotse at sundan ang asawa sa
distilerya. Mas iniinda niya ngayon ang sakit sa dibdib kaysa ang kalam ng sikmura.
Hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nilang mag-asawa pagkatapos ng mga
inasal niya.

Converted by P.B.M

Chapter 21
Pagdating ni Brandon sa opisina ay nakaharap na si Zanya sa screen ng monitor at
seryosong nakatitig doon. Hindi niya alam kung paano ito lalapitan dahil alam
niyang umuusok ito sa galit sa inasal niya.
"I have a meeting at three o'clock outside this building. Would you like to go
with me?"
"No."
Lumapit siya sa asawa saka hinawi ang buhok nitong tumatabing sa mukha. Nadaanan
ng mata niya ang bakas ng halik niya sa leeg nito na pilit tinatakpan ng buhok
nito. Nang sibukan niyang hawakan at agad tinabig ni Zanya ang kamay niya.
"You will not touch me from now on. Tapos na ang pagpapanggap natin."
"Hindi ako nagpapanggap," sagot niya. Gusto niyang aminin dito ang damdamin at
hayaang pagtawanan siya nito. Pero yumuko ito na tila may mabigat na suliranin.
Nabahala siya nang itinakip nito ang dalawang kamay sa mukha at yumugyog ang
balikat sa pag-iyak.
"I'm sorry... please... stop crying..."
"I can't do this anymore..."
"No. Huwag mo naman akong sukuan. Hindi na mauulit ang nangyari kanina."
Nanatili lang itong nakayuko habang pilit pinupunasan ang tumulong luha. "To be
honest, wala akong alam kahit ano sa kumpanya ni Dad. I hate this kind of job. Wala
akong maitutulong sa 'yo dito."
"Kasisimula pa lang natin sumusuko ka na agad?"
"Bakit ko pahihirapan ang sarili ko? I agreed to be married to you to get my
freedom, hindi ang lalong makulong sa apat na sulok ng kwartong 'to!"
Gustong tumulo ng luha niya sa mga sinabi ni Zanya. Kung paanong nangyari na nag-
aaway sila ngayon ay hindi niya alam. Ganoon ba kalaki ang nagawa niyang
pagkakamali kanina?
"Siguro naman ay bayad na si Dad sa kumpanya mo. I need money to pay for my
apartment and daily expenses. May karapatan ako sa pera ng tatay ko. Nakapangalan
naman 'yun sa 'kin di ba?" tuloy-tuloy nitong wika. "Bakit nga pala hindi napag-
usapan sa meeting na isa na ako sa shareholders ngayon?"
"I-inaayos pa ng abogado ang mga dokumento..." mahina niyang sagot saka lumunok
nang mapait. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong magtrabaho dito. Pero hindi ka
titira sa ibang bahay. How much do you need for your personal expenses?"
"I need two hundred thousand monthly. Sa ngayon ay hindi ako puwedeng umuwi sa
bahay dahil palalayasin din ako ng Papa."
"Sa ibang bahay ka titira?!"
"Tatawagan ko si Trina ---"
"Hindi ka sa ibang bahay matutulog, Zanya! You are my wife! Gagamitin ko ang
karapatan ko at koneksyon ng tatay mo para lang maibalik ka sa bahay!"
"I don't want to live with you! I tried, okay? But I can't..."
"I'm sorry, my wife," sarkastiko niyang wika. "Huli na para tumalikod ngayon. Mag-
asawa tayo at kung saan ako umuuwi ay doon ka rin."
"So, hinintay mo lang akong makasal sa 'yo para madiktahan mo ako? Kailangan ko
bang pagsisihan na nakipagkasundo ako sa 'yo?"
"Ang susundin ko ay ang kasunduan na sinumpaan natin sa harap ng judge."
"I hate you!"
Hindi na siya nakakilos nang pagalit na kinuha ng asawa ang bag saka nagmamadaling
umalis. Marami siyang kinakaharap na problema ngayon matapos tumawag ang abogado ng
kapatid na si Alexis para makakuha ng shares sa kumpanya. Hindi pa nakakabangon ang
kumpanya kahit pa nakuha niya na ang malaking bayad galing sa Albano Hotels para sa
isang taong supply ng mga alak. Kailangan niyang magamit ng maayos ang perang 'yun
kung hindi ay lalo lang silang mababaon.
Kung tutuusin ay may laban siya kay Alexis para hindi ito bigyan ng shares. Marami
itong nalustay na pera na kaya niyang patunayan sa korte. But it would take so much
of his time. Mas marami siyang problemang dapat unahin. Ngayon ay dumagdag pa ang
problema nila ni Zanya na lalong nagpapabigat sa loob niya.
Ipinatawag niya ang dalawang kapatid sa opisina niya para kausapin. Gaano man niya
gustong sundan ang asawa at lumuhod para humingi ng tawad, may mga bagay siyang
kailangang unahin.
Dumating si Aiden at Jameson matapos ang limang minuto. Mainit pa rin ang ulo niya
pero hindi niya pwedeng daanin sa galit ang dalawa pa niyang kapatid sa labas dahil
hindi niya gustong madagdagan pa ng problema.
"Have a seat," wika niya sa dalawang kapatid.
"May problema ba, Kuya?" Tanong ni Aiden. Sa tatlong kapatid niya sa ama, si Alexis
ang rebelde at mahirap kausap. Ang dalawang ito ay kayang pagsabihan ng Daddy nila.
"Alam niyo ang problema ko sa Kuya Alexis niyo ngayon," panimula niya. "Minamadali
ko na ang report galing sa Finance Department para maghain din ng kaso laban sa
kanya sa mga nadispalkong pera. I'm sorry to ask you this but I don't want to
encounter this kind of problem in the future. Gusto ko kayong tanungin kung
desidido ba talaga kayong magtrabaho sa ilaim ng pamamahala ko?"
"Yes, kuya," mabilis na sagot ni Jameson. "Nakiusap din si Papa na tulungan ka
namin na bumalik sa dati ang distilerya."
"Salamat. Anuman ang alitan namin ng Kuya Alexis niyo ay huwag sanang makasira sa
maayos na relasyon nating tatlo. Papa is battling with cancer. Matatanda na rin
tayong pare-pareho para mag-away away pa."
"Ipinaglalaban lang naman ni Kuya na magkaroon din kami ng shares sa kumpanya
bilang isang Montealegre," wika naman ni Aiden. Mabilis naman siyang tumango.
"I know. Ipapaayos ko sa abogado ang paghahati ng shares ni Papa sa ating lahat
pagkatapos naming mag-usap ni Papa. Sa ngayon ay kailangan muna nating pagtuunan ng
pansin ang malaking problemang pinansyal ng kumpanya."
"Makakaasa ka sa suporta namin, Kuya," sagot ni Jameson. Tumango rin si Aiden nang
ibaling niya ang tingin dito.
"Aalis kami sa susunod na linggo ng asawa ko patungong France para sa pag-iimport
ng imported wines. Sa inyo ko ipagkakatiwala ang pamamahala habang wala ako, I need
your full cooperation."
Mabilis namang sumang-ayon ang dalawang kapatid matapos niyang ibilin ang kani-
kanilang trabaho. Hindi man siya tuluyang mapanatag dahil hindi niya alam ang galaw
ni Alexis ngayon na maaaring kausapin ang mga kapatid nito para gumawa ng mga bagay
na laban sa kanya, gusto niyang umasa na hindi siya tatraydurin ng mga ito.
-----
Sa bahay nila Stacey dinala si Zanya ng mga paa. Nagulat pa ang pinsan nang makita
ang mga mata niyang namumula dahil sa pag-iyak. Masakit sa kanya na makita si
Brandon na nagsusumamo kanina na huwag siyang sumuko. Pero pinili niyang umalis
para maisalba pa ang sarili sa tuluyang pagkahulog sa kumunoy.
"Men are dominant, Zanya," mahinahong wika nito. "Para namang hindi mo nakita ang
katangiang 'yan kina Daddy at sa iba pang lalaki sa pamilya."
"And I hate it. You know that I love my carefree life."
"Pero may asawa ka na. Kailangan mong matutunan na makipag-compromise."
"I did. Ano pa ba ang ginagawa ko? Tumira ako sa bahay nila at pumasok ako sa
opisina niya kahit labag lahat 'yun sa loob ko!"
"Magpalamig ka na lang muna ng ulo. Tikman mo ang bago kong recipe, naiinip ako
dito sa bahay dahil ayaw akong pagtrabahuhin ni Marcus."
Pumasok sila sa kabahayan at tumuloy sa komedor. Idinaan niya sa kain ang inis kay
Brandon, pero sa gitna ng pagnguya ay inalala niya kung kumain na ba ito.
"Ano ba ang ikinagalit niya?" Tila nabasa naman ni Stacey ang nasa isip niya.
"Dahil hindi ko s'ya nahintay sa tanghalian. Tristan came over and invited me to
join their lunch. Malay ko ba na malaking issue 'yun sa kanya?"
"Yun lang? Walang ibang dahilan?"
"Naabutan niya kaming nag-uusap ni Tristan sa library para sa pagpasa ng proposal
sa Albano Corp. Ayun, umusok na ang ilong sa galit kaya hindi na rin ako
nakapagtimpi."
"He's jealous," pag-aanalisa ni Stacey.
"Jealous for what? Tristan and I were just talking."
"Ganun talaga ang selos, madalas wala sa lugar. Did he ask for an apology?"
"Y-yes..."
"Kung ganun, huwag mo nang palakihin. Ngayon niyo pa lang nakikilala ang isa't
isa."
"Damn him! Hindi ko gustong ipinapahiya ako sa harap ng ibang tao. Anyway, Tristan
needs help in their advertising agency. Alam mo bang nalulugi na rin ang Solace?"
"I didn't know that," sagot ni Stacey. "Pero Alpha Advertising ang may hawak ngayon
sa lahat ng ads ng Albano Corp. Kung gusto mong ipasok ang kumpanya ng asawa mo, si
Kuya Jayzee at Kuya Ethan ang kausapin mo."
"Papayag kaya sila na magpalit ng agency?"
"Of course! Bilang asawa ni Brandon, pag-aari mo na rin ang Solace. Hindi mo pa
yata nai-embrace ang pagiging mag-asawa niyo?"
"We have a six-month agreement. Hindi ko kailangang i-embrace anuman ang mayroon
ngayon."
"Kung hindi ko nakikita 'yang mga latay ng pag-ibig d'yan sa leeg mo, baka maniwala
pa 'ko."
Isang irap ang ibinigay niya kay Stacey para itago ang pagkapahiya. Nawala sa isip
niya na kitang-kita pa sa leeg niya ang mga kissmarks ni Brandon.
"Sa tingin mo ba'y papayag si Brandon na humiwalay sa 'yo? Eto nga at tumatawag na,
ano gusto mong sabihin ko?"
"Tell him to go to hell!"
"Pagakatapos ka niyang dalhin sa langit?" tudyo nito na ikinairap niyang muli.
Nakatawa namang sinagot ni Stacey ang tawag ni Brandon at sinabing hindi niya
gustong umuwi.
"Ako na ang bahala sa asawa mo Brandon. She'll be staying here overnight. Bukas na
kayo mag-usap kapag malamig na ang ulo niya."
Labag sa loob niya ang sinabi ni Stacey kay Brandon dahil wala naman siyang balak
na hindi umuwi. Pero dahil 'yun na ang nasabi ng pinsan ay kailangan niya nang
panindigan.
"O ayan, hindi ka muna uuwi sa inyo. Pumunta na lang tayo sa opisina para makausap
mo si Kuya Jayzee at Kuya Ethan mo."
Wala siyang nagawa nang hilahin siya ni Stacey palabas sa garahe. Makalipas ang
isang oras ay nasa opisina na sila ng Albano Corp. Nagulat ang ama nang mabungaran
siya sa opisina ng kapatid.
"Kumusta ang asawa mo? Nakausap na ba niya ang abogado na inirekomenda ko?" tanong
ng Daddy niya.
"What lawyer? I...didn't know..."
"Tumawag kanina ang asawa mo dahil may kaso laban sa kanya at sa kumpanya. His
step-brother Alexis wants his shares in the company. May inihain din itong kaso
dahil sa pagsuntok sa kanya nito nang malaman ng asawa mo ang paglustay ng pera ni
Alexis sa pera ng kumpanya."
"Gago din ang Alexis na 'yun. Kung ako si Brandon, hindi lang suntok ang aabutin
nun sa 'kin," galit namang wika ng Kuya Ethan niya.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong mg Daddy niya.
"I heard from Tristan that even Solace Advertising is in financial difficulty. Baka
mabigyan naman natin sila ng kontrata para makatulong sa kanila?"
"No problem. Si Brandon din ba ang may hawak niyan?" tanong ni Ethan.
"No. Si Tristan na ang may hawak ng agency."
"We can set a meeting tomorrow. Bumalik ka kasama ang Tristan na 'yun."
"Is it okay kung si Tristan lang ang papuntahin ko?" alangan niyang wika.
Pagkatapos niyang makonsensya sa biglaang pag walk-out sa opisina ni Brandon sa
kabila nang mga hinarap nitong problema kanina, hindi niya na gustong dagdagan pa
ang pinagdadaanan nito. Nagalit ito kanina dahil si Tristan ang tinutulungan niya
habang dumadaan itong mag-isa sa isang pagsubok. Her husband needs her. Pero mas
pinili niyang i-entertain ang galit kaysa ang umunawa.
"Kasisimula pa lang natin sumususuko ka na agad?"
Napapikit siya sandali nang maalala ang lungkot na ibinadya ng mukha ni Brandon
kanina. Sa kabila ng away nila ay inalam pa rin nito kung nasaan siya. Pero dahil
nasabi na ni Stacey na hindi siya uuwi, kailangan niyang ipakita na hindi siya
apektado sa away nilang mag-asawa.
"Are you okay?" tanong ni Stacey sa kanya habang nasa opisina sila ng asawa nito na
si Marcus. Hawak niya ang tasa ng kape pero halos hindi niya mainom. Tapos na
niyang kausapin kahit ang Kuya Jayzee niya para sa pagpasok ng Solace Advertising
sa Albano Corp. Pero kahit natutuwa siya ay hindi niya alam kung paano ibabahagi
ang magandang balitang iyon kay Brandon sa takot na magalit itong muli. She was
able to help Tristan, but she failed to give support to her own husband.
"Kung ako sa 'yo, uuwi ako sa bahay at kakausapin ang asawa ko," mataktikang wika
ni Stacey. "Sa tingin ko'y hindi ka rin naman makakatulog kung sa bahay ka namin
tutuloy."
Ipinasya niyang umuwi sa bahay ni Brandon, pero dahil dumaan na rin siya sa bahay
ng magulang para dalawin ang ina, inabot na siya ng gabi sa daan. Nang pumasok siya
sa silid ay naabutan niya si Brandon na nakatayo sa balkonahe na may hawak na basok
ng alak habang nakatanaw sa kadiliman.

Chapter 22
Malakas ang kaba sa dibdib ni Brandon nang marinig ang mahinang pagsara ng pinto ni
Zanya. Kanina ay itinawag ni Stacey na nagdesisyon ang asawa na umuwi sa bahay
nila na ipinagpasalamat niya nang labis. Hindi niya alam kanina kung makakatulog
siya ng maayos sa kaalamang galit ito sa kanya.
Inubos niya ang laman ng baso saka lumingon sa silid. Nakita niyang nagtungo sa
banyo si Zanya at nagtagal doon ng ilang minuto. Nanatili siyang nakatayo sa
balkonahe habang iniisip kung paano ito kakausapin. Malaking bagay na pinili nito
na umuwi pa rin at makasama siya kahit may alitan sila. Gustong magsikip ng dibdib
niya sa kasiyahan. Zanya chose to be with him regardless of their fight. At sapat
na ang presensya nito para makatulog siya ng maayos kahit hindi pa siya nito
kausapin.
Sumunod sa kanya si Zanya sa balkonahe at itinaas ang dalawang kamay sa balustre.
Hindi siya nilingon nito pero wala na ang galit sa mga mata nito na dala-dala
kanina bago umalis sa opisina niya. But there was something in her eyes he
couldn't fathom. At gusto niyang alamin kung ano 'yun.
"Thank you for coming home," mahina niyang wika. "Hindi man ako nakakain kanina,
makakatulog naman ako nang mahimbing..."
"Hindi ko intensyon na dumagdag sa problema mo. But I want to be honest, Brandon,
kung pumayag ako sa gusto ni Dad na sa Albano magtrabaho kasama ng kapatid at mga
pinsan ko, wala ako dito sa tabi mo. I married you because I hate to work in a
corporate world."
"I'm sorry I didn't ask what you want to do. Kung may iba kang gustong gawin, it's
your decision. Ang bilin lang ng Daddy mo ay huwag kang sumabak ulit sa karera.
At bilang asawa mo ay hindi ko rin papayagan."
"Then, what am I going to do with my life?" mapait nitong wika. "Doon lang ako
magaling. Doon ko lang nakikita na hindi ako natatalo. When we were growing up,
everyone was expecting us to excel in everything -- lalo na pagdating sa negosyo.
Even my cousin Stacey was so good in her position as the Vice President of Albano
Air. I cannot compete..."
Nanatiling nakatitig si Brandon sa asawa habang lalong dumadagdag ang paghanga niya
dito. He wanted to crush her in his arms and burry himself in her softness. Pero
gusto niyang ilabas nito ang lahat ng nasa dibdib -- mga bagay na nakakabigat dito.
Gusto niyang makilala ito nang lubusan.
"We don't need to compete. May kanya-kanyang katangian ang bawat isa."
"I was a failure, Brandon. Kahit sa simpleng paggawa ng business letters dati ay
bigo akong makagawa. I dropped my accounting subject in college once. Kung hindi
sa tulong ng tutor ay hindi ako ga-graduate. Now, tell me... what should I do with
my life without the race track?"
Lumapit si Brandon kay Zanya bago pa bumagsak ang mga luhang nagbabadya sa mga
mata. Niyakap niya ito mula sa likod at ipinatong ang ulo sa balikat nito at
ipinaikot ang mga kamay sa baywang ng asawa. Zanya didn't move. Kahit siya man ay
hindi gustong gumalaw sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan.
"I was a failure too..." wika niyang mahina. "Pero wala akong choice kung hindi
ang lumaban ng lumaban dahil walang taong nalulunod ang basta sumusuko lang na
anurin na lang ng alon. Kailangan kong kumampay nang kumampay kahit mahirap nang
huminga. My mother was battling with cancer while Tristan was battling with a
brokenheart. Ako lang ang pwede nilang kapitan hindi ako dapat bumigay. Imagine
how many times I walked into my father's office to ask for money because Solace
can't provide to pay the salary of its employees. Kailangan kong isantabi ang
galit ko sa tatay ko sa pag-iwan niya sa 'min para sumama sa ibang babae at bumuo
ng ibang pamilya..."
Tumingala si Zanya na hindi kinayang salubungin ni Brandon ang mga mata nito. He
poured his heart out; letting his wife listen to his fears and insecurities.
"That wasn't a failure, Brandon," she spoke softly. "That was bravery... an act of
courage..."
"Mas nagpakita ka ng tapang sa ginawa mo, my wife. Lumihis ka ng landas at
ipinakita mo na kaya mong maging matagumpay na malayo sa anino ng pamilya mo. If I
don't fear for your safety, I would encourage you to pursue what you want. But I'm
sorry, sa pagkakataong ito ay magkasundo kami ng Daddy mo..."
"I'll just stay at home and sleep the whole day," biro nito na bahagyang ngumiti.
Nawala kahit paano kalahati ng dinadala niya sa dibdib nang makitang lumiwanag na
ang mukha ng asawa.
"May kanya-kanya tayong kahinaan. Pero hindi tayo dapat sumuko dahil lang sa takot
at insekyuridad. We should learn to face our fears and accept the challenge it
brings. Kung ako sumuko na lang na isara ni Papa ang distilerya, hindi kita
mapapangasawa. We have to see the good in every situation. Kahit minsan akala natin
na nasa mahirap tayong kalagayan, may magandang dulot 'yun sa buhay natin kaya tayo
dumaan sa ganoong pagsubok.".
"Masyadong malawak ang pang-unawa mo, Brandon."
"No," mabilis niyang salungat. "Kung mabilis ang pang-unawa ko hindi kita dapat
nasigawan kanina dahil lang sa kaisipang hindi ako ang pipiliin mong mapangasawa
kung may iba kang pagpipilian."
Tuluyang humarap si Zanya sa kanya habang siya ay itinukod naman ang dalawang kamay
sa balustre ng balkonahe. Hindi niya ito gustong pakawalan sa mga bisig niya.
"Ako, kung wala ba ang pera ng tatay ko ako ang pipiliin mo?" tanong nito na puno
ng insekyuridad.
"Under different circumstance? Yes. Walang lalaking tatanggi sa karisma mo, my
wife. Bakit hindi mo alam 'yun?" Sinuklay niya ang buhok nito saka pinisil ang
pisngi. "Now that you've known me and if you were given the chance to choose again,
would you choose me or not?"
"Ayokong sagutin," nakangiti nitong wika. Siya man ay napangiti nang maluwag.
"Why not?"
"Itatanong mo sa kin pagkatapos kung bakit."
"Hindi ko ba deserve malaman?" curious niyang tanong. Abot-abot ang kaba niya sa
dibdib sa maaari nitong isagot.
"Huwag na," pag-iwas pa rin nitong sagot. "Hayaan mo nang misteryo na lang ang
tanong na 'yun."
"That's unfair. Sinagot ko nang diretso ang tanong mo."
"Minsan lang ako makalamang sa 'yo. Quits na tayo." Sinikap nitong umalis sa gitna
ng mga braso niya pero singtigas ng bakal ang mga iyon na nakahawak sa balustre.
"Okay, let's put it this way. Kapag sinagot mo 'no', I won't ask why. Kapag 'yes',
saka mo sasabihin kung bakit."
"Ha? Bakit baligtad? Hindi ba dapat malaman mo kung bakit hindi kita pipiliin? So
you will know what you need to improve."
"No." Umiling siyang bahagya. "Mas gusto kong malaman kung ano ang gugustuhin mo sa
akin kung sakali maliban sa mga halik ko," pilyo niyang tugon.
"Kaya nga ayaw ko na lang sagutin, dadagdag lang 'yan sa ego mo!" Pinilit nitong
alisin ang mga kamay niya para makadaan papasok sa silid pero sa halip ay iniyakap
niya na lang sa mga baywang nito.
"Pandagdag din 'yun sa confidence, my wife, pagbigyan mo na 'ko."
"No way!" Nagpumilit itong kumalas sa yakap niya at tuloy-tuloy na pumasok sa silid
at inihagis ang unan sa carpeted floor.
"You're kidding."
"No, I'm not," matamis ang ngiti nitong wika. "Hindi na dapat maulit ang nangyari
kagabi. My god, lahat ng taong nakausap ko ngayong araw sa leeg ko nakatingin!"
Isang malutong na halakhak ang pinakawalan niya saka naiiling na tumuloy sa banyo.
----
Humiga si Zanya sa kama saka binuksan ang tv pampatulog. Nang lumabas si Brandon ay
naka-brief lang ito at kitang-kita ang umbok sa harap nito na hindi man lang
pinagkaabalahang takpan. Isang irap ang pinakawalan niya bago muling itinuon ang
mata sa pinanonood. Tila naman nang-aasar pa ito dahil paroo't parito ito sa silid.
Matapos nito ang lahat ng ginagawa ay sumampa ito sa kama na mabilis niyang
pinigilan.
"Sa baba ka na matulog, please," pakiusap niya nang maki-share ito ng blanket.
"Wala akong tanghalian at wala rin akong hapunan, my wife. Baka naman gusto mong
maawa sa 'kin? Kailangan ko ng maayos na tulog kung hindi ay hindi ako makakapasok
bukas."
"Wala ka pang hapunan?!"
"I have one glass of rhum. Kaya huwag kang mag-alala dahil wala akong lakas para sa
isang matinding laban," tudyo nito bago tuluyang humiga at pumikit. Hindi niya alam
kung nagsasabi ito ng totoo pero kung iisipin niya ang bigat ng dinadala nito
kanina ay maaaring totoo nga.
"Do you want a midnight snack?"
Napamulat ng mata si Brandon saka tumitig sa kanya. "Tulog na ang mga katulong."
Bumangon siya saka lumabas ng silid. Nagtungo siya sa kusina para maghanap ng
sliced bread, lettuce at bacon. Nakasunod naman si Brandon sa kanya na nag-abala
lang magsuot ng boxer shorts pero wala pa rin itong damit pang-itaas. Iniiwas niya
ang mata sa matipuno nitong dibdib. Pinanood naman siya nito habang gumagawa siya
ng club sandwich.
"Talaga bang naglalakad ka dito nang nakaganyan ka lang? Maeeskandalo ang mga
katulong sa 'yo."
"Tulog na sila," sagot nito. Habang ginagawan niya ng layer ang sandwich at tumabi
ito sa kanya at ikinawit ang isang braso sa baywang niya.
"You're becoming a wife," bulong ni Brandon sa tainga niya.
"Ngayon lang 'to, loco. Huwag kang abusado."
"Thank you for this effort. Babawi ako mamaya," tudyo nito na pinanlakihan niya ng
mata at itinapat ang bread knife kay Brandon.
"Subukan mo lang, Brandon!"
"Huwag mo nga akong tinatakot." Lalo siya nitong hinapit at hinalikan sa sintido.
"Kahit dalhin mo pa lahat ng kutsilyo sa kwarto, hindi mo 'ko masisindak. You
should know me by now, Mrs. Montealegre."
"Kumain ka na nga!" Iniabot niya ang sandwich na ginawa na nakalagay sa food tray
saka tinungo ang ref para kumuha ng fresh orange juice.
"Masarap kang gumawa ng sandwich."
"Gutom ka lang," nakangiti niyang wika nang makitang halos mauubos na nito ang
three-layer na ginawa niya. Nang ilapit ni Brandon ang sandwich sa bibig niya para
kumagat siya ay tumanggi siya.
"May laway mo na 'yan," pairap niyang wika pero nakangiti. Isang mapang-akit na
titig naman ang ibinigay ni Brandon sa kanya.
"Ang arte mo, kagabi lang pumayag ka namang magpalaway mula ulo hanggang paa."
"Ang bastos mo talaga!" Inihagis niya ang apron na hinubad kay Brandon saka
nagpatiunang umalis sa komedor. Natatawa naman si Brandon sa mga reaksyon niya.
Wala pang dalawang minuto ay nakasunod naman na ito sa kanya. Mabilis itong sumampa
sa kama at tumabi sa kanya.
"Busog ka na, 'di ba? Pwede ka na sa carpet?"
"Umuwi ka dito kasi gusto mo 'kong katabi. Bakit ako sa carpet matutulog?"
nakangiti nitong wika.
"Lakas din ng kumpyansa sa sarili, huh!"
"Hindi ba sabi ko naman sa 'yo, I will make you fall in love with me?"
Natigilan siya sa sinabi ni Brandon nang sumagi sa isipan ang girlfriend nito.
Nakipaghiwalay na ba ito kay Monique?
"Paano mo naman nasiguro na mai-inlove ako sa 'yo?"
"Imposible ba na ma-inlove ka sa isang tulad ko?" nawala ang ngiti nito bagama't
nakatitig lang sa kanya. Gusto niyang sabihin na nahuhulog na ang loob niya sa
asawa pero natatakot siya sa kahihinatnan ng pagpapanggap nila.
"Matulog na kaya tayo, ang dami mong alam." Pilit siyang ngumiti bago humiga at
kinumutan ang katawan. Pero nanatiling nakaupo si Brandon habang nasa mga binti ang
mga braso at tila malalim ang inisiip.
"Huwag mong isipin 'yun, mahal ka nun," biro niya bago pumikit. Humiga naman si
Brandon sa tabi niya na iniunan ang isang braso bago tumagilid para humarap sa
kanya.
"Mahal niya na nga ba ako?" Hinaplos nito ang mukha niya na nagpadilat sa kanya.
Napalunok siya nang ilapit lalo ni Brandon ang mukha sa kanya.
"B-brandon..."
"Pakisabi na mahal ko na rin siya," bulong nito bago inangkin ang mga labi niya.
Nalunod siya sa masuyong halik na ibinibigay nito habang unti-unting tinatanggal
ang nighties niya. Hinayaan niyang matangay siyang muli ng damdamin kaya't tumugon
siya sa mapupusok nitong halik. Kahit ang kamay niya ay gumawa ng sariling
paglalakbay sa likod at balikat nito. Does Brandon love her? Hindi niya tiyak kung
isa iyong biro. Pero gusto niyang iparamdam dito kung ano ang totoong damdamin
niya.
Because she was falling in love with her husband.

Chapter 23
Maagang gumising si Zanya kinabukasan. Wala na sa tabi niya si Brandon pero
naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Maagan na ang pakiramdam niya ngayon
kumpara kahapon. Bago pa siya nakabangon ay lumabas na mula sa banyo si Brandon
nang nakatapis lang ng twalya. Tumuloy ito sa walk-in cabinet saka kinalas ang
twalya at inihagis sa mukha niya nang nakangiti. Inihagis naman niya pabalik ang
twalya na nahulog na lang sahig.
"Ang bastos mo talaga!" naiinis niyang wika. "Ganyan ka ba bumati sa umaga?"
Lumapit si Brandon nang nakangisi habang iniwas naman niya ang mata dahil wala pa
itong suot kahit ano. Dumapa siya bago pa man marating ni Brandon ang kama. Hindi
niya kayang harapin ito nang hubo't hubad at naghuhumindig pa ang pagkalalaki na
hindi nito man lang tinakpan.
"Good morning, my wife..." Hinawakan nito ang mukha niya at pilit ibinaling rito
para gawaran siya ng mapusok na halik. "That's how I greet my wife in the morning,"
bulong nito sa kanya bago muling bumalik sa walk-in closet. Nang makapagsuot ito ng
brief ay saka siya bumangon sa kama at tumuloy sa banyo. Nagtagal siya roon ng
bente minuto bago lumabas nang naka-roba.
Nakabihis na si Brandon paglabas niya. Napakunot-noo ito nang makitang siya man ay
magbibihis din.
"San ang punta mo?" tanong nito.
"Sasama sa opisina mo. Ayaw mo ba?" kaswal niyang sagot.
Lumapit si Brandon sa kanya at yumakap. "Are you sure?"
"Nagbibihis na nga eh. Kung ayaw mo sa Albano Corp. na lang ako papasok."
"Subukan mo lang. Isasako kita pasakay sa kotse ko para madala sa distilerya,"
nakangiti nitong wika. "Igagawa kita ng kape, hihintayin kita sa komedor."
Sumunod naman siya kay Brandon matapos ang sampung minuto. Naroon pa rin si Tristan
na kasalo ni Lala sa almusal. Ginawan siya ng kape ni Brandon bago sinadukan ng
kanin at ulam.
"Papunta ako sa agency ngayon," wika ni Lala kay Tristan nang nakangiti. "Kailangan
ko nang magtrabaho, nami-miss ko rin ang paminsan-minsang stress."
"Ma, kaya na ni Tristan 'yun. Kung may problema pwede naman niyang itawag sa 'kin,"
pigil ni Brandon sa ina.
"Your hands are full, Brandon. Ipaubaya mo na sa amin ni Tristan ang agency. Marami
kang problema sa kumpanya ng Papa mo na mas dapat mong pagtuuanan ng pansin."
"Galing ako opisina ni Kuya kahapon," mahina niyang sabat dahil nag-aalangan siya
sa magiging reaksyon ni Brandon. "Pwede kayong dumaan dun ngayon para mag-send ng
proposal o mag-discuss muna kayo kung ano ang requirement nila for ads."
Tinitigan siya ni Brandon na hindi niya nagawang salubungin. Walang gustong
magsalita. Ang ina nitong si Lala ang bumasag sa katahimikan.
"Thank you, Zanya, malaking bagay kapag nakapasok kami sa Albano Air at Albano
Hotel."
"Sabi ko na, hulog ka ng langit eh," nakangiting wika naman ni Tristan. "Thank you
for this opportunity."
"Walang anuman. May mga kasosyo din sina Dad, puwede niya kayong i-recommend."
"That's too much, iha," nahihiyang wika pa ni Lala. "Maraming salamat. Sa Albano pa
lang ay malaking tulong na sa agency."
"Wala pong anuman, 'M-ma," nakangiti niyang sagot. "Itatawag ko lang kay Kuya kung
anong oras kayo dadaan sa opisina niya."
Hanggang matapos ang almusal ay hindi umiimik si Brandon. Nang umakyat sila sa
silid para kuhanin ang gamit ay na-corner siya nito sa pinto.
"Why didn't you tell me last night about this meeting with your brother?" tanong
nito na bagama't hindi masuyo ay hindi rin galit.
"I... forgot... Hindi naman problema 'yun di ba? Naisip ko lang kasi... malaking
tulong 'yun sa agency niyo..." alinlangan niyang sagot. Napahilamos si Brandon sa
mukha bago umayos ng tayo at isinampay ang mga braso sa baywang.
"Why should I do without you?" Tila nahihirapan ito sa sinabi. "Pati ang agency ay
isinasalba mo sa pagkalugi. Baka hindi ko na mabayaran ang utang na loob ko sa
pamilya mo."
"You're talking non-sense, Brandon. Recommendation lang ang ginawa ko. Matagal nang
magkaibigan ang Daddy at ang Papa mo, hindi ko alam kung bakit hindi man lang kayo
nakapasok sa Albano Corp.
"Magkahiwalay kami ng bahay dahil may ibang pamilya ang tatay ko. Matagal kong
hindi kinausap ang Papa," salaysay nito. "Kung hindi naman nagkasakit si Mama ay
hindi malulubog sa utang ang Solace Advertising."
"Ikaw ang dating may hawak ng agency. Did you try to submit proposal for Abano
Airlines?" tanong niya.
"No," mabilis nitong sagot habang seryoso pa rin ang mukha. "Alam niyo bang
nakakadagdag sa kaduwagan naming maliliit na negosyante ang apelyido niyo? Albano
Corporation is an empire, my wife. Sino kami para pansinin?"
"C'mon, Brandon, marami namang small enterprises na kasosyo sina Dad. We value
hardwork of other people, maliit man o malaking negosyante. Hayaan mo na makatulong
kami para manumbalik muli ang sigla sa Mama mo. Tristan was excited about it too.
This is his chance to prove that he can manage the company without your help."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko."
"Hindi ako magaling sa gawain sa opisina, sa ganitong paraan lang ako makakatulong.
At least I see my worth.
Mabilis na lumapit muli si Brandon sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "You are
worthy to me more than you ever know. You don't have to do anything. Kahit magpa-
cute ka lang sa opisina maghapon hindi ako magrerekamo."
"Dito na lang kaya ako sa bahay?" biro niya na tumingala kay Brandon.
"Sige, hindi na rin ako aalis. Maghapon magdamag tayo dito hanggang sa hindi na
tayo makalakad," bulong naman nito sa tainga niya bago siya ginawarang ng isang
mapusok na halik.
"Tara na, late na tayo sa opisina," bigla niyang bawi na ikinahalakhak ni Brandon.
Pagdating nila sa opisina ay dumagsa ang ilang problema ng distilerya na agad
hinarap ni Brandon. Alam ni Zanya na kahit ito ay nangangapa pa rin sa trabaho.
Isinama naman siya nito sa lahat ng meetings sa conference room pati ang pag-iikot
nito sa pabrika ng alak. Matiyaga itong nakikinig sa mga hinaing ng mga trabahador
at tinatanggap nito ang lahat ng suhestiyon na makakatulong sa kumpanya.
Sa hapon ay tumawag ang guard kay Brandon at sinabing nasa labas ang kapatid nito
na si Alexis at nagwawala.
"Nakausap mo na ba ang abogado na kaibigan ni Dad?" tanong niya nang maalala ang
pinag-usapan nila ng Daddy niya kahapon.
"Yes. Naghain na kami ng pormal na reklamo laban sa kapatid ko sa ama. He will
never enter this factory again. Pero nakiusap si Papa na bigyan ko pa rin siya ng
shares sa kumpanya kapag nakabawi na ito sa pagkalugi."
"Marahil ay naiipit ang Papa mo sa inyong dalawa. Have you tried to talk to your
brother?"
"Matigas ang ulo ni Alexis," malungkot nitong sagot. "Sa ngayon ay nasa kumpanya
siya ng mga kalaban at natatakot ako na makuha niya ang ibang customers ng
distilerya. May nakapagsabi sa akin na isa-isa niya nang pinupuntahan ang malalaki
nating kliyente para lumipat sa kabilang kumpanya."
"But he is your brother. How can he do this to the company and to your father?"
"Gusto niyang tuluyang malugi ang kumpanya para maipagbili na lang ito at
paghahatian naming magkakapatid ang pera. But no. Hindi ko hahayaan na mawalan ng
trabaho ang mga taong umaasa sa distilerya."
"Mas maganda pa rin na maayos niyo rin ang relasyon niyong magkapatid."
"We were not in good terms. Maliliit pa kami ay nakikipagkompetensiya na siya sa
amin ni Tristan. Hindi niya matanggap na sa kabila ng sa kanila umuuwi si Papa, sa
amin lang ni Tristan nakapangalan ang distilerya."
"Bakit nga ba? No offense meant, but as a son, may karapatan naman din talaga sila
sa mga pag-aari ng Papa mo."
"This company was owned by my grandfather. Nang mabuntis ng Papa ang Mama ni
Alexis, hindi pumayag ang Lolo ko na tuluyang maghiwalay ang mga magulang namin
kaya napilitang talikuran ni Papa sina Alexis. Nagtanim noon ng sama ng loob si
Alexis. When my grandfather died, Alexis' mom tried to seduce my father again until
she got pregnant with their second child. Doon na pinalayas ni Mama si Papa. Sa
loob ng ilang taon ay nakasama nila ang ama namin at nahpakasasa sa pera ng
kumpanya. Pero hindi doon natapos ang inggit ni Alexis sa amin.
Ramdam niya ang bigat na pasan ni Brandon sa mga balikat nito. Mahirap kalaban ang
isang taong maraming galit na dala sa dibdib.
"Stay here," pagkuwa'y wika nito. "Kakausapin ko lang si Alexis sa labas."
"Gusto kong sumama," pagpipilit niya.
"He is dangerous, Zanya. Hindi ko gustong madamay ka sa gulo ng pamilya namin."
-----
Si Brandon ay tuloy tuloy na nagtungo sa labas ng gate para kausapin si Alexis.
Hindi ito papapasukin ng guard pero hindi niya gustong gumawa ito ng gulo sa harap
ng ditilerya kung saan madami ang dumadaan.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Pilit niyang magpakahinahon habang kinakausap ang
kapatid sa ama. Hindi siya mananalo kung padadaig siya sa init ng ulo.
"Balita ko'y nag-asawa ka na pala at ang babaeng 'yun ang sumagip sa kumpanya. Alam
ba ni Monique na may pumalit na sa pwesto niya?"
"Wala kang pakialam sa amin, Alexis. Umalis ka na rito bago pa ako magpatawag ng
pulis," mahinahon niyang wika.
"Ang yabang mo naman, Brandon! Sinabi ng Papa na may makukuha ako kapag naibenta
ang kumpanya. Kung bakit ka tutol para ibenta 'yan God knows why! Gustong-gusto mo
talaga ang magpabida kay Papa para ikaw ang piliin!"
"Pag-aari ng Lolo ang kumpanyang ito, Alexis! Isasalba at isasalba ko ito hangga't
kaya ko! Si Papa ang lumapit sa akin dahil hindi mo nagawa nang maayos ang trabaho
mo!"
"At ikaw na naman ang magaling!" pasigaw pang wika naman ni Alexis. "Mula pagkabata
ikaw na lang ang laging bukambibig ng lahat! Na kahit sa amin nakatira ang Papa,
ikaw pa rin ang lagi niyang ipinagmamalaki! Kami ng mga kapatid ko lagi na lang sa
likod mo at maghihintay sa mga bagay na hindi mo magustuhan!"
"This is not just about us, Alexis! Marami ang mawawalan ng trabaho kapag isinara
ang kumpanya!"
Napalingon siya nang mahagip ng mata ang babaeng lumapit sa tabi ng guard sa labas
ng gate. Nanlaki din ang mata ni Alexis nang makita si Zanya na nakatayo roon.
Gusto niyang magmura sa pagsuway ni Zanya na manatili na lang ito sa opisina.
"Wow! Ito ba ang napangasawa mo? No wonder itinapon niyo lang si Monique na parang
basura!"
"Umalis ka na, Alexis, wala pang ibibigay ang kumpanya sa 'yo dahil kasalukuyan pa
naming inaayos ang gulong ginawa mo!"
"Kaya ka ba nagpakasal ka sa ibang babae kahit si Monique ang girlfriend mo? Alam
ba ng babaeng ito na kaya mo siya pinakasalan ay para maangkin niyo lang ang pera
niya? Alam ko kung gaano mo kamahal si Monique, Brandon! You even asked her to
marry you!" hindi nito paawat na wika. Tumaas ang lahat ng dugo niya sa ulo pero
nagpipigil na huwag itong suntukin.
"Stop it, Alexis!" Sinenyasan niya ang guard para tumawag na ito ng pulis. Pero
lalong nanggalaiti ang kapatid sa ama nang akma siyang tatalikod para pumasok na
gate. Hawak niya ang kamay ni Zanya nang muli itong nagsalita.
"Do you have any idea why Monique was still missing at this moment?" wika ni Alexis
na nagpalingon sa kanya.
"Nasa Paris siya para sa isang fashion show. Huwag mong pakialaman ang mga buhay
namin."
"Ilang araw nang tapos ang fashion show na dinaluhan niya, Brandon, alam mo yan.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik hindi ba?" sarkastiko nitong
wika.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kinausap siya ng Papa na huwag munang bumalik sa Pilipinas. Alam ni Monique ang
pagpapakasal niyong ito pero nagparaya siya dahil mahal ka niya! She was crying
when she called me and confessed her undying love for you! Kaya siya tumanggi sa
proposal mo ay dahil kinausap siya ng Papa na hindi si Monique ang gusto niya para
sa 'yo! But she loves you so much, Brandon! Kaya niyang magpakamartir at magparaya
para sa sa ambisyon niyong mag-ama na makapag-asawa ka ng mayaman!"
Nawalan ng kontrol sa sarili si Brandon at mabilis na sinugod si Alexis para sa
isang malakas na suntok. Nagulat ang kapatid at agad namang umawat ang dalawang
guard na pumagitna. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Alexis na lalong
nagpapagalit sa kanya. Hawak pa nito ang panga nang magsalita.
"Dinagdagan mo lang ang kaso na inihain ko sa piskal, Brandon. Hindi ako titigil
hangga't hindi ko nailalabas ang baho mo! Hindi pa tayo tapos!"
Bago pa makasakay sa kotse si Alexis ay nagahip na ni Brandon nang tingin ang pag-
alis ni Zanya sa kinatatayuan nito. Napamura siya nang lakas-takbo ang ginawa nito
huwag lang niyang abutan. Sa loob ng opisina niya ay tumayo ito sa may bintana puno
ang lungkot sa mga mata nito. Lumapit siya sa asawa pero mabilis itong lumayo para
umiwas sa kanya. Umupo ito sa swivel chair na tila nahahapo.
"I need some fresh air..." mahina nitong wika. Hindi niya alam kung saan sisimulan
ang pagpapaliwanag.
"Ang sabi ko'y dito ka lang hindi ba?" pagalit niyang wika.
"Para hindi ko marinig ang katotohanan?" may pait naman na wika nito.
"Hindi natin alam kung nagsasabi siya ng totoo. I have to talk to my father first
before I make my own conclusion, Zanya," matigas niyang sabi. Hindi niya inaalis
ang mga mata sa mukha nito kahit masakit sa kanya ang nakikitang lungkot sa mukha
ng asawa.
"Pero naroon pa rin ang katotohanan na may girlfriend kang tinalikuran para lang
magpakasal sa akin!" naiiyak nitong wika. Gusto niyang lapitan ito at yakapin pero
alam niyang papalag lang ito.
"Hihingi ako ng tawad kay Monique. Alam na natin ang katotohanang 'yan bago tayo
nagpakasal. Bakit natin kailangang mamagitan sa atin 'yan ngayon?" mahinahon niyang
sabi.
"Because I don't want anyone suffer and get hurt." Tuluyan nang pumatak ang luha
nito sa mata. "S-siya ang mahal mo, Brandon... S-siya ang dapat na nasa lugar ko
ngayon kung hindi ka lang naipit sa pangangailangan..."
Mapait siyang umiling at itinukod ang mga braso sa mesa at inilapit ang mukha sa
asawa.
"Ang alam ko ikaw ang pinakasalan ko..." pabulong pero madiin niyang wika. "And
from that day that I have met you up to this moment, I have never regretted any of
my decision to marry you and to be my wife..."
"Of course," sarkastiko pa rin nitong sagot sa mga sinabi niya. "Money speaks
power, Brandon. 'Yan ang dahilan para talikuran mo ang taong mahal mo. Enough of
this agreement. Aalis na ako sa bahay mo ngayong gabi tutal nakuha mo naman na ang
perang kailangan mo. You don't need me anymore."
Tumayo ito at kinuha ang mga gamit sa mesa habang lalong nagsisikip ang dibdib
niya.

xxpbkxx

Chapter 24
Humarang si Brandon sa pinto nang magtangkang lumabas si Zanya.
"I need you so I can breathe," mabilis nitong wika na nagpatigil sa kanya sa harap
ng asawa. Ang kaisipang may mahal itong iba ay nagpapasikip sa dibdib niya. At
kung kaya ni Monique na magparaya ay ganoon din siya. Masakit isipin na kaya siya
ang pinili ni Brandon ngayon ay dahil sa pera ng pamilya nila.
"Let me leave, Brandon."
"Iiwan mo na 'ko?" tila nagsusumamo naman nitong wika. "How can you be so sure na
kapag umalis ka ay magiging masaya ako kay Monique?"
"She was your... g-girlfriend..." alanganin niyang sagot. Hindi niya gusto ang mga
ganitong diskusyon. Gusto niyang umalis hangga't kaya pa niyang isalba ang pride
niya. Lagi na lang siyang mahina sa mga ganitong laban.
"While you are my wife!" pagalit namang wika ni Brandon. "Hindi ba dapat na mas
matatag 'yun at mas ipinaglalaban?"
"Ang ipinaglalaban ay ang taong mahal mo, Brandon!"
"And I love you!" pasigaw nitong wika. "Hindi ko ba naiparamdam sa 'yo 'yun sa
nakalipas na mga araw?"
"Huwag mo 'kong linlangin," sarkastiko niyang sabi. "Nasa 'yo na ang pera ko,
hindi mo na kailangang magpanggap."
"Huwag kang maging bingi sa sinabi ko, Zanya, at huwag ka ring maging manhid para
ikaila na hindi mo naramdaman ang ipinaramdam kong pagmamahal sa 'yo."
Napalunok nang pilit si Zanya sa mga sinabi ni Brandon. Hindi niya alam kung
nagsasabi ito ng totoo. Sandali pa lang silang magkasama para paniwalaan niyang
mahal nga siya nito. Monique and Brandon had been together for years, ano ang
laban niya doon?
"I don't know," kibit-balikat niyang wika. "I don't entertain such kind of
emotion, Brandon. Kung hindi lang ako inipit ni Dad na puputulin ang lahat ng
karangyaan ko ay hindi ako mapipilitang sumama sa 'yo."
"Then don't leave," matigas nitong wika saka siya iginiya pabalik sa upuan niya
gamit ang kamay nitong tila bakal na nakahawak sa siko niya. "Hindi ka aalis dahil
asawa kita at kailangan kita! Naiintindihan mo?"
"Ano ang gagawin ko dito? Panoorin ka kung paano ako paikutin? Kung paano mo ako
pasunurin sa mga gusto mo?"
"Yes, my wife!" madiin nitong sagot. "Panoorin mo ako kung paano kita pagsilbihan,
mahalin at ipaglaban! I will make sure you will fall in love with me!"
"Hindi ako tanga--"
"Enough!" Lumayo ito at nagtungo sa mesa nito at may tinawagan. "I need your
driver to pick up my wife's car out of my house. Hindi ko gustong datnan ang
laruang 'yun pag-uwi namin ng asawa ko."
Naningkit ang mga mata niya sa utos ni Brandon sa sinumang kausap.
"My car is not a toy, damn you! Give my money back and I'll leave your house right
away!"
"I'll be damned if I will let you go, my wife. Tinunaw ko nang lahat ng grounds
para sa annulment na binabalak mo kaya huwag ka nang magtangka."
"You have a girlfriend and a wife," sarkastiko niyang wika. "How lucky can you
get."
"Lucky? I have two nearly bankrupt companies and parents who were both battling
with cancer. You better think twice if you still consider me lucky. Ikaw ang
masuwerte, alam mo ba 'yun?"
"Dahil ipinamigay ako ng tatay ko sa 'yo? Oh yes, I was so lucky." Isang mapait
na ngiti ang pinakawalan niya. Umiling naman si Brandon at lumapit pa sa kanya.
"Dahil wala kayong gulo sa pamilya. Pinoprotektahan niyo ang bawat isa sa sinumang
gustong saktan isa man sa inyo. Your father tried to control your life because he
wants to make sure you're safe. He chosed me because he knew that I can take care
of you." Itinaas ni Brandon ang mukha niya at inilapit ang mukha nito.
"He chose you because you were desperate with money, Brandon! Don't sugar coat it
by telling me that you love me!" pagdidiin pa niya saka inilayo ang mukha.
"Yes, I was desperate," pagsang-ayon nito. "Desperado ako sa pera kaya ako kumapit
sa ama mo. At ngayon, desperado ako sa pagmamahal mo kaya kakapit ako sa kasal na
sinumpaan nating pareho. Naiintindihan mo?"
Hindi siya sumagot bagama't may galak sa dibdib niya. Hindi niya maiwasan ang
mapaluha. It was too soon to believe that Brandon really loves her. Does she love
him? Sapat na ba ang damdaming mayroon siya kay Brandon para manatili siya sa
piling nito?
"Kilala na kita, Zanya," patuloy na wika ni Brandon pagkatapos ng pananahimik niya.
"Tumatakas ka sa problema. Hindi mo rin gustong harapin ang tunay mong damdamin.
You don't have to say anything for now. Panoorin mo kung pa'no kita paibigin,
mahal ko." Kumindat ito bago tumalikod na ginantihan niya ng isang irap.
"Damn you!" galit niyang usal pero mahina. Umabot naman iyon sa pandinig ni
Brandon kaya't tinungo nitong muli ang kinaroroonan niya at inikot ang swivel chair
paharap dito.
"Ano'ng sinabi mo?" Muli siyang niyuko nito na nagpakaba sa kanya. "Say it again."
"Can I just leave?" nagsusumamo niyang wika. "Hindi na ako magsasalita, wala ka ng
maririnig sa 'kin. Please...?"
"Matapang ka hindi ba? Say it again."
"Damn ---"
Naputol na ng halik nito anumang sasabihin niya. Ang isang kamay nito ay humawak sa
batok niya at minasahe iyon. His lips were brushing hers, until she felt the force
-- almost crushing hers. Itinayo siya nito mula sa pagkakaupo at ipinaikot ang mga
braso niya sa katawan nito. Tila ayaw nitong tapusin ang halik. Nakayakap din ito
sa kanya na tila ayaw nitong ilayo ang katawan. Isang tunog sa intercom ang
nagpagising sa diwa niya kaya mabilis niyang inilayo ang katawan. Mabilis namang
sinagot iyon ni Brandon bagama't hindi inilalayo ang tingin sa kanya.
"As much as I want to make love to you, our employees are in the conference room
waiting for us."
"H-hindi ako sasama."
"Nasubukan mo na bang mabuhat mula sa opisina hanggang sa conference room?"
paghahamon nito ng may pilyong ngiti sa labi. Isinuklay niya ang mga daliri sa
buhok dahil sa inis.
"Hindi natin kailangang magkasama bente kwatro oras, Brandon. Kung gusto mong
tumulong ako dito, gagawa ako ng ibang trabaho."
"Hindi ba ang trabaho mo lang ay magpa-cute sa akin maghapon dito sa opisina?"
tudyo nito.
"Huwag kang magpatawa. Ano'ng pag-uusapan natin kasama ang mga empleyado?"
"We are leaving for France next week para sa requirement ng Albano Hotels ng
imported wines --"
"France?" gulat niyang tanong. "Sino ang maysabi na sasama ako?"
"I just did," mahinanon nitong wika. "Kanina ka pa yata nabibingi, mahal ko,
matapos kong magpahayag ng pag-ibig. Nakakabingi ba ang ma-inlove?"
"You're assuming I am in love with you!" pairap niyang wika. Sa halip na mainis si
Brandon ay lalo itong natawa.
"Keep on denying. But anyway, gusto kong mas masasarap na alak at mas may kalidad
ang isu-supply natin kumpara sa isinu-supply ngayon ng ibang supplier niyo. Dahil
madadagdagan ang inventory natin, gusto kong mainhanda nila ang espasyo sa
warehouse. Magkakaroon din ng reshuffle of employees kaya't kasama natin sa meeting
ang HR manager."
Wala siyang nagawa nang ipagsalikop ni Brandon ang mga kamay nila at iginiya siya
papunta sa conference room. Naroon muli ang dalawa pang kapatid sa ama ni Brandon:
si Aiden na siyang may hawak sa Production Department mula sa fermentation hanggang
bottling, at si Jameson na may hawak naman sa HR.
"Hindi ba masyadong mataas ang pangarap natin na mag-import ng imported wines
ngayon na naghihirap ang kumpanya?" tanong ni Aiden. "I mean, I have nothing
against it. Pero sapat ba ang pera ni Zanya Albano para sa binabalak mong pag-
iimport to think na lubog sa utang sa banko ang kumpanya?"
"Leave it to me, Aiden," mabilis namang agap ni Brandon. "Masyado nang napag-iwanan
ang Montealegre Distillery sa mga kasabayan nating distilerya. May mga imported
wines tayo pero hindi natin makuha ang malalaking kliyente. We need to offer the
best wines. Ang tatlong malalaking produksyon ng alak ay Italy, France at Spain. At
dahil may nakahanda na'ng ticket sa amin papuntang France, lilipad kami ng asawa ko
susunod na linggo para makausap ang isa rin sa malaking supplier ng alak -- ang
Agriberia."
"How sure are you na magiging matagumpay ang binabalak mong ito?" tila pagtutol pa
rin ng kapatid. "Ano ang mangyayari sa atin kapag lalong nalugi ang kumpanya at
maimbak dito ang mga alak na 'yan katulad noong una?"
"You have to trust me, kayong lahat," tila naman pakiusap niya sa mga tao roon.
Hinarap niya ang kapatid pagkatapos ng ilang sandali. "Palubog na ang kumpanya pero
hindi ko gustong isuko hanggang sa kaya ko pang gawan ng paraan. Bukod sa pera ko
ang nakasalalay dito, pati pangalan ko at ang legacy ng ninuno natin. Alam kong
hindi pabor sa inyo ang pagpalit ko sa Kuya Alexis niyo sa posisyong ito. Kung
hindi ito nagtagumpay, asahan niyong papayag na ako na ibenta ito. Pero sa ngayon,
inaasahan ko ang kooperasyon niyong lahat. Hindi natin kailangang isuko ang
kumpanya dahil lahat tayo ay umaasa dito."
"Maaasahan mo ang suporta namin," sagot ng isang empleyado. "Hindi namin gustong
mawalan ng trabaho dahil mahirap na ang mag-apply ngayon lalo at matatanda na
kami."
"Walang mawawalan ng trabaho," pagbibigay naman ng assurance ni Brandon sa isang
empleyado na tila ba sigurado ito. Bumaling ito sa kapatid pagkatapos.
"Malaki ang perang makukuha natin kapag naipagbili ito," wika niya. "Pero mabilis
ding matunaw ang perang 'yun kapag hindi nagamit nang tama. Maraming negosyante ang
nagtatayo ng bagong negosyo pero nabibigo rin. Nandito na tayo, Aiden, ang
kailangan na lang natin ay pagsikapan itong ibalik sa dati. Kaya nating ibangon ang
kumpanya, hindi ba?"
Isang tango ang ibinigay ni Aiden at nagpasalamat si Brandon sa kapatid bago
nagpatuloy ang palitan ng discussion. Naging maayos naman ang pag-uusap nila para
sa planong expansion ni Brandon at ang pag-iimport. Sa dami ng trabaho sa opisina
ay ginabi na sila ng uwi.
Hindi na nila napag-usapan ang pang-gugulo ni Alexis at ang tungkol kay Monique.
Nang dumating sila sa bahay ay wala na nga ang sasakyan niya sa garahe. Tumuloy
siya sa silid pagkatapos ng hapunan saka nagbabad sa bath tub. Pilit niyang
binalikan ang pag-uusap nila ni Brandon kanina bago sumalang sa meeting. Hindi
naniniwala si Brandon na wala siyang pagtingin sa asawa. At natatakot siyang
gamitin iyon ni Brandon para manipulahin siya katulad ng ginawa ng Daddy niya.
Paano ba niya itatanggi ang pag-ibig dito gayung basang-basa nito ang nasa puso
niya?
Paglabas niya ng banyo ay nasa balkonahe ulit si Brandon at may hawak na baso ng
alak. Kapag ganitong tila may malalim na suliranin ang asawa ay gusto niya itong
yakapin nang mahigpit. Lumapit siya kay Brandon sa kabila ng mga agam-agam sa
dibdib.
"Kung si Monique ang iniisip mo ay wala kang dapat alalahanin."
"Paano naman 'yung ikaw ang iniisip ko?" Humarap ito sa kanya habang seryoso pa rin
ang mukha. Paminsan-minsan ay dinadala nito ang baso sa labi para ubusin ang alak.
Iniwas niya ang tingin dahil hindi niya kayang tingnan ito sa mata.
"A-anong iniisip mo?"
"Marami akong takot, Zanya... Isa na doon ang takot na kapag nabigo akong isalba
ang kumpanya ay gagamitin mo 'yun para hiwalayan ako."
"Napag-usapan na natin kung hanggang saan lang tayo, Brandon..."
"Huwag mong ipagmalaki sa 'king 'yang six-month rule mo, Zanya." Lumapit ito sa
kanya at dahan-dahang tinaggal ang tali ng roba niya. Napalunok siya sa
antisipasyon lalo nang maamoy niya ang alak sa hininga nito na tumama sa pisngi
niya. "Sagutin mo ang tanong ko. Mahal bo ba ako o hindi?"
"B-brandon..."
"Mamaya mo na sambitin ang pangalan ko kapag nasa gitna na tayo ng laban. Sagutin
mo ang tanong ko..." Bumaba ang labi nito at humalik sa gilid ng pisngi niya. "Yes
or no lang, my wife..."
Hindi pa rin siya sumagot hanggang tuluyang angkinin ni Brandon ang mga labi niya.
Binuhat siya ni Brandon at inilapag sa kama bago nito hinubad ang t-shirt at slacks
nito.
"Should I take it as a yes?" may pilyo sa ngiti na wika nito nang yumuko sa kanya.
Sa halip na sumagot ay ikinawit niya ang mga braso sa leeg ni Brandon at sinalubong
ang mga labi nito. She initiated the kiss but Brandon responded with equal passion.
"Damn Albano pride..." wika nitong nakangiti bago nito inangking muli ang mga labi
niya at pinaglandas ang mga kamay.

Chapter 25
Galit na galit si Alexis sa kaisipang nakalamang na naman ang panganay na kapatid
sa kanya. Agad niyang tinungo ang mini bar sa bahay ng mga magulang saka kumuha ng
alak saka doon uminom ng tuloy-tuloy. Gumihit ang init sa lalamunan niya na lalong
nakadagdag sa init ng ulo niya. Kanina pa nasa balintataw niya ang mukha ni Zanya
na bumubuhay ng dugo niya.
"Naglalasing ka na naman, Alexis!" wika ni Leonardo nang mabungaran ang anak na may
hawak na bote ng alak. Umupo ito sa sofa at pabagsak na ipinatong ang mga paa sa
lamesita.
"Isa palang Albano ang sumagip sa kumpanya. Bakit hindi ako ang ipinakasal niyo sa
babaeng 'yun?" tanong niya sa ama dala ang panaghili sa dibdib. Zanya was one of
the prettiest faces he had ever known. Paminsan-minsan niya nang nakikita ang
mukha ng babae sa mga sports magazine dahil isa itong sikat na car racer.
"Ezekeil Albano will not choose you, Alexis. Alam mong ipapa imbestigahan ka nun
ultimo brand ng condom na gamit mo."
"Bakit? Sa tingin niyo ba santo 'yang panganay niyong anak? He gets sex with
random women at the club kahit may girlfriend na siya!"
"Ano na naman bang ipinuputok ng butse mo sa Kuya Brandon mo? Nag-usap na kami na
mabibigyan ka pa rin ng kita sa kumpanya oras na makabawi ito. Leave him alone,
Alexis!"
"Pero ako ang dapat na nasa posisyon niya! Kung ako man ang nagkamali kaya
bumabagsak ang kumpanya, dapat ako rin ang ipinakasal mo sa babaeng 'yun!"
Naiiling na lumakad patungo sa garahe ang ama at iniwan siyang nagrerebulosyon ang
dibdib. Kailangan niyang makabalik sa distilerya para masira ang pangalan ni
Brandon. Sa ngayon ay kailangan niya munang magpakumbaba at huwag pairalin ang
init ng ulo.
Kinapa niya ang telepono sa bulsa at tinawagan ang babaeng magagamit niya para
sirain ang pagsasama ni Brandon at Zanya Albano. Naka-tatlong ring sa kabilang
linya bago iyon sinagot ng tinawagan niya.
----
Nakatanaw si Monique sa kadiliman ng gabi dala ang maraming aalalahanin. Dito siya
ngayon sa condo niya sa Makati tumuloy pagkatapos ng pananatili niya sa Paris sa
loob ng halos isa at kalahating buwan. Noong nakaraan ay sa Singapore naman siya
galing. Sa loob ng isang taon, nasa apat o limang beses lang siyang lumapag sa
Pilipinas para magpahinga.
At ngayon ay napapagod na siya sa ganoong sistema. Ang buhay ng isang fashion
model ay makinang; nakakasilaw ang kislap ng kamera. Ito ang pinangarap niya noon
pa, dahilan para lumapit siya kung kani-kanino at kumapit sa patalim para lang
makapasok sa industriya. Marumi ang mundo na ginagalawan niya. May mga modelo na
ipinapagamit ang katawan makamit lang ang tagumpay na inaasam. At isa na siya
roon.
Galing siya sa probinsya ng Bukidnon na lumuwas sa Maynila para maghanap ng ibang
trabaho dahil hindi niya gusto ang magsaka ng tubo. Dahil likas na matangkad at
makinis din naman ang balat, may nag-alok sa kanya na pasukin ang pag-aartista.
Lingid sa kaalaman niya, ang lumapit na iyon ay ahente ng malaking club na nag-
aalok ng mga babae sa malalaking negosyante. A high-prized prostitute. Doon niya
nakilala si Alexis.
Nahumaling si Alexis sa kanya dahil ito ang unang nakakuha ng pagkababae niya at
ibinahay siya nito pagkatapos. Alam niyang malaki ang ibinayad nito sa ahente
maialis lang siya nito sa club. Ibinahay siya nito sa isang condo sa Quezon City
ngunit hindi siya nito pinakasalan na ikinasasama ng loob niya.
Until she fell in love with Brandon.
Ito ang may-ari ng advertising agency na kasosyo ng modeling agency na inaplayan
niya. Suportado siya ni Alexis sa pangarap niyang maging isang sikat na modelo.
Inilapit siya nito sa mga kakilala para makapasok sa industriya. Pero kung
inaakala niya na mahal siya nito kaya siya pinapayagan sa mga gusto niya, may ibang
babae na pala itong kinahuhumalingan. Gayunpaman, nanatili siya sa poder ni Alexis
hangga't kailangan niya ang koneksiyon nito hanggang tuluyan siyang makapasok sa
pagmomodelo.
Ipinakilala siya ni Alexis sa isang kakilala na nagre-recruit ng mga gustong
pasukin ang pagmomodelo. Marami siyang kasabayan na madalas ay sumusuko na sa
tagal nang pagpili para maisama sa mga fashion shows dito sa Pilipinas o sa ibang
bansa. Nang mainip ay tinanggap niya ang alok ng isa sa may-ari ng agency para
maisama siya agad sa sumisikat na mga modelo -- iyon ay ang ipagamit ang sarili.
It was a one-night stand. Dalawang araw lang ay pumirma siya kaagad ng kontrata.
Bago siya sumabak sa iba't ibang workshops, ginawa pa siyang modelo ng bagong brand
ng damit na lalo niyang ikinatuwa. Doon niya nakilala si Brandon at napalapit
dito. Wala siyang alam na ito at si Alexis ay magkapatid sa ama. Nang magtuloy-
tuloy ang pagsikat niya, tuluyan siyang kumalas kay Alexis. Naging constant date
naman niya noon si Brandon hanggang sa sagutin niya ito bago ang unang show niya sa
Singapore.
Brandon was a busy man. Lagi nitong inaalala ang kapatid at ina na may sakit.
Hinahayaan siya nito kung saan-saang bansa siya pumunta. Madalas ay wala silang
oras para sa isa't isa. Kapag nasa Pilipinas siya ay dumadalaw lang ito sa condo
pero hindi ito natutulog doon. He always worries about his mother. Naiintindihan
naman niya dahil may sakit ang ina nito. Pero madalas ay gusto niya rin ang may
kasama sa magdamag, ang may makausap sa hatinggabi. Mahirap ang buhay niyang mag-
isa lang sa lahat ng oras. Brandon failed to give her security and care she needs.
Hanggang sa bumalik sa piling niya si Alexis.
Doon niya nalaman ang relasyon ng dalawang magkapatid. Alexis found out that she
was dating his brother. Bumalik ito sa kanya hindi dahil mahal siya nito kung
hindi para pasakitan ang kapatid. Alam nitong mahal siya ni Brandon at masasaktan
ito kapag nalaman na inahas ni Alexis ang nobya nito. Huli na ang lahat para sa
kanya dahil naipagkaloob niya nang muli ang sarili ng paulit-ulit bago niya nalaman
ang totoo. Gusto man niyang umatras sa mga plano ni Alexis, unti-unti na rin
siyang nalulubog sa kumunoy. Alexis gave her time and attention that Brandon fails
to give. Laging nasa tabi niya si Alexis; giving her ecstacy and pleasure in the
night when she felt vulnerable. Wala na siyang pakialam kung hindi siya nito
mahal. Aanhin niya ang pagmamahal ni Brandon kung wala naman itong oras sa kanya?
Nakadagdag pa sa problema ng nobyo ang problemang pinansyal ng hawak nitong agency.
Habang dumadalang ang oras nila ni Brandon sa isa't isa, si Alexis ay pinuno siya
ng mga mamahaling regalo para lang makipagkumpetensya sa kapatid sa ama.
After two years of being together, Brandon proposed to her. Pagkatapos iyon ng
stem-cell procedure ng ina nito. Hindi niya sinasadya na tanggihan ang alok ng
nobyo. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya sa kamay ng ibang lalaki, masuwerte
siya dahil may isang Brandon na walang pakialam sa nakaraan niya. Pero tinanggihan
niya ang alok nito. Hindi sapat ang pagmamahal niya sa nobyo dahil nahahati siya
sa atensyong ibinibigay ni Alexis.
Isang araw bago siya umalis patungong Paris ay tinawagan siya ng hindi niya
kilalang lalaki. Nagpakilala itong ama ni Brandon kaya napilitan siyang
makipagkita dito. Kinausap siya nito na layuan ang nobyo dahil ipakakasal niya ito
sa iba. Pumayag siya para makawala na rin sa relasyon niya kay Brandon. He was a
good man. He doesn't deserve a second-hand wife. Kapag napangasawa niya si
Brandon, hahanap-hanapin pa rin ng katawan niya ang ligayang idinudulot ni Alexis.
Though Brandon was good in bed, he was also gentle. While Alexis ay wild, savage
and a masochist.
Ang alam niya ay kasal na si Brandon ngayon ayon na rin kay Alexis. Malungkot siya
sa pagkawala ng isang tunay na pag-ibig. Pero masaya siya para kay Brandon at
hangad niya ang kaligayahan nito. Kung mayroon man siyang pagsisisi, iyon ay ang
pagkawala niya ng pagkakataon na makahanap muli ng isang tulad ni Brandon.
Isang katok ang narinig niya na pumutol sa pagtanaw niya sa mga alaala. Inubos
niya ang laman ng kopita bago binuksan ang pinto ng condo. Mabilis na pumasok si
Alexis at inihagis ang jacket sa sofa at nagtanggal ng sapatos.
"Lasing ka ba?" tanong niya nang maamoy ang alak sa hininga nito.
"I had few shots," sagot nito bago ibinagsak ang katawan sa sofa. Tinitigan niya
ang lalaking pumupukaw sa kalamnan niya.
Brandon was more attractive and appealing kung ang tipo mo ay lalaking laging
nakasuot ng coat and tie. Mas seryoso rin ito sa buhay kaya't laging dala ang
seryosong mukha. Bihira itong ngumiti, pero malalaglag ang puso mo kapag sumilay
ang ngiting iyon sa labi. Habang si Alexis ay maingay, mahilig sa party, bolero sa
mga babae at mahilig sa experiment. Buhay ang dugo niya kapag kasama ito. Sa
klase ng buhay niya na malungkot at laging nag-iisa, si Alexis ang nagbibigay sa
kanya ng kulay at nagpapawala sa pagkabagot niya. They were a match. Kahit sa
kama ay nagagawa niya ang lahat ng gusto niya nang walang inhibisyon. She can
become wild, fierce and experimental too.
"Iniisip mo na naman ang syota mo," konklusyon ni Alexis na sinimulang halikan siya
sa balikat. "Gantihan natin gusto mo?"
Hinarap niya si Alexis na mabilis namang sinunggaban ang labi niya habang hawak
nito ang buhok niya sa likod. Nasasaktan siya pero ganito ang hinahanap niya kapag
kasama niya si Brandon. Mahal niya ang dating nobyo pero ipinagkakanulo siyang
palagi ng katawan. Dinala siya ni Alexis sa kama at marahas na hinablot ang tank
top niya dahilan para masira iyon. Buong pagnanasa siyang tinitigan ni Alexis saka
sumampa sa kama habang hinuhubad nito ang sariling damit. Napapikit siya nang
simulan siyang hagkan ng binata sa paa paakyat sa hita niya. Nang tangka niyang
hawakan ang ulo ni Alexis ay itinaas nito ang dalawa niyang kamay at pinahawak sa
frame ng kama niya habang sinisimulan nito ang paggalugad sa pagkababae niya. Nang
magsawa sa ginagawa ay tinungo nito ang cabinet at kinuha ang mga sex toys na gamit
nilang dalawa kapag nagtatalik. Ganoon sila ka-wild ni Alexis mula nang una pa
siya nitong angkinin. Nasanay siya sa ganoon kahit pa nasasaktan, hanggang sa
hanapin na ng kanyang katawan. Brandon was far from performing weird sex. Lagi
itong may pag-iingat na huwag masaktan ang katalik. Ngayon ay iba na ang kasama
nito sa kama at natutunan niya nang tanggapin na kasal na ang lalaking minamahal
dahil hindi siya karapat-dapat sa pag-ibig nito.
Matapos ang halos isang oras na pakikipagpaligsahan kay Alexis sa kama ay pagal
siyang dumapa habol ang hininga. She was satisfied. Pero may puwang sa puso niya
na iniwan ni Brandon. Her ex-boyfriend loves cuddling and hugging every after sex,
kahit pa aalis ito bago maghating-gabi. Iyon ang wala kay Alexis. Ang ipadama sa
kanya na ang pagtatalik ay dala ng pag-ibig, hindi lamang tawag ng laman.
Bumangon siya nang makabawi ng lakas. Tumayo siya sa pinto ng silid na palabas sa
balkonahe at nagsindi ng sigarilyo. Her thoughts are filled with Brandon and how
is he doing with his wife. Masaya kaya ito? Napalitan na ba ng iba ang puwang sa
puso nito na dati ay kanya?
Tiyak niyang hindi. She was sure Brandon loves her. Matapos niyang tanggihan ang
proposal nito ay nakiusap pa rin ang dating nobyo na huwag silang maghiwalay. Na
maghihintay ito na matapos niya ang kontrata niya at magsawa sa pag-abot niya sa
mga pangarap. Nagkausap pa sila bago ang pagsalang niya sa catwalk linggo na ang
lumipas. Kung tutuusin ay may karapatan pa rin siya. Hindi naman tinapos ni
Brandon ang relasyon nila sa kabila ng pagpapakasal nito.
Kanina ay nabanggit ni Alexis ang paghihiganti kay Brandon. Wala siyang galit sa
boyfriend dahil siya ang tumanggi ng kasal. At kung isang arranged marriage lang
naman ang pagpapakasal nito, tiyak niyang hindi pa rin tatapusin ni Brandon ang
relasyon nila tulad nang dati. Sa kanya pa rin ang puso nito. Hindi maaagaw ng
iba ang puwang niya sa puso ni Brandon.

xxpbkxx

Chapter 26
Mahimbing pa ang tulog ni Zanya nang bumangon si Brandon kinaumagahan. Niyuko niya
ito sa kama at tinitigan. He will never allow anyone ruin their marriage.
Kakausapin niya si Monique at tatapusin ang relasyon dito na matagal na niyang
dapat ginawa.
He received a message from Monique last night. Nasa Pilipinas na ito at nasa condo
na nito sa Makati. Kung hindi dumating sa buhay niya si Zanya, naroon siya ngayon
nang maaga para makasama ang girlfriend pagkatapos ng mahabang panahong wala ito sa
Pilipinas.
But he can't leave now. Kapag nalaman ni Zanya na kay Monique siya pupunta ay
tatakbo lang itong palayo sa kanya gamit ang sports car nito. Hindi niya papayagan
'yun.
Kumilos si Zanya mula sa pagkakahiga at namulatan siya nitong nakatunghay dito. He
smiled sweetly and kissed her passionately.
"Good morning, my wife..."
"What time is it?"
"Time to take a shower with me," pilyo niyang wika. Umirap naman si Zanya at
ibinato ang malambot na unan sa mukha niya na agad naman niyang nailagan.
"Hindi ka na nagsawa." Dumapa itong muli para talikuran siya.
"Hindi ako magsasawa sa 'yo," pagdidiin naman niya. "Pero sige, ligtas ka ngayon
dahil maaga ang meeting natin sa isang supermarket ngayon. Hihintayin kita sa
ibaba."
Bumangon na si Zanya paglabas niya sa silid. Naabutan naman niya ang ina na
katatapos lang magluto. Matamis ang ngiti nito nang bumati sa kanya.
"Good morning, 'Ma, para kang nanalo sa lotto," pansin niya dito.
"May meeting kami ulit ni Tristan kay Jayzee ngayon para i-finalize ang proposal sa
ads ng Albano Air. Ila-lunch ang mga bagong flights at sa atin na ipapaubaya ang
lahat ng 'yun. Can you imagine that? Magandang imahe sa agency na nakuha natin
ang isa sa malalaking kumpanya sa Pilipinas. Sigurado akong makakakuha rin tayo ng
mas marami pang malalaking kumpanya sa mga susunod na araw."
"And I thought that they were elitists and hard to deal with," naiiling niyang
wika. "Are you sure kaya mo nang magtrabaho ulit sa agency?"
"I am fine. I am excited to work again after a long time. At gusto kong personal
na maasikaso ang account ng Albano Air. Ayokong mapahiya tayo sa kanila."
"Sure, 'Ma. Where's Tristan?"
"Nasa kaibigan niya kagabi. Baka sa condo na umuwi. Ang asawa mo, hindi ba
papasok sa opisina?"
"Baka naliligo pa, 'Ma. Aakyatin ko lang sandali."
Pumasok sa bahay ang isang katulong at lumapit sa kanya na nagpatigil sa kanya sa
gitna ng living room habang pabalik siya sa silid. Kasunod ay ang pagtanaw niya sa
kotseng nasa labas ng gate na hindi pa pinapasok ng katulong. He cursed at
himself.
"Nasa labas po si Ma'am Monique, nagpipilit pong pumasok."
"No," mabilis niyang sagot sa katulong. "Sabihin mong hintayin lang niya ako sa
labas."
Tumango naman agad ang katulong at muling tinungo ang kinaroroonan ni Monique.
Siya'y halos takbuhin ang silid para kausapin si Zanya. Pagpasok niya ay nakabihis
na ito.
"Can I ask you a favor?"
Napalingon si Zanya sa kanya habang naglalagay ito ng manipis na makeup.
"Sure. What is it?"
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bago binigkas ang gustong sabihin. Abot-abot
din ang kaba niya sa magiging reaksyon ng asawa.
"Monique is outside..."
Napatigil si Zanya sa ginagawa at sumandal sa may tokador. Kung ano ang nasa isip
nito ay hindi niya alam.
"Anong pabor ang gusto mo?" tila sarkastiko nitong wika. "Puntahan ko at bumeso?
Sasabihin kong 'hey, your boyfriend married me because I have millions and you
don't'?"
Isang sarkastikong ngiti rin ang pinakawalan niya at lumapit sa asawa. Ikinulong
niya ito sa bisig kahit nagpipilit itong pumalag.
"Dahil naging madalian lang ang pagpapakasal natin, nawalan na ako ng pagkakataon
na makipagkalas sa kanya. I want to end our relationship in a proper way.
Kakausapin ko lang siya sa labas. It won't take long."
"Bakit hindi mo papasukin at nang magkakilala kami?"
"Don't be cruel, my wife. Hindi magandang ugali na kapag tatapusin mo ang
relasyon at ay ihaharap pa ang kapalit niya."
"Oh c'mon, kung alam ni Alexis na kaya tayo nagpakasal ay dahil sa perang ipapasok
ng pamilya ko, no doubt alam din 'yan ng girlfriend mo. Don't act like like a
nobleman."
"I am not acting noble. I only want to do what is right. Pero hindi ba ako
marangal?" mapait niyang tanong. "Hindi ba ako ang lalaking kaya mong ipagmalaki?"
Nakita niyang napalunok ito at agad iniiwas ang mata sa kanya.
"Give me five minutes to talk to her. I owe her an explanation at least."
"Go to hell." Tumalikod ito sa kanya at itinuloy ang ginagawa.
"I would pretend I didn't hear you." Isinara niya ang pinto ng silid at mabilis na
pinuntahan si Monique sa labas ng gate.
Mabilis ding lumabas sa kotse si Monique pagkakita sa kanya. Isang yakap ang hindi
niya naiwasan pero mabilis niyang inilayo ang katawan.
"Bakit ang sabi ng katulong hindi ako pwedeng pumasok?"
"Yes. I'm sorry..."
"But why? Ano'ng problema?"
"I'm...I'm married now."
"What?! Is this some kind of a joke?"
"I'm really sorry. Binalak kong sabihin sa 'yo pero nasa Paris ka. I was planning
to see you when you come home, naunahan mo lang ako."
"Dapat ko bang ipagpasalamat 'yun na ginusto mo namang ipaalam sa 'kin pagkatapos?
My god, Brandon! You are committed to me and yet you married another woman?"
"I'm sorry. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo pero kasal na ako, Monique.
Ito na ang huli nating pagkikita."
"No!" Mabilis itong yumakap sa kanya pero pilit din niyang tinatanggal ang mga
braso nito sa katawan niya. Monique was tall. Mahigpit din ang kapit nito sa
katawan niya na kapag pilit niyang kumawala ay masasaktan niya ito.
"Please... my wife is in my house and I don't want her to see you."
"Pagkatapos mo akong lokohin!?" Isang sampal ang ipinadapo nito sa pisngi niya.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya nang makawala siya sa mga
bisig nito
"Alam kong kahit ano ang paliwanag ko'y hindi na mababago ang lahat at hindi rin
mababago ang katotohanang nagkamali ako sa 'yo. But we have to accept that what we
had was over. Sana'y makatagpo ka ng magmamahal sa 'yo ng totoo."
"Napakabilis naman yata ng mga pangyayari? Okay pa tayo nung umalis ako papuntang
Paris. May himala bang nangyari habang wala ako?" Isang nakakalokong ngiti ang
ibinigay nito.
"It's useless to talk about it. Nakikiusap akong umalis ka na lang," naiinip
niyang wika. Tapos na ang limang minutong ibinigay niya kay Zanya. Tiyak niyang
umuusok na ang tainga nito sa galit.
"Basura na lang ba ako sa paningin mo ngayon?"
Muli niyang tinitigan ang babaeng dati niyang pinangarap makasama habangbuhay.
Tiyak niyang wala na ni katiting siyang nararamdaman dito. Pero may awa siyang
nararamdaman sa bawat luhang nakikita niyang dumadaloy sa pisngi nito ngayon. At
nasasaktan din siya sa sakit na naidudulot niya dito.
"You were special, Monique. Alam mong sa 'yo ko unang inalay ang kasal. But now we
have to set each other free..." mahina niyang sagot.
"Hindi madali ang hinihingi mo, Brandon." Panay pa rin ang tulo ng luha nito na
pilit pinupunasan ng kamay. "Kung sa tingin mo isusuko kita nang ganoon na lang,
nagkakamali ka. I'll see you again, babe..." Lumapit ito sa kanya at humalik sa
labi nang mabilis at sumakay sa kotse pagkatapos. Napailing na lang siya sa huling
tinuran ng dating nobya.
Nasa balkonahe si Zanya pagbalik niya. Yumakap siya sa likod nito pero hindi ito
kumilos.
"What a scene!" sarkastiko nitong wika. Mula sa balkonahe ay kitang-kita sila sa
gate, na kung kanina pa ito roon at nasaksikan ang pagyakap at paghalik sa kanya ni
Monique ay hindi niya tiyak. Pero nabunutan na siya ng tinik sa dibdib dahil
natapos niya na ang relasyon nila ng dating nobya.
"Nagugutom na 'ko. At may meeting tayo ng alas nueve." Hinila niya ang kamay nito
pero iniwas nito sa kanya. Napangiti siya sa inaasal ng asawa.
"Ngayon ka pa magseselos kung kailan tinapos ko na ang relasyon namin," nangingiti
niyang wika. "But I like it when you're jealous. Dalas-dalasan mo kinikilig ako."
"Hindi ako nagseselos!" naiinis naman nitong wika bago nauna sa paglalakad palabas
ng silid. Sumunod siya hanggang sa komedor.
---
Pagdating sa condo ay naghihimagsik ang kalooban ni Monique. Hindi niya inaasahan
na sadyang tatapusin ni Brandon ang relasyon nila. She missed him. Nang
ipinagtulakan siya nito kanina ay gumuhit ang sakit sa puso niya. She felt
rejected. Unang pagkakataon na ginawa sa kanya 'yun ni Brandon.
"Sino ang babaeng ipinalit ni Brandon sa 'kin?" curious niyang tanong kay Alexis na
nasa kama pa rin niya hanggang ngayon.
"Anak ni Ezekeil Albano. Siya lang naman ang isa sa may-ari ng Albano Hotels at
Albano Airlines," sarkastikong wika ni Alexis. "Mayaman na ang kapatid kong 'yun.
Kaya kung ako sa 'yo, hindi ako papayag na makipagkalas sa kanya."
"Well, he just dumped me!" mariin niyang wika dala ng inis. "Kaya ba ganun na lang
niya akong ipinagpalit?"
"Hindi ka naman niya ipinagpalit. Kailangan lang niyang kumapit sa patalim."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ipinakasal siya ni Papa kay Zanya dahil kailangan nila ang pera ng babaeng iyon
para isalba ang bumabagsak nang distilerya."
Sandali siyang natahimik. Gusto niyang alamin kung ano sino ang babaeng
ipinagpalit sa kanya ni Brandon at kung mas higit ba siya rito. Kung sa kanya pa
rin ang puso ni Brandon ay papayag siyang maging kahati ang babaeng 'yun. Ganoon
naman ang karamihan sa mga arranged marriage -- may nakaantabay na babae sa tabi.
Ang babaeng pupuno sa kakulangan ng tunay na asawa dahil walang namamagitang pag-
ibig sa dalawa. Brandon loves her. Tulad ng sabi ni Alexis, kumapit lang ito sa
patalim.
"Hindi ka ba papasok sa opisina?" tanong niya kay Alexis.
"Tulad mo'y dinispatsa na rin ako sa kumpanya ni Papa para pagbigyan si Brandon,"
may inis na wika nito.
"Bakit hindi ka magpakumbaba para bigyan ka pa ng posisyon sa kumpanya?" tanong
niya. Sandaling tumahimik si Alexis.
"Nakapasok na ako sa kumpanya ni Mr. Dela Guardia. But I think you're right.
Kailangan kong makabalik sa kumpanya para mabantayan ang mga kilos ni Brandon.
Kailangan ko siyang mapabagsak."
Hindi iyon ang ibig niyang sabihin pero iba ang ipinahihiwatig ni Alexis. Kung tama
ang pag-aanalisa niya, gustong maghiganti ni Alexis sa kapatid. Hindi niya alam
kung gaano kalalim ang alitan ng dalawa at kung saan nag-ugat. Maraming
magkakapatid sa labas ang nagkakasundo naman.
"Kung gagawa ka lang ng gulo sa kumpanya, 'wag mo nang balakin, Alexis. Maysakit
ang Papa niyo at hindi 'yan makakatulong sa relasyon niyong magkapatid." Humithit
siya ng sigarilyo habang kinakalma ang sarili sa naging resulta ng pag-uusap nila
ni Brandon kanina.
"Sino'ng maysabi na gusto kong ayusin ang relasyon naming magkapatid?" Naglabas ito
nang nakakalokong ngiti saka lumapit sa kanya at nakihithit ng sigarilyo. "Kailan
ka ba pupunta sa syota mo? Kasama niya sa opisina ang asawa niya. Dalawin mo kaya
sila dun minsan? For sure nami-miss ka na ni Brandon dahil matagal kayong hindi
nagkita."
Hindi niya sinabing halos ipagtabuyan siya ni Brandon kanina. Pero gusto niyang
sundin ang sinasabi ni Alexis -- out of curiousity. Gusto niyang ipakita sa babaeng
pinakasalan nito na mas higit siya sa buhay ni Brandon.
Gusto niyang malaman kung sino si Zanya Albano.

Chapter 27
Nakatanga lang si Zanya sa kawalan matapos pumayag na hindi muna siya kasama sa
meeting ngayong umaga. Idinahilan niyang may mga iche-check siyang inventory
reports na na-submit sa kanya galing sa warehouse. Pero ang nasa isip niya ay ang
nasaksihan niyang pagkikitang muli ni Brandon kay Monique kaninang umaga.
Brandon secured her that Monique has no place in his life anymore. Dati ay
natatalo siya ng insekyuridad na hindi niya alam kung bakit. Mahilig siya sa
adventure, malakas ang loob niya sa pagsuong sa mga delikadong sports. Pero kapag
puso ang pinag-uusapan ay pinanghihinaan siya ng loob. Hindi niya alam kung ano
ang mararamdaman niya kung sakaling siya ang nasa kalagayan ni Monique kanina.
Tumunog ang telepono at nakita niyang si Marga ang tumatawag. Marga was one of the
toughest person she knew. Nasaksihan nilang lahat kung paano nito ipinaglaban ang
pag-ibig sa Kuya Ethan niya. She wished she could do the same.
"Hello..."
"You sound awful. May problema ba?"
"Wala naman."
"You're so obvious," natatawang wika ni Marga. "What's wrong?"
"Tatawa ka lang nang tatawa, never mind," naiinis niyang wika.
"Spill the beans!" pilit pa nito. Inikot niya ang swivel chair at inilapat ang
likod sa comfort seat.
"I hate this kind of feeling," panimula niya.
"Oh my god! Are you in love?"
"My ass..."
"Ganyan talaga 'yan. Hindi mo mae-enjoy hangga't dine-deny mo. You've found your
match at last!"
"And suddenly, the girlfriend shows up."
"Really? Ano'ng sabi ni Brandon sa 'yo?"
"Ang sabi niya'y nakipaghiwalay na s'ya. I don't know. Feeling ko ako 'yung
kontrabida. Bigla na lang akong pumasok sa buhay ni Brandon at pinaghiwalay sila."
"Oh, well... asawa ka na ngayon. Don't tell me you will allow them to stay
together? I don't think Dad will allow Brandon to have an affair with another
woman."
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. "How strong an arranged marriage can
be?"
"A marriage is a marriage, my dear sister-in-law, kahit sa paanong paraan pa kayo
nagkakilala. And if you love your husband, ilalaban mo 'yan ng patayan. I called
because it's Mom's birthday. Isama mo si Brandon nang makausap namin nang
masinsinan."
"Can I just go alone? Hindi na kami naghiwalay sa bente kwatro oras. I can't
think straight!"
"Bakit? Dahil tuwing gusto mong hindi mahulog ang loob mo'y nalulusaw lang ang
paninindigan mo kapag kaharap mo siya?"
"Yes. At ginagamit n'ya 'yun para mapasunod niya ako sa gusto niya. Kagaya lang
siya ni Dad na minamanipula ang buhay ko."
"You know that's not true, Zan... Nabuhay ka sa loob ng maraming taon na nagagawa
mo ang gusto mo. At kaya pinili ni Dad si Brandon ay dahil alam niyang kaya mong
magmahal ng lalaki, you just need the right guy. At sa tingin ko ngayon ay hindi
naman siya nagkamali."
"Kung sana'y walang involve na pera, Marga, hindi magiging komplikado lahat."
Sandaling natahimik ang hipag sa kabilang linya bago muling nagsalita.
"You don't really know your husband. Sasabihin ko na sa 'yo ngayon pa lang, hindi
siya oportunista, Zan..."
"Ipasundo mo na lang ako sa driver ng alas singko," wika niya para itigil na ang
pag-uusap dahil tumunog ang intercom.
"Okay, see you. H'wag kang papatalo ikaw ang asawa," pahabol na wika ni Marga bago
niya ibinaba ang telepono.
Nagulat siya nang pagsagot sa intercom ay sinabi ng guard na nasa labas si Monique
at gustong kausapin si Brandon. Almusal pa lang nang magpunta ito kanina sa bahay
ng asawa at ngayon gusto pa yatang sumama sa tanghalian. Umuusok ang tainga niya
sa inis.
"Send her in," utos niya sa guard. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan
niya bago inayos ang sarili. Ilang sandali pa ay kumatok na ang guard at nasa
likod na nito ang babaeng kausap lang ng asawa niya kanina.
Sandali itong napatitig sa kanya pagkatapos nitong isara ang pinto. Gumuhit sa
ilong niya ang alak sa hininga nito na sandaling pumuno sa silid. The woman was
drunk. Hindi siya tumayo para makipagkamay o ipakilala ang sarili dahil hindi niya
alam kung ano ang pakay nito.
"What brings you here? May kailangan ka kay Brandon?" tanong niya habang pilit
kinakalma ang sarili. Monique was tall, might be 5'8", slender and full of
confidence. Morena lang din ito bagama't mamula-mula ang kulay ng balat. Ang
buhok nito'y naka-half ponytail na tila kulay mais. Kung hindi siya si Zanya
Albano, mai-insecure siya sa babaeng kaharap. She was her exact opposite. Iniisip
niya kung aling katangian ang gugustuhin ni Brandon kapag nagkataong hindi siya
mayaman.
"Hindi pa kami tapos ng boyfriend kong mag-usap kanina." Umupo ito sa sofa habang
iginagala ang tingin sa opisina nila ni Brandon. Napataas naman ang kilay niya sa
narinig. Ngayon niya na-realize na palaban itong babae.
"I'll rephrase my question, miss." Nagpakawala siya ng matamis na ngiti at
tinitigan ito. "Ano ang ipinunta mo dito at ano ang kailangan mo sa asawa ko?"
"Oh, well... pinakasalan ka niya pero hindi siya nakipagkalas sa 'kin. Hindi si
Brandon ang tipo na magpapalit ng damdamin sa isang iglap. I know he loves me.
Kung bakit siya nagpakasal sa 'yo ay gusto kong malaman."
May sakit na gumuhit sa dibdib niya na kailangan niyang isantabi dahil hindi niya
gustong makita ng kaharap ang kahinaan niya. Isinandal niya ang likod sa swivel
chair at pinaglaruan ng kamay ang sign pen na nasa mesa.
"You want to know the truth?" sandali siyang lumunok para tanggalin ang bara sa
lalamunan. "Because I can buy this whole building and save the company and its
people. Kinailangan ni Brandon ang pera ko kaya kami nagpakasal."
"Pumayag ka kahit hindi ka niya mahal?"
"Well, he tells me he loves me," kaswal niyang sagot. Si Monique naman ang
kinakitaan niya ng sakit dahil iniiwas nito nag tingin sa kanya.
"Naniniwala ka?" sarkastiko nitong wika bago ibinalik ang tingin sa kanya.
Nagkibit-balikat lang s'ya.
"Do you think I care?" sagot niya. Hindi nakasagot si Monique. Nagpatuloy siya sa
pagsasalita.
"Regardless of what you say, I am his wife now. Kung ano ang gusto mong ipaglaban,
kausapin mo muna ang asawa ko na ipawalang bisa ang kasal namin. Kapag hindi niya
ginawa, magmumukha ka lang desperado na bawiin ang bagay na pinakawalan mo."
"Matapang ka lang dahil sa pera mo."
"Matapang ako dahil ako ang asawa. Let me correct you, miss," madiin niyang wika
habang pinipigilang tawagin ito sa pangalan. "Your relationship stopped the moment
he married me. Ano'ng pinaglalaban mo ngayon?"
"Ang pagmamahal niya! Ako ang mahal ni Brandon!" pasigaw nitong wika. Nakita niya
ang galit sa mga mata nito. "Hindi mo naman siya mahal, h'wag mo siyang pigilan na
makipagkita sa 'kin."
"I didn't," kalma niyang wika. "Siya ang nagdesisyon na makipagkalas sa 'yo."
"So, papayag ka na magkikita pa rin kami?" tila nabuhayan ito ng loob. Pero nang
umling siya ay nalungkot itong muli.
Naputol ang anumang isasagot niya nang pumasok si Brandon at nagulat sa presenya ni
Monique. Siya naman ay binalot ng takot sa kaisipang baka hindi na siya magagawang
panindigan ni Brandon. Gusto niyang lumabas ng silid at iwan ang dalawa para mag-
usap.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito kay Monique pagkatapos na ilagay sa mesa
ang mga hawak na dokumento galing sa conference room.
"Sinabi ko na sa 'yong hindi pa tayo tapos, babe. Hindi ako papayag na makuha ka
ng babaeng 'yan. Ako ang girlfriend mo at ako ang mahal mo, 'di ba?"
"Nagkausap na tayo kanina at humingi na 'ko ng tawad sa 'yo. I want you to leave
now, Monique."
"No, Brandon! Ilalaban ko ang karapatan ko sa 'yo. Ako ang mahal mo, 'di ba?"
"Tulad ng sinabi ko sa 'yo, wala akong pakialam kung sino ang mahal ni Brandon,"
sabat niya habang pinipigilan ang sarili na mag-walk-out. Hindi niya gustong
maging katawa-tawa sa mata ng lahat kapag sinagot ni Brandon na mahal pa rin nito
si Monique.
"Then set him free! Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera, Miss Albano --"
"Mrs. Montealegre," pagtatama niya. "Since you knew that money was involved in our
marriage, you should realize I am not as cheap as you. At kaya kong magtapon ng
milyon huwag ka lang makalapit pang muli sa amin ng asawa ko."
Naningkit ang mga mata ni Brandon sa mga sinabi niya. Iniwasan niyang tingnan ang
asawa at hinarap si Monique nang may galit.
"Pustahan tayo, sinlamig ka ng yelo sa kama kaya kailangan mong bumili ng asawa. I
pity you." Ngumisi ito at tumingin kay Brandon pero matiim itong tinitigan ng
asawa niya. Hindi naman siya nagpatinag sa pang-iinsulto nito.
"Tulad ng sinabi ko kanina, tapos na kayo ng asawa ko. Ibibili na lang kita ng iba
kung gusto mo," sarkastiko niyang wika. Tumayo siya at tinanaw ang labas mula sa
salaming dingding ng opisina ni Brandon. Kailangan niyang itago ang kahinaan
kahit pa nanginginig ang kalamnan niya sa galit.
"I want you to leave now..." narinig niyang wika ni Brandon nang mahinahon. "I
didn't expect to see you here, akala ko'y malinaw ang naging pag-uusap natin
kanina."
"Hindi ko tatanggapin na tatapusin mo lang nang ganun ang pagmamahalan natin, babe.
I was wrong when I turned down your proposal. Nandito na 'ko, magsimula tayong
muli. Mahal na mahal kita."
"Leave..." mahinang utos ni Brandon pero may diin. Nakatalikod siya pero naririnig
niyang lahat ang bitawan ng dialogo ng mga ito. Nararamdaman din niya ang sakit sa
mga salita ni Monique. Ni sa hinagap niya ay hindi niya inaasahan na darating siya
sa ganitong sitwasyon.
"You loved me, babe.. huwag mong ikaila sa akin 'yan..." halos nagsusumamong wika
ni Monique.
"I love her..." sagot ni Brandon na nagpatigil sa tibok ng puso niya. Brandon
spoke with full of emotions. Kahit si Monique ay nawalan ng sasabihin sa loob ng
ilang sandali.
"Do you love her more than you love me?" paniniguro pa ni Monique na tila hindi pa
matanggap ang pagkatalo. Hindi na siya halos makahinga sa emosyong nag-uunahan sa
dibdib.
"I love her more than my life..." puno ng emosyong wika ni Brandon. Tuluyang
naglandas ang mga luha niya sa mata na kanina pa niya pinipigilan. Walang
namutawing salita sa kanilang tatlo.
"Aalis ka na ba o tatawag pa ako ng guard para escort-an ka palabas ng opisina
namin ng asawa ko?" mahinanon pa ding tanong ni Brandon kay Monique makalipas ang
ilang minuto. Narinig niya ang mga yapak palayo at ang pagalit na pagsara ng
pinto. Naramdaman niyang lumapit si Brandon at iniharap siya nito sa sarili. Hindi
niya nagawang itago ang pag-iyak.
"Hush, love... I'm sorry... hindi ko alam na susugod siya dito. Hindi na siya
makakalapit sa 'yo mula ngayon..." Pinahid nito ang luha niya at mahigpit na
niyakap. Hinayaan siya ng asawa na umiyak ng umiyak sa dibdib nito.

Chapter 28
Itinaas ni Brandon ang mukha ni Zanya at siniil ito ng halik para tumahan.
Nalasahan niya ang alat dala nang pag-iyak nito. Idiniin niya ang halik at
ikinawit naman ni Zanya ang mga braso sa leeg niya. He tasted heaven. Sa ilang
sandali ay pinagsawa niya ang sarili sa halik nito at para iparamdam kung gaano
niya ito kamahal.
"Okay na sana na ipinaglaban mo 'ko, pinagyabang mo naman ang yaman mo,"
nakangiting wika niya kay Zanya para patahanin ito sa pag-iyak. A woman is a
woman. Kahit gaano ito katapang nung una niya itong nakilala, malambot pa rin ang
puso nito at may mga oras na nasasaktan tulad ngayon.
"Malay ko bang susugod dito 'yang babae mo." Kumalas si Zanya sa kanya saka umupo
sa swivel chair.
"Hindi ko s'ya babae. She's my ex. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya
kaya't dinadaan ko sa mahinahong usapan. Wala siyang kaalam-alam na pag-uwi niya
ng Pilipinas ay wala na s'yang babalikan."
"Sinabi ni Alexis na kinausap siya ng Papa mo na layuan ka dahil ipakakasal ka sa
iba, Brandon. She knew you're getting married."
"But she wasn't expecting it will happen too soon," pagtatanggol pa rin niya.
"Kaya ba hindi ka umiimik kanina? Bakit hindi mo na lang ipinagtanggol?"
"Natural ikaw ang ipagtatanggol ko. But I saw you can manage the situation very
well -- except that binili ang asawa part. Hindi ko gustong lagi mong bukambibig
'yan," seryoso niyang wika.
"Ipagkakaila pa ba natin ang totoo? Sapul na sapul nga sa mukha ko na kung hindi
dahil sa pera ko wala naman tayo ngayon dito."
"Dahil 'yan din ang itinatanim mo sa isip mo. You're spoiling the kilig, my wife.
I am one hundred percent na hindi mo ako binili," nakangisi niyang wika saka umupo
sa desk nito.
"So, ano'ng balak mong gawin d'yan sa ex mong hindi maka move-on sa 'yo?"
"Don't mind her. Siguro naman ay nasindak na s'ya sa 'yo. And I admire your
composure, my wife. Hinihintay ko na nga lang na maglabas ka ng flying kick kanina
pero mas pinili mo ang tumalikod na lang."
"I'm sorry, Brandon, hindi ako ang tipo ng babaeng nakikipagbasagan ng mukha para
ipaglaban ang karapatan ko. Kapag hindi pa s'ya tumigil, pulis ang dadampot sa
kanya kanina hindi ang mga security guards mo."
"Now I'm scared."
"You should be. Sa susunod na susugod ulit ang Monique na 'yan, deretso na siya sa
pulis."
"After my confession of my feelings for you, sa tingin mo'y babalik pa s'ya?
Bumalik s'ya kanina dahil akala niya'y siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko."
"And you were exagerrating. More than your life, huh. Alam mo ba kung ano ang
ibig sabihin nun?"
"Alam ko. And it wasn't exaggeration," pagtatama niya na sumeryoso ng mukha.
"Hindi ako nagbibitaw ng salita nang hindi ako sigurado. You can ask me over and
over, isa pa rin ang isasagot ko."
"T-tapos na ang meeting?" tanong nito para ilihis ang topic. Yumuko siya at
ipinatong ang mga kamay sa armrest ng swivel chair nito.
"Ask me," hamon niya kay Zanya. Napalunok ito saka pilit inikot ang silya pabalik
sa mesa.
"Tama naman si Monique, hindi ganoon kadali ang magpalit ng damdamin. You had been
together for how long? One year? Two years?"
"Or baka hindi ko naman talaga s'ya mahal," pagbibigay niya ng katwiran. "Hindi ko
naramdaman na kailangan ko s'ya sa tabi ko sa bawat umagang gigising ako. O ang
isipin ang kapakanan niya sa lahat ng oras huwag lang siyang masaktan o makaramdam
ng insekyuridad. You made me feel all those worries and feelings and realizations,
Mrs. Montealegre."
"And yet I still feel scared and insecure..." sambit nito.
"Dahil pilit mong pinaglalabanan ang damdamin mo. Pilit mo akong itinataboy at
ayaw mong tanggapin na mahal mo 'ko sa sandaling nagkakilala tayo. But love moves
in mysterious ways ayon nga sa kanta."
"Pa'no mo ba nakilala si Monique?"
"Through the agency. May inendorso siyang isang clothing line. It didn't made a
success because the company closed its factory last year. Kaya nag-concentrate na
lang din siya sa pagmomodelo. It was her dream in the first place."
"When you... p-proposed to her. What were you thinking?"
"I was thinking of settling down. Sa matagal na panahon ay si Mama, Tristan at ang
agency ang pinagbuhusan ko ng oras. I neglected her most of the times so I thought
of making up to her. Akala ko kapag nag-propose ako sa kanya, babalik ang sigla ng
pagmamahalan namin."
"Hindi ba?"
Marahan siyang umiling. "Mas lalo kaming nagkaroon ng distansya. Nang tinanggihan
niya ang proposal ko'y mas lalo kung ibinuhos ang oras ko sa agency habang siya ay
namayagpag ang karera sa pagmomodelo. Although hindi naman kami naghiwalay,
magkaiba na ang direksyon na gusto naming tahakin."
"Pero mahal ka pa rin niya..."
"Huwag mo na s'yang isipin," kinuha ni Brandon ang kamay ni Zanya at ipinagsalikop
sa mga kamay niya. "Sa susunod na araw na ang flight natin patungong France, are
you excited?"
Nagkibit-balikat lang ito. "Nakapunta na kami nila Trina sa Paris once."
"Iba naman ang feeling kapag si Trina ang kasama mo kumpara sa 'kin," may himig
pagtatampo niyang wika. "Kanina lang kilig na kilig ako habang pinagdadamot mo 'ko
kay Monique. Pabalikin ko kaya s'ya dito?"
Tumayo si Zanya at ikinawit ang mga braso sa leeg niya. Hinapit naman niya ang
baywang nito para lalong maglapit ang kanilang katawan. Pilyo itong ngumiti at
bumulong sa tainga niya.
"Pabalikin mo nang malaman niyang hindi ako sinlamig ng yelo sa kama."
Bago pa siya makapag-isip ng isasagot at gumapang na ang labi ng asawa mula sa
tainga niya patungo sa labi sa isang mapusok na halik. Hindi rin niya inaasahan
nang pagapangin nito ang isang kamay sa dibdib niya pababa sa gitnang hita na
nagpahigit sa kanyang hininga. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa desk at
isinandal ito sa dingding habang magkalapat pa rin ang mga labi. Minasahe niya ang
dibdib nito na nagpakawala ng mahinang ungol mula sa asawa.
"Yes, she was wrong, my wife..." paanas niyang wika. "And I love how you respond
to my kisses and how you moan with my touch..."
Nagkusa si Zanya na tanggalin ang buckle ng sinturon niya at mabilis nito naibaba
ang pang-ibaba niyang suot. He never imagined taking her in his office but he
didn't expect she would tease her. At pagdating kay Zanya ay gahibla lang ang
pagtitimpi niya. She could easily bring the fire in him. Ilang sandali pa ay
buhat niya na ang pang-upo nito at naibaon na ang kahandaan niya habang si Zanya ay
nakayakap sa katawan niya at ang labi nito'y nasa balikat niya na nag-iiwan ng
mumunting halik.
Matapos ang pagkawala ng pagtitimpi niya ay iniupo niya ito sa desk habang
naghahabol siya ng hininga. Inihilig naman ng asawa ang ulo sa balikat niya habang
yakap siya nito.
"Kailan ka pa naging agresibo?" tudyo niya dito.
"Was she better in bed?" tanong nito na nagpasalubong sa mga kilay niya. But
knowing his wife, magmamaktol ito kapag hindi niya nasagot ang gusto nitong
marinig.
"She was aggressive," kaswal niyang sagot. "Pero hindi naman 'yun ang sukatan ng
pag-ibig. Noong kami pa, may mga one-night stand na hindi namin naiiwasan dahil
magkalayo kami ng mundo madalas. Relationship doesn't depend on physical needs, my
wife. At nagugutom na 'ko sa totoong pagkain, let's have lunch outside,"
pagtatapos niya sa usapan nila tungkol kay Monique. Hindi naman sumalungat si
Zanya nang hawakan niya ang kamay nito palabas ng opisina.
"Marga called, birthday ni Auntie Margaux. Can I go?" tanong nito habang kumakain
sila sa isang restaurant na malapit sa opisina ng distilerya.
"Hindi mo ba ako isasama?"
"You're busy. Magpapasundo na lang ako sa driver ni Kuya Ethan."
"But I want to go with you. Gusto ko ring magpasalamat sa mga kuya mo sa
pagbibigay ng kontrata sa agency para sa mga ads ng Albano Air at Hotels. Mom was
excited to work again."
"Aalaskahin lang ako ng mga 'yun kapag sumama ka," pagmamaktol nito.
"Why? Dahil kinain mo lang ang sinabi mong hindi ka mai-inlove sa 'kin?" tudyo
niya habang hindi mapalis ang ngiti.
"Ang laki ng ngiti mo, Mr. Montealegre," puna nito sa kanya na kunyari ay naiinis.
Siya naman ay humalakhak habang puno ng galak sa dibdib.
-----
Alas onse na'y hindi pa rin makatulog si Monique. Hawak ang kopitang may lamang
alak, nakatanaw siya sa mga matatayog na gusali sa Makati na animo'y magandang
tanawin sa gabi. Ilang beses man niyang balik-balikan sa isip kung paano siya
tingnan kanina ni Brandon, wala na ang kislap na nasa mga nito tulad ng dati.
He was in love with somebody else. At nagkamali siya nang sinabi niyang sasaya
siya kapag nakahanap ito ng tunay na pag-ibig na hindi niya kayang ibigay. Hindi
niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman niya kanina nang aminin nito na mahal
nito ang asawa na nito ngayon. She thought that Brandon's love for her was
immeasurable. Na walang puwang para humanap ito ng iba.
Pero sino nga naman ang hindi mahuhumaling sa ganda ni Zanya Albano? She was a
symbol of charm and seduction and exquisite beauty. Wala siya sa kalingkingan
nito. At kahit pa araw-araw siyang magmakaawa na balikan siya ni Brandon, hindi na
siya ang may hawak ng puso nito.
"Kaysa magmukmok at maglasing ka d'yan, bakit hindi mo pagplanuhin kung paano mo
maaakit muli ang boyfriend mo?" wika ng tinig na singpait ng damdamin niya. Alexis
envied his brother for being good in almost everything. Ngayong nakuha ni Brandon
ang pamamahala sa Montealegre Distillery, mas lalo itong nagngingitngit sa kapatid
sa ama.
"Bakit hindi mo sinabing milya-milya naman ang inilamang ng babaeng ipinalit sa
akin ni Brandon?"
"Maganda at mayaman si Zanya Albano, pero kung magaling ka, kaya mong maakit ulit
ang kapatid kong 'yun."
"He just dumped me in front of his wife. Gugustuhin ko pa bang mapahiya nang
paulit-ulit?" mapait niyang wika saka naglabas ng mapait na ngiti.
"Wala ka bang tiwala sa karisma mo?" Nakakalokong nginitian siya ni Alexis.
"Tutulungan kitang mapalapit muli kay Brandon. Kukunin natin ang tiwala niya para
makapasok akong muli sa kumpanya."
Tinitigan niya si Alexis na sumandal sa barandilya ng balkonahe. Puno ito ng
kumpyansa sa sarili.
"I am leaving for Singapore next week. Doon ko na lang ibubuhos ang oras ko.
Hayaan mo nang maging masaya ang kapatid mo, Alexis."
"No way," pagalit nitong sagot. "Hindi puwedeng lagi na lang siyang makakalamang
sa 'kin."
"You are working for another company, Alexis. Kalaban pa ng kumpanya ng tatay mo.
Hindi pa ba paghihiganti 'yun?"
"Gusto kong malugi ang distilerya at tuluyang magsara. Gusto ko ring mapalapit sa
Zanya na 'yun at ipakitang higit ako kay Brandon." Ngumisi si Alexis sa planong
nasa isip na ikinabahala niya. "Umasa kang makakalapit kang muli kay Brandon
habang inilalayo ko si Zanya sa kanya."
"Hindi ako makikipagsabwatan sa 'yo para pabagsakin si Brandon," matatag niyang
sabi kay Alexis. Hindi niya gusto ang pananalita nito at kung paano ito ngumiti na
tila may masamang binabalak.
"Wala kang choice, Monique!" pagalit namang wika ni Alexus sa kanya . "Umalis ka
sa susunod na linggo pero pagbalik mo'y mag-uusap tayong muli. Siguraduhin mong
babalik ka dahil ipahahanap kita kahit saang sulok ka ng mundo mamalagi."
"My god, Alexis! Walang kaalam-alam si Brandon na habang boyfriend ko siya'y may
nangyayari sa atin. Ngayon ay sa kalabang kumpanya ka pa nagtatrabaho. Hindi ka
pa ba kontento?"
"Hindi! Lahat ng nasa kanya ngayon ay dapat sa akin! Itinakwil si Papa ng pamilya
ni Brandon sa napakatagal na panahon. Kami ang nag-aruga at nakasama ni Papa,
tapos sa isang iglap biglang susulpot ang lalaking 'yun para kuhanin ang pwesto ko
sa kumpanya? Dapat ako rin ang asawa ngayon ng Zanya na 'yun! Ako dapat ang
tumatamasa ng yaman ng mga Albano!"
Napailing siya sa mga sinasabi ni Alexis at ang galit na nasa mga mata nito.
Tumayo siya para talikuran ito pero mabilis nitong nahablot ang buhok niya.
"Tutulungan mo ako sa mga plano ko, Monique..." bulong nito sa tainga niya habang
nakasubunot pa rin ito sa buhok niya. "Alam mo kung saan kita pinulot. Hindi mo
gugustuhing malaman ng madla na ang isa sa iniidolo nilang modelo na nagpe-perform
hanggang sa catwalk ng Paris ay galing sa isang high-end cabaret, hindi ba?"
"Nasasaktan ako, Alexis!" pilit siyang kumakawala sa mahigpit nitong hawak sa buhok
niya.
"Huwag mo akong kokontrahin, hindi mo alam kung hanggang saan ang koneksyon ko!"
Nang bitawan ni Alexis ang buhok niya ay pumasok ito sa silid habang naiwan siyang
inaayos ang sarili sa may balkonahe. May binabalak si Alexis kay Brandon at hindi
niya mapipigilan ang una dahil napuno ito ng panibugho sa kapatid sa ama. Kung
paano niya ilalayo ang sarili sa mga kamay ni Alexis ay hindi niya alam.

xxpbkxx

Chapter 29
WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES.
----
"Iniatras na ni Alexis ang kaso laban sa 'yo at sa kumpanya, Brandon. Humingi rin
siya ng tawad sa akin sa pagtatalo namin nitong nakaraang araw," wika ng ama sa
kanya nang magkausap sila sa opisina nito.
Paalis na sila ng asawa niya patungong France at dumaan lang siya para pirmahan ang
ilang cheke na pambayad sa suppliers at ang sahod ng mga tauhan dahil dalawang
linggo sila doon. Ang Papa niya ang pansamantalang tatao sa opisina dahil hindi pa
niya maaaring ipagkatiwala kaninuman sa dalawang kapatid sa ama.
"Nasa kabilang kumpanya na siya ngayon nagtatrabaho, hindi ba?"
"He resigned when he realized it was a stupid decision."
"Good," sagot niya sa ama. "Pero hindi pa rin siya maaaring pumasok sa building na
ito lalo kapag wala ako."
"Yes, he knew it. Pero hindi mo ba siya pwedeng tanggapin dito sa opisina mo? This
is a family corporation and Alexis is still your brother."
"I am in a hurry, Papa," pag-iwas niya sa suhestyon nito. Hindi niya alam kung ano
ang tumatakbo sa isip ng kapatid kaya't hindi pa siya maaaring magtiwala. At
ngayong paalis sila ng asawa patungong France ay hindi niya gustong abalahin ang
sarili sa pag-iisip ng tungkol kay Alexis.
"Pag-usapan natin 'to pagbalik mo. Siguro'y tatanggapin naman ni Alexis kahit sa
mababang posisyon muna s'ya habang pinapalago nating muli ang distilerya."
Atubili siyang tumango saka sandaling yumakap sa ama at nagpaalam. Nagtungo siya sa
parking lot kung saan naghihintay si Zanya sa kotse niya.
"Are you ready to ride with me?" tanong niya sa asawa nang may kahulugan.
"Can I drive this time? Nami-miss ko na ang manibela,"
"Hindi ko pa nasubukan na ipinag-drive ako ng isang babae. I always want to take
control of the situation. Maybe next time," kumindat si Brandon kay Zanya na
ginantihan ng asawa ng isang pairap na ngiti.
"Hindi na 'ko nanalo sa 'yo," pagsisintir ni Zanya.
Inabot ng seventeen hours ang byahe nila papuntang Paris. Dahil sa pagod ay inihiga
ni Zanya ang katawan sa malambot na kama sa suite ng hotel. The Shangri - La Hotel.
Iginala niya ang mata sa paligid ng suite pati ang tanawin ng Eiffel Tower mula sa
balkonahe. It was his first time. Si Zanya ay nakarating na rito kasama ang mga
kaibigan, pero sisiguraduhin niyang gagawa sila ng mga alaala na babaunin nilang
pareho hanggang pagtanda.
Tumunog ang door bell na agad niyang pinuntahan dahil nagpahatid siya ng pagkain.
Dahil masarap pa ang tulog ni Zanya ay nagpasya siyang umidlip na rin para sabayan
ang asawa. Maaari naman silang mamasyal kahit mamayang gabi dahil bente kwatro oras
namang buhay ang parke roon sa dami ng turista.
Dalawang oras nakatulog si Zanya at paggising niya'y nasa tabi niya si Brandon na
masarap ding natutulog. Nagpasya siyang magbabad sa bath tub ng kinse minutos.
Paglabas niya sa banyo ay siyang papasok naman sana ni Brandon. Tuloy-tuloy siya sa
may tokador at naupo doon. Sumunod si Brandon sa kanya at tinaggal nito ang twalya
sa buhok niya.
"Sinabayan kita sa pagtulog, bakit hindi mo 'ko isinabay sa pagligo?" tanong nito
nang may pilyong ngiti.
"Sabay na lang tayong kumain," sagot niya habang nagpapahid ng lotion sa katawan.
Iniyuko ni Brandon ang ulo at nagtanim ng mumunting halik sa leeg at batok niya.
"Pwede ko bang unahin ang appetizer?"
"Nagugutom na 'ko, Brandon, I want the main course." Tumayo siya at ikinawit ang
mga braso sa leeg ng asawa. "Sa gutom ko ngayon, makakatikim ka ng straight punch
kapag pinigilan mo kong kumain."
"Bakit hindi yata ako natakot sa pagbabanta mo, my wife?" wika nitong namumungay
ang mga mata. Mabilis nitong tinanggal ang pagkakatali ng roba niya saka inihagis
ito kung saan. Alam niyang hindi ito papipigil kung ang pagbabasehan ay kung ilang
beses itong napalunok habang nakatitig sa halos hubad niyang katawan.
Nang tangka nitong ilapat ang kamay sa dibdib niya ay mabilis niyang iniharang ang
kamay at buong pwersang ipinaikot na ikinabigla ni Brandon. Nakapilipit ang isang
kamay nito pero siniguro niyang hindi naman ito masasaktan. Tumaas ang kilay nito
sa ginawa niya.
"Don't try to resist, masasaktan ka lang," banta niya kay Brandon saka ito
binitawan at ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib. "Kakain ba tayo o hindi?"
"Binigla mo 'ko kaya hindi ako nakapalag kanina. Try me again this time,"
paghahamon naman nito sa kanya at inilapit ang sarili. Bago pa niya maiigkas muli
ang kamay ay mabilis siyang ipinaupo sa tokador at ikinulong sa mga bisig nito.
Hindi na siya nagpumulit na manlaban dahil masasaktan niya ang asawa kapag ginawa
n'ya iyon lalo at nasa harap niya ang pagkalalaki nito na natatakpan lang ng boxer
brief. Sa halip ay gumanti na lang siya ng halik at pinaglandas ang kamay sa hita
nito na ikinaungol ni Brandon.
"Good girl..." bulong nito sa kanya saka inilipat ang halik sa leeg niya. Tumayo
siya at itinulak ito na nagpaatras kay Brandon hanggang sa paanan ng kama. Isang
matamis na ngiti ang pinakawalan niya saka hinubad nang tuluyan ang natitira niyang
saplot. Napalunok muli si Brandon habang nakatitig sa dibdib niya.
"Hindi ako kasing-bait tulad ng inaakala mo," wika niya dito. Nang tangka siya
nitong hawakan ay mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay at inilagay sa likod
nito. Magkadikit na ang mga katawan nila at ramdam niya ang init nito at kung ilang
beses itong napahugot ng hininga. Ibinaba niya ang mga labi sa dibdib nito na
nagpakawala ng mahinang mura kay Brandon.
"Tease..."
"I will give you the main course," wika niya habang pinaglalandas ang labi sa
katawan nito. Nang bumaba na siya sa ibaba pa ng pusod nito ay nahigit nito ang
hininga. Binitawan niya ang mga kamay nito at hinawakan ang pagkalalaki nitong nasa
harap niya.
"Kaya mo bang panindigan 'yan?" taas ang kilay nitong tanong. Hindi siya sumagot
bagkus ay bumaba pa hanggang umabot sa parteng hinahawakan niya lang kanina.
Napasabunot si Brandon sa buhok niya habang siya'y nakaluhod na sa harap nito.
Makalipas ang ilang sandali ay itinayo siya at siniil ng mapusok na halik.
Mabilis siya nitong binuhat at pabagsak na inilapag sa kama saka siya muling
hinalikan. Ang kamay nito'y naglandas sa dibdib niya habang ang pagkalalaki nito'y
itinapat sa pagitan ng hita niya. She was cursing him and moaning at the same time.
Mapusok ang mga halik nitong naglalakbay sa buo niyang katawan.
Itinaas nito ang isang hita niya at nagtagal sa paghalik sa pagkababae niya bago
siya tuluyang inangkin. Tulad ng dati, muli siya nitong dinala sa sukdulan habang
ang asawa ay napapikit din sa naramdamang sensasyon. Ilang minuto pa ay pagod na
inihiga ni Brandon ang katawan sa tabi niya habang naghahabol sila ng hininga.
Hinapit ng asawa ang baywang niya at inilapit sa katawan nito.
"Have you regretted marrying me?" tanong ni Brandon.
Umiling s'ya at ngumiti. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong oo?"
"By the way you scream my name? Palagay ko'y hindi," nakangiti nitong wika saka
muling pumikit.
"Ang yabang mo talaga," natatawa niyang wika saka bumangon. "Don't tell me
tutulugan mo 'ko? Baka pagsisihan ko ngang pinakasalan kita."
Pilit niya itong pinapatihaya pero hindi niya ito matinag. Tumayo siya para pulutin
ang roba sa sahig nang bigla siyang hinila pabalik sa kama at dahil nabigla ay
nawalan siya ng panimbang at nag-landing sa ibabaw nito.
"Sino'ng maysabing matutulog tayo?" Iginiya nito ang baywang niya para igiling
pero itinukod niya ang siko sa dibdib nito.
"My gad, Brandon, I am not a nymphomaniac, at kanina pa 'ko nagugutom!" Pilit
siyang tumayo at tuluyang pinulot ang roba at ibinalot sa katawan. Sumunod naman si
Brandon sa kanya na tinungo ang mesang may nakahaing pagkain. Naglagay ito ng pasta
at parisian chicken sa plato niya at nagsalin ng alak sa kopita.
"Kumain ka ng marami, hindi ko alam kung bakit gusto niyong mga babae ang patpating
katawan."
"Do you prefer someone like Monique?" kaswal niyang tanong. Though Monique was tall
and has slender body, she was also full-bosomed. Gusto niyang managhili sa pisikal
nitong anyo.
"Bakit naisingit mo na naman si Monique sa usapan? Leave her alone, she's a thing
of the past."
Hindi na siya sumagot at itinuon ang atensyon sa pagkain. Nang matapos ay niyaya
siya ni Brandon sa balkonahe para tanawin ang kagandahan ng Eiffel Tower. May hawak
ito sa kamay nang hawiin ang buhok niya at isuot ang isang kwintas -- a stunning
15-carat blue diamond necklace.
"This piece of precious stone was passed on by my grandmother to my mother," kwento
nito. "Ibinigay ito ng Lolo ko sa asawa niya sa ika-limampung anibersaryo ng
kanilang kasal. Lola was able to hand it to my mother before she died, saying there
will only one queen in the family -- the wife. Kahit nang mamatay si Lola, hindi na
naghanap pa si Lolo ng ibang asawa."
"Importante pala ito sa pamilya niyo."
"As my wife, you deserve that jewel. I don't know its value as of this moment,
pero kalakip niyan ang pagmamahal ng Lolo at Lola ko. I vow to fulfill the same
love and devotion they had years ago," buong pagsuyo na wika ni Brandon sa kanya.
"I wish your parents were able to do that too. Sana'y walang Alexis na nanggugulo
sa 'yo ngayon."
"Katuwang ng Lolo ko ang asawa niya sa pagtayo ng distilerya. They shared the same
dreams and goals, they stood at each other for better and for worst... Samantalang
si Papa naman ay lumaki nang sagana sa buhay. Mahal niya si Mama, pero hindi siya
nakaiwas sa mga tukso. He regretted how he hurt my mother, but had to move on and
take the consequences of his actions. Pero hindi nawala ang pagmamahal niya kay
Mama. Siya ang gumawa ng paraan para manatili pa rin silang kasal sa kabila nang
hindi na sila nagsasama."
"Hindi ba unfair 'yun sa Mama mo at sa ina nila Alexis? Sana'y nagkaroon pa ang
Mama mo ng pagkakataon na maging masaya sa iba kaysa ang nakatali sa asawang kasama
na ng iba."
"Hindi na ipinilit pa ng Mama ang annulment dahil nakita niya kung gaano kagusto ni
Tristan na makasama si Papa sa lahat ng pagkakataon. At sa huli ay ginusto ni Mama
na kami pa rin ang unang pamilya ni Papa at maibigay sa amin ang karapatan sa
distilerya. Sa amin ni Tristan ipinama ng Lolo ang kumpanya."
"So, what does this jewel stands for? Alam ba ng Mama mo na ibinigay mo 'to sa
akin?"
"She told me to give it to you when I asked her what's the best gift I could give
my wife aside from my love and faithfulness. Ang kwintas na 'yan ay sumisimbolo ng
pagmamahalan na dumadaan sa maraming pagsubok pero matatag pa rin. My mother still
loves my father even after the separation. Hindi niya kami tinuruang magalit at
magtanim ng sama ng loob."
Sumisikip ang dibdib niya sa mga salaysay ni Brandon ng iba't-ibang klase ng
pagsubok na pinagdaanan ng pamilya nito. Masuwerte siya na hindi nasaksihan ang
paghihiwalay noon ng Uncle Zane at Auntie Selena niya, gayundin ang Mommy at Daddy
niya noong halos bago pa lang ang relasyon ng dalawa. Hindi niya alam kung matatag
na ang relasyong mayroon sila na magagawa nilang malagpasan ang bawat pagsubok na
darating. Siya mismo ay hindi ganoon katatag.
"Thank you..." mahina niyang wika habang pinipigilan ang maging emosyonal. Pinahid
ni Brandon ang magkabilang gili ng mata niya dahil sa namumuong luha.
"I am not a perfect," patuloy nitong wika. "Pero sisikapin kong maging sapat at
karapat-dapat sa 'yo."
"Don't be too romantic, my husband." Naglabas siya ng matamis na ngiti sa asawa.
"Baka sumabog ang puso ko sa pagmamahal na binibigay mo."
"Masaya ako na hindi ako nahirapang paibigin ka. Look at where we are. Sino'ng
mag-aakala na ang mailap na car racer ng bansa ay iibig sa negosyanteng ang hawak
na kumpanya ay malapit nang magsara..."
"Ang sabihin mo, una kang nagpa-charming sa Daddy ko," pairap niyang wika. Isang
halakhak ang pinakawalan nito.
"Hindi ko alam kung aling resume ko ang hawak ng Daddy mo. May market value pa rin
pala ako no?" biro pa nito.
"My father knows how to recognize a gem." Pinapungay niya ang mga mata at inilapit
ang mukha sa asawa. "Mas mataas na ngayon ang market value mo kapag binili ka ng
iba.
"Wala akong halaga kapag hindi kita kasama," sagot naman nito sa kanya. "I will
be forever by your side... do you understand?"
Tumingkayad siya para bigyan ito ng masuyong halik, pero mapusok na halik ang
isinukli ni Brandon at mabilis na binuhat siya papasok sa silid.

Chapter 30
"Nasa labas na naman ho si Sir Alexis, gusto raw ho kayong makausap," wika ng
sekretarya na kausap ni Brandon sa intercom. Ito na ang pangatlong beses na nasa
labas ang kapatid sa ama para makausap siya.
Nang kinausap siya ng Papa niya ang tungkol sa kagustuhan ni Alexis na magtrabahong
muli sa distilerya ay tutol ang kalooban niya. Hindi na muling inungkat ni
Leonardo ang issue pagkabalik nila ni Zanya mula sa France makalipas ang dalawang
linggo, pero si Alexis naman ang hindi siya pinatatahimik. Napilitan siyang babain
na lang ito at kausapin.
Naiinip na itong naghihintay sa labas ng gate nang makita niya. Umayos ito ng tayo
nang makaharap siya.
"Sinabi ni Papa na maaari pa rin akong magtrabaho dito, Brandon. Hindi naman
posisyon mo ang kinukuha ko kung hindi sa mas mababang posisyon," mahinahon nitong
wika na gusto niyang pagtaasan ng kilay. Sa buong buhay niya ay bilang na bilang
kung ilang beses lang siya nitong kinausap nang mahinahon.
"Ano bang hinahabol mo dito gayung nagtatrabaho ka na sa ibang kumpanya dati?"
iretable niyang tanong. "You will get your share in this company wether you work
for me or not. Napag-usapan naman namin ng Papa 'yun."
"Gusto kong magsilbi sa Papa kahit man lang sa mga huling sandali ng buhay niya.
Gusto kong makita niya na kasama ko ang mga kapatid ko na nagtatrabaho dito,
mahirap ba ang hiling na 'yun?"
"Pag-uusapan pa lang namin sa susunod na meeting, Alexis," napilitan niyang wika.
"Hindi ko pa rin alam kung anong posisyon ang pwede mong hawakan dahil wala namang
bakante sa ngayon."
"Marami akong koneksyon, Brandon, kahit freelance executive officer muna sa ngayon.
Kaya kong ipasok sa malalaking kumpanya ang alak natin."
Gustong maningkit ng mga mata niya sa suhestyon nito. Kung totoo ang sinabi nito'y
bakit hindi pa nito ginawa noong namamahala pa ito sa distilerya? Kunsabagay,
naubos ang pera ng kumpanya dahil sa bisyo nitong sugal at pambababae.
"Tatawagan kita bukas kung ano ang desisyon namin ni Papa," sa halip ay wika niya.
Mabilis namang ngumiti si Alexis na tila nakita na ang pagkapanalo sa diskusyon.
"Salamat, Brandon, matutuwa si Papa kapag nalaman niyang tinanggap mo akong muli sa
distilerya."
Tumalikod na siya at pumasok sa gate hindi pa man nakakaalis si Alexis. Pagdating
niya sa opisina ay pabagsak siyang umupo sa executive chair.
"Laging hindi maipinta ang mukha mo kapag si Alexis ang nakakausap mo," puna ni
Zanya sa kanya. Inihilig niya ang ulo sa upuan at kinalma ang sarili.
"I wonder what would happen if we work in the same building. Pareho kaming
mainitin ng ulo ni Alexis, walang gustong magpatalo. Hindi ko alam kung dapat ba
na tanggapin ko siya dito."
"Kung hindi ka kumportable na katrabaho siya, huwag mong ipilit. You need peace of
mind."
"Pero ginagamit niya ang Papa para kunsensyahin ako. Hindi ko rin gustong bigyan
ng sama ng loob ang Papa."
"Timbangin mo muna kung ano sa tingin mo ang mahalaga. Anuman ang desisyon mo'y
tiyak naman na tatanggapin ng Papa."
"But as a son who always wants his father to be happy in his golden days, gusto
kong pagbigyan ang kahilingan niya. Life is so short. Maraming oras din ang
nawala sa amin ni Papa na gusto kong mapunan ngayong may pagkakataon ako."
Tumayo si Zanya at lumapit sa kanya. Umupo ito sa armrest at hinawakan ang mukha
niya. "How can you be so kind and understanding?"
"Gusto ko lang nang tahimik na buhay," sagot niya. "Hindi ko rin gustong makita mo
kung gaano kagulo ang pamilya namin."
"There are things beyond your control, Brandon. Sundin mo kung ano lang ang kaya
mong tanggapin. I only met Alexis once but I could tell he's dangerous."
"You think so? Now I have the reason to refuse him," wika niya sa asawa. "Kung
hindi ka komportable na nandito siya, hindi siya maaaring magtrabaho dito."
"Wag mo akong alalahanin, kaya ko si Alexis. Ang sinasasabi ko lang sundin mo
kung ano ang mas matimbang sa 'yo. Tanggapin mo man siya dito o hindi, kailangan
mong mag-ingat ka sa kanya."
Sandali siyang nag-isip bago nagsalita kay Zanya.
"You're right," agap niyang sagot. "Kapag nandito siya'y mas mababantayan ko ang
mga kilos niya. Alam ko naman na kapag hindi ko s'ya tinanggap ay gagawa at gagawa
siya ng paraan para sirain ako at ang kumpanya. We can't afford bad publicity
now."
Sumang-ayon na rin ang asawa sa kanya. Sa susunod na b'wan ang anibersaryo ng
distilerya at gusto niyang isabay na ipakilala sa publiko ang kumpanya bilang
exclusive distributor ng Agriberia mula sa France. At kung magpapakitang gilas si
Alexis sa Papa niya, iimbitahan nito ang lahat ng matataas na taong kakilala nito.
Nang magkita sila ng Papa niya kinabukasan ay tinanggap niya ang hiling ng ama na
tanggapin niya si Alexis sa kumpanya.
"I am doing this because of you, Papa," wika niya kay Leonardo. "Pero kailangan
niya akong i-respeto at ang asawa ko. Kapag gumawa siya ng hindi maganda sa
kumpanya ay paalisin ko s'ya kaagad."
"Nadadala lang si Alexis ng panibugho sa 'yo, pero mabait naman ang kapatid mong
'yun," paniniguro naman ng ama. "Hayaan mong patunayan niya na isa siyang asset ng
kumpanya sa kabila ng maling pamamahala niya dati."
Tumango siya nang wala sa loob para hindi na mabigyan pa ng aalalahanin ang Papa
niya. Tinawagan niya agad si Alexis na maaari itong magpunta sa opisina niya
kinabukasan para mapag-usapan kung ano ang magiging trabaho nito.
----
"Nakikita ko na ang tagumpay ko, Monique," nakangiting wika ni Alexis sa kanya
habang prenteng nakaupo sa sofa ng condo unit niya. Tulad ng dati ay may hawak
itong alak at nakasindi ang sigarilyo nito sa kamay.
"Ano bang binabalak mo?" tanong niya na umupo sa katapat na sofa. Dalawang linggo
lang ang inilagi niya sa Singapore dahil hiniling ni Alexis na bumalik siya agad
pagkatapos ng show. Mayroon din naman siyang mga commitments sa bansa na pwede
niyang pagkaabalahan.
"Ang lumapit sa teritoryo ng kaaway," matalinghagang sagot ni Alexis. "Kapag
nakapasok ako sa kumpanya, papapasukin kitang muli sa buhay ni Brandon. Magseselos
si Zanya at ako ang magiging kakampi niya. Sisiguraduhin kong magkakagusto sa akin
ang babaeng Albano."
Tutol ang isip niya sa sinasabi ni Alexis pero hindi ang puso niya. Nang pabalik
siya sa bansa matapos ang dalawang linggong pamamalagi niya sa Singapore ay hindi
inaasahang nakita niya si Brandon at Zanya sa airport. They looked good and happy.
Hawak lagi ni Brandon ang kamay ng asawa nito kapag naglalakad, o kaya ay
nakaakbay, o nakapulupot ang kamay sa baywang ni Zanya Albano. Naiinggit siya at
nagseselos sa mga bagay na dati ay kanya na ngayon ay pag-aari na ng iba.
Napabalita rin sa media ang tagpong iyon sa airport dahil ang asawa ni Brandon
ngayon ay isa palang car racer. Hinalungkat niya ang profile nito sa bawat sports
magazine na mahanap. Kahit saang anggulo ay litaw na litaw ang ganda nito. Tila
rin ito isang prinsesa sa suot na gown nang maging maid of honor ito sa kasal ng
kapatid na si Ethan Albano. A high-profile woman. Baka ang laman ng banko niya ay
barya lang nitong maituturing.
"Kung makakapasok ka sa kumpanya, paano ako makakalapit kay Brandon?" tanong niya.
"Wala siyang alam na magkakilala tayo at lalong hindi na ako pwedeng lumapit sa
kanya matapos niya akong ipagtabuyan."
Tumayo si Alexis at lumipat sa harap niya nang nakaluhod. "Madali lang 'yan, mahal
ko," nakangisi nitong wika. "Umarte ka lang bilang biktima ko hanggang sa lapitan
ka ni Brandon at damayan. Kaibiganin mo na rin si Zanya Albano hanggang makuha mo
ang loob nilang dalawa."
"Mahirap 'yang pinapagawa mo, Alexis. Modelo ako hindi artista."
"Hindi mo ba gustong makuhang muli ang loob ni Brandon? Tandaan mong ikaw ang una
niyang minahal. Maganda at mayaman ang Albano na 'yun, pero sandali pa lang silang
nagkakasama. Madaling buwayin ang pagsasamang nabuo dahil sa pangangailangan sa
pera."
Kumikislap ang mga mata ni Alexis sa tuwa sa mga naiisip na plano. Hindi man niya
aminin, gusto niyang bumalik si Brandon sa kanya at mahalin siyang muli. Kung
paano niya gagawin gamit ang mga suhestyon ni Alexis ay hindi niya alam.
"Sumusigaw ang pangalan ni Brandon sa mga mata mo," wika ni Alexis na ipinaikot ang
daliri nito sa tuktok ng dibdib niya. Nasa hininga nito ang amoy ng alak at
sigarilyo. Dumikit pa itong lalo at inilapit ang mukha sa leeg niya; nagtanim ng
mumunting halik saka ipinasok ang kamay nito sa loob ng blouse niya. If there's
one thing she and Alexis have in common, iyon ay pangangailangan nilang pisikal.
Her life outside the catwalk was dull and gloomy. Si Alexis ngayon ang nagbibigay
ng excitement sa buhay niya.
"Ayaw mo talagang tigilan ang kapatid mo," wika niya habang ninanamnam ang init ng
palad ni Alexis sa dibdib niya. Tuluyan nang natanggal ng binata ang pang-itaas
niyang damit.
"Masyadong sinuswerte ang kapatid kong 'yun," nakangisi nitong sagot. "Makikihati
lang ako sa yamang tinatamasa n'ya ngayon sa mga Albano..."
Pumikit siya habang nasa balintataw ang mukha ni Brandon. Napaso siya sa init ng
pagkakadikit ng sigarilyo sa balat niya na sinadya ni Alexis. Nang magmulat siya
ng mata ay nasilayan niya ang nagbabagang mga mata ng binata.

Chapter 31
Maagang nasa opisina ni Brandon si Alexis kinabukasan. Pormal ang itsura nito sa
suot na slim fit black three-piece suit at pantay at malinis ang pagkakaayos ng
buhok. Malayo sa nakita ni Zanya na itsura nito mahigit dalawang linggo na ang
nakalilipas.
At mula kaninang kausap nito si Brandon hanggang sa ngayon na halos hapon na,
propesyunal itong nakikipag-usap sa kanilang mag-asawa -- making a good impression
and setting his best foot forward.
"I can set a meeting with Mr. Dela Guardia as soon as possible," pakitang gilas pa
nito. Si Mr. Dela Guardia ang nag mamay-ari ng La Guardia na isang 'luxurious
wellness club for men'. Ang mga myembro rito ay mayayamang negosyante sa bansa na
mahilig sa babae at alak. Nasa kwarenta ang executive suites at mahigit isang daan
ang sitting capacity sa ordinary lounge kung saan pwedeng mag-table ng babaeng
matitipuhan.
"We need to market our own wines," wika ni Brandon. "Gusto kong mananatiling
eksklusibo ang Agriberia wines sa Albano Hotels at Zenclub."
"Then we can start the advertisement as soon as possible. We need to re-label and
introduce our premium wines to the market. Sinisigurado kong makukuha natin ang
sole distribution sa La Guardia dahil matagal ko nang kakilala ang may-ari niyon."
"How many bottles do they consume per day?"
"They can consume three hundred to five hundred bottles, Brandon. Kaya nilang
makipagsabayan sa orders ng Albano Hotels mo. At hindi simpleng alak ang pinag-
uusapan natin dito. They want high-quality wines."
"We have the Dragon Fire and Napoleon, hindi tayo mapapahiya sa dalawang 'yan na
nangunguna bilang magandang klase ng alak dito sa Pilipinas."
"Bukas na bukas ay babalitaan kita sa pag-uusap namin ni Mr. Dela Guardia," buong
kompyansang wika ni Alexis.
Tahimik lang na nakikinig si Zanya sa pag-uusap ng magkapatid sa ama. Brandon was
careful at his words while Alexis was always bragging.
Naging matiwasay ang ilang linggong pagtatrabaho ni Alexis sa kumpanya at
nakapagpasok ito ng dalawang malaking kliyente sa distilerya sa loob lamang ng
isang buwan. Nasa hapag-kainan naman sila nang mabanggit ng ina ni Brandon na may
bago ring ads si Monique na gagawin under Solace Advertising.
"It's a shampoo commercial," nakangiting wika ni Lala. "Hindi ko rin akalain na
siya ang kukuhanin. Kunsabagay, maganda rin naman talaga ang mukha ni Monique."
"I'm glad you enjoy working again, Ma," sagot ni Brandon na hindi pinansin ang
pagbanggit kay Monique. "But let Tristan do the work, tila laging nasa party ang
anak niyong 'yun?"
"Hayaan mo na ang kapatid mong 'yun kung gusto pa niyang mag-enjoy sa buhay.
Tumutulong naman siya sa agency, hindi ko lang binibigla dahil baka ma-pressure
kaagad."
"Kailangan niyang matuto kung paano magdala ng mahihirap na sitwasyon, Ma, ini-
spoil niyo na naman ang bunso niyo."
"Darating din siya d'yan, hayaan mo na muna sa ngayon dahil kaya ko pa naman.
Anyway, kumusta ang preparation sa anniversary ng distilerya?"
"Naka-plantsa naman na ho sa organizer ang lahat," sagot ni Zanya. "Naipadala na
ang mga invitations sa malalaking kumpanya at may listahan na ng mga dadalo. Ife-
feature din sa Mega Lifestyle Magazine ang event para muling makilala ang mga
produkto ng distilerya."
"That's good news!" sambit ni Lala. "Inimbitahan ako ni Leonardo na pumunta kaya
siguradong naroon ako para suportahan kayo."
Naging abala si Brandon at Zanya dahil sa pagpasok ng maraming orders sa
distilerya. Si Zanya ay lagi pa ring nasa likod ng asawa para suportahan lang
ito. Pero dahil naging abala rin siya sa preparation ng anibersaryo ng distilerya
ay hindi na siya nakakasama pa kay Brandon sa mga meetings nito sa conference room
pati na ang meeting nito sa labas.
Wala si Brandon sa opisina nang minsang pumasok si Alexis at hinahanap ang kapatid.
Siya naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga kliyente sa telepono. Umupo si Alexis
sa silyang nasa harap ng desk niya at nakatitig habang hawak niya ang telepono at
nakikipag-usap.
"May kailangan ka pa?" tanong niya kay Alexis matapos makipag-usap sa kabilang
linya.
"Mr. Dela Guardia wants to introduce his new brach in Antipolo. Baka gustong
makuha ng agency ni Brandon ang kontrata para sa print and digital ads nila."
"Brandon doesn't handle the agency anymore," kaswal niyang sagot. "Si Tristan at
Mama na lang ang kakausapin ko."
"Maselan si Mr. Dela Guardia, Zanya," pagtanggi nito. "Alam mong piling-pili ang
gusto nitong makausap. At kung kay Tristan ko iaasa ang pagpasa ng proposal, baka
hindi pumasa sa panlasa ni Mr. Dela Guardia. No offense meant, pero malayo ang
kalidad ng trabaho ni Brandon kay Tristan."
Sandali siyang nag-isip bago sumagot. "Hindi ako ang makakasagot niyan kung hindi
ang asawa ko. I will tell him to call you once he comes back."
"Sure. Nasaan nga pala siya ngayon?"
"Nasa Manila Hotel para sa bagong kontrata ng hotel. Mamaya pa 'yun hapon
makakabalik."
"Bakit hindi ka yata kasama? Dati halos ayaw ka niyang ihiwalay sa kanya," biro
nito na hindi niya gustong bigyan ng kahulugan. Sa loob ng mahigit isang buwan ay
wala namang naging pagtatalo ang magkapatid at maayos naman ang trabaho ni Alexis
at dalawa pa nitong kapatid.
"Sa una lang naman 'yun habang hindi ko pa nakakabisado ang trabaho dito,"
nakangiti niyang sagot.
"Kung gayun ay wala kang makakasama sa lunch ngayon. May masarap na restaurant sa
tapat ng opisina pero malungkot kumain mag-isa. Would you like to have lunch with
me?" paanyaya nito. Wala namang dahilan para tumanggi kaya't um-oo na rin s'ya.
"Sure," agad niyang pagpayag saka nag-iwan ng mensahe kay Brandon na sa katapat na
restaurant kakain kasama si Alexis. Hindi ito nakasagot kaagad dahil nasa meetimg
ito.
"Hindi pa kita napapasalamatan sa pagsalba mo sa kumpanya," nakangiting wika nito
habang kumakain sila.
"Si Brandon ang pasalamatan mo dahil siya ang nagpursige na huwag ibenta ang
kumpanya," sagot naman niya. "I'm glad you're getting along."
"Para kay Papa, Zanya. Gusto kong maging masaya ang Papa kapag nakita niyang wala
na kaming alitan ni Brandon sa kabila ng marami naming pagtatalo sa nakalipas na
mga taon."
"Ano ba ang maaari niyong pag-awayan kung hindi naman kayo magkasamang lumaki?"
"Noong maliliit pa kami ay pilit kaming pinagsasama ng Papa," kwento nito. "Si
Tristan ang madalas na sumasama dahil si Brandon ay pilit inilalayo ang sarili sa
amin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Brandon noong mga panahon na
'yun dahil nang magbinata kami ay pinigilan na niya si Tristan na makihalubilo sa
amin."
"Ano ang sabi ni Papa?"
"Wala siyang magawa dahil sadyang matigas ang puso ni Brandon. Hindi na rin kami
nagpilit pa na sumiksik sa buhay nila dahil parati niyang sinasabi na sampid lang
kami at hiram lang namin ang apelyidong Montealegre. Tunay naman kaming anak ni
Papa hindi ba?"
"I'm sorry to hear that..." wika niya nang lumungkot ang mukha ni Alexis. "Siguro
ay may ibamg dahilan kung bakit ganoon ang pagtanggap niya sa mga sitwasyon.
Nawalan sila ng ama, hindi rin madali ang pinagdaanan ng pamilya nila."
"Nasa amin nga si Papa pero hindi lubos ang kasiyahan niya dahil malayo ang loob ni
Brandon. Hindi na rin siya gustong tanggapin pa ni Auntie Lala sa pamamahay nila.
Pero kahit malayo si Brandon sa amin, alam mo bang hindi siya tumigil na guluhin
kami?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"He was the cause of my first brokenheart. Nakipaghiwalay sa akin si Antonina
dahil sinulot niya. Halos magwala ako sa galit dahil dun pero pinigilan ako ni
Papa at sinabing ipaubaya ko lahat ng gugustuhin ni Brandon dahil siya ang
panganay."
"That's unfair..."
"Umiwas na ako sa lahat ng pagkakataon na makadupang palad siya. Kahit si Monique
ay una kong nakilala," patuloy nitong kwento. "Ngayon na lang kami nagkitang muli
nang lumapit siya kay Papa para palitan ako bilang CEO ng distilerya. Aminado
akong marami akong pagkukulang kaya napabayaan ko ang kumpanya, kaya gusto kong ako
din sana ang magbangon nun. Pero dahil pinilit ni Brandon ang Papa na ibigay sa
kanya ang pamamahala, wala rin akong nagawa nang paalisin ako sa opisinang ito.
Alam kong kaya ginawa ni Brandon 'yun ay dahil gusto niyang patunayan na mas
magaling s'ya sa 'kin. Wala na akong magawa dahil lagi namang si Brandon ang
pinapanigan ni Papa kapag naiipit siya sa aming dalawa."
"Just do your best and prove your worth, Alexis. Nakikita ko naman na sinisikap
din ni Brandon na makisama sa 'yo para sa ikatatahimik ng lahat," pagbibigay niya
ng payo. Wala siyang gustong bitawang salita tungkol sa alitan ng dalawa dahil
hindi niya alam ang puno't dulo ng lahat. "Kalimutan niyo na ang alitan niyong
magkapatid dahil matatanda naman na kayo."
"Huwag mo na lang banggitin pa sa asawa mo na nagku-kwento ako ng mga sama ng loob
sa 'yo. Baka mabigyan pa niya ng ibang kahulugan."
"No problem," pagsang-ayon naman niya. Hindi niya na gustong bigyan pa ng ibang
aalalahanin si Brandon nang tungkol kay Alexis.
Hapon na nakabalik si Brandon at halos kaaalis lang ni Alexis. Hindi naman
maipinta ang mukha ng asawa nang pumasok sa opisina.
"Why do you have to join him for lunch?" iritable nitong tanong.
"It was a polite invitation, Brandon, bumalik din naman kami kaagad," pagdadahilan
niya.
"At maghapon pa kayong magkasama dito sa opisina?"
"Inayos niya ang orders na idedeliver sa La Guardia sa susunod na araw. He also
helped me organize your files. Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ako magaling sa mga
gawain dito sa opisina. Ano'ng problema dun?"
"Nandiyan ang sekretarya para tulungan ka, Zanya, bakit kailangang si Alexis pa?"
"Wether you like it or not, he's your brother, at ngayon ay tinanggap mo siya para
magtrabaho dito. Natural tatanggapin ko ang tulong na in-offer niya kung may
kinalaman naman sa trabaho!" pagalit niyang sagot.
Hindi na sumagot si Brandon bagama't tumataas baba ang dibdib nito sa pigil na
inis. Hinarap nito ang mga dokumento sa mesa na inilagay ng sekretarya kanina.
"Dinala sa ospital si Stacey kanina." Napalingon si Brandon sa kanya.
"Why?"
"Nagkaroon daw ng spotting, but she's okay now. Gusto ko sanang dumalaw sa bahay
nila mamayang gabi."
Napabuntung-hininga si Brandon at isinandal ang likod sa leather seat. "I have a
meeting with Mr. Dela Guardia later at La Guardia."
"I can go alone," mabilis niyang sagot.
"Ihahatid kita dun at susunduin na lang pauwi," suhestyon naman ni Brandon na
sinang-ayunan niya.
"Anong pag-uusapan niyo ni Mr. Dela Guardia?"
"He did not mention. Ibibigay ko na rin nang personal ang imbitasyon sa
anniversary ng distilerya."
"Nabanggit sa akin ni Alexis na may itatayong branch sa Antipolo ang La Guardia.
Alexis suggested Solace Advertising to manage their digital and print ads.
Malaking tulong din 'yun sa agency."
"I appreciate your concern na maging maayos ang relasyon namin ni Alexis," mahinang
wika ni Brandon. "But I want you to keep your distance. Hindi ko alam kung ano
ang tumatakbo sa isip niya kung bakit bigla ay mabait s'ya ngayon at nagbibigay ng
tulong."
Tumango na lang siya para hindi na bigyan pa ng alalahanin si Brandon tungkol kay
Alexis. Kung ito ay nag-aalala sa iniisip ng kapatid, si Alexis ay ganoon din
naman kay Brandon. Kailangan lang siguro ng tamang panahon para mapaghilom ang
sugat sa puso ng dalawa dahil sa alitang pinalalim lang ng pagkakataon.
Inihatid siya ni Brandon sa bahay nila Stacey at Marcus sa Paranaque bago ito
tumuloy sa meeting sa La Guardia.

Chapter 32
Alas otso ng gabi nakarating si Brandon sa La Guardia. Ito na ang pangalawang
pagkakataon na nakatuntong siya sa wellness club na pag-aari ni Mr. Dela Guardia na
isa sa sikat na negosyante sa bansa. Bukod sa wellness club na dinadayo ng mga
prominenteng kalalakihan sa bansa, may iba pa itong hawak na negosyo tulad ng
Travel Agency at Manpower Services. Marami itong tauhan na gumagalaw para sa
negosyo nito pero ngayon ay nagpaunlak na makausap niya ng personal sa tulong ni
Alexis.
Malawak ang La Guardia na animo'y isang five star hotel sa karangyaan ng mga
muebles. May iba namang men's wellness club sa ibang dako ng kamaynilaan pero ito
ang pinakamahal sa lahat. You can date a GRO as high as two thousand pesos per
hour, depende sa magiging papel nito sa oras na iha-hire mo ang babae. The lowest
price is one thousand two hundred, if you just want the woman to escort you while
you play casino. Napapailing siya sa serbisyo ng La Guardia. May mga taong wala
nang magawa sa pera na pati paglalaro na lang sa casino ay may babae pang
tagabantay. Alam niyang sa ganoon naubos ang pera ng distilerya dahil nalulong din
si Alexis sa sugal at babae. Doon din nito nakilala si Mr. Dela Guardia.
Nagpakilala siya sa receptionist ng club at iginiya siya sa isa sa suites ng
building na iyon. Naghintay siya ng mga limang minuto bago pumasok sa silid si Mr.
Dela Guardia. He was in his mid fifties, still good-looking and moves and speaks
with power.
"Good evening, Mr. Dela Guardia." Tumayo s'ya para makipagkamay pero sumenyas ito
na umupo siyang muli.
"Thank you for coming tonight. I am leaving for Morocco the day after tomorrow and
I already gave my instructions to my assistant."
"Rest assured that we can accomodate your orders as stated in the contract," wika
niya. Sa susunod na araw pa ang schedule ng delivery nila sa club nito pero
nakahanda na ang lahat dahil hindi niya gustong mapahiya.
"I know. I trust my business partners, Mr. Montealegre," sagot nito. "Iba ang
dahilan ng pagpapatawag ko sa 'yo. We will have another La Guardia in Antipolo and
I want a new advertisement. Nabanggit sa 'kin ni Alexis na may advertising agency
kayo at hawak niyo rin ang Albano Hotels at Airlines."
"My mother and my brother Tristan handle the agency, Mr. Dela Guardia," sagot
niya. "Maaari ko silang papuntahin sa opisina ng assistant mo para mapag-usapan
ang requirements niyo."
"But you were the former manager of the agency. You can instruct them what to do,
pero gusto kong isa lang ang kausap ko sa mga bagay na may kinalaman sa La Guardia,
Brandon. I will discuss some important details I need in the ads, then you can
email me the proposal once it's ready."
Isang tango lang ang ibinigay niya at nakinig na lang sa mga sinasabi ng
negosyante. At dahil isa ang La Guardia sa malaking kliyente ng distilerya ngayon,
hindi niya maaaring tanggihan ang kagustuhan ni Mr. Dela Guardia na paglaanan niya
ng oras ang advertisement ng bagong branch.
Umabot lang ng isang oras ang naging pag-uusap nila ng negosyante dahil may kausap
pa itong ibang kasosyo sa negosyo. Bumalik siya sa bahay ng pinsan ng asawa para
sunduin si Zanya.
Kinabukasan ay naglaan siya ng oras para makipagkita sa assistant ni Mr. Dela
Guardia para sa planong advertisement sa Antipolo branch ng La Guardia. Maaga ang
Mama niya sa agency at si Tristan ay hindi umuwi sa bahay at hindi sinasagot ang
mga tawag niya. Hindi niya nai-discuss ang bagong project sa dalawa. Si Zanya ang
naiwan sa distilerya dahil nagkataon naman na wala siyang lakad ngayong umaga.
Laking gulat niya nang puntahan niya ang opisina ni Joe Mendez at naroon si
Monique.
"S'ya ang modelo na gagamitin sa banners at billboards ng new La Guardia," wika ni
Joe nang ipakilala sila sa isa't isa. Kaswal lang na ngumiti si Monique bago
tuluyang nag-discuss si Joe sa concept ng advertisement. Nang matapos ang meeting
ay nagpaalam siya kaagad na babalik na sa distilerya.
"We need to start the photoshoot as soon as possible. Dalawang buwan lang mawawala
si boss at kailangang tapos na ang lahat pagdating niya," dagdag pa ni Joe.
"Dadaan ako sa agency ngayon para i-discuss kay Mama ang schedule. Ang alam ko'y
may isa ka pang project na ginagawa under Solace, tama ba?" baling niya kay
Monique.
"Yes," sagot naman ni Monique. "Papunta rin ako sa opisina niyo ngayon dahil may
schedule pa kaming photoshoot sa studio. Would you mind if I go with you?"
Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag dahil kaharap si Joe at magiging bastos
siya kung iiwan ito doon.
"Where's your car?" tanong niya kay Monique habang nagmamaneho.
"Nasa casa pa. Nagpahatid lang ako kanina sa friend ko. How are you?" kaswal
nitong tanong.
"Okay lang naman. We're busy for the anniversary of Montealegre Distillery. Ikaw?
Wala ka bang out of the country shows?"
"Napagod na yata akong maglibot sa ibang lugar, gusto kong mag-stay muna dito. I'm
glad that I got this project that would keep me busy for a while."
"Pa'no ka nakuha ng La Guardia bilang modelo nila?"
"A friend introduced me to the owner. Hindi ko rin inaasahan na kukunin ako dahil
maraming magagandang babae sa club na puwede naman nilang kuhanin."
"Maganda ka naman talaga," papuri niya sa dating kasintahan. Ngumiti si Monique sa
kanya pero mabilis niyang iniwas ang tingin sa dating kasintahan.
"But your wife is prettier. How is she? Hindi pa ba buntis?"
"Hindi pa."
"I remember you were telling me you love to have kids."
Ngumiti siya sa alaalang iyon. He asked Monique to marry him so they can start a
new life together. Pero isa sa mga dahilan ng pagtanggi nito na pakasalan siya ay
hindi nito gustong magkaroon ng anak.
Pagdating sa opisina ng Solace ay agad niyang pinuntahan ang ina at inilahad ang
napag-usapan nila ni Joe. Iniwan na rin niya si Monique doon dahil kailangan
niyang bumalik kaagad sa distilerya.
Muling naningkit ang mga mata niya nang makitang nasa opisina na naman si Alexis at
masayang nakikipagtawanan kay Zanya. Agad umahon ang selos sa dibdib niya na hindi
niya magawang itago.
"Wala ka bang ibang gagawin sa labas?" sarkastiko niyang tanong kay Alexis.
Napatigil naman ito sa sasabihin at tumayo mula sa kinauupuan.
"I should go, mukhang hindi maganda ang resulta ng meeting mo kay Mr. Dela
Guardia," wika nito sa kanya saka bumaling pa kay Zanya bago lumabas ng pinto.
"Thank you for the coffee."
Napatitig siya sa asawa at sa basong hawak nito. Ang init ng ulo niya kanina dahil
hindi sumasagot si Tristan sa mga tawag niya ay dumagdag sa init ng ulo niya ngayon
kay Alexis.
"Alexis is an agent, Zanya, hindi mo s'ya sekretarya," inis na wika niya sa asawa.
"Ano ba'ng nangyari sa meeting niyo at mainit ang ulo mo?"
"Hindi ang meeting ko sa La Guardia ang ikinaiinit ng ulo ko. I told you to stay
away from Alexis. May pa kape-kape pa kayo ngayon?" sarkastiko niyang sabi.
Nakapamaywang pa siyang tumanaw sa labas para pahupain ang inis.
"Pwede ba, Brandon, wala namang ginagawa si Alexis para pakitaan ko ng hindi
maganda. Kayo ang may issue na magkapatid, bakit hindi mo muna isantabi kapag
nandito kayo sa opisina?"
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya para hindi na pahabain pa ang
usapan. Hindi niya gustong maging sanhi ng pag-aaway nila ni Zanya si Alexis.
"Let's have an early lunch," yaya niya sa asawa. Mabilis namang tumayo si Zanya at
tinanggap ang naghihintay niyang kamay palabas ng opisina. Sa malapit na
restaurant sila kumain para makabalik sila kaagad sa distilerya. Halos patapos na
sila sa pagkain nang tumunog ang telepono niya at nakitang si Monique ang
tumatawag.
Hindi niya sinabi kay Zanya na kasama niya si Monique kanina pero ngayon ay hindi
niya alam kung paano ipapaliwanag kung bakit kailangan niyang sagutin ang tawag
nito.
"Yes, Monique?" sagot niya sa telepono habang ang mata'y hindi inihihiwalay kay
Zanya.
"Si Mama, Brandon! Biglang bumagsak sa sahig!"
"What?! Ano'ng nangyari? Asan si Mama?"
"Dinala namin dito sa Quezon City General Hospital. Kasalukuyan pa lang siyang
inaasikaso ng mga doktor."
"We'll be there," mabilis niyang wika saka nag-iwan ng bayad sa waiter. Mabilis
nilang tinungo ang parking lot at mabilis na nilisan ang restaurant.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Zanya habang mabilis siyang nagmamaneho papunta sa
ospital na tinukoy ni Monique.
"Dinala daw ni Monique sa ospital si Mama. I told her to stop working, look at
what happened."
"Relax. Stop blaming anyone. Bakit si Monique ang nagdala kay Mama sa ospital?
Where's Tristan?"
"Tristan hasn't answered any of my calls. Siya dapat ang nagtatrabaho sa agency
pero nasa mga barkada na naman," naiiling niyang wika.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang isang tanong ko. Ano ang ginagawa ni Monique at
bakit siya ang nagdala kay Mama sa ospital?"
"Nasa agency si Monique para sa mga endorsements n'ya."
"At kanina'y nasa Solace Agency ka rin, 'di ba?" tanong nito. Marahan siyang
tumango pero sa sulok ng mga mata niya ay inaalam kung ano ang magiging reaksyon
ni Zanya. Iniwas nito ang tingin sa kanya nang tumingin ito sa labas ng bintana ng
sasakyan. Hindi na siya muling nagsalita dahil pinupuno ng mga alalahanin ang isip
niya.
Kinse minutos lang ay narating na nila ang ospital. Agad naman silang sinalubong
ni Monique nang makarating sila sa pribadong silid na pinagdalhan kay Lala
Montealegre.
"Kumusta si Mama?" Agad niyang binuksan ang pinto ng silid at tinungo ang ina na
nakahiga sa hospital bed. May dextrose na nakakabit dito at kasalukuyang
natutulog.
"Bumaba daw ang hemoglobin niya ayon sa doktor. Tinawagan ko na ang oncologist
niya at nag-advise na ilipat natin s'ya sa ospital para mas mabantayan siya doon ni
Dr. Reyes."
"Yes, I will arranged an ambulance for her transfer. Thank you for bringing her
here. Hindi ko alam kung bakit wala si Tristan sa opisina gayung dapat s'ya ang
namamahala doon imbes na si Mama."
"Nung iwanan mo 'ko kanina sa opisina ni Mama ay napansin ko na ang pamumutla n'ya.
I shoul've told you before you left."
Si Zanya ay tahimik lang na nakamasid sa dalawa na nagpapalitan ng salita.
Monique's concern for Lala Montealegre was consistent. Palagi nitong hawak ang
kamay ng biyenan habang kausap nito si Brandon. At kung mag-usap ang dalawa ay
parang wala siya roon. She felt out of place. Hindi rin niya alam kung bakit
hindi nabanggit ni Brandon na kasama nito si Monique kanina sa opisina ng Mama
nito. But those questions don't matter at this moment. Nag-aalala si Brandon sa
kalagayan ng ina nito at hindi makakatulong ang mga pagtatanong niya.
"Dammit, Tristan!" pagalit na wika ni Brandon sa telepono nang sagutin ng kapatid
ang tawag nito. "I've been calling you since last night! Nasa ospital ang Mama
ngayon habang ikaw ay nagpapasarap sa buhay kasama ng mga barkada mo! Pumunta ka
sa agency ngayon at asikasuhin ang mga naiwang trabaho ni Mama kung hindi ay
puputulin ko lahat ng sustento ng kumpanya sa 'yo!"
"Calm down, Brandon," alo ni Monique sa asawa niya na tila wala itong pakialam sa
kanya. "Hindi makakatulong kapag nag-away pa kayong magkapatid. Susunod naman si
Tristan sa 'yo kapag inutos mo."
"I've been working like a dog while he sits sipping a lemonade. Lagi kasing ini-
spoil ni Mama kaya ganyan eh." Nakatukod ang dalawang kamay ni Brandon sa hospital
bed ng ina habang hinahaplos naman ni Monique ang likod nito para kumalma si
Brandon. Lumunok ng mapait si Zanya sa nakikitang eksena ng dalawa. Nang pumasok
ang doktor na tumingin kay Lala ay nawala nang sandali ang unti-unting panibugho sa
dating kasintahan ni Brandon.
"Mr. Montealegre, the test results will be out after an hour. Iminumungkahi namin
na hintayin niyo na muna ang resulta ng tests niya bago niyo siya ilipat ng
ospital. Sa ngayon ay maayos naman na ang kalagayan niya at nabigyan na namin siya
ng gamot."
Mabilis namang tumango si Brandon saka kinausap ang nurse para sa pag-discharge kay
Lala oras na lumabas na ang resulta ng tests at puwede na itong ilipat.
"I hope you won't mind my presence here," wika ni Monique sa kanya nang maiwan sila
sa silid. "Para ko na ring tunay na ina si Mama dahil parati kaming nagkakasama
dati nung kami pa ni Brandon. Gusto ko lang masiguro ang kalagayan niya bago ako
umalis. Pero magkaibigan na lang kami ng asawa mo at naka-move on na ako sa
paghihiwalay namin. Wala kang dapat ipag-alala."
"Sure," tipid niyang sagot. "Tama naman si Brandon, malaking bagay na nasa opisina
ka ni Mama kanina dahil nadala siya kaagad sa ospital."
"Masyado sigurong na-excite si Brandon sa magiging project namin sa La Guardia kaya
hindi niya napansin ang pananamlay ni Mama."
"Ano'ng project niyo sa La Guardia?" Napakunot-noo s'ya.
"Ako ang kinuha ni Mr. Dela Guardia na magiging model sa bagong branch ng club. We
will have a photoshoot in the coming days. Hindi ba nasabi ng asawa mo sa 'yo?"
Nanatili siyang nakatitig kay Monique habang unti-unting bumabangon muli ang inis
sa dibdib niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili para hindi siya mabulag ng
emosyon.
Brandon loves her. Kung sakali mang may mga nakaligtaang sabihin ang asawa sa
kanya ay dala ng maraming aalalahanin. Hindi siya dapat magpadalos-dalos.

Chapter 33
Nang masigurong ligtas na ang kalagayan ni Lala Montealegre ay nagpaalam na si
Monique na uuwi na sa condo nito.
"Tristan will contact you about the schedule of La Guardia photoshoot," wika ni
Brandon dito.
"Okay," sagot naman ni Monique. "But I hope you will find the time to check your
brother's job once in a while. Kilala mo naman si Mr. Dela Guardia, metikuloso sa
mga inilalabas na ads."
Marahan lang tumango si Brandon na iniisip kung paano pamahalaan ang dalawang
kumpanya. Hindi niya gustong bumalik ang ina sa pagtatrabaho dahil mas kailangan
nito ang relax ang isip at katawan.
Tahimik lang na nakatingin si Zanya sa labas ng bintana ng hospital. Lumapit si
Brandon sa asawa at kinuha ang dalawang kamay nito at ipinulupot sa baywang niya.
"Were you worried about Mama or were you worried about Monique's presence?" tanong
niya nang makitang malungkot ang mga mata nito.
"I was worried why didn't you tell me you were with Monique," sagot nito. Dumaan
saglit ang inis sa mukha nito na pilit itinatago.
"I didn't know how you tell you. Nagulat ako na siya ang kinuhang modelo ni Mr.
Dela Guardia. And then she has another project with Solace Advertising before
that. Trabaho lang naman 'yun at hindi ko gustong maging issue pa," paliwanag
niya.
"So ngayon magiging anino natin s'ya ganun ba?"
"Bakit natin s'ya magiging anino?" Napakunot ang noo n'ya.
"Oh, c'mon. Nakita mo ba kung paano siya mag-asikaso kay Mama at sa 'yo? Parang
wala ako dito na asawa mo!"
"Don't be jealous. Hindi ko lang s'ya maitaboy kanina dahil s'ya ang nagdala kay
Mama sa ospital. Huwag mo nang pagselosan ang paghagod niya sa likod ko, hanggang
dun na lang naman ang pwede niyang gawin," wika niyang may pilyong ngiti. Hindi pa
rin nagpatinag si Zanya dahil nakasimangot pa rin ito.
"Dadagdagan mo ang mga aalalahanin ko kapag nagalit ka pa sa 'kin," dagdag niya.
Lumambot naman ang mukha ng asawa sa sinabi niya saka umupo sa silya na katabi ng
kamang hinihigaan ni Lala.
"Bumalik ka na sa opisina, ako na ang magbabantay kay Mama," suhestyon nito.
"Sa Solace muna ako pupunta at titingnan ang naiwang trabaho ni Mama doon.
Kakausapin ko rin si Tristan nang masinsinan."
Umalis siya sa ospital at halos paliparin ang kotse para puntahan ang kapatid sa
agency. Pagdating niya ay nakaupo lang ito habang nakataas pa ang mga paa sa mesa.
"Ano'ng nangyari, Tristan? Ang usapan natin ikaw ang papalit sa akin sa pamamahala
dito," wika niyang mahinahon para hindi na makipagtalo sa kapatid.
"I can't, Kuya," mabilis naman nitong sagot. "I realized this isn't the job for
me. Hindi ko kayo katulad ni Mama at Papa na magaling magpatakbo ng negosyo."
"Hindi ako magaling. Nagkataon lang na kailangan kong gawin ang lahat kung hindi
ay pupulutin tayong pare-pareho sa kangkungan. We have responsibilities to our
parents, pareho silang may sakit."
"Kumusta si Mama?"
"She's fine now. Pero hindi ko muna siya pababalikin sa trabaho kahit makalabas na
siya ng ospital kaya't kailangan ko ng kooperasyon mo, Tristan, I can't serve two
masters at the same time. Marami ring trabaho sa distilerya na hindi ko rin
gustong ipaubaya kay Papa at Alexis."
"But I can't do this alone."
"We have dependable employees, ang kailangan lang ay ang supervision mo. Marami
nang kliyenteng pumapasok sa agency, sayang kung pakakawalan lang natin. Huwag
mong isipin na hindi mo kaya. Ikaw na lang ang pwede kong asahan dito."
Napabuntung-hininga si Tristan bago tumuwid ng tayo. Binuklat nito ang mga folders
sa mesa na siyang on-going projects ngayon ng agency.
"May bagong proyekto si Monique sa atin?"
"Yes. Sa ngayon ay dalawang project natin ang siya ang modelo. Nandito siya
kanina kaya't siya ang nagdala sa ospital kay Mama," kwento niya. Hindi niya na
sinabing sana'y narito si Tristan kanina para ito ang nakapagdala kay Lala sa
ospital. Tristan hated to be blamed. Ang importante sa ngayon ay napapayag niya
na itong magtrabahong muli sa agency.
Tinawag niya ang tatlo sa pinakamatagal ng empleyado sa agency at nagkaroon sila ng
mabilisang meeting para sa on-going projects ng agency. At dahil nangako siya kay
Mr. Dela Guardia na personal niyang aasikasuhin ang ads para sa La Guardia,
kakailanganin niyang puntahan ang agency paminsan-minsan para masigurong matatapos
ang lahat bago bumalik si Mr. Dela Guardia sa bansa.
Gabi na siya nakabalik sa ospital at gising na ang Mama niya pagdating niya.
"Na-excite lang ako sa dami ng projects na dumating sa agency, Brandon," wika nito
nang sabihan niya ang ina na pinatitigil niya na ito sa trabaho.
"Hayaan mo na si Tristan sa kumpanya, 'Ma," pagpipilit pa rin niya. "Gusto kong
makita na kaya niya nang pamahalaan ang agency mag-isa."
"At paano kung hindi? Unti-unti nang nakakabangon ang Solace, sayang kung babalik
ito sa dati."
"Kailangan mong magtiwala sa anak mong 'yun na kaya niya. Hindi sa lahat ng oras
ay nand'yan kayo o ako para saluhin ang trabaho niya. Don't worry, imo-monitor ko
naman ang status ng ads ng Albano Airlines project kung 'yun ang ipinag-aalala mo."
"Nahihiya akong nasa balikat mo ang lahat ng mabibigat na trabaho, Brandon. Sa
distilerya pa lang halos ubos na ang oras mo."
"Marami tayong maaasahang tauhan, Mama. Mas importante sa akin ang kalusugan niyo
ni Papa."
Katulong na ang nagbantay sa ina niya sa ospital sa magdamag. Kinabukasan ay
pinayagan naman na itong umuwi sa bahay nang lumabas ang resulta ng mga tests nito.
Si Brandon ay halos hindi na matulog sa pag-aasikaso sa Solace dahil sa pangakong
suporta na ibibigay kay Tristan na pamahalaan ang kumpanya. Kapag nagpupunta siya
sa agency ay naiiwan si Zanya sa bahay o kaya sa opisina sa distilerya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Brandon, subsob ka pa rin sa trabaho kahit may asawa ka
na. Hindi ba nagrereklamo si Zanya na wala ka ng oras para sa kanya?"
"She understands my situation," sagot niya kay Monique. Halos tapos na ang project
nila dahil nasa editing na lang ito ng mga artist. Pinilit niyang unahing tapusin
ang project ng La Guardia para hindi na ma-okupa ang oras niya sa distilerya dahil
sa isang araw na ang anibersaryo nito.
"No woman wanted to be neglected, Brandon. Nachi-check mo ba ang asawa mo baka may
iba na ring pinagkakaabalahan?"
Naningkit ang mga mata niya sa binitawang salita ni Monique. Alam niyang isang
paraan ito ng dating kasintahan para mapalapit sa kanya. Hindi siya manhid para
balewalain ang paminsan-minsang pagdidikit ni Monique ng dibdib nito sa balikat
niya at ang madalas na paghawak sa braso niya. Pero wala na siyang balak patulan
ito kahit pa sa one-night stand lang.
"Nai-submit na namin kay Mr. Dela Guardia ang draft ng print ads," pambabalewala
niya sa pasaring nito kanina. "Tristan will call you if we need some revisions."
Mabilis siyang umalis sa agency at bumalik sa distilerya. Naabutan niya si Zanya
na kausap na naman si Alexis na ikinaiinis niya. Pero sa loob ng dalawang buwan na
pagtatrabaho ng kapatid sa ama sa distilerya, hindi ito nagpakita ng kagaspangan ng
ugali. Wala tuloy siyang dahilan na paalisin ito o sabihan si Zanya na layuan ito
sa kabila nang alam niyang nagpapanggap lang itong mabait sa ngayon.
"Wala ako bukas, Brandon, may mahalaga akong aasikasuhin. But I will be at the
company's anniversary. Would you mind if I bring Monique with me?"
"Bakit kayo magkasama? Are you dating her?" Nakakunot ang noo niyang tanong.
"We're friends even before you've met," sagot ni Alexis. "Magkaibigan lang kami
kaya't hindi ka dapat magselos."
"Hindi ako nagseselos," pagtatama niya.
"Kumusta nga pala ang ads ng La Guardia? Monique told me that you were with her
almost everyday --"
"Don't give any meaning to it, Alexis. At kung anumana ng namamagitan sa inyo ni
Monique ay wala na akong pakialam. You can bring her to the party or anywhere you
want. Would you excuse us for a while? May pag-uusapan kaming importante ng asawa
ko," naiinis niyang wika para itaboy ito.
Mabilis namang umalis si Alexis sa silid at naiwan silang mag-asawa. Nakatingin
lang si Zanya sa kanya na tila nanghihingi ng paliwanag kung bakit sila magkasama
ni Monique.
"Don't tell me you believe Alexis' lies," wika niya kay Zanya. Umupo siya sa gilid
ng mesa nito at tinitigan ang asawa. "Tapos na ang trabaho ko sa agency, si
Tristan na ang bahala sa maliliit na projects. Hindi ko lang gustong ma-disappoint
si Mama kapag nawala ulit ang malalaking projects. Tristan still needs a lot of
training and supervision."
"I understand," mahina nitong sagot. "Please lock the door."
Napangisi siya at sinunod ang asawa. "I know I've been busy lately, na-neglect ko
na ba ang duties ko bilang asawa?"
Umirap si Zanya at tumayo bago pa man niya maikulong sa mga bisig niya.
"Si Alexis ngayon ang namamahala sa deliveries, I wonder why he's interested to
work in the production area."
Kumunot ang noo niya at bago pa man niya maintindihana ang ibig nitong sabihin ay
nagsimula itong muli.
"Inaabot ng gabi ang deliveries natin pero hindi tayo nagpapaalis ng gabi. I found
deliveries two nights in a row; one was eleven o'clock and the other was twelve."
"May mga delivery receipts ba ang mga 'yan?"
"Yes, pero naka-schedule ang mga 'yun sa hapon. Kanina ko lang nakita ang logbook
ng guard. Hindi ko pa kinakausap ang driver at pahinante dahil gusto kong ikaw ang
kumausap sa kanila pati na rin ang guard na naka-duty sa gabi."
"Now you're learning," papuri niya sa asawa. "Do you think na may kinalaman si
Alexis dito?"
"Hindi ko pa gustong mag-isip, pero hindi ko rin gustong pakampante. Halos isang
linggo ka nang hindi tutok dito dahil nasa Solace ka, maaaring sinasadya dahil
hindi mo mapapansin o maaaring nagkataon lang. Assumptions pa lang naman ang sa
akin, Brandon."
"They say that woman's instinct is often right.. So I believe you.. Hindi rin ako
naniniwalang bukal sa loob ni Alexis ang magtrabaho sa loob ng pangangalaga ko."
"Ano'ng plano mo?"
"Palitan ang schedule ng guards. Hindi ko alam kung bakit pinayagan ng mga guardia
na umalis ng ganung oras ang delivery gayung naka-set 'yun na umalis ng hapon."
"Matagal na kay Alexis nagtrabaho ang mga 'yan, hindi ako magtataka kung nasa kanya
pa rin ang loyalty ng mga tao."
Lumapit s'ya kay Zanya at tuluyang ikinulong ito sa mga bisig. "Kaya hindi ko
gustong laging kausap ang Alexis na 'yun, Zanya. I know he's into something.
Kahit kapatid ko s'ya, wala kaming naging maayos na relasyon."
"Don't worry about me, Brandon. Bukas na ng gabi ang anniversary ng distilerya,
hindi ko gustong mag-isip ka ng negatibo ngayon. Dadaan ako sa Albano Hotel para
i-check ang venue at kausapin ang event organizer."
Mula nang maging busy din s'ya sa Solace ay pinayagan niya na si Zanya na gumamit
ng ibang sasakyan papasok sa distilerya. Hindi na ang sports car ang gamit nito
kung hindi isang Audi E-tron na hindi rin biro ang halaga.
Bumaba si Brandon sa production area nang umalis si Zanya. Nadatnan nga nito si
Alexis na kausap ang ibang tauhan.
"Brandon!" Lumapit si Alexis sa kanya habang ang mga tauhan ay mabilis na
tumalikod. "Tapos na ang pagkakarga sa truck. May bago akong ipapasok na isa pang
kliyente sa Batangas naman. Inaayos na lang nila ang quantity ng order at ise-send
kay Zanya. Nabanggit na ba sa 'yo ng asawa mo?"
"Hindi pa kami nagkakausap tungkol sa mga orders. Gusto kong i-check ang warehouse
at ang naka-schedule na deliveries ngayon dahil ilang araw akong wala."
"Wala ka nang aalalahanin, Brandon. Habang wala ka ay si Zanya ang personal na
nag-aasikaso ng lahat. I could that say Zanya was doing a great job."
Ngumiti lang siya kay Alexis saka tinawag ang isang supervisor. Tinawag din niya
ang iba pang tauhan na may koneksyon sa pagkakarga at pagpapaalis ng mga
deliveries. Sumunod ang lahat ng tauhan niya sa conference room.
----
Mainit ang ulo ni Alexis nang pumunta sa condo ni Monique. Halos kararating lang
din niya galing sa grocery at halos hindi pa siya tapos ayusin ang mga pinamili.
At mas maaga ito ngayon dahil halos alas kwatro pa lang ng hapon.
"Hindi matutuloy ang delivery ko ngayong gabi. Kailangan kong masira si Brandon
para makuha kong muli ang pamamahala sa distilerya."
"Paano mo gagawin?" may himig paghahamon niyang tanong. Gabi-gabi na lang halos
itong nagsisintir sa kapatid dahil sa panibugho.
"Matityempuhan ko rin 'yan, Monique, maghintay ka lang. For the meantime, ihanda
mo ang sarili mo bukas dahil isasama kita sa anniversary ng distilerya."
"Gagamitin mo na naman ako para sirain ang mag-asawang 'yun? Hindi mo matitinag
ang dalawang 'yun, Alexis. Hindi mo ba nakikitang nahumaling na si Brandon sa
babaeng 'yun? Bakit naman hindi? With her looks and money, ano pa ba ang
hahanapin ni Brandon."
"Wala ka talagang katiwa-tiwala sa alindog mo," nakangisi nitong wika. "Hindi
santo si Brandon. Huwag mong sabihin na hindi mo na kayang landiin ang ex mong
'yun?"
"Eh kung mabibigyan ako ng pagkakataon bakit hindi?" Isang makahulugang ngiti ang
ibinigay niya kay Alexis.
Ang totoo'y nanghihinayang pa rin siya na pinakawalan niya si Brandon. Nakita niya
kung gaano nito kamahal ang asawa ngayon. Tuwing nasa Solace ito ay panay rin ang
tawag nito sa telepono para kumustahin si Zanya, samantalang siya dati ni hindi
nito magawang tawagan kapag may mga out of the country shows s'ya. Gumawa talaga
siya ng paraan para makasama ito sa agency, kaya kahit wala siyang schedule ay
naroon siya para i-monitor ang status ng billboards at flyers para sa La Guardia.
Pero pormal lang kung kausapin siya ni Brandon.
Na lalo niyang ikinaka-challenge.
"Bakit maaga ka ngayon?" tanong niya kay Alexis na ngayon ay may hawak na ng baso
ng alak.
"Nasa opisina na si Brandon at nasisira ang diskarte ko sa kumpanya. Wala rin si
Zanya doon dahil nakita kong umalis ang sasakyan niya."
"Hmm... Hindi pala magkasama ang dalawang 'yun ngayon..."
Napatitig si Alexis sa kanya na walang ideya sa nasa isip niya. Dagli siyang
nagbihis at naglagay nang matapang na makeup.
"Saan ang punta mo?" tanong ni Alexis. Isang mahalimuyak na pabango ang in-spray
sa katawan saka malagkit na ngumiti sa binata.
"May bibisitahin lang akong isang dating malapit na kaibigan..."

xxpbkxx

Chapter 34
Alas nueve na nakauwi si Zanya dahil sinamantala niyang dumaan sa bahay ng mga
magulang para personal ding imbitahan ang mga ito sa anniversary bukas. Nagulat pa
siya nang makarinig ng nagtatawanan sa hardin. Kilala niya ang boses ng biyenang
si Lala at ni Brandon, pero sino ang isa pa?
"Kilalang kilala niyo talaga ako, Ma," wika ng babae na ikinakulo ng dugo niya.
"Napakadali mo namang pasayahin, naalala ko nung bago pa lang kayo ni Brandon,
masaya ka na kapag napapadalhan kita ng mga na-bake kung cookies," wika ni Lala.
"And I make sure I bring those with me when I go out of the country. Nami-miss ko
talaga 'yun lalo ngayon."
"Nung naging busy ako hindi na rin ako nakakapag-bake. Pero ngayong pinatigil ako
ni Brandon na pumunta sa Solace, mukhang mapapasabak ako ulit sa pagbi-bake."
"Would you mind if I come here often, 'Ma? I really love your cookies, I also
want to learn how to bake."
"Sige nga nang hindi ako naiinip dito sa bahay. Masyadong protective itong si
Brandon na kaunting deperensya eh pinahinto na ako sa trabaho."
"Sabi nga ng doktor, kailangang iwasan na ma-stress ka, 'Ma," sagot naman ni
Brandon.
"Ganyan naman talaga 'yang anak niyo. Naalala ko dati hindi rin ako basta-basta
nakakaalis kapag hindi siya kasama. Halos itali na 'ko sa katawan n'yan dati,"
nakangiting wika ni Monique.
"At ginawa mo naman lahat para takasan ako at sumama sa mga kaibigan mo papuntang
Singapore," wika ni Brandon na sinakyan ang sinabi ni Monique.
Tumawa nang mapang-akit si Monique. "Nasundan mo rin naman ako. That was special
to me because it was the first time we spent our days out of the country. Sa
sobrang pagiging busy mo, nakalimutan mo nang mag-relax."
Hindi niya nakayang pakinggan ang kwentuhan ng mga ito kaya tumuloy na lang siya sa
loob ng bahay imbes na puntahan ang asawa sa hardin. At dahil tanaw sa balkonahe
ang mga ito sa hardin, ipinasya niyang sa kama na lang maghintay kay Brandon.
Labinlimang minuto pa ang lumipas bago umakyat si Brandon sa silid at hindi na
maipinta ang mukha niya sa inis. Hindi niya alam kung bakit nakikipaglapit muli si
Monique. Hindi siya magpapaapekto dito kung gusto lang naman nitong inisin siya.
"Bakit hindi mo 'ko pinuntahan sa hardin?" tanong ni Brandon nang pumasok sa silid
nila.
"Maiistorbo ko ang pagbabalik-tanaw niyo sa nakaraan. Mukhang kailangan niyo ng
oras para balikan lahat ng 'yun."
"I was waiting for you, hindi ko naman intensyong makipagkwentuhan. Wala pa akong
kalahating oras dun."
Hindi niya na pinahaba pa ang pag-uusap dahil hindi niya gustong magpaapekto sa
presensya ni Monique. Kung tapos na ang project nito sa Solace ay hindi na rin
naman ito makikita pa ni Brandon.
"May hinala akong may hindi ginagawang mabuti si Alexis sa kumpanya kaya siya
nakikialam sa mga deliveries," kwento ni Brandon na nagpalingon sa kanya.
"What do you mean?"
"Hindi gustong magsalita karamihan sa mga tauhan na ipinatawag ko kanina. Ang sabi
ng driver ay nasiraan ang sasakyan kaya't naantala ang delivery. Ang dalawang
kumpanyang de-deliver-an ay mga bagong kliyenteng ipinasok niya kailan lang.
Tinawagan ko ang Daddy mo para magpatulong sa pag-iimbestiga kay Alexis."
Kinabukasan ay naging abala silang lahat sa anniversary ng distilerya na ginanap
mismo sa compound ng kumpanya. Dumalo ang mga kasosyo, tauhan, at malalapit na
kaibigan. Naroon din ang karamihan sa mga Albano na inimbitahan ni Zanya. Si
Brandon ay abala sa pag-iistima ng mga bisita kasama ni Leonardo at Lala. Wala
doon ang ina nila Alexis.
Halos alas onse na ng gabi nang mag-alisan karamihan sa mga panauhin. Dahil abala
rin si Zanya sa pag-iistima sa mga kamag-anak na naroon, madalas ay magkahiwalay
sila ni Brandon.
"Your husband was enjoying Monique's company," wika ng tinig sa likod niya na agad
niyang ikinalingon. Nasa parking lot sila ng distilerya kung saan isa-isang nag-
aalisan ang mga bisita.
"Huwag kang gumawa ng kwento, Alexis," naiinis niyang wika dahil may iba pang taong
naroon na nakakarinig ng pag-uusap nila.
"Kanina pa magkasama ang dalawang 'yun. Monique told me that Brandon asked her to
stay a little longer so they could spend more time."
Naningkit ang mga mata niya na gusto niyang suntukin si Alexis. He was drunk.
Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito at kung totoo man iyon.
"Hindi mo masisira ang pagsasama namin ng asawa ko, Alexis."
"Nagagalit si Brandon kay Monique kung bakit nakikipagmabutihan siya sa 'kin. He
was jealous. Pinakasalan ka niya pero hindi niya matanggap na mabilis na naka-move
on si Monique sa kanya," dagdag nito. "Monique was Brandon's long-time girlfriend,
Zanya. Hindi madaling itapon ang ganoon katagal. At ang alam ko'y willing
makihati si Monique sa 'yo huwag lang mawala si Brandon sa buhay niya."
"Fuck you!"
"Bakit hindi mo kompirmahin ang sinasabi ko?" paghahamon nito habang palayo siya sa
parking lot. Tahimik na ang paligid at may ilan na lang na tauhan na tumutulong sa
pagliligpit ng gamit pagbalik niya sa venue. Hinanap niya si Brandon pero ang sabi
ng isang tauhan ay nasa likod ito ng old building kasama ang isang babae. Agad
umahon ang kaba sa dibdib niya.
----
"Tell me what's going on," tanong ni Brandon kay Monique para paaminin ito sa
totoong relasyon nito kay Alexis. Nasa likod sila ng building na malayo sa
karamihan. Naniniwala siyang may balak ang kapatid sa ama sa kanya at ginagamit
nito ang dating kasintahan at kanina lang ay nakompirm niya iyon.
Dati nitong kinalolokohan si Monique, ayon na rin sa impormasyong ibinigay ng
imbestigador kaninang umaga. Hindi niya alam 'yun dahil masyado siyang abala noong
mga panahon na nakilala niya ang dating kasintahan. Magkasama ngayon sa condo ang
dalawa at tiyak niyang may namamagitan sa mga ito.
Alexis was involved in drugs. Ipinagpasalamat niyang mabilis ang mga impormasyong
nakalap ng imbestigador. Nang ipahinto niya ang mga delivery kahapon ay galit na
galit si Alexis. Ang mga kliyenteng ipinasok nito ay walang lehitimong negosyo
ayon sa mga imbestigador ngayong gabi lang. Ipa-iimbistigahan niya ang kapatid at
kahit paano ay hindi rin niya gustong masangkot si Monique dahil may pinagsamahan
sila. At tiyak niyang walang alam ang dating kasintahan sa mga aktibidades ni
Alexis.
"Ano ang relasyon mo kay Alexis?"
"He was there when you dumped me and married Zanya Albano, Brandon," paiyak na wika
ni Monique.
"Napakaraming lalaki d'yan, Monique! Bakit sa kanya pa?"
Nagkibit-balikat ito. Hawak ang kopita ay dinala ito sa labi at inubos ang laman
niyon. Alam niyang marami na itong nainom dahil halos mabuway na ito kanina sa
paglalakad.
"Dahil gusto kong gumanti sa 'yo! Aaminin ko, natatangay ako sa mga pang-aakit
niya. What can I do? Gusto kong makalimot sa kataksilan mo at pang-iwan sa akin
na parang basura."
"Hindi ka basura...."
"Hindi nga ba? I know your wife was better than me. Mas maganda... mas mayaman...
ano ang laban ko 'di ba? Ang laban ko lang minahal kita ng sobra..."
"Minahal din kita, Monique, alam mo 'yan. I did everything for you..."
Lumapit sa kanya si Monique at bago pa siya makakilos palayo ay dumampi na ang labi
nito sa kanya. Idinikit pa nito ang katawan at kahit paano'y bahagya siyang
naapektuhan dahil marami na rin ang nainom niya. Pero agad rumehistro ang mukha ni
Zanya sa balintataw niya kaya't agad niyang inilayo ang mukha. Isang anino rin ang
nagpawala sa lahat nang nainom niya nang makitang nakatayo si Zanya dala ang galit
sa mukha nito.
"Zanya!"
Mabilis itong tumakbo palayo at pinanlamigan siya ng katawan sa reaksyon nito. She
was furious and God knows what she was thinking. Gaano man niya gustong ipaliwanag
na nabigla din siya sa ginawa ni Monique ay iba ang iisipin nito.
"Let me explain!"
"Go to hell!"
Mabilis itong lumabas sa gate ng building at pumara ng taxi. Inigkas nito ang
kamay nang tangka niyang pigilan at wala siyang lakas dahil marami siyang nainom.
Napaluhod siya nang tuluyang nakaalis si Zanya palayo sa lugar na 'yun. Alam
niyang kahit habulin niya ito ng kotse ay hindi niya ito aabutan. Mabilis siyang
pumasok sa gate at tinungo ang kotse.
"I'm sorry..."
"Huwag ka munang magpakita sa akin, Monique. Wala ako sa tamang pag-iisip at baka
sa 'yo ko maibunton ang galit ko!"
Paharurot niyang pinaandar ang sasakyan palayo doon. Laking panlulumo niya nang
pagdating sa bahay ay hindi doon tumuloy ang asawa.
"Baka nagpalamig lang sa ibang lugar," wika ng Mama niya nang halos ibalibag niya
ang pinto ng silid.
"I need to find where she is. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya."
Tinawagan niya na si Stacey na halos kararating lang sa bahay ng mga ito sa
Paranaque. Kahit si Ezekeil Albano ay lakas-loob na rin niyang kinausap. Nangako
naman ang mga ito na sasabihan s'ya kung nasaan ang asawa. Ala una nang tawagan
siya ni Ethan na gusto munang mapag-isa ni Zanya. Tumawag na ito sa Daddy nito
pero hindi ipinaalam ang kinaroroonan nito sa ngayon. Nanlumo siya sa mga narinig.
Gusto niyang itapon lahat ng gamit sa silid dahil sa galit sa sarili.
Kinabukasan ay wala pa ring balita kung nasaan si Zanya. Hindi na makontak ang
numero nito at kahit ang pamilya nito ay walang maibigay na impormasyon.
"Your wife was mad. Kahit ako'y gusto kong magalit," wika ni Ezekeil nang
ipaliwanag niya ang mga nangyari. Mugto ang mga mata niya sa pag-iyak at wala siya
ni isang minutong tulog. Kagabi ang unang gabi na hindi niya katabi ang asawa sa
silid. Hindi niya gustong masundan pa iyon ng isa pang gabi. He needs to find
her.
"Hindi ko kailanman gustong lokohin ang anak niyo. Kung kailangan kong lumuhod sa
harap n'ya para humingi ng tawad ay gagawin ko... Please tell me where she is... I
need my wife..."
Hindi niya napigilan ang muling pagbalong ng luha na kailangan niyang yumuko para
itago 'yun. Kung balak ng mga ito na ilayo si Zanya sa kanya ay hindi siya
papayag. Hindi niya kayang mabuhay ng wala ang asawa sa tabi niya.
"Sasabihan ka namin kung nasaan si Zanya. Ipinahanap ko na rin siya sa
imbestigador. Hindi ko rin gustong hindi ko alam ang kinaroroonan ni isa sa mga
anak ko. But whatever she decides on your marriage, I will respect that."
Laglag ang balikat na umalis siya sa opisina ni Ezekeil Albano. Tumuloy siya sa
bahay ni Trina na kaibigan nito pero bigo din siyang makakuha ng impormasyon dahil
wala ito roon at nasa ibang bansa ayon sa katulongm. Ipina-trace niya ang
direksyon ng taxi na sinakyam ng asawa kagabi at kung saan nito ibinaba Zanya, at
ang sabi ng driver ay sa isang coffee shop sa Banawe. Wala na siyang makuhang
impormasyon mula doon. Lumipas ang maghapon na wala siyang kain dahil sa pag-
aaala.
Zanya was gone... She left without any trace... Kung paano niya ipagpapatuloy ang
buhay na wala ito ay hindi niya alam. Alak ang naging karamay niya kinagabihan
habang nakatanaw sa kadiliman. Nasa tabi niya ang telepono at umaasang tatawag ang
asawa.
Pero walang tawag... walang anino at walang tinig ni Zanya ang bumalik...

Chapter 35
Bakit hindi ka na lang makipaghiwalay kung ganyang wala ka namang balak na bumalik
sa bahay ni Brandon? That way, hindi mo na kailangang magtago," wika ni Trina
habang nasa isang coffeeshop sila sa Subic, Zambales. Galing sa isang out of the
country trip ang kaibigan at deretso itong nagtungo sa kanya sa isang hotel dito sa
Subic. She needed a friend. Sa gitna ng paglalasing ay inilahad niya ang lahat
kay Trina mula nung una siyang ipagkasundo ng Daddy niya kay Brandon, at kung paano
nahulog ang loob niya at nagtiwalang mahal nga siya ng asawa sa sandaling panahon
na nakasal sila. Hindi niya gustong makausap si Brandon matapos niyang madatnan na
kahalikan ito ni Monique sa isang madilim na parte ng compound ng Montealegre
Distillery Corp.
"I just need more time," mahina niyang wika. She loves Brandon. Natatakot siyang
mapaikot siya sa anumang sasabihin nito dahil sa damdamin niya. Hindi niya gustong
maging alipin at tanga sa pag-ibig.
"Paano kung mali naman ang assumptions mo?"
"Ang mali ay ang pagpapakasal namin gayung may iba siyang girlfriend, Trina.
Umeksena lang naman ako sa kanila dahil kailangan ni Brandon ng pera ko."
"Ano ang plano mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam. Ayoko ko nang bumalik kay Brandon. To hell with his lies!"
"Bakit hindi ka sa Albano na lang magtrabaho? Kaya mo namang ipagtulakan si
Brandon kapag desidido kang makipaghiwalay sa kanya."
Marahan siyang umiling. Hindi niya kayang ipagtabuyan si Brandon kapag dinaan siya
sa matatamis na salita. Hindi tulad ni Monique, hindi niya kaya ang makihati sa
pagmamahal nito. At dahil nakuha naman na ni Brandon ang perang kailangan nito
para isalba ang kumpanya, hindi niya ito itatali sa isang kasal. She could set him
free -- tulad nang ipinangako niya.
At sa ngayon ay hindi niya gusto ang magtrabaho sa kumpanya ng ama lalo ngayong may
mapait na alaala pa doon ang asawa. Brandon kissed her for the first time in her
office. Hindi niya gustong alalahanin ang mga bagay na nagpaparupok sa katatagan
niya.
"Paano ka mabubuhay na malayo sa lahat?"
"I need to borrow money from you," wika niyang mapait. Hindi niya gustong umiyak
pero kailangan niyang ilabas ang galit at sakit sa dibdib niya. She needs to let
go of the pain to start a new life. "Babayaran ko rin oras na maayos ko na ang
sarili ko."
"Walang problema sa akin, Zanya. How much do you need? Saan ka titira?"
"Hahanap lang ako dito ng matitirhan kahit na maliit na apartment. May mga
kaibigan akong scuba divers na pwede kong hingan ng tulong dito."
"Are you sure you're safe? Hindi ko gustong mapahamak ka. Baka ako pa ang sisihin
ni Uncle Zek kapag may nangyaring masama sa 'yo."
"I am fine..." Ngumiti siyang pilit para bigyan ng assurance si Trina na ligtas
siyang maninirahan dito sa Subic. Nag-iwan ito ng one hundred thousand na cash sa
kanya bago ito bumalik sa Maynila. Namili din sila ng kailangan niya sa isang
maliit na mall doon gamit ang credit card ng kaibigan. Sa maliit na apartelle siya
tumuloy dala ang mga gamit habang iniisip kung ano ang gagawin niya sa buhay. Nang
mainip ay naglakad-lakad siya sa tabing-dagat habang ninanamnam ang pag-iisa.
Tapos na ang pag-iyak niya. Matapang siyang babae at patutunayan niyang hindi niya
kailangan ang lalaki para mabuhay nang masaya. Magsisimula siyang muli.
----
"Bakit ipina-imbestigahan mo si Alexis?" pagalit na tanong ng ama ni Brandon sa
kanya. Nasa opisina siya pero okupado ni Zanya ang puso't isip niya. Tatlong araw
na'ng hindi niya kasama ang asawa at malapit na siyang takasan ng bait. Ni hindi
man lang umabot sa anim na buwan ang taning na ibinigay nito at nakipaghiwalay
agad. Sinabi ni Ezekeil Albano na wala nang balak bumalik si Zanya sa piling niya.
Anuman ang pakiusap niya ay wala namang maisagot ang lahat kung nasaan ang asawa
niya ngayon.
"He was involved with drugs and he used the company to transport those drugs to his
clients, Papa." Hindi man niya gustong sabihin ang totoo sa ama, wala na siyang
magagawa dahil puno na ng samu't saring problema ang isip niya. Hindi niya na
kayang dalhin sa dibdib ang lahat. Nanghihina siya sa tuwing maiisip na wala na si
Zanya sa buhay niya.
"Kailangan kong makausap si Alexis at hingin ang paliwanag niya. Baka nagkakamali
ka lang ng akusasyon. Hindi magagawa ni Alexis 'yun," pilit pa ng ama.
"Bakit ba hindi niyo mapaniwalaan na walang magandang ginawa 'yang anak niyo kung
hindi bigyan kayo ng sakit sa ulo?"
"Magdahan-dahan ka sa pagsasalita, Brandon! Kapatid mo pa rin s'ya at kung anuman
ang pagkakamali niya ay dapat mong ituwid!"
Napasapo siya sa ulo sa pagtatalo nilang mag-ama. Pagod na siyang intindihin lahat
at tanggapin ang responsibilidad na pilit ipinapaako sa kanya. Sa halip na hanapin
niya si Zanya ay nasa opisina siya para magtrabaho. Gusto na rin niyang bumigay.
"Hindi ko na kaya, Papa..."
Napatitig si Leonardo sa kaniya habang siya'y pilit pinaglalabanan ang luhang huwag
pumatak.
"Nakaahon na ang kumpanya mula sa pagkakalubog sa utang sa banko. Ang perang
ipinambayad ng Albano para sa isang taong supply ng alak ay nakatulong para
mabayaran ang lahat ng utang ng distilerya. You can post this company on sale so
we can move on. Kapag naipagbili ang kumpanya ay matatahimik na ang anak niyong
'yun," malungkot niyang wika. Hindi man niya aminin, may umuusbong na galit sa
puso niya dahil sa pagkampi ng Papa niya kay Alexis.
"Kinuha kita para isalba ang kumpanya, Brandon. You promised to continue the
legacy of your grandfather..."
"Pero kailangan ko ding isalba ang relasyon namin ng asawa ko. I don't know where
she is and I can't make any move having this weight on my shoulders. Hindi ko na
kayang pamahalaan ang kumpanya."
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Leonardo. Umupo ito sa silyang
nasa harap ng mesa niya na tila nahapo.
"Hindi ko gustong mawala ang kumpanyang ito na alaala ng Lolo niyo. Nangako akong
aabutan ito ng mga apo ko..."
"Pero hindi rin nito patatahimikin ang buhay ko, Papa. Alexis wants his share in
this company. Alam kong kahit ang dalawa niyang kapatid ay naghihintay lang na
ibigay ko ang dapat ay sa kanila. Kailangan na nating tanggapin na hindi na para
sa atin ang kumpanyang ito."
"I have so much faith in you. Ano'ng nangyari?"
Kahit pilit pinasisigla ni Leonardo ang tinig ay alam niyang nagsisikip ang dibdib
nito sa lungkot. At gusto man niyang ituloy ang pamamahala sa kumpanya, hindi rin
siya patatahimikin ng kapatid sa ama. Gagawa at gagawa ito ng ikasisira niya.
"Alexis and I belong to a different world, Papa. Hindi kami dapat nagsasama sa
iisang mundo dahil ang isa ay mapapahamak. Hawak na ng mga pulis ang ebidensya na
nagpapatunay na naglalagay siya ng droga sa bawat deliveries natin na umaalis ng
hatinggabi. Kung hindi n'yo gustong paniwalaan, hindi ko kayo pinipilit. Pero buo
na ang desisyon ko na tapusin ang transaksyong sinimulan ko. If you still want to
continue managing this company, I am out. Nandiyan si Aiden at Jameson, mamili
kayo. Ituloy ko man o hindi ang kaso kay Alexis, nasa watchlist na rin siya ng
PDEA. Wala akong magagawa para isalba siya dahil siya ang gumagawa ng ikasisira
niya."
"Kung 'yan ang desisyon mo, Brandon..." sa huli ay wika ng ama. Tumayo ito at
lumakad palabas ng opisina niya. Alam niyang may sama ng loob ang ama dahil sa mga
desisyon niya kay Alexis at sa kumpanya. Pero buo na ang loob niya. Sa ngayon ay
nakahanda na ang warrant of arrest kay Alexis dahil sa pagkakasangkot nito sa
droga.
Pag-uwi niya ay ibinahagi niya sa ina ang desisyon niyang tuluyan nang mag-resign
sa distilerya kapag natapos ang lahat ng responsibilidad niya sa mga kliyente.
Sumang-ayon naman si Lala dahil alam nito ang bigat na dala-dala niya sa dibdib
mula nang umalis si Zanya at hindi na nagpakita pa. Kaunting kain at kaunting
tulog lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas para ituloy ang buhay. Makalipas ang
isang buwan ay nakipag-set siya ng appointment kay Ezekeil Albano.
Iniabot niya ang cheke na naglalaman ng kalahati ng halaga para sa isang taong
supply ng alak para sa Albano Hotels at Zen Club. Ang anim na buwan nitong supply
ay nakaplantsa nang darating sa susunod na buwan.
"Why are you giving up, Brandon? Sayang ang kumpanya niyo kung nakaahon na 'yun sa
pagkakalubog. Take a vacation, have a rest for a while, but don't quit," payo ni
Ezekeil. Pero buo na ang desisyon niya. Matapos makipag-meeting sa biyenan at kay
Ethan ay tumayo siya at binalak nang lumabas mula sa conference room nang
magsalitang muli si Ezekeil.
"How much do you love my daughter?" wika nito na nagpatigil sa kanya sa pagbukas ng
pinto. Gustong magalak ng puso niya sa natatanaw na pag-asa.
"I can't tell," sagot niya nang humarap sa kausap. "Ang alam ko lang ay nawalan
ako ng ganang mabuhay. Dati ay kinakaya ko ang lahat; ang pag-iwan sa 'min ni
Papa, ang tanggapin na may sakit ang mga magulang ko..." Napailing siya saka
sandaling tumigil dahil pilit niyang pinaglalaban ang kagustuhang umiyak.
"Nagawa kong isalba ang kumpanya ng pamilya ko hindi dahil sa pera niyo, kung hindi
dahil gusto kong maibigay ang magarang buhay para kay Zanya katulad ng karangyaang
nakasanayan niya sa piling niyo. It was my will and my determination to give her
the best. Ngayon ay wala na siya, aanhin ko pa ang lahat ng 'yun?"
Napalunok siya para pigilan na maging emosyonal sa harap ng ama ng babaeng
minamahal. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito lalo nang bumalong ang luha
niya sa mata. Hindi mawala ang sakit sa dibdib niya sa kabila nang mga araw na
lumilipas. At hindi iyon mawawala hangga't wala ang asawa niya.
"Zanya is somewhere in Subic," muling wika ni Ezekeil. Napatingin siya dito at
hinintay ang iba pa nitong sasabihin. "Siniguro naman ni Trina na maayos ang
kalagayan nito doon at nakiusap na hayaan muna itong mamuhay doon ng tahimik. I
can't tell her exact location, pero may suhestyon ako kung gusto mong suyuin muli
ang asawa mo."
"Hindi ko ba siya pwedeng puntahan? Pupunta ako sa Subic o kung saang lupalop siya
naroon para makausap at magpaliwanag," mabilis niyang wika pero parehong umiling
si Ezekeil at Ethan.
"Hindi ka niya kakausapin, Brandon, I know my daughter very well. Ibigay mo sa
kanya ang kalayaang hinihingi niya -- sa ngayon," pagdidiin nito.
"At ano ang gagawin ko sa buhay ko habang wala siya?"
"Work for me," suhestyon ng biyenan. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito pero
hindi siya nagsalita. "Kung gusto mong manatiling kasal sa anak ko, huwag kang
lalayo sa poder ko. I will help you find her."
Muli siyang lumapit sa mesa at itinukod ang mga kamay doon. Hindi man niya gustong
maging emosyonal ay hindi niya napigilan nang pumatak ang luha doon na hindi
nakaligtas kay Ezekeil at Ethan. Tumayo ang huli at tinapik ang likod niya.
"Ganyan talaga si Zanya kapag may problemang kinaharap, mas gusto niyang lumayo.
Bago din ang lahat ng ito sa kanya dahil ikaw lang ang lalaking naging karelasyon
niya. I believe she loves you. Masyado lang siyang nasaktan. Don't give up on
your marriage, everything will be alright."
Tumango siya bilang pagsang-ayon, gayunman ay nanatili siyang nakayuko. Hindi niya
susukuan ang pagmamahal niya kay Zanya. Kahit gawin pa siyang alipin ng mga
Albano, mananatili siya rito hangga't hindi siya nakakabalik sa piling nito.

Chapter 36
5 Months Later...
"Kanina ka pa nakatitig sa kawalan," wika ni Rico sa kanya habang umiinom sila ng
kape isang umaga. Limang buwan na mula nang umalis siya sa Maynila nang walang dala
kung hindi ang galit niya kay Brandon. Wala siyang ideya kung ano na ang kalagayan
nito; kung nagkabalikan ba ito at si Monique o nagsisi ba ito sa pagtataksil sa
kanya. Sa nakalipas na buwan ay pinilit niyang mabuhay nang normal pero bigo siya.
Makalipas lang mahigit isang buwan na pamamalagi niya sa Subic ay nakunan siya
dahil sa bigat ng emosyon na araw araw niyang dala. She misses her husband but her
pride kept from going home. Ilang linggo siyang umiyak dahil sa pagkawala ng
sanggol sa sinapupunan niya.
Five months. Kung naging matatag lang siya ay limang buwan na rin ang nasa
sinapupunan niya ngayon. Naiwala niya ang isang buhay dahil naging makasarili siya.
Kung umuwi na lang sana siya sa mga magulang ay baka naisalba pa niya ang anak sa
sinapupunan.
"You have to forgive yourself, Zanya," wika ni Rico na ginagap ang kamay niya. Isa
si Rico na tumulong sa kanya para makatawid siya sa kalungkutan. Dati na niyang
kaibigan si Rico dahil madalas siya dito noong active pa siya sa pag-scuba diving.
Nang malaman na maninirahan siya rito pansamantala, pinahintulutan siya nitong
okupahin ang isang silid sa resort. Manager ito ng isang private resort sa isang
isla sa Zambales na pag-aari ng isang mayamang pulitiko roon. Pero sa kabila nang
pagpapakita nito ng kabutihan, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya kay Brandon.
"Kailangan ko na'ng bumalik sa totoo kong mundo." Isang pilit na ngiti ang ibinigay
niya kay Rico. "Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo..."
"Walang anuman. Balak ko na ring magpaalam sa boss ko dahil matagal ko ng balak na
magtrabaho sa Maynila," sagot nito. Hindi man niya itanong, may palagay siyang kaya
ito nagdesisyon nang ganoon ay para sundan s'ya.
"Masarap ang buhay dito kumpara sa Maynila," pagbibigay niya ng opinyon.
"Kung ganun ay huwag kang umalis."
"Marami akong bagay na iniwan sa Maynila, Rico. Tinakasan ko lang ang lahat pero
hindi ako puwedeng tumakas habangbuhay."
"Accept my love and we will face your problem together."
Hindi siya nakasagot. Kung utang na loob lang ay marami siya kay Rico. Ito ang
nagdala sa kanya sa ospital noong nakunan siya at pinatira siya nito sa resort nang
walang bayad. Pero hindi utang na loob ang batayan sa isang relasyon. Kahit nga ang
pagmamahal na meron siya kay Brandon ay nabuway ng isang pagkakamali, paano pa ang
wala?
"Hindi ako ang karapat-dapat sa pagmamahal mo, Rico," nakangiti niyang wika.
Masuwerte siya dahil nakatagpo siyang muli ng lalaking magmamahal sa kanya. Pero
masakit din sa kanya na hindi niya masuklian ang pagmamahal na iyon.
"Matututunan mo rin akong mahalin. Pakiusap ko lang na huwag mong isara ang puso mo
sa akin."
Isang marahang tango ang ibinigay niya na hindi niya alam kung tama. Birthday ng
Mommy niya sa isang araw at hindi niya matiis na hindi ito puntahan. Sa oras na
makabalik siya sa bahay ng mga magulang ay tiyak niyang hindi na siya makakabalik
pa rito. Kailangan na rin niyang ihanda ang sarili na magtrabaho sa Albano Hotels.
Hindi na siya papayag na sa kumpanya ni Brandon magtrabaho.
"Ihahatid kita bukas," suhestyon ni Rico nang sabihin niyang maaga siyang aalis.
"Naisip ko rin na magpasa na ng resume sa kumpanyang gusto kong aplayan."
"May aaplayan ka na?"
"Oo. Sa Albano Corp. nagtatrabaho ang pinsan kong si Judy. Ang sabi niya'y
mairerekomenda niya ako sa mga boss niya."
Napatitig siya kay Rico at inarok ang katotohanan sa sinasabi nito. Hindi siya
nagpakilala na may-ari ng Albano Hotel at maaaring wala talaga itong ideya na anak
siya ng isa sa may-ari ng isang malaking korporasyon sa bansa.
"Are you kidding?" napangiti niyang wika. "Ano naman ang gusto mong aplayan sa
Albano Corp.?"
"Accounting graduate ako, board passer at may background sa taxation. Kung hindi
lang nakiusap ang boss ko ngayon na hintayin ang anak niyang bumalik para mamahala
dito sa resort ay matagal na akong nasa Maynila. Sana lang ay matanggap ako kaagad
dahil matagal ko nang pangarap na magtrabaho sa Maynila."
"Sige, sabay na lang tayong lumuwas bukas," pagpayag niya kay Rico. Kung hindi man
niya masuklian ang pagmamahal na gusto nitong ialay, tutuparin na lang niya ang
kagustuhan nitong magtrabaho sa Albano Corp.
-----
"Kumusta ang mag-ina?" tanong ni Brandon sa inang si Lala nang dalawin niya ang
bahay ng Mama niya. Doon iniuwi si Monique at ang anak nito matapos ipanganak ng
pre-mature ang batang nasa sinapupunan nito. Nang iwanan siya ni Zanya ay nalaman
niyang dalawang buwan nang buntis ang dating kasintahan. Walang ibang kamag-anak si
Monique dito sa Maynila at nakiusap ang ina niya na kupkupin niya ito alang-alang
sa walang muwang na sanggol. Pero kanina ay ibinalik ang bata sa NICU dahil bumagal
ang heartbeat nito at tila nahirapang huminga.
"Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapainom ng gamot," sagot ng ina. "Hindi na rin halos
makakain at makatulog si Monique sa pag-alaala."
Tumuloy siya sa sariling silid at sinilip si Monique na ngayon lang muling
nahimbing ang tulog dahil nasa ospital na muli ang anak. Wala na ang kinang sa
mukha nito na dati nitong dala sa catwalk. Patpat na ang katawan at impis ang
mukha. Ang pinakamasakit pa ay napuruhan ang isang paa nito dahil sa isang
aksidente na naging sanhi rin ng maagang pagkapanganak.
Monique was also addicted with drugs. Hindi nito alam na buntis ito. Matapos
makulong ni Alexis, lumapit si Monique at ilang beses nang humingi ng tawad. Tao
lang din siyang may puso. Anuman ang nangyari noong gabing nadatnan sila ni Zanya
dahilan para iwan siya ng asawa, may batang nangangailangan ng tulong niya na hindi
niya kayang ipagtabuyan. Ipinaalam niya kay Ezekeil Albano ang pagpapatuloy niya
kay Monique sa bahay ng mga magulang.
Tumanaw siya sa balkonahe at muling sumagi sa isip ang mga alaalang nagpapabigat sa
dibdib niya. Dito sa lugar na ito nabuo ang pag-iibigan nila ni Zanya. Kung
hanggang kailan siya maghihintay ay hindi niya alam. At kung bakit siya
pinaparusahan ng ganito ay hindi niya rin masagot.
Maaga siya kinabukasan sa opisina ng Albano Corp. Siya ngayon ang may hawak ng
importation sa lahat ng produkto ng hotel. Ang distilerya ay kasalukuyang nasa
pangangalaga ng ama hangga't wala pang bumibili. Gustuhin man niyang tulungan ang
ama ay mas minabuti niyang hindi na lang para mapagdesisyunan na ni Leonardo na
ipagbili ang kumpanya at paghahatian nilang magkakapatid ang pagbebentahan.
Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ang ama pero hindi na sila nagkausap katulad ng
dati. Masama ang loob niya na parati nitong pinapaboran si Alexis gayung maraming
kalokohang ginawa ang kapatid sa ama.
"Zanya is finally home..." mahinang wika ni Ezekeil pero halos mabingi siya sa
ibinalita ng biyenan. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman na tila bumalik
na ito sa piling niya. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya at nanunuyo ang
lalamunan niya.
"I want to talk to her, Dad..." akma siyang tatayo pero pinigilan siya ng biyenan.
"She's coming here. Sa ngayon ay hindi pa niya alam na dito ka nagtatrabaho. Ang
sabi ni Hannah ay may kasama siyang isang lalaki na ipinakilalang kaibigan. You
will be seeing both of them later.
"Bakit may kasama siyang lalaki?" Naningkit ang mga mata niya sa iritasyon.
"Hindi ko rin alam. Baka isa sa mga tinuluyan niya sa Subic." Nagkibit balikat lang
si Ezekeil bago muling lumabas sa opisina niya. Pabagsak siyang umupo sa silya
habang umaahon ang panibugho sa dibdib. Has she found another love while she was
away?
Hindi siya nainip sa paghihintay nang dumating si Zanya sa opisina ng ama nito
kasama nga ang isang lalaki. Hindi niya inihihiwalay ang mata sa asawa na panay
naman ang iwas ng tingin sa kanya. Yumakap ito sa ama at sa kapatid pero hindi ito
lumapit sa kanya. Nang hawakan nito ang kamay ni Rico para ipakilala sa ama at
kapatid ay lumabas siya nang walang sabi-sabi. Bumalik siya sa sarilimg opisina at
pinagsusuntok ang dingding hanggang sa magdugo ang kamao niya.
----
"Mabuti at bumalik ka na, Zanya," nakangiting wika ng Daddy Zek niya. Hindi niya
inaasahan na makikita sa opisina ng ama ang taong gusto niyang iwasan. Nang pagalit
na lumabas sa silid ng Daddy niya si Brandon ay nagsikip ang dibdib niya. Pilit
niyang itinago ang sakit saka pilit na ngumiti.
"M-masaya rin ako, Dad. Dinala ko si Rico dito dahil gusto niyang mag-apply sa
atin. I want to put him in Accounting Department."
"Sure," sagot ni Ethan. "Pag-uusapan namin kung saan siya sa ilalagay depende sa
bakanteng posisyon mayroon tayo. You can leave his resume at my office."
"You can go now, young man," utos ni Ezekiel kay Rico. "May pag-uusapan lang kami
ng anak ko."
Magalang na nagpaalam si Rico at umalis na sa silid. Nang umupo ang Daddy niya sa
silya nito ay tinawagan nito ang sekretarya na naka-speaker phone.
"Please tell Brandon to come back. May pag-uusapan kami kasama si Zanya."
"He left a minute ago, sir," sagot ng sekretarya. "I think may emergency ho sa
bahay nila."
Mabilis namang tinawagan ng Daddy niya ang telepono ni Brandon pero hindi ito
sumasagot. Sa huli ay nagpasya na lang ang ama na umuwi sila para mai-celebrate ang
pagbabalik niya. Hindi niya maisatinig ang pag-aalala niya kay Brandon. Hindi rin
niya maiwasang alalahanin ang sakit na gumuhit sa mga mata nito nang makita nitong
may kasama siyang lalaki sa pagbabalik niya.
Kung tutuusin ay dapat niyang ikatuwa ang pag-alis ni Brandon kanina. Naipakita
niyang kaya niyang mabuhay nang wala ito, at na hindi lang ito ang lalaki sa mundo.
Sinadya niyang hawakan ang kamay ni Rico para ipakita na tapos na ang relasyon
nila.
Pagdating sa bahay ay nagdatingan din sila Stacey at Marga. Sandaling nawala ang
sakit na dala niya sa dibdib. Iniwasan niya ang anumang tanong at kwento tungkol
kay Brandon. Nang magpahayag siya na magpa-file siya ng legal separation nilang
dalawa ay wala ni isa man ang umimik.
"Bukas pa ba ang posisyon ko sa kumpanya, Dad? Mukhang wala na akong pagpipilian
kung hindi ang magtrabaho sa inyo," pagbibiro niya.
"Your office is waiting for you months ago," sagot naman ng ama na natuwa rin sa
desisyon niya. Bukas pagpasok niya ay tatawagan niya ang abogado para maayos ang
paghihiwalay nila ni Brandon. Wala nang dapat pang pag-usapan. Ang pera niya sa
kumpanya nito ay hindi na niya hahabulin. She wants peace of mind. Sa loob ng ilang
buwan na nanirahan siya sa Subic ay natutunan niya ang mamuhay ng payak.
Tumawag si Rico sa kanya kinagabihan at nagyayang lumabas na pinaunlakan niya.
Pagbalik niya sa mansyon ay naroon si Brandon na hindi niya rin inaasahan. Alas
dyes na ng gabi. Hindi niya alam kung ilang oras na itong naghihintay sa kanya.
"We have to talk, my wife..." mahinang wika nito na tila pakiusap. Nasa garahe siya
at katatapos lang mag-park ng kotse niya.
"Abogado ko na lang ang kakausap sa 'yo bukas ng umaga, Brandon," sagot niya habang
iniiwas ang mata.
"Bakit ako makikipag-usap sa abogado!?" Naningkit ang mga mata nito saka s'ya
hinapit pero mabilis niyang naidepensa ang mga kamay.
"I cannot file an annulment, I know that. Pero may legal separation na
magpapawalang bisa sa pagsasama natin, madiin niyang sabi. Nanlumo si Brandon sa
sinabi niya at hindi niya natagalan ang ibinabadyang lungkot sa mukha nito.
"Pinalitan na ba ako ni Rico sa puso mo?" mapait nitong tanong. Hindi niya kayang
sumagot nang kasinungalingan kaya isang marahang tango lang ang ibinigay niya.
Sandaling katahimikan ang namayani.
"H-hindi mo ba ako minahal?" muli nitong tanong. "Ganun lang ba ang halaga ko sa
'yo?"
"Wala akong ipinangakong kahit ano sa 'yo, Brandon. Gusto kong magsimulang muli
pero hindi ko magagawa 'yun hangga't nakatali ako sa 'yo. Hahayaan mo naman akong
maging masaya di ba?"
Hindi ito tumango pero hindi nito itinago ang luha sa mga mata.
"Kung... kung d'yan ka magiging masaya..." Halos gumagaralgal ang tinig nito habang
nagsasalita. "I-ibibigay ko ang... kalayaan mo..."
Hindi na rin niya napigilan ang pag-iyak nang tumalikod ito at sumakay sa kotse.
Minuto nang wala si Brandon sa bahay nila ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi
niya na gustong makita ito. Baka sakaling mawala na ang sakit sa dibdib niya sa
pagtataksil nito kapag tuluyan na silang naghiwalay.

Converted by P.B.M
Chapter 37
Halos sabay lang silang dumating ni Rico kinabukasan sa Albano Corp. Dumaan sila sa
coffee shop sa katapat ng building at sandaling nagkwentuhan. Nahagip ng mga mata
niya ang isang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Hindi niya inaasahan na
muling makikita roon si Brandon.

Tumuloy siya sa sariling opisina kasama si Rico dahil ngayon pa lang nito nadala
ang resume. Nadatnan niya ang mga bulaklak na alam niyang galing kay Brandon. Nang
tumawag ang sekretarya na gusto siyang makausap ng asawa ay tumanggi siya.
Kailangan niyang panindigan na makikipaghiwalay na siya dito. Sinadya niyang huwag
paalisin si Rico para may dahilan siyang iwasan si Brandon. Hindi rin naman nito
gugustuhin na makausap siya kaharap ang lalaking inaakala nitong ipinalit niya sa
asawa. Pero bago magtanghalian ay nagpaalam na ang kaibigan.

Inihatid niya ito sa parking lot at muling natanaw si Brandon sa di kalayuan.


Nakita niya sa gilid ng mga mata na palapit ito kaya mabilis niyang ikinawit ang
mga kamay sa leeg ni Rico at hinalikan na ikinabigla din ng binatang kasama. Sa
huli ay tumugon ito sa mas mapusok na halik. Hinayaan niyang yakapin siya ni Rico
na nadala sa ginawa niya. Nang maglakbay ang kamay nito ay mabilis niyang nailayo
ang sarili.

"I'm sorry..." wika niya sa huli saka itinakip ang mga kamay sa mukha. Nahihiya
siya kay Rico sa ginawa niya para lang pasakitan si Brandon. Tila naiintindihan
naman nito ang nangyayari.

"Kung gusto mo siyang saktan kaya mo 'yun ginawa ay nagtagumpay ka," wika ni Rico.
"Pero bakit? Alam kong mahal mo pa rin ang asawa mo. Kung ako sa 'yo, makikinig ako
sa mga paliwanag niya."

Napatitig siya kay Rico sa mga sinabi nito. Marahan siyang umiling. Mamaya ay
tatawagan niya ang abogado para sa pag-file niya ng legal separation nila ni
Brandon.

Matatapos din ang lahat. Mawawala rin ang sakit na idinulot nito sa buhay niya.

---

Sa dulong bahagi ng bakanteng lote nag-park si Brandon sa isang ospital sa Quezon


City kung saan naka-confine ang ama na si Leonardo. Dinala ang ama dito kahapon din
kasabay ng pagbabalik Zanya sa bahay ng mga magulang.

Pero hindi sa bahay niya at lalong hindi sa buhay niya.

Kagabi ay hiniling na nito ang kalayaan sa kanya na siyang kinakatakutan niya dati.
Akala niya'y kaya siyang tulungan ng pamilya nito na magkaayos silang mag-asawa
kaya siya nagpaalipin sa mga ito. Pero hindi pala.

Kaninang umaga ay pinadalhan niya ng bulaklak si Zanya at binalak na kausapin muli.


Kahit anong pilit niya kagabi sa sarili na ibigay ang hinihingi nito ay hindi niya
kaya. Gusto pa rin niyang ipaglaban ang pagmamahal niya. Gusto niyang iparamdam
muli na kailangan niya ito sa buhay niya.

Pero tinapos na ni Zanya ang lahat ng pag-asang iyon kanina nang harap-harapan
itong nakipaghalikan kay Rico para ipakita na wala na siyang halaga. Ganoon lang
siyang ibinasura. Karma ba ito sa pagtalikod niya dati kay Monique?

Mabigat ang mga paang bumaba siya sa kotse para puntahan ang Papa niya. Hindi
natuloy ang pakikipag-usap niya kay Ezekiel dahil tumawag na ang katulong na
nagbabantay sa Papa niya sa ospital. Kailangan daw siyang makarating doon kaagad.
Nagulat siya nang makita ang dalawa niyang kapatid sa ama na si Aiden at Jameson.
Pati si Tristan ay naroon din.

"B-brandon..."

Tila hirap na sa paghinga ang ama nang magsalita. Lumunok siya sa pagpipigil na
huwag umiyak. Sobrang bigat na sa dibdib ang paghihiwalay nila ni Zanya, hindi niya
na kayayanin pa ang makita ang ama na naghihirap sa kalagayan nito.

"Baka makasama sa inyo ang magsalita," pigil niya sa sasabihin ng ama. Umiling
naman ito at matamis na ngumiti. Mula nang magtalo silang mag-ama tungkol kay
Alexis ay muling nagkalayo ang loob nila. Mas inuna niya ang magsilbi sa mga Albano
para lang hingin ang suporta ng mga ito para balikan siya ni Zanya. Napabayaan niya
ang relasyon nilang mag-ama.

"Thank you for all the sacrifices, Brandon..." pabulong nang wika ni Leonardo.
"Maluwag na sa dibdib ko na ibenta mo ang kumpanya para hindi na makadagdag sa mga
dinadala mo sa balikat..."

"No, Papa... Hindi natin ibebenta ang distilerya..."

"Hiling ko lang na magkasundo kayong magkakapatid... huwag mong ituring na iba si


Aiden at Jameson... at sana'y... mapatawad mo na rin si... Alexis..."

Panay tango niya sa bawat bigkas ng salita ng ama dahil ramdam niya ang paghihirap
nito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at hinaplos. Kailangan niya nang
tanggapin na wala na si Zanya sa buhay niya pero hindi niya kakayanin king pati ang
ama ay mawawala rin. May mga tao ding umaasa sa kanya kaya't kailangan niyang
maging matatag. Tama na ang minsan siyang maging mahina.

"Magpalakas kayo, Papa... Palalaguin natin muli ang distilerya..."

"My time has come, my son..." Pilit pa rin nitong pinapasigla ang tinig pero naroon
na ang pagsuko. Umiling siya nang umiling. "Masaya na ako sa maikling panahon na
nagkasama tayo at sa pagbuo ng pangarap para sa kumpanya.... anuman ang desisyon
niyong magkakapatid, ipangako niyo lang na hindi na kayo mag-aaway..."

"I'm sorry, Papa..."

"Ako ang maraming pagkukulang, anak... Patawarin mo ang...Papa.... Nasira ko ang


relasyon niyo ni Monique sa kagustuhan kong isalba ang kumpanya..."

"Isasalba natin ang distilerya... Ipangako niyong magpapalakas kayo... Mahal ko


kita, Papa..."

Ngumiti si Leonardo at tumango bago pinisil ang kamay niya. Marahil ay hindi na
nito kayang magsalita. Ilang sandali pa ay tuluyan na nitong isinara ang talukap
dahil sa pagod sa paghahabol sa hininga. Lahat ng tao sa silid na iyon ay umiiyak.
Yumakap ang kapatid na si Tristan sa kanya nang dumating ang doktor at idineklarang
binawian na ng buhay ang Papa niya. Yumugyog na ang balikat niya sa pag-iyak. Labis
siyang nagsisisi sa mga paninikis niya sa ama nitong nakaraang mga buwan dahil sa
pamimilit na pag-ayusin silang dalawa ni Alexis. Ngayong wala na ang ama ay wala
nang panahon para bumawi sa lahat ng pagkakamali niya.

Nang matapos ang pag-iyak ay inasikaso niya ang bangkay ng ama at nagpasyang sa
bahay ng ina ito iuuwi at doon ibuburol. Sila pa rin ang tunay na pamilya kaya't
walang nagawa ang pangalawang asawa nito. Pinayagan naman niyang dumalaw ito roon
sa pahintulot na rin ng Mama niya. Makalipas ang apat na oras ay naiuwi na nila ang
labi ni Leonardo.

Nakatitig si Brandon sa mukha ng ama na ngayon ay nasa loob na ng isang magarang


kahon. He just lost two important people in his life today -- Zanya and Leonardo.
Parehong masakit. Parehong nakakawala ng bait. At sa mga panahong ito ay tila
lutang na siya sa mga nagyayari.

Sa kaibuturan ng puso niya ay pinapalaya niya na si Zanya. Pagod na siyang paikutin


ang mundo niya sa babaeng minahal pero iniwan lang siyang parang laruan na walang
pakiramdam. Galit siya sa sarili dahil mas pinili niyang ipaglaban ang babaeng
hindi naman siya ipinaglaban. Ni hindi siya pinakinggan. Habang ang Papa niya ay
naghihintay lang sa pagbabalik niya para muli silang magkaayos at maibalik ang
samahan. Mali siya ng taong kinapitan. Mali siya ng taong minahal.

"Magpahinga ka muna, Brandon," wika ng ina na nasa likod niya kanina pa. Yumakap
siya sa ina nang mahigpit. Sa ngayon ay ito ang mayroon siya at si Tristan. At
pipilitin din niyang ayusin ang relasyon nila ng kapatid sa ama na si Aiden at
Jameson. At pati na rin ni Alexis kung kaya niyang ayusin. Kung may darating pang
babae sa buhay niya pagdating ng araw, hindi niya alam kung kaya pa niyang magmahal
nang katulad ng inialay niya kay Zanya. Sa ngayon ay kailangan niya munang
paghilumin ang sugat at maging matatag.

"Si Tristan?" tanong niya sa Mama niya. Alam niyang mas mahina ang pagtanggap ng
kapatid sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan niyang masiguro na hindi ito dadanas
ng anumang depresyon.

"Nasa silid niya, marahil ay umiiyak na naman."

"Pupuntahan ko lang ho sandali."

Tumango ang ina nang bumitaw siya sa pagkakayakap dito saka pinuntahan ang kapatid.
Nakatanaw lang ito sa balkonahe.

"Are you okay?" Mabilis naman itong tumango at humarap sa kanya.

"Don't worry about me, Kuya. Tulad ng bilin ni Papa, kailangan nating maging
matatag para sa isa't isa."

Tumango siya pabalik at lihim na nagpasalamat sa nakikitang katatagan ni Tristan


ngayon.

"Ikaw muna ang bahala dito, may kailangan lang akong puntahan na mahalagang bagay."

"Bumalik na pala si Zanya?" pagkukumpirma nito. Isang marahang tango lang ang
ibinigay niya. Hindi niya kailangang masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni
Zanya. Sa ngayon ay hindi niya na ito dapat ituring na asawa.

----

"Your father-in-law died this morning," balita ng Daddy ni Zanya sa kaniya habang
inaayos niya ang mga libro sa shelf sa opisina niya. Bigla siyang nalungkot para
kay Brandon at pinanginigan siya ng tuhod. Umupo siya sa silya at naghagilap ng
isasagot sa ama.

"I will send my condolences to... Mrs. Montealegre..."

"Your husband needs you."


"H-hiwalay na kami ni Brandon, Dad..."

"Bakit? Dahil nahuli mong hinalikan siya ni Monique? Marriage is more than just one
misunderstanding, Zanya."

"Monique tried to seduce him and he gave in. Niloko nila ako."

"No. Monique tried to ruin your relationship, yes. At sa nakikita ko'y nagtagumpay
siya -- hindi dahil naakit si Brandon kung hindi dahil sinukuan mo ang asawa mo."

Hindi siya nakasagot pero unti-unti nang kumislap ang mata niya sa nagbabadyang
luha.

"Your husband did not stop hoping for you to come back. Isinakripisyo niya ang
kalagayan ng distilerya para dito magtrabaho at umaasang isang araw ay babalik ka
dito at makita ka agad. You did. But you were with another man."

"D-Dito siya nagtatrabaho? P-paano ang distilerya?"

"It is up for sale. Hindi ko alam kung may buyer na sila ngayon dahil si Leonardo
na muli ang nangasiwa sa kumpanya matapos iwanan iyon ng asawa mo."

Yumuko siya nang magsimulang pumatak ang luha sa mata na hindi niya napigilan. Sa
loob ng limang buwan ay hindi siya nakibalita sa kahit anong pangyayari sa buhay ni
Brandon.

"Hindi ko alam kung ano ang damdamin mo kay Brandon, anak," muling wika ng Daddy
niya. "Nag-assume lang kami ng Kuya mo na minahal mo na ang asawa mo dahil nasaktan
ka nang labis na kailangan mong lumayo. I want to ask you now. Do you love your
husband?"

"Y-yes, Dad..."

"Parating siya ngayon at hiniling na magkausap kami. Samahan mo ako sa conference


room pagdating niya."

"H-hindi ko alam kung paano ko s'ya haharapin, Dad..."

"Brandon loves you so much. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong nawala ang
Mommy mo at lumayo rin sa akin. Maaayos niyo rin ang lahat."

Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa ama sa kabila ng mga agam-agam sa dibdib.
Tama lang pala ang pagbabalik niya dahil mabibigyan niya ng suporta ang asawa
ngayong nagdadalamhati ito. Kailangan siya ni Brandon.

"Sa conference room na natin siya hintayin," masayang paanyaya sa kanya ng Daddy
Zek niya.

Nanlalamig ang mga kamay niya nang pumasok sila sa conference room at hinintay si
Brandon doon. Hindi naman nagtagal ay kumatok na ito sa pinto saka binuksan iyon.
Sandaling nagtama ang paningin nila pero agad iniiwas ni Brandon ang mga mata.

"I'm sorry for this urgent meeting, Mr. Albano," pormal nitong wika na nagpaalala
sa una nilang pagkikita dito rin sa silid na ito. Tulad noong una, tila estranghero
na itong muli kung magsalita. Hindi rin nito ibinabaling ang tingin sa kanya na
nagpapabigat sa dibdib niya. Alam niyang masakit kay Brandon ang pagkawala ng ama.
Hinihiwa ang puso niya sa kaalamang sinaktan niya ang lalaking minahal naman siya
at ipinaglaban.
"Ikinalulungkot ko ang pagkamatay ni Leonardo, Brandon. Nakikiramay kami."

Tumango lang ito saka iniabot ang papel at isang susi sa Daddy niya. Hindi niya
alam kung para saan ang mga iyon.

"Here's my resignation. I cannot work for you anymore, Mr. Albano. Heto na rin ang
susi sa condo na ipinahiram niyo sa akin."

"Babalik ka ba sa distilerya?"

"Napagkasunduan naming magkakapatid na ituloy ang pagbebenta nito para


makapagsimula ang lahat sa panibagong buhay. Hahatiin ang lahat ng assets ng Papa
sa aming limang magkakapatid.

"How about my shares in the company?" hindi niya naiwasang itanong. Hindi dahil sa
hinahabol niya ang pera niya kung hindi dahil iyon na lang ang kaya niyang kapitan
para may koneksyon pa rin sila ni Brandon. Sa nakikita niya sa mga mata nito ay
sinukuan na siya nito. Isang bagay na akala niya'y hindi nito kayang gawin.

"Walang tinanggap na kahit na ano si Brandon sa akin kung hindi ang bayad sa isang
taong kontrata ng Albano Hotels sa Montealegre Distillery," sagot ng ama habang si
Brandon ay blankong nakatingin sa kanya. Wala na ang kislap sa mga mata nito, kahit
ang galit ay wala na. Tila siya isang pader na dinadaanan na lang ng mga mata.

"Yan ba ang ipinag-aalala mo? Huwag kang mag-alala, makakatanggap ka pa rin ng


shares oras na maayos ang legal separation natin," matabang nitong wika. "Just ask
your laywer to send me the documents so I can sign right away."

Nagpaalam na si Brandon sa Daddy niya at mabilis na umalis sa conference room


habang siya'y tulala pa rin sa mga natuklasan.

"Paanong walang tinaggap na pera si Brandon? 'Yun ang usapan kaya kami nagpakasal
hindi ba?"

"Well, he changed his mind before your wedding day. Marahil ay minahal ka na ni
Brandon hindi pa kayo nakakasal, Zanya. Siniguro niyang hindi mamamagitan ang pera
sa pagsasama niyong dalawa. Tulad ng katwiran niya sa akin noon, hindi niya gustong
isipin mo na ultimo bulaklak na iaalay niya sa 'yo ay sa pera mo galing."

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin, Dad?"

"Mahalaga ba kung nalaman mo agad?"

Napasapo siya sa noo sa mga paratang niya kay Brandon. Isang malaking pagkakamali
na iniwan niya ito dahil sa maling paniniwala niya. Brandon did not marry her for
money. Totoo silang mag-asawa at totoo silang nagmamahalan. At sa dami ng
pinagdaanan nitong pagsubok, wala man lang siya doon para damayan ito.

"Mapapatawad pa ba niya ako, Dad?"

"Kung si Monique na naging dahilan ng pagkasira ng pagsasama niyo ay napatawad


niya, ikaw pa kaya na mahal na mahal niya?"

Tumayo siya saka yumakap sa ama habang hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak.
Panay ang haplos ng Daddy niya sa likod niya hanggang sa humupa ang damdamin niya.

"Pupunta kami sa bahay ng biyenan mo para makiramay. Gusto mo bang sumabay?"

Isang tango ang isinagot niya saka siya inakay ng ama palabas ng conference room.
Chapter 38
Narito ang pamilya ng asawa mo, Brandon," wika ng ina sa kanya habang nakatitig
siya sa Papa niya na nakahimlay ngayon. Kagagaling lang niya sa Albano Corp.
kanina at kung maaari ay hindi niya gustong humarap muli sa mga ito. Pero wala
siyang pagpipilian kung hindi harapin ang sakit na tumatarak sa dibdib niya tuwing
makikita si Zanya.

Sakit na nahahaluan na ng galit.

Isa-isang lumapit at nakipagkamay sa kanya at sa Mama niya si Ezekeil, Hannah,


Ethan at Marga. Nakakapit ang kamay ni Zanya sa braso ng ama na iniwasan niyang
tingnan. Isa-isang sumilip ang mga ito sa kabaong. At nang si Zanya ang dumungaw
sa Papa niya ay tumalikod siya at naglakad palayo doon. Sa silid niya siya dinala
ng mga paa at tumanaw sa halos padilim ng paligid mula sa balkonahe. Katulad ng
damdamin niya ngayon, wala siyang matanaw kung hindi karimlan.

"I'm sorry..."

Napalingon siya sa may-ari ng tinig. Nakatayo si Zanya roon at nakayuko. Muli


niyang ibinalik ang mata sa kadiliman.

"Umalis ka na..."

"Patawarin mo ako, nagkamali ako sa paghusga sa 'yo..."

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan. Ako ang
nagtaksil, hindi ba?"

Lumapit ito nang bahagya pero hindi pa rin niya ito nililingon. Mataas ang lebel
ng emosyon niya kaya't hindi niya ito gustong kausapin sa ngayon.

"No. Ipinaliwanag na ni Dad ang lahat. Kaya ako nandito para ayusin ang
pagkakamali ko."

"Hindi ko alam na kailangan pala na sa ibang tao manggaling ang paliwanag,"


sarkastiko niyang wika.

"Kaya nga humihingi ako ng tawad..."

"I still want our legal separation," mapait niyang wika. "I expect the papers to
be prepared tomorrow."

"No." Umiling ito saka lumapit nang tuluyan sa kanya. "I love you, Brandon ---"

"That's bullshit!" singhal niya dito saka pumasok sa silid para lumayo sa asawa.

"Yan ang totoo!"

Tumataas-baba ang dibdib niya sa galit. "Gusto mong paniwalaan ko 'yan?!


Pagkatapos mong magdala ng lalaki at ipakilala sa buong angkan mo, sasabihin mong
mahal mo ako?! That's bullshit, Zanya!"

"I'm sorry..." Tuluyan na itong umiyak sa harap niya at yumuko habang siya'y
bumabalong na rin ang luha sa mata. Kailangan niyang ilabas ang lahat ng galit sa
dibdib niya dahil malapit na siyang bumigay. Subsob na subsob siya sa pagkawala ng
Papa niya na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap.
"Alam mo ba kung ano ang isinakripisyo ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo?"
tanong niya na tila kakapusin siya ng hininga. "Iniwan ko ang tatay ko na mag-
isang balikatin ang pamamalakad sa kumpanya. Sumunod ako sa kagustuhan ng Daddy mo
na magtrabaho sa kumpanya niyo para lang abangan ka araw-araw kung kailan ka
babalik! Katiting na pag-asa ang kinapitan ko! Para saan?! Para dito?! Para sa
tuluyang paglala ng sakit ng ama ko dahil tinalikuran ko s'ya para sa 'yo!?"

Patuloy sa pag-iyak si Zanya habang ang lahat ay tahimik dahil sa pagsigaw niya.
Nang wala nang maapuhap na sasabihin ay kinuha niya ang susi sa cabinet saka walang
paalam na nilisan ang silid at tumuloy sa garahe. Maingay na makina ng kotse ang
nagpalingon sa lahat nang paharurot niyang nilisan ang driveway.

---

"Galit lang si Brandon, Anak... Huhupa rin ang emosyon nun at magkakausap kayo ng
maayos," pag-alo ni Lala sa kanya nang puntahan siya nito sa silid ni Brandon.

"I'm sorry, 'Ma..."

"Sssshh... Hindi ko gustong nakikita kang umiiyak. Nandiyan pa naman ang Daddy at
Mommy mo..."

"Abot-langit na ang galit ni Brandon sa akin..."

"Mahal ka niya. Nasaktan lang siya sa paglayo mo at ngayon ay nagdadalamhati siya.


Nakikiusap akong intindihin mo muna s'ya ngayon."

Sumama si Zanya kay Lala nang akayin siya nito pabalik sa kinaroroonan ng mga
magulang. Wala na siyang pakialam kung mugto na ang mga mata niya sa pag-iyak.
Naiintindihan naman ng mga ito na kasalanan niya kung bakit galit si Brandon sa
kan'ya ngayon.

"Let's go, Zanya, babalik na lang tayo bukas," yaya ng Mommy niya sa kanya.

"Mom, can I stay?"

Sandaling natahimik ang ina sa kawalan ng isasagot.

"Pahupain mo muna ang galit ni Brandon, Zanya," sagot ng ama nang hindi sumagot ang
Mommy niya.

"My husband needs me, Dad. At dito naman ako nakatira sa kanila bago ako
nagdesisyong lumayo pansamantala."

Walang nagawa ang Daddy niya nang magpilit siyang magpaiwan. Habang wala pa si
Brandon ay kay Lala siya laging nakabuntot. Hindi niya kilala karamihan ng mga
nagpupunta roon at nakikiramay, pero ipinakikilala siya ni Lala bilang maybahay ni
Brandon.

Sa isang sulok ay natatanaw niya si Monique na nasa wheelchair. Hindi niya alam
kung ano ang nangyari dito at kung bakit ito nakatira sa bahay nila Brandon.
Napag-alaman niya sa ama na sa condo ng pinsan niyang si Jayzee pansamantalang
tumutuloy si Brandon noong nagtatrabaho pa ito sa Albano Corp. Ang susi ay
isinauli nito kanina lang kasama ng resignation letter nito.

Hindi nagsasama si Brandon at si Monique. Mali ang paniniwala niya na may


ugnayang muli ang dalawa. Mula ngayon ay magtitiwala na siya kay Brandon. At
hindi niya susukuan ang pagmamahal nito ngayon katulad ng hindi nito pagsuko noong
siya ang lumayo.

"Kumain ka muna, baka mamaya pa dumating si Brandon," yaya ni Monique sa kanya


habang nasa hardin siya at lumayo sa karamihan ng mga taong naroon. Marami ang
dumalaw na karamihan ay tauhan sa distilerya. Naroon din ang mga kapatid ni
Brandon na si Aiden at Jameson, pero wala ang ina ng mga ito.

"Hindi pa ako nagugutom..." sagot niya. Maraming katanungan ang nasa isip niya na
hindi niya maisatinig. Nagdadalamhati ang lahat sa pagpanaw ni Leonardo kaya't
minabuti niyang huwag na munang mag-usisa.

"Gusto kong humingi ng tawad sa 'yo," wika ni Monique na tila nababasa ang mga
tanong sa isip niya. "That night when you saw us, I wasn't supposed to kiss him.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para gawin 'yun..."

"You love him..." mahina niyang sagot.

"Siguro," kibit-balikat nito. "At dala ng kalasingan ay nagpadala ako sa damdamin


ko. Pero kaya lang ako dinala ni Brandon sa madilim na bahaging iyon ay para
kausapin at balaan tungkol sa pagkakasangkot ni Alexis sa droga."

"Ano ang relasyon niyo ni Alexis?" lakas-loob niyang tanong. Siniguro na ng Daddy
niya na mahal siya ni Brandon, pero malaking bagay ang mga ipinagtapat ngayon ni
Monique para mas maging malinaw ang lahat.

"Alexis was my lover," pagtatapat nito. "Malaki ang galit at panibugho niya kay
Brandon at ginamit niya ako para masira kayong dalawa. Lagi niyang sinasabi na
dapat ay siya ang napangasawa mo hindi si Brandon. But knowing Papa Leonardo, he
also wanted to spend time with his eldest son in his dying days. Ginamit lang niya
ang pagkalugi ng distilerya para mapalapit muli sa anak niya na lumayo ang loob
dahil nagkaroon ito ng ibang pamilya."

Muling nagsikip ang dibdib niya nang maalala ang biyenang lalaki. Naalala niyang
may kislap lagi ang mga mata ng matanda tuwing tititigan ang anak. Mahigpit itong
yumakap kay Brandon noong ikinasal sila sa huwis at nagpaabot ng pagbati. Kahit
kapag nagkikita ang dalawa sa opisina ay hindi nito nakakaligtaang yumakap sa anak
pagdating at bago umalis. Nasaksihan niya ang pagmamahal nito sa anak na madalas
ay hindi naipapahayag ng mga salita. At kaya nagagalit si Brandon sa kanya ngayon
dahil nasayang ang limang buwan na sana ay nagkaroon pa ang dalawa na makasama ang
isa't isa. Inubos lang ni Brandon ang panahon sa paghihintay sa kanya.

"Totoo bang... kinausap ka ni Papa na layuan si Brandon dahil kailangan naming


magpakasal?"

"Yes," mabilis nitong sagot. "Ipinakiusap niyang layuan ko si Brandon."

"Bakit ka pumayag kung mahal mo s'ya?"

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Monique. "Mahal ko si Brandon. Pero may
mga bagay akong hinahanap na wala s'ya. Masyado siyang abala sa madaming
obligasyon -- sa pamilya... sa kumpanya... Alexis was there for me to give my
physical needs. Mahal ko si Brandon pero hindi sapat para gustuhin ko siyang
makasama habangbuhay."

Wala siyang maisatinig sa pagtatapat nito. Kung siya ang tatanungin ay gusto
niyang makasama si Brandon habangbuhay. Pero alam niyang hindi na siya
paniniwalaan ng asawa kahit pa isigaw niya iyon.

"Brandon's love for you was immeasurable, Zanya. Sa ibang pagkakataon ay maiinggit
ako. Pero sa ngayon ay sapat na sa akin na napatawad n'ya ako at kinupkop sa
pamamahay niya sa panahong kailangan ko ng tulong."

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" naitanong niya sa huli. Yumuko si Monique para iiwas na
salubungin ang tingin niya.

"Like Alexis, I was also a drug user. Hindi ko alam na buntis ako kaya't patuloy
ako sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nakulong na noon si Alexis dahil nahuli
itong nagdeliver ng droga sa Pampanga matapos i-hold ni Brandon ang mga deliveries
sa mga kliyenteng ipinasok ni Alexis sa kumpanya. Inilayo ako ni Brandon para
hindi masangkot sa kaso ni Alexis. Itinago rin namin sa media ang pagbubuntis ko.
Sa gabi ako lumalabas para mamili ng mga kailangan ko. Pero isang gabi ay
naaksidente ako dahilan para mapaaga ang panganganak ko at mabalda ang isa kong
paa."

"N-nasaan ang baby?" Napahawak siya sa tyan nang maalala ang pagkakalaglag ng
batang nasa sinapupunan niya. Tiyak niyang dadagdag sa galit ni Brandon sa kanya
kapag nalamang nawala ang anak nila dahil sa kakitiran ng isip niya.

"Ibinalik siya sa ospital dahil mahina ang heartbeat niya. Ipinagpapasalamat kong
lubos na tinanggap ni Brandon ang paghingi ko ng tawad at tinutulungan akong
maitawid ang buhay namin ng anak ko. Ngayong bumalik ka na, sana'y hayaan mong
manatili kami dito ng ilang araw hangga't masiguro ko lang na maayos na ang
kalagayan ni Leonard."

"Leonard?"

"Hinango ni Brandon ang bata sa pangalan ni Papa. Sabik na sabik si Brandon na


magkaanak dati pa lang kaming magkasintahan. Gusto niya talagang magkaroon na ng
sariling pamilya."

Tuluyan nang bumigay ang luha niya sa mga mata. Kung sana'y nabuhay ang anak nila
ay mas madali para kay Brandon na patawarin siya. Ngayon ay mas higit nang
mabuting ina si Monique kaysa sa kanya. Mas karapat-dapat na ito para kay Brandon.

"S-sino ang ama ni L-leonard?"

"Hindi si Brandon," nakangiting sagot ni Monique na ikinaluwag ng dibdib niya. Sa


kaunting sandali ay inisip niya kung paano palalayain si Brandon kung sakaling may
anak pala ito kay Monique. "Wala nang namagitan sa amin ni Brandon mula nang
makilala ka niya. His world revolved around you."

"S-si Alexis ba ang ama?"

"Yes. Pero hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap matapos akong


ilayo ni Brandon sa kapatid niya. Hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ni
Alexis ang bata dahil buong panahon na magkasama kami ay hindi namin pinag-usapan
ang damdamin namin para sa isa't-isa. Ang concern niya noon ay kung paano
makakalamang sa kapatid habang ako ay ginagamit din si Alexis para kalimutan si
Brandon."

"Let him know, Monique," suhestyon niya. "Baka 'yun ang magiging daan para mabago
mo ang damdamin ni Alexis at mawala ang inggit sa dibdib niya."

"I will," sagot naman ni Monique. "Kailangan ko lang munang masiguro ang
kaligtasan ng anak ko. Sa ngayon ay ni hindi ko s'ya maalagaan dahil sa kalagayan
ko. Kay Mama at kay Brandon lang talaga ako kumukuha ng lakas ngayon."

Pilit siyang ngumiti sa kabila ng hindi pagsang-ayon sa pagtira ni Monique sa bahay


ni Brandon. Sino siya para magdamot? Si Brandon na mismo ang nagdesisyon na
tulungan ang dating kasintahan.

Kumain siya nang kaunti pero halos hindi pa niya malunok ang pagkain dahil sa pag-
aalala kung nasaan si Brandon. Alas onse na ito dumating at lasing pa dahil
naamoy niya ang alak pagpasok pa lang nito sa silid na itinalaga ni Lala para sa
kanya. Ang guest room.

xxpbkxx

Chapter 39
"Anong ginagawa mo dito?" Halata ang galit sa tinig ni Brandon nang magsalita.
Dito siya pinatuloy ng mama ni Brandon matapos ipaliwanag sa kanya na ang silid
nilang mag-asawa ang ginagamit ni Monique ngayon dahil doon ay may sariling banyo.
Ang guest room na dapat na gagawing nursery ay siyang tutulugan niya ngayong gabi
-- kung makakatulog ba siya sa kaisipang hindi pa sila nagkakaayos ni Brandon.

"M-magpapahinga lang," sagot niya. "Wala naman gaanong tao sa ibaba kaya umakyat
muna ako."

"Ang ibig kong sabihin ay bakit nandito ka pa? Hindi ka na dito umuuwi, Zanya. Sa
bahay ka rin ng mga magulang mo tumuloy kahapon, hindi ba?"

"Gusto ko ring magluksa, Brandon. Karapatan ko 'yun bilang asawa mo."

"Now you're my wife again! Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Aalis at babalik
kung kailan niyo gusto? Albano nga naman, inaasahan niyo bang pagbalik niyo
luluhod pa rin ang taong iniwan niyo na tila luko-luko?"

"Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita mula sa 'yo, Brandon. Pero hindi ako
aalis kahit ipagtabuyan mo 'ko!"

"Walang ibang silid dito, mahal na prinsesa. Bumalik ka sa kaharian niyo dahil
gusto ko nang matulog."

"Kahit sa sahig na lang ako, ikaw na sa kama."

"Hindi ako matutulog sa iisang silid kasama ka," madiin nitong wika. "Kung dito mo
balak matulog doon ako sa silid ni Monique."

Mabilis siyang humarang bago pa ito makalabas sa pinto at hinarap ang galit nito.

"Sige! Magalit ka sa 'kin! Sigawan mo 'ko, murahin mo 'ko! I deserved it! Pero
hindi ka matutulog sa ibang silid kasama ang ibang babae!"

"Whoah! Wala rin akong karapatang mambabae pero ikaw pwedeng manlalaki?!"

"Wala akong lalaki! Kaibigan ko lang si Rico!"

"You kissed that man in front of me! Malay ko kung anong pinaggagawa mo sa Subic
kasama ng lalaking 'yun!"

"Oh, God!" Itinakip niya ang kamay sa mukha saka nagsimulang umiyak. Hindi niya
alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Brandon ngayong bingi ito sa mga
sinasabi niya. "Please believe me... what you saw was first and last... galit lang
ako sa 'yo at gusto kitang saktan kaya ko ginawa 'yun... I thought you were having
an affair with Monique..."
"Hindi mo lang ako sinaktan, Zanya. Dinurog mo ang pagkatao ko. And if I could
turn back that time we first met, I wished I didn't marry you."

Natulala siya sa mga binitawang salita ni Brandon at mahigpit napahawak sa kwintas


na ibinigay nito noong nasa Paris sila. Puno pa rin ng galit ang mga mata nito
bago tumalikod saka sa balkonahe dumaan patungo sa kabilang silid dahil nakaharang
pa rin siya sa pinto. Napaupo siya at umiyak ng umiyak.

Maaga siyang nagising kinabukasan sa kabila nang halos hindi pagkakatulog. Lumipat
siya sa kabilang silid para kumuha ng gamit niya sa cabinet na dati nilang
tinutuluyan. Nakadapa si Brandon sa kama pero nakayakap ang kamay nito sa baywang
ni Monique. Gusto niyang lapitan ang mga ito at magalit, pero bumabalik ang mga
sinabi ni Brandon kagabi. Nakipaghalikan siya kay Rico kaya't wala siyang
karapatang magselos kung bumaling man ang asawa sa iba ngayon.

Kumuha siya ng ilang gamit at inilipat sa kabilang silid. Bumaba siya para maligo
sa banyo na gamit ng mga katulong. Nagbabad siya ng kalahating oras doon habang
pinapahupa ang damdamin. Pipilitin niyang pakisamahan si Monique nang maayos, at
kung babalikan ito ni Brandon sa huli ay wala na siyang magagawa.

Paglabas niya sa banyo ay napakunot ang noo ni Tristan nang makita siya. Nakabalot
pa ng twalya ang buhok niya at dala rin niya ang pinagpalitang damit.

"Bakit hindi ka sa silid niyo ni Kuya tumuloy?"

"N-nandun si Monique..." mahina niyang sagot sabay na napalunok dahil sa sakit na


humiwa sa dibdib niya. Hindi niya gustong maging emosyonal sa harap ng ibang tao
kahit pa halata ang pamumugto ng mga mata niya.

"Oo nga pala, naka-wheelchair pa s'ya. Ang silid na tinulugan mo ang tinutuluyan
ni Kuya. Palilipatin ko sa silid ko si Monique dahil may banyo naman akong sarili."

"H'wag na." Mabilis siyang umiling. Hindi niya gustong magalit na naman si
Brandon dahil tinatrato na naman siyang importante sa bahay na iyon. "Wala namang
problema sa 'kin kahit saang banyo ako gumamit."

"My God, Zanya, banyo 'yan ng mga katulong. Kung ayaw mo sa silid niyo matulog
doon ka sa silid ko. I will not allow you to use that bathroom again," madiin
nitong wika. Bago pa man siya nakasagot ay parating na si Monique at Brandon sa
komedor at tiyak niyang naririnig ng mga ito ang pag-uusap nila ni Tristan.

"Good morning, Zanya, halika saluhan mo kami sa almusal," yaya ni Monique na hindi
niya alam kung paano tatanggihan. Sumasagi sa isip niya ang itsura ng dalawa
kanina sa kama na dumadagdag sa dahilan niya para sumuko. Kung makukuhanan niya
iyon ng larawan ay pwede niyang panghawakan kapag nagsampa siya ng legal
separation. Pero manalo man siya sa korte ay talo pa rin siyang maituturing kung
tuluyan siyang mahihiwalay kay Brandon.

"H-hindi pa 'ko nagugutom..." Agad siyang tumalikod para itago ang luha sa mata.
Sa silid niya itinuloy ang pag-iyak. Ganito siya noon sa Subic sa loob ng isang
linggo kaya nawala ang batang dinadala niya. Hindi s'ya papayag na pati si Brandon
ay tuluyan niyang maiwala.

Maagang dumalaw sina Stacey at Marcus dahil papasok pa ang mga ito sa opisina.
Hindi pa rin siya kumakain pero hinatiran na siya ng kape at sandwich ng katulong
na nakahalatian naman niya kanina. Nasa hardin sila na malayo sa karamihan ng
taong dumalaw.

"Parang ikaw ang namatayan," pansin ni Stacey. "Pustahan tayo, hindi pa kayo
nagkakaayos ni Brandon."

"He was mad at me. No, not mad..." Napailing siya habang iniiwas ang mata sa
dalawa. "He hates me. Kulang na lang ay ipagtulakan niya 'ko dito palayo."

"Ano'ng plano mo?"

"Ano ba ang dapat gawin? Bulag na ako sa mga nangyayari."

"Ano ba ang nasa puso mo?"

Tumingin siya kay Stacey at hindi naiwasang mapaluha. "I want him back... I want
him to forgive me..."

Yumakap si Stacey sa kanya at hinaplos ang likod para tumahan siya. Pinahid niya
ang luha na hindi na napatid mula nang bumalik siya kay Brandon.

"Hindi ko lubos na kilala si Brandon, Zanya. Hindi ko alam kung gaano na kalalim
ang damdamin niyo para sa isa't isa. Pero kung sobra ka nang nasasaktan bumitaw ka
na ha? Huwag kang magpapatalo sa damdamin mo," payo ni Stacey.

"Kasal ang dalawang 'yan, sweetheart," sabat naman ni Marcus. "Kung mahal niya
bakit hindi niya ipaglaban ang karapatan niya?"

"Look at her now," ganting sagot ni Stacey. "Kung mahal siya ni Brandon, hindi
siya paiiyakin nang ganyan. At dito pa nakatira ang babaeng pinagselosan ni Zanya.
Kung ako ang nasa kalagayan niya, kahapon pa 'ko umalis sa bahay na 'to."

"Parang tayo lang naman 'yan dati." Ginagap ni Marcus ang kamay ng asawa. "Hindi
tayo magkakaayos kung hindi mo pinanindigan ang pagmamahal mo sa 'kin. Ipinaglaban
mo ang pag-ibig mo kahit noong akala mo'y si Caroline na ang pumalit sa posisyon mo
sa buhay namin ni Athena, hindi ba?"

"M-may pag-asa pa ba kaming magkaayos?" Nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi ni


Marcus lalo nung ngumiti ito.

"Marriage should be fixed if broken, Zanya. Kaming mga lalaki na lubos magmahal,
mataas ang pride kapag lubusang nasaktan. Hindi lang nasaktan si Brandon,
nagluluksa s'ya. At base sa mga sinabi mo, malaking parte roon ang guilt na
kailangang mawala sa dibdib niya sa mga nasayang na oras nila ng Papa niya dahil
mas inuna ka niyang asikasuhin. Just give it sometime. Importante na nand'yan ka
sa tabi niya ngayon."

"A-anong gagawin ko kay Monique?"

"Monique is his past. Kung may pagtingin pa ang asawa mo d'yan, hindi titira si
Brandon sa condo ng Kuya mo habang naghihintay sa 'yo. Nahuli ka lang ng dating
kaya ngayon nahirapan ka nang habulin ang mga nasayang na oras. Pero maaayos din
ang lahat kapag humupa na ang galit ni Brandon."

"So, magtitiis pa si Zanya dito kasama ang babaeng 'yan?" iritableng tanong ni
Stacey. "Magkasama na nga sa silid kagabi, hindi ba?"

"Relax. Parte 'yan ng pagpapaselos ng lalaki sa asawa nila. I am sure kagabi lang
nagpanggap na doon natulog si Brandon kung nagulat na nakita ka sa isang silid. I
still see how Brandon looks at you when you're not looking," nakangiting wika ni
Marcus.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Hindi pa rin paawat si Stacey.


"Been there, done that," kibit-balikat nitong sagot. "Sobrang sakit kay Brandon
ang paglayo mo pero ikaw rin ang papawi ng sakit na 'yun, Zanya."

"Yun nga ang hindi ko alam kung paano, Marcus. Nauubusan na 'ko ng salita dahil sa
masasakit na salitang binibitawan niya sa 'kin."

"Huwag kang papayag na tratuhin ka niyang hindi tama, Zanya!" babala naman ni
Stacey. "Baka naman maging tanga ka na dahil sa pag-ibig mo kay Brandon? Magtira
ka naman para sa sarili mo."

"Hayaan mo lang na ilabas niya ang galit niya," kontra naman ng asawa nito.
"Marami doon ay dala lang ng matinding sakit."

"Pa'no kung saktan niya si Zanya?"

"She was a blackbelter, sweetheart. Ang OA ng 'saktan' mo na 'yan."

"Okay, fine. Pero kung sobrang sakit na ang mga sinasabi ni Brandon, emotional
abuse na 'yun. Hindi pa rin ba siya aalis dito?"

"Hindi talaga kayo nawawalan ng dahilan ano? Brandon's a good man, otherwise hindi
'yan pipiliin ni Uncle Zek na ipakasal kay Zanya. Of course, hindi naman siya
perpekto. May mga pagkakataon na nawawala minsan sa tamang katwiran, parte 'yun ng
buhay mag-asawa -- ang unawain ang isa kapag nalilihis ang isa."

"Thank you, Marcus... Wala naman akong balak sumuko..." sagot niya. Napapailing
naman si Stacey sa mga sinasabi ni Marcus.

Nang makaalis ang dalawa ay nakaramdam na naman siya ng pag-iisa. Nanatili siya sa
hardin habang nakatanaw lang sa mga taong labas-pasok sa pamamahay ng mga
Montealegre. Si Tristan ang lumapit sa kanya makalipas ang ilang sandali.

"Tanghalian na halos pero hindi ka pa rin kumakain ng almusal." Isang pilit na


ngiti ang ibinigay nito na halata pa rin sa mukha ang pagluluksa sa pagkamatay ng
ama.

"I'm fine," sagot niya. "Kumusta kayo? I'm sorry for not being present when Papa
was dying."

"It's okay. Pagpasensyahan mo na rin si Kuya. Siya talaga ang lubos na nasaktan sa
aming lahat nang mamatay ang Papa. Sinisisi niya ang sarili niya dahil lumayo siya
at lumipat sa kumpanya niyo noong umalis ka."

"Kaya nga ako humihingi ng tawad, Tristan. Hindi ako dapat umalis. Sana'y hindi
nangyari ang lahat ng ito."

"Don't blame yourself. Bukod sa 'yo, si Alexis ang dahilan kaya nagkaroon ng
sandaling distansya si Papa at si Kuya. Nagtalo sila dahil pilit ipinagtatanggol
ng Papa ang anak niya sa kabila. Brandon thought that it would be best if we just
sell the company and live our separate lives. Hindi na gusto ni Kuya na magkaroon
pa ng anumang ugnayan kay Alexis."

"May buyer na ba? Importante ang kumpanyang iyon sa inyo, Tristan. Iyon na lang
ang alaala ng Lolo at Lola niyo sa inyo."

"Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko rin gustong pakawalan ang kumpanya. Hindi
ako nagtrabaho doon pero maraming alaala ng kabataan namin ni Kuya ang naroon lalo
nung buhay pa sila Lolo. Alam kong ipinahinto rin ni Kuya ang pagbebenta
pansamantala, marahil ay hindi pa niya napagdedesiyunan sa ngayon dahil naguguluhan
pa siya kung ano ang dapat niyang gawin."

"Kung may... maitutulong ako ---"

"Just don't give up," putol ni Tristan sa sasabihan niya. "Huwag mong sukuan ang
asawa mo."

"N-nariyan si Monique..."

"Si Mama ang nakiusap kay Brandon na kupkupin siya at itira dito. Pumayag si Kuya
dahil na rin sa utang na loob at guilt dahil si Monique ang naging testigo na
gumagamit at nagbebenta si Alexis ng droga bago ito nagpakalayo-layo. Walang ibang
kamag-anak si Monique dito sa Maynila."

"Napakarami palang nangyari nung umalis ako..."

"Yes. Pero ang paglayo mo ang nagpaguho sa mundo ni Kuya. Puno ng galit ang
dibdib niya at ikaw lang ang makakatunaw ng galit na iyon. Unti-unti rin siyang
naglalagay ng pader na nahihirapan kaming tibagin ni Mama. Tulungan mo kaming
bumalik ang dating Brandon, Zanya. Nakikiusap ako."

Marahan siyang tumango kahit hindi niya alam kung paano gagawin 'yun. Pero tama si
Marcus, kasal sila at isa lang itong pagsubok. Kailangan lang niyang maging
matatag.

Chapter 40
"Hindi ako sang-ayon sa mga ginagawa mo sa asawa mo, Brandon," sita ng Mama ni
Brandon sa kanya nang pumasok ito sa silid. Kausap niya si Monique pagkatapos
niyang humingi ng paumanhin nang bigla siyang pumasok sa silid at humiga sa tabi
nito. Alam niyang papasok si Zanya dahil wala itong dalang gamit sa kabilang silid
kaya't sinadya niyang ilagay ang isang braso sa baywang nito at nagkunwaring tulog.

Kasakuluyan naman siyang nag-aayos ng gamit dahil bukas na ang libing ng ama.
Hindi na gusto ng Mama niya na patagalin ang burol dahil hindi na raw praktikal.
May dalawang kumpanya ang naghihintay na sa ngayon ay parehong walang namamahala.

"Pabalikin mo na sa kanila, Mama. Panindigan niya na ang paghihiwalay namin."

"Sigurado ka ba na kapag umalis s'ya matatahimik ka na? Hindi 'yun ang nakikita ko
sa mga mata mo."

Hindi niya magawang humarap sa ina dahil tama ito, kahit anong galit ang ipakita
niya kay Zanya ay naroon pa rin ang pagmamahal. Pero hindi niya hahayaan na
kontrolin siya ng pagmamahal na 'yun.

"Tama na ang kahibangan ko sa kanya, Ma. Marami pa akong bagay na dapat


asikasuhin."

"Para saan? Para kanino? Para sa amin? She's your wife, Brandon. Tama lang na
inuna mo s'ya at ang ayusin ang pagsasama niyo."

"Kahit nagawa kong talikuran ang sarili kong ama kakahabol sa kanya?" buong galit
niyang wika at humarap kay Lala. Pagal na isinandal niya ang likod sa walk-in
closet.

"Leonardo's death isn't anyone's fault, anak. Huwag mong isisi sa 'yo o kay Zanya.
Maysakit ang ama mo. Ako man ay kukunin na rin ng Diyos kapag dumating na ang oras
ko. Hindi ko gustong dalhin mo sa dibdib ang lahat ng ito at sisihin ang sarili mo
sa mga bagay na wala kang kontrol."

"I don't know, Ma," gumagaralal ang tinig na wika niya. "Hindi sana masakit kung
naging mabuti akong anak kay Papa sa mga huling sandali ng buhay niya..."

"Naging mabuti kang anak sa lahat ng oras. Huwag mong isipin na hindi. Kung may
mga oras na sa tingin mo ay nawala sa inyo ng Papa mo, it was also his choice.
Lima kayong anak niya, Brandon... Huwag mong pasanin ang responsibilidad ng apat mo
pang kapatid. May asawa ka na at kailangan ka rin ng asawa mo. Huwag mong
hintayin na sasabihin mo ulit sa akin na sayang ang panahon dahil hindi ka naging
mabuting asawa..."

Hindi siya nakasagot. Puno pa rin ng sakit ang dibdib niya at nabubulag siya sa
sakit na iyon. Hindi rin niya matanggap na sa loob ng limang buwan na naghihintay
siya sa pagbabalik ni Zanya ay nakahanap na pala ito ng iba.

"She was with another man."

"And so you are with Monique."

"But I did not kiss her! Ni hindi ko s'ya pinagnasaan o inisip na balikan, Ma!"
Napataas siya ng boses at nang mapatingin siya sa pinto ay naroon si Zanya.
Sandaling nagtama ang kanilang mga mata pero agad niyang iniiwas. Dala ang gamit
mula sa closet ay nagtungo siya sa banyo at iniwan ang ina.

"Okay lang ba na ilipat ka namin sa silid ni Tristan pansamantala?" baling ni Lala


kay Monique.

"Of course, 'Ma. Sabi ko naman sa inyo kahit sa ibaba na lang ako matulog para
hindi na rin mahirapan ang mga katulong kakabuhat sa 'kin." Nahihiya nitong sagot.
"Saan matutulog si Tristan?"

"Doon muna sa kwarto ko. Babalik din 'yun sa condo niya pagkatapos ng libing ng
Papa nila kaya huwag mo s'yang alalahanin."

Tinulungan ng mga katulong si Monique na lumipat sa silid ni Tristan habang siya ay


nanatili sa silid nila ni Brandon. Bago lumabas si Lala sa silid ay lumapit muna
ito sa kanya.

"I know you're a tough woman, anak. Huwag kang papasindak sa asawa mo. Matapang
lang 'yang magsalita pero malambot ang puso n'yan."

Ngumiti siya sa biyenang babae sa kabila ng mga agam-agam. Lahat ng taong


nakakausap niya ay sinasabing huwag s'yang sumuko kaya't nabuhayan s'ya ng loob.

Paglabas ni Brandon sa banyo ay hinanap nito si Monique.

"Sa silid na lang ni Tristan na daw siya matutulog sabi ni Mama," kaswal niyang
sagot. Pinapalitan niya ng bedsheet ang kama at mamaya ay balak niyang linisan ang
banyo.

"Lahat talaga nanginginig ang tuhod na sumunod sa mga gusto mo no?" sarkastiko
nitong wika. "Ganyan kalaki ang impluwensya ng pamilya mo."

"Huwag mong idamay ang pamilya ko dito."

Mabilis ding lumabas si Brandon matapos makapagbihis at naiwan siyang mag-isa sa


silid. Napabuntung-hininga na lang siya sa paraan ng pakikipag-usap ni Brandon sa
kanya.

-----

Nagtungo si Brandon sa address na itinext sa kanya ni Ezekeil Albano. Isa iyong


maliit na apartment na kasya lang marahil ang dalawa o tatlong katao. Bagama't
malinis ang kabahayan at maayos ang buong subdivision, ang kalapit nito'y
squatter's area na naging pugad na ng mga snatchers at mga holdaper.

Nagulat ang lalaki pagkakita sa kanya. Agad itong pinapasok matapos niyang
magpakilala bilang asawa ni Zanya Montealegre.

"Ano ang relasyon mo sa asawa ko?" Deretso niyang tanong na hindi na niya
pinagkaabalahang umupo sa sofa na in-offer nito. Nang tinanong sa kanya ni Ezekeil
kung tatanggapin ba nila ito sa kumpanya ng Albano Corp. ay sinabi niyang
kakausapin niya muna ang lalaki.

"We're friends," sagot naman ng lalaki na hindi naman nasindak sa kanya. May
kataasan din ito at mas maitim ang balat dala na rin siguro ng pagtira nito sa
isla. Rico was also good-looking and well-mannered, pero hindi sapat para hindi
kumulo ang dugo niya rito.

"Explain 'friends'," madiin niyang tanong na hindi inihihiwalay ang tingin sa


lalaki.

"Wala kaming relasyon kung 'yun ang gusto mong malaman," sagot nito na hindi rin
nagpapatinag sa kanya. "Matagal na kaming magkaibigan dahil madalas siya sa Subic
para mag-scuba diving dati pa. When she mentioned that she will be staying for a
while, I offered her free accommodation at the resort I've worked for. Hindi niya
sinabing may asawa na s'ya."

"Kaya't binalak mo s'yang pormahan?"

"At first," kaswal lang nitong sagot at ito ang umupo sa pandalawahang mesa na nasa
sulok ng silid. "Pero itinigil ko din nang malaman kong may asawa s'ya."

"How did you know?"

"Well, bukod sa suot niyang wedding ring, nakunan siya habang nasa Subic at na-
ospital ng dalawang araw ---"

"Ano'ng sinabi mo?!" Lumapit siya kay Rico at itinukod ang dalawang kama sa mesa
habang panay ang kabog ng dibdib niya.

"Wala akong kinalaman sa pagkakalaglag ng anak niyo, Mr. Montealegre. Dalawang


linggo na siya sa Subic nang makunan siya. Sadyang mahina lang daw ang kapit ng
bata ayon sa doktor. Ako ang nagdala sa kanya sa ospital at nagbantay ng dalawang
araw at pinatuloy sa resort pagkatapos."

Lalong nadagdagan ang galit niya kay Zanya. Kung hindi ito nagmatigas na huwag
makipag-usap sa kanya ay hindi ito makukunan. They could have saved the baby.

"Your wife loves you," wika pa ni Rico nang hindi niya maapuhap kung ano ang
sasabihin. Dalawang buhay ang nawala nang magdesisyon si Zanya na lumayo sa kanya.
How selfish she can get for not letting him explain his side of the story.

"Sasabihin mo sa aking mahal n'ya 'ko pagkatapos n'yong maghalikan sa harap ko?"
sarkastiko niyang wika. "Sinamantala mo ang kahinaan niya!"
"I did not touch her and she initiated that kiss, Mr. Montealegre! Ginawa
n'yab'yun para pasakitan ka. Kahit gaano ko kagusto si Zanya ay malinaw rin na
wala siyang gusto sa akin. Dinala niya ako sa opisina nila nang malaman niyang
balak kong magtrabaho sa Maynila at alam kong ginawa n'ya 'yun para tumanaw lang ng
utang na loob."

"I don't want to see you talking to my wife again. Tatanaw kami ng utang na loob
sa pagkupkop sa asawa ko, pero hindi mo na s'ya malalapitan kailanman."

Hindi na niya pinakinggan ang anumang sasabihin nito at mabilis siyang lumabas at
sumakay sa kotse. Doon niya pinaglandas ang mga luhang kanina pa gustong pumatak
nang malaman niyang nawala ang panganay niyang anak. Tiyak niyang hindi
ipagtatapat ni Zanya ang lahat ng 'yun dahil dadagdag lang iyon sa pagitan nilang
dalawa.

Now his heart bleeds even more...

-----

Marami ang dumalo sa libing ni Leonardo na karamihan ay mga kaibigan din sa


negosyo. Kahit gaano kagusto ni Zanya na lapitan ang asawa ay hinayaan niya na
lang itong makapagluksa muna. Sa loob ng dalawang araw mula nang lumipat na siya
sa silid nilang mag-asawa ay hindi ito umaakyat kapag naroon siya. Ginawa nitong
lahat para iwasan siya.

"Bukas na ilalabas si Leonard mula sa NICU, 'Ma," masayang balita ni Monique kay
Lala kinagabihan na natapos sila ng hapunan. Nasa mini-bar si Brandon at umiinom
kasama si Tristan.

"That's good news," nakangiti ring wika ni Lala. "Sana'y manatili pa kayo rito ng
ilang araw para makasama pa namin ang apo ko kahit sandali."

"Nahihiya na ako sa matagal na pamamalagi dito, 'Ma. Pero kapag magaling na 'ko at
naigagalaw ko na ang paa ko'y babalik kami ni Leonard dito."

"You don't have to leave. You can stay here as long as you want, Monique," sabat
ni Brandon na bagama't kay Monique nakipag-usap ay sa kanya nakatingin. "Gusto ko
ring makasama si Leonard nang mas matagal."

"Para namang may panahon ka para mag-alaga ng bata. Sa opisina pa lang ubos na ang
oras mo," sala ni Lala sa anak.

"Iba na ako ngayon, 'Ma. Pagkatapos mawala ni Papa ay hindi ko na hahayaan na may
importanteng tao sa buhay ko ang hindi ko mabigyan ng atensyon. And you know how I
love to have babies. Noon pa'y ikinukwento ko na kay Monique kung ilang anak ang
gusto kong maging anak namin, hindi ba?"

"Tama na 'yang pag-inom niyong dalawa," pigil ni Lala kay Brandon at Tristan na
balak pang magbukas ng panibagong bote ng alak. Alam niyang iniiwas din ng biyenan
na hayaan siyang saktan ni Brandon sa paraan ng pakikipag-usap nito kay Monique.
"Babalik pa sa condo niya si Tristan, baka makatulog pa 'yan sa daan."

"Tama si Mama, I have to go." Tumingin ito sa orasang pambisig saka humalik sa ina
at nagpaalam. Lumapit ito sa kanya at sandali ring yumakap.

"Habaan mo pa ang pasensya mo," bulong nito sa kanya na ginantihan niya ng matamis
na ngiti.
"Mag-iingat ka."

Umakyat na rin si Lala at Monique sa kani-kanilang silid at iniwan sila ni Brandon


sa komedor. Umupo siya sa bar stool at nagsalin din ng alak at ininom ng tuloy-
tuloy dahil nagbabara ang lalamunan niya sa sakit.

"Huwag ka dito maglasing," wika ni Brandon saka tumayo at umakyat na rin sa


katabing silid. Hindi nito balak na matulog kasama siya. Kung hanggang kailan
sila magiging ganito ay hindi niya alam. Sunod sunod na lagok ang ginawa niya
hanggang mamanhid ang dibdib niya sa sakit. Ang mata niya'y puno na rin ng luha.
Nang halos maubos ang laman ng bote ay nagpasya siyang umakyat sa silid nila ni
Brandon.

Naghubad siya at tinanggal pati pang-ilalim na suot at manipis na nighties ang


ipinalit niya. Nagtungo siya sa balkonahe at nakitang nasa kabilang balkonahe si
Brandon na may dala pa ring alak na dinadala sa bibig.

"Bakit hindi ka pa matulog?" Lumapit siya kay Brandon at sumandal sa barandilya na


halos idikit na ang katawan dito. Bahagya itong lumayo na tila napaso.

"Go back to your room, Zanya."

"Our room," pagtatama niya. "Hindi ako babalik doon hangga't hindi ka kasama."

"Kaya mo ba akong kaladkarin?" paghahamon nito na hindi tumutingin sa kaniya.


Isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay niya sa asawa bago pinaglandas ang daliri
sa braso nito na nakatukod sa barandilya. Isang nagbabagang tingin ang iginanti
nito saka iniiwas ang kamay.

"Kaya mo ba ako hindi mapatawad ay dahil si Monique na ulit ang mahal mo?" Halos
hindi siya huminga sa paghihintay ng sagot. Kaya siya naglasing ay para hindi
niya maramdaman ang sakit kung sasabihin nitong oo. Pero hindi pa man ito
sumasagot ay gusto na niyang umiyak. Having her near him knowing that she can't
have him was painful enough.

"Wala kang pakialam sa amin ni Monique." Sinlamig ng yelo ang tinig nito.

"May pakialam ako dahil ako ang asawa mo!" pasigaw niyang wika.

"Then use her to file our legal separation. Kapag na-grant na ng korte ay pwede ka
na ulit sumama kay Rico."

"I don't love him! Ikaw ang mahal ko!" Itinulak niya si Brandon nang buong pwersa
pero bahagya lang itong gumalaw. Humarap ito sa kanya at tinanggap nito ang
pagduro niya sa dibdib nito. "Ikaw lang ang minahal ko..."

"Why? Because I can give you a good fuck?!"

"Damn you!"

"Yun lang ang pwedeng dahilan, Zanya! Dahil kung totoong mahal mo 'ko, pakikinggan
mo ang paliwanag ko at patatawarin mo 'ko!"

"I'm sorry..."

Mabilis siyang humarang nang tangkang papasok si Brandon sa silid.

"Sa kabila ang silid mo, Zanya. We'll never use the same room from now on."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay yumakap siya kay Brandon at lakas
loob na inabot ang mga labi. He cursed aloud and tried to resist. Pero wala pang
dalawang minuto ay naiyakap na nito ang mga braso sa katawan niya.

"Do you want a good fuck?" bulong nito sa kanya na hindi niya pinansin. "I'll
prove to you that I am a better lover, Zanya..."

"I didn't have any lover..."

"Liar..."

Binuhat siya ni Brandon pabalik sa silid niya at inihiga sa kama. Mahigpit pa rin
ang pagkakakawit niya sa leeg nito at hinila pa para madagan siya sa kama. Paulit-
ulit itong nagmura bago s'ya marahas na hinalikan.

Chapter 41
Nag-aalab ang damdaming hinahalikan ni Brandon si Zanya matapos niyang bumigay sa
panunukso nito. He can't resist the urge to touch her again after many months of
longing for her.

God, he misses her!

Nalasahan niya ang alak sa bibig nito na lalong nagpapalasing sa pagkatao niya.
Mabilis niyang hinubad ang t-shirt at ninamnam ang kamay nitong naglalakbay na sa
dibdib at likod niya. Gumapang ang kamay niya sa dibdib nito na nagpamura sa kanya
nang malakas. Alam niyang inaakit siya ng asawa kaya ito nagsuot ng manipis at
maiksing nighties. Kanina pa siya napapalunok habang nag-uusap sila sa balkonahe
dahil hindi niya gustong matalo nang ganoon kabilis. Pero nang yumakap si Zanya sa
kanya ay bumigay kaagad ang buong pagkatao niya. Napatunayan na naman niyang hindi
niya kontrol ang sarili kapag nadidikit ang katawan sa asawa.

Bumaba ang mga labi niya sa dibdib nito at pinagsawa ang sarili sa paghalik. Bawat
dantay ng kamay niya sa balat nito'y nag-iiwan ng init. Panay ang ungol nito na
lalong nagpapainit sa pakiramdam niya. Bumaba pa ang halik niya sa puson nito at
pababa pa na nagpakapit kay Zanya sa ulunan nito. Nang halukayin ng dila niya ang
pagkababae nito ay napasabunot ito sa buhok niya. Mabilis siya nitong inangat nang
malapit na itong kapusin ng hininga.

"Brandon..."

"Hanggang saan umabot ang halik ng lalaking 'yun sa 'yo?"

"Yun lang na nakita mo sa parking lot, Brandon... believe me..."

Nakaluhod siya habang nasa gitna ng mga hita ang katawan ni Zanya. Nang tangka
nitong hahawakan ang pagkalalaki niya ay mabilis niyang itinaas ang mga kamay nito
sa ulunan.

"You're mine, Brandon!" madiin nitong wika nang ipagdamot niya ang gusto nitong
gawin. Bibigay na siya anumang oras kapag hinawakan pa iyon ni Zanya. Pero
hahayaan niyang isipin nito na ipinagdadamot niya ang sarili para sa pride niya.
He knows Zanya wanted to please him.

"Patutunayan ko lang sa 'yo na walang ibang makakagawa sa 'yo ng ganito, Zanya...


Ako lang..."

Ipinasok niya ang katigasan niya sa pagkababae nito na nagbigay ng sandaling sakit
sa asawa. He felt heaven again inside her. He was home. Bawat indayog ng katawan
niya ay may kalakip na pag-ibig. Tinanggap ni Zanya lahat ng ibinibigay niyang
sensasyon. He crushed her, burried her inside his arms. Nang maramdaman nila ang
sukdulan ay muli niya itong hinalikan ng masidhi habang patuloy s'ya sa paggalaw.
Napadapa siya sa dibdib nito nang matapos ang mainit na sandali.

"You're heavy..." mahinang wika ni Zanya habang nakayakap ang braso nito sa likod
niya at naghahabol pa rin ng hininga. Ibinagsak naman niya ang katawan sa tabi
nito at pumikit. Iniwasan niyang iyakap ang kamay sa asawa katulad nang dati
niyang ginagawa pagkatapos ng pagtatalik.

Nang mahimasmasan ay tumayo siya at pinulot ang mga damit sa sahig at isinuot.
Nang makalipat siya sa kabilang silid ay gusto niyang magsisi. Nakatingin lang si
Zanya sa kanya mula kaninang nagbihis siya hanggang sa lumakad palabas. Hindi niya
alam kung tama pa ba na nagmamatigas siya.

Maaga siyang nagising kinabukasan sa kabila ng paglalasing at halos madaling araw


na siyang nakatulog. Paglipat niya ng silid ay gising na rin si Zanya.

"Ano'ng isusuot mo? Sa distilerya ka ba ulit papasok?" tanong nito na tinungo ang
closet na kinaroroonan ng mga damit niya. Ito ang naghahanda ng isusuot niya dati
noong maayos pa ang relasyon nila.

"I can take care of my clothes," sagot niya nang hindi ito nililingon. "Iuuwi
namin ni Monique si Leonard dito kaya maaga kami pupunta sa ospital."

Sandali itong nawalan ng sasabihin hanggang makapasok siya sa banyo para maligo.
Itinapat niya ang sarili sa shower at hinayaang maglandas ang malamig na tubig sa
katawan niya. Nakapikit siya habang inaalala kung paano siyang natangay na naman
sa damdamin niya kay Zanya. Nag-init muli ang pakiramdam niya nang maramdaman
niyang may humahagod sa likod niya na nagpadilat sa kanya at nagpatigil sa pagtibok
ng puso niya. Nang lumingon siya ay nakatayo roon ang laman ng isip at puso niya.
Napalunok siya nang makitang hinubad nito ang nighties na suot at inilaglag na lang
sa sahig.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay hinintay niya kung ano ang susunod nitong gagawin.
Tumapat ito sa kanya at lumapat ang labi nito sa dibdib niya. Sunod-sunod na
paglunok ang ginawa niya nang dumiin ang paghalik nito sa katawan niya at
nagsimulang maglandas ang mga kamay sa ibaba ng pusod niya hanggang sa mahawakan
nito ang ipinagkait niya kagabi. He groaned in satisfaction when she massaged his
maleness in an up and down stroke. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa tiled wall
habang ang isa ay sa buhok ni Zanya para kumuha ng lakas doon. The sensation was
getting stronger but he could feel his knees getting weak. Lumuhod si Zanya at
halos hindi siya huminga sa antisipasyon. And then she grabbed his hardness and
licked it before her mouth took it whole.

"Easy, sweetheart... You'll drive me crazy..."

Sobra na para sa kanya ang ginagawa ni Zanya ngayon pero hindi niya ito magawang
pigilan dahil sa sarap na nararamdaman. This wasn't his first time but knowing
that Zanya was the one doing it made a lot of difference. Iba ang nagagawa ng pag-
ibig. Hindi niya mararanasan ang ganito klaseng damdamin sa ibang babae.

Itinayo niya si Zanya at marubdob na hinalikan habang pinaglalandas naman ang kamay
sa buo nitong katawan. Isinandal niya ito sa dingding at itinaas ang isang paa.
Tinanggap naman siya ni Zanya nang buong-buo at sumasabay ito sa bawat indayog ng
kanyang balakang. Nang marating ang sukdulan ay napayakap si Zanya sa kanya at
ibinigay ang lahat ng bigat ng katawan nito sa kanya.
"Get out. I need to finish my shower," utos niya matapos matangay na naman sa
pang-aakit ni Zanya. Hindi ito sumunod bagkus ay sinabayan siya sa pagligo. Nang
magbihis siya ay nagbihis din ito. Nang tangka niyang kukuhanin ang susi ng kotse
ay nakipag-unahan ito sa kanya.

"Hihintayin ka namin sa kotse ni Monique," matamis ang ngiti na wika nito. "Shave
first, my husband." Kumindat ito saka tumalikod palabas ng pinto.

"Sa tingin mo ba'y susunod ako sa 'yo?" paghahamon niya.

"Gusto mong lumuhod ako ulit?" Tinapatan nito ang hamon niya bagama't may pilyong
ngiti sa labi. Isang irap ang isinukli niya saka muling humarap sa tokador.
Nagtama ang mga mata nila sa salamin.

"Tease..." mahina niyang wika nang sumagi sa isip niya ang ginawa ni Zanya sa
shower kanina. Napailing siya nang simulang ahitin ang balbas at bigote na limang
buwan niyang hindi binigyang pansin.

Pagbaba niya ay nahanda na si Monique at isa pang katulong para mag-assist sa


ospital kay Monique mamaya. Isinukbit ni Zanya ang mga kamay sa braso niya nang
lumakad sila patungong garahe. Wala siyang nagawa nang sumama ito hanggang sa
ospital at sumama din hanggang sa NICU. Nang kargahin ni Monique ang bata at
tuwang-tuwa na ipakita sa kanila ni Leonard ay may kislap na bumalong sa mata nito
na pilit ibinabalik para huwag pumatak. Doon niya na-realize na kung masakit sa
kanya ang pagkalaglag sa dinadala nito ay mas higit kay Zanya. Pinigilan lang
niyang huwag itong lapitan at yakapin dahil hindi nito alam na alam niya na nakunan
ito.

Sa bahay ay tuwang-tuwa lalo ang Mama niya nang makitang muli si Leonard. Mula
nang makuha ang bata sa ospital hanggang sa pag-uwi ay tahimik lang si Zanya at
nawala ang sigla sa mga mata nito na dala na nito kanina. Gusto niyang pawiin ang
lungkot na iyon pero gumawa itong muli ng distansya.

"Tumawag ang abogado kanina lang, Brandon, tinatanong kung ano na ba ang plano mo
sa distilerya?" tanong ng Mama niya. Naghihintay siya ng anumang sasabihin ni
Zanya pero tahimik pa rin ito.

"Balak kong ituloy na lang ang pagbebenta niyon, 'Ma," sagot niya habang nakatitig
pa rin kay Zanya. Labag sa kalooban niya ang sinabi at hinihintay niyang
salungatin siya ng asawa. "What do you think?"

"Excuse me..." mahina nitong wika saka mabilis na umakyat sa silid nilang mag-
asawa.

Sa banyo tumuloy si Zanya para doon ituloy ang pag-iyak. Hindi niya naiwasang
maging emosyonal nang makita ang anak ni Monique at makita kung gaano kagiliw si
Brandon sa bata. Kung natuloy sana ang ipinagbubuntis niya ay matutuwa si Brandon
at marahil ay excited na sa panganganak niya. Pero dahil naiwala niya ang bata ay
naiwala na rin niya ang pag-asang magiging isang kumpletong pamilya sila.

Paglabas niya sa banyo ay agad niyang tinawagan ang ama. Hindi rin niya
maintindihan si Brandon kung bakit nito pinipilit na ibenta ang distilerya gayung
puno iyon ng alaala ng ama.

"Hello, Dad... May hihingin sana akong pabor. This is very important."

"What is it?"

"I want to buy Montealegre Distillery Corp. Ipagbibili nila Brandon ang kumpanya
pero gusto kong abutan iyon ng anak ko."

"Bakit hindi mo i-discuss sa asawa mo?" tanong nito.

"Alam mong matigas ang loob ni Brandon, Dad. Hindi niya dapat malaman na ako ang
bibili sa kumpanya."

Sa huli ay napapayag niya ang ama na makipag-usap sa abogado ni Brandon. Nang


ibaba niya ang telepono ay may nagsalita sa likod niya.

"Balak mo na naman akong paikutin gamit ang yaman ninyo?"

Napalingon siya kay Brandon na noo'y blanko ang mukha na hindi niya maarok.

"Huwag mong gawing issue 'yun, Brandon. Gusto kong maabutan pa ng anak ko ang
kumpanya ng kanunu-nunuaan niya. Hindi mo ba gustong panatilihin ang nag-iisang
alaala ng Papa mo sa 'yo?"

"This is a family matter --"

"Hindi na ba ako pamilya?!"

Hindi sumagot si Brandon na lumakad palapit sa kanya.

"Hindi ko na ipagbibili ang distilerya. Ipaaayos ko sa abogado ang hatian para sa


mga kapatid ko."

"Bakit nagbago ang isip mo?"

"Tulad ng sabi mo sa Daddy mo, gusto ko ring maabutan ni Leon ang pamana sa kanya
ng Lolo niya."

"L-Leon..." Nagbara ang lalamunan niya nang mapagtantong dahil sa anak ni Monique
kaya ito nagdesisyong mananatili sa pamilya ang distilerya.

"Pupunta ako sa opisina ngayon at aayusin ko ang mga naiwan ni Papa."

Pinanood lang niya si Brandon habang nagsusuot ng formal suit kabang kinakain ng
panibugho ang damdamin. Masigla na ang mukha ng asawa niya mula nang makuha nila
ang anak ni Monique sa ospital.

"H-hanggang kailan sila Monique dito?"

"Sinuhestyon ko kay Mama na huwag na siyang pauwiin sa Bukidnon dahil mahihirapan


lang sila doon. May na-hire na akong PT para makapagsimula na siya ulit sa
paglalakad. Kailangan ng bata na may makilalang ama kaya mas maganda na dumito na
muna silang mag-ina."

Nagsisikip ang dibdib niya sa sakit sa pag-aalala ni Brandon sa kalagayan ni


Monique at Leonard. Tila ba inaako na nito ang responsibilidad ng pagiging ama sa
bata kahit hindi naman ito ang ama.

"Napakaswerte ni Monique..."

"She's jobless and in a wheelchair, Zanya."

Hindi siya sumagot. Inayos niya ang gamit sa handbag habang nakatingin naman si
Brandon sa kanya.
"Sasama ka sa distilerya?" Tanong nito nang magpalit siya ng sapatos.

"Sa Albano Hotel," sagot niya habang iniiwas na mapatingin kay Brandon. Akala
niya'y kaya niyang makasama si Monique sa iisang bubong pero habang tumatagal ay
dumadagdag ang panibugho sa dibdib niya. Hindi man totoo na nagtaksil si Brandon
noon sa kanya, ito naman ang nagbibigay ngayon ng katuparan ng mga pangarap nito na
makabuo ng isang pamilya. At sa ilang buwan na magkasama ang dalawa ay parang
hindi na kayang pakawalan ni Brandon ang dating kasintahan.

"Tinanggap ba ng kumpanya niyo ang Rico na 'yun?" Nakakunot ang noo nitong tanong.

"I had no idea, Brandon. But I asked Kuya to give him a job. Makabayad man lang
ako sa utang na loob sa kabutihan niya sa 'kin."

"So, you will be seeing him..." Hindi niya alam kung akusasyon man ba iyon o
pagtatanong.

"Magkita man kami sa corridor o sa cafeteria, it doesn't matter, Brandon," inis


niyang sagot. "At least hindi ko siya kasama sa iisang bubong at lalong hindi ko
inaako na responsibilidad ko na s'ya."

Iniwan niya sa silid ang asawa at deretso sa garahe dala ang ngitngit sa dibdib.

xxpbkxx

Chapter 42
"Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?" tanong ni Lala kay Brandon nang bumaba
siya mula sa silid. Narinig niya ang paalis na kotse at nag-rerebulosyon ang
makina niyon.

"Just a misunderstanding, 'Ma," sagot niya. Hindi rin niya alam kung bakit nagbago
ang mood ni Zanya na ngumiti na kaninang umaga pero ngayon ay pormal na ulit. It
must be because of Monique and the baby.

"Masaya ako kanina nang magkahawak na kayo ng kamay bago umalis papuntang ospital.
Bakit na naman ba nagalit 'yun?"

"Baka nagseselos sa ibinibigay mong atensyon sa 'kin, Brandon," wika naman ni


Monique na nakikinig sa pag-uusap nila.

"Ano ba'ng ginawa ko? She assumes a lot," naiiling niyang wika. "And then what?
She will run away again like a scared cat?"

"Baka naman kasi hindi mo ipinapaliwanag ng maayos sa asawa mo na kaya mo kinupkop


si Monique dito ay dahil gusto mong magkaayos sila ni Alexis, at na umaasa kang ang
anak nila ang makakapagbago sa kapatid mo na 'yun?"

"Hay naku, 'Ma, malamang niyan ginagamit ako ng anak niyo para pagselosin ang asawa
niya. Zanya had been through a lot, Brandon. Tama na 'yang pabebe mo. Kapag
lumayo 'yan sa 'yo iiyak-iyak ka na naman," naiiling namang wika ni Monique.

"Ang KJ niyong dalawa," natatawa niyang wika bagama't nag-aalala na naman sa


iniisip ni Zanya. Masaya siya na bumalik na ito sa kanya at natunaw na lahat ng
galit niya sa dibdib nang akitin siya nito kagabi. They could start all over
again. Palalaguin niya ang kumpanya para sa magiging anak nila ni Zanya at sa anak
ni Alexis kay Monique.

"Ano ba ang plano mo sa asawa mo? Hindi ba siya magtatrabaho sa distilerya para
may katulong ka?"

"Hindi pa namin napag-uusapan. Relax. She just came back. Bubuntisin ko muna
para may makalaro si Baby Leonard." Kumindat siya sa ina na napangiti rin sa
sinabi niya.

"Mabuti naman, Brandon. Malulungkot ako kapag nagdesisyon ang pamilya ni Alexis na
kupkupin sina Monique."

"Don't worry, 'Ma, Baby Leon is on your way."

"Leon?"

"Yes, 'Ma, ang magiging panganay niyong apo."

"Paano ka nakakasiguro na lalaki ang una niyong magiging anak?"

"Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

"Puro ka biro, Brandon. Ayusin mo muna 'yang relasyon niyong mag-asawa nang hindi
kayo tila nagpapatintero. Kung hindi ikaw ang galit 'yung asawa mo naman,"
naiiling nitong wika. Natawa siya sa ina na humalik dito saka nagpaalam na papasok
na sa opisina.

Pagdating ng gabi ay alas otso na umuwi si Zanya. Nasa hardin sila kasama ang Mama
niya na karga si Baby Leonard at si Monique na nasa wheelchair pa rin. Naamoy niya
ang alak sa hininga nito nang dumaan sa harap niya at humalik sa Mama niya.
Sinundan niya ito sa silid at sinabayan ito sa pagbibihis.

"Bakit amoy alak ka?" tanong niya sa tonong hindi naman galit.

"Nagkayayaan lang kami ni Trina na uminom."

"Hindi ka dapat umiinom lalo at ikaw lang ang mag-isa sa sasakyan."

"Kaya ko ang sarili ko, Brandon." Tumuloy ito sa banyo at naghilamos.

"Walang silbi ang pagiging blackbelter mo kung nakainom ka, Zanya!" pagalit niya
nang wika dahil nagdadahilan pa ito. Hindi niya gustong naglalasing ito dahil
gusyo niyang magkaanak na sila. Alam niyang masama ang pag-inom ng alak kapag
buntis ang isang babae.

"I said I can take care of myself...."

Hinapit niya ang katawan nito na halos hubad pa dahil sa hindi pa naisusuot na
pantulog. Agad umahon ang init sa katawan niya sa pagkakadikit ng malambot nitong
balat sa kanya.

"Kaya mo ba akong labanan? Subukan mo, Zanya! Saka mo sabihin na kaya mo ang
sarili mo!" Hawak niya ang dalawang kamay nito sa likod habang sinisimulang
paglandasin ang mga labi sa leeg at balikat nito.

"B-brandon..."

Umakyat muli ang halik niya at sinakop ng mga labi ang nakaawang nitong bibig.
Gumanti si Zanya nang mas maalab na halik. Isinandal niya ito sa dingding saka
binitawan ang kamay dahil lumipat ang mga kamay niya sa dibdib at pang-upo nito.
Pinaglandas naman ni Zanya ang mga kamay sa dibdib niya saka bumaba hanggang sa
pagitan ng mga hita niya. Bumaba ang halik niya sa dibdib nito at pinagsawa ang
sarili roon. Naramdaman niyang nanghihina ang tuhod nito kaya bumaling siyang muli
sa mukha nito.

"Tell me now that you can take care of yourself..." bulong niya sa tainga nito.

"Sa 'yo lang ako nawawalan ng panlalaban, Brandon..." sagot nito na namumungay ang
mga mata na hindi niya alam kung dahil sa sensasyon o sa kalasingan.

"At sa 'yo lang nawawala ang lahat ng paninindigan ko, Zanya..." sagot niya
pabalik.

"Do you mean..."

"Do you mean what?" tanong niya nang ihinto ni Zanya ang pagtatanong. Pinangko
niya ito at inihiga sa kama. Alam niyang lasing na lasing ito dahil hindi na nito
itinago ang pag-iyak.

"You still love...me?"

"Who told you that I don't?" Naningkit ang mga mata niya sa pagiging emosyonal
nito.

"Maibibigay ni Monique ang pangarap mong pamilya... She and Leon could ---"

"Ang hilig mong gumawa ng konklusyon," putol niya sa sinabi nito saka bumaba sa
pagitan ng mga hita nito at pinaglandas ang mga labi sa pagkababae nito.
Napasabunot si Zanya sa buhok niya at natunaw anuman ang sasabihin pa nito. Hindi
siya tumigil hangga't hindi ito nagsumamo na angkinin niya na ito. Nang ipasok
niya ang pagkalalaki sa kaselanan nito ay hinarap niya ang asawa at tinitigan.

"Ipangako mo na hindi ka titikim ng anumang alak mula ngayon, Zanya!" utos niya
habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw nito.

"Brandon..."

"Promise me, dammit!" Bumilis ang kilos niya na sinasabayan ni Zanya nang pag-
indayog ng balakang.

"Yes... Brandon... Ohhh"

"Good girl..." Hinalikan niya ito ng masidhi bago isinagad ang pagbayo hanggang
maabot nila ang sukdulan. Pagal na ibinagsak niya ang katawan sa tabi nito at
kinabig ang asawa. Kinumutan niya ang hubad nilang katawan saka pumikit at
natulog.

-----

Nagising si Zanya sa nagtatawanan sa hardin. Naalala niyang inangkin siya ni


Brandon kagabi pero nakatulog siya nang mahimbing sa kalasingan at pagod. Mag-isa
na lang siya ngayon sa silid. Tumayo siya at nagsuot ng roba saka tumanaw sa
hardin mula sa balkonahe. Nagsikip ang dibdib niya nang makitang karga ni Brandon
ang anak ni Monique at nakangiting kausap ang dati nitong kasintahan. Umalis siya
sa balkonahe at muling humiga sa kama. Araw-araw niyang pagsisisihan ang
pagkakalaglag ng bata sa sinapupunan niya dahil nandito si Monique para ipaalala
ang isang bagay na nawala sa kanya.

"Bakit hindi ka bumaba at mag-almusal?" masuyong tanong ni Brandon na umupo sa


gilid ng kama habang siya'y nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan. Hindi niya
gustong ipakita na gusto niyang umiyak kaya ibinaling niya pakabila ang ulo.
"Hindi pa ako nagugutom."

"Aalis sila Mama mamimili ng ibang gamit ng bata. Gusto mong sumama?"

Padabog na bumangon siya sa kama. "Maraming trabaho sa opisina."

"Hindi ka na magtatrabaho sa opisina ng Kuya mo dahil lasing ka lang ding umuuwi


dito."

"At lalong hindi ako magpapakayaya sa anak-anakan mo!"

"Anong sinabi mo?"

Hindi na siya sinagot ni Zanya na tumungo sa banyo para maligo. Bumaba siya sa
kusina para magpahain sa katulong ng almusal nila ni Zanya. Pagkatapos ng
kalahating oras ay bumaba ito at nagtuloy sa garahe. Mabilis niyang nahabol ang
asawa at napigil ang pagbukas nito ng pinto ng kotse.

"Sa distilerya ka papasok ngayon, Zanya! Huwag na huwag kang makikipagkita sa Rico
na 'yun kung ayaw mong ihagis ko s'ya pabalik sa Zambales!"

"Sino'ng maysabi na makikipagkita ako kay Rico?" naiirita nitong tanong. Hindi
naman nito sinagot ang tanong niya.

"Huwag mong palalabasin ang sasakyan ng asawa ko nang wala akong pahintulot!" utos
niya sa katulong saka hinila ang kamay ni Zanya papasok sa kabahayan.

"I am not your prisoner, Brandon!"

"I know. You are my wife. Kumain ka ng marami dahil marami tayong gagawin sa
opisina."

"Akala ko ba mamimili kayo ng mga gamit ng bata?"

"Ang sabi ko mamimili sila Mama, sinabi ko bang kasama ako?" Isang irap ang
isinagot niya saka nagsimulang kumain.

------

Ganoon pa rin ang itsura ng opisina nila Brandon nang bumalik sila. Kunsabagay ay
mahigit limang buwan lang naman siyang nawala. At kung wala lang ang presensya ni
Monique at ng anak nito ay perpekto na sana ang pagsasama nila.

"Kakausapin ko lang ang kontraktor sa conference room," paalam ni Brandon sa kanya.

"Kontraktor saan?"

"May mga renovations na gagawin sa bahay at gusto kong masimulan kaagad. Gagawin
nang nursery ang kabilang silid."

Hindi niya isinatinig ang pagsalungat sa gusto nitong mangyari. Hindi niya
aakalaing makakahati pa niya sa atensyon ngayon ang dahilan ng pag-alis niya limang
buwan na ang nakalilipas.

Ibinunton niya ang inis sa trabaho dahil wala din siyang magawa sa gusto ni
Brandon. Tumawag naman ang Kuya Ethan niya para ibalik ang bayad ng Albano Hotels
sa Montealegre Corp. na isinauli ni Brandon noong umalis siya.
"I'm glad your husband came to his senses. Akala ko'y tuluyang ipagbibili ni
Brandon ang kumpanya. Tell me if you're having financial problem, willing kami ni
Jayzee na bumili ng shares sa distilerya."

"E kung may ipapa-kidnap ako?" biro niya na ikinatawa ng Kuya Ethan niya sa
kabilang linya.

"Sinong ipapakidnap mo?" tanong ni Brandon na pumasok na sa silid at naabutang


kausap niya si Ethan. Nagpaalam siya kaagad sa kapatid dahil hindi niya gustong
marinig ng asawa ang pakikipag-usap dito.

"Mga masasamang loob na pagala-gala sa paligid ko," sagot niya kay Brandon. Hindi
naman na ito nagsalita pa na abala sa floor plan ng bahay na ipagagawa.

"Maaga pa naman, makikipagkita muna ako kay Stacey at Marcus," paalam niya dito.

"Hindi ka makikipag-inuman," madiin nitong sagot sa kanya.

"May baby na si Stacey, hindi na 'yun umiinom. Gusto ko lang ng makakausap."

"Bakit hindi ako ang kausapin mo?"

"Busy ka," tipid niyang sagot. Mula nang bumalik siya galing sa Subic ay tipid
lang kung makipag-usap si Brandon sa kanya. Hindi na bumalik ang dating Brandon na
laging nagpapahayag ng pag-ibig nito at pangarap para sa kanilang dalawa. Madalas
ay na-ookupa na ni Monique ang atensyon nito.

Hindi ito sumagot bagkus ay tinawag nito si Jameson na kapatid nito sa ama.

"My wife and I are leaving. Tumao ka muna sa opisina."

"Hindi ba ako pwedeng umalis nang hindi ka kasama?" naiinis niyang tanong.

"No," madiin nitong sagot habang hinihintay na umakyat ang kapatid na si Jameson sa
opisina nila. "Nung huli kang umalis nang hindi ako kasama inabot ka ng limang
buwan bago bumalik tapos may kasama ka pang ibang lalaki," tila pagalit na wika
naman nito sa kanya.

"Yun nga eh, umalis na 'ko't lahat nandiyan pa rin si Monique na pakalat-kalat sa
paligid ko!" hindi niya naiwasang banggitin.

"Siya ba ang gusto mong ipakidnap kanina?" Naningkit muli ang mga mata nito pero
sa pagkaaliw. "Kailangan ko palang mag-hire ng security sa bahay baka makasalisi
ang mga kidnappers mo," nakatawa nitong wika. Dumagdag lang ang inis sa dibdib
niya dahil sa pagprotekta nito kay Monique. Lalo niyang gustong maglasing pero
sumama si Brandon hanggang sa bahay nila Marcus at Stacey.

Chapter 43
Pinagtawanan si Brandon ni Marcus at Stacey nang ikwento niya ang plano niya para
kay Zanya. Nasa isang coffee shop sila sa isang mall habang si Zanya ay nagpaalam
na bibili ng regalo para sa anak ni Stacey.

"Naalala ko ang sarili ko sa 'yo bago kami ikasal ni Stacey. I can imagine Zanya's
reaction everytime Monique comes in the picture. Mag-ingat ka lang dahil baka
madiskaril ang plano mo kapag sumobra ka nang pagpapanggap," nakatawang wika ni
Marcus.

"That's why I need your help. Lumagpas na sa anim na buwan ang pangako ko kay Dad
na magpapakasal kami ni Zanya sa simbahan."

"Why don't you tell Zanya your plans? Pikon na pikon na ang pinsan kong 'yun sa
presensya ni Monique, Brandon. Kahit ako gusto na kitang suntukin. She was still
your ex-girlfriend. Pasalamat ka kakampi mo sila Uncle Zek." Seryoso naman ang
mukha ni Stacey nang magsalita.

"Kahapon lang kami nagkausap ni Zanya at kanina ay inilalayo na naman niya ang
sarili niya sa min ni Mama. Isang buwan na lang naman si Monique sa bahay dahil
dalawang linggo lang naman ang therapy niya at makakabalik na siya sa paglalakad.

"And you're using that situation to make my cousin jealous," naiiling na wika ni
Stacey. "My God, you and Marcus have the same style!

"Hayaan mo nang magligawan 'yang dalawang 'yan, mahal. Brandon knows what he's
doing. Pinapakilig lang niyan ang sarili dahil alam niyang mahal siya ni Zanya."

"Why do men love to boost their ego?"

"Hindi ko pinapatira si Monique sa bahay para sa ego ko. Bilang panganay sa aming
magkakapatid ay may responsibilidad ako sa pagkakasangkot niya kay Alexis. Kung
hindi siya nabalda ay hindi ko naman siya kukupkopin sa bahay."

"Then live in another place. Do you even care how Zanya feels right now? Hindi ko
rin lubos maisip na papayag siyang ganyan ang set-up niyo."

"Relax... I will fix everything. Hindi ko inaasahan ang pagbabalik ni Zanya noong
isang linggo. Tumigil na ako sa pag-asam na babalik siya --"

"She's your wife, Brandon! Natural babalik siya!" sala ni Stacey sa sasabihin
niya.

"I know. Pero alam mo rin ang pinagdaanan ko. Bumalik nga s'ya pero hindi para
makipagbalikan sa 'kin. Zanya also kissed that bastard in front of me, Stacey. At
nitong huli ay nalaman ko sa Rico na 'yun na nakunan ang asawa ko habang nasa
Subic. May nakakaalam ba sa inyo nun?" tanong niya sa dalawa.

"Zanya did what?" gulat na tanong ni Stacey. Sandali siyang yumuko dahil sa sakit
na dumaan sa dibdib niya.

"Alam mo ba ang pakiramdam ko noong mga panahon na 'yun? Umalis siya nang walang
kasiguraduhan kung kailan siya babalik o kung balak ba niyang bumalik. At nakunan
na siya't lahat, ni hindi pa rin siya bumalik. We lost our child just like
that..." Pahina nang pahina ang boses niya habang nagsasalita. Nawalan naman ng
sasabihin ang dalawang kaharap sa mga ipinagtapat niya.

"Yun ba ang dahilan kaya't hinahayaan mo s'yang masaktan na lang dahil sa presensya
ni Monique?"

"No," mabilis niyang sagot. "Ang hinihingi ko lang ay panahon para maiayos namin
ang lahat. Magulo ang mundo ko noong bumalik siya. Then I mourned for my father
and hated myself for neglecting him... It's a process, Stacey... Mahirap kalaban
ang lungkot sa pagkawala ng isang magulang... And then you'll realize that you also
lost a son... or a daughter... dahil lang hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. I
also doubted her love for me when she chose to trust Rico instead of me...Na sa
loob ng mga panahon na halos mabaliw ako kakahintay sa kanya ay masaya naman pala
siya sa piling ng iba..."

"I'm sorry..." paghingi nito ng paumanhin. Napalunok siya para pigilan ang maging
emosyonal.

"Hanggang ngayon ay dala ko ang agam-agam na 'yun. I don't know how long she will
stay... or what would it take for her to stay in our marriage..."

"Mahal ka ni Zanya, Brandon..." pagbibigay ni Stacey ng assurance sa kaniya.


"Siguro naman ay napatunayan niya nang kaya niyang magtiis kahit pa hindi niya
gustong makasama si Monique para lang makasama ka."

Isang marahang tango ang ibinigay niya dahil may planong nasa isip. Natanaw niya
na paparating na si Zanya bitbit ang dalawang malaking paper bag para sa baby ni
Stacey. Pagkatapos pa ng sandaling kwentuhan ay nagpaalam na sila sa mag-asawang
Marcus at Stacey.

Alas dyes na sila halos nakauwi dahil na rin sa traffic. Pero pagdating nila sa
bahay ay gising pa ang baby ni Monique na hindi makatulog dahil may kabag. Sandali
siyang nataranta nang hindi tumigil sa pag-iyak ang bata. Nang naging maayos ang
kalagayan nito ay pabalik na siya sa silid nang madaanan ang silid ng ina nakabukas
pa.

"Okay na si Baby Leonard, matulog na kayo, 'Ma. Bawal sa inyo ang magpuyat."

"Huwag mo akong alalahanin, Brandon. Nakausap mo na ba ang kapatid mo?"

"Bakit? Ano'ng problema?"

"He's having the hard time managing the agency. Baka matulungan mo ang kapatid
mong 'yun."

"Kakausapin ko ho siya bukas. May ipapakiusap din ho sana ako sa inyo."

"Sure, what is it, anak?"

"Baka hindi muna kami dito uuwi ni Zanya sa mga susunod na araw."

"Bakit? May problema ba?"

"She's not comfortable living with Monique. Hindi ko gustong magkaroon na naman
kami ng hindi pagkakaunawaan ng asawa ko."

Tumango ang ina bilang pagsang-ayon bagama't may lungkot sa mukha. "Bakit hindi si
Monique ang patirahin mo sa ibang bahay?"

Si Zanya ay nainip nang mga oras na 'yun kaya't pinuntahan ang silid ni Monique
pero nakita na mahimbing na ang tulog ng bata. Pabalik na siya sa silid nang
makita ang likod ni Brandon sa silid ng Mama nito kaya't lumapit siya para tawagin
ito, pero tila masinsinan ang pag-uusap ng dalawa.

"Alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa kay Monique, 'Ma."

"You have to move on, anak. Alam kong masakit sa 'yo ang mga nangyari..."

"Alam ko naman ho 'yun. Kaya nga ilalayo ko si Zanya rito. Kailangan kong itama
ang mga pagkakamali ko..."

"Itutuloy mo pa ba ang pagpapa-renovate ng bahay?"

"Yes, 'Ma. Bukas pupunta dito si architect. Aayusin ang nursery para kay Leon at
sa iba pa naming magiging anak. Kailangang mapalakihan itong bahay dahil magiging
pugad ito ng pagmamahalan namin."

"Masaya ako na nagkabalikan na kayo. Masaya ako na masaya ka nang muli ngayon,
anak."

"Yes, 'Ma. I am happy right now. Pero madalas sumasagi sa isip ko si Papa. Hindi
ako matatahimik hangga't hindi ko naaayos ang relasyon namin ni Alexis."

"Sa tingin mo ba papayag si Alexis na kukupkopin mo ang mag-ina niya habang nasa
kulungan siya? Mahal ba niya si Monique?"

"Hindi ko alam kung ano ang damdamin ni Alexis kay Monique. Pero ako, sigurado ako
sa intensyon ko sa kanya."

"Kailangang malinaw sa inyo ni Alexis ang plano mo para kay Monique at sa bata."

"Pupuntahan ko ho si Alexis bukas sa kulungan at kakausapin. Kailangan ng anak


niya ang may makilalang ama paglaki."

"Kung ano sa tingin mo ang nararapat, anak. At kung kailangan mong ilayo si Zanya
dito ay gawin mo."

Nanginginig ang kalamnan ni Zanya nang bumalik sa silid. Habang siya'y pilit na
sumisiksik sa buhay ni Brandon kahit halos ipagtabuyan na siya noong bumalik siya,
may ibang plano pala ito para sa mag-inang Monique at Leonard. Pinahid niya ang
luha sa mata para huwag ipakita ang pag-iyak kay Brandon. She's a tough woman.
Simula ngayon ay mas magiging matatag pa siya.

Kung balak siyang ilayo ni Brandon sa bahay nito, siya na mismo ang aalis at hindi
na babalik kailanman. At kung kaya ni Brandon na magpanggap na siya ang mahal nito
ay kaya rin niyang magpanggap na balewala sa kaniya ang mga narinig niya. Kaya
niyang magpanggap na hindi siya nasasaktan.

Pero kaya ba niyang hindi na mahalin si Brandon?

Makalipas ang kalahating oras ay bumalik siya sa silid at naabutan siya na


naglalagay ng mga gamit sa bag.

"Ano 'yan?" tanong nito na nagtaka sa pag-aalsa balutan niya.

"I can't live with a baby inside the house. Hindi ako makatulog sa ingay," may
inis sa tinig niyang wika para itago ang lungkot at sakit sa dibdib.

"What?! Kalahating oras lang 'yun, Zanya. Hindi ka mapupuyat dahil malayo din
naman ang silid nila sa atin."

"Ganun din 'yun, Brandon, habang lumalaki ang bata mas maingay at mas magulo. I
realized that I don't want to have kids."

"Ano'ng sinabi mo?!" naningkit ang mga mata nito na sandali niyang kinatakutan.
May galit doon na pilit nitong itinago pagkatapos ay huminga nang malalim.

"Doon muna ako kina Mommy," pag-iiba niya ng usapan.

"Kung desidido kang umuwi sa inyo ihahatid kita ng maaga bukas. Hindi ako pwede
magpatanghali dahil marami akong lakad."

"Hindi mo 'ko kailangang ihatid. Magpapasundo na lang ako kay Trina," suhestiyon
niya na binanggit ang pangalan ng kaibigan. Hindi naman sumalungat si Brandon sa
halip ay nagtungo sa banyo para maligo. Gusto niyang isubsob ang mukha sa unan at
umiyak nang umiyak pero hindi niya gustong ipakita kay Brandon ang kahinaan niya.
Bukas na lang siya iiyak.

Wala pang sampung minuto ay nakalabas na si Brandon na naka-boxer brief lang at


pinupunasan pa ng bimpo ang buhok. Humiga siya para magkunwaring tulog. Ngayong
gabi na lang niya itong makakasama at tuluyan na niya itong palalayain. Kasalanan
naman niya kung bakit nawala ang pag-ibig ni Brandon sa kaniya. Umalis siya ng
limang buwan nang walang paalam, habang si Monique ay hindi ito iniwan at ngayon ay
ibinigay pa nito ang katuparan ng pangarap ni Brandon na magkaroon ng buong
pamilya.

Kung tutuusin ay siya ang hadlang sa pagmamahalan ng dalawa.

Naramdaman niyang ipinatong ni Brandon ang kamay sa baywang niya saka siya hinapit
nang mahigpit. Gusto niyang namnamin ang mga yakap nito sa huling pagkakataon.
Tumihaya siya at sinalubong ang mapusok na halik ni Brandon at ang paglandas ng
kamay nito sa dibdib niya. Iniyakap niya ang braso sa katawan nito habang
gumaganti rin ng mapusok na halik. Bumaba ang kamay ni Brandon sa pagkababae niya
at nagtagal roon para bigyan siya nang nakaliliyong pakiramdam. No one will touch
her the way Brandon does. And she will never surrender her body and heart to
anyone. Kay Brandon lang siya magmamahal at kay Brandon lang siya papayag na
masaktan nang ganoon.

Sandaling tumitig si Brandon nang malasahan nito ang luha sa mga mata niya.
Tumigil ito at naputol ang sensayong ibibibigay nito.

"Are you crying?"

Sa halip na sumagot ay itinulak niya ito nang buong pwersa para siya ang pumatong
sa ibabaw nito. Hinalikan niya si Brandon sa paraang katulad ng paghalik nito sa
kaniya kanina. Lumipat ang mga labi niya sa punungtainga nito pababa sa leeg at
balikat. Pinaglandas niya ang mga kamay sa dibdib nito saka bumaba rin ang mga
halik. Aangkinin niya ang katawan nito ngayong gabi kahit hindi ang puso nito.
Ipaparamdam niya ang pagmamahal na hindi niya naipadama sa loob ng limang buwan.

Napahugot ng hininga si Brandon nang maramdaman ang mainit na halik ni Zanya sa


pagkalalaki niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito naging agresibo sa
ngayon, at kung para saan ang mga luha nito kanina na nalasahan niya. Pero bago pa
siya makapag-isip nang anupaman ay naramdaman niyang naipasok na ni Zanya ang
pagkalalaki niya sa makipot nitong bibig. He was lost. Tila siya sinasamba sa
ginagawang pagpapaligaya ni Zanya sa kanya. Nang halos kakapusin na siya ng
hininga ay pumatong pa ang asawa at saka ipinasok ang kahandaan niya sa pagkababae
nito at nagsimulang umindayog sa ibabaw niya. Lalo siyang nawala sa sarili at
hindi naiwasang mapaungol sa pagpapaligaya ng asawa sa kanya. Sinalubong niya ang
bawat galaw nito habang minamasahe ng dalawang kamay ang magkabila nitong dibdib.
Zanya proved to him that she was in control of everything. Sakop nito ang damdamin
niya, ang buong pagkatao niya. He would be nothing without his wife. She is his
everything.

Pagal na dumapa si Zanya matapos maabot ang sukdulan. Iniyakap naman niya ang mga
braso sa hubad nitong katawan habang naghahabol din ng hininga. It was on the best
lovemaking he had with his wife. Kung bakit ito umakto nang ganoon ay hindi rin
niya alam.

"Pambawi ba 'yun sa pag-alis mo ng limang buwan?" tudyo niya sa asawa. Sa kabila


nang maraming agam-agam, lungkot, at kalituhan ay masaya siya na nasa piling na
niya si Zanya. Hindi niya na gustong maulit lahat nang iyon kaya yayayain niya
ulit itong magpakasal bukas ng gabi. He wants to marry her again in church, with
all their relatives and friends and colleagues.

"Para hindi mo 'ko makalimutan," sagot ni Zanya bago ito umayos ng higa sa tabi
niya at pumikit. Niyakap niya ito saka nagpasya na ring matulog dahil marami
siyang planong gagawin kinabukasan. Kasama na roon ang pagpo-propose niyang muli
kay Zanya Albano.

xxeraxx

Chapter 44
Hindi pumayag si Brandon na hindi ihatid si Zanya kinabukasan sa bahay ng mga
magulang nito sa Paranaque. Lihim naman niyang kinausap si Ezekeil Albano na
itutuloy nila ni Zanya ang pagpapakasal sa simbahan na labis na ikinatuwa ng mga
biyenan. Ipinakiusap niya na huwag munang sasabihin kay Zanya ang mga plano niya
dahil magpo-propose siyang muli mamayang gabi. Hindi pa rin niya nababanggit kay
Zanya na dito na rin muna siya tutuloy sa bahay ng mga biyenan pansamantala habang
inaayos pa niya ang kalagayan ni Monique.

Pagkaalis niya sa bahay ni Ezekeil Albano ay tumuloy muna siya sa libingan ng Papa
niya. May mga sandali na nagsisisi pa rin siya sa mga panahong tinikis niya ang
Papa niya mula noong naghiwalay ang mga magulang hanggang nitong sila ni Zanya ang
dumaan sa pagsubok. At masakit din sa kanya na iwanan ang ina kahit pa naroon si
Monique. Matanda na ang magulang niya at may sakit. Pipilitin niyang maayos ang
kalagayan ni Monique at ng anak nito sa loob ng isang buwan para makabalik din sila
agad sa bahay nila.

Tumuloy siya kay Alexis na kasalukuyang nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot


sa droga. Katulad ng dati ay matigas pa rin ang puso nito.

"Gusto mo na namang patunayan sa akin na mas magaling ka na naman!" galit nitong


wika sa kanya nang ipagtapat niya ang tungkol sa pagkupkop niya kay Monique at sa
anak nito. Nalaman niyang naghinala na ito noon na buntis si Monique pero dahil
puno ang puso nito nang paghihiganti sa kanya ay binalewala nito ang kalagayan ng
babaeng kinakasama.

"You knew that she was pregnant but you allowed her to use drugs?!" galit ding
akusa niya dito. "How can you be that irresponsible!"

"Wala kang pakialam sa amin, Brandon!"

"May pakialam ako dahil kapatid kita! Monique was also special to me, alam mo 'yan
kaya siya ang pinili mong ipain sa akin, hindi ba?"

"Special to you?" nakangisi nitong wika. "Basura ang tingin mo sa kaniya, Brandon.
Alam mo ba kung ilang beses siyang umiyak dahil nagpakasal ka sa iba?"

"Hindi ko sinasadya. Bukod sa pagsasalba ko sa kumpanya, umibig ako kay Zanya kaya
kailangan kong tapusin ang relasyon namin ni Monique. But you took advantage of
her and use her for your selfish motives!"

"Because of you, Brandon! Gusto kong bumagsak ka sa matayog mong pagkakatayo!


Lagi na lang ikaw ang magaling, ikaw ang tama ---"

"Look at where you are right now, Alexis," wika niyang mahinahon. Hindi siya
mananalo sa pakikipag-usap kay Alexis kung hindi siya magpapakumbaba. "Ito ang
resulta ng ipinaglalaban mo. Sa kulungan ka dinala ng inggit mo sa akin. Kailangan
mong tanggapin na ako ang panganay at kami ang legal na anak ni Papa. Kailangan
mong tanggapin na magkapatid tayo at sa akin iniwan ng Lolo ang lahat ng ari-arian
ng Montealegre. Hindi ka mananalo sa akin at hindi rin ako mananalo sa 'yo. Nasa
abogado na ang paghahati ng shares ng kumpanya na ipinaayos ko bago ilibing si
Papa. Kailangan mo nang ayusin ang buhay mo Alexis. Wala na ang Papa para
ipagtanggol ka sa lahat ng pagkakamali mo."

Lumambot ang mukha ni Alexis saka umupo sa bakal na upuan habang nakaposas ang mga
kamay nito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Idinagdag ko ang mga pangalan niyo sa shareholders ng kumpanya na hindi ko


naasikaso dahil nagkaroon ulit kami ng sandaling pagtatalo ni Papa. Makakatanggap
kayo ng buwanang income bukod sa sahod ni Aiden at Jameson bilang nagtatrabaho sila
sa kumpanya. Gusto kong tanungin kung ano ang plano mo sa mag-ina mo. Sa ngayon
ay kinukupkop ko sila pero gusto ko ring bumuo ng sarili kong pamilya, Alexis."

"K-kumusta sila? M-maaari ba silang dumalaw dito?" tanong ng kapatid na ikinaluwag


ng dibdib niya. Hindi niya alam ang susunod na gagawin oras na tanggihan ni Alexis
ang mag-ina nito. Kahit paano ay naaawa din siya kay Monique na ngayon ay nakatali
pa sa wheelchair.

"Your wife and your son are well taken care of. Hindi ko ginagawa ito dahil lang
kay Papa, ginagawa ko 'to dahil kapatid kita. This is not just about you and me
anymore, Alexis. This is for your son and my future kids as well. Tigilan na
natin ang alitang wala namang pinatutunguhan..."

Yumuko si Alexis at nagpahid ng luha na pilit itinago sa kanya. Siya man ay


inilihis ng tingin sa kapatid sa ama dahil sa pagiging emosyonal. Hindi niya
akalaing aabot pang sa kulungan sila mag-usap bago magkaintindihan.

"Bakit ba ako namuhi sa 'yo nang ganoon kalalim?" halos pabulong nitong tanong.
Alam niya ang sagot. Maliit pa lang sila ay itinanim na ng ina ni Alexis sa isip
ng kapatid na dapat itong makipagkumpetensya sa kanya dahil noon pa man ay paborito
na siya ng Lolo nila. Hindi tanggap ng Lolo nila ang pangalawang asawa ng ama.

"It's not too late to start over again," wika niya para bigyan ito ng pag-asa.
"Ang mahalaga ngayon ay magkausap kayo ni Monique at makilala ka ng anak mo."

"She doesn't love me, Brandon..."

"Did you ask her?" Umiling ito at mapait ang ibinabadya ng mukha.

"Do you love her?" muli niyang tanong sa kapatid.

"Hindi ko alam kung bagay sa akin ang salitang 'yan."

"Dadalhin ko sila dito mamaya para magkausap na rin kayo ni Monique. Isa lang ang
ipapakiusap ko, Alexis."

"A-ano 'yun?" alanganin nitong tanong.

"Mahalin mo si Monique. Ipinaimbestigahan ko siya nang malaman kong magkasama kayo


sa condo pagkabalik niya mula sa Paris. I've learned that she was seeing you even
when we were still together. Inamin niya rin sa akin na ikaw ang isa sa dahilan
nang pagtanggi niya noon sa proposal ko."

"What we had was just pure lust, Brandon..." Nakangiti pero malungkot ang mga
mata ni Alexis nang magsalita.

"Paano kung pareho niyo lang itinatanggi ang damdamin niyo para sa isa't isa? Love
is stranged, brother. O baka ayaw niyo lang harapin dahil mas inuna niyo ang mga
bagay na hindi naman talaga mahalaga."

"Paano kung ma-realize niyang mas mabuti kang tao kaysa sa akin. Baka pagsisihan
lang niya na ako ang pinili niya imbes na ikaw."

Ngumiti siya nang matamis kay Alexis saka tinapik ito sa balikat. "Masyado nang
nasayang ang panahon natin sa mahal natin sa buhay dahil sa mga 'baka' na 'yan,
Alexis. Prove your love and work on your relationship. Babalik ako mamaya kasama
ang mag-ina mo."

Tumango si Alexis saka siya nagpaalam. Pagtalikod niya ay muli ito nagsalita.

"Paano ba ang maging katulad mo, K-Kuya?"

Hindi siya kaagad nakalingon dahil mas mabilis ang pagpatak ng luha niya sa mata.
Sana'y buhay pa ang Papa nila ngayon para saksihan ang pagkakaayos nila ni Alexis.
Pero siguro... nasa paligid lang ang ama na nakatanaw sa kanila at gumagabay.
Tumingala siya para ibalik ang luha sa mata pero may iilan na ang pumatak. Mabilis
siyang lumapit kay Alexis at niyakap ito nang mahigpit.

"Huwag kang tumulad sa akin na kinain ng tampo at panibugho sa loob ng maraming


taon. Kung naging mabuti rin akong kapatid, hindi na kailangang sumakit ang ulo ni
Papa sa 'ting dalawa," biro niya na pinilit ngumiti para pagaanin ang pakiramdam.
Marami silang naging alitan ni Alexis mula pa noong high school sila at alam niyang
madalas maipit ang ama kung sino ang dapat kampihan sa mga ganoong pagkakataon.
"Kakausapin ko ang abogado para ayusin ang kaso mo. Kailangan ka ng pamilya mo
kaya't magpakatatag ka."

"Salamat, K-kuya..."

Muli niya itong tinapik sa balikat saka tumalikod na ulit at tumuloy sa kotse.
Sandali siyang natigilan nang balikan ang naging pag-uusap nila ni Alexis.
Malaking bagay ang anak nito kay Monique para tuluyan itong magbago. Kung aasa
lang ito sa ina nito ay lalo lang itong mababaon sa pagiging ganid at mapanglamang
sa kapwa. Hindi nagpakita ang ina nila Alexis sa burol dahil walang iniwan ang ama
para sa kanila kung hindi ang bahay na inuuwian ngayon ng magkakapatid. Lahat ng
ari-arian ng ama ay kay Lala pa rin nakapangalan, at ang kumpanya naman ay sa kanya
at kay Tristan.

Tinawagan niya ang ina at sinabing susunduin niya ng alas tres si Monique at
Leonard para dumalaw kay Alexis. Sandali lang siyang nakipag-meeting sa isang
supplier sa opisina at mabilis na umuwi ng bahay para sunduin ang mag-ina.
Eksaktong alas tres ay naroon na sila sa kulungan para kausapin muli si Alexis.

Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Alexis kay Monique nang magkita ang dalawa.
Kasama nila ang yaya na kinuha niya ngayong araw para siyang makakatulong ni
Monique sa pag-aalaga oras na umalis na ito sa poder niya. Lumapit si Alexis sa
yaya at kinarga ang anak nang nangingilid ang luha.

"What's his name?" halos pabulong nitong tanong saka bumaling kay Monique.

"Leonard. Ang sabi ni Brandon ay Leandro Alexis ang buo mong pangalan kaya ginawa
niyang Leonard ang sa baby natin."

"He's so cute..."

"Inoobserbahan pa ang puso niya dahil minsan bumabagal ang heartbeat, pero mas
malakas na siya ngayon sabi ng mga doktor."
"Gawin niyo ang lahat para gumaling siya. Huwag mo s'yang pababayaan, Kuya..."
baling nito sa kanya para makiusap. Malayo na ang Alexis na nakikita niya ngayon
dahil hindi na ito tumigil sa pag-iyak.

"Huwag kang mag-alala sa mag-ina mo, hindi ko sila pababayaan. Kailan mo sila
dadalhin kay Auntie?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang ina nito.

"Hindi dumadalaw ang Mama dito," malungkot nitong sagot. "Kung sana'y sa inyo muna
s'ya habang inaayos pa ng abogado ang kaso ko..."

Hindi na siya tumanggi sa hiling ni Alexis. Ipapakiusap na lang niya kay Zanya
kung sakaling kailangang mag-extend ni Monique at ng bata sa bahay ng Mama niya.
Malaking bagay rin kay Lala na may kasama ito sa bahay at nalilibang ito sa
presensya ni Baby Leonard.

Binigyan niya ng pagkakataon na mag-usap nang sarilinan si Alexis at Monique kaya't


nauna sila ng yaya at ng bata sa kotse. Hinihiling niyang magkaayos ang dalawa
para na rin sa kapakanan ni Baby Leonard. Makalipas ang sampung minuto ay
ipinasundo na niya sa yaya si Monique dahil naka-wheelchair pa rin ito.

Pagkahatid niya kay Monique sa bahay ng Mama niya ay kumuha na rin siya ng gamit
niya nang pang isang buwan. Dalawang maleta ang dala niyang gamit. Dumaan na rin
siya sa isang sikat na jewelry shop para bumili ng singsing para sa proposal niya
mamaya. Excited siya sa mga plano niya para kay Zanya pero napalitan ng
pagkadismaya nang malaman na nagpunta ang asawa sa Albano Corp. at ngayon ay kasama
raw ni Rico na lumabas sa building.

"Tinatawagan ko pero hindi sinasagot ang tawag ko," naiiling na wika ng Mommy
Hannah nito. "Baka nagkayayaan lang ang dalawang 'yun."

Hindi niya isinatinig ang galit sa dibdib niya sa pag-alis ni Zanya nang walang
paalam. At si Rico ulit ang kasama nito. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa
lalaking 'yun na hindi ito magawang iwasan ni Zanya. Nasa compartment pa ng
sasakyan ang dalawang maleta na hindi niya ibinaba matapos hindi sagutin ni Zanya
ang mga tawag niya.

Alas nueve na ng gabi nang dumating ang asawa. Naka apat na baso na siya ng brandy
at wala pa siyang hapunan. Nasa silid na siya ni Zanya nang dumating ito at
puntahan siya sa balkonahe.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" sarkastiko pa nitong tanong nang makita siya.

"Wow! Nakasama mo lang ang Rico na 'yun ganyan ka nang magsalita sa 'kin?!" Hindi
n'ya itinago ang inis dahil nakainom na siya at kanina pa umuusok ang ilong n'ya sa
galit.

"Mamasamain mo na naman? Lumabas lang kami at hindi ako nagpakalasing kung 'yun
ang iniiisp mo. I did not kiss him and we're just friends. Umuwi ka na dahil
gusto ko nang matulog."

Inubos niya ang laman ng baso habang kinakalma ang sarili. Gusto niyang magwala
kanina pa nang malaman na kasama nito si Rico pero hindi niya magawa dahil nandito
siya sa bahay ng mga Albano.

"Kung ayaw mong umalis ako na lang ang aalis ---"

"So, kaya ka umalis sa bahay hindi dahil naiingayan ka sa bata hindi ba?"
pagkumpirma niya kay Zanya. Nagsisikip muli ang dibdib niya sa kadahilanang
naiayos niya ang relasyon ni Alexis at Monique pero hindi niya magawang ayusin ang
relasyon nila ni Zanya.

How did he become better than Alexis? At bakit hindi sapat kay Zanya kahit gawin
niya ang lahat?

Tumunog ang telepono ni Zanya hindi pa man siya nakakasagot kay Brandon. It was
Stacey calling from the other line. Isinalba siya nito sa tanong na hindi niya
alam kung paano sasagutin.

"Yes, Stacey?"

"How did the proposal go? Kailan ang kasal niyo sa simbahan?" excited pang tanong
ng pinsan na nagpagulo sa isip niya.

"What... p-proposal?"

"Brandon proposed to you, didn't he?"

Napatingin siya kay Brandon na noo'y puno na ng galit sa mga mata. Agad niyang
ibinaba ang telepono nang mabilis na hinugot ni Brandon ang isang maliit na pulang
kahon sa bulsa at inilapag sa tokador. Tila kidlat din itong nakaalis sa silid
niya at nagtungo sa garahe. Nanginginig ang mga tuhod niya na humabol kay Brandon
nang paharurot itong lumabas ng gate ng mansyon.

"Where's Brandon? Bakit siya umalis?" tanong ng Mommy niya na kagagaling lang sa
komedor. "Hindi pa yun kumakain. Ni hindi pa niya naibaba ang mga gamit niya."

"I... asked him what he was doing here..." mahina niyang paliwanag habang
binabalikan kung paano niya sinalubong ang asawa at aminin na magkasama sila ni
Rico kanina.

"Anong klaseng tanong 'yan?" may paninisi namang wika ng Mommy niya. "Natural
susundan ka ng asawa mo kung saan mo gustong tumira. Nag-away ba kayo?"

"He... he got mad..."

"He got mad o inaway mo?" pagtatama ng ina saka umiling. "Sinundan ka ng asawa mo
dito at nakiusap siya sa amin ng Daddy mo na dito muna kayo pansamantala dahil
hindi ka raw komportable na naroon si Monique."

"Hindi niya sinabi sa akin..."

"Of course... he planned to surprise you, pati na rin ang proposal para sa kasal sa
simbahan na ipinangako niya sa Daddy mo nung una pa lang kayong ipinagkasundo..."
paliwanag ng ina.

"Oh, Mommy..." itinakip niya ang mga kamay sa mukha saka nagsimulang umiyak. Hindi
niya alam kung paano na naman haharap kay Brandon matapos niyang umasal na tila
isip-bata.

Chapter 45
Sa isang maliit na parke sa Paranaque dinala ng mga paa si Brandon. Malamlam ang
ilaw at may tatlong pares ng tao ang naroon maliban sa kanya. Hawak ang susi ng
kotse na pinaglalaruan ng mga kamay ay sinikap niyang huwag umiyak. May mga bagay
na hindi nga siguro para sa kanya kahit ipilit niya.

Isang midnight blue Maserati ang huminto sa tapat niya na kulay pa lang ay alam
niya na kung sino. At gusto niyang magmura sa babaeng ito dahil ipinapain nito ang
sarili sa mga masasamang loob.

"Go home, Zanya. Sisisihin pa 'ko ng mga magulang mo kapag na-kidnap ka dahil sa
sasakyan mong dala," mahina niyang wika. Nasa harap niya ang isang pares na
mapuputing binti na naka-sneakers ang mga paa. Hindi siya nagtaas ng tingin at
nakatukod ang dalawa niyang siko sa hita.

"Nabanggit ni Rico na alam mo na'ng nakunan ako..."

"Hindi mo gustong magkaanak. Sinabi mo na sa 'kin 'yan kagabi..." mahina niyang


sagot.

"P-pero gusto mo pa rin akong pakasalan ulit?"

"Gusto kong isantabi ang kaisipang hindi mo sinasadya na malaglag ang anak natin.
Gusto ko ring kalimutan na sinabi mo kagabi na hindi mo gustong magkaanak. Siguro
masyado pang maaga at hindi ka pa handa..."

Umupo ito sa park bench na kinauupuan niya at tamad na sumandal. Walang siyang
maapuhap na sasabihin dahil puno pa rin ng galit ang dibdib niya.

"Wala akong ginawa sa Subic kung hindi ang umiyak," salaysay ni Zanya. "Dalawang
linggo na ako doon nang sumakit ang puson ko at magkaroon ng pagdurugo. I
panicked. I feared for my life. Pero higit doon ay ang pagsisisi na lumayo ako at
dahilan ng pagkawala ng batang sinapupunan ko."

"Nagsisisi ka na lumayo ka sa akin?" sarkastiko niyang tanong. "Ni hindi ka sa


bahay ko umuwi, Zanya."

"Monique wanted you back. Kahit kahati ko ay papayag siya huwag ka lang mawala.
But I can't. Hindi ko kayang may kahati sa atensyon at pagmamahal mo."

"Kaya ipinamigay mo ako nang buong-buo ganun ba?" wika niyang may galit. "Ano ba
ang silbi ng pag-uusap natin ngayon? Puntahan mo ang Rico na 'yun kung dun ka
masaya. I'm done with you!"

"I was selfish and insecure! Ano ang magagawa ko?" sigaw nito sa kanya nang
maglakad siya pabalik sa kotse niya. "Pag-alis at pagbalik ko'y nandyan si
Monique!"

"Hindi ko pwedeng pabayaan si Monique, Zanya! Pamangkin ko ang dinadala niya!


Marami akong napabayaan mula noong umalis ka dala ang makitid mong pag-iisip!"
Humugot siya ng malalim na hininga habang umaahon ang dibdib niya sa galit.
"Namatay ang Papa dala ang alaala ng walang katapusang alitan namin ni Alexis.
Bago siya malagutan ng hininga ay ibinilin niyang huwag kong pababayaan ang mga
kapatid ko sa labas. Na wala siyang iniwan sa mga ito dahil sa amin ni Tristan
nakapangalan ang kumpanya. Ipinangako ko rin na makikipag-ayos ako kay Alexis
alang-alang sa magiging anak niya. Nasa kulungan si Alexis ngayon, nasa wheelchair
si Monique at may sakit sa puso ang pamangkin ko. Tell me, Zanya. Paano ko
ipagtatabuyan si Monique sa bahay? Kaya nga pumayag ako na sa bahay niyo muna
tumira pansamantala, hindi ba? Kahit hindi praktikal! Kahit tatlong oras ang
bubunuin ko sa traffic papunta sa opisina!"

"Narinig ko kayo kagabi ni Mama. Pauuwiin mo 'ko sa bahay para si Monique na lang
ang tumira dun... na ipapagawa mo ang nursery para sa magiging anak niyo..."

"Anak namin?!" gusto niyang matawa sa sinabi nito kung hindi lang niya naalala na
kasama nito si Rico kanina. "Iniisip mong si Monique ang gusto kong maging ina ng
mga anak ko pero sa 'yo nakikipagtalik gabi-gabi?! Asan ang logic, Zanya?!"

"You love her child. Kaya niyang ibigay ang pamilya na matagal mo ng pangarap."

"Paano ko naging pangarap na maging anak ko ang anak ng kapatid ko?! Pangarap kong
magkaanak sa asawa ko, Zanya! Hindi ko alam kung saan-saan ka kumukuha ng ganyang
kaisipan!" galit pa rin niyang wika. "Tell me you didn't mean what you said that
you don't want to have kids."

"Hindi ko sinasadyang sabihin 'yun," Mabilis itong umiling at lumakad palapit sa


kanya. "Gustong-gusto ko nang magkaanak. Gusto kong ibigay ang pangarap mong
magkaroon ng anak. Hindi ako tumikim kahit anong alcohol kahit anong pilit ni Rico
---"

"Rico again! Tuwing magkakaproblema tayo naging takbuhan mo na ang Rico na 'yan!
Sisiguraduhin kong matatanggal sa trabaho ang lalaking 'yan!" Naniningkit ang mga
mata niya sa inis.

"Oh, please... nagkita lang kami sa parking lot kanina kaya ko niyayang kumain sa
labas. Saka niya ikinuwento na kinausap mo s'ya. Please, Brandon. Hindi niya
kasalanan ang lahat."

"Yeah, right. Pagdating sa ibang tao puno ang paniniwala mo," malungkot niyang
wika saka binuksan ang sasakyan. Agad namang sumakay si Zanya sa passenger's seat
para pigilan siyang umalis.

"Milyones 'yang sasakyan mo, Zanya. Iiyak ang tatay mo pag nawala 'yan diyan sa
parke."

"Saan ka uuwi?"

"Para lang tayong nagpapatintero hangga't hindi ka marunong magtanong at makinig sa


mga paliwanag ko, Zanya. At itanong mo muna sa sarili mo kung kaya mo nang
magtiwala sa asawa mo sa mga bagay na malabo sa 'yo imbes na sa ibang tao."

Kinuha niya ang telepono sa bulsa at tinawagan si Ezekeil para sunduin si Zanya
kung saan sila naroon.

"Did you just give up on me?" mapait nitong tanong sa kanya.

"Hindi ako pwedeng masiraan ng ulo kakaintindi sa 'yo dahil may ina akong may sakit
at may kumpanya akong pinapatakbo. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari sa
amin ng tatay ko."

Sandaling katahimikan ang namayani nang hindi na nagsalita si Zanya. Masakit man
sa kanya ay kailangan niyang turuan ang asawa na magtiwala sa kanya. Kung mahal
siya nito ay babalik ito sa kanya nang buo na ang tiwala.

Mabilis niyang pinaharurot ang kotse nang bumaba si Ezekeil para sunduin si Zanya.
Sa condo ni Tristan siya tumuloy dahil nasa bahay naman nila ngayon ang kapatid
matapos niyang mapakiusapan na bantayan muna ang ina at si Monique.

----

"Ganyan din naman ako noon nung nag-away kami ng Daddy mo..." nakangiting wika ni
Hannah kay Zanya nang makabalik siya sa bahay kasama ang Daddy niya.

"Wala naman kaming ginawa ni Rico, Ma. Kaibigan ko lang 'yung tao..."
"Kaibigan o manliligaw pagseselosan at pagseselosan ng asawa mo, anak. Dapat ay
siya ang una mong pinagsasabihan ng problema..."

"Nagselos lang naman ako sa Monique na 'yun," pagsisintir niya.

"Hayaan mo at huhupa rin ang galit ni Brandon. Ngayon ka lang kasi nakaranas
magkaroon ng karelasyon at naging asawa mo na agad hindi pa man kayo nagkakakilala
nang lubusan. Bago ang lahat nang ito sa 'yo. Matututo rin kayo sa mga
pagkakamali niyo at makakapag-adjust sa mga bagay na ayaw at gusto niyo. H'wag mo
nang masyadong iyakan 'yan," payo ng ina sa kanya. Pagkalabas nito sa silid ay
tinadtad niya ng tawag si Brandon pero hindi ito sumagot kahit isa man doon.

Kinabukasan ay nagpunta siya sa bahay ni Brandon pero ang sabi ni Monique ay hindi
ito doon umuwi.

"Hindi ko alam na ako ang dahilan ng pag-alis mo dito. Simula na ng therapy ko at


hopefully makalakad ako kaagad. Kailangan ko ding samahan si Alexis sa mga hearing
niya sa mga susunod na araw."

"Okay na kayo ni Alexis?"

"Oo. Dinala kami ni Brandon kahapon kay Alexis para makapag-usap. Natutuwa ako na
nagkasundo rin ang magkapatid sa wakas. Pero heto, nakaasa kami kay Brandon dahil
pareho kaming walang silbi ni Alexis ngayon. Sana'y huwag mo nang ikagalit sa
asawa mo ang pagtulong niya sa 'min..."

"H-hindi..." Marahan siyang umiling saka bumaling kay Lala. "Wala ho si Brandon sa
opisina. Alam niyo ho ba kung saan ko siya mahahanap?"

"Halika muna at tikman mo ang red velvelt cake na na-bake ko kanina." Inakay siya
nito sa komedor at naglagay ng cake sa plato. "Kapag nawawala si Brandon, sa
puntod lang ng Lolo niya 'yun matatagpuan. Bata pa lang 'yan ay sumbungan niya na
ang Lolo niya tuwing may makakaaway sa school o pag may tampo siya sa Papa niya."

"Pasensya na ho kayo kung... kung sa bahay muna ako titira..."

"Ako ang humihingi ng paumanhin, anak. Matatanda na ang mga anak ko pero wala pang
maibigay na apo. Nasabik ako sa bagong myembro ng pamilya. Naiinip kasi ako dito sa
bahay. At siguro, nang mamatay si Leonardo ay napagtanto ko na maiksi lang ang
buhay para sayangin sa maraming aalalahanin. Ni minsan ay hindi ko pinatuloy ang
mga anak ni Leonardo sa kabila kahit pa ipilit ng asawa ko na paglapitin ang
magkakapatid. Apo ko nang maituturing si Leonard. Pero syempre iba ang saya ko
kapag si Leon na ang ihehele ko at aalagaan..."

"L-Leon ho?"

"Ang magiging anak niyo raw ni Brandon," nakangiti pang wika ng ginang. "Natatawa
na lang ako sa asawa mong 'yan, ipinagagawa na ang nursery hindi ka pa nga
nabubuntis."

Gustong niyang yumakap sa ina ni Brandon at umiyak dahil sa maraming pagkakataon na


pinagdudahan niya ang asawa.

"Nag-alaala ho marahil si Brandon na wala kayong makakasama dito kapag umalis na


sila Monique... Babalik naman ho kami..."

"Salamat, anak. Alam mo 'yang si Brandon ma-sentimental na tao. Nagka-condo na si


Tristan pero sya'y mapilit na dito pa rin tumira. Maraming alaala ang anak kong
'yan sa bahay na 'to tulad ng Lolo niya at Papa niya ang hindi niya maiwan."
"Akala ko'y ibebenta niyang tuluyan ang kumpanya..."

"Isa pa 'yan. Ipinangako niya sa Lolo niyang ipapasa pa niya 'yan sa magiging anak
niyo kaya alam kong hindi niya 'yan ipagbibili pwera na lang kung talagang bagsak
na bagsak na ang distilerya. But knowing Brandon, he will do everything to save the
company. Lalo na ngayon na lahat ng kapatid niya ay nakaasa na rin doon dahil
nahati-hati na ang shares katulad ng pangako niya sa Papa niya bago ito pumanaw."

"Tutulungan ko ho siyang palaguin ang distilerya..." pangako niya sa biyenan.

"Unawain mo na lang ang asawa mo kapag minsan na mabilis uminit ang ulo. Dala lang
iyon ng maraming alalahin. Mahal ka ng anak ko, huwag mong pagdudahan ang
pagmamahal ng isang Montealegre."

Ngumiti siya sabay na yumakap sa ina ni Brandon bago nagpaalam. Kinuha niya ang
address kung saan nakalibing ang Lolo ni Brandon. Dala ang pag-asa na magkakaayos
sila, isinuot niya ang singsing na nasa loob ng pulang kahon na iniwan nito sa
silid niya kagabi.

xxpbkxx

Chapter 46
Muling tumibok nang mabilis ang puso ni Brandon nang matanaw ang babaeng bumaba sa
kotse na tila isang prinsesa. Malapit na'ng magdilim dahil halos alas sais na ng
gabi. Halos isang oras na siya sa museleo ng Lolo niya na katabi lang din kung saan
nakahimlay din ang Papa niya. Kapag ganitong mainit ang ulo niya'y ayaw niyang
maglagi sa opisina dahil baka may masigawan lang siya. Isa sa bad traits ng isang
Montealegre ay walang kontrol sa emosyon kapag mainit ang ulo. Si Zanya lang ang
nakakatunaw ng galit niya kahit ito din ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya
at hindi siya nakatulog kagabi.

At ngayon ay nakatayo ito sa harap niya dala ang mugtong mga mata. Pa'no pa s'ya
magmamatigas?"

"Pa'no mabubuo si Leon kung galit ka na naman?" Lumabi itong parang bata na gusto
niyang ikangiti. Pinigilan niya ang sarili at kunyari ay nagtatampo pa rin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka..."

"Hindi pa 'ko uuwi. Marami pang trabaho sa opisina."

"Sa...sa distilerya na ulit ako magtatrabaho..." alanganin nitong wika. Sandali


siyang tumitig kay Zanya.

"Tapos ano? Aalis ka na naman kapag may hindi ka nagustuhan? Hindi lahat ng
pagkakataon ay puwede kaming mag-adjust sa mga bagay ginagawa mo lang kapritso.
Hindi 'yan katulad ng Albano Corp. na may sasalo sa trabahong iiwan mo kung
naisipan mong ayaw mo na."

"I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin. "Mas madali kasing tumakas sa mga bagay
na ayaw kong harapin."

"Kaya iiwan mo na lang ako nang nasasaktan, ganun ba?"

"N-nasasaktan din naman ako ah..."


Yumuko ito para itago ang luhang pumatak sa mga mata. Lumapit siya at kinabig ito
nang mahigpit na lalong nagpahagulgol kay Zanya.

"Hindi naman kasi dapat tinatakasan ang problema..." Iniyakap niya ang mga braso
sa asawa para patahanin ito. "Kailangan mong sabihin kung ano ang nararamdaman mo,
kung bakit, at kung paano sosolusyunan."

"Hindi na 'ko aalis. Promise..." Tumingala ito at sinalubong mga titig niya.

"Ilang beses ko na narinig 'yan."

"Last na to..." mahina nitong wika.

"Ano pa nga ba. Pasalamat ka patay na patay ako sa 'yo," nakangiting wika niya.
Napangiti rin si Zanya nang maluwag kahit pa may luha sa mata.

"Saan ka natulog kagabi?"

"Sa condo ni Tristan. Si Tristan ang umuuwi sa bahay ngayon. Hindi pwedeng walang
kasama si Mama baka biglang bumagsak na naman ang hemoglobin walang sasaklolo sa
kanya kung hindi mga katulong."

"Umuwi na lang tayo ulit dun."

"Tapos araw-araw ka na namang magseselos kay Monique? Hayaan mo na sila dun, uuwi
muna tayo sa inyo."

Kinuha niya ang kamay ni Zanya at iginiya palayo nang pigilan siya nito.

"Hindi mo ba 'ko ipapakilala kay Lolo?"

Napangiti siya at bumalik sa puntod ng Lolo niya hawak pa rin ang kamay ni Zanya.
"Lo, nahanap ko na ang makakasama ko habangbuhay. Tulad ng sabi niyo, huwag kong
paiiyakin. Kaso pa'no ho kung ako ang pinapaiyak?" biro niya.

"Ano'ng pinapaiyak ka d'yan!" Hinampas nito ang braso niya nang mahina. "Ako ho
ang pinapaiyak ng apo niyo, 'Lo."

"Hindi maniniwala si Lolo sa 'yo," biro pa rin niya. "Alam niyang hindi ako
nananakit ng babae."

"Ipakilala mo kasi ako ng maayos. Sinisiraan mo 'ko kay Lolo eh!"

"Ano bang pakilala ang gusto mo?" natatawa niyang sabi. "Ito ho si Zanya Albano,
'Lo. Ipinagkasundo siya sa 'kin pero tangging -tanggi akong ma-in love dito dati.
Pero nung makita ko nang malapitan, wow naman! Perfect ten, 'Lo!"

"Puro ka naman biro!" naiinis na wika ni Zanya.

"Hindi ako nagbibiro. Gusto ko lang ikuwento ang mga pinagdaanan natin."

"Totoo? Na-love at first sight ka sa 'kin?"

"Wala akong sinabing ganun," biro niya. "Baka ikaw ang na-love at first sight sa
'kin kaya niyaya mo 'kong pakasalan kita agad-agad.

Tumawa si Zanya sa pagbibiro niya saka ikinawit ang mga braso sa leeg niya.
"Kailan mo nalaman na mahal mo 'ko?" tanong nito.
"When I want to see you everyday; my day won't be complete without setting my eyes
on you even for a minute. Na kahit ilang beses mong sabihin na kaya mo ang sarili
mo dahil martial arts expert ka naman, gusto kong ako ang poprotekta sa 'yo."

"Pero kayo pa ni Monique nun di ba?"

"Nang pumayag ako na magpakasal sa 'yo, binalak ko nang makipagkalas kay Monique.
I thought that it was unfair for her because I know that even if what we had was an
arranged marriage, it was still valid and legal. Hindi ko lang nagawa dahil
sasalang siya sa catwalk at hindi ko gustong masira ang mood niya at baka biglang
umuwi."

"Kung umuwi siya at pinigilan kang magpakasal sa 'kin, aatras ka ba sa kasunduan


natin?"

"No," mabilis siyang umiling. "My feelings for you was too strong that I can't
control myself anymore. Para akong bata na nakakita ng lobo na sabik na maabot
iyon. At nang maabot ko, gusto ko nang itali sa mga kamay ko baka makawala."

"I'm sorry for the times that I doubted myself if you really love me, Brandon..."
madamdaming wika ni Zanya.

"I also doubted your love for me," pag-amin niya. "Humihingi ako ng paumanhin sa
maraming responsibilidad na inako ko na hindi naman dapat. I was trying to be a
good son and a good brother. Pero nakalimutan ko yatang maging mabuting asawa
dahilan para lumayo ka."

"It's okay, Brandon. Nangako din ako kay Mama kanina na susuportahan kita sa lahat
ng desisyon mo..."

"Ikaw," balik niya sa tanong dito. "Kailan mo nalaman na mahal mo 'ko?"

"Hindi ko alam..."

"Kita mo na, hindi mo naman pala ako mahal kaya napakadali mong sumuko."

"Hindi ko sinabing hindi kita mahal. Ang sabi ko lang hindi ko alam kung kailan
nagsimula. You were the first man I allowed to kiss me and make love to me. Ikaw
lang ang nag-iisang lalaki na pinayagan kong kontrolin ang buhay ko. I love you,
Brandon, but I was also scared. Ano ang laban ko kay Monique na matagal mong
minahal?"

"Matagal ko siyang minahal pero mas malalim ang pagmamahal ko sa 'yo. Nakakasira
ka ng ulo, alam mo ba 'yun? Matagal din naman kaming nagkakalayo ni Monique pero
hindi naman ako naligalig. Araw-araw akong naghintay sa 'yo nung umalis ka nang
akala mo'y nakipagbalikan ako kay Monique."

"Pero puro galit ang ipinaramdam mo sa 'kin... Pero okay lang, kasalanan ko naman.
Alam ko naman ang pagkakamali ko..."

"Galit ako sa sarili ko dahil hindi ako makapag-isip ng maayos. Natatakot akong
papasukin ka ulit sa buhay ko dahil baka pag umalis ka mas lalong hindi ko
kayanin..."

"I promise to love you and understand you from now on. Will you marry me...
again?"

Natawa siya dahil ito ang nag-propose sa kanya ngayon. "Ang yaman mo nga, minsan
ka na lang mag-propose wala ka pang dala kahit pekeng singsing," biro niya na
ikinatawa ni Zanya.

"Hindi ako mayaman, tatay ko oo."

"Kaya pala balak mong bilhin ang kumpanya kung naisipan ko 'yung ipagbili."

"Nanghihinayang lang ako sa legacy ng ninuno mo na dapat ay maabutan ng mga anak


natin. Hindi ko rin gustong pagsisihan mo na ibinenta mo ang distilerya dahil
alam ko kung gaano kahalaga ang mga alaala na nakapaloob doon."

"Ipinaayos ko na sa abogado ang paghahati ng shares sa distilerya para sa mga anak


ni Papa sa labas. Inayos ko na rin ang relasyon ni Alexis at Monique. Sabi ko kay
Mama at Alexis, panahon naman na pamilya ko ang dapat kong asikasuhin kaya binalak
kong mag-propose ulit para tuparin ang pangako ko sa Mommy at Daddy mo na ikakasal
tayo sa simbahan..."

"At dahil umandar na naman ang pagiging insecure ko, naudlot tuloy ang dapat
masayang gabi natin," pagtutuloy ng asawa sa sasabihin niya. "I'm sorry, love..."

"Bakit ka pa ba nai-insecure?" tanong niyang nakangiti. "Ikaw lang ang mahal ko at


mamahalin habangbuhay. Ikaw lang ang gusto kong maging anak ng mga anak ko.
Malinaw na ba ngayon sa 'yo?"

"Oh, Brandon... what did I do to deserve you? Mayaman nga ako pero wala ring
saysay kapag wala ka sa tabi ko. Hindi ko pa naihihingi ng paumanhin ang pagkawala
ng first baby natin."

"H'wag mo nang isipin 'yun. Ikaw ang ina at alam kong mas higit na masakit sa 'yo.
We can make babies later."

"Later pa? Hindi pwede ngayon?"

Humalakhak siya sa birong iyon ng asawa bago iginala ang mata sa paligid.

"Nagbibiro lang ako, Brandon!" Inakay siya ni Zanya palayo sa lugar na 'yun pero
mabilis niyang kinabig ito at mapusok na hinalikan. Gumanti ng halik si Zanya
pero mabilis ding bumitaw.

"Nasa condo ba ni Tristan ang mga gamit mo?"

"Nasa compartment ng kotse ko. Alam ko namang susunduin mo rin ako agad,"
nakangiti niyang sabi.

"At pa'no ka nakakasiguro?"

"Patay na patay ka rin sa 'kin, Zanya Montealegre. Huwag mo nang itanggi."

Ito naman ang humalakhak saka tumapat sa kotse nito. Mabilis naman niyang kinuha
ang susi sa kamay nito.

"Hindi mo pwedeng iwanan ang kotse mo dito, Brandon."

"Nag-message na ko sa driver na puntahan ang kotse ko dito ngayon. Hindi kita


papayagang mag-drive mag-isa nang ganitong oras." Kinuha niya ang dalawang maleta
sa kotse at inilipat sa sasakyang dala ng asawa.

"Napakalayo ng opisina mo dito. Anong oras pa 'yun dadating, gabi na oh."


Sumakay siya sa kotse at ganun din si Zanya. May mga ilaw namang malamlam na
nagsisilbing liwanag doon.

"May kalahating oras pa tayong maghihintay. Have you tried making out in a car?"
bulong niya kay Zanya.

"Brandon!"

"Akala ko ba susuportahan mo na lahat ng desisyon ko?!" amused niyang wika na


ikinahalakhak muli ng asawa. Luminga-linga pa siya sa paligid para tanawin kung
may ibang tao.

"Are you serious?"

"You're blushing," tudyo niya kay Zanya. "Kahit madilim kitang-kita ko ang
pamumula ng pisngi mo. Don't deny you like it too."

"Magtigil ka nga! Hindi komportable dito."

"Let's have some fun, my wife. Hindi mo 'ko pinatulog kagabi akala mo ba?"
Inilapit niya ang mukha kay Zanya at nagtanim ng mumunting halik sa pisngi at leeg
nito.

"Brandon..."

"Paano ako maniniwalang ayaw mo kung inaakit mo pa ko nang ganyan?" tudyo niyang
muli sa asawa.

"Ang dami mong sinasabi, mamaya nad'yan na 'yung driver mo." Kinabig siya ni Zanya
at ito ang humalik nang mapusok. Gusto niyang humalakhak pero baka mapikon lang
ito. Sinalubong na lang niya nang mas mapusok na halik ang asawa saka nagsimulang
maglandas ang mga kamay.

xxpbkxx

Chapter 47
"Ano'ng problema?" tanong ni Zanya nang makita si Brandon na nasa balkonahe at may
hawak na baso ng alak. Kilalang kilala niya na ang asawa kapag may suliranin itong
kinakaharap. Isang buwan na silang sa bahay nila umuuwi kaya't nag-aalala siya na
baka gusto na nitong umuwi sa bahay ng mga Montealegre.

"Nothing I can't handle... Pero gusto kong tumigil ka muna sa pagtatrabaho."

"What? No!" Mabilis niyang salungat. "Nangako ako na tutulungan kita sa kumpanya
at pumayag ka. Ano'ng problema?"

"Kaya kong patakbuhin 'yun. Mas mapapanatag ako kung dito ka lang sa bahay.
Nagkausap na kami ng Daddy mo."

"Ano nga ang problema? Are you hiding something from me?"

"Alexis is in the hospital..."

"W-why? At ano ang kinalaman ni Alexis para patigilin mo 'ko sa pagtatrabaho?"

"Nalaman namin ng Daddy mo na isang druglord si Mr. Dela Guardia at ngayon ay


nasasangkot ang distilerya dahil sa maraming deliveries ng alak na pinaghihinalaang
nagta-transport din ng drugs. Inamin ni Alexis ang lahat sa mga pulis dahil gusto
niyang gumaan ang kaso niya."

"Pero kung wala tayong alam, mapapatunayan naman 'yan sa korte. At matagal nang
wala si Alexis sa kumpanya, hindi ba?"

Tumungo si Brandon na tila mas mabigat ang dinadala sa dibdib. Hindi niya kayang
makita ang lungkot sa mga mata nito.

"Noong isang araw lang nagkaroon ng inspection sa isang delivery at nakuhanan ng


ilang kilo ng shabu kaya't nakahinto ang operasyon ng kumpanya ngayon, Zanya..."

"Sino ang tatraidor sa atin ng ganun?!" galit niyang usal. "Baka may galamay si
Alexis na kumikilos pa hanggang ngayon sa kumpanya? Pinaimbestigahan mo na ba ang
mga empleyado?"

"Yes. Don't worry."

"Yan ba ang pinag-usapan niyo ni Daddy sa library kanina?"

Tumango ito nang marahan. Gusto niyang manlumo sa lungkot na nakikita sa mga mata
nito pero kailangan niyang magpakatatag para kay Brandon.

"Baka pinapasakay ka lang ni Alexis na totoong nagbago na s'ya?"

"His life was in danger. Naniniwala akong iba ang kalaban ng kumpanya ngayon."

"Bakit mo 'ko patitigilin? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?"

"Hindi ko gustong mapahamak ka, Zanya. Mr. Dela Guardia is dangerous. Walang
silbi ang tapang mo kung hindi mo kilala ang kaaway."

"Don't underestimate my capability, my husband. Kaya pala kung ano-anong dahilan


ang ginagawa mo para hindi ako makasama sa 'yo sa opisina."

"I can loose the company, my shares, my house... but I can't afford to loose you...
You are my life..."

Isinukbit niya ang mga kamay sa leeg ng asawa at hinalikan ito sa labi bago
ngumiti.

"That's sweet. I love you, Mr. Montealegre. Hindi ako mawawala sa 'yo at hindi
ako mapapahamak. Gusto niyong malaman kung sinong traidor sa inyo?"

"Pinalitan ang security agency na gamit ng kumpanya bago mamatay si Dad. Hindi ko
alam kung sino ang nagbigay ng pahintulot. Ang sabi nila si Dad daw pero hindi ako
naniniwala. "

"Isa lang sa mga kapatid mo, o isa sa malapit kay Alexis. Are you sure Alexis' had
nothing to do with this?"

"Siya na ang witness namin ngayon, my wife," sagot nito na umaliwalas ang mukha.
"Desidido siyang makalaya dahil gusto niyang makasama ang anak niya at si Monique."

"May paraan ako para alamin kung sino ang traidor na nasa pangangalaga mo..."
bulong niya sa tainga nito saka nagsimulang halikan si Brandon sa leeg. Isa-isa
niyang tinaggal ang butones ng polo nito nang ngumiti ang asawa.

"Nakapalibot ngayon ang security sa bahay niyo, my wife. They have binoculars in
their hands. Do you want to provide them a good show?"
"Bakit kailangan natin ng dagdag na security?"

"Hindi ko alam kung sindikato na ang kasangkot dito." Muling lumungkot ang mukha
ni Brandon. "Drug itself is dangerous. Hindi gagawa nang mabuti ang sinumang
kasangkot. Mas gusto ko pang ako ang mapahamak kaysa sino man sa inyo."

"At hindi rin ako papayag na ikaw naman ang mapahamak. Ano pa'ng silbi kung
blackbelter ako kung hindi ko kayang saklolohan ang asawa ko?"

"It's my duty to protect you."

"I beg to disagree. We need to protect each other. Sasama ako sa opisina bukas sa
ayaw mo at sa gusto."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Huwag ka ng kumontra, hanggang sa kama lang ang batas mo, Brandon," ngumiti siya
ng matamis saka inakay na papasok ng silid ang asawa.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising para ihanda ang susuotin ni Brandon. Masaya
siyang smooth na ang pagsasama nila sa loob ng isang buwan na nasa poder sila ng
Mommy at Daddy niya. Madalas ay magkausap si Brandon at Daddy niya sa library na
hindi niya na sinasamahan.

"Hindi ka ba talaga papaiwan?" seryosong wika ni Brandon paglabas nito ng banyo at


nakitang nakabihis na rin siya.

"Pasasalamatan mo 'ko mamaya kaya huwag ka nang kumontra pa."

Napailing na lang si Brandon dahil hindi siya nagpatalo. Pagdating nila sa opisina
ay agad niyang kinalap ang security cameras na ikinalat niya sa iba't ibang parte
ng building.

"Kailan mo pa inilagay ang mga 'yan?" nagtataka na tanong ni Brandon. May limang
security cameras siyang nakuha na ang dalawa ay malapit sa warehouse kung saan
nagkakarga ng mga alak para sa deliveries.

"Naghinala na ako kay Alexis nang pilit siyang makabalik dito. Then he was
frequently arranging deliveries which was not his job anymore. Nang i-check ko ang
mga CCTVs, walang nakalagay sa parteng nakikita ang in and out ng deliveries.
Nawala na sa isip ko na balikan ang mga 'yan dahil umalis na ako nun at hindi na
bumalik."

"Are these still working? You left more or less seven months ago."

"Taon ang inaabot ng mga ito, Brandon."

Pinanood siya ng asawa kung paano niya na-retrieve ang mga footages doon at mahanap
kung sino ang pwede pang trumaidor sa kumpanya.

"Si Mang Romy?!" bulalas nito. "Paano niya magagawa ito sa akin? He was one of my
father's trusted employee, Zanya."

"Sila naman ang madalas gamitin ng mga taong gustong manamantala, Brandon. Sila
ang huli mong pag-iisipan ng masama. Ang tanong, may kinalaman ba si Alexis dito o
kay Mr. Dela Guardia na siya nagtatrabaho?"

"Kailangang hindi niya malaman na alam na natin ang sekreto niya. Pero kailangan
kong mapalitan ulit ang security agency na ipinalit ni Papa. Sigurado akong siya
rin ang nagsulsol kay Papa na magpalit ng mga guards."

Yumakap si Brandon sa kanya at hinalikan siya sa noo. "What do I do without you?


Hindi ko alam na may talent ka sa pagtuklas ng mga bagay-bagay. Now I'm afraid to
hide anything from you..."

Ang totoo'y natatakot siya sa kaligtasan nila pero hindi siya nagpapahalata kay
Brandon. "Bakit hindi masyadong nakikialam ang mga kapatid mo sa operasyon ng
kumpanya?" tanong niya. "Kapag wala ka dito hindi rin sila kumikilos."

"Nahihiya sina Aiden and Jameson sa ginawa ni Alexis sa kumpanya. Isa pa, masyado
pa din silang bata at bago pa lang ding nagtatrabaho dito. Darating din ang
panahon na bibigyan ko sila ng mabigat na responsibilidad.

"You have to train them from now on. Kailangang maitatak sa isip nila na kailangan
nilang protektahan ang kumpanyang bumubuhay sa ating lahat. Baka nahihiya lang
silang lumapit sa 'yo."

"Darating din tayo d'yan. Sa ngayon ay kailangan nating maipresenta sa mga pulis
ang mga ebisensyang ito."

Matapos magpunta sa presento ay dumeretso sila sa ospital kung saan kasalukuyang


naka-confine si Alexis.

"Si Mang Romy ang madalas kausap ng tauhan ni Mr. Dela Guardia kapag wala ako doon,
Brandon. Tiyak kong ipinagpatuloy niya ang operasyon matapos kong makulong. Hindi
ko alam kung tinatakot siya ni Mr. Dela Guardia kaya niya nagawa ang mga bagay na
'yan."

"Anytime ay dadamputin din siya ng mga pulis. Bakit hindi mo sinabi na sangkot si
Mang Romy sa gawain niyo? You promised me that you will tell everything," pag-
aakusa ni Brandon sa kapatid.

"Hindi ko alam na itinutuloy niya ang operasyon. Gusto ko sana siyang huwag na
siyang madamay sa kaso dahil may sakit sa puso ang anak niya sa Batangas. Hindi ko
na gustong may iba pang madamay sa kasong ito."

"Pero kailangan mong tuparin ang pangako mo, Alexis. Nandito nakasalalay ang
paglaya mo para makasama mo na ang pamilya mo."

Umandar ang kaso laban sa La Guardia pero ni minsan ay hindi nagpakita si Mr. Dela
Guardia dahil hindi na ito umuwi mula sa ibang bansa. Nabigyan naman ng parole si
Alexis at bumalik na ang operasyon ng Montealegre Distillery Corp.

Galing sa warehouse si Zanya nang abutan nitong kausap ni Brandon ang sekretarya sa
opisina na agad ikinainit ng ulo nito.

"Kailangan bang nakatanghod pa sa 'yo ang sekretarya mong yun para lang mag-
report?" wika nito na narinig pa ng sekretarya bago tuluyang makalabas ng pinto.

"Ano'ng problema sa pakikipag-usap ko sa sekretarya?" natatawa niyang wika.


Dalawang araw na itong mainit ang ulo sa sekretarya niya na gusto niyang ipagtaka.
Bihira itong magselos dahil hindi niya gustong bigyan ito ng dahilan para magalit.

"Nakangiti ka pa? Nag-eenjoy kang kausap ang babaeng 'yun kaya parati mong
pinapapunta dito sa opisina?" pag-aakusa nito.

"Woah! That's one strong accusation, my dear wife. Alam kong marami tayong
pinagdaanang pagsubok sa mga nakalipas na buwan. Nakaligtaan ko na ba ang
responsibilidad ko sa 'yo?" tudyo niya sa asawa. Nakasimangot naman ito at hindi
nagpaawat sa inis.

"Bakit ba nag-hire ka ng sekretarya? Napakaraming staff sa Marketing Department,"


iritable pa nitong tanong. Dalawang linggo pa lang si Daisy sa kumpanya matapos
mag-resign ng dati niyang sekretarya dahil hindi nito kayang pagsabayin ang trabaho
at pag-aalaga ng anak.

"Sekretarya mo si Daisy, napunta lang sa 'kin dahil ayaw mong utusan. Bakit ba ang
init ng dugo mo dun sa tao?"

"I will fire her."

"That's too much, Zanya!" saway niya sa asawa. "Wala sa lugar ang mga paseselos
mo."

"O baka naman gusto mo kasi kaya ayaw mong paalisin?"

Hindi na siya nagsalita bagkus ay lumapit sa asawa at umupo sa gilid ng mesa nito.

"Ikaw lang ang maganda at sexy sa paningin ko. Malapit na ang pagbababang luksa ni
Papa, ikakasal na tayo ulit, bakit gumaganyan ka pa?"

"Malay ko ba kung nagsasawa ka na sa 'kin."

Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya. Niligpit niya ang mga papel sa mesa
saka nagyayang umuwi na. Sa bahay nila sa Quezon City na sila ulit umuuwi at
hanggang ngayon ay may security pa ring nakaantabay sa kanila saan man sila
magpunta ni Zanya.

Sa bahay ay kasalukuyan pa lang nagluluto ng hapunan ang Mama niya. Wala pa ring
imik si Zanya hanggang sa dumating sila sa bahay.

"Kanina pa 'ko napipikon sa 'yo. Ni hindi mo binati ang Mama pagdating natin
kanina," sita niya sa asawa.

"Hindi na ba puwedeng magalit? Mainis? Gusto kong itapon lahat ng gamit dito!"
inis pa nitong wika. Sa inis din niya ay bumaba siya sa komedor nang hindi niyaya
ang asawa sa hapunan.

"Ngayon ko lang kayo nakita na nag-away ulit. Ano ba ang ikinagagalit ng asawa
mo?"

"She wanted to fire one my secretaries for nonsense reasons."

"Nagseselos ang asawa mo? Baka naman may dahilan?"

"Wala akong gusto sa sekretarya ko at bakit ko naman gugustuhin 'yun? I am


faithful to my wife. Kaya rin ako nagagalit dahil wala namang basehan."

"May woman's instinct kaming tinatawag, Brandon. May mga bagay kaming nakikita na
hindi niyo nabibigyang pansin. Naalala ko dati na ganyan din ako sa Papa niyo,
lahat ng babaeng dumidikit pinagseselosan ko. Lahat din itinatanggi niya, hanggang
isang araw hindi rin siya nakaiwas."

"I will never do that to my wife, 'Ma. Sapat na sa akin ang asawa ko."

"O siya... tawagin mo na nang makakain. Huwag mo nang patagalin ang away niyo
dahil mag-uumpisa lang 'yan sa mas malalim na alitan."

Bago pa siya makatayo sa kinauupuan ay sumigaw na si Zanya na agad nagpatakbo sa


kanya pabalik ng silid. Naabutan niya itong nakayuko sa kama hawak ang ibabang
bahagi ng katawan nito.

"What happened?"

"M-masakit ang puson ko... Oh, God..."

"Relax, my wife. Huwag kang kikilos. Tatawag ako ng doktor," natataranta niyang
wika dahil sa nakitang pamumutla ni Zanya.

"Hindi kaya buntis ka?" hinala naman ni Lala.

"Oh, Ma..."

"May spotting ka ba?"

"W-wala po..."

"Bakit ba sumakit? Nadulas ka sa banyo?" Umiling naman ito.

"N-naiinis kasi ako kay Brandon..."

Tinapik ni Lala ang anak na nakatulala sa pag-uusap nila. "Huwag mo nang pasakitin
ang puso ng asawa mo baka makunan pa 'yan."

"Are you... p-pregnant?" Halos maluluha niyang wika. "Leon is coming?"

Yumakap siya kay Zanya na hindi pa gumaganti ng yakap sa kanya. Lumuhod siya para
itapat ang mukha niya rito.

"Pipilipitin ko 'yang ilong mo kapag nagselos ka pa. Ginagawa ko na nga lahat ng


paraan para huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa 'yo pero nagagalit ka pa
rin. Mawawala pa 'yang baby natin sa ginagawa mo."

"Huwag mo munang papasukin ang babaeng 'yun sa opisina mo. Naiinis talaga ako!"

"Okay sige, para matigil ka lang. Totoo bang buntis ka?" paniniguro niya.

"Pag hindi ako buntis hindi mo 'yun paaalisin?!"

Napangiti na lang siya dahil sa pagsusungit nito. "Ililipat ko lang siya sa ibang
department. Huwag ka namang maging irreasonable, misis ko. Mahirap ang buhay
ngayon, kawawa naman yung tao. Tara na kumain na tayo. Bawal malipasan ng gutom
ang buntis."

"Hindi naman ako buntis," pagtanggi nito nang sumama sa kanya sa komedor.
Nagpabili siya sa katulong ng pregnancy test kit sa isang malapit na drugstore.

Nangalumbaba pa si Zanya na nasa malalim na pag-iisip paglabas ni Brandon sa banyo


bago matulog. Nawala naman na ang pananakit ng puson nito matapos nilang
magkaayos.

"Kinakabahan ako sa iniisip mo. Ano na naman ba?"

"Gusto ko ng chico."
"Chico?! Saan ako kukuha ng chico ng ganitong oras?!"

"Hmp! Huwag na nga! Matutulog na lang ako!" Humiga ito sa kama saka nagtakip ng
kumot. Kanina ay malinaw na sa pregnancy test na buntis nga ito. Walang pagsidlan
ang tuwa niya sa dibdib kahit pa hindi pa rin maipinta ang mukha ni Zanya sa kung
anong kadahilanan.

Tumabi siya sa asawa at hinalikan ito sa leeg. "Huwag kang tatabi sa 'kin kung
wala kang chico!"

Hindi siya nagpaawat bagkus ay pinaglandas ang mga kamay niya sa dibdib nito.
Nakapikit si Zanya habang ninanamnam ang ibinibigay niyang init. Hinawakan niya
ang kamay nito at iginiya sa pagitan ng mga hita niya.

"Hindi 'yan chico!" natatawa nitong wika. Buong pagnanasa naman niyang hinalikan
ang asawa.

"Imaginin mo muna na chico 'yan. Huwag mo na 'kong pahirapan dahil masakit na rin
ang puson ko."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Alam niyang ramdam nito ang
pangangailangan niya.

"Ang pangit ng chico mo!"

"Kunyari ka pa, yang chico naman na yan talaga ang hinanahap mo!"

"Ang yabang mo, Mr. Montealegre!"

Special Chapter
"Kumusta ho si Zanya?" kinakabahang tanong ni Brandon sa ina pagdating niya sa
ospital. Nang itawag sa kanya ng Mama niya na sumasakit ang tiyan ng asawa ay agad
niyang ipinatakbo sa ospital. Siya rin ay agad na umalis ng opisina para puntahan
ang mga ito. Nasa delivery room na si Zanya nang dumating siya.

"Huwag kang mag-panic, anak. Inaasikaso na siya ng mga doktor. Natural lang naman
na sakitan siya ng tyan dahil kabuwanan naman na ni Zanya."

Kahit anong sabihin ng Mama niya ay hindi pa rin siya mapakali. Naghirap ang asawa
niya sa pagbubuntis mula nung first-trimester nito hanggang noong nakaraang buwan
na nagkaroon ito ng spotting. Halos mag total bedrest pa ito pero pinipilit lang
kumilos at tulungan ang Mama niya sa pagluluto para huwag lang siyang mag-alala.

Lumabas ang doktor matapos ang dalawang oras na agad niyang sinalubong.

"Kumusta ho ang mag-ina ko?"

"Congratulations, Mr. Montealegre. Ligtas na ho ang anak niyo."

"How about my wife?"

"She's still unconcious."

"Ho? Paano nangyari 'yun? Is she fine?"


"Nahirapan siyang ilabas ang bata. Kanina'y gusto na naming humingi ng pahintulot
na i-cesaerian na lang siya pero nakalabas naman ang bata ng maayos."

"Paanong hindi pa siya nagkakamalay?"

"Normal naman ho 'yun sa mga nanganganak. Let's wait for few more hours. She'll
be fine, Mr. Montealegre."

Dalawang oras na pag-aalala ang ginawa ni Brandon na paroo't parito sa ospital.


Nang ilipat na si Zanya sa isang private room ay saka siya nakahinga ng maluwag
bagama't tila matamlay at maputla pa rin ang asawa. Hinayaan niya itong matulog
muna para makapagpahinga at makabawi ng lakas.

"Kamukhang-kamukha ng asawa mo, Brandon," wika ni Ezekeil sa kanya nang kargahin


ito ng biyenan. Nagsisikip ang dibdib niya sa magkahalong tuwa at pag-aalala.

"Huwag kang masyadong mag-alala sa asawa mo. Matapang yan at matatag," paniniguro
naman ng Mommy Hannah nito. Tumango siya kahit hindi niya alam kung mawawala ang
pag-aalala niya gayung tila nanghihina pa rin si Zanya na nakahiga sa hospital bed.

"Hey..."

Hawak niya ang kamay ng asawa nang gumising ito kinabukasan. Mas gumanda na ang
kulay ng labi nito ngayon kumpara kagabi nang ilabas ito galing sa delivery room.
Pinaglandas nito ang daliri sa mukha niya habang hawak niya ang isa nitong kamay.

"How are you, my wife?"

"I have survived..."

"Of course! Magagalit ako sa 'yo kung hindi! Tinakot mo ako kagabi, huwag ka nang
magbubuntis kung mahihirapan ka lang."

"I can still give you dozen of children, Brandon..." mahina nitong wika bagama't
nakangiti na.

"No. You and Leon is enough," paniniguro niya. "Tama si Dad, kamukhang-kamukha mo
siya. Sigurado akong maraming paiiyaking babae ang panganay na apo ni Mama."

Ngumiti si Zanya at tumunghay sa anak na karga ngayon ng Mama niya. Pagdating ng


hapon ay nagdatingan naman halos lahat ng kapatid at pinsan nito.

"You're finally a mother!" masayang bati ni Stacey. "Leon is so adorable!


Sigurado akong hihiramin 'yan madalas ni Auntie at Uncle Zek."

"Kailan ka ba lalabas ng ospital? Sa bahay muna kayo tumuloy para naman makasama
namin si Leon nang matagal," suhestyon ni Marga.

"Kapag malakas na ako dadalaw kami kina Mommy," sagot ni Zanya. "Hindi pwedeng
malayo si Brandon sa opisina dahil wala siyang katulong dun ngayon."

"Mabuti at maayos na ang kalagayan mo." Tumabi si Ethan sa kapatid at sandali


itong niyakap. "Kasing putla mo si Brandon kaninang umaga nang puntahan ko kayo
eh."

"Hintayin mo lang kung kailan mabubuntis si Marga, ewan ko na lang kung mapipirmi
ka sa upuan mo," natatawa niyang sabi.

Isang araw pa silang namalagi sa ospital dahil gusto niyang masiguro na maayos na
ang kalagayan ng mag-ina niya bago sila umuwi sa bahay. Nakita niya na tuwing ika-
dalawang oras ay gumigising si Zanya para padedehin ang anak.

"Thank you..." Yumakap siya kay Zanya isang gabi habang karga nito si Leon at
pinapatulog. Bakas pa rin ang kagandahan sa mukha ng asawa kahit lagi itong pagod
at puyat sa pag-aalaga ng bata.

"Bakit thank you? Hindi nga kita natutulungan sa opisina." Ibinaba nito si Leon
sa kama at naghanda ng gamit niyang pantulog.

"Thank you for being you; the best wife, the best mother... for fulfilling my
dreams of having a complete and happy family..."

"I'll do everything to make you happy. If you want another child --"

"No. I told you Leon is enough. Hindi ko gustong maranasan mo ulit na manganib
ang buhay mo. Mababaliw ako kapag nawala ka, Zanya. I swear I won't survive a day
without you."

"Hindi naman lahat ng pagbubuntis pare-pareho. Malay mo naman next pregnancy ko


hindi na 'ko mahihirapan."

"Don't be stubborn. Magpahinga ka na ako muna ang mag-aalaga kay Leon, Linggo
naman bukas."

Sa ikatlong buwan ni Leon ay bininyagan na ito. Dumalo si Alexis at Monique na


maayos na rin ang pagsasama at nagbabalak na lumipad patungong Singapore sa susunod
na linggo para doon manirahan. Naroon naman ang malalapit na kaibigan nila at ang
buong angkan ng mga Albano.

"Mukhang may bagong mukha akong nakikita. Girlfriend na ba ni Duncan ang isang
'yun?" tanong ni Ezekeil sa kapatid na si Zandro.

"I think so," tipid nitong sagot.

"Parang mas maganda ang isang kasama niya," pagbibigay niya ng opinyon. "Simple
lang pero halata na ang ganda na hindi nadadaan sa makeup. At mahiyain ang isang
'yan ah."

"Kaibigan ni Thea 'yan. You're right, she's prettier. Pero baka mas may appeal sa
anak ko si Thea kaya 'yan ang niligawan."

"Sino'ng pinag-uusapan niyo?" tanong ni Zanya nang marinig ang pag-uusap nila ng
mga Uncle niya.

"Naku, lagot ka Zanya. Tabihan mo na 'yang asawa mo mamayang gabi, nakakakita na


ng ibang magandang babae," biro ni Stacey na ikinangiti niya.

"Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa kahit sinong babae. Pagkatapos ng lahat ng


sakripisyo niya sa amin ni Leon, she doesn't deserve to be cheated on."

"Napakagaling mambola ng asawa mo, Zanya. Kaya pala patay na patay ka dito noon pa
eh!" wika naman ng Mommy Hannah nito. Lumapit si Zanya sa kanya at ikinawit ang
mga braso sa baywang niya.

"May mas maganda pa ba sa 'kin dito?"

"Patay ka, Brandon, galit na ang asawa mo," natatawang wika naman ni Jayzee.
"Hayaan mo siyang magalit, chico lang ang katapat niyan."

"Anong chico?" tanong naman ni Stacey na ikinahalakhak ni Zanya.

Nang mag-alisan ang mga bisita ay umakyat na sila sa silid. Inilapag ni Brandon ang
anak sa kama pero inilipat ito ni Zanya sa bagong bili na crib. Lumapit siya sa
asawa at yumakap sa baywang nito.

"Are you happy?" tanong niya kay Brandon.

"More than happy, my wife. Hindi ko akalain na mararanasan ko pa ang ganitong klase
ng saya. Kapag binabalikan ko ang mga pinagdaanan natin, pinagsisisihan ko na
nasaktan kita."

"Kailan? Noong halos isumpa mo 'ko dahil umalis ako nang matagal?"

"Yes. Ilang beses kitang pinagtabuyan. At pinagsisihan ko ding nasabi ko na


nagsisisi ako na pinakasalan kita."

"Tama si Mama, mahirap kang makalimot sa mga nagawa mong mali. You have to forgive
yourself, Brandon. Unang-una, nasabi mo lang 'yun dahil sa galit na ako rin naman
ang may kasalanan."

"Pero sana'y hindi mo sasabihin ang mga salitang iyon sa akin. Hindi ko na talaga
mapapatawad ang sarili ko."

"Of course not. You're the best thing that ever happened to me. At gusto kong
mabigyan ka pa ng anak."

"Totoo?" Namilog ang mga mata nito saka hinapit siya nang mas mahigpit. "Tell me
you're not joking."

Sinimulan niyang halikan ang dibdib ni Brandon na nagpahigit ng hininga sa asawa.

"Hindi ko akalain na ang babaeng gusto ko lang akitin dati ay ako na ang inaakit
ngayon. I love you, Mrs. Montealegre..."

"I love you too, Mr. Montealegre..."

---- THE END -----

------------------
ALBANO SERIES 1: SWEET TEMPTRESS (ZANE AND SELENA)
ALBANO SERIES 2 : FOR THE LOVE OF HANNAH (EZEKEIL AND HANNAH)
ALBANO SERIES 3 : DOCTOR'S SECRET AFFAIR (ZANDRO AND DANICA)
ALBANO SERIES 4 : CHASING COLD HEART (ETHAN AND MARGA)
ALBANO SERIES 5 : THE CEO'S LEGAL WIFE (JAYZEE AND ANIKKA)
ALBANO SERIES 6 : FAITHFULLY (MARCUS AND STACEY)
ALBANO SERIES 7 : SEDUCING MY WIFE (BRANDON AND ZANYA)
ALBANO SERIES 8 : MY GIRLFRIEND'S BESTFRIEND (DUNCAN AND LAYLA)

Converted by P.B.M

You might also like