You are on page 1of 68

------------------------------

TITLE: Midnight Lover


LENGTH: 974
DATE: Sep 18, 2011
VOTE COUNT: 274
READ COUNT: 33406
COMMENT COUNT: 30
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: BonitaBabyy
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-02-16 02:52:55

------------------------------

####################################
Midnight Lover
####################################

Midnight Lover

PROLOGUE:

"The unfamiliar faces in your dreams are the possible ghosts who stares at you
while you are in deep sleep" --Reader's Digest

Ang sabi nila ay ang panaginip daw ay ang isang lugar kung saan mo maaaring takasan
ang realidad ng buhay. Paano kung ang panaginip na ito ay pilit kang hinahabol sa
realidad. Ikaw ba'y dapat na matakot o sadyang pagkakataon lamang?

Ilang linggo ko na din syang napapaginipan. Iba't ibang scenario, para bang
nanonood ako ng isang teleserye at ako mismo ang bida. Parang totoo ang lahat,
nararamdaman ko ang init ng katawan nya na humahaplos sa akin. Sa tuwing magigising
ako, isa lang ang naitatanong ko sa sarili ko. Sino ka ba talaga Allen Reyes? Bakit
bigla ka na lang susulpot sa panaginip ko?

Patay ka na ba? Isa ka nga lang bang multo o sadyang pinagtagpo lang talaga tayo?

Nag echo ang huli nyang sinabi sa huling scenario na napaginipan ko.

"Ako si Allen Reyes at pakasalan mo ako."

####################################
Kabanata 1
####################################

Kabanata 1

Kakauwi lamang ni Clarisse sa kanyang tinutuluyang apartment. Pasado alas onse na


din ng matapos ang kanyang shift bilang company nurse ng isang kilalang airport.

Siya si Clarisse Lonzaga. Mag-isa lamang siyang namumuhay sa kanyang apartment


dahil nasa probinsya ang kaisa-isa niyang pamilya. Ang kanyang pinakamamahal na
lola.

Dahil sa pagod ay hindi na niya nagawa pa ang magpalit ng damit, maghahating gabi
na din ng mga oras na iyon kaya naman dumiretso na lamang siya sa kanyang single
bed na kama at nahiga roon. Maliit lamang ang kanyang inuupahang apartement, sapat
na iyon para sa katulad niyang naninirahang mag-isa.

Ilang minuto pa lamang siyang napipikit ng bigla na lamag bumigat ang pakiramdam
niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Animo may dumadagan sa kaniya
na naging sanhi upang mahirapan siyang huminga.

Napabangon siyang bigla at sa pagdilat niya at ganoon na lamang ang pagtataka niya
dahil wala siya sa kanyang silid. Animo siya nasa isang dimension o masasabi
niyang nasa iba siyang mundo.

Nasa isa siyang magandang silid na napaliligiran nf mamahaling kasangkapan.


Naghuhumiyaw ang karangyaan sa silid na iyon. Halos lahat ng kasangkapan sa silid
na iyon ay ginto. Tahimik na naitanong ni Clarisse sa kanyang sarili kung nasaan
siya.

Tinignan niya ang kanyang kasuotan at nagulat na lamang siya na nakasuot siya ng
isang itim na gown. Ganoon na lamang ang pagtataka niya ng dahil ang alam niya ay
natulog siya ng naka-uniporme pa din. Napaharap siya sa salamin na nasa aparador,
lalo lamang siyang naguluhan ng mapansin na may puting maskara na tumatabing sa
kalahati ng kanyang magandang mukha. Hindi niya malaman kung nanaginip lang ba siya
o ano kaya naman kinurot niya ng mahina ang kanyang sarili. Nang masaktan ay ganoon
na lang ang takot niya lalo pa't nakakasiguro na siya na hindi lamang iyon isang
panaginip. Ngunit paano? Ang isang katanungan na gumugulo kay Clarisse ngayon.

"Clarisse? Bakit nandito ka pa? Tara na at bumaba." tawag sa kanya ng isang


matandang babae na kapwa din niya nakamaskara. Napaayos siya ng upo kahit na
naguguluhan pa din.

"Sino po kayo?" tanong ni Clarisse sa matandang babae ngunit umiling lamang lang
ito.

"Hindi na mahalaga 'yon Clarisse. Bumaba ka na lamang sa bulwagan at kanina ka pa


niya hinihintay." lalo lamang naguluhan si Clarisse sa mga sinabi ng matanda sa
kaniya. Sino ang naghihintay sa kaniya? Hindi pa man din niya nasasagot ang mga
katanungan sa isip niya ay nadagdagan pa lalo iyon.

Marahil na rin sa kuryosidad ay lumabas si Clarisse ng silid upang malaman kung


nasaan nga ba siyang lugar. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya ngunit naisip niya
na maaari niyang malaman ang kasagutan kung sakaling lalabas siya. Pagsilip niya
mula sa barandilya ng isang engrandeng grand stair case na napalilibutan din ng mga
ginto ay ang isang malaking bulwagan na kasalukuyang pinagdarausan ng isang
kasiyahan. Ang lahat ay nakasuot ng magagarang damit at natatabingan ng makukulay
na maskara. Masasabi mong galing sa maharlikang pamilya ang lahat ng panauhin sa
nasabing kasiyahan,

Elegante ang disenyo ng kabahayan. Hindi naman ito ang tipo na animo ikaw nag time
travel dahil nasilip niya na ang ibang panauhin naman ay may kausap sa telepono.

Dahan-dahang bumaba si Clarisse sa hagdan kahit pa nag-aalinlangan siya dahil


naguguluhan pa din siya sa mga nangyayari.

May isang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa dulo ng grand staircase. Maganda ang
bulto ng katawan ng lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Bigla na lamang
bumilis ang tibok ng puso ni Clarisse habang papalapit ng papalapit ang mga hakbang
ng kaniyang paa papunta sa lalaking naghihintay sa dulo ng staircase. Hindi niya
magawang pangalanan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Nang iisang baitang na lamang ang pagitan nila ng lalaki ay unti-unti na itong
humarap sa kanya. Nakasuot ito ng itim na maskara at tanging nakikita lamang niya
ay ang misteryo nitong mga mata at ang mapupula nitong mga labi.

Nakakabingaw ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Halos mapapugto ang kanyang
hininga ng ngumiti ang lalaki sa kanya at nagsalita ito sa baritonong boses. Ang
boses niya ay nagsasabi na ang lalaki ay maawtoridad.

"Ako si Allen Reyes. Pakasalan mo ako."

Napabalikwas ng kama si Clarisse habang humihingal, sapo niya ang kanyang dibdib
dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Nakahinga siya ng maluwag ng malamang
panaginip lang pala ang lahat ng iyon ngunit nagtataka siya dahil pakiramdam niya
ay totoo ang lahat. Pakiramdam niya nandoon siya mismo. Di nga ba't kinurot pa niya
ang kanyang sarili? Hinawakan niya ang kanyang braso na kinurot niya sa kanyang
panaginip. Bakit nananakit pa din ang kanyang braso? Tanong ni Clarisse sa kanyang
utak.

Napatingin si Clarisse sa kanyang paligid at nakahinga lalo ng maluwag ng mapansin


na nasa apartment pa din siya, sinulyapan niya ang kanyang digital clock sa kanyang
bedside table. Alas dos pa lang pala ng madaling araw. Hindi niya alam kung
makakatulog pa siya. Hindi niya mawari kung masama o maganda ba iyong panaginip.
Sumandal na lamang siya sa kanyang kama at niyakap ang sarili. Mabilis pa din ang
tibok ng kanyang puso, akala mo nag-uunahan ang mga ito sa pagpintig.

Napaka weird na panaginip. Iyon na lamang nag nasabi ni Clarisse sa kanyang


sarili.

May nakausap siyang hindi naman niya kilala at inaya pa siyang magpakasal?!
Ridiculous! Naghuhumiyaw niyang sabi sa kanyang isip.

Kinilabutan siya sa kanyang mga naiisip. Bibihira lamang ang panaginip na may
specific name. Allen Reyes? Pilit niyang inalala ang pangalang iyon ngunit hindi
ito pamilyar sa kanya.

Madalas na weird ang kanyang panaginip sa nakalipas na mga taon ngunit ngayon
lamang ito nangyari at masasabi niya na ito na ang pinaka weird sa lahat ng weird,
Seriously? may nakaranas na ba ng ganoon? May magpapakilala sa iyo sa panaginip at
pagkatapos ay may full name pa talaga? Sarkastikong tanong ni Clarisse sa kanyang
sarili.

At dahil sa mga katanungan sa kanyang isip ay hindi na niya alam kung paano pa ulit
siya nakatulog.

Pagkagising ng umagang iyon ay agad siyang naghanda para sa kanyang trabaho, buti
na lamang at kahit isa siyang nurse sa airport ay nagagamit niya ang napag-aralan
niya. Pumasok na siya sa kanyang tarabaho na hindi naman kalayuan mula sa kanyang
inuupahang apartment.

"Clarisse, ang aga mo naman ata?" tanong sa kanya ng kanyang kapwa nurse na si
Maribeth. Hindi pa naman kasi niya oras ng trabaho ngunit pumasok na siya sa clinic
nila sa airport.

"Hindi kasi ko nakatulog ng maayos." sagot ni Clarisse at naupo na sa kanyang


table.

"Dapat late ka na pumasok. As usual tutunganga lang naman tayo dito. Alam mo naman
na kundi nahilo eh nagpapa-BP lang naman ang mga nagpupunta dito." maarteng sagot
sa kanya ni Maribeth. Halos tatlong taon na din silang magkatrabaho sa airport ni
Maribeth. Mabait ito at magaling makisama sa kapwa. Dating nurse si Clarisse sa
kanilang probinsya ngunit naisip niyang makipag-sapalaran sa Maynila para lalo pang
mabigyan ng magandang buhay ang kanyang lola. "Okay lang, atleast pasarap buhay
tayo diba?" matipid niyang sagot

"Sabagay! Ang daming gwapong steward!" napailing na lamang siya ng impit pang
tumili si Maribeth. Inilabas na lamang niya ang kanyang laptop at nag internet.
Totoo naman talagang halos pasarap buhay lang sila ni Maribeth sa airport. Minsan
ay naiisip niya na nalulugi na ang airport dahil sa kanilang company nurses,
bibihira lamang kasi ang severe cases sa airport lalo pa ang mga emergencies.

Sinubukan niyang hanapin sa internet ang pangalang Allen Reyes ngunit nabigo siya
dahil halos dalawpu ang lumabas na mag ganoong pangalana. Napaka common ng name ng
Allen Reyes kaya naman naisip niya na malabo nga itong mahanap at isa pa hindi siya
nakakasiguro kung buhay pa ito ko hindi. Hindi niya maiwasang panayuan ng balahibo
sa tuwing naiisip iyo.

Paano kung patay na talaga siya? Dumadalaw lang ba si Allen sa kanyang panaginip?

Gusto niyang matulog mamaya ng maaga at nagbabaka sakaling makita niya muli si
Allen. Wala na siyang pakialam kung bangungot man iyon dahil ang gusto lamang niya
ay masagot ang lahat ng kanyang mga katanungan.

Alas otso na ng gabi ng magpaalam siya kay Maribeth upang umuwi na sa kanyang
apartment. Pagka-uwi ay dumiretso na siya patungong banyo upang maligo at magpalit
ng pantulog. Nang matapos ay saglit lamang niyang pinatuyo ang kanyang basang buhok
at nahiga na sa kanyang kama. Medyo inaantok na din naman siya kaya naman
nakakasiguro siyang makakatulog siya agad. Nang makahiga na ay agad siyang pumikit
at nag-concentrate matulog. Tahimik siyang nagdasal.

"I want to see you again Allen Reyes."

to be continued...

####################################
Kabanata 2
####################################

Chapter 2

Ilang gabi na ang lumipas, maagang natutulog si Clarisse ngunit ni minsan ay hindi
na nagpakita si Allen sa kanyang panaginip. Gusto niya ulit makita ang misteryosong
lalaki, muli ay gusto niyang marinig ang baritonong boses nito at ang maiinit
nitong haplos sa kanyang balat.

Naguguluhan si Clarisse kung siya nga ba ang may kontrol sa kanyang panaginip. Ano
nga ba ang mangyayari kung sakaling pumayag siya sa inaalok na kasal ni Allen sa
kanya. Ano nga ba ang itsura ni Allen sa likod ng maskara nito?

Night shift ngayon ang kanyang duty at nag-iisa lamang si Clarisse sa clinic.
Bumuntong hininga siya at humiga na lamang siya sa isa sa mga hospital bed, bihira
lamang ang pasyente na nagpupunta sa loob ng kanilang clinic kaya naman wala siyang
dapat ipag-alala kung matutulog man siya. Malaki ang clinic ngunit sila lang naman
ni Maribeth ang tao dito. Mabuti na din iyon dahil ang ibig sabihin walang
emergencies na nangyayari sa airport. Ang ibig sabihin magaling magpatakbo ang
general manager ng airport.

Naramdaman na naman niya ang pagbigat ng kanyang pakiramdam. Bila na lamang umikot
ang kanyang mundo at napapikit. Animo may humihila sa kanya upang pumikit. Pagdilat
niya ay naroon siyang muli sa hindi pamilyar na lugar kung saan niya nakilala si
Allen. Nasa gitna siya ngayon ng bulwagan kasama ang misteryosong lalako, napakapit
siya ng mahigpit kay Allen dahil sa pagkahilo niya maagap naman siya nitong
inalalayan upang hindi siya mabuwal.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa nag-aalalang tono. Napatingin siya sa lalaki at
tinitigan ang mga maiitim nitong mata. Bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan dahil
minsan pa ay nasa mga bisig siyang muli ni Allen at ramdam niya ang mainit nitong
paghinga. Napatingin siya sa mapupula nitong mga labi at animo nag-aanyang halikan
niya ito, agad niyang ipiniling ang kanyang ulo para kalimutan ang isipin na iyon.
"Masyado ka bang nabigla sa sinabi ko?" nabanaag niyang may hinanakit ito sa tono
ng boses nito.

"I'm sorry. Hindi kita kilala. Sino ka ba at kilala mo ba talaga ako?" sa wakas ay
may pagkakaton na din siyang makapag tanong dito.

"Sinabi ko na nga ba at hindi ka papayag." nabasag ang boses ni Allen na


ikinabahala ni Clarisse.

"H-hindi naman s-sa ganun. N-nagugulahan lang talaga ko." dahil sa frustration na
nararamdaman ay halos mapag rambol-rambol na niya ang mga gusto niyang sabihin.
Tumawa lamang ng pagak si Allen ngunit nahahalata niya ang kinukubli nitong sakit
na nararamdaman. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maguilty o hindi. Unang-una
ay hindi niya naman ito kilala.

"Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin? Mahal na mahal kita kung alam mo lang.
Ang kapatid ko ba talaga ang mahal mo?" lalo lamang naguluhan si Clarisse sa mga
sinasabi ni Allen. Sinong kapatid?!

Tumingin siya sa kanyang paligid at nagulat na lamang ng malaman na sila na lamang


ni Allen ang tao sa bulwagan. Sa tingin niya ay binabangungot na siya. Kanina
lamang ay nakapalibot sa kanilang dalawa ni Allen ang mga nakakasiyahang panauhin.

Paanong nawala ang lahat? Nagsimula na siyang lukuban ng takot at gusto na niyang
gumising sa inakala niyang magandang panaginip. Sa isang iglap ay naging bangungot
ang lahat.

Bigla na naman nakaramdam ng pagkahilo si Clarisse marahil na din dahil sa labis na


kalituhan, napaupo siya sa sahig dahil umiikot ang paningin niya. Nakita niya sa
nanlalabong mga mata ang papalayong si Allen. Gusto niya itong habulin ngunit hindi
niya magawa dahil sa pagkahilo niya.

Unti-unti ay nagdilim na lang ang lahat.

"Nurse. Nurse." napabalikwas ng bangon si Clarisse at napasapo sa noo kanyang noo.


Muli ay nanaginip na naman pala siya. Kahit papano ay masaya pa din siya dahil
nagising na siya mula sa isang masamang panaginip.

"Allen." nasabi ko na lamang niya sa kanyang sarili.

"Okay ka lang ba nurse? Binangungot ka ata." napalingon siya sa pinagmumulan ng


boses. Isang gwapong lalaki ang tumambad sa harap niya, nakasuot ito ng grey coat
at dark blue necktie.

Her heart literally stopped beating. He stood a foot taller than her. His hair was
slightly wavy, makapal at mahahaba ang mga pilikmata nito, pamilyar ang maiitim
niyang mga mata pero hindi niya maalala kung saan at kanino niya ito nakita. She
was lost in his gaze.
Bumababa na ba ang mga Greek God mula sa langit? Tanong niya sa kanyang sarili
dahil akala mo nakakita siya ng isang Demigod.

"Nurse?" hindi niya namalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng lalaki.


Napanganga na nga ata siya dahil sa labis na pagka mangha sa lalaking nasa harap
niya ngayon. Agad niyang inayos ang kanyang sarili at bumaba na sa kama upang
tumuwid ng tayo.

"May kailangan po kayo Sir? Masama po ba ang pakiramdam nyo?" agad niyang tanong sa
lalaki upang makabawi.

"Hihingi sana ko ng gamot pero nakita kitang natutulog, aalis na sana ko ng marinig
kitang umuungol. Binabangungot ka." sabi nito sa malalim na boses. Pilit niyang
inaalala kung saan nga ba niya narinig ang baritonong boses nito ngunit nuli ay
hindi niya ito matandaan.

"P-pasensya na, plano ko lang talaga ang umidlip." nakayuko niyang sabi. Hindi niya
gugustuhin ang mawalan ng trabaho. Hindi niya gustong bumalik pa sa kanilang
probinsya.

"Nah. It's okay. Just make sure na hindi ka matutulog ng saktong alas dose."
mabilis na napaangat ng tingin si Clarisse ngunit palabas na ng pinto ang lalaki.
Gusto sana niyang itanong kung bakit ngunit nakaalis na ito at hindi na niya
magawang habulin dahil sa pagtataka.

Naiwan na lamang siyang naguguluhan.

to be continued...

####################################
Kabanata 3
####################################

Kabanata 3

Halos dinaig pa ata ni Clarisse ang bangag sa sobrang pagkapuyat. Nais na niyang
magpasuri sa doktor dahil kung anu-ano ng hallucunations ang nakikita niya.
Hanggang ngayon ay itinatanong pa din niya ang kanyang sarili kung bakit hindi
maaaring matulog ng saktong alas-dose. Kung sakaling nananakot lamang ang lalaking
iyon ay kinikilabutan siya lalo pa at ilang gabi na din siyang binabangungot.

Kanino nga ba siya dapat humingi ng tulong? Sa isang ispiritista? Ngunit patay na
nga ba si Allen?
"Huy!"

"Ay Allen!" napaigtad siya ng kalabitin siya ni Maribeth sa kanyang balikat.

"Oy! Sinong Allen yan? May boyfriend ka no no!" inirapan na lamang niya si Maribeth
dahil nagulat siya dito ng husto.

"Baliw!'

"Ang gwapo daw ng bagong general manager ng airport kaya if I were you magpaganda
ka dahil sasalubungin ang pagdating nya." nagsimula na naman maglandi ang kanyang
kaibigan. Wala naman siyang hilig sa mga gwapo. Tatlong taon na ang nakalipas noong
huli siyang nagkaroon ng nobyo.

Day off dapat ni Clarisse ngunit dahil sa pagdating ng bagong General Manager ay
napilitan siyang pumasok, naisip din niyang wala naman siyang gagawin sa kanyang
apartment kundi ang matulog. Hindi naman siya madalas umuwi sa kanilang probinsya.

Inayos na niya ang kanyang uniporme at sabay na silang lumabas ng clinic ni


Maribeth upang magtungo sa entrance ng airport kung saan nakahilera ang lahat ng
empleyado ng naturang airport. Dahil huli silang dumating ni Beth ay sa hulihan
sila nakapwesto. Napanganga na lang siya ng makita ang red carpet na nakalatag sa
entrance. Ganito ba kagwapo ang General Manager? Tanong niya sa kanyang sarili.

Maya-maya pa ay nagsi-ayos na ang lahat dahil sa humintong limousine.

May isang lalaki ang bumaba ng limousine. Nakasuot ito ng itim na


Americana.Nakasuot din ito ng sunglasses. Spell H-O-T. Literal na napanganga ang
lahat. Makikita mo ang pagiging powerful ng personality ng lalaking parating, sa
bawat hakbang niya na puno ng confidence. Akala mo model ng isang mamahaling brand
ng damit kung maglakad ang General Manager.

Mabilis na namang naghabulan ang tibok ng puso niya, ang huli niyang pagkakatanda
ay ganito din ang pagtibok ng puso niya noong una niyang makaharap si Allen sa
panaginip niya gayundin sa lalaking gumising sa kanya sa katotohanan.

Parang pag-aari nito ang buong mundo sa paglalakad nito. Diretso lamang ang tingin
nito kahit binabati ito ng mga tao sa paligid nito. Pigil ang hininga ni Clarisse
ng madaanan siya nito buong pa-aakala niya ay makakahinga na siya ng maluwang
ngunit nagulat na lamang siya ng huminto ito sa tapat niya at tumingin sa direksyon
niya. Hindi niya makita ang mata ng lalaki dahil sa suot nitong shades ngunit
ramdam niya ang mga titig nito. Halos mapapugto ang kanyang hininga ng hawakan nito
ang kanyang nameplate at iayos. Paling pala ang kabit ng kanyang nameplate dahil na
din siguro sa kanyang pagmamadali kanina.

"Dapat laging nakaayos ang nameplate, ito ang reflection sa pangalan ng airport."
he said in a deep husky voice.

"Maliwanag ba Miss Lonzaga?"

"Y-yes Sir."

Sa nanlalaking mga mata ay nagulat na lamang siya sa mukha ng lalaking nasa harapan
niya lalo na ng alisin nito ang suot nitong shades. Sa sobrang bilis ng tibok ng
puso niya at pinagpawisan na siya ng malamig at unti-unting nagdilim ang kanyang
paningin.

Naramdaman na lamang niya ang mga brasong sumalo sa kanya.

to be continued...
####################################
Kabanata 4
####################################

Kabanata 4

Nagising si Clarisse sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa isang opisina. Nakahiga


siya sa isang sofa, at nakita niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaki na
kasalukuyang nakatalikod mula sa kanya at nakamasid sa may bintana.

Nang mapansin nito ang pagkilos niya ay lumingon ito sa kanya, napasinghap na naman
siya sa kagwapuhan na tumambad sa kanya.

"Gising ka na pala. Okay ka na?" sabi nito habang nakangiti sa kanya. Bigla na
lamang gumaan ang pakiramdam niya ng ngumiti ito sa kanya, para bang
nakapagpapagaan ng mood ang bawat ngiti nito.

"Ikaw? Ikaw yung kagabi. Salamat nga pala." mahina niyang sabi. Nakita niyang
nangunot ang noo nito na animo nagtataka sa mga sinasabi ng dalaga.

"Anong meron kagabi?"

"Hindi mo matandaan? Ginising mo ko nung binabangungot ako." narinig niya ang


pagtawa nito ngunit pagak lamang iyon. Imposibleng hindi siya makilala nito dahil
naka-uniporme naman siya kagabi.

"Sorry Miss pero hindi ko alam yang sinasabi mo. Pagod akong nakahiga sa kama
kagabi kasama ang isang napaka seksing babae." nanlaki ang mga mata niya sa mga
sinabi nito.

"Siguro puyat ka lang kaya ka hinimatay. Tulog ka pa." naningkit ang mga mata ng
dalaga ng tumawa na naman ito. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa at bakit
pinagtitripan siya nito.

"Ano ba ang nakakatawa? Nandito ka kaya kagabi!" naiinis na din siya dahil sa
patuloy nitong pagtawa. Mataray niya itong tinanong.

"Woahhh! Woahhh! Oy Miss alam ko na yang mga ganyang technique. Gasgas na yan." He
said in amused tone then he laughed again. Nagsimula na talaga siyang mainis lalo
pa sa kayabangan ng lalaking nasa harapan niya.
"Hoy! Hindi kita type no!" naisip na lamang ni Clarisse na may sakit itong limot
ngunit gayun pa man ay hindi niya mapigilan mainis dahil sa kahambugan nito.

"Wala akong sinasabi." binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti ngunit inirapan
lamang niya ito.

"Ang angas ah." naipaypay na lamang ni Clarisse ang kanyang kamay sa kanya dahil
sa labis na inis.

"Type mo siguro ko? Defensive. Hmmm..... Aha!" he snapped at ngumiti.

"Nilapitan lang kita kanina hinimatay ka na agad? Ganun pala talaga ko kagwapo at
ma-appeal. Tsk." napanganga na lamang siya at nasapo ang noo.

"I can't believe this." she said.

"Oh talaga? Ako man. Masyado ata akong naging humble kaya ngayon ko lang na-
realize na sobrang gwapo ko pala. Thanks to you." he winked at her at siya naman ay
napatawa na lamang.

"Wow!" yun na lamang ang nasabi niya at tumayon na siya para iwan ang baliw na
lalaking iyon. Bago pa siya makalabas ng opisina nito ay narinig niya ang
paghagalpak ng tawa nito kaya naman isinarado niya ang pinto ng padabog.

"Ang hangin! Kagabi lang napaka snob tapos all of a sudden naging baliw!"
pakiramdam ni Clarisse ay nababaliw na din siya dahil kinakausap na niya ang sarili
niya ng malakas.

Hindi malaman ni Clarisse tuloy kung bilog nga lang ba ang buwan kagabi kaya naman
ganoon ang kayang bagong boss. Bumalik na lamang siya sa clinic at naabutan si
Maribeth na mukhang kanina pa sa kanya naghihintay.

"Oh gising ka na pala. Ano ba yung drama mo kanina teh?" tinignan lamang niya ng
masama si Maribeth. Naupo na lamang siya sa hospital bed. Pamilyar talaga sa kanya
yung boses ng bagong GM. Ganoon din ang pakiramdam niya noong una silang magkita ni
Allen.

"Oy!"

"Ay Allen!" halos mapatalon siya sa gulat ng tawagin siya ni Maribeth na mukhang
kanina pa siya kinakausap.

"Sino ba yung lintek na Allen nay an ha? Kanina pa yan."

"Ang daldal mo. Alam mo ba yon?"

"Pero girl grabe ang hot ni Sir nung kinarga ka nya. Infairness naman pala may
chemistry kayo!" kilig na tili ni Beth. Hindi na lamang niya pinansin ang kaibigan
at nagsimula na lamang ayusin ang kanilang annual reports.

"Sobrang gwapo! Sana ako na lang yung nilapitan nya, malamang mahimatay man ako.
Tengene lang Clarisse!"

"Hoy! Manahimik ka nga dyan kita mong nasa trabaho tayo. Mga salita mo naman."
"Sus yaan mo na. Puro naman foreigner ang napapadaan dito malay ba nila." hindi na
niya pinansin at kaibigan dahil alam niyang hindi ito titigil sa pagdaldal.

Maghahating gabi na ng matapos niyang lahat ng dapat gawin, mag-isa lamang siya
ngayon sa llob ng clinic dahil lumabas si Maribeth upang bumili ng kape. Tumingin
siya sa kanyang relos at nakitang 11:55 na ng gabi. Naalala na naman niya ang
sinabi sa kanya ng kanilang GM noong nagdaang gabi na huwag matutulog ng sakto alas
dose.

"Wag na wag kang matutulog ng sakto alas dose"

Naisip niya na baka pinagtitripan na naman siya nito tulad ng ginawa nito sa kanya
kanina lamang ay hindi totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya noong isang gabi.
Wala naman siyang magagawa kung dinalaw siya ng antok ng mga oras na iyon. Idinukmo
na lamang niya ang kanyang ulo sa table at pumikit na.

Naramdaman na naman niya ang pagbigat ng katawan niya. Alam na niya ang mangyayari.

Nakatayo siya at nag-iisa sa bulwagan. Hindi malaman ni Clarisse kung saan siya
pupunta. Ang pagkakatanda niya at nagsasayaw sila ni Allen ng bigla na lamang itong
bumitaw sa kanya at lumakad palayo mula sa kanya. nakita niya sa mga itim nitong
mata ang pinaghalong sakit at poot. Agad siyang pinanlamigan sa isiping iyon.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala ni isang tao. Naramdaman niya ang
isang kamay na humawak sa kanyang braso, agad siyang napaharap sa taong iyon.
Nagtaka siya kung paanong napunta si Allen sa kanyang likuran. Lumingon siya sa
kanyang likod kung saan huling dumaan si Allen at muling humarap sa lalaking nasa
harapan niya na ngayon ay nakangiti. Parehas sila ng suot na maskara pati na din
ang bulto ng katawan ngunit hindi sa kasuotan nito. Imbes na itim ay puti ang suot
nitong tuxedo.

"Allen?" nagtatakang tanong ni Clarisse sa lalaki ngunit umiling lamang ito at


hinaplos ang kanyang mukha.

"Ako si Aaron. Ang lalaking mahal mo."

to be continued...

####################################
Kabanata 5
####################################
Kabanata 5

That was a weird dream.

Nagising si Aaron mula sa kanyang pagkakatulog, ilang gabi na din niyang


napapaginipana ang kanyang kapatid na si Allen. Tahimik na lamang niyang minura ang
kaptid. Bakit hindi na lang ito manahimik kung saan man itong lupalop napunta?!
Naiinis na tanong ni Aaron sa kanyang sarili

"Ako si Aaron ang lalaking mahal mo" umaalingawngaw sa kanyang isipan ang kanyang
mga sinabi sa babaeng nakaputing maskara. Sino na ang babaeng iyon sa kanyang
panaginip? Nitong mga nakaraang gabi ay nagiging weird na ang kanyang mga panaginip
hindi niya tuloy malaman kung sa labis ba niyang pagod sa trabaho o dahil sa
stress.

Sa tuwing maiiglip siya ay napapaginipan niya na siya ay nasa isang bulwagan,


actually iyon ang bulwagan sa kanilang ancestral house sa Bulacan na kung tawagin
ay Casa de Rojo dahil halos kulay dugo ang pintura ng buong kabahayan. Ayon sa
kanyang panaginip ay nakatayo daw siya sa may veranda habang pinapanood ang kanyang
kapatid na si Allen na nakikipagsayaw sa isang babae.

Nagtataka siya dahil parang nakaramdam siya ng selos habang pinapanood niya ang
kanyang kapatid at ang misteryosang babae na natatabingan ng puting maskara.

Gusto niyang kontrolin ang kanyang panaginip ng sa gayon ay tatanggalin niya ang
maskara ng babae. Gusto niyang makita ang mukha nito sa likod ng maskara nito.

Siya si Aaron Reyes, isang piloto at General Manager ng isang kilalang Airline.
Pangalawang anak sa pamilya. Ang totoo hindi naman talaga siya ang dapat na General
Manager ngunit wala siyang magagawa. Ang kanyang kakambal na si Allen ang dapat na
General Manager ngayon. Hindi niya ginusto ang buhay na iyon. Noon pa man ay
pangarap na niya ang maging isang jet fighter at dahil sa kahibangan ng kanyang
kapatid ay na-stuck siya sa apat na sulok ng isang boring na opisina.

Naalala niya ang babaeng nakilala niya kanina. Ngumiti siya ng muling maisip ang
weird na babae na iyon. Marahil ay may gusto iyon sa kanya dahil malabo namang
makita siya nito noong nakaraang gabi dahil nasa piling siya ng isang Magdalena ng
mga panahon na iyon. Bigla siyang nacurious sa babaeng iyon na napag-alaman niyang
si Clarisse Lonzaga isang company nurse sa airline nila. Parang pamilyar ito sa
kanya ngunit dahil sa dami ng mga babaeng nakilala niya ay alam niyang hindi na
niya ito matatandaan.

Ang natatandaan niya ay nag-aayos siya ng mga papeles sa kanyang lamesa ng


makaidlip siya. Hindi niya namalayan na alas tres na pala ng madaling araw ng
magising siya.

Pumunta na lamang siya sa isang counter kung saan nakalagay ang mga wine at brandy.
Kumuha siya ng isang baso at nagsalin ng alak. Unti-unti ay sinimsim niya ang alak
habang iniisip kung bakit ganoon ka-weird ang panaginip niya. Nagdulot ng
kapayapaan sa kanya ang pag-inom ng brandy habang nag-iisip.
Ganun pa din ba kalaki ang galit sa kanya ni Allen hanggang ngayon ay dinadala nito
ang issue na namagitan sa kanila tatlong taon na ang nakakaraan? Iyon ang
katanungang nakabitin sa kanyang isipan. Hindi na nga niya naiisip ang tungkol sa
bagay na iyon. Matagal na itong tapos at pilit na niya itong kinalimutan ngunit
bakit nagbabalik na naman ito?

Napaka makasarili talaga ng kanyang kakambal na si Allen.

to be continued...

####################################
Kabanata 6
####################################

Kabanata 6

Nagising na naman si Clarisse mula sa weird na panaginip. WTH is gong on?! May
Allen na nga may Aaron pa?! Naguguluhang tanong ni Clarisse. Nababaliw na ata siya.
Hindi niya kilala si Allen at mas lalong hindi niya kilala si Aaron na ngayon naman
ay sinasabing siya ang mahal niya.

Bumangon si Clarisse ng kama upang sumandal sa headboard, ginulo-gulo niya ang


kanyang buhok na halos sabunutan na rin niya ang kanyang sarili dahil sa labis na
pagkalito. Natatakot na din siya sa mga nangyayari, para sa kanya hindi na normal
ang mga napapaginipan niya lalo pa't nagtutuloy lang ang kanyang naudlot na
panaginip. Hindi na niya gusto pang isipin kung anuman ang maaaring mangyari sa
susunod niyang panaginip.

Una nariyan si Allen na sinasabing siya ang nararapat niyang pakasalan ngunit
ngayon naman ay may nagpakilala sakanya na Aaron at nagsasabing siya ang mahal
niya. Kailanman sa buhay niya ay wala pa siyang nakikilalang Allen man o isang
Aaron.

Humiga na ulit siya sa kama ngunit alas-tres na rin pala ng madaling araw at alam
niya na hindi na rin siya makakatulog pang muli. She decided to take a bath at
gumayak na rin. Mabuti na rin ang maaga siyang pumasok sa trabaho bago pa siya
masita ng bagong General Manager.

Bandang alas-kwatro na ng lumabas na siya ng kanyang apartment. Pasakay na sana


siya sa kanyang kotse ng mapansin ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng
kanyang gate. Sino naman kaya ang lalaking iyo? Tumatambay lang ba ito? Tanong niya
sa kanyang sarili. Ipinasok muna niya ang kanyang bag sa loob ng kotse at lumapit
sa lalaking nakasandal sa gate niya. Dahil madaling araw pa lamang ay kalat pa ang
dilim sa labas at hindi man lamang matanglawan ng liwanag ng ilaw sa katapat na
poste ang mukha ng lalaki.

"Kuya may kailangan po kayo? Tindero po ba kayo ng dyaryo? ahmmm ng balot? puto?"
bubuksan na niya sana ang gate ngunit naisip niya na baka magnanakaw ito kaya naman
dumistansya siya ng kaunti mula rito.

"Uy kuya?" tawag niyang muli sa lalaki ngunit hindi man lang ito natinag mula sa
kinatatayuan nito.

"Hindi mo ba talaga ko magagawang mahalin Clarisse?" nanlaki ang mga mata ni


Clarisse sa pamilyar na boses na narinig niya. Nanghihintakutan siyang napahawak ng
mahigpit sa gate, tanging rehas lamang ng gate ang distansya nila. Panaginip pa din
ba ito?

"S-sino ka? Humarap ka sa akin." gusto niya itong makita ngunit naroon pa rin ang
takot at agam-agam sa kanya.

"Allen ikaw ba yan? Totoo ka ba talaga?" sinubukan niyang hawakan si Allen upang
mapatunayan sa sarili kung totoo nga ba siya o kathang isip lamang niya ito ngunit
hindi niya nagawa dahil nagsimula na itong maglakad palayo. Iilang metro pa lang
itong nakakalayo ng huminto sa paglalakad.

"Minahal kita Clarisse pero bakit si Aaron pa?" at sa isang kisap mata ay naglaho
na lamang ito na parang bula samantalang siya naman ay napaupo dahil sa pinagsamang
takot, pagkalito at pagkabigla sa nangyari. Alam niya at sigurado siya na hindi ito
panaginip at nakausap niya talaga ito. Nang makabawi ay agad niyang binuksan ang
gate at tumakbo sa kotse niya at pinaharurot ito papuntang airport. Nanginginig ang
mga kamay niya habang nagmamaneho.

Nakarating si Clarisse sa airport na humahangos kailangan niyang makita si Beth


dahil mababaliw na siya kung wala man siyang mapagsabihan nito. Sa pagtakbo niya ay
hindi niya namalayan na may kasalubong pala siya kaya naman nabunggo niya ito

"S-sorry! Sorry! Ikaw?!"

"Oh anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah?" bigla na lamang nawala ang takot niya
at agad napalitan ng inis dahil si GM lang naman ang nabunggo niya. Pakiramdam niya
ay agad na umakyat ang dugo niya sa ulo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya
makalimutan ang kahihiyan na inabot niya rito.

"Bakit ikaw ang aga mo? Masamang pumasok ng maaga?"

"Hindi naman!" tatayo na sana si Clarisse ng pigilan siya ni Aaron.

"Oy samahan mo muna ko, ang dilim pa kaya dito sa office area." maraming tao sa
airport ngunit dahil sa office area siya nadaan ay wala pang halos tao dito. Alas
siyete pa kasi ang bukas ng offices sa airport ngunit bente kwatro oras ang
operasyon.

"Natatakot ka ba? Like hello! Tumambay ka kaya sa mismong airport matao dun."
inirapan na lamang niya ito habang pareho pa din silang nakaupo sa sahig habang
kapwa sapo ang kanilang mga ulo.
"Ayoko nga! Tara sama ko sa clinic niyo." hinigit na lang siya nito bigla patayo,
parang takot na takot ito dahil nanlalamig ang kamay nito.

"GM okay ka lang? Naduduwag ka ba?"

"At sinong duwag ha? Yelohan mo 'tong ulo ko at sumakit!" gusto niyang matawa sa
reaksyon nito. Alam niyang natatakot ito dahil nangangatal pa ang bibig nito habang
nasalita. Nakakita siguro ito ng multo sa opisina kaya naman naduwag.

Nang makarating sa loob ng clinic sumalubong sa kanila si Beth at halos mapatili


ito sa nakita. Sino nga bang hindi magugulat kung kasama niyang papasok sa loob ng
clinic ang General Manager ng airport.

"G-GM? Anong ginagawa nyo dito sa ganitong oras? Saka Clarisse bakit ang aga mo
ata? 7am ang duty mo diba?" halos mabulol na si Beth sa labis na gulat at hindi na
niya kailangan pang hulaan ang susunod na sasabihin ng kaibigan.

"Girl! Pano mo nahigit dito yan? nalaglag panty ko 'te!" bulong sa kanya ni
Maribeth. Tinignan na lamang niya si GM na magkasalubong ang mga kilay. Marahil ay
nagtataka ito kung ano man ang pinagbubulungan nila.

"Ay Beth kuha ka pala ng cold compress."

"Bakit?"

"Nabukulan kasi si GM." pang-aasar na sabi ni Clarisse habang nakatingin sa General


Manager nila.

"Nabukulan ka dyan! Bukulan kaya kita?! Wag na! Makikitulog na lang ako dito."
walang sabi-sabing nahiga ito sa hospital bed.

"Gisingin mo ko pag 7am na ah at hep! wag mo kong rereypin!" natatawa nitong sabi
bago pumikit.

"Hayaan mo Sir ako na lang rereyp sayo!" kinikilig na sabi ni Beth, umiling na
lamang si Aaron at natulog na. Bigla na lamang hinila ni Beth si Clarisse.

"Pigilan mo ang hypothalamus ko Clarisse! rereypin ko talaga yan! Shet napaka gwapo
naman! Tignan mo oh!"

"Baliw ka talaga." tumingin siya sa kasalukuyang natutulog na si Aaron. Lumapit


siya rito at pinagmasdan ang mapupulang mga labi nito. Pamilyar ito sa kanya ngunit
hindi niya ito matandaan.

Sa kabilang dako ay rinig ni Aaron ang pag-uusap ng magkaibigan. Nagkukunwari


lamang siyang tulog upang matahimik na ang maingay na kaibigan ni Clarisse. Balak
na sana niyang sitahin ito dahil sa ingay nito ng maramdaman niya na may tumabi sa
kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil nanunuot sa kanya ang pagtitig ng babae
sa kanya. Hindi na niya kailangan pang dumilat upang siguraduhin kung sino ang nasa
tabi niya. Tanda niya ang amoy ito at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi
na niya napigilan ang sarili niya.
He kissed her.

to be continued....

####################################
Kabanata 7
####################################

Chapter 7

Nanlalaki ang mga mata ni Clarisse ng mapalayo siya kay Aaron at nang makita niya
ang nakakaloko nitong ngiti ay saka pa lamang sumagi sa kanyang isip ang ginawa
nito sa kanya. He kissed her for Pete's Sake! Matagal na niyang hindi naramdaman
ang simpleng physical contact na ganoon.

"Hinalikan ni GM si Clarisse?!! O-M-G!!" tili ni Beth habang lumalabas ito ng


clinic. Mabilis naman siyang nakabawi at hinarap ang..Argh!! Ang manyak na iyon na
kasalukuyang nakabangon na sa kama at nasa mukha nito na pang-aasar na nagsasabing
'nice one'

"Alam ko naman na gusto mo akong halikan eh, dahil likas naman akong maginoo at
mapagbigay naman ako, ako na mismo ang humalik sayo. Nagustuhan mo ba?!" kumindat
pa ito at halatang nag-aasar pa din. Nag-init ang kanyang ulo dahil sa labis nitong
kahambugan.

"Alam mo pagkatapos nitong gagawin ko sayo makakaalis na ko dito sa airport MO!


Napakayabang mo!"

"Bakit ba ang pakipot mo? Simula pa lang naman gusto mo na ko." hindi pa din
nawawala ang ngisi ni Aaron kaya naman nainis na ng husto si Clarisse. Agad niyang
hinawakan kung ano man ang unang bagay na mahahagilap ng kanyang kamay. Nahawakan
ng kamay niya ang isang vase na naka-display sa bedside table. Agad niya itong
iniangat at iniharap sa lalaki.

"Hoy ano yang gagawin mo?! Ako General Manager dito! P-pwede kitang patalsikin!"

"Anong pakialam ng hypothalamus ko?! Lagot ka sakin! Ang kapal ng mukha mo!" unti-
unti siyang lumapit sa lalaki habang patuloy din ito sa pag-atras.

"Magagawa ko ba eh sa ang gwapo ko?! Bakit may nakita ka na bang mas gagwapo pa sa
boss mo?"

"Para sabihin ko sayo pinag-aagawan lang naman ako ng dalawang lalaki." gusto na
lamang niya matawa sa kanyang sinabi. Ang tinitukoy niya ay si Allen at Aaron na
pinag-aagawan siya sa kanyang panaginip. Half-truth naman iyon kaya hindi na
masama.
Nakalapit na siya sa kanya dahil wala na naman mauurungan pa si Aaron dahil
napasandal na ito sa dingding. Bigla na lamang naghina yung electricity at tuluyang
nagdilim ang lahat. Dahil sa takot ay nabitawan ni Clarisse ang vase at napakapit
kay GM.

"@!?%#&" nagulat na lamang siya ng nagmura ng malakas si GM at kung kanina ay siya


lang ang nakakapit ngayon napahawak ito ng mahigpit sa kanyang baywang. Ramdam niya
kung gaano sila kalapit sa isa't-isa

"Ang sakit! Bumagsak sa paa ko yung vase." he hissed. Masyado na siyang nadadala sa
lapit kanilang distansya, nakaramdam na siya ng pagkailang ng maalala na nakakapit
ito sa kanyang baywang. Agad siyang lumayo rito.

"S-sandali hahanapin ko lang yung penlight ko."

"Dumudugo ata yung paa ko. Ang sakit!! Bakit mo naman kasi binitawan." bigla na
lamang siya nitong hinaklit sa kanyang braso na naging dahilan upang mapayakap siya
rito.

"Oy chansing na ata yan boss."

"Baliw. Di ako makalakad. Alalayan mo ko." kapwa sila nangangapa sa dilim ng


paupuin niya ito sa kama.

"Kailangan ko ng magsindi ng kandila para magamot ko yang sugat mo." aalis na sana
siya upang maghanap ng gamot ng marinig niya ang pagbukas ng pinto kasabay nito ang
pagliwanag ng kapaligiran.

"Grabe! Ang gagwapo talaga ng mga flight attendant dito damay mo na ikaw Boss!"
ganoon na lamang ang pagtataka ni Clarisse ng masaya pa si Beth na pumasok sa loob
ng clinic.

"Nag black out diba?"

"Asa ka naman mag black out dito. Airport 'to teh."

Nanlaki ang mga mata niya ng maisip na may punto nga naman si Beth. Sa ganito
kahalagang operasyon imposibleng mag black out na lamang bigla at kung mangyari man
ay mabilis na bubuksan ang generator dahil kung mawawalan ng kuryente ng matagal ay
hindi gagana ang radar at monitor na nagsisilbing guide ng mga piloto sa tuwing
umaalis sila. Napakaliit nga naman ng tiyansa na mawalan ng kuryente sa isang
airport.

Nagkatinginan na lamang sila ni Aaron na kapwa nagtataka.


to be continued...
####################################
Kabanata 8
####################################

Kabanata 8

Kasalukuyang ginagamot ni Clarisse ang nasugatang paa ni General Manager na walang


lubay sa paninisi kung bakit nasugatan ito. Habang ginagamot niya ito ay wala din
lubay ang pagrereklamo nito na animo ayaw nahahawakan ng kung sino ang katawan
nito.

"Kasalanan mo 'to eh! Pag ako talaga di nakalakad malalagot ka sakin. Ikaw magiging
paa ko tandaan mo yan." angil ni General Manager kaya naman diniinan na niya ang
paglalagay ng betadine sa sugat nito. Kasalanan din nito kung bakit niya nagawa
iyon magpasalamat na lamang ito na hindi niya naipukpok rito ang vase.

"Alam mo ang bading mo din. Sa paa lang yang sugat mo malayo sa bituka!"

"Eh pano na yung babae kong iuuwi sa pad mamayang gabi? Edi hindi ako nakakilos ng
maayos habang nagsesex kami!" umiling na lamang siya.

"Kung makapagsalita ka naman akala mo katapusan na ng sex life mo. Umayos ka nga o
gusto mo maimpeksyon 'tong sugat mo?!" itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon
bago pa tuluyang mainis na naman siya sa lalaking ito.

"Ouch! Dahan dahanin mo naman. Peste di pa kaya bukas yung opisina?"

"Malamang hindi pa mag 6am pa lang kaya. Ang duwag mo naman." komento ni Clarisse.

Ang totoo ay pati siya ay duwag. Natatakot pa din talaga siya sa kanyang nakita
kanina. Napaparanoid na siguro siya para isiping may isang tao o multo na nakamasid
lang sa kanya, natatakot na siya kay Allen na hindi naman niya alam kung ano ba ang
gusto nitong iparating. Sino ba talaga siya? Kung dati sa panaginip lang niya ito
nakikita ngayon naman ay maski sa realidad na. Para bang sa bawat paggalaw niya ay
nandoon lamang sa isang sulok si Allen at nagmamasid.

Masyado nga lang ba niyang ginagamit ang kanyang imahinasyon o sadyang may mga
bagay na hindi kayang ipaliwanag ng iba?

"Makapag day off na nga lang para naman marelax ako. Lately kung anu-ano na yung
nakikita ko eh maski yung kapatid kong matagal ng patay nakikita ko pa. Tangnang
yun! Di pa manahimik sa kung san man syang lugar napunta." hindi malaman ni
Clarisse kung siya ba ang kinakausap ni Aaron o ang sarili nito.

Nang matapos ay naghugas siya ng kamay at tumabi dito. Mukhang malalim ang iniisip
ng mokong na'to ah?! Sabi niya sa sarili. Ngayon lamang niya napansin ang mukha
nito dahil puro kayabangan lamang nito ang kanyang napapansin. Napaka gwapo nito.
"Patay na nga yang kapatid mo minumura mo pa. Kawawa naman yung patay." komento na
lamang niya.

"Dapat lang sa kanya yon no." napalingon siya rito. Sa isang iglap ay naging close
na lamang sila bigla dahil nagkkwento ito tungkol sa nakaraan nito ngunit hindi
naman siya nagtatanong.

"Alam mo ba yung Casa de Rojo? somewhere in Bulacan?" biglang tanong nito sa kanya
na wala naman sa topic nila kanina.

"Oo naman. Taga Bulacan ako." saad ni Clarisse. Doon siya lumaki kasama ang lolo at
lola niya. Bata pa lamang siya ng mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang
aksidente.

"Oh talaga?!! Taga doon din ang parents ko. Yung Casa de Rojo yun yung ancestral
house namin. San ka sa Bulacan?" pagtatanong nito na kikitaan mo ng excitement
matapos malaman na magkamukha sila ng probinsya.

"Taga Malolos ako eh. Kayo ba?" mas mabuti na din pala ang nag-uusap sila ng ganito
ng General Manager kaysa palagi silang nag-aaway at nag-iinisan.

"San Ildefonso. Pero alam mo yung Casa de Rojo?"

"Oo naman. Sikat yun eh bilang Bahay na Pula pero how come na naging haunted house
na yun eh ancestral house nyo pala? Madami ba talagang multo sa masyon na yon?"
pagtatanong niya rito na puno ng kuryosidad.

Bigla na lamang itong nanahimik. Na-offend niya ba ito? Hindi kaya sabi-sabi lamang
iyon ng mga matatanda upang takutin ang maga bata besides wala pa naman talagang
napupunta doon dahil isa iyong private property.

"Naku GM pasensya na kalimutan mo na lang yung tanong ko. Haha. Alam mo na may
kalumaan na kasi yun mga kwentong tsismis lang ng matatanda." tumawa na lamang siya
ng pagak.

"OO madaming multo dun. Multo ng nakaraan." muli ay napalingon siya rito at
makikita mo sa mukha nito na may malalim itong iniisip, animo sariwa pa rito ang
mga pahayag.

"M-multo ng nakaraan?" nalilito niyang tanong.

"Ah! Wala! Ang dami ko ng nasasabi sayo. Makaalis na nga mag 6:30 na din pala ng
umaga. Sige! Salamat sa tulong Ms. Clarisse." tumayo na ito at lumakad paika-ika
palabas ng clinic.

Tumayo na din siya para sana tulungan itong maglakad ngunit ng nasa pinto na ito ay
bigla itong lumingon paharap sa kanya. May bahid ng hinanakit at sakit ang
nababanaag niya sa mga mata ni GM. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman niya
ngunit parang naninikip ang dibdib niya sa paghihirap na nararanasan nito ngayon.
May mali ba sa mga nasabi niya? Bakit bigla na lang nag-iba ang pakikitungo nito?
"Alam mo naalala ko sayo yung babaeng laging nakkwento ng kapatid ko. Sa mga kwento
nyang iyon kaya minahal ko ang babaeng iyon kahit hindi ko pa ito nasisilayan. Sige
wag mo na lang ako pansinin. Bye." tumalikod na ito at naglakad ng nakapamulsa kung
sa ibang sitwasyon ay matatawa pa siya dahil sa pag-ika nito ngunit hindi.

to be continued...
####################################
Kabanata 9
####################################

Kabanata 9

Ilang gabi na din ang nakakalipas at hindi na napapaginipan ni Clarisse si Allen,


pinili na niya ang morning shift para naman hindi siya inaabot ng hating gabi sa
pagtulog ang problema nga lang ay si GM ay nawiwili na sa pagtambay sa loob ng
clinic. Lagi na lamang itong nakikitulog sa clinic, hindi lang niya alam kung
tinatamad lang ba itong magtrabaho o hindi.

Mag-isa lamang siya sa clinic kasama si GM na nakatambay na naman upang asarin na


naman siya.

"Lakasan mo nga yung aircon." utos sa kanya ni Aaron.

"Alam mo Sir bakit di ka na lang bumalik sa opisina mo? Baka hinahanap ka na ng


sekretarya mo."

"Eh ayoko nga kasi sabi dun. Ang boring dun!" inayos pa ni GM ang pagkakahiga nito
kaya naman nainis siya.

"Kung mag-ikot ka na lang kaya sa airport. Madaming stewardess dyan na magaganda't


sexy dun ka na lang." hindi naman sa pinapaalis niya ito ngunit gusto lamang niya
na naaasar ito.

"Wag mo kasi kong pansinin dito. Lagot ka sakin pag nawala antok ko." balak na
sana niya itong batukan ngunit nagtakip lang ito ng unan.

"Diinan ko kaya yang unan sa mukha mo tignan ko lang kung magising ka pa." bulong
niya sa kanyang sarili at naupo na lamang sa tabi nito.

Nagulat si Clarisse ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang lola.
Tumatawag lamang ito pag may kailangan o kaya naman ay maisipan mangamusta. May
nangyari kaya?

"Hello lola? Napatawag ka?"


"APOOOOO!!" halos mabasag ata ang kanyang tenga sa pagsigaw ng kanyang lola.
Nakalimutan nga pala niyang bingi ang kanyang lola kaya naman lagi itong nakasigaw.

"Bakit po lola?' tanong niya sa kanyang lola.

"Aba'y hindi ka man lang ba uuwi dito sa probinsya? Dyan ka na ba titira at hindi
ka na nadalaw dito."

"Susubukan ko po by next week lola."

"Dapat lang hija! Aba'y gusto mo bang magtampo sayo ang nobyo mo ha?" natahimik
siya sa sinabi nito. Ngayon lang niya naalala na malapit na nga pala ang araw na
iyon. Muntikan na niyang hindi maalala ito dahil sa pagka-distract kay Allen.

Naramdaman na naman niya ang kirot sa kanyang puso. Akala niya ay nakalimot na siya
ngunit hindi pa din talaga. Parang isang bangungot ang lahat na iyon. Kahit tatlong
taon na ang nakakaraan hindi pa din niya magawang mag move on.

"Hija andyan ka pa ba?" singit ng lola niya na siyang nagpabalik sa kanya ng


realidad.

"Sige ho. Uuwi ako next week lola." sabi niya sa kanyang lola sa matamlay na boses.

Hindi na niya nais pang bumalik sa lugar na iyon na siyang naging dahilan kung
bakit nagbago ang buhay niya. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa taong dahilan
kung bakit namatay ang ang pinakamamahal niyang lalaki. Kung gusto man ng taong
iyon ang mamatay ay sana ay hindi na idinamay pa ang iba. Sana ito na lamang mag-
isa ang namatay! Bakit kailangan pang may madamay?! Bakit hindi na lang din siya
ang namatay?!

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya, hindi niya mapigilan ang maiyak sa
tuwing naaalala ang araw na iyon. Ang araw na nasira ang langa ng plano niya. Ang
lahat ng pangarap na binuo nila ng sabay.

Napaangat ang mukha niya ng maramdaman ang kamay na tumatapik sa balikat niya. Si
General Manager ang nagcocomfort sa kanya sa ganitong sitwasyon. Inabot niya ang
panyo na ibinigay nito sa kanya at pinunasan ang mga luha niya na walang hinto sa
pag-alpas.

"May bad news ba?" kung sa ibang pagkatataon ay magtataka si Clarisse sa


kaseryosohan ng composure nito pero alam naman nito siguro kung kailan pwedeng
mang-asar at magseryoso.

"Ah wala naman tumawag lang lola ko." sabi ni Clarisse habang nakatungo yung ulo
niya habang ito naman ay pilit na inihaharap ang mukha nito sa kanya.

"Gusto mo bang mag-leave? Umuwi ka muna sa inyo baka nagka emergency o ano pa man
dun." sincere na suhestiyon ni GM sa kanya. Tumayo na si Clarisse at pumasok sa
loob ngunit nakasunod pa din ito sa kanya. Naupo na lamang siya sa kama at
bumuntong hininga.
"Uuwi ako next week sa Bulacan." naramdaman na naman niya ang kakaibang pakiramdam
sa tuwing nakakausap niya si Aaron. Komportable.

Sa kabilang dako ay nasisiyahan si Aaron sa tuwing mag-stay sa loob ng clinic,


malamig na kasi ay maganda pa ang nurse kahit na madalas pa siya nitong sungitan at
tarayan. Masyado kasing boring sa loob ng kanyang opisina at kasama pa niya ang
matandang dalaga niyang sekretarya. Mas gugustuhin na lamang niya ang tumalon sa
building buti na lamang ay nakahanap siya ng maayos na tatambayan.

Maganda si Clarisse at sexy pa. Hindi naman iyon ang habol niya kung bakit lagi
niyang ginugulo ito. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito kahit pa
madalas silang magbangayan ay nauuwi pa din sa tawanan o kaya naman ay sa seryosong
usapan lalo na tungkol sa kanilang pamilya. Di nga ba't nakwento pa niya rito ang
tungkol kay Allen.

Kasalukuyan na naman siyang nasa clinic upang tumambay. Mas gusto niya ritong
natutulog dahil hindi niya madalas mapaginipan ang kanyang kakambal na si Allen.

Kanina lamang ay nag-abala pang tumawag ang kanyang ina upang pauwiin siya ng
Bulacan, kamatayan ng kanyang magaling na kakambal. Nais ng kanyang ina na maging
kumpleto sila sa araw na iyon. Kung siya lang din naman ang tatanungin ay hindi
niya gugustuhin ang pumunta sa death anniversary nito. Kung pwede lang sana niyang
i-double dead ang kakambal ay gagawin niya.

Si Allen pa din ang sinisisi niya kung bakit nasa ganoon siyang posisyon. Kung
hindi dahil sa kahibangan nito ay hindi madadamay ang marami. Ang kakambal na ata
niya ang pinaka makasariling tao na nakilala niya. Hanggang sa kamatayan nito ay
naging makasarili pa din ito.

Nawala siya sa isiping iyon ng marinig na animo ay may umiiyak sa labas. Naalala
niyang lumabas nga pala siya ng clinic. Agad siyang bumangon at lumabas ng clinic,
naabutan niya si Clarisse na umiiyak. Nakaramdam siya ng urge na lapitan ito at
aluin. May parte ng pagkatao na nagsasabi na kailangan siya ngayon ni Clarisse.
Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.

Bigla na lamang tumibok ang kanyang puso, kailan nga ba niya huling naramdaman ito?

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng magkasalubong ang mga mata nila ni
Clarisse na punong puno ng hinanakit. Ngayon lang niya napagmasdan ng mabuti ang
mga mata nito.

Ang mga matang iyon. Hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon.

to be continued..
####################################
Kabanata 10
####################################
Kabanata 10

Alam ni Clarisse na nakita na niya ang mga matang iyon noon pa man ngunit hindi
lamang niya maalala kung kanino at kung saan niya ito nakita. Matapos ng ilang
minuto nilang pagtitigan ay kabod na lamang umalis si Gm sa clinic animo ito takot
na takot. Hindi niya maintindihan at at naguguluhan ko siya kung bakit ganoon na
lamang ang ikinilos ng binata.

Napagpasyahan na lamang niya na pumasok muli sa loob ng clinic at naupo sa kanyang


table. Inilabas niya mula sa drawer ang kaisa-isang ala-ala ng kanyang
pinakamamahal na lalaki. Malungkot na ngumiti si Clarisse habang pinagmamasdan ang
larawan nito. Niyakap niya ng mahigpit ang larawan na akala mo ito mismo ang
kayakap niya. Nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Kailanman ay hindi
matutumbasan ng panahon ang sakit na nadarama niya.

"Sana mayakap kita ulit. Kahit isang beses lang" bulong niya sa kanyang sarili
habang pinipigilan ang pag-alpas ng kanyang mga hikbi. Isang gabi ay masaya silangh
dalawa ngunit bakit isang araw nagising na lamang siya na wala na ito. Habang
buhay.

Dalawang na ang nakaraan at gusto mang itanggi ni Clarisse ay namimiss niya ang
presence ng kanyang makulit na boss, hindi na kasi ito madalas dumaan sa clinic
upang makitulog lamang. Naisip niya na maaaring busy na ito sa trabaho. Marunong
din naman palang magseryoso ang taong iyon lalo na't mukha naman itong matalino.
Namamanghang sabi ni Clarisse sa kanyang isipan. Balik na naman siya sa kanyang
routine bilang isang company nurse.

"Hep! San ka pupunta Claire?" matagal na niyang hindi naririnig ang nickname na
iyon at ang huling taong nagsabi niyon ay ang huling lalaki din na nagpatibok ng
kanyang puso. Humarap siya kay Beth at humalukipkip.

"Ikaw lang pwede maglibot? Dito ka muna ha. Nababato na talaga ko eh. Kailangan ko
ng sariwang hangin." pataray niyang sabi kay Beth.

"Sige. Kailangan mo din sigurong maghanap ng gwapo sa labas para marelax ka kasi
ang weird mo eh." natawa na lamang siya sa sinabi ni Beth. Gusto lang naman niya
ang maglakad-lakad sa mismong airport dahil totoo naman talaga na nababato na siya
sa loob ng clinic. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Maynila ngunit tanging
clinic-airport pa lamang ang napupuntahan niya.

Maingay sa pinaka sentro ng airport. Tama nga ang kanyang kaibigan na maraming
gwapong steward na palakad-lakad sa airport, hindi naman kasi siya mahilig
maglalabas ng kanyang lungga. Mga naglalakad at nagchichismisan lang naman ang mga
stewadess na kanyang nakakasalubong. Nasaksihan din niya ang mga pamilyang
nalulungkot dahil mawawalay na sa mga ito ang isang miyembro ng kanilang pamilya.
Huminga na lamang si Clarisse ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad lakad. Masarap
din pala sa pakiramdam ang pag-obserba sa paligid. Iyon ang naiisip ni Clarisse ng
mga oras na iyon.
Habang naglalakad lakad ako ay nagulat na lang ako ng may mga bumunggo saking
security guards na mga tumatakbo. Ano kayang nangyayari? Bakit sila tumatakbo?

Napalingon ako sa paligid ko at nagsimula na ding magkumpulan yung mga tao sa iang
direksyon.

Habang naglalakad lakad ay nabunggo siya ng mga security guards na mga humahangos
sa pagtatakbo. Dahil sa kuryosidad kung ano ang nangyayari ay pumunta siya kung
saan nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa isiang direksyon.

"May hostage taking daw dun sa departure area!!" sigaw ng isang pasahero.

"Tara puntahan natin! Yung may ari daw ng airport makikipag-negotiate." sabi ng isa
pa.

"Tara!" dala ng kuryosidad kaya naman sinundan na lang niya kung saan patungo ang
mga tao. Nakisingit si Clarisse sa mga tao upang makita ng malapitan ang mga
pangyayari at napatutop na lang siya bibig ng makita si GM na nakikipag negosasyon
sa isang hostage taker.

Sali't-salitan ang pagtutok ng baril ng hostage taker kay GM at sa biktima. Bigla


na lang siyang nakaramdam ng takot para kay GM. Hindi niya malaman ngunit sa puso
niya ay may takot siyang nararamdaman kung mapapahamak si GM

"Kung ano man ang problema mo pwede naman natin 'tong pag-usapan. Wag kang mandamay
ng inosenteng tao." panunuyo ni GM sa hostage taker. Lahat ng tao na nakapaligid ay
kapwa pigil ang mga hininga dahil sa isang kalabit lang ng baril ay maaaring si GM
o ang biktima ang malagay sa panaginip. Maaaring silang lahat.

"Tangina kasi eh!! Hindi naaprubahan yung visa ko kaya ako lang ang maiiwan dito sa
Pilipinas. Pano naman ako?!! Panigurado pababayaan na ko dito ng asawa ko!!" sigaw
ng hostage taker.

Nakikita niya kay GM kung gaano nito gustong iligtas ang biktima mula sa sarili
nitong asawa hindi pa rin maitatago ang takot nito kahit napaka seryoso ng mukha
nito. Alam niya ang nararamdaman nito. Bilang nurse gusto niyang makapagligtas ng
buhay at hindi makasaksi kung paano bawian ng buhay ang isang tao.

Halos mapatili ang lahat ng itutok naman ng hostage taker ang baril kay GM,
humakbang si Clarisse ng isa dahil sa takot para sa kaligtasan ni GM. Walang magawa
ang mga pulis dahil armado ang hostage taker at maaaring may mga sibilyan na
madamay kaya naman nakikimasid at nakikiramdam lang din ang mga ito sa maaaring
kahantungan ng negosasyon.

"Tulungan ninyo ko." iyak ng babaeng biktima nito.

"Ano bang gusto mong mangyari?!" medyo tumaas na ang boses ni GM dahil na rin
marahil sa frustration. Gago ba siya? Baka mamaya lalong ang uminit ulo ng hostage
taker at bigla na lamang magpaputok. Naiinis na sabi niya sa kanyang sarili.
"Ang gusto ko lang hayaan niyo kong makasakay sa eroplano at masama sa pamilya
ko!!" tinuro niya ang pamilya niya na nagmamakaawa na din na sumuko ito.

"Pero hindi maaari yan! Pwede pa naman nating ayusin ang mga papeles mo. Maghintay
ka lang." sabi ni GM.

"Kelan pa ha?!! Kelan pa yun!!!" mukhang wala na sa katinuan ang hostage taker.
Nakita niyang kakalabitin na niya ang baril kaya naman napatakbo siya sa harapan ni
GM upang iharang ang sarili niya. Nababaliw na siya upang gawin iyon ngunit hindi
niya kayang makita na mabaril ito.

Napipikon na talaga si Aaron sa hostage taker na nanggugulo sa kanyang aiport.


Kanina pa niya ito pinapakiusapan. Hindi naman siya sanay sa mga ganitong
negosasyon. Tahimik na lamang siyang napapamura naiinis siya dahil hindi naman siya
taga U.S Embassy upang kausapin pa ng hostage taker ngunit dahil siya ang General
Manager ay siya ang may responsibilidad sa lahat.

Nakita niya sa kanyang peripheral vision si Clarisse. Isa pa iyon na nakapagdagdag


sa kanyang frustration nadidistract siya sa tuwing nakikita ang mga mata nito.
Hindi niya mapigilan mapatingin sa direksyon nito. Bakas ang takot at pag-aalala sa
maganda nitong mukha. Sa kanya ba ito nag-aalala?

Nawawalan na siya ng pasensya sa negosasyon na iyon, mukhang santong paspasan na


ata ang kailangan para doon. Ihahakbang pa lang niya sana ang kanyang mga paa ng
itinutok ng hostage taker ang baril nito sa kanya. Saglit na huminto ang kanyang
paghinga sa takot at mas parang tumigil ang mundo sa bilis ng pangyayari. Isang
malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa airport at ang malalakas na hiyaw ng
mga tao sa paligid ngunit mas lalo nabigla si Aaron sa babaeng humarang sa kanya
upang saluhin ang bala na para sa kanya.

Ilang segundo siyang natulala ngunit nasalo niya ang babae. Napaupo silang dalawa
at napasandal ito siya sa kanyang dibdib. Nakita niya ang kanyang kamay na puno ng
dugo lalo na ang malayang dugo na umaagosa sa balikat nito. Noon lamang siya
natauhan.

"Clarisse?!!"

"Gago ka. A-ambulansya." mababakas ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pag-
ngiwi nito.

"Tulungan niyo ko! Dali!" mabilis na tumayo si Aaron at kinarga ang dalaga, lumakad
takbo siya papunta sa ambulansya. Pinagpapawisan na si Clarisse ng malamig dahil sa
sakit na nararamdaman.

"Baliw ka na ba?!! Anong akala mo sa sarili mo ikaw si Darna?!!" hindi naman siya
nagagalit ngunit ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganoong kaba. Ngayon lang ulit
siya nag-alala para sa isang babae. Damn! Hindi niya alam kung anong emosyon ang
binuhay nito sa puso niya na matagal na niyang ng kinalimutan.

Hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit.


"Masakit." napapikit si Clarisse ng mariin at pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi kita iiwan." unti-unti ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata matapos ang
mga katagang binitawan niya.

Habang nakapikit si Clarisse ay sari-saring ala-ala ang bumabalik sa kanya.


Nakaramdam siya ng dejavu. Ang kaibahan nga lang ay walang tao ang may hawak ng
kamay niya nung mga panahong nasa pain ako.

Madilim. Nasa biyahe sila. Masayang nag-uusap. Sweet kisses. Holding hands.

"Excited ka na ba para sa kasal natin mahal ko?" masuyo nitong hinalikan ang kamay
niya.

"Oo naman no'. Ang tagal nating hinintay 'to." sabi ni Clarisse at nginitian ang
lalaking nasa tabi niya.

"Mahal na mahal kita Claire."

"Mahal na mahal din kita."

Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanila.

Isang panaginip. Isang masamang panaginip.

Gising na siya ngunit ayaw pa ding dumilat ng mga kanyang mga mata. Parang
napakabigat nito.Naririnig niya na maingay sa paligid niya, may isang lalaki na
nasa tabi niya at kinakausap siya.

"Please, wake up. Okay na ang lahat." sabi ng pamilyar na boses.

Kahit na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata ay pilit pa din siyang dumilat.
Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong kay Clarisse. Hindi katulad ng liwanag sa
panaginip niya.

"Russel." ang nasambit na lamang niya sa lalaking na nasa tabi niya.


to be continued...
####################################
Kabanata 11
####################################

Kabanata 11

Madilim ang paligid. Kumukulog at walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Akala mo nanonood ng isang teleserye si Clarisse habang pinapanood ang isang babae
na nakahandusay sa kalsada habang umiiyak na lamang sa sakit na nararamdaman, pilit
niyang kinakapa ang katabi niyang lalaki na duguan at nakahandusay sa tabi niya.
Gusto niya lumapit at tumulong ngunit akala mo napako ang mga paa niya sa kanyang
kinatatayuan.

Naroon nga lang ba siya para panoorin ang mga ito? Habang unti-unti silang
nawawalan ng buhay?

"Don't leave me! Don't leave me hon!" sigaw ng babae habang pinipilit kapain ang
katabi nitong lalaki pero sa tingin niya ay unti-unti ng nawawalan ng ulirat ang
babae hanggang tunog na lamang ng malakas na kulog ang maririnig sa paligid.

Doon pa lamang naikilos ni Clarisse ang kanyang mga paa kaya naman agad niyang
dinaluhan ang babae babae at hinarap ito sa kanya at napasigaw na lamang siya sa
nakita. Agad niyang nabitiwan ang babae.

Siya mismo ang babae na nakahandusay sa kalsada. Duguan at walang malay.

Nagising si Clarisse na pawis na pawis. Ngunit isang pamilyar na silid ang nakita
niya sa kanyang paligid.

Nasa isang hospital siya at nagulat ng makita si Aaron sa tabi niya at ang isang
matandang babae ngunit makikita mo pa din ang kagandahan sa mukha nito, bakas sa
mga mukha nila ang pag-aalala. Uupo sana siya ngunit pinigilan siya ng mga ito
bahagya niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang braso. Nakasuot pala siya ng arm
brace.

"Wag ka munang gumalaw hija." pag alalay sa kanya ng magandang babae habang umuupo
siya.

"Sino po kayo?" magalang na tanong ni Clarisse.

"Ako nga pala ang mama nitong si Aaron." biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso
pagkarinig sa pangalan na iyon. Aaron?! Ang lalaking ilang gabi na ding gumugulo sa
kanya. Aaron din pala ang pangalan ni GM? Hindi kaya coincidence lang? Hinawakan ko
niya ang kanyang sintido dahil bigla na lamang kumirot ito.

"Masakit ba ang ulo mo hija? Ilang araw ka din kasing tulog. Aaron tawagin mo yung
nurse dali." malumanay na sabi ng babae kay GM.

"Okay ka lang ba ha? Naku! Salamat talaga sa pagsagip sa buhay ng anak ko hija.
Napahamak ka pa tuloy." hinawi ng babae ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.

"Ayos lang po yun Ma'am. Wala naman po kayong dapat na ikabahala." tinignan niya
ang mukha ng babae. Nasa late 50's na ito at makikita mo pa din ang kagandahan
nito. Bakas ang pag-aalala at ang guilt sa magandang mukha nito.

"Pero nanganib pa din ang buhay mo. Tawagin mo na lang akong Tita Rowena. I'm
Aaron's mother." pinisil ng matanda ang pisngi ni Clarisse at ngumiti. Bigla na
lamang nakaramdam ng lungkot si Clarisse dahil namiss niya ang kanyang sariling
ina.

"Ang ganda ganda mo naman hija."

"Naku. Hindi naman ho. Ako nga po pala si Clarisse. Nakakahiya naman kayo pa nag-
aasikaso sa akin."

"Nalaman kasi namin na mag-isa ka lang pala dito sa Manila at nasa probinsya ang
pamilya mo. Ako na lang muna ang mag aalaga sayo tutal naman malaki ang utang na
loob namin sayo." masigla nitong sabi.

"Pero nakakahiya po kasi."

"Ano ka ba! Kami nga dapat mahiya sayo. Naka-leave ka na sa trabaho at pag
nakalabas ka na doon ka muna tutuloy sa mansion namin sa Bulacan. Watcha think
hija?" Bagets kumilos at manalita ang ina ni Aaron kaya naman hindi niya napigilan
ang mapangiti. Natigil sila sa pag-uusap ni Rowena ng dumating na si GM at ang
doctor. Agad sinag nilapitan ng doctor at tinignan ang natamo niyang sugat.

"Mukang okay ka naman Clarisse. Inumin mo na lang sa tamang oras yung irereseta
kong gamot. Inumin mo iyon para sa kirot. Sige aayusin ko na yung chart mo para
makalabas ka na. Magpahinga ka ng husto ha? Bumalik ka na lang para sa follow up
check-up."

"Samin ka muna tutuloy Clarisse para maasikaso ka ng husto." maawtoridad na sabi ni


GM. Hindi siya sanay na tawagin itong Aaron. Naaalala lang kasi niya ang kanyang
bangungot kasama si Allen at si Aaron na ilang gabi na gumugulo sa isip niya.

"Okay lang Sir, kaya ko naman po sarili ko."

"Ano ka ba naman hija. Pagbigyan mo naman na kami. Sige na ha? Paglabas mo dun ka
tutuloy sa mansion namin sa Bulacan ha? Taga roon ka din naman diba? Edi pag naalis
na yang arm brace mo pwede kang umuwi sa inyo?" suggest ng mama ni GM. Huminga na
lang siya ng malalim at tumango. Eh may magagawa pa ba siya?

to be continued...
####################################
Kabanata 12
####################################
Kabanata 12

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo Clarisse?" tanong ni Rowena kay Clarisse habang
titulungan niya itong mag-impake ng mga damit na gagamitin nito sa pagbabakasyon sa
ancestral house.

"Opo. Tawagin niyo na lang po akong Claire kayo talaga." nginitian lamang ang
matanda at tumayo na upang tulungan siyang dalhin ang kanyang bag.

Ilang araw din nanatili si Clarisse sa loob ng hospital at nagpasya na rin siyang
tanggapin ang inaalok na bakasyon ng mama ni GM o mas mabuting tawagin niyang
Aaron. Iyon na rin daw ang paraan upang makabayad ang mga ito ng utang na loob sa
kanya at maalagaan na din siya kahit na kaya ko naman niyang alagaan ang sarili.
Opurtunidad na din siguro iyong maituturing para makapagrelax dahil ilang linggo na
din naman siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa takot kay Allen, ilang araw
na din na paulit-ulit niyang napapaginipan ang bangungot na nangyari sa kanya
tatlong taon na ang nakalilipas at ang masama lagi pa niyang nakikita si Allen sa
panaginip na iyon. Nakatayo lamang ito at pinapanood siya.

Napailing na lamang siya at bumuntong hininga. Siguro naman makakapag relax siyang
mabuti doon sa probinsya. Ang sabi naman nila Aaron maaari daw siyang umuwi sa lola
niya kahit anong oras ngunit mas mabuti na nga siguro ang maiba naman ang
kapaligiran niya para naman hindi siya nalulungkot palagi o nag-iisip ng mga weird
na bagay.

"Let's go Claire." iginiya siya ni Rowena palabas ng kanyang hospital room at


sumakay sa wheelchair upang ihatid sa parking area kung saan naghihintay si Aaron.
Hindi na sila madalas mag-asaran ni Aaron lalo pagkatapos ng aksidente. Naalala
niya na hindi siya nito pinapansin noong mga nakaraan at hindi pa rin niya ito
natatanong tungkol doon, ni hindi naman sila nakakapag-usap ng matagal sa ngayon.
Hindi niya alam kung umiiwas ba talaga ito o wala lang talagang panahon para
makapag-usap sila?

Sumakay na siya sa backseat at naupo naman si Rowena sa tabi ng anak. Nakalagpas na


sila ng NLEX ngunit balot pa din ng katahimikan ang buong paligid. Walang
nagsasalita ni isa sa kanila, minsan nama'y tatanungin siya ni Rowena kung
nagugutom siya o hindi pero pagkatapos noon ay balik na naman sa nakakabinging
katahimikan. Isinandal na lamang ni Clarisse ang kanyang ulo sa bintana at tinignan
ang magagandang tanawin na nakikita niya.

Ilang sandali pa ay naging pamilyar na sa kanya ang daan na binabagtas ng kanilang


sasakyan. Makakalimutan ba naman niya ang daan na 'yon? Muli na namang binalot ng
kalungkutan ang puso niya. Naalala na naman niya ang trahedyang iyon. Pumikit ng
mariin si Clarisse at huminga ng malalim sa pagdilat niya ay ang hindi mabasang mga
mata ni Aaron ang sumalubong sa kanya mula sa rearview mirror. Bahagya siyang
nakaramdan ng deja vu. Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang balahibo sa batok at
dahil doon ay agad niyang iniiwas ang mga mata niya sa nakakalusaw na mga titig ni
Aaron.

Sa kabuuan ng biyahe ay madalas mahuli ni Clarisse si Aaron na nakatingin sa kanya


mula sa rearview mirror na nagiging dahilan ng pagka-ilang niya. Kakaiba kung
tumingin ito. Pakiramdam niya ay nanunuot sa kaibuturan niya ang mga titig nito.

"Nandito na tayo! Welcome to our Ancestral House Clarisse." sumilip siya mula sa
bintana at nakaramdam siya ng kilabot ng makita ang mansion na sumalubong sa
kanila. Hindi mo makakaila na may tinatagong misteryo ang bahay na ito. Animo
pinaliliguan ng dugo ang bahay dahil sa kulay pula nitong pintura. Luma na ang
bahay at maraming baging na nakapaligid sa haligi nito ngunit hindi maitatago ang
klasikal na ganda nito.

Bumaba ng kotse si Clarisse upang mapagmasdan pa ang kabuuan ng bahay. Natatakot


siya. Bahay ba talaga 'to? Talaga bang dito pa sila tumitira? Namamanghang tanong
ni Clarisse habang pinagmamasdan ang mansion. Bakas talaga sa mansion na ito ang
katandaan at ang mga pagsubok na naranasan nito sa paglipas ng panahon.

"Nagustuhan mo ba Clarisse? Halina at pumasok na tayo." hinawakan ni Rowena ang


kamay ng dalaga ngunit napabitaw rin ito agad dahil na rin siguro sa panlalamig ng
mga kamay ni Clarisse. Napalunok si Clarisse sa isipin na dito siya titira ng ilang
araw. Kailan pa ba siya naging duwag?

"May problema ba hija?" masuyong tanong ni Rowena sa kanya at dahil sa nahihiya


siya sa pinakita niyang reaksyon ay ngumiti na lamang siya at umiling.

"Kung ganoon ay pumasok na tayo. Ipinarada lang ni Aaron ang kotse sa garahe. Tara
na." inakbayan siya ni Rowena papasok sa bahay.

Nahigit ni Clarisse ang kanyang hininga pagkapasok sa bahay. Kakaiba ito kumpara sa
labas ng bahay na nakakatakot. Napaka elegante ng kabuuan ng bahay at makikita mo
ang pagiging moderno nito. Ang sala ay animo isang bulwagan sa luwang at makikita
mo ang napakagandang grand staircase na nababalutan ng gintong barandilya at ang
nakalatag na red carpert. Mayroon ding malaking chandelier sa itaas ng bahay na
puro malilit na crystal. Bigla na lamang napawi ang kanyang takot sa kagandahang
nakikita niya ngayon. Ibang iba talaga ang loob ng bahay kaysa sa nakakatakot na
aura ng mansion sa labas.

"Hija, iiwan muna kita dito ha? Titignan ko lang yung silid na tutuluyan mo. Feel
at home." tumango lamang siya at nilibot na ang sarili sa malaking bulwagan. Parang
pamilyar sa kanya ang lugar ngunit alam niya na hindi pa siya nakakapasok doon
kahit kailan.

Nakita ko niya ang isang grand piano at nilapitan iyon. Halata na ang kalumaan nito
at mukhang hindi din naman nagagamit. Binuksan ni Clarisse ang takip nito at
sinimulang pindutin ang mga key. Wala na sa tono ang piano ngunit naupo pa rin siya
sa tapat nito upang tumugtog ng kaunting piyesa. Kapiraso lang naman ang alam
niyang tugtugin sa piano at iisang piyesa lang pa.

Kahit wala sa tono ay tinutuloy pa din niya ang pagtugtog hanggang sa makarinig
siya ng malakas na kalabog mula sa katapat na kwarto mula sa kinauupuan niya. Dahan
dahan siyang lumapit sa may pinto ng silid at tinangkang buksan ito ngunit ng
pihitin ang seradura ay nakalock iyon. Kumatok siya ng dalawang beses sa pinto at
idinikit ang tenga roon.

"May tao ba diyan? Okay ka lang?" naghintay siya ng ilang sandali ngunit walang
sumasagot. Kakatok na sana siyang muli ng may bigla na lamang mga kamay ang humawak
sa balikat kanyang balikat na ikinagulat niya

"AHHHHHHHHHHH!!!"

to be continued...
####################################
Kabanata 13
####################################

Kabanata 13

Halos mapalundag si Clarisse sa labis na gulat ngunit agad din siyang nakahinga ng
maluwag ng malaman na si Rowena lamang pala ang humawak sa kanyang balikat. Nitong
mga nakaraang araw ay nagiging matatakutin na siya at nagiging paranoid sa bawat
kislot. Hindi niya mawari kung ano nga ba ang kinatatakutan niya. Ang mga bangungot
ba niya o ang kanyang nakaraan na pilit na tinatakbuhan? Ang nakaraan na pilit
niyang tinatakasan ngunit lagi naman siyang binabalikan.

"Anong ginagawa mo dito hija?" malumanay na tanong ni Rowena kay Clarisse ngunit
nagtataka siya dahil animo may himig ng hinanakit ang pananalita nito.

"Pasensya na po Tita. May narinig lang kasi akong kaluskos dito sa may pinto akala
ko po may tao." nahihiyang sagot niya. Hindi niya gustong isipin ng babae na
pakialamera siya.

"Ganun ba? Matagal ng hindi ginagamit ang silid na yan. Umakyat ka na sa taas at
maaari ka ng magpahinga sa iyong silid." ngumiti ang babae sa kanya at tinawag ang
isa sa mga katiwala nito sa mansion at ipinahatid na siya sa kanyang tutuluyang
silid.

***

Sukat na makaalis si Clarisse sa harapan ni Rowena ay naalis na din ang mga pekeng
ngiti nito sa labi. Labis siyang nainis sa dalaga dahil muntikan na nitong buksan
ang silid ng paboritong anak. Siya lamang ang nakakapasok sa silid ng anak. Simula
ng mawala ito mula sa isang trahedya ay hindi niya pinabago ang ayos ng silid nito.
Nababaliw na nga siguro siya para umasang babalik pa ang anak. Hindi pa rin niya
matanggap na sa isang iglap lamang ay mawawala ito. Sa isang babae ay masisira ang
kanyang pamilya.

"Sinira mo ang pamilya ko. Hanggang kamatayan isinama mo pa ang anak ko." nasabi na
lamang niya sa kanyang sarili at naikuyom ang kamao nito. Nagbalik lamang siya sa
kanyang sarili ng maramdaman ang pagpasok ni Aaron sa mansion.

Si Aaron na lamang ang natitira sa kanya. Hindi niya maiwasan ang magsisi. Hindi
niya minahal ng patas ang dalawa kahit na kambal pa ang mga ito. Marahil ay dahil
iba ang ugali ni Aaron sa paborito niyang anak na si Allen. Katulad ni Aaron ang
ama. Matigas ang ulo at independent kabaligtaran ni Allen.

Gusto niyang bumawi ngayon sa natitira pang anak kaya naman hindi na niya muling
tututulan pa kung sino man ang gusto nito katulad ng ginawa niya kay Allen ganoon
na lang upang humantong pa sa isang trahedya ang nais lamang niyang kabutihan para
sa anak.

***

Manghang-mangha si Clarisse sa karangyaang nakikita niya subalit tila ba pamilyar


ang silid na kanyang tinutuluyan. Ngayon lamang siya nakarating sa lugar na iyon
ngunit para bang kabisado na niya ang buong kabahayan. Iyon na naman ang weird na
pakiramdam na hindi niya magawang pangalanan. Naupo siya sa malambot na kama at
pinagmasdan ang kabuuan ng silid. Animo siya nag time travel. Simple ngunit
elegante ang disenyo ng silid gayundin ang mga kasangkapan nito.

"Nagustuhan mo ba ang iyong silid?" tanong ng matandang katiwala sa kanya. Tumango


lamang si Clarisse at ngumiti na nagpapasalamat.

"Kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako. Kumpleto ang toiletries sa banyo at
may ilang damit pambabae rin sa loob ng cabinet gamitin mo kung gusto mo." hindi
approachable magsalita ang matandang katiwala ngunit ayaw na lamang niya itong
pansinin.

"Maraming salamat po." saad niya. Hindi na nagtagal ang matanda at umalis na rin
ito.

Marahil sa pagod ay hindi na namalayan ni Clarisse na nakatulog siya hanggang sa


bumigat na naman ang kanyang pakiramdam.

Tumatakbo si Clarisse. Hindi niya alam kung ano ba ang tinatakbuhan niya. Suot pa
rin niya ang kanyang eleganteng gown at ang maskarang tumatabing sa kanyang mukha.
Takot na takot siya. Dalawang lalaki ang humahabol sa kanya. Si Allen at si Aaron.

Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng kanyang mga luha sa labis ng takot. Bakit
nga ba siya hinahabol ng mga ito? Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Gusto na
niyang gumising mula sa bangungot na ito. Inakala niyang isang panaginip ang lahat
ngunit unti-unti ay napagtanto niya na isa pala itong bangungot na magdadala sa
kanya ng matinding takot.

Nakalabas na siya ng mansion ngunit patuloy pa din siya sa pagtakbo. Hindi niya
alam kung saan siya pupunta. Hindi niya mapigilan ang sariling mga paa sa pagtakbo
kahit na nilalamon ng ng pagod ang kanyang katawan, may parte ng isip niya na
nagsasabi na huwag siyang tumigil dahil panganib ang nagbabadya sa kanya oras na
huminto siya sa pagtakbo.

"Bumalik ka dito Clarisse! Hindi ka makakatakas sa akin!" hindi niya malaman kung
si Allen ba o si Aaron ang tumawag sa pangalan niya dahil halos magkamukha ang mga
ito ng boses gayon din ng bulto ng katawan.

"Huwag kang titigil Clarisse! Papatayin ka niya oras na mahabol ka niya! Iligtas mo
ang sarili mo!" sigaw naman ng isa. Gusto niyang lumingon sa pinanggagalingan ng
tinig na iyon ngunit natatakot siyang mawalan ng balanse.

Maputik at madilim ang lugar na kanyang tinatakbuhan. Kailan ba matatapos ang


kadilimang kanyang tinatahak? Tanong ni Clarisse sa kanyang isip. Wala bang
katapusan ang daang kanyang tinatakbuhan? Habambuhay na lang ba siyang tatakbo? Sa
isiping iyon ay nawalan siya ng balanse na naging sanhi upang mapaupo siya sa
putikan. Gusto niyang tumayo at tumakbong muli sa takot na maabutan ng dalawa
ngunit hindi na niya maigalaw ang kanyang kanang paa dahil sa pinsalang kanyang
natamo.

Pipilitin na sana niyang tumayo ng bigla na lamang may humawak ng kanyang braso.

Alam niya kung sino iyon! Nakaitim itong tuxedo! Puting Maskara!

"Akala mo ba'y matatakasan mo ako?! Hindi ko hahayaan na sumama ka sa aking


kapatid! Akin ka lang Clarisse. Hanggang kamatayan!" sigaw ni Allen. Sindak na
sindak si Clarisse sa binata kahit pa nakasuot ito ng maskara. Napaiyak na lamang
siya sa kawalan ng pag-asa.

to be continued...
####################################
Kabanata 14
####################################

Kabanata 14

Nagising si Aaron mula sa kanyang malalim na pagkakatulog dahil sa isang malakas na


hiyaw. Hindi niya malaman kung mula ba iyon sa kanyang panaginip o totoo ang mga
hiyaw na iyon. Ilang gabi na rin siyang ginugulo ni Allen sa kanyang panaginip.
Tahimik niyang minumura sa kanyang isip ang kakambal.

Hindi lamang iyon isang simpleng panaginip kundi isang parte ng nakaraan. Masamang
ala-ala na pilit siyang binabalikan kahit anong paglimot ang gawin niya. Hindi na
nga siguro mababalik pa sa dati ang kanyang buhay. Habambuhay na nga siguro siyang
uusigin ng kanyang konsensya.

Balak na sanang bumalik muli ng binata sa pagtulog ngunit napabalikwas siya ng


marinig ang malakas na sigaw ni Clarisse mula sa katapat na silid. Naalala niyang
hindi na nakapag-hapunan ang dalaga marahil na din sa pagod sa biyahe kaya naman
natulog na lamang ito magdamag.

Dali-dali ay hinanap niya ang kanyang puting sando at lumabas ng sariling silid.

***

Napabalikwas si Clarisse sa kanyang kama habang sapo ang kanyang dibdib, nanlalamig
ang kanyang mga pawis at animo nag-uunahan sa pagtibok ang kanyang puso. Nilulukob
pa din siya ng matinding takot. Hindi niya alam kung paano makakawala kay Allen,
kahit anong sigaw niya ay akala mo umaalingawngaw lang sa paligid ngunit walang
nakaririnig. Iniyakap niya ang kanyang braso sa kanyang tuhod, nagsimula ng tumulo
ang mga luhang pilit niyang nilalabanan.

Halos mapalundag ang dalaga ng bigla na lamang iluwa ng pinto si Aaron na nakasuot
lamang ng puting sando at boxers, nagpapasalamat siya at dim lamang ang ilaw sa
kanyang silid kung hindi ay magiging kahiya-hiya siya sa pamumula ng kanyang mukha.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso mas mabilis pa sa kanina. May sakit ba siya sa
puso? Ano nga ba ang pinupukaw sa kanya ng binata? Tanong niya sa kanyang sarili.

"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" napa-isod siya ng bigla na lamang umupo sa
kanyang tabi ang binata at hawakan ang kanyang mukha. Makikita sa mukha ng lalaki
ang labis na pag-aalala. Somehow napagaan ng binata ang takot na nadarama niya.
Bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay inihehele siya ng
mga haplos nito.

"Nanaginip kasi ako ng masama. Nakakatakot." ang maramdaman na nariyan ang binata
sa tabi niya upang pawiin ang kanyang takot ay sapat na para kumalma siya ngunit
hindi niya maiwasan ang maiyak sa tuwing naaalala ang masamang panaginip na iyon.
Napayakap na lamang siya kay Aaron dahil pakiramdam niya ay kaya siya nitong
protektahan sa kahit ano pang bagay.

Napakagaan ng pakiramdam niya habang nasa mga bisig ni Aaron, pakiramdam niya ay
pamilyar na sa kanya ang mga yakap na iyon ngunit alam niyang imposibleng mangyari
iyon. Namiss lang siguro niya ang yakap ng kanyang dating nobyo na si Rusell.

"Matulog ka na ulit. Panaginip lang 'yon." gusto niyang maghumiyaw na hindi lamang
iyon isang panaginip. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat nagsimula na naman siyang
manginig sa takot. Alam niyang totoo ang lahat! Hindi nga ba't nagpakita pa sa
kanya si Allen? Oo, siya si Allen!

"Sige na. Hihintayin kitang makatulog." seryosong sabi ng binata sa kanya. Wala na
siyang nagawa kundi sundin ito. Dahil sa sinabi ni Aaron ay napanatag siya hindi
man nito maaalis ang masasama niyang panaginip ay alam niyang may taong nasa tabi
siya at yayakapin siya. May dahilan siya para gumising. Pumikit na lamang siya
upang bumalik sa pagkakatulog....

Saglit pa lamang siyang napipikit ay muli na naman niyang naramdaman ang mabigat na
pakiramdam at tulad ng nagdaang gabi animo umikot ang kanyang paligid. Alam niyang
nasa iba na naman siyang dimensyon kaya idinilat na niya ang kanyang paningin.
Ganoon na lamang ang kanyang pagkamangha dahil naroon pa rin siya sa silid na
kanyang tinutuluyan sa realidad. Halos mapalundag siya sa gulat ng makita ang isang
lalaki na naka-maskara na nakaupo sa kama niya.

"S-sino ka?!! Allen?!!" naghihintakutan niyang tanong.

"Hindi. Ako 'to si Aaron. Huwag kang maingay maririnig tayo ni Allen." lumapit pa
ang lalaki sa kanya na ikinahigit niya ng hininga. Napalunok na lamang siya. Ilang
metro lamang ang pagitan nila at amoy niya ang mabango nitong hininga. Kita niya
ang mapupula niyang labi. Nasisiguro nga niyang si Aaron ang kanyang kausap dahil
panatag ang tibok ng kanyang puso.

"Ikaw nga!" niyakap niya ng mahigpit si Aaron. Hindi man niya kilala ito ngunit
alam niyang umiibig nga siya rito. Tama ang sabi nito. Siya si Aaron ang lalaking
mahal niya. Kung paano at kailan niya ito minahal ay hindi na importante sa ngayon.

Inilayo siya nito sa kanya at masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga. Ramdam niya
ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napalunok na lamang si Clarisse ng mapansin
na nakatingin si Aaron sa kanyang mga labi. Gusto niyang alisin nilang dalawa ang
mga maskarang tumatabing sa kanilang mukha ngunit hindi niya nasisiguro kung
papayag ba ang binata.

"Patawarin mo ko kung wala akong magawa pero ilalayo kita kay Allen." pangako ni
Aaron and he sealed it with a passionate kiss. Kakaiba ang halik na iyon. Akala
mong inilulutang si Clarisse sa alapaap sa sensasyong nadarama. Animo matagal
silang matagal na nawalay sa isa't-isa. Nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ni
Aaron sa kanyang katawan gayundin siya hanggang sa bumaba pa ang mga halik niyo sa
kanyang leeg.

Nais sana niyang alisin ang maskara nito ngunit pinigilan siya ni Aaron.

"Not now." ipinagpatuloy nito ang paghalik at masusuyong haplos nito hanggang sa
tuluyan na siyang madala sa sensasyon. Bumaba pa ang kamay nito upang isa-isahin
ang saplot nilang dalawa at mapahiga sa malambot na kama na naghihintay sa kanila
Pinagsaluhan nilang dalawa ang magdalamag.

Her Midnight Lover

Pag sinabi yung title ending na agad? Hindi pa 'to tapos! Oh ayan! Updated na.
Comment naman po. :/ Anyway, nanaginipa na kayo ng ganun? Sex with a Stranger?

VOTE COMMENT RECOMMEND


####################################
Kabanata 15
####################################

Kabanata 15

Nagising si Aaron mula sa isang maganda at erotic na panaginip?! Naihilamos niya


ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. A sex with a stranger? Kakaibang panaginip.
Ganoon na nga ba katagal ng huli siyang nakipag-talik sa isang babae? Hindi lang
siya makapaniwala na sa babaeng estranghera siya nakipag talik. Baka naman mabuntis
niya iyon? Biro niya sa sarili.

Alas-cuatro pa lang ng madaling araw, ang tanda niya ay binantayan niya si Clarisse
habang natutulog ito. Bakas sa dalaga ang matinding takot kaya naman hindi niya ito
natiis kahit na iniiwasan niya ito. Pinagmasdan lamang niya ang payapa nitong
pagkakatulog. Napakaganda nito. Akala mo isang anghel na bumaba sa langit. Napa
buntong hininga na lamang siya. Bakit nga ba niya kailangang lumayo kay Clarisse?
Ang totoo ay gusto niya ito. Ano naman kung nakikita niya rito ang babaeng minahal
niya tatlong taon na ang nakakaraan? Bakit nga ba niya kailangan pang pahirapan ang
sarili.

Nakikita rin ba ni Allen si Victoria kay Clarisse kaya nagpaparamdam ito?

Si Victoria. Ang babaeng hindi niya sinasadyang mahalin. Ang babaeng pinakamamahal
ng kanyang kakambal na si Allen. Ang babaeng sumira sa samahan nilang dalawa.
Nakikita niya si Victoria kay Clarisse kahit hindi naman dapat. Malayo ang itsura
ng dalawa pati na rin sa ugali. Isa lang naman ang nagpapa-alala sa kanya kay
Victoria, ang mga mata ni Clarisse. Ang mga matang hindi niya magagawang limutin.

Lumabas ng veranda si Aaron at pinagmasdan ang liwanag ng buwan kasabay ang


pagsimsim sa kanyang alak. Hindi na siya nag-abala pang magbihis ng pang itaas.
Sinariwa niya ang malamig na simoy ng hangin kasabay ang buntong hininga. Bakit nga
ba sa lahat ng mamahalin niya ay ang babaeng nakatakda pang pakasalan ng kanyang
kakambal? Hindi siguro ganito kamiserable ang buhay niya kung nagparaya lamang
siya.
**

Maganda ang gising ni Clarisse ng umagang iyon. Hindi niya maikubli ang mga ngiti
sa labi niya. Iyon na ata ang pinaka magandang panaginip para sa kanya. Weird man
ay nakaramdam siya ng kakaibang ligaya kahit pa erotic ang panaginip na iyon. Sex
with a Stranger? Very unsual. Pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng iyon ngunit
alam niyang napaka imposible niyon. Mahal na ata niya ang estrangherong iyon.

Naabutan niyang kumakain na ng almusal ang mag-inang Aaron at Rowena kaya naman
naupo na rin siya sa komedor. Katapat niya si Aaron at nagulat na lamang siya ng
ngitian siya ng binata. Halos maibuga niya ang iniinom na kape sa pagkagulat. Ilang
linggo rin siyang hindi pinansin nito at naging malamig ang pakikitungo sa kanya.
Bipolar ba ang binata? Gumanti na lang din siya ng ngiti rito. Namiss niya rin
naman ang kakulitan nito.

"Hindi ka na namin ginising pa kagabi Clarisse. Mukang napasarap ang tulog mo


hija?" tanong sa kanya ni Rowena tahimik muna siyang sumimsim sa mainit na kapeng
inihain ng matandang katiwala.

"Pasensya na po. Napagod lang po siguro ako ng sobra." matamis na lamang siyang
ngumiti dito at tahimik na kumain.

"Ipasyal mo siya mamaya hijo. May pupuntahan lang ako." humalik sa kanyang pisngi
si Rowena gayundin kay Aaron at tuluyan ng lumabas ng mansion. Saglit na nilamon ng
katahimikan ang paligoid. Animo nagpapakiramdaman sila ni Aaron kung sino ang unang
magsasalita. Bakit nga ba nagkaganito sila ng binata? Namimiss na niya ang
pangungulit nito sa kanya. Bigla na lamang itong umiwas ng hindi niya alam kung may
nagawa siyang mali o hindi nito nagustuhan.

"Nakatulog ka na ba ng maayos kagabi?" tanong sa kanya ng binata.

"Oo. Salamat nga pala kagabi ah." halos mapapugto ang kanyang hininga ng ngitian
siya ng binata. Kailan nga ba niya huling nakita ang mga ngiting iyon.

"Sorry nga pala noong mga nakaraang linggo kung nasusungitan kita. Busy kasi ako
alam mo na ganyan talaga mga gwapo." sabay kindat pa ni Aaron sa kanya kaya naman
hindi na niya napigilan ang pagtawa. Bumalik na naman ito sa pagiging makulit at
masaya siya sa ugali ng lalaking iyon.

"Magbibihis lang ako at ipapasyal kita. Babawi ako sayo." tumango lamang siya sa
binata at ngumiti. Halatang excited na excited itong makasama siyang muli kaya
hindi niya maiwasang mapangiti. Namiss niya talaga ang kakulitan nito.

Sinundan na lamang niya ng tingin ang lalaki habang papaakyat ito ng hagdan
napatawa na lang siya ng kumakanta kanta pa ito. Napailing na lamang siya at
itinuloy ang pagkain. Nasa ganoon siyang isipin ng may marinig siyang isang bagay
na nabasag. Agad na tumayo si Clarisse upang alamin kung saan nagmula ang ingay na
iyon at napahinto sa isang pinto. Iyon rin ang pinto noong isang araw. Idinikit
niya ang kanyang tenga sa pinto at narinig ang mga boses na animo nag-aaway. Isang
lalaki at isang babae.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong nakikitang kasama ng kapatid ko?!!"
sigaw ng lalaki sa babae. Nais na sana niyang buksan ang pinto ngunit naka-locked
ito. Bukod kay Aaron at Rowena may iba pa pala silang kasama sa mansion. Marahil ay
hindi sa kanya naipakilala kagabi ni Rowena.

"Ano namang masama kung kasama ko siya?! Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya
ah?!! Isa pa sarili mong kapatid pagseselosan mo?!!" sigaw rin ng babae.

"Hindi mo ba makuha na gusto ka din ng hayop na yun!" natatakot na si Clarisse sa


maaaring kahinatnan ng pagtatalo ng dalawa ngunit wala siyang magawa kundi makinig
na lamang.

"MAHAL KO DIN SIYAAAA!" nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa kanyang narinig ngunit
mas lalo siyang nabigla ng makarinig siya ng isang malutong na sampal. Sinaktan
kaya ng lalaki ang babae? Natatakot niyang tanong sa sarili. Kinatok niya ang pinto
at pilit na binuksan iyon. Palakas ng palakas ang sigawan ng dalawa at ang mga
nababasag na gamit. Natatakot siya para sa babae.

"Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo 'to!" sigaw ni Clarisse mula sa labas ng pinto
ngunit napahinto siya ng marahas siyang hawakan ng matandang katiwala at iniharap
dito.

"Pabayaan mo sila!" sigaw ng matanda.

"P-po? Pero baka anong mangyari sa babae! Sinasaktan siya ng lalaki!" umiling ang
matandang katiwala.

"Ramdam mo din pala sila." nalilito si Clarisse sa mga sinasabi ng dalaga.


Pinakawalan siya ng matanda at lumapit sa pinto.

Halos mawalan ng malay si Clarisse ng makitang walang tao sa loob ng abandonadong


silid.

Sobrang WB yan lang kinaya. Sorry po. Bawi talaga next update. Yung mahaba. :(

Si Clarisse pala ------>


####################################
Kabanata 16
####################################

Kabanata 16

Napaupo na lamang si Clarisse sa isang narrang silya dahil pakiramdam niya ay


nauupos siya sa kanyang mga narinig mula sa katiwala. Hindi siya naniniwala sa mga
multo o kahit anong super natural, posible nga bang guni-guni lang niya iyon?
Bilang isang nurse ay dapat alam niya kung may mali na bang nangyayari sa katawan
at pag-iisip niya. Naguguluhan na siya. Ngunit paano ang matandang katiwala? Di nga
ba't sinaway pa siya nito? Gulong gulo na siya sa mga nangyayari.
Halos panayuan siya ng balahibo ng madaan muli ang kanyang paningin sa abandonadong
silid na bahagya pang nakabukas. Malinaw pa sa isip niya ang dalawang tinig na
animo nag-aaway. Akala niya ay matatahimik na siya sa lugar na iyon ngunit may
misteryo pala ang bumabalot dito.

Nagitla na lamang si Clarisse sa isiping iyon ng abutan siya ng tubig ng katiwala,


tinanggap niya iyon at mabilis na uminom sa baso. Pakiramdam niya ay tuyong tuyo
ang kanyang lalamunan hindi niya maisip kung sa takot ba iyon o hindi. Tumingin
siya sa matandang katiwala at alam ng matanda na marami siyang katanungan tungkol
sa pangyayari kanina. Magsasalita na sana ang matanda ng narinig nila ang yabag ng
mga paa ni Aaron. Binigyan na lamang siya ng makahulugang tingin ng matanda at
umalis na ito.

"Let's go?" masiglang aya sa kanya ni Aaron na nakasuot lamang ng puting polo shirt
at maong pants. Kahit simple lang ang suot nito ay umaangat pa din ang kakisigan ng
binata. Bahagya niyang nakalimutan ang takot ng makita ang mga ngiti ni Aaron.
Marahil ay napansin ng binata ang pamumutla niya kaya naman mabilis nitong
hinawakan ang kanyang mukha.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong sa kanya ng binata ngunit umiling
lamang si Clarisse.

"Wag mo kong pansinin. Tara na? Ano bang makikita dito sa bayan niyo?" tumayo na
siya at hinila ang binata palabas ng mansion ngunit bago lumabas ng pinto ay
nagkasalubong ang mga mata nila ng matandang katiwala, tumango lamang ito sa kanya
at naglakad na pabalik ng kusina. Kailangan malaman niya ang kwento sa likod ng mga
tinig sa abandonadong silid na iyon, wika ni Clarisse sa kanyang sarili.

Naglakad-lakad lamang sina Aaron at Clarisse sa bukirin at natutuwa si Clarisse na


kahit papaano ay nalilibang siya sa pakikipag-usap sa mga magsasaka at paglalakad
sa pilapil. Ilang beses na nga bang nahulog sila ni Aaron sa maputik na bukirin?
Inaalalayan siya ng binata sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang kubo
sa gitna ng bukirin. Mahangin at presko at simoy ng hangin sa kabila ng tirik na
araw. Namiss niya ng husto ang buhay probinsya, malayo sa magulo at mausok na buhay
sa Maynila.

Naupo lamang sila ni Aaron sa isang duyan na nakasabit sa puno ng mangga at


pinagmasdan ang tahimik na kapaligiran. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa
kanilang dalawa bago niya binasag ito. Nilalamon na naman siya ng kanyang
kuryosidad hinggil sa kanyang nalaman kanina lamang mula sa matandang katiwala.
Hindi niya mapigilan ang sarili ang alamin ang kwento sa likod ng silid na iyon
lalo pa't nagpaparamdam ang mga ito.

Alam ni Clarisse na dapat siyang mahintakutan sa misteryong bumabalot sa mansion na


kanyang tinutuluyan ngunit bakit may parte ng isip niya na nagsasabing wala siyang
dapat ikatakot hangga't naroon si Aaron sa kanyang tabi. Pinagmasdan niya ang
gwapong mukha ng binata, naramdaman na naman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang
puso. Gusto niyang matawa sa sarili dahil literal na sinapo niya ang kanyang
dibdib, pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso sa sobrang lakas ng pintig
nito.

"Nakakarelax dito ano?" tanong ni Aaron at ngumiti sa dalaga. Tumango na lamang


siya at ngumiti.

"Pero alam mo ang pinaka ayokong pakiramdam ay yung marelax." sagot niya sa binata.
Nagtaka naman ang binata sa sagot niya.

"Bakit naman? Hindi ka ba nagsasawa sa problema? Haha. Iba ka talaga."

"Wala naman. Kada marerelax kasi ko bumabalik lahat ng malulungkot na ala-ala ko.
Hangga't maaari ayokong nababakante ang isipan ko." ngumiti naman ang binata ng
nakakaloko.

"Edi hindi ka na pala nalulungkot ngayon?" napangunot naman ang noo ni Clarisse sa
tanong ng binata na nakangisi pa din.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi naman araw-gabi tumatakbo ako sa utak mo. Hahahaha." nagtawanan sila ng
binata. Ilang sandali pa ay nabalot na naman sila ng katahimikan. Naisipan niyang
mag open ng topic.

Huminga siya ng malalim at marahas na nagtanong...

"Ano nga palang nangyari sa kakambal mo? Bakit siya namatay?" napalingon sa kanya
ang binata na nagtataka.

Natigang na story! Sana may magbasa pa. :( Duty ako tomw so sa Wed po yung Glass
Shoes. 13HS sa Friday siguro. Muaaaaaa. Comment kayo ah.
####################################
Kabanata 17
####################################

Kabanata 17

"Bakit mo tinatanong kung ano ang ikinamatay ng kapatid ko? Hindi ba maaaring yung
tungkol sa ating dalawa na lamang ang pag-usapan natin?" seryosong tanong ni Aaron
kay Clarisse na hindi makapagsalita sa kanyang mga sinabi. Alam naman niya sa
sarili niya na hindi simpleng pagtingin lamang ang nararamdaman niya sa dalaga.
Unang beses pa lamang niya itong makilala si Clarisse ay pinukaw na nito hindi
lamang ang kanyang isip kundi ang damdamin niya.

Hindi na niya gusto pa ang lituhin ang sarili sa babaeng nasa panaginip niya.
Panaginip lang naman iyon na dapat lamang na isantabi.

"Anong ibig mong sabihin Aaron?" nagtatakang tanong ni Clarisse habang nakayuko ang
ulo nito. Hinawakan ni Aaron ang baba ng dalaga upang makita ang kagandahan nito.

"Alam mo kung ano yun Clarisse." ngumiti lamang siya at unti-unting inilapit ang
mukha niya dalaga hanggang sa iilang metro na lamang ang layo ng kanilang mga
mukha. Pumikit si Clarisse na handang tanggapin ang kanyang mga labi.

***

"KAKAIN NA!" halos mapalundag sina Clarisse at Aaron ng bigla na lamang sumulpot
ang katiwala at tawagin sila upang kumain. Agad umayos ng pwesto si Clarisse habang
napatikhim na lamang ang binata.

"Manang naman bakit bigla-bigla kayong sumusulpot." asar na pagsita ni Aaron sa


katiwala habang palihim lamang na natawa si Clarisse. Nanghihinayang man ang dalaga
sa naudlot nilang moment ng lalaking nagpapasaya at umaalis ng lahat ng takot niya.
Tumayo na ang binata at pinagpag nito ang ilang damo sa pantalon nito bago inilahad
ang kamay upang alalayan siyang tumayo.

"Naks! Gentleman ka na ngayon?" pagbibiro ni Clarisse at iniabot ang kanyang kamay


sa binata. Sandaling nagkasalubong ang mga mata ni Clarisse at ng katiwala kaya
agad na naman siyang nilukuban ng takot.

"Sayo lang ako ganito. Tara balik na tayo sa mansion. Sa susunod dito na tayo
kakain para walang istorbo." matipid lamang siyang ngumiti at tumingin muli sa
matanda. Halos panayuan ng balahibo ng makita na masama ang tingin nito sa kanya.

Inalalayan siya ni Aaron pabalik ng mansion dahil maputik at makitid ang bawat
pilapil na dinadaanan nila. Nandoon pa din ang kanyang pagka-ilang lalo pa't nasa
likod lamang nila ang katiwala. Pagkabalik sa mansion ay iniwanan muna siya ng
binata para magpalit ng damit.

"Magpapalit lang ako ng damit ha? Naputikan ako. Mauna ka na sa komedor, susunod na
lang ako." ngumit lamang ang dalaga. Halos mapasigaw siya ng sa pagtalikod niya ay
nasa harap na niya ang katiwala, mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang
sarili. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong hilahin papunta sa kusina.

"At talagang nakikipag-mabutihan ka pa kay Aaron?" tanong nito sa kanya. Hindi niya
maintindihan ang matanda. Ano namang masama kung makipagmabutihan siya sa binata.
Hindi niya maunawaan kung nagagalit ba ito o may hinanakit sa tono ng pananalita
nito.

"A-ano po b-bang masama roon?" natatakot na niyang tanong sa matanda.

"Meron! Magagalit ang paborito kong alaga. Bakit ka ganyan? Lalo siyang hindi
matatahimik!" pinanayuan na ng balahibo si Clarisse sa kanyang mga naririnig. Ang
tinutukoy ba ng matanda ay ang kapatid ni Aaron? Ngunit anong kinalaman niya roon?
Ni hindi nga niya nakikilala ito.

"H-Hindi ko k-kayo maintindihan. Nababaliw na kayo." hindi siya dapat nagpapaniwala


sa matandang ito. Mukang nababaliw na ito.

"Ayoko ng takutin ang sarili ko! Ayoko ng makinig sainyo. Nababaliw na kayo Manang.
Nurse ako at alam ko yun. Magpatingin na nga kayo!" hindi na niya kaya lalo pa't
pati pagtingin niya kay Aaron ay ginugulo nito. Tumalikod na siya upang tapusin na
ang kahibangan nito ng muling magsalita ng matanda.
"Lalo kang hindi patatahimikin ni ALLEN! Hindi ka niya patatahimikin VICTORIA!"
nanlalaki ang mga mata niya na humarap sa matanda.

Nang marinig ang pangalan ni Allen ay agad siyang lumingon sa matanda. Paano nito
nakilala ang lalaki sa kanyang panaginip? At sino si Victoria?

itutuloy....

Sabaw na update! I-uupdate ko ulit pag nagka-time. Basta ito na pag-tutuunan ko ng


oras. :) COMMENT po. Hihi. Nakakatakot mag-update!! Kalurks.
####################################
Kabanata 18
####################################

Kabanata 18

Takot na takot na napaurong si Clarisse sa tinawag sa kanya ng matanda lalo pa't


kilala nito si Allen Reyes na matagal ng gumugulo sa utak niya. Mas lalo pa siyang
naguluhan ng tawagin siya ng matanda na Victoria. Si Victoria ba ang babaeng
naririnig niyang umiiyak sa silid? At si Allen? Hindi na niya magawa pang ituloy sa
isipan ang unti-unting paglinaw sa kanya bawat detalyeng ilang buwan ng gumugulo sa
kanya.

"Si Allen? Siya ang kakambal ni Aaron?!!" takot na bulalas ni Clarisse. Tumingin
siya sa matanda upang humingi ng sagot. Agad siyang hinaklit ng matanda sa braso at
binuksan yung abandonadong silid.

Pilit niyang tinapangan ang sarili kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang
tumakbo palabas ng silid na iyon. Parang walang nagalaw man lang sa mga gamit ni
Allen kahit matagal na itong patay. Nilapitan niya ang isang picture frame sa
bedside table at nakita ang tatlong tao na magkaka-akbay. Nasapo ni Clarisse ang
dibdib niya ng makita na magkamukang magkamuka sina Aaron at Allen. Mahirap alamin
kung ano ang pinagkaiba ng magkapatid. Halos magkasing tangkad lamang ang dalawa at
magkamuka ang bulto ng katawan.

Napansin din niya ang magandang babae na nakapagitna sa magkapatid. Napaka ganda
nito. Makikita sa tatlo kung gaano sila kasaya noong mga panahong iyon. Napadako
ang mga mata niya sa babae at mas lalo pa itong tinitigan, ang mga mata nito ay
pamilyar sa kanya. Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Dalawang taong magkasintahan sina Allen at Victoria. Nagkakilala sila sa Maynila.


Isang nurse si Victoria sa isang pribadong hospital samantalang kasalukuyang nag-
ttraining noon si Allen upang maging isang piloto." pasimula ng katiwala ng mga
Reyes. Naupo pa ang matanda sa kama ng alaga habang pinagmamasdan ang larawan nito
na hawak ni Clarisse. Naupo naman ang dalaga sa tabi nito at tahimik na pinakinggan
ang kwento nito.

"Iniuwi rito ni Allen si Victoria upang ipakilala sa kanyang ina at gayundin sa


kanyang kakambal na kauuwi pa lamang noon galing America. Noon pa man ay may
selosan na ang magkapatid lalo na sa atensyon ng kanilang ina. Mas mahal ni Rowena
si Allen at hindi yung maitatago dahil sa atensyon na ibinibigay niya kay Allen.
Samantalang si Aaron naman ay naging malapit sa kanyang ama ngunit ng mamatay ito
ay wala na itong naging kakampi." hindi alam ni Clarisse kung bakit pati ang mga
bagay na iyo ay binabanggit ng matanda ngunit alam niyang iyon lamang ang
makasasagot sa lahat ng katanungan niya.

"Ano pong nangyari sa pag-uwi nila rito?" sa wakas ay may boses ring lumabas sa
kanyang bibig. Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing naiisip na totoo nga pa lang
nag-exist si Allen sa mundo yun nga lang ay patay na ito ngayon.

"Naging malapit si Aaron at Victoria at dahil doon nagselos ang kanyang kakambal na
si Allen. Kahit na kay Allen na ang lahat ay naiinggit pa din siya kay Aaron, dahil
ang nag-iisang babaeng minahal niya unti-unti ng napapalapit sa kanyang kapatid."
kahit sa panaginip niya ay napaka-selfish ni Allen. Hindi iyon maitatago. Hindi
niya tuloy maiwasang maawa kay Aaron.

"Ano pong nangyari? Ano po ang ikinamatay ni Allen?" tanong ni Clarisse.


Magsasalita na sana ang matanda ng marinig nila ang pagtawag ni Aaron mula sa
kusina kaya naman sabay silang napatayo ng matanda. Magmamadali na sana siyang
lumabas ng silid na iyon ng bigla na lamang siyang hawakan sa braso ng matanda.

"Matulog ka mamayang sakto alas dose. Masasagot lahat ng tanong mo sa iyong


panaginip." hindi na siya nakapagsalita pa at hinila na siya ng matanda palabas sa
kwarto na iyon.

itutuloy...
####################################
Kabanata 19
####################################

Kabanata 19

Malapit ng mag alas dose ng hating gabi ngunit hindi man lang dalawin ng antok si
Clarisse. Gusto na niyang malaman lahat ng kasagutan sa kanyang mga tanong ngunit
nananadya nga ata ang panahon dahil hindi naman siya inaantok ng mga sandaling
iyon. Kahit na may takot pa din sa kanya ay matapang siyang lumabas ng kanyang
silid upang bumaba ng kusina at magtimpla ng mainit na gatas. Kailangan niyang
ikalma ang sarili niya kung hindi ay mababaliw na siya sa mga nangyayari sa kanyang
paligid.

Simula ng maaksidente siya ay kung anu-ano na ang kanyang mga nakikita at kailanman
ay hindi niya sinabi iyon kahit kanino sa takot na pagtawanan siya ng mga tao.
Hindi niya gustong isipin ng mga tao na nabaliw na siya sa pagkawala ng kanyang
nobyong si Russell.

"Mababaliw ata ako dito." sabi na lamang niya sa sarili habang namamawis ang
kanyang mga kamay sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya natakot ng
ganoon. Nanalangin na lamang ang dalaga na sana'y hindi magpakita si Allen sa kanya
o ang nobya nito dahil siguradong hihimatayin siya sa takot. Hindi niya ata
kakayanin kung mangyari man iyon.

Panaka-naka ay tinitignan niya ang silid ni Allen ngunit wala naman siyang
nakikitang kakaiba kaya naman nagtuluy-tuloy na lamang siya sa kusina. Kung bakit
naman kasi napakadilim sa loob ng bahay na ito. Naiinis na sabi ni Clarisse sa
kanyang sarili habang nanginginig na kumukuha ng baso sa cupboard. Isang kaluskos
lang ata ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang takot at nerbiyos. Nakakapraning
ang ganoong pakiramdam. Pakiramdam ba niya'y anong oras ay magpapakita ang mga
multong ilang gabi na rin siyang binubulabog.

Hindi pa man niya nailalapag ang hawak na baso ay marinig na siyang sigaw ng isang
lalaki, marahas na lumingon ang dalaga kung saan naroon ang silid ni Allen ngunit
wala roon ang mga sigaw na naririnig niya kundi nasa ikalawang palapag.

"Aaron!!" sa iilang hakbang ay natakbo niya paakyat ang silid ng binata ngunit nag
alinlangan pa ang dalaga kung lalapit siya o hindi. For Pete's sake he's half
naked! Sigaw ng utak niya pero agad niya ring pinilig ang isipin na iyon.

"Victoria! Victoria!" nangunot ang noo niya ng marinig kung sino ang isinisigaw na
pangalan ni Aaron. Bakit tinatawag ni Aaron ang nobya ng kakambal nito? Nadagdagan
na naman ang mga tanong sa kanyang isipan na lalo lamang nagpagulo ng lahat. Litong
lito na si Clarisse sa lahat ng mga nangyayari at pakiramdam niya ay malapit na
siyang panawan ng bait.

Na sakanya na ang mga impormasyon ngunit hindi niya alam kung paano naging magkaka-
ugnay ang mga buhay nila Aaron, Allen at Victoria. Anong pangyayari o bagay ba ang
nag-uugnay sa kanila at pati siya ay hinahabol ng mga ito. Dinaluhan na niya ang
kawawang binata na pawis na pawis at animo hinahabol.

"Aaron! Gumising ka! Aaron!" bahagya niyang tinapik ang mukha nito upang magising.

***

Deja vu. Animo pinapanood ni Aaron ang mga nangyari tatlong taon na ang
nakakalipas. Engagement party ng kanyang kakambal sa kanyang pinakamamahal na
babae. Kahit na saglit lamang silang nagkasama ni Victoria ay agad niya itong
natutunang mahalin ngunit hindi ata pabor sa kanila ang tadhana dahil nobya na ito
ng kanyang makasarili at selosong kakambal. Ang masakit pa ngayon ay nakatakda na
ang mga itong ikasal. Gusto mang iwan ng kanyang Victoria ang kakambal niya ay
hindi nito magawa dahil madalas itong saktan ng huli.
Gustong gusto niyang iligtas ang dalaga mula sa malupit na kamay ni Allen ngunit
ano ang karapatan niya? Sa gabing iyon ay nakatakda silang magtanan ni Victoria,
tamang tama maraming bisita ng gabing iyon siguradong walang makakahalata kung
aalis man silang dalawa kailangan lamang niyang humanap ng tamang tiyempo. Lalayo
sila ni Victoria, kahit saan sila makarating ng kanyang pinakamamahal basta
magkasama lamang sila.

"Mamayang alas dose ng hating gabi, hihintayin kita" masuyo niyang sabi sa dalaga
habang patago lamang silang nag-uusap, malayo sa mga mata ni Allen. Alam niyang
sasaktan uli nito si Victoria oras na malaman nito na magkasama silang dalawa.

"Hintayin mo ko kahit anong mangyari? Dito mo ko hintayin." pag sang ayon naman ni
Victoria.

"Oo. Magkakasama na tayo. Mailalayo na rin kita sa wakas sa hayup na Allen na yun."
agad niyang kinabig ang dalaga at hinalikan ang ulo nito. Buong buhay niya ay noon
lamang siya nagmahal. Alam niyang mali ang pagkakataon at sirkumtansiya ng
pagtatagpo nila ni Victoria ngunit hindi niya maaaring iwasan ang nararadaman niya
para rito.

Lumapit siya kay Victoria na iniwanan na lamang bigla ni Allen sa gitna ng bulwagan
at isinayaw ito.

"Allen?" napangiti siya ng mahimigan ang pagtataka nito.

"Ako 'to si Aaron, ang lalaking mahal mo." agad na sumilay ang mga ngiti ng dalaga.
Ang mga ngiting iyon ang siyang una niyang inibig.

Tinignan niya ang kanyang relong pambisig at ilang saglit na lamang ay mag aalas
dose na kaya naman napagpasyahan na niya ang umalis sa kasiyahan na iyon. Sinadya
niyang magkamukha sila ng tuxedo ng kakambal upang sa gayon ay mapagkamali sila sa
isa't-isa. Upang hindi na rin magtaka ang mga tao kung kasama man niya si Victoria.
Binigyan niya ng makahulugang tingin si Victoria at bumitaw na rito.

"Tara na habang wala si Allen." hinila niya sa braso si Victoria at patay malisyang
naglakad palabas ng mansion. Ngunit hindi nila inaasahang naroon pala ang kakambal.

"Mga taksil!! Akala niyo ba maiisahan niyo ko! Kahit kailan na lang talaga Aaron!
Lahat na lang ng meron ako gusto mo din!"

"Hindi ko kailangan lahat ng meron ang gusto ko lang ay si Victoria!!" sigaw niya
sa kapatid.

"Hindi niyo ko matatakasan! Humanda ka sakin Victoria! Pagkatapos lahat ng


pagmamahal na ibinigay ko sayo ganito lang igaganti mo sakin?!! Ipagpapalit mo na
nga lang ako dito pa sa kakambal ko!!" marahil sa takot ay napabitaw sa kanya si
Victoria at tumakbo na palayo. Agad niya itong hinabol para maprotektahan ngunit
parang walang naririnig si Victoria at pilit pa ring tumatakbo.
"Bumalik ka dito Victoria! Hindi ka makakatakas sa akin!" sigaw ni Allen.

"Huwag kang titigil Victoria! Papatayin ka niya oras na mahabol ka niya! Iligtas mo
ang sarili mo!" sigaw niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Allen oras na
maabutan nito si Victoria.

Hinaklit agad niya ang kuwelyo ng damit ni Allen at nakipagbuno sa kakambal.


Sadyang higit na malakas si Allen kumpara sa kanya kaya naman agad itong nakalamang
hanggang sa tuluyan na siyang hindi nakalaban. Hanggang sa tuluyang nawala sa
paningin niya si Victoria.

At nangyari ang isang malagim na aksidente.

"Aaron!! Aaron!! Gumising ka!!" napabalikwas si Aaron mula sa isang masamang


panaginip. Hindi lang basta panaginip kundi ang tunay nangyari tatlong taon na ang
nakakalipas.

"Ayos ka lang Aaron? Wag mo nga akong tignan ng ganyan!"

"Victoria?" ang mga mata ni Clarisse. Ganoong ganoon ang mga mata ni Victoria. Si
Clarisse ang babaeng nasa panaginip niya? Kung ganoon si Clarisse ang gumaganap na
Victoria sa kanyang panaginip? Maraming tanong ang gumugulo sa kanya at hindi niya
alam kung saan hahanapin lahat ng kasagutan sa mga iyon.

"Aaron? Ano ba yang pinagsasabi mo?" walang sabi sabi ay niyakap niya ang dalaga na
nalilito pa din sa lahat ng ikinikilos niya.

"You are my Midnight Lover Clarisse."

itutuloy...

If nalilito pa din kayo balik kayo sa Chapter 13 pero if magaling kayo alam niyo
naaaaa. :) Sorry sa matagal na update. May magbasa pa kaya nito? Kulang pa yan. May
Revelation 2 pa.

BONITABABYY

####################################
Kabanata 20
####################################

Kabanata 20
"Ano ba yang pinagsasabi mo Aaron? Hindi kita maintindihan." naguguluhang tanong ni
Clarisse kay Aaron kahit na kinukutuban na siya kung ano ang gustong iparating ng
binata. Hinawakan ng binata si Clarisse sa mga balikat nito.

"Clarisse, malinaw na ang lahat sa akin kung bakit nangyayari ang lahat ng
kababalaghan na ito." pakiramdam ni Clarisse ay mawawalan na siya ng malay dahil sa
pigil ang kanyang hininga habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng binata.

"Ang lalaking nasa panaginip mo ay ako at ang kakambal ko na si Allen. Ang lahat ng
nangyari sa panaganip nating dalawa ay nangyari tatlong taon na ang nakakaraan."
halos mapamaang na lamang si Clarisse sa kanyang natuklasan. Kung ganoon pati ang
lalaking nakasiping niya sa kanyang panaginip ay nangyari din noon? Si Aaron at
Victoria?

Halos walang namutawing salita kay Clarisse at napatango na lamang siya sa iba pang
mga sinabi ni Aaron. Ang tanging nararamdaman na lamang niya ay ang kirot ng
natuklasan niya. Naging saksi pa pala siya sa naging pagmamahalan noon ni Aaron at
Victoria ang masakit pa roon ay siya ang gumanap na Victoria sa panaginip at hindi
niya maikakaila na nahulog na ng tuluyan ang loob niya kay Aaron. Sino ba naman ang
hindi mahuhulog sa isang katulad nito? Handang ipaglaban ang lahat para lang sa
iyo.

Napakaswerte naman ni Victoria at kambal pa talaga ang napa-ibig nito. Hindi


maiwasan ng dalaga na mainggit at magselos. Nais niyang matawa para sa sarili dahil
sa lahat ng kaiinggitan niya at pagseselosan ay sa isang patay pa. Ano nga ba ang
karapatan niya upang magselos? Ni hindi nga niya alam kung ano ba ang kinalaman
niya sa mga ito at pati siya ay nadamay. Minsan hindi niya maiwasan mainis kay
Allen, ano ba kasi ang gusto nitong mangyari at ibinabalik nito ang lahat ng
nangyari noon?

Naiinis siya kay Allen dahil inilapit siya nito sa kay Aaron, hindi sana siya
mahuhulog sa binata at masasaktan sa mga nalaman.

"Kung ganoon anong nangyari matapos mahabol ni Allen si Victoria?" bigla na lamang
ang binata at animo hindi makaapuhap ng isasagot sa dalaga.

"Sabihin mo Aaron kung anong nangyari ng gabing yon." pakiusap ng dalaga kay Aaron
na hindi na mapakali sa sobrang kuryosidad na nadarama.

"Bakit hindi ninyo hayaan na si Allen ang sumagot niyan?" nagulat ang dalawa ng
bigla na lamang sumulpot ang matandang katiwala sa silid ni Aaron.

"Manang, ano bang nangyayari? Anong dahilan ng panggugulo ni Allen? Matagal na


siyang patay. Isinama na nga niya hanggang kamatayan si Victoria! Hindi pa ba siya
masaya?!!" napakagat labi na lamang si Clarisse habang pinagmamasdan ang binata na
nagtatangis ang mga bagang sa galit sa namatay na kakambal. Talagang mahal nga nito
si Victoria at kailanman ay hindi siya nito makikita bilang si Clarisse.

"Oo nga't naisama ni Allen si Victoria sa kamatayan ngunit hindi ang kaluluwa
nito." nais pangilabutan ni Clarisse sa kanyang mga narinig kaya naman napakapit
siya sa braso ni Aaron, inakbayan siya ng huli at mas idinikit pa ang katawan niya
rito. Kung alam lang ng binata kung anong init ang sinisilaban nito sa tuwing
magkakadikit ang kanilang mga balat.
"Anong ibig ninyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong sa matanda na walang
ekspresyon lamang na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Naiwan si Victoria rito at dahil sa obsesyon ng iyong kakambal Aaron sa Victoria


ay hindi siya matatahimik hangga't hindi nito naisasama si Victoria pabalik.
Nandito lamang si Victoria sa tabi." mas lalong humigpit ang kapit ni Clarisse kay
Aaron ng lumapit sa kanya ang matanda at pinagmasdan siya ng husto na nagdulot sa
kanya ng matinding kilabot.

"Maaaring nandito lamang sa paligid natin si Victoria. Dito sa mansyon?"

"Maaaring nasaiyo mismo." pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo


niya sa katawan sa huling sinabi ng matanda. Paanong mapupunta sa kanya ang
kaluluwa ni Victoria?! Marahil ay nawawala sa katinuan ang matandang katiwala para
sabihin iyon.

Kahit anong pilit niyang pag-alala ay wala siyang matandaan na kailaman ay nakita
na niya si Victoria. Si Aaron ay nakilala lamang niya ng pumalit ito bilang General
Manager kaya papaanong magkakaroon siya ng koneksyon sa mga ito? Minsan ay gusto na
lamang niyang mabaliw sa mga nangyayari sa buhay niya. Isang gabi ay nanaginip siya
ng isang lalaki na sinasabing pakasalan niya ito hanggang sa magkagulo-gulo na ang
buhay niya

"Nagbibiro ba kayo paanong mapupunta sa akin si Victoria? Ni hindi ko nga siya


kialala." agad na pinisil ni Aaron ang dalaga sa balikat at pinakalma ito.

"Huminahon ka lang Clarisse. Saan ba at matatapos din ito. Ang kailangan nating
malaman ay kung paano natin maibabalik si Victoria." Bahagyang nagkaroon ng pait sa
panlasa si Clarisse. Gusto mo nga bang ibalik Aaron si Victoria o gusto mo na
lamang siyang manatili dito? Paano kung nasa akin nga ang kaluluwa ni Victoria?

"Mukhang may ideya na ako kung ano ang kailangan ni Victoria saiyo Clarisse ngunit
hindi ko muna ito sasabhin. Ang mabuti pa ay matulog na kayong dalawa ay baka
sakali magpakita muli sainyo ang dalawang kaluluwa." kinikilabutan ang dalaga sa
mga salita ng matandang dalaga. Ang mga tingin nito ay may makahulugan at animo
nangungutya.

"Makatulog sana uli kayo ng mahimbing. Babalik na ako sa aking silid." halos
mawalan ng lakas ang tuhod ni Clarisse pagkalabas ng matanda kung hindi nga lang sa
pag-alalay ni Aaron ay malamang na napasaldak na siya sa sahig.

"Natatakot ako Aaron. Ano bang nangyayari? Kahit na kaluluwa pa sila at walang
kayang gawin para saktan tayo ay nakakabahala pa din." mangiyak-ngiyak niyang
tanong sa binata na agad naman siyang kinabig at niyakap.

"Wag kang mag-alala Clarisse, mabibigyan din lahat ng ito ng kasagutan." mas lalo
pa siyang napaiyak sa dibdib ng binata ng maramdaman ang sinseridad sa boses nito.
Kung papipilii kaya si Aaron sino ang pipiliin nito? Si Victoria o siya?
itutuloy ...

Pagkatapos ng ilang buwang walang update ay sa wakas nakapag update na din. Hahaha.
Omg!~ Ang hirap magtagalog ha?! Effort kung effort.

####################################
Kabanata 21
####################################

Kabanata 21

"The unfamiliar faces in your dreams are the possible ghosts who stares at you
while you are in deep sleep" kinikilabutan si Clarisse matapos basahin ang isang
article na iyon mula sa binabasang magazine. Naroon siya ngayon sa sala at
nagbabasa basa ng magazine habang hinihintay niya si Aaron na may inasikaso lamang
sa library. Kulang na lamang ay hindi na siya humiwalay sa lalaki sa labis na
takot.

Pinilit niya ang binata na bumalik na lamang sila ng Maynila ngunit tumanggi ito at
iginiit na kahit saan man sila magpunta ay susundan at susundan sila nito. Ngayong
araw na ito ay kokonsulta na sila sa isang Espiritista. Kailangan na nila ng
makakatulong sa kanilang dalawa. Nang nagdaang gabi ay hindi siya nakatulog sa
labis na pag-iisip kung ano ba ang kailangan ni Victoria sa kanya. Napabuntong
hininga na lamang ang dalaga at humigop sa kanyang kape.

Halos maibuga ni Clarisse ang iniinom na mainit na kape ng may marinig siyang
kalabog mula sa silid ni Allen, agad na naman siyang nilukuban ng takot ng lalo
pang lumakas ang mga kalabog. Dahan-dahang tumayo ang dalaga at lumapit sa harapan
ng silid ni Allen. Nag-aalinlangan man ay unti-unti niyang hinawakan ang doorknob
nito.

"A-anong nangyayari?!" sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto ngunit naka-
lock iyon. Natataranta niyang kinatok ang silid kahit alam niyang wala namang tao
roon. Hindi rin niya alam kung bakit niya pa ito kinakatok, naroon na naman ang mga
sigawan. Takot na takot si Clarisse na siyang naging dahilan upang mapaupo na
lamang siya at tinakpan ang kanyang dalawang tainga.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" pakiramdam ng dalaga ay malapit na siyang masiraan ng
bait sa mga nangyayari. Wala siyang magawa kundi ang umiyak na lamang at manginig
sa labis na takot.

***
"Clarisse!" halos dalawang hakbang lamang ang ginawa ni Aaron upang maabot ang
takot na takot na si Clarisse. Nais niyang maawa para sa dalaga dahil pati ito ay
nadadamay pa sa kahibangan ng kanyang kapatid. Bakit kasi hindi pa matahimik ang
kakambal niya. Tahimik na ang buhay nila at handa na siyang lumimot ngunit palagi
pa rin nitong pinapaalala ang aksidenteng iyon sa pamamagitan ng panaginip.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa pagkakaalam na nasa tabi
lamang ang kaluluwa ng babaeng kanyang minahal. Bumalik man ito ay huli na.
Imposibleng magmahal ng isang patay na, isang kabaliwan iyon. 'Oh Victoria bakit
hindi nalang natin tanggapin na hindi tayo para sa isa't-isa? Masakit man isipin
pero iyon ang katotohanan. Siguro ay nakalaan talaga tayo sa iba at hindi natin ito
panahon' kung naroon man ang dalaga'y dasal niyang marinig nito ang kanyang
panalangin.

"Ayoko na Aaron! Ayoko na! I don't deserve this!" niyakap niya ng mahigpit ang
takot na takot na si Clarisse. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay niyang
damdamin para sa dalaga ngunit alam niyang gusto niya itong protektahan at
mapasaya. Mayroong parte ng pagkatao niya ang pinupukaw nito ngunit hindi lamang
niya magawang pangalanan.

"Nandito lang ako Clarisse." hinalikan niya ito sa noo at doon ay kumalma ang
dalaga. Inangat niya ang mukha nito paharap sa kanya at pinunasana ng mga luha
nito.

"Wag kang matakot. Hahanap tayo ng sagot sa lahat ng ito." tumango lamang ang
babae. Bigla na lamang ay parang may nag-udyok sa kanya upang halikan ang dalaga.
He kissed him slowly hanggang sa tumugon na din si Clarisse at humalik rito.
Pakiramdam niya ay para siyang nasa langit habang hagkan ang dalaga. Ngayon lamang
niya ulit naramdaman iyon dahil buhat ng mamatay si Victoria kailanman ay hindi na
siya nagseryoso sa pagmamahal.

"I'm always here for you Clarisse" matapos ang ilang segundong halik ay niyakap
niya ng mahigpit ang dalaga na tuluyan ng kumalma.

***

Noong hapon din na iyon ay nagtungo sila sa isang espiritista na ini-rekomenda ng


Lola ni Clarisse sa kanya. Sinamahan pa mismo sila nito roon. Madilim sa loob ng
munting kubo at sinalubong sila ng isang matandang babae na sa tantiya ni Clarisse
ay nasa otsenta na ang edad nito. Nakatungkod ang matanda at mayroon itong itim na
tela na nakatakip sa kaliwang mata nito. Mapapansin ang katandaan sa pangangatawan
nito ngunit malakas pa.

"Siya si Impong Teresita. Siya ang kilalang albularya dito sa bayan na ito. Impo
siya si Clarisse ang apo ko at ito naman si Aaron." pagpapakilala ng kanyang lola
sa kanila. Agad na lumingon sa kanya ang matanda at pinakatitigan siya nito sa mata
nagdulot sa kanya ng kaba at takot.

"A-ano pong ginagawa ninyo?" nauutal niyang tanong sa matanda na nakatitig pa din
sa kanyang mga mata.
"Minsan ba napaginipan mo na parang nahulog ka?" tanong ng matanda habang nakatitig
pa din ito sa kanya. Kahit naiilang man ay inalala niya kung naramdaman niya iyon.

"O-opo. Paminsan minsan. B-bakit ho?" nagtataka niyang tanong sa matanda.

"Sa tuwing nananaginip ka at pakiramdam mo ay nahuhulog ka sa isang mataas na lugar


ang ibig sabihin niyon ay mayroong kaluluwa na sinusubukang sumanib sa iyong
katawan."

"S-si V-Victoria?" takot na takot na tanong ni Clarisse sa matanda.

"Malapit lang siya sa iyo. Gustong gusto niyang makuha ang katawan mo hija upang
makabalik sa mundong ito. Hinihintay lang niyang humina ang iyong katawan. Ginugulo
ka niya upang humina ang sistema mo at paniniwala hanggang sa makakuha siya ng
malakas na enerhiya upang mapaalis ang kaluluwa mo sa iyong kataawan." napaupo na
lamang si Clarisse at nakaramdam ng matinding panghihina.

"Nandito lamang siya sa malapit hija. Malapit sayo. Napakalapit.

itutuloy...

####################################
Kabanata 22
####################################

Chapter 22

Madilim noon at umuulan habang binabaybay nilang magnobyo ang kalsada. Masaya
nilang pinag-uusapan ang pagplano ng nalalapit nilang kasal ng sa isang iglap na
lamang ay may nakakasilaw na liwanag at maingay na busina ang sumalubong sa
kanilang dalawa.

Kahit nahihilo at masakit ang buong katawan ay pinilit niyang imulat ang kanyang
mga mata ngunit hindi niya ito magawa, ganoon na lamang ang takot niya ng
maramdaman ang sariwang dugo na malayang umaagos sa kanyang mga mata. Pilit siyang
nangapa sa kadiliman hanggang sa mahawakan niya ang isang kamay.

"Russel? Russel! Ayos ka lang ba?!!" niyugyog niya pa ang kamay nito ngunit wala
siyang sagot na natanggap rito. Nilukuban na siya ng takot.

"Russel! Russel magsalita ka! Russel!!" Kung sana ay kaya niyang imulat ang kanyang
mga mata upang malaman kung ayos lang ba ang nobyo. Sumabay na lamang ang kanyang
tahimik na iyak sa ulan na wala pa ring tigil sa pagbuhos.
Nagising si Clarisse mula sa mahimbing na pagtulog na may kirot sa kanyang puso,
dinama niya ang mamasa masa niyang mga mata mula sa mga naipong luha. Sa wakas ay
nakatulog siya ng mahimbing at hindi niya akalain na muli niyang mapapaginipan ang
trahedyang kanyang kinasangkutan noon.

"Ang mga mata ko? Kanino nga ba nanggaling ang mga ito?" kailanman ay hindi niya
inalam kung kanino nanggaling ang kanyang mga mata. Tatlong taon na ang nakakaraan
ng mangyari ang aksidenteng iyon, dead on the spot ang kanyang nobyong si Russel
habang siya naman ay napuruhan ng mga bubog ang kanyang mga mata na siyang naging
dahilan upang mabulag ang dalaga.

Ilang buwan matapos siyang sumailalim sa eye transplant ay nagsimula na rin ang mga
nakakatakot at hindi niya maipaliwanag na mga panaginip. Malabo sa una hanggang sa
luminaw na ang lahat at unti unti ay nagkaroon ng detalye. Hindi maialis sa isip ng
dalaga kung may kinalaman man ang aksidente sa lahat ng nangyayari ngayon.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni muni ay naisipan na rin ni Clarisse ang
bumangon. Sandali lamang siyang nag shower at nagbihis ng simpleng bestida. Agad
niyang tinakbo ang pababa ng komedor at nagpasalamat ng tahimik ng maabutan pa si
Aaron na kasalukuyang nagkakape. Luluwas ang binata sa Maynila upang asikasuhin ang
napapabayaan na nitong trabaho dahil na rin sa mga hindi maipaliwanag na
nangyayari.

"Good morning. Tara na't mag-almusal Clarisse." matamis siya nitong nginitian. Muli
ay nag-unahan na naman sa pag-tibok ang puso niya. Mahal na nga niya talaga ang
lalaking ito. Ang lalaking minahal niya mula pa sa panaginip niya at ngayon
hanggang sa realidad. Ngunit siya nga ba talaga ang nagmamahal kay Aaron o si
Victoria na ginagampanan niya sa panaginip.

"Maaari ba akong sumama sa iyo sa Maynila? Pupunta lang ako sana ako sa Makati
Med." malambing niyang tanong sa binata habang inaabutan siya nito ng kape.

"Ano naman ang gagawin mo roon Clarisse? Ayaw mo bang dumito nalang?" nag-aalala
nitong tanong sa kanya.

"Mas lalo naman hindi ko kaya manatili sa mansion? Huwag kang mag-alala may
aasikasuhin lang ako sa hospital."

"Kung gusto mo ay maaari kitang samahan?" alok ng binata kay Clarisse.

"Ayos lang ba?" walang sandali ang ayaw niyang palampasin na makasama si Aaron.
Wala siyang ideya kung ano ang kakayahan ni Victoria upang kuhanin ang sarili
niyang katawan kaya naman gusto niyang sulitin ang mga panahon na kasama ang
binata. Mahal niya ang binata, walang duda ngunit paano si Aaron? Ano bang
nararamdaman nito para sa kanya? Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa isiping iyon
kaya naman isinantabi niya na lamang ito.

"Oo naman. Samahan mo muna ako sa airport pagkatapos ay tutuloy naman tayo sa
hospital." binigyan na lamang niya ng matamis na ngiti ang binata at humigop na sa
kanyang mainit na kape.
Matapos hintayin makapagbihis ang binata ay umalis na ang dalawa paluwas ng
Maynila. Nagkwentuhan lamang sila ng binata habang nasa biyahe at iniiwasang mapag-
usapan ang mga kababalaghang nangyayari sa kanila. Halos lahat ng mga tao sa
airport lalong lalo na ang nakakakilala sa kanila ay hindi mai-alis sa dalawang
taong magka-hawak ng kamay. Hindi maiwasan ni Clarisse ang mailang sa mga matang
kanina pa sila tinatapunan ng tingin at sa mga bulung bulungan kung ano nga ba ang
relasyon niya sa General Manager ng naturang airport. Sinubukan niyang ialis ang
kanyang kamay sa pagkakahawak ni Aaron ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan.

"Wag mo silang intindihan. Ano bang malay nila kung nagka-developan na tayo habang
nasa bakasyon tayong dalawa diba?" napailing na lamang ang dalaga ng kindatan siya
ni Aaron. Kahit sa simpleng pagkindat ay napapatalon ang kanyang puso na umiibig
para dito.

"Nakakahiya naman kasi ang ginagawa mo. Baka isipin nila na may relasyon tayo diba?
Ang sasama ng tingin sakin ng mga may gusto sayong stewardess, hamak ganda nila
kumpara sa akin."

"Ano naman? Walang tutumbas sa ganda mo lalo na sa mga mata mo." napalingon siya
binata at nais sanang magtanong ngunit binabati nito ang mga nakakasalubong kaya
naman napayuko na lamang siya.

Matapos pumirma ng sandamamak na papeles ang binata ay agad na silang tumungo sa


Makati Med na hindi naman kalayuan sa airport. Pagkarating ay agad niyang hinanap
ang doctor na siyang nag-opera sa mga mata niya. Tatlong taon na ang nakakaraan
ngunit ngayon lamang siya nagka-interes sa taong nag-donate ng mga nito para sa
kanya. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya ngunit ramdam niya na
kailangan ito.

"Good morning Ma'am. Ako po ang sekretarya ni Dra. Nieves magpapalista po ba kayo
para sa check-up?" tanong sa kanya ng sekretarya nito.

"H-hindi. Dati niya akong pasyente. Inoperahan niya ako tatlong taon na ang
nakakaraan, may gusto lang sana akong itanong sa kanya."

"Sige po, hahanapin ko lang ang record niyo at ililista ko na din kayo. Ano nga po
pala ang pangalan niyo?"

"Clarisse Lonzaga." nagbuntong hininga na lamang siya at inayang maupo sa gilid si


Aaron.

"Naoperahan ka sa mata dati? Bakit?" nagtatakang tanong ng binata sa kanya habang


naghihintay silang tawagin ng sekretarya ng doktor.

"Oo. Ak---" bago pa makasagot ang dalaga ay tinawag na sila ng sekretarya upang
pumasok sa loob ng clinic ng doktor.

"Ma'am sabi po ni Doc mauna na kayo." tinanguan na lamang niya ang sekretarya at
pumasok na sa loob. Agad siyang binati ng doktora at pinaupo.

"Clarisse. Kamusta ka na? Kamusta na ang mga bago mong mata?" nakangiting bati sa
kanya ng doktora.
"Ayos naman ho. May itatanong lang sana ako doktora, alam ko namang confidential
ito at may ibang mga donors o pamilya nila na ayaw ipaalam kung sino sila pero nais
ko lang sanang malaman kung sino yung donor ko." tatanungin lamang niya kung sino
ang donor niya pero bakit kailangan siyang kabahan ng ganoon.

"Nakakapagtaka naman na gusto mong malaman ang donor mo? Wag kang mag-alala nasabi
sa amin ng pamilya ng donor mo na kung may oras ka ay dalawin mo sila ngunit kahit
kailan hindi mo naman nabanggit ang tungkol sa donor mo kaya naman hindi na namin
siya sayo nabanggit." tumango na lamang siya. Pagkatapos ng operasyon ay ilang
linggo siyang nagkulong sa kanyang silid at hindi makausap. Ayaw niya noon pa sa
mga mata niya dahil wala na itong saysay pa kung hindi na rin niya makikita pa si
Russel.

"Namatay ang iyong donor sa parehong aksidente na kinasangkutan ninyo. Lulan siya
ng kotse na siyang nakabanggan sa sinasakyan niyo ng iyong nobyo. Ang nais nga sana
ng iyong lola ay ang mga mata na lamang ng iyong nobyo ang ibigay sa iyo ngunit
pareho kayong binulag ng mga bubog. Namatay ang mag nobyong lulan ng kotse na
iyon." pigil ang hininga ng dalaga sa kwento ng doktora. Ang mga taong kinamumuhian
pa pala niya ang dahilan kung bakit muli siyang nakakita.

"Hindi ka na naki-alam pa sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente kaya naman hindi


mo sila nakilala. Kasalukuyan silang nag-aaway noon sa sasakyan at nag-aagawan sa
manibela kaya naman hindi nila napansin ang sasakyan ninyo."

"At ang pangalan nga pala ng iyong donor ay si Victoria Vega." sukat doon ay pareho
silang napatayo ni Aaron na noong una ay tahimik lamang na nakikinig.

itutuloy...
####################################
Kabanata 23
####################################

Kabanata 23

"Sa tingin mo ba mamahalin ka ni Aaron?" nakangising tanong ng kaharap ni Clarisse.


Animo siya nakaharap sa salamin dahil magkamukang magkamuka ang kanilang mga suot.
Simula sa suot niyang maskara hanggang sa kulay pula niyang sapatos. Naghahamon ang
boses ng babaeng kaharap niya.

"Kahit anong gawin mo ako pa rin ang nakikita ni Aaron. Ikaw nga ang kasama niya
pero dahil sa mga mata ko ako pa rin ang minamahal niya." masasabi niyang puno ng
galit ang boses ni Victoria. Puno ng inggit sa buhay na mayroon siya ngayon.

"Ako nalang dapat ang nabuhay! Bakit kailangang ikaw pa?!! Sa ating apat bakit ikaw
pa?!!" tinanggal ni Victoria ang kanyang maskara bakas sa magandang mukha niya ang
labis na inggit.
"Hinding hindi mo makukuha ang katawan ko! Wala ka ng magagawa! Akin 'to! At ikaw?
Patuloy na pagpipiyestahan ng uod ang katawan mo!" sigaw ni Clarisse. Hindi niya
kailangang matakot dahil kaluluwa lang ang kaharap niya. Alo niya sa sarili upang
hindi lukuban ng matinding takot.

"Pasasaan ba't makukuha ko rin ang katawan mo. Bakit hindi si Aaron ang papiliin
natin? Kaunting panahon nalang Clarisse." nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa
pagtawa ni Victoria.

"Natatakot ka na ba? Ako ang pipiliin ni Aaron. Kaytagal niyang hinintay na


makasama ako. Siyempre sino ka ba sa buhay niya? Bakit ikaw ang pipiliin niya?"
tinaasan siya nito ng kilay at muling tumawa.

"Kaawa awang Clarisse. Maganda ka naman at matalino hindi na masama kung mabubuhay
ako bilang ikaw. Pano ka? Hmm. Pagpipiyestahan ka ng mga uod sa hukay ko."
naningkit ang mga mata ni Clarisse sa mga pananakot ni Victoria. At bakit niya
hahayaan na makuha nito ang katawan niya? Sakanya iyon.

"Bakit sa tingin mo ba hahayaan ni Allen na hindi ka niya maisama sa impyerno?


Hindi nga ba't isinama ka niya hanggang kamatayan. Sa tingin mo ba hahayaan niya na
magkasama kayong muli ni Aaron habang siyang sinusunog sa impyerno?! Pwes
nagkakamali ka! Kung kailangan makipag-usap ako sa hudas gagawin ko. Dapat kang
mapunta sa impyerno! Yan ang nararapat sa isang ganid at isang taksil na nobya na
katulad mo!" si Clarisse naman ang napangiti ng mapansin ang takot ni Victoria.
Labis ang obsesasyon ni Allen kay Victoria ang kailangan lang niya ay ang magtiwala
dito.

"Gagawin ko ang lahat makasama lang si Aaron. Maibalik lang ang buhay na dapat
mayroon ako! Ayaw mo ba noon? Makakasama mo na din si Rusell. Makakasama mo na ulit
ang pinakamamahal mong nobyo." magsasalita pa sana siya ng unti-unti ng lamunin ng
dilim si Victoria na may nanlilisik na mga mata.

Pawis na pawis si Clarisse ng magising siya. Agad na bumungad sa kanya si Aaron na


tahimik lamang na nagmamaneho. Hindi pa sila nag-uusap simula ng manggaling sila sa
hospital hanggang sa pag-uwi. Inabot na sila ng dilim sa pag-uwi dahil sa malakas
na ulan na naging sanhi ng matinding trapiko sa NLEX. Nagbuntong hininga na lamang
ang dalaga at napasapo sa kanyang noo.

"Nanaginip ka. Ano iyon?" malamig na tanong ni Aaron sa kanya na seryoso pa ring
nakatutok ang mga mata sa daan.

"Si Victoria." halos pabulong lamang niyang sagot. Mula sa gilid ng kanyang mga
mata ay nakita niyang napalingon sa kanya ang binata ngunit agad din nitong inayos
ang sarili.

"Ang sabi niya matagal mo daw hinintay na makasama siya. At ngayong alam mo na may
posibilidad na magbalik siya ipagpapalit mo daw ako. Sino nga ba ko? Siyempre mahal
mo siya kaya gagawin mo ang lahat para bumalik siya!" hindi na napigilan pa ni
Clarisse ang kanina pa niya pinipigil na mga luha. Napahagulgol na lamang siya sa
isiping iyon. Agad na iginilid ni Aaron ang kotse at pinaghahampas ang manibela.

"Sino ba kayo para isakripisyo ko ang buhay ko para sa inyo?!! Bakit ko naman
iaalay ang buhay ko para magkasama kayo?!!" patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ni
Clarisse. Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari sa kanya sa mga
nakalipas na linggo. Hindi na siya nakapalag pa ng yakapin siya ni Aaron at halikan
siya sa ulo. Unti-unti ay kumalma siya at tahimik na lamang na umiyak.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon Clarisse. Buhay mo yan at kahit sino ay walang
makakaagaw niyan sayo."

"Pero mahal mo si Victoria diba? Chance niyo na'to na magkasama muli? Kaya lang
naman magaan ang loob mo sakin kasi nasa akin ang mga mata niya, kasi nakikita mo
siya sa akin. Diba Aaron?" parang pinupunit ang puso ni Clarisse habang sinasabi
ang katotohanang iyon. Mahal niya si Aaron. Nagising na lamang siya isang araw na
mahal na niya ito. Mula sa panaginip niya'y natutunan na niyang mahalin ang lalaki
at masakit sa kanya na ibang babae ang nakikita nito.

Ngumiti lamang ang lalaki at hinawakan ang mukha niya at umiling na labis niyang
ipinagtaka.

"Oo minahal ko si Victoria. Pero iba ang pagmamahal ko sayo ngayon. Pasensya ka na
kung hindi ko sinasabi sayo Clarisse, noong una denial pa ko dahil nalilito ako sa
nararamdaman ko. Mas lalo ko napatunayan na mahal kita nung malaman ko na gusto ni
Victoria na makuha ang katawan mo. Hindi ko kaya. Hindi ko yang mawala ka." hindi
malaman ni Clarisse kung saan kukuha ng mga salita napangiti na lang siya at
napaiyak sa labis na kasiyahan.

***

"Sana hindi din panaginip iyon." iyon na lamang ang nasabi ni Clarisse sa kanyang
sarili ng umagang iyon. Hinawakan niya ang kanyang labi at inalala ang halik na
pinagsaluhan nila ni Aaron ng nakaraang gabi. Pinaghahawakan niya ngayon ang
pangako nito siya ang pipiliin ng binata.

Matapos magmuni-muni ay bumangon na ang dalaga at naligo. Ngayon ay babalik na siya


sa Maynila upang magtrabaho ulit. Namimiss na niya ang tahimik na clinic nila sa
airport. Tapos na ang pagbabakasyon niya, nagpapasalamat pa rin siya dahil kung
hindi siya nagbakasyon sa mansyon ng mga Reyes ay marahil hindi mabibigyan ng
kasagutan lahat ng katanungan niya tungkol rito. Ngayon ay alam na rin niya kung
sino ang may kasalanan kung bakit namatay ang kanyang nobyong si Rusell. Si Allen
Reyes.

Matapos maligo at mag-impake ay bumaba na ang dalaga sa komedor kung saan


naghihintay si Rowena at Aaron.

"Dadalaw ka minsan dito hija. Sana na-enjoy mo ang pag stay dito sa amin." tumango
na lamang si Clarisse at yumakap kay Rowena.

"Maraming salamat Tita sa pagiging hospitable ninyo. Hayaan niyo at dadalawin ko


kayo."

"Aasahan ko ya hija. Bagay na bagay talaga kayo ng anak kong si Aaron. Alagaan mo
siyang mabuti ha? Ikaw Aaron wag ka mambabae ah?" nagtawanan na lamang silang
dalawa ng mapakamot ng ulo ang binata.

"Oo naman Mama." palihim siyang napangiti ng abutin ni Aaron ang kanyang kamay at
hinalikan ito.

"Tama na nga yan at naiinggit ako. Ang mabuti pa ay lumuwas na kayo at baka abutin
kayo ng rush hour sa EDSA. Mag-iingat kayong dalawa" nagpaalam na ang bagong mag
nobyo kay Rowena. Pasakay na sana siya ng kotse ng mahagip ng mga mata niya ang
babaeng nasa teresa. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita
si Victoria na nakatayo roon at masama ang tingin sa kanya.

"Kahit saan susundan ko kayo." hindi niya alam kung saan ang tinig na iyon at
hanggang sa makaalis sila ni Aaron ay masama pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Ayos ka lang ba Clarisse?" ngumiti na lamang ang dalaga at hindi na pinansin pa


ang kanyang nakita. Siguro'y iisipin na lamang niya na namalik mata lamang siya.

"Kailan kaya mawawala si Victoria. Hindi ko na napaginipan pa si Allen. Natapos ang


lahat ng pagpapakita niya ng malaman ko na ang mga mata ni Victoria ay nasa akin.
Ikaw napapaginipan mo ba sila? O si Victoria?" tanong niya sa binata na nakafocus
lamang ang mga mata sa daan.

Bahagyang nanikip ang kanyang dibdib ng hindi ito magsalita. Naglilihim ba ito sa
kanya? Kung napapaginipan nito si Victoria ay ano naman kaya ang pinag-uusapan ng
dalawa. Gusto niyang magtiwala sa pagmamahal sa kanya ng binata ngunit hindi niya
maiwasan isipin na si Victoria ang Greatest Love nito. Nagawa nitong kalabanin ang
sariling kapatid para lamang sa huli. Hindi pa rin siya kumpiyansa sa sarili na
mamahalin siya ni Aaron higit pa sa pagmamahal nito kay Victoria.

"Bakit hindi ka makasagot Aaron? Anong napapaginipan mo tungkol sa kanya?" halos


nananakit na ang lalamunan ni Clarisse sa sari-saring isipin na gumugulo sa kanya.
Bakit ba kasi unang nakilala ni Aaron si Victoria? Bakit ba kailangang isang patay
pa ang makaagaw niya sa puso ng binata?

"Hindi na mahalaga iyon Clarisse. Ang mahalaga ngayon ay tayong dalawa." nagbuntong
hininga na lamang siya ng hawakan nito ang kamay niya at pisilin. Kitang kita sa
mga mata nito ang nais nitong wag ng pag-usapan pa ang tungkol sa dati nitong
minamahal. "Sinasaktan mo ako ng husto sa ginagawa mo Aaron" nasabi na lamang ni
Clarisse sa kanyang isip at nanahimik na lamang siya hanggang sa makarating sila ng
Maynila.

Nang makarating sa kanyang apartment ay tinulungan siya ni Aaron na ibaba ang


kanyang mga gamit. Kanina pa sila hindi nag-uusap ng binata at wala siyang lakas
upang magtanong dito. Alam niyang masasaktan lamang siya sa katahimikan nito.

"May duty ako mamayang gabi. Mauna ka na sa airport." malamig niyang sabi sa binata
at tumalikod na. Napatigil ang dalaga ng hawakan siya ni Aaron sa kamay.
"Sorry sa kanina Clarisse. Ayoko lang talagang pag-usapan. Pupuntahan nalang kita
sa clinic mamaya, magpahinga ka na muna alam kong pagod ka" yumuko na lamang si
Clarisse at tumango.

"Mauna na muna ako. I love you."

"I love you too." mahina niyang sagot at tinanggap ang halik ng binata.

***

"You're back!! Grabe bumalik ka lang dito jowa mo na si General Manager! Ikaw na
Clarisse Lonzaga!" masiglang salubong sa kanya ni Beth.

"Baliw ka talaga Maribeth." napapailing na sagot ni Clarisse.

"Pero yung totoo namiss kita!!" napatawa na lamang ang dalaga ng gigil siyang
yakapin ng kaibigan.

"I-kwento mo naman pano naging kayo ni GM! Sabi na nga ba bagay na bagay kayo.
Haha. Akalain mo yun dati aso't pusa kayo ngayon akala mo kayo love birds." kulang
na lamang ay mangisay si Beth sa sobrang kakiligan. Sasagot na sana si Clarisse ng
may kumatok sa pinto at bumungad sa kanila ang isang stewardess.

"Hi. Sumakit kasi ang ulo ko pwede bang makahingi ng gamot." agad nilang pinaupo
ang babae at kumuha naman ng paracetamol si Beth sa medicine kit.

"Sige. Inumin mo 'to para mawala na ang sakit ng ulo mo."

"Maraming salamat. Ngayon lang ulit ako napunta dito sa clinic. Kaibigan ko yung
dating nurse dito kaya nga lang patay na siya." agad na nagkatinginan sina Beth at
Clarisse. Nahuhulaan na ni Clarisse kung sino ang tinutukoy ng babae.

"Grabe! Nakakatakot naman! Bakit siya namatay teh?" takot na takot na tanong ni
Beth na napakapit pa sa kanya.

"Naaksidente siya kasama ang boyfriend niya. Si Sir Allen yung boyfriend niya yung
kakambal ni Sir Aaron. Ang sweet ni Victoria at Sir Allen dati. Lagi siyang
dinadalaw dito ni Sir. Halos lahat inggit na inggit sa kanilang dalawa. Kahit anong
pagsubok na dumating sa kanila hindi pa rin sila naghihiwalay. Naku ang daming
naiinggit kay Victoria noon lalo na nung nag propose si Sir Allen sa kanya. Hay
nako. Nagbakasyon sila sa probinsya ni Sir tapos ang balita naaksidente daw ang
dalawa. Sayang nga ang dalawang yun e. Sayang talaga. Atleast magkasama sila
hanggang kamatayan diba? Sorry sa kadaldalan ko ah. Naalala ko lang talaga sila."

"Naku, ayos lang yun girl! Magkwento ka pa sa kanila. Etong si Clarisse pala
katulad ng nangyari kay Victoria. Boyfriend niya si Sir Aaron."

"Talaga?!"

itutuloy...

Wala ng naintindihan pa sa mga pagkkwentuhan ng dalawa at tuluyan na lamang siyang


nilamon ng malalim na pag-iisip.

####################################
Kabanata 24
####################################

Kabanata 24

Tahimik na sinisimsim ni Aaron ang kanyang brandy habang pinagmamasdan ang larawang
hawak niya. Larawan iyon ng unang babaeng minahal niya ng seryoso, ang dahilan
upang kalabanin niya ang sariling kakambal. Si Victoria. Napakaganda ng babae, ang
mga mata nitong kumikinang sa tuwing ngumingiti ito, ang mapupulang labing kaysarap
halikan at ang malambing nitong boses na kaytamis sa pandinig. Napabuntong hininga
na lamang ang binata at sumandal sa kanyang swivel chair.

"Tuluyan na nga bang nawala ang pagmamahal ko sayo?" tanong ni Aaron sa kawalan.

Si Clarisse, nais niyang protektahan ito sa lahat ng mananakit rito, bawat


segundong kasama niya ang dalaga ay para bang dinadala siya nito sa alapaap. Hindi
na niya maitatanggi pa ang nararamdaman para kay Clarisse. Pilit niyang nilabanan
ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan upang mapalapit siya sa dalaga. Naroon ang
pagkakataon na mananatili siyang gising habang nakahiga sa kama dahil sa kakaisip
rito.

Malinaw na ang lahat, kung ano man ang naramdaman niya para kay Victoria noon ay
wala ngunit ano pa ba nga ba ang gumugulo sa kanya sa ngayon? Inisang lagok niya
ang natitira pang laman ng kanyang brandy at naipikit na lamang ang kanyang mga
mata sa labis na kalituhan. Kung may natitira mang alaala ni Victoria sa kanya ay
hindi na niya matandaan pa.

"Aaron." napamulat ang binata sa kanyang na-ulinigan. Isa ba iyong guni-guni o isa
na namang iyong panaginip.

"Aaron." hindi siya maaaring magkamali kung kaninong boses iyon.

"Victoria." mula sa dilim ay lumabas ang babaeng ilang taon niyang inalagaan sa
kanyang puso. Dahan-dahan nitong inalis ang suot na maskara tumambad sa kanya ang
napakaganda nitong mukha at ang matamis nitong ngiti.

"Kaytagal kitang hinintay mahal ko." tumabi pa ito sa kanya at hinaplos nito ang
kanyang mukha. Wala na siyang maramdaman pa na kahit ano para rito. Pinilit niyang
sinubukang lumayo rito ngunit animo siya ipinako sa kanyang kinauupuan.

"Hindi ka ba nangungulila sa akin?" masuyong tanong sa kanya ni Victoria. Ngunit


walang boses ang lumalabas sa kanya, hindi pa rin siya makapaniwala kung sino ang
kaharap niya ngayon.

"Naalala mo ba yung pangako natin sa isa't-isa noon? Na magsasama tayo at magiging


masaya? Heto ako nagbabalik at isusugal ko ang lahat para lang magkasama tayo muli.
Kaunting panahon nalang at mabubuhay na ulit ako. Kaytagal kong hinintay ito mahal
ko. Wala na si Allen sa landas natin at mabubuhay ako bilang si-----"

"Hindi na kita mahal Victoria." sa wakas ay nahanap na rin ni Aaron ang kanyang
boses at buo ang loob niyang sinabi ang kanina pa niya gustong sabihin para sa
dating minamahal. Gusto na niyang tapusin ang lahat ng kahibangan nito. Hindi niya
nakita noon ang kasakiman nito. Pareho lamang sila ng kanyang kakambal. Sakim at
makasarili pagdating sa pag-ibig. Nawala ang mga ngiti ng dalaga at makikita ang
matinding pagpupuyos ng damdamin nito.

"Anong ibig mong sabihin Aaron na hindi mo na ako mahal? Mahal mo pa din ako!
Nalilito ka lamang dahil na kay Clarisse ang aking mga mata. Nandito ako nagbabalik
mula sa kamatayan, hahayaan mo bang sunugin ang kaluluwa ko sa impyerno?!" hinarap
niya ang galit na magandang mukha ng dalaga. Hindi na niya maalala ang Victoria na
nakilala niya noon. Nilamon na ito ng matinding inggit at kasakiman.

"Hindi Victoria. Sigurado ako para sa nararamdaman ko para kay Clarisse. Nakahanap
na ulit ako ng dahilan para mabuhay iyon ay ang makapiling at protektahan si
Clarisse. Akala ko hindi na ako makakahanap ng babaeng higit sa iyo, meron pa pala.
Akala ko katapusan na ang lahat ng mawala ka pero dumating ang tadhana at binigay
sa akin si Clarisse kaya naman hindi ko hahayaan na may kumuha pa sa akin ng
pinakamamahal ko. Nawala ka na, hinding hindi si Clarisse." Nag-aapoy sa galit ang
mga mata ni Victoria. Akala niya'y hawak niya si Aaron sa leeg ngunit nagkamali
ito.

"Pwes sa ayaw mo at sa hindi kukuhanin ko ang katawan ni Clarisse. Sa mga sinabi mo


mas lalo akong nanabik na makuha ang mayroon siya. Hinding hindi ko hahayaan na
maging masaya kayong dalawa Aaron. Pinapangako ko iyan. Kahit ibenta ko pa ang
kaluluwa ko kay Satanas!"

"Aaron! Aaron!" mula sa kawalan ay nag-eecho ang boses ni Clarisse at tinatawag ang
pangalan niya.

"Aaron gumising ka! Aaron!" sigaw pa ni Clarisse. Nakita niya ang lihim na pag
ngiti ni Victoria na sigurado siyang may binabalak itong masama.

"Kung hindi ko lang din naman makukuha ang katawan ni Clarisse bakit hindi nalang
tayo magsama dito sa kabilang dimensyon mahal ko? Hindi ba magandang ideya iyon?"
at tumawa ng malakas ang dalaga habang nang-iinis ang mga mata nito.

"Tigilan mo na ang kahibangang ito Victoria!" sigaw niya. Hindi niya alam kung
paano makakabalik sa realidad ang kaninang opisina niya ay napuno na lamang ng
kadiliman at hindi niya tiyak kung mayroon man iyong katapusan. Ang alam niya
ngayon ay na-stuck siya kasama si Victoria.

"Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon mahal ko? Dito magkakasama pa tayo
habambuhay hindi tulad sa lupa. Napakagandang ideya hindi ba?" pang-aasar pa ng
dalaga.

"Aaron! Aaron gumising ka! Please! Aaron!" gusto niyang malaman kung saan
nangmumula ang boses ni Clarisse ngunit umaalingawngaw lamang ito mula sa kawalan.
Humalakhak si Victoria na puno pa din ng poise habang pinagmamasdan ang kawalang
pag-asa sa mukha ng binata.

"Kawawang Clarisse." muling hinaplos ni Victoria ang dating kasintahan.

"Kawawa naman ang mahal ko. Huwag kang matakot, magiging masaya tayong dalawa
pinapangako ko." masuyong pangako sa kanya ng dalaga. Agad niyang tinabig ang kamay
nito na ikinasama ng tingin nito sa kanya.
"Sa ngayo'y mailap ka pa ngunit pag nagtagal masasanay ka rin sa kadiliman rito.
Hindi mo alam kung gaano kalungkot rito mahal ko, masaya ako at nandito ka na."
naisip ni Aaron kung si Clarisse ang mapapadpad sa lugar na iyon nahihirapan na
siyang huminga. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa babae. Pagkakataon
namang ngumiti ng nakakaloko ng binata ng unti-unting nilalamon ng liwanag ang
kadilim.

"Anong----"

Pawis na pawis ang binata ng imulat niya ang kanyang mga mata, hinahabol pa niya
ang kanyang hininga ng tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mahal.
Agad niya itong niyakap ng mahigpit. Sa tanang buhay niya ay noon lamang siya
nakaramdam ng labis na takot. Hindi takot para sa sarili niya kung hindi para kay
Clarisse.

"Salamat at nagising ka Aaron. Alalang alala ako sayo." Humiwalay ang dalaga sa
pagkakayap at pinunasan ang pawis sa gwapong mukha ng nobyo. Kanina ay labis ang
takot niya ng ilang beses niyang sinubukang gisingin ang binata at hindi tumutugon.
Akala niya'y tuluyan ng hindi ito magigising.

"Tinakot mo ko ng husto alam mo ba yun?" hindi na napigilan pa ng dalaga ang maiyak


dahil sa labis na takot na naramdaman agad naman siyang hinila ng binata at dinala
sa matipuno nitong dibdib at hinalikan siya sa noo.

"Shhh. I'm so sorry my love. Huwag kang mag-alala tatapusin na nating lahat 'to."
Iniangat ng dalaga ang kanyang mukha na may katanungan sa mga mata. Hinawi lamang
ni Aaron ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ng dalaga at
masuyo itong hinalikan sa labi.

"Trust me Clarisse. We'll get over this."

itutuloy...

Dedicated to Kuya Miguelito. Nagbackread po kasi ako ng comments tapos nakita ko


yung sayo. Hehe. Sana po pag nagkatime basahin niyo ulit and feel free po na mag
critic kasi po first time ko magsulat ng Mystery tapos third pov pa. Hindi ako
masyadong confident sa kalalabasan nito. Thank youu po.

BonitaBabyy

####################################
Kabanata 25
####################################
Kabanata 25

"Isa siyang kaluluwa na sabik sa pisikal na buhay na agad na ipinagkait sa kanya.


Takam na takam siya sa buhay na tinatamasa mo ngayon Clarisse. Nais niyang kuhanin
ang iyon upang makabalik sa lupa. Hindi siya nararapat rito, hindi maaaring agawin
ng sinuman ang buhay na inilaan para saiyo." paliwanag ng kakilalang espiritista sa
magkasiklop kamay na magkasintahan.

Ang lahat ng kahibangan ay may katapusan at ngayo'y nais na nila itong tuldukan.
Ang pagtulog ay isang paraan upang ipahinga ang iyong pisikal na katawan at ang
pag-iisip ng isang tao ngunit hindi nila magawa iyon dahil sa paggambala ng
kaluluwa ni Victoria. They couldn't afford of another sleepless night, nais na
nilang matulog sa bisig ng isa't-isa ng payapa.

"Ano po bang maari naming gawin para matapos ang lahat ng ito? Sinunog na naming
lahat ang gamit ni Victoria pero hindi pa rin siya nawawala sa aming panaginip,
minsa'y nga ay nagpaparamdam pa siya." pagsusumamo ni Clarisse sa matanda.
Pakiramdam niya anumang oras ay mawawala siya sa mundong iyon. May parte ng pag-
iisip niya na gustong unawain si Victoria, kung siya man siguro ang nasa parte nito
ay marahil magpupuyos din ang dadamdamin niya kung makikita niya ang pinakamamahal
niya na buhay na buhay at masaya sa piling ng iba habang siya naman ay nakakulong
sa purgatoryo at nag-iisa. She must have a tortured soul.

"Nakalimutan mo na ba Clarisse na nasaiyo ang mga mata ni Victoria? May isang bagay
pa siyang naiwan na hindi mo maaaring sunugin. Isa lang ang paraan na magagawa
natin, kailangan mong matulog ng mahimbing at sa oras na makita mo si Victoria ay
kailangan mong mahanap ang pinto kung saan siya nararapat." makahulugang saad ng
matanda. Muli ay naramdaman na naman niya ang pangungilabot sa ideya ng matanda.

"Ngunit kailangan mo ng ibayong pag-iingat Clarisse, alam mong tuso ang kaluluwa ni
Victoria maaaring ikaw ang itulak niya sa dapat niyang kalagyan at maangkin ng
tuluyan ang katawan mo." sa sinabing iyon ay halos manghina ang mga tuhod ni
Clarisse sa labis na takot. It's a matter of life and death. Ni sa isang apuhap ay
hindi niya naisip na kailangan niyang ipaglaban ang buhay niya sa isang kaluluwang
nais umangkin ito.

Paanong sa iglap ay naging ganito na lamang kahiwaga ang noo'y tahimik at kuntento
niyang buhay. Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon ay marahil ay wala siya sa
ganitong sitwasyon ngunit kung hindi rin dahil roon ay hindi niya makikilala si
Aaron. Pumikit ng mariin ang dalaga at napabuntong hininga, masuyong pinisil ng
binata ang kanyang kamay at sa pagdilat niya ay nakita niya ang pag-asa.

"I love you." he mouthed.

"And I love you too." sagot niya rito. Kung may isa man siyang ipinagpapasalamat ay
ang lalaking nasa tabi niya ngayon.

"Kailan natin gagawin ang orasyon na iyon?" tanong niya sa matanda. Tumikhim ang
matanda at tumayo na sa wari niya ay nag-iisip ng malalim ito.
"Isagawa na lamang natin ito bukas ng gabi. Alas dose ng gabi kung kailan malalim
ang iyong pagtulog, sa ngayon ay umuwi na muna kayong dalawa at magpahinga alam
kong labis na itong nakakagambala sa inyong magkasintahan." nakangiting usal ng
matanda at iginiya silang dalawa palabas sa masikip at nakakatakot nitong tirahan,
sa una'y iisipin mong isa itong bahay ng mangkukulam dahil sa mga kahindik-hindik
na palamuti nito.

"Maraming salamat po." saad ni Aaron na agad naman siyang inalalayan sa paglalakad
dahil pakiramdam niya'y anumang oras ay babagsak siya. Hindi kaya ng isip niyang i-
proseso ang lahat ng mga nangyayari.

"Matalik kong kaibigan ang iyong lola Clarisse kaya wala na kayong dapat
ipagpasalamat." unti-unti ay gumaan na rin ang pakiramdam ng dalaga dahil sa
kasiguraduhan na natanggap niya mula sa matandang babae.

"Hindi hindi ko po makakalimutan ang tulong na ito Lola, nagmamakaawa akong gawin
niyo ang lahat para matapos na ang bangungot na ito sa amin ni Aaron."

The greatest pleasure in life is sleeping but not for Aaron and Clarisse Nang gabi
ding iyon ay sa unit ni Aaron sila tumuloy, they want to spend the rest of the
night with each other, if only they can stay up all night just hugging and kissing.
Takot silang matulog, takot silang mawalay sa isa't-isa. They end up kissing and
cuddling, enjoying every moment they have had. They're just contented in each other
arms.

"Alam mo bang sabik ako noon matulog para lamang makita kang muli? I can feel your
warm skin na para bang totoo lahat. Those dreams came true." paos na kumpisal ng
dalaga habang masuyong tinitigan ang gwapong mukha ni Aaron. Animo sasabog ang puso
niya, hindi mapaglagyan ang pagmamahal niya para sa huli. Nababalutan ng pag-ibig
ang paligid nila at hindi na niya mapigilan ang nararamdaman niya para sa binata.
She really loves him with all her soul.

"Litong lito ako sa nararamdaman ko sa iyo at sa babaeng nasa panaginip ko, unti-
unti na akong nahuhulog sa iyo ng mga panahon na iyon pagkatapos ay may isang
estrangherang babae na bigla na lamang susulpot sa panaginip ko. Nagpapasalamat ako
at iisa lamang kayo. I really love you my lady. I'll be your safety." nais tumalon
ng puso ni Clarisse dahil sa labis na kagalakan. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa
paligid nila and they just couldn't afford to only sit there and staring at each
other.

Mataman na tinitigan ni Aaron ang labi ng dalaga, hindi niya maikukubli ang
nababalot na tensyon sa pagitan nilang dalawa, no words can describe how thankful
he is to have her. Bago pa siya makapag-isip ay masuyo na niyang inangkin ang
nakaawang na bibig ng dalaga. Sa una'y marahan lamang ngunit hindi na niya
mapigilan ang pagpupuyos ng damdamin para sa minamahal, he sucked her lips,
nibbling it.

Halos kapusin sila ng hininga ng saglit silang naghiwalay. Takot siyang mawala ang
dalaga, kung noon ay sa panaginip lang niya ito nahahagkan ngayon ay totoo na ito.
Gusto niyang damhin at kabisaduhin ang bawat parte ng katawan nito na hinahalikan
niya. Mas lalo pang nakapagdagdag sa init ng baga ang impit nitong ungol, ungol na
mas nakakapagdarag sa kanya sa nakakakiliting sensasyon.
Ang pangangailangan niya'y pahirap ng pahirap. Gusto na niyang angkinin ito ngunit
nais din niyang dahan-dahanin ito. He wanted to savor every part of her flesh. He
wanted to hear those sweet moans coming from her. He kissed her temples down to her
neck and lick every part of it. Hindi na niya kayang patagalin pa ang panunukso sa
dalaga dahil ayaw niyang mapahiya rito, nagmamadali nilang hinubad ang saplot ng
isa't-isa. Namamanghang pinasadaan ni Aaron ang hubad na katawan ng dalaga. She's a
Goddess! He grabbed one peak and caressed the other. He groaned. He can't take it
anymore!

"Aaron, take me now. Please?" pagsusumamo ng dalaga. Ibig matawa ni Aaron sa sarili
dahil siya mismo ay kanina pa gustong magsumamo sa dalaga. He granted her wish. He
parted her legs and entered his manhood to hers. Pinahid niya ang ilang luhang
kumawala sa dalaga at kahit nahihirapan ay sinubukan niyang bagalan ang paggalaw sa
loob nito. Para siyang papatayin sa sakit na nararamdaman niya ngunit alam niyang
mas masakit ang pinagdadaanan ng dalaga.

"I love you so much Clarisse! I love you to the infinity and beyond." the shared
sweet mumurs between kisses and thrust until they'd reach their own zenith.

Payapang tumabi si Aaron sa babaeng natutulog sa kanyang bisig, noon niya lang
napagtanto na mahal na mahal niya ang dalaga, he looked at her with so much love
and passion. He kissed her forehead and went to sleep. For the first time they had
a peaceful sleep.

itutuloy...

Pagpasensyahan niyo na if wrong grammar.


####################################
Huling Kabanata
####################################

Huling Kabanata

Sampung minuto bago mag alas dose ay naroon na ang mga gamit na kakailanganin upang
maisagawa ang operasyon. Magkahawak-kamay ang magnobyo habang ang matandang
albularya ay nanalangin.

"Oh amang nagbigay sa aming lahat sa mundong ito, gabayan mo ang kaluluwa ang anak
mong si Clarisse upang magampanan niya ang kanyang misyon, huwag mong hayaan na
sinuman ang makaangkin sa buhay na iyong ipinagkaloob mo sa kanya." pigil hininga
lamang na nakikinig si Clarisse sa sinasabi ng matanda kahit na hindi na siya
mapakali sa takot.
Marahang umihip ang malamig na hangin na nanunuot sa bawat kalamnan niya. It
brought shivers to her spine, gusto niyang yakapin ang sarili ngunit hinigpitan
lamang ni Aaron ang pagkakahawak sa kamay niya na animo ayaw nitong mawalay siya
kahit isang sentimetro man lang mula rito.

Limang minuto bago mag alas dose at unti-unti na siyang iginugupo ng takot at
nerbiyos. Paano kung maisahan siya ni Victoria? Paano kung siya ang mapunta sa apoy
ng impyerno? Naiisip pa lamang niya ang mga posibilidad na mangyari ay nais na
niyang umayaw sa ideyang kinasusuungan niya.

Hindi na siya maaaring tumalikod pa, kailangan ng tuldukan ang lahat ng bangungot
na iyon. She have to fight! Hindi lang para sa sariling buhay kung hindi para na
rin sa pinakamamahal niya. She just can't lose her own life, she can't lose Aaron
as well.

"Handa ka na bang matulog Clarisse?" tinignan muna ni Clarisse si Aaron na masuyong


tumango sa kanya na animo ay binibigyan siya nito ng permiso, mas hinigpitan nito
ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"She cannot take away your own soul, it's yours." nakakaunawang ngumiti na lamang
si Clarisse at tinanguan ang matandang naghihintay sa kanyang pahintulot.

"Kung ganoon ay simulan na natin ang orasyon. Kailangan lamang ay mahanap mo ang
pintuan kung saan nararapat si Victoria pagkatapos noon ay hanapin mo ang pintuan
kung saan ang daan pabalik sa realidad. Oras ang kalaban natin dito Clarisse, huwag
kang makikinig sa lahat ng sasabihin niya sa iyo. Ikaw lamang ang makakatulong sa
sarili mo, palakas ng palakas ang kaluluwa niya." huminga muna ng malalim ang
dalaga bago tumango.

"Opo naiintindihan ko."

"Kung ganoon ay pumikit ka na."

Nagpakawala muna siya ng isang buntong hininga at itinuon ang buong konsentrasyon
sa pagpikit. Narinig niya ang kuko ng matanda na tumatama sa isang kahoy at mayroon
itong sariling rhytmo, iyon ang nagsisilbi upang mapasailalim siya sa hipnotismo.
Maya-maya'y nakaramdaman na siya ng pagbigat ng katawan, iyon na naman ang
pakiramdam na akala mo may dumadagan sa kanya na isang mabigat na bagay paraan
upang mahirapan siyang huminga.

Madilim at nakakatakot. Walang katapusang kadiliman. She's still wearing that


tastefully fine and luxurious gown, inalis niya ang kanyang maskara upang mas
makakita mabuti. Ilang sandali ay nasanay na rin ang kanyang mga mata sa kadiliman.

Sa harap niya ay isang napaka-laking labyrinth. She's not good in mazes, nakakahilo
at nakakalito. Hindi niya alam kung saan dadaan, maraming posibilidad na exit at
kung titignan mo siguro mula sa ere ay napakalawak ng labyrinth na iyon. Luminga
linga siya sa paligid ngunit walang Victoria ang nasa paligid.
"What I'm going to do?!!" sigaw niya sa kawalan ngunit umalingawngaw lamang ang
sarili niyang boses. Hindi ito ang oras para magpanic, hindi siya maaaring gumising
dahil hindi rin naman niya alam kung paano. Saan nga ba ako magsisimula? tanong
niya sa dalaga habang pinagmamasdan ang magka-sangang daan. Damn it! Sana'y noong
bata pa siya ay naglaro na siya ng mazes, pagalit niya sa sarili habang
nagsasalawahan sa pag-iisip.

"I'm just a tortured soul begging for life." napalingon ang dalaga kung saan
nagmula ang boses. Napapugto ang kanyang hininga at nahihindak na tinitignan ang
duguang si Victoria. Marahil ito ang hitsura niya noong namatay, she's wearing the
same gown like hers, iyon nga lang ay puno ito ng bahid ng dugo.

"You can't take my life. You can't replace my soul that easy. It's mine! Hindi mo
ako maaaring ikulong sa madilim na lugar na ito!" she screamed at her praying that
she'll get frigthten but she was wrong.

"It is so easy to be you Clarisse. Akin naman si Aaron una palang! Inagaw mo lang
siya sa akin! Pwes, tignan nalang natin kung sino ang mauuna sa kanya. Paniniwalain
ko na ako ay ikaw. I'm so excited to be with hi---"

"At akala mo naman ay hahayaan ko iyon Victoria? Akin ka lang hanggang uli! Ito ang
kabayaran ng kataksilan mo!" nanlalaki ang mga mata ni Clarisse ng lumitaw sa
kawalan ang duguang si Allen. Hindi siya makapaniwala na napapalibutan siyang ng
dalawang taong matagal ng patay.

"You can't do this to me Allen! Hindi ba't galit ka sa kapatid mo? Hahayaan mo bang
maging masaya siya sa mundo habang ikaw ay narito sa kadiliman?! This is so
unfair!" nagtatagis ang mga bagang ni Victoria. Kung hindi lamang sa kagandahan
nito ay pakiramdam niya ay lalabasan ito ng sungay anumang sandali.

"Hahayaan ko siyang maging masaya sa kanya kaysa sa iyo. Hindi ka maaaring sumaya
Victoria ang dapat sa isang katulad mo ay sinusunog sa impyerno!" parang nalunok ni
Clarisse ang kanyang dila kaya naman hindi na niya magawang sumingit pa sa
pagtatalo ng dalawa, nakita niya ang pagngisi ni Victoria. Hindi niya gusto ang
ngisi na iyon.

"Tignan nalang natin." taas noong pumasok si Victoria sa labyrinth patungo sa


kanang daan, sumunod rito si Allen habang siya naman ay naiwan na nakatulos pa rin
sa kinatatayuan niya. Huminga muna siya ng malalim at pinuno ng pag-asa ang sarili
bago tahakin ang kaliwang daan.

Hindi niya alam kung tama ba ang daan na tinatahak sinusunod lamang niya ang
sariling mga paa, akala mo may sarilli itong pag-iisip dahil dire-diretso ang
paglalakad niya na para bang kabisado nito ang labyrinth. Parang walang katapusan
ang labyrinth na iyon, ilang minuto din siyang palakad-lakad ng bumungad sa kanya
ang isang puting pinto.

"Must be the heaven?" tanong ng dalaga sa sarili niya habang palapit ng palapit sa
puting pinto.

Ilang hakbang na lamang ang lapit niya sa pinto ng bigla na lamang may humila sa
kanyang buhok. Halos masubsob ang kanyang mukha sa lakas niyon hanggang sa makabawi
din siya at hinagilap ang buhok ni Victoria! Iisa lang ang dulo ng maze na iyon at
ito ang pinto pabalik sa mundo! Hindi siya maaaring magpadaig sa lakas ng kalaban.
Buong lakas niyang itinulak ito at binawian ng sampal at sabunot. Kailanman ay
hindi pa siya nakipangbuno ng ganoon ngunit ibang usapan na ito sa ngayon.
Makikipaglaban siya hanggang sa natitirang lakas niya.

"Uunahan mo pa ako ah! Mabubulok ka sa kadilimang ito! Hindi mo alam kung gaano
kalungkot sa lugar na ito habang pinapanood ang mahal mo sa mundo na unti-unting
umiibig sa isang estranghera! That should be me! Ako dapat ang nasa pwesto mo
ngayon! Kailangan mong mabuhay ulit!" buong lakas siyang pinagsasampal ni Victoria.
Napakalakas nito! Hindi na niya kaya pang lumaban pa.

"Stop this craziness Victoria! We're both dead!" sigaw ni Allen habang inaalis ito
mula sa pagkakadagan sa kanya. Hirap man ay pinilit niyang gumapang papunta sa
pinto ngunit napatili siya ng hawakan ni Victoria ang kanyang mga paa.

"Let me go! Let me go!" she screamed in horror. Habambuhay niyang hindi malilimutan
ang bangungot na ito.

"Ayoko! Hindi pwedeng maiwan ako dito! Hindi!" mabilis na tumayo si Clarisse kahit
na nananakit pa din ang kanyang katawan. Mabilis siyang dinaluhan ng sampal ni
Victoria, naging mas mabilis ang pangyayari, ang huli niyang natatandaan ay ubod
lakas siyang itinulak ni Allen sa pinto kung saan ay nahulog siya. Nagtitili siya
sa bilis ng pagbulusok niya. Hinahalukay ang kanyang bituka sa labis na takot
hanggang sa unti-unting nilamon ng liwanag ang kanina'y nababalutang dilim.

"CLARISSE!!" singhal ni Aaron ng hingal na hingal na minulat ng dalaga ang mga mata
nito. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan habang pinapanood ang
pag-ungol ni Clarisse na sa kalaliman ng pagtulog nito. Nais niyang malaman kung
ano ang nasa panaginip nito, kung maaari lamang niyang samahan ito ay ginawa na
niya. Pigil hininga lamang siyang nakikiramdam at naghihintay sa pagbabalik ng
babaeng pinakamamahal niya.

"Thank God! You are back!" sinalubong niya ng yakap at halik ang dalaga. Hindi na
niya mapigilan pa ang mapaluha. Hindi niya maipaliwanag ang saya at galak ngayong
tapos na ang lahat.

"Sa tingin ko'y tapos na ang lahat ng ito. Nagpapasalamat ako at nagbalik ka
Clarisse." inabutan ng matanda ng tubig ang uhaw na uhaw na si Clarisse. Hindi na
napansin ng mga ito ang hindi maipintang mukha ng matanda.

"Nasaan si Victoria?" makahulugang tanong ng matanda sa dalaga.

"Tinulungan ako ni Allen na makabalik dito. Inihulog siya ni Allen sa pinto kung
nasaan ang langit. Hinding hindi na niya tayo magugulo Aaron! Habambuhay na siyang
makukulong sa kadiliman!" mas lalo pang kumunot ang noo ng matanda sa tinuran ni
Clarisse. Alam niyang may mali ngunit ayaw niyang pangalanan ito kaya naman
nakisalo na lamang siya sa kasiyahan ng magsing-irog

"Yes sweetheart. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa." yakap ni Aaron kay


Clarisse, bakas ang tagumpay sa mga ngiti ng dalaga.

Nakatayo sina Clarisse at Aaron sa harap ng dalawang puntod. Lumuhod ang dalaga at
inilapag roon ang dala nilang tulips na siyang paborito ni Victoria.
"Sana mahanap niyo na ang katahimikan ninyong dalawa ni Allen, hindi namin
makakalimutan ang bangungot na iyon." hindi na napigilan pa ni Clarisse ang pag-
alpas ng kanyang mga luha kaya naman agad siyang inihilig ng nobyo sa mga bisig
nito.

"Salamat Allen sa pagtulong mo kay Clarisse, sana patawarin mo ako sa kasalanan ko,
patawarin mo ako dahil humantong pa ang lahat sa kamatayan. Sa susunod na buhay
natin mas magiging mabait na akong kapatid." taimtim lamang silang nanalangin at
masuyong tinitigan ang isa't-isa.

"I love you my Midnight Lover."

"I love you more Aaron." magkahawak-kamay na tumalikod na at naglakad. Bago


tuluyang makalayo ay nakangising lumingon si Clarisse at pinagmasdan ang puntod ni
Victoria.

"May you rest in peace Clarisse Lonzaga. I fooled you and Allen. Hahahahahaha!"

Buong pagmamahal niyang ikinawit ang kamay sa braso ng kanyang pinakamamahal, sa


wakas ay maitutuloy na nila ang pagmamahalan nila. Hindi nga lang bilang si
Victoria kung hindi bilang si Clarisse.

Wakas

You might also like