You are on page 1of 6

!

snjsjaajjajsbbza

memorya

magkalapit tayo. nagkaka-usap. ‘yun siguro ang pumipigili sa’kin.

sa bawat sulok ng lugar na ‘to, ikaw ang naaalala


sa bawat kalsada na nilakaran natin na magkahawak ang mga kamay. mga halakhak habang
nagkekwentuhan. mga imahe natin sa telepono ko.

magkalapit tayo. mga kantang hinandog mo para sa’kin na hindi ko na mapakinggan muli. nakatatak
sa isipan ang malumanay mo na boses habang sinasabi ang salitang “mahal kita”

mahal pa kita. mga memorya mo na hindi kailanman malilimutan.

ako ba talaga?

sa tuwing magkasama tayo. ako ba talaga ang naiisip mo? o hinihiling mo na sana siya ‘yun?

pinilit mo lang ba na gustuhin ako para patunayan sakanya na moved on ka na?

ako ba talaga ang nagustuhan mo? o yung ideya lang na iba na ang gusto mo at hindi na siya?

kabisado ko na elevate

uhaw

ako’y sabik na sabik sa iyong mga yakap


pangungulila sa iyong mga halik
nauuhaw sa iyong mga tula
mundo’y tumigil nang lapitan mo ang aking mukha. amoy mo na kay tamis. baka pwede naman
pagbigyan ang hiling kahit sandali.

pwede bang dito ka nalang ulit sa aking tabi?

what happens when you put sama ng loob in lumpia wrapper?

tangina mo be ambabaho ng bibig nyo, isip bata amputa

“i want to vent to you pero di pumasok sa isip ko because of the issues”

sus ang sabihin mo, hindi kayo ok ng jowa mo kaya ako hinahanap-hanap mo

miss kona kiligin ahahahaha

Nakatulog ako

heto nanaman ako,


umiikot nanaman ang mundo.

isang hawak mo lang sa aking mga kamay


isang ngiti mo lang
isang chat mo lang
isang react mo lang sa post ko.

alam na alam mo talaga kung pa’no ako kunin.

maaring ‘di pa ngayon


pero malay natin
bukas,
sa susunod na buwan,
sa susunod na mga taon
umayon din sa atin ang panahon.

kinakain nanaman ako ng lungkot,


bigla nalang pagdaloy ng mga luha.
hinihiling na sana andito ka upang patahanin ako,
hinihiling na sana andito ka para ipaalala na magiging ayos din ang lahat.
tangina bakit ba ikaw lang ang nagpapakalma sa’kin?

gusto

gusto kong sabihin sa’yo kung gano ko gustong iparamdam ulit ang pagmamahal ko, gustong
maramdaman ang iyong bisig na nagpapakalma sa’kin.

gustong-gusto kong sabihin sa’yo na mahal na mahal pa rin kita, kung gaano mo ako napapasaya
tuwing magkasama tayo, kung paano mo ginulo ang dating tahimik kong mundo, kung gaano ko
kagusto na maging ikaw at ako sa dulo.

ngunit itong mga kagustuhan ko ay mananatiling sa’kin nalang, dahil alam ko naman na wala na
akong lugar dyan sa puso mo.

kathang isip

gusto kong sabihin sa’yo kung gano ko gustong iparamdam ulit ang pagmamahal ko, gustong
maramdaman ang iyong bisig na nagpapakalma sa’kin.

gustong-gusto kong sabihin sa’yo na mahal na mahal pa rin kita, kung gaano mo ako napapasaya
tuwing magkasama tayo, kung paano mo ginulo ang dating tahimik kong mundo, kung gaano ko
kagusto na maging ikaw at ako sa dulo.

ngunit itong mga kagustuhan ko ay mananatiling sa’kin nalang, dahil alam ko naman na wala na
akong lugar dyan sa puso mo.

kathang isip

gusto kong sabihin sa’yo kung gano ko gustong iparamdam ulit ang pagmamahal ko, gustong
maramdaman ang iyong bisig na nagpapakalma sa’kin.

gustong-gusto kong sabihin sa’yo na mahal na mahal pa rin kita, kung gaano mo ako napapasaya
tuwing magkasama tayo, kung paano mo ginulo ang dating tahimik kong mundo, kung gaano ko
kagusto na maging ikaw at ako sa dulo.

ngunit itong mga kagustuhan ko ay mananatiling sa’kin nalang, dahil alam ko naman na wala na
akong lugar dyan sa puso mo.

naging mabuti naman akong kaibigan?

ginawa ko ang lahat


para pasayahin sila,
nariyan ako
kapag kinakailangan nila ng kasama,
sa saya man o sa lungkot.

lagi kong sinasabi sa’king isipan


na ayos lang
dahil nagkamali rin naman ako.

ngunit hindi ko kailanman ginamit


ang kanilang mga sikreto
at kahinaan laban sakanila.
bakit ganito ang kapalit? karapa’t dapat ba ito sa’kin?

i miss this
late night chats,
the laughter,
the deep talks.
you don’t even know
but you’re healing
every single part of me.
namiss kita.

ano ba ang ibig sabihin ng mga titig mo?


mga titig mo na nahuhuli ko dahil palagi akong sumusulyap sa’yo.
titig ba ito na may gustong sabihin,
titig na may ibig sabihin,
titig na wala lang?
titig na ‘di sinasadya?
naguguluhan na ako sobra
dahil hindi ko na mabasa ang mga mata mo.

pwede bang maging deretso ka sa’kin? kung may pag-asa ba, kung nahuhulog ka na ba ulit, kung
gusto mo pa ba akong bumalik, kung gusto mo bang sumubok ulit, kung gusto mo bang simulan ulit
ang lahat na hindi gumana dati.

masisisi mo ba ako?
sa bawat pag sulyap ko sa’yo ay naka tingin ka sa’kin, sa pag hawak mo sa aking mga kamay, sa
paghawi mo sa aking buhok, sa pagbigay mo sa’kin ng pagkain dahil alam mong hindi pa ako
kumakain.

sabihin mo lang, para hindi ako mag mukhang tanga dito na nag aantay sa wala.

at kung mabibigyan lang ng pagkakataon


na mapawi ng yakap
ang bawat puot at sakit
na aking nadarama ngayon,
hindi ako magdadalawang isip
na ikaw ang yakapin nang mahigpit.

at kung dumating man ang araw na talikuran ka ng lahat,


lumingon ka sa’kin.
ibibigay ko ang lahat na meron ako
at hayaan mo sana akong
ika’y yakapin.

“we both fell but i fell harder”


paano ka naman kasi mahuhulog
nang sobra sa’kin,
hindi ko nga masabi sabi ang mga nararamdaman ko,
pero hulog na hulog ako sa’yo.
siguro ay nadadala lang sa takot na
katulad ka lang ng iba,
pagkatapos magpakita ng motibo ay
bigla nalang magbabago,
at bigla nalang maglalaho.

ilang beses na pagtagpo


ng ating mga mata,
iniisip na
“sa akin ka ba talaga nakatingin?”
kasi ako oo.
sa’yo lang naman ako,
sa’yo lang naman ako laging nakatingin.

11:11, balik ka na

You might also like