You are on page 1of 1

Ang pagsusulat ay hindi maikakailang importante sa makabagong panahon.

Ilagay mo ang
iyong sarili sa kung saan ang internet at social media ay hindi pa naiimbento. Sumulat ng
isang liham sa iyong irog o minamahal. Maari kang gumawa ng scenario upang maitatag ang
iyong sulat.

Mahal kong Anton,

Kung nababasa mo na ang sulat na ito, siguro wala na ako sa mundong to. Pasensya ka na kung
nilihim ko sa’yo yung sakit ko, alam ko kasing mag-aalala ka lang, at gusto ko, na sa natitirang araw ko dito
sa mundo, ay makasama ko yung masaya at palabirong ikaw. Tama nga sila, di sapat ang mahal lang natin
ang isa’t isa para mapanatili ang pagsasama. Huwag kanang umiyak, alam mo namang ayoko ng umiiyak
ka, at kung mamimiss mo ko, tingin ka lang sa langit at isipin mo na isa ako sa mga bituin doon. Alam kong
masakit, pero wala e, ito na yung naging kapalaran ko pero wag mo na akong aalalahanin pa, nasa
mabuting kalagayan na ako. Pasensya ka na ha, di ko na matutupad yung mga pangako ko at yung mga
pangarap nating dalawa, pero gusto ko lang malaman mo na patuloy pa rin kitang mamahalin kahit wala
na ako sa tabi mo. At salamat dahil kahit sa konting panahon ay ginawa mo akong isa sa pinakamasayang
babae dito sa mundo. Gusto ko ring malaman mo na wala akong pinagsisihan pagdating sa’yo at ikaw ang
pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Ang tanging hiling ko lang ay sana alagaan mo ang sarili mo, ipagpatuloy mo yung mga pangarap
mo at sana makahanap ka ng babaeng aalagaan at mamahalin ka nang higit pa sa ipinadama ko sa’yo.
Huwag kang magluluksa nang matagal ha, siguro di mo na ako makikita pero nandiyan lang ako sa tabi
mo, babantayan kita. Hangad ko lang ang kaligayahan mo, at magpatuloy ka lang kahit di na ako ang
kasama mo. Ito lang ang tandan mo, mamahalin kita palagi, at sana magkita tayong muli sa susunod na
habangbuhay at doon, maipagpapatuloy na natin ang ating kuwento.

Nagmamahal,

Krizza

You might also like