You are on page 1of 4

ANG HULING TULA NA ISUSULAT KO

PARA SAYO
May 15, 2015kenkulot02

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.


Pangako yan at totoo.
Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba
o kung kasya ba sa isang piyesa,ilang pahina,
ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito
at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Itaga mo to sa bato,
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito..
uubusin ko ang lahat ng salita
na posibleng tugma
ng pangalan mo
o anumang tawag ko sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq,
bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal,
kupal, hayop, p**a, p***ng ina ka ano pa ba..
wala akong pakialam
kung abutin man ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang
dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
hindi mo nga pinansin
ang mga agiw sa dingding,
hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating
sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan
ang mga libro
na nasa tabi ng kama kong
natutulog din,
at tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong niyakap mo ako
nung sabihin ko sayong mahal kita..
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo
sabay sabi na mahalaga ka..
at ako naman tong si tanga,
tuwang tuwa
na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko
na maging mahalaga,
ayaw ko na maging halaga..

Hindi ako antigong salamin


na matagal mo nang pag aari
na tinitignan mo lang
para ipaalala sa sarili mo na maganda ka
ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako telepono mong
dudukutin lang sa bulsa k
apag kelangan mo ng solusyon
sa kawalan mo ng koneksyon
sa mundo mong masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa,
ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako kuwintas na isusuot mo lang
sa piling-piling mga okasyon
kapag meroong mga sitwasyon
na pakiramdam mo ay kulang ka pa
Hindi ako para ibalik
sa loob ng isang kahon
kapag matutulog ka na sa gabi
sa takot na masakal ka sa yakap ko
kapag mahimbing ka na,
o ibalik sa loob ng isang kahon
at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba,
ayaw ko na maging mahalaga..
Ang gusto ko ay mahalin,
Ang kelangan ko ay mahalin..
Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng kape mo sa umaga
tanggap ang tamis at pait,
kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng sarili mong opisina
kabisado kung para saan ang ano,
kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago kong
patalim, silbi, dumi, lihim..
patalim,
silbi,
dumi,
lihim
kelangan ko na mahalin mo ako
gaya ng unan mo sa gabi,

niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit na mainit,
binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip
Ayaw ko na maging mahalaga,
Ang gusto ko ay mahalin,
Ang kelangan ko ay mahalin..
At nagsulat ako noon
para lang mahalin mo ako,
kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko
ang lahat ng salita
na posibleng tugma
ng pangalan mo
Patawad
pero magsusulat ako
para patawarin mo ako..
Dahil minsan
may nakapagsabi saken
na ang taong hindi raw marunong magpatawad
ay hindi makapagsusulat
Kaya mahal
sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon
na magsusulat ako ng tula
para sayo
gumawa tayo ng kasunduan,
Patatawarin kita
pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin
Patawarin
Patawarin
Patawarin

mo
mo
mo
mo

ako
ako
ako
ako

sa
sa
sa
sa

hindi
hindi
hindi
hindi

ko
ko
ko
ko

pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha


pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili
sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal

Gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.


Patawarin mo ako sa
Patawarin mo ako sa
Patawarin mo ako sa
Patawarin mo ako sa
pagmamahal, mahal

hindi
hindi
hindi
hindi

ko
ko
ko
ko

pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit


paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken

Gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako


para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito
at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to
Magsisimula
nakatira.
Magsisimula
Magsisimula
Magsisimula
Magsisimula

ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako
ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
ako uli sa umpisa,
ako uli
ako.

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali


Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo
Iniibig kita, at ubos na ubos na ako.

You might also like