You are on page 1of 2

KARANASAN SA PAGSULAT

Naging mahirap ang aking karanasan sa pagsulat. Noong bata palang ako hindi

madali sa akin ang magsulat ng kahit anong letra. Minsan napagalitan ako ng aking

magulang dahil nahihirapan ako magsulat. Nag-aaral ako sa unang baiting at unti-

unting matuto ako sa pagsusulat. Dahil hindi kami makalabas ng silid aralan kung hindi

kami nakapagsulat ng buong papel na puro pangalan. Mabait naman ang guro namin

kahit nahihirapan kaming mga mag-aaral ng diyan parin siya para ituro sa amin ang

tamang pagsulat.Sa madaling salita pagkatapos ko ng unang baiting marunong na ako

sumulat.

Bakit nga ba mahalaga ang pagsulat? Para sa akin ito ay nakakatulong sa atin

maisulat ang ating nararamdaman at maipahayag ito sa ibang tao ang nais mong

ipabatid. Isa din itong paraan upang makipag kommunikasyon sa ibang tao kahit nasa

malayo man.Sa pamamagitan ng pagsusulat maipapalabas ko ang aking

nararamdaman gaya ng pagsusulat ko sa diary sa mga masasayang pagyayari sa

buhay ko at mga malulungkot na pangyayari. Minsan nga sa mga sinulat ko sa diary at

binalikan ko sa pagbabasa natatawa nalang ako sa mga pangyayari sa buhay ko.

Malaking bagay para sa akin ang pagsusulat ito’y nagbibigay saya sa akin sa mga araw

na malulungkot ako. Ako’y tipo ng taong hindi mahilig magbahagi ng aking sariling

problema sa ibang tao ,kaya nagpapasalamat ako na marunong ako magsulat dahil

malaking tulong ito sa akin tuwing malungkot ako at isusulat ko nalang sa diary. Dahil

mas nais ko pang isulat ang mga panyayri sa buhay ko kaysa ibahagi sa ibang tao.
Ang pagsusulat ay hindi lamang isang uri ng panitikan, kundi isang uri rin ng sining

at agham. Ang pagsusulat ay parte ng ating kultura na nagbabago at nadaragdagan

araw-araw. Kung ang tao man ay makakalimot, may mga sulat para paalalahanan ang

mga tao sa mga pangyayari sa kasaysayan. Kaya pag ingatan natin ang mga akdang

naisulat dahil malaking tulong ito sa atin, pinaghirapan nila ang bawat pagsulat nito at

nagbibigay kaalaman sa atin ang bawat paksa na kanilang isinulat. Naniniwala ako sa

kasabihan “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip.”

Kaya alamin natin kong gaano ka halaga ang pagsulat dahil hindi natin mamalayan na

ang pagsulat ito ay magbibigay kayaman sa ating buhay.

You might also like