You are on page 1of 23

Kulturang pinoy at kulturang

popular
Ano ang kultura?
-itoay ang pagsalin-salin ng mga tradisyon
ng isang grupo ng tao o komyunidad. Sa
Pilipinas, ang kultura ay pinaghalong mga
tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng
mga dayuhang sumakop at ang mga
katutubong Pilipino.
Ang mga awit, sining, kasabihan,
kagamitan, at mga selebrasyon ay ilan rin
sa mga bagay-bagay na bumubuo ng
tinatawag natin na “kultura” Ang lahat ng
lugar sa mundo ay may kani-kanilang
kultura. Ito ang nag sisilbing
pagkakakilanlan ng isang lugar.
Ang kultura ng isang bansa ay
binubuo ng kanyang mga katutubo at
katangi-tanging kaugalian, paniniwala
at mga batas. Sa kultura nakikilala ang
isang bansa at ang kanyang mga
mamamayan.
Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa
pambansang pagkakaisa dahil dito
naipapahayag ang tunay na diwa ng
pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi,
kaugalian at kinamihasang Pilipino ay
nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan
gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula
at epiko.
Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari
itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na
dapat ipamana sa mga sumsunod na
henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating
pananatilihing buhay ang ating mga kultura
sapagkat dito nasasalig ang ating
pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at
kinabukasan.
Ano ang Kultrang Popular?

-Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at


magasin lang ang ating media para malaman kung
ano ang uso, anong sikat at ano ang popular, sa
panahon ngayo, napakamoderno na ng teknolohiya
at napakadali na para sa mga tao na makiuso at
magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media

Ang kultura ay binubuo ng mga
gawaing panlipunan, pagkain, wika,
relihiyon, musika, sining atbp. na
natatangi sa isang pangkat ng mga
tao. Ito ang dahilan kung bakit
sinasabing ang kultura ay
nagsisilbing pagkakakilanlan.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang


paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-
ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa
mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang
kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa
mga modernong produkto ng mga kumpanya at
modernong mga bansa.
Ang kulturang popular ang kadalasang
nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at
kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang
popular ay maaaring teknolohiya, pagkain,
kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng
makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa.
Ayon naman kay Rolanto Tolentino (2004)
ang kulturang popular ay:
• Gumigiya sa ating buhay
• May kapangyarihan na lumikha ng kulang at sobra sa atin
• Hindi libre, nararanasan lang ng mga may kakayahang bumili
at magbayad.
• Malawak ang sakop sa ating kamalayan. Binibigyan tayo ng
bagong pangangailangan at pagnanais.
• Sumasanib sa porma’t ng panitikan na nag bibigay substansya
sa ating kasalukuyang karanasan.
Mga Bagay na Nakaiimpluwensya sa
Kultura

Kaisipang kolonyal – ito ang nalinang sa ating mga Pilipino ng
mga dayuhang mananakop, pagtatangkilik sa kultura ng ibang
bansa, pagkain, sayaw, pananamit, at iba pa.

Rehiyonalismo – ito ang ipinapakita ng mga taong tinatangkilik
ang mga produkto na gawa sa kanilang lalawigan o rehiyon,
pagtatangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
(imported vs local)

Pagtanaw ng utang na loob – isang kaugalian ng mga
Pilipino ay ang tumanaw ng utang na loob sa ibang tao.

Pakikisama – pagkakaroon ng suki ay isang dahilan
kung bakit malakas na tinatangkilik natin ang kanyang
mga produkto.

Pagkamatipid – maraming Pilipino na nais sulitin ang
perang ginagastos sa pagkunsumo, kaya mas maraming
namimili kapag may “sale” sa isang tindahan.
May sinasabing anim na dahilan at
pinagmumulan ng kulturang popular at ito
ang mga:
1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga


tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay
pangangailangan maging maputi, maging diretso ang
buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para
matawag na maganda.
-Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa
mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na
sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone,
camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga
tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante
para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang
produktong ito ay siya namang nagiging sikat at
napapasama sa kulturang popular kinalaunan.
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay

isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal.


Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi
makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin
kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng
mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang
maging uso at gamit na ng lahat.
3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa


mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing
gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang
produksyon o mass production. Ang kulturang
popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng
mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang
halaga.
4. Ginagawa ng tao
-Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular
ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na
personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-
gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa
mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito
ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay,
pampasikat na pang-libangan lamang.
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya

ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano


ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa
kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda,
nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing
nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong
nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik
sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas
napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba
kaysa sa sarili nating kultura.
6. Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng

mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na


nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para
magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na
ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang
sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng
kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging
isa.
Mga Kultura ng Pilipino

Kultura ng pamamanata sa poon



Kultura ng pagdidiwata

Kultura ng pag-uuma

Kultura ng pag-aaliw

Kultura ng pananahan

Kultura ng pagtutol

Kultura ng pagkabansa
Mga katanungan?

You might also like