You are on page 1of 10

SLIDESMANIA.

C
PANITIKANG BATAYAN
HINGGIL SA KAHIRAPAN
Ikalima Hanggang Ika-anim Na Linggo
SLIDESMANIA.C
Ano ang Kulturang Popular?
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang
popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang
kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang
nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-
tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan,
musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda
ngmakakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong
tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili
SLIDESMANIA.C
Pinagmulan ng Kulturang Popular

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante


Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang
pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi,
maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para
matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante
sa mga teknolohiya natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng
wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil
dito,napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga
negosyante para lang matugunan ang pangangailangan naito. Ang
produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang
popular kinalaunan.
SLIDESMANIA.C
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang
latak.Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing
nangyayari ito dahilang masa ay hindi makabili ng
mga kustal at kasuotan namamahalin kaya sila ay
nagkakasya na lamang sa pagbili ng mgadamit at bag na
mura hanggang sa ito na ang maging uso atgamit na ng
lahat.
SLIDESMANIA.C
3. Pangmasa o komersyal na kultura
Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa
mamahaling mgagamit, ang mga mumurahing gamit ay
kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o
mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang
mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng
mga tao sa murang halaga
SLIDESMANIA.C
4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay
ginagawa ng tao - maaaring ng isang sikat na personalidad
na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao,
unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag
na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang
hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.
SLIDESMANIA.C
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang
ebidensyang mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano
ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang
bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at
nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa
ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling
industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto.
Dahil dito, sinasabing masnapapahalagahan natin ang kalinangan
at kabihasnan ng ibakaysa sa sarili nating kultura.
SLIDESMANIA.C
6. Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay
ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na
nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para
magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng
distinksyon ang mataas at mababangkultura, ang sariling
kultura, komersyal at popular na kultura.(lahat ng kultura
ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.
SLIDESMANIA.C
Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring
sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin
namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang
ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang
popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang
na panatilihin pa rin natin at huwag kalimutan ang
kulturang “unique” at sariling atin. Hindi dapat natin ito
hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang
nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.
SLIDESMANIA.C

You might also like