You are on page 1of 2

LAMADORA, Mikaella Paula M.

BSA 2-A
LAMADORA, Mikaella Paula M. BSA 2-A

KULTURANG POPULAR
Ang kultura o mga kalinangan na nararansan natin ngayon ay ang mga pinaghalong impluwensya ng ating mga
katutubong tradisyon at ng ating nagbabagong modernismo. Para sa akin, ang kulturang popular, ay ang mga
kulturang bantog o pasok na pasok sa panlasa ng mga tao na nararanasan lamang sa isang maikling panahon.
Maikling panahon lamang, dahil nakabatay ang pag-ayon ng mga tao base sa panahon kung kalian lamang ito
bantog at nauuso. Isa rin itong makataong paraan nang pagtanggap ng modernismo para maramdaman ng isang
tao ang pagtanggap sa kanila ng nakakarami. Dahil kadalasan ito ang karaniwang binabatayan kung ano ang
maganda at katanggap-tanggap sa lipunan na kinabibilangan natin. Kaya naman ang mga tao ay nagkakaroon ng
aktuwal na pagkonsumo o partisipasyon sa mga modernong produkto na galling sa mayayamang bansa, para
makasabay sa uso at para na rin sa sariling satispaksyon, aliw at ekspresyon. Pagbibigay aliw sa pamamagitan ng
mga nauusong memes at aliw sa pagtangkilik sa mga maimpluwensiyang bansa, pagkain at tao na sikat sa
larangan ng iba’t ibang industriya, katulad ng K-pop, K-drama at Samgyupsal. Gayun din, ang pagbibigay
saloobin at ekspresyon ng sarili gamit ang iba’t ibang moda ng pananamit at pagbili sa ukay-ukay na ngayon ay
patok na patok sa mga pinoy.

You might also like