You are on page 1of 20

Ano Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang


ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano
ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at
magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng
nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba
talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga
ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga


tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami.
Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga
tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay
kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang
kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at
kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay
maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay
ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng
makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng
mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-
ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. 

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang


popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng


isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging
maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa
mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang
gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa
utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang
magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan
bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga
negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito.
Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama
sa kulturang popular kinalaunan.

2. Latak

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak.


Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil
ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na
mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga
damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at
gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga


gamit, ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim
sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang
popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga
kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa


ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan
ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong
napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito
ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis
na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya


ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano
ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa
kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda,
nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing
nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong
nakikitil ang ating  sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa
ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas
napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba
kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga


kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang
ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang
popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang
kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura.
Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at
nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at


sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin
ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin
isaisip na  ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago
kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan
ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito
hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay
depenisyon sa kasalukuyang panahon.
Kulturang Popular
 Leave a comment
        Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan,
halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot
at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng
kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga
akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa
karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero
ano talaga ANG ‘kulturang popular?’

       May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang


popular.’ Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung
walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga
kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga
bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang
paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha
ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang
mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga
restawrans, at ito ay gumagawa angtrend na sinusundan namin.

       Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto


ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa
pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isang
halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay
lumamang ng mas importanteng at mapakikinabangan na bagay. Ito ang
negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung
bakit may mga bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na
binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para lang matutupad ng
kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.

       Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila,


ang kapital ng Pilipinas, ay isang halimbawa – dumadaloy ng maraming
internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming ginaganap
na mangalakal dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang
pagkalantad sa mga internasyonal na produkto. Tumutulong ang nosyon na
laging maganda ang mga dayuhang produkto sa pagkalat ng trend sa lipunan.
Sa huli, dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga iba’t ibang estado ng
buhay. 

       Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng tinatawagang naming kulturang


popular, pero may mas malalim na pananaw na naroroon.

       Hindi pareho ang kulturang popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito.
Kahit na may isang particular na trend, maaring mayroong iba’t ibang
kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing naming
bilang isang ‘kulturang popular,’ ang mga tao ay may sariling pananaw sa
pagkita ito. May iba’t ibang mga kategorya kung saan naming tingnan ang
mga ibang ng mga tao.
       Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng
buhay. Maaring tingnan ang isang tao sa isang partikular na trend depende sa
kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay ang
iPhone. Tinitingnan ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang
normal na telepono at walang masyadong importansya sa kanilang bagay
kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at
nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay bumubigay ng higit pang
importansya at mas lalong silang magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa
ito sa isa sa mas maraming pananaw sa kulturang popular, may kultural na
kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sosyal
na kaalaman. May global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng
dalawa sa ating lipunan katulad sa iHop, isang restawran. Mas maliit ang
kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na apetito
ng mga Pilipino.

       May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya


sa kung ano ang maari naming makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng
kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking kamalayan sa aming
lipunan at ang kulturang naapekto ito. 

Kultura
ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion
paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Ang kultura rin ang humuhubog kung paano
mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo" ang
kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang
natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa
pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang
kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at
makikipagtulungan ang tao sa mundo" ang kultura ay kabuan
ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao
mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa
lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang
humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan
ang tao sa mundo.

Popular
Samakatuwid ang salitang “popular” sa kulturang popular ay
walang ibang pinapatungkulan kundi ang “kasalukuyan”, ang
“ngayon”.

1. [pópiular] Kilala; tanyag sa bayan; kinakatigan ng bayan

Kalinangang tanyag
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang kalinangang tanyag (Ingles: popular culture, pop culture), na
tinatawag ding kalinangang bantog, kulturang popular, kulturang
tanyag, kulturang bantog,kalinangang kinakatigan, o kulturang
kilala, ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin,
mga meme,[1] mga imahe, at iba pang mga penomeno na winawaring
pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na konsensus sa loob
ng pangunahing agos ng isang ibinigay na kalinangan, natatangi na ang
sa kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika-20
daanton at ng lumilitaw at bumabangong
pangunahing global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng
ika-20 daantaon at kaagahan ng ika-21 daantaon. Ang kalipunang ito ng
mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya, ay
tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng lipunan.
Ang kalinangang tanyag ay kadalasang tinatanaw bilang pangkaraniwan
at may kababaan ng antas (sa diwang "bakya" o hindi mataas ang uri)
upang makahanap ng konsensuwal na pagtanggap sa kahabaan ng
pangunahing daloy ng isang kultura. Bilang kinalabasan, sumailalim ito
sa mabigat na kritisismo o pagbatikos ng sari-saring mga napakukunang
wala sa pangunahing daloy ng kultura (higit na ang mga pangkat
na panrelihiyon at mga pangkat na kontra-kultura) na humahatol dito
bilang superpisyal,konsumerista, sensasyonalista, at may katangian
ng korupsiyon o kabulukan.[2][3][4][5][6][7][8][9][10]
Ang katagang "kulturang popular" ay unang naimbento noong ika-19
daantaon o mas maaga pa[11] upang tumukoy sa edukasyon at
pangkalahatang "kakalinangan" o "kakulturahan" ng mga taong
nasa mas mababang antas ng lipunan. Lumitaw rin ito isang talumpating
ipinahayag sa Bulwagang Pambayan ng Birmingham sa Inglatera.
[12]
 Ang kataga ay nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan na bilang
isang kalinangan ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na
nakahiwalay mula sa (at paminsan-minsang laban sa) tinataguriang
"tunay na edukasyon" hanggang sa pagsapit ng hulihan ng daantaong
iyon,[13] isang paggamit na naging naitatag ng kapanahunang nasa
pagitan ng mga digmaan.[14] Ang pangkasalukuyang kahulugan ng
kataga, isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o madla, iyong
natatanging nagsimula sa Estados Unidos, ay nailunsad at tumatag sa
pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[15] Sa gawi sa wikang
Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop culture o "kulturang
pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay maipepetsang
nasa dekada 1960.[16]

You might also like