You are on page 1of 1

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao
na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil
dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang
matugunan ang pangangailangan na ito.

2. Latak

Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na
mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang
sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kung sa mga mahal, ang mura ay kadalasang ginagawa ng maramihan. Ang kulturang popular
ngayon ay ang pagkakapare-pareho ng murang binibili na mga gadget na binibili ng mga tao.

4. Ginagawa ng tao
Ito ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao. Halibawa rito ay ang pag-gaya sa
isang sikat na personalidad. Sa pag-gaya rito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa
mainstream o ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay,
pampasikat o pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum
Sinasabi na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum
na bansa. Kung ano ang mga gamitan na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil
ito ay maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama raw ito
para sa ating sariling bansa dahil unti-unting nakikitil ang ating sariling industriya. Dahil sa
kaisipang ito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa
sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan


Sa tumitinding paglaganap ng globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at
sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para
magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang
kultura, ang sariling kultura, komersyal at popular na kultura.

You might also like