You are on page 1of 6

KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR

Layunin:

1. Makapagsuri ng iba’t ibang kulturang popular ayon sa katangian ng bawat isa.


2. Makilala ang paggamit ng kultural popular bilang negosyo.
3. Maunawaan ang pagiging transgresibo ng kulturang popular sa iba’t ibang kategorya
4. Makagawa ng isang akda at ilalagay sa kanilang sariling social media account.
5. Makapagsuri ng mga nangungunang standard batay sa kategoryang nililikha ng midya
at ang kabalikturang dulot nito sa kulturang Pilipino.
6. Mapapalalim ang pagkilala sa mga pinagmulan ng kultura na dikta ng pangunahing
sentro
7. Makakapagsuri ng mga kulturang popular na likhang nagtatakda ng standard sa
Pilipino.
8. Makikilala ang mga pwersang nagtatakda sa kulturang popular ng mga Pilipino.
9. Maunawaan ang mga kultural na kategorya sa Pilipinas.
10. Malalaman ang kasaysayan, lipunan at modernism ng kulturang popular.
11. Malalaman ang global at lokal na kultura.
12. Matutukoy ang pananaw sa kaibahan ng nasyonal at transnasyonal kultural

KABUUANG TALAKAY:
May katagang support local na hindi lamang sa pakikinig ng kanta at panunuod ng mga palabas
kundi pati rin sa pagtangkilik ng mga produkto pero sa kasalukuyan kapag nagtanong ka kung
ano ang mas gusto nilang sapatos kung gawa ba sa Marikina o Sapatos na may Check logo.
Mas pinipili ang pangalawa. Nga lang hindi lahat kayang bumili at tumangkilik ng ganitong
produkto, kaya susulpot ang bagong makinang babasag sa dating kultura, ang makinang
lumilikha ng mga pekeng produkto na kawangis ang itsura mula sa orihinal huwag lang
tatanungin ang kalidad ng pagkakagawa. Halimbawa kung bibili ka ng sapatos sa SM ang tatak
nito ang isa sa binabayaran mo at hindi natin namamalayang nag-i-endorso na rin tayo ng
produktong tinangkilik sa pagsusuot nito. Susulpot ang mga Class A na produkto na mas mura.
Kagaya rin ng orihinal, tatak lang din ang binabayaran mo. Lalo pang pag-aapuyin ang
pagnanais mong tumangkilik dahil ilalatag sa iyong social media ang mga produkto ng mga idol
nating athlete na para bang kapag sinuot ko ang sapatos ng ganitong manlalaro ay magiging
kasing husay ka nila. Gusto mong magbasketball at maging IN sa iba subalit wala kang pera,
ang mga pekeng produkto ang magsasalaba sa iyo. Sa dulo ang produkto mula sa orihinal at
peke ay malaking bahagi ng kulturang popular dahil naririto ang espiritu ng kita. Sa paksang
ito, makikita natin ang kabuuang konsepto ng kulturang popular.

A. ANG KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR

Para sa pag-aaral na ito, ang kulturang popular ay mayroong sumusunod na katangian:

Ang kulturang popular ay ginagawa para sa kita.

Sa pagpapalaganap ng kulturang popular, walang layuning wagas at dalisay. Hindi ito isang
proyekto ni Rosa Rosal. Ang ugat ng pagpapayabong sa kulturang popular ay para kumita Ang
kulturang popular ay nililikha para bumenta. Sa katangiang Ito, ang kulturang popular ay isang
produkto na may ekonomiyang halaga. tulad ng ibang produkto, na naíkubli na ang lakas
paggawa na ipinaloob dito. Integral sa layuning kumita ay ang pagtangkilik ng pinakamaraming
target na tao, Sa pagkakaroon ng diin sa serbisyong sektor-entertalnment, recreation, tourism–
ng kasalukuyang yugto ng kapitalismo, mas lalong nagkakaroon ng halaga ang kulturang
popular sa paglikha ng mga produktong magtataguyod ng ganitong industriya: fastfood, mall,
information, hotel, restaurant, pelikula, DVD, finance banking airline at iba pa. Ang
kasalukuyang diin ng stratehiyang negosyo ay ang pagpasok ng polítikal na kawastuhan sa
mga tila taliwas na politika ng malalaking establisimento: proteksyon sa kalikasan ng Caltex,
pagsuporta sa musika ng Phillip Morris, pagpapakontest sa panitikan ng Palanca at La
Tondeña. pakontest sa sining biswal at ang pinakamagaling na guro ng Metrobank, anti-droga
ng Jollíbee, pangongolekta ng mga libro para sa mga library ng SM Foundation, Bantay-Bata ng
ABS-CBN Foundation, at iba pa. Ang popular na cause ay ginagamit na rin sa pagbibigay-
prestihiyo sa negosyo

Ang kulturang popular ay transgresibo sa mga kategorya.

Malawak ang sakop ng kulturang popular. Ang henyo ng sistema ay naabot nito ang lahat ng
kultural na kategorya. Ang komiks, halimbawa, ay binabasa ng mga uri. Kung maykaya ka, DC
o animé comics: kung hindi, Aliwan o Hiwaga ng Atlas Publishing Company. Ito rin ay
tinatangkilik ng mga kasarian at sexualidad. Kung lalake, binabasa si Kaptain Barbel bilang
superhero o si Dyesebel bilang isang sex objek; kung babae, si Roberta bilang ulila o si
Dyesebel bilang "kakatwang babae" na nais bigyan ng maternal na pagmamahal. Kung straight,
si Dyesebel ay figura ng pagnanasang maternal at sexual. Kung bakla. si Dyesebel ay figura ng
transformasyon ng aberrant o pagbabawal sa katanggap-tanggap. Si Dyesebel ang sirenang
nakukuha ang lalake kahit na sa kanyang mala-malang estado. Ang komiks ay tinatangkilik ng
iba't íbang politikal na persuasyon-kung hindi mulat, ang komersyal na komiks; kung mulat, ang
mga komiks tulad ng Ibon Ekonokomiks at ng iba pang nongovernmental organizations na may
hayagang politikal na nilalalaman. Ang komiks din ay tinatangkilik ng iba-ibang edad. Ang mga
bata ay naso-socialize sa komiks ng kaklase at cartoons sa telebisyon. Ang matatanda naman
ay may nostalgia ng kamusmusan, kaya na lamang patuloy ang trading ng komiks at cards, ang
pagbili ng kamusmusan sa specialty stores. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy ang
pagtangkilik sa mga antidated na komiks, nagiging collectible items sa hinaharap. Kung gayon.
Hindi lamang kultural na kategorya ang nilalampasan ng kulturang popular, maging ang
kasaysayan ay sinasaklaw din nito. Ang mga lumang komiks, halimbawa. ay nagkakaroon ng
ibang ekonomiya at sentimental na halaga sa parehong henerasyon ng tumangkilik nito.

Ang kulturang popular ay ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya.

Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap.


Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay
maaaring media-print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong
teknolohiya, tulad ng telebisyon appliance o mga ga na voltage ng imported na appliances. mga
branded na damit at sapatos, koleksyon ng anik-anik na nakadispley sa sala o kwarto at iba pa.
Ito ay maaaring kultural na teknolohiya-tulad ng edukasyon at sining. Ang usapin ng teknolohiya
ay isyu ng media: paano ito ipinapalaganap sa mga tao? Bukod dito, ang isa pang isyu ng
media ay mediation: Paano ito namamagitan sa pagdaloy ng impormasyon at teknolohiya sa
pagitan ng tuwirang lumilikha at kumokonsumo ng kulturang popular? Paano nagtataguyod ng
kulturang popular ang mga negosyo't estado sa isang panig, at mamamayan sa kabilang panig?
Ano ang ibinawas at idinagdag ng mamamayan sa kanilang tinanggap na produkto ng kulturang
popular? Ang teknolohiya ang siyang nagpapadaloy ng kulturang popular sa iba't ibang
partikular na kalakaran. Iba ang pagtangkilik ng print ad sa ad sa sinehan. May medium
specificity ang teknolohiyang nagpapadaloy ng kulturang popular na nakakaapekto sa ating
paraan ng pagpapakaranasan. Kung gayon, ang media ay nagpapahiwatig ng paraan ng pag-
technologized sa atin bilang konsumer at sa karanasan ng pagkonsumo. Sa pamamagitan ng
media, ang kapaligiran ng kulturang popular ay nagkakaroon ng imahen na magpapaaninag sa
ideal na afekt (affect) na nais nitong i-project sa prospektibong tagapagtangkilik. Kaya sa
ganitong kalakaran, ang mga espasyo tulad ng mall at squatter colony ay maaaring sipatin
bilang media rin na nagpapaaninag ng angkop na kalakaran ng pag-iisip at pagkilos. Ang
importanteng isipin sa teknolohiya ay ang paraan nito ng pag-mediate pamamagitan sa parating
di-magkapantay na realidad-ang ideal at afektibone realidad ng negosyo at ang parating salat
na materyal na realidad ng mamamayan.

Ang kulturang popular ay pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo.

Ang materyal na realidad ng mamamayan ay paratinang salat sa pamantayan ng ideal. Sa


usapin. halimbawa, ng jeans. kung dati'y ang kaya lamang ng indibidwal ay kadena jeans o
yaong mga patahing kopya ng brand labels, sa kanyang pagyaman ay tumataas din ang
kanyang pamantayan. Kung dumating ang kanyang materyal na kapasidad para makabili ng
Jag o Jordache, ang pamantayang kanyang nais ay nakaangkla na sa Levi's at Guess. At kung
maabot na niya ito. tataas naman ang pamantayan tungo sa designer jeans. Hindi
magkakaroon ng kapanatagan at kaligayahan batay sa akto ng kasalukuyan pagbili. Sa likod ng
utak ng namimili, mayroon pang mas mahal na nakaalpas sa kanyang material na kakayahan.
Ang paglaganap ng fake na t-shirt na naglalaman din naman ng brand at emblems ay hindi
lamang isang akto ng rebelyon sa global na sistemang nagbibigay-halaga sa otentisidad at
copyright. Ito ay pahiwatig rin ng sado-masokistang relasyon ng mga mamimiling hindi makabili
ng tunay. at ng mailap na brand labels. Ang akto ng pagbili ay hindi lamang akto ng
pagpapahiwatig ng kakayahang makabili: higit sa lahat, ito ay akto ng pagkamit ng afekto at
imaheng sinisiwalat ng produkto. Nag-buy in ang mamimili sa parehong produkto at afektong
dulto nito. Ang ganitong katangian ng kulturang popular ay lumilikha rig fetisismo para sa
produkto. Hindi na makakasapat ang anumang pagkamkam ng produkto, tulad ng parating
kulang ang anumang idagdag ni Imelda Marcos sa bilang ng sapatos mayroon na siya. Ang
mismong tao ay nagiging isang fetisistikong objek, isang bagay na pumapatungkol sa di
mapupunan na pangarap para sa sarili. Ang sado-masokismo ang libidinal drive. ang
sikoanalitikal na nagpapadaloy ng projeksyon at pangarap ng indibidwal. para tumangkilık ng
produkto ng kulturang popular. Ang produkto ang nagpapahiwatig. kaya di kailanman
makakapunan, ng kakulangan ng tumatangkilik. At ito ang trahedya, ang balon ng pasakit at
pagdurusa, at kasıyahan, ang ego-ideal ng paghahanap at pagtuklas, ng sado-masokismo.
Ang kulturang popular ay nanggagaling, pangunahin, sa sentro. Maraming aspekto ang
kulturang popular-may folk o gawa ng Kristianong grupo sa kapatagan: katutubo o mga taal na
grupong Filipino: Islamiko o mga tumanggap ng relihiyong Islam: at iba pa. Ang diin ng pag-
aaral ay ang aspekto ng kulturang popular na nanggagaling, sa pangunahin, sa urban na
sentro. Sa politikal. ekonomiya at kultural na kaayusan ng bansa na nagbibigay ng pangunahing
halaga sa sentro, ang mga rehiyon ay nilikha ng namamayaning kaayusan para salaminin ang
imahen ng sentro. Dito sinisimulang ipalaganap at ipatanggap ang uso, ang bebenta at kikita.
Inaakala ng namamayaning kaayusan na kung ano ang "in" sa sentro ay siya ring susunggaban
ng mga nasa rehiyon. Kung humatsing ang sentro, nagkakaroon ng sipon ang lahat, ika nga.
Hindi lubusang angkop ang ganitong pananaw. Ang rehiyon ay espasyo ng aktibong
produksyon ng sarili at nasyonal na identidad. Sa maraming pagkakataon, ang rehiyon rin
ang produksyon ng global na identidad, tulad ng mga partikular na barangay na nagpapadala
ng partikular na pang-overseas contract work. Ang sentro na tinutukoy sa pag-aaral na ito ay
hindi lamang ang mga sentro sa loob ng bansa, kundi ang mga sentro ng urbanidad at
kosmopolitanismo. Ang mga modelo nito'y hindi lamang ang Manila. Cebu o Davao: ang tunay
na pinanggagalingan ng kulturang popular ay nanggaling sa East at West Coasts ng United
States sa historikal na relasyon nito sa bansa bilang dating kolonisador, at Japan. Hong
Kong. Singapore at Middle East sa kasalukuyang relasyon ng mga bansang ito bilang employer
ng mga Filipino overseas contract worker (OCW). Ang uso ay nanggagaling sa iba-ibang
relasyong paggawa at panlipunan kung saan nakapaloob ang maraming Filipino. Ang sayaw na
Macarena ay ipinalaganap ng mga dance instructor (DI) at ng mga Filipino sa Amerika at Japan:
ang shawarma ng mga Filipino na galing sa Middle East: ang Tamaraw-FX taxi ng mga
enterpreneur na OCW: gayon din ang play station, VCD, betamax. Karaoke at iba pa. Ang
sentro ang nagtataguyod ng pamantayan ng urbanidad at kosmopolitanismo. Kung mas
maraming marka ng panggitnang uri, mas urban ang tao. Ang pangangailangan ng libangan at
amenidad sa syudad ang siyang nagtatakda nito. Ang aircon na sasakyan, halimbawa, ay
proteksyon laban sa dumi, polusyon at init ng kapaligiran, at dami ng sasakyan sa syudad. Ang
ganitong pamantayan ng pagiging urban ay dinadala sa kultura ng biyahe sa kanayunan at
kapuluan. Hindi na makatulog kung hindi aircon, nahihilo na sa biyahe kung walang amenidad
ng urbanidad. Kosmopolitanismo naman ang tumutukoy sa afektong sopistikasyon dulot ng
pagkakaroon ng ugnay ng local sa global na pamantayan at pamayanan. Kosmopolitan ang
nilalang kung may dating itong world-class. kung nabahiran ito ng pagkataong internasyonal.
Ang kakatwa sa kasalukuyang kasaysayan ay marami na ang Filipino, bagamat walang
ekonomiyang kakayanan, ang may akses sa internasyonal-maging ang mga NGO. people's
organizations, estudyante at skolar, Ocw. pamilya ng immigrant at iba pa. Sila ang
nagdadala ng mga marka ng kosmopolitanismo sa bansa at global na antas. Ang
pagiging urban at kosmopolitan ay nakabatay sa paghahangad na magkaroon ng
panggitnang uring tínig sa uugnay ng lokal at global. Kabilang din dito ang
pangongolekta ng mga terno at bulgar na bagay na dinidispley sa sala at kwarto. Ang
tila eklektikong koleksyon ng diploma, larawan, souvenir ng kasal at debut, Jollibee at
McDonald give- aways, tiket ng konsert, stationaries, photo stickers at iba pa ay mga
pagtatangkang magkaroon ng urban at kosmopolitan na pagkatao. Pinupunan ng
mga kinolektang bagay ang mga kwento at hangarin ng indibidwal, pamilya at grupo
na hindi hiwalay sa pambansang naratibo ng pag-unlad at pagiging world-class. Ang
mga modelo ng bansa ay hindi rin naman hinubog mula sa panloob lamang na
pananaw. Ang dikta ng International Monetary Fund, World Bank, Asian
Development Bank at World Trade Organization ay may malaki't malalimang papel sa
paghubog ng pag-unlad ng bansa. At hindi ito maihihiwalay sa usapin ng pagpasok
ng aspirasyon ng indibidwal at kolektibo dulot ng kulturang popular.

You might also like