You are on page 1of 2

Lit.

102 KULTURANG POPULAR

Kabanata 1: Ang Kulturang Popular

Inaasahang Matutunan:

a. Nakatutukoy sa kahulugan ng Kultura at Kulturang Popular.


b. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng kulturang pinoy.
c. Nakapagpahayag ng saloobin sa kahalagahan ng pag-aral ng kulturang popular.

Introduksyon

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong
uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na
para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit
kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba
talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala
bilang kulturang popular.Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang
nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular
ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang
kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-
samangkultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga
ordinaryong tao upang maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati narin maipakilala ang
kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? Saan ba ito galing?

Abstraksyon

Ang kulturang popular ay bunga ng modernisasyon. Sa Kanluran, una itong iniugnay sa kulturang
nabuo dahil sa media. Susi sa pag-unawa sa kulturang popular ang tunggalian. Sino ba ang mga may
kapangyarihan sa paglikha ng mga produkto ng media? Sino ba ang tumatangkilik nito? Sa kaso ng Pilipinas,
ang pag-aaral sa kulturang popular ay maiuugat sa panitikan. Nauna sa larangang ito ang iskolar na si
Soledad Reyes. Dahil sa kanya, hindi lamang nalimita sa pag-aaral pang-media ang pagsusuri sa kulturang
popular. Nasakop rin ang mga teksto tungkol sa dyip, pagkain, pelikula, komiks, at nobela (Tolentino at
Devilles, 2015). Mayroong overlap ang kabanatang ito sa ilan pang kabanata, tulad ng kabanata sa tula, sining
biswal, at sanaysay. Mayroon kasing mga tula na nalikha sa pamamagitan ng teknolohiya ng SMS (short
message service) o texting, may mga sanaysay na lumabas bilang blog entry, at ang mga likha nina Pol
Medina at Manix Abrera ay lumalabas na rin sa Internet (sa Rappler matatagpuan ang mga pinakahuling
Pugad Baboy at sa website naman ng GMA News ang mga likha ni Manix). Kung tutuusin, bahagi pa rin ng
kulturang popular ang mga ito. Pero pinili na ibukod sila pangunahin dahil sa anyo. Ang mga blog entry ay
sanaysay, ang mga komik istrip ay sining biswal, at ang mga tula ay tula. Mas mahalagang salik sa pagsusuri
sa kanila ang kanilang anyo, kaysa kanilang elektronikong produksiyon. Sa kabanatang ito, ang mga tekstong
pinili ay iyong mga anyong mas partikular sa kulturang popular. Narito ang screenplay, isang anyo na pekulyar
sa pelikula (Bata, bata... at Naglalayag). Mayroon ding novelty song (Beep, beep), tweets (#pag-ibig), isang
sanaysay tungkol sa pagkain (“Pilipino’y Maaaring Kilanlin sa Pamamagitan ng Kanyang Pagkain”), at isang
sanaysay tungkol sa popular na “kalyeserye,” ang Aldub (“Ang Sinasabi ng Aldub”). Oo, maaaring isama sa
kabanata tungkol sa sanaysay itong huling dalawa, pero ang kanilang pinapaksa ay mas pertinente sa
kulturang popular. Layon ng kabanata na ipakilala sa mga mag-aaral ang kulturang popular sa pamamagitan
ng mga tekstong ito. Inaasahan na maiparating sa kanila na ang mga bagay na kanilang dinaranas sa araw-
araw, tulad ng panonood ng pelikula, pagtu-tweet, pakikinig sa mga awit, at panonood ng telebisyon.
Nakakaaliw na gawain ang mga ito, pero sila ay nalikha batay sa masalimuot na proseso ng pagbibigay ng
kahulugan. Pinag-isipan ng mga manunulat ang pagpili ng mga salita, ang tono, ang tatakbuhin ng kuwento. At
dahil dito, mahalagang sipatin din sila sa kritikal na paraan. Mayroong sining sa paglikha ng mga tekstong
mula sa kulturang popular.

Ang Kultura ay tumutukoy sa:


- Aktibidad ng sangkatauhan
- “Kaparaanan ng tao sa buhay”, ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay –bagay
- Ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan na maaaring Makita sa kanila mga salita, aklat at mga sinulat,
relihiyon, musika, pananamit, pagluluto at iba pa.
- Ang pagkakaroon ng natatanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding
mataas na kalinangan.
- Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na
nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon o pangkat.

KULTURANG POPULAR
Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon:
 Sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa.
 Ang pananaw na mga ito at nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng kaunlaran (ang mga
klasiko).
Ayon sa Oryentasyon ng Kaunlaran:
 Itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang “bakya, baduy at basura”.
 Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami “…ang namamayaning
kultura… ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming mamamayan.”
 Nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…” “…panahon na upang
pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensya ng mga artipak o mga nilikha o
ginawa ng mga kapwa-Pilipinong manliklikha/manunulat…”

Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura


 Pagpasok ng teknolohiya
 Ugnayan ng bumibili at ng may-akda
 Pag-unawa sa karansan
“Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kulturang ay kinakailangang nakasandig
sa malawakang pag-unawa sa konteksto ng kongkretong manipestasyon sa mga pelikula, radyo,
komiks, atbp.”

You might also like